CHAPTER 26


CHAPTER 26

"NICE TO meet you," hindi ko inaasahang gano'n ang isasagot ni Maxwell matapos ang sinabi ni Rembrandt. Nagulat ang lahat, lalo na ako, at napalingon sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang ganoon pa kaganda ang ngiti niya.

Kinabahan ako. Natatakot ako na ganoon lang ang sinabi niya pero matinding galit ang ipakita niya sa akin mamaya.

Matapos magulat ay sarkastikong tumawa at umiling si Rembrandt. "I'm a lawyer," aniya, walang planong magmalaki.

Umangat ang labi ni Maxwell. "I'm her boyfriend."

"No, what do you do?"

Ngumiwi si Maxwell. "Right now, I'm holding her hand," ipinakita niya rito ang magkahawak naming kamay.

Ngumisi si Rembrandt. "Buang," dinig kong aniya.

"Hey," angil ko.

"Tagalog?" ngisi muli ni Rem.

Hindi ko inaasahang bahagyang matatawa si Maxwell. Kunsabagay, idinadaan lang talaga niya sa tawa ang mga taong hindi mahulaan ang pagkatao niya. Hindi lang siya ang gano'n, lahat silang myembro ng pamilyang Moon.

"I'm a physician," kapagkuwa'y aniya.

"Ah, so you're a doctor."

"Well, you can call me doctor, but I'm a physician."

"Whatever," ani Rembrandt.

"You don't know the difference, huh?"kaswal na ani Maxwell pero nakaiinsulto ang dating no'n. "Of course, what you do know is the difference between a lawyer and an attorney-at-law."

Pero hindi na nagsalita si Rembrandt, sa halip ay pinakatitigan niya si Maxwell. Tiningnan niya ang bawat parte at anggulo ng katawan nito na para bang malalaman niya ang tunay nitong pagkatao sa pamamagitan niyon.

Noon naman ay namagitan sina Marideth at Carolina, inaawat si Rembrandt. Narinig ko pa si Marideth na pinagsabihan si Celeste dahil sa inugali nito. Kung hindi ko lang maiiwan si Maxwell ay kanina ko pa sinugod si Celeste para awayin. Sigurado akong sinadya niya ito.

"Kumain na muna tayo," napapahiyang anyaya ni Carolina. "Marami kaming inihanda."

"Maxwell, please, eat," ani Marideth. "Pasensya ka na," mahinang dagdag niya, iyong kaming apat lang nina Carolina ang makaririnig. "I'm really sorry, ako ang nahihiya dahil sa nangyari."

Ngumiti si Maxwell. "I understand."

"Thank you," sabay na sabi nina Marideth at Carolina. "Kain na, Yaz," anyaya nila sa akin. "Kaon na, guys!"

Naghain sila ng iba't ibang seafoods sa harap namin ni Maxwell. Napakaraming handa, hindi na halos magkasya sa mesa. 'Sabagay, hindi na dapat ako magtaka dahil may kaya rin naman ang mga ito. Pero sana ay maubos dahil nakapanghihinayang kung hindi.

Nawalan na ako ng gana. Ramdam na ang tensyon sa gitna ng mesa. Pakiramdam ko ay nasa amin ni Maxwell ang lahat ng paningin, at lahat sila ay pinagtutulungan kami. Siguro ay maliban kina Carolina at Marideth na paulit-ulit kaming inaasikaso gayong bahay ni Celeste iyon.

Matagal nang may gusto si Celeste kay Rembrandt, ilang beses niya na ring sinubukang akitin ito noong nasa college kami. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ko ang pagkadisgusto niya sa akin, hindi ko siya masisisi dahil hindi ko rin naman siya nagustuhan bilang tao kailanman. Kung gusto niya pa rin si Rembrandt, libre niya nang angkinin ito ngayon dahil hindi ako makikipag-agawan.

Tama si Zarnaih, wala talaga akong naging kaibigan maliban kay Katley. Pero ni minsan ay hindi ko iyon pinagsisihan. Hindi ko kinainggitan ang mga popular na barkada noong nag-aaral ako, highschool man o college. Palibhasa'y probinsya, karamihan sa kaeskuwela ko mula elementarya ay nakasama ko hanggang sa kolehiyo. Iyong iba nga ay nakasama ko hanggang sa trabaho. Bukod sa iilan lang naman din ang unibersidad na pinapasukan ng mga nakaaangat sa buhay.

Ang mga kasama ko ngayon ay isa doon sa mga sikat na barkada hanggang sa college. May ilan sa kanila na sumubok na makipagkaibigan sa akin, ilan na nga roon sina Marideth at Carolina. Pero ako na lang ang umiwas sa kanilang lahat. Noon pa man ay hindi ko maramdaman ang sinseridad nila sa pakikipagkaibigan sa akin. Parati na lang, pakiramdam ko, inaalam lang nila ang mga bagay tungkol sa akin para gamitin ang mga 'yon laban sa 'kin o kung hindi naman ay ipagmalaki. They just want to show off to everyone what the knew about me. Para isipin ng tao na ganoon ako kakilala ng mga ito, o kung hindi naman ay para isipin ng mga tao na kaclose ko ang mga ito. Kahit na ang totoo ay hindi naman.

Dahil sa halo-halong emosyon ay nasapo ko ang noo ko at nakapikit akong tumungo.

"Baby..." bigla ay bulong ni Maxwell. "Are you okay?"

Nakahinga ako nang maluwang at tumingin sa kaniya na parang batang nagsusumbong. "I'm so sorry. Hindi ko alam na darating siya."

Kunot-noo siyang umiling. "It's fine."

"Baka galit ka?"

"Tsh. Baka siya ang galit? I'm cool." Hindi ko inaasahang ganoon ang isasagot ni Maxwell, lalo akong nakahinga nang maluwang.

Totoong kinabahan ako dahil baka hindi niya nagustuhan ang sitwasyon at posibleng pag-awayan na naman namin ito mamaya. Natatakot akong baka tulad kahapon ay hindi na naman niya ako tingnan at kung pansinin man ay parang napipilitan. Hindi maganda sa pakiramdam ko 'yon at alam kong gano'n din naman sa kaniya. Pareho kaming nahihirapan.

Ipinatong ko ang mukha ko sa balikat niya. "I love you," bulong ko.

"I love you," bulong din niya, kumibot ang labi dahil hindi makakahalik.

Bagaman mahirap, sinikap kong ituon sa reunion kunong iyon ang aking atensyon. Reunion ngang talaga dahil pulos alaala sa high school at college ang pinag-uusapan nila.

"So how was Yaz when you were college?"hindi ko inaasahang magtatanong si Maxwell. Pare-pareho kaming nagulat nina Carolina at Marideth. "I'm interested," nakangiting dagdag pa niya.

Naiilang kaming nagkatinginan nina Carolina at Marideth, alam naman kasi naming pare-pareho na hindi ganoon kalalim ang pagkakakilanlan namin sa isa't isa. Dahil hindi ko sila hinayaang makilala ako sa paraang gusto nila.

"We were not actually that close,"nagpakatotoo si Marideth. "Yeah, we were classmates but we were not actually friends."

Napatikhim si Carolina. "But she's nice,"sinsero ang ngiti niya. "Tahimik lang siya."

Tipid akong ngumiti. Maingay ako, sa harap ng mga taong ka-close ko.

Ngumiwi si Maxwell, nang-aasar na tumingin sa 'kin. "People change, huh?" ngisi niya. Sinimangutan ko lang siya bilang tugon.

"Honestly, we wanted to be friends with her," patuloy ni Marideth. "Iyon nga lang, ilag siya sa amin. We can't blame her," humina bigla ang boses niya. "May mga friends kasi kami na hindi maganda ang treatment sa kaniya."

Bumuntong-hininga ako. "Maraming issues sa akin noon," napipilitan man ay ngumiti ako. Sa isip ko ay bahala na kung ano ang isipin ni Maxwell kapag nagkwento ako. "Malandi, maarte, desperada, easy-to-get, naghahabol sa lalaki..."

Hindi ko alam kung bakit masakit para sa 'kin na sabihin ang mga 'yon, lalo na at kay Maxwell pa. Kay Maxwell na siyang inspirasyon ko para magbago. Kay Maxwell na siyang dahilan sa mas exciting ko nang buhay. Kay Maxwell na siyang huling tao na mamahalin ko.

"Maraming may gusto sa kaniya noon pa man," ani Marideth. "Sobrang dami! Single o taken, may gusto kay Zaimin." Tatango-tangong sumang-ayon si Carolina. "Pero hindi naman lahat 'yon, naging boyfriend niya. Hindi naman dahil ligawin o gustuhin ang isang babae ay malandi na, hindi ba?" Napatitig ako sa kaniya, bigla ay parang gusto ko siyang pasalamatan dahil maganda na ang sinabi niya para sa 'kin.

"Pero aminin mo," mayamaya ay ani Nemari, best friend ni Celeste at isa pa sa ayaw kong nilalang sa paaralan noon, hanggang ngayon. "Maarte ka noon."

"Hanggang ngayon," hindi ko na naman inaasahang si Maxwell ang sasagot para sa akin.

Hindi ko makuhang mainis. Sa halip kasi ay nata-touch ako sa mga sinasabi niya. Para bang tanggap na tanggap niya lahat ng katangian ko na kapuna-puna para sa iba.

"E, easy-to-get pa rin kaya siya hanggang ngayon?" sarkastikong dagdag ni Nemari.

Hindi ko alam kung paano nilang nasasabi ito nang harap-harapan sa akin, at kung dapat ko bang ipagpasalamat 'yon. Dahil nandito si Maxwell ay hinihiling kong sana ay sinabi na lang nila 'yon sa likod ko tulad nang ginagawa nila noon.

Ngumiwi si Maxwell. "I think all girls are easy to get, some just play hard to get." Kinagat niya ang labi at pinakatitigan si Nemari. "If I asked you out on a date, I bet you'll say yes to me."

Natigilan si Nemari at nag-aalinlangang tumitig kay Maxwell. Ang kigwa, umasa pa yatang seryoso si Maxwell sa pagyayaya kahit na bakas naman sa itsura at tinig nito ang sarkasmo. Bukod sa hindi naman nito deretsang inanyaya ang babae.

"Then, you're saying that she," sinulyapan ako ni Nemari. "Really is easy to get? Aren't you afraid that she can be like that to someone else?"

"Nemari," angil ni Marideth. Umiling nang umiling si Carolina sa pagkadismaya kay Nemari.

"Those are just irrational thoughts coming from a dark corner of the brain where emotions are all coming from, it's called the limbic system," nakangiting sagot ni Maxwell.

Bakas ang pagkalito sa itsura ni Nemari, idinaan na lang sa tawa at sarkasmo. Gusto kong mag-amok at awayin na rin siya bukod kay Celeste. Parehong maldita ang dalawa pero maski kaba ay hindi nila makikita sa akin kung sila rin lang ang aawayin. Ngunit ayaw kong balewalain ang ginagawa at mga sinasabi ni Maxwell para sa 'kin.

"You see, iba ang easy to get sa pananaw mo bilang babae at sa pananaw ko bilang lalaki," tila nakuha ni Maxwell ang kabagalan ng pang-intindi ni Nemari.

Bumuntong-hininga si Maxwell saka nagpatuloy, "Women like certain personalities in men, if we have it, it won't be difficult for you."

"You're not answering my question, doc,"pang-aasar ni Nemari.

"I don't like girls who play hard to get, it's immature. It's like you're playing mind games while wasting my time. If a woman doesn't make it easy for me, then I'll move on." ngiti ni Maxwell. "I prefer woman who knows what she wants. If that's what's easy, then, yes, I like easy girls."

"Stop it, Nemari," nagsalita si Rembrandt. "She was never easy. Because if she was, nagpakasal na 'ko sa iba."

"Maxwell!" mayamaya ay malakas na pagtawag ni Celeste.

"She's drunk," bulong ni Marideth. "Don't mind her."

"Alam mo ba na high school pa lang ay may gusto na itong si Rem kay Yaz? Naging goal niya si Rem! Sa dami ng nagkakagusto kay Yaz, si Rem ang hinabol niya nang hinabol hanggang sa makuha niya. Ganoon siya kadesperada"

"Celeste!" pinigilan ni Rembrandt ang susunod na sasabihin nito. "Alam mo ba'ng noong high school pa lang ay iyan na ang ayaw ko sa ugali mo? Grow up."

"I'm sorry," nakangusong ani Celeste.

"Say sorry to her," utos ni Rem.

"Sorry, Yaz," hindi ko maramdaman ang sinseridad ni Celeste.

"That's how she got me, too," hindi ko inaasahang sasabihin 'yon ni Maxwell, nilingon siya ng lahat. Bigla ay kinabahan ako. "I guess girls with goals are sexier and worth to keep than those who just talk behind their backs, huh?"

Nilingon ko si Maxwell. Ang kaba ay napalitan ng pagbugso ng emosyon, pinangiliran ako ng luha. Sa ginagawa niya ngayon ay lalo niyang ipinararamdam sa 'kin kung gaano niya ako kamahal at walang salitang maipapangalan sa nararamdaman kong saya.

"Manood na lang siguro tayo ng movie?"mayamaya ay ani Marideth. "Celeste, nasa'n na 'yong binili mong DVD?"

Kung ka-close ko lang sana si Celeste ay pupurihin ko ang sliding barn ng napakalaking TV niya. Pero dahil naiirita ako sa kaniya ay sinabi ko na lang sa isip na bibili ng bagong TV para sa aking kwarto, iyong mas malaki pa ro'n. Saka ako magpapagawa ng mas magandang sliding barn.

"The Brown Bunny ang title," ani Marideth habang isinasalang ang palabas sa DVD player.

Ganoon naman kabilis nakapaghanda ng biniling popcorn si Carolina. Ilang beses siyang nagparoo't parito sa kitchen kasama si Trixia para maglabas ng snacks na kakainin ng lahat habang nanonood.

"Dito na kayo maupo, Yaz, Maxwell," anyaya ni Marideth, itinuro niya ang two-seater recliner sofa.

"Thanks," ngiti ni Maxwell saka ako inalalayan paupo.

Lahat ay naging tutok sa palabas, maging ako at si Maxwell. Gustuhin ko man siyang tanungin kung kailan ang huling beses na nakapanood siya ng movie, hindi ko magawa. Gagawa lang ako ng ingay. Kaya naisip kong itanong na lang 'yon mamaya.

"Ang weird talaga ng taste mo, Celeste,"sabi ni Rachelle. "It's been five minutes, pulos pagmo-motor ang nakikita ko. Sino ba sa mga 'yan ang bida?"

Sang-ayon ako sa kaniya. Ilang minuto na ang nakalipas, hindi ko na mabilang kung ilang beses bumuntong-hininga si Maxwell sa kabugnutan. Paano kasi ay nagsimula ang palabas sa nagkakarera ng motor. Pero walang ibang ipinakita kung hindi ang paikot-ikot niyon sa race track. Ni hindi man lang ifinocus kung sino ba sa mga racer ang bida o kung isa man ito sa audience. Masyadong tedious, hindi makapukaw ng atensyon.

Nang maiba naman ang eksena ay masyado naman iyong direkta. Sapagkat ang bidang lalaki ay dumeretso sa gasoline station at bigla ay niyaya ang isang babaeng naka-assign sa checkout counter na sumama sa kaniya. Sa paraan pa na para bang nagmamakaawa ang lalaki, to think na noon lang nagkita at hindi pa magkakilala ang dalawa.

Matapos namang sumama ng babae ay nag-makeout sila sa sasakyan. Nagpaalam ang babaeng may kukunin lang sa bahay upang tuluyang sumama sa kaniya ngunit bigla na lamang itong iniwan ng lalaki. Panibagong boring na eksena ang sumunod sapagkat hindi mabilang na minuto na pulos pagmamaneho lang ang ipinakita.

Panay ang buntong-hininga namin ni Maxwell, bored na bored sa pinanonood. Nilingon ko siya, napalingon din siya sa 'kin nang maramdaman iyon. Ngumiti siya at bigla ay iniyakap sa 'kin ang braso. Hindi ko alam kung paano niyang naaabot ang buong baywang ko nang gano'n. Nagagawa niyang yakapin ang baywang ko nang magkatabi kami. Nagagawa rin niyang paghawakin ang sarili niyang mga kamay habang ginagawa 'yon.

Aaminin kong hindi ko halos napanood ang palabas. Hindi talaga no'n maantig ang interes ko. At mukhang hindi lang ako. Dahil panay lang ang paglilikot ng mga kamay namin ni Maxwell, naglalaro kami ng paunahan mahuli at maitumba ang hinlalaki. Panay ang bungisngis namin sa kung sinuman ang matalo sa 'min.

"That was so boring! Ang daming potholes no'ng movie, napaka-dull," ani Marideth nang tuluyang matapos ang palabas.

"Okay naman siya, kung ang pagbabasihan ay 'yong lalim no'ng story. Kadalasan sa indie film, may malalalim na meaning," ani Rembrandt.

"At anong lalim naman 'yon?" puno ng sarkasmo si Celeste. "Wala akong naintindihan kung hindi 'yong pagmamaneho niyang paulit-ulit, hindi malaman kung saan gustong pumunta."

"He's brokenhearted and he is lost," sagot ni Rembrandt.

"Sa dami ng pinuntahan niya, talagang mawawala siya. Halos kalahati ng palabas ay pulos pagmamaneho lang niya ang ipinakita,"ani Nemari.

"Duh? He's a whore, Rem. Imagine, yayayain mo ang mga babaeng hindi mo naman kilala na sumama sa 'yo just for sex? What a freak," ani Celeste.

"Then one day he came to an old woman's house asking about the life span of bunnies,"dagdag ni Nemari. "I was like, man, mas may story pa 'yong pinanonood kong couple sa daan."

"It's a kind of movie, only a brokenhearted man can understand," ani Rembrandt.

Sumulyap siya sa gawi namin. Nag-iwas ako ng tingin at tumalikod sa gawi niya.

"Sa dami ng babaeng nakilala at nakarelasyon niya, hindi pa rin siya maka-move on sa ex-girlfriend niya," may diin sa mga huling salitang binitiwan ni Rembrandt.

"May kakilala akong ganyan," pang-aasar ni Celeste.

Pero kapansin-pansin na ang pagiging seryoso ni Rembrandt. Ang paningin niya ay naroon pa rin sa gawi ko, deretso sa akin ngunit panay rin ang sulyap kay Maxwell. Na noon naman ay may nakasilip na tipid na ngisi sa labi, hindi malaman kung natatawa o naaasar. Isa iyong ugali ng mga Moon na kayhirap hulaan kung alin sa dalawa ang totoong nararamdaman sa kasalukuyan.

"His ex was so desperate to get back together that she has to get down on her knees and worship him," patuloy ni Rembrandt. "He was mad at her that he tortured her with questions about their past but ends up pleading for forgiveness."

Napakislot ako nang maglakad si Rembrandt patungo sa gawi namin. Humarap ako kay Maxwell, naramdaman ko nang hawakan niya ang braso ko kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. Bahagya siyang ngumiti sa 'kin pero hindi ko 'yon magawang suklian. May kung anong takot na idinudulot sa 'kin ang unti-unting paglapit ni Rembrandt.

Huminto si Rembrandt may iilang hakbang na lang ang layo sa 'kin. "I wish you liked me again," mahinang aniya, ginagaya ang linya sa palabas. Kunot-noo ko siyang nilingon. "Like before..." emosyonal niyang sinabi. "When you liked me the most."

Humakbang ako paatras, puno ng pagtitimpi. Kung ano-anong masasakit na salita na ang naglalaro sa isip ko at plano kong sabihin oras na hindi na talaga ako makapagpigil.

"I know you're only making me jealous,"patuloy niya. Napapamaang ko siyang nilingon. Kapal ng mukha! "Please...Yaz," akma siyang luluhod!

"Rembrandt!" asik ko. "What the hell?"

"Yaz..."

"What are you doing?"

"Please, let's get back together. I still love you, Yaz."

"Ako hindi na," galit man ay malungkot ko iyong sinabi sa kaniya. "I'm sorry."

"What happened to us?"

"I'm really sorry, Rembrandt," I know I still have to consider his feelings, kahit anong galit ko ay kailangan ko 'yong irespeto.

"I forgive you," emosyonal niyang sinabi. Bahagya akong nakahinga nang maluwang. "Now let's get back together."

Sandali akong pumikit, pinakakalma ang sarili. "I've moved on and I am in a relationship with Maxwell. Please don't do this, Rembrandt,"hindi talaga ako makapaniwala. "I know you're hurting and I'm really sorry," hindi ko maitago ang inis. "What you're doing right now is just...rude." Maging ang diin ng aking mga salita ay hindi ko napigilan.

"It was also rude to leave me just like that, Yaz," halo-halong emosyon na ang mababasa sa mukha niya. "Ni hindi ko nga matandaang nag-break tayo, eh. Umalis ka na lang bigla."

"Rembrandt, stop," muling pakiusap ko.

"I followed you, Yaz. Nagpunta ako ng Laguna, nag-stay ako ro'n ng dalawang linggo at walang dumaang araw na hindi kita hinanap. I searched for you, Yaz," nangilid ang mga luha niya. "But I can't find you."

Dahil hindi ang address ng sinumang myembro ng pamilyang Moon ang basta mo lang makukuha. Mas lalong hindi ang kinaroroonan ng mga Moon ang agad mong makikita.

Kahit papaano ay nagulat akong malaman ang sinabi niya ngayon. Akala ko, gaya ko ay hindi na siya sumubok na makipagkita pa. Nang magpunta ako sa Laguna ay wala na talaga sa plano kong makipagbalikan sa kaniya.

Sobrang sakit para sa 'kin no'n nang mga panahong 'yon pero tiniis ko. Ginusto ko rin siyang makita. Napakaraming pagkakataon na halos tawagan ko na uli siya para lang magkaayos kami. Pero maski ang mag-text, pinigilan ko.

Gano'n yata talaga kapag napagod ka. Na kahit mahal na mahal mo ang isang tao, hindi mo na kayang lumaban para sa inyong dalawa.

Hindi ko itatangging hindi pa ako nagtatagal sa Laguna nang makilala ko si Maxwell. At malaking tulong sa 'kin ang makilala siya. Binago niya ang lahat sa 'kin. Sa paraang paulit-ulit kong pipiliin.

"Yaz..." nakikiusap ang tinig ni Rembrandt. "Kung ano man 'tong palabas mo, tatanggapin ko. Bumalik ka lang sa 'kin."

"Pakiusap, tama na, Rembrandt. Tigilan mo na, wala nang patutunguhan 'to," pandederetsa ko, hindi na naikonsidera ang nararamdaman niya dahil mas nangingibabaw sa 'kin ang mararamdaman at iisipin ni Maxwell. "I'm really sorry."

Sandaling nakipagtitigan si Rembrandt kay Maxwell bago itinuon sa 'kin ang paningin. Hindi ko matanggap ang lungkot na nababasa ko sa kaniyang mga mata.

"Bakit?" tanong niya. "Nag-break ba tayo?"bigla ay seryosong aniya.

Umiling ako nang umiling, hindi makapaniwala sa kaniya. Hindi ko matanggap ang kaniyang sinabi! Pero hindi ko alam kung paanong sasabihin ang laman ng puso ko. Hindi ko alam kung paanong sasagutin ang paratang niya nang hindi ko masasaktan ang taong laman niyon ngayon.

Hinuli ko ang kamay ni Maxwell. "Let's go home."

"Stay," ani Rembrandt. "Let's talk about us."

"No!" angil ko. "Wala na tayong dapat pag-usapan."

"Napakarami nating dapat na pag-usapan, Yaz," emosyonal na sinabi ni Rembrandt. Lahat ng emosyong nababasa ko sa kaniya ay hindi ko matanggap. "Iniwan mo 'ko pero hindi tayo naghiwalay, alam mo 'yon! Alam nating lahat 'yon!"

"Ikaw ang unang nang-iwan," mariing sabi ko.

"Inuna ko ang pag-aaral ko!"

"Inuna ko rin ang sarili ko!"

"At kinalimutan mo 'ko? Napaka-selfish mo!"

Napapikit ako sa inis. "Wala na tayong dapat na pag-usapan," mariing sabi ko, tinatapos ang sandaling 'yon. "Maxwell, let's go."

Narinig ko man ang buntong-hininga ni Maxwell ay sumama siya sa 'kin.

"Bakit, natatakot ka bang mawala rin iyang bago mo kapag nalaman niya ang dahilan ng pag-alis mo?" bigla ay pahabol ni Rembrandt.

Magtutuloy-tuloy sana ako sa paglalakad kung hindi lang huminto si Maxwell at pinigilan ang kamay ko. Nilingon ko siya at tiningnan ng may pagmamakaawa. I want to leave this place now. Pero ang bakas ang matinding pagpipigil sa pagkakatiim ng kaniyang bagang.

"Maxwell..." nakikiusap kong tawag.

Kaswal siyang hinarap ni Maxwell, ang isang kamay ay hawak ang kamay ko, habang ang isa ay nakapasok sa kaniyang bulsa. Ang kigwa, nasa ganoong sitwasyon na't lahat, ang lakas pa rin ng dating! Ang mga igat na babae, nasa kaniya ang lahat ng paningin!

Umangat ang labi ni Maxwell. "Trust me, I'm not like that. You don't have anything for me to be mad at; scared nor jealous of."

"Wake up, brother. She's just doing this to hurt me."

Lalong ngumisi si Maxwell. "The only person in here that can hurt you...is me." Saka siya sumeryoso.

Awtomatiko akong lumapit kay Maxwell para umawat. "Please, Rembrandt," pakiusap ko. "Let's stop this. Walang magandang patutunguhan 'to."

"Paano 'ko?" muling habol ni Rem nang akma akong tatalikod. Inis ko siyang nilingon. "Tapon na lang, gano'n?"

"May boyfriend na ako!"

"Boyfriend mo rin ako! Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi tayo naghiwalay, Yaz. Umalis ka lang! Ano, hindi ka na nakapaghintay?"

"Then, where were you?" bigla ay sabi ni Maxwell, hindi namin inaasahang pare-pareho. "Perhaps, you left because she deserved more," may diin sa huling salita niya. "Because believe me, she's patient in waiting for what's meant for her."

Nakita ko nang sumama ang mukha ni Rembrandt. Mabilis siyang humakbang papalapit sa 'min dahilan sa biglaang pagkabog sa dibdib ko.

Ngunit nagulat ako nang ilayo at itago ako ni Maxwell sa likuran niya, at iniharang ang sarili sa 'kin. Sa lapad ng likod at tangkad niya, hindi ko na makita si Rembrandt.

"Slow down," pinigilan siya ni Maxwell sa paglapit. "Touch my girl and you'll beg for freedom," banta niya.

"Who do you think you're scaring?"

"No one. But if you're scared, then..." tango at ngisi ang nagpatuloy sa linya ni Maxwell.

"Let us talk," may diin sa tinig ni Rembrandt, ako ang tinutukoy.

"Obviously, she doesn't want to talk to you."

"I said, let us talk!"

"One more step and you'll beg for peace."

"Who the fuck do you think you are, man?"bakas na ang nagbabadyang pagsabog ng galit ni Rembrandt.

Ngunit ang isang del Valle ay hindi na nagbabadya, sumasabog na lang iyong bigla, nang malakas at paulit-ulit, at iyon ang dapat kong katakutan.

"Maxwell...enough, please..." umiiyak nang pakiusap ko.

"Who do you think you are, huh?"nagpatuloy si Rembrandt, naghahamon!

"Ask that question again and you'll beg for mercy." 'Ayun na ang hudyat ng pagkaubos ng pasensya ni Maxwell.

Hinila ko siya. "Please, Maxwell, let's go."

Nagpatianod siya sa 'kin ngunit hindi niya masabayan ang bilis ng paglayo na gusto ko. Kaswal lang siyang naglakad na para bang walang tinatakbuhang tao.

Binawi ni Maxwell ang sariling kamay niyang hawak ko, awtomatiko akong napalingon sa kaniya. At gano'n na lang ang gulat ko nang kamao niya ang sumalubong sa hindi ko namalayang paghabol ni Rembrandt!

"Maxwell!" ito ang nakasapak ngunit ito ang inalala ko. Tiningnan ko ang kaniyang kamao na para bang siya pa ang nasaktan.

Saka ako nagbaba ng tingin kay Rembrandt na noon ay sadlak sa lupa at sapo ang dumurugo niyang bibig.

"I was not expecting that kind of punch from a soft guy like you, man," ani Rembrandt.

Ngunit hindi sapak iyon sa isang del Valle. Para sa kanila ay tapik pa lamang 'yon. Hindi ko masisisi si Rembrandt, interesante ang pagkatao ninumang del Valle. Pero hindi ko alam kung paano ko ipaaalam sa kaniya na maling tao ang kaniyang binabangga. Wala akong magawa kung hindi ang paulit-ulit siyang pigilan, awatin at yayain si Maxwell na lisanin na lang ang lugar na 'yon.

"If you can't respect me then fear me,"nakapamulsang ani Maxwell habang nakababa ang tingin kay Rembrandt. Hindi niya na rin hinayaang sumagot ito at basta na lang tinalikuran.

Hinuli ni Maxwell ang kamay ko saka ako inalalayan papasok sa sasakyan. Hinabol ko siya ng tingin anng lumigid siya sasakyan, kaswal lang siyang naglalakad, animong walang nangyari, tipikal na ugali ng isang Moon. Tinanaw ko si Rembrandt na noon ay sapo pa rin ang bibig at inis na nakatingin sa kaniya. Idinaan ko na lang sa iling ang tanawin siya.

Agad kong sinalubong ang tingin ni Maxwell nang makasakay. "Are you alright?"

"No. I'm fucking pissed," ngiti niya.

"I'm sorry, baby."

"It's not your fault, Yaz."

Napanguso ako. "Bakit Yaz?"

Nagugulat siyang tumingin sa 'kin. "Baby Yaz, then," kunot-noo, naaasar pa ring aniya.

Pinigilan kong tumawa ngunit ang ngiti ay kumakawala sa labi ko. Nag-iwas na lang ng tingin upang hindi niya 'yon makita, baka pati ako ay mapagbuntunan niya.

Panay ang buntong-hininga niya nang alalayan ako pababa ng sasakyan pagkarating namin sa bahay. Panay rin ang pagnguso ko sa pag-aalalang pati sa 'kin ay galit siya.

Naroon ang lahat sa dining area nang madatnan namin. "Kumain na kayo?" bungad ni mommy. "How was your party?"

"Good evening, tita," lumapit si Maxwell at tumango.

"Good evening, hijo," hinawakan ni mommy sa pisngi ang aking nobyo saka bumaling sa akin. "You look tired. Halika, maupo kayo at ipaghahanda ko kayo."

"I'll prepare dinner for you," sabi ko kay Maxwell. Kinuha ko ang kamay niya at ako naman ang umalalay sa kaniya papaupo.

Inayos niya ang sariling mukha nang humarap sa lahat nang naroon. "Good evening."

"Kumusta ang reunion?" si Zarnaih ang bumida habang pinupunasan ko ang plate na gagamitin ni Maxwell. "Nakilala mo ba 'yong schoolmates ni ate? Ampaplastik, 'no?"

"Zarnaih?" saway ni mommy.

"Totoo naman," angil ng kapatid ko saka bumaling kay Maxwell. "Oh, kumusta? Nakakapagod makipagplastikan, 'no?"

Umangat ang labi ni Maxwell. "I met her ex,"inaasahan ko nang iyon ang sasabihin niya. "That Rembrandt whatever."

"OMG!" natutop ni Zarnaih ang bibig. Nakapikit akong bumuntong-hininga, naiinis. "Nandoon siya?" Binigyan ko siya ng makahulugang tingin.

"Eh, di nagselos ka?" hindi ko inaasahan ang nang-aasar na tinig ni Maxpein. "Patingin ng nagseselos?"

Tumayo siya at lumapit sa kapatid. Hindi pa nakontento si Maxpein, sinilip niya ang mukha ni Maxwell. Dahilan para mapikon ito. Humagalpak ng tawa si Maxpein at kanilang mga magulang.

Napanguso ako, gusto kong maawa kay Maxwell sapagkat inaasar ito ng sariling pamilya. Pero sa halip na maramdaman 'yon ay natawa ako at na-cute-an sa ganoong closeness nila.

"Sarap ma-in love, 'no?" muli ay buyo ni Maxpein, nahawa na yata sa asawa na noon ay panay rin ang ngisi at tawa. "Nagselos ka?"

"Shut up, Pein," asik ni Maxwell.

Namangha si Maxpein, tumingin sa mga magulang. "Wala na 'to," umiling siya nang umiling. "You're not my brother. Weak."

Inis na nag-angat ng tingin si Maxwell. "What?"

"Seloso."

"Shut up."

"Wala sa dugo natin 'yan, ampon ka."

"Kaninang umaga ka pa, ah?"

"Kahit hanggang bukas pa. Tss. Sinong tinakot mo."

"Tama na nga 'yan," nakalabing sabi ko, pinipigilang matawa.

Inilapag ko ang plato sa harap ni Maxwell saka ako naupo sa tabi niya. Nilingon ko ang iba't ibang klase ng luto ng isda na naroon sa mesa. Alam kong hindi ako nagugutom pero sa isang sulyap sa mga 'yon ay nakatakam ako.

Saka ko muling nilingon si Maxwell. "What do you want?"

Bumuntong-hininga si Maxwell saka lumingon sa 'kin. Tinitigan niya ako, 'ayun na naman 'yong emosyonal niyang mga titig na nakapanghihina sa 'kin.

"Marry me," bigla ay sabi niya! Lahat ay natigilan. "I want you to marry me."

Umawang ang labi ko sa gulat. Wala akong nagawa kung hindi ang titigan siya.

To be continued. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji