CHAPTER SIX
CHAPTER SIX
"MOMMY, DADDY, sasama ako kay Dein Leigh sa yacht party ng boyfriend niya." Kahit alam kong pinagpaalam at pinayagan na ako nina mommy't daddy matapos tawagan ni Dein Leigh, nagpaalam pa rin ako.
Nagkatinginan sina mommy't daddy. "Yeah, pinagpaalam ka niya, tumawag sa 'min kanina," sagot ni mommy. "Malayo 'yon kaya mag-iingat kayo, hija."
"Of course, mom." Ngumiti ako, excited na rin para makapag-relax naman.
"Saan kayo pupunta, Ate Kez?" tanong ni Kimeniah. Wala sa 'kin ang paningin niya, naro'n sa pagkain. Hindi ko alam kung wala siyang gana dahil salad ang dinner namin o naiinggit sa steak nina mommy't daddy.
Maski pagkain kasi namin, may say ang parents namin. Light meals ang para sa 'min ni Kimeniah sa gabi kaya bumabawi na lang kami t'wing breakfast kinabukasan.
"Sa Batangas, nagyaya ang boyfriend ni Dein," ngiti ko.
"I see," matamlay niyang sagot. Muli niyang dinutdot ang cherry tomatoes hanggang mag-squirt ang juice niyon. Palihim siyang nag-angat ng tingin kay daddy at palihim na kinuha ng tissue ang ikinalat niya.
"Kung bakit naman kasi...hindi ka na lang mag-stay dito sa bahay at mag-aral, Keziah?" Bumuntong-hininga na naman si mommy at nagpatuloy sa pagkain.
Natigilan ako at napatitig sa sarili kong plate. Hindi ko inaasahan 'yon pero sanay na 'ko sa gano'ng ugali ni mommy. Papayagan ka pero magsa-suggest ng bagay na dapat mong intindihin kaysa gumala. Hindi ko pwedeng sirain ang mood ni mommy kung gusto kong makaalis. Pakikinggan ko na lang ang sasabihin niya para sa huli, makasama pa rin ako kina Dein.
"Hindi maganda ang resulta ng exam mo no'ng Monday kaya dapat, bumawi ka ngayong parating na week," dagdag pa niya saka muling bumuntong-hininga na para bang gano'n kabigat ang mababang score ko. "Bilang med student, dapat focused ka sa studies. Wala ka na sa high school, honey. 'Yang gala, pwede mo 'yang gawin kapag nakatapos ka na. Kahit araw-araw pa."
"Your mom is right, Keziah," sumang-ayon pa si daddy. "I'm sure magiging cum laude ka in the future and all of your efforts will be rewarded. For sure, hospitals ang maghahabol sa 'yo kapag nangyari 'yon. You need to be prepared at every step of the process, anak, it's for your own good."
Para sa isang gabi ng pagsama sa best friend ko, gano'n na karami ang sinabi nila. 'Sabagay, may point naman sila. Dahil sa mababang score ko nang nakaraang exam, dapat na mag-aral na lang ako kaysa gumala. Pero kailangan ko ang gala na 'to ngayon. Kung dati ay nakokonsensya ako at pinipiling sundin ang sinasabi ng parents ko, gusto ko namang pagbigyan ngayon ang sarili ko. I need a breather.
Kung kinakailangang triplehin ko ang pag-aaral para mapaghandaan ang exam sa parating na Monday, gagawin ko. Dahil mas marami pa rito ang masasabi nila kapag mababa ulit ang nakuha ko sa susunod.
Hindi ako sumang-ayon, hindi lalo ako sumagot. Panay lang ang ngiti at pagtango ko sa mga pangaral nina mommy at daddy. Kaya sa huli, sinabihan nila akong bumawi sa susunod kong score.
"Ate Kez?" kumatok si Kim at dumeretso na papasok sa room ko.
"Yes, Kim?" nakangiting sagot ko. Naro'n ako sa vanity at tinatapos ang pag-aayos ko. Nakangiti niyang tiningnan ang suot ko. Tumayo ako at hinarap siya. "Yep?"
"Yacht party 'yon, ate, right? Bakit ganyan ang suot mo?" tanong niya.
Nawala ang ngiti ko, binalikan ng tingin ang sarili sa salamin. "Why, what's wrong with my outfit?"
Nagtataka siyang tumawa. "Bakit hindi ka mag-dress, instead diyan sa pantsuit, ate?"
Umirap ako. "Akala ko naman kung ano. Why not? Dito ako comfortable, Kim. Besides, ayaw kong nakikita ang balat ko." Nginisihan ko siya at umikot sa kaniyang harapan. "How do I look?"
Bumuntong-hininga siya saka natatawang umiling. "Hindi bagay ang lip tint mo sa kulay ng pantsuit."
Umirap ako. "Whatever, Kim." Kinuha ko ang yellow sling bag ko at dumeretso na sa 'baba. "Sa bahay nina Dein ako dederetso, I'm gonna leave my car there."
"Enjoy, ate."
"Thank you, sis!" nag-flying kiss ako sa kaniya bago tuluyang bumaba.
Nagpaalam ako kina mommy't daddy at muling tiningnan ang sarili sa salamin nang makasakay sa kotse. Pinakatitigan ko ang lip tint ko saka nagbaba ng tingin sa asul kong pantsuit. Gustong-gusto ko ang pagka-light blue nito, katamtaman lang, malamig sa mata. Maging ang sapat na looseness ng blazer at pants, mas pinatatangkad akong tingnan. Sa paningin ko ay bumagay rin ang bright orange kong inner sequin sleeveless, at gold flared heels.
Nagkibit-balikat na lang ako at sinimulang magmaneho. Noon pa man, magkaiba na ang taste namin ni Kim sa fashion. Although, aminado akong mas mahusay siyang manamit, makaagaw-pansin, parating mukhang mamahalin at tanggap kong mas maganda siya kaysa sa 'kin.
"Bes!" magandang ngiti ni Dein Leigh ang sumalubong sa 'kin nang makarating.
Pero nakita kong magbago 'yon nang tingnan niya ang kabuuan ko. She was wearing an all white criss cross halter top and see-through trousers, a rounded rattan sling bag and flip flops. May malalaking kulot din ang dulo ng hanggang balikat niyang buhok at bukod sa natural na mapupulang pisngi, kulay peach ang kaniyang labi.
Hindi ko na lang siya pinansin nang ipagkunot-noo niya ang outfit ko. Lalo na nang akayin niya na lang ako papunta sa pamilyar na SUV ni Randall.
"We're leaving already?" tanong ko.
"Yeah, you're just right on time." Binuksan niya ang backdoor ng Lexus SUV ni Randall at pinasakay ako. "Hon, bes is here na."
"Good evening," bati ko.
"How are you, Keziah?" 'yon pa lang ang tanong ni Randall, naaasar na 'ko. Hindi dahil sa tanong kundi sa nakakaloko niyang ngisi habang naroon sa passenger's seat. "You look..." ilang beses siyang kumurap nang daluyan ng paningin ang kabuuan ko. "Colorful tonight..." patuloy niya.
Matalim na irap na lang ang sinagot ko sa kaniya saka bumaling kay Dein Leigh. "Akala ko hindi ako papayagan kanina," buntong-hininga ko, sinabay sa pagkausap ni Randall sa driver ang pagkukwento para hindi siya makiusyoso. "Masama pa rin ang loob ni mommy sa score ko no'ng Monday."
"I'm sorry, no offense meant but I don't get you and your parents, bes. We only have 24 hours to live each day, we can only spend a few hours studying or else, we'll miss out on other things."
"You know I don't care about other things."
Bumuntong-hininga siya. "Mataas ang score mo kaya ano'ng mababa ang sinasabi mo diyan? That's 94 points out of 100, bes. 'Yong nakakuha nga ng passing grade na 80, nag-inuman pa at nag-party. Ikaw na naka-94, parang bumagsak na buong sem? Psh!"
Hindi niya ako naiintindihan sa t'wing ito ang problema ko. "Look, your grades may not be perfect but they are really good and you're doing really great, Keziah. I actually envy you kasi sobrang talino mo. Wala nga akong tinanong sa 'yo na hindi mo nasagot nang tama. And in fact, pati professors natin, nacha-challenge magturo dahil sa students na tulad mo. Kaya 'wag mo masyadong i-pressure ang sarili mo, okay?"
Napabuntong-hininga rin ako. I don't think maiintindihan niya ako o kung may makaiintindi pa ba sa 'kin bukod sa kapatid ko. Kontento si Dein Leigh sa grades niya; ako, hindi. Matatanggap ko ang isang mali pero ang anim, hindi.
Sinulyapan ko si Randall, sa takot na baka naririnig nito ang usapan namin ni Dein Leigh. Abala ito sa cellphone, may binabasa na nakapagpapasalubong sa mga kilay niya. Hindi ko siya pinansin, ang mahalaga sa 'kin, hindi siya nakikinig sa usapan namin.
Alam ko kung gaano katalino si Randall. Ang totoo, panlaban sa kung saan-saang school ang utak niya pagdating sa pag-aaral. Isa siya sa pinagmamalaki ng SIS. Ayokong malaman niya ang scores ko, siguradong pagtatawanan niya lang ako.
"Ano nga palang meron? Bakit may pa-yacht party 'yang loko-loko mong boyfriend?" bulong ko. "Hindi naman twice a year ang birthday niya, 'no?" biro ko.
Humalakhak si Dein Leigh. "Alam mo namang simula nang maging kami, nagbago na siya. Pero mahilig pa rin siyang mag-party," iiling-iling na kibit-balikat niya. "Of course, to hang out with his friends, to relax and enjoy his life. Wala nang ibang dahilan."
Nakangiwi akong tumango. "Hindi siya nagbago, kung gano'n. Ikaw lang ang bago, dumating ka sa buhay niya pero tuloy-tuloy pa rin ang dating ginagawa niya."
"Except ang mambabae," sigurado niyang sagot.
"Kung wala kang nahuhuli, eh, baka nga," nakangiwi kunyaring sagot ko.
"Ano ba, bes! 'Wag mong sirain ang gabi ko."
"I was just kidding." Nagtawanan kami.
"Pero eversince umalis sa SIS 'yong kakompetensya niya sa class, gumanda ang mood niya."
"Bakit kasi nagpapaapekto siya sa kakompetensya niyang 'yan kung alam niyang magaling siya?"
"Ay...coming from you talaga, bes? Alam mo, kung tutuusin, pareho kayo ni Randall. Parating gusto na nasa top, gusto ng high grades, hindi nakokonteto sa mataas na scores at kompetensya ang tingin sa pag-aaral. Ewan ko ba sa inyo, hindi ko kayo ma-gets. You guys are only pressuring yourselves."
Umirap ako. "Palibhasa, understanding ang parents mo."
"Hindi na 'ko makikipagtalo sa 'yo, bes. For as long as you're doing great, pasalamatan mo ang sarili mo sa lahat ng efforts, Keziah. 'Wag kang harsh sa sarili mo."
May kalayuan ang pinuntahan naming port sa Batangas kung saan naro'n ang yacht na pag-aari ng family nina Randall. Sa dockside pa lang, alam ko na kung nasa'n ang yate nila. Dahil bukod sa nakapangalan 'yon sa kanilang magkapatid, tumutugtog na ang paboritong kanta ni Randall.
"Ah, yeah!" sinabayan agad ni Randall ang kanta at sumasayaw na niyakap sa bewang ang nobya.
Napairap ako. Sa gano'ng kilos niya, loko-loko talaga siya sa paningin ko. Nakakadiri.
Sumenyas ako kay Dein Leigh na mauuna nang sumakay sa yate. Kaunti ang bisita kaysa inaasahan ko. Pero magkakakilala ang mga 'yon, bumuo ng kani-kanilang grupo habang nagkukwentuhan at umiinom.
Although simple, elegante ang setup ng malaki at luxurious na yate. May high tables and chairs sa magkabilang gilid ng large dock. Sa gitna ay may katamtamang pool na halos kakulay ng tubig-dagat sa umaga dahil sa nakapalibot na ilaw. Meron ding mga couch sa gilid ng railings. Sa gitna ay may mahabang table para sa finger foods at canned drinks. Sa tabi naman no'n ay may white backdrop designed with mixed black and gold streamers bilang photo booth. May head accessories sa maliit na high table sa gilid niyon na ang nakalagay ay Freaky Party, at banners na Freak Me, Baby na sigurado ring idea ni Randall.
Sa kabilang dulo ay naroon ang DJ na sinasabayan ang bawat malakas na beat mula sa malalaking speakers sa kaniyang tabi. Naroon din ang may kahabaang bar, at malayo pa lang, nasisilaw na 'ko sa dami ng hard drinks na naka-display sa clear cabinets.
Naglakad ako papalapit sa table at tiningnan ang finger foods. Lahat ay mukhang masarap, hindi ako makapili ng unang titikman. May veggies and dip, sweet and savory wraps, frozen fruit and berries, chocolate pockets, mini pizzas, caramel corn, granola bars, nachoz, chicken balls, cheesy dynamite, hummus and flatbread, muffins, tortilla pinwheels at marami pang iba.
"Bes!" tinig ni Dein Leigh ang nakapagpalingon sa 'kin.
Pinili kong damputin ang granola bars at nginuya 'yon habang pinanonood sila ni Randall na maglakad papalapit sa 'kin.
Nangingiting sinulyapan ni Randall ang finger foods saka muling sumulyap sa 'kin. "Let me find you a date, Keziah."
Ngumunguya ko siyang tinaliman ng tingin. "I don't need one." Muli akong kumuha ng granola bar.
Humahalakhak na sinenyas sa 'kin ni Randall ang canned beer na hawak niya. Napailing ako sabay irap. Iilang minuto ko pa lang silang iniwan, umiinom na siya ng alak. Ganito ang buhay na meron siya, at ganito rin ang tipo ng lalaki na kinakikiligan ni Dein Leigh noon pa man.
"Where are we going?" biglang tanong ko nang mag-announce ang DJ at sa isang iglap ay umandar ang yate.
"Far away from the coast, in the open sea, old lady,"mapang-asar na ani Randall.
"Excuse me?" pinagkunutan ko siya ng noo. Lalong sumama ang mukha ko nang sabayan pa siya ng pagtawan ni Dein Leigh.
"Masanay ka na sa boyfriend ko, bes," sabi pa ni Dein.
Ngumiwi ako at pinagkrus ang mga braso. "Nasasanay lang tayo sa isang tao kapag madalas nating nakikita 'to." Saka ko sinulyapan si Randall. "At yoko no'n."
Lalo pang tumawa ang dalawa. Para hindi lalo mapikon, naghanap ako ng iba pang titikman sa handa.
"Let's just enjoy the night, Kez," ani Randall. "Can you sing?"
"No," agad kong sagot.
"Dance?"
"No."
"Drink, then." Dinampot niya ang canned beer sa likuran ko at binuksan 'yon para sa 'kin.
Para manahimik siya ay tinanggap ko ang beer. Nagkatinginan kami ni Dein Leigh dahil alam niyang kahit kaya kong uminom, hindi ako pwedeng umuwi nang lasing. Kaya gaya ng dati, sumayaw-sayaw si Dein Leigh sa harap ko at palihim naming pinagpalit ang cans na hawak namin; from beer to mild ale. Hindi na napansin 'yon nang harap-harapang sayawan ni Dein ang boyfriend hanggang sa hindi na maalis sa kaniya ang paningin nito.
Napairap ako sa panonood sa kanila. Kailangan kong lumayo roon dahil hindi ako titigilan sa pang-aasar ni Randall. Kumuha ako ng plate at naglagay ng granola bars at wraps na siguradong kaya kong ubusin.
Kahit alam kong nililingon ako ng mga naro'n na maraanan ko, wala akong tiningnan maski isa sa kanila. Dumeretso ako sa bar at naupo sa high chair. Tinitingnan ko pa lang isa-isa ang bottled hard drinks, parang naliliyo na 'ko. Kilala ko ang ilan pero hindi ko pa natitikman.
Napangiti ako nang makitang may non-alcoholic drinks din na available. Nasa payat ngunit matataas na decanters ang mga 'yon.
Magsasalita na sana ako nang maunahan nang kararating lang na babae. Basta niya na lang idinamba ang sarili sa counter at tinaas ang kamay.
"Two Painkillers please!" sa tono nito, mukhang may tama na.
Kunot-noo kong nilingon ang babae. Her eyes seem glossy and drift, jaw's likely going to be hanging slack, exaggerated expression, disheveled hair and her sundress is already wrinkled. Napabuntong-hininga ako. Sigurado akong wala pa akong kalahating oras dito, ganito na ang itsura niya.
Ano pa nga ba ang dapat kong asahan sa mga kaibigan at kakilala ni Randall? Napapailing akong umirap.
"Hello? Two Painkillers, please!" kinatok ng babae ang counter dahil walang lumabas na bartender.
Muli ko siyang nilingon nang maisip ang hinihingi niya. "Are you alright?" tanong ko na lumapit pa nang bahagya sa kaniya dahil sa malakas na sounds.
"What?"
"You're asking for pain killers, are you okay? Anything I can do to help?" dagdag ko na isa-isa nang tinitingnan ang mga hindi ko napansin kanina. "You can trust me, I'm a med student."
Hindi ko inaasahang pagkukunutan niya ako ng noo. "Well, I'm an intern!" diniinan niya ang huling salita.
Umawang ang labi ko sa pagkapahiya. "I'm sorry...doc,"mahina nang sabi ko, hindi sigurado kung narinig niya. Pero muling tumaas ang kilay ko. "I was just concerned, okay? No need to be angry."
Psh! Bakit ba hindi ko naisip na puro doktor ang kaibigan ni Randall?
Pero muli akong natigilan nang halakhak na ng lalaki ang tumugon sa 'kin. Sabay kaming napalingon ng babae nang may lumabas na bartender. The world ceased to exist when my gaze met his. It felt like something strange is happening while we're staring at each other; like a strong, unimaginable enegry hitting my chest coming right from him. At that very moment, something inside me, keeps telling me that we're both feeling that same strange thing. But I couldn't look into his eyes longer, I had to look away, only to gaze back at him. Hindi niya inalis ang paningin sa 'kin.
Wait...what?!
"Hi, Keziah," ang nakakalokong ngiti na ni Bentley ang sumalubong sa 'kin.
Umawang ang labi ko, hindi makapaniwala, nang igala ko ang paningin sa kabuuan niya. He looked extremely different from the way he used to look before. And I must admit that he's devastatingly handsome tonight. Hindi ko talaga siya nakilala.
"Last time, you're a basketball player. Now you're a barkeep," sabi ko, sa takot na mahalatang kanina pa ako nakatitig sa kaniya. "Is there anything you can't do?"
Pinagkrus niya ang mga braso, dahilan para mahapit ang parehong manggas ng white long sleeves niya. "Nothing, I surmise." Ngumiti siya, lalong nangunot ang noo ko. Saka siya sumenyas na maghintay ako bago bumaling sa babaeng katabi ko. "Two Painkillers, I got you, Skittles." Kinindatan niya ito saka kumilos.
Skittles? Kilala niya ba 'to?
Muli akong napahiya nang makita ang Painkillers nang simulang timplahin sa harap namin. Kung hindi lang bar 'yon, iisipin kong isa lang 'yong juice drink. Nilingon ko ang babae sa tabi ko na nawala yata ang tama at titig na titig na kay Bentley. Sa halip na drinks ang tingnan, ang mga mata niya ay naro'n lang sa mukha ng bartender.
"Enjoy your drink," nakangiting ani Bentley nang ilahad sa maliit na tray ang order ng intern.
Lalong lumapad ang ngiti ng babae, mas namumula na kompara kanina. "I'm Atasha," inilahad nito ang kamay at nakapangalumbabang tumitig kay Bentley.
"Scott."
"Scott...nice name." Iba na ang paraan ng pagkakangiti at tingin ni Atasha kay Bentley.
Scott, psh. Nag-iwas ako ng tingin. Babaero! Nilingon ko sina Dein Leigh. Lalo lang yatang sumama ang mukha ko nang makita na naman si Randall na malanding sumasayaw. Panay ang halik niya sa leeg at balikat ng best friend ko, at kung saan-saan dumarapo ang palad.
Kung hindi lang marahil si Dein Leigh ang kasama niya sa dance floor, pinandirihan ko na siya. Malayo siya sa kilalang Echavez na matalino, disiplinado at hinahangaan ng marami sa t'wing ganito kaloko ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko malilimutang nabanggit ni Dein Leigh na bawat babae nito noon, may theme song at endearment siya. Na sa sobrang dami, siya mismo ang nalilito.
Saka ko nilingon si Bentley, at hindi ko maiwasang isipin na pareho silang babaero ni Randall. Labag man sa loob ko, aaminin kong mas gwapo si Bentley, maganda pa ang pangangatawan. Pero walang-wala siya sa linis at ayos ng pananamit ni Randall.
Hindi ko naman inaasahang titingnan din ako ni Bentley. Hindi pa ro'n nakontento. Mas lumapit siya sa 'kin, halos dungawin ang makitid na counter sa pagitan namin. Sapat na para makita ko ang nasa pagitan ng nakabukas na buttons ng white long sleeve niya. Nag-iwas ako ng tingin.
"How about a Blue Shoe?" aniya dahilan para lingunin ko siya ulit.
"What?"
"Or a Salted Caramel White Russian Mocktails maybe?"
"Hindi ko...alam ang mga sinasabi mo."
Humalakhak siya dahilan para samaan ko siya ng tingin. Pero muli lang natigilan nang mapatitig sa kaniya, ipit ang hininga. Pakiramdam ko, lahat ng parte ng mukha niyang madapuan ngayon ng paningin ko ay karapat-dapat kong hangaan. Pakiramdam ko, hindi siya 'yong Bentley na nakilala at nakasama ko nitong mga nakaraan. Pansin ko ang itsura niya noong una, pero nababalewala 'yon dahil sa paraan ng magulo at maruming pananamit niya.
He can obviously wear clean clothes and look neat, bakit marumi at gusot pa rin ang uniform niya?
"I look handsome, huh?" halos ibulong niya. He stared so intensely with...admiration and smiled.
Nainis ako nang sumang-ayon ang isip ko sa tanong niya, 'buti hindi ko 'yon nasabi. Bumuntong-hininga ako at nag-iwas ng tingin.
"Iced tea?" tanong niya muli nang hindi ako sumagot.
Pero ang isip ko ay napuno ng tanong kung bakit kailangan niya akong titigan nang gano'n? At kung tama ba ang interpretation ko sa titig na 'yon. Perhaps, it's nothing personal? He might just be admiring my makeup or...fashion style? Or maybe he's just surprised to see me? Besides, wala sa itsura ko ang um-attend sa ganitong parties. I don't wanna read his signs incorrectly. And I'm not gonna spend a single second agonizing these questions that has no conclusion.
"Are you going to drink or what?" tumatawang tanong niya nang hindi na talaga ako nakasagot. "Do you even drink?"
Sumama na naman ang mukha ko. "Of course." Nakagat ko ang labi ko, siguradong nahalata niya ang kaba sa boses ko. Nag-iwas ako ng tingin. "Umiinom ako o-occassionally."
"I'm unconvinced," humahalakhak niyang sagot, nanibago na naman ako. "You seem like you've never drunk alcohol."
"What sort of person do you think I am?"
Nakangiti siyang tumitig sa 'kin, hindi pa rin talaga kumbinsido. "Whatever."
Nangunot ang noo ko. "Nakainom na 'ko, okay?"
"If you say so." Ngumiti siya basta na lang nagtimpla sa harap ko.
Naghiwa siya ng lemon wedge. At imbes na gawing garnish, pinaikot niya 'yon sa buong rim ng cocktail glass. He then dipped the rim in a saucer of super fine sugar na nag-create ng thin crust. Sinundan ko siya ng tingin nang ilagay niya ang glass sa chiller. Bumalik siya sa harap ko at isinalin sa shaker ang brandy, Cointreau at squeezed lemon juice saka pinuno ng ice cubes. Nagsalubong uli ang tingin namin nang simulan niyang i-shake 'yon.
Ako ang unang sumuko, tinuon na lang sa shaker ang paningin dahil hindi ko na alam kung paanong lalabanan ang titig niya. Nakahinga ako nang maluwang nang balikan niya ang glass sa chiller at ini-strain niya ang drink habang sinasalin doon.
"This is Sidecar," aniya nang iabot sa 'kin 'yon mayamaya.
"Thanks," nawala ang kaba ko nang tanggapin 'yon.
Hindi nalalayo sa juice ang kulay, medyo dark orange. Maamoy ang lemon at nagbigay ng smokey effect ang super fine sugar sa buong bibig ng glass.
Hinawakan ko sa stem ang cocktail glass at marahang inikot 'yon sa ilalim ng pang-amoy ko. Nagkasalubong ang paningin namin ni Bentley nang simulan kong tikman 'yon. I don't know exactly how to describe it's taste but you can imagine a fruity whiskey balanced with lemon.
Tatango-tango ko siyang nginitian. "Masarap," napalunok ako nang malasahan sa huli ang Countreau at brandy.
Umangat ang gilid ng labi niya. "So, why are you drinking?"
Nangunot ang noo ko. "Dahil binigyan mo 'ko, duh?"Ngumiwi siya. "Marunong ka ring mag-mix ng drinks,"tatango-tango kong sinabi habang naro'n ang paningin.
Aaminin kong humanga ako. Kailan lang nang mapanood ko siyang mag-basketball at masasabi kong magaling talaga siya sa sport na 'yon. Aside from that, para sa tulad niyang top one sa exam, hindi ko alam kung paano pa siya nagkaroon ng oras matuto nang ganito. Kasi kahit no'ng Nursing student pa lang ako, parang wala akong oras parati. Lahat ng panahon at atensyon ko, napupunta sa pag-aaral. Gaya ng dahilan ng parents ko kanina, tumatak na sa isip kong sandali lang ang pag-aaral. Magagawa ko lahat ng gusto ko oras na makatapos ako at maabot ko ang aking mga pangarap.
"So, you came here with your friend?" aniyang nakatanaw sigurado kay Dein.
Nakumpirma ko 'yon nang sundan ang tinitingnan niya. Hindi pa rin humihinto sa pagsasayaw ang best friend ko at boyfriend niya. May dumaang server sa gawi nila at sabay silang dumampot ng drinks sa tray nito.
"Yeah, this is Randall's party, her boyfriend," sagot ko na ang paningin ay binalik na sa sariling drinks.
"I know, of course, he hired me."
Nag-angat ako ng tingin kay Bentley. Until now, curious pa rin ako kung paano siyang nakapasok sa BIS at nakapag-transfer sa SIS. I don't want to judge him pero siya lang talaga ang nakilala kong nasa ganitong sitwasyon at nakapasok sa International school. Natatandaan ko kasing 'yong mga nakilala kong scholars, nakakaangat pa rin sa buhay.
"Are you friends with Randall?" tanong ko.
"Not really. Actually, he hired a friend of mine. That friend needed someone to accompany him which happens to be me. I know a lot about drinks, obviously." Isinenyas niya ang iniinom ko, napakayabang.
Palihim akong umirap at pinagpasalamat na may lumapit na lalaki sa bar para um-order. Nawala siya sa paningin ko at tinimpla ang order nito.
Naisip kong umalis na. Nilingon ko sina Dein Leigh, iba na ang kausap niya. Isa siguro sa mga kaibigan ni Randall na kakilala niya rin. Hinanap ko naman ng tingin si Randall na agad ko ring nakita, nasa gilid siya ng pool at nagse-cellphone. Gaya kanina, masama ang mukha niya habang nakatingin sa screen niyon.
Nilingon ko ang iba pang naro'n, naghahanap ng pwedeng makausap pero wala akong kakilala. Halos wala akong mapamilyaran.
Saan kaya ako pwedeng mag-stay if ever? Ginala ko ulit ang paningin, naghahanap ng spot na pwede kong tambayan para makalayo na sa bar na 'to.
"So, why are you drinking?" Awtomatiko akong humarap kay Bentley nang itanong 'yon.
Bakit gano'n ang naging reaction ko? Gano'n kabilis ko na lang siyang hinarap. Gayong kaya ko nga tinalikuran ang bar ay para maghanap ng mapupuntahan para makalayo na rito.
"Nothing," sumimsim uli ako sa glass. "Party 'to, ganito ang ginagawa ng mga tao so, bakit kinukwestyon mo 'ko?"kaswal kong sagot.
"Do you aim to get drunk?"
Nangunot ang noo ko. "Of course not. Papatayin ako ng parents ko kapag nangyari 'yon." Hindi ko nakontrol ang bibig ko nang sabihin 'yon. Nag-iwas ako ng tingin at muling uminom. "Bakit ba nagtatanong ka?" nainis ako.
Humalakhak siya. "Just curious." Nilingon niya ang iba pang bisita. "People drink for certain reasons," aniyang nilingon ang grupo na nasa kaliwa. "Some people drink because it's exciting, they're more likely seek to feel drunk."
Saka siya lumingon sa mga nasa kanan. "There are others who drink to celebrate, but I guess they're just trying to fit in to avoid indifference."
Saka siya muling tumingin sa 'kin. "But most of the time, people drink to either forget something or they want something." Kung hindi lang siya seryoso, iisipin ko nang loko-loko siya dahil sa huling sinabi.
"Wala ako sa mga binanggit mo." Nag-iwas uli ako ng tingin.
Pero naisip ko ang mga sinabi niya bago tapusin ang huling linya. Naisip ko kasing kaya niya binalik ang paningin sa 'kin, dahil nahulaan niya ang dahilan ko.
Psh! Matalino siya pero hindi naman siguro siya marunong magbasa ng isip ng iba. Lasing ka na ba, Keziah?
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top