CHAPTER 25

CHAPTER 25

EMOSYONAL AKONG yumuko at dinampian ng halik si Maxwell sa labi. Matagal at puno ng pagmamahal. Nakapikit pa ako nang paglayuin ang mukha namin saka marahang nagmulat. Nakababa ang paningin niya ngunit hawak ko ang parehong pisngi niya kaya 'ayun at nakikita ko ang lahat ng kaniyang emosyon.

"Kahit hindi mo hilingin..." pabulong kong sabi. "Paulit-ulit kitang pipiliin, Maxwell."

Doon siya nag-angat ng tingin sa 'kin at napapangiting nakahinga nang maluwang at niyakap ako. "I've never felt this sure to fight for what I feel, Yaz," bulong niya.

Humigpit ang yakap niya. "I don't care if this will hurt the ones I also love," batid kong si Maxrill ang tinutukoy niya. "I can't give you up just because the situation is not ideal, I refuse to give up."

"I'm sorry if I'm hurting you, Maxwell," mahinang sabi ko.

Kumalas siya at hinarap ako. Tiningnan niya ang kabuuan ng mukha ko, may kung anong haplos sa puso ko ang salubungin niya ang mga mata ko.

"No matter how hard the situation gets, choose me," puno ng kasiguraduhan ang tinig niya. Kasiguraduhang hindi ako magsisisi kapag siya ang pinili ko.

Nakangiti akong umiling. "Hindi mo na kailangang sabihin but...yes, I'll choose you..." paniniguro ko rin. "I chose you before, I choose you now and I will keep choosing you," emosyonal kong sinabi.

Pakiramdam ko ay ganoon na katindi ang pinagdaanan namin ni Maxwell nang maayos naming tapusin ang araw na 'yon. Kahit na ang totoo ay alam kong mas marami pa kaming pagdaraanan na higit pa ro'n.

Nakahinga ako nang maluwang kahit papaano. Hindi lubusan sapagkat kahit nagkaayos na kami, patuloy pa rin akong nilalamon ng konsensya ko. Hindi dahil sa nalilito ako sa nararamdaman ko. Sigurado akong si Maxwell ang mahal ko. Nakokonsensya ako dahil sa kabila ng katotohanang siya ang mahal ko, hinalikan ko ang kapatid niya. Paano ko ipaliliwanag sa kanilang pareho na wala lang sa akin 'yon at hindi ko 'yon sinasadya? Sa parteng 'yon, walang makaiintindi sa 'kin, kahit sarili ko.

"Mukhang okay na kayo, ah?" nakangiting bulong ni Zarnaih sa 'kin kinabukasan habang nagluluto ako ng agahan.

Sinadya kong itali ang buhok ko nang araw na 'yon at nag-iwan ng ilang hibla para may istilo. Saka ako nagsuot ng oversized white longsleeves para magmukha pa rin akong modelo. Pero hindi ang suot, buhok o ang natural kong ganda ang nais kong ipagmalaki. Kundi iyong iniregalo sa 'kin ni Maxwell kagabi.

Bahagya kong itinabingi ang aking ulo upang lumadlad ng bahagya kay Zarnaih ang dibdib ko. Sinadya ko ring buksan ang tatlong unang butones ng damit ko upang mas mabigyang pansin ang aking kwintas.

"Kuyaaaw ba!" halos mapatili si Zarnaih. "Dawbi! Regalo ni Maxwell 'yan?"

"Ah-huh..." maarte kong sabi saka mas hinawi ang gawing iyon ng kwelyo, halos lumantad ang buto sa balikat ko. "Harry Winston," pagtukoy ko sa isa sa pinakamamahaling brand ng jewelries.

"Naku, kaya naman pala! Masipag ka na ulit at masigla, mukha ka na uling tao kahit hindi ka pa naliligo, ate."

"Manahimik ka nga."

"Iba talaga magmahal ang del Valle! Bibilhin ang mundo, maangkin ka lang."

"Naangkin na!" ngiwi ko. "Paulit-ulit pa!"

Ngumiwi siya sabay kurot sa tagiliran ko. "Kigwa!"muli pa niya akong kinurot.

"Aray! Samok ka! Tabi nga!"

"Ay, sorry kung nakasamok ko nimo, 'day! Maghatad lang ko advide sa imo, ayaw pag-inarte!" Dinuldol niya ang mukha sa 'kin. "Umayos ka talaga, ate! May mga batas na sinusunod ang mga del Valle kaya umayos ka talaga, naku, sinasabi ko talaga sa 'yo."

Sumimangot ako. "Oo na."

"Mag-ingat-ingat kayo at hindi pwedeng makabuntis si Maxwell nang hindi kasal. Iba ang batas sa kanila."

"I know," lalo pa akong ngumuso.

"Umayos ka talaga, naku, sinasabi ko sa 'yo."

"Sinabi nang oo, eh," angil ko.

"Psh, if I know, kagabi lang e, naangkin ka na naman! Magsulti ka sa tinuod!" inambaan niya rin ako.

"Samok ka!" inaandayan ko siya ng hampas.

"Stop me!"

"Hindi ka ba mananahimik?"

"Ano ba, itabi mo nga 'yang sanshe?" inis niyang tinabig ang kamay ko. "Eh, nanbanggit mo na ba sa kaniya 'yong kay Maxrill?"

Awtomatiko ko siyang nilingon. "Tsismosa ka, you know that?"

"Gusto kong malaman, yawa ka." Bigla ay angil niya. "Kasi sinasabi ko talaga sa 'yo, ate, hindi kita kakampihan."

Ngumuso ako. "Hindi pa rin niya alam."

"Hindi mo sinabi?"

"Paano 'ko sasabihin na hinalikan ako ni Maxrill?" gigil kong bulong. "Kahit paulit-ulit kong pag-isipan, Zarnaih, walang maniniwala sa 'kin kung sasabihin kong hindi ko 'yon sinasadya at walang ibig sabihin sa 'kin 'yon."

Tumitig siya sa 'kin at nag-iwas ng tingin. "Mahirap talagang paniwalaan 'yon dahil masyado ka nang matanda para hindi malamang mali 'yon."

Lumaylay ang mga balikat ko. "Matanda na ako pero hanggang ngayon, hindi ko alam kung paanong ipapaalam na nagkamali ako." Matamlay akong tumingin sa sinasangag ko. "Natatakot akong mawala si Maxwell sa 'kin kapag nalaman niya ang totoo."

Hindi ko inaasahang ilalapit ni Zarnaih ang mukha sa 'kin, halos mapatalon ako sa pag-iwas. "Mas matakot ka kay Maxpein kapag nalaman niyang tinuhog mo ang parehong kapatid niya."

Umawang ang bibig ko, hindi matanggap ang salitang ginamit niya. Tinuhog? Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo na nga ako maintindihan, hinuhusgahan mo pa 'ko! Anong klaseng kapatid ka? Tinuhog talaga, Zarnaih, really?"

"Oh, eh, anong term ang gagamitin ko, sige?"

"Hindi ko sinasadyang halikan si Maxrill," angil ko, maiiyak na sa kawalan ng maidadahilan.

"Oh, eh, anong tawag mo ro'n?"

Muling umawang ang labi ko, hindi talaga makapaniwala sa kaniya. "What do you mean? Are you expecting me to admit na sinadya ko 'yon? Gano'n ba?"

"Bakit, hindi ba?"

"Hindi nga!"

"Aga-aga, nag-aaway kayo riyan, ano ba?"pareho kaming nagulat nang magsalita si Mokz, kapapasok lang nito sa kitchen.

Oh, shit!

Pareho kaming napaayos ng tayo ni Zarnaih. "Good morning, Mokz," sabay rin naming bati.

Ngumisi siya sa amin at dumeretso sa ref para kumuha ng tubig. Hindi ko maalis ang paningin ko kay Mokz habang inuubos ang bote ng mineral water. Papalakas nang papalakas ang kabog sa dibdib ko, ang isip ko ay paulit-ulit na nagtatanong kung may narinig ba ito.

"Baka masunog ang niluluto mo," aniya habang sinasarhan ang plastic bottle saka nakangising itinapon iyon.

Awtomatiko akong napaharap sa niluluto ko. Shit! Shit! Shit! Walang kasinghigpit ang pagkakahawak ko sa sanshe at kawali. Dahil manginginig ako kung hindi ko hihigpitan 'yon.

Pakiramdam ko ay panibagong katangahan ang pakikipag-usap kay Zarnaih tungkol doon. Dahil naroon ang karamihan sa myembro ng pamilyang Moon.

Napakaliit ng tyansang hindi narinig ni Mokz ang usapan namin. Pero pinilit kong alisin sa isip ang tungkol doon. Hindi ako maaaring magpakalunod sa isipin na makakaapekto na naman sa amin ni Maxwell.

Tinapos ko ang pagluluto at inihanda ang table para sa lahat. Inutusan ko si Zarnaih na gisingin ang lahat, ako naman ay nagtungo sa kwarto para gisingin si Maxwell.

"Good morning, baby ko!" panggigising ko sa kaniya.

Tumatawa ako ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang ang kunot na kunot na noo niya ang humarap sa 'kin. Pero sa halip na matakot ay natawa ako lalo.

"Normal sa 'yo 'yong ganyang nakasimangot, 'no?"

Nakasimangot siyang bumuntong-hininga. "I love you," aniya saka bumangon at dumeretso sa banyo.

Ngali-ngali akong sumunod. "Where are you going? Magbe-breakfast na tayo."

"I need to pee," inaantok pang sagot niya.

Kagat-labi akong sumunod, paisa-isang hakbang gamit ang mga daliri sa paa para hindi niya marinig ang paglalakad ko. Saka ako natatawang sumilip sa pagwiwi niya.

Nakaangat ang ulo ni Maxwell habang abala sa ginagawa. Lalo kong nakagat ang labi ko dahil sa sariling kapilyahan, kung ano-ano ang naiisip ko.

Palibhasa'y automatic, dumeretso siya sa sink at gamit ang kamao, nag-pump siya ng handsoap saka naghugas ng kamay.

Doktor talaga.

Noong hindi pa ako nurse, parati ay nawiwirduhan ako sa mga paraan niya ng paghawak sa mga bagay at lugar. Sa t'wing manggagaling siya sa ospital noon, ang helper ang nagbubukas ng pinto para sa kaniya. Ang kwarto niya naman ay bukas na ang pinto kapag alam ng helper na paparating na siya. Dumederetso siya parati sa bathroom para maghugas ng kamay. Kapag naman natapos, kung hindi iyong siko ay braso ang ginagamit niyang pangbukas o pangsara ng pinto. Hindi niya basta-basta ginagamit ang kaniyang kamay.

Ngayong nurse na ako, lahat 'yon ay nauunawaan ko na. Iba ang malinis para sa mga taong nagtatrabaho sa ospital, at hindi kami kontento sa malinis lang.

"What are you doing?" hindi ko namalayang nakita niya na pala ako sa salamin. Kasalukuyan na siyang nagsesepilyo.

Lumapad ang ngiti ko saka naglakad papalapit sa kaniya. Niyakap ko siya mula sa likuran saka ko isiniksik ang sarili ko sa kilikili niya. Grabe, hindi ako makapaniwalang naaamoy ko ang bodywash ko sa kaniya! Gayong nang gumising ako kanina ay halos amoy kama!

It's so unfair! Ano bang pagligo ang ginawa niya? Napasimangot ako. "Naisip ko lang na makikita kita ng ganito araw-araw kapag pinakasalan mo 'ko,"sabi ko.

Nakita ko siyang matigilan. Nagulat ako nang bigla siyang humarap sa 'kin. "So, you'll marry me?"

Natatawa ko siyang sinimangutan. "Kailangan mo pa bang itanong 'yon?" Nagpatangkad ako at hinalikan siya sa labi. "Kahit saan, kahit kailan, pakakasalan kita."

Napatili ako nang bigla ay buhatin niya ako. Iniupo niya ako sa sink saka nakangising ipinagpatuloy ang pagsesepilyo.

"Psh, ang saya mo, ah!"

"Because you're marrying me." Hindi maputol ang ngiti niya. "I know all my imperfections, Yaz. I lack in so many things and I'm very much aware of them. And yet, you want to marry me," emosyonal niyang sinabi. Idinaan niya na lang sa tawa na para bang nahihiya na baka maiyak na naman siya.

Parang hinaplos ang puso ko. Hinawakan ko ang pisngi niya saka ko hinawi ang ilang piraso ng buhok sa kaniyang noo. Emosyonal ko siyang tinitigan sa mga mata.

"Maganda ako pero hindi rin naman ako perpekto. Akala ko minamahal lang ang tao kapag perpekto sila at buong-buo. Pero minahal mo ko sa katotohanang kabaliktaran ako ng mga 'yon, Maxwell."

Pakiramdam ko ay puso ko na ang nagsasalita para sa 'kin, ang mga salita ko ay napuno ng damdamin.

Inalis niya ang mga buhok kong nahulog mula sa messy bun na style ng buhok ko. "Marrying me means...you'll wake up beside me every morning. It means you'll take a shower with me everyday, cook for me, eat with me..."

Sinabi niya 'yon habang isa-isang tinitingnan ang bawat parte ng mukha ko, sa gwapong paraan.

Inilapit niya ang labi sa aking tainga. "We'll make love every chance we get, as often as we can. I want that."

Natatawa akong tumungo sa balikat niya at sa sobrang panggigigil ay marahan ko siyang kinagat.

"But that also means you'll see the worst in me," patuloy niya. "That means I'll come home late or not at all. It means you'll have to reheat the dinner or let me do it myself. It means I might wake up after making love with you and rush back to work."

"I was about to give up on asking for love to come again when I met you, Maxwell. You're like a dream come true," dagdag ko. "Some say marriage is ugly but I promise..." mas lalo akong naging emosyonal. "I'll kiss you like forgiveness. I'll look at you with hope. I'll hug you with understanding. And I'll keep my arms open whenever you're tired and exhausted."

"Seriously?" bigla ay nangibabaw ang tinig ni Maxpein. "Sa bathroom, really?" bagaman seryoso ay puno ng pang-iinsulto at sarkasmo ang tinig niya.

"Oh, really? You're here, seriously?" Inis siyang nilingon ni Maxwell, natatawa naman ako. "What happened to privacy?"

"I can get you an island if you want to propose! Maxwell, you're a del Valle for heaven's sake," hindi talaga makapaniwala si Maxpein at lalo pa akong natatawa.

Pero sanay na ako, ganoon magtalo ang mga Moon. Iyong may pagbanggit ng kakayahan at kayamanan habang galit.

"I am not proposing, Pein," angil ni Maxwell, nagpipigil ng galit.

Tuluyan niya nang hinarap ang kapatid habang ang kamay ay nakaalalay sa 'kin na para bang mahuhulog naman ako sa kinauupuan ko. Malapad at malawak ang sink sa bathroom ko at abot na abot ko.

"Yeah, because you both sounded like you're already exchanging vowsin a freaking bathroom, Maxwell." Talagang galit si Maxpein. "You're unbelievable."

"Ya," isang salita lang 'yon pero mahihimigan na ang pagbabanta sa tinig ni Maxwell.

"Fine," isinuko niya ang kamay saka dismayadong umiling si Maxpein.

Kunot-noo, nakangiwi niyang iginala ang paningin sa kabuuan ng bathroom ko.

"This looks luxurious but still..." Tinitigan ni Maxpein ang kapatid, hindi pa rin makapaniwala. "It's a freaking bathroom. Tss." Saka niya kami iniwan. "Breakfast is waiting!" pasigaw niyang pahabol at kasunod no'n ay narinig namin ang pagbagsak ng pinto.

"Hahahaha!" hindi ko na napigilan ang pagkawala ng tawa ko, at kahit anong pigil ko ay hindi 'yon mahinto. "Grabe," hirap na hirap kong sinabi. "Angwiwirdo niyo talaga! Gano'n na kayo mag-away?"

"Tsh," napapahiya akong binuhat ni Maxwell saka ibinaba. "Parang hindi mo naman siya kilala."

"Nakakatuwa lang kasi gano'n kayo mag-away. Hindi ko masabing cute kasi ang cool!"

"We're not arguing," buntong-hininga ni Maxwell. "Tsk. I'm sorry I had to say those things...here."Muli pa siyang bumuntong-hininga.

Gusto ko lalong matawa kasi para bang pahiyang pahiya talaga siya. Kung hindi marahil dumating si Maxpein ay hindi niya mararamdaman 'yon. Pero dahil nadatnan kami nito ay nainsulto pa siya.

"It's okay, baby," nakangiti, nagpipigil ng tawa akong nagpatangkad para maabot ang pisngi niya. "Ako nag-prepare ng breakfast kaya kumain ka nang marami."

"Hmm, perfect, I'm hungry."

"Ganado kang kumain ngayon, ah?"

"Yeah," nakangiti, masaya niyang sagot. "Since we got together, I guess."

Magkahawak-kamay kaming bumaba. Nakangiti ang lahat sa 'min habang pinanonood kaming maupo sa kani-kaniyang pwesto.

Bigay-todo kong pinagsilbihan si Maxwell. Ipinagmalaki ko ang seafood rice na niluto ko. Namangha siya nang makita ang shrimp scrambled with egg, shrimp broccoli frittata, bacon lobster omelet at egg and crab muffin. Isa-isa kong inilagay ang mga 'yon sa plate niya at saka ko siya sinubuan.

"Wow," namamanghang ani Maxwell nang matikman iyon lahat.

"How was it?" nakangiti, excited nang tanong ko.

Nilingon niya ako. "You made all of these?"

"Yeah, woke at 5:00AM to prepare everything."Ipinatong ko ang mukha ko sa balikat niya. "I want to impress you."

Hindi ko inaasahang dadampian niya ng halik ang labi ko. "I love you, baby."

"I love you," nahihiya man ay sumagot ako. Hindi ko halos masalubong ang tingin ng mga nakatatandang naroon. Pero isa-isa kong tiningnan ang mga ito para lang makita ang mga nakangiti nilang reaksyon.

"Thank you, Miss Beautiful," dagdag ni Maxwell. "They're all delicious."

"Thank you," pakiramdam ko ay ako naman ang gustong humalik sa kaniya. Pero nahihiya ako sa mga magulang namin, ang aga-aga, nasa harap pa kami ng mesa.

"Nasa lahi namin 'yan, Maxwell," sabat ni Zarnaih.

"'Yong masarap magluto?" ani Maxwell.

"'Yong maganda," nakangiwing ani Zarnaih dahilan para magtawanan lahat kami.

"You're a great cook, Yaz," ani Deib Lohr.

"I agree," ani Lee.

"Tss, wala pa nga kayong natikman," ani Maxpein. Nahawa ako sa lakas ng pagtawa ni Lee Roi.

"Jalmo-whatever-sumnida..." aniya Deib Lohr, hindi pa rin masabayan ang sinasabi ng mga Moon bago kumain.

Hindi ako makapaniwala sa dami ng nakain ni Maxwell. Noon ko lang siya nakitang kumain nang ganoon karami. Mabuti na lang at talagang marami ang inihanda ko, hindi siya nabitin.

Kadalasan kasi ay sapat lang ang kinakain niya. Sa tagal ng pagkakakilala ko sa kaniya, madalas ay kontento na siya sa coffee at bread. Masaya na siya kapag may kasama pa 'yong omelet. Hindi siya kumakain ng mabibigat na pagkain sa umaga. Pero 'ayun at siya ang huling natapos.

"I'm so full," ani Lee.

"Me, too," ani Deib Lohr.

"I cannot move," nakangiwi namang sabi ni Maxwell habang himas ang tiyan. Natawa ang mga magulang niya.

"Tataba sa iyo si Maxwell Laurent, hija," ani Mokz.

"Mabuti, nang hindi nangangayayat sa katatrabaho," ani Tita Maze.

"Wait, dadalhin ko ang tea," sabi ko.

Palibhasa'y nasanay na ako sa mga Moon, hindi na ako nawalan ng tea mula noon. Isa iyon sa mga binaon ko pauwi rito dahil hindi ako sigurado kung merong stock sa bahay. Mas madalas sa coffee ang parents ko kahit mas healthy ang tea. T'wing matatapos kumain ang mga Moon ay may nakahanda silang tsa.

Hindi na ako naupo. Habang umiinom ng tea si Maxwell ay tumayo ako sa likuran niya at nakayukong yumakap sa leeg niya.

"Maxwell," naglalambing kong pagtawag.

"Mm?" bahagya niya akong nilingon.

"May reunion kami mamayang gabi ng mga schoolmates ko noon."

"Okay?"

"Pwede akong pumunta?"

"Of course," awtomatikong ani Maxwell, napangiti ako.

"Psh, sixteen years old?" angil ni Zarnaih, nginiwian ko lang siya.

"I can drive you if you want," dagdag ni Maxwell.

"Sumama ka na lang," malapad ang ngiting sabi ko.

"It's a reunion."

"Yeah, but I'm sure they won't mind. Psh, sila rin naman ay nagdadala ng boyfriends and girlfriends nila noon."

"Nako, sumama ka talaga, Maxwell!" bigla ay suhestiyon ni Zarnaih. "Oo, tama, ate, isama mo si Maxwell!"

"Bakit?" nakataas ang kilay na ani Maxpein.

"Para maipagmalaki siya ni ate sa mga schoolmates niya. Wala kayang friends 'yan no'ng high school at college."

"Meron, 'no," asik ko. "Si Katley."

"Iisa lang!"

"At least, meron. Iisa lang pero totoo. Aanhin ko naman ang maraming plastik? Duh?" angil ko.

Palibhasa ay marami siyang kaibigan noong high school kaya malakas mam-bully. Bukod kay Maxpein ay naroon sina Michiko, Tob, BJ, Migz at Kimeniah.

"Why don't we go to the mall?" suhestiyon ko kay Maxwell mayamaya.

"For what?"

"Bibili tayo ng isusuot mo."

Ngumiwi siya. "May dala akong damit."

"Kuripot."

"Tch," natawa si Deib Lohr. "Walang kuripot dito. Sadyang wala lang sa malls 'yong brand ng damit na sinusuot naming mga lalaki." Ngumisi siya.

Ngumisi rin ako. "Aanhin pa ng Maxwell ko ang mamahaling damit kung siya mismo ay mukhang expensive? 'Wag ka nga." Bumaling ako kay Maxwell. "Please, baby?" pa-cute ko.

Bumuntong-hininga si Maxwell. "Fine."

Gusto kong tumili sa tuwa pero baka ma-turn off siya. Kaya nagpa-cute na lang ako ulit. "Manood tayo ng sine, tapos mag-snack sa restaurant. Tapos magtingin-tingin sa malls, gano'n. Gusto kong ma-experience 'yong normal na date."

"Sure," ngiti ni Maxwell.

"Tss," sarkastikong tumawa si Maxpein. "Good idea, Yaz," ngisi niya sa 'kin, saka binigyan ng dismayadong tingin ang kapatid. "Instead of dating in a freaking bathroom."

"Shut up already, Pein." Masama na talaga ang mukha ni Maxwell. Natawa na naman ako.

Hindi kami nagtagal. Naligo lang kami at nagbihis, dumeretso agad kami ni Maxwell sa mall gamit ang sasakyan ni mommy.

Walang paglagyan ang tuwa ko. Bukod kasi sa biglaan iyon, talagang isa 'yon sa mga pinangarap ko noon. 'Yong pupunta kami sa mall, magka-holding hands habang naglalakad. 'Yong pagtitinginan kami at kaiinggitan. Manonood ng sine, mamimili ng kung ano-ano at kakain sa labas.

Kung sa iba ay katawa-tawang gano'n ang kababaw ang pangarap ko, malalaman lang nila kung bakit masaya na ako ro'n kapag nagkaroon din sila ng nobyong doktor.

"Gaano kadalas kang pumupunta sa mall?"bigla ay na-curious ako nang makarating kami sa mall at magsimulang magtingin-tingin.

Nakangiwi siyang nagkibit-balikat. "Ten times or less."

"Gano'n kadalas?"

"In a year," humalakhak siya.

Ngumiwi ako. "Wala kang time."

"Yeah."

"Kaya si Tita Maze ang bumibili ng mga gamit mo, lalo na ang damit," nakangiting sabi ko. "'Sabagay, hindi mo naman kailangang bumili nang bumili ng damit, parati na lang ay itim ang suot mo."

Nakangiwi siyang tumango. "You know everything, huh?"

"Duh, I'm a fan," biro ko sabay hila sa kaniya. "Dadalhin kita sa paborito kong shop noong college ako."

Dinala ko siya sa House of Desserts. Itinuro ko sa kaniya kung ano-ano ang mga paborito ko at natikman na. Saka ko isinuggest sa kaniya ang pinakapaborito ko. Para iyong halo-halo pero pulos cheese, fresh mangoes, blueberries at strawberries ang laman, bukod sa condensed milk. May syrup ng mga nasabing prutas ang shaved iced niyon. At ang toppings ay marshmallows at avocado ice cream. May kamahalan 'yon kaya nag-expect siyang bibilib sa lasa.

"Maraming ganiyan sa Korea pero sana magustuhan mo pa rin 'yan," sabi ko.

"Hm..." kunyari siyang nag-isip. "In Korea, we call patbingsu or bingsu. Sa amin ay patbingsu lang ang meron, pat means red beans. Mahilig sina Maxpein at Maxrill doon." Ngumiti siya na para bang may naalala.

"Pero sa kabilang bansa, iba't ibang chopped fruits ang meron kaya bingsu lang kung tawagin nila, which means shaved ice."

Napabuntong-hininga ako. Kailan ba ako masasanay na taga-North Korea sila at hindi taga-South?

Abala kaming kumakain nang mag-ring ang cellphone ko. Si Celeste ang tumatawag. "Yes, hello?" sagot ko.

"Yaz, my friend! Nasaan ka na?"

Napabuntong-hininga. "Nasa mall lang."

"Pumunta ka na rito! Manonood kami ng movie!"

"Hindi ba't dinner time ang usapan?"

"Wala naman kasi kaming ginagawa so nagplano kaming manood na rin ng movie. Halika na!"

"Okay. Anyway, may kasama nga pala ako."

"Wow! Sino'ng kasama mo?"

Sinulyapan ko si Maxwell, abala pa rin siya sa kinakaing desserts. "Ipakikilala ko na lang pagdating namin diyan."

"We're all excited! See you!"

Hindi ko na siya sinagot, basta ko na lang ibinaba ang linya. Tumingin sa 'kin si Maxwell, nagkibit-balikat lang ako. "Gusto kong manghinayang kasi ito lang ang nagawa natin. Gusto ko sanang manood ng sine pero nagyayaya na si Celeste. Manonood daw ng movie sa kanila."

"Sure, no problem." Awtomatikong tumayo si Maxwell.

Hindi kalayuan sa location ng mall ang bahay nina Celeste. Gusto kong mainis nang i-text niya sa 'kin na "doon" pa rin daw sila nakatira. Naisip kong hindi naman kami close para matandaan ko ang bahay nila. Kaya sa huli ay hiningi ko pa rin ang address niya. Isang beses akong nagkamali ng itinurong street kay Maxwell bago namin natunton ang bahay nito.

Nag-doorbell ako at mayamaya lang ay lumabas na si Celeste. "My friend!" agad niyang bungad.

Awtomatiko akong niyakap ni Celeste, huli na para makaiwas ako. Tiningnan niya ako ng may paghanga ngunit hindi niya maitatago ang pagiging maldita sa maganda niyang mukha. Nasisiguro kong sa isip niya ay iniisa-isa niya nang hanapin ang mga maipupuna sa akin.

Pero lahat nang iyon ay nabura nang lumapit sa 'min si Maxwell at matuon dito ang paningin niya. Dumoble ang paghanga na mababasa sa mukha ni Celeste. Ilang segundo pa ay nasisiguro kong tutulo na ang laway niya sa pagkakatitig kay Maxwell.

"Celeste," inangkla ko ang kamay sa braso ni Maxwell. "Meet my boyfriend, Maxwell."

Palihim akong umismid nang ayusin pa ni Celeste ang buhok sa gilid ng kaniyang tainga bago inilahad ang kamay kay Maxwell.

"Hi, I'm Celeste, pleased to meet you."

Kaswal 'yong tinanggap ni Maxwell, walang kasing-iksi ang pakikipagkamay niya. "Maxwell Laurent del Valle," pagpapakilala niya.

Itinuon ni Celeste ang paningin sa 'kin, wala pa man ay parang sinasabi niya na sa 'kin kung gaano siyang gwapong-gwapo kay Maxwell. Ngumisi ako nang may pagmamalaki.

"Come in," sa wakas ay anyaya ni Celeste.

"So, Maxwell, what do you do?"

Psh! Bakit kaya hindi ako ang kumustahin niya?"He's a doctor," sa inis ay ako ang sumagot.

Nanlaki ang bibig sa pagkamangha ni Celeste. "Wow! Gaano na kayo katagal?"

"Kailan lang," sagot ko ulit.

Naramdaman ko nang kalasin ni Maxwell ang braso sa pagkakaangkla ko at ihapit 'yon sa bewang ko. Napalingon ako sa kaniya at saka ako ngumiti.

"Mga ka-chismis! Yaz is here!" anunsyo ni Celeste.

Bigla yata akong nahiya nang makita kung gaano karami ang taong naroon, bagaman lahat ay pamilyar sa 'kin. Siguro ay nasa beinte ang naroon, kasama na kami. Ang karamihan ay babae, apat lamang ang lalaki, panglima si Maxwell.

Isa-isa akong nakipagkumustahan sa kanila, ipinakilala ko rin si Maxwell nang paulit-ulit. Kaya sa huli, hindi lang si Celeste ang hindi maalis ang tingin dito. Halos lahat ng babaeng naroon ay titig na titig kay Maxwell. Bigla ay gusto ko yatang magsisi na isinama ko pa ito. Gayong kanina lang ay nasabi ko sa isip na gusto kong kainggitan ako ng mga babaeng makakakita sa amin sa mall.

"So, how are you? I heard you're a nurse now,"ani Marideth. Isa siya sa may pinakamagandang mukha noon sa aming klase. May anak na siya at kasama ngayon ang asawa. She's nice, I have nothing against her.

"Yeah, actually, nagwo-work ako sa hospital na pag-aari ni Maxwell," sabi ko. Muling namilog sa paghanga ang mga bibig nila.

"Wow," naisatinig ni Marideth ang paghanga. "Kailan ninyo planong magpakasal?"

"Kailan lang daw sila," si Celeste ang sumagot. "But if I were you, Yaz, my friend, yayayain ko na agad ng kasal uyang boyfriend mo. Baka maagaw pa."

"No, I'm not like that," natatawang ani Maxwell.

Sa itsura ni Celeste ay para bang natunaw ang puso niya sa sinabi ng aking boyfriend. Gusto kong umirap, kung hindi lang ganoon karami ang tutok sa amin.

"Bakit hindi pa nga kayo pakasal kung gano'n?"sabi naman ni Carolina, isa rin siya sa may magandang mukha noon. Silang dalawa ni Marideth ang pinakamaagang nakapagtrabaho bilang flight attendant sa batch namin. She's soon to be married.

"Walang sumasagot sa tawag ko, kaya pumasok na ako." Hindi pa man nakasasagot si Maxwell ay nangibabaw na ang pamilyar na tinig na 'yon ng lalaki.

Bigla ay natigilan ako at natuon sa kung saan ang paningin. Nanlamig ang mga kamay ko at sunod-sunod akong napalunok. Nag-alaala tuloy ako na baka maramdaman ni Maxwell iyon.

"Rem!" palahaw ni Celeste. "Oh, my gosh! You came!"

Hindi pa rin ako lumilingon. Naramdaman ko nang tingnan ako ni Maxwell. Nakangiti ko siyang nilingon.

"Are you okay?" tanong niya.

Shit! Gano'n talaga kabilis ang pakiramdam niya. Hawak niya ang kamay ko at magkadikit ang braso naming dalawa. Imposibleng walang reaksyon ang katawan kong hindi niya napansin.

"Yeah, I'm good," pabuntong-hininga kong tugon.

"Yaz, nandito si Rem!" ani Celeste, halatang nananadya.

"She's here?" dinig kong sabi ni Rem.

"I told you, she's coming," muling ani Celeste.

Awtomatiko akong tumayo. "Let's go," anyaya ko kay Maxwell, hindi ko pinansin ang gulat nito. Sa isip ay sinabi kong mamaya na lang ako magpapaliwanag.

"Oh, why?" ani Celeste. "Dahil ba nandito si Rem?"

Hindi ko magawang magdahilan. Gusto kong awayin si Celeste ngunit hindi iyon akma sa sitwasyon, ipapahiya ko lang ang sarili ko, maging si Maxwell. Pero pakiramdam ko ay kabastusang hindi sinabi sa 'kin ni Celeste na isa si Rem sa bisita. Kahit hindi siya siguradong darating ito, sana ay sinabi pa rin niyang isa ito sa mga imbitado. Nang sa gayon ay hindi na lang sana ako pumunta.

"Yaz, please, stay," sinserong pakiusap ni Marideth.

"Oo nga naman, Yaz," ani Carolina. "Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita."

"Masaya kami na makasama ka," may lungkot sa tinig ni Marideth.

"Besides, past is past, 'di ba, Yaz?" ani Celeste.

Inis ko siyang nilingon dahilan para mahagip din ng paningin ko si Rem. Sa isang sulyap ay nabasa ko ang gulat niya, at kung hindi ako nagkakamali ay naroon sa mga mata niya ang tuwa na muli akong makita.

Nakagat ko ang labi ko nang bitiwan ni Maxwell ang kamay ko at muling hapitin ang baywang ko. Napatingala ako sa kaniya, at gusto kong kilabutan sapagkat mababasa na ang pagiging territorial sa pagkakatiim ng bagang niya. Wala pa mang nalalaman ay nambabakod na.

Nakita ko nang sulyapan ni Rem ang kamay ni Maxwell bago salubungin ang tingin nito. Pakiramdam ko ay pinagpawisan ako nang magtitigan ang dalawa.

"Ipakilala mo naman si Rem kay Maxwell!" ani Celetse.

Inis ko uli siyang tiningnan. "Celeste, stop it,"nagbabanta ang tinig ko.

"Who's Maxwell?" tanong ni Rem, nagsalubong ang tingin namin. "A new friend?"

"Do I look like a friend?" may diin sa huling salita ni Maxwell.

"Who are you, then?" kaswal na tanong ni Rem ngunit mahihimigan doon ang angas.

Oh, shit! Napapikit ako sa kawalan ng magawa. Gusto kong hilahin na lang basta si Maxwell palayo pero paniguradong pati ito ay mababastusan kung gagawin ko 'yon. Pero ang tanong na 'yon...damn it!

Umangat ang gilid labi ni Maxwell, talagang hindi ko inalis ang tingin sa kaniya sa takot kong hindi niya nagustuhan ang tanong na 'yon ni Rem.

"I'm Maxwell Laurent del Valle," inilahad niya ang kamay. "I'm her boyfriend."

Tinanggap ni Rem ang pakikipagkamay. "Rembrandt," pagpapakilala nito. "I'm also her boyfriend."

Napapikit ako sa inis at namuong galit. Pero sa halip na gumawa ng eskadalo ay tila maiiyak ako. Bakit kailangang mangyari nito?

To be continued. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji