CHAPTER 31

CHAPTER 31

NAGKATOTOO ANG dapat ay biro ko lang kay Maxwell. Magkakasunod na araw akong dumederetso sa area niya after ng shift ko. Wala siyang case na hindi ako tumulong. Maging ang ibang trabaho niya ay inaako ko na para mabawasan kahit papaano. Sabay kaming kumakain, sabay kaming nagpapahinga, sabay kaming umuuwi, walang oras na hindi kami magkasama. Sobrang saya. Nagkamali ako nang biruin ko siyang mawawala ang pagod ko basta siya ang kasama. Dahil nagkatotoo iyon, walang oras na dumaan na nakaramdam ako ng pagod.

Pumayag ang mga magulang niya, syempre, masaya pa nga sila. Wala na rin silang kailangang ipag-alala dahil pareho kaming bagsak ni Maxwell pagkauwi. Pero masasabi kong iyon 'yong pagod na masaya, hindi ko maipaliwanag kung bakit.

Noong una lang nangyari iyong naipagluto ko pa siya bago kami mag-duty sa OR. Nang mga sumunod na araw kasi ay wala nang oras, magkakasunod pa ang mga pasyente. Kahit gano'n ay walang paglagyan ang saya ko. Magsisinungaling lang ako kung sasabihin kong hindi ako masaya sa OR dahil ang totoo, mas masaya ako roon. Hindi ko talaga maipagpapalit ang area na 'yon sa iba pa.

Ngayon, 'eto at palihim akong nakatitig kay Maxwell habang abala siya sa pagsusulat sa chart sa kabilang station. Sa area na 'yon ay magkaharap ang nurse's station, ang isa ay para sa minor operations, ang isa pa ay para sa major. Katatapos lang ng unang major operation nang gabing iyon. May isang oras kami para kumain at magpahinga.

"Mabuti talaga at dumating ka dito, Ma'am Yaz,"mayamaya ay anang head nurse ng OR. "Nabuhay ang area namin," ngiti niya. "Malaking tulong ka sa totoo lang, ma'am."

"Tama," anang isa pang nurse. "Nabawasan ang katahimikan." Bahagya siyang lumapit upang hindi marinig nang mga nasa kabilang station. "Ayaw kasi ni Doc Maxwell nang maingay. Nagkakataon pa naman na close 'yong magkaka-shift talaga."

Natawa ako. "E, sobrang ingay ko kaya."

"Girlfriend naman kasi kayo ni doc."

"Ano ka ba, ma'am? Noong hindi pa kami, sobrang ingay ko na talaga. Actually, pinanganak na 'kong ganito. Hindi naman siya nagagalit sa 'kin, ma'am," natatawa kong sagot. Palibhasa'y medyo malayo si Maxwell, malakas ang loob kong magkwento.

"Baka noon pa man ay may gusto na sa 'yo, kaya hindi nagagalit, ma'am?"

Nakagat ko ang labi ko. "Naku, hindi naman imposible 'yan, ma'am," biro ko. "Ang totoo, ganyan din ang kutob ko noon." Tumawa ako.

"Ganda mo kasi, ma'am. Bagay na bagay kayo ni Doc Maxwell," muling sabi ng head nurse. "Nakakatuwa talaga kasi no'ng dumating ka dito, madalas nang ngumiti si doc. Parating seryoso 'yan. Natatakot nga kaming lumapit minsan."

"Lahat ng nurse, takot, babae man o lalaki. May crush man sa kaniya o wala, natatakot kay doc. Masungit kasi. Si Doc Keziah lang talaga ang nalalapitan namin, tapos siya na lang ang kumakausap kay Doc Maxwell," anang isa pa.

Nawala ang ngiti sa labi ko. Kuyaw. Mapait akong ngumiti.

"Pero ngayon, ma'am, kapag tinatawag ko si Doc Maxwell, hindi ko na maramdaman 'yong kaba. Kasi nakangiti agad siya," dagdag pa no'ng isa.

Ngumiti ako. "Hayaan mo, kapag na-assign na talaga ako dito sa area ninyo, araw-araw nang good mood ang baby ko."

"Naku, sana nga, Ma'am Yaz."

"Baby, let's go," 'ayun na ang tinig ni Maxwell.

Kagat-labi kong nakindatan ang dalawang babaeng nurse saka nakangiting humarap kay Maxwell.

Nakita ko nang ngitian niya ang dalawang nurse na kausap ko kanina. "I ordered food, you may take your break." Salitan ang break ng mga nurse, hindi maaaring magsabay at iba ang pantry nila sa mga doctor.

Muli kong nilingon ang dalawang nurse na 'yon minsan pang kinindatan. "Ang sweet mo naman,"bulong ko kay Maxwell.

"Saan?"

"Sa employees mo."

Ngumiwi siya. "In what way?"

"You ordered food for for everyone, sweet 'yon, 'no."

"This was the first time, Yaz," halakhak niya.

"Naku, ako ang dahilan niyan," siguradong sabi ko. Ngumiwi siya. "Balita ko, mula nang dumating ako ay gumanda ang mood mo, bumait ka raw at mas lalong gumuwapo."

Lalo siyang ngumiwi. "Says who?"

"No'ng nurses, syempre. Dahil sa 'kin, 'no?"

Natawa siya. "Sure, baby."

"Psh," maarte kong isinabit ang kamay sa kaniyang braso saka kami dumeretso sa pantry kung saan naroon na ang iba pang doktor. Well, maliban kay Keziah na naka-duty sa umaga.

"'Yon! Waiting game is over!" awtomatikong nangibabaw ang tinig ni Doc Harvey, ang pinakamaingay na residente sa grupo ni Maxwell. "Makakakain na rin sa wakas."

Natawa si Maxwell. "Dude, you can eat without me."

"This is free, doc, respect is a must."

"Tsh."

"Hi, ma'am kumander!" bati nito sa 'kin.

Natatawa akong kumaway. "Hi, doc."

"Mukhang bagay sa 'yo ang scrubs dito, ma'am, ah?" itinuro niya ang uniform na suot ko. "Bakit hindi mo pa i-assign si ma'am dito, doc?" baling nito kay Maxwell. Napunong bigla ng excitement ang dibdib ko.

Tumingin sa 'kin si Maxwell. Nakanguso akong nagpa-cute. "You want to stay here?"

Sunod-sunod akong tumango. "Noon pa, alam mo naman 'yon."

Nagkibit-balikat siya. "Malay ko ba kung ako lang ang gusto mo sa OR, mahinang tugon niya." Pero kahit anong hina no'n ay narinig ng iba kaya nagdulot ng malakas na tawanan.

"Excuse me, pangalawa ka lang sa dahilan,"napapahiya kong sagot. "Una kong minahal ang OR." Pinamulahan talaga ako.

"Really?" naro'n ang pagmamalaki sa tinig ni Maxwell dahil alam niyang siya ang nauna.

"I mean..." Wala akong maisip na dahilan. "Fine, ikaw ang nauna pero pagdating sa ospital na 'to, OR talaga ang gusto ko." Nakangiwing umiling si Maxwell. "Fine! Basta, gusto ko dito."

"Dahil sa 'kin?"

"Dahil nga sa OR. Dahil gusto ko dito sa OR."

"So, ayaw mo sa 'kin?"

"Gusto."

"Bakit OR ang sagot mo?" batid kong nang-aasar lang siya pero panay ang sakay ko, hindi matanggap ang mga sinasabi niya.

"Dahil OR naman talaga."

"I'm sure, it's me, Yaz."

"Yeah, it's you, but first, it's OR. Then, you're next."

"Pangalawa ka lang naman pala, doc," pang-aasar ni Doc Harvey.

"I'm sure, she loved me first," puno ng kompyansa si Maxwell. "She studied"

"Makalagot...tsk!" asik ko.

Nagulat silang lahat. Kunot-noo akong tiningnan ni Maxwell, pinigilan kong matawa.

"What?" tanong niya.

"Nganong ingon ana man ka? Oo na, ikaw na jud ang una sa lahat-lahat!" inis ko kunyaring sabi. Saka nagpapadyak na parang bata. "Ingon ko, i-transfer na ko diri ba..."

Natawa si Maxwell saka inilapit ang bibig sa tenga ko. "Whatever. I love you."

"Gusto ko dito."

"Tell me you love me, too."

"Doc, gutom na kami," bigla ay singit ni Doc Harvey. Awtomatiko itong binato nang masamang tingin ni Maxwell. "Hehe."

"Do whatever you want," aniyang isinenyas ang pagkain.

Nakanguso akong tumayo para ipaghanda ng dinner si Maxwell pero hinila niya ang kamay ko at muli akong pinaupo. Nangiti ako nang isenyas niyang siya na ang kukuha.

Nakangiti kong pinanood na kumain ang lahat. Sa mga dumaang araw ay nasaksihan ko ang closeness nila. Marami na akong nakahalubilong doktor, residente man o physician na, pero parang ngayon lang ako nakahalubilo ng sobrang chill na grupo. Hindi ko maramdaman 'yong pressure kasi lahat ay nag-e-enjoy. Hindi ko makita 'yong bigat kasi lahat nadadala iyon. Lahat ay para bang excited pumasok, lahat ay sabik matuto, lahat ay tutok sa trabaho. Hindi ko na naman tuloy naiwasang humanga kay Maxwell. Pakiramdam ko ay gano'n siya kahusay na mentor para maging ganito kasigla ang grupo nila. Kung hindi lang sa sinabi ng mga nurse kanina ay baka inisip ko nang hindi talaga nagsusungit si Maxwell sa mga ito. Kahit kailan ay hindi ko siya nakitang nagsungit sa mga kasama. Madalas ay kaswal nga lang sila kung mag-usap. Hindi ko maramdaman ang takot ng mga residente sa kaniya.

"Tsk, tumitingin ka na sa iba, ah?" mahina ngunit masungit na ani Maxwell nang tumabi sa 'kin.

Natawa ako. "Natutuwa lang ako sa closeness niyo."

Pinanood ko siyang irolyo ang spaghetti nang hindi hinahalo ang sauce. Lahat ng myembro ng pamilyang Moon ay ganoon kumain niyon. Ayaw nila nang hinahalo ang sauce sa pasta.

Natigilan ako nang isubo niya sa 'kin 'yon. Pero nawala ang kilig ko nang iabot niya ang plate sa 'kin pagkatapos at umasta na naghihintay. Hindi ko na kailangang magtanong, siguradong kailangang subuan ko siya.

"Wooh! Sarap magkaro'n ng girlfriend!"mayamaya lang ay biro na naman ni Doc Harvey. "Maganda na, sweet and caring pa." Niyakap nito ang throw pillow na katabi at pinanggigilan.

Iniyakap ni Maxwell ang braso sa bewang ko. "Really?" nakangiwi niyang sabi. "Focus on your plate."

"Yes, doc," mapait na ani Doc Harvey. Natawa ang iba pang naroon.

"Seloso," pabulong na biro ko kay Maxwell saka siya sinubuan. "Wala namang gusto sa 'kin ang mga residente mo."

"Yeah, but the fact that they wanted to have a girlfriend right after knowing you..." umiling siya. "Lahat ng gusto nila, nasa 'yo. I'm a guy, too. I know that move."

Nakangiwi akong tumango, nang-aasar. "Pero sure ko, 'yong mga nurse, crush ako."

"Sino sa mga 'yon?"

"'Yong nasa ward, nasa ER, nasa...lahat," nang-aasar ko siyang sinulyapan. "Joke."

Pinagkrus niya ang mga braso. "Lahat ng babae dito, may gusto rin sa 'kin," bulong niya.

Tumaas ang kilay ko pero agad ngumisi. "Pero sino ang gusto mo?"

Inilapit niya ang mukha sa pisngi ko. "'Yong patay na patay sa 'kin." Bahagya niyang pinindot ang ilong ko.

Masaya kaming kumain at nang matapos ay nagkani-kaniya kaming pwesto para umidlip sandali. Bago magsimulang muli ang panibagong operation ay sabay-sabay kaming nagsepilyo at naghanda.

Hindi ko inaasahan ang kapwa surgeon ni Maxwell na dumating. Nakikipaghabulan iyon ng kagwapuhan sa kaniya bagaman mukhang mas may edad kompara sa kaniya. Nagsipaglingunan ang lahat ng babaeng nurse nang makita ang surgeon na noon ko lang nakilala.

Gano'n na lang din ang gulat nito nang makita ako. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paghanga niya.

"Hi, doc, good evening," nakangiting bati ko.

"Hi," agad inilahad ng doktor na iyon ang kamay. "Doc Bentley."

"Zaimin Yaz po, nice meeting you, doc,"nakipagkamay ako.

"Girlfriend ko, doc," nagmamalaking ani Maxwell, agad iniakbay ang braso sa likod ko. Tuloy ay nagtawanan ang mga residente niya.

Nagugulat na nilingon ni Doc Bentley si Maxwell saka nakangiwing tumango. "Good for you." Saka ako muling nilingon nito at dumeretso sa doctor's quarter.

"He's a womanizer," natatawang bulong ni Maxwell saka ako inakay sa handwashing area. "Doc Bentley will be joining us, team," anunsyo ni Maxwell. "Be cautious, he's very meticulous."

"Just like you, doc?" asar na naman ni Doc Harvey.

"Tsh. Well, let's just say we pay attention to details." Bumuntong-hininga siya.

"In every detail, you mean, doc?"

"Whatever, Harvey."

Mabilis na nagsimula ang sumunod na operation. Kung kanina ay swabe ang operasyon, nang sandaling iyon ay ramdam ko ang awkwardness ng karamihan, maliban lang yata kay Maxwell. Ako man ay medyo naiilang. Intimidating ang presensya ni Doc Bentley. At gaya ng sinabi ni Maxwell, totoong metikuloso ito.

"Suction," utos ni Doc Bentley, awtomatiko akong sumunod. "Suction," muling utos nito at sumunod uli ako. Pero gano'n na lang ang kaba ko nang bahagya siyang mag-angat ng tingin sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay nagkamali ako.

"Be careful. Just relax, do it gently," mahinang ani Maxwell. Pero sa sobrang tahimik ay siguradong narinig ng lahat.

"Where's Keziah?" bigla ay tanong ni Doc Bentley, ang paningin ay nasa ginagawa.

"She's on morning shift," sagot ni Maxwell.

"Hm, ngayon lang kayo naghiwalay ng shift,"nakita ko nang sulyapan ako ni Doc Bentley. Mata lang ang nakikita ko sa kaniya ngunit batid kong ngumisi siya. "Himala."

"Tsh."

"'Buti pinakawalan ka?" matunog na ngumisi si Doc Bentley. Sa ilalim ng mask ko ay gigil ko nang kagat ang labi ko, panay na rin ang aking pagnguso.

"If my girlfriend gets jealous, I'll kill you, Bentley." May banta sa tinig ni Maxwell, naitikom ko ang bibig.

"Yeah? Work on it. You don't scare me, Maxwell." May angas din sa tinig ang Doc Bentley na ito. I wonder if he's friends with Randall too.

Hindi lang isa kundi tatlong minor at major operations namin nakasama si Doc Bentley. Swabe man ang mga operasyon, sa ilang araw kong nagdu-duty roon ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong tensyon. Ngayon lang din nasita ang performance ko, well, hindi naman malala at isang beses lang. Siguro ay talagang intimidated ako sa presensya ng Doc Bentley na 'yon kaya gano'n na lang ang kaba ko. Mahusay siya, hindi ko maitatanggi 'yon. Dahil nagtuturo siya sa mga residente at nasaksihan ko ang kompyansa niya sa ginagawa. Halinhinan sila ng galing ni Maxwell.

"Let's have coffee, Bentley," inilapag ni Maxwell ang cup ng coffee nito matapos ang mahabang oras ng huling operasyon.

"Not without Keziah," ngisi nito saka muling sumulyap sa 'kin.

"Call her, then." Ngisi ni Maxwell. Napatitig ako sa ni Doc Bentley at napaisip kung may gusto ba ito kay Keziah. Kanina pa panay ang banggit nito sa doktora.

"You're cute." Napansin ni Doc Bentley ang pagtitig ko, pinanliitan niya ako ng mga mata. "I've known this kid for years," isinenyas niya si Maxwell."Pero ngayon lang kita nakilala, ma'am." Humigop siya ng kape.

"You're older than him, doc?" tugon ko.

Humalakhak si Bentley saka nilingon si Maxwell saka muling tumingin sa 'kin. "What do you think?"

Nakanguso kong nilingon si Maxwell na noon ay masama na ang mukha. "Mukha lang kayong magka-age..." pahina nang pahina kong sabi.

"He's my senior," masungit na ani Maxwell dahilan para lalong tumawa si Bentley.

"Now I think you're beautiful, Yaz," ngiti nito sa 'kin. Hindi ako nakasagot.

"Beautiful and mine, huh?" ngisi ni Maxwell.

"Planning to get married?" ani Bentley.

Ngumiwi si Maxwell. "Soon." Gulat ko siyang nilingon. Wala pa tayong plano, 'oy! Saba diha, pataka ka lang!

"Good. Am I invited?"

"Tsh. Randall's my best man."

"I'll be the groom, then," ngisi nito sa 'kin.

Sarkastikong tumawa si Maxwell. "Go and get yourself a bride."

"Thanks for the coffee," bigla ay isinenyas ni Doc Bentley. "I have to go, it's getting late. Regards to Keziah." Saka siya bumaling sa 'kin. Hindi ko inaasahang kukunin niya ang kamay ko at dadampian ng halik iyon! "Nice to meet you, darling"

"Fuck!" asik ni Maxwell saka ito binato ng throw pillow.

Tatawa-tawang nakaiwas si Bentley saka kumindat sa akin. "Regards to Kezi"

"Get out!" asik ni Maxwell. Tatawa-tawang lumabas si Bentley na kumindat pa sa 'kin bago isinara ang pinto. Inis akong tinapunan ng tingin Maxwell. "Go wash your hands."

"Ayoko nga," biro ko.

"Go...wash your hands, baby. That's an order,"para bang sinabi niya 'yon sa paraang mabait pa siya kaya kapag hindi ako sumunod ay magkakalintikan na. Tatawa-tawa akong sumunod ngunit hindi siya nakontento, sinamahan pa ako nang masaksihan iyon.

"May gusto ba si Doc Bentley kay Keziah?"curious kong tanong.

Ngumiwi siya. "Maybe? I don't know."

"Panay ang banggit niya kay Keziah, baka may gusto siya? Sa tingin ko may gusto siya."

"Ano naman sa 'yo?" nagbaba siya ng tingin sa 'kin.

Nagliwanag ang mukha ko. "Kasi...pwede mo silang ireto sa isa't isa. Nang sa gano'n ay magka-lovelife na si Keziah at tigilan ka." Bumungisngis ako.

"Tsh. Hindi ako interesado kay Keziah."

"Hindi ko naman sinabing interesado ka. Ang sabi ko, ireto mo sila para magka-love life na siya at tigilan ka, ana ba."

"Baby, that's not my thing, okay? 'Yong oras na ilalaan ko ro'n, ibibigay ko na lang sa 'yo."

Napangiwi ako. Kuyaw ba... Hindi ko napigilang tumawa. "Umuwi na nga tayo. Are you hungry?"

"Yeah."

"Okay, magluluto na lang ako for us." Ngumiwi ako.

"I want that...you know?"

"Alin?" inosente kunyaring sabi ko.

"That thing you said the other night."

"Which one?" Gusto kong sabihin niya ulit ang maling pagkakasabi ng embutido.

"You know what I'm talking about."

Nagpanggap akong nalilito. "Ano nga 'yon?"panay ang palitan namin ng salita habang nagcha-chart.

"That thing."

"Which one nga? Hindi ko na matandaan, ang dami nating napag-usapan, Maxwell. Besides, we're both busy."

Inis niyang tinapos ang sinusulat at saka lumapit. "Emputido," bulong niya.

Hindi ko talaga napigilang matawa. "Embutido kasi."

Magkahawak-kamay kaming nagpaalam sa lahat. Gusto kong matawa dahil hindi man lang niya hinintay na dumating si Keziah. Ilang minuto na lang naman ang ilalagi namin sana.

Gano'n na lang ang gulat namin nang madatnan ang lahat ng pamilya at mga kaibigan namin sa penthouse. Mukhang nagluto si Wilma sapagkat gano'n na lang karami ang nakahandang pagkain.

"Grabe, ganitong oras ka umuuwi?" kunot-noong bungad ni Maxpein, sumulyap pa sa relos. "Yaz,"lumapit siya at yumakap sa 'kin. "Kumakain ba 'yan doon sa 'baba?"

"Oo naman. Umo-order na siya ng foods ngayon at pinakakakain ang lahat ng nasa area."

"Good." Nakangiwing tumango si Maxpein. "Huwag mo hayaang malipasan siya ng gutom, please."

"Ako pa ba?" mayabang kong tugon. "Ang dami namang handa?" sabi ko. Naupo ako nang alalayan ni Maxwell. "What do you want to have?" tanong ko, ang paningin ay naroon sa pagkain.

"Tss, lagyan mo na lang at baka magyaya na naman ng kasal," si Maxpein na ang kusang nagsalin ng rice sa plate na para kay Maxwell. "Galing dito si Keziah, magkaiba na pala kayo ng sched," baling niya sa kapatid.

Hindi kumibo si Maxwell, sa halip ay nakangisi akong sinulyapan. Kagat-labi kong tinapik ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Hindi niya binitiwan ang kamay ko, sa halip ay inilapag iyon sa pagitan ng mga hita niya. Nakagat ko ang laman ng pisngi ko nang may maramdamang matigas doon. Napalingon ako sa gawi niya, ngunit gano'n na lang ang seryoso niyang pakikinig sa nagsasalitang ama. Kaya naisip kong hindi niya iyon sinasadya.

"We have to go back," mayamaya ay ani Maxpein, si Maxwell ang kausap. "Pare-pareho na kaming hinahanap sa trabaho."

Nagulat ako at nilingon ang lahat nang naroon. "As in lahat kayo?" tanong ko.

Tumango si Maxpein. "Dapat isang dalawang linggo lang kaming mananatili, mahigit isang buwan na kami rito. Masisibak na kami sa trabaho," biro niya.

"That's sad," tugon ko, totoong 'yon ang naramdaman ko. Pakiramdam ko ay hindi man lang kami nakapag-bonding nang ayos bagaman marami na ang nangyari.

"Kapag bumalik ang Venturi na 'yon, call me,"ani Maxpein kay Maxrill.

"He came back?" tanong ni Maxwell.

Nakangiwing umiling si Maxrill. "Not with her presence," isinenyas niya ang kapatid. "I can take care of him, don't worry."

Tinitigan ni Maxwell ang bunso. "Looks like you got yourself a gang, huh?" biro niya.

Nakangiti kong nilingon si Maxrill ngunit kanina pa man ay napapansin ko nang hindi siya sumusulyap sa gawi ko. Batid ko ring umiiwas siya sa presensya ko. Kailangan kong irespeto iyon kaya malayo pa lang ay umiiwas na rin ako.

Kaya pala gano'n na lang karami ang handa, kaya pala gano'n na lang karami ang mga habilin, kailangan na nilang bumalik sa Laguna. Kami na lang din halos ni Maxwell ang kumain dahil sa tagal ng paghihintay ng mga ito sa 'min ay kumain na sila.

Nang gabi ring iyon ay nagpaalam sila dahil bukas ng umaga ang flight nila at batid nilang may duty pa kaming pareho ni Maxwell kaya hindi na planong magpaalam nang ganoon kaaga.

Nagpresinta kaming ihatid sila sa 'baba kaya naman naokupa namin ang apat na unit ng elevator.

"Go, ahead, we'll take the last one," ani Maxwell.

Nauna akong pumasok nang dumating ang elevator, saka sumunod si Maxwell, pumuwesto kami sa dulo bagaman bakante iyon.

"I'm so sleepy," aniya.

"Ako rin," pagod na ngang sabi ko.

Nakangiti siyang lumingon sa 'kin. "You want massage?"

Ngumiwi ako. "Mapapagod lang ang kamay mo, huwag na."

"Hmm..." isinandal niya ang sarili sa 'kin. "Mapapagod saan?"

"'Ayan ka na naman," sabi ko nang hindi siya nililingon.

"Hindi mo pa pinatitikim sa 'kin 'yong masarap na sinasabi mong hindi ko pa natikman."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto mo ba talagang matikman?" Ngumisi siya nang todo saka tumango. "Psh. Puro ka kalokohan!" pinalo ko ang braso niya.

Ngingisi-ngisi siyang tumingin nang bumukas ang elevator at gano'n na lang karami ang empleyadong sumakay. Pare-parehong abala sa pag-uusap ang mga 'yon, nabalewala ang boss na naunang nakasakay. Dere-deretso lang sa pagpasok ang mga ito dahilan para masiksik kami ni Maxwell sa dulo. Inis siyang tumalikod sa mga iyon upang humarap at protektahan ako sa mga lalaki. Ngunit hindi gano'n ang nangyari. Nagugulat akong nag-angat ng tingin sa kaniya nang maramdaman ko ang trono niya.

Nakita ko siyang mapahiya kaya gano'n na lang ang pilit niya na huwag madikit sa 'kin 'yon. Panay tuloy ang pagtawa ko.

"Damn it," dinig kong singhal niya nang sa wakas ay makababa ang elevator at isa-isang nagsipagbabaan ang mga sumakay.

Inis siyang nilingon ng isa nang marinig siyang magmura. Sinamaan niya ng tingin iyon kaya gano'n na lang ang gulat no'n nang makilala siya.

"Doc," tumango ito at nagpaumanhin. "Sorry, doc." Napapahiya itong nagngali-ngali ng alis.

"Tinakot mo naman ang mga orderly natin,"natatawa kong sabi.

"Ang tagal niyo," ani Maxpein.

"Ang daming sumakay sa lift," sabi ko saka isa-isang yumakap sa kanila. "Thanks for taking care of us. Have a safe flight."

"Take care of my brothers, alright?"

"I will."

"Thanks, Yaz." Nagyakap kami.

Sangkatutak na namang habilin ang iniwan ng pamilyang Moon, hindi lang sa 'kin kundi sa aming pareho ni Maxwell. Syempre, hindi nawala ang habilin sa amin na mag-ingat, lalo na ngayong doon ako sa penthouse ni Maxwell natutulog. Sa huli ay kaming tatlo nina Maxrill ang naiwan at inihatid ng tingin ang mga ito.

"It's late, Maxrill, stay upstairs," anyaya ni Maxwell.

"No, thanks, I can drive." Talagang si Maxwell lang ang tiningnan ni Maxrill.

"Drive safely," lumapit si Maxwell at ginulo ang buhok nito.

Tumango si Maxrill sa kapatid saka tuluyang tumalikod, sinadyang hindi magpaalam sa 'kin. Pero hinid ko na pinagtuunan ng pansin iyon. Nakangiti kong tiningala si Maxwell.

"Let's go?" anyaya niya saka kami magkahawak-kamay na umakyat. "Gusto ko nang maligo," aniya nang makasakay kami sa elevator.

"Ako rin," nangangating sabi ko.

"Sabay tayo," bulong niya.

Natawa ako at lilingunin na sana siya ngunit natigilan ako nang may mahagip ang paningin na lalaking nakatayo sa harap ng elevator bago tuluyang sumara ang pinto niyon.

Hindi ko malaman kung bakit tila napapamilyaran ko iyon gayong bahagya iyong nakatungo at nakasumbrero.

"Why?" tanong ni Maxwell nang umakyat ang elevator. Umiling ako at saka pilit na ngumiti at binalewala ang nakita. Namalik-mata lang siguro ako.

"Mauna ka nang maligo," sabi ko nang makabalik kami sa penthouse. Ngumuso siya. "Mauna ka nang maligo," istrikta kunyaring sabi ko.

Nakasimangot siyang bumuntong-hininga at talagang hindi inalis ang paningin sa 'kin habang kumukuha ng towel hanggang sa maglakad papasok sa bathroom. Gano'n na lang ang tawa ko. Pero nang hindi ko na siya nakikita ay kabado kong inalala ang imahe ng lalaking nakita ko sa harap ng elevator. Pilit kong inalala kung saan ko iyon nakita pero sadyang wala akong maisip. Sa sobrang pagod ay nakatulugan ko ang pag-iisip. Nagising na lang ako nang magsalita si Maxwell sa mismong pandinig ko.

"I love you," bulong niya.

Napangiti agad ako at saka nagmulat. "Matulog ka na."

"You've been ignoring my I love you's now, huh?" masungit na aniya. Gano'n na lang ang gulat ko nang makitang wala siyang suot!

"Maxwell, ano ba!"

"What?"

"Pastilan ka!" asik ko saka siya binato ng twalyang galing sa balikat niya! "Magbihis ka!"

"I sleep naked, you know that."

"So, ano 'yong suot mo no'ng mga nakaraang gabi?" angil ko. Para hindi na humaba ang usapan ay tumayo na ako at kumuha ng damit. "Magbihis ka, bilis na!" nakatalikod kong sabi.

"No," matigas na aniya saka naupo sa kama at doon ipinagpatuloy ang pagtutuyo ng buhok niya.

Inis ko siyang nilingon ngunit gano'n na lang ang pang-aagaw ng malapag na likod niya sa atensyon ko. Haaay, my weakness! Nakagat ko ang labi ngunit bago niya pa iyon makita ay pinakawalan ko na ang labi ko. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay saka ako dumeretso sa bathroom. Tatawa-tawa akong naligo. Ngunit mas lalo akong natawa nang makapaghubad nang tuluyan.

This is so fetch! For sure, magagalit siya. May period ako. Inaasahan ko na 'yon kaya maging iyon ay ibinaon ko at sinadya nang ilagay sa bathroom just in case bumisita ang pamilya niya, maging si Wilma.

Halatang nagtutulug-tulugan siya nang makalabas ako. Kaya naman gano'n na lang ang pagtawa ko nang mangunot ang noo niya matapos makitang bihis na bihis ako. Pulang-pula ang satin sleepwear ko.

Agad akong yumakap nang tumabi sa kaniya. Wala pa man ay 'ayun na ang labi niyang sinasalubong ako ng halik.

"Baby..." paungol kong sabi, nananadya.

Agad 'yong umepekto sa kaniya. "Mm?"

"I have..."

"What?"

Nakangisi ko siyang tiningnan saka nginisihan. Inaasahan ko nang gano'n kabilis niya iyong mahuhulaan kaya gano'n na lang ang tawa ko nang maramdaman ko ang pagbagsak ng mga balikat niya. Humalakhak ako ng tawa.

"Why now?" nanlulumo niyang sabi.

Nagkibit-balikat ako. "Para raw madisiplina tayo."

"I gotta stop that," sinulyapan niya ang gawi ng korona.

"Sige, para siyam na buwan kang magsungit."

Ibinaon niya ang ulo sa unan saka inis na niyakap ako. "As long as your mine, fine."

"Mm! Ni wala ka pa ngang planong pakasalan ako, puro ka score!" piningot ko ang ilong niya. "Score ka nang score!"

Tumawa siya. "Because you're addicting."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pero alam mo...'yong embutido..."

"No."

"Listen"

"I said, no. That thing does not exist."

"It does!" paniniguro ko.

"Enough, let's sleep," aniya saka niyakap ako nang mahigpit. "I'm tired, baby, good night," pagod nga niyang sinabi.

"Good night..."

Hinalikan niya ako sa sentido at sa isang pindot ay naipatay niya ang lahat ng ilaw. Sa sobrang ginaw ay sumiksik ako nang todo sa kaniya. Sinikap kong ilihim ang pagtawa nang masanggi ng hita ko ang trono niya. Ngunit gano'n na lang ang pagbuntong-hininga niya.

"You're gonna torture me," inis niyang binuksan muli ang mga ilaw saka siya bumangon at nagsuot ng damit. Tatawa-tawa ko siyang pinanood hanggang sa muling makalapit.

"Sorry," sabi ko na sinalubong siya ng yakap.

Yumakap siya nang todo saka isiniksik ang mukha sa balikat ko. "Matulog ka na, maaga ka pa bukas. I'll go with you, I'll talk to Caleb."

Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso?"

Madilim man ay naramdaman ko ang pagngiti niya at tango. "Yes."

"I love you!" mahigpit kong niyakap ang mukha niya. "Thank you!"

"You're welcome." Mas humigpit ang yakap niya. "Please sleep now, I know you're tired. Thanks again for today. I love you."

"I love you," nakangiti kong tugon saka pa lang pumikit.

Tahimik naming kinuha ang kani-kaniyang tulog. Ngunit hindi pa man nagtatagal nang mahilo-hilo akong nagmulat. Naramdaman kong kumilos si Maxwell at gano'n na lang ang gulat ko nang buksan niyang bigla ang ilaw at isinigaw ang tanong na hindi ko naintindihan.

Gano'n na lang ang gulat ko nang mula sa single couch na naroon sa dilim ay tumayo ang isang lalaki at humarap sa amin.

Siya 'yon! Gano'n na lang ang pagbangon ng kaba sa dibdib ko nang mamukhaan ito. Siya iyong lalaking namataan ko sa harap ng elevator!

"Sayang...hindi ko nasaksihan ngayon ang ligayang dulot ng kapusukan mo at paggawa ng kasalanan, Maxwell...Moon," may diin niyong binanggit ang apelyido ni Maxwell.

"Hwang...?" hindi makapaniwalang ani Maxwell.

Pero hindi sa sinabi ni Maxwell natuon ang atensyon ko. Kundi sa sinabi ng lalaking iyon na kung hindi ako nagkakamali ay siya ngang nakita ko sa labas ng elevator! Sa sinabi niya ay para na rin niyang sinabing hindi na iyon ang unang beses na pinanood niya kami.

Ibig sabihin ay may sandali na niya kaming nakitang... Hindi ko naituloy ang sinasabi sa isip at sa halip ay takot na pinukol ng tingin ang lalaking 'yon.

"Maxwell..." gumaralgal agad ang tinig ko. "That's him..." mahina ko pa ring dagdag.

Nilingon ako ng imaheng 'yon, gano'n na lang ang pag-atras ko dulot ng takot. "Kaysarap mong panoorin sa lahat ng oras, binibini"

Hindi na niyon nagawang tapusin ang sinasabi nang sugurin iyon ni Maxwell! "Maxwell!" pagtawag ko.

Agad kong kinapa ang cellphone ngunit hindi ko iyon mahanap sa sobrang takot at kaba habang panay rin ang lingon sa dalawa na noon ay nagpapambuno na!

Shit!

To be continued. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji