CHAPTER 22


CHAPTER 22

TATLONG ARAW ang mabilis na lumipas pero hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi at namagitan sa 'min ni Maxwell nang araw ng birthday ko, hanggang sa sumunod pang araw. Lahat ay malinaw pa sa isip ko at paulit-ulit kong binabalikan.

Umasa ako na magkasama pa kaming matutulog nang gabing magpunta kami sa Twin Lagoon at Kayangan Lake. Pero inihatid na ako ni Maxwell sa tinutuluyan ko kung saan nadatnan ko na roon si Zarnaih at pamilya nito. Kakatwang may panibagong bed na rin, ipinabili raw ni Maxwell noong mismong birthday ko. Para doon manatili sina Lee at Zarnaih, para may makasama ako.

Binigyan ako ng isang linggong leave ni Maxwell para tuluyang paghilumin ang kamay ko. Iyon kasi ang isa sa pinakagamit na gamit sa trabaho, lalo na sa area ko.

Narito kami ngayon sa hotel ng mga del Valle. Ipinasundo kami ni Tita Maze kaninang umaga para dito mananghalian at maghapunan. Kasalukuyan kaming naroon sa restaurant at kumakain. Gaya ng dati, napuno ang lugar ng kwentuhan, asaran, tawanan at kantahan. Hindi na yata talaga magbabago 'yon basta kasama ko ang karamihan sa mga narito.

"Good evening," nagulat ang lahat nang mangibabaw ang boses ni Maxwell, lalo na ako.

Sa tuwa nga ay napatayo ako at nakangiting tinanaw ang paglapit niya. Lalo pa akong napangiti nang lumapit siya at humalik sa gilid ng labi at sentido ko. Na kung tutuusin ay kaswal lang naman pero sadyang iba ang epekto sa 'kin. Hindi ko lang talaga inaasahan. Bukod kasi sa nasanay akong ginagawa niya 'yon sa mga magulang niya, maaari niya naman akong isunod matapos niyang humalik samga ito.

"I love you," isang mabilis na bulong niya pa bago lumapit kina Tita Maze at Tito More upang humalik.

Nakagat ko ang labi ko saka nagpipigil ng ngiting naupo.

"Kuyaw," nang-aasar na ani Zarnaih. Pero dahil sa kilig ay tawa ang naisagot ko sa kaniya. "Lami?" dagdag niya. Nagpipigil ng kilig akong tumango-tango.

Lalo ko pang nakagat ang aking labi nang magkusang tumayo si Maxpein at ibigay ang silya kay Maxwell. Tumayo naman si Deib Lohr at ibinigay rin ang sariling silya sa asawa saka kumuha ng panibagong silya.

"Pakidalhan si Maxwell ng bagong plate, make sure it's clean," dinig kong sabi ni Tita Maze sa server.

Hindi lang kasi metikuloso at maarte ang anak niya, sakit na nito ang pagiging malinis. Marahil ay dahil isa itong doktor. Iyon nga lang, hindi ang lahat ay maiintindihan si Maxwell. Gaya ko, noong hindi pa ako nag-aaral ng Nursing, kaartehan ang tingin ko sa ganoong ugali niya. Pero nang magtrabaho na ako sa ospital, kahit malinis ang plate sa harap ko, nililinis ko pa rin.

"Where is Maxrill Won?" tanong ni Mokz.

Nakangiwing nagkibit-balikat si Maxwell. "He's extrabusy today, tons of supplies and materials were delivered, I guess."

"And where are his people?"

"What do you mean people?"

"Who's helping him with everything?"

"Himself," tumawa si Maxwell. "That dude doesn't want anyone around him, well, maliban kay Yaz."

Natitigilan akong napalingon sa kaniya at nakamot ang tenga.

"Wala pa rin siyang assistant?" tanong ni Maxpein.

Umiling si Maxwell. "Good thing he has his own cook in our cafeteria, kumakain siya sa tamang oras," buntong-hininga ni Maxwell. Gusto kong magulat sapagkat noon ko lang nalamang may sariling cook si Maxrill sa cafeteria.

"I'll take care of it," ani Tito More. Gusto ko na namang humanga sa klase ng relasyon meron ang bawat isa sa pamilyang ito.

"Hey," kinalabit ni Maxwell ang siko ko.

"Ha?" pinigilan ko ang mga ngiti ko.

Kaswal siyang tumitig sa 'kin pero 'ayun at nangingiti na naman ako. Ano ba, self? "'Buti nakarating ka?" 'yon na lang ang sinabi ko. "Nasa'n si Keziah?" sabi ko na hinanap pa kunyari ito.

"Nasa hospital, iniwan ko sa kaniya ang mga pasyente ko. I'm hungry," aniya na ang paningin ay nakatuon na agad doon sa mga pagkain.

Awtomatiko akong kumilos. "Anong gusto mo?" tanong ko.

Wala lang naman sana 'yon pero nilingon niya ako at tinitigan. May kung ano sa mga tingin 'yon na nagdudulot sa isip ko ng kung anong kahulugan.

Me? Sa sariling kahihiyan ay umiling ako na para bang mabubura no'n ang naisip ko.

Bigla ay kinuha niya ang fork na gamit ko at basta na lang tinuhog at isinubo ang piraso ng steak na naroon sa plate ko. Nakangiwi siyang tumango-tango na para bang sinasabing sapat lang ang pagkakaluto no'n, gayong kaming mga naroon ay sarap na sarap na. Nabigla na naman ako nang kunin niya ang wine glass ko. Isinenyas niya sa 'kin 'yon, hindi ko alam kung tinatanong ba niya sa ganoong paraan kung akin iyon o nagpapaalam na iinom siya doon. Basta na lang akong tumango.

Sa gulat ay napatitig ako sa kaniya. Pinanood ko ang paglapat ng labi niya sa wine glass ko at paglagok niya sa laman niyon. Maging ang buto sa lalamunin niya ay pinanood kong gumalaw-galaw. Masyado naman siyang tutok sa sinasabi ng kaniyang lolo at ama, panay ang tawa, kaya nakangiti ko na lang siyang pinagmasdan.

Sino ba naman ang hindi bibigay sa ganito kagwapong nilalang?

Paano kayang nangyaring ang isang nakakapagod na araw ay hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan niya? Kung hindi ako magre-retouch sa trabaho ay paniguradong matu-turn off sa 'kin 'to kapag nakita ako after shift. Samantalang siya, walang effort sa katawan, 'ayun at mukha pa ring fresh. Hindi ko alam kung paano ba nitong ipinaliligo ang pabango, tila hindi man lang nawawala ang amoy niyon.

Siguro nga ay sadyang hahangaan mo ang lahat-lahat sa isang taong mahal mo. Wala kang makikitang mali, sa halip, lahat ay pupurihin mo, maging iyong kaliit-liitang bagay.

Tiningnan ko siya mula sa bagsak at itim na itim niyang buhok. Halos matakpan na no'n ang tila iginuhit niyang kilay, perpekto ang pagkakakalat. Isa sa pinakagusto kong pagmasdan ay ang mga mata niya. Natatawa ako sa t'wing maaalala ko na noon ay parang dadalawa lang ang nababasa ko ro'n, tuwa at inis. Parati kasi ay iniisip kong naiinis siya sa 'kin noon. Hindi ko iyon kinakikitaan ng lungkot at galak. Pero ngayon ay iba't ibang kislap na ang nakikita ko ro'n, maging ang lungkot at galak ay nababasa ako na sa mga mata niya.

Paborito ko na rin yata ang matangos niyang ilong at tila inukit niyang mga labi. Sa ilang beses na gumising akong katabi siya, ang mga iyon ang nagpapangiti sa 'kin sa t'wing panonoorin siya.

Para kang panaginip na hindi na ako hinayaang gumising. Pangarap ka na nakamit ko matapos ang napakaraming paghihirap. Mahal na mahal kita pero hindi ako umasang mamahalin mo pabalik.

Bata pa lang ay alam ko nang maganda ako. Bukod kasi sa maraming nagsasabi ay araw-araw kong nakikita sa salamin 'yon. Pero mula nang makilala ko ang lalaking 'to, napakaraming pagkakataon na kinuwestyon ko ang itsura ko. Paulit-ulit kong iniisip kung ano ang tingin niya sa 'kin, kung ano ang nasasabi niya sa 'kin. Parati na lang ay gusto kong magmukhang maganda at presentable sa kaniya, gusto kong magmukhang magaling, matalino, lahat na.

Napakaraming beses na sumubok akong baguhin ang sarili ko. Mula sa pagiging maingay, naging tahimik ako. Mula sa pagiging balahura ay nagpakamahinhin ako. Mula sa pagiging bulgar sa pananamit ay sinikap kong maging pormal.

Pero mas napapansin niya talaga ako sa kung sino ako. Kaya sa huli ay mas pinili kong magpakatotoo kaysa magpanggap sa pagkataong hindi niya naman talaga kilala.

"Randall!" Natigil ang pag-iisip ko sa malakas na pagtawag ni Maxwell sa kaibigan.

Grabe...pati boses niya, gwapo! Hindi pa rin maalis ang pagtitig at pagpapantasya ko kay Maxwell. Nakakahiya kung mapapansin niya ang ganitong kabaliwan ko dahil 'ayun at tutok ako sa mukha niya habang tanaw niya ang kaibigan.

Lumapit si Randall dito. "D," anito. Nag-usap ang dalawa ngunit dahil sa kabaliwan ko, wala akong narinig. "Why, are you going somewhere?" noon lang bumalik ang pandinig at katinuan ko.

Napatitig ako kay Maxwell. Aalis siya?Napatingala ako kay Randall pero sinalubong niya ako ng tatawa-tawang tingin.

"Titig na titig kay Maxwell," tukso at pang-aasar niya. "Seriously? Hahaha!"

Napangiwi ako sa inis. "Psh!" Pagtingin kong muli kay Maxwell ay nakangisi na siya sa 'kin, nang-aasar din. Sinimangutan ko siya saka kinuha mula sa server ang plate na inabot nito.

Ako na ang nagpunas sa plate. Nilagyan ko iyon ng steak at brocolli. Kumuha ako ng cup ng mashed potato saka itinabi sa plato niya.

"Dad," baling ni Maxwell paharap. "I'll take a week off. Randall and Keziah will take over my position in the hospital while I'm away."

"Are you going somewhere?" tanong ni Tito More.

Ngumiti si Maxwell saka lumingon sa 'kin. Umawang ang labi ko nang kunin niya ang kamay ko at ipatong iyon sa ibabaw ng mesa.

"We'll go to Cebu," anunsyo ni Maxwell. Napalingon sa kaniya ang lahat ng nasa mesa. Maliban sa mga kaibigan naming abala sa kantahan at kasiyahan.

Pareho kami ni Zarnaih na napatitig kay Maxwell, hindi makapaniwala.

"I want to meet Yaz's parents," dagdag ni Maxwell.

"Well, that's good!" nakangiti sa gulat, natutuwang ani Tito More.

"Can we come?" excited na tanong ni Tita Maze, parang hinaplos sa tuwa ang puso ko. "I would love to meet your parents, Yaz."

Nangilid bigla ang mga luha ko pero pinigilan ko 'yon. Umaapaw sa tuwa ang puso ko nang lingunin ko si Maxwell. Nakangiti siya sa 'kin.

"Everything's okay now. We'll visit your parents," sabi niya sa 'kin. Sa kawalan ng masasabi ay nayakap ko si Maxwell.

"OA naman neto," 'ayun na naman ang nang-aasar na boses ni Zarnaih. "Gusto lang makilala ang parents mo, ate. 'Wag kang mag-assume na may pamamanhikan nang magaganap."

Inis ko siyang nilingon. "Manahimik ka nga,"sinamaan ko siya ng tingin pero pareho kaming natawa. "Luka-luka ka."

Hindi na nawala pa ang tuwa ko. Bigay na bigay kong inasikaso si Maxwell sa pagkain niya. Inaabutan ko siya ng iba't ibang inumin na halos tanggihan niya na ang iba dahil sa kabusugan. Kahanga-hangang lahat 'yon ay nagawa ko habang magkahawak ang kamay naming dalawa.

"Yaz, kanta ka naman!" ani Dein Leigh.

"Oo nga," buyo ni Randall. "Magkalas naman kayo ng kamay! Hindi naman kayo maghihiwalay!"

"Magkakasawaan kayo niyan, sige," asar din ni Dein Leigh.

"Go ahead and sing for me," ani Maxwell pero hawak pa rin ang kamay ko.

Noon lang ako nahiyang kumanta sa harap niya. Gayong noon, kahit anong genre ng kanta, masakit o masaya man ang meaning, idine-dedicate kong pilit sa kaniya. Ngayon ay para bang wala akong malamang kanta, tila nalimutan ko ang lahat ng lyrics na alam ko dahil sa hiya.

"Anong kakantahin ko?" nahihiya, maarte kong tanong.

"Bakit!" ani Tob.

"Anong bakit?"

"Tanong ko sa 'yo, oh, bakit?" bigla ay kinanta niya ang linya ng kanta. Nagtawanan ang lahat. "Ba't nagtitiis, oh, bakit?" tatawa-tawa siyang lumingon sa kaibigan na tawa rin nang tawa.

Sinimangutan ko siya saka tinaasan ng kilay. Kinuha ko ang mikropono at napangiti sa kasunod na kantang naroon sa monitor ng TV sa ibabang bahagi ng mababang stage.

'Di biro ang sumulat ng awitin para sa 'yo

Para akong sira-ulong hilo at lito

Sa akin pang minanang piano,

Tiklado'y pilit nilaro

Baka-sakaling merong tono,

Bigla na lang umusbong...

Sa unang linya pa lang ay nagpalakpakan na ang mga kaibigan ko. Bagaman nahihirapan sa tono niyon ay para bang puso ko ang kumanta niyon. Bawat salitang inaawit ko ay hindi panawan ng ngiti ang aking labi.

Araw, gabi...

Nasa isip ka, napapanaginip ka,

Kahit sa'n magpunta

Araw, gabi...

Nalalasing sa tuwa

Kapag kapiling ka,

Araw, gabi, tayong dalawa...

Napatingin ako kay Maxwell, gano'n na lang ang pagtutok niya sa 'kin. Gusto kong maiyak sa tuwa, wala akong matandaang sandali na tiningnan niya ako nang ganoon habang kumakanta.

Araw, gabi, tayong dalawa... Sa t'wing kakantahin ko ang linyang 'yon ay tumitingin ako sa kaniya. Pakiramdam ko ay walang linya sa kantang inalis niya ang paningin sa 'kin.

Nagpalakpakan ang mga naroon nang matapos ko ang kanta, maliban sa kaniya. Titig na titig niya akong pinagmasdan hanggang sa makabalik sa tabi niya.

"Hindi mo man lang ako pinalakpakan?"nakanguso kunyaring sabi ko.

"Halik ang gusto ko," aniya saka walang ano-ano'y sinunggaban nga ang labi ko.

"Grabe imong uyab, 'oy, PDA," bulong ni Zarnaih. Palihim ko siyang tinapik sa tabi ko.

Halos abutin na naman ng oras ng pagtulog ang simpleng hapunang iyon. Gano'n na yata talaga kaming lahat kapag magkakasama. Isa ako sa mga huling lumabas nang makita ko sina Tita Maze, Tito More, Mokz at Maxpein sa gilid ng lobby at nag-uusap.

Nakangiti na sana akong lalapit nang marinig kong magsalita si Tita Maze. "Please consider talking to your brother, Maxwell. He needs to know your plans. We are meeting your girlfriend's family and we both know how far this can go."

"He can come, mom," kaswal na ani Maxwell.

"Maxwell," seryoso ang tinig ni Maxpein. "May gusto si Maxrill sa girlfriend mo, hindi mo ba naiintindihan 'yon?"

"Gusto naming ipaalam mo kay Maxrill ang mga plano mo dahil ayaw naming masaktan siya, anak," sabi naman ni Tito More.

Sa sinabi niya ay bigla akong napatago sa likod ng pader. Bigla akong kinabahan, at parang maiiyak. Hinid na dapat ako nagtataka pero itinatanong ko pa rin sa isip kung paanong nalaman ng pamilyang Moon ang nararamdaman sa akin ni Maxrill. Ganoon ba talaga 'yon ka-obvious? Na ayaw ko lang talagang tingnan kaya pilit kong naide-deny?

Namomroblema akong nakikinig sa usapan ng iba nang maharapan ko si Maxrill. Deretso na siyang nakatingin sa 'kin.

Napalunok ako at bigla ay nailang na salubungin ang mga titig niya. "Maxrill..." sabi ko na nakababa na ang tingin.

"Kumain ka na?" seryosong tanong niya, pantay na pantay ang pananalita.

Napalunok muli ako tumango. "Kanina pa. Ik" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang talikuran niya ako bigla. Basta niya na lang binitiwan sa mesa ang dala niyang paperbag at nakapamulsang lumabas sa kabilang exit ng restaurant.

Napalingon ako sa kinaroroonan ng iba pang Moon pero wala na roon ang mga ito. Pero sa halip na lumabas ay lumapit ako sa paperbag na iniwan ni Maxrill. Napabuntong-hininga ako ng makitang pagkain ang laman niyon, mainit pa.

Maxrill... Nasundan ko ng tingin ang pinanggalingan niya saka ako malungkot na nagbaba ng tingin sa paperbag.

"Yaz," nangibabaw ang tinig ni Maxwell sa likuran ko. "I'll take you home."

"Okay," naiilang akong ngumiti.

Napatitig ako sa paperbag at biglang nalito kung kukunin ba iyon o iiwan na lang doon.

"What's that?" tanong niya nang mapansin iyon.

Awtomatiko kong naitago ang paperbag sa likuran ko. Tumitig naman si Maxwell sa 'kin at saka marahang lumapit nang hindi ako makasagot.

"What's this?" tanong niya habang kinukuha ang paperbag na pilit kong itinago sa likuran ko. "Baby, what's this?" mahinang tanong niya nang tuluyan nang makuha 'yon.

Nagbaba ako ng tingin at hindi nakasagot. Pinanood ko siyang buksan at tingnan ang nasa loob niyon.

"Who gave you this?" tanong niya.

"Si..." hindi masabi.

"My brother?" kaswal niyang sabi. Nagbaba lang ako ng tingin. Hindi ko inaasahang hahaplusin niya ang buhok ko. "He's taking good care of you, huh?"

Napaangat ako ng tingin sa kaniya, maganda ang ngiti niya pero hindi ko makita 'yon sa mga mata niya.

"I didn't ask him to..." mahina kong sagot.

"It's okay," aniya saka niyakap ako. "Do you want to eat this here or sa bahay mo na lang?"

Kumalas ako at tumingin sa kaniya. Tinitigan ko siya, inaalam kung ano talaga ang reaksyon niya. "Ayos lang sa 'yo kung kakainin ko 'yan?"

Tipid siyang ngumiti saka tumango. "Of course, it's okay."

"Hindi ka magseselos?"

Matagal siyang tumitig sa 'kin saka pinilit na ngumiti. "Hindi."

Tahimik akong bumuntong-hininga saka sinabing sa bahay na lang 'yon kakainin. Na masasayang lang 'yon kung hindi makakain.

Sandali kaming nagpaalam saka kami inihatid ni Maxwell sa bahay. Dumeretso na sa kwarto sina Lee, Naih at anak habang kami ni Maxwell ay naiwan sa kusina.

Ipinaghanda ako ni Maxwell. Isinalin niya sa mangkok ang lugaw at sa platito namana ng lumpiang toge at suka. Pinanood niya akong tikman iyon.

"Ang sarap," nakangiting sabi ko. Nawala ang ngiting 'yon nang makitang pilit ang ngiti niya.

"Lugaw o ako?" malungkot niyang tanong.

Parang kinurot ang puso ko. "Maxwell..."

Pilit uli siyang ngumiti. "Just kidding."

Hindi ko na tuloy malaman kung itutuloy pa ang pagkain niyon. Parang bigla ay nawala ang gana kong kainin 'yon. Kanina ay sigurado akong busog na busog na ako, dahil katabi at kasama ko si Maxwell ay walang hinto sa pagkain ang bibig ko. At lahat ng nakahain kaninang dinner ay karne at gulay na talagang mabigat sa tiyan.

"Maxwell," hinawakan ko ang kamay niya.

"Mm?"

"You're jealous," mahinang sabi ko.

"Yeah, but I can't do anything about it. I guess it's a natural feeling."

"I can just...throw this away," sabi ko habang nakatingin sa lugaw.

Ngumiti muli siya, sa matamlay na paraan. "Don't. I'll wait for you to finish it and I'll go back to the hospital."

"Akala ko ay si Keziah na ang bahala sa patients mo?"

"May kailangan akong i-monitor na pasyente hanggang 4:00AM. Kailangan kong bumalik. I can't stay here, too."

"Makakatulog ka pa ba no'n?"

Nakangiti siyang tumango. "Pwede naman ako matulog kahit saan."

Sandali kaming natahimik. "When do you plan to go to Cebu?"

Tumingin siya sa magkahawak naming kamay. "Bukas sana," bumuntong-hininga siya. "But my parents talked to me. I need to talk to Maxrill first," muli pa siyang bumuntong-hininga.

Napatitig ako sa kaniya pero hindi niya sinalubong ang tingin ko.

"Would that be fine with you?" tanong niya.

"Of course," awtomatikong sagot ko. "Hindi naman ako nagmamadali. Saka...concerned din ako kay...Maxrill."

"He likes you," mahinang sabi niya. "He's in love with you, too."

Hindi ako nakasagot. Gusto kong itanong kung paano niyang nahalata 'yon. Pero hindi ko na yata kailangang tanungin, halata si Maxrill at hindi naman nito itinatago 'yon.

"I'll tell him we're going to meet your parents," patuloy niya. "That I'm going to introduce myself as your boyrfriend."

Hindi pa rin ako nakapagsalita. Panay lang ang titig ko sa kamay naming magkahawak. Panay ang haplos niya sa kamay ko habang ako ay hindi maintindihan ang iisipin at sasabihin, ni hindi ko magawang gantihan ang mga haplos niya sa kalutangan.

"I don't want to hurt my brother," bigla ay sabi niya. "That's the least thing that I would do," mahihimigan ang paghihirap sa boses niya.

Napakarami niyang sinabi pero naubusan ako ng maisasagot. Nag-iisip ako pero hindi ko matukoy kung ano-anong nilalaman ng isip ko.

"I love you, Yaz," bulong niya, ang paninign ay naroon pa rin sa mga kamay naming magkahawak. "And I hope you're not confused between me and my brother."

Nagugulat akong napatitig sa kaniya. "Maxwell?" doon lang ako nakapagsalita.

Tumitig siya nang matagal sa 'kin, para bang inaalam kung ano ang nararamdaman ko sa sandaling iyon.

Napailing siya. "I'm sorry."

"Of course, I'm not. Ikaw ang mahal ko."

Nag-angat siya ng tingin at tumitig sa 'kin. "I believe you." Tumayo siya at lumapit sa 'kin saka ako niyakap nang mahigpit. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya.

"Maxwell..." mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya.

"Please don't hurt me," malungkot ang tinig niyang sinabi.

"I won't," puno ng pag-aalala kong sabi. "I promise..."

Naramdaman ko nang yumuko siya sa balikat ko at hinigpital pa ang pagkakayakap sa 'kin. Hindi ko maipaliwanag ang kaba niya. Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko. Paulit-ulit kong kinukumbinsi ang sarili kong hindi ako nalilito, na si Maxwell nga ang mahal ko.

Pero bakit ganito ang epekto sa 'kin ng katotohanang masasaktan si Maxrill sa ganitong relasyon namin?

Muling dumaan ang dalawang magkasunod na araw. Araw-araw ay sinusundo kami at inihahatid upang makasama ang mga kaibigan namin sa hotel ng mga Del Valle. Sumasadya naman si Maxwell para doon kumain at magkita kami.

Sa loob naman ng mga araw na 'yon ay hindi ko nakita si Maxrill. Parati siyang hinahanap ng mga magulang niya pero paulit-ulit sinasabi ni Maxwell na busy ito. Paniguradong hindi lang ako ang nag-iisip na sinasadya nitong hindi sumabay sa 'min. Hindi ko rin mapigilang isipin na ayaw lamang nitong makita kami ni Maxwell na magkasama.

Gusto kong manibago sapagkat noon ay si Maxwell ang walang oras sa 'kin at siya ang madalas kong makita. Ngayon ay nagkabaliktad na.

"Everything's prepared," nakangiting ani Maxwell isang gabing ihatid kami pauwi nina Zarnaih. "Tomorrow morning, I'll pick you up and we'll fly to Cebu."

Nagliwanag ang mukha ko at napayakap sa kaniya. "Thank you."

"Thank you?" natatawang tanong niya. "I'm expecting an I love you."

Natatawa akong kumalas at humarap sa kaniya. "I love you!" hinalikan ko ang labi niya.

"How's your hand?" kinuha niya at tiningnan 'yon.

"Pwede na uling gamitin."

Nakangiwi siyang tumango. "Tingnan natin."

Natawa ako. "Ano na namang iniisip mo?"

"Nothing."

"Hmm..." binigyan ko siya ng lokong tingin.

Humalakhak siya. "Don't look at me like that, kung ayaw mong doon matulog sa bahay ko tonight."

Inilagay ko ang baba ko sa balikat niya. "Paano kung gusto ko?"

Nilingon niya ako. "Hindi kita pipigilan,"bulong niya saka hinalikan ang tungko ng ilong ko.

"Mm, sasama ba si Maxrill?" mayamaya ay tanong ko.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Maxwell. "He's not coming with us."

Sandali akong natigilan saka napilitang ngumiti. "Busy siguro siya." Pinilit kong magmukhang totoo ang ngiti sa labi ko. "Sayang, masasarap pa naman ang specialties ng Cebu, ipatitikim ko sana sa kaniya."

"Pwede mo namang ipatikim sa 'kin," pilit ang ngiting aniya, wala sa akin ang tingin.

Bigla akong natigilan at napatitig kay Maxwell. Nangapa ako ng sasabihin. Sa isip ay hinihiling kong sana ay hindi niya minasama ang sinabi ko.

"I didn't mean anything, Maxwell," sabi ko.

Pinilit niyang ngumiti ngunit iba na ang sinabi. "Ihatid na kita sa 'taas."

Tango lang ang isinagot ko. Gusto kong pagsisihan na binanggit ko pa si Maxrill. Pakiramdam ko ay iyon ang dahilan ng nakakailang na pananahimik ni Maxwell ngayon. Wala akong mabasang reaksyon sa mukha niya habang naglalakad. Ngayong nasa elevator naman ay deretso lang sa pinto ang tingin niya.

Nagsalita lang siya nang naroon na kami sa harap ng pinto ng unit ko. "I'll see you tomorrow." Hinalikan niya ako sa noo.

Nakatingala ko siyang tinitigan. Matamlay siyang ngumiti sa 'kin. "I love you, Maxwell."

"I love you, too." Sinakop niya ang labi ko matapos sabihin 'yon.

'Yon 'yung halik niya na paborito ko. 'Yong banayad at malumanay, 'yong nagdudulot ng halo-halong pakiramdam, 'yong may halo-halong emosyon.

"Good night," aniya matapos bitiwan ang labi ko.

"Matulog ka, ha?"

"I hope so."

"Matulog ka."

"I'm excited for tomorrow, baka hindi ako makatulog."

Natawa ako. "Matulog ka."

"Makakatulog lang ako kapag ikaw ang kasama ko."

"Please?" nakangiti kong sabi. "Iilan lang ang kwarto sa bahay namin, kaya may chance na doon ka matulog sa room ko." Natawa kaming pareho.

"Babalik na ako sa trabaho."

"Galingan mo."

"I love you," minsan pa niya akong hinalikan sa labi at pinanood na pumasok sa bahay.

Panay ang pag-iisip ko habang naliligo at nagbibihis. Ngayon pa lang ay iniisip ko na kung anong sasabihin nina mommy't daddy oras na malaman nilang kami na ni Maxwell. Kilala naman nila si Maxwell, alam na rin ng mga itong baliw na baliw ako sa kaniya. Pero excited akong malaman ng mga ito na kami na.

Ini-lock ko ang sliding door sa terrace at saka ako nahiga sa couch. Iniyakap ko ang comforter sa 'kin, wala pa man kasi ay giniginaw na ako sa lakas ng air conditioner.

Ilang sandali na ang lumilipas, nasisiguro kong lumalalim na ang gabi. Pero 'ayun at nakamulat pa rin ako at hindi matukoy kung saan naglalayag ang isip ko. Pero lahat 'yon ay nabura nang marinig ko ang magkakasuod na tahol ng aso.

Napasulyap ako sa terrace. Hee Yong...

Dali-dali akong bumangon at lumabas doon. Hindi nga ako nagkamali nang makita ko si Hee Yong matapos kong dumungaw sa 'baba.

Nakatali ito at tila kinakaladkad si Maxrill na nood naman ay parang tamad na tamad maglakad.

Ngali-ngali akong pumasok at kumuha ng maitatabing sa katawan ko, saka ako tuwang-tuwang bumaba.

"Psst!" mahinang sabi ko. Awtomatikong lumingon sa gabi ko si Hee Yong. Nagkakawag ang buntot nito at gustong kumawala sa kaniyang amo.

Nakita ko nang lumingon si Maxrill sa gawi ko at pabuntong-hiningang pinakawalan si Hee Yong. Nagtatakbo ang aso sa 'kin, halos mapaupo ako sa lupa sa sobrang pagtawa. Pakiramdam ko ay kaytagal ko silang hindi nakita.

"Did you miss me?" natatawa pa ring sabi ko sa aso. Nakita ko nang lumapit si Maxrill sa gawi namin.

"Hee Yong let's go," anyaya ni Maxrill.

"Anong oras na, nasa labas pa kayo," sabi ko matapos umayos ng tayo. Hindi ko na pala kailangang umupo, halos magpantay ang taas namin ni Hee Yong nang dumamba ito patayo sa akin.

"He pooped," ani Maxrill.

"Ganitong oras?" natawa na naman ako.

"Why are you here?" kaswal niyang tanong.

"Sa sala kasi ako natutulog, nandito sina Zarnaih, dito sila tumutuloy para may kasama ako."

"That does not answer my question."

Ngumiwi ako. "Kasi maingay kayo ng aso mo."

"Siya lang ang tumatahol. Tahimik lang ako."

"Kaya nga, siya ang narinig ko."

"Bumaba ka nang dahil do'n?" aniya sa pantay na punto, nakakatuwa.

"Na-miss ko kasi kayo." Muli kong nilaro si Hee Yong.

"Ako o 'yong aso ko?"

"Pareho?" natatawang sabi ko. "Bakit hindika pa natutulog?"

Tumitig siya sa 'kin bago nag-iwas ng tingin. "As I've said, he pooped."

"Sungit," bulong ko. "Dito kayo matutulog?"tanong ko na itinuro ang mataas na building. May unit din si Maxrill doon, at kung naroon ito ng ganoong oras, hindi malayong doon nga ito matulog.

"Yeah. Aakyat na rin kami. Gaja," baling niya sa aso. Hanggang ngayon ay humahanga ako kay Hee Yong sapagkat naiintindihan nito lahat ng salitang sinasabi ng kaniyang amo. Kahit noong mali-mali pang mag-Tagalog ito, naiintindihan siya ni Hee Yong.

Tahimik kaming umakyat, panay ang pakikipaglaro ko sa aso. Tuloy ay hindi ko namalayang naroon na kami sa harap ng pinto ng unit ni Maxrill.

"Good night," ani Maxrill, humarang siya sa pinto na para bang sinasabing hanggang doon lang ako.

Ngumiwi ako. "Ang sungit mo sa 'kin ngayon." Hindi siya sumagot. "Salamat nga pala ro'n sa lugaw, ang sarap." Hindi pa rin siya sumagot kaya sumimangot ako. "Sige na, pumasok na kayo."

"Umuwi ka na."

"Oo, pagkapasok mo."

Matagal siyang tumitig sa 'kin saka binuksan ang pinto ng kaniyang unit. Nakangisi ko siyang pinanood, nang-aasar. Pero masyado siyang seryoso para maasar ko.

Hinarap niya ako matapos buksan nang tuluyan ang pinto at humakbang papasok. Tumingin siya sa 'kin, blangko lang naman ang kaniyang mukha pero pakiramdam ko ay nagtatanong iyon kung bakit naroon pa rin ako.

"Go to sleep, Yaz," aniya.

"Good night, Maxrill."

"Good night, Yaz," aniya saka isinara ang pinto.

Sumimangot ako. Psh! Naunsa mana siya, 'uy? Nasuko ba siya?

Bigla ay hindi ko maintindihan si Maxrill. Hindi naman siya dating ganoong sa 'kin. Kabibigay lang niya ng lugaw at lumpia, pero 'ayun at basta na lang niya akong iniwan. Malungkot akong tumitig sa pinto at tatalikod na sana nang muli iyong bumukas. Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Maxrill at namalayan ko na lang ay naisandal niya na ako sa likod ng pinto. Ang bigat ko at mga kamay niyang humarang sa magkabilang tabi ko ang nagsara niyon.

Sinalubong niya ang mukha ko, at sa sobrang lapit niyon ay halos maramdaman ko sa ilong ko ang kaniyang hininga.

Bigla ay nahugot ko ang sarili kong hininga. "Bakit?" nauutal kong tanong.

"Paano ko mababago ang isip mo?" bulong niya.

Nalilito kong tiningnan ang pareho niyang mata. Sa sobrang dilim ng kwarto, hindi ko alam kung paano kong nakikita ang mukha niya.

"Yaz..." bulong niya. "Mahal kita."

Lalo kong nahugot ang aking hininga. Umawang ang labi ko at hindi nagawang magsalita.

Ang paningin niya ay unti-unting bumaba sa mga labi ko saka siya tumingin sa mga mata ko. Ngunit sa ikatlong pagkakataon ay nahugot ko ang hininga ko nang unti-unti ay dinampian niya ako ng halik.

Napapikit ako, kumuyom ang pareho kong palad nang tuluyan niyang angkinin ng halik ang mga labi ko. Hinawakan niya ang pareho kong pisngi at mas siniil ang aking labi. Mas dumiin ang pagkakapikit ko nang maramdaman ko ang sariling gumaganti ng halik.

Fuck! Naitulak ko siya palayo. Natakpan ko ang labi ko at napatitig sa kaniya. Nangilid ang luha ko at basta na lang siyang iniwan.

Patakbo akong bumalik sa kwarto at iniharang ang sarili ko sa pinto. Bago ko pa namalayan ay tumutulo na ang mga luha ko.

Maxwell...

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji