CHAPTER 32

CHAPTER 32

GANO'N NA lang katindi ang kaba ko nang dakmain ni Maxwell ang kwelyo nito ngunit sa isang mabilis na kilos ay nagawa siya nitong itulak! Patalikod na nadulas si Maxwell, dinedepensahan ang sarili.

"Maxwell!" awtomatiko akong kumilos upang tulungan siyang tumayo. "Ano ba'ng kailangan mo?!" sigaw ko rito.

Nakangisi akong pinukol ng tingin ng tinawag ni Maxwell na Hwang. Sinuri nito ng tingin ang kabuuan ko. May kung anong kilabot na dulot ang paraan nito ng pagtingin sa 'kin, hindi ko magawang labanan at tagalan!

"What do you want?!" gigil, takot na takot kong sigaw ngunit hindi ako niyon sinagot. "Why are you doing this? What do you want?"

"Stay on my back," asik na bulong ni Maxwell, pilit niyang iniharang ang sarili sa 'kin.

"Maxwell, please be careful," ganting bulong ko. Hindi ko magawang bitiwan ang pagkakahawak ko sa kaniyang likuran. "Don't come near him, please," pagmamakaawa ko.

Muli iyong kinausap ni Maxwell gamit ang ibang lenggwahe. Ngunit ang Hwang na iyon ay nakakaloko lamang na pinagtawanan ang lahat ng tanong niya.

"Nag-aral pa 'ko ng ibang lenggwahe upang maunawaan kayo, ngunit heto ka't kinakausap ako sa ating lenggwahe, Moon," ani Hwang. "Kahit anong sikap mong iharang ang iyong sarili sa babaeng nasa likuran mo ay hindi mo siya mapoprotektahan sa akin. Alam nating pareho na sa ganitong sitwasyon...ikaw ang pinakamahina sa lahat ng Moon."

Ako ang nanggigil sa sinabi ng lalaking iyon. Fencing lang ang alam ko at kakaunting self-defense. Pero dahil sa paulit-ulit kong pagsali sa mga practice nila noon ay natuto ako. Doon ko rin nasaksihan ang ilan sa mga kakayahan ni Maxwell. Kaya paano nito nasasabing si Maxwell ang pinakamahina sa kanilang pamilya? Dahil kung ako ang tatanungin ay walang mahina sa kanila. Maliban na lang kung gano'n na lang talaga kahusay ang Hwang na ito para magsalita nang ganito.

"Wala kang pinagkaiba sa iyong ama," ngisi ni Hwang. "Mahina." Iyon na ang sagot sa naisip ko. Kung sinasabi nitong mahina si Tito More, gano'n na nga lang talaga siguro kagaling ang Hwang na ito. Lalo akong kinabahan.

"Paano kang nakapasok dito?" kaswal na tanong ni Maxwell, pinapagpagan ang shorts niyang animong naalikabukan. Napapikit ako sa frustration! Sa ganoong sitwasyon, hindi ko inaasahang maiisip niya pa ring linisin ang sarili!

Ngumisi lalo ang Hwang na iyon. "Hindi ba't sa pinto ang daan papasok dito?" Tinanaw nito ang pintuan. "Doon lang din ang daan ko. Bakit ko pa pahihirapan ang aking sarili na dumaan sa mga bintana gayong wala namang kandado ang mga pinto mo?"

Napapikit ako sa inis. Bigla ay gusto kong pagsabihan si Maxwell dahil sa madalas niyang pag-iiwas ng pinto nang hindi naka-lock! Gano'n na lang siguro ang kompyansa niyang walang susubok na manghimasok sa penthouse niya gayong may security sa 'baba. Ngunit hindi gano'n kahigpit ang security, walang sinabi sa tauhan ng pamilyang Moon. Normal na security guards lang ang mga 'yon sapagkat kahit gano'n, myembro pa rin ng pamilyang Moon si Maxwell. Ang paniniwala nila ay sila ang dapat na katakutan. Ngunit mukhang hindi sa uri ng taong tulad ni Hwang. Dahil nagmula rin ito sa kanilang bansa. Hindi na dapat ako magtaka, hindi na dapat ako magtanong, sa halip, dapat kong asahan na may kakayahan itong gaya nila.

"Hindi naman ako haharangin sa 'baba kung sasabihin kong...pasyente ako,"nakangising dagdag niyon. "Hindi ba?"

Napapikit ako, iyon na nga ang hula ko. Kung magpapanggap itong pasyente ay hindi talaga ito mahihirapang makapasok sa ospital. At wala sinomang makakakita sa kaniya kung gagamit siya ng elevator or stairs papunta sa penthouse na siyang nasa pinakamataas na floor ng building. Maliban na lang kung tutok sa panonood sa CCTV ang security. Ngunit gabi at sa payapang lugar ng Palawan, sino ang mag-aakala sa ganitong klase ng tao?

"Anong kailangan mo?" seryosong tanong ni Maxwell.

"Kung sasabihin ko bang hangad ko ang lahat ng pag-aaring mayroon kayo...ipagkakaloob mo?"

"Hibang ka," ngisi ni Maxwell saka ito muling kinausap sa ibang lenggwahe.

"Hindi pa naman sa ngayon, huwag kang mag-alala. Ang totoo ay pumarito ako upang mapanood kang magkasala. Bukod doon ay wala na," ngisi ni Hwang. "Napakadaling gumawa ng kasalanan kapag kapusukan ang umiiral, hindi ba? Napakahusay ng iyong kapareha."

Sinuyod muli ako ng tingin nito saka binasa ang sariling labi. Napakislot ako sa pandidiri at lalong itinago ang sarili kay Maxwell.

Sumigaw si Maxwell gamit ang ibang lenggwahe ngunit pagngisi ang itinugon ni Hwang saka siya sinulyapan.

"Kung gayong wala pa lang palabas ngayon ay magpapaalam na 'ko," ani Hwang. Sinulyapan pa 'kong muli nito. Ngunit hindi ko inaasahan ang mabilis na kilos ni Maxwell, namalayan ko na lang ay naibalot niya na ang kumot sa 'kin.

Natatawang lumapit sa pinto si Hwang at binuksan iyon nang hindi inaalis ang paningin sa amin. Tuloy ay hindi niya namalayan ang paa ng sinumang nanggaling sa labas na siyang humampas na lang bigla sa kaniyang leeg!

Ngunit bahagya lang na napaatras si Hwang, nagawa pa rin niyang ibalanse ang sarili upang hindi matumba. Sapo niya ang leeg saka nakangising tiningnan ang nasa harapan.

Gano'n na lang ang gulat namin nang humakbang papasok si Maxrill. Umawang ang labi ko nang makita ang malaki at itim na itim na pana na bitbit niya! Magsasalita na sana si Hwang ngunit awtomatiko muli itong sinipa ni Maxrill! Sa pagkakataong iyon ay sa dibdib naman! Pero gano'n na lang nga yata talaga kahusay ang Hwang na ito dahil nagagawa niyang bawiin ang sariling balanse! Hindi ito natutumba sa gano'n kalalakas na sipa.

"Annyeonghaseyo," malamyang bati ni Maxrill, tumango pa! Nakakaloko talaga!

"Mahusay, Moon," nakakaloko pang tumawa si Hwang, may bahid ng paghanga sa kaniyang tinig. "Gano'n mong inidolo ang iyong noona upang matuto ka? Paano ko nga bang malilimutan nang minsan mong gisingin ang Emperyo gamit ang isang piraso nang lumalagablab na palaso...kahanga-hanga."Saka niya nakaiinsultong nginisihan si Maxwell. "Wala kang ganoong kakayahan, hindi ba?"

Pailalim itong tiningnan ni Maxrill at gano'n na lang ang pagkislot ko nang itutok niya ang pana kay Hwang!

"Maxrill," pagtawag ni Maxwell. "Dongsaeng!" gilalas niya nang hindi ito sumagot, ni kumilos man lang.

"Hm?" sinuyod ng tingin ni Hwang ang kabuuan ni Maxrill, maging ng pana nito. "Apo ka nga cheotjae." Humalakhak ito nang malakas. "Bitiwan mo ang palaso," bigla ay hamon nito. "Patamaan mo 'ko...kung kaya mo." Gano'n na lang ang kaba na nabuhay sa dibdib ko nang bigla ay sumeryoso ito. "Paliparin mo!" bigla ay sigaw niya!

At wala ngang alinlangan iyong pinakawalan ni Maxrill! Ngunit gano'n na lang ang pag-awang ng labi ko nang mabilis iyong masalo ni Hwang!

Nagugulat, hindi makapaniwala kong sinuyod ng tingin ang Hwang na iyon! Anong klase ng tao ito? Hindi ako makapaniwalang nakuha nitong hulihin ang napakabilis na pana!

Muli akong napakislot nang lingunin ni Hwang si Maxwell, ang ngisi sa kaniyang mukha ay kakilakilabot. At gano'n na lang ang tili ko nang bigla nitong ibato ang pana sa 'min! Napapikit at tili ako nang sa isang mabilis na kilos ay niyakap at iniiwas ako ni Maxwell! Nang magmulat ako ay hawak niya na rin ang pana! Nasalo niya iyon.

Nagugulat kong tiningnan si Maxwell ngunit ang seryoso niyang mukha ay tila nauubusan na ng pasensya. "Huwag mo kaming maliitin, Hwang," kaswal man ay naroon ang pagbabanta sa tinig ni Maxwell. "Nakita mo kaming mag-ensayo pero hindi mo kami nakitang lumaki. Sa bansang ito, tagabundok na lang ang gumagamit ng pana. Delikado ang buhay mo rito."

Ngumisi si Hwang at nagpapapalit-palit ng tingin sa magkapatid. "Ngunit hindi ang mga kilos ninyo ang gigising sa paghanga ko."Humalakhak ito. "Kahit nakapikit ako ay hindi ninyo ako matatalo. Gayong...hindi na lang ang pana ang nagagamit ko. Hindi lang salita ang pinag-aralan ko sa bansang ito para sa kaalaman mo."

"What do you want?" malamyang tanong ni Maxrill, ganoon sa naabala ang tulog. Walang takot!

Sabay-sabay kaming napalingon kay Hwang. Sa sandaling pagtataka na rumehistro sa mukha nito ay tila hindi nito naintinidihan ang lenggwaheng ginamit ni Maxrill.

Nagsalita muli si Maxrill gamit na ang kanilang lenggwahe, ang Korean. Doon lang tumugon si Hwang, sa paraang sila-sila lamang ang magkakaintindihan. Gano'n na lang ang pangangapa ko, hindi malaman ang mararamdaman.

"Tatawagan ko si Maxp"

"Sshh," pinigilan ni Maxwell ang sinasabi ko. "He can't hurt us. We can't hurt him too."

"I'm scared, Maxwell."

"Just stay behind me."

Hindi ko magawang kumalma. Gusto kong may magawa pero gano'n na lang ang takot ko. Bukod doon, ano ang laban ko sa ganitong uri ng tao? Kung ang pana nga ay nagagawa nitong saluhin nang nakangisi, ano pa ang kakayahan ko? Pakiramdam ko ay si Maxpein lang ang may kakayahan laban sa Hwang na ito. Iba ang takot ko rito kompara noon sa mga Rewis.

Muling tinutukan ni Maxrill ng pana iyon. Gano'n na lang paghanga sa mukha ng Hwang na 'yon, hindi talaga kakitaan ng takot.

"Nakasisiguro ka bang makatatama ka na?"nakakainsulto itong ngumisi kay Maxrill. "Sapagkat oras na masalo ko ang ikalawa, hindi ako mag-aatubili na patamaan ang isa."Sinulyapan niya ako.

Bumuntong-hininga si Maxrill ngunit hindi nakapagsalita. Bigla ay inis niyang nilingon si Maxwell. "Hyung..." kunot-noo niyang pagtawag. Umiling siya. "I cannot understand him. His...Tagalog words are too fucking deep. Damn it." Sa pagkainis ay basta na lang niyang itinutok muli ang pana kay Hwang at walang ano-ano ay pinalipad iyon!

Sa ikalawang pagkakataon ay nasalo ni Hwang iyon ngunit hindi nito inaasahan na bago pa ito makalingon kay Maxrill ay 'ayun na ang ikatlong palaso! Nagawa nitong umiwas ngunit nadaplisan na siya sa mukha.

Gano'n na lang ang pagkamangha nito sapagkat batid naming pare-pareho na kung bumagal siya nang kaunting-kaunti ay nasapul na siya ng bunsong Moon.

"You're kinda fast, huh?" ngisi ni Maxrill. Hindi sumagot si Hwang. "You're like a rat."Hindi ko inaasahang makikita kong muli ang pagkamangha at tuwa niya gaya noong bata siya na libang na libang sa sinasamba niyang mga laruan.

Nakangising ipinilig ni Hwang ang ulo, nang-aasar na tinigian ang bunsong Moon. "Kaylapit ko na't lahat, hindi ka pa rin tumatama. Taon ang bibilangin mo bago mo matamaan ang isang tulad ko, Moon."

"Dude, I wasn't even pointing at you, what the hell are you saying?" ngiwi ni Maxrill. "Do you think I can't hit you this close?" umiling siya. "The floor's way too expensive for your blood stains."

Sa kabila nang nangyayari...sahig ang iniisip niya...

Nasapo ko ang aking noo, parang gusto kong himatayin. Wala na talagang aalalahanin ang myembro ng pamilyang ito kundi ang kalinisan, mamahaling mga gamit at kayabangan. Hindi na magbabago 'yon at sa halip ay paulit-ulit nilang maisasalin sa kung sinumang makapagpatuloy sa kanilang lahi.

"Dude, he obviously can't understand English," asik ni Maxwell sa kapatid. Napalingon ako sa kaniya, gano'n na rin ang naisip ko. "Tsk tsk."

"Yeah?" inosenteng ani Maxrill saka bahagyang tumatawang tiningnan si Hwang. "You're an asshole," sinabi niya iyon sa kaswal, mabait na paraan. Iniinsulto ito nang palihim.

Gaya kanina, sandaling nalito si Hwang saka ngumisi. "Ikinalulugod kong makita kayong muli. Pasensya na kung naabala ko ang inyong pagtulog." Pare-pareho nila kaming sinulyapan saka itinuon kay Maxrill ang paningin. "Salamat at nilibang mo ako. Sa susunod na magkaharap tayo ay inaasahan kong mas malilibang mo ako."

Tumango lang si Maxrill saka tumabi at binigyan ito ng daan.

Bumubungisngis na namulsa si Hwang at naglakad papunta sa pinto. Ngunit natigilan ito sa ingay na ginawa ni Maxrill. "Tsk tsk." Umiiling na ani Maxrill. "Nandiyan si Maxpein."

Nawala ang lahat ng reaksyon sa mukha ni Hwang nang lingunin ang bunso. Kaswal siyang tinanguan ni Maxrill saka iminuwestra ang bintana. Nilingon iyon ni Hwang.

"Aniya, aniya, aniya!" angil ni Maxwell, sinasamaan ng tingin ang kapatid. "That is expensive," turo niya sa bintana.

Ngumisi si Maxrill. "The floor outside is expensive too. Choose wisely. I'd prefer the fiber glass, though."

Fuck... "You're thinking about the costs, really?" inis kong bulong.

"I'll open the window," ani Maxwell.

"It's too high," hindi ako makapaniwalang kapakanan ni Hwang ang inisip ni Maxrill.

"I have a rope," sagot naman ni Maxwell.

Napaupo ako sa kama at doon umiyak nang umiyak.

Unsa man ni? Joke? Giatay! Dili maayo nga joke!

Walang takot na binuksan ni Hwang ang pinto at gano'n na lang ang pagngisi niya nang makaharap sina Maxpein at Mokz. Gano'n na lang ang pagngisi niya samantalang hindi mabasahan ng emosyon ang maglolo. Sa halip ay nasusuya siyang tiningnan ng mga ito.

Sandali at mababaw siyang tumango. "Pinakamataas na rango..." walang kasinlaki ang pagkakangisi sa mukha ni Hwang. "Moon!"

Sa halip ay sinulyapan kaming lahat ni Maxpein, inaalam ang kalagayan namin bago muling tiningnan ang kaharap. "Anong ginagawa mo rito?"

"Kinukumusta ko ang mga kapatid mo, masama ba iyon?"

"Malamang. Ang mga normal na taong tulad namin ay hindi bumibisita nang ganitong oras, Hwang," seryoso si Maxpein. "Tigilan mo ang mga kapatid ko."

"Batid kong...hindi mo nanaising dumanak ang dugo sa lugar na ito, Maxpein Moon," ngisi ni Hwang.

Mapaklang ngumisi si Maxpein. "Bakit hindi ako ang binisita mo? Sa lugar ko ay maaaring dumanak ang dugo. Hindi ganitong kamamahal ang mga sahig ko." Inis niyang sinulyapan ang dalawang kapatid na lalaki.

Ngumisi si Hwang saka lumingon sa gawi namin. "Kung ganoon ay ang kagamitan ang kanilang iniisip?" Noon pa lang siya humalakhak. Ngunit nang mahinto ay na kay Mokz na ang paningin. "Annyeonghashimnikka, eesa. Ikinalulungkot kong kailangan ko nang magpaalam. Batid kong maaga pa ang inyong lakad mamaya."

"Bumalik ka na sa norte, Hwang," ani Mokz. "Hindi ka nararapat dito."

Ngumisi si Hwang. "Pinabayaan nga ng pinakamataas na rango ang Emperyo, bakit ko ito iisipin gayong mas nalilibang ako rito? Huwag kang hibang, Mokz." Hindi kapanipaniwalang tinapik niya pa ito sa balikat saka nilampasan nang gano'n-gano'n lang at hinayaan lang nila!

Sandaling katahimikan ang nangibabaw, walang kumilos sa kanila. Tumayo ako at sinilip kung wala na ngang talaga ang Hwang na 'yon. Saka ko tiningnan isa-isa ang mga Moon.

"Mauulit ba ulit 'yong nangyari sa 'tin sa kamay ng mga Rewis? Tell me," mahinang sabi ko. Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko. "We're not going to experience the same hell, right?"

"Hwang's different from them," ani Maxpein. "Hindi hamak na mas mahusay at mas matalino kompara sa mga Rewis si Hwang."

"How did you know he's here," bigla ay nagsalita si Maxwell. "Who told you?" noon lang niya sinulyapan ang mga kapatid.

"Binabantayan nina Laieema at Bitgaram si Hwang," si Maxpein ang sumagot. "Alam ko ang lahat ng lakad niya."

"Bakit hindi pa nila hinuli?"

"Kailangan kong malaman kung ano ang pakay niya," ani Maxpein sa kapatid saka sumulyap sa 'kin. "Iwan niyo na muna kami ni Yaz, mag-uusap kami." Bigla ay kinabahan ako.

"May duty siya mamaya, Pein," ani Maxwell.

"Hindi ko na uulitin ang sinabi ko,"nagbabanta na agad ang tinig ni Maxpein.

"Maxwell, Maxrill," istriktong tawag ni Mokz, saka sumenyas sa magkapatid na lumabas. Walang nagadawa ang dalawang lalaki kung hindi ang sumunod.

Napalunok ako nang humakbang papasok si Maxpein nang hindi inaalis ang tingin sa 'kin. Nagbaba ako ng tingin nang sarhan niya ang pinto at i-lock iyon.

Bawat hakbang niya papalapit ay dumaragdag sa kaba sa aking dibdib. "Ilang beses nang may nangyari sa inyo ni Maxwell?" mahina niyang tanong.

Lalo akong nagbaba ng tingin, gano'n na lang katindi ang kaba ko na binalot ng hiya. "I'm sorry, Maxpein..." iyon lang ang nasabi ko.

"Tss," matunog siyang bumuntong-hininga. "Bilang babae, Yaz...please," nakikiusap, nawawalan ng pag-asa ang boses niya. "Nakikiusap ako sa 'yo," sinabi niya iyon nang sobrang sinsero, para bang nasa akin lang ang kaniyang pag-asa.

"I'm really sorry, Pein," sa sobrang hiya ay iyon lang ang nasabi ko.

Niyakap niya ako. "Sa inyong dalawa ay mas makaiintindi ka, Yaz."

"Naiintindihan ko." Gano'n ang sagot ko pero ang kalooban ko ay sinisikil ako dahil alam kong minsan ay ako pa ang nagsisimula para mahantong kami ni Maxwell sa kapusukan.

"Hindi lang si Maxwell ang magdurusa kung sakaling...makabuo kayo," ani Maxpein. "Lahat sa pamilya namin ay maaapektuhan, Yaz. At posibleng madamay ka."

Gano'n na lang ang takot na nabuhay sa dibdib ko. Naluluha akong tumitig sa kaniya at hindi nakapagsalita.

"Patatalsikin kami sa bansa namin kapag nagkataon, hindi pa kami handa para ro'n,"umiling siya nang umiling. "Kapag nangyari 'yon ay marami ang magugutom sa bansa namin, Yaz. Please."

Nakaalis na't lahat sina Maxpein, Maxrill at Mokz pero tulala pa rin ako. Dinalhan ako ng tea at tubig ni Maxwell pero hindi ko magawang ituon ang isip sa pag-inom niyon. Hindi ko alam kung alin sa mga nangyari at sinabi ni Maxpein ang una kong iisipin. 'Ayun na naman 'yong nakababaliw na pakiramdam na para bang karga ko ang problema at takot ng buong mundo.

"Baby..." bulong ni Maxwell. "I'm sorry..."

"It's not your fault," wala pa rin sa sariling sagot ko. Ang paningin ay nakatuon sa kung saang hindi ko naman lubusang nakikita dahil sa pagkatulala. "It was not your fault that he's crazy." Si Hwang ang tinutukoy ko. "Maxwell..."

"Hm?"

"Maxpein talked to me," nagbaba ako ng tingin saka sinabi sa kaniya ang mga napag-usapan namin ng kapatid niya. "We should...stop doing it. It's not right."

Nagbaba siya ng tingin at sandaling nanahimik. Matagal man ay tumango siya, sinasabing sang-ayon siya. Ngunit hindi na siya nagsalita. Pinatapos niya akong inumin ang mga iyon saka kami magkatabing natulog.

Maaga pa rin akong nagising pero wala na si Maxwell sa tabi ko. May naaamoy ako kaya matapos magsepilyo ay dumeretso ako sa kusina. Pero si Wilma ang naabutan kong nagluluto.

Gano'n na lang ang gulat ko ingay at sa hindi mabilang nilang tauhan na noon ay may kani-kaniyang pinagkakaabalahan. Ang ilan ay sige nang pukpok sa mga pader, kisame at sahig, ang iba pa ay kani-kaniyang baklas ng mga kandado sa pintuan. Meron pang mga naroon sa terrace at pool.

Lumapit at binati ko si Maxwell nang may pagtataka. "What's going on?"

Bumuntong-hininga siya, tumayo at hinalikan ako sa noo bago ako inalalayang maupo. Kumuha siya ng tasa at nagsalin ng kape para sa akin.

"They're installing cameras and changing door parts for my protection, our protection,"aniya.

Nilingon ko muli lahat ng tauhan, hindi ko maiwasang mapailing sapagkat 'ayun at mga naka-suit pa rin ang mga ito. Sino ba ang mag-aakalang pati ang ganoong trabaho ay kaya nila bukod sa pansariling depensa? Hindi talaga nauubusan ng pasabog ang sinumang may kinalaman sa pamilyang ito.

"Kaya mo bang pumasok?" tanong ni Maxwell.

Bumuntong-hininga ako. "Kailangan kong pumasok." Tango na lang ang isinagot niya.

Gaya nang sinabi niya ay sumabay siya sa 'kin papasok. Talagang kinausap niya si Doc Caleb. Dinig namin ni Susy ang kanilang usapan kaya gano'n na lang ang lungkot nitong malaman na malilipat na ako ng area.

"I'm sorry, Susy," malungkot kong sabi. "Masaya ako dito, pero..."

"Naiintindihan ko naman, Yaz," ngiti ni Susy.

"Don't worry, I'll visit you whenever I'm free to help."

"Ano ka ba? Mas busy ang area ninyo, 'no."

"E, di sa off ko?"

"Hindi na kailangan, Yaz, ano ka ba? Hindi naman ako pababayaan ng boyfriend mo. For sure ay hahanap iyan ng nurse na papalit sa 'yo dito."

"Kakausapin ko siya nang mapabilis."

"Pero maaari bang sa susunod na linggo na lang?" dinig naming ani Doc Caleb. "May medical mission kami sa Balabac at kakailanganin ko talaga si Yaz doon, doc."

"Oh," ani Maxwell. "When?"

"Starting tomorrow, remember?"

"Tsk, nawala sa isip ko, I'm sorry."

"Tatlong araw iyon, kaya...ipagpapaalam ko na ang girlfriend mo."

Dinig kong bumuntong-hininga si Maxwell at hindi na sumagot.

"Siya ang pinaka-excited na gawin 'to, doc," dagdag ni Doc Caleb. Palihim akong ngumuso sa katotohanang 'yon. "Excited siya sa feeding program at syempre, sa kanila ni Nurse Susy naka-assign ang cleaning."

Napalingon naman ako kay Susy. "Kahit ako ay nalimutan na ang tungkol do'n."

Natawa si Susy. "Excited na ako dahil maganda ang lugar na 'yon."

Nang araw na 'yon ay napagdesisyunan nang malilipat ako sa operating room simula sa susunod na linggo. Ipinaasikaso agad ni Maxwell ang mga uniform ko at naghanap na rin ng nurse na maaaring pumalit sa akin sa area na iiwan ko.

Nang gabing 'yon ay sinamahan niya ako sa bahay para kumuha ng mga gamit na dadalhin ko sa tatlong araw na medical mission kasama sina Susy, Doc Caleb at iba pang visiting dentists namin. Hindi mahinto ang bibig ko sa kasasabi kung gaano akong ka-excited, lalo na sa feeding program at pamimigay ng relief goods at oral kits para sa mga bata.

Nakaalis na ang pamilyang Moon at mga kaibigan namin kaya hindi ko maiwasang mag-alala. Pero siniguro ni Maxwell na hindi kami pababayaan nina Bitgaram at Laieema. Hindi ko alam kung paano akong nakahihinga nang maluwang gayong alam kong malalayo ako sa kanila. Hindi na yata talaga ako matatahimik. Iisipin ko pa lang na may taong tulad ni Hwang na aali-aligid sa 'min, para na akong aatakihin sa takot.

"Take care of my girl, Caleb," abiso ni Maxwell nang ihatid ako nito sa dalampasigan kung saan naghihintay ang yate na maghahatid sa 'min sa Balabac.

"I will, doc, don't worry," ngiti ni Doc Caleb.

Sinuyod ni Maxwell ng tingin ang lahat ng kasama sa itinuon pabalik ang atensyon sa dalawang visiting dentists na lalaki. "She's my girlfriend, okay?" natatawang aniya saka yumakap at humalik sa 'kin. Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko sa hiya. "Enjoy, baby."

"Ang daming nakatingin, Maxwell,"nahihiyang sabi ko.

Natawa siya. "I love you. Be safe."

"I love you." Niyakap ko siya nang mahigpit. "Mag-lock ka ng pinto, ah?"

"Marami nang tauhan sa bahay."

"Really?"

"Mm," ngumiti siya at muli akong hinalikan sa pisngi.

Inginuso niya ang dalawang tauhang naroon sa deck ng yate at sinusuyod ng tingin ang kabuuan ng lugar.

"I asked them to look after you," aniya.

Nagugulat ko siyang tiningnan. "You don't need to do that."

"I'm not there to protect you."

Nginusuhan ko siya. "I can protect myself."

"Kaya pala kagabi ay umiyak ka na?"

"Because I was scared."

"Just kidding," ginulo niya ang buhok ko. "Sige na, you'll be late."

"Thank you. I love you."

"Love you," hinalikan niya na naman ako, panay-panay. Nagpalitan kami ng kaway matapos niya ako alalayan pasakay. Hindi siya umalis sa dalampasigan hangga't natatanaw niya kami.

Maliit na isla ang Balabac na ang dinig ko ay wala pa sa apatnapunlibo ang population. Pero isa iyon sa maipagmamalaking isla, hindi lang ng Palawan, kundi ng buong bansa. Napakaganda ng Balabac, kulang ang salitang paraiso para mapangalanan ang kagandahan niyon.

Malawak ang karagatang nakapalibot sa islang iyon. Klaro ang tubig, naglalaban ang asul at berdeng kulay. Iba't ibang uri ng isda ang nabubuhay at malayang lumalangoy, gano'n na rin ang iba pang uri ng hayop na naninirahan sa tubig. Maging ang mga puno at halaman ay halatang sagana sa natural na pataba at masayang nabubuhay. Walang kasingganda maging ang langit.

Gano'n na lang ang masayang pagbati at pagsalubong sa 'min ng lahat nang makarating kami matapos ang mahabang byahe.

Sa unang araw namin doon ay feeding program agad ang unang ginawa namin. Habang masayang kumakain ang lahat ay kani-kaniya naming itinuro ang kahalagahan ng oral care. Nang araw rin na iyon namin sinimulan ang consultation at sa lalong madaling panahon ay binigyan ng treatment ang lahat ng nangangailangan. Sa unang araw pa lang ay gano'n na karami ang pasyenteng natapos namin. Nang sumunod na araw ay sinikap naming doblehin iyon. Hangga't maaari kasi ay gusto naming malapatan ng oral treatment ang lahat ng nangangailangan. Mabuti na lang talaga at pareho kaming marunong ni Susy ng scaling at polishing. Kami ang na-assign sa lahat ng linis lang ang kailangan pero hindi biro ang bilang. Pare-pareho kaming nakatulog nang maaga sa sobrang pagod ng ikalawang araw.

"Kung hindi tayo matatapos nang maaga ngayong araw ay bukas nang umaga na lang tayo bumalik," anunsyo ni Doc Caleb habang nag-aagahan kami nang dumating ang ikatlong araw.

"Yes, doc," agad na sang-ayon ng lahat, maliban sa 'kin.

Palihim akong ngumuso at inilabas ang cellphone ko para mag-text kay Maxwell. Miss na miss ko na siya. Mabuti na lang at busy ako, hindi ako magdamag na naghintay sa text niya. Ang kigwa, hindi man lang tumawag maski na isang beses. Nag-text nga para mangumusta, panay okay naman ang sagot kada kwento ko.

"Ubos na 'yong goods natin, doc," buntong-hininga ni Susy.

"What?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Malungkot na tumango si Susy. "Hindi ko alam kung sapat pa para sa third batch ang natitira para sa feeding program mamaya. Feeling ko po ay hindi na."

Parang dinurog ang puso ko. Hindi ganito ang inaasahan kong kahahantungan ng medical mission na ito. Sa isip ko ay alam kong in-assume ko nang lahat ay mabibigyan ng treatment, relief goods at oral kit. Inaasahan kong lahat ay makakatikim ng dala naming masasarap na lutuin.

"Kailangan nating bawasan ang amount ng food na binibigay natin para mas marami ang mabigyan," sabi ko bagaman malungkot. "Sana ay mabigyan lahat."

Nalungkot talaga ako. Hindi namin naestima ang dami ng tao kaya gano'n na lang ang pagkukulang sa mga dala naming relief goods, oral kits at pagkain para sa feeding program.

Pabuntong-hininga kong hinintay na sumagot si Maxwell sa text ko nang sandaling iyon pero magsisimula na't lahat ang huling araw ng medical mission ay hindi pa rin siya sumasagot. Kaya naman inabala ko na lang muli ang sarili sa trabaho.

"Oh, ready na ba kayong maglinis ng teeth!" masayang sabi ko mikropono habang kaharap ang huling batch ng hindi mabilang na kabataan.

"Opo!" magiliw na sagot ng mga ito.

Gaya sa mga dumaang batch ay ipinakita ko sa kanila ang mga portable machine na gagamitin namin. Nang sa gano'n ay hindi matakot ang mga bata.

"Lahat ay bibigyan ng flouride, okay? Paalala, trenta minutos walang kakainin at iinumin, malinaw?" sabi ko sa lahat.

"Ate ganda!" may nagtaas ng kamay.

"Yes, ganda?"

"Masakit po ba 'yan?"

"Naku, hindi. Parang kagat lang ng langgam," nakangiti kong sabi.

"May injection po?"

"Wala."

"Bubunutan po ba kami ng ipin?"

"Kung kinakailangan," nakangiti ko pa ring sabi.

"May nobyo po ba kayo?" bigla ay tanong ng batang lalaki.

Natawa ako. "Meron."

"Iyong gwapong lalaki po sa likod ninyo?"

Gano'n na lang ang gulat ko saka napalingon sa likuran ko. Napangiti ako nang makita si Maxwell na nakangiti na rin agad sa 'kin. Nagtilian ang mga kabataan nang maglakad si Maxwell papalapit sa 'kin at umakbay.

"Magandang umaga mga bata," bati ni Maxwell sa mikropono.

"Magandang umaga, Doc Maxwell!" hindi ko inaasahang kilala siya ng mga ito.

"'Wag ninyong pahirapan si Ate Ganda, ah? Gawin niyo lang 'yong sinasabi niya. Kapag nasaktan kayo, tiisin niyo na lang. Ang mahalaga ay 'wag mahirapan si Ate Ganda,"biro niya. Nagreklamo ang mga bata.

"Tinatakot mo naman, eh," pinalo ko ang braso niya.

"May regalo si Ate Ganda pagkatapos ng cleaning so be good, alright?" ani Maxwell.

Nilingon ko siya at pinatay ang mikripono. "Ano namang regalo?" nguso ko.

"Kakantahan mo sila," bulong niya. "Ang bango mo, ah?"

"Kakantahan?" wala pa man ay nahihiya na 'ko.

"Just kidding," aniya.

Hinawakan niya ang magkabilang bewang ko para iharap ako sa bakanteng lupa na naroon sa tabi ng entabladong kinaroroonan namin. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang patong-patong na mga karton at sako, at mahahabang mesa na puno ng samu't saring pagkain, may mga lechon pa!

Hindi makapaniwala ko siyang nilingon. "Maxwell..."

"Kahapon pa lang ay sinabi sa 'kin ni Caleb na mukhang kakapusin ang dala ninyo," ngiti niya. "Hindi mo sinabi sa 'kin."

Napalabi ako at nameke ng pag-iyak, sobrang na-touch ako sa ginawa niya. "Thank you."

"I love you," aniya saka ako hinalikan sa noo. Dahilan para maghiwayawan ng panunukso ang mga bata. "Sabay tayong uuwi bukas."Nakangiti akong tumango nang tumango bilang tugon. "For now...let me help you," aniya saka tiningnan ang mga gamit at machines na kaninang pinakikita ko sa mga bata.

Kinuha niya ang mikropono at nagsalita doon para utuin ang mga bata, para makabawi sa biro niyang masakit ang procedures na gagawin namin.

Nakangiti ko siyang pinanood at 'ayun na naman ang walang-katapusan kong paghanga kay Maxwell.

God, I'm so lucky to have him...

To be continued. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji