CHAPTER 29
CHAPTER WHATEVER
MAAGA PA lang ay nasa ospital na ako kinabukasan. Ilang beses akong pinigilan ni Zarnaih na pumasok pero idinahilan ko ang trabaho. Pakiramdam ko ay naghilom na nang tuluyan ang kamay ko. Kung may dapat man akong ipag-alala ay ang lagay ng puso ko. Pakiramdam ko kasi ay durog na durog na iyon sa sakit.
Kahit kulang sa tulog ay nagawa kong makapagtrabaho nang maayos. Bagaman wala ni isang segundong hindi nawala si Maxwell sa isip ko. Parati na humahanap ako ng tyansa na makasulyap sa gawi ng area nila, nagbabaka-sakaling makikita ko siya. Nang hindi ko siya makita sa cafeteria ay sinadya ko nang magpaalam kay Doc Caleb. Kung gaanong ka-busy noong umaga ay siya namang bakante namin pagdating ng hapon, at ipinagpapasalamat ko 'yon.
Pumunta ako sa floor nina Raffy, sa private ward, nagbabaka-sakaling nagra-rounds si Maxwell doon. Gaya ng inaasahan ay nasa station siya nang puntahan ko.
"Bakit nandito ka?" nanunukso ang tingin at tinig na bungad ni Raffy. "Chikahan mo naman ako, beh! Totoo ba talagang boyfriend mo si Doc Maxwell?"
Sa halip na sagutin agad siya ay panay ang lingon ko sa kaliwa't kanang wing. Hindi ako maaaring magtagal dahil baka magkaroon ng pasyenta sa area namin, walang tutulong kay Susy.
Sasagutin ko na sana ang tanong niya ngunit nalingunan ko ang dalawang babaeng nurse na abala sa endorsement. Panay ang sulyap sa 'kin ng mga ito at kahit anong tago nila ay alam kong hinihintay rin nila ang sagot ko. Wala namang problema sa 'kin 'yon kung pag-usapan nila kami ni Maxwell, totoo naman kasing kami na. O kahit siguro noong hindi pa kami at ganito ang usapan tungkol sa 'ming dalawa, baka ikatuwa ko pa.
Pero wala sa bagay na 'yon ang atensyon ko. Kailangan kong makita si Maxwell. Ngunit kung sino-sinong doktor ang nakikita kong naglalakad at naglalabasan mula sa mga kwarto.
"Hinahanap mo ba si Doc Maxwell?" muling tanong ni Raffy. "Kabababa lang, kasama si Doc Keziah."
"Saan sila pumunta?"
"Sagutin mo muna 'yong tanong ko,"nakangising tugon niya. Napabuntong-hininga ako. "Usap-usapan na sa buong ospital na boyfriend mo raw si Doc Maxwell, totoo ba? Kahit 'yong mga resident doctor ay sinasabing kayo nga—"
"Yes," deretsang sagot ko.
Gano'n na lang ang gulat sa mukha ni Raffy. "At, winner!"
"Saan sila nagpunta, Raffy, please," pakisuyo ko.
"Baka sa office niya, ma'am," anang isa sa babaeng nurse, iyong pa-out na. "More than twenty-four hours na rin kasing naka-duty si Doc Maxwell. Ang daming case sa OR mula pa no'ng isang gabi."
"Thank you!" Iyon lang at iniwan ko na sila.
Paakyat na sana ako no'n sa floor ng office ni Maxwell nang maisip kong bilhan muna siya ng snacks. Madalas ay nalilipasan siya ng gutom, lalo na kapag ganoong toxic ang duty niya. Kaya naman bumaba muli ako sa cafeteria at binilhan siya ng iced coffee at sandwich. Sa isip ko ay plano ko na lang na magsabi nang totoo kay Doc Caleb kung hanapin ako.
Dahil pinainit ko pa ang sandwich ay natagalan ako. Halos takbuhin ko ang stairs dahil hindi ako makapaghintay sa elevator. Tuloy ay habol ko ang hininga nang makarating sa opisina niya.
Tama ang nurse, naroon si Maxwell kasama si Keziah. Pero hindi ko inaasahang madaratnan ko sila sa sitwasyon kung saan minamasahe ni Keziah ang mga balikat niya. Habang si Maxwell ay nakaupo, nakasandal at nakapikit sa mataas na swivel chair niya.
Umiling ako at pinigilang mag-isip ng kung ano. Ayon na nga sa nurse kanina ay ilang oras na itong naka-duty. Paniguradong ganoon na lang ang pagod niya.
Kumatok ako sa glass door at pareho nila akong sinulyapan. "Good afternoon," may nginig sa tinig ko.
Napabuntong-hininga si Keziah. "What is it?"
Gusto ko agad mainis sa tanong niya. Obviously, I'm not here for her. And obviously, I came for Maxwell. Sa halip na sagutin siya ay sinalubong ko ang malamig na tingin ni Maxwell. Isinenyas ko ang sandwich at canned iced coffee na dala ko.
"Come in," muling ani Keziah, kailangan kong magpigil ng inis. Wala akong oras sa kaniya.
"Maxwell..." agad kong tunghay rito.
Bumuntong-hininga siya saka sinulyapan ang suot na relo. "Wala kang pasyente?"
Umiling ako. "Nagpaalam ako kay Doc Caleb kasi..." napasulyap ako kay Keziah.
Gusto ko lalong mainis sapagkat patuloy pa rin siya sa pagmamasahe kay Maxwell. Pero hindi ako pwedeng magtaray. Mas lalong hindi ko siya pwedeng paalisin. Ang hiling ko ay makaramdam siya at magkusa na lang sana kaming iwan.
"I brought you snacks," inilapag ko ang mga binili sa magulong table niya.
Gusto kong magulat. Knowing Maxwell, sobrang neat niya. Parang noon ko lang siya nakitaan ng mesa na makalat. Patong-patong ang charts at hindi mabilang na mga papel.
"I just ate," malamig niyang tugon.
Pakiramdam ko ay kinilabutan ako nang gumapang sa katawan ko ang kahihiyan. Muli kong sinulyapan si Keziah, nakatingin din siya sa 'kin. Sa nakikita ko ay wala siyang balak na umalis, o sadyang wala lang siyang pakiramdam.
"Can we talk?" lakas-loob nang tanong ko.
Bumuntong-hininga si Maxwell. "Please excuse us, Kez," malumanay niyang pakiusap dito. Malayo sa tono ng pananalita niya nang ako ang kausap. Gusto kong mayamot.
Pinakiramdaman ko ang pag-alis ni Keziah. Kung hindi ako naaasar ay baka ipinagpasalamat ko ang pagsasara niya ng pinto.
"About last night..." panimula ko, hindi nagsasayang ng oras. Wala pa man ay nangilid na ang mga luha ko.
Nagbaba ng tingin si Maxwell. "Mm, tell me."
Gusto ko na agad maiyak. Nakakakonsensya na magdamag kong kinuwestyon ang pagtalikod at pang-iiwan niya sa 'kin kagabi. Ngunit heto siya at mukhang handang pakinggan ang side ko. Sana lang ay tama ang naiisip ko.
"I'm sorry," iyon agad ang lumabas sa bibig ko. "I'm really sorry, Maxwell." Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Agad ko iyong pinunasan nang mag-angat siya ng tingin sa 'kin.
Pero sa halip na ako ang masaktan, bakit sa isang sulyap niya ay parang siya ang higit na nakaramdam no'n? Hindi ko mapangalanan ang lungkot sa kabuuan ng kaniyang mukha. Wala siyang sinasambit ni isang salita pero samu't saring emosyon ang nakita ko sa iisang iglap.
Napailing ako, sandaling umawang ang labi saka nakapagsalita. "It was a mistake," paniniguro ko. "That kiss...was a huge mistake."
"That cannot be undone," malamig niyang tugon.
Muli ay kinilabutan ako sa lungkot na idinulot ng mga salita niya. "That's why I'm sorry, Maxwell. Hindi ko sinasadya, maniwala ka sa 'kin."
Nagbaba siya ng tingin at wala pa man ay parang bumubuhos na ang lungkot niya. Kung ako lang ang masusunod ay patakbo ko siyang lalapitan at yayakapin. Ngunit paano ko iyong gagawin gayong ako ang dahilan kung bakit ganito siya kaemosyonal ngayon?
"Maxwell, I'm so sorry..."
"Yaz..." agad na nabasag ang tinig niya. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin, tila pinipigilan ang kumakawalang emosyon niya. "I love you so much,"gano'n niya kaemosyonal na sinabi 'yon.
Nanghina ang mga tuhod ko, sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. "I'm so sorry, Maxwell. Sorry," umiiyak kong sinabi, pinahihirapan akong magsalita.
"But I need to think," malungkot niyang dagdag.
Natigilan ako at napatitig sa kaniya. "What...w-what do you mean?"
"I don't have enough emotional strength to forgive you right now," malungkot siyang tumitig sa 'kin. "I'm so tired."
"Maxwell..."
"I'm hurt," nagbaba siya ng tingin. "I felt betrayed and I'm a bit angry about this whole situation."
"Maxwell..."
"The more I find out, the worse everything seems to be. No'ng una ay si Rembrandt...ngayon si..." nasapo niya ang noo at doon umiling nang umiling. "He's my brother, Yaz." Nag-iwas siya ng tingin at mababakasan ang tindi ng pagpipigil niya sa sariling damdamin.
Napaupo ako sa silyang nasa harap ng kaniyang mesa at nakatungong umiyak. "I'm so sorry..."Naghalo ang pagluha ko at hikbi.
"I want to rest," matamlay, tila inaantok niya nang sinabi.
"Can I stay here?" umaasa, umiiyak pa ring tanong ko, hindi siya magawang tingnan.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "I'm sorry but I want to be alone," 'ayun na naman 'yong malamig niyang tinig.
Maxwell...
Lumuluha akong tumingin sa kaniya ngunit wala sa 'kin ang kaniyang mga mata. Para maiwasan ang tingin ko ay sumandal siya sa swivel chair at pumikit.
Magsasalita pa sana ako ngunit narinig kong bumukas ang pinto. Bahagya akong tumagilid at dali-daling pinahiran ang aking mga luha. Hindi na ako nagulat nang lumapit si Keziah.
"You have a new case," pabuntong-hiningang ani Keziah.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nang hindi sumagot si Maxwell ay basta na lang siya yumuko rito at kinurot ito sa pisngi. Kunot-noong nagmulat si Maxwell.
"What?" asik nito.
"We have a new case."
"Fuck," inis na singhal ni Maxwell, tumayo at basta na lang hinila ang white gown.
Dederetso na sana siya paalis nang malingunan ako. Nagbaba ako ng tingin, bigla ay hindi ko kayang salubungin ang tingin niya. Parang tutulo na naman ang mga luha ko. Ayaw ko sa ginawa ni Keziah na parang wala lang sa kaniya.
"We're leaving," ani Maxwell saka nagdere-deretso papalabas.
"Are you going to stay here or what?" baling ni Keziah sa 'kin. "Hey?" bahagya siyang yumuko sa 'kin.
Napaiwas ako. "Yeah, after you," sabi ko.
Bumuntong-hininga siya. "Give him time to think, Yaz." Iyon lang at tinalikuran niya na ako.
Kunot-noo kong sinundan ng tingin si Keziah. Gusto kong madismaya. Kung gano'n ay alam niya? 'Ayun na naman 'yong mga nagbabadya kong luha. Pero pinigilan ko na iyong tumulo. Ayaw kong bumalik sa post at ipagtaka ng mga kasama ko ang namumugto kong mga mata.
Sinikap ko pa ring mag-focus sa trabaho. Nang matapos ang lahat ay muli kong pinuntahan si Maxwell sa office. Nadatnan ko siyang mag-isa ngunit natutulog naman sa sofa. Ngunit gano'n na nga lang talaga ang lakas ng pakiramdam niya. Kahit anong ingat ko ay nagising siya sa maliliit kong ingay.
Kunot-noo niyang sinalubong ang tingin ko saka bumuntong-hininga. Bumangon siya at naupo, itinuon ang parehong siko sa tuhod saka naihilamos ang mukha sa mga kamay.
"Hindi ba pwedeng umuwi ka muna para magpahinga, Maxwell?"
Matunog siyang bumuntong-hininga at muling sinalubong ang tingin ko. "I can sleep here."
Ano ba namang pakiramdam ito? Kanina ay ako ang nasasaktan sa kaniya. Nang sumunod ay panay na ang pag-aalala ko dahil baka hiwalayan niya na ako. Ngayon naman ay gusto kong maawa sa kaniya. Kulang na kulang ang salitang pagod para mapangalan ang kaniyang itsura.
Naupo ako sa tabi niya at tiningnan siya, bagaman hindi siya lumingon sa gawi ko. Kinuha ko ang braso niya at marahang hinubad ang white coat niya, saka iniakbay ang isang braso niya sa akin. Panay ang tingin ko sa kaniya, nakikiramdam, baka hindi niya magustuhan ang ginagawa ko.
"Magluluto ako para makakain ka nang ayos,"sabi ko nang tuluyan kong akuin ang bigat niya na para bang kayang-kaya kong gawin talaga 'yon.
Sa ganoong sitwasyon namin, paanong may kaunting kiliti pa rin siyang idinudulot sa 'kin nang hayaan niya akong akayin siya? Kakaiba talaga.
Dinala ko siya sa penthouse niya, deretso sa kaniyang kwarto. "You need to change," sabi ko.
Naramdaman ko ang tingin niya nang tanggalin kong isa-isa ang butones ng kaniyang longsleeves. Pero hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin. Hinubad ko maging ang white shirt niyang nakapaloob doon hanggang sa tumambad sa 'kin ang katawan niya. Sa sandaling iyon ay hindi ko makuhang matawa sa kinulang niyang abs. Dahil ang paningin ko ay natuon sa buckle ng belt niyang may logo ng Gucci.
Hahawakan ko na iyon nang unahan niya ako. "I'll get changed myself," pabuntong-hiningang aniya.
"Yeah," pilit ang ngiting sabi ko saka tinalikuran siya.
Dere-deretso akong naglakad, walang lingunan, saka inilabas sa kitchen ang hiningang ilang beses kong pinigilan kanina. Sa lahat ng Del Valle ay siya ang may pinakamatinding epekto. Hindi dahil siya ang gusto at nobyo ko, talagang may kung ano sa kaniyang kayhirap tanggihan.
Iyong mabilis lutuin ang inihanda ko, may gulay, karne, mashed potato at garlic rice. Dinala kong lahat sa kwarto niya nang matapos. Pero 'ayun siya, basa man ang buhok ay nakatulog na.
"Maxwell," tawag ko habang maingat na inilalapag ang tray sa side table niya. "Maxwell, kumain ka na muna. Maxwell?"
Nag-alangan akong maupo sa kama niya kaya tumunghay na lang ako at inuga-uga siya sa braso.
"Baby..." mahinang sabi ko. Hindi ko inaasahang magmumulat siya. Bahagya akong ngumiti. "Dinner is ready."
Pero gano'n na lang ang gulat ko nang hulihin niya ang braso ko at basta na lang ako hilahin! Niyakap niya ako nang mahigpit, at kahit gustuhin ko mang manatili roon, pilit akong kumawala.
"Maxwell, naka-uniform pa 'ko, ano ba," naghalo ang tuwa, saya at pag-aalala ko.
"I love you," mahinang bulong niya. Parang natunaw ang puso ko, gusto ko na namang maluha.
"I love you, too," sinalubong ko ang tingin niya. "Marumi ang uniform ko," nakanguso kong sabi.
Pero binalewala niya 'yon at tinitigan ang mukha ko. "Why can't I resist you?" malungkot niyang sinabi. "You're hurting me but..." pakiramdam ko ay sabay kaming nadurog nang mabasag ang tinig niya at pangiliran na naman siya ng luha. "It hurts me more when I can't see you. Fuck." Pumikit siya at inihilig ang ulo sa unan.
"I'm sorry," hindi ko na siya magawang tingnan. "I'm really sorry."
Umiling siya nang umiling. "Don't worry about breaking me...or making me sad. Hurt me...destroy me...just...please not my brother. I don't want you to hurt him, too."
Tuluyan akong kumalas sa kaniya at tumayo sa tabi ng kaniyang kama. "That was a mistake, Maxwell,"matigas ang loob nang sabi ko. "At hindi dahil nagawa ko 'yon ay uulitin ko...damn it. Why the hell am I explaining anyway? Hindi ka naman nakikinig. Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin."
Iyon lang at iniwan ko na siya nang may masamang loob. How many times do I have to say sorry to him? Am I not being sincere enough to ask for his forgiveness? Siguro nga, hindi sapat at hindi ako karapat-dapat. Ni hindi nga ako sigurado kung may karapatan akong magalit gayong ako ang may kasalanan.
Umuwi ako nang masama ang loob, nakasimangot at ni hindi makakain. Basta na lang ako nahiga at maagang nagising kinabukasan. Pumasok ako nang mabigat ang pakiramdam at down na down. 'Ayun na naman ako sa apektadong pagtatrabaho. Parati na lang bang ganito? Masaya na kami nang nakaraan, paano na namang nauwi sa ganito?
Pero mayamaya lang ay natagpuan ko na naman ang sarili na iniisip kung nasaan si Maxwell. Ano kaya ang ginagawa niya? Kumain na ba siya? Nakatulog ba siya nang ayos? Kinain ba niya ang inihanda ko kagabi?
Napapapikit ako sa inis. Lalo na nang matagpuan ko ang sarili na naroon sa cafeteria at bumibili ng sandwich at iced coffee. 'Ayun na naman ako at nagmamadali papunta sa floor kung saan posibleng naroon si Maxwell. Naulit lang ang nangyari kahapon. Nadatnan ko na naman sila ni Keziah sa opisina, tahimik na minamasahe siya.
Malalim na buntong-hininga, iyong tila ba nagsasawa na akong makita, ang ibinungad sa 'kin ni Keziah. "Of course, you're here again," sarkastikang aniya.
I hate you, kigwa. "Yeah," bumuntong-hininga ako.
Hindi na niya hinitay na pagsabihan ni Maxwell, si Keziah na ang kusang umalis para iwan kami.
Hindi ko naitago ang sama ng loob nang salubungin ang tingin ni Maxwell. Basta ko na lang iyon inilapag sa mesa niya. "Kumain ka." Iyon lang at iniwan ko na siya.
Akala ko ay gagaan ang pakiramdam ko. Pero lalo lang palang bibigat ang loob ko dahil nang sandaling talikuran ko siya ay umasa akong hahabol siya ngunit nabigo ako. Hinayaan lang ako ni Maxwell.
Pero ngayon ko pa ba siya susukuan? Mahal na mahal ko na siya at nararamdaman kong gano'n din siya sa 'kin. Kahit nga yata gustuhing sumuko ay hindi ko na magagawa. Hindi na ako makakaahon sa nararamdaman ko para sa kaniya.
Hindi ko inaasahang madaratnan ko si Maxrill sa area nang makabalik ako. Matagal siyang tumitig sa 'kin nang may blankong mukha.
"What are you doing here?" mahina kong tanong nang sundan niya ako papunta sa table ko.
"You're still not good?" mahina ring tugon niya matapos ipatong ang parehong kamay sa mesa upang matunghayan ako.
Nasulyapan ko siya ngunit hindi ko matagalan ang tingin niya. Umiling ako. "Noona is busy, Maxrill."
Matunog siyang ngumisi. "Noona, huh?"
"What do you want?"
"Now you're being masungit." Ngumisi siya lalo, nang-aasar.
"Let's talk some other time, Maxrill."
"I'm not here for you," masungit niyang tugon.
Napailag ako nang may kunin siya sa gawing likuran ko, doon sa sitwasyong kung may makakakita sa amin ay para bang niyayakap niya ako.
"Excuse me?" napatayo ako nang marinig ang boses ni Doc Caleb.
"Doc," kabado kong sabi.
Nagtatakang nagpapalit-palit ang tingin ni Doc Caleb sa amin ni Maxrill. "Sorry," aniya saka tinalikuran kami.
Shit!
Inis kong tiningnan si Maxrill ngunit ganoon na lang kalapit ang mukha namin sa isa't isa. Gusto kong maasar nang ngumisi muna siya bago umatras.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?" asik ko.
"I...am not here for you," tugon niya sa tonong nagpapaintindi. Saka ipinakita sa akin ang papel na hawak niya. Nabasa ko roon ang salitang inventory.
Inagaw ko ang papel at saka inilapag sa mesa ko. "I can do it myself."
Ngunit muli niyang kinuha iyon. "It's my job, not yours, nurse." Saka niya ipinagpatuloy ang pagkuha ng kung ano-anong gamit sa likuran ko.
Sa inis ay sumuot na lang ako sa ilalim ng braso niyang abala sa tokador. Saka ako inis na pumunta sa ibang kwarto.
Naiinis akong pumikit, bakit kailangang mangyari 'to? Sa kabila nang nakita ni Maxwell, bakit ayaw tumigi ni Maxrill? Bakit kailangan kong maipit nang ganito?
Sa halip na dumeretso pauwi nang matapos ang shift ko ay muli akong umakyat sa private ward. Magbabaka-sakali uli akong naroon si Maxwell. Ipagluluto ko siya ng dinner dahil baka hindi na siya nakakakain.
"Kumander!" nakakalokong kumaway nang kumaway sa akin ang residenteng doktor na parating kasama ni Maxwell.
Hindi ko napigilang matawa. "Hi, doc!" bati ko. "Si Doc Maxwell po?"
"He's with Doc Keziah, baka nasa office sila."
Pakiramdam ko ay pumait bigla ang mukha ko pero pinilit ko pa ring ngumiti. Bakit kailangang naroon sila parati at magkasama? Gusto kong mainis ngunit sinisikap kong intindihin ang sitwasyon.
Sa ikatlong pagkakataon, nadatnan ko ang dalawa sa parehong eksena. Nakaupo si Maxwell at nakapikit sa swivel chair niya. Habang si Keziah ay naroon sa likuran at minamasahe ang kaniyang mga balikat.
Gaya kahapon at kanina, napabuntong-hininga na naman si Keziah nang makita ko. At gaya kanina, kusa siyang umalis at ipinagsara kami ng pinto.
"Mm?" ani Maxwell, bumuntong-hininga rin sa paraan na hindi ko gusto ang idinudulot sa isip ko.
"Nagsasawa ka na ba na pabalik-balik ako dito?" pigil ang inis kong sabi.
Nag-angat siya ng tingin sa 'kin. "No. Of course not."
Nag-iwas ako ng tingin. "Kailangan mo ba ng...m-massage?" hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay ang desperada ng tanong na 'yon. "I can do that for you." Lalo pa akong pinagmukhang desperada ng huling linya.
"No, I'm okay," aniya saka tumayo.
"Where are you going?" hindi pa man siya umaalis ay naghahabol na ako.
"I have patients."
"I see." Pinilit kong ngumiti. "Lulutuan kita ng dinner."
Tiningnan niya ako habang nagsusuot ng white coat. "No, it's okay, I'm staying here tonight."
"Eh, di dadalhin ko rito," sabi ko na isinenyas pa ang mesa niya.
"I can eat downstairs." Batid kong ang cafeteria ang tinutukoy niya.
"Sure, sa 'baba ko na lang dadalhin, if you want."
"I don't have time to eat, Yaz. I'm busy," aniya saka nilampasan ako.
Nangingiti, pigil ang damdamin akong humabol. "Busy ka pero may oras kang magpamasahe kay Keziah?" I don't want to sound jealous, but I failed.
Awtomatiko siyang huminto at lumingon sa 'kin. "I'm sorry," nagbaba ako ng tingin.
"May oras ka rin namang makipagyakapan sa kapatid ko, hindi ba?"
Nagugulat akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "What, no!" asik ko. Batid kong ang sinasabi niya ay ang nakita ni Doc Caleb kanina! Shit! "That was a mistake!"
"Another mistake, you mean?" nakangisi niyang sabi.
"Anong sinabi ni Doc Caleb?"
Umiling siya. "Go home, Yaz. I'm sure you're tired." Akma siyang hahawakan ako sa balikat. Napatitig siya sa sariling kamay ay binawi iyon. Sandali siyang tumitig sa 'kin at saka ako iniwan.
Napaupo ako sa bugso ng halo-halong nararamdaman. Pero hindi ako umiyak, hindi ako nagalit. Nag-ipon lang ako ng lakas bago tuluyang umalis.
Wala sa sarili akong dumeretso sa penthouse ni Maxwell at nagluto. Sa isip ay paulit-ulit kong sinasabi na hindi ako pwedeng huminto doon. Galit siya sa 'kin, kailangan kong maintindihan na ako ang nagkamali at wala akong karapatang magalit. Bukod sa alam ko sa puso kong hindi ko kayang mawala siya kaya iyon din ang gusto kong gawin.
"Maxwell?" nangibabaw ang pamilyar na tinig ng babae. Hindi na ako nagulat nang malingunan ko si Wilma. Pinagkunutan niya ako ng noo.
"Wilma," pinunasan ko ang mga kamay ko at hinarap siya. "Pasensya na kung nakialam na ako. Ipinagluto ko ng dinner si Maxwell dahil baka..."natigilan ako nang makita ang basket na dala niya. Puno ng iba't ibang prutas at gulay. "Eksakto, may prutas."
Lumapit ako at isa-isang tiningnan ang mga dala niya. Pinili ko ang mga prutas na sa tingin ko ay sapat na ang pagkakahinog. Hinugasan ko ang mga iyon at isa-isang hiniwa. Habang si Wilma ay tila nagtataka at nagugulat pa rin akong pinanonood.
"Napakarami naman ng inihanda mo, isang linggo bang mananatili sa trabaho si Maxwell?"tanong niya.
Ngumiti ako. "Minsan kasi ay mahigit sa beinte kwatro oras kung magtrabaho si Maxwell, Wilma."
"Oo, alam ko. Ikaw, may trabaho ka rin, hindi ba? Makakaya mo bang gawin ito gabi-gabi? May intindihin ka rin."
"Tapos na ang shift ko, Wilma, salamat sa pag-aalala."
"Hindi kita inaalala," ngisi niya. "Trabaho ko kasi ang mga iyan."
Sandali mang natigilan ay natawa ako sa kaniya. "Bilang girlfriend ni Maxwell ay gusto kong gawin 'to."
"Dalhan mo na rin si Maxrill kung gano'n,"mababahiran ang hiya sa tinig niya.
Natigilan ako. "Hindi ko...pupuntahan si Maxrill. Kung ayos lang sa iyo, Wilma, ikaw na lang ang maghatid ng hapunan niya."
Sandali siyang tumitig sa 'kin. "O, sige, ako na ang bahala."
Tiningnan ko ang adobo na niluto ko. Marami nga iyon para sa isang tao, baka nasa lima pa ang makakain niyon. Binawasan ko ang inihanda ko para kay Maxwell at sinabing ibigay na lang kay Maxrill.
Ibinalot ko ang lahat saka inilagay sa basket. Inayos ko ang aking sarili saka ako muling nagtungo sa ospital. Sinubukan kong tawagan si Maxwell pero hindi niya sinasagot ang tawag. Kaya naman dumeretso ako sa opisina niya at hinanap siya doon. Pero wala akong naabutan doon.
Sinubukan kong tawagan si Maxwell pero hindi siya sumasagot. Kaya naman nagdesisyon akong dumeretso sa cafeteria, puno ng pag-asang naroon siya.
Hindi nga ako nagkamali dahil 'ayun siya kasama ang iba pang mga doktor. Nagtatawanan ang lahat maliban sa kanila ni Keziah na noon ay mukhang abalang nag-uusap. Gusto kong sitahin si Keziah nang masulyapan ko ang kamay niyang naroon sa hita ni Maxwell. Gusto ko ring pagsabihan si Maxwell dahil hinahayaan niya itong gawin ang gano'n. Marami ang nakakakita, ano na lang ang iisipin ng iba? Kaya hindi na talaga kataka-taka na marami ang nag-aakalang may relasyon sila.
"Maxwell," pagtawag ko.
"'Uy, kumander!" muling bati sa 'kin ng residenteng doktor. Matapos no'n ay isa-isa akong binata ng mga naroon, maliban kina Maxwell at Keziah.
"Hi, doc," ngiti ko saka muling bumaling kay Maxwell. "Dinalhan kita ng dinner."
Walang nagbago sa malamig na itsura ni Maxwell. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang nakakalokong ngisi at iling ni Keziah.
Umalulong ang nakakalokong panunukso ng mga kasamahan ni Maxwell. "Ang tagal ko nang single, pero ngayong ko lang hiniling na magkaroon ng girlfriend," malungkot kunyaring anang isa.
"I think you're the sweetest girlfriend, Yaz,"sinsero sinabi iyon ng isa pa.
"Gusto ko na rin yata ng nurse," anang pinakabata sa mga residente. "Sayang, naunahan ako ni Doc Maxwell."
"Shut up," ani Maxwell saka tumingin sa 'kin.
"Nag-dinner ka na?" tanong ko matapos masulyapan ang gamit na plate sa harap niya.
Tumango siya. "Yeah."
Bigla akong napahiya, sa gilid ng isip ko, hiniling kong sana ay hindi mapansin ng ibang doktor na ginagawa ko ito para suyuin si Maxwell. Ayaw kong mahulaan nilang may hindi kami napagkasunduan.
Inilapag ko ang basket sa mahabang table at inilabas ang fruits. "Nagdala si Wilma ng fruits kaya...dinalhan kita. Mag-desserts ka na lang," ngiti ko.
Natigilan ako nang makitang nakatitig lang siya sa 'kin. Gano'n na lang katindi ang pagpipigil kong maging emosyonal. Wala namang nangyayari pero pakiramdam ko ay napapahiya ako nang todo sa harap ng mga kasamahan niya.
Napahugot ako ng hininga nang makitang kunin ni Keziah ang container at buksan iyon. "Which one do you want?" tanong nito. "Ah, may kiwi. I'm sure ito ang uunahin mo." Dumampot si Keziah ng fork. Tumuhog siya ng kiwi at inialok iyon kay Maxwell.
Napatitig ako kay Keziah, hindi ko naitago ang masamang tingin. Pero bago pa iyon makita ng iba ay nagbaba na ako ng tingin. Ibinalik ko sa basket ang ilan pang containers.
"Aalis na 'ko," pakiramdam ko ay nabasag ang boses ko. Hindi ko na nagawang tingnan si Maxwell. Basta na lang din ako tumango sa mga kasamahan niya bago ko sila tuluyang tinalikuran.
Gustuhin ko mang takbuhin ang paglabas sa cafeteria ay aagaw lang ako ng atensyon. Kaya naman pnagpakayuko-yuko na lang ako nang magsimulang tumulo ang mga luha ko. Tuloy ay hindi ko napansin ang nasa harapan. Nalaman ko na lang may kasalubong ako nang mabundol na ako sa dibdib nito.
Hinuli niyon ang pulsuhan ko habang nagpupunas ako ng luha. "Yaz," tinig iyon ni Maxrill, hindi ko inaasahan. Kahit hindi ako mag-angat ng tingin ay alam kong siya iyon.
Binawi ko ang kamay ko saka umasta na napuwing lang. "Maxrill," iyon na siguro ang pinakapekeng ngiti ko.
Nakita ko nang magbago ang reaksyon sa kaniyang mukha. Mula sa gulat ay tila nahabag sa 'kin bigla. Saka niya sinulyapan ang gawi ng kapatid at bumuntong-hininga.
"Need a breather?" malungkot na aniya.
Nagmatigas ako at umiling. "I'm okay."
"You're not."
"I'm okay," pinunasan ko ang mga luha ko at itinago ang mukha sa buhok. "Uuwi na 'ko."
"Ihahatid na kita," bulong pa rin niya.
"I'm okay, Maxrill. Please stop it."
"Stop what?"
"Stop chasing me," tiningala ko siya upang tingnan sa mga mata. "Just stop," lumuluhang pakiusap ko. "You don't deserve this."
Tumitig siya sa 'kin. "Isang beses na lang, Yaz...hayaan mo 'kong maghabaol sa 'yo,"emosyonal niyang tugon. "Huling beses na lang."Lumunok siya at bumaba ang tingin sa mga labi ko. "Pagkatapos no'n..." mapait siyang ngumiti. "Kahit gusto pang humabol ng mga paa ko, pipigilan ko,"emosyonal, mahina niyang bulong. "Kahit gusto pang maghabol ng puso ko, hihinto ako."
"Maxrill..."
"Isang beses na lang, Yaz." Nagbaba siya ng tingin.
Damn it!
Hindi ko alam kung bakit kailangang mangyari ng mga ito. Isa lang ang nasisiguro ko, pare-pareho kaming nasasaktan at pare-pareho naming pinipili iyong pagdaanan.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top