CHAPTER 14
NANG MAKAUWI sa unit ay isa-isa kong hinubad ang mga suot ko at basta na lang iniwan ang mga iyon kung saan. Dumeretso ako sa bath tub at binuksan ang hot and cold water. Binuksan ko ang bottle ng bubble soap at basta nalang ibinuhos iyon sa tub saka lumusong. Napapikit ako nang mangibabaw ang amoy ng lavander saka ko komportableng inihiga ang sarili ko.
Pakiramdam ko ay tuluyang humupa ang tama ng alak sa akin. Normal akong nakapag-iisip at batid kong nangingibabaw ang inis ko. Nagagalit ako kay Maxwell dahil sadyang napakamanhid niya. Para sa akin ay siya ang pinakamatalinong tao na nakilala ko. Pero bakit pagdating sa nararamdaman ko sa kaniya, masyado siyang estupido?
Nagmulat ako at lumingon sa gawi ng pinto. Isa pa akong tanga sa pag-aasam na susunod siya sa akin, kahit sobrang imposible niyon. Dahil sa personalidad ni Maxwell, kapag sinabi kong umalis siya ay talagang gagawin niya iyon.
Gusto kong isiping kaya hindi niya ako sinundan ay dahil hindi niya ugaling maging sunud-sunuran. Gusto ko ring isipin na kaya hindi niya ako sinundan ay dahil masyado siyang masunurin. Pero alam kong imposible iyon. Dahil ang totoo ay wala lang talaga siyang pakialam sa akin kaya hindi niya gagawin iyon.
Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Kaytagal kong iniyakan ang kaiisip kung ano ba ang mali o kulang sa akin? Kinuwestiyon ko ang sarili kong hitsura, pananamit, ugali at kung ano-ano pa. Hinanap ko sa sarili ang mga posibleng hindi niya nagugustuhan sa akin. Ngunit sa huli, nahuhulog ako sa paulit-ulit na pag-asa na hindi niya gagawin ang lahat ng mga bagay na nakapagsasabi sa aking gusto niya rin ako, kung wala lang iyon. Estupida ngang talaga.
Maaga akong pumasok kinabukasan sa kabila ng maikling tulog. Mas maaga kesa nakasanayan ko dahil ayaw kong magpahatid kay Maxrill. In-assume ko nang susunduin na naman niya ako. At para hindi na rin mag-abala pang pumunta si Maxrill ay nag-send ako ng text sa kaniya at nagdahilan na lang.
Nagulat si Susy nang madatnan akong maaga at marami nang naihandang trabaho. Nakangiti niya akong kinakausap, hindi naman maipinta ang mukha ko t'wing sumasagot. Just like the other day, I'm not in the mood. Unfortunately, my job doesn't care about my mood, so, I have to function.
Nang mag-break time ay nagmamadali akong bumili ng lunch at doon sa pantry kumain. Nagpaalam naman akong uuwi nang maaga nang matapos ang trabaho. Hindi ko nga nakita maghapon si Maxwell pero hindi siya nawala man lang sa isip ko.
Wala akong ganang kumain nang gabing iyon. Nagmukmok ako ulit sa bath tub at halos makatulugan ang pag-iyak ko. Kung hindi ko pinilit na umahon ay baka sa bathroom na ako gumising at dumeretso na lang papasok.
Ganoon ulit ang ginawa ko kinabukasan, nang sumunod pang araw, nang sumunod na sumunod pang araw, hanggang sa buong linggo. Sabi ko sa sarili ko, kaya kong gawin iyon kahit matapos ang buwang ito.
Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil natiis kong hindi makita si Maxwell. Gusto kong purihin ang sarili ko dahil nagawa kong iwasan si Maxwell. Gusto kong malaman niya na kaya kong hindi siya makita. Gusto kong ipagmalaki na hindi ko siya kawalan at hindi ko siya kailangan. Gusto kong maintindihan niya na siya ang may kasalanan.
Ngunit hindi ganoon ang nangyari. Dahil nagagawa ko lang isipin ang lahat nang iyon sa t'wing galit ang nangingibabaw sa dibdib ko. Kapag naroon na ako at nagbababad sa bath tub gabi-gabi, naiisip ko na ang totoo.
Natiis kong hindi makita si Maxwell dahil hindi rin siya nagpapakita. Nagawa kong iwasan si Maxwell dahil hindi naman siya lumalapit sa akin. Kinaya kong hindi siya makita dahil wala rin siyang dahilan para makipagkita. Maipagmamalaki kong hindi ko siya kawalan at hindi ko siya kailangan dahil gano'n lang din ang kaniyang nararamdaman. At maintindihan man niyang siya ang may kasalanan, wala naman siyang pakialam.
Malaki ang ospital pero alam niya kung saan ako pupuntahan. Alam niya kung saan ako tatawagan, alam din niya kung paanong mag-text. Pero wala siyang ginawa. Hindi maganda ang huling pag-uusap namin pero hindi siya lumapit para linawin iyon. Nakakalungkot isiping hanggang doon lang ako sa kaniya. Lungkot na nanunuot sa kasuluksulukang parte ng puso't isip ko, apektado ang buong katawan ko.
Wala akong magawa kundi ang kumilos at magpatuloy, dahil hindi pwedeng sa kaniya lang umikot ang mundo ko. Pero kung mabibigyan ako ng pagkakataong paikutin ang mundo ko kay Maxwell, marahil ay iyon ang pipiliin ko. Ganoon ako katanga para sa kaniya.
"'Oy, beh, ngayon lang kita nakita?"
"Nagulat naman ako sa 'yo," iritableng tugon ko kay Raffy.
"Where have you been? Toxic sa area mo?"
"Busy lang."
"Ano naman ang pinagkakaabalahan mo, ngipin?"
"Marami," napapabuntong-hininga kong sagot saka tinapik din siya sa balikat. "Mauna na 'ko."
"May fifteen minutes pa, oh!"
"Early out ako, pumapasok ako nang maaga."
"Pwede pala 'yon?"
"Sa area namin," kumaway-kaway ako sa kaniya. "Sige na!" Hindi ko na hinintay pang sumagot si Raffy. Naglakad na ako palabas sa pag-aalalang baka makita ko ang isa sa magkapatid na pareho ko nang iniiwasan.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatagalan ang ganoong ginagawa ko. Nasasaktan ako, nagtatampo at umiiwas. Napagtatagumpayan ko nga ang mga 'yon pero ano'ng silbi kung balewala naman din kay Maxwell? Para bang ginagawa ko lang 'yon para sa sarili ko. Dahil hindi naman siya lumalapit para suyuin ako. Wala siyang ginagawa para magkaayos kami. At nahihirapan akong tanggapin na ako lang ang may dahilan para umarte ng gano'n. Siya ay wala ni katiting na dahilan para magbago ang araw-araw niyang ginagawa.
Off ko kinabukasan kaya nang gabing iyon palang ay ginawa ko nang abala ang sarili ko para hindi maisip si Maxwell. Napuyat ako sa online shopping, wala akong pakialam kung gaano karami ang mabili ko. Kung doon mababaling ang atensyon ko, ayos lang. Kahit maubos pa ang ipon ko.
Maaga akong bumangon kinabukasan at naligo. Nagpatugtog ako ng malakas habang nagluluto ng breakfast at nagbasa ng libro habang kumakain. Ibinuhos ko ang buo kong atensyon sa bawat librong matapos ko. Hanggang mananghalian ay ganoon lang ang ginawa ko. Sa huli ay tatlong libro ang natapos kong basahin.
Bago dumilim ay naisipan kong lumabas mag-isa at maglakad-lakad hanggang sa makarating kung saan-saan. Habang naglo-lotion ay namili ako ng damit sa closet. Pinili ko iyong white, spaghetti strapped boho dress. May kahabaan at kanipisan iyon. Bumagay ro'n ang boho rin na sandals at bag na binili ko pa sa Indonesia ngunit ngayon lang gagamitin. Napakarami kong damit at gamit na binili ko lang pero hindi pa naisuot ni minsan. Isinuot ko ang brim boho hat ko bago humarap sa salamin upang tingnan ang sarili. No perfume, no make-up, no accessories, lumabas ako at sinalubong ng masamyong hangin ng gabi. Napangiti ako.
Naglakad ako papunta sa mga bar. Plano kong ibang bar naman ang puntahan at hindi iyong napuntahan na namin nina Raffy at Mitch. Napakaraming tao. Sa huli ay iyong shack bar na siyang pinakamalapit sa dagat ang napili ko. Hindi pa ganoon karami ang tao ro'n. Iilan lang kasi ang nakaupo sa bar counter. Um-order ako ng drinks at pinanood ang DJ na napapasayaw na sa pagpapatugtog. Umikot ako paharap sa mga nagsasayaw na couples at pinanood ang mga iyon habang umiinom.
Napapangiti ako sa inggit dahil ang sarap nilang tingnan at panoorin. Makikita sa mga mata at kilos nila kung gaano sila kasaya sa isa't isa. May couple na nagkukulitan at nagkikilitian habang sumasayaw. Naroon 'yong couple na magkayakap at malambing na sumasayaw. Meron din namang couple na halatang parehong hilig ang ginagawa sapagkat iisa ang steps nila sa pagsasayaw.
Nagbaba ako ng tingin nang lumingon sa gawi ko ang isa sa mga babaeng 'yon. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko. Naroon ang inggit sa puso't isip ko, hindi ko maitatanggi 'yon. Hanggang sa sandaling 'yon tuloy ay tinatanong ko kung ano ang meron sa mga babaeng 'yon na wala sa akin para hindi ako mahalin?
Pero ang katinuan ko ay sinasabing hindi ako ang may kulang. Sapat ako para sa iba, si Maxwell lang ang hindi makakita sa aking halaga.
"Hello there, Nurse!" Nangibabaw ang tila libang na libang na tinig ng lalaki sa gilid ko.
Natigilan ako nang malingunan kung sino iyon. Hindi ako nahirapang makilala agad ito bagaman noong mga unang beses ko itong makita ay pormal na pormal ang dating at suot. Ngayon kasi ay kaswal na flowered polo shirt at white shorts and slippers lang ang suot nito. Ang lalaking Venturi na nangungulit sa mga del Valle. Si Montrell Venturi.
May hawak siyang bote ng beer. Magulo ang buhok at mamula-mula na, marami-rami na marahil ang nainom.
Nag-iwas ako ng tingin at pabuntong-hiningang lumaghok sa glass ko. Wala sa plano kong makipag-usap kahit kanino kaya nga pinili kong pumunta doon sa alam kong hindi ko kilala kahit sino.
"Wala yata ang pasyente mong doktor?" sarkastikong sabi uli ni Montrell. "'Sabagay, mukhang walang oras maglibang ang isang 'yon."
Hindi ko pa rin siya sinagot. Nilaro-laro ko ang ice sa glass ko at muling linaghok ang natitirang inumin doon. Humarap ako sa bartender at muling um-order ng panibagong drinks.
"There are hundreds of islands here in Palawan but this one is my favorite," muli ay nagsalita si Montrell. "This is the most expensive island here in Palawan, d'you know that?"Sa gilid ng paningin ko ay nakita kong lumingon siya sa akin.
Baka nga mas marami pa akong alam sa 'yo tungkol sa lugar na ito.
Sa halip na magsalita ay itinutok ko ang paningin sa bartender na hindi rin yata maalis ang paningin sa akin. Panay lang ang sulyap nito sa drinks na in-order ko, pero ang mga mata ay mas tutok yata sa akin.
"I have a second favorite, though," muling dada ni Montrell.
Nagsindi siya ng sigarilyo, humithit nang todo saka ibinuga sa ere ang usok niyon. Ang kabuuan ng mukha niya ay sumisigaw ng kasakiman. May mga babaeng panay ang tingin sa gawi namin, batid kong si Montrell ang dahilan no'n. Totoong magandang lalaki siya kaya hindi ko mapipigilan ang mga babaeng iyon na humanga. Pero gaano man kaganda ang katawan niya't hitsura, nabubura iyon ng pangit niyang ugali.
"Unfortunately, a del Valle owns it," patuloy ni Montrell. Diniinan niya ang mga huling salita na para bang napipika. "Another del Valle."
Another del Valle, huh? Napangisi ako. "She's not only a del Valle," mariing bulong ko. "She is an Enrile," may diin ding sabi ko, saka ko kinuha ang drinks na inabot ng bartender. "Most especially, she's a member of the Moon family." Doon ko lang siya nilingon.
"And what do you know about this family?" ngisi niya.
Tinarayan ko siya ng tingin saka pairap na ibinaling ang paningin sa iba. Hibang ito para isiping sasagutin ko ang tanong niya.
Nalilitong tumawa si Montrell, palibhasa'y walang ideya sa sinabi ko at napahiya dahil hindi ko sinagot ang huling tanong niya.
"Negosyante ka, hindi ba?" tugon ko mayamaya.
Tumango siya. "Yep!" mayabang niyang tugon.
"Mind your own business, then."
Matagal siyang tumitig sa 'kin, nagulat. Saka siya humalakhak. "Masyado ka namang protective." Hindi ako umimik. "O baka dahil hindi lang talaga ganoon kalalim ang nalalaman mo sa mga del Valle kaya wala kang masabi?"
Mas malalim pa ang ibinuntong-hininga ko. Gusto ko siyang sagutin, barahin. Pero kung gagawin ko 'yon para lang patunayang may alam ko, paniguradong hindi magugustuhan ng mga Moon. Sa huli ay baka ako lang ang mapahamak kaya pinili kong manahimik na lang. Bahala na siyang isipin kung ano'ng gusto niya.
"Mukhang wala ring oras sa iyo ang pasyenteng doktor mo?" ngumisi muli siya.
Natigilan ako ngunit hindi nagpahalata. Muli akong lumaghok sa glass ko at nag-iwas ng tingin. Naiinis ako dahil gusto ko ng katahimikan pero dumating ang isang ito. Gusto kong umalis pero naisip kong bakit ako ang aalis, siya itong nagpunta rito. Hiniling kong sana ay maramdaman nitong ayaw ko siyang kausap at umalis na lang.
"Kumusta siyang pasyente? I mean si Doc Maxwell,"humalakhak si Montrell. "Masungit din ba? Wala bang gamot sa pagiging masungit?"
"Hindi ko siya pasyente," sagot ko sa mga walang kwentang tanong nito.
"Biro lang iyon, miss." Tumawa siya. "Ano nga uli ang pangalan mo?" nag-iisip niyang sabi. "Yasmin ba?"
"Zaimin Yaz."
"Ang arte ng pangalan mo, bagay sa 'yo."
Asar ko siyang nilingon. "Excuse me?"
Noon lang ako naasar nang sobra dahil nasabihan akong maarte. Madalas akong asarin ng gano'n ni Naih pero para makaganti ay inaasar ko rin siya. Kinikilig ako sa t'wing relatives naman ni Maxwell ang nagsasabing maarte ako. Kasunod kasi niyon ay sinasabi nilang pareho kaming maarte ni Maxwell kaya bagay kami.
"Bakit ba mainit ang ulo ninyong mga babae kapag wala kaming oras sa inyo?" mayamaya ay sinabi ni Montrell. "I mean, oo, masaya 'yong parati namin kayong nakakausap at nakakasama. Pero hindi ka buwan o araw para paikutin ko sa 'yo ang mundo ko."
"Wala kang alam, okay?" awtomatikong sagot ko, naaasar. Hindi ko alam kung dahil ba tinamaan ako sa sinabi niya o dahil ba hindi kami lubos na magkakilala para pag-usapan ang ganoong bagay.
Maaaring mababaw lang sa kaniya 'yong topic na 'yon, sa 'kin ay malalim 'yon. Siguro dahil sa sitwasyon namin ni Maxwell.
"Wala kang pag-asa sa Maxwell na 'yon dahil lalaki rin ang gusto no'n. Believe me."
"Excuse me?" naaasar na talaga ako. "Feeling mo kilala mo lahat, 'no?"
"Hindi naman. I'm also a guy. I know he's gay."
"He is not gay. Lalaki ka nga pero hindi mo siya kilala, kaya huwag mong pagsalitaan nang masama."
Nakakainsulto siyang tumawa. "Stop wasting your time and energy. Ibaling mo na lang sa iba ang feelings mo. Wala kang magagawa kung walang oras sa 'yo 'yong tao. 'Wag kang mag-settle sa taong kaya kang tapatan. Doon ka sa willing kang higitan sa pagmamahalan."
"What are you talking about?" inis na singhal ko. Ayaw ko siyang patulan pero nakakapikon siya.
"Kaya ka narito kasi nagmumukmok ka dahil walang oras sa iyo si Doc Maxwell, hindi ba?"
"Of course not! Nandito ako kasi gusto ko ng time sa sarili ko. Nandito ako kasi gusto ko at kaya kong mag-isa. Pwede ba? Bigyan mo ako ng privacy. Gusto kong uminom nang mag-isa."
"So, paaalisin ko rin sila?" isinenyas niya ang dumarami nang turista. "You don't own the land, miss." Tumawa ito saka sinuyod ng tingin ang kabuuan ko. "Bakit hindi na lang ako ang piliin mo? Marami akong oras."
"Ako, wala," sabi ko nang nakatingin sa kaniya.
Inubos ko ang laman ng glass ko saka tumayo at iniwan siya nang walang paalam. Kung ayaw niyang umalis, ako ang aalis. I deserve peace. At hindi ko 'yon makukuha nang kaharap ang mayabang na lalaking 'yon.
Mayabang din naman si Maxwell pero never akong nainis sa kaniya gaya ng Montrell na 'to. Psh.
Naramdaman ko ang tama ng alak kaya binagalan ko ang paglalakad. Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang may humila sa braso ko. Bago pa man ako makagawa ng kilos ay nabihag na ako ng yakap ni Montrell. Agad akong nagpumiglas sa inis!
"Nag-uusap pa tayo, bakit naman iniwan mo 'ko?"
"Let me go!" pilit kong kinakalas ng mga braso ko ang mahigpit niyang yakap. "Bitiwan mo 'ko, kung hindi ay sisigaw ako!"
"Masyado kang maarte," lalasing-lasing nitong sabi. Gusto kong masuka sa hitsura niya. Nakakabastos siya kung tumingin dahil hindi lang sa mukha ko dumarapo ang mga mata niya.
"Bitiwan mo sabi ako, ano ba!"
"Hindi ko na nga makuha 'yong isla, pati ba naman ikaw, hindi ko makukuha?" nakangisi nitong bulong sa tainga ko.
Lalo akong nagpapadyak at nagpumiglas ngunit masyado siyang malakas! "Please let me go," napapagod nang pakiusap ko, asar na asar, diring-diri. "Let me go!" sigaw ko.
Humalakhak ito. "Shout as loud as you can, hindi kita bibitiwan. Sa lakas ng music dito, sa tingin mo may makaririnig sa 'yo?"
"Oo." Hindi ako ang sumagot niyon.
"Sino?" tangang sagot naman ni Montrell, nasa akin pa rin ang paningin.
"Ako," muling anang tinig ni Maxwell.
Doon lang natauhan si Montrell. Kasabay ng paglingon niya ay lumuwag ang pagkakagapos ng braso niya sa 'kin.
"Bitaw," kalmadong pag-uutos ni Maxwell.
Mayabang na ibinuklat ni Montrell ang mga braso. Doon ko lang nagawang kumawala nang todo. Inilahad ni Maxwell ang kamay sa 'kin, agad akong lumapit.
Humalakhak si Montrell saka muling tumingin sa 'kin. "Ngayon alam mo na kung paano makukuha ang atensyon niya."
"Did he hurt you?" bulong ni Maxwell.
"No," pabulong ding sagot ko.
"Pwede kitang ipa-ban sa islang ito dahil sa inasal mo, Mr. Venturi," banta ni Maxwell.
"Do as you please, Mr. Del Valle."
"You may leave this place now. Take your men with you."
"We're just having fun, Mr. Del Valle."
"Go have fun somewhere else," pagtatapos ni Maxwell sa usapan. Kinuha niya ang kamay ko saka namin sabay na tinalikuran si Montrell.
"How did you know that I'm here?" tanong ko.
"I was looking for you everywhere. Bakit ka umiinom?"tanong niya, humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. "Stressful na ba ang work?"
"Ikaw ang nakaka-stress, hindi 'yong trabaho."
Huminto siya sa paglalakad para tumingin sa 'kin. "Ako?"
"Oo, ikaw," ngumunguso at ngumingiwi kong sabi.
"Are you drunk?"
"Psh, of course not," mataray na sagot ko. Sinusubukan kong manatiling nakatayo pero kusang gumagalaw ang katawan ko sa hilo.
"Kumain ka na ba?"
"Ano naman sa 'yo kung hindi pa?"
Natawa siya. "You're drunk."
"I said I'm not."
"What do you want to eat?"
"Hindi nga ako gutom."
"Do you wanna eat outside?"
"Hindi na."
"Let's just go to my house, then."
"Oo, doon na nga lang," wala sa sariling sagot ko. Nakita ko siyang matigilan saka humalakhak. Noon ko lang na-realize ang sinabi ko at agad nakaramdam ng inis. "I mean ihatid mo na lang ako sa bahay."
"Sure, after natin kumain."
"Psh. Milagro, may oras ka yata?"
"Saan?"
"Sa 'kin."
Pinagbuksan niya ako ng sasakyan at inalalayan. Nang makasakay ay saka siya muling nagsalita. "Sorry kung hindi madalas. Nagtatampo ka na ba?"
Tumawa ako nang malakas. "Mukha ba akong nagtatampo...lang?" sarkastikong sabi ko saka nag-iwas ng tingin.
Sandali siyang tumahimik saka pinaandar ang sasakyan. "I'll cook dinner for you."
Hindi na ako nagsalita pa. Tahimik kaming pareho, dinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Hindi ko naiwasang lingunin siya. Gusto kong maasar sa sarili ko, hindi ko maitangging nakikita at nararamdaman ko ang lungkot niya.
I wanna know what he's thinking. Pero hindi ko kayang magtanong. Is he upset? Na-gets niya ba ang ibig kong sabihin? Sa halip na magtanong ay hinayaan ko na lang siyang magmaneho.
Gulat akong napatingala sa building sa harap kung saan niya ipinarada ang sasakyan. Saka ako nagtatakang lumingon sa kaniya. "I thought we're going to your house?" inis na tanong ko.
Natigilan siya saka natawa. "Akala ko ay ayaw mo?"
"Yeah, but you said you'll cook dinner for me," lalo pa akong nainis.
Lalo rin siyang natawa. "I can cook dinner here."
Wala na akong nagawa nang bumaba siya at alalayan muli akong makababa hanggang sa makapasok kami sa building.
Bilib talaga ako sa lakas ng karisma ni Maxwell. Lahat ay napapalingon sa kaniya, saan man siya magpunta. Naaagaw niya ang atensyon ng sinomang makasalubong namin, at lahat nang 'yon ay hindi man lang tumingin o sumulyap sa'kin.
Panay ang pagnguso ko nang makarating kami sa unit ko. Dumeretso si Maxwell sa kitchen, sa ref at nagtingin doon. Sumandal naman ako sa pader at magkakrus ang mga brasong pinanood siya. Inilabas niya ang ilang mga gulay at isa-isang inilapag iyon sa mesa. Nanatili sa mga gulay ang paningin niya habang isa-isa niyang inaalis ang butones ng longsleeve shirt na suot niya. Kahit pagod, sobrang gwapo at ang puti niyang tingnan sa itim na shirt na nakapailalim doon.
Gusto kong humanga sa kalidad ng atensyong ibinibigay ni Maxwell sa lahat ng ginagawa. Sa simpleng pagsasanlansan ng mga gulay, tutok na tutok siya. Para bang pinag-iisipan at pinaghahandaan niyang maigi ang lulutuin. Hindi ko nga lang naiwasang isipin na sana ay ganoon din siya sa akin.
Pakiramdam ko ay humupang bigla ang tama ko. Nakikita ko ang sarili ko sa bawat kanto ng unit ko na nagmumukmok nang ilang araw, hanggang kanina. 'Ayun at kasama ko ang dahilan ng pagmumukmok kong 'yon ngayon. At hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa mukha niya.
"You can take a shower while I'm cooking," suhestiyon ni Maxwell, nasa gulay pa rin ang paningin.
Nagising ako sa pagkatulala at tatango-tangong sumang-ayon. Dumeretso ako sa kwarto at gusto ko na namang mainis sa sarili ko. Kanina lang ay nagpapakalasing ako sa tabing-dagat. Heto at namimili ako ng isusuot ngayon, samantalang magdi-dinner lang naman kami. At nasisiguro kong hindi mababago ng anomang isuot ko ang nararamdaman ni Maxwell.
Hilot-hilot ko ang sentido nang makalabas. Sumakit bigla ang ulo ko pagkatapos maligo. Dederetso na sana ako sa kitchen nang malingunan si Maxwell na prenteng nakaupo sa couch. Nakapandekwatro ang mga paa, habang ang mga braso ay magkakrus. Bahagya siyang nakatungo. Nang lumapit ako ay doon ko nakumpirmang tulog siya.
Napabuntong-hininga ako. Maingat akong naupo sa center table, halos magtama ang mga tuhod namin dahil sa haba ng mga hita niya. Sandali ko pang pinakatitigan ang mukha niyang nagpapatunay na pagod siya at naghahabol sa tulog.
Hindi ko na naman malaman kung ano'ng mararamdaman ko. Kung maiinis dahil para siyang multo na sumusulpot na lang sa t'wing hindi ko inaasahan, o matutuwa dahil kahit pagod at kulang sa tulog ay pinili niyang makasama ako. Bagaman pagkatapos ng gabing iyon ay sigurado akong mawawala na naman siyang parang bula at matitiis na hindi ako makita. Masyado niyang ginugulo ang isip at nararamdaman ko.
"Maxwell," pagtawag ko. "Maxwell," bahagya kong tinapik ang hita niya.
Marahan siyang nag-angat ng ulo saka tumitig sa 'kin. "Sorry," awtomatiko siyang umayos ng upo.
Binalot niya ng dalawang kamay ang pareho kong kamay, saka siya yumuko doon. "I'm sure you're hungry, let's eat."
"You're tired."
Natigilan siya sa akmang pagtayo at ngumiti sa 'kin. "I'm always tired."
"Then, get some rest."
"After dinner," aniya na tumayo nang tuluyan at inakay ako sa dining table.
Gusto kong humanga sa inihanda niya. Sa unang tingin pa lang ay sigurado akong chicken noodle soup iyon. Nakakaakit ang presentation at nakakagutom ang amoy.
Hindi ko na siya nahintay, nauna na akong maupo. "Wow,"nasabi ko. "You prepared this?"
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, at gusto kong malusaw sa uri ng pagkakatitig niya sa 'kin. Iyong tipikal na titig ng isang Maxwell Laurent del Valle, na kahit sinong babae ay hindi kayang tagalan. Nagdudulot 'yon ng hindi mapangalanang alon sa dibdib, at kung ano-ano pang pakiramdam.
Nakangiti siyang tumango. "I also cooked rice," nilingon niya ang cooker. "In case you want to eat something heavier."
"Thank you," nakatingala, nakangiti kong sabi.
Hindi ko inaasahang yuyukuin niya ako at hahalikan sa labi. Halik na akala ko ay dampi lang ngunit nagkamali ako. Gumapang ang kilabot mula sa dulo ng mga daliri sa aking paa paakyat sa leeg ko nang sakupin ng labi niya ang pang-ibabang labi ko. Napapikit ako. Gusto kong mahiya dahil paniguradong ramdam niyang sabik na sabik ako sa halik niya.
Gusto kong magpalamon sa kinauupuan ko nang mapaungol matapos niyang bitiwan ang labi ko. Nakagat ko ang labi ko nang makitang natatawa siyang nakatingin sa 'kin nang magmulat ako.
"Eat your dinner." Iminuwestra niya ang pagkain saka naupo sa harap ko.
Naiilang akong tumitig sa kaniya. Ramdam ko ang init ng mga pisngi ko dahil sa kahihiyan. Napalunok ako at hindi na nagawang magsalita. Agad kong kinuha ang kutsara at sinimulang kumain.
Literal akong natigilan nang manuot sa panlasa ko ang linamnam ng soup na ginawa niya. "Ang sarap," nasabi ko.
Matagal siyang tumitig sa 'kin, nakita ko nang umawang ang tipid na ngisi sa labi niya. "Dalawa ang natikman mo. Alin ang masarap, 'yong sabaw o ako?"
Ikaw. Gusto kong sampalin ang sarili ko matapos 'yong isagot ng isip ko. "Kumain ka na rin." Nagsalin ako sa mangkok at ibinigay sa kaniya.
Nagsimula siyang kumain ngunit hindi niya inalis ang paningin sa akin. May kung anong nagsasabi sa 'kin na sinusulit niya ang pagkakataon sapagkat ngayon na lang uli kami nagkita at nagkasama.
Lalo pa akong nailang dahil hindi lang mata ko ang tinitigan niya. Huminto siya sa pagnguya matapos humigop ng soup at noodles, saka tumitig sa labi ko. Hindi na ako magtataka kung pati paglunok ko ay napapanood niya. Sa t'wing kukurap lang nawawala sa 'kin ang paningin niya.
Habang nasa shower ako kanina, napakaraming tanong na naipon sa isip ko. Sabi ko ay itatanong kong lahat 'yon kay Maxwell habang kumakain. Ni isa sa mga tanong na 'yon ay hindi ko maalala ngayon. Nahalinhinan iyon ng kung ano-anong makamundong isipin at talagang gusto kong awayin ang sarili ko dahil do'n.
Napatitig din ako sa labi niya, at pinanood iyon habang sumusubo, humihigop at ngumunguya siya. Maging ang paggalaw ng buto sa kaniyang lalamunan ay hindi nakaligtas sa paningin ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa sabaw kaya umiinit ang pakiramdam ko dahil sa presensya niya.
"Babalik ka pa ba sa hospital...pagkatapos?" nauutal na tanong ko nang matapos naming kumain. Hindi ko alam kung paano kong natagalan ang titigan naming dalawa. Aaminin kong ginusto ko ang lahat ng nangyari kanina. Dumeretso kami sa terasa matapos ko siyang ipagtimpla ng tsaa.
"No. Uuwi ako sa bahay at doon matutulog. I badly need some sleep."
Natigilan ako at sandaling napatitig sa kaniya. Gusto ko na namang sampalin ang sarili ko sa katotohanang nalungkot ako sa sinabi niya.
"You can...stay here...if you want." Napalunok ako matapos sabihin 'yon, at huli na para bawiin pa.
Muling sumilay ang tipid na ngisi sa labi niya. "I thought you're mad at me."
Awtomatiko akong sumimangot. "I am, but..."
"But?"
"But..." Hindi ko madugsungan ang sasabihin ko.
"But you love me," siya ang nagtuloy sa linya ko, at hindi ko inaasahang sasabihin niya 'yon.
Talagang natigilan ako at napatitig sa kaniya. Parang nawala ang bawat patak ng alak na ininom ko. Tila hindi na ako makaramdam pa ng hilo. Nang marinig ko ang apat na salitang 'yon ay animong matinong-matino ako. Sobrang linaw ng isip at pandinig ko.
"That's why you can't stay mad at me," dagdag pa niya.
Bigla akong pinangiliran ng luha. Napasimangot ako at umiwas ng tingin sa kaniya. Nang hindi ko na 'yon napigilan ay tinalikuran ko siya.
Kaya paulit-ulit niya akong binabale-wala kasi alam niyang mahal ko siya. At wala kang ginagawa? Magaling! Kung hindi mo magawang suklian 'yong feelings ko, deretsahin mo na lang ako para alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Hindi ka lang manhid, gago ka pa!
"Why are you crying?" Hindi ko inaasahang lalapit siya at hahawakan ako sa magkabilang braso.
Nang hindi ako nakasagot ay bumuntong-hininga siya, at saka ako niyakap mula sa likuran. Dali-dali kong pinunasan ang mga luhang nag-unahang dumaloy sa pisngi ko.
"Alam mo naman kung bakit, nagtatanong ka pa," naiiyak na namang sabi ko. "Ganito ka kalambing ngayon. For sure, bukas o sa makalawa, hindi na naman kita makikita. Hindi ka na naman magpaparamdam. Mangangapa na naman ako, tatanungin kung bakit hanggang sa ganito lang ako. Ang hirap naman ng gano'n, Maxwell."
"I'm sorry for being busy, Yaz. I'm really sorry," ramdam ko ang sinseridad niya pero hindi ko pa rin mapigilang magtampo. Hindi ko mapigilang masaktan. I know what I deserve.
"Palibhasa kasi ay hindi pareho ang feelings natin, 'no?"mapait na sabi ko. "Ako lang kasi 'yong may gusto sa 'yo. Kaya kahit hindi mo 'ko makita, okay lang. Kahit hindi mo 'ko makausap, okay lang. Kasi alam mo naman kung saan mo 'ko pupuntahan. Alam mong kaunting yakap, kaunting halik..." Nasasaktan ako na sa 'kin mismo nanggagaling 'yon. "Tatanggapin kita kasi...kasi mahal kita." Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko at doon umiyak nang umiyak.
Oh, God... Ngayon lang ako nagpakababa nang ganito dahil sa lalaki. Please help me!
Hindi ko na-imagine kailanman na posibleng makapagsalita ako nang ganoon sa isang lalaki. Sa edad kong ito, bilang babae, alam ko kung ano ang halaga ko. Dati-rati ay parati kong binubungangaan ang mga kaibigan kong nagpapakatanga sa pag-ibig. Although, hinid rin naman ako nagmamalinis. May times na nagpakatanga na rin ako, but I see to it na ako 'yong sosyal na tanga. 'Yong tanga na umiiyak pero may panyong Prada. 'Yong tanga na naglalasing pero ang iniinom ay Sapphire Martini. 'Yong tanga na maghahabol sa 'yo pero nakasasakyan panigurado.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga bago kumalas sa pagkakayakap sa 'kin. Humakbang siya papunta sa harap ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Nagbaba ako ng tingin, alam kong anumang oras ay hahalikan niya ako. Gano'n lang naman ang ginagawa niya, paulit-ulit. Tapos okay na. Kasi gano'n ako kababaw, kasi hinahayaan ko siya, kasi...mahal ko siya.
Pinaglapat niya ang noo namin. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa 'kin. "I know I'm not the best at letting you know how much you mean to me," pabulong niyang sabi. "But I'm trying, I really am." Hinaplos niya nang paulit-ulit ang pisngi ko. "I honestly don't want to settle for ordinary love. I want it to be one of a kind."
Sinabi niya ang mga linyang 'yon nang sobrang lambing, sobrang bagal, dahilan para bumuo iyon nang sariling imahe sa isip ko.
"I've beem dreaming of waking up next to you, Yaz,"madamdamin niyang sinabi. "There are times when I wished we can walk down the streets holding hands, and have people know how much we mean to each other. I wanna date you everyday. I wanna see you every minute of everyday. I want us to laugh together, share our deepest thoughts...I also want everything."
Pinaglayo niya ang mga mukha namin, saka niya ako tiningnan nang deretso. Awtomatikong huminto sa pagtulo ang mga luha ko nang makita ang pangingilid ng mga luha niya.
"But I'm not an ordinary guy, Yaz," malungkot niya 'yong sinabi. "You know what kind of family I belong to. We have our own responsibilities."
Bigla ay nakonsensya ako. Sunod-sunod akong napatango nang manumbalik sa isip ko ang lahat ng pinagdaanan namin kasama ang pamilya niya.
"I may not get to see you as often as I like. I may not get to hold you in my arms all through the night..." patuloy niya, ang mga mata ay tutok sa akin. "I know that you're the one I love. And I don't want to let you go," emosyonal niyang sinabi.
Umawang ang labi ko, hindi makapaniwalang sinabi niya 'yon. "Maxwell..."
"I love you, Yaz...I really do." Mas naging emosyonal pa siya, at hindi ko kailanman naisip na makikita ko siyang ganito kaemosyonal. Ayaw kong matapos ang sandaling 'yon. "And I regret that I haven't said it often enough to prove it."
Bago ko pa napigilan ang sarili ko ay nahalikan ko na si Maxwell. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko sa loob ng iilang minuto. Masaya ako sa mga sinabi niya. Nalulungkot ako sa katotohanang ako pala ang hindi nakaiintindi sa kaniya. Nagsisisi ako sa pagiging selfish dahil wala akong inisip kundi ang sarili kong nararamdaman. Nagsisisi ako na hindi ko naisip kung bakit siya nagdodoktor. Nagsisisi ako dahil pinili kong iwasan siya. Nagsisisi ako na naghangad ako nang sobra-sobra, imbes na tingnan 'yong mga naibibigay niya.
"I'm sorry," emosyonal, umiiyak kong sabi nang bitiwan ang labi niya. "I'm so sorry."
Umiling siya nang umiling. "I'm trying my best to understand. I understand that you want my time and attention, and God knows how much I wanted to give to it to you, too."
"I'm really sorry, Maxwell," nahihiya, naiinis sa sariling bulong ko.
"I thought I have fallen in love before, I was wrong,"ngumiti siya sa 'kin. "You were the one who helped me recognize what love felt life. You're my first in a lot of things." Tiningnan niya ang bawat parte ng mukha ko. Naramdaman kong namula at nag-init ang pisngi ko. "I love you."
"I love you, too," niyakap ko siya.
Hindi ko napigilang mapangiti bagaman umaalon ang emosyon ko. Hindi ko inaasahan ang mga salitang 'yon. Hindi ko inaasahan ang mga sandaling 'yon. Gusto sisihin ang sarili ko sa pagiging maarte at kawalan ng pang-intindi.
Tulala akong nahiga sa kama matapos ang mahabang oras namin sa sala. Maging nang magpaalam si Maxwell na maliligo, lutang ako. Sa kama ako nahiga pero pakiramdam ko ay ulap 'yon sa sobrang lambot. Malakas ang tunog ng shower pero mas nangibabaw sa pandinig ko ang kung ano-anong romantic songs.
Kakaiba ang pakiramdam, bago, hindi ko pa naramdaman kahit kanino. Masaya ako pero tulala, hindi pa rin makapaniwala.
May parte sa 'kin na nagdiriwang dahil sa wakas ay nabigyan na ng linaw ang nararamdaman niya. Ngunit may parte rin sa 'kin na biglang nangamba. Sa aming dalawa, ako 'yong imperfect. Ako 'yong may karanasan sa iba. Ako 'yong hindi na puro nang mahalin niya. 'Tapos ako pa itong may ganang magtampo, manguwestyon, umiwas at maghangad ng labis-labis na oras at atensyon.
Hindi ko napigilang kuwestyunin ang sarili ko kung karapat-dapat nga ba akong mahalin ng isang Dr. Maxwell Laurent del Valle. Deserving ba siya sa babaeng maingay, madaldal, maarte at marupok? Bakit ba ako naghahangad nang sobra-sobra, karapat-dapat ba ako sa mga hinahangad kong 'yon? Importante sa relasyon ang oras at atensyon, pero dapat bang parating nasa akin 'yon?
Tumalikod ako sa gawi ng bathroom nang marinig kong bumukas ang pinto niyon. Hindi ako gumawa ng kilos at nagpanggap na natutulog. Hindi ko alam kung paano siyang haharapin nang may ganoong laman sa isip.
Ilang saglit lang ay naramdaman ko siyang sumampa sa kama. Nakiramdam ako nang ilang sandali bago maingat na lumingon sa kaniya. Wala siyang suot na top, bagaman umaabot sa dibdib ang kumot na pinagsasaluhan namin. Nakataas ang pareho niyang kamay at doon nakahilig ang kaniyang ulo.
Maingat kong inihilig ang ulo ko sa magkapatong kong mga kamay. Saka ko siya malayang tinitigan. Hindi pa rin ako makapaniwalang ang gwapong lalaking ito ay mahal ako.
Noon, hinihiling kong mahalin mo 'ko. Ngayon, hihilingin kong sana 'wag kang mawala sa buhay ko.
"I'm not gonna take back my words so stop staring at me," masungit nang ani Maxwell.
Napapitlag ako sa gulat. "Bakit hindi ka pa natutulog?"
"Let me ask you the same question." Nagmulat siya at gumaya sa posisyon ko. "Why are you staring at me?"
"Hindi 'yan ang tanong ko."
"I'm still awake because of you."
"Why me?"
"I can feel you staring at me."
"Dahil ang gwapo mo."
"It will not fade easily, so go to sleep."
"Psh, yabang," bulong ko saka muling tumitig sa kaniya. "Matulog ka na, you're tired, 'di ba?"
"You're maingay."
"I want to hug you," nakangusong sabi ko.
Sumilay muli ang tipid na ngisi sa kaniyang labi. "Go ahead."
"Really?" hindi makapaniwalang tugon ko.
Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Halos talunin ko ang iilang pulgadang layo namin sa isa't isa. Ngunit tuluyan akong napatalon sa gulat nang maramdaman ko ang kahubaran niya.
"W-Why are you not...wearing anything!" utal na asik ko.
"I sleep naked. I cook naked, or walk around naked. I could live naked," nakapikit niyang sabi matapos akong yakapin. "I'm that comfortable with my body."
"You're unbelievable."
"You're beautiful," pabulong niyang sabi, nakiliti ang tenga ko at napaiwas. Dahilan para magharap ang mukha naming dalawa. "I'm warning you, don't look at me like that," namaos ang boses niya.
Sa halip na masindak ay mas tinitigan ko siya, hindi pa nakontento, kinagat ko ang ibabang labi ko. Matagal siyang tumitig sa 'kin, nagpipigil. Ngunit hindi maitatago 'yon ng paggalaw ng maumbok na buto sa kaniyang lalamunan. Natawa ako nang maramdaman ang pagkalalaki niya.
Magsasalita na sana ako nang bigla niyang hawiin ang buhok ko at sunggaban ako ng halik sa leeg. Lalo kong nakagat ang labi ko sa init ng hininga niya. Marahang umakyat ang halik na 'yon papunta sa labi ko. Kanina lang ay hinalikan niya ako, 'ayun at ramdam ko ang pananabik niya.
Dumapo sa balikat ko ang isang kamay niya. Ngunit may kung ano sa kaniyang halik na pinakikilos ang kamay ko, dinadala ang kamay niya sa ibang parte ng katawan ko. Napaungol ako nang maramdaman ang kamay niya sa dibdib ko. Umarko ang likod ko nang maramdam ko ang mga daliri niya sa pinakanag-aasam na parte ng katawan ko. Hinalikan niya ako sa labi, sa pisngi, sa leeg paibaba sa dbdib habang paulit-ulit na kumikilos doon.
Nagmulat ako nang huminto siya upang hubarin ang suot ko. Matapos no'n ay pumaibabaw siya at sinimulang gawin ang pinakahihintay ko.
Akala ko ay natapos na sa pag-uusap namin kanina ang halo-halong pakiramdam na ipararamdam niya sa 'kin. Nagkamali ako dahil bago matapos ang gabing 'yon ay panibagong magkakaibang pakiramdam ang kaniyang ipinadama.
Maging nang sumiwang ang umaga ay magkahalong saya at lungkot nag naramdaman ko nang magising at wala na siya sa tabi ko. Gayunman, hindi ako nagpalamon sa lungkot. Nakangiti akong bumangon at naghanda papasok sa trabaho.
"'Sakto ka yatang pumasok nang maaga ngayon?"nakangiting bati sa 'kin ni Susy. "Hindi ka mag-e-early out?"
"Hindi," nakangiti ring tugon ko.
"Mukhang masaya ka, may maganda sigurong nangyari?"
"Sobrang ganda!" humalakhak ako matapos isagot 'yon.
Biglang nanumbalik ang sigla ko sa pagtatrabaho. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano ako kabigat makasama nitong mga nakaraan at gusto kong mag-sorry kay Susy dahil do'n. Ngayon ko lang kasi nakita kung anong naging resulta ng pagiging unprofessional ko trabaho naming pareho.
Kaya naman bumawi ako. Karamihan sa mga trabaho niya ay inako ko. Milagrong nagawa ko nang tama ang lahat. Noon ko lang naramdamang natapos namin nang swabe ang trabaho sa maghapon. Hindi bakas sa mukha namin ang pagod.
"Yaz, favor," tinig ni Doc Caleb.
"Yes, doc?"
"Pakihatid ito kay Doc Maxwell," inilahad niya ang dalawang chart ng pasyente sa akin. "Sabihin mo na lahat ng resultang kailangan niya ay nariyan sa loob. Tell him I'm sorry I had to ask you a favor, I have to go early."
"No problem, doc!" magiliw na sagot ko. Binigyan ako ng nanunukso at natatawang tingin ni Susy, kinindatan ko lang siya.
"Thank you! See you tomorrow, ladies," iyon lang at nagpaalam na si Doc Caleb.
Excited kong kinuha ang gamit ko. "So paano? Dadaanan ko na muna si Doc Maxwell." Humahalakhak kong paalam kay Susy.
"Enjoy," biro niya sabay kaway.
Kung pwede lang maglakad nang tumatalon papunta sa office ni Maxwell ay ginawa ko na. Hindi ko mapigil ang ngiti. Sa unang pagkakataon ay dumaan ang buong araw nang nakangiti lang ako, nakakapagod man ang trabaho, hindi ko man nakita si Maxwell sa maghapon.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng office ni Maxwell bago tumuloy. May tatlong babaeng intern akong nakita. "Good afternoon, doktora," ngiti ko sa tatlo. "Nasaan po si Doc Maxwell?"
"Nasa conference room," anang isa.
"I have to give him something from Doc Caleb po,"ipinakita ko ang charts na hawak ko.
"Do you want me to give it to him?"
"Naku, nakakahiya naman, doktora," tanggi ko. Natural, ang goal ko ay makita si Maxwell.
"No, it's okay."
"Ako na lang po, doktora, salamat po." Tumuloy na ako para hindi na siya makatanggi pa. "Tutuloy na po ako," paalam ko saka tinahak ang daan papunta sa conference room.
Sa labas pa lang ay dinig ko na ang tawanan sa loob. Hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba at hiya bago tuluyang kumatok.
" Come in," si Keziah ang sumagot. Palihim akong sumimangot. "Yes?"
"Hi, Yaz!" Hindi ko inaasahang babatiin ako ng isa sa mga residenteng doktor doon.
Nahihiya akong kumaway. "Hello, doc."
"Do you need anything?" tanong muli ni Yaz.
"Pinabibigay ni Doc Caleb ang mga ito kay Doc Maxwell," tugon ko. Nagtama ang tingin namin ni Maxwell. Pakiramdam ko ay kanina pa nakatuon sa 'kin ang paningin niya. "Nasa loob na raw po ang mga resulta na kailangan niyo, Doc Maxwell," baling ko rito.
"Thank you, nurse," ngumiti si Maxwell. Simpleng bagay lang naman 'yon pero ewan ko ba't kinikilig ako. May kinalaman ba 'yon sa napag-usapan namin kagabi? O dahil sa gwapo niyang mukha? Pareho siguro.
"'Yon lang po, uuwi na ako," makahulugan kong sabi.
"Take care," ani Maxwell.
"Ikaw rin," wala sa sariling tugon ko. Saka natigilan. "Ingat din po kayo, Doc Maxwell." Nakamot ko ang sariling batok, at natawa na lang nang makitang natawa si Maxwell.
"So, before we end this meeting, do you have any questions?" ani Maxwell, ang atensyon ay naroon na sa mga kasamahang doktor. Sinadya ko namang dahan-dahanin ang paglabas, nababaliw na.
Nakita ko pa nang magtaas ng kamay ang isa sa mga doctor. "Girlfriend mo na ba si Doc Keziah?" tumatawa nitong tanong.
"No," agad na sagot ni Maxwell, nahinto ako sa paglalakad. "We're good friends."
"Oh..." nagsipag-ungulan sa magkahalong biro at panghihinayang ang karamihan sa mga naroon. Palihim akong sumimangot.
"But I do have a girlfriend," bigla ay dagdag ni Maxwell. Wala sa sarili akong napalingon sa gawi niya. Halos mapatalon ako nang ituro niya akong bigla. "Si Yaz."
Pareho-parehong umawang ang bibig ng lahat ng naroon sa gulat, pati na ako. Ang lahat ay hindi inaasahan ang sinabi ni Maxwlel, lalo na ako, paniguradong ganoon din si Keziah.
Hindi ko nagawang kumilos, hindi ko naalis ang paningin ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang ito ang magiging resulta ng ilang araw kong pagmumukmok. Hindi ko alam ang mararamdaman.
He just announced that I'm his girlfriend...I can't believe it.
~ To be continued. . .~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top