CHAPTER 18
CHAPTER 18
"MAXWELL?" NAPALINGON sa entrada ng ER ang lahat nang mangibabaw ang tinig ni Keziah. Awtomatikong umikot ang mga mata ko. Bagay na bagay nga sa kaniya ang bansag na "senyora", ganoon ang naisip ko. Gusto kong maasar dahil sa paraan niya ng pagtawag, akala mo nasa bahay lang sila. Kung maghanap siya, para bang siya ang pinakamataas sa ospital na 'yon.
Narinig kong bumuntong-hininga si Maxwell. Ngunit hindi niya nilingon si Keziah. Nanatili siyang tutok sa paglilinis sa kamay ko.
"Maxwell." Muling pagtawag ni Keziah, naroon na sa harap ni Maxwell at hindi man lang nag-abalang tumingin sa 'kin.
"What?" kunot-noong tugon ni Maxwell bagaman nagpipigil.
Umawang ang bibig ni Keziah, magsasalita na sana nang makita ako. Nangunot ang noo niya sa pagtataka, saka gumapang ang paningin sa sugatan, duguan kong kamay. Doon lang rumehistro ang gulat sa mukha niya.
"What happened to you, Yaz?" tanong ni Keziah.
Napabuntong-hininga rin ako, hindi alam kung dapat pa bang sagutin ang tanong nito. Naiinis lang ako sa kaniya. Pero magsasalita na rin sana ako nang unahan ako ng kapatid ko.
"Mahirap ipaliwanag sa ngayon, Kez," ani Zarnaih. "Aksidente. Malalang aksidente." Mahihimigan ang matinding pag-aalala sa tinig niya.
"Self-accident?" pabuntong-hiningang tugon ni Keziah. "Anyway, I'm really sorry but we need Maxwell upstairs. I hope you understand." Hindi niya na ako hinayaang sumagot, hinarap niyang muli si Maxwell. "Nasa OR table na ang pasyente, Maxwell, ano ba?"pabulong na aniya. "Maraming doktor na pwedeng umasikaso sa kaniya."
Nakita kong mapapikit si Maxwell. Kikilos na uli siya nang bawiin ko ang kamay ko. Nag-aalala siyang nag-angat ng tingin sa 'kin.
Ngumiti ako. "It's okay, I'm alright."
"Yaz..." lumaylay ang balikat niya.
"Hindi naman malala 'to," pinilit kong itinago ang pait sa ngiti ko. Salamat sa anesthesia at hindi ko na maramdaman ang matinding sakit kanina.
"Please call Doc Diego," utos ni Keziah kay Raffy saka bumaling kay Maxwell. "Hayaan mo na si Diego ang tumahi sa sugat ni Yaz,"sinulyapan niya pa ako.
Tumitig si Maxwell sa 'kin saka pabuntong-hiningang tumayo. Nagkamali ako nang isipin kong aalis na si Maxwell, susundin si Keziah. Pero hindi 'yon nangyari. Hinintay niya si Doc Diego at sinabi rito ang mga dapat na gawin sa kamay ko, na para bang hindi naman ito doktor na gaya niya.
Alam kong nag-aalala si Maxwell, naramdaman at nakita ko naman 'yon. Pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naiinis ako, hindi lang kay Keziah, kundi maging sa kaniya. Naiintindihan kong kailangan si Maxwell sa 'taas. Ewan ko kung pagiging makasarili ang isiping hindi lang naman si Maxwell ang doktor doon. Oo nga't siya ang may ari pero hindi lang siya ang nakaaalam ng mga dapat na gawin bilang isang doktor.
"Okay, let's see..." nagsalita si Doc Diego. Ganoon ang kaniyang sinabi pero ang paningin niya ay nasa mukha ko.
Kumilos si Maxrill at lumapit sa tabi ko. "Nasa kamay ang sugat niya, wala sa mukha, doc," masungit nitong sinabi.
Napapahiyang nag-iwas ng tingin si Doc Diego at sinimulan ang pagtatahi sa sugat ko. Tututukan ko na sana siya nang mapansin sina Mitch at Raffy na may nangunguwestiyong mga tingin. Nasisiguro ko na talagang bukas na bukas ay kakalat ang balita. Kailangan ko nang ihanda ang sarili ko sa mga tanong nila tungkol sa relasyon namin ni Maxwell.
"Tita," baling ko kay Maze. "Why don't you go home and rest? I'll be fine here, promise."
"No, Yaz. We're staying."
"Tita, I'm okay. Kilala ko naman halos lahat ng narito,"paniniguro ko, naiisip na narito naman si Zarnaih para bantayan ako.
"No, anak, magagalit si Maxwell sa akin, for sure," bulong ni Maze, nagbibiro.
"I'll be fine, tita. Ako na ang bahalang mag-explain sa kaniya."
"Sure ka, ate? Okay ka lang dito?" hindi ko inaasahang sasabihin 'yon ng kapatid ko. Nanlisik ang mga mata ko. "Sige, aalis na kami, ah? Baka hinahanap na rin ako ng baby ko. Tita, tara na," anyaya niya pa sa mga ito.
Buang ka!
"Ako na ang magbabantay sa kaniya," sabi ni Maxrill, hindi ko inaasahan.
"No, it's okay," tanggi ko. Ngunit tumitig lang si Maxrill sa 'kin. "Umuwi ka na. Kailangan mong magpahinga," dagdag ko pero sa halip na sumagot ay nanatili siyang nakatitig sa 'kin. "Maxrill, ayos lang ako."
Ngunit sa halip na sumagot ay nginisihan lang ako ni Maxrill. "I'll take care of her, mom."
"O sige, mauuna na kami, Yaz," pabuntong-hiningang ani Mokz. "Kung may kailangan ka ay tumawag ka lamang sa 'kin, malinaw ba?"
"Sige po. Salamat." Humalik at yumakap sa'kin ang mga ito. Bagaman nag-aalangan ay lumakad na paalis.
"Go back to your posts," baling ni Maxrill kina Mitch at Raffy, walang nagawa ang dalawa kundi ang sumunod. Panay pa rin ang lingon nila, natatawa akong sumunod ng tingin sa kanila. Inilingan ko na lang ang nangunguwestiyon nilang mga tingin.
Pagbaling ko kay Maxrill ay nakatingin na siya sa 'kin. "Stop it, I'm not leaving you."
"Wala naman akong sinabi," lumabi ako.
Hindi ko inaasahang daldalhin ako sa private room matapos matahi ang sugat ko. Gusto kong tanungin si Maxrill pero may mga kausap siyang staff at may pinipirmahang ilang papel. I'm not sure if it's about me, posible kasing may kinalaman sa trabaho niya. I don't think kailangan ko pang ma-confine. Masakit, oo, pero pwede kong ipagpahinga sa bahay ito.
Pinanood ko siyang isara ang pinto nang matapos ang ginagawa. Ngunit sa halip na magsalita ay napatitig ako sa kaniya dahil nakatitig din siya sa akin. Hindi niya inalis ang tingin hanggang sa maupo siya sa couch sa harap ko.
Napabuntong-hininga ako. "Bakit mo pa 'ko kinuhanan ng kwarto?" nakangusong tanong ko. "Kaya ko naman 'to," sinulyapan ko ang kamay ko.
Pero hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatitig sa 'kin. At hindi ko mapigilang mailang. Ilang beses akong nag-iwas ng tingin, pero sa t'wing babalikan ko siya ay tila hindi niya talaga inaalis ang tingin sa 'kin.
"Anyway, thank you," sinsero kong sinabi, hindi matagalang labanan ang mga titig niya, tuloy ay kung saan-saan ako tumitingin. "Kung hindi ka dumating, hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa 'kin."
"You're welcome," seryoso niyang tugon, hindi pa rin inaalis ang tingin sa 'kin.
"Pwede akong magtanong?" Hindi ako patahimikin ng kuryosidad ko. "Kilala mo ba 'yong pumasok sa kwarto ko?"
"It's Maxwell's room."
Gusto kong magtaray dahil sa pambabara niya pero pinigilan ko. "Yeah, I mean, kilala mo ba 'yong pumasok sa kwarto ni Maxwell?"Noon lang ako nagkaideya sa sumunod kong tanong. "Posible kayang si Maxwell ang inaasahan niyang makikita ro'n? Si Maxwell kaya ang target niya at hindi ako?"
Nagkibit-balikat si Maxrill saka bumuntong-hininga. "I don't really know him."
"Kinausap mo siya sa ibang language."
"Dahil halata naman kung anong lahi niya. And I don't think may plano siyang itago ang pagkatao niya."
Tumango-tango ako. "Pero sa tingin mo, ako talaga ang target niya? O si Maxwell?" Hindi ko napigilang ipakita ang tago ko.
"I really have no idea," nag-aalala niyang tugon, hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. "Ano mang dahilan niya, mali siya."
"Natatakot ako," muli pa 'kong bumuntong-hininga. "Na-trauma talaga ako sa nangyari sa nakaraan, sa ginawa sa 'tin ng mga Rewis. Natatakot akong baka mangyari na naman 'yon. Ayaw kong maulit 'yon."
Kulang ang salitang kaba para mai-describe ang nararamdaman ko, iisipin pa lang ang mga nangyari sa nakaraan. Kinikilabutan pa rin ako sa t'wing maaalala ang itsura ng mga Rewis. Noon lang ako nakakilala ng may ganoong klase ng pagkatao, mga walang kaluluwa.
Nagbaba siya ng tingin ngunit muling nagbalik ng tingin sa 'kin. Hindi siya nagsalita pero nakikita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
"Natatakot akong baka kung ano-ano na namang mangyari sa 'tin."
"I won't let that happen." Hindi ko maintindihan kung bakit ramdam na ramdam ko ang sinseridad ni Maxrill nang sabihin 'yon.
Nag-iwas ako ng tingin. Ang sarap no'ng pakinggan. Pero mas masarap siguro 'yong pakinggan kung kay Maxwell manggagaling. Hindi ko napigilang malungkot. Naisip ko kung magagawa kaya iyon ni Maxwell sa 'kin? Kung ni tahiin nga ang sugat ko, wala siyang oras. Ayaw kong mapahamak. Pero gusto kong dumating 'yong oras na kapag nangailan ako ng tulong, maaasahan ko si Maxwell. Gusto kong siya ang dumating.
"What do you want to eat?" tanong ni Maxrill mayamaya. "It's almost breakfast time."
Nilingon ko ang bintana pero makapal ang kurtina, hindi makita kung maliwanag na. Wala akong relos kaya hindi ko rin matingnan ang oras.
Gusto kong tumanggi, nahihiya ako kay Maxrill. Pero nagugutom na rin ako. Posibleng siya ay gano'n din, at hindi na ako magugulat. Noon pa man ay walang pinipiling oras ang tiyan niya. Walang breakfast, lunch or dinner, sa lahat ng oras ay nagagawa niyang kumain.
"Gusto ko ng rice," nahihiya akong ngumiti, labas lahat ng ngipin. "Kaso...ayaw ko 'yong nandiyan sa cafeteria natin." Nakamot ko ang ulo.
Hindi ko naiwasang maalala si Karen, iyong pasyente ni Maxwell na masungit. Gusto kong matawa kasi ang gaganda ng mga sinabi ko sa kaniya ngunit heto ako ngayon, umaayaw sa hospital foods.
Napangiti siya, iyong tipid. "I'll go downstairs."
"Naku, 'wag na pala. Okay na 'ko sa foods sa cafeteria. Bababa ka pa."
Natigil siya sa akmang pagtayo at tumitig sa 'kin, iyong marahang lumiliit ang mga mata. Sandali kong prinoseso sa isip ang sinabi ko. Wala lang naman sa 'kin 'yon, nahihiya ako na bababa pa siya para lang sa food na gusto ko. Alam ko kung gaano kalayo ang pinakamalapit na restaurant na pupuntahan niya. Hindi naman uso magpa-deliver nang ganoong oras.
Pero sa paraan ng pagkakatitig niya sa 'kin, parang iba ang dating sa kaniya ng sinabi ko. Kaya binawi ko, "Ah, sige pala," nakamot ko ang ulo. "Hihintayin kitang bumalik." Ayaw kong masamain niya ang nauna kong sinabi at isiping ayaw kong mawala siya sa paningin ko.
"Okay," nakangiti niyang sabi, para bang may biro sa isip na siya lang ang nakakaintindi. "Kung hindi mo binawi ay iisipin kong ayaw mong mawala ako nang matagal."
Iyon na nga ang naisip kong iniisip niya. Nameke ako ng tawa."Puro ka biro." Nawala ang ngiti sa labi niya. "Thank you," nauutal ko pang sabi saka nag-iwas ng tingin.
Napabuntong-hininga ako nang makalabas siya. Kung sana ay si Maxwell ang naroon sa tabi ko, baka nagpa-baby pa ako para makiusap sa kaniya. Ngayong si Maxrill kasi ang nandito, panay ang pag-aalala ko na baka mali ang intindi niya sa bawat kilos at salita ko. Nag-aalala ako na baka mas lumalim ang nararamdaman niya dahil siya parati ang nandiyan para sa 'kin.
Halos makatulugan ko ang paghihintay, naudlot 'yon nang tumunog ang door knob at pumasok si Maxrill. Nakangiti niyang ipinakita sa 'kin ang bag ng umaalingasaw sa bango na pagkain. Pinanood ko siyang isa-isang ilabas ang laman niyon sa mesa. At wala pa man siyang nabubuksan ay natatakam na ako. Gusto ko siyang unahan, gusto kong maupo sa silya at lantakan ang binili niya. Gano'n nakakatakam ang amoy niyon.
Pero pareho kaming natigilan nang muling bumukas ang pinto at pumasok si Maxwell. Ang ganda ng ngiti niya pero ang paningin ko ay agad na dumapo sa tray na hawak niya.
"Good morning," bati niya, nasa akin ang paningin. Nawala lang 'yon nang makita niya si Maxrill. "I saw you, sa'n ka galing?"
"Bumili ng breakfast namin." Sinulyapan ni Maxrill ang maliit na dining table. "She doesn't want to eat hospital food so I bought something outside."
Napatingin si Maxwell sa mesa at saka nagbaba ng tingin sa tray na dala niya. Sandali siyang natigilan saka tila nahihiyang inilapag sa ibabaw ng mini ref ang tray.
"I see," iyon lang ang nasabi ni Maxwell.
Napalunok ako. Hindi ko maintindihan ang mararamdaman. Muli kong sinulyapan ang tray na dala ni Maxwell at kahit hindi niya sabihin ay alam kong para 'yon sa 'kin.
Nakangiti siyang lumapit sa 'kin. "How are you feeling?"
"Ayos na," nakangiti ring tugon ko.
Kinuha niya ang kamay ko, at kahit anong tago niya sa lungkot at nakikita ko 'yon. "Sorry..." mahina niyang sinabi. "Wala man lang akong nagawa para sa 'yo."
Natulala ako sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pakiramdam ko ay napakaplastik ko pagdating sa kaniya. Nariyan 'yong kung ano-anong naiisip ko sa t'wing wala siya sa harap ko. Pero sa t'wing narito na siya at sinasabi ang nararamdaman niya, gusto kong itanggi at sabihing ayos lang at 'yon ang totoong nararamdaman ko. Masyado akong nagi-guilty at pakiramdam ko ay napaka-selfish ko para pag-isipan siya na walang oras para sa akin. Pero sa t'wing mag-isa na lang ako, kapag hindi ko siya kaharap, kapag hindi ko naririnig ang paliwanag at paumanhin niya, pakiramdam ko ay hindi niya nasusuklian nang tama ang nararamdaman ko. Nakakalito. Napakarupok ko sa t'wing narito siya sa harapan ko. Mapanghusga ako kapag wala siya.
Paulit-ulit niyang pinisil ang kamay ko habang malungkot na nakatingin do'n. "I'm sure takot na takot ka na kanina," mahinang aniya.
Gusto kong isagot na hindi ako takot pero halata masyadong kasinungalingan iyon. Isa pa ay naroon si Maxrill, nakita niya ang totoong reaksyon ko sa nangyari.
"I'm okay now," paniniguro ko. "Naiintindihan ko naman, saka isa pa, hindi naman natin inaasahan 'to pare-pareho."
Tumitig siya sa 'kin, tila inaalam kung sinsero ako. Ngumiti ako pero hindi niya nagawang suklian iyon. Pakiramdam ko tuloy ay naramdaman niya ang pag-aalangan ko.
"Thank you, Maxrill," hinarap ni Maxwell kapatid.
Tumitig si Maxrill sa kaniya saka matunog na bumuntong-hininga. "You'll do the same thing for sure. Nagkataon lang na ako 'yong may oras." Saka ito tumalikod at tuluyang inilatag ang biniling pagkain. "Bakit hindi ka muna mag-breakfast?"
Tumingin si Maxwell sa mesa saka ngumiti. "Sure."
"Kumain na kayo, uuwi na 'ko." Hindi namin inaasahan ang sinabi ni Maxrill.
"Akala ko ba ay para sa inyo ang breakfast na 'to?" tanong ni Maxwell.
"It's chicksilog, the only thing available sa restaurant."
"It's not a thing," natawa si Maxwell.
"You're really expecting me to call it food?" diniinan ni Maxrill ang huling salita. Nasisiguro kong ang manok at itlog ang problema. Kumakain siya ng mga iyon pero sa maliliit na piraso lang. Parati nang lamang ang gulay sa pagkain niya.
"No, stay," maagap na sagot ni Maxwell. "I brought something for me," pilit ang ngiti niya saka inabot ang tray na bitbit niya kanina.
"Tsh," umiling si Maxrill saka tumingin sa 'kin. Batid kong pareho naming alam kung para kanino talaga ang tray ng breakfast na 'yon.
Sa kabilang banda, natuwa ako sa ganoong treatment nila sa isa't isa. Patunay 'yon na kahit na may pinagtatalunan sila sa kasalukuyan—bagay na ayaw kong amining may kinalaman sa 'kin—hindi pa rin nila tinatalikuran ang isa't isa bilang magkapatid.
Bahagyang nanlaki ang mata ko nang bigla ay buhatin ni Maxrill ang mesa para ilapit sa bed ko. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay nagulat na naman ako sa ipinagbago niya. Dati-rati kasi maski iyong pinakamagaan na bagay ay ipinabubuhat niya sa iba. Isusubo na nga lang niya, idinadaan niya pa sa pag-iyak para lang pagsilbihan siya. Pero ngayon, heto at gumuguhit na ang mga ugat niya sa braso dahil sa ginawa.
"So...nakilala mo?" hindi ko naman inaasahang itatanong 'yon ni Maxwell nang magsimula kaming kumain, seryoso na siya.
Sandaling natigilan si Maxrill, nakangiwing tumitig sa kung saan saka umiling nang umiling. "But I'm sure he'sa Korean. Though..." nagkibit-balikat siya nang nakangiwi.
Nangunot ang noo ni Maxwell, nahinto sa ginagawa. "What?"
"Mas magaling pa siya sa 'kin mag-speak ng Tagalog. I can't accept it."
Nawala ang interes ni Maxwell, ngumiwi. Ako man ay lumaylay ang mga balikat, pinanawan ng kaba. Iyon ang tipikal na ugali ng isang Moon. At kataka-taka na tila ikinadismaya ni Maxwell ang nakitang ganoong ugali sa kapatid, gayong ganoon din naman siya.
"You want chopsticks?" offer ni Maxrill.
"Yeah, thanks," tinanggap iyon ni Maxwell.
Hindi ko napigilang panoorin ang dalawa. Hinintay ni Maxrill na tuluyang matanggal ng kapatid ang plastic na naka-cover sa tray at pagkain nito. Saka niya binuksan ang chopsticks, pinaghiwalay niya iyon saka inabot sa nakatatandang kapatid. Tumingin siya sa 'kin at sumenyas na kumain. Sumubo ako ngunit nagpatuloy sa panonood sa kanila. Palihim akong nangiti nang makita kong lagyan ng karne ni Maxrill ang nakatatandang kapatid sa ibabaw ng kanin nito. Iyon yata ang hindi nagbago sa kaniya. Parati niyang ginagawa 'yon, noon pa man. At nagsimula lang siyang kumain nang mauna si Maxwell.
"Maxpein needs to know this," seryosong sabi ni Maxwell mayamaya.
"Of course," sang-ayon ni Maxrill.
"Uhm..." Inagaw ko ang atensyon nila. "Magiging okay naman tayo, 'di ba?" hindi ko na naman napigilang ipakita ang pag-aalala. "I mean, hindi naman mauulit 'yong nangyari sa nakaraan, hindi ba?"
Mukhang nakuha agad ng dalawa ang ibig kong sabihin. "Of course not. I told you, I won't let that happen, I promise," naninigurong sabi ni Maxrill. Sabay kaming natigilan ni Maxwell at napalingon sa kaniya. Napatitig ako sa kaniya, bumuntong-hininga naman siya. "I promise, Yaz."
Nilingon ko naman si Maxwell nang bahagya siyang magbaba ng tingin. Sa isip ko ay wala sa sarili akong natawa. Gusto kong maawa kay Maxwell dahil sa nakita kong lungkot sa mga mata niya. Pero sa kabilang banda, tinatanong ko ang aking sarili kung siya ba talaga ang dapat kong kaawaan o ako? Kasi hindi gaya ni Maxrill, wala akong makuhang kasiguruhan kay Maxwell na kaya niya akong protektahan.
Gustong-gusto ko siyang intindihin, pero pakiramdam ko ay nauubos ang respeto ko sa sarili ko sa t'wing gagawin ko 'yon. Kapag naman nariyan na siya sa harap ko at nagpapaliwanag, panay pagsisisi ang nararamdaman ko. Nagbaba rin ako ng tingin at nagpakalunod sa isipin.
"You'll stay here for a few days," iniba ni Maxwell ang usapan. "I already talked to Caleb about your condition so you don't have to worry. I'll visit you everyday to check your wounds," ngiti niya.
"I already talked to the nurses," naunahan akong magsalita ni Maxrill. "They'll take care of her—also, the doctor who took care of her hand, he'll visit everyday while she's here." Bumuntong-hininga siya. "Naisip kong busy ka."
"Yeah," pilit ang ngiti ni Maxwell. "No problem."
"Let's eat," anyaya ni Maxrill, at wala nang nakapagsalita pa.
Tahimik naming tinapos ang pagkain. Sandaling nagpahinga sina Maxrill at Maxwell. Nagsasalita lang kaming pare-pareho kapag inaalam nila kung ayos lang ako.
"You should go home and rest, Maxrill," mayamaya ay sabi ni Maxwell.
"What about you?" totoo ang pag-aalalang nakita ko sa mata ni Maxrill. "Alam kong wala kang maayos na tulog ilang araw na."
Ngumiti si Maxwell. "I'm fine, I'll stay here and look after Yaz."
Napatingin ako kay Maxwell. "Ayos lang ako, Maxwell. I can manage."
Ngumiwi si Maxwell. "It's okay, I'll stay here," buntong-hininga niya. "They know that I'm here. They'll just call me if they need me downstairs."
"I'll go ahead, then," ani Maxrill, ang paningin ay nasa akin. Bahagya siyang tumango sa kapatid saka ako binigyan ng nagpapaalam na tingin.
"Thank you, Maxrill," sinsero kong sinabi.
"Call me if you need anything."
"I will, take care."
Hindi inalis ni Maxrill ang tingin sa 'kin hanggang sa tuluyan niyang maisara ang pinto. Saka ko lang naibaling kay Maxwell ang paningin at tila piniga ang puso ko nang mapait siyang ngumiti. Bigla ay gusto kong malaman ang dahilan ng mapait na ngiting 'yon. Gusto kong malaman kung ano ang iniisip niya. Gusto kong magsalita siya.
Pero hindi na 'yon nangyari dahil nahiga siya sa mahabang couch na naroon sa tabi ng hospital bed ko. Hindi rin niya inaalis ang tingin sa 'kin. Hindi ko naman malaman ang sasabihin. Tuloy ay napakahabang katahimikan ang namagitan sa 'min.
"Baka hindi ka komportable diyan," sa wakas ay naisatinig ko.
Ngumiti siya ngunit mapungay na ang mga mata. Marahil ay antok na antok na nga. "Sanay akong matulog kahit sa sahig."
"Ayos lang naman ako, eh. Baka sumakit ang katawan mo diyan."
Pumikit siya. "I'm sorry kung hindi ako nakapunta kanina. Sorry rin kung hindi ko nasagot ang calls mo. I'm really sorry." Muli ay marahan siyang nagmulat upang tumitig sa 'kin.
Umawang ang bibig ko, hindi inaasahan ang sinabi niya. Bigla ay naubusan ako ng sasabihin. Nasabi niya naman na kasi kanina 'yon at naiintindihan kong busy siya. Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko ay mas sinsero niyang sinabi 'yon ngayon. At hindi ko maintindihan kung bakit ako yata ang mas nagi-guilty. Heto na naman ako sa ganitong pakiramdam.
"Gustong-gusto kong maging doktor," hindi ko pa rin inaasahang dagdag niya. "Pero mula no'ng makilala kita, hindi ko alam kung gusto ko pa bang magpatuloy."
Nabigla ako. "Why are you saying that?"
Ngumisi siya ngunit ang lungkot ay naroon sa mga mata. "Gusto kong ako ang gumawa no'ng mga ginagawa ni Maxrill sa 'yo. Ako dapat 'yon, Yaz. Ako dapat."
Napalunok ako at hindi na naman malaman ang sasabihin. Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko at hindi na tuluyang nakasagot.
"Good night, Yaz," nakapikit nang aniya.
"Good night," halos mautal na tugon ko.
Tinitigan ko siyang matulog. Bigla ay naisip kong talaga ngang walang perpektong tao sa mundo. 'Ayun at nasa kaniya na ang lahat ng hihilingin ng sinumang babae sa isang lalaki; good looks, wealth, health, knowledge—maging ako ay nasa kaniya na rin. Pero wala siyang oras.
Lahat ng katangiang meron si Maxwell ay naroon din naman kay Maxrill, maging oras ay meron siya. Pero hindi siya ang mahal ko, at hindi ko siya magugustuhan nang higit pa sa isang kaibigan.
Nakakatawa na nakalilito, talaga ngang walang perpekto sa mundo.
"You should marry a doctor, Maxwell, trust me. Doktor sa doktor, wala kang magiging problema." Nagising ako nang mangibabaw sa pandinig ko ang pamilyar na boses ni Randall.
Kumilos ako at bahagyang naipaling ang ulo, umaasang nananaginip lang at makakatulog ulit. Pero hindi nawala ang ingay sa paligid ko.
"Shut up, Randall," mahinang sagot ni Maxwell.
"If you want peace, marry a doctor. Kahit hindi kayo magkita ng ilang araw, masaya kayong magkikita. And believe me, rare cases lang ang pagseselosan niya. No drama, only love and understanding."
"You can only speak for yourself, bro," ani Maxwell. "Ganyan ang experience mo because you have a good wife."
"Hindi ka pa rin ba pinopormahan nitong best friend ko, Keziah?" tumatawang ani Randall. Doon na tuluyang nagising ang diwa ko. "Lahat kaming nakakikilala sa inyo ay umaasang kayo na."
Bahagyang natawa si Keziah. "Kahit ako nga ay umasa na."Mahihimigan ang katotohanan sa likod ng pabiro niyang tono. "Pero iba ang gusto ng best friend mo."
"Hindi naman...lalaki 'yang tinutukoy mo, 'no?" nag-aalalang ani Randall.
"Seriously?" napikon agad si Maxwell. "Kung nauna lang ako ng kaunti ay kami ang ikinasal ng asawa mo." Hindi ko nagustuhan ang biro niyang iyon.
"You wish," asik ni Randall. "Ni hindi ka nga naging crush no'n."
"Just kidding," tumawa si Maxwell.
Sinabi niya namang biro lang iyon, gusto kong paniwalaan pero may kung anong pumipigil sa 'kin. Napalunok ako at napapikit sa sama ng loob. Nang magtawanan lang sila ay tumikhim ako at marahang bumangon.
"Oh, gising na si Yaz," tinig ni Randall. "Hey, are you okay now? How are you feeling?"
Hindi ako nakapagsalita. Tumitig ako sa kaniya saka bahagyang ngumiti. Nilingon ko sina Keziah at Maxwell upang muli lang mag-iwas ng tingin. Marahan akong bumangon at naglakad papunta sa restroom. Narinig ko nang bumukas ang pinto sa labas, maging ang pagsara niyon. Naisip kong baka umalis ang isa kina Randall at Keziah, o pwede rin namang si Maxwell.
Natigilan ako nang may kumatok. "Yaz, it's me," anang pamilyar na tinig ni Maxrill. Mukhang mali ang nauna kong naisip. "Please open the door."
"Why?" malamyang tugon ko.
"I brought some things for you."
Pinagbuksan ko siya at natigilan ako sa mga inilahad niya. Basic needs like toothbrush and toothpaste, mouthwash, facial wash at kung ano-ano pa.
Malamya akong nag-angat ng tingin kay Maxrill at ngumiti. "Salamat."
Umangat lang ang gilid ng kaniyang labi at tinalikuran na ako. Nasulyapan ko si Maxwell na noon ay nakababa ang tingin at tila napansin na naman ang ginawa ng kapatid para sa 'kin. Pero nang sandaling 'yon ay pinili kong hindi maawa sa kaniya. Sa halip ay naisip kong kung may oras siyang makipagbiruan nang gano'n sa mga kaibigan niya, sana ay gano'n din sa 'kin.
Nang makalabas ako ay 'ayun na naman si Maxrill at itinatabi ang mesa sa kama ko. "Nagdala na rin ako ng dinner." Ipinakita niya ang bag at saka inilapag sa mesa.
Napalingon ako sa bintana. Dinner na pala. "Thank you," maagap kong sabi saka pinanood siya.
"Are you okay now?" muling ani Maxrill.
Naiilang akong napalingon kina Keziah, Maxwell at Randall na noon ay tahimik na at nakatingin na lang sa 'min ni Maxrill.
"Getting better," tugon ko.
"You still need to rest."
"Thank you."
"Dinalhan na rin kita ng gamit." Inilapag ni Maxrill ang isang duffle bag sa couch. "Don't worry, I asked your sister to prepare them for me—I mean...for you."
Nagugulat man ay nagsalita ako. "Thank you, Maxrill..."
Hindi ko napigilang lingunin sina Randall at Keziah na noon ay nagsasalinan ng tingin sa 'min ni Maxrill. Nakamot ko ang sentido ko nang masulyapan si Maxwell na kung ano-anong parte ng mukha ang kinakamot.
"Are you in a...relationship or something?" nagtataka, hindi makapaniwala, nanghuhusgang tanong ni Randall.
"Of course not," awtomatiko kong sagot, sinulyapan kong muli si Maxwell na noon ay nakita ko pa nang lumunok. Gusto ko siyang simangutan. Ang isip ko ay sinasabing...buti nga sa 'yo!
Humalakhak si Randall, animong nakahinga nang maliwang. "Yeah, I mean, what the hell, right? That can't be possible."
"Why not?" hindi namin inaasahang itatanong 'yon ni Maxrill. Natitigilan namin siyang nilingon. Inosente naman siyang bumaling kay Randall at bahagyang ngumisi. "Why not?" pag-uulit niya.
Natawa uli si Randall, iyong tawa na hindi makapaniwala. "Well, because..." Napalingon siya sa 'kin. "She' older than you."
"And?" seryoso si Maxrill.
Ngunit hindi agad nakasagot si Randall. Nawala ang ngiti sa labi niya nang makita kung gaano kaseryoso si Maxrill sa tanong. Sa reaksyon ni Randall ay nasisiguro kong nahuhulaan niya na kung bakit ganoon ang reaksyon ni Maxrill.
"And what, hyung?" hindi talaga matatahimik si Maxrill nang hindi nasasagot.
"And she's my girlfriend," si Maxwell ang sumagot. Pare-pareho kaming nagulat.
Tumalikod si Keziah. Ako naman ay nakabawi agad mula sa gulat. Si Randall iyong hindi maalis-alis ang tingin kay Maxwell. Ilang beses na nagpapalit-palit ng tingin sa lahat si Randall saka muling bumaling sa kaibigan. Tila ba inaalam niya kung seryoso si Maxwell. Pero hindi ito 'yong tipong magbibiro ng ganoon.
"Really?" mahinang tanong sa 'kin ni Randall, na para bang ganoon kaimposible na magkaroon kami ng relasyon.
Napatitig ako kay Maxwell. Saka ako naiilang na tumango. "Yes,"sagot ko.
"Well..." Hindi makapulot ng sasabihin si Randall. Nasisiguro kong naiisip niya na ngayon ang mga biro at abiso kay Maxwell kanina. "Congratulations." Nautal siya nang sabihin 'yon, para bang gulat na gulat.
Kung nagulat man si Randall ay hindi ko maintindihan ang dahilan. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na may gusto ako kay Maxwell, matagal na. Saksi rin siya kung paano ako nagpakaluka-luka at naghabol sa kaibigan niya. Siya nga ang higit na nakakakita no'n bukod sa mga kapatid ni Maxwell. Gusto ko tuloy mainsulto. Nasasaktan ako sa parehong biro nila ni Maxwell habang natutulog ako.
"Yeah, congratulations!" bumawi si Randall, lumapit sa kaibigan at tinapik ito nang tinapik sa balikat. "Late bloomer ka talaga," dagdag biro niya.
Hindi nakaligtas sa 'kin ang nagugulat at nagtataka pa ring mga tingin ni Randall. Kung hindi ko lang marahil narinig 'yong biruan nila ni Maxwell, inasar ko na siya. Pero nasira talaga no'n ang mood ko.
"Go ahead and eat," utos ni Maxrill. Tuloy ay 'ayun na naman ang nagtatakang tingin ni Randall. Pinanood niya ang reaksyon ni Maxwell.
"Let's eat?" anyaya ko, bagaman para sa dalawang tao lang ang pagkain.
"Hyung, eat," baling dito ni Maxrill. Saka tumingin sa dalawa pang naroon. "Sorry I was not expecting to see you here. I'll be right back—"
"No worries," nakangiting pigil ni Keziah. "Nag-dinner na 'ko. Nandito ako para ipaalala kay Maxwell na may schedule siya mayamaya."
"And you, Randall?"
"No, I'm cool. My wife is waiting for me downstairs. I have to go na rin."
"Okay," nagkibit-balikat si Maxrill. "I'm gonna go now," baling niya muli sa 'min. "Pumunta lang ako para magdala ng dinner."
Dahil sa nakakailang na usapan, dahil sa pananahimik ni Maxwell, tahimik na lumabas ng kwarto sina Maxrill, Randall at Keziah. Hindi naman agad ako nakakilos, hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman ko sa sandaling 'yon. Halo-halo, pero isa lang ang itinuturo, I deserve better.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top