CHAPTER 11

"MISTER DEL VA...LLE'S...hello!" Magkahawak-kamay, todo ang ngiting bati ng bisita matapos makita ang magkapatid. Hindi niya siguro inaasahang pareho na ang makikita.

Suhestiyon ni Maxrill ay babain na ang mga ito kaysa hintaying ipatawag pa nito ang isa sa kanila. Tuloy ay hindi ko na nakuha ang pakay ko kaya ako nagpunta sa office ni Maxwell.

Sa lobby na sila nagkita, mukhang katatapos lang nitong kausapin ang nasa front desk. May kasama itong apat na bodyguards.

"Mister Venturi," agad na tugon ni Maxwell. Namulsa siya upang iwasan ang akmang pakikipagkamay ng bisita.

"Just call me Montrell." Muli na lamang nitong pinaghawak ang kamay at mas pinalawak pa ang ngiti. "Anyway, I'm glad you're free. Ang hirap hulihin ng swerte."

"Kusang dumarapo ang swerte, hindi hinuhuli," ngisi ni Maxwell. Napakamot ako ng ulo.

"Ah, hahaha! Well, Maxwell, I'm sure you know why I'm here." Tumawa si Montrell na para bang nakakatawa ang sinabi niya.

He looks awkward. I bet the del Valle's can read his actions, too. Nagkakamali siya kung inaakala niyang madadala niya ang magkapatid sa pagpapakitang-tao. Noong una ay napakahangin nito. Kung magsalita ay para bang kaya niyang bilhin ang buong mundo. Ngunit heto ito ngayon at parang negosyanteng nang-uuto. Imposibleng hindi nito nararamdaman ang sarkasmo ng magkapatid. Bukod sa makikita na iyon sa mukha ng dalawa ay naroon din iyon sa kanilang mga salita.

"Basically, you're here to waste our time," tugon ni Maxwell."It's annoyingly obvious."

"And, of course, to discuss things that will never happen," dagdag naman ni Maxrill.

Nagugulat ko silang nilingon matapos sabihin ang mga iyon nang walang hesitasyon. Tulad ko, natigilan din si Montrell at maagap na pinawi ang pagkakakunot ng kaniyang noo. Tiim-bagang siyang tumawa, pinagmumukhang biro ang sarkasmong sinabi ng mga kaharap niya.

"Would you mind sitting while wasting our time?" tinuro ni Maxwell ang cabriole sofa sa bisita. Saka sila sabay na nag-unbutton ng coats ni Maxrill at naupo sa harap nito.

Nakamot ko ang sentido. Ako ang kinakabahan sa mga salita at kilos ng dalawang del Valle. Walang lugar ang pagiging sarkastiko nila, hindi natatapos. Na kahit iyong pinakapasensyosong tao ay mapipikon sa kanila. Natural nila iyong ugali at wala silang pinipili. Basta hindi nila gusto ang pag-uusapan, ganito sila kabastos kausap.

At ang nakakaloko pa ay binibigkas at inaaksyon nila ang bawat sarkasmo sa paraan na para bang normal lang na gawin 'yon, kahit na ang totoo ay hindi.

Napatingin ako kay Montrell na noon ay halatang pinipigilang sumagot nang pabalang sa dalawa. Syempre, kailangan niyang makuha ang loob ng mga ito. Iyon nga lang, hindi lang imposible kundi talagang hindi iyon mangyayari.

"We have fifteen minutes to discuss your whatevers," ani Maxwell habang nakatingin sa relos saka muling tumingin kay Montrell.

Lalo pang nagtiim ang bagang ng bisita ngunit binawi niya iyon sa magandang ngiti, nagtitimpi. Saka niya sinimulan ang usapin na tila hindi naman iniintindi noong dalawa. Tungkol pa rin iyon sa planong pagbili ni Montrell sa isa o ilan sa mga lupaing pag-aari ng mga del Valle-Moon. Paulit-ulit niyang binanggit ang benepisyo ng kaniyang proyekto para sa mga tao ng Palawan, pinababango ang kaniyang plano. Ang magkapatid din ang pinagdedesisyon niya sa magiging halaga ng isla.

Marahil kung ako ang kaniyang kausap ay maeengganyo niya ako at mapapapayag. Napakahusay niyang makipagnegosasyon. Nakakasilaw ang mga pangako at benepisyong binibitiwan niya. May sandali pang na-inspire ako sa kaniyang mga salita.

"I'll do everything para mapapayag kayo sa proyektong ito," pagtatapos ni Montrell sa mahabang sinabi. Sineryoso ngang talaga niya ang fifteen minutes na binigay ni Maxwell, hiningal siya. Sumandal siya at tumungga ng wine.

"Kung negosyo ang pag-uusapan, maganda ang plano mo," tatango-tangong ani Maxrill.

Agad na nagliwanag ang mukha ni Montrell, nas ginanahan. "Right?" itinuro niya pa si Maxrill na para bang pareho ang laman ng kanilang isip.

"Pero mas gaganda iyan kung doon mo sa Maynila itatayo," dagdag ni Maxrill. "Accessible sa mga sugarol."

"What?" nabibiglang tugon ni Montrell, pinipigilang mapikon.

"The answer is no, Mr. Venturi."

"Alam kong hindi ninyo nakikita 'yong kagandahan ng plano dahil casino ang negosyo ko."

"Maganda nga ang plano mo, pero mas maganda ang dahilan kung bakit namin iyon tinatanggihan. Sisirain ng casino mo ang Palawan," sumeryoso na si Maxrill.

"No, you don't understand," natatawa kunyaring ani Montrell.

"Ikaw ang hindi nakaiintindi, Mr. Venturi," doon lang nagsalita si Maxwell. "My sister's property is not for sale. Kahit paulit-ulit tayong magligawan dito, it's her land, the decision is hers."

"Allow me to talk to her, then."

"Hindi mo gugustuhing sayangin ang oras ng kapatid ko."

"Nakikipag-deal ako, at maayos ang pakikipag-usap ko," pilit na ang ngiti ni Montrell, napipikon. Hindi ko siya masisisi. Kahit sinong makipag-usap sa magkapatid na ito ay maaasar. Iyon nga lang, talagang nakakaasar ang pamimilit ng Montrell na ito. "I'm sure makukumbinsi ko siya."

Lalong ngumisi si Maxwell. "Mag-ingat ka, baka ikaw ang makumbinsi niya."

"Na ano?"

"Na huminto sa panliligaw mo." Sabay muling tumayo ang magkapatid, sabay ring ibinutones ang kanilang mga coat, saka sabay ring tumango.

"Mr. Del Valle," pabagsak nang tawag ni Montrell, napikon.

"Doc," mula sa likuran ni Montrell ay lumapit ang may edad nang nurse. "Marami pa tayong case," masungit nitong sinabi.

Tumingin si Maxwell sa kaniyang relos. "Hindi ko napansin ang oras. Susunod na ako."

Masungit talaga ang may edad nang nurse. Pasiring niyang inalis ang tingin kay Maxwell, saka sinulyapan ang mga bisita. Taas-noo kami nitong tinalikuran at bumalik sa pinanggalingan.

"I'm sorry, but I have to go. Hindi ko pwedeng paghintayin ang mga pasyente ko," seryosong ani Maxwell. "Kung may iba ka pang sasabihin ay narito si Maxrill."

"Yeah," malalim ang pinakawalang hininga ni Montrell nang tumayo. Tiim-bagang niyang tinitigan si Maxwell habang inaayos ang kaniyang coat. "Hindi na. Mauuna na rin kami."

"Are you sure we've wasted enough time to discuss your plans, or we need to waste more?" sarkastiko pa rin si Maxrill, nang-aasar talaga.

Sinaway ni Maxwell ang kapatid sa ibang lenggwahe saka muling hinarap ang bisita. "I really have to go."

"I understand," ngiti ni Montrell bagaman bakas ang pagkapikon sa kaniyang mukha. "Asahan ninyong hindi ito ang huli nating pagkikita. At sa susunod ay nasisiguro kong iba na ang ating pag-uusapan."

Nagbabanta ba siya? Hindi ko naiwasang isipin iyon. Tuloy ay napalingon ako magkapatid. Hindi tulad ko, parang wala lang sa mga ito ang sinabi ni Montrell.

"Thanks for your time, Mr. Del Valle." Iyon lang at tinalikuran na kami ni Montrell at ng kaniyang mga tauhan.

Bumaling si Maxwell sa akin at tumitig, tila hindi malaman kung paanong magpapaalam. Sinimangutan ko siya. Gusto kong sabihin na hindi tama ang pagiging sarkastiko niya kanina. Pero sa lalim ng pagkakatitig niya sa akin ay umurong ang bigla ang aking dila.

"Hindi mo na nakuha ang mga gamit mo," buntong-hininga ni Maxwell.

"Bukas na lang," sabi ko sabay ngiti. "'Wag kang magpapagutom," mahina kong sinabi. Tango lang ang isinagot niya.

"Let's go, Yaz," bigla ay entrada ni Maxrill. "I'll send you home."

Nakita ko nang mawala ang paningin ni Maxwell sa akin at marahang inilipat iyon sa kaniyang kapatid. Tumitig siya rito na para bang sinusukat ang kakayahan nitong ihatid ako. Saka siya muling bumuntong-hininga at hinawakan ako sa parehong siko.

Nabigla ako nang palihim niyang dampian ng halik ang noo ko bago ako iginiya sa tabi ng kaniyang kapatid. "I'll see you tomorrow. Good night."

Hindi na kami hinintay pang makaalis ni Maxwell. Nauna na siyang naglakad papunta sa gawi ng operating room. Sinimangutan ko siya.

Pagbaling ko kay Maxrill ay nasalubong ko ang madilim niyang tingin na agad niya ring inalis sa akin nang pasiring. Saka niya ako tinalikuran at naunang maglakad papalabas.

Psh! Hindi ko na naman naiwasang makita ang pagkakapare-pareho ng magkakapatid na ito. Palibhasa'y mga anak ng buwan, may kani-kaniyang topak.

Sa halip na pansinin siya ay natuon ang atensyon ko kay Hee Yong na noon ay nakaupong naghihintay sa amin at nakalawit ang dila na tila nauuhaw na. Kinawayan ko ito. Mabilis na lumapit sa akin si Hee Yong nang may malikot na buntot.

Hindi na kumibo pang muli si Maxrill hanggang sa makarating kami sa tapat ng unit ko. Naging abala naman ako sa pakikipaglaro kay Hee Yong habang nasa daan kaya bale-wala sa akin ang pananahimik niya.

Nararamdaman ko ang mga titig ni Maxrill sa akin habang binubuksan ko ang pinto. Humarang ako doon, senyales na wala akong balak na magpatuloy. Kung iyon aso lang sana ang naroon ngayon ay baka nagkusa pa akong patuluyin iyon.

"Thank you," nakangiting sabi ko, ang paningin ay naroon pa rin sa aso. "Good night, Hee Yong!"nanggigigil pa ring paalam ko habang ito ay humilata na sa sahig at tumingin sa amo niya.

"Good night," kaswal na sabi ni Maxrill.

Nakangiti ko siyang nilingon. Tutugon na sana ako ngunit nabigla ako sa akma niyang paghalik sa pisngi ko. "Maxrill..." iwas ko.

Naihawak niya ang parehong kamay sa hamba ng pinto habang nakayuko. Hindi ko man siya tingnan ay pakiramdam ko ay alam kong nalungkot siya. Base na rin sa lalim ng pinakawalan niyang buntong-hininga.

"Please stop doing this," nakikiusap, malungkot na sinabi ko. "Alam mo kung ano kami ni Maxwell."

Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin. Tingin na balot ng pagkadismaya at pagkalito. "Ang sabi mo ay hindi mo siya nobyo..."

"But you know how much I like him," mariin kong sinabi, nagpapaintindi.

Awtomatiko siyang nag-iwas ng tingin, kasabay ng muling pagpapakawala ng malalim na buntong-hininga. Kinalas niya ang pagkakahawak sa pintuan at nagbaba ng tingin sa kaniyang alaga.

"Let's go, Hee Yong," anyaya niya rito.

Ngunit sa halip na tumugon ay nanatiling nakahiga at nakatingin lamang sa kaniya ang aso.

"Hee Yong, let's go," pag-uulit ni Maxrill ngunit hindi pa rin nagbago ang posisyon ng aso. "Let's go, Hee Yong," nag-iba na ang tono ni Maxrill, nagpapasensya sapagkat napapahiya na.

Ngunit sa halip ay umungol ng pagtanggi ang aso at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Wumawagwag pa ang buntot nito bagaman mahina.

"Hee Yong?" 'ayun na ang nagbabanta niyang tono.

Gusto kong hangaan ang kaibahan niya sa dalawang nakatatandang kapatid. Mukhang mas mahaba ang kaniyang pasensya kompara doon sa dalawang nauna.

"HeeHindi niya na natapos ang sasabihin nang unahan siya ni Hee Yong. Umalulong ito nang umalulong na tila ba nagsusumbong dahil sa kaniyang pamimilit. Hindi ito huminto sa papalakas nitong pag-alulong na tila ba nagrereklamo dahil nagyaya siyang umuwi kung kailan masarap na ang pagkakahiga nito.

Ang kaninang lungkot at pagkagulat ko ay unti-unting nabura, gusto kong matawa. Lalo na nang kamutin ni Maxrill ang batok at maupo sa harap ng kaniyang alaga. Kinausap niya na ito sa lenggwahe ng kanilang lahi. At nang hindi pa rin ito mapilit ay napilitan na si Maxrill na buhatin ito.

Doon ko na hindi napigilan ang matawa. Lalo na noong yumapos ang aso sa kaniya na para bang sinadya nga nito ang magpakarga. Ang sarap nilang panoorin, nakakatuwa.

Tuloy ay hindi ko naiwasang pagtuunan ng pansin ang nag-mature nang katawan ni Maxrill. Gumuguhit na ang naglalakihang ugat sa kaniyang braso, at toned talaga ang muscles hanggang sa balikat. Looks like he mastered lifting.

Malayong-malayo na siyang tingnan kaysa kaniyang edad. Hindi ko na makita iyong dating isip-bata at walang ibang ginawa kung hindi ang ngumuya. Ngayon ay hindi na siya nalalayo sa mga lalaking naging crush ko noong high school at college.

He had prominent cheekbones, well-defined nose and red, kissable lips. Maging ang simpleng pagkakabagsak ng kaniyang buhok ay attractive tingnan. Para siyang umedad nang umedad sa mga nakaraang taon, na kinailangan na niyong huminto upang hindi niya mahigitan ang salitang perpekto. Salitang perpekto na ang kuya niya ang naging kahulugan ko.

Hindi na ako nagtataka kung bakit kayraming nagkakagusto sa kaniya. Kunsabagay, talagang gwapo si Maxrill, mas lalo pa ngang gumwapo, hindi nagpapahuli sa kaniyang kuya at ate. He has that biracial look, light-skinned but with Asian features. Iyon nga lang, mukhang mahihirapan siyang magkaroon ng girlfriend dahil naroon ang buo niyang atensyon sa aso.

"We'll go now," ani Maxrill nang hindi na ako nilingon. Sinimangutan ko nalang siya nang palihim saka ako ngingiti-ngiting kumaway kay Hee Yong. Hindi naman nito inalis ang tingin sa akin hanggang sa tuluyan na silang makasakay sa elevator.

Mabilis akong naligo at nahiga sa kama. Namumungay na ang aking mga mata ngunit bahagyang nagising ang aking diwa nang magliwanag ang naka-silent ko nang cellphone.

Maxwell is calling. "Hello?" sagot ko.

"Did he kiss you?" agad niyang bungad.

"What?"

"My brother," buntong-hininga niya. "Did he kiss you?"

Napalunok ako sa tanong niya. Ano't naisip niyang posibleng gawin ni Maxrill iyon? Hindi ko malaman kung bakit pero kinabahan ako. Lalo pa nang marinig siyang bumuntong-hininga.

"Don't let him do that," dagdag niya nang hindi ako makasagot.

"No, of course not." Iniwasan kong mautal. "Bakit niya naman gagawin iyon? Psh." Nangunot ang noo ko. "Tapos na ang case mo?" pag-iiba ko sa usapan.

"Iyong minor, yes. May anim pa."

"Huwag kang magpakapagod."

"I'm sorry kung hindi kita naihatid." He sounded frustrated.

Napangiti ako bagaman bitin. "It's fine, ano ka ba. Naiintindihan ko naman ang busy schedule mo."

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Matulog ka na."  Iyon lang at ibinaba niya na ang linya.

Kung dati-rati ay sabik ako sa tawag niya at masaya ako kahit pa siya ang pumuputol ng linya, ngayon ay hindi ko maiwasang kabahan. Magkapatid sila pero hindi ko inaasahang magiging ganoon kadali para sa kaniyang hulaan ang kilos ng bunso nila.

At kung dati niya lang din itinanong ang tanong na iyon kanina, paniguradong nagtatalon na ako sa tuwa. Paiguradong isiipin ko agad na nagseselos siya. Ngunit hindi ko iyon magawa ngayon.

Gusto kong itanong kung bakit niya naisip iyon. Ngunit ayaw kong humaba ang usapan na posibleng mahantong sa katotohanan. Alam kong hahalikan ni Maxrill ang pisngi ko kanina, imposibleng magkamali ako, base na rin sa naging reaksyon niya matapos kong tumanggi. Bagaman, hindi ko alam kung bakit niya iyon gagawin.

Dahil sa mga nagdaang sandali, nakatulog ako nang puno ang isip. Hindi lang ang ikinilos ni Maxrill at tamang hinala ni Maxwell ang aking inisip, kundi maging ang sarkastikong makikipag-usap ng dalawa sa kaninang bisita.

Umaga palang nang sumunod na araw ay naging abala na kami ni Susy sa trabaho. May annual check-up and cleaning ang elementary students na naroon ngayon. Sa unang pagkakataon tuloy ay kinailangan akong iwanan ni Susy para makapag-assist kami sa apat na magkakaibang doktor nang magkakasunod.

Nakakapagod. Pero hindi ako nagsisi. Dahil nang mangalahati ang araw na iyon, pakiramdam ko ay naging mahusay na ako. Unlike noong mga naunang araw, hindi ko na kinailangan ng tulong ni Susy nang araw na iyon. Nagkamali man noong una, nakuha at nasaulo ko ang trabaho dahil sa sunod-sunod na pasyente. Bagaman, minor pa rin sa area na iyon ang mga ginawa namin.

"Marami pa," ani Susy nang silipin ang pila ng mga estudyante sa labas ng area namin. "Kumain na muna tayo," aniya na itinatali muli ang nagulo niyang buhok.

Dumeretso kami sa cafeteria matapos magpaalam sa mga doktor. Pareho kaming nanghihina sa gutom. "Hindi in-expect na mararanasan ko rin sa dental area iyong magpigil ng ihi, uhaw at gutom," natatawang sambit ko habang umo-order kami.

Tumawa rin si Susy. "Ang totoo ay hindi ko rin inaasahang ganito pala ka-busy iyon. First time nangyari ito. Although, na-orient ako na twice a year, bibisita ang elementary students from differents schools here in Palawan para magpatingin at magpalinis ng ngipin."

Tumango-tango ako. "Maganda iyan. At least, mababantayan ang oral health ng mga bata."

"Isa iyan sa mga project ni Doc Maxwell."

Lalo akong napangiti. "Ang bait niya talaga, 'no?"

"Sobra. Alam mo bang namigay rin ng school supplies si doc bago magsimula ang pasukan? Bukod doon ay napakarami niya pang projects," kwento niya habang kumakain.

Hindi naman na dapat ako nagugulat kasi hindi na iyon bago sa akin. Kahit sino namang doktor na kilala ko ay may kani-kaniyang proyekto na ang layon ay makatulong at makapanggamot nang walang hinihinging bayad o anumang kapalit. Sadya lang yata talagang iba ang saya kapag ang ganoong katangian ay naroon sa taong gusto mo. Lahat ng may kinalaman sa kaniya, mabuti man o kakaiba, ay magugustuhan mo. Minsan nga, kahit anong sama ng mukha nito ay matutuwa ka, o mas matindi, maku-cute-an ka pa sa kaniya. Ang weird.

"Hi!" Pareho kaming natigilan sa pagkain ni Susy dahil sa tinig na iyon ng lalaki, at sa inilapag nitong dalawang canned iced-coffee sa harap naming pareho.

Napatitig ako sandali sa inuming iyon saka nag-angat ng tingin sa lalaki. Base sa kasuotan nito ay nasisiguro kong isa ito sa maraming residenteng doktor doon.

Ipinatong ng residenteng doktor ang parehong kamay sa mesa dahil may kababaan iyon para sa tangkad nito. Saka siya nakangiting tumingin sa akin.

"Yaz, right?" tanong niya. Dahil sa pagkatulala ay hindi ako nakasagot. Para hindi naman ako matakot ay nilingon din niya si Susy at ngumiti. "Hi, Susy." Muli akong nilingon nito. "I'm Gregory."

Nagtataka kaming nagkatinginan ni Susy. "Hello, doc," nalilitong bati ni Susy.

"Hi."Ngunit nagulat sa pamilyar na tinig na sumagot, si Maxwell iyon!

Nagugulat akong nag-angat ng tingin kay Maxwell. Lalo pa akong nagulat nang damputin niya ang canned iced-coffee, binuksan iyon, at tinungga nang walang hinto hangga't hindi nauubos. Saka niya isinenyas iyon sa resindenteng doktor at nagpasalamat.

Tapos ay bumaling at nagbaba ng tingin si Maxwell sa akin. Sinakop ng palad niya ang pisngi ko at hinaplos iyon gamit ang hinlalaking daliri. "Kumain ka na," aniya pa. Saka hinaplos ang buhok ko bago kami tinalikuran.

So...fetch...

Naramdaman ko ang tingin ni Gregory sa akin ngunit napako na kay Maxwell ang tingin ko. Naramdaman kong mag-init ang mukha ko nang makitang nasa akin ang paningin ng mga kasamahan niyang doktor nang daluhan sa mesa ang mga ito. Maging si Keziah ay naroon, bakas ang selos sa pekeng ngiti niya.

"Beh! Beh! Beh! Beh!" umalingawngaw ang pamilyar na tinig ni Raffy. Bitbit niya ang tray ng kaniyang pagkain. Kasunod niya ay ang pasalampak na upo ni Mitch. "Anong meron sa inyo ni Doc Maxwell, beh?"

Makailang lunok na ay hindi ko pa rin nagawang sumagot. Panay ang lingon ko sa kinaroroonan ni Maxwell bagaman hindi na muli ito lumingon. Maging ang mga kasamahan niyang naroon ay bala na sa kanilang usapan.

"Yaz!" panggigising sa akin ni Mitch. "Ang sweet no'ng ginawa ni Doc Maxwell sa 'yo, ah! Bakit may gano'n?"

"Sumagot ka, beh, nagseselos ako!" ani Raffy.

Sa halip na sumagot ay napatitig ako kina Raffy, Mitch at maging kay Susy. Na noon ay pare-parehong nagulat. Si Susy ay may nagtatanong din na tingin. Ngunit hindi magawang magtanong dahil hindi ko pa nasasagot ang mga naunang tanong.

Ako man ay nagulat. Hindi ko malaman kung matatawa ba o maiilang ako. Hindi ko rin inaasahang gagawin ni Maxwell iyon. Dahil sa ginawa niya ay hindi ko masagot ang tanong nitong mga nasa harap ko.

Naramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko. Napasulyap muli ako kay Maxwell nang makitang sa kaniya galing ang mensahe doon.

MAXWELL: Stop staring at me and finish your food.

Muli akong sumulyap sa gawi niya at napailag nang masalubong ang malalim niyang tingin. Sumimangot ako at nagpatuloy sa pagkain.

"May something kayo, ah?" tatango-tangong ani Raffy. Palihim siyang tumitingin sa kinaroroonan nina Maxwell. "Feeling ko nawala bigla 'yong sparks nila ni Doc Keziah at napunta sa inyo. Nakakaloka ka."

"Kumain na lang nga tayo. Marami pa kaming patients ni Susy," natatawa kong sabi.

Sinamaan ako ng tingin nina Raffy at Mitch. Paulit-ulit pa rin silang nagtanong habang kumakain kami pero alinman sa mga iyon ay hindi ko sinagot at sa halip ay tinawanan lang.

Nakita ko nang umalis sina Maxwell sa cafeteria ilang saglit bago kami lumabas ni Susy. Sa daan pabalik sa area namin ay walang kibo si Susy. Pero ramdam kong gusto niyang magtanong gaya nina Raffy at Mitch. Hindi niya lang siguro magawa dahil sa hiya, at dahil na rin sa hindi ko pagsagot doon sa dalawa kanina.

Dumoble ang pagod nang hapong iyon matapos dumating ng panibagong batch ng elementary students para magpatingin at magpalinis ng ngipin. Ayon pa kay Doc Caleb, maraming batch pa ang darating mula sa iba't ibang school. Wala pa man ay parang pagod na ako. Iyon ang unang araw na napagod ako nang sobra mula nang magtrabaho ako sa hospital na iyon. Pero hindi ko maitatanggi ang excitement. Noon lang din ako na-excite magmula nang ma-assign ako sa area na iyon.

Nang matapos ang shift ay uhaw na uhaw akong tumungga ng tubig. Hindi ko na magawang isabit sa balikat ang aking bag dahil sa sakit ng batok ko. Iyon nga lang, hindi na rin mawala iyong masarap na pakiramdam na idinulot ng ginawa ni Maxwell kanina.

Hindi ko malaman kung bakit sa isang iglap, sa isang simpleng kilos, nagawa niyang ipaalam sa mundo na higit sa pagkakakilala ang meron sa aming dalawa. Bagaman hindi no'n nagawang kumpirmahin kung anong meron kami.

Nagpaalam ako kay Susy na may daraanan kaya hindi ko siya masasabayang lumabas. Hindi ko masabing daraan ako kay Maxwell para kunin ang mga pyrex na ginamit ko para sa foods niya.

Dumeretso nalang ako basta sa office ni Maxwell para lamang magulat nang makita si Wilma. Nagkatitigan kami nito, parehong nagtataka sa presensya ng isa't isa.

Ako na ang unang bumawi. Ngumiti ako. "I didn't know you're here po."

"Wala rito si Maxwell."

Nakagat ko ang labi ko upang pigilang matawa. "I'm here to get my things lang po. 'Yong mga pyrex...sana."

"Iyong mga babasagin ba 'ka mo?" nakataas ang kilay na tanong ni Wilma. Tumango ako. "Dinala ko sa penthouse ni Maxwell, akala ko ay kaniya ang mga iyon. Paano ba iya't nagmamadali pa man din ako," iritableng dagdag niya.

"I'll get it nalang po," sabi ko na itinuro pa ang aking sarili. Sa kagustuhan kong magustuhan ni Wilma ay hindi ko magawang alisin ang magandang ngiti sa aking mukha. "Nice to see you again po," paalam ko.

Nagmadali akong pumunta sa penthouse ni Maxwell. Hindi na ako nagsabi sa kaniyang daraanan ko ang mga pyrex dahil inaasahan ko namang alam niya na iyon. Isa pa ay ayaw ko na siyang abalahin pa dahil alam ko kung gaano ka-busy ang schedule niya.

Maliwanag sa penthouse nang makarating ako. Nangingibabaw ang may kalakasang classical music sa buong lugar. Napaisip tuloy ako kung naroon ba si Maxwell. Ganoong oras kasi ay batid kong nagra-rounds ito sa mga pasyente.

"Hello?" sabi ko matapos tumuloy. Luminga-linga ako, baka may mamataang tao. Pero dahil malakas ang sounds ay imposibleng may makarinig sa akin.

Nang masdan ko ang buong lugar ay doon ko lang din napansing umuulan sa labas. Palibhasa'y pulos salamin ang buong penthouse.

Saan ko naman kaya hahanapin ang gamit ko rito?

Nag-aalangan ako kung tutuloy pa ba o aalis na lang at ipagpapaalam kay Maxwell ang pagdaan ko. Saka ko sasabihing dadaanan nalang ulit ang mga gamit ko kapag naroon na siya.

Inilabas ko ang cellphone ko at akmang tatawagan na si Maxwell nang bumukas ang isa sa mga pinto at iluwal si Maxwell. Nagtama ang paningin namin, ako ay nagulat habang siya ay nagtataka sa aking presensya.

Magsasalita na sana ako nang mapansin ang kaniyang kabuuan. Tanging ang itim at mukhang makapal na towel lang ang nakabalot sa katawan niya. Ang hinahangaan kong balikat at kaguwapuhan niya ay lantad sa aking harapan ngayon. Bigla ay hindi ko malaman kung saan titingin.

"Dumaan ako sa office mo para kunin sana 'yong pyrex ko. Si Wilma ang naabutan ko at sinabi niyang dinala niya rito ang mga pyrex dahil inisip niyang sa iyo ang mga iyon. Kaya narito ako para sana kunin 'yong mga pyrex..."Lintik na pyrex! Tuloy-tuloy kong sinabi iyon, hinapo ako.

Wala akong natanggap na sagot. Matapos tumayo nang matagal sa harap ng pinto ay naglakad siya patungo sa akin. Napako ako sa aking kinatatayuan, at walang nagawa kundi ang abusuhin ang pagtitig sa kaniyang kabuuan.

Hindi pa basa ang magulong buhok niya kaya nasisiguro kong magsha-shower pa lamang siya. Talagang iyong towel lang ang naroon sa kaniyang katawan dahil maging ang kaniyang mga paa ay walang sapin.

Nahugot ko ang hininga nang magpantay kami. Napakawalan ko lang iyon matapos niya akong lampasan. Hinabol ko siya ng tingin nang matapos dumeretso sa kitchen.

Sandali akong natuliro, hindi malaman kung mananatiling nanlalamig sa kinatatayuan o susunod sa kaniya. Sa huli ay nagdesisyon akong sundan siya sa kusina.

"I'll do it," sabi ko nang makita siyang isa-isang ibinabalik ang takip ng mga pyrex sa tabi ng carrying bag.

Napapikit ako nang malanghap ang sariling bango niya gayong dumaan lang naman ako sa tabi niya. Hindi pa naliligo 'yan, 'day!

Agad na nanlambot ang tuhod ko nang bakuran ako ng pareho niyang braso. Napatingin ako sa parehong kamay niyang ipinatong sa magkabilang tabi ko. May kung anong pakiramdam akong naramdaman sa aking tiyan nang maramdaman siyang lumapit sa aking likuran.

Napalunok ako at nakagat ang sariling labi nang maramdaman ang kaniyang hininga malapit sa aking tainga. Wala pa man ay bumibilis na ang aking paghinga. Bakit ba ganito ang epekto niya? Pakiramdam ko ay parating bago sapagkat magkakaiba ang mga kilos niya. Totoong siya iyong taong hindi ko mahulaan ang mga gagawin at sasabihin. Hindi siya nabibigong sorpresahin ako. Dahil base sa pagkakakilala ko sa kaniya, imposibleng mangyari ang lahat nang ito.

"Wala kang pasyente?" halos manginig ang tinig ko.

"Mm-mm," tugon niya kasabay ng iling, naramdaman ko na naman siya sa aking tainga.

"G-Good, makapagpapahinga ka," sabi ko sabay madali sa pagbabalot ng mga pyrex. Tumango lang siya.

Umangat ang mga balikat ko nang yakapin niya ang bewang ko, alam kong naramdaman niya ang gulat ko. Tumagilid ang ulo ko nang pilit niyang isiksik ang mukha sa leeg ko.

"Wala pa akong tulog mula kahapon," bulong niya kasabay nang paghigpit ng kaniyang yakap.

Parang pinisil ang puso ko. Napaharap ako at hinawakan siya sa mukha gamit ang pareho kong palad. "Kumain ka na?"

Tumango siya. Napangiti ako dahil nararamdaman kong inilalapat niya ring pilit ang kaniyang mga pisngi sa kamay ko. "Wilma cooked for me."

"Mabuti naman."

Tiningnan ko ang kabuuan ng mukha niya. Nakaramdam ako ng awa nang makita nang malapitan kung gaano nang kaitim ang ilalim ng mga mata niya. Ang pungay rin ng mga iyon ay hindi na natural, halatang kulang nang talaga sa tulog.

"You need sleep, Maxwell."

"What's that?" bahagya siyang tumawa sa sariling biro.

Gusto kong makitawa pero napangiwi ako sa kahulugan ng biro niya. Marami akong nakilalang doktor at talagang iyon ang kulang sa kanila, tulog. Kasunod niyon ang gutom, ang kawalan ng oras sa sarili at sa pamilya. Ang buhay nila ay umiikot na sa trabaho. Minsan nga, kahit nasa bahay na, trabaho pa rin ang inaatupag nila. Madalas din ay sa ospital na sila natutulog, putol-putol pa. Dahil sa t'wing may pasyenteng mangangailangan ng tulong nila, gigisingin sila ng medical staff para matugunan ang pangangailangan ng pasyente.

"Stay here tonight," nakapikit na bulong niya.

"Ha? H-Hindi pwede."

Nagmulat siya. "Why not?"

"Because..." mariing sabi ko ngunit hindi madugtungan. "Kailangan mong magpahinga."

Kumunot ang noo niya. Tila hinahanap ang sagot sa sinabi kung bakit hindi ako maaaring manatili rito. "Please," pakiusap niya, lalo pang humihigpit ang yakap.

Kuyaw ni Yaz, 'oy! 'Day, noon ay gustong-gusto mo siyang makita. Ngayong ikaw na ang niyayayang makasama, nagdadahilan ka pa.

"May pasok tayong pareho bukas," dahilan ko. "At itong uniform ko..."

"I'll wash it for you."

Nanlaki ang mata ko. Isang Maxwell Laurent del Valle-Moon, lalabhan ang uniform ko? I cannot believe this! "Ako na..."

"So, you're staying?" ngiti niya.

Gusto kong kiligin sa tanong na iyon ngunit nangingibabaw ang awa ko sa antok na antok niya nang mukha. Ang ngiti niya ay hilaw dahil hindi umaabot sa pupungay-pungay niya nang mga mata.

"Yeah, para malutuan na rin kita ng breakfast. Maligo ka na."

"Join me."

"WhBinuhat niya na ako before my mouth even gets a say! "Maxwell!" pinalo ko ang pwet niya dahil ang paraan ng pagkakabuhat niya sa akin ay para bang isa akong sako ng bigas.

Naramdaman ko siyang magulat sapagkat huminto siya sa paglalakad at naramdaman ko siyang lumingon. Naramdaman ko siyang lumingon dahil dumikit ang pisngi niya sa bandang puwitan ko.

Nakakahiya!sigaw ng isip ko. "Put me down!"

Nasa pintuan na kami ng bathroom nang ibaba niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin. Bahagyang umangat ang gilid ng kaniyang labi, ngunit sadyang bitin ang kaniyang ngisi. Antok na antok nang talaga.

"I'll go and see if I can find you something to wear," aniya, saka sinulyapan ang uniform ko na para bang sinasabi na hubarin ko na ang mga iyon.

Nasundan ko siya ng tingin saka ko nasapo ang sariling noo. Hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman ko. Kung mahihiya, matatawa o kikiligin na lamang basta.

Iginala ko ang paningin at napanganga sa gulat. His bathroom is damn luxurious! It's unusually spacious and filled with expensive materials and lights—a freaking chandelier.

May sariling space ang shower, sink, bidet and toilet, na pulos itim din.

Nag-standout ang malaking window sa harap ng sunken tub. Kahit umuulan at malabong tingnan ang bintana ay nasisiguro ko kung gaano kaganda ang view mula roon.

Ang buong wall at floorings ay pulos granite, marble, teak, at river rock. Sa gitna ng floor ay may plush sheepskin rug at itim na single sofa. May spaces sa walls kung saan may mga nakapatong na books and magazines. Sa ibang spaces naman ay may maliliit na sculptures, at iyong nasa matataas na spaces ay puro candles na.

May tatlong malalaking paintings ng tila kulay pink na mga buwan. Iyong unang painting ay waxing crescent. Iyong pangalawa ay full moon. Iyong pangatlo naman ay waning crescent. Astig!

May itim na cabinet kung saan maayos ang pagkakatupi ng towels. Sa pinakataas ay may vase at mukhang freshly picked na mga bulaklak.

Dalawa ang marbled sink, sa taas ay may apat na rustic hanging lights, sa harap ay may dalawang malalaking salamin. Para bang dinesenyo ang bathroom niya para may makasabay talaga siyang maligo doon.

"Tsh," nangibabaw ang tinig ni Maxwell. "You're still dressed."

"Jacuzzi nalang ang kulay sa 'yo."

"Naroon sa pool area ang jacuzzi."

"May sarili ka ring pool, syempre," ngiwi ko.

Kumunot ang noo niya. "Dahil hilig ko ang maligo."

Napairap ako. Hindi niya nakuha ang sarkasmo ko. "Maligo ka na," sabi ko na akmang lalabas na nang makita ang mga damit na hawak niya. "What's that?"

Nakamot niya ang noo. "I can't find you anything. Wear mine for the meantime."

"Meantime?"

"For tonight."

"And?"

"I should have something for you to wear next time?" humalakhak siya sa huli.

Inirapan ko siya. "Maligo ka na at magpahinga."

"You will join me."

"What?"

"You can't lay in my bed like that," pinasadahan niya ng tingin ang uniporme ko.

"After you," ngisi ko.

"With me."

"Af..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang kalasin niya ang pagkakatali ng kaniyang twalya at dumeretso sa shower .

Napalunok ako nang buksan niya ang shower at mabilis na umusok ang mainit na tubig. Inihawak niya ang parehong kamay sa wall at yumuko, saka hinayaang daluyan ng tubig ang buo niyang katawan.

Iyon palang ang ginagawa niya pero natuliro na ako sa dapat kong gawin. Nahawakan ko ang pendant ng aking kwintas, hanggang sa bumaba ang kamay ko sa kwelyo ng aking uniporme. Ilang saglit pa ay natagpuan ko nalang ang sariling hinuhubad isa-isa ang suot ko.

Nakangisi na siya nang lingunin ako matapos pumasok sa shower space. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam habang nasa akin ang kaniyang paningin, tila sinasaulo ang bawat parte ng kabuuan ko. Hindi ko maitatangging nababasa ko ang matinding paghanga sa kaniyang mga mata, bagay na hindi ko alam kung kailan ko paniniwalaan.

Kinuha niya ang pareho kong kamay saka niya ako inilapit sa kaniya. Matagal na naglapat ang aming paningin, bagay na kahit anong tindi ng pagkakailang ko ay hindi ko magawang alisin. Pagkatapos ay marahan niya akong itinalikod at niyakap mula roon.

Ang sarap sa balat nang mainit na tubig. Mas masarap sa pakiramdam ang mainit niyang katawan na halos balutin ng kaniyang yakap.

"Maxwell?"

"Mm?"

"You need to sleep na."

"Nag-coffee ako, remember?"

Umikot ang mga mata ko nang maisip kung aling coffee ang tinutukoy niya. "Kahit pa."

"You should drink responsibly, you know," mahinang sabi niya, pilit sinisilip ang mukha ko. "Don't just accept drinks from anyone."

Bigla ko siyang nilingon. "Siya ang naglagay ng coffee sa table namin. Hindi ko 'yon in-accept, and before ko pa ma-accept, nainom mo na."

"Yeah," nakangiting aniya. "He likes you."

"Who cares?" siring ko.

Hinapit niya ako lalo palapit. Tumitig siya sa mga mata ko na para bang mga bituin na ang nakikita niya roon.

"Don't tell me...you're jealous?" dagdag ko, kapal ng mukha.

"So, what if I am?"

"Hmm..." ang tanging naging reaksyon ko dahil hindi ko na malaman kung ngingiti ba o aasarin siya. Masarap sa pakiramdam 'yong isinagot niya. Nagselos siya.

Hinawakan niya ang pareho kong pisngi gamit ang pareho niya ring mga kamay. Tinitigan niya ako sa mga mata na para bang ang ganda ko una niyang nakikita doon.

"I like you, Yaz..." mahina ngunit emosyonal niyang sinabi.

Natigilan ako. I can't believe it! Pakiramdam ko maging ang na tubig na dumadaloy mula sa shower ay tumigil. Maging ang malakas na ulan ay tila humupa sa pandinig ko. Pakiramdam ko ay huminto ang mundo sa iilang salitang narinig ko. At ang tanging nararamdaman ko ay kung ano-anong lumilipad na pakiramdam na naroon sa aking tiyan.

"A lot," dagdag pa niya.

Nakita ko nang marahan niyang ilapit ang mukha sa akin. Hindi ko nagawang pumikit sa sobrang pagkakagulat. Nagawa kong tugunan ang magaan, ngunit nakalulunod na halik niya nang hindi pumipikit.

"Close your eyes," bulong niya. Sandali akong napatitig sa kaniya nang may nagtatanong na tingin saka ako pumikit.

Napahiya ako sa sarili nang isiping hahalikan niya uli ako kaya niya inutusang pumikit. Dahil hindi ganoon ang nangyari. Naramdaman ko nalang na may nahulog mula sa ulo ko, mayamaya lang ay nira-rub niya na ang buhok ko,

"Ang cool nitong shower mo, ah?" sabi ko matapos agawin ang sarili kong buhok na siya na ang nag-rub. "Napapalitan ng soap ang water."

"That's shampoo."

"Really?" Iminulat ko ang isang mata at ni-rub din ang buhok niya. "May conditioner din?" biro ko.

Umiling siya. "Hindi ko naisip na posibleng may maligo ritong babae."

"Kahit si Maxpein?"

Nagkibit-balikat siya at matapos niyon ay pinaliguan na namin ang kabuuan ng isa't isa.

Nauna akong natapos. Binalot ko ang sarili ng puting towel. Sak ako dumeretso sa sink at nagbukas nang bagong toothbrush saka nagsepilyo. Nakita ko siyang sumunod at ginawa rin ang ginawa ko. Palihim ko siyang pinanood mula sa salamin sa kaniyang harapan. Gusto kong matawa kung gaano niya kaseryosong ginagawa ang pagsesepilyo. Napapailing kong tinapos ang ginagawa.

Namili ako sa nakahilera niyang branded lotions. Naghanap ako ng pambabae ngunit nabigo ako. Narinig ko siyang tumawa nang mahina nang mapansin ang ginagawa ko.

"Let me," aniya na hinihingi ang lotion ay sinasabing siya ang magpapahid niyon sa akin.

Napapalunok akong tumigi sa kaniya, hindi nakakilos ni nakatugon. Muli siyang sumenyas, hinihinging talaga ang bottled lotion. Minsan pa muli akong lumunok.

Dumeretso siya sa single sofa at naupo roon. Kinuha niya ang isang paa ko at ipinatong iyon sa espasyo sa pagitan ng mga hita niyang nababalutan din ng towel. Napaiwas ako ng tingin at hindi malaman ang magiging reaksyon. Pakiramdam ko ay hindi lang mukha ang namumula at nag-iinit sa akin. Pilit kong ibinaba ang parteng iyon ng towel upang matakpan ang dapat na takpan.

Binuksan niya ang bottled lotion saka naglagay sa kaniyang palad. Ikinalat niya iyon sa parehong palat at saka ipinahid mula sa buko ng aking paanan, paakyat sa binti ko. Para akong kinuryente sa ginawa niya. Nakagat ko ang pareho kong labi at palihim na napapikit.

Ibinaba niya ang nauna at kinuha ang kabilang paa ko. Muli siyang naglagay sa mga palad ng lotion at gaya kanina ay ipinahid niya iyon mula sa buko ng aking paanan papunta sa binti.

Nang sumunod ay tumayo siya at naglagay ng lotion sa mga kamay. Ipinahid niya iyon sa hita kong nakapatong pa rin sa single sofa. Sinadya niyang daanan ang pinakasensitibong parte ko. Ang maliliit na kuryenteng naramdamdan ko kanina ay unti-unting lumaki at dumaloy sa bawat parte ng katawan ko.

Muli...ibinaba niya ang naunang hita at iniangat naman ang isa pa. Saka siya muling nagsalin ng lotion at pinahiran ang isa ko pang hita. Ang kuryente ay mas tumindi at halos magsugat na ang labi ko sa sobrang pagkakakagat doon.

Panay ang pag-iwas ko ng tingin, nagtatago rin ako sa sarili kong buhok sapagkat ayaw kong makita niya ang lahat ng reaksyon ko. Kung ano-ano na ang nararamdaman ko samantalang ang lalaking ito na siyang dahilan ay tila nalilibang sa ginagawa niya na para bang wala iyong epekto sa katawan!

Tumingin siya sa mga mata ko saka hinawakan ang pagkakaipit ng towel sa dibdib ko. Nahihiya akong nag-iwas ng tingin at inalis iyon para sa kaniya.

Kaswal muli siyang nag-iwas ng tingin upang magsalin ng lotion, at ipahid muli iyon sa hindi ko malaman kung aling parte naman ng katawan ko ang puntirya niya. Nagsimula siya sa likod ko, tumitig siya sandali sa mga mata ko nang gawin iyon. Nang sumunod niyang salin ay sa tiyan ko niya inilagay iyon. Nang sumunod pa ay iyong mga braso ko na ang pinahiran niya.

Tumaas ang kilay ko nang tumigil siya. May iniwasan ka yata?Saka ako napapikit sa sariling naisip! You're freaking crazy for assumming too much, Yaz!

Naiinis ko siyang nilingon niyang kunin niya ang kamay ko at maglagay ng lotion doon. Masungit ko siyang tiningnan na para bang binabasa kung ano ang gusto niyang gawin ko.

"Put it on you..." senyas niya.

Sandali akong napatitig sa kaniya ako sumunod. Ngunit bilang pagganti ay ipinahid ko iyon sa dibdib ko nang puno ng emosyon, kagat ang labi at bahagyang napapapikit. Nang magmulat ako ay madilim na ang kaniyang paningin.

Lumapit ako nagsalin ng lotion habang nasa kaniya ang paningin. Bahagya siyang nagulat nang bigla kong alisin ang pagkakatali ng kaniyang towel. Hindi ko inalis sa kaniya ang paningin nang ikalat ko ang lotion sa palad ko at hawakan siya sa pinakasensitibo niyang parte. Ipinahid ko iyon sa paulit-ulit na direksyon, mabagal at puno ng emosyon, hanggang sa magbago ang reaksyon sa kaniyang mukha.

Nakita ko nang mapalunok siya matapos kong huminto. "You're...crazy, Yaz!"

Humalakhak ako. "Nauna ka," mataray kong sinabi saka tinalikuran siya.

Humarap ako sa kaniya bago makarating sa bed. Nakita ko siyang madilim na ang tingin. Nakagat ko ang labi upang mapigilang matawa. Saka ko siya muling tinalikuran. Marahas kong inalis ang twalyang nakatabing sa akin at ibinato iyon sa kung saan. Saka ako tumalon sa kama at nagkulong sa comforter niya. Napapikit ako nang malanghap ang pamilyar na amoy ni Maxwell. Lalaking-lalaki. Nakakalunod. Nakakabaliw.

Naramdaman ko siyang pumatong sa kama, hanggang sa pumaibabaw sa akin, sa aming pagitan ay ang comforter. Hinalikan niya ako nang mariin, emosyonal, matagal, nakalulunod at nakadaragdag uhaw. Sa halik palang niya ay halo-halo na ang aking naramdaman. Hindi ko alam kung saan na mapupunta ang katinuan ko sa sandaling mawala sa pagitan namin ang comforter na ito.

Naramdaman ko siyang hawiin ang nakapagitan sa amin nang hindi kinakalas ang aming mga labi. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang balat namin sa isa't isa, iyon palang ay halos idaing ko na ang pangalan niya. Walang disiplina ang mga kamay ko sapagkat kung saan-saan ding parte ng katawan niya nakararating iyon.

Hinalikan niya ako sa leeg pababa sa aking dibdib, walang kasing-diin ang pagpikit ko sa pananabik na marating niya ang nagawa niyang daplisan ng kuryente kanina. Napadaing ako nang paghiwalayin niya ang mga kawal ko at halikan ang koronang kanina pa inuulan ng natural kong ginto. Hindi nagtagal ang paghihintay niya sapagkat sumabog ang mga ginto nang mas mabilis pa sa inaasahan.

Pumusisyon siya sa ibabaw ko saka tumitig sa akin, tila naghihintay ng hudyat na maipasok ang matigas niyang armas. Nakagat ko ang labi ko at halos mabali ang katawan ko sa pagkakaarko nang maramdaman siya. Dinampian niya ng halik ang leeg ko hanggang sa bumalik sa katinuan ang katawan ko. Nilunod niya ako sa halik habang bumibilis ang kaniyang mga atake na buong puso kong sinabayan. Pareho naming habol ang hininga matapos sabay na bumagsak, parehong nanalo sa laban.

Nakangiti akong yumakap sa kaniya nang ikulong niya ako sa parehong braso. Sa isang iglap ay pareho kaming nakatulog.

Nagising ang diwa ko nang maramdaman kong kumalas si Maxwell sa pagkakayakap sa akin. Sa isip ko ay gusto ko siyang simangutan ngunit sadyang nakakalunod ang antok ko at pagod. Kaya naman napapikit muli ako nang maramdaman ko siyang bumangon. Bumaling ako sa kabilang parte ng kama at niyakap ang naabot kong unan.

Muli na sana akong malulunod sa pagkakatulog nang marinig ko ang malakas na kalansing ng kung anong metal na bagay na sobrang lapit sa aking pandinig. Dagli akong napamulat at ang bumungad sa akin ay ang kumikinang sa talas na patalim. Hawak iyon ng imaheng may malaking bulto at hindi makita ang pagkakakilanlan dahil sa itim na sombrerong nakatabing sa ulo nito. Sa sobrang dilim ng lugar ay hindi ko halos makita ang hitsura niya.

Nagulat ako nang bigla nitong kunin at itaas ang kamay ko! Hinawakan ko ang kamay niyang humahawak sa akin ngunit hindi naging ganoon katindi ang lakas ko. Kaunti nalang ay mawawala ang pagkakatabing ng comforter sa katawan ko!

"Get off...me!" palahaw ko. Na siyang naging dahilan para mag-panic ang taong iyon at sakalin ako! "M-Max...well," impit na bulong ko nang sakalin pa lalo nitong pilit ang leeg ko.

Kasunod niyon ay umalingawngaw sa pandinig ko ang malakas na sigaw ni Maxwell. Namalayan ko nalang nang talunin niya ang kama sa bandang likuran ko. Nakita ko nang tumama ang malakas niyang sipa sa mukha ng imahe. Umubo ako nang umubo nang makahugot ng hininga, walang hinto, naghahabol. Bago pa muling nakakilos si Maxwell ay nakatakbo na ang taong iyon papalabas ng penthouse.

Habol ko ang hininga nang sundan ng tingin si Maxwell. Akma niya nang susundan ang taong iyon ngunit tinapunan niya ako nang nag-aalinlangang tingin. Bago pa siya makapagdesisyon ay nagmamadali na siyang lumapit sa akin. Patalon siyang sumampa sa kama at niyakap ako upang tingnan ang aking kabuuan.

"Are you okay, Yaz?" puno ng pag-aalala ang tinig niya.

Pakiramdam ko ay may nakabara pa rin sa lalamunan ko dahil sa tindi at diin nang pagkakasakal ng taong iyon sa akin. Tumango ako upang mapawi ang pag-aalala niya. Narinig ko siyang magmura bago ako niyakap nang sobrang higpit.

"Go back to sleep," mahinang bulong sa akin ni Maxwell nang humupa ang tensyon, kaba at paghahabol ko ng hininga. Inabot niya ang pitsel ng tubig at nagsalin para sa akin. "Bukas na bukas ay haharapin ko kung sinumang animal iyon."

"Maxwell, no," mahinang pakiusap ko, apektado pa rin ang lalamunan.

"Sshh, go back to sleep. Babantayan kita," aniya na inihilig ako sa dibdib niya. "Turn on the dim lights," malakas niyang sinabi at awtomatikong bumuhay ang mga ilaw.

Ngunit kahit ano yata ang mangyari, ibuhay man niya ang lahat ng ilaw, yakapin niya man ako nang mahigpit, hindi mawawala ang takot ko. Hindi ko alam kung makatutulog pa ako sa ganoong sitwasyon, matapos ang nangyari. Lalo pa at na-trauma na ako, kaming pare-pareho, sa masasamang pangyayari sa nakaraan.

~ To Be Continued. . .~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji