CHAPTER 34

CHAPTER 34

"WAKE UP, baby," boses ni Maxwell ang gumising sa 'kin kinabukasan. Panay ang ikot ko sa kama dahil sa sobrang antok. Namulatan ko ang nakangiting mukha niya. "Get up, I cooked breakfast."

"Good morning," bati ko saka bumangon at dumeretso sa bathroom.

"Your uniforms are ready," dinig kong sabi niya mula sa labas. "Do you need anything?"

"What about my stamp?"

"Ready," batid kong nakangisi siya nang isagot 'yon.

Napabuntong-hininga ako. Kaya niya talagang gawin ang lahat, ora mismo. Kung gugustuhin niya...'Ayun na naman ang naghihimutok kong isip at kalooban. Pero ang bagay na mas dapat naming pinag-uusapan...Idinaan ko na lang ulit sa buntong-hininga ang sumunod na isipin.

Nang araw na 'yon ko nasubok kung gaano talaga kaabala si Maxwell. Biruin mong nasa iisang area na kami, halos hindi pa kami magkita nang ma-assign kaming pareho sa magkakaiba at magkakasunod na operations. Nariyan iyong tapos na ako pero pasimula na siya sa panibago. Nandiyan din iyong katatapos niya lang pero kami naman ang magsisimula. Nagkikita kami ngunit saglit lang at pulos sulyap lang ang nagagawa sa isa't isa. Nagkaganoon ang sitwasyon dahil nagpresinta akong tumulong sa mga visiting doctors. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit mas mabilis akong magtrabaho kompara sa mga nakasama ko sa nakaraan doon sa area.

Bukod doon ay hindi lang OR ang inaasikaso niya. Nariyan 'yong pabalik-balik na nurses mula sa iba't ibang area dahil kailangan nila si Maxwell sa area nila. Batid kong nakakailang tawag muna ang mga ito bago sadyain si Maxwell sa OR, kapag kailangang-kailangan na talaga.

"Kapag ganito ka-busy ang shift mo, paano ka kumakain?" tanong ko habang pinaghahanda siya sa plate ng pagkain.

"That's why I have Wilma," nakangiting aniya. "Kung wala siya, hindi ko maaalalang kumain. I'm glad you're here as well."

"Psh. Doktor ka pero ikaw mismo ay hindi pinahahalagahan ang health mo."

Bumuntong-hininga siya. "If I get sick, I can take care of myself."

"Doc," sa hindi mabilang na pagkakataon ay lumapit si Nurse Lisah.

"Hm?" nag-angat ng tingin si Maxwell dito.

"Doc, ang daming pasyente sa ER,"napapakamot sa ulo nitong sabi. Nangunot ang noo ni Maxwell. "Sa tingin daw po ni Doc Keziah ay food poisoning. Lahat po sila ay galing sa Balabac." Sumulyap ang nurse sa 'kin.

Umawang ang bibig ko. "What?"

Nagkatinginan kami ni Maxwell. "That's impossible." Tumayo siya at kinuha ang coat.

"Sasama ako sa 'yo," sabi ko na agad inilapag lahat ng hawak.

Tumitindi ang kaba ko habang naglalakad kami pababa sa ER. Gano'n na lang ang gulat namin sa dami ng taong naroon at karamihan ay pare-parehong sumusuka.

Agad na sumalubong si Keziah at dumeretso kay Maxwell. Sapo nito ang noo at halatang namomroblema.

"Lahat sila ay sinasabing nagkaroon kayo ng feeding program doon," nasapo ni Keziah ang noo.

"But that was two days ago," hindi makapaniwalang ani Maxwell. "How come?"Sinuyod niya ng tingin ang mga naro'n saka awtomatikong nilapitan ang isang matandang hinang-hina.

Nasapo ko ang aking noo at sinuyod din ng tingin ang hindi mabilang na pasyente. Sa laki ng area, kinulang ang space sa bilang nila.

Nalingunan ko si Maxrill na noon ay kasama sina Susy at Doc Caleb nang kumuha ako ng gloves at bagong face mask.

"Doc," sambit ko. Nagkasulyapan kami ni Maxrill, tinanguan ko na lang siya dahil mukhang wala siyang balak na alisin ang tingin sa 'kin.

"What happened?" emosyonal na ani Doc Caleb. Agad na lumapit ang nurse sa kaniya at ipinabasa ang resulta ng laboratoryo.

Napapailing na pinakinggan ni Doc Caleb ang iba pang sinabi ng nurse ngunit hindi na sumagot pa. Kumuha siya ng gamit at agad na lumapit kay Maxwell. Habang tumitingin ng pasyente ay nag-usap sila.

"Nakakapagtaka naman na ngayon lang?" ani Susy. Buntong-hininga na lang ang isinagot ko saka agad na dumulog sa mga pasyente.

"Hello?" hindi ko naitago sa ngiti ang pag-aalala nang dulugan ko ang isang bata. "Anong nararamdaman mo?"

"Ate ganda," sambit nito saka biglang umiyak.

"Sshh, sshh, nandito na si ate, gagamutin ka ni ate," muling ngiti ko.

"Ang sakit-sakit ng tiyan ko, ate," tumulo nang tumulo ang luha nito at nagpagilid-gilid sa kama na animong humahanap ng tamang pwesto para mahinto ang nararamdaman niya.

Sabay-sabay na nag-order ng gamot ang mga doctor, awtomatikong kumilos lahat ng nurse para suweruhan ang mga pasyente. Kani-kaniya kaming pwesto sa hindi mabilang na pasyente. Labas-masok ang mga nurse mula sa ward para sunduin ang sinumang matapos namin at i-admit na sa area nila.

Hindi namin natapos ni Maxwell ang mga dapat gawin sa ER. Kinailangan niyang ipasa iyon sa mga doktor at nurses na naka-assign doon. Maging iyong mga nasa ibang area ay nahugot na para tumulong. Kinailangan naming bumalik sa sariling area para doon naman punan ang responsibilities namin.

Pareho naming hindi namalayan ang takbo ng oras. Ni hindi ko naramdaman ang pagod, mas nauna ko pa ngang naramdaman ang gutom matapos ang magkakasunod na operations.

Napaupo ako nang matapos ang huling naka-schedule na operation at basta na lang naisandal ang sarili sa pader. Nakatingala at nakapikit kong inalis ang stethoscope sa leeg ko saka pinagpahinga ang sarili ko sa ganoong posisyon.

"My baby is tired," naaaliw na tinig ni Maxwell ang naulinagan ko. Naupo siya sa tabi ko nang bumubungisngis. "Let's go home."

"I'm so tired," lumaylay ang mga balikat ko.

"Thank you for today, I love you,"malambing na aniya saka kinuha ang kamay ko.

Nagmulat ako at tumitig sa kaniya. Kung ganito ang nature ng trabaho mo...hindi mo talaga maiisipang magplano. Kung gano'n, paano na tayo? Paano ang sa atin? Paano...?Maski ang mag-isip ay pinagod ako.

"Let's go?" anyaya niya habang nagpapalit ng uniform. Iniabot niya ang sa 'kin.

"Hindi pa rin ako pwedeng umuwi sa bahay ko?" tanong ko.

Sandali siyang natigilan saka pinangunutan ako. "Don't you want to stay with me?"

Bumuntong-hininga ako. "Hindi naman. It's just that...I don't think it's right for us to stay together...alone."

Ngumisi siya. "We're not doing anything, though."

"Yeah, but...it's not right, right?"

Nakangisi niya akong pinangunutan. "After everything that happened between us, really?"

Siya naman ang pinagkunutan ko. "Kontento ka na sa gano'n?" mapait akong ngumisi.

Bahagya siyang umiling. "Saan?"

Bumuntong-hininga ako. "Sa...wala,"makahulugan kong sabi ngunit hindi niya 'yon nakuha.

Inakbayan niya lang ako at inalalayan na palabas. Nakaakbay siya sa 'kin nang makasakay kami sa elevator hanggang sa makarating sa penthouse niya.

Hindi namin inaasahang madaratnan sa labas sina Heurt at anak nitong babae, kasama si Wilma.

"Hey," nagugulat na lumapit, tumango at yumakap si Maxwell kay Heurt. "Tita! It's been a while."

Tinapik-tapik ni Heurt si Maxwell sa likod saka nakangiting sumulyap sa akin. "Bagay na bagay kayo."

"Tita," nakangiti akong lumapit at yumakap din. Saka ko nilingon ang kaniyang anak.

"Dainty, this is Maxwell and Yaz,"pagpapakilala ni Heurt.

Naglahad si Maxwell. "Nice to see you again," sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng dalaga, sinadyang tingnan ang paa nitong mukhang maayos na maayos nang nakapaglalakad. "I'm glad to see you. Let's go inside," pinagbuksan kami ng pinto ni Maxwell.

"Napag-usapan na siguro ninyo ni Maxpein ang pagparito ko, Maxwell?"nakangiting ani Heurt, iginagala ang paningin.

Nilingon ko si Maxwell. Natatawa siyang bumuntong-hininga. "I'm sorry, tita, but no,"nakamot niya ang noo. "I know she's calling me but...I haven't checked any of her messages yet."

"Yeah, she was actually mad at you for not answering her calls," halakhak ni Heurt. Sandali siyang sumulyap sa 'kin. "You stay here together?"

"Ah, yeah," si Maxwell ang sumagot saka nagsalita sa lenggwaheng hindi ko maintindihan. Nakita ko lang nang tumango-tango si Heurt habang nakikinig at panaka-nakang sulyap sa 'kin.

Sa halip ay nakangiti kong binalingan si Dainty. "Hi, how are you?"

"Okay lang po," nahihiya nitong tugon.

Sinulyapan ko ang mga paa niya. "Mabuti at nakalalakad ka na," masaya kong sinabi.

Sandali siyang nagulat. Batid kong hindi ako natatandaan nito o marahil ay hindi talaga kilala. Noon kasi ay hiyang-hiya parati ito na hindi magawang tingnan ang sinuman sa amin. Bukod sa bihirang-bihira talaga namin itong makasama.

"Bata ka pa no'ng magkakilala tayo," sabi ko, nahihiyang ngiti lang ang itinugon niya. Nakangiti ko siyang pinanood na igala paningin nang may paghanga sa buong bahay ni Maxwell.

Malaki na rin ang ipinagbago ni Dainty. Kung dati ay maputla at walang buhay ang maputi niyang kulay, ngayon ay kumikinang na ang kaniyang ganda. Mamula-mula na ang kaniyang pisngi at ilang parte ng balat. Kung dati ay parang hindi napaliliguan ang kaniyang buhok, pino at mabango na iyong tingnan ngayon. Para na nga siyang barbie doll. Makapal ang umaalon niyang buhok, makapal maging ang kilay niya at pilik-mata na halos magmukha na siyang naka-mascara. Matangos ang ilong at may manipis at mamula-mulang labi. May kalakihan ang kaniyang suot pero hindi maitago niyon ang maganda niyang kurba.

Mayamaya lang ay nagyaya na si Wilma na maghapunan. Tinawagan nito si Maxrill bago dumulog at sumabay sa 'min. Samu't saring seafoods ang niluto niya, perpektong panira ng magandang katawan.

"So, what keeps you busy, Dainty?" sa hapag-kainan ipinagpatuloy ni Maxwell ang pakikipag-usap dito.

Bakas pa rin ang hiya sa dalaga, ni hindi nito magawang tingnan nang deretso si Maxwell. Umawang ang labi nito ngunit hindi nakapagsalita. Natutuwa kaming nagkatinginan ni Maxwell saka muling sumulyap kay Dainty.

"Don't be shy, Dainty, it's okay," nakangiti kong hinaplos ang kamay niya.

Sa edad niya ay hindi na normal ang ganoong hiya. Pero dahil sa pinagdaanan nitong sakit at kasalukuyang sitwasyon ay hindi ko ito masisisi.

"Pagpasensyahan ninyo na," ani Heurt. "Hindi talaga siya nasanay makiharap sa mga tao," bumuntong-hininga siya. "Dalawang semestre pa at magtatapos na siya sa kolehiyo. Ewan ko pero gusto raw niyang maging beterinaryo. Pag-uusapan siguro namin kapag nakapagtapos siya."

Nangibabaw ang paghanga ni Maxwell. "Wow, you want to become a Vet? Do you like animals, specially cats and dogs? Interesting, huh?" tumango-tango si Maxwell. "You should meet our thirdborn, then."

"Oo nga," sang-ayon ko. "Mahilig siya sa animals."

Napalingon kami nang may kumatok at tumuloy si Maxrill. Agad sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang makita si Heurt.

"Heurt," walang-modo nitong bati sabay lapit at halik dito.

"How are you, Maxrill," tumayo at niyakap ito ni Heurt.

"I'm good," sinuyod ng tingin ni Maxrill si Heurt. "Sorry I'm late, may inayos akong sasakyan."

"Kaninong sasakyan?" kunot-noong tanong ni Maxwell.

Nagkibit-balikat si Maxrill. "She's a tourist, didn't asked her name, though."

"Eat with us, Maxrill," anyaya ni Heurt.

"Did you cook for us?" nasa handa agad ang paningin ni Maxrill.

Panay ang ngiti ng lahat dito ngunit tanging si Heurt ang kaniyang tinitingnan. Naupo siya sa puno ng mesa kung saan sina Maxwell at Dainty ang nakatabi niya.

"Ako ang nagluto," ani Wilma saka naupo sa kabilang puno ng mesa.

Tiningnan nang deretso ni Maxrill ang taga-luto saka sinulyapan ang mga nakahain. Inaalam marahil kung alin na naman sa mga alaga niya ang niluto ni Wilma. Natawa kami ni Maxwell ngunit sa halip na lingunin kami ay kay Dainty tumama ang paningin ni Maxrill. Talagang noon lamang niya napansing may ibang bisita bukod ni Heurt.

Sinulyapan ko si Dainty na noon ay nakatitig na kay Maxrill, bahagya pang nakaawang ang labi na animong nakakita ng artista, hindi naitago ang paghanga.

"What are you staring at?" inis na ani Maxrill. Napapahiyang umiling si Dainty saka nagbaba ng tingin. "Who are you?" kaswal niyang tanong.

Aligagang nag-angat ng tingin si Dainty ngunit gaya kanina ay natulala siya kay Maxrill. Umawang nang bahagya ang manipis niyang labi ngunit walang lumabas na salita.

Bahagyang umiling si Maxrill, hinihintay ang sagot niya.

"I'm fine..." bigla ay sagot ni Dainty.

Napatitig sa kaniya si Maxrill saka bahagyang natawa. "Whatever. Go ahead and eat, Fine," aniya na iminuwestra ang plato ni Dainty.

Napapahiyang ipinukol ni Dainty ang paningin sa pagkain at nagpatuloy. Ngunit hindi na siya nakakilos nang normal gaya kanina dahil sa presensya ni Maxrill.

"Don't you remember Dainty?" ani Heurt. "This is Dainty now."

Nagsalubong ang kilay ni Maxrill saka tumingin kay Heurt, nagtatanong. "Your daughter?"

Malawak na ngumiti si Heurt saka tumango. "Yes."

Nakangiwing tumango si Maxrill saka muling sinulyapan ang bisita. "Nice to meet you, I'm Maxrill Won del Valle."

"Siya ang pinakagwapong Del Valle," ani Wilma.

Nakita ko nang nakangising sulyapan at kindatan ni Maxrill ito. Napanood ko naman nang marahan at tiim-bagang na lingunin ni Maxwell ang sarili niyang taga-luto. Nagtaas ng kilay si Wilma, umuugali, at saka sumandok.

Natatawa kong hinawakan ang kamay ni Maxwell na noon ay batid kong nakapatong sa hita niya. Ngunit mali ang nahimas ko! Napandilatan namin nang palihim ang isa't isa saka ko nabawi ang kamay ko.

I'm sorry... Hindi ko iyon naisatinig sa pag-aalalang ipagtaka ng iba.

"So, I heard you're both planning to get married?" baling sa 'min ni Heurt mayamaya. Nasamid ako. "Tama 'yan, hindi na kayo bumabata."

"Actually, wala pa kaming fixed plans,"ani Maxwell.

Natatawa siyang pinagkunutan ng noo ni Heurt. "Ganoon ba ka-en grande ang balak mo at hindi mo mapagplanuhan nang ayos? Ano't nabanggit na sa 'kin nina Maze at More? Akala ko ay planado nang talaga."

"Hindi pa nga po namin napag-uusapan,"mapait ang ngiti kong sabi. Naramdaman ko nang lingunin ako ni Maxwell.

"Kunsabagay, bago pa lamang naman kayo," nginit ni Heurt. "Nasa inyo na ang lahat ng oras."

"Hindi mo naman mapipilit ang lalaking lumagay sa tahimik kung hindi pa ito handa," bigla ay ani Wilma.

Nalilito itong nilingon ni Heurt, sandaling pinag-isipan ang sinabi niya saka nagsalita. "Sa edad nila, nasisiguro kong pareho na silang handa. Pareho nang nasa edad at successful sa career," ngiwi niya saka nagpatuloy. "Kailangan lamang siguro nila ng oras para mas makilala ang isa't isa, mas maigi iyon."

Nawala ang ngiti sa labi ko ngunit hindi nagpahalata. Narinig kong tumikhim si Maxrill, sinikap kong hindi siya sulyapan.

"Kaya nauuso ang pagsasama nang hindi kasal," matabil ang dilang ani Wilma.

"Mahigpit iyong ipinagbabawal sa kultura ng mga Moon," may diing ani Heurt. "Pero may mga hindi magandang pangyayari nitong nakaraan, kaya naiintindihan ng lahat kung bakit sila magkasama," puno siya ng tiwalang ngumiti sa 'min. Hindi na dapat ako magtaka kung pati ang mga nangyari rito ay nakarating sa kaniya.

"This is awkward," buntong-hininga ni Maxwell, mapait ang ngiti.

Naiba ang usapin, napunta sa masaya ngunit tila wala na akong naintindihan. Nang gabing iyon ay nasiguro kong hindi pa nga talagang handa si Maxwell na mag-settle down at wala akong choice kung hindi irespeto 'yon. Pero kontento na nga ba ako nang ganoon?

Siguro kailangan ko ring mag-effort na tanungin siya. Hindi 'yong maghihintay na lang ako na i-open 'yon para mapag-usapan namin. Habang naliligo ay iyon ang laman ng isip ko.

Plinano kong tanungin siya bago matulog. Pero nadatnan ko siyang nakakatulugan na ang pagbabasa. Marahan kong kinuha ang mabigat na librong nasa kandungan niya at inalalayan siyang mahiga nang ayos.

"Are you going to sleep?" sabi ko nang tumabi at yumakap sa kaniy.

"Yeah, I'm so tired," nakapikit na aniya, hindi na halos naisara ang bibig at nakatulugan na.

Napabuntong-hininga ako sa katotohanang hindi pa rin namin mapag-uusapan 'yon. Hindi ko alam kung dapat ko bang sisihin ang sarili sa pag-iisip nang matagal sa pagligo.

Kinabukasan ay sabay muli kaming nag-duty at panibagong problema ang aming hinarap nang may bumisitang mga pulis sa ospital. Katatapos lang namin sa magkakasunod na operations nang imbitahan ng mga iyon na makausap si Maxwell. Sa pagkabalisa ay bumaba ako at sumunod para malaman kung ano ang nangyayari. Pero tapos nang mag-usap ang mga ito at paalis na ang mga pulis nang maabutan ko.

Pabuntong-hininga akong hinarap ni Maxwell saka niya pinilit na ngumiti.

"What happened?" tanong ko.

"They just asked me about yesterday,"mahihimigan ang bigat ng napag-usapan nila sa tinig niya.

"And?"

"I was asked bakit napapadalas." Natulala siya sandali sa kung saan saka bumuntong-hininga. "Kahit ako ay nagtataka kung bakit nangyayari ito. Nagpadala na ako ng samples sa iba't ibang laboratories para maimbistigahan ang pinagmumulan. Tatlong magkakasunod na kaso na nga naman."

Noon nangibabaw sa likuran ko ang tinig ni Maxrill at itinanong din ang tanong ko. Muli ay inulit ni Maxwell ang ipinaliwanag sa 'kin, mas detalyado pa na animong ang kapatid ang lubos na makaiintindi sa pinagdaraanan niya. Nabanggit niyang hiningi ng mga ito ang lahat ng legal na dokumentong meron siya na umano'y nang mapag-aralan. Bukod sa investigation na gagawin ni Maxwell ay magkakaroon din ng sarili ang mga pulis.

Nang magpatuloy kami sa trabaho ay bakas na ang pagiging balisa ni Maxwell. Sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang hindi ngumiti at magdamag na sumeryoso. Sa ilang araw kong nagdu-duty roon sa OR, nang sandaling iyon niya lang ako hindi nakumusta. Tila naging regular employee niya ako nang araw na 'yon dahil sa pagiging abala.

Lumapit ako sa kaniya nang matapos ang shift. "Let's go?" anyaya ko. "I'll cook dinner for you."

"Thank you," ngumiti siya ngunit bitin iyon, halata ang pagod.

Pero naglalakad pa lang kami papunta sa elevator nang may dumating na humahangos na nurses at may tulak na stretcher.

Hindi ko namalayang isa sa mga iyon si Keziah. Lumapit siya kay Maxwell, habol ang hininga. "Vehicular accident, needs immediate operation," aniya saka itinulak ang pinto at pumasok.

Nasundan ko ng tingin ang mga ito saka napaangat ng tingin kay Maxwell. Bumuntong-hininga siya saka napilitang ngumiti.

"How about a date later?" bigla ay aniya.

Umawang ang labi ko. "Huh?"

Bahagya siyang nagpaliit nang magpantay ang paningin namin. Ngumiti siya saka inalis ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko.

"Tatapusin ko lang ito then let's date later," malinaw na aniya. "Hindi kita masasabayang mag-dinner."

"No, it's okay, I'll help you."

"I know you're tired," hinaplos niya ang pisngi ko. "Go ahead and eat something light upstairs. I'll book a restaurant for us to have late dinner together."

Nangiti ako. "Okay. I'll wait for you."

"Love you," hinalikan niya ako sa sentido saka nagmamadaling bumalik sa operating room.

Natitigilan akong tumitig doon at hindi maintindihan ang mararamdaman. Tulala akong naglakad papasok sa elevator hanggang sa makarating sa penthouse. At sa halip na sundin ang sinabi ni Maxwell ay naligo ako at natulog dahil sa sobrang pagod.

Nagising na lang ako dahil sa magkakasunod na tawag sa cellphone. Inaantok ko 'yong sinagot.

"Ma'am Yaz del Valle?" anang kabilang linya.

Awtomatiko akong nagising. Del Valle? "Yes?" sagot ko.

"Susunduin na po kayo ng driver in thirty minutes at dadalhin po kayo sa restaurant na ipina-book si Mr. Del Valle."

"What?" natutuliro akong bumangon, nagkamali-mali pa sa pag-alis ng comforter sa paanan ko. "Okay-okay, I'll be downstairs in thirty minutes." Iyon lang at awtomatiko kong binaba ang tawag.

Dali-dali uli akong naligo at habang tinutuyo ang sarili ay saka ako namili ng isusuot. Hindi halos ako magkandaugaga sa kamamadali. Nariyan 'yong nagkamali ako ng suot ng underwear at muntik na mapigtasan ng bracelet. Palibhasa'y iilang damit lang ang dala, napili ko iyong floral na maxi skirt at ipinares doon ang white, sleeveless crop top ko. Itinali ko ang aking buhok at hinila pababa ang ilang hibla. Bumagay doon ang madalas kong gamit na boho sandals.

Nahuli ako ng limang minuto bago makasakay sa sumundo sa akin. Pero natakpan ng magandang ngiti ng driver ang aking hiya. Sa huli ay nabuhay ang excitement ko papunta sa restaurant.

Gano'n na lang ang pagkamangha ko nang makarating kami. Sa dami nang napuntahan ko ay iyon na sa tingin ko ang pinakaeleganteng restaurant. The whole place was made up of woods but undeniably luxurious. Mula sa mga chandelier, sa tables and chairs, maging sa mga displays, lahat ay pang-world class. Maging ang mga staff ay attentive, caring at halatang well-trained.

Sa ganoon kasimpleng itsura ko kompara sa ibang babaeng naroon, kakatwang naagaw ko ang atensyon ng karamihan sa mga lalaking madaanan ko. Pero ang paningin ko ay itinuon ko sa table kung saan ako iginiya ng staff. Kauupo ko pa lang nang i-serve niya ang kulay asul na drink.

"Thank you," sabi ko saka iginala ang paningin sa buong lugar.

Wow... Sa ganoong oras at kakaunting liwanag na nagmumula sa restaurant ay tila kumikinang ang white sand na halos nasa tabi ko lang, tanaw na tanaw.

Inilabas ko ang cellphone ko at tinext kay Maxwell na naroon na ako.

Nakangiti akong humigop sa straw ng drink saka muling iginala ang paningin sa buong lugar.

If she only knew

What I knew but couldn't say

If she could just see

The part of me that I hid away

Hindi ko man lubos na natutukan ang lyrics ng kanta, napapangiti ako sa ganda ng beat at boses ng singers niyon.

If I could just hold her

In my arms again

And just say

I love you...

Napapikit ako at napangiti nang matamis nang magmulat dahil sa huling linyang iyon ng kanta. Mukha akong sira doon na ngingiti-ngiti habang isini-serve ang dinner namin at mag-isa. Bigla akong nahiya sa mga nakakakita.

Gano'n na lang ang pagkamangha ko sa dami ng pagkain na ipinahanda ni Maxwell. Wala pa man ay naiisip ko na kung paano naming mauubos 'yon.

May ilang minuto pa ang nakalipas bago ko muling inilabas ang cellphone ko. Hindi sumagot si Maxwell kaya tinawagan ko siya. Ngunit nakadalawang ulit na ako't lahat ay hindi pa rin siya sumasagot.

Baka naman on the way na?

Sumulyap ako sa daan papasok saka muling napangiti sa magandang beat ng kanta. Napaka-calm ng boses ng mga kumakanta niyon at sadyang nakakadala ang beat.

'Cause love...

Love is so easy to feel

But the hardest thing to say

"Excuse me," mayamaya ay nakangiti kong tinawag ang babaeng staff. "Hindi ba tumawag si Maxwell?"

"Hindi po, ma'am. Actually nag-book lang po siya then pinasundo na kayo."

"I see," tumango ako. "Pwedeng pakiulit 'yong song kapag natapos? Ang ganda kasi."

"No problem, ma'am."

"Thank you," nakangiti kong sinundan ng tingin ang staff. Tuloy ay hindi ko naiwasang tingnan maging ang ilang naroon.

Nangiti ako nang maisip na napaka-sweet ng mga lalaking naroon para i-date ang babaeng kasama nila sa ganoon klaseng lugar. Well, bukod sa pagiging luxurious at elegante, talagang sobrang ganda ng lugar. It was peaceful and serene. Kahit sino ay magugustuhan doon.

Gaya ng hiniling ko ay inulit ng staff ang kanta, nakangiti ko pa silang sinulyapan. Muli kong inilabas ang cellphone ko at tinawagan si Maxwell. Nangunot ang noo ko nang hindi niya pa rin iyon sagutin.

Naka-duty pa rin ba siya?

Pabuntong-hininga kong sinulyapan ang dinner namin at hindi na ako magtataka kung pinanawan na ng init ang mga iyon. But I told my self to wait a little more.

Ngunit natapos nang muli ang kanta at napalitan na ng iba, hindi pa rin dumarating si Maxwell. Napapansin ko na panay na ang tingin ng mga staff sa akin, maging ilang customers na naroon. Unti-unting nababawasan ang mga tao, mukhang ilang saglit pa ay maiiwan akong mag-isa rito.

Nagsisimula na akong mag-alala pero winaglit ko 'yon sa isip nang muling subukan siyang tawagan.

Bumagsak ang mga balikat ko nang makailang tawag ako at hindi siya sumasagot.

"What happened to him?" bulong ko saka muling idinial ang linya.

Pero natigilan ako nang may pares ng mga paang naglakad sa tabi ko. Naibaba ko ang linya at nag-angat ng tingin doon.

Napatayo ako. "What are you doing here?" baling ko kay Maxrill.

Bigla ay nasapo ko ang noo nang maalalang walang pangalan na binanggit ang staff. Del Valle rin itong kaharap ko at hindi ko sigurado kung si Maxwell nga ang nagpa-book sa en grande na restaurant na 'to.

Pero huwag niya sabihing siya? Kunot-noo akong napatitig kay Maxrill. Kami ni Maxwell ang may usapan...

"I manage this property," mayamaya ay ani Maxrill.

Hindi na ako magugulat kung sasabihin niyang sila rin ang may ari ng luxury resort and restaurant na 'yon.

Sinulyapan niya ang hindi mapangalanang mga pagkain sa mesa at kunot-noong tumingin sa 'kin. "I guess your date is not coming anymore."

Pinagkunutan ko siya. Sinadya kong ipakitang nagda-dial ako sa cellphone. Nakangiwi niya naman akong pinanood saka pabuntong-hiningang inilingan.

Napapikit ako at napaupo sa inis nang sa hindi mabilang na pagkakataon ay hindi iyon sinagot ni Maxwell.

"Mind if I join you?" walang emosyong tanong ni Maxrill.

Sa isang tingin ko ay naupo siya, walang planong hintayin ang sagot ko. Naglabas siya ng cellphone at nagpipindot doon, ipinako niya ang paningin sa 'kin habang pinakikinggan ang linya. Nagawa kong labanan ang titig niya dahil alam kong si Maxwell ang tinatawagan niya.

"He's not answering," iling niya nang makailang tawag din doon. "He's not coming anymore. Go ahead and eat."

"Darating si Maxwell, na-late lang."

"Marunong sumagot ng tawag ang kapatid ko," giit niya. "Hindi na 'yon darating. Naipit na sa trabaho."

Bumagsak ang mga balikat ko at inis na isinilid ang cellphone sa sling bag. "I'll wait for him here," sabi ko saka padabog na isinandal ang sarili sa couch.

Matagal siyang tumitig sa 'kin. "He's not coming, Yaz."

"Darating siya. Kapag sinabi ni Maxwell na darating siya, darating siya," giit ko.

Bumuntong-hininga siya saka muling inilabas ang cellphone at sumubok na tumawag.

"Keziah," aniya. Nagkamali ako nang isiping si Maxwell ang tinawagan niya. "Where's Maxwell?" Matagal siyang nakinig sa linya. "Ok..." pinandilatan niya ang cellphone, mukhang binabaan siya ng linya.

"Where is he?" tanong ko.

Ngumiwi siya. "Go ahead and eat."

Mukhang tama siya, hindi na darating si Maxwell. Lumaylay ang mga balikat ko. "Wala akong gana," sabi ko saka tumayo.

Awtomatiko siyang kumilos at lumapit sa 'kin. "Sit down and eat. Ang tagal mong naghintay."

Nangunot ang noo ko. "So, kanina mo pa ako nakita rito?"

"Excuse me?" asik niya. "Tsh. Mukhang natuyuan na ng sabaw ang mga pagkain mo."

"Uuwi na 'ko."

Awtomatiko niya akong nilingon. Napaiwas at napalunok ako sa lapit ng agwat namin. Sandali siyang tumitig sa 'kin hanggang sa bumaba ang tinging 'yon sa aking labi.

Napaupo ako. "Okay." Nakita ko siyang ngumisi saka naupo sa harap ko. "Hihintayin ko pa rin siya," giit ko.

"Until when?"

"Hanggang sa lumubog ang buwan," inis kong tugon.

Umangat ang gilid ng kaniyang labi. "Which one?" hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin. "Hindi lang iisa ang buwan sa buhay mo. Sasamahan kita kahit masikatan tayo ng araw dito," ngiti niya saka sinimulang galawin ang mga pagkain.

Napabuntong-hininga ako. Bakit ba parati mo na lang akong sinasalo?

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji