CHAPTER FOUR
CHAPTER FOUR
"YOU'RE FRIENDS with that kind of guy, Keziah?"
Gano'n agad ang tanong ni mommy nang makarating kami sa bahay. Natigilan ako hindi lang dahil sa tone of voice niya kundi maging sa facial reaction niya. Hindi ko maintindihan.
Hindi naman sa kinakampihan ko si Bentley because I'm not really friends with him. But what's wrong with that guy? Yeah, he may look untidy and kind of messy, but that's not enough para mag-react nang ganito ang mommy ko. Na para bang gumagawa naman nang masama 'yong tao para layuan ko at kuwestyunin ang pagkakakilala ko rito.
"Hindi ka dapat nakikipagkaibigan sa gano'ng lalaki, Keziah," nangangaral niyang dagdag, lalo akong natigilan.
"What do you mean, gano'ng lalaki, mom?" may diing tanong ko.
Nilingon ako ni mommy na para bang ang stupid ng tanong ko, hindi na dapat ako nagsalita. "Hindi mo nakikita ang itsura niya?"
Kunot-noo kong in-imagine si Bentley, I know what she's talking about. Of course, I noticed it too. Bago siya husgahan ni mommy ay alam kong ako muna ang nanghusga kay Bentley and I'm not saying that it is right. But I will not tell anybody na huwag makipag-friends sa tulad niya just because he's dressed in scruffy old uniform or something. Because I have no rights to say that to anyone.
"He's just an acquaintance, mom," I don't want us to end up arguing. I gotta tell her what she wants to hear.
"Do not give that man the time of day, Keziah, you'll only encourage him to talk to you."
You're overreacting, mom. Palihim akong umirap, gano'n na lang kabigat ang pinakawalan kong buntong-hininga. "Shower muna po ako, marami akong kailangang gawin."
"Sige, sasabihan ko si Linda na dalhan ka ng snacks sa room mo."
"Thanks, mom."
Nakapikit akong sumandal sa pinto ng kwarto ko nang makapasok. Simpleng pag-uusap lang naman namin ni mommy 'yon pero naiiyak ako sa inis at hindi ko matukoy ang pinagmumulan no'n. Naghahalo-halo ang kinaiinisan ko, hanggang sa shower ay gano'n ang nararamdaman at iniisip ko.
Hindi ko matawag na judgmental si mommy dahil ginawa ko rin 'yon. Hindi ko rin masabi na hindi niya kilala si Bentley para pagsalitaan nang gano'n dahil pareho lang kami. Ganito lang siguro ang pakiramdam ko dahil pati ang pakikipagkaibigan o pakikipagkilala ko ay pinangungunahan ni mommy. Bukod sa aksidente lang naman talaga kaming nagkita ni Bentley sa harap ng village kanina.
Natigilan ako habang tinutuyo ang buhok ko at napatitig sa sarili mula sa salamin.
What is he doing there anyway?
Napansin ko na nandoon siya sa harap ng village namin pero 'yong exclusive village sa harap ang tinitingnan niya, ang The Venice. It's obvious, parang may hinihintay siya o inaalam sa village na 'yon, gano'n ang dating sa 'kin ng itsura niya kanina. Pero ano nga kaya ang meron do'n?
Nagbihis ako at kinalimutan na ang tungkol kay Bentley. Kailangan kong mag-focus sa assignment ko dahil isa 'yon sa pinakaayaw kong subject. Although weekend naman na tomorrow, I want to finish it as early as possible. I don't want to stress myself lalo na at may plan akong bumili ng new books and CD's sa mall bukas.
Hinatiran ako ni Linda ng baked macaroni at apple juice mayamaya lang. Isa sa ayaw ko sa helper naming ito, parati niyang naiiwang bukas ang pinto, saang kwarto man siya pumasok. Nangyayari pa 'yong madalas kapag sobrang tutok ako sa studies ko, na ang simpleng paglingon sa naiwan niyang bukas na pinto, pinapainit ang ulo ko.
"I'm happy na inuuna mo ang studies mo pero huwag mo nang pakawalan si Deib Lohr, hija. Bagay na bagay kayo."Tumayo ako para isara sana ang pinto pero natigilan ako sa sinabing 'yon ni mommy. I'm sure si Kimeniah ang kausap niya. "He's still courting you, right?"
"Yes, mom," masayang tugon ng kapatid ko.
"He's a good guy. I hope your sister..." Tuluyan ko nang isinara ang pinto at hindi na tinapos ang idinugtong ni mommy.
Hindi ko na alam kung ano ang uunahin, studies o ang makahanap ng lalaking papasa sa standards nila. They want me to focus on my studies but at the same time, they kept on asking me if I'm dating someone. Or if there is a guy who's courting me or showing his interest in me. But there was none.
Hindi gaya ni Kimeniah, hindi ako ligawin, hindi ako gustuhin eversince. In fact, boys hated me, well, that's what I think. At first, of course, nagtataka ako. I always ask myself, what's wrong with me? I questioned my looks; my self-esteem went really low. I got conscious and awkward. I felt how plain and dull I was.
Pero sa pagdaan ng panahon, boys na mismo ang nagsasabi sa 'kin ng reason. I looked so masungit daw and sobrang intimidating. They don't even wanna be friends with me kasi parang parati raw akong magagalit o tatanggi. So, I realized, that's good din pala. At least, I never experienced being bullied by boys just because they see me as a weak female student. Although, they treated me as if they see me as an evil student na parang may gagawing masama parati kaya ilag sila sa akin.
It's all good though, I don't want anyone to see me as marupok na babaeng maghahabol at iiyak dahil lang sa kanilang itsura o estado sa buhay. I don't wanna be that kind of woman. I don't deserve a guy who'll show his interest at first, express his so-called-love, then makes me cry in the end. I can't imagine myself hurting for someone just because they like me or I like them. I mean, it was supposed to feel good, so why in love people...cry and get hurt? A waste of time, is it not?
Kaya siguro hindi ko pa naranasang may mag-confess sincerely sa akin. Someone tried to court me before, pero para lang sa pustahan na agad kong nalaman kaya hindi pa man ako kinikilig, wala na agad akong interest.
"Good morning," bati ko kinabukasan nang madatnan ko sina mommy't daddy sa dining table at kasamang nagbe-breakfast si Kimeniah. "I'm going to the mall to buy books and movie CD's, wanna come with me, Kim? My treat," naupo ako sa tabi niya.
"Sorry, ate. Deib Lohr asked me out with his best friends and Michiko," natatawang sagot ng kapatid ko.
Ngumiwi ako. "Yeah, it's weekend, bakit hindi ka sumama?"
"May group study kami ng groupmates ko, kapapaalam ko lang kina mom and dad. So, sabi ko kay Deib Lohr later na lang, after ng group study. But we're planning to go alone, magmumukha na naman kasing chaperone si Lee Roi kapag lumabas kaming lima."
Sabay-sabay kaming natawa, including mom and dad. Sa ilang taon na panliligaw nina Deib Lohr at Tobi kina Kimeniah at Michiko, maraming beses na silang nag-date. Parati na lang chaperone ang pinsan naming si Lee Roi. Serious type si Lee, kina Tob at Deib Lohr lang talaga siya nakikipagbiruan at madalas na sarcastic sa hindi niya lubos na kilala. Although siya ang matured mag-isip sa kanilang tatlo, Deib Lohr is extremely immature while Tob was childish. Wala pa akong nababalitaan na may ipinakilala si Lee Roi na girl sa parents niya. O kung meron man, I'm not sure kung may oras ang parents niyang makilala ito. I believe they're the busiest parents in the whole world together with my mom and dad, psh.
"I see. I can drop you off, where exactly are you going?"
"No, it's okay, Deib Lohr's going to pick me up, Ate Kez. Magkaiba tayo ng way."
"That's nice," nakangiwi akong tumango at tumutok na lang sa breakfast ko. Honestly, sometimes I wonder, how does it feel to be asked on a date by someone.
Magtapos mag-breakfast ay tinawagan ko si Dein Leigh dahil baka gusto niyang sumama. Sila lang naman ni Kimeniah ang nakakasama ko, sila lang din ang naituturing kong best friends. But she has a plan with Randall so I have no choice but to go alone today.
Gaya ng paalam ko, pumunta ako sa mall nang hapon ding 'yon. Naunang umalis sa 'kin si Kimeniah pero dahil nagre-ready ako nang sinundo siya, hindi ko naabutan si Deib Lohr. Dumeretso agad ako sa book store nang makaalis, dahil sa tagal kong pumili ng bibilhin, ayaw kong abutin ng dilim.
Sa dami ng usong libro ngayon, hindi ko alam kung alin ang pipiliing bilhin. Kailangan kong i-balance ang school books at novels, of course. Mas marami dapat akong oras to study. Pero oras na magbasa ako ng novels at nalunod sa ganda ng story, sobrang hirap nang bitiwan no'n.
Gano'n din karami ang movies na gusto kong panoorin. Bukod sa wala akong oras manood ng sine, I'm not willing to watch a movie alone. Kaya bumibili na lang ako ng CD's at pinanonood 'yon sa bahay.
"Keziah?" pamilyar na tinig ni Randall ang nakapagpalingon sa 'kin.
Naibalik ko ang CD na tinitingnan ko matapos siyang lingunin. "Hey," ngumiti ako.
"What's up?" nakangiting sinulyapan ni Randall ang stand na katabi ko.
"I'm good, how are you?" tiningnan ko ang kabuuan niya. "I thought you're going out with Dein Leigh?"
"Yeah, we ate lunch together. Where were you? You should've joined us."
Ngumiwi ako. "Ayaw kitang kasama."
Tumawa siya as if I was joking when I really mean it. I only enjoy his company once ang topic ay may kinalaman sa studies. He's sharp and undeniably brilliant but his humor sucks and disgusting.
"What are you doing here anyway?" aniya nang matapos ang halakhak.
"Obviously," dumampot ako ng panibagong CD at sinenyas sa kaniya. "How about you?"
Nagkibit-balikat siya. "I saw you so lumapit ako. I saw Deib Lohr too, I met your sister."
"Yeah," itinuon ko lang ang atensyon sa CD's. "Go home and study, then. I believe you're very busy."
"Yeah, lalo na ngayong nalipat na sa BIS 'yong kaibigan kong parati kong kakompetensya." Humalakhak siya. "My dad is expecting so much from me."
"Kaibigan?" pinagkunutan ko siya ng noo.
"You'll surely know him soon," humalakhak siya. "Besides, he's widely known for his skills and intellect."
"A threat, huh?" ngumisi ako.
Ngumiwi siya. "I've accepted the fact that he's unceasingly diligent in pursuit of a degree in medicine. We're cool, though."
"Of course, now that you've got higher chances in getting the highest distinction you've been wanting to achieve," pang-aasar ko sa kaniya. Hindi ko inaasahang maaalala si Bentley. "Well, 'yon ay kung walang pumalit sa kaniya." Saka ako ngumisi.
"What do you mean pumalit?" humalakhak na naman siya saka ako pinagkunutan ng noo.
"Wala," ngiwi ko. "Umalis ka na, inaabala mo 'ko."
"Ha!" mayabang siyang tumawa. "You are so aloof. Fine, I'll see you around." Kumaway siya ng paalam, iniripan ko lang siya bilang tugon saka muling itinuon ang atensyon sa ginagawa.
Hindi ako nagtatagal sa mall. Kung ano lang ang plano at sinadya ko ro'n, 'yon lang talaga ang ginagawa ko. Wala nang iba. Kaya matapos bumili ng movie CD's at albums nina Jaya, Regine Velasquez at Nina ay nagdesisyon na akong umuwi. Kontento na rin ako sa limang International novels na binili ko sa book store. Good for a month or two na sa akin ang mga ito.
Plano kong simulang basahin ang libro ngayon at manood hanggang sa makatulog mamayang gabi. Dahil bukas ay kailangang tutukan ko naman ang school topics and discussions for the whole week next week. That's my weekend routine.
Sinalang ko sa player ang album ni Nina nang makasakay sa kotse at saka ako tumikhim nang magsimula ang unang kanta. Panay ang tapik ko sa manibela kasabay ng beat sa kanta habang nagmamaneho. Panay rin ang sabay ng bibig ko sa kanta gayong mali-mali naman ang lyrics ko, bukod sa sablay kong tono. Sa t'wing mataas ang kay Nina ay siyang baba naman ng sa 'kin and kapag mababa ang kanya ay saka ako nasisintunado. Who cares, though? I'm alone in my car right now so I can do and sing it the way I want.
Tuloy-tuloy ang byahe at nag-traffic kung kailan malapit na sa village namin. Ayos lang kasi nakasalang na ang paborito kong kanta ni Nina kaya kanta lang ako nang kanta habang naghihintay na muling umusad ang trapiko.
Pero natigilan ako sa malakas at tuloy-tuloy na busina. Sobrang ingay at nasisiguro kong hindi lang sa isang sasakyan nanggagaling 'yon. Binuksan ko ang bintana at sinilip kung ano ang nangyayari. Hindi ko inaasahang matatanawan ko si Bentley sa pinagmumulan ng ingay ng busina. Naro'n siya sa harap ng The Venice, ang kaharap na exclusive village ng Francisville kung saan kami nakatira. At mukhang siya ang binubusinahan ng kung sinuman dahil nakaharang siya sa mismong daanan.
Wala sa sarili akong bumaba at lumapit sa kanila. Natakpan ko ang aking mga tenga sa sobrang lakas ng busina. Nakita ko ang dalawang magkasunod na sasakyang papasok sana sa The Venice. Ang isa ay inis na dinuro si Bentley, habang iyong nagmamaneho naman sa unahang sasakyan ay asar na nagbaba ng bintana. Panay ang sigaw nila kay Bentley ngunit paano silang maririnig nito kung sinasabayan din nila ng busina 'yon?
Huminto sa pagbusina ang nauunang sasakyan na sinundan ng paghinto nang kasunod na sasakyan.
"Hey, you're blocking the driveway, freak!" asik ng lalaki.
Naka-basketball jersey ito gaya ng iba pa nitong sakay. Maging iyong mga nakasakay sa kasunod nitong sasakyan na panay rin ang busina ay mga naka-jersey. Pinakatitigan ko ang logo ng uniform nila at hindi ako pwedeng magkamali, taga-SIS ang mga ito.
"Bentley!" inis na tawag ko.
Inosente akong nilingon nito na para bang walang nangyayari sa kaniyang likuran. "Oh, hey, what's up?"
Umawang ang labi ko sa tugon niya saka inis na hinanap ang guard ng village. 'Ayun ang mga ito at nagkukumahog tumakbo papalapit sa gawi namin. Kakausapin ko na sana uli si Bentley nang marinig kong bumaba ng sasakyan ang isa sa mga lalaki.
"Hey!" inis nitong singhal kay Bentley. "What's your problem? You're blocking the driveway, dork!"
"Oh, sorry," tumabi si Bentley at tumanaw uli sa loob.
Natitigilan ko siyang tiningnan at saka tinanaw rin ang The Venice. "What's wrong with you?" hindi ko napigilang magtanong.
"Do you live here?" inis na namang tanong ng lalaki.
"Pare, let's go!" pagtawag ng mga kasamahan nito.
"Hey, I'm talking to you!" inis na iniharap ng lalaki si Bentley, gano'n na lang ang pagkatuliro ko. "Do you live here?"
"Oh, no, no, no," gano'n na lang kakaswal ang pagtanggi ni Bentley at walang kahirap-hirap na inalis ang pagkakahawak ng lalaki sa kaniya. "I may look rich but I'm not rich." Humalakhak siya matapos sabihin 'yon saka nagtatakang tumingin. "You're stalking me again."
"Excuse me, 'no!" naaasar kong tugon. "Ano ba'ng ginagawa mo rito?"
"Do you know each other?" inis nang baling sa 'kin ng lalaki. Sinuyod niya ako ng tingin nito saka ginawa 'yon kay Bentley.
Pero hindi na kami nakasagot nang lumapit ang guards at mag-sorry sa naka-jersey na lalaki. Dinahilan nitong may hinabol silang nakapasok na tricycle kaya nawala sa post. Sinagot naman ito ng galit na lalaki dahilan para makausap ko si Bentley.
"What are you doing here?" inis kong tanong. "Hindi ka dapat paharang-harang sa daan. Exclusive village ang mga ito," tinuro ko ang The Venice at Francisville. "Pwede ka nilang ipadampot sa pulis dahil sa ginagawa mo."
"Exactly," pagsang-ayon ng lalaking naka-jersey sa sinabi ko.
"Sorry," sinsero 'yong sinabi ni Bentley at saka muling sumulyap sa The Venice bago hinarap ang naka-jersey. "Dude, I'm really sorry. I didn't notice I was already blocking your way in."
Kunot-noong tumitig ang lalaki kay Bentley. Tiningnan nito ang agwat ng taas nila, mas matangkad si Bentley sa kaniya.
"Do you play basketball?" bigla ay tanong ng lalaki. Umawang ang labi ko at nanlaki ang mga mata.
"No," agap na sagot ni Bentley.
Nakahinga ako nang maluwang. Naisip ko kasi na yayayain siya ng mga ito at posibleng mapag-trip-an siya kung sumama. Dahil bakas ang inis ng mga lalaking naka-jersey sa kaniya.
"But I never miss a shot," bigla ay dagdag ni Bentley dahilan para inis ko muli siyang lingunin.
"Come play with us, then," anang lalaki, masama pa rin ang tingin, saka kami tinalikuran upang bumalik sa kaniyang sasakyan. "Get out of the way, freak!"
"You're kinda friendly, huh?" pahabol ni Bentley sa lalaki.
"Hey, where are you going?" inis na habol ko nang lumapit siya sa sasakyan ng mga ito.
"They're inviting me to play with them," ngumiti si Bentley at hindi kapani-paniwalang naupo sa mismong harapan ng sasakyan!
"Hey!" inis siyang tinunghayan ng lalaking humarap sa 'min kanina. "Get off my car, you fucking idiot!"
Tumalon si Bentley saka sumilip sa bintana nito. "Where am I going to ride, then?"
"That's not my problem! Out of my car, now!" Sa inis ay sabay-sabay na bumaba ang mga naka-jersey at akma nang susugod kay Bentley nang humarang ako. Ako ang kinabahan dahil sa tangkad kong ito, hindi man lang ako umabot sa balikat ng mga lalaking ito.
Naihilamos ko ang palad sa sariling mukha. I can't believe this! "He's not coming with you," sumingit uli ako sa usapan nila saka hinila papalayo si Bentley. "And I'm...I'm sorry for what he did."
"Are you his girlfriend or what?" nagbaba ng tingin ang lalaki sa 'kin.
"No!" awtomatiko kong sagot. "Of course not."
"We're cousins," nakakalokong sabat ni Bentley sabay kindat sa 'kin. Umawang ang labi ko at akma na siyang papaluin sa inis.
Nang bigla itong hinila sa kwelyo mula sa likuran ko nang lalaking naka-jersey. "Let him come with us, then."
Inagaw ko uli si Bentley at inilayo sa kanila. "No, he can't. He doesn't live here and doesn't know anyone who lives here. He's not allowed to come inside," dere-deretso kong sinabi. Gano'n na lang ang talim ng tingin ko nang marinig pa si Bentley na matawa.
"Lady, I live here," inis na nagbaba ng tingin ang naka-jersey sa 'kin. "Let this dork come with us. I'm going to teach him a lesson."
"Oh..." natatawang ungol ni Bentley. "Interesting."Pinanliitan nito ng tingin ang mga naka-jersey. "What topic?"kunyari ay talagang interesado siya.
"Sports, perhaps?"
"Come with us." Talagang pikon na ang lalaki nang talikuran si Bentley.
Gano'n na lang din kasama ang tingin niya nang sumakay muli sa sasakyan. Muli itong bumusina dahilan para magkumahog ang guard na pagbuksan sila. Muli niyang sinulyapan si Bentley at binantaang sumunod sa loob. Natawa si Bentley saka tumatangong kumaway na para bang sinasabing susunod nga siya.
Timang! "Umuwi ka na nga!" inis kong sabi. "Alam mo, mapapaaway ka sa ginagawa mo."
Napatitig siya sa 'kin, bahagyang nakangisi. "You look so worried. Hmm." Umiling siya saka natawa. "We're just going to play." Umakma siyang nagdi-dribble.
Umawang ang labi ko. "Baliw ka ba, ha?"
"What?" doon lang nawala ang nakakalokong ngiti niya.
"Umuwi ka na, pwede ba? And please, Bentley, 'wag kang pakalat-kalat sa village nang may village kung hindi ka naman dito nakatira."
"After the game."
"Are you dumb? You're only going to get yourself in trouble."
"We're just going to play."
Nangunot ang noo ko. "You said you're not playing basketball?"
"Yes."
"Paano ka makikipaglaro sa kanila kung hindi ka marunong?" asik ko. Nakakainis ang lalaking ito!
"Cousin, I don't recall saying I don't know how play."
"Ang gulo mo."
"Why are you so upset?" humalakhak siya.
"Look, they invited you because they're going to do something to you kapag sumunod ka sa kanila."
"They're from SIS."
"So?"
"They're not gonna do something stupid."
"What makes you think so? Have you seen their faces? Asar na asar sila sa 'yo."
Tumitig siya sa 'kin at natawa. "Thanks for your concern but I'm okay, I can deal with them. How about you..." itinuro niya ako saka isinenyas ang Francisville. "Go home."
Napatitig ako sa kaniya at nakagat ang labi sa inis. Sa sinabi niya, pakiramdam ko ay ako pa ang hindi dapat nakisali. Gayong nag-alala lang naman ako. Sa itsura no'ng mga basketball varsity ng SIS, talagang naasar sila kay Bentley. Lalo na nang sakyan niya ang bumper ng sasakyan no'ng isa. Sino nga naman ang matutuwa sa gano'n? Kaya imposibleng walang gawin sa kaniya ang mga 'yon. Nasisiguro kong hindi basketball ang invitation nila kung hindi gulo. Lalo na at mag-isa si Bentley at nagmukhang katawa-tawa sa harapan nila dahil sa pagiging lutang nito.
"Let's go, sasamahan kita," napapapikit kong anyaya.
"What?" aniyang sinilip ang mukha ko.
Inis akong napalayo. "Sabi ko, sasamahan kita."
Napatitig siya sa 'kin saka ngumisi nang nakakaloko. "Now you're gonna cheer for me...all right."
"Excuse me, hindi, 'no," angil ko.
Kinurot ko ang uniform niya saka siya hinila papunta sa sasakyan ko. Pero gano'n na lang kabilis ang pagtakbo ko nang marami nang naiinis sa nakaharang kong sasakyan.
"Nice car," sabi niya nang makasakay.
Sa gilid ng mata ko ay nakita ko siyang iginagala ang paningin sa loob ng sasakyan ko. Confident ako at walang pakialam kahit pa libutin niya hanggang sa kasuluk-sulukan ng sasakyan ko dahil alam ko kung gaano kalinis 'yon.
Sa halip na sagutin siya, pinaharurot ko ang sasakyan papasok ng The Venice hanggang sa club house, nasa likod no'n ang covered court.
Nakatingin na sa 'min ang lahat ng players nang makalapit kami. Nakaupo ang ilan sa bench at nagsasapatos. Habang ang iba pa ay nakatayo at handa na, nagdi-dribble ng bola. Na kay Bentley ang paningin nilang lahat na noon ay walang kaabog-abog na lumapit.
"Game?" excited pang ani Bentley na hinubad ang polo uniform niya at binato sa 'kin!
"Ano ba?!" singhal ko.
Gano'n ang naging reaksyon ko pero mas nanlaki ang mga mata ko nang maamoy kung gaano kabango ang uniform niya. Iyong gusot-gusot at naninilaw nang uniform niya, sobrang bango. Sino ang maniniwala?
Pero gano'n na lang uli ang panlalaki ng mata ko nang pati ang belt ay tanggalin niya. Nandidiri kong sinalubong ang paningin niya.
"What are you gonna do?"
Humalakhak siya. "Relax," aniya saka in-unbutton ang pants niya. "I'm gonna play basketball with them," aniyang sinenyas ang mga varsity. "Not with you."
Kumurap-kurap ako habang nakaawang ang labi at nanggigigil siyang hinampas! "You jerk!" asik ko sabay bato pabalik ng kaniyang polo.
Pinagtawanan niya ako nang masalo iyon. Saka muling isinara ang buttons ng pants niya. Inilapag niya sa bench ang polo at inayos ang suot na white shirt saka hinarap ang vasity players na noon nama'y palapit na sa gawi namin. Bigla na naman akong nanliit. Wala man lang yata ni isa sa mga 'yon ang makasabay sa height ko. Lahat sila ay matatangkad at hindi nahuhuli si Bentley at sa halip ay malapit pang manguna.
"Huh?" animong naghahamon, nakapamewang pang ani Bentley. "Who's on my team?"
Hindi makapaniwalang natawa ang kaninang sumugod sa kaniya, naaasar na naman sa gano'ng natural na yabang ni Bentley. Idinantay niya ang bola sa kaniyang bewang at hinarangan ng braso. Number 1 ang nasa jersey niya at hindi na ako magugulat kung siya ang captain ng team na 'to. Hindi ako maalam sa basketball. Ang tanging napanood kong maglaro niyon ay sina Lee at mga barkada niya, kung minsan ay kasama nila sa Randall.
"Because you asked," dinutdot ng lalaking 'yon ang dibdib ni Bentley dahilan para mapaatras ito nang bahagya. "You're gonna play alone."
Inosenteng napatitig si Bentley rito. "But I thought we're gonna play together?"
"Ibig kong sabihin, ikaw laban sa amin," asik ng lalaki.
Sabay kaming natigilan ni Bentley, hindi makapaniwalang napatitig sa lalaki. Na noon ay ngingisi-ngising nilingon ang mga teammates niya.
"Oh, I forgot," inilahad ni Bentley ang kanang kamay habang ang kaliwa ay nasa kaniyang sikmura. "I'm Bentley Scott Pendragon," pagpapakilala niya. "You can call me Bentley but not Scott."
Marahas na tinanggap ng tingin kong captain ang kamay ni Bentley. "Lemar."
Bumuo ng dalawang grupo si Lemar, may apat na myembro ang bawat isa. Halatang nasa grupo nito ang mahuhusay, base sa itsura at pagngiti kay Bentley ng mga ito. Habang ang mga kasama naman ni Bentley ay iniilingan siya at pinagbuntong-hininga na lang na maka-team siya.
"All right," mayabang pa ring ani Bentley saka pumostura sa harapan ni Lemar. Bahagyang nakatuwad at handang tumalon. Dahil do'n ay nakumbinsi niya akong marunong nga siyang mag-basketball.
Iyong hindi nila isinali sa grupo ang siyang maghahagis ng bola at tatayong referee and at the same time, scorer. Binigyan niya ng instructions sina Bentley at Lemar at saka bumilang na siyang hudyat ng paghagis niya ng bola sa ere. Halos sabay na tumalon sina Lemar at Bentley. Ngunit gano'n na lang ang pagsapo ko sa noo nang magtago si Bentley sa mga palad niya sa takot na matamaan ng bola. Gano'n naman kabilis na natampal ni Lemar 'yon papunta sa gawi ng ka-team niya.
Awtomatikong nagsimula ang laro. Iyon pa lang ay napakarami nang nasabing masasama ng ka-team ni Bentley, habang ito naman ay tatawa-tawa lang. Mayabang na sinulyapan ni Lemar si Bentley habang dini-dribble ang bola. Kapagkuwa'y umatras siya at binato ang bola. Shoot! Tatlong puntos agad ang isinenyas no'ng tumatayong referee at scorer.
Pinuri ng mga kagrupo si Lemar habang paulit-ulit na sinisisi si Bentley ng mga ka-team niya. Panay ang buntong-hininga ko sa isang tabi habang pinanonood sila. Laro lang naman 'yon at nanonood lang ako, pero parang ako ang nape-pressure.
Napunta sa grupo nina Bentley ang bola at pinasa sa kaniya ng kasama dahil siya ang malapit sa ring. Pero hindi pa man tumatalbog pabalik ang bola sa palad niya, naagaw na 'yon ni Lemar na mabilis tinakbo ang bola papunta sa ring nila. Sa isang iglap, naka-score na naman siya.
Hindi lang isa o dalawang beses 'yong ginawa ni Lemar. Magkakasunod na puntos ang ginawa niya hanggang sa umabot sila ng nine points habang zero sina Bentley.
"I thought you never miss! You can't even score," asik ng kagrupo ni Bentley saka inis na binato ang bola.
Nasalo 'yon ni Bentley saka ngumiti. Isang dribble lang ang ginawa niya sa bola at nakakagulat 'yong tinira. Lahat ay natigilan nang mahulog nga iyon at tatlong puntos ang binigay sa kaniya. Napapahiyang tiningnan ng lahat si Bentley. Pero hindi lang 'yon ang ginawa niya dahil nang muli siyang mapasahan ng bola ay agad niya muli 'yong tinira at naka-score. Gaya ni Lemar, magkakasunod na pumuntos si Bentley at lahat 'yon ay three points; total of fifteen points.
Hinahapong yumuko si Lemar sa kaniyang mga tuhod at nag-angat ng tingin kay Bentley. "You're good."
"Huh?" nagyayabang na ani Bentley, sa gano'ng paraan sumasang-ayon.
Itinuloy nila ang laro hanggang sa makapuntos ng trenta ang team ni Bentley at hindi na umusad ang score ng kalaban nila. Hapong-hapo na lumapit sa gawi ko ang mga naglaro. Sa itsura nila ay parang hindi sila makapaniwala kay Bentley dahil para itong sabog na panay pa rin ang dribble at tumitira kahit gaano kalayo sa ring. At walang nagmintis alinman sa mga 'yon, lahat pasok!
Tuluyang nakalapit si Bentley sa gawi namin at nagugulat pa rin namin siyang tiningnan. Inabot niya ang bola sa pikon na ka-team niya. Ngunit binawi niya 'yon bago pa nito matanggap ang bola. Nag-dribble ng isa at saka tinira mula sa aming pwesto. Sa huling pagkakataon, shoot na naman 'yon.
"Now, get it," utos ni Bentley at saka tumawa.
"You're unbelievable, how can you do that?"namamanghang ani Lemar na ang paningin ay naroon sa bolang tumatalbog pa, dipa-dipa ang layo sa amin.
"Accurate, huh?" nagyayabang na ani Bentley.
"You're from SIS," sinulyapan ni Lemar ang uniform ni Bentley nang kunin nito 'yon sa tabi. "Join our team."
"Dude, I'm a med student."
"What? That's nice."
"Thanks for the game," nakipagkamay si Bentley rito.
"See you next time?" alok ni Lemar.
Sumulyap si Bentley sa 'kin. "She will decide."
Umawang ang labi ko. "Bakit ako?"
"Give me your number," ani Lemar.
Napakurap sa kaniya si Bentley. "I don't...have a phone."
Magkakasabay kaming nagulat ng mga kagrupo ni Lemar na para bang imposible na may tao pang walang cellphone sa mundong ito.
Bumaling sa 'kin si Bentley. "You can get her number instead."
Ako ang itinuro niya kay Lemar! Ako naman na tulala ay walang nagawa kundi kunin ang phone ni Lemar at i-type doon ang number ko. Kumindat si Bentley sa 'kin matapos no'n.
"Let's go," inilahad niya ang kamay sa 'kin.
Sa halip na tanggapin 'yon ay mataray akong tumayo at pinanguhan siya. Sandali pa siyang nakipagpaalaman sa basketballers bago sumunod sa 'kin.
"Keziah," pagtawag ni Bentley.
Awtomatiko akong nahinto at hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang dagundong ng tinig niya sa pandinig ko. Hindi ko siya nagawang lingunin, pakiramdam ko ay nagpaulit-ulit ang pakiramdam ng dumadagundong niyang tinig sa pandinig ko.
"Let's grab a snack," aniya nang makalapit sa 'kin. "My treat."
Napalunok ako. "Uuwi na 'ko."
"Kahit sandali lang."
Napalingon ako sa kaniya, pakiramdam ko ay noon ko lang siya narinig mag-Tagalog. Napailing ako nang mawala ang gulat sa mukha ko. "I told you, we're not friends, Bentley."
"Yeah, that's why we're cousins."
Inis ko siyang nilingon. "I don't want to be your cousin."
Hinarap niya ako at hinapit sa bewang. "Be my girlfriend, then," sabi niya habang nakangiting ginagala ang paningin sa kabuuan ng aking mukha na para bang aliw na aliw sa nakikita.
Natigilan ako at inis na napatitig din sa kaniya. Ngunit awtomatiko uling natigilan nang bumilis at lumakas ang kabog sa dibdib ko matapos pasadahan ng tingin ang kabuuan ng mukha niya. Inis akong nag-iwas at pilit inalis ang braso niya saka inis na nagmartsa papunta sa kotse ko.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top