CHAPTER 24
CHAPTER 24
DINALA KO sa Pescador Island si Maxwell nang sumunod na araw. Gaya ng inaasahan ay hindi mabilang ang kislap sa mga mata niya dahil sa excitement. Masaya ako na gano'n ang reaction niya. May kung anong kiliti iyong idinudulot sa puso ko. Sinasabi ng isip ko na bukod sa kalikasan ay ako ang kaligayahan at pahinga ng taong 'to.
And yet...I'm hurting him.
Umiling ako. Ipinangako ko sa sarili kong ibubuhos ang lahat ng oras at emosyon para mapasaya si Maxwell. Para bumalik sa dati ang daloy ng pag-iisip ko. Ayaw kong mag-isip ng iba. Ayaw kong mas lumala ang lungkot at sakit na idinudulot ko sa kaniya. Kailangang maging normal ulit ang samahan naming dalawa.
"Madalas dito sina daddy, of course dahil sa negosyo naming sardines," natatawang sabi ko nang makababa kami.
Hindi kalakihan ang islang iyon. Parang isang tumpok lamang iyon nang malaking bato na natatakpan halos ng mga puno at iba't ibang halaman kung titingnan mula sa 'taas. Kulay berde ang tubig na siyang pinakamalapit sa isla. Ngunit ang sumunod doon ay purong asul na tubig ng buong karagatan. Iba't iba at daan-daang isda ang makikita sa ilalim niyon. Bukod sa makasaysayang kuweba na makikita rin sa kalaliman.
Tahimik na iginala ni Maxwell ang paningin. Naglakad-lakad siya at hindi maalis ang mga mata sa kalikasan. Napabuntong-hininga ako dahil hindi ko matandaan kung anong oras niya ako huling tiningnan.
Pero hindi ako sumuko. "Ang ibig sabihin ng Pescador ay fisherman," nakangiting sabi ko. "Spanish word 'yon," dagdag ko pa habang nakasunod sa kaniya.
Nagpatuloy sa paglalakad si Maxwell, hindi ako sinagot at hindi pa rin ako tinitingnan. Ang paningin niya ay naroon at naglilikot lang sa paligid.
Naglakad siya hanggang sa marating ay masukal na parte ng isla. Malulungkot na sana ako pero hindi nakaligtas sa atensyon ko ang maliliit na bagay na ginagawa pa rin niya. Hinawi niya ng paa ang malalaking tapak na bato at nakakalat na sanga ng kahoy sa lalakaran ko. Panay ang palihim na sulyap niya sa paanan ko, tila inaalam kung may matatapakan akong ikapapahamak ko.
Nang makarating kami sa gitna kung saan nakapalibot ang hindi-kilalang mga punongkahoy ay tumingala siya at pumikit. Nakangiti ko siyang pinagmasdan. Tila ninanamnam niya ang masarap na hangin at pakiramdam.
Lumapit ako at yumakap sa kaniya. "Ang sarap ng hangin, 'no? Wala masyadong tao kasi maaga pa. Mayamaya, paniguradong marami nang turista,"muli ay sabi ko.
Nagbaba siya ng tingin ngunit hindi nagsalubong ang mga mata namin. Nakagat ko ang aking labi nang mabasa ang lungkot niya. Marahan akong kumalas at idinaan na lang 'yon sa buntong-hininga.
Sa layo ng nilakad namin ay napadpad kami sa bandang dulo, kung saan alam kong napakalalim ng tubig. Malinaw man ay tanging ibabaw ang makikita sa parteng 'yon, hindi gaya sa ibang parte na makikita ang mga isda.
"Turtle point kung tawagin nila iyan, of course dahil maraming turles," muli ay sabi ko.
Napabuntong-hininga ulit ako dahil wala siyang tugon, hindi rin niya ako nilingon. Pakiramdam ko tuloy ay walang kasaysay-saysay ang sinasabi ko, na hindi siya interesado.
Psh! Kahit alam mo naman sa sarili mong natulog kayo nang hindi nagkakaayos kagabi, at 'yon ang dahilan kung bakit siya ganito ngayon, Yaz.
"Sayang, hindi tayo nagdala ng camera,"nakangusong sabi ko. "Sana ay nakapag-picture tayo together. Para na rin ma-capture mo 'yong moments and view while we're here. Para may babalikan tayong memories, para may mai-share tayo sa iba."
"I don't like taking pictures," sa wakas ay nagsalita siya. Sa gulat nga ay nalingon ko siya bigla.
Hindi siya tumingin sa 'kin. At bagaman nagsalita nga, wala namang kasinlamig ang tinig niya.
May kurot na idinulot sa 'kin ang tanawin siya. Ano't gano'n na lang ang lungkot na kumakawala sa kabuuan niya? Gusto kong pangiliran ng luha.
"When it comes to nature, human eyes are better than a camera. It can see more colors. Unlike cameras that needs some adjustments, like low light levels so picture can appear to have more color than what we remember."
Ang haba ng sinabi niya pero pakiramdam ko ay hindi ko nakuha ang pinupunto niya. Hindi naman ako nabigo nang umasa akong magpapaliwanag pa siya.
Dahil nagpatuloy siya. "Camera sees the world differently than our eyes. If it captures the moment, then my brain doesn't. It may capture the farthest view but not my emotions. I don't want to count on it to remember for me. I want to remember every little detail of what I have really seen and felt."
Napabuntong-hininga ako at nakaramdam ng pagkapahiya. Nanghinayang lang naman ako na wala kaming picture na makukuha, pero napakarami niyang sinabi at ang lalim pa ng mga dahilan niya.
Tinanaw niya ang pinakamalalayong parte ng lugar na maaabot ng mga mata niya. Naglalaan siya ng ilang segundo o minuto na para bang sinasaulo ang itsura ng mga iyon.
Gusto kong sabihin na ang mga lugar na 'yon ay makukunan ng camera pero hindi maaabot ng mga mata niya. Pero masyadong emosyonal si Maxwell nang sabihin ang mahahabang linya. Natatakot akong maasar siya kapag nagsalita pa ako ng hindi pagsang-ayon sa mga sinabi niya.
"Marami ring diving spots sa banda roon,"itinuro ko ang gawi ng Moalboal. "Mamaya ay pumunta tayo doon..." Hindi niya hinintay na tapusin ko ang sinasabi.
Muli ay naglakad siya papalayo, pabalik kung saan kami ibinaba ng mga tauhan. Ilang metro ang layo niyon at hindi pa man kami nakalalangoy ay hinahapo na ako.
Hinintay niya akong makalapit saka siya sumenyas sa tauhan na sasakay na muli kami sa bangka.
"Magda-dive na tayo?" nakangiti, excited na tanong ko.
"Mm," iyon lang at mas nag-iwas na siya ng tingin.
Hindi ba talaga niya ako titingnan maghapon?
Gusto kong manghinayang sa ganda ng pinili kong isuot para araw na 'to, knotted tank top at faded maong shorts.
Nang makalapit ang tauhan ay agad siyang pumanhik sa bangka. Ngumuso ako sa pag-aakalang tatalikuran niya na ako at pupuwesto kung saan siya naupo kanina. Pero nakagat ko ang labi ko nang wala man sa akin ang paningin, inilahad niya ang kamay sa akin.
Tinulungan niya akong sumakay at inalalayan ako hanggang sa makaupo. Saka siya pumuwesto sa parte niya ng bangka at isa-isang inilabas ang diving gear na gagamitin naming pareho.
Iniabot niya ang para sa akin nang hindi pa rin tumitingin. "Here," paulit-ulit niyang sinabi ang salita na 'yon habang iniisa-isa ang mga gear.
Sa inis ko ay basta na lang ako tumayo at hinubad ang knotted tank top ko. Sa ilalim niyon ay ang triangle top ng two-piece bikini ko. Sinadya kong pumustura sa gawing mapapansin niya.
Sa sobrang tutok sa ginagawa at pagpapapansin ay hindi ko namalayan ang paparating na malaking alon.
Ay, kigwa!
Halos masubsob ako, kung hindi pa ako masalo ng tauhan, nang balyahin ng alon ang bangka namin.
Napalingon agad ako kay Maxwell. Hindi nagbago ang ganda at prenteng pagkakaupo niya, magkakrus pa ang mga braso. Pero hindi nakaligtas sa 'kin ang mga mata niyang tinatalunton ang kamay ng tauhang nakahawak sa magkabilang braso ko, papunta sa braso ng tauhan, sa leeg, at hanggang sa marating ang paningin nito.
Napapalunok na bumitiw ang tauhan saka ako tinanguhan. Gusto kong matawa sa inis dahil parang kasalanan pa nitong tinulungan ako dahil sa masamang tingin ni Maxwell.
Nag-iwas agad ng tingin si Maxwell nang sulyapan ko. 'Ayun na naman ang lungkot niyang nagdudulot ng kirot sa dibdib ko. Paano ko ba siyang magagantihan nito kung ganitong parang siya ang pinakanagdurusa sa 'ming dalawa.
Huminto sa gitna ang bangka. Tumayo si Maxwell at kasabay niyang kumilos at nagbihis ang tauhan. Ako ay ikinakabit na lang ang ibang diving gear na kailangan ko at tapos na.
"Hindi ka naman takot sa isda, hindi gaya ng kapatid mo?" mayamaya ay tanong ko. "Maraming isda rito, iba't ibang klase. Maraming maliliit pero meron ding malalaki."
Niyaya ko ang lahat na sumama sa 'min dito. Pero nang sabihin ko pa lang ang diving ay awtomatiko nang tumanggi si Maxpein. Si Zarnaih naman ay napuyat kapapanood ng drama sa internet at pag-aalaga kay Zaydie kaya hindi sumama. Gustuhin mang sumama nina Deib Lohr at Lee, ayaw iwan ang kani-kanilang asawa.
"But you'll like the experience," dagdag ko. "Thousands of fish will swim with you."
Hindi na naman siya sumagot. Inabala lang niya ang sarili sa pagsusuot ng gears at nang matapos ay pumustura nang tatalon.
"Hindi mo 'ko hihintayin?" bigla ay angil ko.
Lumingon siya sa gawi ko nang hindi tinitingnan. "May makakasama ka naman," aniyang lumingon sa gawi ng tauhan bagaman hindi ito deretsang tiningnan. "Alisto pa." Iyon lang at inilubog na niya ang sarili sa tubig.
Inis kong nilingon ang tauhan. "Nagselos sa imuha akong uyab!"
"Sorry, ma'am," nagkamot ng ulo ang tauhan.
"Gamay na distansya, 'bay. Ayaw kaayo duol sa ako."
"Yes, ma'am."
"Siya ang bantayan mo. Mag-ingat ka dahil siya ang pinakamasungit sa lahi nila. Bukod do'n ayaw kong may mangyaring masama sa kaniya," mataray kong sabi. "Don't mind me. I can swim on my own."
Iyon lang at pabuntong-hininga na akong pumuwesto sa gilid ng bangka. Sinubukan kong tingnan mula sa ibabaw kung makikita ko si Maxwell, syempre, hindi ko siya nakita. Ilang saglit lang ay tumalon na rin ako at lumubog sa tubig.
May kung anong kaginhawahan sa katawan at pakiramdam, maging sa pag-iisip, na idinudulot ang dagat. Kahit anong sama ng loob ko, kahit anong lungkot at sakit ang maramdaman ko, nabubura sa t'wing naroon ako sa ilalim nito.
Walang anumang parte ng kalikasan ang maipagpapalit ko sa dagat. Iyon ang parte ng mundo na paborito ko. At ang taong kasama ko sa ilalim niyon ngayon ang paborito kong tao.
Nasa'n na 'yon?
Dahil sa dami ng isda ay hindi ko na makita si Maxwell. Natawa pa ako nang maisip na baka naging isa na sa mga isda ito at naging ganap nang sirena.
Malambot kumilos pero hari sa kama. Idinaan ko sa iling ang kalokohang naisip.
Talaga nga yatang hindi na mabubura sa isip ko ang trono. Hindi malaki ang katawan ni Maxwell, hindi rin naman payat. Ang muscles niya ay mas malaki lang kaysa normal, sapat ang pagkakabakat sa t'wing gumagalaw.
Mayroon siyang abs ngunit hindi iyon naghuhumiyaw ang porma na gaya ng sa iba. 'Yon 'yong abs na para bang nasa planong buuin pero kinulang sa oras ng ehersisyo kaya aapat na piraso.
Kung ikokompara ay napakaraming mas magaganda ang katawan kaysa sa kaniya. Pero wala pa akong nakikitang mas gwapo at matalino kaysa kay Maxwell. Sa paningin at isip ko, siya ang nangunguna.
Inabot ko ang pinakamalalim na kaya kong sisirin. Napapangiti ako sa t'wing may makikitang isda na noon ko lang yata nakita ang klase. Lalo akong natutuwa kapag may ilang turtles na akong nakakasamang lumangoy.
Ramdam ko ang pagod ng umahon ako, maging ang gutom ay pinanghihina na ako. Nagulat ako nang makitang naroon si Maxwell sa ibabaw ng bangka at panay ang gala ng tingin na para bang may hinahanap.
I'm here! Gusto kong matawa sa isiping ako ang hinahanap nito at nag-aalala na ito sa 'kin.
Napatunayan ko 'yon nang kumaway ako at nawala ang pag-aalala sa kabuuan ng mukha niya. Gaya kanina ay tinulungan niya akong umakyat sa bangka.
"Thank you," maarte kong sinabi nang halos madikit ang katawan ko sa kaniya. Sinalubong ko ang mga tingin niya ngunit halata ang kaniyang pag-iwas. "Nasarapan ka ba?" pabulong kong tanong, palihim na nakangisi.
"It's lunch time," mahinang aniya saka tumikhim.
Ngumuso ako nang iwan niya ako upang bumalik sa pwesto nang masigurong safe na ako sa kinatatayuan. Gaya kanina ay tahimik lang siya, magkakrus ang braso at kaliwa't kanang nililingon ang tanawin.
Kagat ko ang labi habang pinanonood ang buhok niyang liparin ng hangin. Wala siyang pang-itaas at lalong gumuwapo dahil sa itim na itim niyang Rayban. Mas dumiin ang pagkakakagat ko sa labi nang makita ang ilang piraso ng buhok sa bandang ibaba ng kaniyang tiyan.
Dumeretso kami sa five-star hotel na pag-aari namin sa lugar na iyon, at siya ring numero unong luxury hotel sa buong Cebu.
Inaasahan kong magugulat ang lahat dahil sa tagal ng panahon kong hindi nakapunta roon. Pero ako ang nagulat nang imbes sa akin ay si Maxwell ang umagaw ng lahat ng atensyon.
Psh.
Ano pa nga ba'ng aasahan ko? Karamihan sa mga trabahante ay babae. Imposible namang ganda ko pa rin ang hangaan nila gayong mayroong perpektong tao sa kanilang harapan.
Magkakrus ang braso kong sinuyod ng tingin ang mga empleyadong naroon sa information desk. Saka ko marahang inalis ang sunglasses ko at may nanunuyang tingin na lumapit.
"Miss," ngiti ng head manager.
"It's been a long time," mataray kong sabi, kilala ako sa pagiging mataray noon pa man.
Sadyang nagbago ako dahil sa kagagahang idinulot ng kabaliwan ko kay Maxwell. Naging mas mabait ako at nabawasan ang masamang ugali. Ngunit heto at sinisingil yata ako nito ngayon. Dahil kahit gusto kong dumikit si Maxwell sa 'kin at balewalain ang paghanga ng mga empleyado, kahit gusto kong ipagmalaki sa lahat ng babaeng naroon na ako ang girlfriend ng gwapong lalaking ito, hindi ko magawa. Dahil 'ayun ito at para bang pinagbibigyan ang paglalaway ng mga tao.
May kabagalan man ay naiabot din sa akin ang personal keycard ko. Dahil naitawag ko na ang pagpunta, nasisiguro kong nakahanda na ang suite ko para sa lunch naming dalawa.
Agaw kong hinubad ang suot ko malaiban sa two-piece nang makapasok kami. Kinuha ko ang towel at saka humarap kay Maxwell. Napangiti ako nang makitang bahagya siyang sumulyap sa gawi ko.
"I'll take a shower," mapakla kong sabi. "Mauna ka nang kumain if you want." Iyon lang at tinalikuran ko na siya.
Sinadya kong iwang bukas ang pinto. Binuksan ko ang hot water ng shower at agad na kumalat ang usok sa kabuuan niyon. Ang lamig na nagmumula sa aircon sa loob ng suite ang kumukundisyon sa init ng tubig.
Pumuwesto ako sa harap ng wooden single chair na naroon sa harap ng sink. Mula sa salaming naroon ay nakikita ko sa gilid ng mata ko si Maxwell na hindi man lang kumilos sa kinatatayuan kung saan ko siya iniwan.
Gamit ang isang kamay ay inalis ko ang pagkakabuhol ng top ko. Bahagya kong ibinaba ang bikini at hinubad ang parte sa kaliwang paa. Saka ko ipinatong ang kanang paa ko sa wooden chair at tuluyan iyong hinubad.
Saka ako dumeretso sa shower room at sinimulang maligo. Nag-pump ako ng shower gel sa loofah at saka 'yong pinadaan sa iba't ibang parte ng katawan ko.
Hindi pa man ako nagtatagal ay napangisi ako nang maramdaman ang paghakbang papasok ni Maxwell. Hindi ako lumingon, at sa halip ay paulit-ulit kong sinabon ang aking sarili. Nasisiguro kong hindi niya ako lubos na nakikita dahil bukod sa usok na nagmumula sa hot shower, smoked glass ang ang shower room.
Nilingon ko siya nang buksan niya ang pinto ng shower room. Pinigilan ko ang aking sarili ngunit hindi ako nagtagumpay na sulyapan ang kaniyang trono. Sulyap pa lang at nagkalokoloko na ang buong sistema ko.
"Join me," nakailang lunok ako upang hindi mautal sa pananalita.
Hindi siya nagsalita ngunit agad na sumunod. Bahagya akong tumabi at hinayaan siya sa ilalim ng shower panel. Nag-pump siya nang maraming beses ng shower gel sa kamay saka pinadaan 'yon mula sa buhok niya papunta sa katawan.
Nakagat ko ang labi ko nang humarap siya sa 'kin, tumalikod sa shower panel, at nakapikit tumingala upang salubungin ang tubig na nagmumula roon.
Sa tanang buhay ko, noon ko lang pinagsisihan ang may kalakihang espasyo ng shower room ko. Ngayon ko lang hinihiling na sana ay maliit na lang iyon nang sa gayon ay nagkakadikit ang katawan namin. Mahihirapan siyang iwasan ako kapag nagkataon.
Awtomatiko siyang umiiwas sa t'wing kikilos ako, sadyain ko mang kumilos ay tumatalikod siya dahilan upang iyon ang parte na madikitan ko. Paulit-ulit kong sinadyang madikit sa kaniya pero napagtatagumpayan niyang umiwas.
Kaya sa huli ay sinadya kong tumuwad sa maarteng paraan. Iyong magmumukha akong top model, iyong hindi mahahalatang ako ang naghahabol, iyong katawan niya ang maaapektuhan sa halip na ako. Sa ganoong posisyon ay nagpanggap akong sinasabon ang parte ng binti ko. Bagaman kakatwang naroon banda sa gawi niya nakaharap ang aking mukha.
Ngunit nangangalay na ang likod ko, wala pa rin siyang ginagawa. Sa inis ay muli akong humarap sa kaniya at sinabon nang marahan, paulit-ulit ang parte ng dibdib ko sa paraang nang-aakit at nasasarapan.
Ngunit... pastilan! Wala pa ring epekto!
Naitikom ko ang mga labi sa inis. Basta ko na lang tuloy sinabon ang sarili ko sa paraang matatapos na ang aking pagligo.
Pero siya naman ang naglaro. Napatitig ako sa kamay niyang sinasabon ang aapat na piraso at kinulang sa ehersisyo niyang abs. Unti-unti kong nakagat ang labi ko nang marahan iyong bumaba papunta sa trono at doon nagsabon nang nagsabon.
Napalunok ako nang ang paraan niya nang pagsasaboon doon ay paroo't parito, at hindi pa nakontento, bumibilis nang bumibilis 'yon!
Umawang ang labi ko at saka ako nag-angat ng tingin sa kaniya. Ngunit 'ayun at nakapikit siyang nakatingala sa shower panel na tila nasasarapan sa sariling ginagawa.
Nang akma akong lalapit ay bigla siyang huminto at tumalikod sa gawi ko. Nakagat kong muli ang labi ko ngunit ngayon ay dahil na sa panggigigil 'yon.
Agad akong tumungo nang muli siyang humarap sa 'kin, ayaw ipakita ang inis ko sa kaniya.
"I'm done," aniya saka dere-deretsong lumabas.
Sarkastiko akong natawa saka siya sinundan ng tingin. Gano'n, ha? Bantay ka lang, del Valle!
Tinapos ko ang pagligo. Nakaroba ako nang lumabas. 'Ayun siya at nakaupo sa kama at may librong binabasa. Nagbihis na ako't lahat sa harap niya pero hindi mawala roon ang kaniyang paningin.
"Let's eat," sabi ko nang makalapit.
"Kumain na 'ko," aniya saka inihiga sa kama ang sarili.
Umawang ang labi ko. "Hindi mo 'ko hinintay?"kunot-noo, naiinis kong singhal.
Bahagya siyang sumulyap sa gawi ko nang hindi ako tinitingnan sa mata. "Ang sabi mo ay kumain na ako kung gusto ko."
"Fine!" angil ko saka padabog na naupo sa harap ng may kahabaang table.
Napakaraming nakahanda at lahat 'yon ay maipagmamalaki ko sa buong Cebu dahil sa sarap. Ang top chef sa kabuuan ng aming lugar ay doon nagtatrabaho sa hotel namin.
Sinadya kong tagalan ang pagkain. Naiinis ako at ayaw ko siyang kausapin. Pero natigilan ako nang matapos ay nakita ko siyang mahimbing na natutulog sa kama. Plano ko pa naman sanang igala siya sa kabuuan ng lugar. Maganda ang resort namin, ang totoo ay isa 'yon sa dinarayo ng mga turista. Pero ayaw kong sirain ang pagpapahinga niya.
Matapos magpahinga at magsepilyo ay marahan akong nahiga sa tabi niya, iyong siguradong hindi ko masisira ang paghimbing niya. Saka ko pabuntong-hiningang pinagmasdan ang kaniyang mukha.
Nangiti ako nang makitang hindi nakakunot ang kaniyang noo. Natatandaan kong t'wing palihim ko siyang pagmamasdang matulog noon, gano'n ang kaniyang itsura. Napangiti rin ako nang makitang nakadapa siya at nakaharap sa akin ang mukha. Dati-rati kasi ay iisa lang ang posisyon niya, nakatihaya at nasa dibdib ang parehong kamay. Natutulog at gumigising siyang gano'n.
Naisip ko tuloy, posible kayang ako ang dahilan kung bakit hindi gano'n ang pagtulog niya? Napangiti ako sa pag-iisip na oo.
Nasira ang pagmamasid ko nang mag-ring ang cellphone ko, si Zarnaih ang tumatawag. Tinakpan ko ang speaker niyon upang hindi magising si Maxwell. Saka ako lumabas sa terrace para sagutin 'yon.
"Yes, Zarnaih?"
"Himala, wala kayong ginagawa?" natatawa niyang tanong.
I rolled my eyes in annoyance. "What is it?"
"Nandito si Celeste, 'yong kaibigan mong tsismosa," natatawang bulong niya.
"What is she doing there?"
"Akala siguro ay dito siya nakatira?" angil niya. "Duh? Malamang, kumalat na sa bayan na nakabalik ka na!"
"What does she want?" inis kong sabi. "Hindi pa kami makakauwi, natutulog pa si Maxwell. At plano ko pa siyang igala mamaya."
"Ayoko siyang kausapin, ate," asik niya. "Iisa 'yong tanong ko, bago ko malaman 'yong sagot niya naikwento na pati kabataan ng nanay niya. Ibibigay ko 'yong phone sa kaniya, kayo ang mag-usap." Gusto kong sabihin na napakarami rin niyang sinabi pero ayaw ko nang humaba ang usapan.
Sinulyapan ko si Maxwell at gusto kong manghinayang dahil hindi ko mapanood ang mahimbing niyang pagtulog.
"Zaimin, my friend!" patili, mahaba at excited na tawag ni Celeste sa kabilang linya.
Inis kong nailayo ang phone sa tenga ko upang huwag marindi. Saka napipiliting nakitawa sa kaniya. "Yes, what is it, Celeste?"
Muli akong nameke ng tawa. "'Eto, bukod sa maganda pa rin ay sobrang busy ko ngayon. Kaya matutuwa ako kung sasabihin mo na ang dahilan ng pagpunta mo sa bahay." Itinago ko sa pabirong tono ang pamamrangka.
"Siguro naman hindi ka na a-absent sa reunion natin? Tomorrow night na 'yon, and we're all expecting you. Ilang taon ka ring absent, Zaimin!"
Oh, how I hate to hear her say my first name. Hindi kami gano'n ka-close at talagang napaplastikan ako sa kaniya kaya wala akong nagawa kung hindi ang plastikin din siya.
Natatandaan ko kung paano akong i-bully ng kanilang barkada noong college days. Dahil lahat ng boyfriends nila ay nanligaw sa akin at hindi ako napasagot. Lahat din sila ay gustong bumarkada sa akin ngunit dahil kilala ang buo naming pamilya sa lugar. Pero bukod kay Katley ay wala akong naging kaibigan sa campus. Iyon nga lang ay magkaiba kami ng kurso. Tourism ako nang panahong 'yon habang si Katley ay Nursing student.
Bigla ay napaisip ako kung bakit hindi ko naalalang tawagan si Katley. Kung hindi pa ako tawagan nitong si Celeste ay hindi ko siya maaalala. Wala akong kwentang kaibigan.
"Are you still there, Zai?" tanong pa ni Celeste.
Napangiwi sabay irap ako nang marinig ang panibagong palayaw na ibinigay niya sa 'kin, na maski sinong myembro ng aming pamilya ay hindi nangahas na itawag sa 'kin.
"Aasahan ka namin tomorrow night, okay?"dagdag niya nang hindi pa rin ako sumagot.
Nasulyapan ko si Maxwell nang kumilos ito. "Fine, fine," pabuntong-hininga kong sagot "I'll be there."
Tumili si Celeste. "Great! So, we'll see you, then?"
"Yeah, sure, bye," iyon lang at ibinaba ko na ang linya.
Wala akong paki kung masamain niya iyon, kabastusan naman talagang babaan na lang siya ng linya. Ngunit talagang wala akong pakialam kay Celeste. Plastik siya at tsismosa.
Bahagya ulit akong nahiga sa tabi ni Maxwell. At nagulat ako nang nakapikit niya akong yakapin at basta na lang isiniksik sa akin ang sarili saka nagpatuloy sa pagtulog.
So fetch...
Natatawa man ay isiniksik ko na rin ang sarili sa kaniya hanggang sa makatulugan ko.
Hapon na nang magising kami. Hindi ko pa rin sinukuan ang plano kong igala siya sa kabuuan ng lugar at hindi ako nabigo nang makita ko ang paghanga sa mga mata niya.
"Don't get me wrong my brother will like it here," aniya mayamaya.
Gaya kaninang umaga, sa dami ng nasabi at naikwento ko ay noon lang siya nagsalita. Ganoon pa ang sinabi. Bagaman nag-warning siya ay nag-iba ang pakiramdam ko. Umasa akong matatapos ang araw na 'yon nang hindi niya babanggitin si sinuman maliban sa 'min. Pero 'ayun at binanggit pa rin niya si Maxrill.
"Kahit hindi niya sabihin, I know that he like building things. Building walls, building...whatever, basta everything that has something to do with building."
Natawa siya sa huli, ang paningin ay naroon sa magandang tanawin. Kung saan nagtatagpo ang pool at ang bangin.
"Just like me and Pein, he's responsible for our family's wealth." Bumuntong-hininga siya. "Sa 'ming tatlo, ako lang 'yong may responsibility na gusto ko."
"Bata pa lang ay pangarap mo nang maging doktor, sabi mo, nabanggit din ng parents mo,"nakangiti kong binalikan sa alaala ang mga kwento nina tito, tita at Mokz.
Maging si Chairman Moon ay kinukuwento sa akin noon kung gaano siya kadedikado sa pag-aaral para maging doktor. At nakita ko ang tagal ng panahon na inilaan niya para maging ganap na Doctor of Osteophatic Medicine bukod sa pagiging medical doctor. Naaalala kong nag-a-apply na ako ng trabaho noon bilang nurse nang matapos niya ang kinukuhang degree.
Marahil ay isang taon pa lang siyang physician at surgeon pero heto at siya ang pinakamahusay na doktor na kilala ko. Wala akong matandaang senior doctor na hindi humanga sa abilidad at talino ni Maxwell sa pinanggalingan kong hospital. Maging sa kabilang ospital, kung saan bumibisita lang siya ay pulos papuri ang nasasabi ng mga nakasama. Sa ospital na pag-aari niya ngayon, bukod sa pagtatrabaho ay nagtuturo pa siya sa mga doktor na nais sumunod sa yapak niya.
"Though it's not easy to be me, I'm enjoying every second of it. Unlike Maxrill and Pein,"malungkot siyang bumuntong-hininga. "Pinipilit gustuhin ang responsibility na ibinigay sa kanila. And they're both doing great." Noon lang siya ngumiti. "I'm proud of them." Sinabi niya iyon sa paraan na para bang kumakawala ang lahat ng emosyon niya.
Gusto ko na namang humanga dahil sa nakikitang paghanga at pagmamalaki ni Maxwell sa dalawang kapatid.
Nakangiti siyang tumingin sa 'kin, nabigla man ay ginantihan ko siya ng ngiti. "Si Maxpein ang pinakamahusay naming sundalo."
"Sundalo talaga?"
"Well, she's our...what do you call it?" umiiling, nag-iisip niyang tanong habang nakatingin pa rin sa 'kin. "Mandirigma?" halos mautal pa siya.
Nakangiti akong tumango. "Galing-galing,"tumatawa akong pumalakpak.
Mas lumawak ang pagkakangiti niya saka muling bumuntong-hininga. "At a very young age, marami namang business tycoon na threatened sa pagdating ni Maxrill sa business industry. Iba raw ang potential."
Nakangiti akong tumango. "Lahat kayo ay successful."
Nakangiti man ay hindi ko inaasahang iiling siya. "Not yet."
"Mm?"
"Sa aming tatlo, si Maxpein pa lang ang successful sa tingin ko."
"Bakit naman? Parang wala na ngang kulang sa 'yo."
"Ikaw ang kulang sa 'kin," hindi ko inaasahan ang sagot niya.
Nang muli ko siyang tingalain ay seryoso na siya ngunit ang lungkot ay naroon na naman sa kaniyang mata. Nag-aaalala ko siyang hinarap saka ako humakbang papalapit.
"Maxwell..." Nasasaktan kong sambit matapos makita ang bahagyang pangingilid ng luha sa mga mata niya.
Hindi ako makapaniwalang makikita ko 'yon. Kahit anong emosyonal ni Maxwell, kahit kailan ay hindi na ako aasang makikita ko siyang umiyak dahil sa 'kin. Hindi dahil hindi niya ako mahal, kundi dahil gano'n siya katapang. Pero ano at nakikita ko ang panghihina niya ngayon. Ayaw ko man ay masarap sa pakiramdam ko na ako ang dahilan niyon.
Umawang ang labi ko nang marahan siyang lumuhod at naglabas ng itim na kahita mula sa bulsa ng khaki shorts niya.
Natutop ko ng dalawang kamay ang bibig ko at naluluhang tumitig sa kaniya. Para akong baliw na naluluha habang tumatawa.
Natatawa rin siyang tumitig sa 'kin. "Relax, baby, it's not a ring."
Naluluha, natatawa akong sumimangot. Nakakabaliw ang pakiramdam. "Kahit ano pa 'yan, Maxwell...buong puso kong tatanggapin."
"It's a necklace," aniya. Marahan niya iyong binuksan at iniharap sa 'kin, ganoon talaga sa mga nagpo-propose! "But please..." emosyonal, lalong nangilid ang luha niyang sinabi. "Please choose me..." doon tuluyang tumulo ang luha niya, bagaman seryoso ay malungkot ang kaniyang mata.
Nanlambot ang mga tuhod ko at parang pinigia ang puso ko, tila ako ang nasaktan at paulit-ulit na nasasaktan para sa kaniya.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top