CHAPTER 13

"BEH! BEH! BEH! BEH!"Nakasabay ko papasok sa cafeteria sina Mitch at Raffy. "Anong pinag-usapan niyo ni Doc Maxwell kahapon? Pinagalitan ka ba?"

Nagtataka ko silang tiningnan. "Hindi, ah. Bakit niya naman ako pagagalitan?"

"Nakita ko kayong nag-uusap,"ani Raffy.

"Actually, buong cafeteria ang nanonood sa pag-uusap nila,"ani Mitch.

"Kung si Doc Keziah ang kausap niya, iisipin kong intimate 'yong pag-uusap. Kaso ikaw 'yon, kaya naisip kong baka pinagsasabihan ka," dagdag ni Raffy.

Umirap lang ako saka dumeretso at um-order ng foods. Wala akong gana kumain. Hindi pa rin mawala sa akin ang nangyari kahapon.

Sana hindi na lang siya nagsabi para hindi ako umasa. Pero ano ang karapatan kong magtampo at magreklamo? Wala naman kaming relasyon.

"Umiinom ka ba, beh?"tanong muli ni Raffy.

"Tara?"agad kong sagot.

Sa gulat ay sandali siyang natulala sa 'kin saka natawa. "Napagalitan ka talaga, 'no? Pinag-i-incident report ka?"

"Hindi nga, ano ka ba,"pasiring na sabi ko. "May pinag-usapan lang kaming hindi naman mahalaga."

"Gano'n kalapit dapat mag-usap?"sabad ni Mitch na halatang nagmamadali sa pagkain.

"Oo nga,"muling ani Raffy. "Si Doc Keziah lang ang kinakausap nang gano'n kalapit ni Doc Maxwell. Halos dukwangin na 'yong space mo. Hindi nalang tumabi sa 'yo, e."

"Ano'ng pinag-usapan niyo?"tanong ni Mitch.

"Wala 'yon."Iwinasiwas ko ang kamay saka iniba ang usapan. "So, kailan tayo iinom?"

"Gusto ko ma-experience 'yong floating bar,"excited na ani Raffy. "Kaso pandalawang tao lang daw 'yon."

"Pwede naman daw apat, kaso sobrang mahal na,"sabi naman ni Mitch. "Limang buwang sahod mo."

Umirap si Raffy. "Fine, doon na lang tayo sa beach bar."

"Kailan?"atat kong tanong. Matagal na rin mula noong nadaluyan ng alak ang lalamunan ko.

"Sabay ang off namin ngayong weekend ni Mitch, kaya malakas ang loob kong magyaya. Ikaw, kailan ang off mo, Yaz?"

"Maaga naman parati akong umuuwi. So kahit hindi ko off ay masasamahan ko kayo. Gabi naman 'yon for sure."

"Oh, usapan na 'yan, ah?"paniniguro ni Raffy. "Maraming tourists ngayon kaya for sure maraming performers."

Piling panahon lang nag-o-open ang bars sa beachfront. Hindi 'yon ina-allow sa lugar sapagkat pribado, lalo na 'yong lupaing pag-aari talaga ng mga Moon. Na maski buhangin ay hindi maaaring magkapalit.

Kapag ganoon ay maraming bakasyunista at turista. Hindi ko pa naranasan iyon doon. Sa t'wing pupunta kami noon sa Palawan, may sariling gatherings ang pamilyang Moon para sa aming mga bisita. Lahat ng kasiyahan ay kami-kami ang magkakasama. Nabanggit din ni Mokz noon na kahit sanay silang uminom ng alak dahil sa kultura nila, hindi sila pwedeng makihalubilo kung kani-kanino, basta-basta.

"Yaz,"tinig ni Doc Caleb ang sumalubong sa 'kin nang makabalik sa area. "Papaubos na ang stocks ng anesthesia. Busy si Susy. Pwede ka bang dumaan sa stock room? May mga inaasahan akong pasyente, hindi ako maaaring maubusan."

"Sure, doc,"awtomatiko akong sumunod.

Malaki ang stock room at dalawa lang ang tumatao roon kaya matagal bago makuha ang requests. Hindi lang kami ang area na may kailangan, buong ospital. Kaya nang makarating doon ay may staffs akong naabutan. Nagsusulat ako sa request form nang matanawan ko sa di kalayuan si Maxwell na noon ay naglalakad kasabay ni Keziah.

"Kinikilig talaga ako sa dalawang 'yan,"dinig kong sabi ng isa sa staffs na kasabay kong kumukuha ng stocks. "Sabay parati kung umuwi."

"Sila na ba?"

"Hindi ko alam. Pero hindi na ako magugulat!"

"Ang swerte ni Doc Keziah, ang gwapo ni Doc Maxwell!"

"Sobra! Marami namang gwapong doctor dito pero si Doc Maxwell ang pinakagwapo! Maganda si Doc Keziah at doctor din kaya swerte lang nila sa isa't isa."

Napasiring ako sa inis at selos. Matatanggap ko kung lahat ng babae sa ospital na 'yon ay may gusto kay Maxwell. Hindi ko sila masisisi dahil talagang gwapo si Maxwell. Napakaraming katangian na magugustuhan sa kaniya, bukod sa looks niya, kahit pa may kasungitan.

Kay Keziah lang nabubuhay ang selos ko dahil alam kong may gusto rin siya kay Maxwell, at hindi imposibleng magustuhan nila ang isa't isa. Well, bukod sa narinig kong sabay silang umuuwi ni Maxwell, bagay na hindi niya nagawa kagabi dahil sa pagiging busy.

"You need to let me know which ones are out of stock so I can order them in advance, Ilya. That's the purpose of inventory. I have no time to come here everyday to check everything one by one."

Narinig ko ang pamilyar at galit na tinig ni Maxrill. Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Natigilan siya sandali nang makita ako. Nakita ko nang mabura ang pagkakakunot ng kaniyang noo.

"Do you need anything?"Tiningnan ni Maxrill ang form na hawak ko. "Give it to me. I'll get it for you."

Hindi ako nakapagsalita. Sa halip ay nilingon ko ang dalawang staff na nag-uusap kanina sa tabi ko. Nakatingin na rin ang mga ito sa 'kin, nagugulat at nagtataka. Sila ang nauna sa pila ngunit ako ang inuna ni Maxrill.

"Here,"ilang saglit pa ay bumalik si Maxrill bitbit ang ni-request kong stocks. "Kumain ka na?"

Sa halip na sumagot ay napalingon ako sa dalawang staff na noon ay nagpapalitan ng tingin sa aming dalawa ni Maxrill. Tinapunan ng tingin ni Maxrill ang mga ito saka muling bumaling sa 'kin.

"Tapos na,"mahinang sagot ko. "Salamat,"isinenyas ko ang stocks saka ako kumaway bilang paalam.

Hindi ko inaasahang susundan ako ni Maxrill. "Ihahatid kita mamaya."

Hindi ko alam kung paano siyang tatanggihan. Ayaw ko ring sagutin siya sa paraang nakadepende sa mood ko. Ngumiti ako. "Thank you, Maxrill."

Hindi na siya sumagot. Inihatid niya ako ng tingin. Sandali pang naglapat ang mga paningin namin bago siya umalis sa harap ng area namin.

"Nanliligaw ba sa iyo 'yong nakababatang kapatid ni Doc Maxwell?"nanunuksong ani Doc Caleb.

"Naku, hindi po, doc."

"Nitong mga nakaraan ay nakikita ko kayong magkasama sa parking lot. Inihahatid ka niya?"

"Yes, doc."Nakamot ko ang ulo.

"Malapit lang ang tinutuluyan mo, hindi ba?"

"Yes, doc."

"Nanliligaw nga,"nakangiwi at tumatangong ani Doc Caleb. "Gano'n kaming mga lalaki kapag pumoporma. Pahatid-hatid-sundo tapos saka magtatapat."

"Napakabata pa ni Maxrill, doc,"ilang kong sagot.

"Oh, e, ano? Wala naman sa edad 'yon."Umasta itong abala sa mga chart. Hindi naman na ako sumagot dahil batid kong nagbibiro lang siya. "Whether it's a difference of two or forty years, love is love. Age only matters kung may expiration date kang tulad ng mga gamit at pagkain."Humalakhak ito.

"Magkaibigan lang po kami, doc."

"Hindi ko naman sinabing kayo na. Nanliligaw ang sinabi ko."

"Hindi rin siya nanliligaw sa akin, doc."

"Baka hindi pa?"nanunukso pa rin nitong sabi."Baka natotorpe pa. Walang lalaki ang mag-aabalang ihatid ka. Masyadong busy ang mga Del Valle, Yaz. Believe me."

Kung pwede ko lang sabihin kay Doc Caleb ang sitwasyon ay ginawa ko na para lamang matahimik ito. Panigurado kasing hindi ito matatahimik hanggang walang nakukuhang sagot na kokontento sa kaniya.

"'Sabagay, hindi ko masisisi si Sir Maxrill,"aniya na sinipat ang kabuuan ko. "Kahit saang area yata rito ay mayroong may gusto sa iyo."

Pinamulahan ako ng pisngi kahit pa pakiramdam ko ay masyado na akong matanda para ro'n. Ngiti na lang ang isinagot ko sa doktor saka bumalik sa trabaho. Akala ko ay makapagtatrabaho na ako nang payapa. Nagkamali ako dahil 'ayun ang nangunguwestiyon na tingin ni Susy.

"Okay ka lang, Yaz?"may bahid ng pag-aalala sa tinig niya.

"Oo naman,"mapait na sagot ko.

Nakangiwi siyang tumango. "Recently, wala ka sa sarili mo. Hindi lang ako nagsasalita pero nahahalata ko. Ilang beses kang nagkamali, marami kang nalilimutan, binabale-wala ko lang," kaswal niyang sabi pero nahiya ako.

"Sorry,"nahihiya kong sabi.

"May kinalaman ba 'yan kay Doc Maxwell?"mahina niyang tanong, iniiwasan ding may makarinig. "Alam mo kahit hindi ka magsabi, alam kong may something kayo. Halata sa mga tinginan ninyo, lalo na kahapon."

Gustuhin ko mang magkwento nang totoo kay Susy, hindi ko magawa. Wala akong planong ipaalam pa sa iba ang nangyari nang gabing iyon. Sa halip ay ikinuwento ko nalang na may tampuhan kami ni Maxwell, at mukhang wala itong balak na ayusin iyon dahil sa pagiging abala.

"Hindi na kayo mga bata para magtampuhan,"ngiti ni Susy. "Intindihin mo na lang muna. He's a doctor, and doctors are busy. They're always gonna be busier than you. Maraming nagkakasakit at merong emergency cases sa lahat ng oras, umaga, hapon at gabi. Walang bakasyon ang mga iyan. Kung magkaroon man, itutulog at ipapahinga na lang."

Alam ko ang lahat ng sinabi ni Susy. Hindi lang naman si Maxwell ang doctor na kilala ko, marami. Aware ako sa pagiging busy nila. Ilang taon na rin akong nurse at hindi na bago sa 'kin 'yon. Kahit nga hindi ako mag-nurse, alam ko kung gaano ka-busy si Maxwell.

Sadyang hindi ko lang kayang intindihin na maski mag-text o tumawag ay hindi niya magawa. Pakiramdam ko kasi ay masyado na 'yong imposible. Nagiging busy rin naman ako, pero naglalaan ako ng oras kapag importante na.

Hindi naman kakain ng isang oras ang pagte-text o tawag. Kahit nga sabihin niya lang sa akin na busy siya, ayos na ako.

At masakit para sa 'king isipin na kahit anong pagtatampo ang maramdaman ko, hindi niya ako masusuyo. Ang hirap tanggapin at intindihin na hindi niya ako priority. Nakapanlulumong hindi ako pwedeng mag-demand dahil wala akong karapatan.

Pero sa halip na ituon ang buo kong oras at atensyon kay Maxwell, ibinaling ko iyon sa trabaho. Mahirap. Dahil kinabukasan lang ay 'ayun at nagbabaka-sakali na akong makasabay siya sa cafeteria ngunit hindi nangyari. Nang sumunod namang araw ay panay ang lingon ko sa gawi ng emergency room at ward kung saan ko siya madalas makita. Nabigo pa rin ako. At aaminin kong naging napakabigat ng trabaho dahil may gusto akong makita pero ayaw magparaya ng tadhana.

"Nakita ko si Doc Maxwell,"ani Susy, kapapasok lang niya at nagmamadali. "Mukhang papunta siya rito."

Nanlaki ang mga mata ko. Dali-dali akong nagtago sa likod ng curtain. "Kapag hinanap ako, sabihin mo wala pa 'ko." Agad kong pinigil ang hininga ko sa takot na baka maabutan ni Maxwell.

"Ano?"

"Sige na,"makaawa ko.

"Luka-luka ka."Naroon ang pag-aalala sa tinig niya.

Naramdaman ko nang bumukas ang pinto, hindi na ako gumawa pa ng ingay. "Where's Caleb?"tinig ni Maxwell iyon. Kinabahan agad ako.

"Good morning, doc. He's not yet here,"sagot ni Susy.

"Pakisabing puntahan agad ako kapag dumating. Salamat."Iyon lang at naramdaman kong bumukas ulit ang pinto.

Nanlamig ako sa pinagtataguan dahil sa kahihiyan. Hindi ako ang pakay ni Maxwell.

Padarag na inalis ni Susy ang pagkakatabing ng curtain saka tatawa-tawang tumingin sa 'kin. "Assuming ka."

Hindi ko nagawang umimik sa sobrang pagkapahiya. Biro lang iyon kay Susy pero tinablan ako. Kasi totoo. At hindi siya ang kauna-unahang tao na nagsabi no'n.

Kumilos nalang ako at inabala ang sarili sa trabaho. Para akong batang nagmumukmok dahil hindi makuha ang gusto niya. Wala talagang pakialam si Maxwell sa akin. Hindi siya tulad ko na halos maya't mayang umaasam na masilayan siya. Hindi siya gaya kong paulit-ulit na humahanap ng chance na magkausap kami.

Sa sobrang pagmumukmok ay hindi na mawala sa isip ko ang usapan namin nina Mitch at Raffy na mag-bar. May kung ano'ng nagsasabi sa akin na pupunta talaga ako doon at magpapakalasing. Pakiramdam ko ay iyon ang sagot sa pinagdaraanan ko ngayon. Matagal na mula noong huling nasayaran ng alak ang lalamunan ko. At aaminin kong napakalaki ng ipinagbago ko mula noong nagustuhan ko si Maxwell. Pagbabago na para naman sa ikabubuti ko. Marahil ay isa na ring dahilan 'yon para gustuhin ko siya nang todo.

Galing ako sa break-up noong mag-decide akong pumunta sa Laguna. Gusto kong mag-unwind sa ibang paraan, ang weird. Sobrang weird dahil pinili kong sa Laguna pumunta kung saan naroon ang kapatid kong hindi ko kailanman nakasundo. Parating taliwas ang desisyon namin ni Zarnaih, pareho kami ng pinanggalingang sinapupunan pero magkaiba kami ng mundo. Iyon nga lang, hindi pa kami umabot sa puntong nagkasakitan kami nang higit pa sa laitan. Kahit ganoon ang ugali no'n, nararamdaman ko pa rin ang respeto niya bilang kadugo. Ramdam ko rin ang concern at love niya for me kahit pa nakaririndi talaga ang boses niya. Kung may oras man na gusto kong marinig ang boses niya, 'yon ay sa t'wing kumakanta siya. Para sa 'kin ay siya ang ikalawang may pinakamagandang boses sa buong mundo, kasunod ng mommy namin.

Sa aming magkapatid, ako 'yong spoiled. Lahat ay ibibigay ng parents ko sa akin. Kung sasabihin kong magta-travel ako sa buong mundo, hindi magdadalawang-isip ang mom and dad kong suportahan ako. Sa sobrang down ko, umalis ako sa trabaho at nagdesisyon na pumunta sa lugar kung saan hindi ako masusundan ng ex-boyfriend ko. Wala akong alam na trabaho bukod sa naunang kursong tinapos ko, tourism. May nalalaman man akong gawaing bahay, iyon ay pagluluto lang. Natuto na lang ako nang maranasan kong manirahan kasama sina Maxpein at Zarnaih.

Sinuportahan ako ng parents ko sa desisyon kong magpakalayo, maging sa financial needs. Plano kong uminom nang uminom noon sa iba't ibang bars sa Laguna. Kaso ay hindi iyon kasing civilized ng inaasahan ko. Walang nagtataasang buildings at luxury cars. Ang nadatnan ko ay pulos pampubliko at pribadong sasakyan, maliliit na shopping malls at magkakasunod na school, university and colleges. Kung hindi ang mga iyon ay low-cost housing, villages at memorial parks naman makikita. Sa halip na car showrooms, kaliwa't kanang motorbike and big bike stores ang meron sa Laguna. At bagaman hindi katulad sa probinsya, marami ring puno sa pagitan ng mga magkakasunod at magkakadikit na bahay.

Malayo ang Laguna sa na-imagine kong magiging hitsura niyon. I'm not blaming anyone, though. It was my decision to come and stay there anyway. And besides, I didn't do any research. Manila lang ang alam ko sa Luzon.

It was boring at first. I had to stay at home noong mga unang araw ko dahil hindi ko alam kung magsisimula. Natatandaan kong may isang araw na limang beses akong nagpa-full tank dahil halos malibot ko na ang buong Laguna, iilan lang ang bar na nadaanan ko. Karamihan ay night clubs. Tuloy ay piling bars lang ang napuntahan ko, iyong sa tingin ko ay matitino. Hindi rin naman ako nag-enjoy sapagkat hiphop ang karamihang sinasayaw ng mga kabataang nakakasama ko ro'n.

Noon namang nalaman ko ang tungkol sa The Barb, kilala ko na si Maxwell. Akala ko noong una ay wala lang. Na gusto ko lang siyang landiin para makalimot. Kaso ni hindi man lang ako inunti-unti ng puso ko. Deretso agad! Nagustuhan ko siya agad sa kabila ng pagiging masungit niya, sa kabila ng pambabale-wala niya, sa kabila ng pagiging misteryoso niya, sa kabila ng mga pagtanggi niya sa akin.

Aminado akong ako ang gumawa ng move. Kasi kung ako ang tatanungin ay never siyang nagpakita ng motibo sa 'kin. Aware din akong si Dein Leigh ang babaeng nagugustuhan niya noon. Ilang beses niyang sinabi na tigilan ko ang mga ginagawa ko pero hindi ko siya pinakinggan. Parati niya akong iniiwasan pero gumagawa ako ng paraan para magkasama kami at magtagpo.

Matagal na panahon din bago niya ako hinayaang gawin ang mga pagpapa-cute ko. At noong panahong sabihin niya sa akin na nahuhulog na rin siya sa 'kin, hindi na ako nagpakipot, grab agad! Tuloy ay heto ako ngayon at pilit na tinatapalan ang lahat ng butas at kakulangan ng linaw sa namamagitan sa 'ming dalawa.

I chose to wear my mini red cami silk dress and black knee-high platform pump boots. I put some makeup and curled my hair. Sinipat ko ang sarili sa harap ng salamin habang ipinapaligo ang perfume. Nang makontento ay kumuha ako ng cash at inipit iyon sa dibdib ko.

Gaya ng usapan ay naroon na sa 'baba ng building ko sina Mitch at Raffy. Hindi matigil ang dalawa sa kapupuri sa hitsura ko. Sanay na akong nakaririnig ng papuri tungkol sa ganda at dating ko pero noon lang ako hindi nasiyahan. Kanina habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin ay wala akong makita kundi ang nakasimangot kong mukha.

Naglakad kami papunta sa beachfront, hindi naman kalayuan 'yon. Sa daan ay palang nakaagaw na kami ng atensyon. Karamihan sa mga iyon ay napapansin kong sa akin nakatingin.

Wala akong nililingon maski na isa sa mga bubulong-bulong sa t'wing lalampasan namin. Some are just saying hi, but most of them are offering to buy me a drink. Maging ang ganoon ay hindi na rin bago sa 'kin, bagaman matagal na panahon na mula nang huli akong makasalamuha ng mga ganoong lalaki.

"Alam mo mahihirapan kaming makahanap ng jowadahil nandiyan ka,"ani Raffy.

Natawa ako. "Bakit naman maghahanap ka pa, e taken ka na, hindi ba?"

"Girls night out 'to, syempre!"

"Raffy, mas magandang maging stick to one."

"Wow, kanino ka naman magpapaka-stick to one, aber?"

Hindi ako nakasagot. That was hard! Nameke nalang ako ng tawa at nagpatuloy sa pagpili kung aling bar ang pupuntahan namin.

Maraming bar, marami ring tao, turista at banyaga. Pero sa kahit ganoon ay nakahilera ang live bands at iba pang performers kung saan makikita nang lahat, saang bar man naroon. Pinili namin iyong nasa pinakagitna at siyang pinakasosyal na bar. Agad kaming dumeretso sa bar island.

Mitch and I ordered blood orange Negroni punch while Raffy asked for Bailey's chocolatini. Gusto kong mahiya sa suot ko. Bakit ba hindi ko naisip na mag-swim suit? Karamihan kasi nang naroon ay ganoon ang suot. Natural, beachfront iyon.

"Hi."Napalingon ako sa tinig ng lalaki sa tabi ko. "Can I buy you a drink?"

Kung hindi marahil ako baliw kay Maxwell ay mapapansin ko ang malakas nitong dating. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, balbas-sarado, nakatali ang mahabang buhok at may lahi. Nakabukas ang lahat ng butones ng kaniyang shirt, maluwang ang pagkakasuot ng board shorts at barefooted. He's holding a bottle of beer, half-full.

"No, thanks."I raised my glass and sipped.

Bagaman napahiya ay nakangiti itong nagkibit-balikat saka umatras papalayo nang hindi inaalis ang ngiti at tingin sa akin. Napapairap akong umiling saka muling lumaghok.

"Another one, please,"I ordered.

"Paano ka mag-e-enjoy kung magpapakalasing ka agad?"tawa ni Raffy.

"Relax. Hindi ako mabilis malasing,"yabang ko.

"Wala ka namang pinagdaraanan, ano?"tanong naman ni Mitch.

Sandali akong napatitig sa kanila bago nagsalita. "How often do you make time for your special someone, guys?"tanong ko habang ang tingin ay nasa inumin.

"Hmm,"nag-isip si Raffy. "Depende, e. No'ng fling-fling pa lang kami no'ng jowako, we're going out almost every day. Syempre, pareho pa kaming sabik sa isa't isa. Kung pwede nga lang magtanan ay baka nangyari na."

"How about now?"

"Nabawasan 'yon noong kami na. Pareho kaming nurse, beh. But of course, we see to it na hindi kami nagkukulang sa isa't isa."

Tumango-tango ako. "How about you, Mitch?"

Napaisip din si Mitch. "Maintindihin ako, e. Naiintindihan kong hindi lang kami ang tao sa mundo at hindi kami mabubuhay ng feelings namin. Na kailangan naming magtrabaho."

"So?"

"It doesn't really matter if we see each other often or not. What matters to me is 'yong effort on how we both find time for each other."

"That's sweet,"tatango-tangong sabi ko saka inubos ang laman ng glass ko. "I'll order a hard drink."Sinenyasan ko iyong server na agad lumapit. Nang iabot nito ang sumunod na order ko ay agad ko iyong inubos para um-order ng bago.

Nakita kong nagkatinginan ang dalawang kasama ko. "Eh, kayo?"mayamaya ay ani Raffy. "Gaano kadalang kayong magkita para mag-emote ka ng ganiyan?"

Nakita ko rin nang sikuhin at samaan ng tingin ni Mitch si Raffy, pinipigilang mag-usisa ang bakla. Natawa ako sa obvious na actions nila. Hindi ako kumibo, sa halip ay ngumiti lang.

"Mayjowaka ba, beh?"tanong ni Raffy. "'Sabagay, sa ganda mong 'yan, imposibleng wala."

"I'm single,"mapait kong sagot sabay laghok.

"Weh?"si Mitch. Tumango lang ako. "Bakit mukhang may pinagdaraanan ka?"tawa niya.

"Wala, ah."

"Bakit ganiyan ka magtanong?"

"I'm just curious, ano ba."

"Ganda mong 'yan, single ka? Daig ka pa pala ng baklang may hitsura,"ani Raffy. "Pero...single nga, available naman ba?"

Sandali akong napatitig sa kaniya saka natawa. "Nope."

"'Ayon! May pinagdaraanan nga,"ani Raffy saka sila nag-high five ni Mitch. "Walang label, 'no?"tanong niya habang nakaturo pa sa akin, siguradong-sigurado.

"Walang confirmation kung may feelings o talagang habol lang ay friendship?"ani Mitch na itinuro rin ako, ginagaya si Raffy.

"Walang karapatan pero hindi mo mapigilang magselos?"muling ani Raffy nang nakaturo sa akin, nang-aasar.

"Nami-miss pero hindi makapag-demand ng time,"dagdag ni Mitch.

"Sarap sa pakiramdam ng kilig pero ang sakit sa dibdib kapag bigla kang iniwan sa ere,"patuloy ni Raffy.

Tumawa ako nang malakas, may tama na."Bakit niyo ba sinasabi sa 'kin ang mga 'yan, ha? Feeling niyo ba ganyan ako? Hindi, 'no!"tumawa ulit ako nang malakas.

"Sino ba 'yan?"nakataas ang kilay na tanong ni Raffy. Mas lumakas pa ang pagtawa ko."Kaya ka siguro umiinom kasi hindi mo mapangalanan 'yong lugar mo sa buhay niya, 'no?"

"Tumigil ka nga, Raffy,"humahalakhak pa rin ako.

"Mahirap 'yan,"nakangiwi ngunit nagbibirong ani Mitch.

"Naku, beh, friendly reminder lang,"ani Raffy na iwinasiwas ang glass niya bago nagpatuloy, "doon ka lang sa may label. Walang malinaw na mutual understandings. Useless ang kilig kung walang linaw ang katayuan mo sa buhay niya."

"True,"sang-ayon ni Mitch. "Masarap sa pakiramdam ang kilig pero iba pa rin 'yong alam mo kung ano ka sa kaniya. At iba ang kilig kapag kayo talaga."

"Hulaan ko,"ani Raffy, umusog papalapit sa akin.

"What?"natatawa ko pa ring tugon.

"Let me guess kung sino iyang bumabagabag sa 'yo."

Kumunot ang noo ko. "Who?"

"Si accountant 'yan, 'no?"

"What? Si Maxrill?"Lalo akong humagalpak ng tawa.

"Bakit, hindi ba?"si Mitch. "Pinag-uusapan na kaya kayo ng mga tsismosa sa ospital. Sabay raw kayo lagi ni Sir Maxrill."

"Wow, Sir Maxrill,"hindi na yata matitigil ang pagtawa ko. "Sir Maxrill, hahaha!"

"Baliw ka na, beh. Lahat kami, Sir Maxrill ang tawag sa kaniya. Ikaw lang talaga ang kaisa-isang tumatawag ng Maxrill sa kaniya. Kahit kaya si Doc Maxwell na kapatid niya ay sir ang tawag sa kaniya."

"Really? Parang hindi ko pa narinig na tinawag ni Maxwell ng sir ang nakababata niyang kapatid."

"At ikaw lang din ang tumatawag ng Maxwell kay Doc Maxwell! Nakakaloka ka,"tumatawang ani Mitch.

"Ang lakas ng loob mo, 'no?"biro ni Raffy.

Sandali akong nahinto sa pagtawa saka tumitig sa kanila. May tama na ako pero hindi ko magawang sabihin sa kanila kung gaano kalapit sa akin ang magkapatid na iyon. Kung tutuusin ay wala namang masama kung malaman nilang close kami. Pero gaya nga ng motto ni Maxpein, hindi kailangang lahat ay alam ng iba, kung tama man iyon sa aking pagkakaalala.

"Hindi mo sinasagot ang tanong namin,"ani Mitch. "So ano nga? Si Sir Maxrill ba ang dahilan nitong pag-inom mo? Nakakarami ka na, ah!"

"Usap-usapan na kaya kayo ni Sir Maxrill sa ospital. Marami nang nakakakita sa inyo na inihahatid ka at sinusundo ni Sir. Madalas ka pang sabayan kumain sa cafeteria,"si Raffy. "In fairness, bagay kayo!"

Puro tawa lang ang isinagot ko sa kanila. Tuloy ay hindi ko napansing nagtuloy-tuloy na ang pag-inom ko habang itinatanggi ang mga paratang nila. Gano'n man, alam kong meron sa loob kong naiintindihan ang mga sinabi nila, anumang hilo ang maramdaman ko.

"Hindi kami bagay, 'no,"tumatawa ko pa ring sabi, ang paningin ay naroon sa banda na kumakanta. "He's a good looking guy, but he's..."mas napatitig pa ako sa lalaking naroon sa gitna. Umiikot ang paningin ko pero pamilyar ang tindig niyon sa paningin ko. "He's too...young,"bumagsak ang mga balikat ko. "Wait...si Maxrill ba 'yon?"wala sa sariling tanong ko, ang paningin ay naroon pa rin sa banda.

Hindi ko masiguro kung si Maxrill nga iyon sapagkat medyo malayo. Hawak nito sa isang kamay ang bote ng beer, habang sa kabila naman ay ang mic, tila inaayos ang pagkakalagay sa stand niyon. Nakaputi siya na polo na wala sa pagkakabutones dahilan para lumantad ang maganda at katamtaman niyang katawan, saka abot-tuhod na khaki shorts.

"Oh, gosh,"dinig kong sabi ni Raffy, ang mata ay tutok na rin sa maliit at mababang entablado na naroon sa harap mismo ng dagat.

Kakatwang bahagyang lumakas ang malamig na ihip ng hangin nang maupo ang tila imahe ni Maxrill sa may kataasang silya. Tumugtog ng gitara ng lalaking naroon sa tabi niya. Hindi ko matukoy ang kanta. Bagaman mabagal ang pagkakatipa, nasisiguro kong banda ang kumanta. Nakapikit naman sinabayan ni Maxrill ang himig niyon na tila ninanamnam sa isip niya ang tugtugin.

"Ang hot ni sir,"impit, kinikilig na ani Mitch. Hindi ko na siya nagawapang pansinin pa.

Naliliyo kong sinabayan ang pagsabay ni Maxrill sa tugtugin na para bang tukoy na tukoy ko nang siya nga iyon. Kaylalim ng boses niya nang simulan niyang kumanta, nakakikilabot.

Naagaw niya ang atensyon ng mga naroon, lalo na ang mga kababaihang kanina lamang ay sumasayaw sa malalakas at nakakaaliw na tugtog. Hindi kasayaw-sayaw ang anumang kinakanta ni Maxrill ngayon, puno iyon ng emosyon.

Maiiwasan ba?

Ang bawat sandaling ika'y laman ng isip ko.

Ngayo'y lilipas nang hindi kita masisilayan.

Magkamali sa 'yo,

Nararapat bang pigilan ang

Damdamin na lalong mahulog sa 'yo?

Pinanood ko lang siyang kumanta. Nakumpirma kong si Maxrill nga iyon nang makita ko ang alaga niyang aso na dumapa sa harap mismo nang mababa at maliit na entabladong kinaroroonan niya. Tila libang na libang sa panonood at paghanga lalo na nang tumayo ang kaniyang amo para abutin ang mataas na parte ng kanta na nakuha nitong kantahin nang buong buo.

"Ang galing!"pumapalakpak pang ani Mitch.

Ngumiwi ako at nakipalakpak habang nakatingin kay Maxrill na noon ay nakangiti nang nakikipagkamay sa banda. Matapos ay dinampot niyang muli ang bote ng beer na iniinom kanina saka tumingin sa kinaroroonan namin.

Wala sa sarili akong natawa. "Noon ay puro juice lang ang gusto niya,"wala rin sa sarili kong sabi. "Umiiyak siya kapag hindi siya binigyan ng matamis na inumin dahil gabi na. 'Ayun tuloy, gatas-gatas lang siya."

Naramdaman ko nang lingunin ako nina Raffy at Mitch na may nagtatakang tingin. Alam kong hindi nila maiintindihan ang mga sinasabi ko.  Naiintindihan ko naman ang mga iyon pero hindi ko na mapigilang dumada.

"Sure talaga akong ito siya ang dahilan ng pag-inom mo,"ani Raffy.

"Papunta na siya rito, guys,"ani Mitch.

Nangalumbaba ako gamit ang pareho kong kamay saka pinanood ang paglapit ni Maxrill. Napangiti ako nang ilang dipa pa ay naaamoy ko na ang pamilyar nang pabango niya.

"Dati ay Johnson's baby products lang nagbibigay ng magandang amoy sa kaniya. Nag-allergy pa siya noong una dahil mumurahin daw sabi ng mommy niya,"sabi ko, saka tumatawa nang tumawa.

Hinila ni Maxrill ang high chair sa tabi ko saka naupo roon. Inilapag niya ang bote sa mesa saka ngumiti sa mga kasama ko. "Good evening,"magiliw niyang sabi saka tumingin sa akin. Tiningnan niya ang kabuuan ng mukha ko. "Are you okay?"

Nakapangalumbaba akong tumango-tango."What are you doing here?"

"Ihahatid kita pauwi."Hindi na talaga yata ako masasanay sa paggamit niya ng Tagalog. Cute na cute ako sa kaniya kung magsalita noon sa wika ng kanilang bansa. Hindi ko akalain mas magiging cute siya sa pagta-Tagalog.

"Kaya ko namang umuwing mag-isa."Sumenyas ako sa waiter. "Do you want anything, Maxrill?"

"Not a thing,"aniyang nakatingin sa akin.

Natigilan ako na para bang humupang bigla ang tama ko. "Of course, a drink."Nameke ako ng tawa. Pagtingin ko sa mga kasama ko ay may mga nagtatanong na silang tingin, nanghuhusga. "What do you want to drink?"Bigla ay hindi ko na matingnan si Maxrill.

Nagtaka nalang ako nang tumayo si Maxrill at lumigid papasok sa bar. Nakangiti na ang waiter sa kaniya nang kunin niyang isa-isa ang ilang bote at ipatong iyon sa bar island. Napatingin ako sa pitcher ng ice cubes, bottle ng vodka at ginger beer, at lime juice. Kumuha siya ng apat na copper mug at sumulyap sa akin bago nagsimula.

Hiniwa niya ang lime juice saka piniga sa mug. Naglagay siya ng tiglilimang ice cubes bawat mug, kasunod ng vodka, saka niya inihalo ang tila nagyeyelong ginger beer. Hinalo niya ang drinks saka inipit ang hiniwang lime juice sa bibig ng mug. I was amazed, he was doing it as if he's pro. Na sigurado siyang tama at pantay-pantay ang pagkakahalo niya sa bawat mug.

Kumuha ng napkin si Maxrill saka pinunasahan ang mga kamay. Saka niya isa-isang inilapit ang mug sa amin nina Raffy at Mitch.

"Try it,"aniyang nasa akin ang paningin.

"Madalas siguro kayo rito, sir,"ani Mitch saka lumaghok sa mug. Napatingin ako sa kaniya. "Wow..."bakas ang gulat at paghanga sa mukha niya. "Ang sarap, sir!"

"Beh, beh, beh,"ani Raffy saka kinuha ang isa pang mug at uminom. "Masarap nga,"tumatangong aniya saka bumulong sa akin. "Ito 'yong sarap na kapag naparami ka matatawag mo si Sir Maxrill habang umuungol."

Napaiwas ako sa sinabi ni Raffy saka pinalo ang balikat niya. "Bastos ka."

"Try it."Inilapit ni Maxrill ang mug sa akin. Agad naman akong sumunod. Napatitig ako sa kaniya nang magustuhan ko ang lasa niyon. "Don't drink too much. Baka mangyari nga 'yong sinasabi niya,"itinuro niya si Raffy.

Pakiramdam ko ay namula ang buo kong mukha. Sa hina ng pagkakasabi ni Raffy, hindi ko akalaing maririnig pa niya. Isa talaga siyang Moon!

"Kung mangyayari man 'yon, hindi pangalan mo ang babanggitin ko for sure,"walang preno kong sabi.

Hindi sumagot si Maxrill. Nakatiim na ang bagang niya nang muli kong tingnan. Naitikom ko ang bibig at nagpatuloy nalang sa pag-inom. Mabilis na nilaghok ni Maxrill ang isa pang mug, binale-wala ang yelo niyon. Saka siya muling pumunta sa bar island at nag-mix ng bagong drinks. Pinaghalo-halo namang tequila, lime juice at grapefruit soda iyon na inilagay sa clear glass na binudburan ng salt ang labi.

Inilapag ni Maxrill isa-isa ang clear glass sa harap namin saka siya muling tumabi sa akin. "Last glass,"inabot niya ang para sa akin. "Then, uuwi na tayo."

"Iisa lang ba ang bahay ninyo, sir?"lasing na yata si Mitch.

Tumawa si Maxrill. "Of course not. Mas maganda at mas mahal ang bahay ko."Wala sa intensyon niya ang magyabang. Sa kanilang magkakapatid ay siya na ang masasabi kong humble...well, sa lagay na iyon.

"Marami nang nakakakita sa inyong sabay na pumapasok at umuuwi. Lahat kami ay curious,"usisa pa rin ni Mitch. Nginitian lang siya ni Maxrill.

"Kung ganoon, Sir Maxrill, nanliligaw ka kay Yaz?"tanong naman ni Raffy.

"Ganoon ba ang kwento niya?"nakangiting tugon ni Maxrill ngunit sa akin nakatingin.

"Hindi, ah!"awtomatikong tanggi ko.

"What did you tell them, then?"

"Nothing."

"So we're nothing?"

Natameme ako sa kaniya, hindi malaman ang isasagot. "We're...well, friends,"sabi ko sa mga kasama ko. Sa hitsura ay mukhang walang naniwala sa mga ito. "We're really friends."

"Bakit may paghatid at pagsundo?"tanong ni Raffy.

Napatingin ako kay Maxrill at nainis nang makitang nakangiti na siya sa 'kin. "Because he's that friendly. That's normal between friends, 'no."

"Bakit may pagsasabay sa cafeteria t'wing break time?"

"What's wrong with that? That is also normal. Kahit kayo ay madalas kong makasabay sa cafeteria."

"Pero sa ganda nating ito, kahit dadalawa tayo sa loob ng cafeteria, walang malisya. Iba 'yong sa inyo ni Sir Maxrill."

"Stop it, Raffy. There's nothing between us."Sabi ko saka ko siniringan si Maxrill.

"Beh, beh, beh!"bumaling si Raffy kay Maxrill. "Bakit naman kasi hindi mo klaruhin ang dahilan ng paghahatid-sundo mo, sir? Mahirap nga namang manghula. Mahirap mag-assume. Masakit ma-disappoint."Nakakaasar si Raffy!

Tumingin sa akin si Maxrill. "Hindi pa ba malinaw sa 'yo?"

"Shut up,"babala ko. "Enough."Dinampot ko ang glass at nilaghok ang lahat ng laman niyon. "I'm going home."

"Nagtataray na,"tumatawang pang-aasar ni Mitch. "Paano, wala kasing linaw, sir."

"Linawin mo kasi, sir,"buyo naman ni Raffy.

"Stop it, okay?"babala ko sa dalawa.

Sumuko ang parehong mga kamay nila Mitch at Raffy. "Okay, okay,"sabay rin nilang sinabi habang tumatawa.

"Umuwi na tayo,"anyaya ko.

"Ihahatid ko na kayo,"prisinta ni Maxrill. Kinuha niya ang siko ko ngunit pasimple kong binawi iyon.

"I can manage,"mahinang sabi ko.

"Okay,"natatawang aniya.

Ngunit pagkatayo ay naliyo ako at muntik nang mawalan ng balanse. Agad na nasalo ni Maxrill ang braso ko pero bumitiw siya matapos ko siyang samaan ng tingin.

"Go ahead and manage yourself,"nakangising aniya, nang-aasar.

"Uuwi akong mag-isa," sabi ko. "I can manage."

"Sure,"sarkastiko pa rin niyang sabi.

"Uuwi akong mag-isa,"nagbabanta, lango ko nang sabi.

"Right."Isinuko ni Maxrill ang parehong kamay at hindi na sumunod.

Gegewang-gewang akong naglakad. Kakatwang lahat ng tao sa harapan ko ay kusang nahahawi upang magbigay ng daan sa akin. Ang kanilang mga tingin ay para bang natatawa sa akin pero napapalitan ng paghanga sa t'wing mababaling iyon sa likuran ko. Lumingon ako pabalik at nahuli si Maxrill na nagpapanggap na abala ngunit alam kong sumusunod siya, sinesenyasan ang lahat ng nakaharang sa daan.

"Ang sweet ni Sir Maxrill, gaga ka,"bulong ni Raffy na inalalayan ako sa braso.

"Magpahatid ka na, girl. Baka mamaya mahilo ka at sumuka, ma-turn off pa sa 'yo 'yan,"sabi naman ni Mitch.

"Kaya ko, ano ba," tanggi ko.

"Kami nalang ang magpapahatid,"pang-aasar ni Raffy. "Sir!"binalikan nila si Maxrill.

Inis ko silang nilingon saka ako padabog na nagmartsa pasunod. Nahihilo na talaga ako, wala nang destinasyon ang paningin ko sapagkat umiikot na iyon. Gustong-gusto ko nang ihiga ang katawan ko.

"Magpapahatid ka rin pala,"bulong ni Maxrill matapos akong akayin papasok sa sasakyan niya.

"Dahil nahihilo na ako!"napalakas yata ang boses ko.

Nakita at narinig ko siyang tumawa. "Right,"ang tanging isinagot niya.

"Ikaw, Maxrill, ah!"nagbabanta kong sabi.

"What?"nakangiting aniya.

"Stop that!"

"What?"

"That!"itinuro ko siya.

Nilingon niya ang mga kasamahan kong naroon sa likuran. "What did I do?"

"Wala raw clarity, sir. Linawin mo raw ang intentions mo para hindi siya nag-a-assume,"dere-deretsong ani Raffy! Kahit gusto kong bumaling sa kaniya para hampasin siya ay masyado akong naliliyo. Hindi ko magawa.

"Shut up, Raffy!"singhal ko saka bumaling kay Maxrill. "I'm not assuming anything, okay? Don't believe them. Now please, let's go home."

"Yes, boss,"nang-aasar pa ring talaga ang tinig ni Maxrill at napipikon na ako.

"Ikaw naman pala ang boss,"tudyo ni Raffy.

"Tama na sabi, eh!"angil ko.

"'Sus, kunyaring ayaw,"bulong ni Raffy. "If I know..."Sinikap kong lingunin siya para samaan ng tingin. "Kahit may tama na ang baklang 'to, hindi ka mananalo."

Pumikit na lang ako sa inis hanggang sa makatulugan ko. Nagising ako nang maramdaman ko ang tapik at tinig ni Maxrill. Nasapo ko ang sentido ko sa sakit ng ulo. Nagpaalalay ako sa kaniya pababa.

"Kahit hanggang diyan na lang sa elevator, Maxrill, salamat,"mas matino-tino nang sabi ko.

"Ano ako, taxi driver mo? Ihahatid kita hanggang sa kwarto."

"Kung aabot ka sa kwarto, ano na kita no'n kung gano'n?"pagtataray ko.

"Depende. Mag-move on ka muna sa kapatid ko."Hindi ko malaman kung nang-aasar ba siya o seryoso. Iginiya niya ako papasok sa elevator.

"Tigilan mo na nga 'yang pang-aasar mo."

"Alam nating pareho na hindi ko hilig mang-asar, lalo na kung ang aasarin ay babaeng gustong-gusto ko."

"Stop it, Maxrill! Just...stop,"angil ko. Huminto nga siya pero naging literal iyon. Hindi siya kumilos, hindi siya gumalaw, hindi niya inalis ang tingin sa akin! "What?" asik ko. Ngunit hindi rin siya nagsalita.

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming tumitig sa isa't isa. Kataka-taka lang na nagawa ko 'yong tagalan ngayon. Naiinis ako at hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon.

Ngumisi siya nang tumunog at bumukas ang doors ng elevator. Muli siyang kumilos at inalalayan ako palabas. Gusto kong tumanggi pero hihiyain ko lang ang sarili ko kapag pinilit kong kumilos nang mag-isa.

Sabay kaming natigilan nang pagtanaw sa kwarto ko ay naroon si Maxwell. Magkakrus ang mga braso niya at nakasandal lang. Lumingon siya sa amin bago lumapit.

Pakiramdam ko ay tuluyang humupa ang tama ko nang makita kong tingnan ni Maxwell ang kabuuan ko. Sa paraan niyang tumingin ay para bang hindi tama ang ginawa kong pag-inom, lalo na sa ganoong suot.

Bahagyang tumango si Maxwell sa kapatid bago kinuha ang kamay ko. Malayo sa pag-alalay ni Maxrill ang paraan niya. Hindi ko maintindihan kung bakit tila hilong-hilo ako nang si Maxrill lang ang kasama ko, bumalik ang katinuan ko ngayong narito si Maxwell.

"Thanks,"ani Maxwell. "Jalga,"aniya na sinasabing mag-ingat si Maxrill sa pag-uwi.

Nakita kong ngumiti sa akin si Maxrill bago kami tuluyang tinalikuran. Noon ko lang napansing hindi namin kasama si Hee Yong. Gusto ko sanang magtanong pero nakasakay na siya sa elevator.

Nagulat ako nang mabuksan ni Maxwell ang pinto ko gamit ang card na hindi ko malaman kung saan nanggaling.

Kuyaw, naay sariling card.

"Kumusta?"seryoso ang tinig ni Maxwell. "Nalasing ka?"

"Medyo,"tipid na sagot ko. "Ayos lang dahil may maghahatid naman sa 'kin."Hindi ko alam kung kailangan ko bang sabihin 'yon.

"Do you want to eat anything?"

"No,"mataray kong sagot saka tumayo. "Actually, gusto ko nang maligo."

"Okay,"aniya saka nilingon ang kwarto ko. "Do you need help?"

Napalingon ako sa kaniya, inaalam kung seryoso ba siya sa tanong na iyon o nang-aasar. Sa pagkakataong iyon ay seryoso siya, walang malisya sa tanong.

"No. I can swim alone,"sagot ko.

"Swim? You're going to swim?"parang hindi siya makapaniwala.

"Yeah, it's not bawal to swim naman, right?"

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "I'll join you."

"Ikaw ang bahala."

Sinamahan nga niya ako sa pool. Nakaalalay siya sa bawat kilos ko. Sinadya ko namang hubarin ang suot ko sa harap niya bago lumusong sa tubig.

"Why are you here?"walang alinlangang tanong ko.

Nagtatakang tumingin si Maxwell sa akin. "Because you're drunk. Baka ano ang mangyari sa 'yo rito."

"No,"nainis na agad ako. "Why are you here? You're supposed to be working right now. You're busy, you have no time for me."

Napatitig siya sa akin saka ngumiti. "May two hours akong break. Babalik ako mamaya. Sunod-sunod na operation na naman."

Napairap ako. "Sana ipinahinga mo na lang."

"I'm fine. Are you sure you're not hungry? I can cook."

"I can cook for myself."

"I'll do it for you. Nakainom ka, you should rest,"kaswal niyang sabi. Umaasam akong magagalit siya dahil hindi tamang uminom ako lalo na at may maaga pa akong pasok tomorrow.

"You should also rest. Hindi pa masasayang ang oras mo."

Tumawa siya. "I know how to use my time wisely. Kompleto naman ang tulog ko kagabi kahit sobrang toxic,"aniya na lumangoy papalapit sa akin. Hindi ganoon ang sagot na gusto ko. Umaasam akong kukwestyunin niya ang paraan ng pakikipag-usap ko.

Lumangoy ako papalayo. Hindi niya pa rin 'yong napapansin. Umasam ako na magtataka siya kung bakit parang umiiwas ako.

Hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko. Kung hindi siguro ako nagtampo sa kaniya nitong mga nakaraan, posibleng kiligin pa ako. Hindi ko na makita ang efforts niya ngayon.

"Maxwell,"malayo ang tinging pagtawag ko.

"Hmm?"

"Sabihin mo nga sa 'kin,"doon ko lang siya nilingon. "Ano ba talaga ako sa 'yo?"

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob tanungin iyon. Umaalon ang dibdib ko at hindi ko gusto ang pakirmadam niyon.

"Napapagod na akong manghula, Maxwell. Some days, you're making me feel special. Most days, you're proving to me that I'm not. It's like one second, I'm sure you like me, then the next minute it's an entirely new story, and I'm not in any part of it. Tell me, ano ba talaga ako sa 'yo?"

"Alam mo kung ano ka sa akin."

"The reason why I'm asking you this kasi hindi ko alam, at gusto kong ikaw ang magsabi sa akin. No one's going to tell me if you like me or if you're inrterested in me, ikaw lang, para wala ni katiting na confusion sa part ko."

"Bakit ba kailangan mo pang tanungin 'yon?"

"Importante sa 'kin 'yon, Maxwell."

"Akala ko ay nagkakaintindihan na tayo."

Napasinghap ako sa inis. "Oo, nagkakaintindihan tayo sa ilang bagay pero lamang pa rin 'yong hindi ko maintindihan sa 'yo. Nagkakasundo lang tayo kapag katawan na natin ang nag-uusap at hindi ako kontento sa gano'n, Maxwell."Pinigilan kong maging emosyonal.

Natameme siya at matagal bago nakapagsalita. "Yaz,"lumapit siya pero agad akong lumayo. "Lasing ka lang."

"Yes, I am, pero alam ko ang sinasabi ko."

Hindi ulit siya nakapagsalita agad, nag-iisip. Gusto kong mainis dahil kailangan niya pa palang pag-isipan 'yon.

"Mukhang hindi ka sigurado kung ano ako sa 'yo,"nakangiti ngunit naiinis nang sabi ko.

"No, of course not."

"Bakit hindi mo masagot, kung gano'n?"mataray kong tugon. Hindi na naman siya nakapagsalita. "Kasi hindi mo rin alam kung ano ba talaga ako sa 'yo. Gusto mo ako na ang magsabi?"

"Yaz..."

"Wala."Matigas kong sinabi, ako rin ang nasaktan. "Wala lang ako sa 'yo. Kasi kung may importansya ako sa 'yo kahit kakaunti, hindi mo hahayaang magtanong pa ako."

Hindi siya nakapagsalita. Nasapo niya ang noo at hinilot-hilot 'yon. "You're just drunk, Yaz."

Naasar ako lalo. "Just leave and go back to the hospital."

"Yaz—"

"Just leave."Lumangoy ako palayo at umahon. Dinampot ko ang towel at saka naunang naglakad papalayo.

You're very tiring, Maxwell. You're making me question my worth when it's you who is not worthy of me.

~ To be Continued. . .~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji