CHAPTER 37
CHAPTER 37
"YAZ!" KUNG hindi ko pa marinig ang malakas na tinig ay hindi ko magigising sa pagkatulala.
Dumapo ang tingin ko kay Maxrill, nasa labas siya ng elevator. Iginala ko ang paningin at noon ko lang napagtantong nasa elevator pa rin ako.
Pabuntong-hininga akong lumabas. "Bakit ba naninigaw ka?" asar kong singhal saka nilampasan siya.
"Dude I called you three times."
Umawang ang labi ko. Dude, huh? "May iniisip ako, e."
"Tsh." Nakita ko siyang sumunod sa 'kin. "What happened to you?"
"Nothing."
Bumuntong-hininga siya ngunit hindi nagsalita. Panay lang ang sunod niya kaya nagmadali akong maglakad, ipinararamdaman na hindi ko kailangan ng kasabay.
"Heurt's inviting us for dinner," aniya nang pangunahan ako. "Susunduin kita before seven."
Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Makakasama ko si Maxwell! "Sige!" bigla ay napangiti ako.
"Tsh. He'll be there."
"I know. See you!" kumaway ako at lalampasan na sana siya nang hilahin niya ako sa braso.
"I'll take you home."
"I can walk."
"Yeah, but you can ride too. I'll take you home."
Hindi na ako nagmatigas kahit na iyon ang gusto kong gawin. Ilang araw ko na ring iniiwasan si Maxrill at nagpapasalamat ako sa pakikisama niya. Hindi rin siya nagpapakita. Ang totoo, mula nang ihatid niya ako noong huli, ngayon na lang ulit kami nagkita.
"Nagkausap na kayo ni Maxwell?"mayamaya ay tanong niya.
Kunot-noo kong tinunghayan ang daan, halatang binabagalan niya ang pagmamaneho.
"Hindi," sagot ko, masama ang tingin sa kaniya. "Mas mabilis pa ang lakad ko rito, Maxwell."
"I'm Maxrill," nakangiwing aniya.
"I mean, Maxrill...sorry," nag-iwas ako ng tingin. Narinig ko ang malakas na buntong-hininga niya. "Baka gusto mong bilisan, hehe," nginitian ko siya. "Maghahanap pa kasi ako ng isusuot ko."
"It's just a normal dinner." Umirap siya!
"Oh, e, bakit ba? Puro uniform ang naka-ready sa closet ko, e. Psh," angil ko. Hindi na siya sumagot. "Ang bagal mo magpaandar ngayon," inis na reklamo ko.
"Dude, nakikisakay ka lang."
"Will you stop calling me dude?"
Umangat ang gilid ng labi niya. "What should I call you, then? Babe? Baby? Love? Honey? Pineapple pie? Freaking whatever-mallows?"
"Noona!" asik ko.
Nawala ang yabang sa mukha niya. "You wish," masungit na aniya. "I only have one sister and that's Maxpein." Noon niya binilisan ang pagmamaneho. Gigil na gigil na halos iparada niya iyon nang isang hintuan!
"Ano ba!" asik ko.
"Next time, you'll have to pay for the ride."
Umawang ang labi ko saka pinalo ang braso niya. "Ikaw ang nag-alok, tapos maniningil ka, amaw ka!"
Tumawa siya nang tumawa. "I missed you,"bigla ay malambing niyang sinabi.
Natigilan ako at nag-iwas ng tingin. "Sige na, bye-bye," bumaba agad ako.
"Yaz," humabol siya.
"Ano na naman!" asik ko.
Ngunit hindi siya nagsalita. Tumitig siya sa 'kin na para bang may gusto siyang sabihin pero hinid maisatinig. Ang tanging nagawa niya ay bumuntong-hininga. Ang amaw, siya pa ang nangunot ang noo gayong ako ang naghintay sa sasabihin niya.
"I'll see you later," sabi niya.
"Sige, see you!" wala pa man ay excited na ako.
Kung makangiti at magsaya ako sa paglalakad papasok ng building, panay ang kanta ko, tuwang-tuwa talaga. Pakiramdam ko tuloy ay bumalik ako doon sa panahon na ma-realize kong may gusto na ako kay Maxwell. Napangiti ako nang maalala ko kung paano akong kiligin sa isipin pa lang na may gusto ako sa kaniya. Gano'n ako kabaliw, na ako mismo ay kinikilig dahil patay na patay agad ako sa kaniya.
Natatandaan ko na ang pag-order ko online noon ay nakadepende sa nai-imagine kong magiging reaction ni Maxwell kapag nakita ako. Hindi ko malilimutan na nagsasalubong ang kilay niya sa t'wing makikitang daring ang suot ko. Magdamag niya akong hindi pinapansin kapag lamang ang balat na nakikita sa 'kin kaysa natatakpan. Pero kapag balot na balot ako ay maayos siyang nakikipag-usap.
Natatandaan ko rin na panay ang buntong-hininga niya sa t'wing naka-makeup ako. Pero kapag moisturizer at sunblock lang ang gamit ko, panay ang pang-aasar niya at saka ngingiti nang pagkagwapo-gwapo.
Hindi ko rin malilimutan na madalas siyang absent sa family dinner pero parating present kapag sinabi ni Maxpein na ako ang nagluto. Parati ko siyang inaasar no'n at halos isuka niya ang lahat ng kinain para lang itanggi na nasasarapan siya sa luto ko.
Panay ang pagngiti ko pero nang sandaling masulyapan ko sa salamin ang sarili ko ay biglang nangilid ang luha ko.
Bakit nagkaganito bigla?
Naalala ko na naman kung paanong dumapo ang kamay niya sa bewang ni Keziah. Hindi mawala sa isip ko. Dahil alam ko sa sarili kong bukod sa akin, kay Keziah niya lang ginawa 'yon. Kahit pa ako ang nauna, hindi ko matanggap na kay Keziah niya na ginagawa 'yon ngayon.
"Hindi," umiling ako nang umiling. "Friendly lang talaga si Maxwell kay Keziah. Wala 'yon, wala." Muli kong kinumbinsi ang sarili ko.
Sinimulan ko na agad maghanap ng maisusuot. Nagugutom man ay nagtiis ako sa biskwit, kailangang may paglagyan ang dinner sa tiyan ko. Mabilis akong mabusog kaya hindi ako pwedeng kumain ngayon dito.
Hinalungkat ko ang maleta ko. Naroon pa kasi ang karamihan sa mga damit at gamit kong hindi ko pa naisusuot. Noon pa man ay may ugali na akong bili nang bili online ng mga damit at gamit ngunit hindi maisuot. Natatambak lang.
"Ito kaya?" nakangiti kong hinila iyong bodycon dress kong blue. "OA yata? Hindi bagay sa dinner."
Ibinalik ko iyon saka ako kumuha ng panibago at tiningnan sa salamin kung babagay ba iyon sa akin. Paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa makarami ako at mailabas ang lahat ng bitbit kong damit sa Palawan. Anong oras na, wala pa rin akong napipili.
"Ano ba!" naiinis, frustrated kong sabi saka sinabunutan ang sarili. "Hindi ako makapili! Lahat bumabagay sa 'kin!" problemado akong tumingin sa sarili mula sa salamin. "Kailangan 'yong casual lang. Dinner lang 'to. Baka sabihin naman ni Maxwell ay pinaghandaan ko masyado kasi alam kong nandoon siya!"
Para akong baliw na naiinis dahil ayaw kong isipin ni Maxwell na pinaghandaan ko ang pagkikita namin. Para akong tanga na gustong maging maganda sa paningin para sa simpleng dinner. Na para bang hindi naman kami nagkikita sa ospital. Na para bang hindi talaga siya nagagandahan sa 'kin.
Napaupo ako sa magkahalong pagod at gutom. Wala pa man akong napagdesisyunan ay parang gusto ko nang sumuko. Nakakapagod maghanap at magdesisyon ng isusuot habang tinitingnan ang oras!
Napahilamos ako sa mukha ko, this is so frustrating! Nababaliw na nga siguro ako. Dahil simpleng dinner lang naman ito pero nagkakaganito ako. Pero ano ang gagawin ko? Kung hindi aksidenteng dumapo ang tingin niya sa 'kin kanina, ilang araw na ang nakalipas mula nang huli niya akong tingnan. At walang isinisigaw ang kalooban ko ngayon kung hindi ang kagustuhang matingnan niya ulit!
Gusto kong tingnan niya uli ako sa paraan kung paano niya akong tingnan matapos niyang aminin na mahal niya ako. Gusto ko uli makita 'yong mga kinang sa mga mata niya sa t'wing makikita kung gaano ako kaganda. Gusto kong titigan niya ako nang may paghanga hanggang sa masabi niyang mahal niya ako.
"Bahala na!" inis kong hinablot ang towel ko at dumeretso sa bathroom.
Hanggang doon ay panay ang pag-iisip ko sa isusuot. Maski sa kulay ay hindi ako makapagdesisyon! May dress na gusto ko ang itsura pero hindi ang kulay niyon. May kulay akong gusto pero hindi ang itsura ng dress niyon!
Pastilan, naglibog ko!
Halos matalisod ako patakbo palabas ng bathroom nang mag-ring ang cellphone ko. "Sandali! Sandali naman! God! Hello!" asik ko, hindi man lang tiningnan kung sino ang caller.
Tumikhim ang nasa kabilang linya. "Sinisigawan mo ba 'ko?" nangibabaw ang tinig ni Maxrill.
"Oo! Dahil nagmamadali ako!"
"I'm downstairs. Bilisan mo." Iyon lang at ibinaba niya ang kabilang linya!
Amaw! Inis kong ibinato ang cellphone ko at saka nagmamadaling magbihis.
Nakapikit kong hinila iyong pastel pink na bandage dress ko saka kekembot-kembot na isunot iyon sa harap ng salamin. Hindi ko gusto ang kulay niyon bagaman gusto ko ang itsura. Pero wala na akong mapagpilian. Iyon na ang pinakasimple sa lahat ng meron ako.
Dali-dali akong nag-blower saka plinantsa ang buhok ko para pantay na pantay iyon. Halos mahulog ang drawer ko sa paghila niyon, pumili ako ng earrings at necklace na babagay sa dress ko. Brinush ko lang ang kilay ko at saka tinapik-tapik ang pisngi ko, naglagay ako ng lipbalm saka nag-spray ng face mist ko. Fresh!
Sa halip na sagutin ang sumunod na tawag ni Maxrill ay black suede YSL pumps ko at bumaba. Sa ganoong itsura, kahit iyong aso ng kapitbahay ko ay napalingon sa 'kin. Eksaherada akong naglakad, sinadyang artehan ang bawat hakbang, para lalo pang maagaw ang atensyon ng iba. Bahagya na lang akong ngumiti at tumango sa bawat makasalubong nang hindi magmukhang masungit.
Nakita ko nang mapatayo si Maxrill matapos akong makita. Naroon siya sa lobby at kasama ang aso niya.
"Hi!" nakangiting bati ko, kumaway na animong beauty queen.
"What the fuck are you wearing, dude?"angil niya.
"Why?" Hinawi ko nang bahagya ang buhok ko saka tiningnan ang sarili kong suot. "Wala na kasi akong mapili," nakanguso kong sabi. Kahit na ang totoo ay alam kong nailabas ko ang lahat ng gamit ko pero 'ayun ang napagdesisyunan ko sa huli.
Gano'n na lang ang gulat ko nang pasadahan ko siya ng tingin. Simpleng shorts at polo lang ang suot niya bukod sa kung ano-anong alipores sa katawan. Mabuti pa nga ang aso niya, may bandana sa leeg.
"Bakit ganyan ang suot mo?" nagugulat na tanong ko.
Umawang ang labi niya, para bang hindi makapaniwalang ako pa ang nagtanong nang ganoon.
"We're just going to eat dinner, Yaz. It's not a date," bigla ay asik niya.
Napamaang ako. "Dinner nga," inis kong sagot. "Mukha ba akong makikipag-date sa ganito kasimpleng itsura, duh?"
Lalong umawang ang labi niya. "That's simple, huh?" hindi makapaniwala niyang sinuyod ng tingin ang itsura ko.
"Well, yeah," inosente kong tugon.
"With freaking pearls and pumps?"
Namilog ang labi ko saka gigil na pinagpapalo ang braso niya. "Ang sama-sama ng ugali mo! Alam mo bang hirap na hirap akong mamili kung anong isusuot ko?" gusto kong maiyak sa inis. "Halika na nga!"
"I can't believe you," umiiling na aniya, nauna sa paglalakad na animong ikinahihiyang makasabay ako.
"Don't talk to me," lalo siyang nagmadali. Pero sa huli ay ipinagbukas niya rin ako ng pinto bagaman malayo ang tingin.
Bigla ay napanguso ako at napaisip. Paano kung hindi rin magustuhan ni Maxwell ang suot ko?
"Pangit ba?" nakanguso kong tanong nang makasakay siya.
Inis niya akong nilingon. "You how beautiful you are to me," asik niya.
"E, bakit kung mag-react ka, parang ang pangit-pangit ko!" pinagpapalo ko ang braso niya.
"You're just...overdressed," bumuntong-hininga siya.
Ngumuso ako. "Magpalit na lang kaya ako?"
Inis siyang lumingon sa 'kin. "Then you'll make me wait for another half hour? No way. I'm hungry."
Gusto kong mainis ngunit sa kabilang banda ay napaisip ako. Bigla ay gusto kong manibago.
Kuyaw...
Hindi ko alam kung bakit bigla ay naisip kong unti-unti nang nakaka-move on si Maxrill sa akin. Hindi naman niya nasisita ang suot ko noon, sobra o kulang man iyon. Hindi niya rin ako tinatawag na "dude". Nabawasan na rin ang lambing sa pananalita niya. Hindi ko alam kung posibleng mangyari 'yon sa loob ng maikling panahon, bagaman hindi ko naman naisip na tuluyan nang nawala ang feelings niya. Pero iyon ang naisip ko.
Ewan ko kung tama na matuwa ako at hilinging sana ay magtuloy-tuloy na iyon. Dahil kung ako ang tatanungin, hindi ko rin gugustuhing saktan siya.
"We're gonna eat outside, beach side."Bigla ay sabi niya.
"What?" hindi makapaniwalang tugon ko. "Bakit hindi mo sinabi?"
Humalakhak siya. "Kalalaman ko lang din."
"Anong kalalaman?"
"They just told me now, before I pick you up."
Napairap ako. Kalalaman, huh? "Nakakainis!"nagpapadyak ako sa asar. Nakakahiya! "Paano ako maglalakad sa buhangin nang ganito?"inis kong sinulyapan ang pumps ko.
6 inches ang heels niyon at nasisiguro kong maabutan ko ang kilay ni Maxwell nang suot iyon. Naisip kong hindi siya mahihirapan sa pagyuko sa 'kin kung sakaling maisip niyang halikan ako.
Hindi nga siya nagsisinungaling. Dahil sa halip na sa hotel ay sa tabing-dagat kami dumeretso ni Maxrill. Gano'n na lang ang pag-awang ng labi ko nang makita ang may kahabang mesa na halos matakpan ng mga pagkain.
Boodle fight...
Napapalunok kong hinawi ang buhok ko saka muling nagbaba ng tingin sa suot ko. Napatitig ako sa YSL pumps kong ngayon ko lang naisuot. Saka ako napasulyap sa puting buhangin na pinong-pino, nasisiguro kong kakainin niyon nang buhay ang heels ko. Muli akong nagbaba ng tingin sa bandage dress ko, maging sa magkabilang balikat kong bahagyang kumikislap sa tama ng liwanag. Saka ko sinulyapan ang hilera ng seafoods at kanin na nakapatong sa dahon. Nagbaba ako ng tingin sa clutch bag kong umakma pa sa kulay ng damit ko at itsura ng earrings ko dahil hugis perlas iyon. Saka ako napahawak sa perlas kong earrings. Bigla ay gusto ko yata iyong hubarin. Ang tanging masasabi kong tama sa mga suot ko ay iyong kwintas na ibinigay sa akin ni Maxwell, lahat ay mali na.
Nakakahiya!
"Let's go," nagising ako bigla nang maulinagan ang tinig ni Maxwell. Naglilingon ako sa tabi at likod ko.
Pero gano'n na lang ang paglaylay ng balikat ko nang makitang hindi ako, kundi si Keziah ang inanyayahan nito.
Gusto ko lalong mapahiya dahil naka-uniform lang ang dalawa. May stain pa yata ng Betadine sa braso ang longsleeves ni Maxwell. Pero wala na akong magagawa dahil nandito na kami.
"Hi!" magiliw kong bati, na kay Maxwell agad ang paningin.
Gusto kong itanggi na umasa akong titingnan niya na uli ako pero nabigo ako. 'Ayun na naman tuloy 'yong kirot sa dibdib ko nang nakangiti niya lang akong tanguan pero ang paningin ay lumalampas sa 'kin, naroon yata sa dagat sa likuran ko.
"Hi, Yaz," 'ayun na naman 'yong alinlangan sa tinig ni Keziah, maging ang bitin na ngiti niya.
Bigla ay gusto kong isipin na naiintindihan niya ang mararamdaman ko. Na nagi-guilty siya dahil pinupunan niya ang dapat ay pwesto ko. Kung sakali mang tama akom ipagpapasalamat ko na lang 'yon.
Bigla ay nangibabaw ang tinig ni Heurt, tinatawag kami sa hindi ko maintindihang salita. Inalalayan ni Maxwell si Keziah at bago ko pa man makitang dumapo ang kamay niya sa katawan nito, tumalikod na 'ko.
"Tara..." natigilan ako nang makitang nakalahad na ang kamay ni Maxrill sa 'kin.
Napangiti ako dahil sa kabilang banda, hindi ako magmumukhang kahabag-habag dahil narito siya.
"Teka, teka, teka naman," mahinang angil ko nang bahagya akong hilahin ni Maxrill na para bang flats ang suot ko. "I'm wearing heels, 'no,"angil ko.
Tinapunan niya nang matalim na tingin ang pumps ko saka pabuntong-hiningang naupo sa harap ko. "Take it off," aniya saka umastang huhubarin iyon.
Nahawi ko ang buhok ko nang hanginin iyon at gano'n na lang ang pagkatitig ko kay Maxwell nang makitang bahagya siyang nakalingon sa gawi namin.
"Ako na," binawi ko ang paa ko kay Maxrill saka kusang hinubad ang mga iyon.
Hindi na rin ako nagpaalalay sa kaniya hanggang sa makalapit kami sa mesa. Tanging sina Heurt at Wilma ang naroon kaya naman ang mga ito lang ang binati namin.
"Where's Dainty?" hanap ni Maxwell nang makaupo ako. Sinadya kong pumuwesto sa harap niya.
"Pababa na iyon, nagbibihis lang," ani Heurt.
"Hi, Maxwell!" gano'n na lang kaganda ang tono ko pero ganon na lang din ang pagbabara sa lalamunan ko sa hirap niyong gawin.
"Hey, you look good," kaswal niyang tugon.
Gustong mawala ng ngiti sa labi ko ngunit pinigilan ko. Paano niya nagagawang pakisamahan ako nang hindi tinitingnan at kinakausap lang nang kaswal? Paano?
"Hmm," literal na nagtaka si Heurt at nagpapalit-palit ng tingin sa amin ni Maxwell. "Ayos lang ba kayo? Bakit hindi kayo ang magkatabi?" Hindi ko inaasahang itatanong niya iyon nang gano'n kaderetso.
Sabay namin siyang nalingon ni Maxwell at saka kami nagkatinginan. Ngunit hindi ko nasalubong ang mga mata niya. Sumulyap lang siya sa gawi ko.
Ang ususerang si Wilma ay nagmamadaling lumapit sa 'min, nakasilip nang bahagya sa 'kin, na animong hinihintay ang sagot ko.
"Yes, tita, we're cool," agad na sagot ni Maxwell. Gano'n na lang ang pagkabalisa ni Keziah, natutunugang mali ang pagkakaupo niya sa tabi ni Maxwell.
Napaangat ako ng tingin sa kaniya. "Maxwell..." Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang sama ng loob ko dahil gano'n ang isinagot niya.
"Anong nangyari sa inyong dalawa?" nang-uusig na tanong ni Heurt. Sa tono niya ay para bang maling-mali na hindi kami ang magkatabi.
"I thought we're going to have dinner?" ngiti ni Maxwell.
"Hmm," umiling-iling si Heurt.
"She's here," bigla ay sabi ni Keziah. Napalingon kami sa gawi ng hotel at 'ayun na nga si Dainty at naglalakad palapit.
"Dongsaeng, help her," bigla ay utos ni Maxwell.
Nakita ko nang umarko ang kilay ni Maxrill, kinukwestyon ang utos ng nakatatandang kapatid. Sa huli ay napabuntong-hininga siya at napilitang sumunod.
Sa kabila ng dilim ay nakita namin nang pamulahan at maaligaga si Dainty nang lumapit si Maxrill. Hindi siya magkandatuto kung tatanggapin ba ang kamay nito o maglalakad nang mag-isa. Hindi man siya tulad kong naka-high heels ay tinanggap niya ang kamay ni Maxrill saka nagpaalalay rito papalapit sa 'min.
Hindi nakaligtas sa paningin namin kung paano siyang lalong mamula, para siyang papel na nagpahila na lang basta kay Maxrill dahil nawala ang katinuan niya sa pagkakatitig dito.
"Good evening," parang maiiyak na sa kahihiyan si Dainty nang makalapit.
"Good evening," nakangiting tugon ni Maxwell. "You look good..." nagpapalit-palit ang sulyap niya kay Dainty at sa kapatid.
Muling umarko ang mga kilay ni Maxrill. "Really?"
"What?" ngumisi si Maxwell.
"You're not here to annoy me, aren't you?"
Ngumiwi si Maxwell. "What makes you think so?"
"Tsh." Inis na humila ng silya si Maxrill saka isinenyas iyon kay Dainty.
Ngunit hindi nito nagawang tumalima. Nagugulat itong napatitig kay Maxrill at hindi nakakilos sa kinatatayuan niya.
"Sit down, Fine," mahihimigan ang inis sa tinig ni Maxrill.
Sumunod si Dainty ngunit gano'n na lang talaga ang pagkabalisa niya na halos madulas siya pababa nang hindi maupo nang ayos ang sarili sa silya. Napahawak siya sa braso ni Maxrill ngunit agad ding nabitiwan iyon.
"What's wrong with you?" bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Maxrill. "Are you sick or something?"
"No," nanginig ang tinig ni Dainty. Nalilito siyang tinitigan ni Maxrill, inaalaw kung bakit gano'n na lang ka-clumsy ang babae.
Nasulyapan ko si Maxwell at gano'n na lang ang ngisi niya. Ngunit nawala ang ngising iyon nang maramdaman ang titig ko.
"Kumain ka na, Maxwell, I'm sure you're hungry." Kinuha ko ang bowl ng tubig at hinintay siyang maghugas ng kamay roon.
Napabuntong-hininga man ay ginawa niya iyon, marahil ay upang hindi ako mapahiya.
Ako ang sumunod na naghugas ng kamay saka iniabot muling ibinalik ang bowl. Marami namang bowl ng tubig, kaya sa mga iyon na naghugas ng kamay ang iba.
Hinintay ni Heurt na maging handa ang lahat saka niya inanunsyong maaari nang magsimulang kumain ang lahat.
Masarap ang pagkain, pulos seafoods na may napakasarap na sarsa. Hipon pa lang ang nakakain ko ay ginanahan na agad ako. Ngunit hindi ko naiwasang mahiya dahil hindi umakma ang sitwasyon sa suot ko.
"Here," naagaw ng tinig ni Keziah ang atensyon ko nang abutan niya nang hinimay na hipon si Maxwell.
"Thanks," nakangiting sagot ni Maxwell saka mabilis na isinubo 'yon.
Naramdaman ni Keziah ang tingin ko. Sa halip na iabot kay Maxwell ang panibagong hipon na nabalatan niya ay kinain niya na lang iyon.
"Hmm, naninibago ako," mayamaya ay ani Heurt.
"Ako ma'y naninibago," sang-ayon ni Wilma. "Naghiwalay kayong dalawa, ano?" Hindi ako makapaniwalang tinanong niya iyon nang ganoong kaderetsa!
Napasulyap ako kay Maxwell, nakatingin an rin siya sa taga-luto. Bumuntong-hininga siya at saka sumandal sa kinauupuan.
"Please let's not talk about me and Yaz,"hindi ginamit ni Maxwell ang salitang "us". Tinamaan ako.
Nakangiwing tumango-tango si Heurt. Marahil ay hindi pa siya ganoon kahanda na usisain si Maxwell tungkol sa mga ganitong bagay.
"Try this," bigla ay ani Maxwell, iniaabot kay Keziah ang pinutol na lobster.
Nakanguso kong pinanood ang kamay ni Keziah na tanggapin iyon. Lalo pa akong ngumuso nang panoorin ko siyang kainin 'yon. Lalong sumama ang loob ko matapos makita si Maxwell na ngumiti habang nakatingin sa babae.
"Do you want to swim, Yaz?" hindi ko inaasahang itatanong iyon ni Maxrill.
Napasulyap ako kay Maxwell dahil alam ko kung anong plano ng kapatid niya kaya itinanong 'yon.
Pero kahit anong hanap ko, wala akong makitang nagbago sa itsura ni Maxwell. Hindi nangunot ang kaniyang noo. Hindi nagtiim ang kaniyang bagang. Hindi siya sumulyap sinuman sa 'min ng kapatid niya. Sa halip ay nanatili kay Keziah ang tingin niya at nakangiti itong pinanonood na kumain.
"No, thanks," tanggi ko, na kay Maxwell pa rin ang paningin.
"Alam mo..." bigla ay ani Wilma mayamaya. "Noon ay gusto kong makatuluyan ng anak ko itong si Maxwell. Napakagwapo kasi."
Tumawa si Heurt. "Ano'ng nangyari?"
"Tinanggihan ako ng mga magulang niya. May nagugustuhan na raw na ibang babae ang anak nila."
Naramdaman ko nang sumulyap sa gawi namin si Heurt. "Si Yaz ba iyon?"
Nakangiwing tumango si Wilma. "Siya nga."
Napasulyap ako kay Keziah. Sa kabilang banda, kahit hindi ko talaga siya gusto, alam ko ang pakiramdam na marinig ang gano'n nang harapan.
"Ladies, please..." nakangiting nakikiusap ang tinig ni Maxwell, naunahan akong magsalita. "Let's just enjoy the dinner." Bukod sa ayaw niya rin talaga sigurong mapag-usapan kami.
Sa huli ay pare-pareho kaming walang nagawa kung hindi ang i-enjoy ang pagkain. Alam naming mga naroon ang ugali ni Maxwell. Kapag maayos siyang nakikiusap, hangga't maaari ay kailangan niyong masunod. Hindi magugustuhan ninomang naroon ang magalit siya.
"Here," inabutan ko ng hand soap si Keziah nang matapos naming kumain.
Nagugulat niya akong tiningnan. "Thanks, Yaz."
Pinanood ko siyang pumisil ng soap saka maghugas sa sink na naroon malapit sa cottages. Hindi ko mapigilang panoorin siya mula ulo hanggang paa.
"Ang sweet naman no'ng pa-flowers ni Maxwell," bago ko pa napigilan ang sarili ko ay nasabi ko na 'yon. Hindi ko tuloy naitago ang selos. "Panigurado ang saya mo. Si Maxwell na 'yon, e. Sa wakas nakuha mo na ang pangarap mo."
Nagugulat niya akong nilingon saka sandaling tinitigan. Bigla ay lumabas tunay niyang taray, tinapos ang paghuhugas ng kamay saka ako hinarap.
"What are you talking about?" mataray niyang tugon.
"Meron lang kaming hindi pagkakaintindihan, Keziah. Hindi mapapalitan ng ilang araw na hindi pagkakaunawaan at isang bungkos ng rosas ang nararamdaman namin ni Maxwell sa isa't isa."
"What are you trying to say then?"
"That he's still mine. Please keep your distance. 'Wag mo hayaang maging panakip-butas ka, Keziah. Alam kong hindi ka gano'n kababaw."
Nakakainsulto siyang tumawa. "You sound so desperate, Yaz. Psh. Hindi dahil ganyan ang nararamdaman mo ay pangit na rin ang pagdaraanan ng ibang tao." Pinagkrus niya ang mga braso. "Nasa 'yo na, pinakawalan mo pa."Saka naging mataray ang mukha niya. "I know both of you are hurting at the moment. You're likely doubting yourself, feeling insecure, jealous or whatsoever."
Natigilan ako at tumitig sa kaniya nang sabihin niya 'yon sa nangangaral na tono.
"Pero hindi ako tulad ng babaeng iniisip mo." Patuloy niya. "Mali ka kung iniisip mong galing kay Maxwell ang flowers na 'yon. Dahil binigay 'yon ng manliligaw ko."
Natigilan ako at napapahiyang nagbaba ng tingin.
"At kung bigyan man ako ni Maxwell ng flowers, buong puso ko 'yong tatanggapin,"dagdag niya pa. "Nang hindi iniisip na gagawin niya lang akong panakip-butas, o dahil mababaw akong babae. Dahil hindi gano'n si Maxwell."
"I'm sorry, Keziah," nanginig ang boses ko.
"He's painfully torn between his duties and responsibilities as a doctor, and his love for a selfish woman—that's you. Tapos ikaw, hanggang ngayon ganyan ang iniisip sa kaniya? Panakip-butas, really?" Humalakhak siya. "Kilala mo ba talaga si Maxwell?" may diing tanong niya.
Hindi ko siya napigilang samaan ng tingin. "Look, I'm sorry, okay? Kung ikaw ang nasa posisyon ko, maiisip mo rin ang naisip ko."
"No," agap niyang sagot. "Dahil sa pagkakakilala ko kay Maxwell, hindi siya gagamit ng tao para lang mabawasan 'yong sakit na pinagdaraanan niya. Libro, pwede pa. Pero babae? No," umiling siya. "Hindi siya 'yong lalaki na paglalaruan lang ang feelings mo."
Napatitig ako sa kaniya at bago ko pa napigilan ay pinangiliran na ako ang luha. Nakita ko rin nang mangilid ang luha ni Keziah ngunit ang taray niya ay hindi nabawasan.
"Sumugal siya kahit alam niyang magiging komplikado, Yaz," mariing aniya. "Sumugal siya kasi nagtiwala siyang hindi ka magbabago."
Pinunasan niya ang mga luha at lalo pa akong sinamaan ng tingin.
"Pinatunayan mo lang na sumugal siya sa maling tao," pagtatapos niya sa usapan saka tinalikuran ako.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top