CHAPTER NINE
CHAPTER NINE
"TOP NINE..." Hindi makapaniwalang sabi ko habang binabasa ang pangalan ko na halos umabot sa pinakailalim ng unang listahan.
Top...nine... lang. Napapikit ako at binalot agad ng kaba.
Nasa una at pinakataas na list ang names ng top ten. Ang iba pang rankings ay nasa sumunod nang lists.
Ninety-one lang ang score ko. Ang nasa mas mataas na ranking ay may tatlong points na agwat. Ang top five ay ninety-four points, ang dati kong score. Ang masakit pa ro'n, may almost perfect ang score, 99. Hindi lang isa kung hindi dalawa pa.
Inulit ko ang pagbabasa sa listahan para masigurong tama ako. Kinusot ko ang mga mata ko para makumpirmang ako nga ang naro'n sa ibaba.
Tumili nang malakas si Dein Leigh, nabulabog ang ibang naro'n sa sobrang lakas. "Pasok ako sa top twenty! Yes! Yes!" Hindi mabilang kung ilang beses siyang sumuntok sa hangin sa sobrang tuwa.
Nakapako man sa top ten list ang paningin ko, sa sarili kong pangalan, nakita ko kung paano siyang nagtatalon sa tuwa.
"Bes! Bes! Top eighteen ako!" Tumili uli siya. "Eighty-seven ang score ko!"
Napabuntong-hininga ako. Kung bumaba siya ng dalawang points, passing grade lang iyon. Kung bumaba siya ng tatlong points, failed siya. Ang ranking niya ay doble ng sa 'kin. Pero sa itsura ng best friend ko, parang siya ang may pinakamataas na nakuha. Sobrang saya niya at nakakainggit 'yon.
Hindi na 'yon ang unang exam result. Pero hindi ko maintindihan kung bakit gano'n. Sigurado akong nasa mga inaral ko ang lahat ng lumabas na topic. Confident din ako sa mga sinagot ko. Na kahit pa sumama ako sa party ni Randall, sigurado akong hindi magkakamali.
Nakangiti ko ngang pinasa ang answer sheet ko dahil malakas ang pakiramdam ko na magtatagumpay na ako. Kaya bakit ganito lang ang rank at score ko? Bakit lalo akong bumaba?
Inis akong nag-iwas ng tingin at hindi inaasahang makikita ang list ng ibang batch. Napabuntong-hininga ako nang makita ang pangalan ni Maxwell. 100% ang score at siyang may pinakamalaking font size sa listahan. Kaya hindi na nakapagtatakang sa isang lingon ko, sa pangalan niya tumama ang paningin ko. Dahil bukod sa nanguna siya sa buong batch nila, siya lang ang nakakuha nang ganoon kataas na score sa history ng medicine sa BIS.
Lalo akong nanlumo nang maalala si Bentley. Ganoon din ang pagkakasulat ng pangalan niya nang mag-top dito noon. Pareho silang gumawa ng history sa BIS, nakakainggit.
"Bes?" tinig ni Dein Leigh ang pumukaw sa atensyon ko.
Bago pa siya makapagsalita ulit ay tinalikuran ko na ang bulletin board at wala sa sariling naglakad-takbo palayo.
Saan ako nagkamali? Bakit ako nagkamali?
Imposibleng magkamali ako. Sigurado ako na walang tanong na hindi ko alam. Lahat din ng answers ko ay pinaghirapan kong isipin. Mataas ang kompyansa ko na mataas ang makukuha ko, pakiramdam ko pa nga ay magta-top one ako. Kaya bakit gano'n?
Hindi ako bagsak pero pakiramdam ko ngayon, ako ang nakakuha ng pinakamababang score sa buong batch. Ginawa ko ang lahat para makuha ang pinakamataas na marka pero pakiramdam ko, ako ang pinakamahina sa lahat ng nag-aaral. Bakit kailangan kong maramdaman 'to sa kabila ng paghihirap kong matuto?
"Bes!" humabol si Dein at sigurado akong hindi siya titigil.
Kaya huminto ako para harapin siya. Pero hindi ko magawang tumingin sa kaniyang mga mata. "Bes..."pinigilan kong maiyak, 'ayun na naman 'yong pakiramdam na hindi niya ako maiintindihan.
Kahit na hindi gano'n ang ipakita at sabihin ni Dein Leigh, iyon na ang tumatak sa 'kin, na hindi niya ako naiintindihan. Hindi lang siya, lahat ng nakapaligid sa 'kin, gano'n ang tingin ko. Walang nakaiintindi sa 'kin.
Masaya siya sa resulta ng exam niya, at ako hindi. Ayaw kong marinig na sapat nang mataas ang nakuha ko. Ayokong marinig na makontento na ako sa ranking na meron ako. Hindi ko kailangan ng magsasabi sa 'kin na mahusay at matalino ako. Lalong ayaw ko na ikompara niya ang sitwasyon namin. Hindi 'yon ang kailangan kong marinig ngayon. Hindi 'yon ang makapagbabago sa nararamdaman kong disappointment. Dahil kahit mas mataas pa ang nakuha ko, kahit pa malaki ang agwat ng rankings namin, hindi 'yon ang pinaghirapan ko. Hindi 'yon ang inaasahan ko.
"Bes, pwedeng...iwan mo muna akong mag-isa ngayon?" hindi pa rin ako makatingin sa mga mata niya.
Sa isang buntong-hininga, ramdam kong nalulungkot si Dein para sa 'kin. Sa isa pang buntong-hininga, pinaramdam niyang suportado niya ako. Nasisiguro kong alam niya na ang nararamdaman ko at alam ko ring alam niya na wala siyang magagawa para mabawasan man lang, lalo na ang mabago 'yon.
Iyon si Dein. Kahit na madalas, pangit ang tono ng pananalita at choices of words ko, kahit pa maging bossy o demanding ako, sinusuportahan niya na lang ako. Alam kong iniintindi niya ako nang paulit-ulit kahit pa para sa 'kin, hindi niya ako naiintindihan.
"Kahit ngayon lang," mahinahong dagdag ko, kahit na ang totoo, parang sasabog ang puso ko.
Lalo akong nagbaba ng tingin bago siya tinalikuran. Nanginginig kong sinilid sa magkabilang bulsa ng uniform coat ang pareho kong kamay. Halos masugatan ko ang sariling daliri sa sobrang pagkutkot doon.
Nanlalamig ang mga kamay ko pero napakainit ng pakiramdam ng mukha ko. Lalo na ng mga mata ko. Para bang anumang sandali, bubuhos ang mga luha ko kahit ayaw kong magpakita ng emosyon.
Dumeretso ako sa faculty office, sa mismong desk ni Mr. Caballero. Nagulat ang professor pero siguradong nahulaan na ang dahilan ng pagpunta ko. Hindi na bago 'to, lalo pa at kalalabas lang ng result ng exam.
Ako lang yata 'yong student na natandaan ng professors hindi dahil sa magandang academic performance o sa pagiging matalino. Hindi ako nakilala ng mga itong mula sa Gozon clan na maimpluwensyang pamilya sa Laguna. Hindi dahil apo ako ng isa sa mga stockholder ng school. Hindi dahil ako ang tagapagmana ng Gozon United Laboratories, Inc., na isa sa pinakamalaking pharmaceutical company sa Asia, lalo na sa bansa in terms of market share.
Tumatak ako sa lecturers at professors mula noon hanggang ngayon dahil sa ugali kong sumusugod sa faculty office sa t'wing hindi kontento sa resulta ng exams ko. Tumatak ako sa lahat dahil sa pagiging demanding at bossy ko. Tumatak ako sa kanila dahil ayaw nila sa ganitong ugali ko. Aware ako ro'n at hindi ako nagbabago. Hindi ako willing magbago. Natatakot akong magbago dahil baka iyon ang maging daan sa tuluyang pagbagsak ng mga pangarap ko.
Sa lalim ng buntong-hininga ni Mr. Caballero, siguradong kukumbinsihin niya na naman ako na maayos ang performance ko. Kahit na para sa 'kin, hindi. Iniwasan ko ring salubungin ang mga tingin niya dahil ayaw ko na uling mabasa ang awa na madalas kong makita roon.
"I want to see my paper, sir," mahinang sabi ko. "Bakit ninety-one lang ako?"
Na kahit anong hina, napalingon ang ilang professors sa kabilang desks. Sigurado akong demanding o bossy na naman ang paraan ng pananalita ko, hindi ko iyon sinasadya.
"I'm sorry, sir. I just...want to see kung saan ako nagkamali," sinikap kong mas magtinig nakikiusap.
Gano'n ako kadesperada sa mataas na grades at rank, halos wala na akong consideration. Hindi ko iniisip ang mararamdaman ng professors. Wala akong pakialam kung isipin man nilang nagda-doubt ako kung na-check ba nila nang tama 'yon dahil sa paghingi ko ng result. Walang ibang mahalaga sa 'kin ngayon kundi ang makumpirmang nagkamali talaga ako.
Walang salitang inabot sa 'kin ni sir ang answer sheet. Nakatayo kong inisa-isa ang lahat ng tanong at sagot, mula sa tama hanggang sa mga mali.
"Nilagyan ko na rin ng correction para malaman mo kung saan ka nagkamali, Keziah. Sana makatulong," ani Mr. Caballero habang ang mata ko ay tutok sa papel.
Lalong bumigat ang pakiramdam ko dahil inaasahan na nga niyang darating ako. Lalong sumama ang loob ko dahil talagang iyon na ang score at ranking ko.
Nahugot ko ang hininga sa unang mali ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa papel nang makita ang mga sumunod. Gusto ko na 'yong lukutin nang mapagtanto kung gaano karami ang mali.
From ninety-four...ninety-one na lang ako ngayon... May mas nakaka-disappoint pa ba roon? Pakiramdam ko, wala na.
Hindi ko magawang tingnan sa mga mata ang professors. Kahit pa alam kong tinitingnan nila ako at pinakikinggan ang usapan namin ni Mr. Caballero. Sumulyap ako sa isa sa mga prof ko at hindi inaasahang malilingunan si Maxwell na nakatayo naman sa harap nito.
Nakatingin din siya sa 'kin, walang mababasang emosyon sa kaniyang mukha. Pero sa paraan ng pagkakatitig niya sa 'kin, para bang inaalam niya kung anong nararamdaman ko. Na para bang wala siyang ideya. Na para bang hindi niya pa naranasang magkaroon ng mali sa answer sheet. Na para bang hindi normal ang magkaroon ng ninety-one na score.
Bago pa makapagsalita si sir, nilapag ko na pabalik ang answer sheet ko. "Thank you po," hindi ko na siya tiningnan pa sa mga mata at tuluyan nang tinalikuran.
Lumabas ako at dumeretso sa restroom. Paulit-ulit kong hinugasan ang kamay ko at tinigil lang 'yon nang humapdi na ang itaas ng mga kuko.
Ang kaninang lakad-takbo ko ay mas bumilis pa nang lumayo. Pakiramdam ko ay sasabog na ang emosyon ko kahit hindi 'yon makikita sa aking mukha.
"Mukhang hindi na naman tanggap ni Keziah ang score niya," dinig kong sabi ng nadaanan kong student.
"Kailan ba nakontento 'yan sa scores niya?" anang kausap nito.
Humalakhak ang nauna. "Kailan kaya niya matatanggap na meron nang mas matatalino kaysa kaniya? This is med school, 'wag siyang umasa na siya lang ang nag-aaral nang mabuti. Hindi lang siya ang matalino at masipag."
"Well, nakikita naman sa scores at ranking niya."
Lalong kumuyom ang mga palad ko sa loob ng bulsa. Pero wala akong planong hintuan o lingunin ang mga 'yon. Wala rin akong pakialam sa sinasabi at iniisip nila.
Akala ba nila nakikipagkompetensya ako? Akala ba nila, kaya hindi ako kontento dahil merong mas matataas ang scores at ranking kaysa sa 'kin? Akala ba nila gusto kong ako ang manguna para lang mapatunayang ako ang pinakamagaling? Tingin nila, gusto kong maging pinakamatalino sa buong class, batch, o school para lang ibaba sila?
Hindi. Ni hindi ko iniisip ang iba. Hindi ako nakikipagkompetensya. Ni minsan, hindi ko tiningnan ang performance ng iba. Never kong inisip na hindi deserving ang nasa mas mataas na ranking kaysa sa 'kin. Dahil focused ako sa sarili kong score, ranking, at performance.
Gusto kong maging top one hindi dahil nakikipagkompetensya ako. Gusto kong ma-achieve iyon para sa sarili ko. Kung may patutunayan man ako, para 'yon sa 'kin, hindi para sa ibang tao.
Hindi ako kontento sa ranking and perfomance ko hindi dahil ayokong may mas matalino o higit kaysa sa 'kin. Gusto kong nang mas mataas na ranking kasi 'yon ang pinaghihirapan ko. Disappointed ako kasi hindi tumutugma ang paghihirap ko sa natatanggap ko.
Hindi ko kailanman tiningnan ang score, ranking, at performance ng iba. Nakaramdam man ako ng inggit, 'yon ay dahil hindi ko magawang magsaya at maging kontento na gaya ng iba. Pero ang makaramdam ng ganito, hindi kailanman iba ang magiging dahilan. Para sa 'kin ako lang; ako ang dahilan, ako ang may gusto, at ako rin ang nagreresulta.
Sa sobrang pag-iisip, hindi ko napansin ang nakasalubong kung hindi pa ito nabangga.
"Watch where you're going!" asik ko.
Hindi ko man lang siya naramdamang saluhin ang magkabila kong balikat. Na para bang tutumba naman ako gayong sigurado akong hindi malakas ang pagkakabunggo.
"Ikaw ang bumangga sa 'kin."
Umawang ang labi ko sa pagkapahiya. "I'm...sorry, hindi kita napansin," halos mautal ako nang makilala ang nabangga ko, si Maxwell.
Bumuntong-hininga siya nang masulyapan ang namumulang mga kamay ko, binulsa ko ang mga'yon. "It's fine."
"Excuse me," binawi ko ang sarili at saka nagpatuloy sa paglakad-takbo.
Huminto ako sa parking lot at yumuko sa mga tuhod ko. Walang nakakahingal pero habol ko ang hininga. Gano'n na lang parati ang epekto ng disappointment ko. Natatakot ako kahit walang nakakatakot, naiiyak ako pero walang lumalabas na luha.
Bakit...top nine? Bakit top nine lang, Keziah? 'Yon na ba...ang best mo?
Gusto kong isigaw ang mga tanong sa isip ko. Gusto kong pagalitan ang sarili ko. Gusto kong magbago ang performance ko. Gusto kong mapalitan ang tumitinding disappointment sa isip at puso ko.
Maaaring sa iba ay napakababaw ng dahilan ko pero para sa 'kin, napakalalim nito. Sobrang lalim na naaapektuhan ang buong pagkatao ko at ang hirap nitong ipaintindi sa iba.
Bakit? Umiling ako nang umiling. Naiiyak ako ngunit walang mailuha. Bakit lalo akong nagkulang? Saan ako nagkulang? Bakit lalo akong bumaba? Bakit mali ang mga sinagot ko? Bakit mali ang mga sagot ko? Hindi ko talaga maintindihan. Pilit kong binabalikan ang dahilan para piliin ang mga maling sagot ko.
Nang kaharap ko ang questionnaire, at hinihimay ang bawat question, sigurado akong mahuhulog sa tamang sagot. Sigurado akong walang topic na hindi ko alam. Kaya bakit ganito ang resulta?
"Mommy..." umiiyak na boses ang nakapagpalingon sa 'kin. Hindi ko namalayang may ibang tao ro'n bukod sa 'kin kahit hindi naman na nakagugulat dahil parking lot 'yon.
Napaiwas ako nang makilala ang tinawag nitong mommy, maging ang daddy nito ay naroon. Noon ko lang napagtantong si Michiko 'yong student, kaibigan ng pinsan kong si Lee Roi. Sinalubong niya ang parents na noon ay kabababa lang sa kotse.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ng mommy nito.
"Lahat po ng kaibigan ko, nasa top ten sa long quiz namin kay Sir Ciufan. Ako lang po ang wala, nag-aral naman po ako." Lalong umiyak si Michiko na agad nilapitan ng daddy niya. "Nakapasa po ako pero naiinggit ako dahil hindi ko pa nararanasang mapasama sa top."
Napabuntong-hininga ang mommy niya, hindi ko inaasahang mahinhin itong tatawa nang akbayan ang anak."Ano naman kung wala ka sa top, anak? Weekly long quiz lang naman 'yan, at hindi basehan ng future mo."
"Your mom is right. Isa pa, pwede ka namang bumawi sa susunod, hindi ba, Michiko?" nakangiti ang daddy niya na pinahiran ang kaniyang luha. "Hindi lang naman isang beses magku-quiz ang lecturer mong 'yan."
"Hindi po kayo magagalit?" humihikbing tanong ni Michiko.
"Bakit naman kami magagalit?" tatawa-tawang anang mommy niya. "Nagalit na ba kami sa 'yo?"
"Hindi po."
"Ano man ang naging score mo, matutuwa ako. Nasasaksihan ko ang efforts sa pag-aaral mo, doon pa lang, masaya na 'ko, anak."
Napangiti ako sa sinabi ng parents niya at saka tumalikod. Nakapamulsa akong naglakad papunta sa coffee shop. Lutang akong um-order ng kung ano-anong siguradong hindi ko mauubos.
Nabawasan nga ang disappointment ko pero napalitan 'yon nang matinding inggit. Bakit hindi gano'n ang reaksyon ng parents ko? Halos pareho kami ng nararamdaman ni Michiko, naiintindihan ko ang lungkot, sakit at inggit. Pero bakit hindi gano'n ang parents ko?
Pinili ko 'yong table sa dulo. Naupo ako sa pwesto kung saan wall ang makakaharap ko.
Tuluyang tumulo ang mga luha ko sa unang kagat sa banana nut bread. Pinahiran ko 'yon at inilabas ang cellphone ko. Matagal akong tumitig doon at yumuko para walang makakita sa 'king umiiyak.
Mommy...daddy...top nine po ako. Sa isip ay inakto kong sinasabi 'yon nang malungkot sa parents ko. Kasunod no'n ay in-imagine ko silang sumagot nang nakangiti gamit ang linya ng parents ni Michiko. Muling tumulo ang luha ko nang maisip na hindi mangyayari 'yon.
Lalo pa akong naiyak nang hulaan ang magiging totoong reaksyon nila. Lahat ng tanong ko sa sarili kanina, sigurado akong maririnig din sa mga labi nila. Alam ko na rin kung anong mararamdaman ko oras na marinig at makita ang disappointment nila.
Kung pinagsisisihan ko na ngayong gumala ako noong Friday, siguradong dodoble ang pagsisising 'yon oras na magsalita ang parents ko.
Pinahiran ko nang pinahiran ang luha ko gamit ang napkins. Saka kinagat nang kinagat, hanggang sa maubos ang banana nut bread. Agad ko ring sinimulang kainin ang croissant bun at sinunod naman ang panna cotta. Walang hinto, kain, inom, iyak at paulit-ulit.
Nang hindi na mapigilan ang emosyon, tinakpan ko ng parehong palad ang mukha at tahimik na umiyak kahit pa puno ang bibig ko. Hinayaan ko ang sariling lumuha, umaasang gagaan kahit papaano ang pakiramdam ko.
Nang makuntento ay saka ko inubos ang laman ng bibig ko at pinunasan ang mukha. Panay ang kalikot ko sa daliri habang nag-iisip kung paano 'yong ipapaalam sa parents ko. Kung ano ang posibleng idahilan ko para bumaba nang ganoon ang score at rank ko. At kung paano kong tatanggapin ang masakit na pakiramdam oras na makita at marinig ko ang disappointment nila.
Karapat-dapat pa ba akong maging doktor? Kung...simpleng exam lang, ganito na ang scores ko.
Nagbaba ako ng tingin sa paanan ko, pilit na pinatatahan ang sarili. Doon ko napansin ang pares ng sapatos sa labas ng glass wall sa tabi ko.
Napabuntong-hininga ako sa rumi niyon. Saka marahang nag-angat ng tingin sa nagmamay-ari na bagaman obvious naman nang nakaharap sa 'kin, nagulat pa rin ako. May hawak itong papel at idinikit sa glass wall.
Nakakaiyak ba sa sarap 'yang tinapay na kinakain mo?Iyon ang nakasulat sa papel.
"Bentley..." wala sa sariling usal ko. Inosente lang siyang nakatingin sa 'kin.
Hindi ko alam kung bakit wala namang mababasang emosyon sa mukha niya, pero lalong tumulo ang mga luha ko habang nakatingin kami sa isa't isa. Walang sinasabi at hindi ko nababasa ang kaniyang isip pero pakiramdam ko, naiintindihan niya ako at alam na agad ang dahilan ng aking pag-iyak.
Nagbaba ako ng tingin at inilingan ang sarili nang gumawa na naman ako ng sariling interpretasyon sa mga nakikita ko sa kaniya.
Hindi siya pumasok. Hindi ko rin alam kung gaano niya katagal planong tingnan ako mula sa labas. Pero hindi ko pa man nauubos ang in-order ko, tumayo na 'ko at tinapon ang leftovers saka binalik ang tray sa counter.
Lumabas ako na parang hindi nakita si Bentley. Sa isip ay inasahan ko nang susundan niya ako pero napabuntong-hininga nang gawin niya nga 'yon.
"Let's study together," hindi ko inaasahan ang sinabi niya.
Nahinto ako sa paglalakad at nilingon siya. "Why?"pinigilan kong mainis. Lalo na nang makita ang hindi ko mapangalanang emosyon sa kaniyang mukha; intindi ba o awa.
"Studying alone is boring." Ngumiti siya, 'ayun na naman 'yong epekto niyon sa 'kin.
Paano niya ako napapatitig sa ngiti niya sa kabila ng nararamdaman ko?
"Let's discover new methods from each other."Sumeryoso na siya.
"How?"
Ngumiti na naman siya, nagbaba na ako ng tingin. "See you later."
Awtomatiko ko siyang tiningnan. Pero bago pa man ako makasagot, tinalikuran niya na ako at naglakad papalayo.
Gusto ko siyang sundan para tanungin ulit. Bakit siya nagdesisyon para sa 'kin? At saan kami magkikita? Nakakainis iyong ikalawang tanong.
Hindi ko alam kung seryoso siya bagaman obvious na 'yon. Pero dahil hindi niya sinabi kung saan, pilit ko na lang 'yong kinalimutan.
Bumalik ako sa klase nang may mas magaan nang pakiramdam. Hindi na yata talaga mawawala 'yong lungkot ko. Pero mas maayos na ako ngayon kompara kanina.
Pagkain lang pala ang kailangan... Napabuntong-hininga ako nang maisip 'yon.
Naramdaman ko ang maya't mayang paglingon ni Dein habang nagkaklase. Nginitian ko siya at saka tinuon ang buo kong atensyon sa prof. Wala akong dapat na makaligtaan, para pag-uwi ko mamaya, mas maintindihan ko ang notes ko kapag binalikan.
"Umiyak ka ba?" tanong ni Dein nang matapos ang huling klase.
Alam kong kahit may oras para itanong 'yon kanina, pinili niyang ibigay ang distansya na hiningi ko. Gano'n ka-supportive ang best friend ko, basta maging vocal lang ako.
"Alam mo namang nagsasalamin lang ako kapag umiyak." Hinubad ko ang non-prescription reading specs ko at ngumiti sa kaniya bagaman ang lungkot ay nasa mga mata. "Hindi ko kasi matanggap 'yong result ng exam. Top nine lang ako."
Nakakapagod din palang sabihin ang linyang 'yon. Gano'n kung paano akong pagurin ng pakikinig sa paulit-ulit niyang papuri kay Randall. Na para bang hindi ko naman alam kung gaano ito kababaero noon.
Hindi ko na matandaan kung ilang beses ko nang sinabi kay Dein ang mga linyang 'yon. Paulit-ulit kahit pa magkakaiba ng score at rank. Nagkapare-pareho dahil hindi 'yon ang in-expect ko, at talagang nakaka-disappoint.
Ewan ko kung kailan magsasawa si Dein na marinig 'yon. Paulit-ulit niya pa rin kasi akong kino-comfort kahit pa tanggihan o hindi ko tanggapin 'yon. Alam niya ang mga ginagawa ko kahit hindi ko sabihin. Kahit nga iniisip kong hindi niya ako naiintindihan, nandiyan lang siya.
"Bes..." sa unang pagkakataon, hindi niya pinilit na okay lang ang grades ko. Na mataas ang rank ko kahit para sa 'kin, sobrang baba niyon.
"Hindi ko alam kung paanong sasabihin sa parents ko." Hindi ko na makuhang maging emosyonal. Nagagawa kong ngumiti pero malungkot ako para sa sarili.
"I'm sorry, bes kung wala man lang akong maitulong sa 'yo." Niyakap niya ako at tinapik-tapik sa likuran.
Napabuntong-hininga ako. "Malaking tulong 'yong pakikinig mo sa paulit-ulit na rants ko. Thank you, bes."
Humigpit pa lalo ang yakap niya. "Nandito lang ako lagi para sa 'yo, hindi ako magsasawang makinig."
Nakangiwi ko siyang inilayo. "Kaya pala hindi na kita nakita no'ng Friday, matapos ang party?"
Natigilan siya at nagi-guilty na tumawa. "Sorry na nga, eh! Alam mo namang pagdating kay Randall..." hindi niya maituloy ang sinasabi.
"Nababaliw ka," ako na ang tumapos. "Alam mo, 'buti na lang talaga, lumipad papuntang Thailand sina mommy't daddy. Napaniwala ko rin ang maids na inihatid mo 'ko kaya nakalusot ako." Inirapan ko siya.
"Hindi mo pa kinukwento sa 'kin kung paano ka nakauwi nang mag-isa."
"Ang mahalaga, nakauwi ako nang buhay."
Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa paglilihim ko. Pero sa huli ay nanghibabaw ang guilt niya kaya niyakap ulit ako.
"Sama ka ulit next time?" nakangising tanong niya.
"Gusto kong umoo," bumuntong-hininga ako. "Pero sa resulta ng exam ko...hindi na 'ko siguradong papayagan. Kaya hindi na muna siguro."
"You need to relax."
"Nag-relax ako, tingnan mo ang nangyari sa score at ranking ko. Psh! Saka na 'yang party na 'yan, kapag naka-graduate na 'ko."
"Ang KJ mo, bes."
"Tanggap mo naman ako, kahit gaano ako ka-boring na kaibigan," tatawa-tawa kong sinabi saka nagpaakay sa kaniya palabas.
"Susunduin ako ni Randall," ngiti na naman niya.
Ngumiwi ako. "Dadaanan ko si Kim, baka gusto niyang sumabay pauwi."
"Alright, see you tomorrow!" kaway niya saka kami naghiwalay sa hallway.
Bumaling ako papunta sa secondary campus nang mamataan na naman si Maxwell. Napapadalas yata ang pagkikita namin? 'Sabagay, hindi na nakakagulat 'yon dahil nasa iisang building at campus kami. Noong una, akala ko nasa akin ang paningin niya. Nasiguro kong si Dein ang tinitingnan niya nang tuluyang magtama ang paningin namin.
Parang wala lang akong nakita. Dumeretso ako at nilampasan siya hanggang makarating sa building nina Kim.
"Ate Kez," kumaway si Kim nang makababa.
Sinalubong ko na siya. "Pauwi na 'ko, sasabay ka ba?"
"May group study kami, ate. Hindi ako mahilig sa group study but this time, kailangan ko ng tulong sa ilang subjects. Tambak kami ng projects at hindi ako sigurado kung naiintindihan ko ba nang maayos ang ilang topics," paliwanag agad niya.
"I see. Saan kayo maggu-group study?"
"Sa library hanggang mag-close."
"Magpaalam ka rin kina mommy, okay?"
"Baka magpahatid ako kay Deib Lohr pauwi,"matamis ang ngiti niya.
"Great, hindi ko na pala kailangang mag-alala."
"Don't worry about me, sis."
"Uuwi na 'ko, kailangan ko ring mag-aral."
"Galingan natin, ate." Sumuntok siya sa hangin at ngumiti nang pagkaganda-ganda.
Gumaya ako. "Galingan natin." Pero hindi umabot sa mga mata ang ngiti ko. Hindi ko kayang itago ang lungkot na mabilis niya ring nakita.
"Are you okay, ate?"
Lalo ko pang nilaparan ang ngiti. "Oo naman."
Alam kong hindi siya kumbinsido. Daig pa namin ang kambal sa lakas ng pakiramdam sa isa't isa. Parati niyang alam kung kailan ako malungkot o may pinagdaraanan. Ako ang ate pero siya parati ang nag-a-advise sa 'kin para maging mas matatag.
"Mababa na naman ang nakuha kong score, lalo ring bumaba ang ranking ko kaya ganito ako." Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko. "Natatakot akong magsabi kina mom and dad pero...nandito na. Hindi ko na mababago 'yong results kaya kailangan ko na lang lakasan 'yong loob ko. Gagayahin muna siguro kita ngayon, pipilitin kong maging matatag like you, Kim. And of course, babawi ako next week."
"Ate..." Lumapit siya at niyakap ako. "I can skip our group study and come home with you. I can study at home and alone naman, ate. Wait, I'll just tell my groupmates."
"No," pinigilan ko siya. "I'm fine, ano ka ba?" na-touch ako sa kaniya. "Believe me, I'm okay, Kim."
Alam kong gusto niya pang itanong kung sigurado ako. Pero sa isang ngiti ko, kunyaring kumbinsido na siya.
Hinatid ko ng tingin si Kimeniah papasok sa library. Nang hindi na siya nakikita ay saka lang ako naglakad papunta sa parking lot. Doon ko na nailabas ang totoong emosyon sa mukha ko.
Nakangiti ako sa harap ng kapatid ko pero ang totoo, inggit ang nararamdaman ko. Pareho kaming pressured sa parents. Pareho rin kaming may mataas na expectations sa grades. Pero hindi ko kayang ngumiti na gaya ng sa kaniya. Hindi ko kayang mag-enjoy gaya ng ginagawa niya.
Kompara sa 'kin, kaya ni Kim na pakinggan na lang ang parents namin. Kaya niyang ngitian at tawanan lahat ng pressure. Kaya niyang labanan ang anxiety at doblehin ang efforts niya. Kayang-kaya niya ang lahat at proud ako sa kaniya dahil do'n.
Nag-play ako ng music habang nagmamaneho pauwi, umaasang kahit papaano, mababawasan ang iniisip ko.
Pero malayo pa lang, napatitig na ako sa harap ng gate ng village nang mapamilyaran ang student na nakatayo roon.
Bentley?
Nag-panic ako nang makilala ito, at mabilis na nag-park, may distansya sa gate.
"Hey!" inis kong tawag na agad niyang nilingon.
"Hey, bestie," lumapit siya at ngumiti nang nasa batok ang kamay.
"Ano'ng...bestie?" asik ko.
Inosente siyang nagtaka. "We're already friends, remember?"
"What are you doing here?"
"I was waiting for you, obviously." Nilingon niya ang pinanggalingan, sarkastiko.
"Who told you to come here?"
"May usapan tayo, remember?"
"Did I say yes?"
"Do I need your yes?"
"You're crazy! Leave, or you'll get us in trouble."
"I thought we're going to study together?"
"Wala akong sinabing gano'n! Isa pa, sinabi ko sa 'yo na kaya kong mag-aral nang mag-isa."
"Bumaba ang ranking mo, Keziah. C'mon."
Natigilan ako at inis na napatitig sa kaniya. "Paano mo nalaman 'yon?" Hindi niya ako sinagot kaya inis kong hinila ang sleeve ng uniform niya. "t ano'ng karapata mong alamin 'yon, Bentley?"
Ang siraulong ito, ngumiti pa sa hindi ko malamang dahilan! "You say my name like a lover; soft, sweet and smart."
"Paano mo nga nalamang bumaba ang ranking ko?"
"Connections."
Magtatanong sana uli ako nang mapansin ang guards na nakatingin sa kotse ko. Hinila ko ang uniform sa tagiliran ni Bentley at minadali siyang sumakay.
"Get in." Pinayuko ko si Bentley nang makasakay at tinakpan siya ng uniform coat ko, as if kakasya 'yon. I'm crazy for doing this! Oh, my gosh, ano'ng iniisip ko? Ano 'tong ginagawa ko? 'Yong ang nagpaulit-ulit sa isip ko habang kabadong nagmamaneho papasok. Bumusina lang ako sa guards at pinaharurot ang sasakyan papasok.
"Is this your house?" sinilip niya ang bahay namin nang huminto ako. "Your house is big." Noon lang siya tumingin sa 'kin. "Modern and stylish. So, where are we going to study?" Nilingon niya ang lugar.
"Next time, magsabi ka kapag pupunta ka," muling asik ko.
Magkakalayo ang bahay sa village. Kaya madali niyang nahulaan na iyon nga ang bahay namin.
"Sinabi ko na kanina, 'di ba?" kunot-noo niyang tiningnan ang uniform ko saka maayos na nilagay sa backseat.
"Malay ko ba'ng seryoso ka?"
"Mukha ba 'kong nagbibiro?"
Lalo akong naasar. "Hindi ka pwedeng pumunta na lang basta rito, Bentley," asik ko, naiinis dahil kabadong-kabado.
"Why not?" inosenteng tugon niya. "We're just going to study, I swear."
"You don't understand," inis akong sumandal at sinilip kung may lalabas na maid.
"Wala ka pang sinasabi, ano'ng iintindihin ko?"ngumisi siya. "You're like a girlfriend. Sige, pagalitan mo pa 'ko."
Nangunot ang noo ko at pinalo siya sa balikat. "We can't study together, okay? And I...don't...need...you."Mabagal ko mang sinabi, mariin at inis ang tono ko. "You can't just come here."
Pero hindi siya apektado, nginingitian pa 'ko ng gago. "Why not?"
"Strict ang parents ko." Mas mariin ko nang sinabi 'yon, halos ilapit pa sa kaniya ang mukha ko.
Saka ako muling sumulyap kung may makakapansin na maid sa kotse ko. Oras na lumabas sila, kailangang magtago uli ni Bentley. Pero hindi ko alam kung paano siya itatago. Lalong hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'to.
"Hmm?" Nangunot ang noo ni Bentley saka natawa. "Strict about what?" nakaiinsulto niyang tanong. "They don't want you to study?"
"No, hindi gano'n. May parents bang gano'n?" Hindi ko alam kung mali ang intindi niya o nang-aasar lang talaga. "They're super strict! Hindi sila papayag na mag-aral ako...nang may kasamang...lalaki."
Ngumiwi siya saka tumango. "Tell them I'm a girl, then."
"What?"
Humalakhak siya. "They're not strict, then. Just weird." Nabigla ako nang buksan niya ang pinto at lumabas. "Let's go." Nagyaya siya na para bang hindi ako kinakabahan sa sitwasyon. "Any parks? Playground?"Tumingin siya sa sidewalk at itinuro 'yon. "We can study here."
Dali-dali akong bumaba at hinarap siya. "Ano ba?"nagpapalitan ako ng tingin sa bahay at kay Bentley.
'Buti at wala ang parents ko. Kung hindi, siguradong kanina pa 'ko sinalubong ng maids dahil alam nila ang tunog ng sasakyan ko. Maswerte kami na hindi nakaramdam ang mga 'to ngayon. Kapag wala kasi ang parents ko, kailangan kong bumusina para mapagbuksan nila, at walang problema sa 'min 'yon.
"Walang pwedeng makakita sa 'yo, okay?"
"Alright," ngumiwi siya. "Wanna go somewhere, then?"
"I can't...just leave." Nag-iwas ako ng tingin. "Without my parent's permission."
"What a kid," buntong-hininga niya, sinamaan ko siya ng tingin. "Where's your room?" tanong niya na tumingala sa malaking puno na nasa harap mismo ng window sa room ko.
"That one in front. What are you going to do?"nabibigla kong tugon.
"Climb the tree to get in." Matapos sabihin 'yon ay tinalon niya ang puno. "Don't worry, I will tell nobody."
Nakaawang ang labi, pinanood ko siyang sumampa sa mga sanga, walang kahirap-hirap, swabe at tama ang balanse. Hanggang sa mabuksan ang bintana ng kwarto ko at makatuloy nang walang effort.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top