CHAPTER THREE
CHAPTER THREE
"WOULD IT be fine if I take Maxrill home first?" napapahiyang ani Rhumzell nang makatulog ang katabi niya, ilang minuto pa lang tumatakbo ang sasakyan. "He's drunk,"alinlangang aniya.
"Hala," napanguso ang kapatid ko.
Napabuntong-hininga naman ako. My kind of baby... Muling umalingawngaw sa pandinig ko ang sinabi niya, napapikit ako nang mariin para mawala 'yon.
"Napakaaga namang uminom ng batang 'yan?" nangangaral ang tinig ni nanay. "Ikaw ba ay nakainom din, Rhumzell?"
"Hindi po, tita. Actually, maaga pa lang ay nandoon na ang mga Moon sa bahay po. Umalis na sila at naiwan itong si Maxrill po."
"Bakit nalasing iyan?"
Nagkibit-balikat si Rhumzell. "Pareho silang uminom ni Kuya Maxwell po. Nagparamihan pa ng inom po, tita."
Ako ang nahihirapan sa pananalita ni Rhumzell. Para bang hindi niya alam kung saan tamang ipupwesto ang paggalang sa sentence niya. Hindi ko maiwasang isipin na hindi siya sanay gamitin iyon. Maliban na lang kung sanay silang mag-usap sa Ingles gayong ganoon ang accent niya.
Napabuntong-hininga si nanay. "Maigi nga sigurong iuwi na muna ito at baka magalit si Maze."
Gusto kong malungkot dahil hindi ko pala makikita nang matagal si Maxrill ngayon. Gano'n kabilis na nawala ang excitement ko para sa party at kinokonsensya ako no'n. Napaka-unfair ko kay Rhumzell gayong napapansin kong panay ang tingin niya sa 'kin mula sa salamin sa kaniyang harapan. Nang minsang magtama ang paningin namin ay nakita ko pa siyang ngumiti.
Inihatid nga namin si Maxrill sa mansyon ng mga Moon. Gano'n na lang ang gulat ko sa dami ng pumaroon upang sunduin ang bunso nila. Naroon si Ate Maxpein, Tiyo More, Tiya Maze at Lolo Mokz. Para bang ganoon na lang kabigat si Maxrill para silang apat pa ang magbuhat.
"Aigoo!" sabi ni Lolo Mokz nang akayin si Maxrill sa kaniyang balikat. "Iba pala ma-in love ang batang 'to." Gano'n na lang ang gulat ko nang sulyapan niya ako.
Napatango ako, nakasanayan na ang ganoon nilang kultura. "Magandang gabi po, Lolo Mokz." Gusto ko tuloy mahiya kasi hindi man lang kami lumabas ni Bree. Tanging sina nanay at Rhumzell ang humarap sa mga Moon.
"Napakaganda mo naman ngayon, hija,"ngiti ni Lolo Mokz saka nilingon ang kapatid ko. "Oh, hello, Bree!"
"Hello po, Lolo Mokz!" magiliw na tugon ng kapatid ko. "Pakibantayan na lang po si Maxrill," tila kiniliti na naman siya sa pagkakaupo.
Gano'n na lang tuloy ang pagtataka at pagtawa ni Lolo Mokz sa naging reaksyon niya. "Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!" Hindi ko na naman inaasahang lilingunin ako ni lolo. "Nakakatuwa ang buhay paminsan-minsan, ano?"
Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Maging ang kapatid ko ay mukhang nalito.
"Bukas ay paparoon na sa America si Maxrill kasama ang kuya niya. Kukuha siya ng kung ano-anong degree na maipagmamayabang sa buhay," ngiti ni Lolo Mokz.
Seryoso siya ngunit hindi ko napigilang matawa. Natakpan ko ang bibig ko at nagbaba ng tingin. Ngunit nang rumehistro sa 'kin ang katotohanang pupunta na sa America si Maxrill para mag-aral ay napuno ako ng lungkot.
Hindi ko na siya makikita.
Napatitig ako sa natutulog na mukha ni Maxrill at hinayaan ang sarili kong abusuhin ang pagtitig. Hindi ko maintindihan kung bakit parang lalong naninikip ang suot ko habang isa-isang tinitingnan ang pagiging perpekto niya. Tiningnan ko siya nang may paghanga mula sa buhok, mga mata, ilong at magkabilang pisngi. Mas nanikip ang suot ko nang mapatitig ako sa kaniyang labi. Habol ko ang hininga nang bawiin ang sariling tingin.
"Oh, 'wag kang malungkot, Bree," bigla ay sabi ni Lolo Mokz. Si Bree ang kausap niya ngunit nasalubong ko ang kaniyang tingin. "Babalik naman siya matapos ang ilang taon. Sa panahong iyon ay baka iba na ang damdamin niya. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!" walang kasinlakas ang tawa niya.
"Mokz, birthday celebration ngayon ni Rhumzell, mauubos mo sa katatawa ang oras niya," ani Ate Maxpein, inaawat na ang sariling lolo na hindi man lang nangawit sa pag-alalay kay Maxrill habang nakayuko pa rin sa amin mula sa bintana.
"Oh, pasensya, apo," lumayo si Lolo Mokz sa sasakyan, alalay pa rin si Maxrill. "I hope you liked my gift, Rhumzell."
"I did, 'Lo, you're the best!" masayang ani Rhumzell, yumakap kay Lolo Mokz.
"Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi mahahanap ng lolo mo 'yon, libutin man niya ang mundo! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!"
"Mauuna na kami po," paalam ni Rhumzell.
Sasakay na sana siya nang masulyapan ako. Pumunta siya sa katabi kong pinto saka binuksan 'yon.
"Come sit with me in front," 'ayun na naman ang matamis niyang ngiti, parang pinipigilang lumaki ang pagkakangiti.
Inilahad ni Rhumzell ang kamay sa akin na nanginginig kong tinanggap. Napatitig ako sa kaniya nang nakangiti niyang tingnan ang kamay naming magkahawak. Nakagat ko ang ibabang labi ko at napanguso.
"Bakit?" tanong ko.
"Ang ganda mo," ngiti niya.
Umawang ang labi ko at gano'n na lang ang pagtitig ko sa magandang ngiti niya. Nag-init ang mukha ko at umiiling na nagbaba ng tingin.
"Ano..." 'ayun na naman 'yong kaba ko.
Narinig ko siyang tumawa nang mahina saka ako muling inakay pasakay sa unahan. Hindi niya maalis ang paningin sa 'kin hanggang maisara ang pinto.
Tama nga ang naisip ko nang makita kung gaano ka-en grande ang handaan ni Rhumzell. Nagmukhang umaga sa sobrang liwanag ang kanilang bakuran. Gusto kong umatras nang makita ang mga kaeskwela namin matapos tumuloy. Lalo na nang samaan ako ng tingin ni Danice.
Halos hindi ko mailakad at maitayo nang ayos ang mga paa ko nang dalhin ako sa unahan ni Rhumzell at ipakilala sa mommy at lolo niya. Para akong aatakihin ng hika nang iharap niya ako kina Ate Dein at Kuya Randall, panay kasi ang harapang panunukso ng mga ito sa amin.
Gusto kong ipagpasalamat na sumama si nanay. Bagaman kasi hawak ni Rhumzell ang kamay kanang kamay ko. Palihim kong hawak sa likuran ang kamay ni nanay. Pakiramdam ko ay iyon ang unang pagkakataon na naipakilala ako sa mga magulang ng lalaki.
Pero nang maisip ko kung gaano ko nang katagal kakilala sina Tiyo More, Tiya Maze at Lolo Mokz ay wala sa sarili akong napangiti.
Mas nauna ko nga pala silang nakilala...kahit na hindi si Maxrill ang nagpakilala sa akin sa kanila. Tumatak na sa labi ko ang aking ngiti.
"It's nice meeting you, hija," ngiti ni Tita Dayzelle.
"Kayo rin po, tita," nahihiya kong sagot.
"'Wag kang gagawa kuya mo, Ngitngit, ah?"biro ni Ate Dein.
Napalingon ako kay Rhumzell at gano'n na lang ang mariing pagpikit niya. "Ate Dein?"
"Oh, bakit, Ngitngit?"
"Pinapahiya mo ko," bulong ni Rhumzell ngunit dinig ko.
Tumatawa akong binalingan ni Ate Dein. "Ngitngit ang palayaw niyan kasi masungit,"muli siyang tumawa, nahawa tuloy ako.
"Oh, great," pabuntong-hiningang asik ni Rhumzell saka bumaling sa 'kin. "Please don't listen to her."
Ngumiti ako. "Ayos lang, Ngitngit," bahagya akong yumuko at itinago ang pagtawa.
Ngunit malakas siyang tinawanan ng family niya dahilan para matawa uli ako. Napikon man ay nakangiti akong tinitigan ni Rhumzell, tila pinanonood ang paraan ko ng pagtawa. Nang mailang ay nahinto ako at ngumiti na lang kung saan-saan tumama ang mata ko.
"Everyone, please meet my date, Dainty Arabelle Gonza," hindi ako makapaniwalang inanunsyo iyon ni Rhumzell sa mikropono.
Sigurado akong wala ni isa sa mga naroon ang hindi nakarinig niyon. Gano'n na lang tuloy ang panunukso ng mga lalaking bisita. Nakikita ko naman ang bulungan ng mga babae. Pilit kong iniiwasang salubungin ang tingin ni Danice. Paniguradong gano'n na lang ang inis nito sa 'kin.
Kung bakit naman kasi ako pa ang napiling maging kapareha ni Rhumzell? Pwede namang si Danice na lang. Hindi naman sa ayaw ko pero ayaw ko rin ng gulo. Hangga't maaari ay iniiwasan kong mapag-initan sa school. Mahirap pumasok nang binubuyo sa araw-araw. Na para bang ako alng ang laging nakikita imbes na pag-aaral na lang ang tuunan.
"So, what's the score, dre?!" ani Duane, kaibigan ni Rhumzell. "Is she your girlfriend now?" pinandilatan ko siya.
"Still my princess, dre," ngiti ni Rhumzell saka nagbaba ng tingin sa 'kin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya, magkakasunod ang lunok ko at saka nagbaba ng tingin.
My princess... Inulit ko sa isip ang sinabi ni Rhumzell saka wala sa sariling napaangat muli ng tingin at napatitig dito. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n na lang kasarap sa pakiramdam na marinig 'yon mula sa kaniya.
"What do you want to eat?" ani Rhumzell. "The program will start in a minute."
Sinamahan niya ako sa buffet at bawat piliin ko ay siya ang naglalagay sa plato. Hindi ko tuloy naiwasang pagtuunan ng pansin ang mga matang masasama ang tingin sa 'min habang nagmamasid.
"Ano..." nasabi ko habang nakasunod kay Rhumzell, kumukuha siya ng baked cookies. "Bakit ako ang niyaya mong makapareha?"
Sandali siyang nagulat saka pa lang ngumiti. "Kasi ikaw ang gusto ko."
Umawang ang labi ko. Ako ang gusto niya? Ano...ang ibig sabihin no'n? Napalunok ako. "Hindi mo ba gusto si Danice makapareha?"hindi ko alam kung bakit iyon ang naitanong ko.
Umiling siya. "Ikaw ang gusto ko," inulit pa niya.
Sandali na naman akong napatitig sa kaniya. Wala naman siguro siyang ibang ibig sabihin. 'Wag mong masamain 'yon, Dainty. "Pasensya na nga pala kung wala akong regalo, Rhumzell. Ano kasi..."
Bahagya siyang lumapit. "'Yong pagpayag mo na maging date ko, 'yon na mismo ang regalo mo."
Umawang ang labi ko. Paano 'yong nangyari? Sandali akong nalito saka bumuntong-hininga. "Napakaganda ng bahay niyo, Rhumzell," ngiti ko saka muling iginala ang paningin sa lugar.
Bagaman bakuran lang ang narating ko, gano'n na ang paghanga ko sa malaki nilang bahay.
"Ikaw lang ang magandang nakikita ko ngayong gabi, Dainty," mahina niyang sabi.
Bago ko pa namalayan ay gano'n na kalapit ang mukha namin sa isa't isa. Sobrang lalim ng paglunok ko, halos marinig ko 'yon sa aking tenga.
Inihatid ako ni Rhumzelle sa mesa namin nina nanay. Nagpahatid siya ng pagkain doon na pinagsaluhan naming tatlo.
Pinanood ko si Rhumzelle na salubungin ang mga dumarating pang bisita. Sa pagkakataong iyon din ay nagawa kong pag-aralan ang kabuuan niya. Totoong meron sa aking paghanga. Pero hindi ko sa ganoong paraan inaral ang kabuuan ni Maxrill nang ito ang una kong makita. Gusto kong makonsensya dahil gano'n na lang ang nararamdaman ko. Ngunit kahit anong pilit ko, talagang si Maxrill ang pumapasok sa isip ko sa t'wing susubukan kong patuluyin si Rhumzell.
"Masama ang tingin sa 'yo nina Danice at barkada niya, ate," ani Bree.
"Sinong Danice iyon?" usisa ni nanay.
Napanguso tuloy ako kay Bree. Nang dahil sa kadaldalan niya ay baka mag-alala sa akin sa eskwela si nanay.
"Kaklase niya," sagot ng kapatid ko.
"Bree," sabi ko sa paraang mapipigilan siyang magkwento. Ngunit nakita kong sumulyap si nanay sa gawi ng mga kaklase ko.
"Akala ko noon ay si Danice ang nobya ni Kuya Rhumzell. Pero mukhang hindi totoo 'yon," dagdag ni Bree. "Ikaw ang gusto ni Kuya Rhumzell, ate."
"Bakit si Rhumzell ay tinatawag mong kuya tapos si Maxrill ay hindi?" nakangisi kong tanong, iniiba ang usapan.
Nang sa gano'n ay huwag nang makarating kay nanay ang mga pambubuyo nina Danice at kanyang barkada sa akin.
Ngumuso si Bree. "Kasi may gusto ako kay Maxrill, ate."
Ako ang naunang nagbiro ngunit ako rin ang naunang natalo. Nawala ang ngiti sa labi ko nang isagot ni Bree 'yon.
Napabuntong-hininga ako. Tama na, Dainty. Para kay Bree na si Maxrill. Gusto mo bang pagtalunan ninyong magkapatid ang isang lalaki? Hindi dapat mangyari 'yon dahil magkapatid kayo.
Ngunit gano'n na lang din ang panlulumo ko sa pag-iisip na kailangan kong kalimutan ang nararamdaman ko kay Maxrill dahil kay Bree. Iniisip ko pa lang ay tutol na ang damdamin ko.
Binalewala ko ang masasamang tingin nina Danice at mga barkada niya. Napuno ang isip ko ng tungkol kay Maxrill. Ni hindi ko nagawang tutukan ang pagkain ko. Tahimik lang akong nakinig sa usapan nina nanay tungkol sa paghanga nila sa katalinuhan ng mga Echavez.
Bakit pakiramdam ko ay mas matalino si Maxrill? Nangiti ako sa sariling naisip.
Gusto kong humanga dahil naisip kong gano'n talaga siguro katalino si Maxrill para makapag-aral sa ibang bansa. Pero dapat ko pa nga bang ipagtaka 'yon gayong alam ko kung gaano katatalino sina Kuya Maxwell at Ate Maxpein? Hindi malabong ganoon lang din si Maxrill.
Natatandaan kong sa kwento ni Bree, bilang lang sa daliri ang quizzes na hindi na-perfect ni Maxrill noong nag-aaral sa BIS. Iyon nga lang, madalas daw itong makagalitan dahil sa pagiging matakaw.
Kung dati ay hindi ko masabayan ang pagtawa ni Bree sa t'wing magkukwento tungkol kay Maxrill, ngayon ay mag-isa kong tinatawanan ang mga 'yon.
Hindi ko malilimutang naipatawag daw si Maxrill sa guidance office dahil nagpa-deliver ito ng pizza habang nagka-klase sa Chemistry. Halos maiyak daw si Miss Agaser sa pagrereklamo nang bigyan daw ng tig-iisang hiwa ng pizza ang bawat kaklase. Pero nang makarating umano sa G.O. ay ang lecturer pa ang sinisi ni Maxrill dahil ginugutom daw siya sa mga pinagagawa nito.
Naalala ko rin iyong kwento ni Bree na inireklamo ni Sir Ciufan sa guidance office si Maxrill. Nagkaklase raw si sir tungkol sa mga makasaysayang armas na ginagamit ng mga sinaunang mandirigma ng Pilipinas. Nang sabihin umano ni Maxrill na mayroon siyang sariling bow and arrow ay hindi ito pinaniwalaan ni sir. Sa halip ay tinawag na hangal at hibang. Habang nagkaklase raw ay nagpaalam na uuwi si Maxrill. At nang makabalik ay nagkagulo, hindi lang ang buong klase kundi ang buong paaralan, dahil sa bitbit niyang napakalaking bow and arrow. Pinagtawanan daw ng buong BIS si Maxrill nang ipagmalaki nito kay Sir Ciufan na may lason ang mga pana niyon. Pero nagdulot siya ng takot nang sabihing segundo na lang ang maititirang buhay ng kung sinong madaplisan ng pana.
"Ate," inuga ni Bree ang kamay ko dahilan para bumalik sa party ang isip ko. "Anong itinatawa-tawa mo diyan?" puno siya ng pagtataka.
"Ha?" hindi ko malaman ang isasagot. Hindi ko namalayang tumatawa na pala talaga ako.
"Kanina ka pa tinatawag ni Kuya Rhumzell, ate," pabulong na dagdag ni Bree.
Napapahiya akong nag-angat ng tingin sa noon ay nakatayo na sa harapan kong si Rhumzell.
"Rhumzell, pasensya ka na," gano'n kabilis namula ang mukha ko sa kahihiyan.
Hindi ko inaasahang mauupo si Rhumzell sa sariling mga paanan upang mapantayan ang mga mata ko habang nakaupo. Napapalunok ko siyang tinitigan dahil sa gulat.
"Magbibigay na ng birthday message 'yong friends and family ko," ngumiti siya, sa paraang pagkatamis-tamis, hindi ko man natitikman. "Pwede ka ba uling maupo sa tabi ko habang pinakikinggan sila?"
Magkakasunod na paglunok ang nagawa ko. Agad akong nilamon ng kaba, hindi malaman ang gagawin. Pero sa kabilang banda ay naisip kong wala akong regalo. Hindi maganda kung pati sa hilig niyang iyon ay hindi ko siya mapagbigyan.
"Rhumzell," bahagya kong hinugot ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Papunta pa lang kami sa unahan ay nilalamon na ako ng kaba.
Hindi ako nagtagumpay, sa halip ay pinagkrus niya ang mga kamay. Napatitig ako roon bago marahang nag-angat ng tingin sa kaniya.
Nakangiti siyang nagbaba ng tingin sa 'kin. "Why? What's wrong?"
"Ano..."
"Hmm?"
"Nahihiya ako," pakiramdam ko ay naramdaman niya 'yon nang manginig ang kamay ko.
"Kasama mo 'ko," malambing niyang sinabi.
"Ano..." nilingon ko ang mga kaibigan niya. "Baka kasi...kung ano ang sabihin nila sa 'kin," nang magbaba ako ng tingin ay agad 'yong tumama sa artipisyal kong paa. Na bagaman nabalutan ng stockings ay makikita ang mga strap, bakal at turnilyo.
Matunog siyang ngumiti. Nabigla ako nang ayusin niya ang ilang hibla ng buhok ko. "Promise, hindi kita iiwan, Dainty," hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay puno ng damdamin ang mga salita niya.
Napatitig ako sa kaniya at saka nakamot ang ulo. Pilit kong pinipigilan ang kaba pero nahihigitan ako no'n.
"Sige na nga," kapagkuwa'y payag ko.
Gano'n na lang uli katamis ang pagngiti niya. "Thank you, Dainty."
"Sana ay hindi ko masira ko ang birthday mo, Rhumzell."
Marahan niyang inilapit ang mukha sa 'kin. "Kabaliktaran no'n ang ginawa mo nang pumayag kang maging kapares ko, Dainty. Ikaw ang nagpaganda sa birthday party ko,"malambing niyang sinabi. Nasalubong ko ang tingin niya at nagawang labanan sa unang pagkakataon. "Thanks for being my date."
Nanlaki ang mga mata ko nang kunin niya ang kamay ko at halikan ang mga buto ng aking mga daliri. Umawang ang labi ko sa katotohanang ginawa niya 'yon gayong alam naming pareho na nakatingin ang nanay at kapatid ko.
"Let's go," muli niya akong hinila.
Magkahawak kamay kaming nagpunta sa malaki at pabilog na couch na naroon sa unahan kung saan siya mauupo para pakinggan ang mensahe ng kaniyang mga kaibigan.
Palibhasa'y karamihan ay lalaki, napuno ng kalokohan ang handaan. Hindi ko talaga maiwasang isipin na debutante si Rhumzell kahit hindi naman.
May mga sandaling natatawa ako. Kapag gano'n ay napapansin kong nililingon ako ni Rhumzell at tinitigan sa halip na tingnan ang kaibigan niyang nagbibigay ng mensahe.
May sandali tuloy na inasar siya ng sariling kapatid nang mapansin nitong ituon ni Rhumzell ang paningin sa 'kin matapos kong matawa sa biro ni Kuya Randall.
"Dainty," mahinang ani Rhumzell habang hinihintay namin ang susunod na magsasalita, ang kanyang lolo.
"Ha?" bahagya ko pang nilingon siya.
"May I hold your hand?" tanong niya na nilingon ako at tinitigan nang malapitan.
Nagbaba siya ng tingin sa kamay niyang naroon sa aming pagitan ngunit natatakpan ng mga unan na naroon sa aming mga kandungan.
"B-Bakit?" 'ayun na naman 'yong pag-uunahan ng kaba ko.
"Please?" gano'n na lang kalambing ang pakiusap niya.
Ilang beses kong pinagkiskis ang mga palad ko saka nanginginig na inilahad 'yon sa kaniya. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi nang magkrus ang mga daliri namin.
Mariin akong napapikit. Hindi ko malaman kung bakit masarap naman 'yon sa pakiramdam pero meron pa rin sa kalooban kong labag na gawin 'yon.
Pero dahil birthday ni Rhumzell, ayaw kong malungkot siya. Iyon na lang ang maireregalo ko. Kaya naman hinayaan kong hawakan niya ang kamay ko sa buong oras na magkatabi kami.
"Happy birthday, Ngitngit!" biro pa ni Ate Dein nang matapos niyang magbigay ng mensahe. Siya ang nahuli dahil pinakain niya ang naka na si RD.
Natatawa kong nilingon si Rhumzelle nang mawala ang lahat sa unahan at magsipagbalikan sa pagkain.
"Ngitngit, happy birthay," kapagkuwa'y bulong ko. "And thank you for being nice to me, I really appreciate you...Ngitngit." Nakagat ko ang labi upang mapigilan ang pagtawa matapos sabihin 'yon.
Nakita ko nang magtiim ang bagang niya saka ngumuso habang nakatitig sa 'kin, hindi malaman kung mapipikon o patatawarin ako.
"Babe..." aniya.
Umawang ang labi ko. "Ha?"
Humugot siya ng hininga. "Please just call me babe."
Lalong umawang ang labi ko. "Ano?"
Sa halip na sumagot ay ngumiti siya at hinaplos ng daliri niya ang daliri ko sa kamay naming magkahawak pa rin at natatabunan ng unan.
"Damn, I don't want to let go of your hand,"mahinang aniya habang ang paningin ay naroon sa mga bisita.
Umawang ang labi ko at napalingon sa kaniya. "Rhumzelle..."
Lumingon siya sa 'kin at saka tiningnan ang bawat parte ng aking mukha. "I like you, Dainty."
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkakatitig sa kaniya. Sa gulat ay muntik ko nang mabawi ang kamay mula sa kaniya. Pero lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak upang hindi magkahiwalay ang mga kamay namin.
"I want to be your boyfriend," mahina dagdag pa niya dahilan para tuluyan na akong hindi makapagsalita.
Naihatid na ako't lahat sa mesa ni Rhumzell ay tulala pa rin ako. Paulit-ulit kong naririnig ang mga huling sinabi niya. Paulit-ulit ko ring tinatanong kung ano ang nagustuhan niya sa 'kin.
"Napaka-sweet naman ng manliligaw mo,"buyo pa niya. "Siya pa rin ang maghahatid sa 'tin pauwi kahit iginiit kong hindi na kailangan."
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ba't kailangang maging masaya ako? Ngayon lang may nagkagusto sa 'kin. Dapat ay matuwa ako dahil tanggap ni Rhumzell kung ano ako. Hindi dapat si Maxrill ang iniisip ko habang siya ay nagpapakatotoo sa akin.
Napabuntong-hininga ako at hinanap muli ng paningin si Rhumzell. Wala siyang katangian para hindi magustuhan. Ang totoo, lahat sa kaniya ay karapat-dapat gustuhin. Karapat-dapat siyang hangaan.
Nakagat ko ang sariling labi saka ngumuso. Pero si Maxrill ang gusto ko... Napapikit ako nang mariin at binagabag ng konsensya.
"Ihahatid ko na kayo po," hindi ko namalayang nakalapit na pala ulit si Rhumzell sa amin.
Nagkasulyapan kami at gano'n na lang ang pag-iinit ng pisngi ko. Ako agad ang unang nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko ay makikita niya ang pamumula ko kung tatagalan ko ang pagtitig sa kaniya.
Hindi ko alam kung paano ko nagawang magpaalam sa pamilya at ilang kaibigan niya habang tulala. Hindi pa rin ako makapaniwalang matagal akong nakipaghawak ng kamay kay Rhumzell. Hindi pa rin ako makapaniwalang nagpahayag siya ng damdamin at nais na maging nobyo ko.
"Salamat, hijo," ani nanay nang makarating kami sa bahay. "Happy birthday ulit."
"Salamat din po, tita. Hindi ko malilimutan ang araw na 'to po."
"Happy birthday, Kuya Rhumzell," ani Bree na binigyan pa ako ng nanunuksong tingin. "Ingat pauwi."
"Thank you, Bree," sinundan niya ng tingin ang kapatid ko nang bumaba ito.
"Ingat ka pauwi, dahan-dahan sa pagmamaneho," muling ani nanay saka nagbaba ng tingin sa akin.
Naroon pa rin ako sa passenger's seat. Pakiramdam ko ay sinadya nilang hindi ako pababain dahil alam nilang mag-uusap pa kami ni Rhumzell.
"Thank you po, tita," ani Rhumzell saka kinawayan si tatay na noon ay nasa labas na ng aming pintuan. "Naihatid ko na sila po, tito. Kakausapin ko lang saglit si Dainty po."
Ngiti at tango lang ang natanggap niya mula sa aking ama saka sabay-sabay na nagsipasukan sa bahay ang mga ito.
Gano'n na lang ang pagsunod ko ng tingin kay Rhumzell habang papasakay siya pabalik sa kotse. Ngumiti siya nang masalubong ang tingin ko matapos maupo.
Nagbaba siya ng tingin sa kamay ko saka muling nag-angat ng tingin sa 'kin. "Thanks for today, Dainty," sinsero niyang sinabi.
"Thank you rin," ngiti ko. "Sana napasaya kita kahit papaano."
"Sobrang saya ko," aniyang muling nagbaba ng tingin sa kamay ko. "Pwede ko ba ulit hawakan ang kamay mo?"
Ngumuso ako. "Tapos na ang birthday mo, eh..."
Sandali siyang napatitig sa 'kin saka natawa. "Sorry."
"Inisip ko kanina na kinakabahan ka kaya gusto mong hawakan ang kamay ko."
Natitigilan siyang tumitig sa 'kin at saka humagalpak ng tawa. "Seriously?"
Nakagat ko ang labi ko saka ngumuso. "Gano'n kasi ako kapag kinakabahan."
"Hindi gano'n 'yon, Dainty," mahinang aniya. "Hinawakan ko ang kamay mo kasi gusto kong hawakan ang kamay mo. Saka hindi ako ang kinabahan," ngumisi siya. "Ikaw."
Nakagat ko ang labi ko at saka napalunok. Lalo pa akong napalunok nang makitang nakatingin siya sa labi ko bago muling magtama ang paningin namin.
Naiilang akong tumingin sa kung saan-saan saka nginitian ang mga 'yon. Nag-aalinlangan akong ibinalik ang paningin sa kaniya at gano'n na lang kaganda ang ngiti niya sa 'kin.
"Sana pag-isipan mo 'yong sinabi ko, Dainty," muling aniya. "Araw-araw kitang susunduin, araw-araw rin kitang ihahatid. Kahit ilang gaano katagal ay hihintayin ko ang sagot mo."
"Ano..." umawang ang labi ko sa pagkalito.
Kunot-noo kong binalikan ang mga sinabi niya. I like you... I want to be your boyfriend...
Inosente kong pinakatitigan si Rhumzell, wala sa sarili, kagat ang labi. Saka ako ngumuso. "Wala ka namang tinanong, Rhumzell."
Sandali siyang natigilan saka humagalpak muli ng tawa. "Let me ask you, then..." ngiti niya.
Napatitig ako sa magaganda niyang mata. Napalunok ako nang ang maganda niyang labi ay unti-unting nabawasan ng ngiti.
Kinuha niya ang kamay ko at inilagay 'yon sa kaniyang dibdib, doon banda sa may puso.
"Will you be my girlfriend?" mahinang tanong niya.
Umawang ang labi ko, lumaylay ang mga balikat ko. Napatitig ako sa kaniya. Siya ang humihingi ng sagot sa 'kin pero bakit tila ako naman ay nagtatanong.
"May...gusto ka sa 'kin?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Gano'n na lang ang gulat at pagtawa niya matapos. "Matagal na."
Lalong umawang ang labi ko. "Paanong...nangyari 'yon?"
Ano ang nagustuhan mo sa 'kin, Rhumzell?
Hanggang sa sandaling 'yon ay nakikita ko ang kakulangan sa 'kin, ang dahilan para hindi magustuhan. Pero parang lahat 'yon ay nilalampasan ng tingin ni Rhumzell. Nararamdaman kong sinsero siya sa damdamin.
Ngumiwi siya. "Hindi ko rin alam," ngiti niya. "Basta isang araw, nalibang na ako sa pagtuturo sa primary students, makita ka lang."
"Rhumzell..."
"I like you, Dainty."
Sa sobrang pagkagulat ay nahawakan at nakurot ko nang paulit-ulit ang ibabang labi ko. Dahilan upang matuon ang paningin ni Rhumzell doon.
"And I can't wait to kiss those lips, too,"pabulong niyang sinabi.
Nahulog sa kandungan ko ang sariling kamay, napapalunok akong tumitig sa kaniya nang may nakaawang na labi.
Kiss daw...Dainty? Gano'n na lang ang kaba ko. Paano ba 'yon? Napapikit ako nang mariin sa kawalan ng ideya kung paanong gagawin ang sinasabi niya.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top