CHAPTER EIGHT

CHAPTER EIGHT

"HOW COME you're friends with that scamp?"tanong ko kay Bentley.

"You mean Randall?"

"Forget his name, he's an imp," asar kong sinulyapan ang gawi ni Randall at abala pa rin talaga siya sa cellphone.

Sino ba talaga ang katawagan niya?

Halata sa itsura ni Randall na naiirita na siya. Kahit wala akong ideya kung sino ang kausap, bakas sa mukha niya na hindi niya gusto ang pinag-uusapan.

"He's a good guy," sagot ni Bentley.

Naubo ako, literal na nagulat. "A good what?"hindi ko naitago ang sarkasmo sa boses. "Are you kidding me? 'Yang sira-ulong 'yan?" itinuro ko si Randall.

"For me, yes." Kahit nakangiti, seryoso si Bentley sa sinabi. "Siya lang 'yong nakipagkaibigan sa 'kin nang hindi tinitingnan ang status ko sa buhay,"ngumiti siya at nagbaba ng tingin. "'Yong iba, nakipagkaibigan sa 'kin dahil akala nila, elite akong gaya nila."

Nangunot ang noo ko. Noong una ko siyang nakita, hindi ko matandaang naisip kong mayaman siya. Pinagtaka ko pa nga kung paano siya nakapasok sa BIS. Dahil kung pananamit niya ang pagbabasihan, ayaw ko man siyang husgahan, mukhang imposibleng makapasok siya sa BIS.

"Well, you can only say that dahil maganda ang ginawa niya sa 'yo," nakangiwing tugon ko. "But you can never convince those people na ginawan niya nang pangit in the past."

"I'm not trying to convince anyone, Keziah. You can't make me look at people through others' lens. Maaaring iba 'yong tingin mo sa kaniya," bumaling uli siya sa 'kin. "Pero para sa 'kin, mabuti siyang tao at kaibigan. Magkaiba tayo ng pagkakakilala kay Randall."

Hindi ko alam kung paanong sasagot. Kung gano'ng maganda ang tingin niya kay Randall, hindi ko pwedeng sirain 'yon dahil sarili ko lang ang masisira ko. Hindi naman imposibleng may gaya ni Bentley na iba ang tingin sa kaniya. Gaya na lang ng best friend ko na daig pa ang bulag sa kalokohan ng boyfriend niya.

He's right, magkaiba ang pagkakakilala namin kay Randall. Iba ang komento at opinyon ko sa lalaking iyon. Hindi ko pwedeng ipilit sa kaniya ang mga ayaw ko kay Randall. Walang saysay 'yon, magmumukha lang akong naninira. Isa pa, nakilala ko si Randall sa pagiging babaero niya sa nakaraan. Bukod sa boyfriend siya ni Dein ngayon, kilala ko lang siya bilang panganay ng reputable Echavez clan. Aside from that, I don't think may ibang personality or characteristics siyang kilala ko.

Nanahimik na lang ako at pinagpatuloy ang iniinom.

"Do you want me to tutor you?" hindi ko inaasahan ang tanong ni Bentley mayamaya.

Naiinsulto ko siyang tiningnan at tatarayan na sana nang makita kung gaano siya kaseryoso.

"No, I'm sorry, I meant no offense." Isinuko niya ang parehong kamay nang mahulaan ang reaction ko, seryoso pa rin. "I just wanna help."

"Help?" mas nainsulto yata ako. "With what?"

"Anything related to studies..." napapahiya niyang sagot, kamot-kamot ang sentido at naiilang ngumiti.

"I can study, you know?" Hindi ko pa rin naitago ang pagkainsulto sa boses ko. "Hindi ko na-achieve 'yong desired scores ko but that doesn't make me stupid, excuse me."

"I'm sorry if I sounded offensive. Please don't feel insulted. I know you can study, of course. I just wanna help. Sorry," talagang napahiya siya. "I'm not looking down on you nor am I showing off, okay?"nakokonsensya niyang dagdag. "I'm sure you don't need my help. I was just..." Hindi niya alam kung paanong ipaliliwanag ang sarili. "Alright, just forget it. I'm sorry."

Napatitig ako sa kaniya at wala sa sariling natawa. Naiintindihan ko namang gusto niya lang tumulong at wala siyang ibang ibig sabihin nang mag-alok i-tutor ako. Ako lang itong maldita at nainsulto agad sa offer niya.

"And how much does your services cost?"natatawang tugon ko.

Nalilito siyang tumitig sa 'kin. "What do you mean?"

"Aren't you a working student? Siguradong lahat ng services mo, may value. Meaning, lahat, meron ding charge. Katulad na lang no'ng dalawang BIS Nursing students na nagpapatulong sa presentation nila. Narinig kitang tanungin sila kung magkano ang ibabayad nila sa services mo."

Hindi ko naiwasang maalala 'yong paghanga sa mga mata no'ng dalawang students habang nakatitig kay Bentley. Na para bang hindi nila ito mapigilang titigan. Napailing ako nang maisip na hindi ko sila masisisi.

"Ginagawa mo 'kong part-time job, ha?" dagdag biro ko para mapalitan ang iniisip.

Matagal siyang tumitig sa 'kin. Tumikhim siya na nasundan ng buntong-hininga bago nag-iwas ng tingin. Natigilan ako nang maisip ang sinabi. Siya naman yata ang nainsulto ko. Gaya niya, wala akong masamang intensyon nang sabihin 'yon.

"Sorry, wala akong ibang ibig sabihin do'n. Nagbibiro lang ako," maagap kong dagdag sabay sapo sa sariling noo.

Gano'n din ang ginawa ko matapos mainsulto, great attitude, Keziah. Napabuntong-hininga ako.

Hinawakan ko ang braso niya dahilan para magsalubong ang tingin namin. "I...have no sense of humor and I'm really boring. Sorry," sinserong dagdag ko.

Sumulyap siya sa kamay ko at matunog na ngumiti. "It's okay, no problem."

"Nagbibiro lang talaga ako, it was unintentional. Oh, gosh," nasapo ko na naman ang noo.

"It's fine."

"I'm really a terrible joker."

"Fine, then. Since this is the first time you've offended me, I'll let you off."

Umawang ang labi ko. "What?"

Humalakhak siya dahilan para mas napatitig ako. Naiwan ang ngiti sa kaniyang labi nang tumigil sa pagtawa. Ngiting hindi na makita ang mga mata. Inalis niyon ang atensyon ko sa pinag-uusapan namin. He smiled as if it was the brightest part of the day. A smile that can literally light up a room and slowed time for everyone inside it. It's the kind of smile that sets everything right. Infectious. Contagious. Astonishing. Genuine. Warm.

"Kidding." Tumitig siya sa 'kin habang nakangiti. Naiwan akong nakaawang ang labi at nakatitig lang din sa kaniya. "What?" Natawa na naman siya. "Hmm. Stop staring at me, I'm warning you..."

I can't...stop staring at you. Bakit gano'n?

I bit the side of my lips, thinking na mapipigilan ako niyong titigan siya. Pero mabilis na kumulo ang dugo ko sa sariling naisip at reaksyon. Sumama ang mukha ko, as if kaaway naman ang kaharap ko ngayon.

Bakit ako tumitig? Ano'ng meron sa ngiting 'yon...eh, normal na ngiti lang naman 'yon?

Ang layo ng sinabi ng isip ko sa deskripsyong sigurado akong nakita ko sa kaniyang ngiti.

Inilapit niya ang mukha sa 'kin dahilan para magkandaduling ako sa katititig sa mata niya. "Stop the stare, you might fall in love with me."

Lalong umawang ang labi ko. Seriously, how is it possible for a smile to make someone's world suddenly stop? Why do I keep wanting to stare at it? Why him? Why now? Is it scientifically proven that one can fall in love with someone's smile? With just a freaking smile? At...love agad?

Imposible. Epekto maharil ng alak ito. Pero handa akong maglaan ng oras na pag-aralan 'yon, mapatunayan at ma-justify lang ang naging reaksyon ko. Hindi ito normal. Ngayon lang nangyari sa akin, at hindi ko iyon gusto.

"Hmm?" lalo pa siyang ngumiti, namumula ang mga pisngi.

"Baka ikaw," matapang kong sagot saka pinutol ang titig ko sa kaniya.

Damn it.Ang layo no'n sa mga naisip ko.

Pakiramdam ko, ang tagal kong hindi huminga. This is new to me. Hindi ko kilala ang feeling at experience na 'to. Para sa isang gabi at sandaling pag-uusap, nawawala sa normal ang mga sinasabi at reaksyon ko. Disappointed ako sa scores ko pero mas disappointing yatang hindi ko masagot ang sariling tanong.

Muli ko siyang tiningnan nang hindi magsalita. Napalunok ako nang makitang nakangiti siya ngunit wala sa 'kin ang paningin.

"What if I already am?" tanong niya na muling inilapit ang mukha sa 'kin. Pinatong niya ang siko sa counter at deretsong tumitig sa 'kin.

What? Posible ba iyon? Kalokohan.

Matagal ko ring pinagmasdan ang mga mata niya, inaalam kung seryoso siya sa sinabi. Lahat ng mababasa sa kabuuan ng mukha at kilos niya, pinatutunayan ang sinabi. Sa huli, ako rin ang sumuko at naasar sa sarili.

Bakit ko iniisip na seryoso siya gayong nasaksihan ko kung paano siyang makisama sa ibang babae? Sa pakikipagbiruan ni Randall kanina, siguradong iisa lang ang kalokohang dumadaloy sa dugo nila. Hindi basta nagbibiruan nang gano'n ang mga lalaki kaya siguradong may pagkakaintindihan sila. Kalokohang sila lang ang nakaaalam.

Besides, the average span for men to fall in love takes about two to three months. Although some study found that they have the tendency to fall in love at first sight more than women, it's still, certainly, not the norm.

"Kung nauuto mo ang ibang babae, ibahin mo 'ko," ngisi ko. "Hindi mo 'ko mapaniniwalang...gusto mo 'ko. You don't know a single thing about me." Inilingan ko siya. Tumaas ang kilay ko nang maisip na gano'n siguro ako katanga at kauto-uto sa paningin nito.

Ngumiti siya at bumuga ng hangin. "Yeah, you're different...from all of them."

"Don't joke with me. We're not close."

Umawang ang labi niya. "I am not joking."

Umiiling akong tumawa, lalo lang naiinsulto sa ginagawa niya. "I'm not buying that."

In love? Agad? Tumawa ako sa isip na inilingan ko lang ulit. Imposible! Gano'n ako katanga sa lalaking ito para isipin niyang mahuhulog ako sa mga gano'ng salita? Lalo pa 'kong nainsulto.

"So, you're serious?" natatawa, hindi naniniwalang tugon ko.

Umawang ang labi niya, napapahiyang ngumiti ngunit hindi inalis ang titig sa 'kin. Nawala ang sarkasmo sa mukha ko nang makita kung gaano siya kasinsero. Hindi ko na naman maintindihan kung paano niyang nagagawa 'yon, ang ipaalam sa 'kin kung alin ang totoo at hindi sa pamamagitan lang ng pagtitig.

"Confessing takes courage." Inunahan ko na siyang magsalita.

Sinabi ko 'yon na para bang iyon ang pinakatamang linya sa buong mundo, pinag-aralan ng mga siyantipiko at napatunayan. Para lang maipaintinding imposibleng ma-in love siya sa akin.

"Kailan lang tayo nagkakilala at wala tayong pinagsamahan para maramdaman mo 'yon." Kaya 'wag ka basta nagbibiro nang tungkol do'n."

Ngumiti ako, pinakikitang walang epekto ang sinabi niya. Huli na nang maisip kong masyadong defensive ang dahilan ko. Lalong huli na para bawiin 'yon.

Ngumiti rin siya at matagal akong tiningnan na para bang natutuwa sa hindi naman nakatutuwang sinabi ko. "Never conclude that one isn't falling in love with you just because they're not showing the same exact signs, nor have the same understanding about love as you do, Keziah."Ngumiti siya, lumamlam ang mga matang kanina pa nakapako sa 'kin.

Natigilan at napatitig ako. Matagal. Na nagawa ako niyong palambutin nang ilang minuto. Sigurado ako na ayaw kong maniwala, na hindi ako pwedeng maniwala. Gusto kong isipin na inuuto niya lang ako, sinusubukang kunin ang loob ko gamit ang husay niya sa matatamis na salita. Na posibleng tinitimbang niya lang kung mauuto niya ako gaya ng ibang babae.

Pero sa kabilang banda, nadadala ako sa sinseridad na mababasa sa kaniyang mga mata. Nakaka-frustrate na 'yon talaga ang nakikita ko, at sarili ko mismo ang nagsasabing seryoso siya.

May parte sa 'kin ang tumutulak na maniwala ako, at may parte sa 'king gustong magpatulak. Nakakatakot. Delikado ako sa ganitong pakiramdam.

"So, tell me more about you."

Nangunot ang noo ko. "Wala na 'kong sasabihin."

"How long do you plan to stay here? Who's going to take you home?"

"I can take care of myself. Besides, hindi ako pababayaan ng best friend ko." Nilingon ko ang deck at hinanap si Dein Leigh.

Lalong nangunot ang noo ko nang hindi siya makita. Lumingon pa ako sa magkabilang deck, wala rin siya. Tumayo ako at tinanaw ang cockpit, wala rin doon si Dein Leigh.

"Where the heck is she?" bulong ko.

Napapahiya akong lumingon nang matawa si Bentley. Marahil ay nahulaan niyang gano'n ang sinabi ko pero heto at hindi ko makita kung nasaang lupalop ang best friend ko. Na confident akong hindi pababayaan ni Dein Leigh, gayong ni hindi nga ito nagtagal sa tabi ko para masamahan ako.

"I can't see her...but..." Panay pa rin ang lingon ko sa kung saan, umaasang mamamataan si Dein Leigh. "I'm sure, hindi niya ako pababayaang umuwi nang mag-isa."

Sa paglingon ay si Randall ang nakita ko. Na tutok na naman sa cellphone niya habang may bottle ng beer sa kabilang kamay.

"Who is he talking to?" hindi mawala ang curiousity ko.

Masyado siyang busy sa cellphone niya. Wala naman sanang masama kung hindi lang dahil sa reactions sa mukha niya. Parang may mali sa mga kinikilos niya. Para bang naaasar siya kung sino mang nangungulit sa kaniya. Sigurado akong may nangungulit dahil bakas 'yon sa mukha niya. Kahit malayo ako, sigurado akong pinatay niya ang cellphone, at inis na binulsa 'yon.

May customers na si Bentley nang lingunin ko. Babalik na sana ako sa seat ko nang mamataan sa wakas si Dein. Parang hinahanap niya rin si Randall pero ako ang unang nakita.

"Bes!" kaway niya, may hawak na wine at purse sa isang kamay at hindi na mabalanse ang paglalakad.

"Where have you been?" asik ko nang makalapit siya.

"Niligaw ko si Gwynette," halakhak niya. "Joke. Pinakilala ko siya sa pinsan ng guest ni Randall. Ikaw, okay ka lang ba dito?" sinulyapan niya ang bar.

"Wala ka bang napapansin sa boyfriend mo, bes?"

Hinanap ni Dein ang boyfriend sa guests. "He looks extra handsome tonight," kinagat niya ang gilid ng labi. "Lalo na ngayong in-unbutton niya ang shirt niya."

"Dein?"

"Yep?"

"Kanina pa may kausap sa cellphone 'yang boyfriend mo," bagaman pabulong, mariing sabi ko.

"Lagi naman siyang may kausap sa phone, ano'ng bago ro'n?" halakhak niya.

Nangunot ang noo ko. "Hindi ka man lang ba magtataka o magtatanong kung sinong kausap niya?"

"Hindi," kompyansa niyang sagot. "Siguradong may kinalaman 'yan sa studies, bes. Ano ka ba? Bukod sa 'kin, sa pag-aaral lang naman umiikot ang mundo niya," tumawa siya nang may pagmamalaki sa huli.

"What if you're wrong?"

Alanginin siyang tumitig sa 'kin, tinitimbang kung seryoso ba 'ko. Hindi nagbago ang pagkakakunot ng noo ko. "'Wag ka ngang praning? Nagbago na ang boyfriend ko, okay? If you can't trust him, then trust me, bes." Ngumiti siya, siguradong-sigurado.

Napabuntong-hininga ako. Wala na talagang pag-asa 'tong best friend ko. Hulog na hulog siya kay Randall. Kaya siguradong wala itong sasabihin na hindi niya paniniwalaan. Na kahit harap-harapan na niyang makita ang kahina-hinala, pipiliin niyang magbulag-bulagan. She was confident that he changed because of her.

"Nag-e-enjoy ka ba, bes?" nilingon niya ulit ang bar. "Nakita kitang may kausap na guy kanina? Sino 'yon, ha?" nanunuksong tanong niya, panay ang sulyap sa bar pero walang makita.

Psh! Hindi ba niya nakilala si Bentley? 'Sabagay, wala na siyang ibang nakikita bukod kay Randall. Isa pa, ang layo talaga ng itsura ni Bentley kaysa noong una namin itong makilala. Whatever!

"'Wag mo ngang ibahin ang usapan, Dein?"seryoso na 'ko.

Bumuntong-hininga siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Bes," tiningnan niya ako sa mga mata. "Tungkol lang sa acads 'yon, okay? Kanina pa siya may ka-text, nakikita ko. Hindi ko na kailangang i-check 'yon because I'm not a creep, arasseo?"

"Kilala mo ba 'yong kausap niya?"

"Hindi."

Lumaylay ang mga balikat ko. "Bakit hindi mo itanong?"

"Bes, simula nang magbago si Randall, alam ko na ang limitations ko. Kapag sinabing acads-related, hindi na 'ko nagsasalita pa. Kapag sinabi niyang classmate ang kausap niya, hindi na 'ko nagtatanong pa. Hindi ko na rin kailangang i-check 'yon. We trust each other, bes, and I trust him now more than I did before. The only way to find out if I can really trust him is to actually trust him."

"What if you're wrong? What if it's not academic related?"

"It is," sumeryoso na rin siya.

Kaunti pa at siguradong maiirita na siya sa 'kin, at ayaw kong mangyari 'yon. Hindi rin ako sigurado sa hinala ko pero ewan ko ba kung bakit malakas ang kutob ko.

Ayaw kong sumama ulit ang loob ni Dein sa 'kin gaya nang nangyari sa nakaraan. Masyado akong pakialamera at pinilit na nambababae pa rin ang boyfriend niya nang minsan ko 'tong makita sa isang restaurant na may ibang kasama. Sa huli, napahiya ako dahil lesbian pala 'yong kasama niya at binili nito ang lumang bike ni Randall. According to Dein, mamahalin 'yon at napagkasunduan ng dalawa na personal transaction ang payment.

"Kaya nga nagpa-party si honey kasi sobrang stressful ng acads niya," dagdag pa ni Dein. "May duties at cases na kailangan niyang i-take pa. Wala nang pahinga. Alam mo naman 'yong pressure sa parents niya, hindi ba? Sa party siya masaya, bes."

Party-animal si Randall, he enjoys frequent parties and social activities na related sa pagsasaya kasama ang friends o kung sino-sinong tao. Syempre, hindi nawawala ro'n ang magarbong entertainment at mamahaling drinks niya.

Nag-iwas ako ng tingin para hindi makita ni Dein na naiinis pa rin ako. Ayaw ko namang isipin niya na ang sama ko.

Seriously speaking, bukod sa mga naisip ko kanina, iisa lang ang dahilan ng pagkakasundo namin ni Randall. May pagkakapareho ang situation namin pagdating sa studies. Tulad ko, sobrang nakaka-pressure ang parents niya pagdating sa academics. Pareho kaming pilit inaabot 'yong standards ng parents at grandparents namin para maging number one.

Ganito magsalita si Dein ngayon kasi siguradong inaasahan niyang maiintindihan ko kapag 'yon ang sinabi niyang dahilan. Which is effective. Na-guilty ako na pinaghinalaan na naman agad si Randall. Lalo pa at wala akong nakita bukod sa maya't mayang pagtutok nito sa cellphone.

"'Buti nga at nag-transfer na 'yong kaibigan at kakompitensya niya. Naiko-compare siya lagi ni Tito Rham doon kahit ayaw niya. Kaunting bagay, sinisita ni tito ang performance ni Randall,"malungkot na patuloy ni Dein. "Kahit sino, ayaw mai-compare. Ikaw ang higit na nakakaalam no'n, bes."

"Yeah, I'm sorry," napapahiya kong sagot.

Alam ko ang tungkol doon sa "imaginary" competition ni Randall sa kaklase at kaibigan niya. Kahit ako, na-witess kung paano ipagmalaki ng daddy niya ang student na 'yon, isa sa mga reason para tuluyan kong tanggapin is Randall bilang kaibigan.

"I'm really sorry, hindi ako nag-iisip, Dein."

Ngumiti siya at niyakap ako. "I know you're just worried about me, bes, and I really appreciate that." Hinarap niya ako at inayos ang mahaba ko nang bangs. "Best friend talaga kita."

"I just don't want you to get hurt...again. I don't want to see you crying over that asshole boyfriend of yours."

"He's not an asshole, stop calling him that."Pinandilatan niya ako at sinimangutan saka kami sabay na natawa.

"Fine. I'm sorry ulit."

"You're friends na with Randall, 'di ba?" nguso niya sabay yakap sa 'kin. "Bes...sinabi mo na noon na friends na kayo ni Randall. Tinanggap mo na 'yong friendship niya."

"Oo na nga." Siniringan ko siya.

Humigpit lalo ang yakap niya. "Masaya siyang maging kaibigan ka, bes. Hindi dahil best friend kita." Seryoso siya sa kabila ng tama ng alak. "Masaya siya kasi totoong kaibigan na ang tingin mo sa kaniya, dahil gano'n din siya sa 'yo."

Na-guilty yata lalo ako. Mula pa kanina, hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang pinag-isipan nang masama si Randall.

Nagkwento si Dein tungkol sa sayaw nila ni Randall kanina. Of course, I'm not interested. Hindi ko maintindihan kung anong nakakatuwa sa pagdidikit ng katawan nila habang sumasayaw, that isn't normal. Tuwang-tuwa si Dein sa gano'n.

Dahil paulit-ulit na naman siya, palihim ko na lang sinulyapan si Bentley. Hindi ko inaasahang susulyap din siya sa 'kin habang busy sa pagmi-mix ng drinks. Hindi na mabilang ang guests sa harap niya kaya hindi na siya mabakante gaya kanina.

Hindi ko mapigilang isipin na nakikita at napaghihinalaan ko si Randall. Pero bakit hindi ko naiisip 'yon kay Bentley? Bakit hinahayaan ko siyang maging ganito ka-close sa 'kin? No'ng mga nakaraan ay wala halos akong alam tungkol sa kaniya. Ngayong gabi, pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala. Ang weird.

Napailing ako sa sariling naisip. Stupid Keziah.

"Bakit nga pala hindi mo sinama si Kim?"tanong ni Dein mayamaya, 'yon lang ang naintindihan ko sa dami ng sinabi niya.

"She's busy, alam mo namang tutok sa studies 'yon. Wala ngang time makipagligawan sa kapatid mo," pang-aasar ko.

Humalakhak si bes. "Eh, mas may time din namang mang-bully 'yong siraulong kapatid ko kaysa manligaw. Imagine, may ginawa na naman siyang scene sa canteen." Lalo siyang humalakhak. "Sabi ni Lee, si Deib 'yong napahiya sa huli. Oh, gosh, I can't imagine my baby brother na nasa floor! 'Buti nga sa kaniya!"

Natawa rin ako. "At least, hindi si Lee ang napunta sa floor. Katakot-takot na handwashing na naman 'yon."

"But seriously, I don't think ready nang makipagrelasyon si Deib. Masyado siyang isip-bata, siguradong susuko si Kim sa kaniya."

"Psh, instead na i-wish mong magbago ang kapatid mo dahil sa kapatid ko, bina-bash mo. 'Wag ka ngang ganyan, para kang parents ko."

Nagugulat niya akong hinarap. "'Oy, hindi gano'n 'yon, 'no! I'm just worried, lalo na ngayong nalaman ko na talagang pinapatulan siya no'ng bagong kaaway niya? Hindi raw talaga inaatrasan si Deib. Alam mo, kung hindi ko lang talaga iniisip ang heart condition niya, katakot-takot na salita at hampas na inabot niya sa 'kin."

"Brutal ka, Dein. Hayaan mo siyang matuto sa sarili niya."

Niyakap niya ako at nilambing. "Fine, sorry na. I still hate my brother, though."

"Sinong niloko mo? Alam kong mahal na mahal mo si Deib kahit pa gaano kaloko 'yon. Hindi mo susugurin ang mga nananakit sa kapatid mo kung hindi mo siya mahal. Naiinis ka lang sa t'wing nauuna sa kalokohan ang kapatid mo."

"Syempre, kapatid ko 'yon, sira!" nagtawanan na naman kami. "Gusto ko lang din na matuto siya. Kasi ang lakas ng loob niyang mag-lovelife, isip-bata naman siya."

"Magma-mature din 'yon. Siguro, hindi pa si Kim ang katapat niya."

"Tingin mo?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi pa nagtitino, eh."

"Siguro nga. Si Randall nga, nagtino sa 'kin, 'di ba?" 'Ayun na naman siya sa pinagmamalaki niya.

Ngumiwi ako. "At least si Deib, hindi babaero."

"Sinabi nang nagbago na ang boyfriend ko, bes!"

"Fine," inirapan ko siya. "Puntahan mo na, para magtuloy-tuloy ang pagbabago." Tinulak ko siya palayo.

Tinanaw ko pa si Dein, at sinigurong magkasama na sila ni Randall bago tinalikuran ang gawi niya. Nagulat ako nang maharapan ang nakangiting mukha ni Bentley.

"What?" tanong ko.

Ngumisi siya. "Nothing. Aren't you bored or anything?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi naman."

Totoong mas boring pakinggan ang mga pinagmamalaki ni Dein tungkol kay Randall. Paulit-ulit, ako ang napapagod makinig. But at the same time, wala akong choice kung hindi makinig. Si Dein 'yon, eh. Masaya ako kapag masaya siya. At wala akong ibang hihilingin kundi happiness niya. Kung si Randall ang nagbibigay niyon, fine. Wala na 'kong sasabihin.

Lalong ngumiti si Bentley. "Delighted to hear that. Means you're enjoying my company."

"Psh." Napairap ako. Wala naman akong sinabing sa 'yo ako nag-e-enjoy.

"And my looks."

Umawang ang labi ko at inis siyang nilingon. "You..."

"What?"

"You're an excessively self-absorbed narcissistic freak." Inirapan ko siya saka kinuha ang bagong drink at tinalikuran siya.

Pinanood ko ang guests na sumasayaw sa harap ng pool, halatang naapektuhan na ng drinks ang sistema nila. Hindi na makasabay nang tama sa DJ na libang na libang pa rin sa pagpapatugtog.

"Do you wanna dance?" nagulat ako sa tanong ni Bentley.

Napatitig ako at inaalam na naman kung seryoso ba siya. Hindi mawala ang gulat ko. Hindi lang dahil sa inalok niya ako kundi dahil naramdaman ko rin kung gaano siya kalapit.

Awtomatiko akong umiwas matapos siyang lingunin, halos sumubsob sa isa't isa ang mga mukha namin.

"No," mabilis kong sagot saka tinalikuran siya. Seryoso ba siya? Ano'ng naisip niya para isayaw ako?

Narinig ko ang halakhak niya nang maglakad ako pabalik sa chair. Palihim din akong nangiti. Ngunit nawala rin agad 'yon nang maisip ang pakiramdam.

Siguradong kung hindi ako kinabahan, pumayag na akong makipagsayaw. Totoong 'yon ang dahilan ng pagtanggi ko, kinabahan ako. Dahil kahit tinanggihan ko ang alok niya, 'eto at ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko.

Iyon ang unang beses na may nagyaya sa 'king sumayaw. Gano'n ka-casual man niyang inalok 'yon, kinabahan talaga ako.

Hindi ko inaasahang sasamahan ako ni Bentley sa buong oras ng pag-upo ko. Hindi na gaya kanina na may napag-uusapan kami, lalo at hindi man magkakasabay, magkakasunod ang lapit ng customers. Nagkakausap na lang kami sa t'wing magbibigay siya ng panibagong drinks. Dahilan para hindi ko mamalayan ang oras at dami ng nainom ko.

"Where are they?" bulong ko, nasa noo ang likuran ng palad dahil sa hilo.

Hindi ko na makita nang malinaw ang daan, mas nahihilo ako kalilingon sa paligid ko. Kahit saan ako tumingin, hindi ko makita ang best friend ko at boyfriend niyang loko-loko.

Tapos na ang party at wala akong ibang gustong gawin kung hindi makauwi.

Inilabas ko ang cellphone at tinawagan si Dein Leigh. Nakapikit kong hinintay na sagutin niya ang linya. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat na beses ko siyang tinawagan, hindi siya sumagot.

Hinanap ko ang number ni Randall. Sa kamalasan, mukhang ngayon ko pa yata pagsisisihan na hindi ko sinave ang number niya. Naghanap din ako ng text niya, bakasakaling meron pero nabigo ako.

Mali-mali akong nag-text kay Dein Leigh at umasang sasagot siya anumang oras. Hindi ko alam kung paanong uuwi sa ganitong sitwasyon. Naparami ang ininom ko, halo-halo, at ngayon ko pinagsisisihan 'yon.

"I think they already left," hindi ko inaasahang mangingibabaw ang tinig ni Bentley sa likuran ko.

Nilingon ko siya at sinikap itago ang hilo ko. Nag-iwas ako ng tingin para hindi niya lalo makita 'yon. "Damn those brats," asik ko saka muling tinawagan si Dein Leigh.

Natawa si Bentley sa likuran ko, saka ko siya naramdamang lumapit. "I'll take you home."

Nagugulat ko siyang nilingon, at mas nagulat pa sa lapit namin sa isa't isa. Bahagya akong umatras. Ngayong wala nang bar counter na nakapagitan sa 'min, mas lalo kong nakita at naramdaman ang tangkad niya. Halos maramdaman ko ang sariling lalamunan sa pagkakaangat ng tingin sa kaniya.

Medyo unfair din na nag-trabaho siya; kaliwa't kanan ang customers at buong oras nakatayo, pero mas fresh siyang tingnan kaysa sa 'kin. Samantalang ako na nandoon para mag-relax at mag-enjoy, nakaupo lang ako at panay ang inom pero daig ko pa ang sumayaw nang walang hinto. Naaamoy ko ang cologne niya, naaamoy niya kaya ang epekto ng drinks sa 'kin? How embarrassing.

"It's late," lumingon siya kung saan saka binalik ang paningin sa 'kin. "Medyo malayo rin 'to sa 'tin."

"Sa 'tin?"

Umangat ang gilid ng labi niya. "We both live in Laguna."

"Okay..." muli kong nilingon ang yate, umaasa pa ring makikita ang kaibigan ko at makakasabay silang umuwi. Nang muling mabigo ay pabuntong-hininga kong nilingon ang parking sa likuran ni Bentley. "Do you have a car?"

Matunog siyang ngumiti. "I may look rich but believe me, I'm poor. We'll ride a bus."

"A bus?" wala sa sariling tugon ko.

"That's right."

Nasapo ko ang noo nang maalala 'yong unang beses na nakita ko siya. Hindi ko malimutan 'yong ganda ng ngiti niya habang sinasalo lahat ng usok mula sa mga tambutso ng sasakyan. No'ng una, natatawa ako sa kaniya. Nang sumunod, naawa na. Ngayon ko lang naiisip kung gaano siya kasimple.

"Nakainom ako, ayos lang ba 'yon?" Wala na akong choice.

Natawa siya. "Of course."

Napabuntong-hininga ako at muling nilingon ang yate, wala talaga sina Dein Leigh. "Are you sure it's okay with you?"

"Why not? We're friends now, right?"

Inirapan ko siya. Pero walang maibigay na dahilan. Naliliyo na ako at nahihiya na baka maging abala lang ako. Isa pa, ngayon lang ako makakasakay sa public bus. Ayaw ko sa lahat, nagkakamali ako at napapahiya. Nag-aalala ako na baka ipahamak ako ng ugali ko.

"Walk," inunahan niya kong maglakad.

Napairap ako at sumunod. Habang nasa likuran niya ay panay pa rin ang tawag at text ko kay Dein Leigh. Hindi talaga siya sumasagot.

Magkasama kaming naghintay ng bus sa waiting area. Nakatingin lang siya sa daan habang ako ay panay pa rin ang contact sa best friend kong wala na talagang pag-asa.

"Are you hungry?" tanong niya, iling lang ang sinagot ko. "She's not answering, huh?"

Napabuntong-hininga ako. "No."

Natatawa siyang umiling saka muling nag-abang sa bus. Gano'n na yata talaga si Dein Leigh sa t'wing kasama si Randall. Matagal na sila pero hanggang ngayon, baliw na baliw siya rito. Na minsan nakapag-aalala na.

"Here comes the bus." He smiled at me as the bus approaches.

Tumabi siya at pinauna akong sumakay. Wala pa man ako sa gitna ng aisle, umandar na ang bus dahilan para mawalan ako ng balanse. Lalo pa 'kong nabigla nang masalo ni Bentley ang magkabilang braso ko, napasandal ako sa kaniya. Inalalayan niya ako paupo saka siya tumabi sa 'kin.

"Thanks," mahinang sabi ko.

"No worries," nakangiting aniya habang nakatingin sa harapan.

Tumingin ako sa magkabilang gilid ko at naghanap ng seatbelt. Nang walang makita ay sinilip ko ang inuupuan ni Bentley.

"What?" pinagtaka niya ang kilos ko.

"Where's the seatbelt?"

Umawang ang labi niya saka natawa. "Is this your first time riding a bus?"

Napabuntong-hininga ako. "Yeah," mahinang sagot ko nang makita ang mga nasa kabilang side na lumingon dahil sa tanong niya.

"Don't worry, I'll keep you safe." Kumindat siya.

Nangunot ang noo ko at nag-iwas na lang ng tingin. Madilim na madilim na sa labas. Sinubukan ko ulit tawagan si Dein Leigh pero wala pa rin. Kahit pa kasabay ko nang umuwi si Bentley, kailangan kong malaman kung nasa'n siya.

Obviously, she's not looking for me but I need to let her know na on the way na 'ko pauwi. Gusto ko rin siyang makausap na 'wag nang iparating kay mommy na hindi ko sila nakasabay umuwi. Sigurado kasing marami silang masasabi ni daddy dahil sa pag-aalala, at baka hindi na 'ko makaulit.

"Not sure but I think they're on the cabin,"nakangisi niyang sinabi mayamaya, sinulyapan ang cellphone ko.

"What? Bakit hindi mo sinabi kanina? Ang sabi mo, nakaalis na lahat."

Natatawa niya 'kong pinandilatan. "Because they're doing something...private."

"That asshole," mahinang asik ko, si Randall ang tinutukoy, dahilan para lalong matawa si Bentley. Pinanlisikan ko siya. "Hindi mo man lang pinigilan?"

Nangunot ang noo niya. "I can't do that. I'm a nobody, he's my boss."

"Tsk. You should've told me, at least, earlier. Bago pa 'ko sumama sa 'yo."

Natigilan siya. "Sorry," nakangiti niyang sagot saka tumingin uli sa harapan. Sumandal siya at hindi na uli ako kinausap pa.

Halos dalawang oras ang travel time, panay ang hinto ng bus everytime may passenger na bumababa. Sa terminal naman kami bumaba ni Bentley. Kahit pa siguradong sa Laguna na 'yon, hindi ako pamilyar sa lugar.

"Now we're going to ride a jeep," muling ani Bentley.

"Bakit hindi na lang tayo mag-taxi?" ginala ko ang paningin.

"Taxi? You mean tricycle?" tumatawa niyang sagot.

Nalilito akong umiling. "What's the difference?"

Namangha na naman siya. "Hindi mo alam?"

Nangunot ang noo ko. "Of course, I do." Inis ko siyang tinalikuran.

"Fine, my treat."

Umirap ako. "Ako na."

Inabutan ko ng peso bill ang driver ng tricycle saka sinabi kung saang exclusive village ako ihahatid. Inaasahan kong magugulat ito, dahil kilala ang village namin sa buong Laguna at imposibleng sa tricycle ako sasakay. Pero nginitian ako ng driver at magalang lang na sinabing sumakay na ako.

"Mind if I sit beside you?" nagulat ako nang yumuko si Bentley para tanungin ako.

Nilingon ko ang kakaunting space na natira sa loob ng tricycle. "Yes. Sit at the back please," medyo nagtunog mataray yata ang boses ko. Pero hindi ko intensyon 'yon. Masyado lang akong kinabahan sa tanong niya at sa isiping makatabi siya sa gano'n kakipot na space.

Natawa siya saka tumango. "Fine, then." Palihim akong ngumiti nang sumakay nga siya sa likod ng tricycle. "Let's go, sir."

Hindi ko maintindihan kung bakit meron sa 'king natuwa sa simpleng tanong niya kung maaari bang maupo sa tabi ko. Pakiramdam ko, patunay 'yon na gentleman siya kahit sa paningin ko, tulad lang siya ni Randall na babaero.

"Hey, Keziah," hindi ko inaasahang lalapit pa si Bentley nang maihatid ako malapit sa labas ng village.

Hindi ako pwedeng magpahatid sa harap mismo. Kilala ng guards ang family namin at siguradong magtataka ang mga 'to sa sinakyan ko. Ayaw ko ring may makakita na hindi talaga ako inihatid pauwi nina Dein.

"Yes?" hula ko ay magpapasalamat siya sa gabing 'to.

"I'm available this weekend," ngumiti siya. "I can...tutor you." Pahina nang pahina ang boses niya, hindi ako sigurado kung tama ang kutob kong nahihiya siya.

Sa itsura ay mukhang kabado siya. Hindi gaya kanina, hindi ko makita ang kompyansa sa mukha at tindig niya. Ang totoo, parang hindi siya makatingin sa 'kin nang deretso.

Nahihiya ba siya? Hindi ko napigilang ngumiti. Nahihiya dahil...ayaw niyang mainsulto ako? O...nahihiya dahil ayaw niyang isipin ko na gusto niya lang ako makita?

Umawang ang labi ko at wala sa sariling natawa sa naisip ko. Sino ako para isipin 'yon?

"I mean...I want to tutor you," kaba na ang mahihimigan sa boses ni Bentley nang idagdag 'yon. "I want to see you...again...if...you don't mind."

Sandali akong natigilan. Baliw ako para ngumiti, nginitian ko siya at imposibleng hindi makita ro'n ang tuwa ko sa sinabi niya. Kaya bago pa niya makumpirma ang reaksyon ko ay muli akong sumeryoso.

"No," mariing sagot ko, kahit pa hindi 'yon ang sagot sa isip ko. "Thank you."

Umatras siya at napapahiyang nakamot ang batok. "Alright..." bakas ang panghihinayang sa mukha niya. "I hope you had fun tonight."

Ngumiwi ako para lalong maitago ang emosyon. "I did, somehow. Thanks, good night." Kinawayan ko lang siya at tinalikuran na rin.

Saka ako napangiti nang magbaba ng tingin at maglakad palayo. Pinigilan ko ang sariling lumingon. Sinikap kong huwag sundan ng tingin ang papalayong tricycle. Kahit na ang totoo, gusto kong gawin 'yon. Pero natatakot ako. Gusto ko ang pakiramdam pero nag-aalala ako na baka mali ang interprestasyon ko sa mga kilos at sinasabi niya. Na baka ako lang ang gumagawa ng dahilan para sa sarili kong nararamdaman, at sa huli masaktan sa katotohanan. Ayaw ko no'n. Nakakatakot ang gano'ng pakiramdam. At mas nakakatakot na sa kaniya ko 'yon nararamdaman.

To be continued. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji