CHAPTER 16

AUTHOR'S NOTE: PLEASE CLICK ON THE EXTERNAL LINK TO ORDER MOON SELF-PUBLISHED BOOK OR JUST GO TO: www.facebook.com/hesintoher (UNTIL MARCH 16 ONLY). Thanks! d--,bv

"HINDI NA kita natawagan, Mang Pitong," nakangiting ani Maxwell nang makabalik kami. "'Buti nandito na kayo. Kanina niyo pa kami hinihintay?"

"Hindi naman. Inabangan ko na kayo dahil may bisita kayong naghihintay sa hotel." Ngumiti si Mang Pitong sa akin matapos isagot 'yon.

"Bisita?" nagtatakang ani Maxwell. "At this hour? Tsh. Sino?"

"Naku, ang habili'y huwag kong sasabihin. Ihatid ko na lamang daw kayo roon at nang harapin mo sila."

"Sila?" Wala pa man ay tila nauubos na ang pasensya ni Maxwell.

"Baka si Montrell Venturi na naman at mga tauhan niya,"pabulong kong singit.

"You think so?" kunot-noong tugon ni Maxwell. "I'm running out of patience with that guy. What does he want this time?" asik niya saka ako inalalayang maglakad sa buhangin.

Gusto kong mag-alala pero nadi-distract ako sa gestures ni Maxwell. Itinuturo niya 'yong mga lalakaran ko na para bang ganoon kadelikado iyon. Maging sa pag-alalay sa akin pasakay sa kaniyang sasakyan ay awtomatikong kumikilos ang mga kamay niya. Hanggang sa pagsusuot ng seatbelt ay siya ang gumawa. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang mainis habang nagpapaka-gentleman sa akin. Siguro nga ay natural na sa kaniya 'yon, at gusto kong magselos nang maisip kong posibleng hindi lang sa akin siya ganoon.

"Where is that Venturi?" tanong ni Maxwell kay Mang Pitong, hindi pa man kami nakakababa ng kotse niya, animong may susugurin, kunot na kunot ang noo.

Sa halip naman na sumagot ay kakamot-kamot sa ulo, pilit ang ngiti kaming iginiya papasok sa hotel ni Mang Pitong. Natigil si Maxwell nang tuluyang makita kung sino ang mga bisitang naghihintay sa kaniya sa lobby ng hotel na pag-aari ng kanilang pamilya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mamataan kung sino-sino ang mga iyon.

"Oh, my gosh!" palahaw ko. "Guys!"

Patakbo akong lumapit at hindi ko alam kung sino ang una kong lalapitan at babatiin. Kompleto ang pamilyang Moon at Enrile. Sa Echavez ay naroon si Randall at ang kaniyang kapatid, syempre, si Dein Leigh at kanilang anak. Naroon din sina Zarnaih at asawang si Lee, maging ang pamangkin kong si Zaydie. Maging sina Michiko at Tob ay nandito rin. Nakompleto ang lahat dahil naroon din sina Migz at BJ.

"Oh, my gosh! I miss you all so much!" nilapitan at niyakap ko silang isa-isa sa sobrang tuwa at saya.

"Ano ba naman, ate!" naaalibadbarang angil ni Zarnaih nang basta ko na lang siya yakapin. "Hindi ikaw ang ipinunta namin dito, 'no! Tabi nga!"

"Excuse me! Hindi rin naman ikaw ang dahilan ng excitement ko, kung hindi itong pamangkin ko!" agad kong tinunghayan ang pamangkin kong noon ay karga ni Lee. "Zaydie, my princess! Kuhang-kuha mo na ang perpektong mukha ni tita! Hindi ako ang nanganak pero sa akin ka nagmana!"

"Natutulog, ate! Respeto naman sa bata," muling angil ni Zarnaih.

"Psh! Alis nga diyan," pinatabi ko siya saka ako lumapit sa mga Moon. Niyakap ko isa-isa sina Tita Maze, Tito More at Mokz. Kasunod ay ang pamilya ni Randall, at mga kaibigan nina Zarnaih. Ngunit agad akong natigilan, humupang bigla ang tuwa ko at galak, nang magkatinginan kami ni Deib Lohr. Siya na kasi dapat ang susunod kong yayakapin.

Tinitigan ako ni Deib Lohr na para bang inihahanda ang sariling umilag oras na lumapit ako. Iyong titig na para bang nagbabanta nang huwag kong ituloy ang anumang plano ko. Nanghuhusga.

"Oh, ano'ng tinitingin-tingin mo?" agad na angil ni Deib Lohr, wala pa man ay umiiwas na. "'Wag mo 'kong tingnan nang ganyan, may asawa na 'ko."

Nanlaki ang mga mata at namilog ang bibig ko gulat. Pinamaywangan ko siya. "Excuse me! Babatiin lang kita, 'no!"angil ko rin.

"Tch, babati raw, eh, niyakap mo silang isa-isa," bulong nito, masama ang mukha.

Lalong namilog ang bibig ko, hindi makapaniwala. "Alam mo, may asawa't anak ka na, isip-bata ka pa rin, Deib Lohr."

"'Wag mo 'kong kausapin, selosa ang asawa ko." Agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Tss," 'ayun na 'yong pamilyar na ekspresyon ni Maxpein.

"Maxpein!" nagpapapadyak kong tawag, saka ako patakbong lumapit sa kaniya. "Grabe! Na-miss kita! Kumusta ka na, ha? How's life?"

"My god, ate!" 'ayun na naman 'yong nakaririnding tinig ni Zarnaih. "Para namang ang tagal nating hindi nagkita-kita? Eh, isang buwan ka pa nga lang yatang sumasahod! Psh! Stop me, 'no!"

"Ang ingay mo," asik ko.

"Eh, paano, ang arte mo," pasiring akong inilingan ng kapatid ko. Hindi ko napigilan ang matawa. "Kamag-anak mo? Kamag-anak ka? Hindi mo man lang ba bibigyan ng tyansang makabati 'yong totoong kapamilya?"

Natawa ang lahat, maging ako. Kung may nami-miss man ako kay Zarnaih ay 'yong ganitong ugali niya. Normal na talaga sa amin ang ganitong treatment sa isa't isa.

Nilingon ko si Maxwell. Tatawagin ko na sana siya, yayayaing bumati sa kaniyang pamilya, pero parang tinunaw ang puso ko sa ganda ng pagkakangiti niya sa akin. Pinanood niya ba akong batiin ang mga bisita niya? Natatawa ba siya dahil gaya ng sinabi ni Zarnaih, hindi naman ako ang ipinunta ng mga ito pero ganoon ako mag-react? Ano man ang dahilan niya, masaya akong makita ang ganoong reaksyon sa kaniyang mukha. Nakikita ko kasing masaya siya dahil masaya akong makita ang lahat ng bisita niya.

"Hyung," 'ayun na naman 'yong pagbati ni Maxpein na animong kumpare o kung sinong panyero lang ang binabati, sa malalim na tinig kasabay ng pagtango.

"Pein," ito rin agad ang unang binati ni Maxwell. Iminuwestra niya ang mga kamay para salubungin ito ng yakap.

Noon lang tumayo si Maxpein at muling tinanguan ang gwapong kapatid, walang balak na pagbigyan ang yakap na gusto ni Maxwell. "May dumi sa leeg mo." Wala talagang kasing wirdo 'yan siya, napakaraming napapansin.

Pare-pareho kaming napatingin sa leeg ni Maxwell at hinanap ang duming sinasabi ni Maxpein. Wala akong nakita.

"Where?" tanong ni Maxwell.

Dumampot ng tissue si Maxpein mula sa side table habang hindi inaalis ang tingin sa kapatid. Pinunasan niya sa leeg ito nang makalapit. "May lipstick." Gusto kong mahiya! "Sa'n kayo galing?" pabuntong-hiningang tanong niya, ang tingin ay nagpapalitan sa 'ming dalawa ni Maxwell. "And where's Maxrill?"

Kinabahan ako sa mga tanong ni Maxpein, parang natakot ako bigla sa tono niya. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay hindi siya sang-ayon sa nakitang lipstick sa leeg ni Maxwell.

"I'm here," nangibabaw ang malamyang tinig ni Maxrill mula sa likuran, noon ay kapapasok niya lang sa hotel.

Nilingon ko siya, agad na dumapo sa 'kin ang kaniyang paningin, at hindi niya inalis 'yon hangga't hindi tuluyang nakakalapit sa 'min.

Agad namang naagaw ni Hee Yong ang atensyon ng lahat nang bigla itong magtatakbo, excited na excited na humalik kina Maxpein, More at Mokz.

"Mm, mukhang abala ka sa trabaho, Maxrill Won?" ani Mokz. "Ikaw ang tinawagan namin, heto't ngayon ka lamang dumating."

"I had to finish something, Mokz," pormal na pormal na isinagot ni Maxrill 'yon, na para bang hindi siya nag-tantrums sa harap nito noon. Na para bang hindi nahirapan ang kaniyang Lolo Mokz sa paghahabol sa kaniya paroo't parito. Na para bang hindi siya minsang kinarga nito. Na para bang hindi ito nahirapan kapapahanda ng mga pagkaing iniuungot niya noong bata pa siya.

"You need an assistant, Maxrill Won," sabi naman ni Maze, ganoon pa rin sa normal nitong istrikto na tono. "Don't overwork yourself."

"Hindi ako doktor para mangailangan pa ng assistant, mom. I'm fine. Besides, men don't die from overwork."

Mukhang hindi maganda ang mood ni Maxrill. Pagod na pagod siguro ito kaya hindi kakitaan ng excitement para sa pamilya. 'Sabagay, normal na yata ang ganoong reaksyon sa pamilyang Moon. Bukod sa 'kin ay sina Lee, Zarnaih, Michiko, Tob, BJ at Migz lang ang tuwang-tuwang nagkita-kita kaming muli. Pulos tipid at mayayabang na ngiti ang ibinigay sa 'kin ng pamilyang Moon.

"Grabe, 'te. 'Yan na ba talaga si Maxrill?" dinig kong ani Migz, hindi makapaniwala, si Maxpein ang kausap. "Tutal maliit pa 'tong anak mo, baka pwedeng 'yan munang kapatid mo? Ang fresh!"

"Bakla ka, tigilan mo nga, mukhang galit," ani BJ.

"Natural. Ikaw ba naman ang single at palibutan ng ganito karaming couple, talagang sasama ang pakiramdam mo. Kapain mo, nilalagnat ako, oh."

"Gaga, sobrang katabaan na 'yang sa 'yo. Tabi nga, bakla, ang lagkit mo," asik ni BJ. Nakakatuwang makita na wala man lang nagbago sa dalawa. Nakakaaliw pa rin silang panoorin.

"Dongsaeng, annyeong," pagbati ni Maxpein.

"Mm," iyon at isang tango lang ang isinagot ni Maxrill. Bigla ay binatukan ni Maxpein ang bunsong kapatid. "Aray!" angil ni Maxrill. "Why did you do that?"

"Para magising ka, masyado kang matamlay," sagot ni Maxpein, nagtawanan ang karamihan.

"Papayag ka bang batuk-batukan lang, Maxrill?"nanunuyang ani Maxwell.

"Dude, she's the Highest Empery Rank," inis na tugon ni Maxrill saka umiling.

"Where's your mom?" nakangiting tanong ko kay Maxpein.

"Hindi siya nakasama. Graduation day ni Bree, kapatid ni Dainty."

Napaisip ako. "Sino nga ulit si Dainty?" napapahiyang tanong ko. Natatandaan kong nabanggit na sa akin noon ang tungkol sa binanggit ngunit sigurado akong hindi ko pa nakikita ito.

"'Yong sumunod kay Kev. 'Yong may sakit at hindi nakakalakad. Si Bree 'yong bunso," ngiti ni Maxpein.

"I see," nakanguso akong tumango. "Sayang, hindi sila nakasama. Nakaka-miss 'yong luto ni Tita Heurt, pati ni Manang."

"Next time," ngiti ni Maxpein.

"Kumain na muna tayo, baka nagugutom na ang iba sa atin," suhestiyon ni Tito More.

"I missed you po, tito," maarteng sabi ko. Saka ako bumaling kina Maze at Mokz. "I missed you all, grabe!"

"We missed you, too," ngiti ni Maze. "Come join us for dinner."

"Nag-dinner na sila," mapait na ani Maxrill, hindi namin inaasahang pare-pareho, saka nanguna papasok sa restaurant.

Nagkatinginan kaming mga nakarinig saka sinundan ito ng tingin. Pero bago pa man may makapagsalita ay sinundan na siya ni Maxpein.

Ang matunong na buntong-hininga ni Maze ang pumutol sa paghabol ko ng tingin kay Maxrill. "Akala ko noon ay si Maxwell na ang pinakamasungit na bata sa buong mundo. Mukhang nagkamali ako."

"Maybe he's just tired, tita," ngiti ko.

"I know something's bothering him," ani Tita Maze, habol ng tingin ang anak, saka marahang tumingin sa akin.

Tiningnan ako ni Tita Maze nang deretso sa mga mata. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. May kung ano sa aking nagsasabi na ako ang tinutukoy niyang bumabagabag kay bunsong anak. Nagbaba ako ng tingin.

Nakahanda na ang restaurant, mukhang kami lang talaga ni Maxwell ang hindi nakakaalam na parating ang mga kaibigan namin at pamilya.

"Ito talaga ang na-miss ko dito!" ani Migz.

"'Yong seafoods, 'te?" ani BJ.

"Gaga, 'yong libre, syempre!" asik ni Migz. Nagtawanan ang lahat.

"So...how's everything?" nakangiting tanong ni Tito More, ang paningin ay nagpapalitan sa amin nina Maxwell at Maxrill. "Bukod sa busy?" may diin siya sa huling salita, iniiwasang iyon lang ang isagot ng kaniyang mga anak para lamang mapaiksi ang usapan.

Si Maxwell ang unang nagsalita, matamang nakinig ang lahat, higit na ang kanilang mga magulang. Ikinuwento niya iyong dagsa ng pasyente noong mga nakaraan na talagang gumulat at nakapagpaalala sa lahat. Binanggit niya ang naging epekto niyon, hindi lang sa ospital, kundi sa buong bayan, sa buong isla.

Kasunod niyon ikinuwento niya ang ilang maliliit na problema sa pagpapatakbo ng ospital, nangunguna na ang supplies. Bukod umano sa mahal ang shipping, napakabagal pa. Wala umano siyang oras, hindi na niya maasikaso, at iniaasa na lamang ang lahat sa bunsong kapatid. Sa huli ay pulos papuri kay Maxrill na ang kaniyang binanggit, dahil hindi lamang umano ang ospital ang inaasikaso nito kundi maging ang mga lupain nila at ari-arian.

"Hm," matunog ang pagngisi ni Maxrill. Hindi ko alam kung paano niyang nagagawa 'yon. Iyong ngumisi nang ganoon gayong halatang naaasar o sarkastiko. "Believe me, everything is under control, dad."

"But you heard your mom, right, anak?" nakangiti, nagpapaintinding ani More sa bunso.

"About what?"

"That you also have to take care of your health."

"Dad, I've got my own doctor," pasiring niyang sinulyapan si Maxwell. "Para namang pababayaan ako niyan? Ubo nga lang ay nilalagyan pa ako ng puting whatever sa likod."

"That's lampin, Maxrill," angil ni Maxwell.

"Dude, lampin's a diaper," nagsimula nang makipagtalo si Maxrill.

"Seriously? Tsh. I meant cloth, a soft, breathable cloth. Fine, a wicking towel.

"Tsk tsk tsk," iling ni Maxpein, hindi makapaniwalang ganoon mag-usap ang mga kapatid.

"Hello, everyone!" Naagaw ang atensyon namin nang mangibabaw ang tinig ni Keziah mayamaya.

Nakita ko ang tuwa ng lahat matapos siyang makita. Gaya ko ay isa-isa siyang lumapit upang yumakap sa lahat, maliban na naman kay Deib Lohr na iniharang ang anak at muling idinahilan ang asawa. Bilib talaga ako sa pagiging stick to one nito.

Palihim kong nakamot ang aking sentido habang pinanonood siyang makipagkumustahan sa lahat. Napabuntong-hininga ako nang maupo siya sa mismong tabi ni Maxwell. Gusto kong maasar nang ibigay ni Maxrill ang sariling pwesto at lumipat sa tabi ko. Kanina kasi ay pinaggigitnaan namin si Maxwell.

Nagsimulang makipagkumustahan ang lahat kay Keziah, halos lahat ay kinausap siya. Mas humaba pa ang usapang iyon nang tanungin niya si Lee kung nasaan ang kapatid. May malaking project umano si Kimeniah at hindi basta makasama sa ganoong plano. Tuluyang nawala ang saya ko nang sila na lang ni Maxwell ang magsalita at kainin ang atensyon ng halos lahat.

"Do you want to drink?" hindi ko inaasahang tatanungin ako ni Maxrill.

"Ha?" natutuliro kong tanong. Pasimple kong nilingon si Maxwell, at gusto kong maasar nang na kay Keziah ang buong atensyon niya. "Sure," nakangiwi kong tugon.

Tumayo si Maxrill at pumunta sa bar island. Sumunod naman sa kaniya si Randall na noon ay ngingisi-ngising nagtututuro ng mga alak. Mayamaya lang ay pare-pareho na kaming umiinom, habang si Maxwell at Keziah ay abala pa ring nakikipag-usap sa mga Moon.

"So, ano? Dating gawi?" nakangising ani Tob, may kalokohan na namang naisip.

"Ay, gusto ko 'yan, attorney," palahaw ni Migz. "I-dare mo 'ko kay Maxrill."

"So kanino ako?" angil ni BJ.

"Bakla ka, mag-truth ka na lang, 'te. Sisirain mo lang 'yong laro."

"Yaz, kanta naman kayo," udyok ni Dein mayamaya. "Nami-miss ko na ang mga boses ninyo."

"Akin na muna ang mga bata," ani Tita Maze. "Sa amin na muna, at magsaya kayo rito."

"Yeah," sang-ayon naman ni Tito More. "Magpapahinga na muna kami at marami kaming inasikaso bago pumunta rito."Isa-isa nilang kinuha ang mga bata at sabay-sabay na nagpaalam na papanhik na sa tutuluyang suite.

Pinangunahan ni Migz ang entablado, syempre, kaharian niya 'yon. Bigla ay parang nanumbalik sa aming pare-pareho 'yong mga panahong ginagawa namin iyon nang magkakasama.

"Ang bilis ng panahon, 'no?" nanunumbalik sa nakaraang ani Dein. "Parang kailan lang, nasa high school pa kayo at pare-parehong maloloko," sina Tob, Lee at BJ ang kausap niya.

"Psh! Parang si Deib Lohr lang naman ang loko-loko,"angil ni Tob.

"Narinig ko 'yon!" singhal ni Deib Lohr na noon ay ilang silya ang layo sa amin. Natawa ang karamihan, maliban kina Maxwell, Maxpein, at Keziah na abala pa rin sa pag-uusap.

"Here," inilapag ni Maxrill ang champagne sa harap ko.

"Hindi naman ako malalasing dito," angil ko.

Natawa siya. "Bakit ka naman maglalasing?"

Napapahiya akong natigilan. "Akala ko kasi..."

"May pasok ka bukas. Don't drink too much."

Nginiwian ko siya. "Si Maxrill," bigla ay sabi ko kay Dein. "Magaling din siyang kumanta."

"Ay, talaga?" ani BJ. "Parinig naman, Maxrill!"

"Hindi ako kasinghusay nina Randall at Migz, eh," ngiti ni Maxrill, ang paningin ay nasa labi kong naroon naman sa bibig ng glass. Nag-iwas ako ng tingin.

"Parinig mo naman sa 'min 'yan, bro," udyok ni Randall kay Maxrill.

Hindi ko maintindihan kung bakit nakangiting tumingin sa akin si Maxrill, na para bang sa aking manggagaling ang desisyon. Hindi nakaligtas sa paningin ng karamihan ang aksyon niyang 'yon, at hindi na ako magugulat kung ipagtataka ng mga ito 'yon. Walang hinto ang pagkakamot ko ng ulo. Panay rin ang lingon ko kina Maxwell ngunit hindi matapos-tapos ang pakikipag-usap nito at ni Keziah kay Maxpein.

Nagpalakpakan ang karamihan, nakisabay na rin ako, nang damputin ni Maxrill ang gitara. "I dedicate this song to..." binitin niya ang sasabihin saka tumingin sa 'kin.

Kumabog ang kaba sa dibdib ko. Paniguradong hindi lamang ako ang nakakita niyon! Lalo pa akong kinabahan nang pasimple akong lingunin nina Randall at Dein Leigh na para bang nahulaan agad ang mga ikinikilos ni Maxrill.

Nakamot ko ang batok ko at pasimpleng nag-iwas ng tingin. Tumingin na lang ulit ako nang magsimula si Maxrill tugtugin ang gitara.

Bakit ikaw ang nais na matanaw nitong mga mata? Iyon ang sabi ng unang linya nang magsimula siyang kumanta.

Tunay kayang nabighani ako sa taglay mong ganda?

Nais kong marinig...malamyos mong tinig.

Na sa aki'y aliw at tila ba ito'y hulog pa ng langit.

Hindi ko malaman ang mararamdaman. Bigla ay parang gusto kong akyatin sa mababang entablado si Maxrill at pigilan na siyang kumanta. Imposible kasing balewalain ng mga nanonood ang kaniyang mga aksyon. Emosyonal siyang kumakanta bagaman tila nilalaro lamang niya ang pagtugtog ng gitara. Nakakaloko mang isipin, hindi niya maitatago ang nais iparating sa ginagawa niyang pagtitig sa akin. Hindi man niya sinabi, para bang sa pagkanta niya ipinararating na para sa akin ang kaniyang awit.

Agad akong napaiwas ng tingin nang lingunin ko si Maxwell at nasa akin na ang kaniyang paningin. Hindi ko rin mabasa ang emosyon doon, hindi ko alam kung nagagalit o nagseselos, kung magkahalo ba ang dalawang nauna o parehong wala. Hindi ko masabi kung naturala ng reaksyon niya.

Sana kahit minsan...ay mapansin ako,

Malaman mong ika'y mahal at 'yan ang totoo.

Huwag mong iisiping...nagbibiro ako,

Tunay ang pag-ibig na alay sa 'yo.

"Bakit feeling ko, sa aking dedicated 'yong kanta, 'te?"bigla ay biro ni BJ. Batid kong inaagaw niya lang ang napapansin na marahil nina Lee, Zarnaih, Tob, Michiko, Dein at Randall.

"Gaga, nasa likod mo 'yong aso," pabirong ani Migz, inilalayo rin ang pansin ng iba.

Gustuhin ko mang lingunin si Hee Yong, upang makitawa sa biro ni Migz, hindi ko magawa. Nasa gawing iyon sina Maxwell at hindi ko na kayang salubungin ang tingin niya. Sa lakas ng kutob ng magkakapatid na ito, hindi malabong, kahit hindi kumanta si Maxrill ay mahulaan na ng mga ito ang nararamdaman ng bunso.

Hanap ng puso...ay laging ikaw,

Tanging nais ko ay 'yong pagmamahal.

Sana sabihing mahal mo rin ako,

Tunay ang pag-ibig na alay sa 'yo.

Iyon na yata ang pinakamatagal na kantang narinig ko. Kanina ko pa iyon gustong matapos dahil sa nakakailang na sandali, na sinuman ay hindi magawang basagin, magbiro man ang dalawang bakla. Masyadong inaagaw ni Maxrill ang atensyon ng lahat dahil sa maganda at brusko niyang tinig, ganoon sa mga nagbabanda. Ngunit ang hindi mawala-walang pagtitig niya sa akin ang talagang nakakaagaw ng atensyon.

Pakiramdam ko ay nakahinga lang ako ulit nang matapos ang kanta. Nagpapalakpakan na ang lahat, nang bumalik ako sa wisyo at makisabay. Awtomatikong pumanhik si Migz nang makababa si Maxrill. Hindi ko alam kung praning lamang ba ako, o sadyang nakakaramdam ang mga ito kaya ganoon na rin ang ikinikilos.

"Ang ganda ng boses mo, Maxrill!" papuri ni Migz.

"Thank you," ngiti ni Maxrill.

"So...kanino mo dinedicate 'yon?" nanunukso ang tinig ni Migz, hindi ko tuloy malaman kung tama ba ang naisip kong iniiba niya ang nakakailang na sandali.

"Kanino pa?" hindi ko inaasahang magbababa ng tingin si Maxrill sa akin.

Napaangat ang mga balikat ko sa gulat nang ilapat niya ang parehong kamay roon. Nang hindi ko salubungin ang tingin niya ay iyong reaksyon naman ng mga naroon ang nakita ko.

"Eh, di kay Hee Yong," kapagkuwa'y dagdag ni Maxrill.

"Sabi na sa 'yo, bakla, sa aso! Ambisyosa ka masyado," biro ni Migz. Ngunit hindi ko na magawang makitawa.

"Para sa 'yo 'yon," pasimpleng bulong ni Maxrill nang muling maupo, hindi alintana ang presensya ni Maxwell na noon, bagaman abala ay imposibleng hindi nakikiramdam.

"Grabe, pare-pareho pala kayong kumantang magkakapatid, 'no?" nagugulat kunyaring ani Migz sa mikropono, ang tingin ay na kay Maxpein. "Tandang-tanda ko no'ng kumanta si Doc Maxwell, grabe nagtindigan ang lahat sa 'kin, parang gusto ko siyang angkinin. Gano'n 'yong feeling."

"Ang laswa mo, bakla!" angil ni BJ.

"Ang linis mo, ah!"

"Mas magaling sa 'king kumanta sina Maxwell at Maxrill, tanggap ko na," biro ni Maxpein. "Sa ibang bagay ako magaling."

"Saan, babe?" nanunukso ang tinig at tingin na sabat ni Deib Lohr.

"Manahimik ka, Sensui, usapang magkakapatid 'to."

"Tch. Sa tingin mo ba ay gugustuhin kong maging kapatid mo? Asa ka, Taguro."

"Gaga, hindi ko naman sinabing magaling kang kumanta na gaya nila," muli ay sumabat si Migz. "Ang sabi ko ay pare-pareho kayong kumanta. 'Yon bang boses niyo, pare-pareho."

"Paanong pare-pareho ba?"

"Pare-parehong brusko! Hahaha!" bigla ay bulalas ni Migz dahilan para magtawanan ang lahat, higit na sina Tob at Deib Lohr.

Hindi ko nagawang makisabay sa biruan. Ang atensyon ko ay naaagaw ni Maxrill na batid kong hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Hindi ko maintindihan ang kaba na idinudulot niya sa 'kin. Malayo 'yon sa natural na kabang idinudulot ni Maxwell. Sapagkat may kasama iyong pag-aalala, na baka kapag nasabi ko na sa kaniyang hindi posibleng tanggapin ko ang nararamdaman niya, kung ano ang gawin niya.

"By the way," bumaling si Maxrill kay Maxpein.

Pakiramdam ko ay noon lang ako nakahingang muli. Hindi ko maintindihan ang nakasasakal na pakiramdam sa ganoong kaliit na pagitan namin ni Maxrill.

"By the way, Mr. Venturi came again earlier and he was, of course, looking for you," binalingan ni Maxrill ang kuya. "Consistent, huh?" natawa si Maxrill sa huli.

"Tch," umiling lang si Maxwell.

Kakaiba talaga ang saltik ng magkakapatid na ito. May pinagkaiba-iba sila ngunit nagkakapareho sa ganoong ugali, iyong hilig gawing biro ang hindi naman dapat, lalo na iyong delikadong bagay. Para sa akin ay hindi dapat na pagkatiwalaan ang Montrell Venturi na iyon. Kung titingnan ay simpleng negosyante lamang ito pero mahirap paniwalaan ang mga ngiti nito. May kung anong nakatago sa likod ng nakakaloko niyang titig at ngisi. At hindi nagbabago ang kutob ko na may kinalaman ito sa mga nangyaring aberya nang mga nakaraan.

"Venturi?" kunot-noong tugon ni Maxpein.

"Hm," muling naging matunog ang ngisi ni Maxrill, nakakaloko. "Venturi."

"Venturi..." napapaisip na sabing muli ni Maxpein.

"Tch, sino na namang Venturi 'yon, Taguro?" bigla ay asik ni Deib Lohr. Nagugulat siyang nilingon ng asawa. "Ang pangit-pangit ng pangalan!"

"Tss. May pinag-uusapan kame, okay?" inilingan ni Maxpein ang asawa. "So, what about him?"

"He's interested in your property," muling natawa si Maxrill.

"Anong ibig mong sabihin sa interesado?" tugon ni Maxpein. "Interesadong makita? Pag-aralan?"

"Bilhin," si Maxwell ang sumagot, sa paraang tila matatawa rin. Iyon na nga ang pinagkapare-pareho nila. Kung sa akin ay pinangangambahan ko ang mga aksyon ni Montrell Venturi, pinagtatawanan naman iyon ng magkakapatid.

"Hm?" nakakaloko ang gulat ni Maxpein.

Hinid ko alam kung dahil ba iniisip niyang ganoong kaimposibleng magkaroon ng interes ang sinuman sa kaniyang isla gayong napakaganda naman niyon. O ipagmamalaki na naman niya ang buong pangalan.

"I can't wait to meet him," ngiwi ni Maxpein. "His name sounds familiar though."

"His name is Montrell," ani Maxwell. "He's a Venturi."

Nakangiwing tumango-tango si Maxpein saka nilaghok ang natitirang juice sa kaniyang baso.

"Guys, tama na 'yan, magpahinga na kayo," saway ni Keziah sa lahat ng nagkakasiyahan pa. Syempre, napasimangot ang dalawang bakla. "Mag-o-off kami ni Maxwell sa susunod na araw, doon na lang natin ipagpatuloy ang party."Kinindatan niya si Dein Leigh. "I missed you!"

Napasiring ako sa inis. Kuyaw! Kasama talaga si Maxwell sa desisyon mo?

"Let's go?" hindi ko inaasahang lalapit si Maxwell sa 'kin. "Ihahatid na kita."

Napabuntong-hininga ako, nalungkot sa katotohanang ihahatid niya na lang ako. Hindi mangyayari ang naging usapan namin kanina. Naiintindihan kong hindi pwedeng matulog kami sa iisang bubong ngayong naroon ang pamilya niya.

"Good night, Yaz," paalam ni Maxrill, hindi na hinintay ang sagot ko at sa halip ay inunahan ako.

Gaya ng sinabi ni Maxwell ay inihatid niya ako matapos kong magpaalam sa lahat ng naroon. Ang mga bisita ay doon sa hotel tutuloy at mananatili sila roon ng isang linggo.

Kinabukasan ay excited akong kumilos at naghanda papasok. Palabas na sana ako ng building nang matanawan si Maxrill, nakasandal sa sasakyan at mukhang hinihintay ako. Bago ko pa man siya mabati ay lumingon na siya sa gawi ko at ngumiti.

"Do you want to eat breakfast first or you'll go straight to work?" tanong niya.

"Why are you here?"

"Maxwell asked me to pick you up."

Napabuntong-hininga ako, pinilit na ngumiti. "I'm okay, kahit mo na ako sunduin, Maxrill."

"Ilang weeks din kitang hindi sinundo dahil iniiwasan mo 'ko."

Nagugulat ko siyang tiningnan. "Hindi kita...iniiwasan."Sinikap kong magtinig katotohanan ang pagsisinungaling ko.

Bumuntong-hininga siya. "Let's go, our family and friends will be there. They're going to visit the hospital."

Sa tuwa ay dali-dali akong napasakay. Kung kanina pa nito sinabing pupunta pala ang mga bisita namin sa ospital ay hindi na sana ako tumanggi pa.

Halos takbuhin ko papasok ang ospital nang makarating kami. Gaya ng inaasahan ko ay iginagala ni Maxwell ang kaniyang pamilya at mga kaibigan namin sa ospital. Hindi ko nga lang inaasahang kailangan ay kasama niya si Keziah nang gawin iyon.

"Oh, narito na pala si Yaz," ani Tito More.

"Two more minutes and you're late," hindi ko inaasahan ang pagtataray ni Keziah. "Go to your post now, Yaz. Naka marami kayong pasyente."

Kuyaw...

"Saan ka naka-assign?" tanong ni Tito More.

Nawala bigla ang ngiti sa labi ko. Noong nag-aaral ako ng Nursing, parati kong ipinagmamalaki sa kanila kung saang area ako naka-assign, lalo na ang major cases na nahahawakan ko, na siyang bihirang mahawakan ng student nurses. Ngayon ay hindi ko alam kung paano kong maipagmamalaki ang area kung nasaan ako. Ayaw kong maliitin ang area na 'yon. Bukod sa hindi dapat, marami akong natutunan doon. Nahihiya ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"For the meantime, sa dental ko in-assign si Yaz, tito," si Keziah ang sumagot. "Doon kasi kami nangangailangan talaga. Anyway, tumutulong naman siya sa amin lalo na kapag kulang sa nurses at maraming pasyente."

Ay, feeling ra gyud siya! Kanang feeling niya boss na kaayo siya. Ayna, nabuang na. Psh! Istoryahe!

"Wala talagang pinipiling lugar ang husay mo," hindi ko inaasahan ang papuri ni Tito Mokz, pinangiliran ako ng luha sa tuwa.

"Papasok na po ako," pilit ang ngiti ko. Sinulyapan ko si Maxwell, ngumiti siya at tumango, saka ko sila iniwan.

Nakanguso akong nagtrabaho sa buong maghapon. Kumalat ang usapan sa buong ospital tungkol sa pagbisita ng mga Moon. Halos lahat ng area ay binisita nila, maging iyong area kung saan ako naka-assign. Nagkataon lang na may pasyente kami kaya hindi sila nagawang harapin.

Umaasa ako na makakasabay silang lahat nang mag-lunch break. Pero ang dinig ko kay Mitch ay nasa theatre ang mga Moon at pinanonood ang operasyon nina Maxwell at Keziah nang sandaling iyon. Hindi ko tuloy mapigilang magmaktol. May kung ano kasi sa akin na gustong ipakita sa mga narito na kilala ako ng pamilya ni Maxwell. Mukhang hindi na iyon mangyayari dahil hindi naman tama ang ganoong intensyon ko.

"Ma'am Yaz!" nangibabaw ang tinig ni Mang Pitong habang nanananghalian ako.

"Oh, Mang Pitong?" napatayo ako nang lumapit siya.

"Mabuti at naabutan kita rito."

"Ano po ang nangyari?"

"Eh, may bisita ang mga Del Valle," kamot ni Mang Pitong ang ulo. "Hindi ko malaman kung paanong kakausapin. Maaari mo ba 'kong samahan at harapin sila?"

"Bisita?" kinabahan ako. Hindi kaya ang mga Venturi na naman iyon? "Nasaan po sila, Mang Pitong?"

"Nariyan lamang sa labas. Halika, tulungan mo ko't pakiharapan mo nama't hindi ko malaman kung papaanong kakausapin, eh."

Kabado man ay sumama ako kay Mang Pitong. Halos marinig ko ang kabog sa dibdib ko nang makarating kami sa lobby ng ospital.

Ngunit napalunok ako sa paraan ng pananamit ng dalawang bisitang tinutukoy ni Mang Pitong. Isang lalaki at isang babae. Maayos naman ang pananamit ng mga ito, iyon nga lang, hindi nababagay sa Palawan. Balot na balot ang dalawa, pareho nang mahahaba ang mga buhok ay pareho pang nakakapa. Hindi ko ma-imagine kung gaano kainit ang pakiramdam ng dalawang ito ngayon.

Tuloy ay hindi lang ako kundi lahat ng naroon na naagawan ng pansin ng dalawa ay ipinagtataka ang ganoong suot ng mga ito. Lahat ay tila gustong matawa ngunit pinipigilan ang sarili.

"Sandali, 'eto na pala si Doc Maxwell," mayamaya ay ani Mang Pitong.

Tumayo ang dalawa nang matanawan si Maxwell, at tumango bago tuluyang lumapit. Naunang tumingin ang babae sa 'kin, saka bahagyang tumango. Saka ako nilingon niyong lalaki, tinanguan din ako. Napapamilyaran ko ang dalawa, hindi ko lang matandaan kung saan ko sila nakita.

"Bitgaram," nagtatakang tawag ani Maxwell, nakatingin sa lalaki. "Laieema," baling naman niya sa babae. Hindi ko matandaan kung saan ko narinig ang ganoon kawiwirdong pangalan.

Hindi ko na naintindihan pa ang sumunod na sinabi ni Maxwell, ibang lenggwahe na 'yon. Noon ko lang tuloy napagtanto na mula sa bansa ng mga Moon ang dalawa.

"Nasaan si Maxpein?" tanong ng lalaking tinawag na Bitgaram, hindi ko maipaliwanag ang pag-aalala at pangamba sa tinig niya.

Inilabas ni Maxwell ang cellphone at mukhang tinawagan ang kapatid. Nasulyapan niya ako ngunit hindi pinagtuunan ng pansin. Muli kong tiningnan ang dalawa at doon tuluyang naalala kung saan ko nakita ang mga ito.

Sa North Korea!

Napalingon ako kay Maxwell nang magsalita sa cellphone. Hindi ko iyon naintindihan ngunit batid kong minamadali niya ang sinumang kausap. Ilang saglit lang, 'ayun at isa-isa nang naglalakad papunta sa gawi namin ang iba pang myembro ng mga Moon.

"Maxpein," tumango ng pagkababa-baba ang dalawang bisita. "Kailangan mong pumaroon sa Emperyo."

"Ano ang nangyari?" bagaman naroon ang lakas ng loob ay hindi nakatakas ang pangamba sa tinig ni Maxpein.

"Ang pangunahing lalaking rango..."

"Ano?"

"Tumakas siya sa kulungan."

Naiintindihan ko na ang kanilang usapan pero hindi hindi ko magawang sakyan. Hindi ko alam kung tao ba ang pinag-uusapan nila bagaman ganoon ang tunog niyon. Pero hindi ko napigilang mag-alala dahil ganoon din ang nakikita at nararamdaman ko sa kanila. Mukhang hindi magandang balita ang sinabi ni Bitgaram. Makikita iyon sa mukha nina Maxwell at Maxpein, at sa hindi maipaliwanag na kaba na biglang nabuhay sa akin.

~ To be continued. . . ~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji