CHAPTER 33
CHAPTER 33
PANAY ANG titig ko kay Maxwell habang nakikipagbiruan sa mga bata. Itim na shirt at faded jeans lang ang suot niya pero angat na angat sa lahat ang kagwapuhan niya. Parang bagong ligo. Hindi ko na naman tuloy malaman kung ano ba ang nagustuhan sa 'kin ng lalaking ito. At sinabihan pa ako ng mabango!
"Baka naman matunaw," biro ni Susy.
Natawa ako. "Grabe, ang gwapo ng boyfriend ko."
"Gwapo nga."
"Boyfriend ko 'yan," dinunggol ko siya, kinikilig sa sarili.
"Swerte mo nga. 'Wag mo nang pakawalan."
"Baliw na nga lang ang magpapakawala sa ganito kagwapong nilalang," nakangiti akong bumuntong-hininga at parang baliw na nakitawa sa hindi ko naman na-gets na joke ni Maxwell sa mikropono.
Kakaiba talaga ang magkakapatid na 'to. Hindi siguro kasama sa proseso ng paglaki nila ang matuto nang magandang biro. Ito 'yong mga masasakit kung magbiro pero dahil tawang-tawa sila ay madadala ka na lang. Hindi dahil sa nakakatawa ang joke, madalas nga ay foul. Kundi dahil sa nakakahawa nilang tawa na para bang 'yon na ang pinakamagandang biro sa buong mundo.
"What do you wanna do first, kumain o magpalinis ng teeth kay Ate Ganda?" tanong ni Maxwell sa mikropono, panay na naman tuloy ang ngiti at kagat-labi ko.
"Kain muna po, doc!" anang mga bata.
Tingnan mo ang lokong 'to... Nasa plano nang mauuna ang oral treatment bago ang feeding program, tinanong na naman niya ang mga bata, tuloy ay nagbago ang plano.
"Sige, baka hindi pa rin kumakain si Ate Ganda," ngiti ni Maxwell saka lumingon sa 'kin, napilitan akong ngumiti. "Kakain muna raw sila." Sinabi niya nang wala na ang mikropono, na para bang hindi ko narinig na sinabi niya 'yon sa mga bata dahil nasa magkaiba kaming dimensyon.
"Narinig ko," nakangiwi kong sabi.
Gano'n na lang ulit ang paghanga ko nang hindi lang pala handa, relief goods at oral kits ang dala ni Maxwell. Nagbitbit siya ng mga tauhan na tumulong sa amin nang sandaling iyon. Imbes tuloy na kami ang mamigay sa mga bata ay ang mga tauhan na ang gumawa no'n. Sa huli tuloy ay sabay-sabay kaming kumain at mukhang mas marami ang magagawa namin ngayong araw.
Kumuha ako ng pagkain para sa akin at kay Maxwell saka dumeretso sa mesa kung saan naroon ang mga kasama namin.
"No, I'm planning to marry her soon,"dinig kong sabi ni Maxwell.
"Ay, kigwa!" dahilan upang maihulog ko ang disposable spoon na bitbit ko.
Awtomatikong napalingon si Maxwell sa akin at tumayo para tulungan ako. "Why didn't you call me?"
Sa halip na sumagot ay napatingala ako sa kaniya at napatitig. Pakakasalan ako ng nilalang na ito... May kung anong umalon-alon sa dibdib ko. Gusto kong maiyak nang sandaling iyon dahil sa halo-halong nararamdaman pero paniguradong hindi nila lubos na maiintindihan kung tuwa at saya lang ang idadahilan ko. Baka sa huli ay mag-alala lang sila o baka asarin akong wala pa namang proposal.
"You're this hungry, huh?" natatawang aniya nang makita kung gaano karami ang dala kong pagkain. Kinuha niya ang pareho kong dala saka ako inalalayang maupo.
"Most are desserts," sabi ko, hindi pa rin maalis ang tingin sa kaniya.
Nilagyan ko ng food ang plate niya at hindi pa doon nakontento, sinubuan ko talaga siya sa harap ng gano'n karaming tao. Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin pero idinaan na lang iyon sa ngiti. Halatang mas lamang ang tumitingin kay Maxwell kaysa sa 'kin. Pero wala akong pakialam, sa sandaling 'yon ay ayaw kong alisin ang paningin sa kaniya.
"'Buti ka busy, doc?" ngiti ni Doc Caleb, binabasag ang paglalayag ng isip ko.
"Well," sinulyapan niya ako. "My girlfriend has been very supportive so I want to support her in return. My friend Bentley is on duty to take over me."
Ngumuso ako at ipinatong ang mukha ko sa balikat niya. Nilingon niya ako at tiningnan sa mata, ilong at labi.
"Hm?"
"Paano 'yong...fee?" pabulong kong sinabi ang huling salita.
Natawa siya. "I'll pay him, there's no problem," ngiti niya saka iniyakap ang kamay sa bewang ko.
'Ayun na naman ang panibagong paghanga ko. Grabe, tao pa ba 'to? Sabi nila ay walang taong perpekto, ano pala 'tong katabi ko?
Hindi kami nagtagal sa pagkain. Kinailangan naming maunahang matapos ang mga bata nang sa gano'n ay masimulan ang mga tapos nang kumain.
Kung kahapon ay tutok ako sa trabaho, ngayon ay nahahati na ang atensyon ko pero bigay na bigay pa rin ako, nagpapakitang-gilas kay Maxwell. Hindi kasi siya umalis sa tabi ko. Pinanood niya ang ginawa ko sa dalawang pasyente at sa ikatlo ay siya na ang gumawa niyon. Sa huli ay tumulong siya sa amin kaya mas marami ang natapos namin, nahigitan pa ang goal namin para sa araw na 'yon.
"Thank you, baby," sabi ko nang matapos ang araw at pinanonood na lang namin sina Susy at Doc Caleb na magsalita sa entablado. "Sobrang thank you," sinsero kong sinabi. "I was not expecting na darating ka...lalo na't dala ang ganito karaming handa at regalo. Salamat." Hindi ako nagdalawang-isip na yakapin siya.
"Thank you rin," ngiti niya. "I really love helping people." Nilingon niya ang mga naro'n. "Iyong makita ang girlfriend ko na ginagawa 'to, lalo yata akong na-in love."
"So, fetch!" sabi ko sabay palo sa balikat niya.
"Huh?"
"I love you."
Ngumisi siya. "I love you."
Sabay muli naming pinanood sina Doc Caleb at Susy hanggang sa matapos. Sabay rin kaming nagpaalam sa mga mamamayan ng Balabac bago lumubog ang araw.
"I brought you a pair of swim suit," ani Maxwell nang naglalakad na kami papunta sa tinutuluyan namin. "Let's go to Onuk Island tomorrow."
Nanlaki ang mga mata. Wala mang ideya kung saan iyon ay tumango agad ako. "Sure!"patili kong tugon.
"Where are you guys staying anyway?"baling ni Maxwell kay Doc Caleb na noon ay nangunguna sa paglalakad.
"Nakikituloy lang kami sa mga taga-rito, doc," tawa ni Doc Caleb. "May pamilyang kumukupkop sa 'min."
"Apat na yate ang dala ko," ani Maxwell. Lahat ay nagulat at literal na nahinto sa paglalakad para lingunin siya. Gano'n na lang ang pag-iwas ng mukha ni Maxwell. "Yeah, you can all sleep there, well, if you want."Saka siya napilitang ngumiti at nagbaba ng tingin sa 'kin. "Baby," ngiti niya.
"Grabe, seryoso ka?" tanong ko.
"Yeah, why?" inosenteng tugon niya.
"Apat na yate?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Kaswal lang siyang tumango saka umakbay sa 'kin. Gusto ko pang magtanong pero pinigilan ko na. Hindi ko dapat makalimutang walang imposible sa pamilya nito. Chopper at eroplano nga ay meron sila, yate pa kaya? Isa pa, hindi mahirap para sa kaniya na magdala ng apat na yate. Panigurado ring ginamit niya ang mga 'yon para madala ang bulto-bultong ipinamahagi namin kanina. Bagaman siguro na akong kakasya 'yon sa dalawang yate ay pinaniwala ko na lang ang sariling apat na yate talaga ang dapat na dalhin.
Hindi pa rin kami makapaniwala kay Maxwell. Tuloy ay panay ang tawanan at pagtsitsismisan namin nina Susy at Doc Caleb habang kinukuha ang mga gamit namin at nagpapaalam sa pamilyang tinutuluyan namin.
"Iba na talaga ang bigtime, 'no?" ani Doc Caleb. "Apat na yate," hindi pa rin siya makapaniwala.
"Lalo tuloy gumuwapo ang nobyo mo, Yaz," panunukso ni Susy.
Kinikilig naman akong ngumiti sa kaniya, hindi malaman ang sasabihin dahil talagang ang hirap paniwalaan ni Maxwell. 'Yong mga imposible ay para bang sisiw lang sa kaniya. Para bang walang pinoproblema? Kunsabagay, may masamang tao nga sa harap namin ay 'yong mamahaling sahig, bintana at pinto ang inintindi niya. Hindi na talaga dapat ako magtaka.
Seryoso nga siya. 'Ayun at nakahilera ang mga tauhang kasama niya at sa likuran ng mga iyon ay ang mga yateng binabanggit niya.
Hinayaan niyang magdesisyon ang mga kasama namin kung saan mananatili. Niyaya ko si Susy na manatili sa amin ngunit mas pinili niyang sumama sa mga babaeng dentista dahil sa hiya. Kaya sa huli ay solo namin ang yate na may pagkalaki-laking paskil ng pangalan niya.
"Maxwell Laurent del Valle," binasa ko iyon.
Lumapit siya at iniharang ang sarili sa barandilyang kinakapitan ko saka ako niyakap. "Your own Del Valle, huh?" Inabot niya sa 'kin ang kaniyang wine.
Uminom ako at napangiwi sa magkahalong pait at tamis na lasa niyon. "Kumusta ang bahay mo?"
"Yeah, everything's done. Thanks to my wonderful sister," ngiwi niya.
"Hindi naman na siguro babalik si Hwang, 'di ba?" umaasang tanong ko.
Sumeryoso siya at itinuon ang tingin sa wine. "He's a prisoner and should in prison."
"For what?"
"For treason," naroon pa rin sa alak ang kaniyang paningin. Nilalaro sa wine glass iyon nang paikot-ikot. "I'm actually blaming him for the death of my grandmother." Hindi ko malaman kung bakit tila ba naramdaman ko ang sakit na pinagdaramdam niya nang sandaling sabihin 'yon.
"I'm so sorry to hear that," hinaplos ko ang pisngi niya.
"He can't hurt us anymore," mapait siyang ngumiti saka tumingin nang deretso sa 'kin.
"Natatakot ako sa kaniya."
Hinaplos niya ang pisngi ko. "It's okay, baby, he can't hurt you. I'd kill him first."
Hindi nabago no'n ang pag-aalala ko. Bagaman masarap sa pakiramdam ang sinabi niya, may nagsasabi sa 'kin na hindi niya kayang gawin 'yon. At masakit na ako mismo ang nag-iisip no'n gayong nang sandaling naroon si Hwang ay hindi ko matanggap na tinawag nitong mahina si Maxwell.
Sandali pa kaming nanatili roon bago ako nagyayang matulog. Kahit anong pagod ko, basta siya ang katabi ko sa gabi, sumasarap ang tulog ko. Dahil kaya sa yakap niya? Dahil sa presensya? Hindi ko alam. Basta ang alam ko ay payapa ang tulog ko basta naroon siya.
"Good morning," bati ko nang magising kinabukasan at nakitang nagbibihis na siya.
Tumingin ako sa labas ng bintana at nakitang maliwanag na. "We're here," aniya. "Haba ng tulog mo, ah?" ngumiti siya.
Gano'n na lang ang gulat ko. Hindi ko man lang naramdaman ang pag-andar ng yate.
Dali-dali akong bumangon, naghilamos at nagbihis saka sumabay sa kaniya palabas.
"Wow..." 'ayun na naman 'yong pakiramdam na para bang noon lang ako humanga. "This place never fails to amaze me!"
Hindi ko maihinto sa paggagala ang aking mga mata. Napakaganda ng lugar! Sa mga napuntahan kong lugar doon sa Palawan, ito ang pinakanag-stand out. Onuk island is absolutely stunning, untouched and pure!
Dali-dali kong hinubad ang cover-up, wala pa mang ilang minutong naisusuot iyon, saka pinangunahan si Maxwell na bumaba ng yate.
"Ang ganda..." wala sa sariling usal ko.
Naririnig ko ang kani-kaniyang paghanga ng mga kasama ko pero hindi ko maalis sa lugar ang paningin ko. Na-shock ako sa ganda ng lugar. Wala na akong salitang magamit para purihin iyon.
Hindi maalis ang paningin ko sa kulay turquoise green na tubig, nakikipaglaban iyon sa klarong tubig papalapit sa pino at puting buhangin.
Nakangiti kong inihakbang ang mga paa ko sa napakapino at maputing buhangin. Lalo pa akong napangiti nang maramdaman ang naghahalong lamig at init na pakiramdam. Saka ko nilingon ang may kahabang bridge na gawa sa kahoy. Sa dulo niyon ay may dalawang kalakihang cottages at isang covered space na may hammock.
"Grabe, alagang-alaga ka ni Doc Maxwell, ah? This is a beautiful place." biro ng kasamahang doktor ni Doc Caleb.
"Sobra, doc."
"Matagal na kayo?"
"Bago lang, doc," ngiti ko.
Nakita ko ang paghanga nang hindi niya sinasadyang masulyapan ang katawan ko. Bigla ay gusto kong mahiya dahil noon ko lang napansin ang two-piece kong hapit na hapit at kakulay na halos ng balat ko. Napatalikod ako sa gawi niya at naharapan si Maxwell na noon ay nagsusumigaw ang paghanga habang nakatingin sa 'kin bagaman nanliliit ang mga mata dahil sa liwanag.
Nakabukas ang lahat ng butones ng puting polo niya, maging ang butones ng itim niyang shorts. Ngunit ang nakaagaw ng pansin ko ay ang vintage Leica camera na nakasabit sa leeg niya. Napamaang ako sapagkat alam ko kung gaano iyon kamahal.
Patakbo ko siyang sinalubong ng yakap. Naramdaman ko ang paghinga niya sa leeg ko, hingal na hingal bagaman kaswal lang na naglakad.
"Ang ganda dito," sabi ko.
"Lalong gumanda dahil sa 'yo."
Ngumiti ako. "Pwede na bang mag-swimming?" excited kong tanong.
Tumango siya. "Of course." Kinuha niya ang kamay ko at sinamahan akong maglakad papunta sa tubig.
Akma na akong tatanungin siya kung bakit hindi sumama pero gano'n na lang ang ngiti ko nang makita siyang kinakalikot ang camera.
Iniluhod niya ang isang tuhod at umastang kinukuhanan ako. Awtomatiko akong tumagilid at umanggulo sa bandang balikat ko paharap sa kaniya. Mula sa kinaroroonan ko ay nakita ko ang pagngiti. Maliit na bagay lang marahil sa kaniya 'yon pero sa akin ay malaki na. Bilang na bilang ko lang sa daliri ang mga sandaling ngumiti siya sa harap ko noon, hindi pa ako ang dahilan. Pero heto, isang tingin lang niya sa 'kin ay hindi na mabilang ang pagngiti niya. Talagang umiikot ang mundo. Hindi man ako ang dahilan niyon ay masaya na akong umikot 'yon sa paraang pinangarap ko.
Panay ang pa-cute ko sa camera habang siya ay panay rin ang paghahanap ng pwesto para makuhanan ako nang ayos. Hanggang sa mapukaw nang bumubukas niyang zipper ang paningin ko.
Ngano nga dili mahulog iyang shorts? Gusto kong humanga. Mamahalin siguro. Gusto kong matawa sa sariling naisip.
Aba't kitang-kita ko na ang magkabilang buto sa napakagandang bewang niya pero ang pants ay hindi man lang maghingalo sa pagkakakapit doon, lumalaban. Sumusulyap na naman ang nagsusumigaw na brand ng boxers niya. Wala na yatang mumurahin sa taong ito.
"Come swim with me," nakangusong sigaw ko.
Gano'n na lang ang pag-awang ng labi ko nang basta na lang niya ilapag ang camera sa buhangin. Sa presyo niyon, hindi dapat inilalapag nang basta iyon. Kung gano'n, mukhang mas mahal ang sahig at bintanang pinagtatalunan nilang magkakapatid kaysa roon? Unbelievable!
Pinanood ko siyang hubarin ang polo, pinigilan ko nang matawa nang makita ang abs niya. Pero muli akong humanga nang makitang naka-board shorts siya, handang lumangoy.
Agad siyang yumakap nang makalapit, hindi naman mawala ang pagngiti ko nang gawaran siya ng pisngi sa labi.
"Thanks for this, nakakawala ng stress."
Umangat ang kilay niya. "Am I stressful?"
"Of course not. Ibig kong sabihin, nakaka-relax, ana ba."
Sandaling nangunot ang noo niya saka ako hinila papunta sa malalim. Sabay kaming sumisid at hinayaan ang kani-kaniyang sarili na malayang lumangoy.
Hindi ko alam kung paanong nangyari na nagawa naming gumawa ng kani-kaniyang mundo sa ilalim ng tubig at muling pag-isahin iyon nang maghawak ang mga kamay namin.
Ang sarap sa paningin ng magandang lugar, ang sarap sa pakiramdam ng tubig at mamasa-masang ihip ng hangin. Pero lahat ng pakiramdam na iyon ay dumoble dahil siya ang kasama ko. Kahit sinong babae sa mundo ay hindi talaga tatanggihan ang lalaking ito, gugustuhin itong makasama.
"Guys, smile!" bigla ay ani Doc Caleb nang sabay kaming umangat sa tubig ni Maxwell. Sabay kaming yumakap sa sarili at nakangiting humarap kay Doc Caleb. "More!" aniya. "I'm a good photographer!"
Yumakap si Maxwell sa likuran ko at niyakap ako mula doon. Hindi namin pareho alam kung gaano karaming shots ang ginagawa ni Doc Caleb. Pero pareho kaming nalibang ni Maxwell.
Napatili ako nang buhatin ako ni Maxwell ngunit sa isang utos niya ay iniarko ko ang katawan ko na parang ganoon sa mga balerina. Saka kami tatawa-tawang nagyakap matapos ang hindi mabilang na shots ni Doc Caleb.
Kagat ako ang labi ang nang sumampa ako payakap kay Maxwell. Nakangiti niya akong tinitigan.
"I missed you," hinalikan niya ako sa ilong saka itinalikod kung saan mahaharangan niya ang sinumang nakatingin sa amin.
Hinalikan niya ako nang marahan sa labi na nakapagpapatunay na talagang na-miss niya ako. Para na naman tuloy tinutunaw ang puso ko. Isinabit ko ang pareho kong braso sa leeg niya at bago ko pa man siya mapigilan ay binuhat niya na ako. Doon sa paraan na muli ko na namang mararamdaman ang kakisigan ng trono niya.
"Mm!" banta ko agad.
Nangunot ang noo niya. "What?"
"I know what you're thinking."
Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. "What?"
"Kunyari ka pa," masungit kunyaring sabi ko. Inosente siyang umiling. "Ramdam ko 'yon."
Sandali siyang tumitig sa 'kin, nangangapa, saka tumawa. "Baby, it does its own thing and I couldn't just wish it away. I've less command over him than the rest of my body parts, you know that," propesyonal na pagdadahilan pa niya, panay ang tango ko habang nakikinig, kunyaring sumasang-ayon sa kaniya.
"Pigilan mo."
"Baby it...grows without my consent."
Grows talaga? "Ambot sa imo!" pinalo ko ang balikat niya. "Isa na lang, Maxwell, ah!"banta ko.
Ngunit iba ang pakahulugan niya. Pinandilatan niya ako, natutuwa. "Yeah, I was actually thinking...what if—"
"What?!" pinangunahan ko siya.
"'Yong ganito," aniya na bahagyang tumingala sa 'kin, ang tinutukoy ay iyong buhat niya ako saka kinagat ang sariling labi.
Sa isang iglap ay napanood ko sa isip ang itsura namin!
Pinalo ko nang pinalo ang parehong balikat niya, tumatawa siyang umiwas. "Isusumbong kita kay Maxpein! Isusumbong kita! Isusumbong kita! Kung ano-anong naiisip mo! Hindi ka pa nga nagyayaya ng kasal kung kani-kanino mo na kinukwento! Hindi muna ako ang kausapin mong yawa ka!"asik ko.
"What?" asik niya, litong-lito. "Baby you've been talking weird these past few days."
"Bisaya kasi 'yon."
"I can't understand you," ngiwi niya.
"As if naman naiintindihan ko kayo kapag nag-usap-usap na kayo ng pamilya mo?"asik ko.
Ngumisi siya. "I can teach you if you want."
Pinalo ko na naman siya. "Magtuturo ka ng ibang salita, pero 'yong kasal hindi mo mabanggit sa 'kin! Baka mamaya iba ang pakasalan mo, pisti ka!"
"Seriously?" bigla ay naaasar niyang tugon, ubos agad ang pasensya. "I have no plans to marry anyone else. It's just that...marriage is not something you just decide because you're in love."
Natigilan ako at napatitig sa kaniya. He's not yet ready... Ang mga salitang 'yon ay nagpaulit-ulit sa pandinig ko. "Yeah..." pagsang-ayon ko, wala na sa mga mata niya ang tingin. "Of course," napapahiyang dagdag ko. Saka kumalas sa kaniya para lumangoy mag-isa.
"Baby..." humabol siya.
"I just don't get it," 'ayun at lumabas na ang emosyon ko. "Niyaya mo 'kong magpakasal no'ng mga nakaraan. Paulit-ulit pa nga. Kahapon, sinabi mo kay Doc Caleb na plano mo akong pakasalan. Tapos ngayon..." nameke ako ng ngiti nang tingnan ko siya sa mata. "You sounded like you're not ready. What happened?"
"Because we are not ready," pandederetsa niya.
"Bakit mo 'ko niyaya kung hindi ka pa pala handa?"
"I'm not saying that I'm not ready. Baby we have to talk about it, we have to plan and decide together," aniya sa tonong may diin at nagpapaintindi.
"But you never talked about it, we never talked about it, Maxwell."
"Because we have no time."
"Maxwell ang dami nating oras." Nameke ako ng ngiti. "Alam nating pareho na kapag gusto nating gawin ang isang bagay, gagawin at gagawin natin. Do you get me?"
Sandali siyang tumitig sa 'kin. "We're not going to argue, right?"
Napatitig din ako sa kaniya saka nag-iwas ng tingin. "I'm sorry," bumuntong-hininga ako. Hindi ko malaman kung saan nanggaling bigla ang emosyon ko. "Are you hungry?" iniba ko bigla ang usapan.
"No, we're still talking. Baby, let's talk about it."
"No, it's okay," pag-iwas ko.
"Yaz."
Pinilit kong ngumiti. "Marami pa namang oras. Masisira ang relaxation mo ngayon,"iyon lang at tinalikuran ko na siya.
Napailing ako. Hindi ko maintindihan. Natatandaan ko pa kung ilang beses niya ako niyayang pakasalan siya. Natatandaan ko maging ang lahat ng naramdaman ko nang sandaling tanungin niya iyon. Hindi rin ang sinabi niya kay Doc Caleb ang unang beses na marinig ko siyang sabihin sa iba ang kagustuhan at plano niyang pakasalan ako. Pero bakit sa akin ay hindi niya masabi? Bakit hindi namin mapag-usapan? Kailan niya ako planong kausapin tungkol doon Bakit parang pagdating sa akin ay hindi na siya handa bigla? Nalilito ako.
Tahimik akong kumain, hinayaan ko siyang asikasuhin ang sarili niya at makipag-usap sa mga kasama namin para hindi mapansin ang pananahimik namin. Hindi ko na siya pinansin hanggang sa makabalik kami sa penthouse niya.
"Are you hungry?" tanong ko. Kahit pa kumain kami bago umalis doon ay mahaba ang byahe, hindi malabong gutom na naman siya. "Magluluto ako."
"Okay," ngiti niya. "I'll take a shower first."Hindi niya na ako hinintay na sumagot, sa halip ay dumeretso na siya a bathroom.
Pabuntong-hininga akong pumunta sa kitchen. Ang isip ko ay puno pa rin ng isipin sa posibleng dahilan kung bakit ipinagmamalaki niya sa iba ang kagustuhang makasal sa 'kin pero hindi niya ako magawang kausapin tungkol do'n.
Am I being selfish? Umiling ako nang umiling. Pero sa dami nang nangyari...pagiging selfish pa ba ang gustuhing pag-usapan ang kasal? Usap lang naman...hindi ko naman sinabing bukas agad o sa makalawa o sa...Nangilid bigla ang mga luha ko. Hanggang yaya lang ba 'ko? Hindi na 'to ang unang beses... paulit-ulit ang huling linyang iyon sa isip ko.
"Let me help you," dinig kong lumapit si Maxwell habang naghahanda na ako sa mesa.
"Maupo ka na lang," ngiti ko saka pinagsilbihan siya.
Sumunod siya at nakangiting pinanood ako. Sa unang pagkakataon ay walang epekto sa 'kin ang amoy niya, maging ang katawan niyang preskong-presko tingnan, mamula-mula dahil napuruhan ng sikat ng araw sa dagat kanina.
Matapos kong maghanda ay nilagyan ko siya sa plate at hinubad ang apron. "Maliligo na muna ako."
Natigilan siya at tumingin sa 'kin. "Aren't you going to eat with me?"
"I'm not hungry."
Lalo siyang natigilan saka tiningnan ang tinolang niluto ko. "Okay..." batid kong sandali siyang nangapa. "I'll wait for you," ngumiti pa rin siya.
"No. I'm going to sleep." Iyon lang at tinalikuran ko na siya.
"Yaz," hindi ko alam kung paano niya nagawang lapitan ako nang ganoon kabilis. "What's wrong?"
"Wala."
"Tell me what's wrong?" pabulong niyang tanong, sinisilip ang mukha ko. "Tungkol ba ro'n sa napag-usapan natin kanina?" Hindi ko siya sinagot. Umiwas ako nang yakapin niya ako mula sa likuran. "Baby..."
"I'm okay, I want to sleep."
"You're mad at me...again."
Sandali akong natahimik saka bumuntong-hininga. "No, I'm not," pagsisinungaling ko.
"Talk to me, please."
Umiling ako. "Talk to yourself."
"Yaz," mariin nang tawag niya.
Inis kong sinalubong ang tingin niya. "I can't understand you."
"What? Ikaw ang hindi ko maintindihan. What's with the sudden change of mood?"
"Am I being too emotional?"
"Yeah, but it's okay. Just tell me what going on. I can't seem to understand it enough." Umiling siya nang umiling. Inis akong bumuntong-hininga. "Please, tell me."
"Let's talk about it some other time, hm?"
"No."
"I'm tired."
"Then let's sleep together."
Ayaw ko. Ayaw kitang katabi. Ayaw muna kitang makasama. Gusto kong mag-isip at sana ay mag-isip ka rin. Pag-isipan mo kung ano ba talaga ang gusto mong gawin sa 'kin. Hindi ako pangkama lang, Maxwell. Iparamdam mo sa 'kin na ako 'yong babaeng kaya mong dalhin kahit saan at hindi lang sa kama.
Napakarami kong sinabi sa isip pero nanatiling tikom ang aking bibig. Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kaniya 'yon nang gano'n kaderetso. Hindi ko alam kung sapat ba ang dahilan ko para prangkahin siya sa ganitong wisyo. Hindi ko alam kung bakit kailangang makaramdam ako bigla ng ganito.
"Okay," bigla ay pinakawalan niya ako. "Go ahead and rest," ngumiti siya.
Sandali ko siyang tinitigan. Hinayaan lang talaga ako. "Thanks," iyon lang at muli ko na siyang tinalikuran.
Masama ang loob kong nagtungo sa bathroom para maligo. Mas matagal pa sa inaahan ang itinagal ko doon. Pero nang matapos naman ay nahiga ako nang hindi na naglaan ng oras para sa mga hurim-hurim ko sa katawan. Sa halip ay doon ko ipinagpatuloy ang pag-iisip. Paulit-ulit kong sinikil ang sariling puntahan si Maxwell. Kailangan kong panindigan ang karapatan kong mapakasalan sa kabila nang napakaraming nangyari.
"Baby..." naramdaman ko nang mahiga siya sa likuran ko. Lalo akong tumalikod at nagpanggap na natutulog. "You sleeping, hm?"
Hindi ako sumagot at sa halip ay mas ibinaon ang mukha ko sa unan.
"I have to go to work," bulong niya.
Work... Napabuntong-hininga ako. Hindi niya naramdaman ang galit mo, 'day. Work gani ang inisip. Work.
"Baby?" muling pagtawag niya na para bang hindi pa rin maramdamang nagpapanggap lang akong tulog.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga nang bumangon. Tahimik siyang nagbihis at bago umalis ay humalik sa akin.
Sa gano'n lang natapos, 'day. Sa gano'n lang...
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top