CHAPTER TWO
CHAPTER TWO
"SINO 'YON?" gano'n na lang ang curiousity ni Dein Leigh, ang tinutukoy ay si Bentley. "Siya 'yong nakita nating nakaupo sa jeep, right?"
Tumango ako. "Oo."
"Magkakilala kayo?" natawa siya. She stared at me like she can't believe I knew someone like Bentley. Naasar ako.
I sighed, hindi alam kung paanong ipaliliwanag ang lahat sa kaniya. But she's my best friend, hindi siya matatahimik sa katatanong kung hindi ako magkukwento. Kaya sa huli ay kinuwento ko ang nangyari kung paano kaming nagkakilala ni Bentley.
"What?" panay ang pagtawa ni Dein Leigh hanggang sa maglakad kami pabalik sa classroom, hindi talaga siya makapaniwala.
'Sabagay, sino'ng maniniwala? Kahit ako ay hindi na-imagine ang sarili ko na iti-treat ng lunch ang student na totally stranger because of awa. Wala akong enough reason to do that, but I already did, at naaasar akong pinagtatawanan ako ngayon ni Dein Leigh.
"But admit it, he's handsome, 'no?" tanong niya sa nanunuksong tono, binangga pa ang balikat ko.
Natitigilan kong nilingon si Dein Leigh. "Seriously, bes?"
"Sabihin mong hindi?" hamon niya.
Natigilan ako ngunit hindi nagpahalata. "He looks dirty, ano'ng gwapo ro'n?" nag-iwas ako ng tingin.
Natahimik siya sandali, tila inalala ang itsura ni Bentley. "Marumi, well, kind of," aniyang nakatusok sa pisngi ang isang daliri. "Pero natatabunan no'n 'yong looks niya."
"Psh."
"Baka siya na ang forever mo?" lalo pa niyang tukso.
"Bes?" pinagkunutan ko siya ng noo.
"Oh, why not? He's good-looking—"
"And poor," inis, mariin na dagdag ko.
"'Oy, bes, 'wag kang ganyan," nginiwian niya ako. "Bad 'yan. Hindi tayo pinalaking ganyan."
Napairap ako. "Alam mong bukod sa grades ay sa ganyan strict ang parents ko. Hindi nga nila natanggap ang pagiging top three ko, ano pa 'yong magkaroon ako ng..." hindi ko naituloy ang sasabihin.
"Ano?" sinalubong niya ang mukha ko, nang-aasar talaga. "Boyfriend na hindi pasok sa standards nila?" Humalakhak siya lalo.
Boyfriend... Hindi ko alam kung bakit may kung anong excitement na idinulot sa 'kin ang salitang 'yon. Ano nga kayang pakiramdam na may tinatawag na boyfriend?
"Hindi naman sila ang makikipagrelasyon, duh?" patuloy pa ni Dein Leigh dahilan para maputol ang imagination ko.
"You don't get it, Dein."
"Bes..." isinabit niya ang kamay sa braso ko at kinabig ako papalapit. "Kung nag-top siya sa entrance exam, it means, bright ang future niya! Duh? Compare him to my brother na malinis at may kaya nga, puro pambu-bully lang naman ang alam!"
"Nandoon na 'ko, pero...hindi ang tipo niya ang magugustuhan ng parents ko. May potensyal nga siya pero..." nilunok ko ang lungkot na naramdaman ko.
"'Uyy!" nagulat ako nang bigla niya akong kilitiin!
"Dein?!" asik ko.
"So, pinag-iisipan mo rin?"
"What?"
"Sige, itanggi mo? Pero, ano?" natatawa niyang hamon. "So, naiisip mong may potensyal siya?"
"Seriously, bes? Isang araw ko pa lang nakikilala 'yong tao."
"Exactly! Isang araw mo pa lang nakilala, nakita mo na 'yong potensyal!" mas humalakhak siya.
Napipika na ako, gusto ko agad siyang sabunutan. "What I mean is—"
"Bigyan mo 'ko nang magandang reason,"nakapamewang niya akong hinarap.
"Oo, may potensyal siya pero hanggang itsura lang!"asik ko.
"'Sus! Whatever..."
"Stop it, Dein. Please lang."
"May pero-pero ka pang nalalaman, binigyan ka lang ng softdrinks, akala mo nililigawan ka na agad." Humalakhak siya!
Napatitig ako sa pagkapahiya at inis na umirap. "Hindi sa gano'n, okay?" nagdahilan pa rin ako. "And besides, he's not...my type. Saka hindi ako ready na pumasok sa relasyon."
"Why not? Masaya kaya."
Nginiwian ko siya. "Really? Kaya pala madalas ka pang umiyak kaysa sa dates ninyo ni Randall?" nanunuya kong tugon.
Ngumuso siya at umirap. "You're so mean!"
"Totoo naman," maldita kong tugon.
"What a problem..." tinig ni Mr. Caballero ang nakapagpahinto sa 'ming pumasok sa room. Naroon ito sa harap at hindi namin inaasahang kausap si Dean Enrile.
Nakita kami ng mga ito, awtomatiko kaming ngumiti at bumati sa kanila. "Hi, lolo!" bati ni Dein Leigh.
"Good afternoon, dean," dagdag ko.
Nakangiting tumango si Dean Enrile sa amin saka bumuga nang namomroblemang buntong-hininga. "May ginawa na namang kalokohan ang mabait mong kapatid, Dein Leigh."
Nanlaki ang mga mata ni Dein. "What did he do this time?"
Nasapo ni Dean Enrile ang noo na para bang mawawalan na ng balanse. Kilalang bully sa kabilang campus ang bunsong kapatid ni Dein Leigh, at sa t'wing magbubukas ang panibagong school year ay nagdudulot ito nang malaking problema. Hindi nila alam kung anong klase pa ng disiplina ang kailangan ni Deib Lohr para matigil. Manliligaw ito ng bunsong kapatid ko, si Kimeniah. Best friend din ito ng pinsan kong si Lee Roi bukod kay Tobi.
Napapailing na nilingon ni Dean Enrile si Mr. Caballero. "Please excuse my granddaughter, kakausapin ko lang siya sandali."
"Tell me, 'Lo? Ano na naman ang ginawa ng kapatid ko?"
"May pinatid daw na new student sa hallway ng floor nila."
"Oh, my god..." hindi kami makapaniwala ng best friend ko.
"Humanda talaga sa 'kin ang Deib Lohr na 'yan!" gigil na asik ni Dein Leigh.
"Calm down," pigil ni Dean Enrile. "Ang heart condition ng kapatid mo, huwag mong kalimutan."
"At paano ang emotional at mental condition ng mga binu-bully niya, 'Lo? Sorry na lang?" asik ni Dein. "He's not a kid anymore, 'Lo. Magtatapos na siya ng high school! Sa huli ay tayo na naman ang sisisihin ni chairman dahil wala na nga sina mommy't daddy, panay kalokohan pa ang ibinabalita natin tungkol sa apo ninyong 'yan!"
"Akala ko ba ay titigil na siya?" sabat ko, napapailing na lang din. Alam ko ang mga kalokohan ni Deib Lohr sa nakaraan.
"'Yon din ang sabi niya sa 'min," gigil na talaga si Dein. "Humanda talaga siya sa 'kin!"
Malamya akong nagpatianod nang hilahin ni Dein Leigh ang braso ko. Ito ang pinagkaiba namin ni Dein Leigh, wala akong kapatid na sakit sa ulo.
"Where is he?" asik ni Dein Leigh. "I am going to kill that guy!"
"Pinatawag ko kay Reycie," sagot naman ni Dean. "Sumasakit ang ulo ko, kasisimula pa lang ng klase ay magkakasunod na ang problema ko."
"Why, what happened?" usisa ni Dein, nakinig lang ako.
"Bukod sa interhigh na hanggang ngayon ay wala pang final decision, dumagdag nga 'yang kapatid mo." Napabuntong-hininga si dean. "Bukod do'n, may problema kami sa isang estudyante sa department ninyo."Namomroblema man ay tinago nito 'yon sa ngiti.
"Huh? Why? Sino?" sunod-sunod na tanong ni Dein.
"Naroon na siguro ang isang 'yon sa office ngayon." Iyon lang ang sinagot ni dean.
Pinagbuksan kami ng door ni dean saka kami magkasunod na pumasok ni Dein Leigh. Alam ko kung gaano kagigil si Dein Leigh na makaharap ang kapatid pero hindi namin dinatnan doon si Deib Lohr.
Pero ang umagaw sa pansin naming pareho ay ang presensya ni Tito Ramrenz Echavez, dean ng SIS, at kausap nito, si Bentley. Pareho silang naroon sa couch, si tito ay nakaupo at nakapandekwatro habang si Bentley ay nakatayo sa kanyang harap, nakatalikod sa gawi ko.
Napalingon si Dein Leigh sa akin nang makita kung si Bentley. Napairap ako at bumuntong-hininga. Nang hindi na nakatingin ang best friend ko ay saka ko muling nilingon si Bentley.
"Where's my apo?" agad na tanong ni Dean Enrile kay Miss Reycie, ang kanyang secretary.
"Where's my brother?" asik din ni Dein Leigh.
"Dean, nag-start po agad 'yong class nina Deib Lohr,"sagot ni Miss Reycie. "Sabi rin po nina Tobi at Lee ay after class na lang kausapin."
"Ano, 'Lo? Do you want me to drag him here?" hamon ni Dein, wala na talagang pasensya.
"Dein Leigh?"
"Nakakapikon, e."
"Kakausapin natin nang maayos ang kapatid mo."
"'Lo, the reason why he keeps on doing it, kasi alam niyang sa una lang tayo magagalit."
"What are you going to do with him, then?"
"I'll kill him!"
"Dein?" sabay na naming awat ni Dean Enrile.
Humalakhak si Dean Echavez. "Give him a pain reliever,"si Dean Enrile ang tinutukoy. "This day's giving him a lot of headache."
"Where's Randall, tito?" nakakatawang bigla na lang nagbago ang mood ni Dein Leigh, from galit to excited.
"Call him," nakangiting tugon ni Tito Ram.
"Hindi siya busy?"
"Parati namang may oras 'yon sa 'yo."
Kinilig lalo ang best friend ko, napangiwi ako. "I'll just get my phone and call him!"
"Wait—"
"Stay here, Keziah," nanunukso akong pinigilan ni Dein.
"Dein?" pabulong na asik ko.
"Stay," pinandalatan niya ako. "In-excuse naman tayo ni lolo kay Mr. Caballero. Ako'ng bahala sa 'yo," kinindatan niya ako saka tuluyang lumabas.
"Sorry, sinundo ko iyong apo kong babae dahil akala ko ay paparito iyong apo kong lalaki." Napalingon ako kay Dean Enrile nang lumapit siya kay Bentley at tapikin ito sa balikat. "Have a seat, hijo." Tumango si Bentley bago sumunod.
Naiwan akong nakatayo malapit sa pinto at hindi alam kung ano ang gagawin. Sina dean at Bentley ay nakaupo sa couch habang si Miss Reycie ay naroon sa table nito at nagta-type sa computer. Great!
"You are from...?" tanong ni Tito Ramrenz. Dinampot niya ang folder na nasa table sa kanyang harap saka binasa ang laman niyon. "Bentley Scott Pendragon..." mahina pa nitong binasa ang pangalan nito sa folder.
"It's confidential, dean," mahinang tugon ni Bentley.
Nangunot ang noo ng dalawang dean. Muling nagbasa si Dean Enrile sa folder. "Most of your personal details are written in...what's this? Are these Korean letters?" He handed the folder to Dean Enrile and fixed his coat. "You sounded like a native English speaker." Tumango-tango siya.
Nilingon ni Dean Enrile si Bentley at napatitig, may gulat sa kaniyang mga mata na para bang hindi kapani-paniwala ang nabasa niya sa papers ng student.
"North..." mahinang ani Dean Enrile, bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Bentley.
Gaya ko ay mukhang hindi naman 'yon nakuha ni Tito Ramrenz. Panay ang palitan niya ng lingon kina Dean Enrile at Bentley pero panay lang din ang tango.
"I want to transfer in SIS, dean. Please accept me," bigla ay pakiusap ni Bentley kay Tito Ram.
Natigilan kaming pare-pareho sa sinabi niya, lalo na ako. Lahat kami ay napatitig kay Bentley habang ito ay nakababa lang ang tingin. Nagkatinginan ang dalawang dean at sabay na bumuntong-hininga. Sabay rin nilang nasapo ang noo.
"Reycie, dalawang pain reliever and glass of water please," pakiusap ni Tito Ram, hindi na nagbibiro.
"Okay..." Dean Echavez ran out of words and I can't blame him. Ako man ay mahihirapang i-digest ang request ni Bentley. "You took the entrance exam both in SIS and BIS and passed—no, you actually topped the exams."
What? He's that good?!
Umawang ang bibig ko at napatitig sa paanan ni Bentley. Napalingon naman sa akin ang dalawang dean, naramdaman yata nila ang gulat ko. This is awkward, I'm still standing here, listening to their conversation pero parang pati ako affected.
Why the hell am I here anyway? They don't need me here! Dein Leigh! Hindi pa rin ako naka-decide kung lalabas na ba o mananatili. All I know is that I gotta handle this with grace.
"Sit down, hija," lalo pa akong nahiya nang ipakiusap 'yon ni Dean Enrile.
Wala akong ibang pwestong makita kung hindi iyong single couch sa harap ni Bentley. Naiilang man ay naupo nga ako ro'n kahit hindi naman ako kailangan dito. Hindi ko inaasahang sasandal si Bentley at magkakrus ang brasong tititigan ako. Na para bang isa akong palabas na tuwang-tuwa siyang mapanood!
"Mr. Pendragon," buntong-hininga ni Dean Echavez.
"Yes, dean?" tugon ni Bentley na ang paningin ay nasa akin! Pinagkunutan ko siya ng noo, saka niya natatawang nilingon uli ang dean. "I'm listening."
"You're already wearing BIS' school uniform and had your first day here. Now you want to transfer to SIS, Mr. Pendragon?" patuloy ni Dean Echavez. "Please give us a good reason."
"I'm not challenged here, dean," mahinang sagot ni Bentley.
What?! Did he just seriously say that?!
Tulad kanina ay sabay-sabay uli kaming nagulat nina dean at napatitig sa kaniya. Ang lakas ng loob niya! Gaya ko, parang hindi kumbinsido ang dalawang dean sa reason niya. Nag-top siya sa parehong school. Kung hindi siya challenged sa BIS, sino o ano'ng challenging sa SIS?
"Wait, son," Dean Enrile seemed to be offended. "Please don't get me wrong but...everything you need to make the best decisions for your future is here in BIS."
"Exactly," sang-ayon ni Dean Echavez. "If you're going to ask me, mas advance ang technology rito sa BIS compared to SIS."
"And to be honest with you, asset ka ng BIS, Mr. Pendragon, and we cannot afford to lose you."Nagpapaliwanag at nakikiusap na segunda ni dean. "I can offer you the best education kung pipiliin mong mag-stay sa BIS. I'm offering you a full-ride scholarship."
"Dean..." nagugulat na hinarap ito ni Bentley.
Wow...
Tumango at ngumiti si Dean Enrile. "We'll make your college experience as cost-free as possible, trust me. Tuition fee, meals, housing, fees, any other costs you may encounter to attend this International school, we'll provide everything."
Napamaang si Bentley. Makikita sa mukha niya na hindi niya inaasahan ang ganoong assurance sa mga salita at tinig ni Dean Enrile. Habang makikita naman kay Dean Enrile na talagang gagawin niya ang mga binitiwang salita.
Napatitig naman ako kay Bentley at wala sa sariling napangiti. Sa iisang araw na nakilala ko siya, hindi ko akalaing hahanga ako nang ganito sa kaniya. 'Yong offer ni Dean Enrile ay patunay kung gaano talaga siya kagaling na student.
Hindi ko inaasahang sa isang galaw ng mga mata ni Bentley ay magsasalubong ang tingin namin. "What do you think?"
"H-Ha?" napamaang ako. Why me? Nalilito kong nilingon ang dalawang dean saka naguguluhang tumingin kay Bentley. "Why are you asking me?"
"You're my cousin," umangat ang gilid ng kaniyang labi."So, what do you think? Do you want me to stay?"
Natulala ako sa kaniya. Saka nilingon ang dalawang dean na naguguluhan ding nakatingin sa amin. I glared and scowled at him threateningly, he smirked and winked at me.
"Ah, so, you're cousins?" namangha si Dean Enrile.
"No," awtomatiko kong sagot. "I don't even know him, dean." Sinamaan ko ulit ng tingin si Bentley.
"These students are giving me a headache," nasapo na ni Dean Echavez ang kaniyang noo, nawawalan ng pasensya. Saka umayos ng upo papaharap kay Dean Enrile. "Our asset wants to be transferred here in BIS. And now, this student...wants to go to SIS." Napapikit siya matapos sabihin 'yon, patunay na masakit talaga sa ulo nila ang usapang 'to. "I'm talking about Randall's best friend."
"The one you mentioned earlier?" tumango-tango si Dean Enrile.
Napabuntong-hininga si Dean Echavez. "Why did you take the entrance exam here in the first place? I mean, if you don't have plans on staying?"
"Calm down, Ramrenz," pakiusap ni Dean Enrile.
Napasulyap ako kay Bentley. Nakababa ang kanyang tingin pero ramdam ko ang confidence niya sa katawan. Na kahit alam kong libre lang ang lunch niya kanina, hindi ko na makuhang maawa.
"I was not expecting to pass, dean. I took the exam to try my luck," seryoso si Bentley sa isinagot. Napamaang kaming pare-pareho, maging si Miss Reycie.
Luck? You're the luckiest student in the whole world, then!
"But I've already decided, dean," tumamlay bigla si Bentley, napapatitig na naman kaming lahat sa kaniya. "I can't afford the meals here."
"That's why Dean Enrile is offering you a full-ride scholarship," ani Tito Ramrenz.
"I don't want to stay here," tiningnan ito nang deretso ni Bentley saka nilingon ang isa pang dean. "I mean no offense, dean but I want to study under the best minds in the country."
Kumuyom ang palad ni Dean Enrile, paniguradong offended siya sa sinabi ni Bentley. Ako man ay sumama ang mukha. Sa sinabi niya ay para bang nabababaan siya sa kalidad ng BIS students.
"Okay," nagulat kaming pare-pareho sa biglang pagpayag ni Dean Enrile. "Mukhang buo na talaga ang desisyon mo kaya wala na akong magagawa. Ayokong ipilit sa iyo ang BIS, baka makaapekto lang kami sa performance mo bilang student."
"I'm so sorry, dean," sinserong sagot ni Bentley.
Ngumiti si Dean Enrile. "Naiintindihan ko at masaya ako na inilalaban mo ang sa tingin mong makabubuti para sa 'yo at sa studies mo. I admire you."
"Thank you, dean."
"Ngayon din ay aasikasuhin ni Reycie ang lahat ng papers mo," paniniguro ni Dean Enrile, nilingon pa ang secretary na agad ding tumango. "Ipa-finalize din namin ni Dean Echavez ang situation mo ngayon, just to make sure na hindi tayo magkakaroon ng problema pare-pareho. You may go back to your class."
"Dean," pahabol ni Bentley. "That student from SIS is going to be transferred here, right?"
Bumuntong-hininga si Dean Enrile. "As I've said, we'll finalize everything. Ramrenz and I will still talk about it. The admissions for transfer students' even more restrictive than that of incoming freshman."
"Let me just clarify one thing, exchange student program is different from this situation, Mr. Pendragon. Palalabasin na lang nating ganoon ang sitwasyon para hindi magkaroon ng problema ang parehong school," mahabang paliwanag ni Tito Ram. "But..." iniharap niya ang isang daliri kay Bentley. "You will have to take another exam, much harder than the entrance exam."
"No problem, dean." Hindi kakitaan ng kaba si Bentley. Confident siyang mag-take nang panibagong exam!
"Also, in terms of getting in as transfer student, you gotta build a clear and valid academic reason for transferring to the admission officers. Let me warn you, explaining what you don't like at your current school is not a good strategy for admittance."
Ramdam ko ang pressure kay Bentley. "I understand, dean," nakababa ang tingin niyang sagot.
"You may go back to your class, and say good bye to your professors and colleagues." Iiling-iling na nagbaba ng tingin si Tito Ram.
"If it's not too much to ask, I hope you can inform me about the other student you're talking about?" mahinang ani Bentley. "I wanna make sure he—"
"Why?" tuluyan na yatang napikon si tito. "That's none of your concern, Mr. Pendragon."
"I'm sorry, dean."
"You can go back to your class." Pagtatapos ni tito sa usapan.
Pinanood kong tumayo si Bentley, at kung hindi pa siya lumingon sa akin ay lulutang-lutang pa rin akong nakaupo roon.
"Let's go, cuz," mariin, nang-aasar niyang anyaya sa 'kin.
Sininghalan ko siya ng tingin pero napilitan din akong ngumiti nang lumingon ang dalawang dean sa 'kin. "I'll go back to my class, dean, tito," paalam ko na sinagot ng tango ng mga ito.
Pinagbukas ako ng pinto ni Bentley, nakatingin siya sa 'kin hanggang sa magpantay kami at tuluyan akong lumabas.
"Wanna join me for a snack?" bigla ay anyaya niya. Kunot-noo ko siyang nilingon. "It's breaktime."
"Yeah, but we're not close."
"Let's get closer, then," lumapit siya dahilan para awtomatiko akong lumayo.
"Pwede ba?" napipikon kong singhal. "Ayaw kitang kasama, isa pa, baka utangin mo na naman ang ipanlilibre mo sa 'kin!" Inis ko siyang inunahang maglakad.
Inaasahan kong susunod siya. Kaya nang hindi iyon mangyari ay nakasimangot ko siyang nilingon. Nagsalubong ang paningin namin ngunit nakangiti siyang nag-iwas na lang at naglakad nang nakapamulsa.
May kung anong umalon sa dibdib ko at biglang nakonsensya. Inis akong napapikit at humarap sa kaniya. Pero gano'n na lang ang pagkadismaya ko nang makita ang malawak na ngiti niya dahil sa dalawang babaeng papalapit sa kaniya.
"Hi, Bent!" sabay nitong bati.
Bent...? Psh! Pinagkrus ko ang mga braso at nag-iwas ng tingin. Pamilyar sa 'kin ang dalawa and if I'm not mistaken Nursing students sila.
"Hey, Ginger," iyong maputi at matangkad sa tingin ko ang binati ni Bentley.
"Aren't you going to say hi to me, too?" nagtatampo kunyaring sabi ng maliit.
"What's up, Lollipop?" ngiti ni Bentley.
Weird names...psh!
"Busy ka ba today, Bent?" tanong ng isa sa mga 'yon.
"Not really, why?" tugon ni Bentley.
Nagulat ako nang lumapit ang babaeng tinawag na Ginger at isinabit ang kamay sa braso ni Bentley. "May case study kasi agad kami. E, kailangan ko pang mag-review sa major subjects ko dahil may exams din kami ro'n. Pwede mo ba'ng gawin ang case study ko?" tanong nito sa malambing na tono.
Is that her girlfriend? Nakamot ko ang ulo at inis na tinalikuran na lang sila.
"Sure, how much?" dinig kong sagot ni Bentley.
Nagugulat ko uli silang nilingon. What do you mean how much?
"Name your price," sabi ng babae.
Ngumiwi si Bentley. "Hmm, just tell me the price."
"How about five?"
"Too high."
"Ten!" Nagmamalaking ngumiti si Ginger. "Kapag tumanggi ka uli ay dodoblehin ko lalo 'yan."
Nakangiti man ay bumuntong-hininga si Bentley. "Whatever."
"Thanks, Bent!"
"Anyway, I'm leaving BIS tomorrow but I can still do it."
"What do you mean you're leaving?"
"I'm going to transfer to SIS."
"What?!" sabay, nagugulat na tugon nina Ginger at Lollipop. "Why?"
Nagkibit-balikat si Bentley. "When do you need it, by the way?"
"Wednesday, next week," may lungkot na sa tinig ni Ginger. "You're really leaving, Bent? Why?"
"Alright, I'll finish it as soon as possible," hindi ko alam kung sinasadya bang hindi sagutin ni Bentley ang mga tanong nila. Napamaang pa ako nang kunin ni Bentley ang kamay ni Ginger at alisin sa braso niya. "I'll go ahead. See you around."
"Bent..." habol ng dalawa ngunit ang paningin ni Bentley ay nasa akin na.
"Waiting for me, cuz?" seryoso bagaman bahagyang nakangiti niyang tanong, nang-aasar pa rin.
"I'm not your cousin," inis ko siyang tinalikuran.
"Oh, you don't wanna be cousins anymore? Hmm, how about—"
"Shut up!"
Natawa siya. "Okay. So, what do you want for snack?"
"Tsk, ayaw nga kitang kasama. Babalik na ako sa classroom." Inunahan ko ulit siya.
"You know I'm leaving tomorrow, right?"
"So?" tugon ko nang nagpapatuloy sa paglalakad, hindi siya nililingon.
"Today's your last chance."
Inis ko siyang hinirap. "Last chance saan?"
"To date me."
Pinandilatan ko siya. "Excuse me?"
"C'mon, Keziah. I'm hungry."
"I'm full!" Iyon lang at tinalikuran ko na siya. Nagmadali ako pabalik sa classroom at tumabi kay Dein Leigh. "Hindi mo na 'ko binalikan!" asik ko rito.
"Cake, hon, please?" malambing na sabi ni Dein sa cellphone, napairap ako. "I love you, bye!" saka niya ibinaba ang linya at bumaling sa 'kin. "Kasi nando'n 'yong soulmate mo."
"Anong soulmate?" singhal ko. "Will you please stop it, Dein? It's not funny." Hindi nakasagot si Dein nang makitang seryoso ako.
Naiinis ako dahil naaasar na nga ako kay Bentley, dumagdag pa ang Ginger at Lollipop na 'yon.
So, ano 'yon, part-time job? Ang gumawa ng case study ng ibang students?
Technically, paying someone to do a service isn't illegal by law. Pero sa rules ng school na 'to, cheating at plagiarism 'yon.
Nakagat ko ang labi ko nang maisip kung ano ang dahilan para gawin ni Bentley ang ganitong service. Of course, to earn money. At hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang maisip 'yon.
Pero sa halip na malunod sa kaiisip sa buhay ng iba, binuksan ko ang libro ng susunod na subject at inabala ang sarili sa pagbabasa. Hindi ko naman lubos na kilala ang Bentley na 'yon para pag-aksayahan ng oras na isipin.
Nang matapos ang dalawang subject ay niyaya ko si Dein Leigh na mag-snack sa cafeteria. Akala ko ay tuluyan nang nawala ang lalaking 'yon sa isip ko pero hindi pa man kami nakakalinya ay hinahanap ko na siya.
Napairap ako sa sarili nang walang makita. Why the hell are you looking for him? Are you going to treat him for snack or are you really expecting a treat from him?
Isang beses ko pa muling iginala ang paningin ko nang magsimula kaming mag-snack ni Dein Leigh. Maging ang mga nakasalubong naming papasok sa cafeteria nang papalabas kami ay inisa-isa ko. Hanggang sa mag-uwian ay pasimple kong tinitingnan ang students na dumaraan. Pero hindi ko na nakita ulit si Bentley.
Nang gabing 'yon ay nilunod ko sa pagbabasa ng Human Anatomy ang sarili ko. Nagtagumpay naman ako dahil bukod sa topics na binasa ko ay wala na akong naisip na iba. Pero nang sandaling mahiga ako sa kama at maisip na matutulog na, doon ko na uli siya naalala.
Makikita ko kaya siya bukas?
Nainis ako sa sarili nang magtanong ako nang gano'n. Sino ako para tanungin 'yon? Sino siya para asahan kong makikita? Ilang beses kong nakumbinsi ang sarili ko na kaya ko lang naiisip ang mga ito ngayon dahil naaawa ako sa lalaking 'yon.
Pero nagbago ang lahat ng pakiramdam na 'yon nang dumaan ang maghapon kinabukasan nang hindi ko na talaga siya nakita, at aksidente kong nakilala ang kapalit niya.
"Everyone, this is Maxwell Laurent del Valle," dinig kong pakilala ni Dean Enrile sa professors ng higher year. "An exchange student from SIS."
Hindi ko maintindihan, bigla akong naguluhan. Nag-take ng exam si Bentley kasabay ko. Patunay no'n ay siya ang top one.
Pero bakit parang ang kapalit niya ay nasa higher year?
Nagulat ako nang masalubong ko ang tingin ng Maxwell na 'yon. Naestatwa ako sa kinatatayuan nang maglakad siya papunta sa gawi kung nasa'n ako, sa pintuan ng faculty.
Lalo pa akong nagulat nang hindi man lang siya huminto, parang sinadya niyang dumeretso sa pagsalubong sa 'kin para awtomatiko akong umiwas, at makadaan siya. Dahilan para magkabanggaan nang bahagya ang mga braso namin.
Psh!
Inaasahan kong magso-sorry siya pero nilingon niya lang ako at nagdere-deretso na.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top