CHAPTER 38
CHAPTER 38
"WE HAVE to go," anunsyo ni Maxwell mayamaya. "We have to go back to the hospital."
Napako ako sa kinatatayuan ko, patalikod sa pinanggalingan ng tinig niya. Dali-dali kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Sa isip ko ay hihintayin ko na lang silang makaalis nang sa gano'n ay walang makakita sa pag-iyak ko.
"Are you okay, Yaz?" hindi ko inaasahang itatanong 'yon ni Maxwell. Mahihimigan ang alinlangan sa tinig niya pero pilit ko iyong binalewala.
"Yeah, of course," hindi ko pa rin nagawang humarap sa gawi niya.
Dinig ko siyang bumuntong-hininga. "I'm...leaving," mahinang dagdag niya.
Nahugot ko ang hininga saka pinigilang maluha ulit. Leave... Hindi ko na mapangalanan ang matinding lungkot sa puso ko. Nasasaktan ako sa katotohanang wala na siya sa 'kin. Nadudurog ako na makitang nasasaktan ko siya. Nalulungkot ako na hindi na ako ang kasama niya, hindi na ako ang nilalambing niya, hindi na ako ang nag-aalaga at nag-aasikaso sa kaniya. Natatakot ako na tuluyan nang mawala ang nararamdaman niya sa 'kin kapag nagpatuloy pa 'to.
Pero paano ko siyang susuyuin kung ganitong umiiwas siya sa 'kin? Paano ko sasabihing nagkamali lang ulit ako? Paano niya paniniwalaang siya talaga ang mahal ko? Paano ko mapatutunayang hindi ko kayang mawala siya? Paano ko maibabalik ang tiwala niya?
Lalo akong naluha sa dami ng isipin na halos mapahawak ako sa sink at humihikbing umiyak nang umiyak. Napakahirap pigilan ng mga luha kapag nasasaktan ka nang sobra-sobra. Pero mas mahirap pa lang pigilan 'yon kapag alam mong ikaw ang nagkamali.
Hinayaan ko ang sarili kong umiyak nang umiyak saka sinikap na mapatahan ang sarili ko.
Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang pagbaling ko ay naroon si Maxwell at deretsong nakatingin sa 'kin.
Para na namang piniga ang puso ko nang makita kung gaano kalungkot ang mga mata niya. May nagsasabi sa 'kin na hindi niya rin gusto na makita akong ganito. May nagsasabi sa 'kin na nasasaktan din siya. May nagsasabi sa 'kin na mahal niya pa rin ako at hindi 'yon nagbabago.
Pero hindi ko mahugutan ng lakas ng loob ang sarili ko para ipangalandakan ang nararamdaman ko. Nakokonsensya ako sa pagkakamaling nagawa ko at hindi ko alam kung paano ko pa 'yong mababawi.
"Papasok na 'ko," mahinang aniya matapos saka nagbaba ng tingin.
"Ingat," 'yon lang ang nasabi ko.
Sandali pa niyang itinuon ang paningin sa gawi ko saka ako tuluyang tinalikuran. Pumatak na naman ang mga luha ko nang sundan ko siya ng tingin. Hindi ko na matandaan kung kailan ko huling nahawakan ang likuran at mga balikat niya. Ang mga 'yon ang paborito kong tingnan sa kabuuan niya, bukod sa mukha. Ngayong ganito ang pinagdaraanan namin, bakit bigla ay gusto ko iyong yakapin.
Unti-unting lumabo si Maxwell sa paningin ko nang mapuno ng luha ang mga mata ko. Pero luminaw iyon nang humakbang si Maxrill papunta sa harapan ko para wala na akong ibang matanaw bukod sa kaniya.
Sandali akong napatitig sa kaniya saka bahagyang yumuko. Pinunasan ko ang mga luha ko nang paulit-ulit saka nag-iwas ng tingin. Nakita ko sa gilid ng aking paningin ang paghakbang niya palapit, maging ang pag-alok niya ng panyo sa akin. Doon nahulog ang paningin ko nang lumingon ako. Wala pa man ay naluluha na naman ako nang tanggapin 'yon.
Matunog siyang bumuntong-hininga saka tinanaw ang pag-alis ng kapatid. Marahan kong inalis ang paningin sa kaniya at tinanaw rin ang paglayo ng sasakyan ni Maxwell. Bigla ay hinawakan ni Maxrill ang kamay ko at bago ko pa siya matingnan ay hinila niya na ako.
"Hey, where are you taking me?" para akong batang umiiyak.
Pero sa halip na sagutin ako ay hinila niya ako hanggang sa makalapit kami sa madilim na parte ng dalampasigan. Pinunasan ko ulit ang mga mata ko gamit ang panyo niya. Napangiwi ako nang makitang Louis Vuitton nga iyon pero may burda ng pangalan niya, kompleto pa! Gusto kong ibato pabalik sa kaniya.
Parang bata!
Natigilan ako nang maamoy kung gaano kabango iyon. Pinaghalong amoy ng perfume at telang bagong plantsa. Naramdaman kong maayos-ayos na ang pakiramdam ko, kahit papaano, dahil kailangan.
"You have to make up your mind, Yaz," hindi ko inaasahang gano'n ang sasabihin niya.
Napalingon ako sa kaniya at napatitig, bahagyang humihikbi. Marahan niya akong nilingon at sa unang pagkakataon ay nahawigan ko si Maxwell sa kaniya. Para silang karera na naghahabulan ng itsura. Kung gwapong-gwapo iyong kuya, hindi pahuhuli itong bunso.
Natural ang masungit na dating ng mga mata ni Maxwell, bukod sa parating nakakunot ang kaniyang noo. Habang si Maxrill naman ay expressive ang mata. Kahit galit ay para bang tuwang-tuwa. Ang kilay nila ay parehong makapal, walang direksyon. Ang ilong nila ay pareho ring matangos, may kanipisan lang ang kay Maxwell. Mas manipis ang labi ni Maxwell pero perpekto ang korte ng kay Maxrill. Pareho silang may kanipisan ang mukha, katamtaman ang haba. Pareho ring bagsak ang pantay at pinong buhok. Parehong matangkad bagaman lamang iyong panganay.
Pino kung kumilos si Maxwell, gano'n kaingat, parang lahat ay sukat. Habang si Maxrill naman ay may kaunting gaslaw at basta-basta kung gumalaw. Iyon nga lang, hindi ko sila nakitang clumsy. Nakakatawa na para bang pati iyon ay pinag-aralan nila.
Kung itsura ang pagbabasehan, hindi maitatangging gwapong-gwapo silang pareho. Sa dating pa lang ay mahuhulog na ang kahit na sino. Sayang mahahalata ang agwat ng kanilang edad. Hindi maitatangging si Mxwell ang nakatatanda sa kanilang dalawa. At kung itatabi ako kay Maxrill, kahit sino ay masasabing mag-ate kami.
Kakatwang napakarami nilang parehong katangiang pero gano'n din karami ang pinagkaiba. Hindi ko maipaliwanag.
"We're all hurting, Yaz," dagdag niya. "Hindi lang ikaw, hindi lang siya, hindi lang ako, lahat tayo."
Napatitig ako sa kaniya at wala pa man ay naluluha na naman ako. Gusto ko na namang mag-sorry. Kasi sa totoo lang, may parte sa 'kin na iniisip na ako ang lubos na nasasaktan sa nangyayari. Binubulag ako no'n na hindi ko na magawang intindihin ang nararamdaman nila. Na akala ko ay ako lang ang nakararamdam ng sakit. Na kung nasaktan at nasasaktan ko man sila ay hindi 'yon kasintimbang ng sakin.
Gusto kong mahiya. Mas matanda ako sa kaniya pero parang mas nakakapag-isip siya nang tama.
"You have to pick, is it me or him?"pakiramdam ko ay tinanong ni Maxrill iyon habang nasasaktan.
Napatitig ako sa kaniya, nakaawang ang labi. "Alam mong noong umpisa pa lang ay siya na, Maxrill." Wala akong ibang paraan para masabi ang totoo nang hindi siya dinideretso. "Hindi nagbago 'yon."
Nakita ko siyang lumunok. Nag-iwas siya ng tingin na para bang hindi ko makikita ang damdamin niya. Gayong sumisigaw ang sakit na nararamdaman niya.
"My love for him is passionate, Maxrill,"nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko. "Mahal ko siya kahit na nasasaktan ako sa 'ming dalawa."
Tiningnan ko siya ng deretso. Sa paraan na wala man akong sabihin ay makita niya ang paghingi ko ng tawad.
"Aaminin kong may mga masasayang sandali tayong magkasama, na hindi ko naramdaman sa kaniya," pag-amin ko. "Totoong masaya ako noong isinayaw mo 'ko sa ilalim ng buwan, sa tabi ng dagat. Napakasaya ko no'n, Maxrill."
Naroon ang pag-asa sa mga mata niya nang salubungin niya ako ng tingin.
"Pero sa loob-loob ko ay hinihiling kong sana...siya ang kasama ko. Na sana siya ang kasayaw ko. Na sana ay siya ang nakapagpaparamdam sa 'kin ng saya na 'yon,"patuloy ko, dahilan para mawala ang pag-asang nabuhay sa mga mata niya.
Nagbaba ng tingin si Maxrill at kahit hindi niya aminin ay alam kong nasaktan ko siya sa ginawang pag-amin. Nasasaktan din ako sa katotohanang ginawa niya 'yon para mapasaya ako. Wala siyang ibang intensyon kung hindi ang iparamdam sa 'kin kung ano ang sa tingin niyang karapat-dapat kong maramdaman. Pero hindi niya mapupunuan ang kakulangan na nararamdaman ko dahil ang pagmamahal ko ay wala sa kaniya.
"You're always there to save me, hindi lang isang beses kang dumating para sagipin ako, saluhin ako..." Tumitig ako sa kaniya. "Pero sa kabila no'n, hinihiling kong sana ay si Maxwell ang gumagawa no'n. Pero wala siyang oras, e. Bukod sa hindi siya pwedeng mapahamak nang dahil lang sa 'kin."
Bigla ay mapait akong tumawa. "Para akong tanga, 'no? Para ko na ring hiniling na mapahamak ulit. Idadamay ko pa si Maxwell."Nagbaba ako ng tingin.
"Believe me, he can do everything for you. He's busy, not weak. I saved you, twice, thrice...," kibit-balikat niya. "But my brother saved thousands of people," nakangiwi, tila natawa pang aniya. "But he's not always free, Yaz. We have different kind of priorities. Ours just happened to be a little less than his."
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at hindi ko naiwasang humanga. Hindi ko inaasahang sasabihin niya 'yon. Magkaribal sila ni Maxwell sa akin pero pareho nilang binubuhat ang isa't isa kapag kaharap ako. Hindi nila sinisiraan ang isa't isa.
"Was there ever a chance you believed in my feelings for you, Yaz? Did you believe me when I say I love you?" mayamaya ay dagdag niya. "Or maybe not," saka siya ngumiti sa kawalan. "Maybe there wasn't a time I made you believe in it. Because if you did, maybe that'll make you change your mind. Maybe you'll choose me."
Muli akong nagbaba ng tingin, hindi malaman ang sasabihin. Alam naming pareho na kahit anong mangyari, kahit anong gawin ng sino man sa amin, si Maxwell ang mahal ko.
"I can take you everywhere in the world. But I know that'll never make you happy,"emosyonal niyang sabi. "I can buy you everything. But that will never satisfy you. I can give you all my time," mapait siyang ngumiti. "But that will not make you love me."
"I'm so sorry, Maxrill," nagbaba ako ng tingin.
"I got a text from him that night, when we were on our way back. He said fuck you in Korean." Humalakhak siya. "Right there and then, I knew he saw us."
Humarap siya sa dagat at muling tinanaw ang buwan. Ngumiti siya na para bang inaalala ang ginawa namin nang gabing iyon.
"When we got outside your building, I saw his car, parked," natatawang patuloy niya. "I didn't come with you because I'm afraid he'll get mad and punch me."
Nagugulat akong tumingin sa kaniya. Natatawa niya akong nilingon pero nabasa ko ang lungkot sa mga mata niya.
"He can seriously knock me out with just one punch, Yaz," muling aniya, natatawa, hindi malaman kung seryoso o nagbibiro. "Then he came to my house," bigla ay sumeryoso siya. "I really thought he was going to punch me but he just sat down there and cursed me. Well, of course, in Korean. He then asked for a beer and ordered me to sit down and talk."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Ako man ang nasa sitwasyon ni Maxrill, aasa ako na gaganti siya ng sakit. Na dahil sinaktan ko siya ay ibabalik niya sa 'kin iyong sakit.
"I told him everything," nagbaba siya ng tingin. "He asked me if I mean it and I said yes."
"Damn it," naihilamos ko ang palad ko sa mukha.
"He asked me if that'll make me happy and I said yes. He asked me if I can make you happy and I said..." tumitig siya sa 'kin saka malungkot na ngumiti. "Yeah, but not the way he can."
Lumaylay ang mga balikat ko. "Maxrill,"nakahinga ako nang maluwang sa sinabi niya.
Nilingon niya ako at saka malungkot na tumitig sa 'kin. "I can't give you up just yet, Yaz,"umiiling niyang sabi. "But I want you to tell me if I have a chance or not. If I should give up or..."
"Move on, Maxrill," sinabi ko 'yon na para bang gano'n 'yon kadali. "You have to move on dahil hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo." Malungkot kong sinabi. "Masaya akong kasama ka, totoo 'yon. Hindi ko ipagpapalit kahit saan 'yong saya na ipinaramdam mo sa 'kin no'ng gabing 'yon."
Nagbaba siya ng tingin saka napapailing na nag-iwas ng tingin. Ayaw niyang makita ko siyang maging emosyonal.
"Ang totoo, tinanong ko rin ang sarili ko kung may nararamdaman ba 'ko sa 'yo," pag-amin ko dahilan para lingunin niya muli ako. "Pero sa t'wing maaalala ko 'yong ginawa ko..." umiling ako nang umiling. "Gusto kong magalit sa sarili ko dahil para na kitang kapatid. Walang oras na dumaan na hindi ko naiisip kung paano tayo sa nakaraan, Maxrill. Kung paano kitang inalagaan bilang bata. I'm sorry," nagbaba ako ng tingin dahil alam ko kung gaano niya kaayaw na balikan 'yon.
Naiintindihan ko kung paano magiging masakit sa kaniya ang katotohanang hanggang doon lang ang tingin ko sa kaniya. Pero kung hindi ko sasabihin 'yon ay lalo ko lang siyang paaasahin.
"Please let's end this here, Maxrill,"nakatungo kong sinabi. "You deserve someone better."
Natahimik siya at natuon ang paningin sa malayo. Pabuntong-hininga ko siyang tiningnan saka ko natanaw mula sa malayo si Dainty.
"Alam mo...bagay kayo ni Dainty," bigla ay tukso ko.
Nagugulat niya akong nilingon. Nakita kong umarko ang kilay niya hanggang sa sumama ang tingin sa 'kin. Napaatras ako saka nagpigil ng tawa.
"Fuck, not after breaking my heart, Yaz. Please."
Inis ko siyang nilingon at aasarin ko sana siya uli pero gano'n na lang ang konsensya ko nang makita ang lungkot sa mga mata niya. Napabuntong-hininga ako saka tinapik ang balikat niya.
"I will always be here for you, Maxrill,"pang-aalo ko.
Inihatid ako ni Maxrill sa bahay bago pa lumalim ang gabi. Pareho kaming tahimik sa sasakyan at animong nag-iisip. Ako ay paulit-ulit na binalikan sa isip ang lahat ng napag-usapan namin ni Maxrill maging ni Keziah.
Nang oras din na 'yon ay gusto kong puntahan si Maxwell para makausap siya pero pinigilan ko ang sarili kong gawin 'yon. Naisip kong mas mabuting hayaan ko na muna siya dahil kailangan ko ring mag-isip. Gusto kong ako mismo ay masagot ang sarili tanong kung bakit ko hinayaang halikan ako ni Maxrill. Kailangang matukoy ko ang sariling dahilan kung bakit ko siya hinalikan. Para kung sakaling magkaharap kami ni Maxwell, mas maipapaliwanag ko na nang ayos ang sarili ko.
"Good morning, Maxwell!"
Nagulat si Maxwell sa malakas na pagbati ko nang makapasok siya sa trabaho kinabukasan. Natawa siya saka nakamot ang sariling sentido.
"What are you doing there?" aniya na hindi tumitingin sa 'kin.
Palihim akong bumuntong-hininga. Hindi pa rin ba talaga niya ako titingnan? Pero sa halip na malungkot ay pinilit kong magpakasigla.
"I'm waiting for you, of course."
"Do you need anything?"
"Nope," ngiti ko. "Gusto lang kitang makita."
Natigilan siya, nabawasan ang ngiti saka pinulot ang charts na naroon sa station. Nagsimula siyang magbasa at hindi na nasagot ang huli kong sinabi.
"Nag-breakfast ka na?" tanong ko.
Bumuntong-hininga siya. "Napuyat yata si Wilma sa inyo, hindi niya 'ko nalutuan."
"Oo nga, anong oras na rin kami nakauwi." Gano'n na kami kakaswal mag-usap, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
"I'm going downstairs later. Have you had your breakfast?" naroon lang sa charts ang tingin niya.
"Hindi pa rin. Naisip ko kasi kanina baka masabayan kita." Pinagdunggol ko ang mga braso namin, nang-aasar.
Natigilan siya at tumingin sa braso naming nagdikit. Bumuntong-hininga uli siya saka isinara ang chart na kaniyang binabasa.
"Let's go downstairs, then," anyaya niya saka pinangunahan ako. Aligaga naman akong sumunod.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Maxwell, pinauna niya rin akong sumakay sa elevator. Pero hindi siya tumatabi sa 'kin. Parati siyang nauuna sa 'kin, naglalaan ng distansya sa pagitan naming dalawa.
"What do you want to have?" aniya na ang paningin ay nasa menu. "One tapsilog for me, please," aniya sa server.
"Make it two, please!" magiliw kong sabi.
"Two bottled mineral water, please," dagdag niya saka itinuro sa 'kin na mauna na sa mesa.
Naghanap ako ng bakanteng mesa saka naunang maupo ro'n. Nakangiti naman siyang sumunod bagaman hindi pa rin natutuon ang paningin sa 'kin. Nakangiti ko rin siyang pinagmasdan habang nakatitig siya sa kamay niyang magkahawak.
Magsasalita na sana ako nang dumating ang server at ilapag sa mesa ang orders namin. Gano'n na lang ang gulat ko nang nakabalot ang isa. Natitigilan akong nag-angat ng tingin sa kaniya nang kunin niya iyong nakabalot saka tumayo.
"Enjoy your breakfast, I'll go ahead," ngiti niya saka naglakad papalayo.
Sumama ang loob ko pero pinigilan ko 'yon. Hindi ako doon susuko. Kailangang maalala niya kung gaano ako ka-consistent. Hindi pwedeng mawala nang tuluyan ang nararamdaman niya.
"Good morning, Maxwell!" mas magiliw kong bati kinabukasan.
Hindi gaya kahapon, hindi siya nagulat ngayon. Nakangiti siyang sumulyap sa gawi ko, nang hindi nagtatama ang mga mata namin.
Masakit sa pakiramdam na hindi na natutuon sa 'kin ang paningin niya. Mas masakit na hindi niya na ako magawang tingnan sa mga mata. Pero ang pinakamasakit ay ang katotohanang natatagalan niya 'yon.
"Good morning, Yaz."
"Dinalhan kita ng breakfast," sabi ko saka isinabit ang kamay sa braso niya para akayin siya sa pantry.
"Wow," sinsero ang pagkamangha niya nang makita iyon.
Ginaya ko ang packed lunch ng mga Korean na nakita ko sa internet. Pero sa halip na Korean food, 'yong available lang sa kitchen ang nai-prepare ko. Ginaya ko na lang ang itsura ng baon nila. May egg rolls, SPAM at kung ano-anong pinakuluang gulay at hiniwang prutas.
"Open mo 'yong rice, dali," excited kong sabi. Naupo ako sa mesa para magpantay ang paningin naming dalawa, bagaman panay ang iwas niya.
Bahagya siyang sumulyap sa gawi ko saka binuksan ang tupperware. Napalo ko siya sa braso bago ko pa makita ang gulat sa mukha niya.
"Ang cute, 'di ba?" pinangunahan ko na siya. "I...L...Y..." binasa ko ang bawat egg rolls na pinorma ko sa mga letrang iyon, proud na proud. "Hulaan mo kung ano ang ibig sabihin niyan siya," ako ang kinilig sa sarili ko, nakakaloka.
Nakangiti akong tumingin sa kung saan habang naghihintay ng sagot niya. Kaya gano'n na lang ang gulat ko nang magsalubong ang mga mata namin nang ibalik ko sa kaniya ang tingin.
"I love you," sagot niya.
Kaswal lang naman 'yon pero bakit ang lambing ng dating sa 'kin?
Naramdaman ko nang mawala ang ngiti sa labi ko nang matigilan. Napakurap ako ng ilang beses at bigla ay hindi ko na matagalan ang tingin niya.
"Irresistable...Loving...Yaz, dapat 'yon, Maxwell," mahinang sabi ko. Wala sa sarili kong nahawakan ang labi ko, kinilig bigla. "'Ayon..."
Ngumiti siya saka umiling. Nakagat ko ang labi ko dahil natural na natural ang ngiti niya. Hindi iyong kaswal, natural talaga. Katulad noong mga panahong maayos pa ang lahat sa 'min.
"I miss you, Maxwell," bigla ay emosyonal kong sinabi. Gano'n kabilis akong pinangiliran ng mga luha.
Gano'n din kabilis na rumehistro ang lungkot sa mga mata at kabuuan ng mukha niya. "I miss you, too."
"And I love you, I really do," maagap na dagdag ko.
Kinuha ko ang kamay niya at pilit iyong inihahawak sa pisngi ko pero gano'n na lang katindi ang pagbawi niya. Lalo pang lumungkot ang mga mata niya at iniiwas 'yon.
Napapahiya akong tumikhim, hindi na sumubok. "Sana this time kainin mo naman. Magtatampo talaga ako, sige," biro ko para hindi masira ang mood niya.
"What do you mean?" nalilito niyang tugon.
"Psh," sumimangot ako. "Hindi mo kinain 'yong huling pagkain na niluto ko para sa 'yo,"ngumuso ako.
Nakita ko nang mangunot ang kaniyang noo. Ang paningin niya ay naroon sa ibinaon ko para sa kaniya.
"Pinaghirapan ko pa man ding lutuin 'yon. Gumising ako nang maaga para magluto para hindi ako ma-late sa trabaho..." Tapos makikita lang kita kasama si Keziah, may pabewang ka pa... Hindi ko na itinuloy ang huling naisip.
"Inubos ko 'yon," seryosong sabi niya, nakababa ang tingin sa rice na may ILY.
Umawang ang labi ko. "Kinain mo...e, bakit naabutan ko kung saan ko iniwan?"
"Did you check it?"
"No. Kasi akala ko..."
"Tsh." Inabot niya ang kutsara na nasa bandang likuran ko. Dahilan para halos magkadikit ang mukha namin. Pero dahil nasa kutsara ang tingin niya, hindi niya na naman nasalubong ang tingin ko.
Hindi ko inaasahang mauupo siya sa mismong harap ko. Nagbabanggaan ang hita at tuhod ko at balikat niya.
Gusto ko biglang ma-guilty. Hindi ko chineck ang basket na pinaglagyan ko ng pagkain niya no'n. Ang totoo ay hindi ko na binalikan at hinanap 'yon. Kung sinong nagtapon no'n ay hindi ko alam, basta ko na lang hindi nakita ang basket at lahat ng laman niyon kinabukasan. Dahil hindi man lang nagbago ang pwesto no'n, inisip kong hindi niya ginalaw. Nawala sa isip ko ang pagiging OC niya.
"Maxwell..." mayamaya ay pagtawag ko.
"Hmm?" nanlamig na ang tinig niya dahilan para kabahan ako at panawan ng lakas ng loob.
Matagal akong tumahimik bago nagsalita, "Galit ka pa ba sa 'kin, Maxwell?"
Bumuntong-hininga siya, sobrang lalim na para bang gano'n katindi ang naipon niyang sama ng loob sa akin.
"Yes." Hindi ko inaasahang sasagutin niya 'yon nang gano'n kaderetso. Umasa ako sa ibang sagot, taliwas doon.
"Maxwell..."
"Yaz, please..." nakikiusap talaga ang tinig niya. "Let's give each other a break. We both need it."
Natigilan ako napatitig sa kaniya nang bigla niyang isara ang mga tupperware at tumayo. "I'll eat this later, thank you." Iyon lang at tinalikuran niya na ako at iniwan.
Hindi ko alam kung paano kong natapos ang shift ko nang may dinaramdam at malalim na iniisip. Hindi ko alam kung paanong natatagalan ni Maxwell ang ganitong set-up. Nalilito ako kung may hinahabol pa ba ako o kinahahabagan na lang.
Bakit ba hindi na lang niya ako prangkahin? Kung ayaw niya na sa 'kin, sabihin niya. Kung hindi niya na ako mahal, sabihin niya...
Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha habang while charting nang maalala kong sinabi niya lang kaninang mahal niya ako.
Psh! Did he mean it? Hindi niya naman sinabing mahal ka niya dahil gusto niya. Sinabi niya 'yon dahil 'yon ang naisip niyang meaning ng ILY mo.
"Sinong willing mag-extend ng shift?"nahihiyang nagtaas ng kamay ang head nurse.
Nakita ko nang matigilan si Maxwlel nang marinig ito. Pabuntong-hininga siyang lumapit sa gawi namin. Minadali ko ang pag-aayos ng gamit ko.
"Why, what happened?"
"Marami tayong CS, Doc Maxwell. Kulang sa nurse."
"I see," namroblema agad ang tinig ni Maxwell.
Napapikit ako. Kanina pa man ay nakinikinita ko nang ganito ang mangyayari. Dahil naka-post na ang magkakasunod na schedule ng manganganak ay inasahan ko nang may magre-request ng double shift sa nurses. Pero plinano ko nang hindi ako mag-e-extend dahil may usapan kaming magkikita ni Heurt. Kailangan ko ng makakausap tungkol sa sitwasyon namin ni Maxwell.
Pero dahil sa namomroblemang tinig ni Maxwell ay awtomatikong nagbago ang isip ko. "I can stay," nakapikit kong sabi saka iniwas ang tingin ko. "It's okay, I'm staying," iyon lang at ibinalik ko na ang mga gamit ko.
"Thank you, Yaz," agap na sagot ni Maxwell.
Napilitan akong ngumiti at mag-angat ng tingin sa kaniya ngunit awtomatiko siyang nag-iwas.
Ganoon nga ang nangyari, na-extend ako ng apat na oras pa para sa makatulong sa ilang CS. Kaya nang matapos ang shift na 'yon ay gano'n na lang ang pagod ko. Para akong nalantang gulay na basta na lang isinabit ang bag sa leeg ko at kumaway ng pamamaalam.
Matapos magbihis ay naisip kong daanan sa pantry ang tupperware. Gusto kong i-check kung kinain talaga ni Maxwell ang mga dinala ko. Hindi kami nagkasabay kumain, si Keziah ang doktor na in-assist ko sa extension ng shift ko.
"Inubos ko," hindi ko inaasahang mangingibabaw ang tinig ni Maxwell habang palihim kong binubuksan ang tupperware. Wala na ngang laman ang mga 'yon. Pero kahanga-hangang kung paano niyang iniwan ay gano'n pa rin ang itsura.
"Mabuti naman," tumikhim ako para hindi maisatinig ang pagkapahiya.
"Thank you for today, Yaz," sinsero niyang sinabi, wala pa rin sa akin ang tingin.
Hanggang kelan niya kaya talaga matatagalan 'yon? Kasi I don't think kakayanin ko ang ganitong ginagawa niya. Hindi ko kayang hindi siya makita. Kapag narito siya sa harap ko, hindi ko kakayaning hindi siya tingnan.
"Kaya kong gawin lahat para sa 'yo, Maxwell," hindi ko alam kung saan nanggaling 'yon, basta ko na lang nasabi. "Ano pa bang pwede kong gawin, Maxwell?" bigla ay maiiyak na naman ako. "Baka sakaling bumalik ka sa 'kin kapag 'yon ang ginawa ko."
"Yaz...please," sinapo niya ang noo na para bang nahihirapan na agad na sagutin ako.
"Nasasaktan na ako, Maxwell."
"I'm so sorry," nabasag agad ang tinig niya. Idiniin niya ang daliri sa mga mata.
"Hindi ko na kaya, Maxwell. Nahihirapan na 'ko. Miss na miss na kita." Gano'n na ako kadesperada.
"But I can't do it, Yaz," umiiling niyang sinabi. "I can't even look at you...anymore," bumuga siya ng malalim na hininga. "Dahil sa t'wing titingnan kita...nakikita ko kung paano mong hinalikan 'yong kapatid ko."
Iyon na yata ang pinakamahirap na tanggaping salita mula sa kaniya. Sinabi niya iyon dahil nasaktan siya at nasasaktan pa. Pero bakit pakiramdam ko ay mas nasasaktan ako?
"Ayaw mo na ba sa 'kin?" masakit para sa 'kin na itanong 'yon.
Hindi siya sumagot. Tumango ako at tinanggap na hindi niya kayang sagutin ang tanong ko. Pero ang nabuong sagot sa isip ko, hindi na niya ako gusto.
"I'm so sorry, Maxwell," nakayuko kong sabi saka tinalikuran siya.
Sa huling pagkakataon, umasa pa rin akong hahabulin niya ako. Na babawiin niya ang mga sinabi at aamining mahal pa rin niya ako. Na gusto pa rin niya ako at gaya ko ay sabik na sabik na uli siyang magkasama kami. Na hindi niya rin kayang wala ako kaya hihilingin niyang magkabati na kami. Na nasasaktan din siya at hindi na matagalan ang ganitong sitwasyon. Pero nabigo ako.
Gano'n katigas si Maxwell. Hinayaan niya lang akong talikuran siya at iwan. Dahil wala ni isa sa mga inasahan ko ang ginawa niya.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top