CHAPTER 27


AUTHOR'S NOTE:

ANG UPDATE KO AY KUNG KELAN KO GUSTO, HINDI KUNG KELAN MO GUSTO. Nood ka muna ng vlogs ko while waiting. Kasi ang sabi-sabi ay kina-crush back 'yong mga nanonood no'n. d--,bv


CHAPTER 27

"MAXWELL..." DAHIL sa halo-halong emosyon ay 'yon lang ang nasambit ko matapos niya ako yayaing magpakasal.

Nakatingin kami ni Maxwell sa isa't isa at wala nang paglagyan ang saya ko, mabasa lamang ang sinseridad sa mga mata niya. Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya. Parati na lang ay sinosorpresa niya ako. Iyong ang parating nagsasabi sa 'kin na paulit-ulit kong gagawin ang mga ginawa ko sa nakaraan, kung siya ang kahahantungan.

"In a dining area, Maxwell, really?" 'ayun na naman ang naaasar na tinig ni Maxpein, binabasag ang sandali namin ni Maxwell.

"Ha-ha-ha-ha-ha!" nangibabaw ang mahaba at putol-putol na tawa ni Mokz.

Napanood ko nang marahang pumikit si Maxwell, kasabay no'n ay paghugot niya ng hininga. Marahan niyang pinakawalan ang buntong-hininga saka tiim-bagang na nilingon ang kapatid.

Na noon naman ay hindi talaga matanggap na sa ganoong lugar sinabi ni Maxwell ang ganoong pahayag. Kunot na kunot ang noo ni Maxpein, magkakrus ang kaniyang mga braso at nakasalampak ang pagkakaupo sa silya. Maangas talaga.

"Tinanong lang kung anong gustong kainin, nagyaya ng kasal ang king ina," pabulong na dagdag ni Maxpein.

Pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Maxwell. "What's wrong with you, Pein?"

Umangat ang kilay ni Maxpein. "Sa akin, really?" Saka niya inilapit ang mukha sa amin. "Baka sa 'yo? Are you seriously proposing here, right now?"

"I'll propose wherever I want, okay?"

"I'm sure, you will!" naaasar na ani Maxpein. "Bathroom, dining area, I bet balcony's next, huh?"

"Tsh," ngumisi si Maxwell. "Trust me, buong mundo sasagot ng oo kapag nag-propose ako sa girlfriend ko." Sinulyapan niya 'ko.

Mas maangas ang ngisi ni Maxpein. "Paoohin mo muna ang girlfriend mo, bago ang buong mundo, virgin!"

"Ya!" nagtaas na ng boses si Maxwell.

"Enough." Tumikhim si Tito More. "Nasa harap tayo ng pagkain."

Awtomatikong sumuko ang magkapatid. "Sorry," sabay rin nilang sabi.

Nilingon ni Tito More ang panganay. "Please don't get me wrong, maji...but are you serious?"

Muling bumuntong-hininga si Maxwell, napapahiya na talaga. "I am not proposing, dad," mariing aniya. "But I want her to marry me."

Ang cute ni Maxwell, hindi niya magawang salubungin ang tingin ninoman. Nakasimangot siya at kunot na kunot ang noo habang nakatungo.

"Maxwell," bumuntong-hininga si Tito More. "Son, it's just...the same." Nasapo ni tito ang noo, na para bang siya ang napapahiya para sa anak.

Maging sina Tita Maze at Mokz ay idinaan na lang sa buntong-hininga ang sitwasyon. Na para bang hindi sila makapaniwalang sa talino ng kanilang panganay ay wala itong kaalam-alam pagdating sa pakikipagrelasyon.

Hindi nakaligtas sa paningin at pandinig namin ang hindi napigilang pagtawa ni Maxpein, kahit anong pilit niyang itago 'yon. Naaasar at natatawa siya kay Maxwell, sigurado 'yon. Nakakatawa rin ang dahilang kinakikitaan niya ng kahihiyan ang pagpapahayag ng kapatid sa mga ganoong lugar. Naisip kong hangad niyang bigyan din ito ng en grande na proposal gaya ng ginawa nito sa kanila ni Deib Lohr.

Kaya ganoon na lang katindi ang pagpipigil kong mahawa sa tawa niya dahil sa takot kong magalit na talaga si Maxwell. Napapahiya siya sa harap ng pareho naming mga magulang.

"Asking and wanting a girl to marry you is also proposing, son," walang kasinlalim ang pagbuntong-hininga ni Tito More. Nag-iwas na lang ako ng tingin upang hindi talaga matawa.

"He kept on insisting that he is notproposing, dad. Let us believe the maji,"humagalpak ng tawa si Maxpein matapos sabihin 'yon. Sa isang matalim na tingin ni Maxwell ay nahinto siya.

"Pinagpaplanuhan nang mabuti ang bagay na iyon, Maxwell Laurent," mayamaya ay sabi naman ni Tita Maze. "Hindi mo pwedeng hilingin sa isang babae na pakasalan ka dahil lamang nagselos ka."

Lalong humagalpak ng tawa si Maxpein. Ngunit awtomatiko siyang nahinto nang samaan siya ng tingin nina Mokz at Maxwell. Kunot-noo niyang binalingan ng tingin ang asawa saka sila nagkaisa sa palihim na tawa.

"I know," kunot-noo, seryoso nang ani Maxwell. Mukhang naaasar na siya talaga.

"Pero, aminin mo..." Bigla ay nagsalita si daddy, ang paningin ay naroon kay Tito More. "Alam ng isang lalaki kung kailan niya gustong pakasalan ang isang babae. May tiwala ako sa anak mo."

Tatawa-tawang tumango si Tito More. "Ang totoo, nagulat kami nang sabihin ni Maxwell Laurent na magpapahinga siya sa trabaho, isa iyong milagro. Hindi nagpapahinga ang panganay ko."

Namula ako nang sulyapan ako ni Mokz. Naitikom ko ang bibig ko. "Bukod sa kaniyang mga kapatid, ikaw lamang ang humati sa atensyon at oras ng aking panganay na apo, Zaimin Yaz."

"Maipagmamalaki ko na ang kinabukasan ng anak ko at ng kaniyang mapapang-asawa ay bunga ng sariling pagsisikap niya," sabi naman ni Tita Maze. "Wala siyang kinuha mula sa amin."

Nakakataba ng puso na marinig iyon mula sa kanila. Totoo ang sinabi nila. Walang ibang pinagtutuunan ng atensyon si Maxwell maliban sa trabaho at pamilya. Kung magkaroon man siya ng pahinga ay sa limitadong oras lang. Hindi ko malilimutang sa t'wing pupunta sila sa kanilang bansa, isa ito sa unang bumabalik sa Pilipinas para sa trabaho.

Ito talaga ang unang pagkakataon na tumagal siyang hindi bumabalik sa trabaho. At nakakataba ng puso na ako ang dahilan niyon. Masarap sa pakiramdam na ginawa niya ito para lang ipaalam sa mga magulang ko na kami na.

May iba pa bang salita bukod sa swerte? Siguro pangalan ko na ang maaaring ihalintulad sa salitang iyon. Dahil wala na akong ibang salitang magagamit para mapangalanan ang pagmamahal sa 'kin ng panganay ng pamilyang Moon.

"Bakit namumula ang kamay mo?" hindi inaasahan ng lahat ang tanong ni Maze. "What happened?"

Awtomatikong sinulyapan ni Maxpein ang parehong kamay ni Maxwell, inaalam kung alin sa mga iyon ang namumula. Nawalang bigla ang nakakalokong tawa sa mukha niya nang makitang namumula nga iyong kanan.

Agad ibinaba ni Maxwell ang kamay sa ilalim ng mesa. "Nothing."

"Tell us what happened," utos ni Mokz.

"Ano kasi..." Ako ang nagsalita, kabado. "Nagkasagutan sila ni Rembrandt at..." Lahat sila ay tumingin sa 'kin, naghihintay ng kasunod kong sasabihin. Napalunok ako nang magtama ang paningin namin ni Maxpein.

"Sinapak ko siya," si Maxwell ang nagtuloy niyon para sa 'kin. "Bukod do'n ay wala nang nangyari."

Sandaling katahimikan ang nangibabaw. Ang lahat ng myembro ng pamilyang Moon na naroon ay nakatingin kay Maxwell. Kinakabahan ako, nag-aalala na baka pareho kaming mapagalitan dahil sa nangyari.

Nabasag lang iyon nang sa wakas ay bumuntong-hininga si Tito More. "Nag-away ba kayo ni Rembrandt?"

"No," iling ni Maxwell. "I did that because he's forcing Yaz to stay."

"Maybe because they need to talk,"sinulyapan ako ni Mokz.

"He can talk to her without force."

Bumuntong-hininga ang mga matatanda at ilang saglit na nagkasulyapan. Wala ni isa sa kanila ang tumingin sa kanila.

"Just don't do something that'll hurt you, maji," ani Tita Maze.

"Of course," paniniguro ni Maxwell.

Pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko nang sandaling iyon. Hindi naman ako sinisisi ng mga ito pero ganoon ang nararamdaman ko. Aaminin kong hindi ko lubusang naiintindihan nang sabihin nilang mahalaga sa kanila ang kamay ni Maxwell. Kahit kanino, importante ang sariling kamay, importante ang bawat parte ng katawan. Pero sadyang iba parati sa pamilyang ito. Ang tanging intindi ko roon ay nais ng mga ito na huwag maapektuhan ang pagiging doktor ni Maxwell. Na ayaw ng mga itong magkaroon ito ng dahilan para maapektuhan ang pagtatrabaho.

Pero sa nakikita ko ngayon ay mukhang may mas malalim pang dahilan iyon. Marahil ay may kinalaman sa mga batas na sinusunod nila na hindi ko yata kailanman maiintindihan nang lubusan. Sapagkat hindi naman nila ipinaliliwanag kaninoman ang tunay na pagkakaintindi ng kanilang batas.

Iniba ni Mokz ang usapin dahil bakas na talaga ang napuputol nang pisi ng pasensya ni Maxwell. Bukod sa tila hindi nila nagustuhang may namagitang tensyon kina Maxwell at Rembrandt. Lahat ng napag-usapan ay may kinalaman sa negosyo. Nais ng pamilyang Moon na magkaroon ng sariling negosyo sa Cebu. Ngunit dahil wala roon si Maxrill para sa opinyon nito ay hindi iyon lubusang napagdesisyunan.

"Yaz, hija..."

Nilapitan ako ni mommy habang tinatapos namin ang paglilinis sa kitchen at dining area matapos kumain. Umakyat na ang lahat at kami na lang ang naiwan.

"Yes, mommy?" nakangiti ko siyang nilingon saka ako humugot ng tissue paper upang ipunas sa kamay ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?" nakangiti pa ring tanong niya.

Sandali akong natigilan saka ngumiti. "Of course, mom."

Hinawakan niya ako sa braso papalabas sa likurang pinto na naroon sa kitchen. Gaya sa mansyon ng mga Moon ay may makipot kaming patio roon. Naroon din sa bahaging iyon ang malawak na pond na natatanaw mula sa aking kwarto.

"Maupo ka," ani mommy na itinuro ang may kababaang sofa na kasya ang dalawang tao ngunit idinesenyo para upuan ng isa.

Natatandaan ko na ako ang nagdisenyo ng patio. Bakante lamang iyon noon. Tanging pabilog na mesa at mga silya na gawa sa bakal ang naroon. Ang sofa at maliliit na estante ay ipinatatapon na ni mommy nang maisip kong idisenyo na lamang iyon sa patio. Maging iyong mga cover niyon ay tinahi ko gamit ang natambak na mga tela. Nilagyan ko na lang ng mga lumang libro at magazines para lalong umangat ang designs.

Nang mag-break kami ni Rembrandt, may ilang taon na ang nakaraan, para akong mababaliw sa bahay. Nawalan ako ng gana sa lahat. Huminto ako sa trabaho at ni hindi ko ginustong lumabas. Nanatili ako sa bahay at binuro ang sarili ko sa pagkabagot. Isa ang patio sa mga napaglaanan ko ng oras no'n.

"Masaya ako para sa inyo ni Maxwell," ani mommy. Nakikita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Ramdam ko maging ang saya na sinasabi niya. "Higit akong masaya para sa iyo. Mahal na mahal ka ng iyong nobyo."

Madamdamin akong napangiti. "Thank you, mommy." Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya. "Sorry, kung hindi na ako nakakapagkwento nang madalas unlike noon. 'Wag mo isiping nagsawa ako, mommy. Naging busy lang talaga ako sa trabaho."

"Naiintindihan kita, anak. Masaya ako na nalilibang ka sa trabaho bilang nurse."

Aaminin kong nabigla ako noong maging nurse ako. Hindi iyon katulad noong nauna kong trabaho. Marahil ay nakadagdag iyong mga taon na huminto ako sa pagtatrabaho.

Iba ang responsibilidad sa ospital. Para bang ako mismo ang may hawak sa buhay ng mga pasyente ko. Hindi ko maaaring ipagpamamaya ang maraming bagay. Sapagkat ang hindi ko gagawin ngayon ay makakaapekto sa kalagayan ng kahit na sinong pasyente. Ang bawat minuto ng aking pagtatrabaho ay katumbas ng idadagdag o maibabawas sa buhay ng mga pasyente. Sa ospital ko lang napagtanto kung gaano katindi ang magiging epekto sa kalusugan at buhay ng iba ang simpleng paghuhugas ng kamay.

"Nakikita at nararamdaman namin ng daddy mong mahal na mahal ka ni Maxwell,"emosyonal niyang sinabi. "Pero higit akong masaya sapagkat hindi kita nakitang ganito kasaya noon, maniwala ka sa 'kin."

"He's different, mom," hindi ko namalayan ang sarili kong napapangiti sa kawalan habang sinasabi 'yon.

"I'm happy for you," niyakap niya ako nang mahigpit. "You deserve each other."

"Mommy naman..." emosyonal akong lumapit at muling yumakap sa kaniya. "We're not yet getting married, ano ba," natawa ako.

"I know. It's just that...I'm really happy for you. I've never seen you this happy, anak."

Napangiti ako at naalala lahat ng lungkot na naramdaman ko kay Maxwell sa nakaraan. Naalala ko maging ang mga sandaling iniyakan ko ang maliliit na bagay na hindi niya magawa sa 'kin. Lahat nang 'yon ay nabura ng mga masasaya naming sandali.

"But I need you to do me a little favor,"mayamaya ay ani mommy.

Kumalas ako sa pagkakayakap. "Sure, mommy, what is it?"

"Kasal muna, bago ang baby, ha?"

Natigilan ako. "Of course, mom," pakiramdam ko ay namutla ako. "Of course," nagbaba ako ng tingin.

"Kinausap ako ng parents ni Maxwell. Nabanggit nila sa akin ang kanilang mga batas sa North Korea."

"Yes, mom. Aware din po ako sa ilan sa mga batas nila."

"Kailangang maikasal kayo roon at nasa sa inyo na raw kung magpapakasal pa kayo ulit dito."

"Mom, hindi pa nga namin napag-uusapan ni Maxwell ang tungkol diyan."

"Naroon na ako, anak pero...nasa iisang kwarto kayo at..." tumitig siya sa 'kin nang may pang-unawa. "Hindi maiiwasan ang mga bagay-bagay..."

"I know what you're saying, mom," nagbaba ulit ako ng tingin. Ganoon ang sinabi ko ngunit hindi ko masabing wala kaming ginagawa sapagkat alam kong meron.

"Be responsible, hija. Ayaw nating ikapahamak ninoman ang mga actions na pwede naman nating bigyan ng disiplina, anak. I know you know what I mean."

Napalunok ako upang hindi mautal. "Yes, mom."

Ramdam ko ang awkwardness sa pagitan namin ni mommy. Sa kabila ng closeness namin ay mahirap pa rin pala kapag ganito na ang topic. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil sa guilt.

Napapapikit akong naglakad papunta sa kwarto. Kung bakit naman kasi ang hirap pigilan?Nanlumo ako. May kung anong takot na dulot sa 'kin ang isiping baka mabuntis ako bagaman alam kong pareho kaming nag-iingat ni Maxwell. Gamit namin ang lahat ng proteksyon bukod sa pareho kaming maalam sa pag-iingat. Natatakot akong maipahamak ko siya. Natatakot akong ma-disappoint sa 'kin ang kaniyang pamilya.

Naliligo si Maxwell nang pumasok ako sa kwarto. Binuksan ko ang TV at naghanap ng mapapanood sa cable channels.

Paano ko kaya sasabihin sa kaniya 'yon?

Aaminin kong ako madalas ang hindi makapagpigil. Pero dahil bago lahat kay Maxwell ang pakiramdam niyon, marupok siya at sabik na sabik.

Nang magbiro si Maxpein kanina at tawaging virgin si Maxwell ay parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko magawang makitawa dahil alam kong makikita lang sa mukha kong peke 'yon.

Ganoon kalaki ang tiwala nila kay Maxwell pero paulit-ulit naming palihim na binabali 'yon sa pareho naming kagustuhan at kapusukan.

"Gagamutin ko 'yong kamot mo," sabi ko nang matapos si Maxwell maligo.

Hindi siya kumibo. Mabilis siyang nagbihis at naroon lang sa salamin ang paningin habang tinutuyo ang buhok.

"Masakit ba?" tanong ko habang dinadampian ng towel ang kamay niya. Umiling lang siya. "Sorry talaga, hindi ko alam na darating si Rembrandt kanina."

Pero hindi siya sumagot bukod sa malalim na buntong-hininga. Hindi ko na sinubukang buksan pa muli ang usapin, baka mapikon siya at kung ano ang isipin.

Sanay na ako sa ganitong mood ni Maxwell. Saulo ko na nga yata ang lahat sa kaniya. Ako lang itong maarte at masyadong demanding na kahit alam kong busy siya, ipinipilit ko pa rin ang gusto ko.

Naligo ako matapos siyang asikasuhin. Panay ang sulyap ko kay Maxwell habang nagbibihis pero tutok lang sa telebisyon ang kaniyang paningin. Nakanguso akong nagpahid ng lotion pero ni hindi man lang siya tumitingin sa 'kin.

Ano naman kaya ang iniisip niya?

"Bakit tahimik ka?" tanong ko nang matapos ay tumabi ako sa kaniya sa paghiga.

"Wala."

"Mm," nakanguso akong naglambing. "Galit ka ba sa 'kin?"

"No, of course not. My silence does not mean I'm mad or angry at you."

"Hindi ako sanay ng tahimik ka."

"Really?" ngumisi siya. "Why, am I madaldal?"

Natawa ako. "Hindi rin. It's just that...you're extra tahimik tonight," ginaya ko ang pagiging maarte niya, nang-aasar.

Ngumiwi siya. "Napipikon lang ako sa pang-aasar nila sa 'kin."

Pinigilan ko na namang matawa ngunit hindi ako nagtagumpay. Tuloy ay pabuntong-hininga niya akong sinamaan ng tingin saka nag-iwas.

"I'm sorry," agad kong inagaw ang braso niya at yumakap doon. "Natatawa lang ako kasi ang cute mo mainis. Ang sungit mo tapos..."Natawa na naman ako kaya hindi na nasundan ang sasabihin.

"Tsh."

Nakangiti ko siyang tinitigan. "But honestly, I still can't believe it."

"What?"

"That you want me to be your wife. Ang sarap sa pakiramdam na marinig 'yon mula sa 'yo, Maxwell." Hindi ko na naman napigilang alalahanin ang nakaraan. "Naaalala ko, sobrang sungit mo sa 'kin noon. Feeling ko ayaw mo akong nakikita, naaasar at galit ka parati sa 'kin. Saka parang kailan lang ay kinukwestyon mo kung totoo ba ang nararamdaman ko sa 'yo."

"Because you're always making me feel like I'm just for fun."

"I did?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Inis siyang tumingin sa 'kin. "You're always calling me baby, pero iba ang bine-baby mo."

Pinandilatan ko siya, halos mapabangon ako sa ibinintang niya. "Excuse me, doctor but I can't accept that! Sino naman ang bine-baby ko?"

"Tsh, sino nga ba?" ngiwi niya. Pinagkunutan ko siya. "Seriously?"

"Tell me, sino?" mataray na talagang sabi ko. Pero sa halip na sumagot ay inis siyang nag-iwas ng tingin. "Si Maxrill ba ang tinutukoy mo?"

"Bakit, hindi ba?" masungit na tanong niya.

"Hindi, ah!"

"Really?" sarkastiko niyang tugon. "Nasobrahan ka sa alaga, na-in love tuloy sa'yo."

"Hindi, ah."

"Hindi?" Nilingon niya ako at tinitigan. "You think he's not in love with you? Can't you see it?"

"Because it's supposed to be felt."

"Really?" sarkastikong aniya. "You want to feel it, then?"

"Of course not, I'm just saying that it should be felt."

"Only if you have feelings for that person,"masungit na naman aniya.

Naitikom ko ang bibig ko, may point siya at noon ko lang na-realize 'yon. Bigla ay nawala ang pagtataray ko. Hindi niya inalis ang tingin sa 'kin. Sa halip ay tumalim nang tumalim 'yon, inuusig ako.

"What?" tanong niya nang hindi ako makasagot.

"What?" pagbabalik ko ng tanong.

"You didn't answer me."

"Kasi..." magdadahilan sana ako pero hindi sapat ang lakas ng loob ko para itangging alam ko ang tungkol sa nararamdaman ni Maxrill. "Let's not talk about him."

"Tsh." Bumuntong-hininga siya. "Let's talk about your other guy, then."

"Other guy?!" asik ko. Batid kong si Rembrandt naman ang tinutukoy niya. "Ayoko!"

"Why?"

"Because he's just a waste of time."

"Okay," nagbaba siya ng tingin at hindi na kumibo.

Sandali kaming natahimik. Batid kong wala na siyang planong magsalita kaya nag-isip ako ng pwedeng sabihin. Pero kinakabahan ako. Baka kung ano-ano na ang iniisip niya tungkol sa pag-iwas ko na mapag-usapan, sino man sa dalawa.

"Hindi ka magagalit kahit...hindi natin pag-usapan ang nakaraan namin?" sa isip ko ay alam kong nakuha niya nang si Rembrandt ang tinutukoy ko.

Ngumiwi siya. "I respect you, Yaz and I don't wanna lose you in a simple argument. I understand." Lumapit siya at hinagkan ako sa noo.

"Pero nagseselos ka?" malungkot kong tanong.

Natawa siya. "Natural."

Ngumuso ako ngunit sa huli ay natawa rin. "'Wag kang magselos dahil nakaraan na 'yon at hindi ko na babalikan pa." Ipinatong niya ang siko sa unan at nakapangalumbabang tumitig sa 'kin. "Kaya nga ako pumunta sa Laguna ay para malimutan siya." Pinakinggan niya ako sa ganoong itsura, nang-aasar.

"Stop thinking about your ex, damn it. Kay Maxrill ako nagseselos," seryoso niyang sinabi, ganoon pa rin ang itsura.

"Aw..."

"Aw?" kunot-noo, masungit niyang tugon.

Nameke ako ng ngiti sa pagkapahiya. "I don't care about your ex."

"Sabi mo ay nagseselos ka."

"Yeah, pero hindi ko sinabing sa ex mo."

"Hehe," napapahiyang tawa ko.

"Obviously, he's a no match to my brother. Maxrill is way cooler than that...thing."

Natawa ako. "Lalo na sa 'yo," nakangising sabi ko.

Nang hindi siya sumagot ay sabay naming itinuon sa telebisyon ang tingin. Agad kong nakagat ang labi ko nang makita ang intimate scene na eksena sa palabas. Mabuti na lang at nakatalikod ako kay Maxwell habang nakahiga sa dibdib niya. Hindi niya makikita ang reaksyon sa aking mukha.

Iyon nga lang, mukhang naramdaman niya ang reaksyon ng katawan ko. Kumilos ang kamay at braso niyang nakayakap sa 'kin at humagod nang paulit-ulit sa tiyan at baywang ko.

Mas tumindi ang eksena sa telebisyon at mas dumiriin ang pagkakakagat ko sa labi ko. Nararamdaman ko na rin ang pagkilos ng mukha niya na tila inaabot ang pisngi ko.

"Baby..." bulong niya nang hindi ako kumilos o kumibo.

Naitikom ko ang bibig ko at napapikit. Hindi ako sumagot. Ngunit 'ayun na ang kamay niya na humahanap ng tyempo papasok sa kumot na nakatabing sa amin.

Napaangat ako nang bahagya nang makapasok sa satin top ko ang kamay niya at agad hinuli ang pinakanakakakiliting parte sa dibdib ko. Lalo ko pang nakagat ang labi ko nang mag-iba ang dating ng paghinga niya.

"Maxwell..." sambit ko nang unti-unting uminit ang pakiramdam ko. Iyon pa lang ang ginagawa niya ay iba na ang epekto.

Sa halip na sagutin ay ginamit niya ang parehong kamay para lalo akong maliyo. Napaangat pa ako, tinutulungan siyang mas maabot ang mga iyon.

"My...mom...talked...to me," hirap na hirap na agad akong magsalita. You're...dead, Yaz...

"Mm, tell me," namamaos na bulong niya.

Mas nanghina ako nang dumausdos papunta sa puson ko ang isang kamay niya. Padulas iyong pumasok sa satin shorts ko at wala akong suot maliban sa dadalawang pirasong damit na iyon!

"Surprising," aniya nang matantong iyon nga lang ang suot ko, lalo kong nakagat ang labi ko.

Panay na ang pag-angat ng katawan ko, naabot niya na ang leeg ko at pinaulanan ako ng mas nakaliliyong halik doon.

Hindi ko na alam saan patungo ang katawan ko. Pilit kong isinasara ang mga hita ko, iniipit siya upang huwag magtagumpay. Pero sa isang daplis ay nakikita ako at kusang bumibigay. May kung ano sa akin na gusto agad maramdaman siya. Napalitan na ang eksena sa palabas ngunit mas mapusok na kaming dalawa.

Napaungol ako nang maramdaman ang kamay niya. "Our...parents talked..." minadali kong sabihin 'yon, pinipigilang dumaing.

Pero lalo akong nahirapang magsalita, lalo akong nawala sa konsentrasyon nang gumawa ng ritmo ang kamay niya, mas pinag-iinit ako.

"Maxwell..." muling daing ko, ungol lang ang isinagot niya. "'Yong...kamay mo."

"Nasa 'yo," namamaos pa rin niyang bulong.

Hindi ko malaman ang isasagot, masyado akong lunod na lunod sa ginagawa niya. Wala sa sarili kong naihawak ang kamay ko sa batok niya at sa ganoong posisyon nimanam ang ginagawa niya.

Napaangat ako nang ipasok niya ang isa sa mga alagad ng trono. Sa isip ay panay na naman ang pagsigaw ko, hindi lang ng pangalan niya kundi marami pang mga salita. Dahil hindi lang ang trono ang mahaba, maging ang mga alagad nito.

"Baka masaktan ang kamay mo..."kakatwang nakikiusap ang tinig ko ngunit ang itsura ko ay hindi na maipaliwanag. 'Ayun na naman 'yong pakiramdam na tila humihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan.

"May masakit ba sa ginagawa ko?" bulong niya, sa tinig niya ay para bang lalo niya akong tinutukso. At ganoon nga ang epekto no'n sa katawan ko.

"Wala..." hindi ko na maitikom pabalik ang bibig ko nang unti-unti ay bumilis ang mga alagad. Umarko ang katawan ko at napaliyad papalapit sa kaniya.

Halos maidagan ko sa kaniya ang aking sarili habang siya ay prenteng-prente sa pagkakahiga at komportable sa ginagawa. Nang sandaling iyon ay hindi ko ipagpapalit sa kahit saan ang kapusukan ng aking katawan.

"Ano lang?" nanunukso muling tanong niya. "Tell me..."

"It feels so good..." pabulong, nakapikit kong tugon.

Naramdaman niya ako nang sabayan ko ang mga alagad niyang kumilos. Sinabayan din ako niyon nang sinabayan hanggang sa makagat ko ang labi niya matapos hulihin 'yon. Kung hindi ay baka naisigaw ko na ang nararamdaman ko.

"I wanna taste you," bulong niya nang pakawalan ang labi ko.

I want that, too... Napapikit ako sa sariling naisip. Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Habang naroon pa ang pagkakataon, kailangan kong pigilan ang sarili ko.

Nanghihina kong sinalubong ang tingin niyang tila naliliyo. "Kinausap ako ni mommy. Maxwell...baka mabuntis ako."

Sandali siyang napapikit saka bumuntong-hininga. "I'd be the happiest man in the world if that happens, baby," hinalikan niya ang noo ko.

Bumaba ang halik niya at bago pa 'yon umabot sa labi ko ay inunahan ko na siya. "I love you,"nasabi ko.

"I love you," aniya saka ipinagpatuloy ang kaniyang halik.

Napangiti ako sa paraan ng paghalik ni Maxwell nang sandaling iyon. Para bang ipinararamdaman niya sa 'kin ang lambot ng kaniyang labi. Masyadong marahan at nakakadala.

"Matulog na tayo," aniya na pinutol iyon kung kailan lumalalim na.

Napapalunok ko siyang tinitigan, inaalam kung seryoso ba siya roon. Ang nakakalokong ngisi sa kaniyang labi ang nagsasabing hindi. Ngunit wala na akong nagawa nang talikuran niya ako at umasta siyang matutulog.

"Hindi mo 'ko yayakapin?" nakangusong tanong ko, payakap kong tinunghayan ang mukha niya.

"I can't," natatawang aniya.

"Anong you can't?" nakasimangot kong sabi.

"Please, don't make this hard for me."

Noon ko lang nakuha ang ibig niyang sabihin, kailangan niyang magpigil. "Pero ayaw kong matulog nang hindi ka nakayakap sa 'kin,"pagmamatigas ko.

Nilingon niya ako saka siya bumuntong-hininga. "Okay, come here."

Nakangiti kong sinalubong ang yakap niya. Ikinulong niya ako sa pareho niyang braso. Sinasadya kong idikit ang katawan ko ngunit paunti-unti siyang umiiwas. Hindi na ako sumubok ulit nang bahagya kong maramdaman ang trono, nadama ko ang matikas na tayo at tindig niyon.

Tanghali na kaming nagising kinabukasan. Kung hindi ko pa gisingin si Maxwell ay mukhang may itatagal pa ang pagkakahimbing niya. Ayaw ko sana siyang gisingin, alam kong dito lang siya nakakatulog nang maayos at mahaba. Pero ayaw ko naman siyang malipasan ng gutom. Kung hihilingin niyang matulog maghapon ay pagbibigyan ko siya.

Dali-dali kaming naligo at nagbihis, eksaktong tanghalian na nang makababa kami. Iba't ibang putahe na naman ang ipinahanda ni mommy kaya tuwang-tuwa ang pamilyang Moon. Ganoon talaga ka-generous ang mommy ko, lalo na kapag close sa aming magkapatid ang mga bisita.

Gusto ko ring matuwa dahil nakabukas ang parehong sliding door sa gawing iyon ng dining area. Bukod tuloy sa mga halaman at maliit na fish pond ni daddy ay nararamdaman namin ang preskong samyo ng hangin nang magsimula kaming kumain.

"Mananaba ako rito," umiiling na sabi ni Maxwell nang makita ang amount ng food na inilagay ko sa plate niya.

"We can work out together if you want,"anyaya ko.

Ngumiwi siya. "Ayaw kong pumayat ka."

"Hindi naman ako magpapapayat, I just want to be healthy."

"You are healthy," nakangising sagot niya, hindi na ako tumugon dahil alam kong iba ang naglalaro sa isip niya. Gusto ko pa naman sana siyang asarin sa abs niyang kinulang ng dalawa.

"Ma'am, may bisita po," mayamaya ay anang helper.

Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya, doon siya nagmula sa nakabukas na sliding door na naroon sa dining area.

Pare-pareho rin kaming nagulat nang bumungad si Rembrandt na may bitbit na isang bungkos ng rosas na may iba't ibang kulay.

Napatayo ako at wala pa man ay naiinis siyang pinukol ng tingin. "What are you doing here?"hindi ko napigilang itanong 'yon.

"Yaz..." nagpapaawa niyang sambit. Saka lang siya ngumiti nang makitang tumayo si daddy."Tito, magandang tanghali po."

"Rembrandt," hindi makapaniwalang pagtawag ni daddy.

"Hala," ani Zarnaih. Hindi niya pa nakikita nang personal ang ex-boyfriend ko.

Bukod sa para kaming aso't pusa ng kapatid ko, hindi namin nagagawang magkwentuhan tungkol sa maraming bagay noon. Nito na lamang nangyari iyon, mula ng makilala namin ang pamilyang Moon. Matagal man kaming nagkarelasyon ni Rembrandt, parati na ay wala siyang oras na dumalaw sa bahay. Naging kami nang sa kwento lang siya nakilala ng mga magulang ko. Nang magkaroon naman ng pagkakataon na bumisita sa bahay ay nasa Laguna na si Zarnaih at nag-aaral. Tanging sa kwento lamang ito nakilala ng kapatid ko.

"In all fairness, 'day, murag 'Kano," ani Zarnaih. May lahi ang lola ni Rembrandt kaya mestizo.

"Mukhang mahina ang suntok mo," 'ayun na naman ang nang-aasar na tinig at pagtawa ni Maxpein. "Hindi nadala."

"Ikaw ang sumapak, babe," buyo ni Deib Lohr. "Para hindi na talaga maisip bumalik."

"This is serious, dre," sabi naman ni Lee.

"I'm here for Yaz," pahayag ni Rembrandt. He's really unbelievable. Matapos ang nangyari kina Celeste, ano't may lakas pa ito ng loob na pumarito?

Agad akong lumapit. "What's wrong with you?" wala pa man ay parang kukulo na ang dugo ko. "Ano ba'ng mahirap intindihin sa may boyfriend na ako?"

"Yaz..." nagsusumamo ang tinig niya.

"I'm begging you, please come back to me."

"Rembrandt, may boyfriend na ako, and we're already planning to get married!" hindi ko napigilan ang sarili kong isiwalat ang bagay na wala pa mang pinal na desisyon. "Please stop doing this, please!" nakiusap ako sa tonong magkahalo ang inis at pagmamakaawa.

"Ako dapat ang pakasalan mo!" mariing aniya, bakas ang galit sa tinig. "Dahil minsan mo nang dinala ang anak ko!"

"Rembrandt..." sambit ko sa gulat. Agad na nangilid ang luha sa mga mata ko.

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng napakalamig na tubig. Hindi ko napaghandaan ang sinabi niya.

Lumuluha, marahan kong tinalikuran si Rembrandt upang tanawin si Maxwell. Walang reaksyon ang kaniyang mukha at ang paningin ay tutok lang sa pagkain.

Sa ganoong sitwasyon, bakit tila ba tinapos niyang bigla ang lahat sa amin?

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji