CHAPTER 11
CHAPTER 11
"GOOD LUCK, students," nakangiting ani Sir Caballero bilang hudyat na pwede nang simulan ang exam.
Humugot ako ng hininga at itinuon ang paningin sa questionnaire. Napangiti ako matapos basahin ang unang tanong. Kayabangang isiping madaling sagutin 'yon pero totoong natutuwa ako na para bang gano'n ka-obvious ang sagot para sa 'kin.
Nakagat ko ang labi nang basahin ang sumunod na question at gano'n ulit ang maramdaman. Natigilan naman ako nang sagutin ang mga sumunod pang questions dahil hindi nagbabago ang pakiramdam ko. Sa unang pagkakataon, wala akong kaba, hindi ako aligaga. Sa halip, kalmado at nangingiti pa 'ko nang sagutan ang mga 'yon.
Ngayon ko lang naramdaman na para bang alam na alam ko ang mga sagot. Sa mga nakaraang exam, may mga pagkakataon na sigurado akong alam ko ang sagot, pero hindi ako ganito ka-confident. Hindi ako nakakangiti nang ganito. Hindi ko iyon nakikita na para bang pinagtatawanan ko pa ang ibang choices dahil katangahang piliin ang mga 'yon gayong obvious ang sagot.
Sa mga nakaraang exam, kahit alam ko na ang sagot, pinag-iisipan ko pa ring mabuti 'yon. Nasosobrahan ako sa pag-a-analyze. I get stuck on a question and spend too much time on it. I always see too many possibilities and overthink my choices of answers. Kaya madalas, sa huli, nahuhulog ako sa maling sagot.
Hindi ko maramdaman 'yon ngayon. Babasahin ko ang tanong at hahanapin sa choices ang pinakatamang sagot. Karamihan sa mga tanong, nasagot ko agad. Kung hindi naman, inuulit ko ang pagbabasa sa question at muling pagpipilian ang choices. Sobrang swabe. Na nagawa ko pang balikan ang lahat ng questions at answers ko nang matapos para masigurong kontento ako.
Matapos no'n, naisip ko ang posibleng dahilan para maging ganito kaswabe ang pagsasagot ko sa exam ngayon. Inisip ko agad ang notes na ginawa ko sa nagdaang linggo. Pero isip ko rin mismo ang tumangging iyon ang dahilan.
Nahugot ko ang hininga nang maalala ang notebook ni Bentley. Konsensya ko ang kokondena sa 'kin kung itatanggi kong iyon ang pinakamalaking tulong.
"You finished early," hindi inaasahan ni Sir Caballero ang maagang paglapit ko. Ngiti lang ang sinagot ko. He was right, maaga na nga akong natapos, nabalikan ko pa lahat ng items.
Nilingon ko si Dein Leigh, tutok pa rin siya sa pag-e-exam kaya tumuloy na 'ko sa cafeteria at doon siya planong hintayin.
Habang kumakain ng croissant, naisip ko kung gaano kakalmado ang isip ko. Madalas kasi, hinahanap ko agad sa notes ang mga posibleng sagot sa questions na nahirapan ako. Nang sandaling 'yon, mas naiisip ko pa kung mauubos ko ba ang juice na binili ko dahil malaki lang ang available.
"Bes!" hindi maipinta ang mukha ni Dein nang maupo sa harap ko. "Ang hirap no'ng exam, parang gusto ko na lang mag-shift ng course."
Natawa ako. "Para sa isang exam lang, magshi-shift ka?" inilingan ko siya.
Natigilan siya at napatitig sa 'kin. "Omo..." Kinapa niya ang noo at leeg ko, nang-aasar. "May lagnat ka ba?"
"What?" natatawa ko siyang sinulyapan.
"Madalas, mas depressed ka pa sa 'kin after exam, iba ka ngayon, bes."
"Nag-aral kasi ako."
"Parati ka namang nag-aaral pero iba ka talaga ngayon. Sobrang aga mo ring natapos."
Ngumiti ako. "Nagulat nga rin ako. Hindi rin madali 'yong exam para sa 'kin. Pero hindi ako nag-anxiety kanina unlike no'ng mga nakaraang exam."
Umawang ang labi niya. "As in?"
Nakangiti akong tumango. Palibhasa, kilalang-kilala niya ako, nagulat siya. Matindi kasi talaga ang anxiety ko every after exam, hindi maipaliwanag. OA sa iba pero para talaga akong babagsakan ng langit o lalamunin ng lupa kapag gano'n. Hindi umaayos ang mukha ko hangga't hindi nakikita ang resulta. At kapag disappointed sa score at ranking, parang ako na ang pinakamahina sa klase at buong batch. Paulit-ulit, ganoon na lang lagi ang drama ko mula pre-med, hanggang ngayon.
"Baka naman inspired ka, bes? Hindi ka nagkukwento, ah?" panunukso niya.
"Kanino naman ako mai-inspire, sira?"
Ngumiwi siya. "Kanino agad? Masyado ka namang nagpapahalata."
Inirapan ko siya. "Manahimik ka nga."
"Hindi kaya...doon sa chick magnet na senior natin? Ano ngang pangalan no'n, Einstein ba?"tumatawang aniya habang binubuksan ang wrapper ng garlic cheese bread na in-order. "Galileo Galilei?"humirit pa siya, siya lang din ang natawa.
Alam kong nagbibiro siya dahil sigurado namang alam niya ang pangalan nito. Pero hudyat 'yon na hindi interesado si Dein Leigh kay Maxwell.
"Si Maxwell?" pabuntong-hiningang tugon ko.
Magkakasunod lang siyang tumango saka lalong nanukso ang mga tingin at ngiti. Umiiling akong nag-iwas ng tingin. Wala talaga siyang idea na sa kaniya tingin nang tingin ang chick magnet na tinatawag niya.
"Usap-usapan lagi 'yon ng girls, nakakarindi."Kinikilabutan pa niyang sabi.
Napatunayan ko 'yon nang pumasok si Maxwell sa cafeteria at agad naagaw ang atensyon ng mga babae, kasama na ako. Sinulyapan ko ang bestfriend ko na dali-daling kinalikot ang cellphone niya, siguradong boyfriend na naman ang aasikasuhin.
Muli kong pinako ang paningin kay Maxwell, saka nilingon ang mga babae para makita ang reaksyon ng mga ito. Walang hindi nakangiti, lahat ay nagniningning ang mga mata habang nakatingin dito. Para silang nakakita ng artista. Habang iyong isa, nakaangat lang ang tingin sa menu at sa huli, bottled water lang ang in-order. Dumeretso siya sa pinakamalapit na table at naglabas ng cellphone at notes.
Napalingon si Dein sa gawi ni Maxwell dahil sa ingay ng mga babae sa kalapit naming mesa. Ngumiwi ang best friend ko sa reactions ng mga ito saka lumapit na tila bubulong sa 'kin.
"Siya ba ang inspiration mo, ha?" talagang hindi siya mahinto sa panunukso. "Bagay kayo. Parehong matangkad, maganda at gwapo, tahimik at matalino."
Tipid akong ngumiti saka nagbaba ng tingin sa juice kong wala pa sa kalahati at hindi sumagot.
"Kinakabahan ako sa resulta mamaya!" nag-cross fingers siya. "Kahit wala na sa top twenty, basta makapasa!" Humalakhak siya pagkatapos no'n.
"Kailan ka ba nawala sa top twenty?" nakangiti kong sabi.
"Ikaw rin naman, hindi nawawala sa top ten,"ngiti niya saka bumuntong-hininga nang pagkalalim-lalim, napatingin ako. "Hindi kasi ako nakapag-aral no'ng weekend."
"Nakipag-date ka na naman kay Randall?"
"Not really," bumuntong-hininga siya. "Actually, hindi kami nagkita no'ng weekend."
"Bago 'yan, ah?" pang-aasar ko.
Mapait ang ngiti niya. "Right?"
"Don't tell me..." pinaghihinalaan ko na naman ang boyfriend niya.
"Hindi naman siguro," mukhang nakuha niya agad ang pinupunto ko. "Busy lang talaga siguro si Randall no'ng weekend."
Natigilan ako at napatitig sa kaniya. "Naku, 'wag na 'wag talaga niya susubukang magloko, humanda siya sa 'kin!" Inis akong nag-iwas ng tingin, at hindi inaasahang malilingunan uli si Maxwell.
Nakapamulsa siya habang nakapila na uli at palihim na nakatingin kay Dein Leigh—'yong nasa ibang direksyon ang mukha at tanging mata lang ang naroon sa bestfriend ko.
Nilingon ko si Dein bago binalik ang paningin kay Maxwell. Pero napansin yata nito ang pagtitig ko at sinulyapan din ako. Mabilis itong nag-iwas ng tingin at hindi na muling lumingon sa 'min.
Tipid akong ngumiti nang maisip na isa 'yon sa maraming bagay na kinaiinggitan ko kay Dein. Tinatawag niyang chick magnet si Maxwell habang siya, hindi aware na marami rin siyang taga-hanga. Sigurado akong isa na roon si Maxwell. Mula noon, hanggang ngayon, maraming may gusto kay Dein Leigh.
Siya kasi 'yong mataray na hindi mahirap lapitan. Isa 'yon sa mga alam kong dahilan kung bakit maraming nagkakagusto sa kaniya; bukod sa pagiging maganda at matalino. Tinatarayan niya ang mga ito pero nakukuha ring makipagbiruan at makipag-asaran sa mga ito nang walang malisya at hindi nagbibigay ng motibo. Hindi ko masabing happy-go-lucky si bes, kasi alam kong kahit panay ang date nila ni Randall, top priority niya pa rin ang pag-aaral.
Pero kompara sa 'kin, kontento siya at pinagpapasalamat ang maraming bagay. Hindi tulad ko na napakaraming bagay na dapat ikatuwa pero parating nilalamon ng mga katangiang hindi ko makuha.
"Hindi naman na siguro siya...magloloko, bes..."umaasang dagdag ni Dein, sabay tingin sa 'kin. "Pero...ano sa tingin mo, bes?"
Umawang ang labi ko. "What?"
"Sa tingin mo ba...nagloloko ulit si Randall? May...bagong babae kaya siya?"
Umawang ang labi ko at napatitig sa kaniya. "How would I know?"
"Please give it some thought!"
"Bes, boyfriend mo 'yon kaya ikaw mas nakakakilala sa kaniya."
"Hindi ba't napansin mong parati siyang may kausap sa cellphone no'ng party?"
"Ano, napansin mo na rin ngayon?"
Sandali siyang natigilan. "No'ng time na 'yon, talagang classmates lang ang kausap niya. Pero last week...feeling ko may nangungulit sa kaniya sa cellphone."
"Bakit hindi mo tanungin?"
"Should I do that?" she's in desperate need of answers, ganitong-ganito siya sa t'wing malalaman noong may babae si Randall. "Is it okay to do that?"
This is why I don't want to be in a relationship. Kung bakit maski crush, hindi ako magkaroon ng interest. Kasi sa nakikita ko pa lang kay Dein, nawawalan na ako ng gana. Okay lang kung kiligin ako, mapipigilan ba naman 'yon? It's a natural feeling, lalo na kung bago sa 'yo ang ipinaramdam ng kinakiligan mo. Pero 'yong paaabutin sa pakikipagrelasyon ang pwede namang kilig lang, hindi na siguro. It's illogical.
"Yeah, because why not? If he isn't doing anything wrong, I think it would be fine with him to get his phone checked—or ask him directly who's he talking to," sagot ko. "You'll definitely know if he's hiding something from you."
"What if wala naman siyang tinatago tapos...tingnan ko ang phone niya at magalit siya?"
"C'mon, bes, hindi na bago 'to sa 'yo. You're not as if going to barge yourself in and check his phone naman, 'di ba? It's okay to ask. It's only wrong if you check his phone without his consent."
"Okay lang ba 'yon?"
"Oo naman," kunot-noong sagot ko. "Also, ask him kung sinong kausap niya, then be honest na lang din. Sabihin mo na iniisip mong may nangungulit sa kaniya. Na hindi ka komportable kasi napapraning kang may babae na naman siya."
"I was wondering if that's really okay..."
"Listen, bes," hinawakan ko ang kamay niya, naghahandang magsalita as if I'm a freaking pro. When in fact, wala nga akong crush at hindi ako interesadong magkagusto. "Trust and respect are both essential in a relationship, right?"
"Right," nakikinig siya.
"As well as privacy, right?"
"Right."
"But that doesn't mean na babalewalain mo na 'yong suspicions mo para maprotektahaan o maalagaan 'yong essentials na 'yon."
Gano'n na lang kalalim ang buntong-hininga niya, naihilamos ang mukha sa mga palad at nag-aalalang tumitig sa 'kin.
"You got this, Dein. If you have speculations, speak up. Habang maaga pa. You're entitled to ask and that's the best and only way to get an answer. And besides, makakatulong ang communication sa relationship, right?"
"What if he gets mad?"
Bumuntong-hininga ako at pinaghawak ang mga kamay namin. Mas malungkot na siya compared kanina kaya nasisiguro kong may napapansin na siyang mali.
Gusto ko siyang pagalitan. Pero hindi makatutulong 'yon sa sitwasyon niya ngayon. Simple lang naman kasi ang sinasabi ko; magpaalam siyang makita ang cellphone ng gagong Randall na 'yon o itanong kung sino ang kausap nito.
Hindi ko alam kung bakit kailangang maging complicated—at paulit-ulit—at pahaba nang pahaba—ang usaping ito gayong simple lang ang solusyon; magtanong at magpaalam kung gusto ng sagot o manahimik at mabaliw kaiisip sa posibleng sagot.
Ito na nga ba ang ayaw ko sa pakikipagrelasyon, nakakaubos ng oras, hindi na makapag-isip nang ayos, at sa huli, hindi maganda sa pakiramdam. Talagang iyong kilig, hanggang sa una lang. Kaya kung gusto mong manatili 'yong kilig, huwag ka nang makipagrelasyon. Kalokohan lang 'yon. Mas magandang paghandaan at paglaanan ng oras ang future.
"You can ask without making him feel that you don't trust him. You can ask with respect and without invading his privacy. Because relationship also involves honesty and being able to communicate to your partner. I think, that's how a relationship should work, bes."
Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at ngumuso. "Grabe, ang talino mo talaga, bes." Maiiyak na siya kunyari. "Kahit single ka, virgin at takot makipagligawan, ang dami-dami mong alam. Ang dami mo rin sigurong alam sa...alam mo na?"
Pinalo ko ang kamay niya. "Ano ka ba, Dein? 'Yang bibig mo."
Nakakaasar, pinag-isipan ko 'yon at mula sa puso nang sabihin ko tapos gano'n ang isasagot niya?
Humalakhak siya. "What?"
"Do you really have to say that here?"
"Wala namang nakarinig. Napaka-conservative mo naman." Inirapan niya ako.
"Hindi sa pagiging conservative, hindi magandang magsalita ka nang ganyan," reklamo ko. Pero thankful akong na-save ang drama.
Bumalik kami sa klase mayamaya. Gaya sa mga nakaraang araw, tutok ako sa pakikinig at hindi iniintindi ang pangungulit ni Dein between breaks. Dahil sa naging performance ko sa exam kanina, lalo akong ginanahan.
"Grabe...bes..." 'yon agad ang nasabi ni Dein habang pareho kaming naroon sa harap ng bulletin board at binabasa ang names sa exam result.
Hindi agad nawala ang paningin ko sa papel. Naririnig ko ang pagbati ng mga nakapaligid sa 'kin. Pero ang isip ko ay lunod sa kaiisip sa notebook ni Bentley.
Wala namang espesyal sa notebook na 'yon, bakit 'yon ang naiisip ko? Isa pa, may notes akong pinaghirapan, sobrang helpful din no'n gaya ng notes ni Bentley. Pero bakit iyong sa kaniya lang ang naiisip ko? Hindi ko maintindihan.
Isang exam lang naman 'to... Napatitig lalo ako sa pangalan ko. Isang exam, sa daan-daang exams na ite-take ko pa. Simple, at hindi major exam... Pinigilan kong pangiliran ng luha. Isang exam lang 'to sa napakaraming topics na kailangan ko pang aralin. Weekly exam lang para masubok ang natutunan namin sa buong linggo. Isa lang sa paraan para malagpasan ang med school. Pero...
Kumuyom ang palad ko at sinuntok 'yon sa ere. "Yes!" malakas na sigaw ko. Nilingon ko si Dein at saka kami nagyakap. "Top one ako, bes! Top one!"tuluyan na akong pinangiliran ng luha at nagtatalon sa tuwa.
"Perfect score! Nakaka-proud ka, bes!" mas malakas pa ang tili niya kaysa sa 'kin.
Oh, my gosh! Nagtindigan ang mga balahibo ko, gumapang mula sa mga braso paakyat sa batok at ulunan ko. Nakakikilabot ang saya.
Punong-puno ng saya ang dibdib ko. Sobrang sarap sa pakiramdam. Hindi na 'yon ang unang beses pero sa pinagdaanan ko sa mga nakaraang linggo, tagumpay ito.
"Congrats din, bes," hinarap ko siya para batiin dahil top twenty siya.
"Congratulations, Keziah. Top one ka," mapait ang ngiti ni Gwynette, inantala ang pagsasaya naming mag-best friend.
Nilingon ko siya. "Thank you, Gwynette."
"Sa wakas. Oh, 'wag ka na uling made-depress, ah?" ngisi niya sabay lampas sa 'min, nawala ang tuwa ko at napabuntong-hininga.
"Hayaan mo na siya, bes," inawat ako ni Dein. "Don't let her ruin your moment."
Hindi mawala ang ngiti ko dahil sa resulta. Nilingon ko si Sir Caballero na naroon sa harap ng faculty at nakangiti sa 'kin. Hindi ko naiwasang isipin na makakahinga siya nang maluwang ngayon dahil hindi ako susugod doon sa office para alamin kung bakit may mali ako, kung bakit mababa ang score at ranking ko. Bagay na hindi naman siya ang may kasalanan.
"Yes, hello, Keziah?" sagot ni mommy nang tumawag ako.
"Mommy..."
"Yes, darling? Mom is working, do you need anything?"
"Top one ako, mommy."
Sandaling natahimik ang linya saka ito naghisterya sa tuwa. "I knew you could do it! Darling, top one ang anak natin!" agad niyang binalita 'yon kay daddy na para bang board exam na ang naipasa ko.
Hindi mapatanyan ang tuwa ng parents ko, nangilid ang luha ko sa tuwa. Hindi ko malilimutan kung ilang beses kong pinangarap na maramdaman ulit ito. Noon pa man, laging laman ng isip ko ang maging top one; minor o major exam man 'yan.
Hindi na first time pero sa t'wing nagbabago ang ranking ko, nagbabago rin ang reactions ng parents ko. Hangga't maaari ayaw kong maramdaman ang disappointment nila dahil doble ang epekto no'n sa 'kin. Mahirap, masakit at mabigat 'yung disappointed ka na sa result mo, mararamdaman mo pang disappointed ang parents mo.
"Ganyan nga, Keziah. Good job, sweetheart, daddy is so proud of you!" sabi ni daddy. "I'm glad you listened to your mom. Keep doing it, dear. Keep making us proud!"
"I will, dad." Puno ng tuwa at saya ang puso ko nang ibaba ang linya.
Ang sarap sa pakiramdam na masaya sina mommy't daddy, gano'n din ang grandparents ko nang mabilis nilang ibalita 'yon.
Should I thank him? Iyon ang laman ng isip ko habang nasa daan pauwi. Kanina pa 'ko ginugulo ng isip ko, sinasabi nitong kailangan kong pasalamatan si Bentley.
"Should I wear white? What do you think, ate?"hindi ko na nasabayan ang mga sinasabi ni Kimeniah.
Masyado akong nalunod sa sariling iniisip. Natatandaan ko kasi kung ilang beses kong tinanggihan ang tulong ni Bentley. Maging kung ilang beses ko pinag-alinlanganang basahin 'yong notebook niya. Iniisip ko ngayon kung paano siyang pasasalamatan.
"Any color you like, sis," sabi ko, humahaba ang leeg papunta sa harap ng gate namin. Na para bang umaasa na makikita uli roon ang kanina ko pang iniisip.
"I can't decide nga, ate."
Hindi ko pa rin siya magawang pagtuunan ng pansin. "Lagi na lang traffic dito."
Totoong laging traffic pauwi sa 'min, dahil sa public rides. Pero ngayon lang ako nainis dahil hindi ko matanaw 'yong harap ng gate namin sa haba ng pila at hindi umaandar na mga sasakyan.
Bakit nga ba tinatanaw mo ang gate? May inaasahan ka bang makita? Nagising ako sa namuong tanong sa isip ko at natigilan. Bakit nga ba...?
Umiling-iling ako, na para bang maaalis no'n ang katotohanang nagbabaka-sakali akong makikita nga siya.
Ano naman? Magpapasalamat lang naman ako dahil sa notes niya... Saka ko naalala kung ilang beses kong sinabing hindi ko 'yon kailangan, lalo na ang tulong niya. Makapag...hihintay naman siguro 'yong thank you. He doesn't need to hear it naman agad. Besides...sinabi kong...hindi ko kailangan ang notes niya.
Magkakasunod na iling pa ang ginawa ko nang mapansing nakatingin na pala sa akin si Kim. Hindi ko alam kung gaano na katagal. Pero siguradong nawiwirduhan siya sa 'kin.
"Are you okay, ate?" tanong niya. "Top one ka naman pero...tulala ka pa rin?"
Napilitan akong tumawa. "Oo, hahaha. Para akong tanga, 'no? 'Wag mo na lang akong pansinin, sis." Tumikhim ako at itinago ang dismayadong mukha.
Wala akong natanaw na Bentley, malayo pa lang. Gusto ko nang pagtawanan ang sarili nang siguruhing wala nga ito roon bago kami pumasok sa village.
"Oo nga, may naglalaro pa sa basketball court, bords." Iyon ang nadinig kong usapan ng guard nang lampasan ang post nila.
Napalingon ako sa gawi ng court, at basta na lang pinadaan ang sasakyan doon. Syempre, nagtaka si Kim at nagtanong. Hindi naman kasi doon ang way namin pauwi, although sa dulo ng street niyon ay maaaring umikot papunta naman sa 'min.
Nginitian ko lang ang kapatid ko, pinagtawanan niya ako nang mawirduhan.
Sinadya kong bagalan ang pagmamaneho nang matapat sa court. Pero kahit ano'ng bilis kong ginala ang paningin, hindi ko napansin si Bentley. Kailangan kong mag-isip nang panibagong paraan. Pupunta na lang ako sa court.
Ano'ng pwede kong sabihin? Magkahawak ang mga kamay, nagpalakad-lakad ako sa kwarto. Tumingin ako sa oras at nag-alala dahil baka matapos na ang basketball game, hindi pa ako nakakapunta sa court.
Parang nagliwanag ang isip ko nang magkaideya. Dali-dali akong nag-jogging pants at rubber shoes saka bumaba.
Sinadya kong mag-stretching sa harap nina Yaya Karlea at Kim na parehong nasa sala. Naglilinis si yaya habang ang kapatid ko ay nanonood ng TV pero nasa mga hita ang binabasang History book.
"Where are you going, ate?" tanong ni Kim. "Jog?" nagulat talaga siya.
Ngumiti ako. "Recently sobrang sedentary ng lifestyle ko, Kimeniah. Nakaupo na nga school, gano'n na naman sa bahay kasi kailangang mag-review." Perfect reasoning! "I need to reduce my sitting time."
"Next time, ate sabihan mo 'ko nang maaga para masamahan kita. May recitation kasi kami sa history tomorrow," lumaylay ang mga balikat niya.
"No problem, sis. Focus ka na diyan."Kinawayan ko siya saka ko sinimulang mag-jog palabas.
Nakahinga ako nang maluwang nang makalayo sa bahay. Pero muling sumikip ang paghinga ko nang makarating sa court. Malayo pa lang, dinig ko na ang ingay ng mga naglalaro. Kahit hindi ko bilangin, sigurado akong marami sila. At hindi ako sigurado kung valid pa ba ang reason ko oras na tumuloy ako para magbaka-sakaling nandito si Bentley.
Humugot ako nang malalim na hininga. Bahala na!
"Left! Left!" Hindi na ako nahirapan. Sa paglapit ko, si Bentley agad ang nakita ko nang isigaw 'yon.
Napangiti ako nang masalo niya ang bola at dali-dali 'yong itinakbo at pinahulog. They scored! Nagtawanan ang ilang players, kasama na si Bentley, tuwang-tuwa.
"Ay, gago!" singhal ni Bentley nang mabundol ng kalaban, muntik mawalan ng balanse.
Sinundan ko ng tingin si Bentley nang makipag-agawan ng bola sa kalaban nang magpatuloy ang laro. Sa isang magandang hakbang niya, naagaw niya ang bola at itinakbo 'yon sa ring nila. Ipinasa niya ang bola na mabilis ding ibinato pabalik sa kaniya. Nakangiti niyang pinahulog ang bola dahilan para maka-score uli sila.
Lumapad ang ngiti ko nang panoorin ang mga kakampi niyang magsipaglapitan. Ang isa ay tuwang-tuwang ginulo ang buhok niya, habang ang ilan naman ay dinaan sa tapik ang paghanga.
Siya ang pinakamatangkad sa mga naroon, agaw-pansin din ang dating niya dahil sa magandang built ng katawan at kutis.
Lahat naman ng naroon ay may itsura pero sadyang nangingibabaw si Bentley. Aaminin kong lalo siyang gumwapo dahil bakas ang paglilibang at saya niya sa paglalaro. Sa t'wing kikilos siya, makaagaw o maagawan man ng bola, tuwang-tuwa siya. Nagbabantay siya sa kalaban nang seryoso pero ngingiti sa t'wing maiisahan nito. Bawat ngiti at tawa niya, parang nagliliwanag.
Sumasabay sa bawat kilos niya ang galaw ng mga buhok. Nangingintab sa pawis ang makinis niyang noo, matangos na ilong at mamula-mulang pisngi. Ang mga labi niyang hugis malapad na puso dahil sa magandang arko ng pang-ibabaw, kakulay ng mapusyaw na rosas.
Ang hirap alisin ng paningin sa kaniya oras na simulan niyang kumilos. Bumibilis ang paghinga ko sa t'wing makakaagaw siya ng bola at itatakbo 'yon papunta sa ring. Pinipigilan ko namang tumalon oras na maka-score siya.
Pinanood ko uli siyang tumakbo paroo't parito. Nagsalikop ang mga kamay ko sa ilalim ng mukha ko nang magkabungguan sila ng kalaban. Napatalon ako at napigil ang hininga nang muli siyang makipag-agawan. Sa isang mabilis na kilos at pag-ikot niya, three-point shot ang pinalipad niya.
"Scored!" tili ko.
Wala sa sarili akong nagtatalon sa tuwa dahilan para lingunin ako ng ibang naro'n. Sa huli ay nilingon ako ni Bentley. Nakita ko siyang matigilan at hindi inaasahang ngingiti.
Nawala ang ngiti sa mukha ko at paulit-ulit na tumikhim. What the hell am I doing here? Nagising ang kaba sa dibdib ko habang nakatingin kami sa isa't isa. Siya ay nakangiti nang may pagtataka habang ako ay nag-aalinlangan na. Why do I have to come here? Sa dami ng ginawa ko, ngayon ko lang naisip 'to. Hindi ba makapaghihintay ang thank you mo, Keziah?
Napailing ako at basta na lang tinalikuran ang mga naglalaro.
"Keziah!" pagtawag ni Bentley, dahilan para matigilan ako at lumingon. Tumakbo siya palapit sa 'kin, nasa leeg niya ang pula, butas at maliit na towel.
Nahugot ko ang hininga nang tuluyan kaming magharap. Pawisan siya, namumula ang mukha maging ang labi, mapuputing leeg at braso.
"What are you doing here?" tanong niya at saka pa lang sinuyod ng tingin ang paningin ko. "Jogging, huh?"
"Yeah," nag-iwas ako ng tingin. "Bihira kasing...may gumamit nitong court. Na-curious ako...at nanood. I wasn't expecting...to see you."Kasinungalingan na agad ang dinahilan ko bagaman totoo 'yong naunang linya.
"Thanks for cheering for me."
"I was not!" guilty kong sagot.
Umangat ang gilid ng labi niya. "Oh, I thought you were." Nilingon niya ang mga kasamahan nang pumito ang isa. Sumenyas siya, nagpapahintay. "Wait for me. Let's eat lugaw later."
Umawang ang labi ko. "Ayoko," tinalikuran ko siya.
"Coffee?"
"No."
"I'm hungry." Makulit siyang humabol. Inis ko siyang nilingon. "And thirsty."
"Like I care." Inis man, kalmado ko 'yong sinabi, ngumiti siya.
Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa. Patanga-tanga akong nag-jog palayo, nauulit ang pagtalon sa kaliwang paa at itatama 'yon sa pagtalon sa kanan. Muli akong lumingon para alamin kung naro'n pa siya, at awtomatikong nag-iwas ng tingin nang makitang nakatingin siya sa akin at natatawa.
Nakakainis! Nag-iinit ang mukha ko sa sariling kahihiyan. Bakit ba ako pumunta ro'n?
Nag-aalala ako sa iisipin ng mga nakakita sa 'kin. Hindi naman taga-BIS ang mga 'yon, hindi ko rin sigurado kung sino sa mga 'yon ang nakatira sa village. Sadyang nakakahiya na obvious namang nag-cheer ako kay Bentley pero tinanggi ko 'yon. Mas nakakahiya na ginawa ko lahat 'to para makita siya doon.
I just want to thank him for the notes...that's all.
Huminto ako sa pagtakbo at muling lumingon sa court. Inis akong napapikit nang maalala ang sinabi niya; he's hungry and thirsty.
Anong paki ko?
Bumagal ang pagtakbo ko, naiinis sa hindi malamang dahilan. Pero ang isip ko, napuno ng kung ano-anong may kinalaman sa Science.
Bakit naman kasi hindi siya nagdala ng snacks at water? At saka...wala bang time-outs? Psh!
"Tumatakbo sila, nae-exercise. Natural, sweat and dehydration. Sweat evaporates from skin, it removes heat from the body, which makes our body lose fluids too. Kailangan mo ng tubig para i-replace ang fluids na na-release mo katatakbo, kalalaro."
Kaya kong ipaliwanag kung paano ang nangyayari sa katawan niya kaya nakararamdam ng gutom at uhaw sa oras ng paglalaro. Pero hihiyain ko lang ang sarili ko dahil sa talino niya, siguradong alam niya rin 'yon.
Napalunok ako nang may maisip na ideya. Kahit doon lang...makabawi ako.
Tumakbo ako palabas ng village at nasa convenience store na nang maalalang wala akong dalang cash o credit card. Inis akong tumakbo pabalik sa bahay. Syempre, nagtaka na naman sina Kim at yaya. Kaya bitbit ko na rin ang cellphone ko nang makababa, iyon ang dinahilan kong binalikan.
Ano kaya sa mga 'to ang magugustuhan niya? Hindi ko masyadong kilala si Bentley. Hindi kami close at wala akong pakialam sa kaniya. Pero dahil simple siya, siguradong kahit ano magugustuhan niya. Kaya bakit nahihirapan akong pumili ng drinks? Hindi rin ako makapag-isip kung tama na ba ang bread sa kaniya?
Damn it!
Sa huli, iyong sports drink at dalawang energy bar ang binili ko. Bahala siya kung hindi niya 'yon magustuhan. Itapon niya na rin kung gusto niya. Basta makabawi ako sa tulong ng notes niya sa pamamagitan nito, matatahimik na 'ko.
Nasa bleachers na ang players nang makabalik ako. Lahat ay umiinom sa kani-kanilang sport drinks, tanging si Bentley ang tawa lang nang tawa habang pinalilibutan ng mga kalaro. Siya ang bida, at mukhang pinupuri ng mga kasama.
"Why don't you join our team, Bentley?" tanong ng isa dahilan para mahinto ako sa paglapit.
"Oo nga! Join us, Bentley!" pangungulit ng isa pa. "You're a good basketball player, your agility is crazy! Pare, join us. I'll do everything, just say yes. We need you."
Tumatawang umiling lang si Bentley. Habang ang mga kasamahan niya ay nakatingin sa kaniya, umaasa. Na para bang kaunting pilit pa, mapapapayag na nila ito.
"I'm a Med student, man," hindi mawala-wala ang ngiti sa mukha ni Bentley, napatitig ako.
"Exactly," tinapik siya sa balikat ni Lemar, ito lang ang kilala ko sa pangalan bukod kay Bentley.
Hindi ko malilimutan 'yong unang pagtatagpo nila, akala ko talaga mag-aaway sila nang oras na 'yon. Hindi ko masabing walang kasalanan ang grupo nina Lemar, pero masyado silang na-provoke ni Bentley. Look at them now, pinipilit na nila si Bentley na mag-join sa team nila. What a glow up.
"You lack in extracurriculars!" dagdag ni Lemar, mahihimigan ang kagustuhang mapilit si Bentley. "As if you're studying 24/7?"
Nangunot ang noo ko. Sino namang med student ang kakayanin pang tumanggap ng ganitong extracurricular? Kung alam mo lang... Umiling ako.
"Sorry, I really can't." Nakangiti man, bakas din ang panghihinayang kay Bentley. "I'm a working student. I need to make money, you know. I can't...joggle med school, sports and part-time."Hindi niya inaasahang malilingunan ako, bumalik ang ngiti sa mukha niya. "Excuse me." Humakbang siya palapit sa 'kin.
"Hey, c'mon, Bentley Scott!" lumaylay ang mga balikat ni Lemar. "Hi, miss," nakangiwi niyang bati, hinayang na hinayang. Nag-angat lang ako ng noo bilang pagtango sa kaniya.
Narinig ko ang ibang kalaro niya na lalong manghinayang. Patunay lang na gusto talaga nilang makasama sa team si Bentley. Pero nahiya ako nang ang ilan ay manukso na. Kung hindi lang makasasama kay Bentley, inirapan ko na ang mga 'to.
"Hey," ngumiti si Bentley. "You came back. It's getting kind of late." Sinulyapan niya ang langit na para bang malalaman niya ang oras doon. "What's up?"
Naitago ko ang plastic bag sa likod ko dahilan para mapansin niya 'yon. Ngumiti siya pero hindi ako kinulit tungkol do'n.
Humugot ako ng lakas ng loob pero bigla niyang tinapik ang braso ko. "Let's have a seat."
Para akong timang na sumunod. Nakamasid lang ako sa likuran niya, basa ng pawis ang white shirt niya, humahalo sa amoy ng cologne. Tulad ng natural niyang pananamit, marumi 'yon at gusot. Pero dahil naglaro siya, hindi ko iniilingan 'yon ngayon.
You should be studying right now, Keziah. Why are you here? Kanina pa nakasimangot sa 'kin ang konsensya ko.
Hindi siya nagsalita nang makaupo kami. Siya ay nakamasid sa mga kasama niya, nakangiti. Habang ako, panay ang kutkot sa daliri habang tinatago ang plastic bag ng sports drink at energy bars. Hindi ko alam kung paanong ibibigay 'yon, nahihiya ako.
Lumingon siya sa 'kin at tumitig. No'ng una ay nagtataka kong nalabanan 'yon. Kalaunan ay kailangan ko nang mag-iwas ng tingin, at saka babalikan siya ng tingin. Dahil hindi ko siya matagalan.
Nanginiti siyang nag-iwas ng tingin. "Can I walk you home?" nilingon niya uli ako.
Natigilan ako. "Bakit?" halos mautal ako.
Ngumiti siya. "Anong bakit?" nagpunas ulit siya ng pawis. "It's getting dark."
"We're inside our village. It's safe here."
"Please?" nilingon niya uli ako.
Napabuntong-hininga ako. "No, you can't." Sinabi ko 'yon sa paraang hindi na siya pwedeng mangulit.
Tumingin siya sa malayo at bumuntong-hininga pero ngumiti pa rin. "One day I'll meet your parents."
Nangunot ang noo ko. "Bakit mo naman gagawin 'yon?"
"To get their permission to pick you up at school and walk you home after jogging." Ngumiti siya at muling lumingon sa 'kin. Napatitig ako sa kaniya. "Seriously."
Hindi ako nakasagot, sa halip ay napatitig. Nag-iwas ako ng tingin nang mag-init ang pisngi ko. Basta ko na lang inabot ang plastic bag nang hindi nakatingin sa kaniya. I can still see his reactions from the corner of my eye, though.
Nakita ko siyang matigilan at magbaba ng tingin sa plastic bag. Nilingon niya uli ako bago tinanggap 'yon.
"Sige," mahinang sabi ko sabay tayo. Pero nakikita ko pa rin siya sa gilid ng mga mata ko. "Uuwi na 'ko-"
"Wait," pinigilan niya ang kamay ko. "What's this?"
Ilang beses kong klinaro ang lalamunan ko nang tahimik. "For you..." mahinang sabi ko, palihim na napapikit.
Hindi siya nakasagot. Kaya pasikreto ko siyang tiningnan sa gilid ng mga mata ko. Sa halip, binuksan niya ang plastic bag at nilabas ang binili ko para sa kaniya. Panay ang kutkot ko sa daliri habang naghihintay sa sasabihin niya. Yumuko pa 'ko at tinago ang mukha ko sa mga buhok. Pero nakailang buntong-hininga na 'ko, tumitindi lang lalo ang kaba ko, tahimik pa rin siya.
Sa inis ay tuluyan ko siyang hinarap. "Kung ayaw mo..." Hindi ko naituloy ang sasabihin nang makita siyang titig na titig doon habang nakangiti.
Tiningala niya ako at muling ngumiti. "You're so thoughtful, thank you, Keziah."
Gusto kong sabihin na pasasalamat 'yon sa notes niya. Na dalawang energy bar at isang sports drink lang 'yon. Na sobrang mura lang ng mga 'yon at sa convenience store sa labas ng village lang binili. Na walang ibang ibig sabihin 'yon kaya 'wag siyang mag-isip ng kung ano-ano. Pero sa paraan ng pagkakatitig niya doon...wala akong nasabi maski isa.
Hindi ko ine-expect na ang dalawang energy bar at isang bottle ng sports drink ay deserving sa ganito ka-genuine na appreciation. Wala siyang sinasabi pero sa pagkakatitig niya doon, sa ganda ng kaniyang ngiti, at sa ningning ng mga mata niya, nasasabi ko kung gaano siya kasaya.
"Bentley, we're leaving." Lumapit si Lemar dahilan para maagaw ang atensyon naming pareho. Sumulyap siya sa 'kin. "Hey, nice to see you again."
Tumayo si Bentley. "This is Keziah," pinakilala niya ako. "Meet Lemar." Nagkamay kami at tumango sa isa't isa.
Saka niya sunod-sunod pinakilala ang lahat, sinikap kong huwag magmukhang mataray pero mukhang nabigo ako. Ang kaninang mga nanukso ay alinlangan nang tumitingin sa 'kin ngayon. Alam ko kung ano'ng nasa isip nila, inaalam ang relasyon ko sa lalaking ito sa tabi ko. Pero mukha ring nasiguro nilang wala kaming reaksyon.
"Are you sure you don't wanna join us for dinner?" si Lemar. "Come and join us, Keziah."
"No, I'm fine, thanks." Nilingon ko si Bentley. "It's okay, go with them."
"No, I'll stay. Maybe next time, Lemar, thanks."Tinapik ni Bentley ang kalaro sa balikat. Hindi na nawala sa kaniya ang paningin ko.
"Man, I'm really serious, join us. I'll talk to our coach. Pag-usapan uli natin sa next game, alright?"
"Next game?" humalakhak si Bentley.
Sinapak ni Lemar ang balikat niya. "May next game pa tayo!"
"Man..." tumatawang umiling si Bentley, nasa mga kamay ang paningin. "I...really can't. I can't join your team, and I can't play next week." Nakangiti niyang sinagot 'yon pero nababasa sa mga mata niya ang kagustuhan, hindi ko maintindihan.
"Not gonna take no for an answer, Bentley Scott, I'm serious."
"I said I can't, I didn't say no, silly." Humalakhak sila.
"Gago, pareho lang 'yon. Kahit ganito lang ulit, laro-laro lang, Bentley."
"Not gonna promise but I'll try."
"Look, a player like you comes along once every three years. Think of the possibilities, man. Just let your parents support you financially, stop working. Don't waste your talent."
Ang kaninang bahid ng panghihinayang sa ngiti ni Bentley ay nawala. Sa halip ay napalitan ng lungkot na sinundan ng buntong-hininga.
Hindi na sumagot si Bentley. Magkakasunod na tapik naman ang binigay ni Lemar at ngiti sa akin. Ang lahat ay kumakaway na nagpaalam sa 'min. Naiwan kami ni Bentley sa bleachers, 'ayun at nakangiti na naman siya sa binigay ko.
"Bubuksan ko na, ah?" ngiti niya.
"Enjoy."
"I will," lumapad pa lalo ang ngiti niya. Para siyang bata na first time makakatikim ng mga 'yon.
"Bakit hindi ka sumama sa kanila?" tanong ko habang pinanonood siya.
Nakangiti niyang binuksan ang energy bar at tinikman 'yon. Lalo pang lumapad ang ngiti niya, napabuntong-hininga siya.
"Saan?" tanong niya.
"Magdi-dinner daw kayo," nag-iwas ako ng tingin. "Baka naabala ko ang plano mo."
"Of course not. Wala talaga akong planong sumama sa kanila. I can't afford their meal." Hindi ko inaasahan ang sagot niya.
Umawang ang labi ko, hindi makapaniwala. Seryoso ba siya sa dahilang 'yon? He's from SIS and a med student, meal lang, hindi niya pa afford? Paano akong maniniwala?
Pero nang makitang seryoso siya ay naitikom ko ang bibig at napalunok. Parang may kumurot sa puso ko habang pinanonood siyang kumain. Lumingon siya sa 'kin na parang wala lang ang sinabi. Habang ako, hindi makapaniwalang posible 'yon.
Lalong sumakit ang dibdib ko nang maalalang lahat ay umiinom sa kani-kaniyang drinks kanina habang siya ay tumatawa lang. Maging ang shoes niya, hindi akma para ipanglaro sa ganitong sports.
"You don't...wanna join their team?" dagdag tanong ko. Kahit na may idea naman talaga ako sa sagot.
Wala akong nakilalang med student na sumali sa sports sa BIS. But of course, med students can be an athlete too. 'Yon ay kung kaya nilang ibalanse at pagsabayin ang med school at extracurricular activities.
Nagkibit-balikat siya. "Basketball is one of the most time-consuming extracurricular activities. It can easily take twenty to twenty-four hours a week to practice, meetings, match...whatever. I can't."Gano'n na lang kabigat ang buntong-hininga niya.
Maraming advantages ang pagiging athlete at med school graduate. May nade-develop at nai-improve silang skills na malaking points para mas makapag-perform bilang med student or successful physician. It sharpens their leadership and teamwork which are both important to us, health care providers. They also appear to be more comfortable with handling stress and disappointment. They become more resilient and disciplined, and of course, pagdating sa time-management skills.
Pero mahirap na nga ang med school, paano pa niyang pagsasabayin 'yon at sports? Kaya naiintindihan ko ang pagtanggi niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay ang lungkot at panghihinayang na nababasa sa kaniyang mga mata.
"Anong course nila?" tanong ko, sina Lemar ang tinutukoy.
"Iba-iba," libang na libang siya sa energy bar, hindi maalis ang paningin doon. "Business, finance, management..." Nagkibit-balikat siya. "Others take law."
"Mahirap ding isabay sa sports 'yon."
"Yeah, but they're all millionaires so...they have parents to support them financially." Tumingin siya energy drink at ngumiti. "In my case, I love basketball but I have a grade point and ranking to maintain at med school. At the same time, make money to support my needs."
Top one pa rin kaya siya? Maraming matatalino sa SIS kaya nakaka-curious.
"My parents aren't rich, Keziah. I was born extra poor and have been financially independent since...as long as I can remember, first grade?"tumawa siya, natural na natural na para bang walang problema.
Napatitig ako sa kaniya, sinalubong niya ang tingin ko at nakangiti ring tumitig sa 'kin. Sa sandaling 'yon, natagalan ko ang tingin niya.
Naisip kong talaga ngang iba-iba ang sitwasyon ng tao. I can say na nabibilang ako sa grupo nina Lemar; walang problema financially, hindi kailang maging working student at studies na lang ang poproblemahin.
Siya...kailangang magtrabaho para masuportahan ang sarili. Iniisantabi ang kagustuhang maglaro ng basketball para magkaroon ng oras mag-aral. Disiplinado siya, alam kung ano ang tama at dapat gawin, hindi na kailangang pagsabihan. Hindi siya tulad ko na kailangan pang paalalahanan ng magulang para piliin ang dapat gawin. Mahirap na hindi humanga lalo na't tumatak sa isip ko ang pagiging top one niya.
"So...kumusta ang grades at ranking mo sa SIS?" tanong ko. "Ikaw pa rin ba ang top one?"
"Yeah." Ngumisi siya. "I really thought it was more challenging and difficult there, I was wrong. I should've stayed in BIS."
Gusto kong bawiin lahat ng naisip ko, nanghinayang ako sa paghanga ko. Umarko ang mga kilay ko at umikot ang aking mga mata. Yabang! Hindi ko na sana tinanong. Pero ngayon, sigurado na akong top one pa rin siya.
"I'm sure...your parents are so proud of you."Hindi ko matukoy ang pinagmumulan ng emosyon ko, bagaman nakangiti kong sinabi 'yon.
Ngumiti siya na sinundan ng buntong-hininga saka siya nagbaba ng tingin sa mga kamay bago tumingin sa malayo.
"I admire your intelligence but at the same time," patuloy ko. "I envy you." Saka ako nag-iwas ng tingin.
"Why?"
"Dahil top one ka. Ako na studies na lang ang iniintindi, hindi pa ma-maintain ang scores at ranking." Mapait ang ngiti ko.
Ngumiti siya sa 'kin at umayos ng upo paharap. Nailang ako bigla nang ipatong niya ang mukha sa kamay at deretsong tumitig sa 'kin.
"Kaya mo rin 'yon," siguradong aniya. "Kayang-kaya mong maging top one."
Tumitig ako sa kaniya ngunit hindi nakatagal. Nadinig ko ang matunog na ngiti niya nang mag-iwas ako ng tingin.
"Paano mo naman...nasabi 'yon? Hindi mo naman ako kilala. Hindi tayo close." Inirapan ko siya.
"With the way you speak? You always speak scientifically with confidence, clarity and knowledge." Nakangiti niyang sinalubong ang tingin ko matapos sabihin 'yon. Sa isang iglap, pinag-aralan niya ang mukha ko. "It's attractive."
Natigilan ako at kunot-noong napatitig sa kaniya. Nang ngumiti siya ay saka ako nag-iwas ng tingin.
Paano ko ba sasagutin 'yon? "Do you wanna eat dinner together?" wala sa sariling tanong ko, nakababa ang tingin ngunit nakikita pa rin siya sa gilid ng mga mata.
Natigilan siyang tumitig sa 'kin sa 'kin. Hindi agad siya nakasagot at nang ngumiti, halatang peke. "Where do you wanna eat?" may alinlangan na rin sa boses niya.
Ngumiti ako. "My treat."
Tumitig siya sa 'kin at nakangiting nagbaba ng tingin. "That would be too much, Keziah. Okay na 'ko dito." Pinakita niya ang energy drink, ubos na ang energy bars. "Thank you."
"Hindi ka mabubusog diyan," giit ko.
"It's okay, sanay ako," nginitian niya ako, naroon pa rin ang tuwa, lalong kinurot ang puso ko.
Humugot ako ng lakas ng loob, nakapikit. Saka tumitig sa kaniya. "Salamat sa notebook na...ginawa mo para sa 'kin." Nahihiya at kabado man, naglakas-loob na 'kong sabihin 'yon. "Dahil do'n...top one ako ngayon."
Natigilan siya at marahang lumingon sa 'kin. Nag-angat ako ng tingin at napanood ang unti-unting paglapad ng ngiti niya.
Noong una, ayaw kong aminin na nakatulong ang notes niya. Hindi ko matukoy ang dahilan para tanggapin ko 'yon ngayon. Ang totoo, naiisip kong iyon talaga ang dahilan kung bakit nag-top ako. Sobrang ganda ng notes na ginawa niya, swabe, madaling intindihin, nakalilibang basahin at hindi talaga malilimutan. Ako lang talaga ang nagde-deny.
"Let's eat dinner together," kabado kong anyaya. "Para...makabawi ako sa...tulong mo." Hindi ko na magawang salubungin ang tingin niya.
Nahihiya ako at kabado pero saan nanggagaling ang lakas ng loob ko? Naa-appreciate ko lang ba talaga ang notebook niya? O dahil naaawa ako sa sitwasyon, dahil sa mga sinabi niya? Hindi ko matukoy ang dahilan. Sa ngayon, gusto ko lang talagang gawin 'to.
"Let's go." Basta na lang ako tumayo. "May nadadaanan akong restaurant sa labas ng village..." Hindi ko na talaga siya matingnan. "Ma...mauuna na 'ko ro'n." Tinalikuran ko siya nang tuluyan at nangunang maglakad papalayo.
"Hey, wait for me!" Palihim akong ngumiti nang humabol siya.
Hindi na siguro importante kung ano ang dahilan; pasasalamat o awa man. Ang mahalaga, natulungan niya ako at napasalamatan ko siya. Na maliit na bagay man para sa 'kin ang i-treat siya—madali man para sa kaniya ang gumawa ng notes dahil matalino siya—wala mang dahilan para gawin namin 'to...pareho naman naming napasaya at natulungan ang isa't isa. But of course, wala pa ring meaning sa 'kin 'to.
"Thank you again for the dinner," nakangiting ani Bentley matapos naming kumain. "I really appreciate it."
Lumabas ang tuwa sa ngiti ko. Kahit kanina pa 'ko ngiti nang ngiti dahil naparami ang kain niya. Ganadong-ganado at panay ang puri at pasasalamat.
"Thank you rin talaga sa notes mo. Tuwang-tuwa ang parents ko." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at muling ngumiti.
"Parents mo lang? Ikaw, hindi ka ba masaya?"
Lumapad pa lalo ang ngiti ko. "Honestly, sobrang saya ko." Naibuhos ko ang tunay kong nararamdaman sa mga huling salita. "Sobrang saya ko na nakuha ko 'yong score at ranking na gusto ko. Masayang-masaya ako."
Tumitig siya sa 'kin sandali at ngumiti sa paraang nasasabayan ang tuwa ko. "I'm proud and happy for you."
Nawala ang ngiti ko at nalabanan ang titig niya. Hindi lang naman siya ang nagsabi no'n pero bakit iba ang pakiramdam nang sa kaniya ko narinig? Malayo sa pakiramdam t'wing sina mommy't daddy ang nagsasabi.
Nang sandaling iyon ko lang naramdamang may proud at masaya sa achievement ko hindi dahil 'yon ang kailangan kong makuha. It was more of a compliment than expectations and standards. It made me feel deeply pleased and satisfied with what I've done and achieved.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top