CHAPTER 35


CHAPTER 35

"I'LL ORDER a drink," aniya nang nakataas na ang kamay ngunit nasa akin ang paningin.

Sa halip na sagutin siya ay tinanaw ko na lang ang reflection ng moon sa dagat. Nilalamig ako sa malakas na simoy ng hangin but at the same time ay thankful ako because I'm able to hear the sound of dagat. Pakiramdam ko ay mas pipiliin ko pa ring pumunta nang gabi roon kaysa umaga. Napakaganda ng lugar, hindi ko malilimutan.

"Yes, sir," dinig kong anang staff. Gusto kong matawa nang makita kung gaano kapula ang mukha nito habang kinukuha ang order ni Maxrill.

"He's single, miss," pang-aasar ko, natuon ang paningin sa kaharap. Tuloy ay nakita ko nang rumehistro ang inis sa kaniyang mukha. "What?"pagtataray ko, pinagkrus ang mga braso. "You are single naman talaga. Haha! Single!" dagdag pang-aasar ko.

"All because you're taken," masungit niyang sagot dahilan para matigilan ako. Muli siyang nag-angat ng tingin sa staff. "Thank you."

Isinandal niya ang sarili saka pinagkrus din ang mga braso. Mataman siyang tumitig sa 'kin. "Single, huh?" may yabang niyang tanong.

Napabuntong-hininga ako at nag-iwas muli ng tingin.

"I can make you leave the one you are with and start a new relationship with me, Yaz. Don't provoke me."

"Oh, really, kid?" hamon ko, may diin sa huling salita.

Tumayo siya at akmang lalapitan ako nang lumapit ang staff sa amin. Nagpalitan ito ng tingin sa amin na para bang nagtataka kung nag-aaway kami. Dali-dali nitong inilapag ang hard drinks sa table saka tumango at umalis.

Tiningnan ko ang decanter at dalawang crystal glass na may ice ball saka nagsalin.

"Have a seat, Del Valle," ngisi ko saka iniabot ang para sa kaniya.

"Kid, huh?" may diin ding aniya saka tinanggap iyon. Natawa ako. "I can treat you better than any other guy, Yaz, I'm warning you."

Ngumiwi ako. "Really?" lalo siyang inaasar.

Tinikman ko ang drink saka tumango-tango. Nasa decanter na lang iyon kaya hindi ko malaman kung ano ang brand. Muli akong sumimsim at tumango-tango.

"Sure kang ito ang iinumin mo?" ngisi ko, nasa crystal glass ang paningin. "You sure you don't want to drink milk?" pang-aasar ko.

"Eww, please..." siring niya.

"Eww ka diyan! Noon ay umiiyak ka kapag wala kang milk! Tapos mag-uunahan sina Maxpein at Maxwell sa pagtimpla ng gatas mo para lang mapatahan ka."

"Tsh."

"Pero ayaw mo sa timpla nila. 'Yong kay Maxwell ay sobrang tamis, 'yong kay Maxpein naman ay matabang. Kaya mula no'n, ako na ang nagtitimpla ng gatas mo kapag wala sa 'yo na mommy. Hahaha!"

Nakita ko nang umarko sa inis ang parehong kilay niya, saka humugot nang malalim na hininga, nagpapasensya. Panay ang tawa ko sa isip, hindi ko alam kung saan iyon nagmumula gayong ngayon pa lang ako uminom ng alak.

"I like this drink, huh! It's so fetch!" sabi ko saka sinunod-sunod ang inom niyon.

Hindi pa ako nakontento, muli akong nagsalin. Natawa ako nang makita ko ang gulat sa mukha niya habang pinanonood ako.

"You want more?" isinenyas ko ang decanter.

Isinenyas niya pabalik ang crystal glass niya, sinasabing may laman pa 'yon. "Don't get wasted."

"Pag-sure, 'oy!" ngiwi ko, parang may tama na bagaman wala pa talaga.

Nakita kong kumunot ang noo niya. Siguro sa isip niya ay nagtatanong na siya, what the fuck, Yaz? Hahaha! So fetch!

Nagpakawala siya nang malalim na hininga habang pinanonood akong lumaghok ng drink. "Hey, don't drink too much."

"Why order a drink kung hindi mo ako hahayaang uminom sa paraang gusto ko?"pagsusungit ko. Nakamot niya ang ulo at natawa talaga ako. "Masakit ba 'ko sa ulo?" muli akong tumungga. "I really like this drink."

"Yeah?"

"It's so good...it makes me..." nag-isip ako ng sasabihin.

"Want to like me?" siya ang nagdugtong.

Sinamaan ko siya ng tingin. "You wish!"

Dinig ko siyang tumawa, mahina. "Just don't drink too much. Enough lang to make you sleep fast."

Nginiwian ko siya. "Yeah, but drinks that helps you fall asleep fast is common to wake you up in the middle of the night."

"Tsh. Science, huh?"

Tumawa ako. "Real manginginom knows that."

Ngumiwi siya na para bang na-turn off sa term na ginamit ko, lalo akong natawa. Mas tumawa pa ako nang maramdaman ang tingin niya habang nagsasalin ako.

"Tsk," dinig kong reaksyon niya nang tunggain ko ang glass. "Let's go home."

"What, why?" asik ko, pinunasan pa ang bibig ko saka kinagat ang labi ko nang tumatawa. "Let's finish the drink," nakanguso kong sabi.

Tumitig siya sa 'kin saka bumuntong-hininga. "Then stop drinking it like a freaking buko juice."

Humalakhak ako sa paraan niya ng pagkakasabi ng buko! Boo-kow? Hahaha! "Why are you so masungit?"

Kunot-noo niya akong tiningnan. "I was born this way."

"You all do," patungkol ko sa kanilang magkakapatid. "Pare-pareho kayong masungit, pikon, mga tamad magsalita, tahimik, mabilis mag-init ang ulo at higit sa lahat...mayabang..."sinamaan ko siya ng tingin. "Mga mayayabang!"

Kumunot ang noo niya at tumingin sa 'kin na para bang ganoon agad kalalim ang sama ng loob niya.

"In what way?"

Umawang ang labi ko sabay sinok, saka natawa. "Talagang hindi kayo aware sa kayabangan ninyo, 'no?"

"We're not mayabang, Yaz. Watch your words," nagbabanta talagang aniya, seryosong-seryoso. Na para bang isa iyong malalim na akusa sa kanilang buong pamilya.

Hindi ko siya kinaya, talagang inosente sila sa ganoon nilang katangian? Unbelievable! "Dahil may maipagyayabang kayo, gano'n ba?" angil ko.

"Hindi kami mayabang," may diing aniya.

"Whatever."

"Take it back."

Seryoso siya? Pag-sure! "No." Tumayo siya, napikon ngang talaga. Hindi ko tuloy napigilang tumawa. "See, napikon ka nga agad!"

"But that doesn't mean that I'm mayabang. We're not mayabang."

"Take it as a compliment, okay?"

"Fuck?" asik niya. "Since when naging compliment ang mayabang?"

"I mean it's your typical, okay? Ikaw at mga kapatid mo, pare-pareho kayo ng ugali."

"I'm different from them," diin niya saka ngumisi.

"Yeah? How?" hamon ko.

"If I promise to take you out on a date, I'll show up. I will not make you wait. I'll not make you eat nor drink alone. I will not make you question your worth. I will value you. And I will never...ever make you want to settle down alone. I make plans and act upon it. Because if you believe in forever, I'd happily spend it with you."

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Kasabay ng pamumuo ng galit ay nangilid ang mga luha ko. Pero mariin akong pumikit para mapalis 'yon at nag-iwas ng tingin.

Humugot ako nang malalim na hininga, hindi matanggap na napapahiya ako sa kaniya.

How could you do this to me, you freaking kid! Gusto ko siyang bulyawan ngunit nag-aalala akong mag-eskandalo, bukod sa hindi ako siguradong hindi gagaralgal ang boses ko.

Hindi ko alam kung paano niyang nalaman lahat ng nararamdaman at pinagdaraanan ko, was I that obvious? Bukod sa kaniya, sino ang nakapansin? Sinikil ako ng sariling kahihiyan!

Sa mga sinabi niya ay para bang ipinamukha niya sa 'kin na pinangakuan ako ng date at in-Indian! Pinamukha niyang naghihintay ako sa wala! Pinamukha niyang umiinom ako dahil hindi sumipot ang date ko! Pinamukha niyang kinukwestyon ko ang katayuan ko sa kapatid niya gayong isa 'yon sa pinakatatago-tago ko! Paano niya nagawa 'yon? Paano niyang nasabi sa 'kin ang mga 'yon nang gano'n kaderetsa?

Unya? Inirapan ko siya sa inis. "Let's go home."

Nagsalin pa ako sa baso, halos punuin iyon. At bago niya pa ako mapigilan ay ininom ko na iyon nang may masamang tingin sa kaniya.

"Tsk tsk," aniya habang iniilingan ako.

Nginisihan ko siya saka ako marahang tumayo. Ah...diay? "Hahahaha!" tumawa ako nang malakas.

Inabot ni Maxrill ang card niya nang nakatingin sa akin, kunot-noo at mukhang naaasar na. Puro naman ako tawa at akmang magsasalin muli ng alak nang agawin niya ang decanter sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit may talas na ang tingin niya kaya tinawanan ko na lang uli siya.

"You're drunk," bintang niya.

Umawang ang labi ko at pinanood siyang tumayo at lumapit sa 'kin. Bumuntong-hininga siya saka tiningnan ang balikat ko. Nang lingunin ko iyon ay muli akong tumawa nang makitang dumausdos na pababa ang manipis na strap ng top ko.

Ngunit napanood ko siyang hawakan ako sa braso at itayo. Napatitig ako sa kaniya saka tumawa. Pero muling natigilan nang iayos niya ang aking strap gamit ang dulo ng isang daliri niya habang nakatingin kami sa isa't isa.

Muling nahulog sa labi ko ang paningin niya, nakagat ko ang labi at ngumuso. "What?" naghahamon ang tono ko.

Tumitig siya sa mata ko at nagpakawala ng malalim na hininga. Bumalik ang staff at iniabot pabalik ang card saka niya ako inalalayan palabas.

Muli kong iginala ang paningin sa magandang lugar. "Aalis na ba talaga tayo?" bigla ay malungkot kong tanong.

Gusto kong maiyak nang maalala ko kung gaano akong humanga sa itsura ng lugar matapos ko iyong makita. Ni hindi ko malimutang kanina lang ay iniisip kong imposibleng basta lang iyon date. Na ang ganoon kagandang lugar ay hindi lang para sa dinner date. Kundi para sa higit pa...gaya ng proposal.

Nagbaba ako ng tingin sa mga daliri ko sa parehong kamay. Saan ba inilalagay ang engagement ring? Biglang nabuhay ang lungkot sa puso ko. Kelan kaya ako makapagsusuot no'n?

"Saan kita ihahatid?" tanong ni Maxrill.

Narinig ko siya ngunit nadaig ako ng pagiging tulala. Nakatingin lang ako kung saan habang sumasabay sa kaniyang maglakad. Maging ang pamamaalam niya sa mga staff na umasikaso sa 'min nang kami na lang ang maiwan sa napakagandang restaurant ay hindi ko nagawang pansinin.

Hindi na naman ako makapaniwalang hindi dumating si Maxwell. Kung ano-anong tanong ang namumuo sa isip ko na para bang hindi ko alam kung gaano siya kaabalang tao. Na para bang hindi ko kailanman nasaksihan kung paano siyang magtrabaho. Na para bang hindi ko siya kilala.

"Hey," nagising ako sa sobrang lambing nang pagkakabanggit niya niyon. Nagawa ko siyang lingunin. "What's wrong?" naro'n ang pag-aalala sa kaniyang mukha nang hawakan niya ako sa braso.

"What?" natutuliro kong tanong, binabawi ang sariling braso mula sa kaniya.

"I'll take you home."

"Yeah, please, thanks," mabilis kong sagot saka iniwasan ang tingin niya.

"Where? To his place, your place...or mine?" Bumuntong-hininga siya nang samaan ko siya ng tingin. Umangat nang bahagya ang gilid ng labi niya. "Mine?"

"Maxrill!"

"Just kidding."

"Don't do that to me."

"Do what?" naghahamon ang tinig niya.

"I will never go to your place again," mariing sabi ko.

Ngumiwi siya. "Okay. I'll take you to his place, then."

"No," agap kong sagot. "Take me to my place."

Umawang ang labi niya saka bahagyang tumawa. Nakangisi niya akong inalalayan ngunit pilit kong binabawi ang anumang parte ng katawan kong hawakan niya. Ngunit papasakay na ako sa sasakyan niya nang aksidente akong nagkamali ng tapak sa buhangin at nawalan ng balanse. Dumapo ang mga kamay ko sa parehong braso niya dahilan para pareho kaming magkagulatan.

'Ayun na naman ang nanliliit niyang mga mata habang nakatingin sa 'kin, habang nakaangat ang gilid ng kaniyang labi.

"Ano ba?" angil ko saka inalis ang pagkakahawak sa kaniya. "Don't touch me!"

"You touched me," may diin ang bawat salita niya. "Moves, huh?"

"What?"

Nakangisi siyang umiling. "Out of balance sa ganyang sandals, really?" isinenyas niya ang boho sandals ko.

Wala iyong takong at pantay na pantay ang pagkakalapat sa lupa. So, is he telling me that I did that on purpose? Sinamaan ko agad siya ng tingin at pinagpapalo.

"Amaw!"

Lalong umangat ang gilid ng labi niya saka bahagyang humalakhak nang pigilan ang mga kamay ko.

"Easy, moody..." bulong niya saka isinuko ang parehong kamay. "Get in," aniya pa.

"Hindi ako moody!"

"Grumpy, then."

"Lalong hindi!" akma ko na naman siyang papaluin.

Umangat ang pareho niyang kilay nang umiwas. Saka natatawang isinara ang pinto. Inis ko siyang pinanood na maglakad sa harapan, nilalaro ang car key sa kaniyang mga kamay at nakangisi.

Amaw...

"Your place, right?" muling aniya nang makasakay, siguradong nang-aasar!

"Ilang beses ko bang sasabihin?" asik ko nang lingunin siya.

Nilingon niya ako at saka isinandal ang sarili sa upuan. Tumitig siya sa 'kin nang may tipid na ngisi sa labi. "Hanggang sa piliin mo 'ko?"malambing niyang tugon.

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Hindi niya binitiwan ang pagtitig sa akin. Titig na noong una ay nasa mga mata ko lang hanggang sa bumaba sa aking labi. Nakagat ko ang labi ko sa inis. Ngunit napatitig ako nang kagatin niya rin ang sariling labi!

Inis ko siyang tiningnan sa mga mata. "You're...!" bumugso ang galit ko, iyon pa lang ang sinasabi ko ay naghahabol na ako ng hininga.

Umangat na naman ang gilid ng kaniyang labi. "Handsome?"

"A kid!" angil ko. "Halika na!"

"Saan?"

"Umuwi na tayo!"

Gumala ang mga mata niya nang mag-isip saka muling itinuon iyon sa 'kin. "So, uuwi tayo sa"

Pinalo ko siya dahilan para mahinto siya sa sinasabi ngunit nahuli niya ang kamay ko at tumawa nang tumawa.

"You're always hurting me." Sinabi niya iyon nang tumatawa ngunit natigilan ako nang maisip ang ibang kahulugan.

Binawi ko ang kamay ko at dumeretso ng upo. "Just...please take me home." Nag-iwas ako ng tingin.

Narinig ko ang mahinang tawa niya nang ibuhay ang makina. Batid kong panay ang lingon niya sa 'kin habang nagmamaneho. Alam ko ring sinasadya niyang magkadikit ang mga kamay namin sa t'wing igagalaw niya ang kambyo.

Para makaiwas ay pinatay ko ang aircon at binuksan ang bintana. Ipinatong ko ang isang braso doon saka tumunghay sa dagat.

Malinaw kong nakikita ang dulong bahagi niyon dahil sa liwanag ng bilog na buwan. Ngumiti ako nang maisip ang mukha ni Maxwell.

"Napanood mo na bang lumubog ang buwan?" tanong ko mayamaya.

"Tsh." Iyon lang ang isinagot niya.

Nakatalikod akong umirap. "How about sumayaw sa ilalim ng buwan?"

"Yep."

Awtomatiko ko siyang nilingon. "Kanino?"

Tumitig siya sa 'kin sandali. "With you."

Napatitig ako sa kaniya at pilit na inalala kung kailan iyon nangyari. Hanggang sa maalala ko ang dinner namin kasama ang buo nilang pamilya. Iyong niyaya niya akong sumayaw at binigyan ng stuffed toy mula sa claw machine.

Nakangiti kong tinunghayan muli ang dagat at buwan. "Ang sarap sigurong sumayaw sa tabing-dagat habang ganitong malamig...tapos buwan lang ang liwanag," sinabi ko iyon nang ini-imagine kaming dalawa ni Maxwell habang ginagawa 'yon.

Pero napatili ako nang bigla niyang ipihit paliko ang sasakyan at tahakin ang daan papunta sa dagat!

"Ano ba!" pinalo ko ang braso niya pero sinagot niya lang ako ng tawa.

Basta na lang niya pinindot ang player at ilang saglit pa ay pumaibabaw ang isang kanta.

You laughed at me

You said you never needed me

I wonder if you need me now?

Napako kay Maxrill ang paningin ko nang seryoso siyang magmaneho, sinisilip ang buwan. Na para bang tatahakin niya ang parte ng dagat kung saan mas makikita niya ang buwan. Napatitig ako sa mga mata niyang bahagyang nanliliit katitingin doon saka babalik sa normal kapag natuon na sa daan. Maging ang mga swabeng kilos niya habang nagmamaneho ay pinanood ko.

Tuloy ay hindi ko namalayan nang ihinto niya ang sasakyan. Natanto ko lang iyon nang hawakan niya ang pisngi ko at padaanan ng daliri ang labi ko.

"Ano ba!" asik ko saka pinalo ang kamay niya.

"Let's go," aniyang mabilis na bumaba ng sasakyan para pagbuksan ako.

Napamaang ako nang lumuhod siya at biglang hubarin ang parehong sandals ko maging ang mga sapatos niya.

Magsasalita na sana ako nang damputin niya na lang bigla ang kamay ko at hilahin ako pababa. Naglakad siya patalikod sa buwan habang hila ang pareho kong kamay at dinadala ako sa dalampasigan.

Hinapit niya ako papalapit nang makarating kami sa parteng naroon mismo sa harap namin ang buwan. Sa parteng parehong nadadampian ng tubig ang mga paa namin.

Pero nagkatitigan kami nang mapalitan ang kanta at mapalitan ng pamilyar na tugtog. Natawa kaming pareho at sinabayan ang beat niyon na parang mga baliw na sumasayaw, nagtatalon, tumutuwad at tumatawa.

Sabay kaming nagsasayaw habang nagpapanggap na naggigitara nang sabayan namin ang tugtog. Tumatawa kaming humarap sa isa't isa at kumanta.

A picture of you reminds me

How the years have gone so lonely

And why do you have to leave me

Without saying that you love me?

I'm saying I love you again,

Are you listening?

Open your eyes once again,

Look at me crying.

Saka kami sabay na nagtatalon habang kunyaring naggigitara at sinasabayan ang kanta. Tila parehong baliw na tumatawa habang paulit-ulit iyong ginagawa.

If only you could hear me

Shout your name

If only you feel

My love again

The stars in the sky

Will never be the same

If only you were here

Halos isigaw namin ang pagkanta sa isa't isa. Paulit-ulit namin iyong ginawa nang tumatawa, tumatalon, nagpapanggap na naggigitara, natatalsikan ng tubig na may buhangin, nababaliw at nagsasaya.

Pareho naming habol ang hininga nang matapos ang kanta pero hindi doon natapos ang pagtawa namin. Sa halip ay tumalon pa 'ko nang tumalon hanggang sa mawalan na naman ng balanse at masalo niya.

Tumatawa ko siyang tiningnan. "Haven't you noticed, parati mo na lang akong sinasalo!"

"Yeah?" nakangiting tugon niya, titig na titig.

"Hindi mo talaga napapansin?" tumatawang tugon ko.

"Why?" Ngumiwi siya. "Kelan ka ba nahulog sa 'kin?" makahulugan niyang sinabi.

Nahinto ako sa pagtawa. Naramdaman ko nang mawala ang ngiti sa aking mukha. Humugot ako nang malalim na hininga at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Naramdaman ko nang magbaba siya ng tingin sa 'kin saka pinagapang ang kamay niya padausdos sa mga kamay ko. Doon lang ako lumingon, nagsalubong ang aming tingin. Nakangiti niyang kinalas ang pagkakatali ng buhok ko saka ikinalat 'yon. Ipinatong niya ang parehong kamay ko sa mga balikat niya saka ako iginiya pasayaw sa kantang hindi na halos marinig sa kinaroroonan namin.

They told me that

This wouldn't be easy

And, no...

I'm not the one to complain.

Napatitig ako sa kaniya nang marahan niya akong isayaw. Ngumiti siya sa pagkagwapo-gwapong paraan. Nangilid bigla ang mga luha ko nang mabawasan ang kaniyang ngiti at sulyapan ang buwan.

"If only I could be that guy," malungkot niyang sinabi bagaman nakangiti. "I wish I could be that guy."

But you're not...and you can't...

Hindi ko nagawang alisin ang paningin ko sa kaniya. Lalo na nang tuluyang mangilid ang aking mga luha.

I take one step away

Then I find myself coming back to you,

My one and only,

One and only you...

"Maxrill..." malungkot kong sinabi.

Paano mong nasusuklian ang nararamdaman ko gayong wala naman akong maibigay sa 'yo? Bakit si Maxwell...hindi magawa 'yon? Umiyak ako nang umiyak sa hirap ng sitwasyon ko.

Hindi ko matanggap na kami ang magkasama. Hindi ko matanggap na ang lalaking ito ang dahilan kung bakit nawala ang lungkot ko kanina. Hindi ko matanggap na siya ang nagbigay ng saya na hinihiling kong maramdaman sa iba. Hindi ko matanggap na siya ang pumupuno sa kakulangan ng kapatid niya.

Malungkot siyang tumingin sa 'kin saka ako tinitigan na para bang tinitiis niya ang sakit. Hinawakan niya ang pareho kong pisngi saka pinunasan ang mga luha ko sa mata.

"Why can't you love me back?" bulong niya.

Umiling ako nang umiling. Iyon lang at hindi ko nagawang sumagot.

"Please give me a chance..." mahinang dagdag niya habang nakatitig sa 'kin. Titig niyang hindi mapirma sa aking mga mata, paulit-ulit na bumaba sa mga labi ko. "Give me a chance...I'm begging you," pabulong niyang dagdag saka marahang inilapit ang mukha sa akin.

Napapikit ako nang maglapat ang mga labi namin. Mariin niyang siniil ng halik ang labi ko at bago ko pa namalayan ay gumaganti na ako.

Halos marinig ko ang kabog ng dibdib ko sa aking tenga sa hindi malamang dahilan. Sa kaba dahil sa kaniya o sa takot na gumagawa kaming pareho ng mali? Hindi ko alam. Hindi ko matukoy ang sagot. At bago ko pa masagot ang sariling iniisip ay sabay na naming pinalalalim ang halik na 'yon.

Binitiwan niya ang labi ko at pinagdikit ang aming mga noo. Pareho naming nakapikit na hinabol ang hininga.

"I love you, Yaz," bulong niya dahilan para mahugot ko ang hininga at naguguluhang tumingin sa kaniya.

Nakita ko nang magmulat siya at bahagyang ilayo ang mukha sa akin. Dinampian niya ng daliri ang mga labi ko at tinitigan ang lahat ng parte ng aking mukha. At bago niya pa ako hayaang magsalita ay marahan niya na akong niyakap.

Tahimik kaming bumiyahe pabalik. Kung gaano kabilis akong dumating sa restaurant na 'yon ay gano'n namang kabagal ang byahe pauwi. Nagawa ko nang itali pabalik ang buhok ko. Natuyo na ang nabasang paa at ilang bahagi ng damit ko, hindi pa rin kami nakararating.

Hindi ko magawang tingnan si Maxrill, lalo na nang unti-unting humupa ang tama ng alak at alam ko pa rin ang ginawa namin. Wala sa mga naganap kanina ang malimutan ko, lahat ay maidedetalye ko pa nang tama at kompleto.

Nasapo ko ang noo ko at maiiyak nang humugot ng hininga doon. I'm so fucked up! Litong-lito kong tinanaw ang daan sa tabi ko at saka palihim na namang lumuha.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, nalilito ako sa nararamdaman ko. Imposibleng sa gano'n lang ay mahal ko na ang lalaking ito. Hindi pwedeng dahil lang sa parati niya akong sinasalo ay nahigitan na nito ang katayuan ni Maxwell sa buhay ko. Hindi dahil napupunan niya ang mga kakulangan ng kaniyang kapatid ay makuha niya ang loob ko.

Pero bakit ko siya hinayaang halikan ako? Hindi na iyon ang una, at hindi ko na maaaring sabihin na pagkakamali lang ito. Dahil choice ko na ito. Hinayaan ko siyang gawin iyon at ako mismo ang titikis sa sarili ko kapag itinanggi ko iyon.

Ngayong naiisip ko ang mararamdaman ni Maxwell kapag nalaman ang tungkol dito ay nadudurog na ang puso ko. Ngayong naiisip ko ang lungkot na mababasa ko sa mga mata niya, ngayong naaalala ko kung paano siyang nagmakaawa sa aking piliin siya, ngayong sinasabi ng puso kong siya talaga, bakit ngayon lang? Bakit hindi ko naramdaman iyon kanina bago pa man ako magkasala? Bakit mas pinili kong gaguhin siya?

Bigla ay naalala ko kung paano kong ipinamukha kay Maxrill na hindi siya kundi ang kuya niya ang mahal ko. Naalala ko kung paano kong tinanggihan ang nararamdaman niya. Pero heto at binigyan ko siya ng panibagong dahilan para ipagpatuloy niya ang nararamdaman sa akin. Hindi lang si Maxwell ang ginagago ko kundi silang pareho.

Fuck! Naihilamos ko ang pareho kong palad at doon na umiyak nang umiyak. Napahagulgol ako sa sobrang pag-iisip.

"Yaz..."

Hindi ko naramdaman nang ihinto ni Maxrill ang sasakyan. Napagtanto ko na lang 'yon nang tawagin niya ako at yakapin.

Umiyak ako nang umiyak sa balikat niya. "I can't do this," lumuluha kong sabi. "I can't do this, Maxrill."

Naramdaman ko siyang bumuntong-hininga nang paulit-ulit. Hindi siya nagsalita. Hinayaan niya lang akong gamitin ang balikat niya hanggang sa maubos ang aking mga luha.

Ako ang unang kumalas sa kaniya saka pinunasan nang pinunasan ang pisngi ko. "I'm so sorry, Maxrill."

Hindi siya sumagot, sa halip ay pinaandar na lang ang sasakyan. Nakita ko nang magtiim ang bagang niya ngunit agad din akong nag-iwas ng tingin.

Ikinahihiya ko ang sarili ko nang sobra-sobra. Na halos gustuhin kong bumaba na lang at tumakbo pauwi. Hindi ko na matagalang kasama siya sa sobrang pagkapahiya.

"We're here," aniya saka pinatay ang makina.

Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako, sa halip ay nauna na akong bumaba. "Thank you for..." Damn it! Hindi ko alam kung tama bang pasalamatan ko siya sa nangyari.

"It's okay," aniya na tila nakuha ang pagkalito ko at pangangapa ng salita. "No matter how and what you're feeling, I'm here for you, and I will always be." Niyakap niya ako ngunit hindi niya na ako hinayaang gumanti. Pinakawalan niya ako at bumuntong-hininga. "Hindi na kita maihahatid sa 'taas."

Nag-angat ako ng tingin ngunit hindi sinalubong ang mga mata niya. "Take care, Maxrill." Iyon lang at tinalikuran ko na siya.

Muling pumatak ang mga luha ko nang maalala ang nangyari at maisip ang posibleng kahinatnan no'n. Hanggang ganoon na lang ba ako? Ang ipangangalandakang mahal ko si Maxwell, tapos ay maghahanap ng kakulangan nito? Mag-aasam ng sobra at magagalit kapag hindi nito nagawang ibigay. Tapos matatagpuan ko na naman ang sarili kong kasama ang kapatid niya at magpapasalo? Hanggang doon na lang ba ako? Ang maiisip ang mga mali ko kung kailan nagawa ko na ang mga iyon?

Napaatras ako sa gulat nang mamataan si Maxwell sa unit ko. Nakaupo sa sofa at may kaharap na isang baso ng alak.

Wala akong mabasang reaksyon sa kaniyang mukha nang tumitig siya sa 'kin. Gano'n na lang ang pangingitim ng mga mata niya. Maging ang pisngi niya ay bahagyang nakalaylay na para bang ilang gabi siyang hindi natulog.

"Maxwell..." hindi ko napigilan ang bahagyang garalgal sa tinig ko.

Bahagya siyang ngumiti pero ang mga mata ay tila lasing na. "How was the kiss?" bigla ay tanong niya. Yumuko siya sa alak saka nagsalin at nilaghok iyon. "Hmm?"

Magkakasunod ang paglunok ko. Hindi ko nagawang magsalita. Naestatwa ako sa pintuan. Isa-isang tumulo ang mga luha ko habang nakatitig sa kaniya.

Nakita ko nang magtiim ang bagang niya, kung paano niyang pinigilan ang maluha. Mabilis na namula ang mga mata niya at pinangiliran ng mga luha.

"If you can't choose me then choose him,"kumibot ang mga labi niya, pinipigilan pa ring maluha. "Don't fucking play with our feelings, Yaz." Umiiling niyang sinabi.

Nahugot ko ang hininga nang tumayo siya at akmang lalampasan ako. "Please, Maxwell..."

"What?" pabulong niyang asik.

"I'm sorry..." sabi ko saka padausdos na umupo sa harap niya habang hawak siya sa kamay.

"Choose him, Yaz," mariin niyang sinabi dahilan para lalong tumulo ang mga luha. "Please choose my brother. Choose Maxrill. Because...I've never..." sandali siyang tumahimik saka ko siya narinig na tumikhim. "I never really loved you anyway."

Iyon lang at pinilit niya nang kalasin ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay. Natitigilan kong pinanood ang mga paa niyang humakbang papalabas ng unit at sarhan ang pinto.

To be continued. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji