CHAPTER 17

AUTHOR'S NOTE: Baka naman gusto niyong manood ng sakin na vlogs? Just go to: www.youtube.com.maxinejiji d--,b Baka lang naman. Pwede rin naman huwag na kung ayaw niyo talaga. Pero ang sabi-sabi, ika-crush back daw ang manood diyan! Iyon e, sabi-sabi lang naman. Nasa sa 'yo na 'yon kung mapamahiin ka. Ako naman e, crush na nang crush ko kaya deadma na lang sa pamahiin. d--,bv

Thank you!

CHAPTER 17

"PEIN," LUMAPIT si Maxwell sa kapatid sa kabila ng malalim na pakikipag-usap nito kina Laieema at Bitgaram. Nanatili naman ako sa kanilang likuran. "May problem ba?"

"Wala," ngiti ni Maxpein, hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata. "Pero interesado ako sa kaibigan mo."

Tumaas ang kilay ni Maxwell. "Kaibigan?"

Makahulugang ngumisi si Maxpein. "Iyong tinutukoy mong interesado sa isla ko, iyong Venturi."

"Tsh." Naumay si Maxwell. "He's not my friend."

"I see. Iyong kakilala mo, iyong Venturi."

"I don't know him that much."

"Iyong napadaan dito, kung gano'n. Iyong Venturi."

"He came here, I think, only two or three times?"

"Oh, 'yong taong ayaw mo na lang, king ina," nasimot ang pasensya ni Maxpein. "Basta 'yong Venturi na tinutukoy mo." Ako ang nanghinayang sa ganda ng pagkakangisi niya kanina.

"Why do you want to see him?"

"It's not that I want to see him, tss. He's not your friend, you know nothing about him, and you don't see him that much, so why would I?"

"Hindi naman kayo mag-aaway, 'di ba?" hindi ko naiwasang sumingit sa kanilang usapan.

Sabay nila akong nilingon. "Hindi." Sabay rin nilang isinagot iyon nang parehong nakakunot ang noo, hindi tugma sa sinabi. "Normal na pag-uusap namin 'to." Sabay rin nilang dagdag.

Umawang ang labi ko, hindi makapaniwala. Bakit ba nagtanong pa ako? Hindi ba't dapat ay sanay na 'ko? Hindi lang ilang taon kundi maraming taon na kaming magkakakilala at nagkasama sa iisang bubong. Napabilang na ako sa grupo ng mga kaibigan nila, kaya bakit ko pa ba iyon itinanong? Ang ugaling iyon ay makikita lamang sa myembro ng kanilang pamilya kaya hindi na dapat ako nagtataka.

"Magpapaluto ako ng dinner mamaya, sumabay kayong dalawa sa 'min," muli ay sabi ni Maxpein.

"Sure!" maagap kong sagot.

"Isama mo na 'yong si Venturi, iyong taong ayaw mo,"kailangan talagang idagdag ni Maxpein iyong huli.

Napangiwi si Maxwell. "How?"

Napabuntong-hininga si Maxpein. Bilib talaga ako sa magkapatid na ito, kahit nakalilito ang tanong sa isa't isa, nakakasagot. "Ako na," nakangiwing tugon niya. "Ipahahanap ko."

"Gano'n kalaki ang interes mo sa kaniya?"

"Tss, baka siya ang interesado sa isla ko?"

"Bakit ipahahanap mo pa?"

"Hindi mo kaibigan, hindi mo kakilala, hindi mo madalas makita, paano ko maiimbita?"

"Why do you want to invite him, anyway?"

"Para makasama nga sa dinner." Napabuntong-hininga si Maxpein. Bilib din ako na kapag silang tatlong magkakapatid ang nagkakausap, hindi sila nagkakaubusan ng pasensya. Kahanga-hangang humahaba nang kusa ang pasensya nila sa isa't isa.

"Kapag nalaman ni Deib Lohr ito, paniguradong walang makakakain sa ating pare-pareho. Seloso ang asawa mo, magdamag iyong ngunguso."

"Iyon ay kung sasabihin mong ako ang nagpahanap sa Venturi."

"Tsh." Umiling si Maxwell. Matagal siyang tumitig sa pilosopong kapatid. "Gusto mong makilala ang Venturi na 'yon matapos malaman ang balitang hatid nina Laieema at Bitgaram. It's very unusual in an interesting way, Pein. You're making me think that you're doing this intentionally, I know you. May...kailangan ba akong ipag-alala?"

Nilingon ni Maxpein ang kapatid. Matagal siyang tumingin kay Maxwell bago ngumiti. "Ang pag-aasawa." 'Ayun na naman 'yong maangas at nakakalokong ngisi niya. "Hindi ka na bumabata, kuya," may diin sa dulo na aniya.

"Seriously," seryosong sinabi ni Maxwell, hinawakan sa siko ang kapatid. "I'm serious."

"Tss. Magkapatid tayo pero hindi mo 'ko basta-basta makakabiruan, Maxwell, trust me." Seryoso rin si Maxpein nang sabihin iyon, pinatutunayang hindi biro ang naunang sagot. Iyon 'yong ugali niyang mahirap sakyan. Hindi mo malaman kung seryoso ngang talaga, nagbibiro o nagyayabang. Kadalasan ay iyong huli ang totoong dahilan.

"Tsh," natawa si Maxwell.

Bagaman nakangiti ay napatitig ako kay Maxpein. Sa ilang taon na pagkakakilala namin, nasaulo ko na rin ang ganoong mga sagutan niya. Kung hindi sinasabi ni Zarnaih, ako ang kusang nakaka-discover sa mga interesting na characteristics niya. Alam kong ayaw niya lang mag-alala si Maxwell, ayaw niyang ipaalam dito ang totoong sitwasyon. Ganoon na ganoon ang ugali niya noon pa man, sinasarili ang lahat. Ang dahilan niya ay gusto at kailangan niyang protektahan ang kaniyang pamilya, kahit pa siya ang lubos na mahirapan o mapuruhan.

Hindi ko kilala ang tinutukoy nila, hindi ko rin lubos na naunawaan ang pinag-uusapan nila, ni hindi ko matandaan kung ano ang nabanggit na dahilan ng pagdating nina Bitgaram. Pero sa tono ng pananalita nito, at sa reaksyong nabasa ko sa mukha ni Maxpein, alam kong hindi maganda ang ibinalita nito. Hindi lang pag-aalala ang nakita ko sa kaniya, kundi maging ang takot.

Sinubukan kong mag-focus sa trabaho nang araw na 'yon. Pero hindi mawala ang dahilan ng pagpunta nina Laieema at Bitgaram dito. Pilit kong iwinawaglit sa isip ko pero paulit-ulit ko pa ring naaalala. Maging iyong pangalang sinabi ni Bitgaram na hindi ko matanda-tandaan ay pilit kong hinuhulaan.

Hindi ko maintindihan ang kaba at takot ko. Talaga nga yatang na-trauma ako sa gulong idinulot ng pamilyang Rewis, hindi lang sa pamilyang Enrile at Del Valle, kundi sa lahat ng malapit sa mga ito, kasama na ako at kapatid ko.

Gusto kong isiping bagaman importante, hindi delikado ang dahilan ng pagparito ng dalawang bisita. Kasi kung ganoon iyon kasama, sana ay umalis na agad sila. Kaso ay hindi, sa halip ay nagyaya pa si Maxpein na sabay-sabay kaming maghapunan sa kanilang hotel.

Ngunit ang isa pang bahagi ng isip ko ay kinokontra iyon. Sinasabi nitong hindi naman siguro sasadya ang mga bisitang iyon sa Pilipinas para maghatid ng balita, kung hindi iyon ganoon kaimportante. Hindi man ganoon kasibilisado ang bansang pinanggalingan ng mga ito, mayroon nang telepono. Bukod do'n ay katakataka ang interes ni Maxpein na makilala si Montrell Venturi na natatandaan kong napapamilyaran umano niya ang apelyido.

Ang lahat ng isiping iyon ay hindi umalis sa isip ko maging sa pagkain. Ilang araw lang yata akong natutok sa trabaho, parati na lang akong lutang kaiisip sa kung ano-ano. Kung malaman lang ni Maxwell ito ay paniguradong sisibakin ako sa trabaho.

Okay lang kayang daanan ko si Maxwell? Baka kasi free na siya. Para sabay na kaming pumunta sa hotel.

Nang matapos ang shift ko ay naglakas-loob akong pumunta sa ward kung saan alam kong naroon si Maxwell. Ganoong oras kasi madalas itong mag-rounds kung saan isa-isa nitong binibisita ang pasyente.

"'Uy, pare, 'yong crush mo, oh!" dinig kong sabi ng isang nurse. Bagaman may ibang tao ro'n ay alam kong ako ang tinutukoy at itinutukso nito sa kasama. Hindi na bago sa 'kin ang gano'n ngunit sa edad kong ito, nahihiya pa rin ako.

Nakangiti akong lumapit sa station nila. "Good evening, sir. Alam niyo kung nasaan si Doc Maxwell?"

"Nagra-rounds pa, ma'am," sagot niyong nanunukso kanina matapos tumingin sa relos. Ang ganda ng ngiti nito sa akin, inaasar ang kasama.

"May kailangan kayo kay Doc Maxwell, Ma'am Yaz?"tanong niyong itinukso sa akin.

Nakakatuwang marinig na kilala ako nito. "Oo, itatanong ko kung sasabay siya sa aking umuwi."

Nakita ko nang magulat ang dalawa, pinalis na lang agad upang hindi mahalata. "Close pala kayo ni doc, ma'am?"

Ako ang girlfriend niya, sir. Gusto kong isagot 'yon. Pero sa halip ay ngiti lang ang isinagot ko saka muling sinulyapan ang mahabang hallway na itinuro ng male nurse.

Ilang saglit pa ay lumabas si Maxwell mula sa isang kwarto, agad akong napangiti. Ngunit agad ding nawala 'yon nang kasunod niya ay lumabas si Keziah. Kasunod nila ay iyong mga intern at resident doctors. Sandali kong naisip na umatras at sa office na lang ni Maxwell dumeretso pero huli na. Nakita niya na akong naghihintay sa station. At kahit dipa-dipa ang layo namin sa isa't isa ay nararamdaman kong bumabaon sa akin ang titig niya.

Sa isip ko na lang isinigaw kung gaano siya kagwapo lalo dahil sa suot niyang glasses. Maging ang pagkakapasok ng isang kamay niya sa bulsa ng kaniyang gown ay may kilig na dulot sa 'kin, hindi ko maintindihan.

Gusto kong ipatong ang braso ko sa station at nakapangalumbaba siyang tingnan, panooring maglakad hanggang sa makalapit. Pero hindi pwede. Nakakahiyang ipakita sa ganito karaming tao, sa ganitong lugar ang kabaliwan ko sa Del Valle na ito.

Marami naman akong kilalang doctor na gwapo, malinis at napakalakas ng dating. Pero bakit parang ikaw ang nangingibabaw sa lahat?

Hindi ko alam kung kailan matatapos ang paghanga ko kay Maxwell. Hindi lang yakap at halik ang nagawa namin sa isa't isa ng lalaking ito, pero bakit ganoon pa rin ang dulot niya sa pakiramdam?

Hindi siya ang first boyfriend ko. Hindi siya ang first kiss ko. At mas lalong hindi siya ang kauna-unahang lalaki na nagustuhan ko. Pero sa kaniya ko lang naramdaman ang ganito. Sa isang tingin ay iba't ibang emosyon na ang nararamdaman ko. Bawat pagkilos na lang yata ng alinmang parte ng kaniyang katawan, napapansin at hinahangaan ko. Hindi ko maintindihan, nakakaloka.

Sa t'wing mapapatingin ako sa labi niya, parang gusto ko lagi 'yong halikan. Sa t'wing makikita ko naman ang mga kamay niya ay kung ano-ano na ang nararamdaman at naiisip ko, at parati na lang iyong hindi akma sa kasalukuyan kong sitwasyon. Nakagat ko ang labi ko at napailing upang maalis ang kung ano-anong iniisip.

"Naku, doc, nandito pala si kumander," biro ng isa sa mga residenteng kasama ni Maxwell.

Pinigil ko ang matawa, nagpanggap na hindi iyon narinig. Bagaman nagbaba ng tingin ay nakita kong ngumiti si Maxwell. Ewan ko ba kung bakit kinilig na agad ako sa ganoon. Ano ba ang nakakakilig sa gano'n?

Inilapag ni Maxwell ang hawak na chart sa station nang tuluyang makalapit. "Sinusundo mo na 'ko?" tanong niya, tumingin sa relos saka nakangising nagsulat sa chart. "Hindi pa tapos ang duty ko."

"Ang sarap naman no'ng sinusundo, doc," muling buyo ng residente. Nagkanikaniyang sulat na ang mga doktor sa charts. "Kailan kaya may susundo sa 'kin?"

Napansin ko nang magbulungan ang dalawang male nurse sa station. Sa tingin ko ay nahuhulaan na nila ang relasyon namin ni Maxwell. Kaya hindi na ako magtataka kung ngayon din o bukas na bukas ay kumalat na nga ang balita sa buong ospital na ako ang nobya ng pinakagwapong Del Valle.

"Babae na pala ang sumusundo ngayon?" hindi ko inaasahan ang biro ni Keziah.

Plastik akong ngumiti. "Maxpein invited us to join them for dinner, doktora."

"Yeah, she also invited me."

Kung pwede lang sanang sumimangot ay ginawa ko na. "See you later, doktora." Iyon na lang ang sinagot ko.

"Ah, so you're close with Doc Maxwell's brother and sister, huh, Nurse Yaz? Ayos 'yan," muling anang residente.

"Actually, everyone in our family knows her," si Maxwell ang sumagot. "She's close to everyone."

Except for Keziah...sa isip ko ay idinagdag ko iyon sa sinabi ni Maxwell.

"Pwedeng-pwede na pala talaga," nanunuksong sabi ng residente, tinapos na ang pagsusulat. "I like your sister, doc. Parang ang cool-cool niya, although mukhang masungit din."

Umangat ang gilid ng labi ni Maxwell. "So, you're saying that I'm masungit, hm?" Sa halip na sumagot ay tumawa lang ang residente. Noon lang natapos magsulat sa patient's chart si Maxwell. "I still have two or three patients to attend to,"kamot niya ang sentido nang sabihin 'yon.

"Naku, baka magalit ang sister mo niyan, doc," anang residente.

Ngumiwi si Maxwell. "Actually, compared to my parents, sister ko 'yong nakakaintindi sa 'kin nang lubos, without a single explanation."

"Really? Akala ko ay si Doc Keziah," muling biro ng residente. Mukhang close na close ito kay Maxwell. Hindi na ako magtataka kung mahusay ito, iyon madalas ang nakakasundo ni Maxwell sa trabaho. Mataas masyado ang standards niya, palibhasa'y magaling talaga, kaya pili lang ang nakakasundo niya sa mga kaedaran niya. Madalas kasi ay iyong seniors niya na, iyong marami nang napatunayan sa larangan ng medisina.

"Well, after my sister, Doc Keziah comes next. When it comes to both of them, I never had to explain anything. They know I'll come home after I finish what needs to be done."

Nakangiwi, humahangang tumango-tango ang residente. "How about Nurse Yaz?"

Hindi ko inaasahang babanggitin muli ako ng residente. Nang sandaling iyon kasi ay panay na ang palihim na pagsimangot ko.

"Well," mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Maxwell. Lalo akong napanguso dahilan para matawa siya, hindi ko inaasahan. "Sa kaniya lang ako nag-e-explain," aniya sabay kibit-balikat.

Hindi ko maintindihan ang mararamdaman, kung maiinis ba dahil si Keziah ang ikalawang nakaiintindi sa kaniya nang hindi na kailangan pang paliwanagan, o matutuwa dahil sa akin lang umano siya nagpapaliwanag. Ang inis ko kasi ay biglang nahaluan ng kilig.

"Mauna ka na lang, Yaz," bigla ay sinabi ni Keziah. Napanguso ako. "Tatapusin lang namin ni Maxwell ang ilang pasyente, then susunod kami."

Kuyaw! Bida nasad siya! Kusog kaayo siya magdesisyon, dili man jud siya ang boss. Duh!

"Okay, doc," napapahiya kong sabi.

Hindi ko naman inaasahang bahagyang yuyuko si Maxwell para pagpantayin ang mga mata namin. "The next patient is post-operative. She had this rare complication after an appendectomy from a different hospital, it's called pyoderma gangrenosum. Medyo...masungit siya."

"Mas masungit sa 'yo?" biro ko.

Sumama sandali ang mukha niya bago ngumiti. "Do you want to see her?"

"Possible po ba, doc?" namamanghang tanong ko.

"Of course, kasama mo naman ako."

Nabigla man ay magkakasunod na tango ang agad kong isinagot. "Sure, doc!" hindi ko naitago ang excitement at tuwa.

Nakita kong ngumiwi at umiling si Keziah, marahil ay privacy ng pasyente ang iniisip niya at naiintindihan ko siya sa parteng iyon. Gayunman ay hindi nawala ang excitement ko na makilala ang mga pasyente ni Maxwell.

"Good evening, Karen!" bati ni Keziah.

"Ugh, you're here again," masungit na tugon ng pasyente. Gusto kong isiping si Keziah lang ang ayaw nitong makita ngunit sinaman nito ng tingin maging sina Maxwell at iba nilang kasama...maliban sa akin. "Hm, you're new."

"Hello, Karen!" nakangiti kong bati. "I'm Yaz." Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya.

"Hi." Nagtaray man ay tinanggap niya 'yon. Sa reaksyon ng mga lalaking doktor ay mukhang hindi normal para kay Karen ang ganoon.

Nilingon ko ang tray na nakapatong sa overbed table niya. "Why didn't you eat your dinner?"

"I have no appetite."

"I see," tumango-tango ako saka nilingon ang tray. May fruits, vegetables at fish meat. "Why? They look delicious."

"I'm eating the same food for a week now, Yazie."

Awtomatiko akong napalingon sa pasyente nang ibahin nito ang pangalan ko. Bahagya akong natawa. "I like that name!"

Pigil man ay ngumiti si Karen. "I think Yaz is too short, so..." sa halip na ituloy ay ipinagkibit-balikat nito ang katapusan ng linya. "Have you tried eating hospital food? It's disgusting! The food presentation sucks so bad, and tastes terrible! It makes you sicker!"

"I've been eating hospital food, everyday, for months now," nakangiti ko ring sagot. "And I agree with you," pabulong kong sinabi ang huli, iyong kunyaring kaming dalawa lang ang makaririnig. "But you know what? Those people preparing our food are doing it for our own sake. They need to make, not just nutritious, but healthy foods for us all."

Malalim na bumuntong-hininga si Karen saka nakangiwing tumingin sa 'kin. "I knew you'd say that."

"Because that's the only truth why they're serving these foods. Doctors order foods that will surely help you recover fast." Nilingon ko ang tray niya. "These fruits will help your wounds heal."

Muli pa itong bumuntong-hininga. "Fine, I will eat them."

Nagliwanag ang mukha ko. "Thank you, Karen."

Habang kumakain ay patuloy kaming nag-usap ni Karen. Noon nagkaroon ng pagkakataon ang mga doktor para tingnan at gawin ang mga kailangan nila sa pasyente. Bago tuluyang maubos ni Karen ang pagkain ay saka ako tumayo mula sa pagkakaupo sa kaniyang tabi at nagpaalam.

"I appreciate your cooperation, Karen," ngiti ko.

"I hope you can come and visit me often, Yazie. Can we do this everyday?"

Nagugulat akong napatitig sa pasyente. Nang hindi ako makapagsalita ay nilingon ko si Maxwell na para bang sa kaniya mangagaling ang sagot. Hindi ko naman lalo malaman kung ano ang mararamdaman nang makita kung gaano kaganda ang pagkakangiti niya sa 'kin. Para bang siya pa iyong mas masaya na ganoon ang gustong mangyari ni Karen.

"Of course, she can do that, Karen," nakangiting sagot ni Maxwell habang nasa akin ang paningin.

"That's great!" muling tugon ni Karen saka muling bumaling sa 'kin. "And then next time, I'll introduce you to my son. Are you single?"

"She's not," si Maxwell na naman ang sumagot, mas hindi ko inaasahan! Nagtataka siyang nilingon ni Karen, maging naming lahat. "She's my girlfriend." Muling ngumiti si Maxwell, ngunit naroon ang inis. "We'll go now, Karen. The nurse on duty will come and visit you from time to time. Just press the red button at the side of your bed if you need anything."

"Good night, Karen," ngiti ko.

"Come and see me again, next time, okay?" Lumapit si Karen, bubulong sa akin. "I will still introduce you to my son. He's not as cranky as this guy," si Maxwell ang tinutukoy niya.

Hindi ko napigilang matawa. Natigil lang 'yon sa malakas na pagtikhim ni Maxwell. "Baby, let's go."

Nagugulat kaming napalingon kay Maxwell! Tinawag niya akong baby!

Mukhang pati siya ay nagulat sa sinabi kaya sa ikalawang pagkakataon ay tumikhim siya at bumuntong-hininga. "Let's go, Yaz."

Inilahad ni Maxwell ang kamay sa 'kin habang ang isa pa niyang kamay ay nakapasok sa bulsa. Sumenyas siya nang hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin ako kumikilos upang lumapit.

Hindi ko maipaliwanag ang hiya na nararamdaman ko. Kinailangan ko ng lakas ng loob para abutin ang kamay niya at lumapit. Sandali ko pang nilingon si Karen upang magpaalam. Nang makalabas at maglakad kami patungo sa ikalawang pasyente ay hindi na nawala pa sa isip ko ang nangyaring 'yon.

Madilim na nang matapos si Maxwell sa duties and responsibilities niya. Kasabay namin si Keziah sa sasakyan kaya hindi ko magawang kulitin si Maxwell sa sinabi niya kanina. Talaga yatang hindi na mawawala sa isip ko 'yon.

Kumakain na ang lahat nang makarating kami. Naroon sila sa tabing-dagat at nakapalibot sa bonfire, nagdadaldalan, nagtatawanan at nagkakantahan. Halos takbuhin ko ang paglapit, iyon ang isa sa pinakana-miss ko nang magkakasama naming ginagawa noon.

"Anong oras na, ate!" bungad ni Zarnaih.

Sumimangot ako ngunit hindi ko magawang itago ang maganda kong mood. "Busy si Maxwell, eh."

"Sana nauna ka na rito."

"Sabi niya ay sabay na kami."

"Ay, talaga? Congrats, natatagalan na niya talagang kasama ka."

Kung ano-anong bagay ang naglaro sa isip ko bago umastang mauupo sa tabi nina Maxpein at Deib Lohr, nagkataong doon may espasyo.

Awtomatikong umiwas ang mag-asawa. "Galing kang ospital," agad na sabi ni Deib Lohr.

"Of course, doon ako nagtatrabaho, duh?"

"Kaya nga huwag kang dumikit sa 'kin, duh?" animong nandidiring ani Deib Lohr.

"Malinis ako, duh?"

"Sinong niloko mo, duh?"

"Ang arte mo!"

"Sa t'wing umuuwi ang asawa ko ay dumederetso na sa bathroom at humahalik lang sa 'kin pagkatapos maligo. Alis."

"What?"

"Alis!" iwinasiwasiwas niya ang kamay para itaboy ako.

Naiinis kong nilingon si Maxpein, nakapikit siyang tumango-tango, pinatutunayang totoo ang sinabi ni Deib Lohr.

"Magbihis na muna kayo," suhestiyon ni Maxpein.

"And please, wash your hands," ani Lee na agad namang sinundan nang malakas na pagtawa ni Tob.

Wala kaming nagawa kundi ang sumunod. Umakyat kami sa kwartong pag-aari ni Maxwell. Itinuro niya ang walk-in closet at inutusang pumili ng maisusuot. Nanguna si Keziah na para bang alam na alam niya ang mga nilalaman niyon.

"Pick whatever you want," sabi pa ni Keziah, nagmamalaki ang tinig at ngiti. "Sa t'wing may ganitong pagkakataon, dito ako kumukuha ng isusuot. Lahat ay bumabagay at akma sa mga sukat ko," dagdag niya habang tinitingnan ang sarili sa salamin kung bagay ba ang napili niyang blusa. "Gusto ko na ngang isipin noon na he bought everything for me," tumawa siya sa huli.

Palihim akong umirap at hindi nagsalita. Dahil wala na kami sa ospital ay mas pinili ko nang iparamdam na ayaw ko sa kaniya.

"Magbibihis lang ako sa shower room," paalam ko nang may napili ko na.

Tumawa siya. "Bakit hindi ka pa rito magbihis? As if namang magkakasilipan tayo, duh?"

Ayaw kitang kasama, duh? Ngiti lang ang itinugon ko at iniwan na siya. Panay ang simangot ko hanggang sa makapasok sa shower room. At halos mapatili ako nang madatnan si Maxwell doon. Agad niyang tinakpan ang bibig ko para hindi gumawa ng ingay.

Napakurap ako nang mapagtantong bagong ligo siya. Basa ang buhok, tumutulo pa ang tubig mula roon, maging ang katawan. Nakatapis ng twalya at umaalingasaw ang ginamit na sabon. Maging ang hininga niya ay naaamoy ko sa sobrang lapit naming dalawa.

"Ang bilis mo namang maligo?" bulong ko nang alisin niya ang pagkakatakip sa bibig ko.

"I didn't know you're coming inside," nakangising bulong niya. "Besides, I'm already hungry."

Gusto kong mahiya dahil naramdaman kong bigla kung gaano ako karumi habang siya ay malinis na malinis. Naisip kong magshower na rin. Ngunit paano? Naroon siya. Bukod doon ay wala akong kagamit-gamit dito. Kung lalabas naman siya, ano na lang ang iisipin ni Keziah?

Inilibot ko ang paningin at kumislap agad ang mata ko nang makitang may stocks doon ng bagong toothbrush, nakabalot pa. Palibhasa'y hotel, marami pang stocks bukod doon. Hindi ko nga lang inaasahan dahil alam kong si Maxwell lang ang gumagamit sa suite na 'yon.

"I want to wash," bulong ko.

Tumingin siya sa labi ko. "Go ahead," namamaos niyang sabi. Napalunok ako nang marinig.

Dumeretso ako sa sink at sinimulang mag-toothbrush. Gusto kong manghinayang nang mula sa salamin ay makita ko siyang magbihis. Nang ma-realize kung gaano kasama ang naiisip ay umiling-iling ako at nagpatuloy na lang sa pagtu-toothbrush.

"I'm..." hindi ko maituloy ang sasabihin.

Mukha kaming mga sira roon na nagbubulungan kung pwede namng lumabas na lang siya. Gusto kong mag-shower pero paano ko ngang magagawa iyon gayong halatang wala siyang balak na iwan ako?

"I'm going to take a shower," bulong ko ulit.

"I'll wait for you," kaswal niyang sinabi. Nanlaki ang mga mata ko. "That's frosted shower glass," itinuro niya ang shower. "I won't look." Nag-iwas siya ng tingin.

Nakangiwi ko siyang tinitigan. "You can wait for me outside."

Muli niya akong tiningnan, may malamlam na mata, nagpapaawa. "I can wait here." Itinuro niya ang kahanga-hangang single couch na naroon.

"No," walang-tinig kong tugon.

Ngumuso siya, at gusto kong matawa. Malayo iyon sa Maxwell na nakilala ko. "Fine," bulong niya saka muling lumapit sa 'kin.

Tumingin siya sa mga mata ko na para bang sa ganoong paraan siya nagpapaalam sa susunod niyang hakbang. At gaya ng naisip ko, hinalikan niya ako. Nagkamali ako nang isiping dampi lang iyon. Gusto kong mahiya nang maramdaman ang akma niyang pagkalas ay agad akong humabol upang hindi 'yon matuloy.

"Maxwell?" nangibabaw ang tinig ni Keziah.

Sa pagkakataong iyon ay ako na sana ang babawi sa halik ngunit si Maxwell naman ang pumigil. Nagmulat ako upang tingnan siya ngunit nalunod lang ako nang makita kung gaano siyang kalulon sa ginagawa. Para bang ganoon katagal kaming nagkalayo.

"Yaz?" muling pagtawag ni Keziah. "Yaz?" kinatok niya ang pinto.

Napilitan na kaming tumigil ni Maxwell. "Yeah?"

"I think Maxwell already went downstairs," malakas niyang tugon.

Napatingin ako kay Maxwell, at gusto kong matawa nang ngumisi siya. "Yeah!" halos mautal kong tugon. Magsasalita pa sana ako ngunit muling inangkin ni Maxwell ang labi ko.

"Mauuna na rin ako sa 'baba, okay?" minsan pang kumatok si Keziah.

Pinilit kong agawin kay Maxwell ang labi ko ngunit ang loko ay ginawang mahirap para sa 'kin 'yon. "Okay!" sagot ko habang kagat ni Maxwell ang ibabang labi ko. "Ano ka ba?"natatawa kong sabi nang marinig ang pagsara ng pinto.

Bumungisngis si Maxwell. Nakakatawa dahil kahit iyon ay dumaragdag sa feelings ko para sa kaniya. Grabe, hindi ko kailanman naisip na maiitindihan ko ang mga sabi-sabing nakababaliw ang pag-ibig, nang dahil kay Maxwell.

"We have to go, baka hanapin tayo ni Keziah ro'n,"natatawa kong sabi.

Nabigo akong pilitin si Maxwell na lumabas. Nanatili siya sa loob at hinintay akong matapos mag-shower. Maging sa pagbibihis ay naroon siya. Ngunit muli akong humanga dahil talagang hindi siya tumingin. Sa halip ay natawa ako nang madatnan siyang natutulog sa couch.

Yumuko ako at hinalikan ang pisngi niya. "Let's go," gising ko sa kaniya.

"You smell so good," halos singhapin niya ang pisngi ko. "I can smell myself in you," tiningnan niyang muli ang labi ko.

"Ito ang paborito kong amoy mo," pabulong kong sabi.

Ngunit sa halip na sumagot ay muli niyang hinagkan ang labi ko. Natawa ako. Ano bang meron sa sinabi ko para sagutin niya nang gano'n?

Muli ay nagkamali ako nang isiping dampi lamang iyon. Dahil ang loko ay hindi makontento. Iniupo niya ako sa kandungan niya at niliyo.

"Tara na," sabi ko.

"Nawala ang gutom ko," aniya saka nagpatuloy.

"Hahanapin tayo ng family mo."

"Hindi naman tayo nawawala." Hindi siya papigil.

"Maxwell," nagagalit kunyari kong tawag.

Ngunit sa halip na sumunod ay mas binagalan niya pa ang paghalik, iyong paraan niyang alam niya na magugustuhan ko, dahil talagang gustong gusto ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at mas pinabagal pa iyon dahilan para magdulot iyon ng halo-halong pakiramdam sa 'kin.

"Tinawag mo 'kong baby kanina," sabi ko sa pagitan ng mga labi naming naghahabulan. Hindi siya sumagot at sa halip ay mas dumiin ang pagkakahalik niya. "I want to hear it again..." nakikiusap ang tinig ko.

Ngunit sa halip na sumagot ay ngumisi siya at muling pinalalim ang mga halik niya. Ang malilikot niyang kamay ay kung saan-saan na napunta, lalong nagdudulot ng kung ano-anong pakiramdam.

Ang labi niyang kanina ay nasa labi ko lang ay naglakbay pa sa kung saan-saan, at bago ko pa mapansin ay nakaupo na ako paharap sa kaniya at animong lasing na kumikilos sa paraang pareho naming nagugustuhan.

Inihiga niya ako at dahil sa takot kong mahulog ay mas kumapit pa ako sa kaniya. Hinalikan niya tenga ko dahilan para makiliti ako at halos maipit ang mukha niya. Pero hindi siya doon nagpapigil, at sa halip ay mas idiniin pa ang mga halik niya. Kahit anong pagpipigil ko ay hindi ko naiwasang gumawa ng ingay.

Pareho kaming lunod nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Natawa ako at napahiga sa balikat niya.

"Damn it, Pein," pabulong na asik niya saka sinagot 'yon.

"Where the hell are you?" dinig na dinig ko ang tinig ni Maxpein sa kabilang linya.

"Pababa na," pabuntong-hiningang sagot ni Maxwell saka ibinaba ang linya.

"You're brave, huh?" humahanga kunyari kong sabi. Binabaan niya ng linya si Maxpein, kahanga-hangang kilos na 'yon para sa isang myembro ng kanilang pamilya.

Tumingin siya sa pagkakaupo ko at muling bumuntong-hininga. "Let's go."

Binuhat niya ako at tinulungang tumayo nang ayos. Magkahawak ang kamay namin nang lumabas sa shower room. At ganoon na lang ang gulat namin nang madatnang naroon pa si Keziah. Magkakrus ang mga braso niya at nagpapalitan ng tingin sa aming dalawa ni Maxwell.

"Kez," napapalunok na pagtawag ni Maxwell.

Ngunit sa halip na sumagot ay disappointed na natawa at nag-iwas ng tingin si Keziah.

"I thought you already left," bakas ang pagkapahiya sa tinig ni Maxwell. "Sorry."

Aaminin kong sa isang bahagi ng isip ko ay sinasabing hindi kailangang mag-sorry ni Maxwell. Keziah knows that Maxwell and I are in a relationship. So labas na siya kung ano man ang dahilan namin para hayaan siyang isiping wala na kami roon. Kaso, may parte rin sa akin na nagsasabing tama lang iyon. Bitterness ko na lang iyong tumatanggi. Bagaman wala na rin akong karapatang maging bitter kay Keziah dahil ako na rin ang nagsabing boyfriend ko na si Maxwell.

"They're waiting downstairs, let's go," malamya niyang sabi saka nauna. Nagkatinginan kami ni Maxwell, bumuntong-hininga siya, saka kami sumunod.

Tahimik kaming pare-pareho mula sa pagsakay ng elevator hanggang sa makababa sa makababa. Agad akong umiwas sa presensya ni Keziah.

Ngunit ganoon na lang ang gulat naming pare-pareho nang masaksihan namin kung paanong pinitik ni Maxpein ang tenga ni Montrell Venturi! Hindi namin alam kung anong oras ito dumating. Hindi rin namin alam kung bakit iyon ginawa ni Maxpein. Pero dahil namumula ang mga pisngi niya ay hindi na ako magtataka kung nakainom siya.

Makikita ang gulat at disgusto sa hitsura ni Montrell. Sumama ang ang mukha niya at masama rin ang tingin nang lingunin si Maxpein.

"Ang dinig ko ay interesado kang bilhin ang isla ko?"nakangising tanong ni Maxpein, hindi mahimigan sa tinig niyang lasing siya ngunit naroon 'yon sa kaniyang mga kilos.

Tumikhim si Montrell at tumayo upang harapin si Maxpein. Kinabahan ako ngunit nawala 'yon nang ilahad nito ang kamay.

"I'm Montrell Venturi," kaswal nitong pakilala.

Ngunit sa halip na tanggapin ang pakikipagkamay nito ay ngumisi si Maxpein at marahan siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. "I bet you know who I am already, hm?"

"Yeah, I've heard a lot about you."

"Really?"

"Yes." Hindi ko maipaliwanag kung naiilang, nahihiya o naaasar ba si Montrell. Ang mga reaksyon niya ngayon ay malayo roon sa mga nakita ko noon.

"Sa akin ka interesado at hindi sa isla, kung gano'n." At 'ayun na nga ang kayabangan ni Maxpein.

"Pein," agad na pagtawag ni Maxwell sa nananaway na tinig. Lumapit siya at bahagyang inilayo ang kapatid. Saka siya humarap at bahagyang tumango kay Montrell. "I'm sorry. She's drunk."

"No, I'm not," tanggi ni Maxpein.

"You are," umiiral ang pagiging panganay ni Maxwell. "He's our guest. Treat him better," pabulong niyang asik.

Ngunit lasing na nga yatang talaga si Maxpein. Inagaw niya ang braso kay Maxwell ang braso at muling nag-angat ng tingin kay Montrell.

"Name your price," wala pa man ay sinabi na 'yon ni Montrell. Seryoso siya masyado at kaba ang idinudulot sa 'kin niyon. Mukhang hindi niya nga nagustuhan ang ginawa ni Maxpein, at wala siyang balak na pagbigyan ito.

"Hm, I am actually planning to sell it for a very...low...low price," ngising muli ni Maxpein. Dahilan para pare-parehong magulat ang lahat ng nakaririnig, maging si Montrell.

"Are you sure?" nagugulat na ani Montrell saka umiling. "No, I'm sorry but I'm willing to pay full price."

Hindi namin inaasahang tatawa nang malakas si Maxpein, lasing na ngang talaga. "Sige, ibebenta ko nang mahal."

"That's not a problem. I don't make purchase decisions based on price alone. I'm willing to pay more for its quality. I mean, your island is jaw-dropping, it's beautiful."

"Deal." Inilahad ni Maxpein ang kamay.

"Pein!" asik ni Maxwell, pigil ang sarili. "What are you doing?"

Humalakhak si Maxpein, lasing na lasing na yatang talaga. "I'm going to sell it to this Venturi," itinuro niya si Montrell. "Tapos ay bibilhin ko sa tripleng halaga."

Nalilitong umiling si Montrell. "What?"

Hindi inaasahan ng lahat nang biglang sumeryoso si Maxpein. "Tapos ay bibilhin ko pabalik sa tripleng halaga, para malaman natin kung sino ang mas mayaman sa ating dalawa."

Natigilan ang lahat, hindi maipaliwanag ang sandaling iyon. Sa tinig at sa paraan ng pagtingin ni Maxpein dito ay hindi ko na masabi ngayon kung lasing nga ba siya. Hindi ko rin masabing nakikipagbiruan siya. Dahil sa likod ng mga ngisi at titig niya kay Montrell ay iyong Maxpein na mas hinangaan ko. Iyong hindi matukoy kung sino at ano ang pagkatao.

"I'm really sorry, Mr. Venturi," umiiling, sinserong pakiusap ni Maxwell. "I think we'll talk to you some other time."

Sa kabila ng sinabi ni Maxwell ay hindi naalis ang tingin ni Montrell kay Maxpein na lumaban din ng tingin dito. May kung anong tensyong idinudulot ang titigang iyon sa pagitan ng dalawa.

Nang mapansin iyon ni Maxwell ay humakbang siya at humarang sa pagitan nina Maxpein at Montrell, dahilan para maagaw niya ang paningin ng lalaki. "We'll talk to you some other time, Mr. Venturi." Nakikiusap pa rin ang tinig niya.

Ngumisi si Montrell. "Take care." Bahagya siyang tumango, muling sinulyapan si Maxpein bago tuluyang tinalikuran ang dalawa.

Pinanood ng lahat ang paglalakad papalayo ni Montrell at mga tauhan nito. Nang tuluyang mawala ay saka lang hinarap na muli ni Maxwell ang babaeng kapatid. Nababasa ko ang pagtataka at pagkalito sa mga mata niya, pinipigilang mainis.

"Why did you do that? Why do you have to speak with him like that, Pein?" istriktong tanong ni Maxwell.

Ngunit hindi agad sumagot si Maxpein, ang kaniyang paningin ay nakasunod pa rin kay Montrell. "He really is a Venturi."

"What do you mean?"

Noon lang nag-iwas ng tingin si Maxpein. "We have to go."

"You're drunk."

"I am not drunk," seryosong tugon ni Maxpein.

"Why are you like this, then?"

"Just eat your dinner, Maxwell, will you?"

"Maxpein!" nagtaas ng tinig si Maxwell, nagulat ang karamihan sa amin.

"Bitgaram, Laieema," nilingon ni Maxpein ang dalawang kasama. "Gaja," aniya na ang tingin ay nasa kapatid at pasiring lang na inalis.

Akma itong susundan ni Maxwell nang pigilan siya ni Maxrill. "Let her go," umiling din ang bunso, maaaring hindi rin maipaliwanag ang nangyari.

Nakakalito. Ang gabi na inaasahan naming magiging masaya ay nagtapos sa ganoon. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil kung bumaba lang siguro kami agad ay baka hindi ginawa ni Maxpein 'yon. Kung naabutan lang siguro namin ang pagdating ni Montrell ay baka kinausap at pinakisamahan ito nang maayos ni Maxwell.

Hindi rin ganoon kaayos pakitunguhan nina Maxwell at Maxrill si Montrell, lalo na noong unang magkaharap-harap ang tatlo. Hindi ko malilimutan iyon. Pero ang ginawang pagpitik ni Maxpein dito ay ibang usapan na. Bukod sa maayos kung makipag-usap sa kaniya si Montrell. Si Maxpein ang hindi ko maintindihan nang sandaling iyon.

"Let's eat dinner," anyaya ni Maxwell nang makabalik na kami sa hotel.

Ang mga kaibigan namin ay mga pagod na, palibhasa'y hapon pa lang ay naroon na sila sa tabing-dagat, kumakain, nagkakatuwaan at mayroong kaunting inuman. Kami nina Keziah at Maxwell ay naudlot ang hapunan. Maaga-aga pa naman kaya pumayag ako. Iyon nga lang, sa restaurant na kaming kumain pare-pareho.

Tahimik lang kaming tatlo. Nasisiguro kong iniisip pa rin ni Maxwell ang nangyari, maging ako kasi ay hindi malimutan 'yon. Kataka-taka pang bigla na lang umalis si Maxpein, tatanungin ko pa naman sana siya kung anong oras ang flight niya. Hindi ko na 'yon nagawa.

"Maxwell," pagtawag ni Keziah, katatapos lang naming kumain pare-pareho. "We have an emergency." Kinabahan bigla ako. Naisip kong baka may kinalaman si Montrell sa emegency na iyon.

"Nag-text si Doc Padua, may emergency operation tayo."

Nasapo ni Maxwell ang noo at saka tumango-tango. Nilingon niya agad ako. "We have to go."

"Do you...want me to join you?" pabulong kong tanong, as if hindi maririnig ni Keziah iyon, gayong kaming dalawa pa ang magkatabi at kaharap namin si Maxwell.

"No, it's okay. It's a major operation but we can handle it. Doon ka na sa kwarto ko matulog, ipina-laundry ko na ang uniform mo para may magamit ka tomorrow." Inabot niya ang card key.

"Thank you," ngiti ko. "Uuwi ka mamaya?"

"After ng operation, yes. But I'm going to stay here,"bumuntong-hininga siya. "Hindi tayo papayagang matulog nang magkasama ni daddy."

"I understand," napapahiya kong sabi.

"Let's go," istriktong anyaya ni Keziah, nauna nang tumayo.

Tumayo si Maxwell at lumapit sa 'kin. "Sleep tight, baby,"bulong niya saka ako hinalikan sa sentido. "I'll see you tomorrow."

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaalis. Nang hindi ko na siya matanawan ay saka kumawala ang pinipigil kong ngiti. Tuloy ay kagat ko ang aking labi hanggang sa makabalik sa hotel na kaniyang pag-aari.

Baby...paulit-ulit sa pandinig ko ang pagtawag niya na kung tutuusin ay bahagyang lambing lang naman. Hindi iyon kasing emosyonal sa paraan ko ng pagtawag, kunsabagay, sabi nga ni Zarnaih ay napaka-OA ko sa t'wing tatawagin ko siya ng ganoon.

Pero iba ang dulot na kilabot sa t'wing si Maxwell nang sambitin niya sa ikalawang beses iyon. Noong una ay may himig iyon ng pagiging territorial niya. Ngayon ay para bang hinalikan niya ako kasabay ng pagkakasabi niyon. O baliw lang talaga ako?

Masaya akong pumanhik sa kwarto. Mukhang tanga pa akong sumandal sa pinto, ang mga kamay ay parehong nasa puso at paulit-ulit na ninamnam sa isip kung paano iyong sinambit ni Maxwell. Saka ako tila luka-lukang tumawa.

"Kung malalaman lang siguro ni Maxwell na ganito ang epekto sa 'kin ng mga ginagawa niya, baka ma-turn off siya." Muli pa akong natawa.

Naghanap ulit ako ng maisusuot sa closet. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Keziah kanina. Hindi naman nagkakalayo ang katawan naming dalawa, mas may kurba nga lang ako kesa sa kaniya, kaya hindi na kataka-takang magkasya sa aming pareho anumang damit ang naroon.

"Kung hindi lang siguro maganda ang mood ko, kinuwestyon ko na si Maxwell kung bakit may mga damit ng babae rito?" nakangiti ko pa ring kinakausap ang sarili ko.

Kahanga-hanga kasing kompleto iyon, lahat ay nakabalot at may tag na nagsasabing bago iyon ngunit dumaan na sa laundry.

Nang makapili ay dumeretso ako sa bathroom at muling naligo. Iyong red silk nighties ang pinili ko. Nagkakanta pa ako, hindi makaramdam ng pagod. Matagal akong nanatili roon bago tuluyang nakahiga sa kama. Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko.

Kung hindi lang sana nangyari 'yong ganoong pag-uusap nina Maxpein at Montrell, masasabi ko nang perpekto ang araw na 'to.

Nakangiti kong inabot ang unan at kinikilig na niyakap iyon. Pumikit ako at paulit-ulit na inalala ang mukha ni Maxwell, kung paano niya akong hinalikan kanina at ang iba't ibang pakiramdam na idinulot niyon.

Nakagat ko ang labi ko nang maalala kung gaano siya kasabik na halikan ako kanina. Naisip kong paniguradong kung magkasama kami ngayon ay pareho na naman kaming mapupuyat dahil sa suot kong pantulog. Napanguso nga lang ako sa katotohanang hindi kami pwedeng mag-sleep nang magkasama ngayong narito ang pamilya niya.

Umiling-iling ako nang ma-realize kung gaano kasasama ang laman ng isip ko. Matulog ka na nga, Zaimin Yaz! Psh!

Ang inaasahan ko ay hindi ako makakatulog. Ngunit ilang saglit lang ay parang nananaginip na ako. May nararamdaman akong haplos sa hita ko dahilan para bahagyang magising ang diwa ko. Pilit kong nilalabanan ang pakiramdam niyon upang huwag maputol ang tulog ko. Ngunit nagpatuloy iyon at nararamdaman ko ang unti-unting paglihis pataas ng maikling palda niyon.

"Maxwell?" nakapikit, paulong kong pagtawag ngunit wala akong nakuhang tugon.

Sinubukan kong matulog ulit ngunit nagpatuloy muli ang haplos na iyon. Doon na ako nagdesisyong bumangon. Wala halos akong makita dahil sa dilim at nanlalabo pa ang paningin ko. Ngunit kinabahan ako nang maaninag ang hindi pamilyar na imaheng nakaupo sa tabi ko!

Awtomatiko akong napabalikwas ng bangon patalon sa kama at hinarap siya. "Sino ka?!" nanginig ang tinig ko.

Hindi iyon kumilos. Hindi iyon nagsalita. Hindi ko iyon halos makita ngunit hindi ko maipaliwanag kung paano akong nakasisigurong nasa akin ang mga paningin niya.

Naging maingay ang paghinga ko, dulot ng matinding kaba. Humakbang ako ng isang beses papalayo. Sa gilid ng aking mata ay nakita kong nakapatong ang cellphone ko sa side table.

Kung tatakbo ako sa pinto ay mahihirapan akong buksan iyon tatlo ang lock niyon. Ang bathroom ang pinakamalapit sa akin. Ngunit ang isiping tatakbo ako papunta ro'n ay nagdudulot na ng kung anong kilabot sa 'kin.

Pinakiramdaman ko iyon. Walang nagbago sa kilos at pagkakaupo nito, hindi rin nagbago ang pakiramdam kong nasa akin ang mga mata nito. Marahas kong dinampot ang cellphone sa side table at saka ako tumakbo papasok sa bathroom. Halos magkandamali-mali ako sa pagsasara at pagla-lock niyon. Nahulog ko pa ang cellphone bago nagawa ng tama iyon.

Naluluha, nanginginig nang matindi kong tinawagan si Maxwell habang umaatras papalayo sa pinto. Ngunit napatalon ako at muling nahulog ang cellphone nang dambain niyon nang malakas ang pinto at halos makita ko nang gumalaw iyon!

Fuck! Fuck! Fuck! Nagmamadali kong pinulot ang cellphone at saka muling idinial ang numero ni Maxwell. Please answer the phone, Maxwell! Answer the phone!

Tiwala ako sa tibay at kalidad ng mga materyales na ginamit sa hotel na iyon. Ngunit nangangamba akong baka sa sobrang tibay niyon ay wala ring nakaririnig sa pagdamba na ginawa nito. Sobrang lakas niyon! At kung mumurahin ang dibisyon ng bawat kwarto, posibleng may nakarinig niyon sa kabilang mga silid. Hinihiling ko nang sandaling iyon na sana ay may nakarinig at humingi ng tulong.

Sa ikatlong pagkakataon ay tinawagan ko si Maxwell ngunit hindi nito sinasagot iyon! Muli akong napatalong nang sa ikalawa ring pagkakataon ay dinamba niyon ang pinto, at muli kong makitang gumalaw iyon dahil sa lakas!

Damn it!

Nalilito, natutuliro akong tumingin sa cellphone ko. Para bang wala na akong kilalang iba bukod kay Maxwell kaya hindi ko alam kung sino ang hihingan ko ngayon ng tulong!

Si Maxrill! I'll call Maxrill!

Pinunasan ko ang mga luha ko at pilit na pinakalma ang aking sarili. Ngunit sadyang naging napakahirap niyon at iba ang dulot sa 'kin ng takot ko! Na maging ang unang tatlong letra sa pangalan niya ay ilang beses ko pang natipa nang mali!

Fuck, Yaz! C'mon! Function! Umiiyak kong sigaw sa sarili.

Nanginginig sa takot akong umiiyak, kagat ang sariling mga daliri habang hindi inaalis ang paningin sa pinto, habang pinakikinggan ang pagri-ring ng cellphone ni Maxrill sa kabilang linya.

"Yaz?" Sa wakas ay sinagot ni Maxrill ang kabilang linya!

"Maxrill," nanginginig kong pagtawag. "Maxrill please help me. Please help me," umiiyak kong bulong. "Maxwell is not answering his phone" Sa ikatlong pagkakataon ay dinamba niyon nang malakas ang pinto! "Who the fuck are you?!" sigaw ko sa magkakahalong takot, panginginig at pag-iyak. Napapatalon ako sa takot at pinahihirapan akong mag-isip nang tama ng kaba.

"Where are you?" matigas, nag-aalala at pasigaw na tugon ni Maxrill. "Tell me where you are, I'm coming for you!" Sa paraan ng pananalita niya ay nasisiguro kong kumikilos na siya.

"Nandito ako sa executive suite ni Maxwell. Maxrill, please, pumunta ka agad, natatakot ako. Please."

"Stay on the line." Ilang saglit lang ay narinig ko siyang tumatakbo. Noon ko lang naisip na naroon din siya sa hotel at posibleng nasa floor kung saan naroon din ako.

"The door is locked, I don't think you can get in."

"I don't need a door to get in," tila nahihirapan niyang sinabi na para bang may inaakyat siyang hindi ko maintindihan.

"Maxrill, be careful!"

"Now you care, huh?"

Napapikit ako, nakuha ko pang mainis. "Just...just be careful!"

Sa halip na sumagot ay bumuntong-hininga ang narinig ko sa linya niya. Paulit-ulit na paghinga na para bang ginawa ang ganoong telepono para maghingahan kaming dalawa.

Ganoon na lang ang gulat ko nang may kumatok sa bintana ng bathroom kung saan naroon ako. "Maxrill?" nanginginig ko na namang pagtawag.

"Open the window," magkasabay kong narinig ang boses niya sa cellphone at sa labas ng bintana.

Maging ang pagbubukas ng bintana ay hindi ko magawa nang tama. Sa sobrang pagkalito, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, ang ilapag ang cellphone o buksan ang bintanang iyon. Wala na akong pag-asa.

"What happened?" Hindi ko inaasahang hahawakan niya ng parehong kamay ang mukha ko.

Natatakot at naiiyak man ay umatras ako palayo. "May tao..." itinuro ko ang pinto papalabas. Akma siyang hahakbang paparoon nang hilahin ko siya sa braso. "What are you going to do?"

"Titingnan ko kung sino."

"Maxrill, it's dangerous! I don't even know that guy!"

"Kaya nga titingnan ko," kaswal na aniya, hindi kakitaan ng kaba.

"Delikado, baka kung ano ang gawin niya" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang muli akong mapatalon sa gulat matapos niyong dambain sa ikaapat na pagkakataon ang pinto!

"Si Maxwell ang magagalit kapag nasira ang pinto. Galing pa sa London ang security locks ng mga ito."

At 'ayun na nga ang tipikal na ugali ng myembro ng pamilyang Moon, na kailanman ay hindi ko inaasahang makikita, maririnig at mararamdaman ko kay Maxrill.

"Just stay behind me," aniya pa.

Sa takot ko ay napahawak ako sa braso niya, umaasang mapipigilan pa siyang buksan ang pinto. Ngunit nang tuluyan niyang buksan iyon ay hindi ko na halos maigalaw ang katawan ko sa takot.

Humakbang papalabas si Maxrill at gano'n na lang kabilis ang pagkilos niya nang saluhin ang kung ano mang sumalubong sa kaniya. Hindi ko alam kung paano niya iyong naramdaman at nakita!

Narinig ko nang masaktan ang lalaki. Ngunit agad iyong kumilos at muling sumugod. Magkakasunod na balibag ang ginawa nina Maxrill at ng imaheng iyon sa isa't isa. Mabilis kung kumilos si Maxrill, ramdam ko ang lakas ng mga pag-atake niya. Ngunit kakaiba ang estrangherong iyon. Sa kakaunting liwanag na nagmumula sa bathroom ay makikita kong nahihigitan niya ang mga kilos ni Maxrill.

Patakbo kong nilapitan ang switch dahilan upang tuluyang bumukas ang ilaw. "Sino ka?!" sigaw ko, ang paningin ay hindi inaalis sa estrangherong iyon.

Hindi iyon sumagot, ang paninign ay tutok kay Maxrill. Nakasuot iyon ng itim na pants, itim na t-shirt, itim na sapatos at pulang sombrero. May edad na, at halos hindi maklaro ang mukha dahil sa makapal nitong balbas-sarado, napalilibutan hindi lamang ang bibig at panga kundi maging ang patilya.

Muli kong hinarap ang cellphone. "Mag-ingat ka, Maxrill! Tatawagan ko si Mokz!"

Gano'n na lang ang gulat ko nang makita kong batuhin ako ng kung anong matalas na bagay ng estrangherong iyon at halos huminto ako sa paghinga nang makita kong habulin at saluhin ni Maxrill iyon!

Pasigaw na nagsalita si Maxrill sa lenggwaheng hindi ko maintindihan. At sa sandaling iyon ay napagtanto kong posibleng kilala niya ang lalaking iyon.

"Napakalaki mo na," nagsalita ng Tagalog ang estrangherong iyon, ngunit dahil sa punto ay sigurado ngang hindi iyon Pilipino. "Nasisiguro kong hindi mo ako makikilala sapagkat napakaliit mo pa noong huli kitang makita."

Sumagot si Maxrill sa lenggwaheng hindi ko maintindihan, nagtatanong. Naghihintay siya ng pagkakataong sumugod, at hinihintay rin itong gumawa ng kilos.

"Hello?" Sumagot si Mokz sa kabilang linya.

"Mokz!" pagtawag ko. "Please, puntahan ninyo kami rito sa suite ni Maxwell. May pumasok na" Muli akong natigilan sa sasabihin nang batuhin ako ng kung ano at tamaan sa kamay, nabitiwan ko ang cellphone dahil sa sakit na idinulot niyon!

Napaupo ako sa sakit, ramdam ko ang hiwa, maging ang pagdaloy ng dugo ko. Narinig ko nang sumigaw at tumakbo si Maxrill pero hinid ko na iyon nakita. Bumaluktot ako sa sobrang sakit, pilit ko iyong iniipit.

"Sayang, kailangan ko nang umalis," anang tinig ng estrangherong iyon. "Masaya akong makaharap ka. Akala ko ay ang pinakamataas na rango lamang ang marunong makipaglaban sa inyo...maliban sa cheotjae." Ang ilan sa mga sinabi niya ay hindi ko lubos na maunawaan.

"Lahat ng rango ay marunong makipaglaban. Hindi mo na dapat ipagtaka 'yon." Noon ko lang nahimigan sa ganoon kapantay na pagsasalita si Maxrill, para siyang babaeng bersyon ni Maxpein!

"Ngunit iba ang bilis mo."

"Huwag ang pagiging rango ang tingnan mo."

"Alin, kung ganoon?"

"Ang pamilyang kinabibilangan ko."

Humalakhak ang estrangherong iyon. "Hihintayin kong makaharap muli ang pamilya mo, kung ganoon. Hanggang sa muli." Kakatwang tumango ito at basta na lang tinalon ang bintana gayong napakataas niyon!

Patakbong lumapit sa 'kin si Maxrill. "Dadalhin kita sa ospital."

Magsasalita na sana ako ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang buhatin niya ako. "I can walk, Maxrill."

Tumingin lang siya sa 'kin at bumuntong-hininga. Hindi niya ako ibinaba kahit nang buksan niya ang pinto. Tuloy ay nakita ng ilan sa mga kaibigan namin at mga magulang niya ang ganoong sitwasyon namin. Gulat at pagtataka ang unang rumehistro sa mga mukha nila.

Saka lamang lumapit si Maze nang makita ang dumurugo kong kamay. "What happened?"

Sumagot si Maxrill gamit ang ibang lenggwahe. Nasiguro kong sinabi niya ang nangyari dahil base sa reaksyon ng mga Moon, magkakahalong gulat, galit at pagkamangha ang naroon.

Sina Zarnaih, Mokz, Maximore at Maze ang sumama sa akin sa ospital bukod kay Maxrill. Syempre, nagulat ang lahat nang makita ako, sino nga naman ang mag-aakalang magiging pasyente ako sa gabi ring iyon.

Agad na lumapit sa 'kin sina Mitch at Raffy, sila rin ang umasikaso sa sugat ko. Panay ang tanong nila pero dahil sa sakit niyon ay hindi ako makasagot ng tama.

"Call Maxwell, please," utos ni Maxrill, agad namang tumalima si Raffy.

"Where is she?" nangibabaw ang tinig ni Maxwell wala pa mang ginagawa sa akin. "What happened?" hindi ko man lang naramdaman ang pagtakbo niya, para siyang hangin na lumipad na lang bigla sa tabi ko!

Si Maxrill ulit ang sumagot gamit ang ibang lenggwahe. Ilang saglit lang ay nag-usap na silang magpapamilya dahilan para matahimik at mangapa kaming magkapatid. Upang makaganti ay kinausap ko sa bisaya si Zarnaih, ikinuwento ang lahat ng nangyari. Natahimik ang pamilyang Moon at muling nakipag-usap nang maayos sa amin.

"Are you okay?" tanong ni Maxwell. Niyuko niya ako at hinaplos-haplos sa noo. Naramdaman ko ang nagugulat at nangunguwestyong mga titig nina Mitch at Raffy sa akin.

"She was calling you," ani Maxrill.

Matagal na tumitig si Maxwell sa kapatid. Ang pagsisisi ay mababasa sa mga mata niya. Sa halip na sagutin ito ay naupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"I'm sorry," sinserong ani Maxwell.

"It's okay, I know you're busy," nagbaba ako ng tingin.

"Let me see your hand," agad na aniya.

"I'm okay."

"Let me see it, Yaz," 'ayun na ang istriktong tinig niya. Wala akong nagawa para iabot ang kamay. "Do you feel dizzy or sleepy?"

"Huh?"

"Answer my question, Yaz. Nahihilo ka ba o inaantok?"

"Ngayon, hindi."

"Are you sure?"

"Yes, why?"

"Nothing," aniya na animong nakahinga nang maluwang.

"He wants to know if it has a poison," sabat ni Maxrill. Awtomatikong nagtaas ng tingin si Maxwell sa kaniya. "She has to know."

Pabuntong-hiningang bumaling muli si Maxwell sa akin. "Kailangan ko itong tahiin."

"Baka busy ka?"

"It's okay," muling bumuntong-hininga si Maxwell.

Hindi ko maintindihan ang pakiramdam. Kanina lang ay masaya ako dahil sa pakiramdam na idinulot ni Maxwell. Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng magkakahalong takot at pangamba dahil sa estrangherong iyon at sa kaligtasan namin ni Maxrill. Matapos niyon ay nakaramdam ako ng sakit dahil bagaman maliit ay malalim ang sugat na aking tinamo. Ngayon namang kaharap ko si Maxwell ay lungkot na nararamdaman ko.

Dahil ngayon ko lang napagtantong sa ganitong klase ng sitwasyon, hindi ko siya maaaring hingan ng tulong. At nakakalungkot ang katotohanang iyon.

~ To be continued. . .~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji