CHAPTER TEN


CHAPTER TEN

"STAY STILL," sabi ni Maxrill nang sa isang maling pagkilos ay nanghina ang mga tuhod ko. Naituon ko sa kaniya nang bahagya ang bigat ko. "Don't move. Close your eyes and breathe, Wednesday," pabulong niyang dagdag.

Wednesday?

Sandaling umawang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya bago tuluyang sumunod. Hindi ako makapaniwalang narito siya sa harapan ko. Lalong hindi ako makapaniwalang hawak niya ang aking pisngi. Naroon pa rin sa tiyan ko ang hindi maipaliwanag na kiliti habang nakapikit. Ang mga paa ko ay hindi ko na maramdamang nakatapak pa sa lupa. Ni minsan ay hindi ko ito naramdaman kanino man.

Sa dami ng magagandang babae ngayong gabi, ano at narito siya sa harap ko? Kung si Rhumzell ang pakay niya bakit ako ang kaniyang iniintindi? Lalong nagliparan ang hindi ko maipaliwanag na bagay sa loob ng aking tiyan.

"Breathe again," pabulong niya pa ring sabi. Nakapikit akong tumango saka muling sumunod.

"The BIS Band!" dinig kong anang emcee.

Ang lapit namin sa stage pero tanging paghinga at malakas na kabog sa dibdib ko ang aking naririnig. Ang dami nang nangyayari sa aking paligid pero kahit nakapikit ay mukha niya ang aking nakikita. Ang ingay ay balewala dahil ang pandinig ko ay handa lang sa kung anumang isatinig niya.

You know everything that I'm afraid of

You do everything I wish I did

Everybody wants you, everybody loves you

Boses iyon ni Bree. Totoong gusto kong humanga sa magandang boses niya. Gusto kong isa ako sa harapang makinig at manood sa kaniya. Pero imposible 'yon dahil ang buong atensyon ko ay narito lang sa kaharap ko. Hindi kapani-paniwalang lahat sa akin ay kayang-kaya niyang agawin, atensyon, isip, puso, pandinig...paningin, lahat!

Talaga ngang kumalma ang sistema ko. Ngunit hindi ko masiguro kung dahil ba iyon sa ipinagawa niya o dahil hindi ko siya nakikita. Dahil nakapikit ako. Hindi ko akalaing posibleng mangyari ito.

I know I should tell you how I feel

I wish everyone would disappear

Every time you call me,

I'm too scared to be me

And I'm too shy to say...

Nang mabawi ko ang hininga ay marahan akong nagmulat. Tumama ang aking paningin sa itim na tie ng tuxedo niya. Napapalunok akong nag-angat ng tingin at nahinto iyon sa buto ng lalamunan niya. Minsan pa akong nag-angat ng tingin at napalunok nang tumama ang mga mata ko sa mga labi niya.

"Your face is so small," ngumiti si Maxrill! Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakagat ko ang aking labi. "Makes me want to keep it where it is right now."

Umawang ang labi ko, hindi makapaniwala nang rumehistro sa isip ko ang ibig niyang sabihin. Ang makita ang mga mata niyang isa-isang dinadapuan ng tingin ang bawat parte ng aking mukha ay sobra-sobra na.

Sa isang maling pagkilos ko ay nasalo niya ang pareho kong braso.

"Are you alright?" ang pag-aalala ay nasa tinig ni Maxrill.

"Ano..." hindi ko alam kung anong dapat sabihin kay Maxrill.

"You're so clumsy, Wednesday."

Nakagat ko ang aking labi, nakita ko nang dumapo doon ang kaniyang paningin, napanguso ako. "Hindi...Wednesday ang pangalan ko."

Nakita ko nang umangat ang gilid ng kanyang labi. "Hmm?"

"Ano..."

Tuluyang gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. "I am Maxrill Won del Valle," napapikit ako nang mariin nang muling dumagundong ang pangalan na 'yon sa isip ko, maging dibdib ko ay naapektuhan.

Alam ko...alam na alam ko. Nakagat ko na naman ang aking labi. Ano ba naman 'yan, Dainty? Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Kahit ako ay nalilito at gustong malaman ang dahilan kung bakit ako gano'n. Hindi ako makapaghintay na maikwento ang lahat kay nanay para malaman ko kung normal ba ako. Gusto kong malaman kung normal pa ba itong nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay hindi. Wala na yatang normal sa 'kin.

I've got a crush on you

I hope you feel the way that I do

I get a rush when I'm with you

I've got a crush on you...

A crush on you.

Napaatras ako palayo dahil kinakapos na naman ako ng hininga. Bukod sa hindi ko maintindihan kung bakit gano'n na lang ang paninikil ng kinakanta ni Bree sa akin. Bawat linya ng kanta niya ay parang kumakatok sa dibdib ko at sinasabing may kinalaman sa nararamdaman ko ang kantang 'yon. Gusto kong magalit sa aking sarili dahil sa hindi maipaliwanag na epekto niya. Na maging ang kanta ng kapatid ko ay nasisisi ko na.

Bakit ko kailangang magkaganito? Litong-lito ako.

"Dainty," 'ayun na ang tinig ni Rhumzell. Maski ang lingunin siya ay hindi ko magawa. Halos malimutan ko na ang presensya niya, maging ang lahat nang naroon.

Nag-angat ako ng tingin kay Maxrill. Ang mga mata niya ay nakapako pa rin sa 'kin, nanliliit, tila inaalam ang pagkakakilanlan ko. Magsasalita na sana ako nang kunin ni Rhumzell ang braso ko at itabi ako sa kaniya.

"Let's talk," pabulong na pakiusap ni Rhumzell.

Nang muli kong lingunin si Maxrill ay nasa akin pa rin ang paningin niya. Ngunit bumaba ang tinging iyon sa kamay ni Rhumzell na naroon sa braso ko. May kung ano tuloy sa akin na gustong bawiin kay Rhumzell ang katawan ko. Parang ayaw kong makita ni Maxrill na may ibang nakahawak sa akin. Para akong baliw sa ganoong pag-iisip gayong tila hindi naman ako lubusang nakilala nito. Hindi ako sigurado kung kilala ako nito sa kung sino talaga ako. Bagaman may parte rin sa 'king naniniwala na kilala niya ako.

Matapos sa 'kin ay naituon ni Maxrill ang paningin kay Rhumzell, nagtataka. Hindi ko mahulaan kung ano ang iniisip niya. Napanguso ako nang maisip na gusto ko 'yong malaman.

"Dai"

"Ayaw kitang kausap, Rhumzell," agad kong pinigilan si Rhumzell saka nagbaba ng tingin. Nakagat ko ang labi ko nang marinig ko ang mahinang pagtawa ni Maxrill. Kinabahan ako nang muli niya akong sulyapan. Ang gwapong mukha na 'yon, tumitingin sa 'kin, ang hirap paniwalaan.

"Please..." pakiusap muli ni Rhumzell. "I'm really sorry, Dainty. I will explain." Ramdam ko ang sinseridad niya ngunit gustuhin ko man 'yong paniwalaan ay talagang wala na ako sa katinuan.

I've got a crush on you

I hope you feel the way that I do

I get a rush when I'm with you

I've got a crush on you...

A crush on you.

Paanong nagagawa ni Maxrill sa akin ang ganito? Sa kabila ng mga nasaksihan at narinig ko, siya ang iniisip ko. Hindi ba't dapat ay nasasaktan ako? Hindi ba't dapat ay umiiyak pa rin ako? Lumuha ako ngunit pakiramdam ko ay wala iyong kinalaman kina Danice o Rhumzell. Ang tanging napagtutuunan ko ng pansin ay ang katotohanang kaharap ko si Maxrill.

"Dain"

"Rhumzell," nabawi ko na ang braso ko sa kaniya. "'Wag mo na 'kong kausapin."

Napatitig sa 'kin si Rhumzell. "Let me explain. Please."

Umiling ako. "Hindi ko alam kung kaya ko pang maniwala sa 'yo, Rhumzell. Uuwi na 'ko,"malungkot kong sinabi.

Bumuntong-hininga si Rhumzell. "I'll take you home."

Matapos ang narinig ko sa kanila ni Danice, tingin ko ay hindi na tamang magpahatid pa ako sa kaniya. Pero nag-aalala akong umuwi nang mag-isa. Mas nag-aalala ako sa masasabi nina nanay at tatay kapag nakita akong umuwi nang maaga.

"Are you okay?" dumagundong muli ang mahinang tinig ni Maxrill. At hindi lang 'yon ang epekto niyon dahil nang maramdaman ko kung gaano siya kalapit ay biglang nangatal ang ilang parte ng katawan ko. Sa isang kilos ko ay magkakabanggaan ang aming katawan.

"Ano..." hindi na naman ako makapag-isip nang tama, tulirong-tuliro.

"What's going on?" tanong ni Maxrill, batid kong si Rhumzell na ang kausap.

"We're just..." hindi alam ni Rhumzell kung paanong magpapaliwanag. Sa pagkatuliro ay nagbaba muli siya ng tingin sa 'kin. "Please, Dainty, I'm so sorry," talagang ang sinseridad ay nasa mga mata at tinig niya. "I will explain to you."

"Dude," tinig ni Maxrill. "You're not being an ass, right?"

Naiinis na bumuntong-hininga si Rhumzell, hindi rin marahil alam kung paanong magpapaliwanag. "Maxrill, please give us time to talk," pakiusap niya.

"All right," mahinang tugon ni Maxrill saka ko naramdamang nagbaba siya ng tingin sa 'kin. "He's my friend," ngiti niya saka sinalubong ang nagtatakang tingin ni Rhumzell. "He's a good guy."

Hindi ko alam kung bakit sa tinig niya ay para bang kailangang maging mabuting lalaki ni Rhumzell. Ganoon ang pagkakaintindi ko nang sabihin ni Maxrill 'yon. Baliw na talaga ako para bigyan ng sariling kahulugan ang mga sinasabi, pinapakita at kinikilos niya, wala naman akong ebidensya.

"Please, Maxrill..." desperado ang tinig ni Rhumzell.

Nakangiwing tumango si Maxrill bilang tugon. Hindi ko inaasahang tatapunan niya muli ako ng tingin.

"Don't get hurt." Iyon lang at tinalikuran na kami ni Maxrill.

Umawang ang labi ko, hindi na naman makapaniwala nang rumehistro sa 'kin ang ibig niyang sabihin. Hindi ko alam kung paanong nagkaroon ng kapangyarihan ang mga salitang 'yon. May kung ano sa tinig niya na tila nagsasabi sa 'king kailangan ko 'yong sundin.

Nakamaang ko siyang sinundan ng tingin ngunit muli akong nagulat nang bigla niya uli akong lingunin.

"You want to dance with me, Wednesday?" hindi ko inaasahan ang tanong ni Maxrill, naghurumintado ang buong sistema ko.

Umawang ang labi ko at wala sa sariling napatango. Nakita ko nang gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi.

"Stay, then," iyon lang at tinalikuran niya na kami.

Stay...then... Nakamaang ko muli siyang sinundan ng tingin. Dahilan upang hindi ko na marinig pa ang mga sinabi ni Rhumzell.

Ooh, I wish I could tell somebody

But there's no one to talk to,

Nobody knows I've got a crush on you

A crush on you...

Maxrill...

Hindi ko alam kung paano niyang naiparamdam sa 'kin lahat nang 'to. Sa isang iglap ay nagbago ang desisyon ko. Talagang ginusto kong manatili doon.

"Dainty..." pagtawag ni Rhumzell.

Napabuntong-hininga ako saka lumingon sa kaniya. "Sige."

"What do you mean sige?" nakahinga siya nang maluwang ngunit ang kaba ay hindi nawala sa itsura at tinig niya. "Ihahatid na kita?"

"Hindi," maagap kong sagot. "Ano..." Nakagat ko ang aking labi. "Sige, pakikinggan ko ang sasabihin mo." Napanguso ako matapos no'n.

Tuluyan na siyang nakahinga nang maluwang. Inilahad niya ang kamay sa akin ngunit sa halip na tanggapin 'yon ay sinalubong ko ang tingin niya. Binigyan ko siya ng nangunguwestyong tingin. Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng karapatan niya sa 'kin, kung nabigyan ko man siya.

Nabuntong-hininga siya nang imuwestra ang daan sa 'kin. Dinala niya ako sa mesa na naroon mismo sa harap ng entablado, pabor sa gusto ko. Nang alalayan ako ni Rhumzell ng silya ay pinili kong umiwas ako at naupo sa gusto kong pwesto. Doon sa makikita ko nang maayos si Maxrill.

Sa sobrang pagkakatitig ko sa kaniya ay hindi ko na narinig ang mga sinasabi ng emcee, maging ni Rhumzell. Gayong nasa harap at tabi ko lang naman ang mga ito. Talagang naagaw na nang tuluyan ni Maxrill ang lahat sa akin.

Kung kaninang nasa harap ko siya ay ni hindi ko matagalang titigan siya. Ngayon ay hindi ko na maalis ang paningin sa kaniya. Hindi kapani-paniwalang nangingiti rin ako sa t'wing ngingiti siya. Halos matawa rin ako kapag natatawa siya.

Slim fit na burgundy ang tuxedo niya. May itim iyon na pants at vest sa loob at puting over shirt. May itim 'yon na clip-on bow tie sa itaas ng dibdib. May brooch sa kaliwang dibdib na nang natitigan ko kanina ay sigurado akong bow and arrow ang disenyo. May puti namang tila panyo sa bulsa sa kaniyang kanang dibdib. May burda iyong MWDV. Ang balat niyang sapatos ay patulis at kakulay ng kanyang pang-itaas.

"Mr. Maxrill Won Del Valle!" iyon ang tanging narinig ko sa napakaraming sinabi ng emcee.

Nagtilian ang mga kababaihan mula pa lang sa pagkakatawag sa pangalan niya. Lalo na nang tumayo siya. Higit pa nang maglakad na siya papalapit sa emcee.

Pakiramdam ko ay umaalon ang sistema ko sa tuwa. Nakagat ko ang aking labi upang hindi pagtakhan ng nakatingin sa akin ang pagngiti ko habang na kay Maxrill ang paningin. Paulit-ulit akong humahanga sa kagwapuhan niya.

"I'm really sorry, Dainty," dinig kong ani Rhumzell sa isang iglap ng katahimikan.

Ngunit gustuhin ko man siyang pakinggan ay hindi ko na makontrol ang sarili ko.

"Good evening, everyone," lalo na nang magsalita sa mikropono si Maxrill. Napuno ng panibagong tilian at palakpakan ang buong lugar. Napakalakas ng dating niya.

"Nice tux," anang emcee.

"It's Kiton," ngiwi ni Maxrill.

Umalulong sa paghanga ang mga nakakakilala sa brand na 'yon, lalo na ang emcee. Napabuntong-hininga na lang ako sa kawalan ng ideya. Naisip kong alamin kung anong tatak iyon.

"It was a bet," dinig kong dagdag ni Rhumzell. Doon niya lang nakuha ang atensyon ko.

Nawala ang ngiti sa aking labi at saka ako lumingon sa kaniya. Malungkot akong ngumiti at tiningnan ang mga mata niyang sinsero kung tumingin sa akin mula pa noong una hanggang ngayon.

"Hibang na lang siguro ang mag-iisip na posibleng magustuhan ng tulad mo ang isang tulad ko, Rhumzell," mapait kong sinabi saka bumuntong-hininga.

"No, it's not like that, Dainty," natutulirong tugon ni Rhumzell. "No'ng una aaminin kong...lahat ay trip lang. And I'm really sorry for being gago."Hanggang sa sandaling iyon ay ramdam ko ang pagiging sinsero niya.

Kahit anong titig ang gawin ko ay hindi ko makita kay Rhumzell na masama siya. Gustuhin ko mang magalit dahil sa ginawa nila ay hindi ko kaya. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa nakikita kong sinseridad at kabaitan niya? O dahil mula pa lang noong una ay alanganin na ako sa nararamdaman ko sa kaniya? Hindi ako sigurado. Lalo na't naroon si Maxrill na kinain ang lahat ng katinuan ko. Hindi ko lalo mapagtuunan ng pansin si Rhumzell. Maski ang intindihing mabuti ang mga sinasabi niya ay hindi ko magawa.

"Pero habang nakikilala kita...nagbabago ang tingin ko sa 'yo," dagdag ni Rhumzell. "You're not just beautiful, Dainty. You're pure and soft and gentle..." tumingin siya sa 'kin nang may paghanga.

Pinakatitigan ko si Rhumzell. Bakit kaya ang nararamdaman niya ay nararamdaman ko? Bakit kaya ang iniisip niya ay nahuhulaan ko? Maliban doon sa pinaglaruan lamang nila ako ni Danice. Na bagaman wala akong kasiguraduhan ay wala akong alinlangang paniwalaan siya.

Saka ako napalingon kay Maxrill. Bakit siya ay hindi ko mahulaan? Gusto kong malaman kung ano iniisip niya sa akin. Pero sa kabilang banda ay natatakot ako sa iisipin niya. Gusto kong malaman ang nararamdaman niya. Pero sa kabilang banda ay nag-aalala akong kabaliktaran iyon ng hinihiling ko.

"Lahat tuloy ay gustong maging Face of the Night dahil ikaw ang special guest, Maxrill," anang emcee.

"Hmm," ngiti ni Maxrill.

Nakagat ko ang aking labi. Kapag siya ang nagsasalita, kahit na si Rhumzell ang pinakikinggan at tinitingnan ko ay si Maxrill ang naiintindihan ko. Pero sa t'wing si Maxrill na ang titingnan ko ay wala na akong ibang makita at mapakinggan. Nasa kaniya na lang ang lahat sa 'kin.

"Alam kong maikling panahon lang 'yong pinagsamahan natin, Dainty. But believe me, walang oras sa panahong 'yon na hindi ako nagpakatotoo sa 'yo," dagdag ni Rhumzell.

Napangiti ako. "Naramdaman ko naman 'yon, Rhumzell."

"Dainty..." naging emosyonal siya.

Ngumiti ulit ako. "Mabait ka at talagang masaya ako kung paano mong pinakisamahan ang pamilya ko," sinsero ako nang sabihin 'yon.

"Hindi ko sinasadya, Dainty."

"Naniniwala ako sa 'yo, Rhumzell."

Nakita ko nang matigilan siya bago ngumiti. "Thank you, Dainty."

"Sana ay 'wag mo nang ulitin 'yon," bumuntong-hininga ako. "Kahit sinong babae..." nagbaba ako ng tingin. "Gugustuhin ang magustuhan mo." Saka ko siya tiningnan ng deretso. "Masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng manliligaw na tulad mo, Rhumzell. Totoong mabait ka at maalalahanin, malambing at...gwapo."

Ngumiti siya at nagbaba ng tingin. "I hope you can still give me a chance, Dainty."

Natigilan ako. "Saan?"

Kinuha niya ang mga kamay ko saka bahagyang sinalubong ang tingin ko. "Liligawan talaga kita."

Lalo pa akong natigilan, nakamaang na tumitig sandali sa kaniya. "Bakit?" inosente kong tugon.

"Dahil gusto talaga kita."

Napanguso ako habang nakatingin sa kaniya. "Naaawa ka lang sa 'kin, Rhumzell," bumuntong-hininga ako. "Nakokonsensya ka lang dahil mali 'yong ginawa ninyo ni Danice."

"No, Dainty," giit niya. "Talagang gusto kita. Nagustuhan kita no'ng mga panahong nakasama at nakilala kita nang lubusan."

Umawang ang labi ko. "Ano naman ang nagustuhan mo sa 'kin?"

"Hindi ka imposibleng gustuhin, Dainty. Gaya ng sinabi ko kanina...lahat ay nasa 'yo na. Kahit sinong lalaki ay magugustuhan ka."

Umawang ang labi ko at saka muling inintindi ang mga sinabi niya. Kahit sino ay magugustuhan ako? Wala sa sarili akong nag-angat ng tingin kay Maxrill. Kung anong alon ang idinulot sa 'kin ng mga ngiti niya. At halos umangat ang mga balikat ko nang bigla niya akong sulyapan.

"Are you single, Maxrill?" deretsang tanong ng emcee, dahilan para hindi ko na mabawi ang tingin kay Maxrill. Nagtilian muli ang mga babaeng estudyante, lalo na si Bree.

"Well, I am...yeah, single," pabuntong-hininga, bagaman nakangiting sagot ni Maxrill.

Napatitig ako sa kaniya. Hindi ko malaman kung bakit ganoon na lang ang lungkot na naramdaman ko gayong hindi niya naman sinabing mayroon siyang nobya. Nagbaba ako ng tingin nang maisip na alam ko kasing mayroon siyang nagugustuhan.

Napabuntong-hininga ako at tiniis ang maliit na kirot sa dibdib ko saka muling nag-angat ng tingin. Upang magulat lamang nang masalubong ang mga mata ni Maxrill na nakatuon sa 'kin. May kung anong biglaang kaba na idinulot sa dibdib ko 'yon, hindi ko magawang salubungin.

"Single but...are you available?" nanunuksong tanong muli ng emcee.

"Hmm," bahagyang tumawa si Maxrill. "No,"deretso niyang sagot.

Ang kaninang maliit na tusok sa dibdib ko ay unti-unting lumaki, naramdaman ko sa buong puso ko. Tama nga ako nang naisip. Hindi lang ako ang nalungkot kundi ang lahat yata ng babae. Nang sulyapan ko si Bree ay ganoon na lang ang pagnguso niya.

"Ang swerte naman ng girl na 'yan, Maxrill!"anang emcee ngunit walang natanggap na tugon. "Forever na ba?" dagdag niya.

"Hmm," halatang peke ang tawa ni Maxrill. "I'm not here to talk about her, c'mon."

Natawa ang emcee. "'Sabagay, baka ngayong gabi ay biglang magbago ang status mo," biro niya. "Sana hindi mo masamain ang itatanong ko."

"Yeah, tell me," ngumisi si Maxrill, napakalakas ng kaniyang dating.

"Ano ang gusto mo sa isang babae?" nagpa-cute ang baklang emcee.

"Hmm," ngumisi si Maxrill at sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay nagtama na naman ang mga tingin namin. "I want a soft lady, someone who can be my baby."

Pakiramdam ko ay huminto ang paghinga ko. Totoo ba ang nakikita ko o nag-iilusyon lang ako? Napapikit ako. Gusto kong makonsensya sa mga naiisip ko.

"Ang sweet!" anang emcee.

Ipinaliwanag ng emcee ang buong programa. Narinig ko pa ring magsalita si Maxrill pero ang atensyon ko ay iba na. May kung anong lungkot na pumuno sa dibdib at isipan ko. Ang katotohanang si Ate Yaz ang gusto ni Maxrill ay masakit tanggapin.

"Are you listening to me, Dainty?" nagulat ako nang itanong ni Rhumzell 'yon.

"Ano..." natuliro ako. "Sorry, Rhumzell."

Tumitig siya sa 'kin, kapagkuwa'y nilingon niya si Maxrill. Kinabahan ako at awtomatikong nagbaba ng tingin, nag-alala kung nahulaan ba niya ang nararamdaman ko.

"I said, I'm serious. Liligawan kita," dagdag ni Rhumzell.

Umawang na naman ang labi ko at natulala sa kaniya. Natutuliro ako at nalilito. Ang hirap pagtuunan ng mga sinasabi niya, nahihigitan ni Maxrill lahat nang 'yon.

Inanunsyo ng emcee ang pagsisimula ng programa kung saan nagsayaw ang BIS Dance Troupe. Napasulyap ako kay Maxrill nang makita si Bree ni lapitan siya. Gustuhin ko mang alisin ang paningin sa kaniya para makausap nang ayos si Rhumzell ay talagang hindi ko magawa. Dumaraan lang sa pandinig ko ang lahat ng sinasabi sa kaniya. Dahil ang mga mata ko at isip ay gumagana, hinuhulaan kung ano ang posibleng pinag-uusapan niyong dalawa.

"Hindi ako magmamadali, Dainty," dagdag ni Rhumzell. Pabuntong-hininga akong nagbaba ng tingin. "Itatama ko lahat ng mali ko, babawi ako sa 'yo, Dainty. I promise," desperado ang tinig niya.

"Ano..." lumunok ako nang lumunok. "Kung pwede...saka na lang natin pag-usapan ang tungkol dito, Rhumzell."

"What?" natutulirong tugon niya. "Why?"

"Ano..."

"Why?"

"Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko,"pag-amin ko. "Hindi ko maintindihan ang lahat ng sinasabi mo."

Napatitig ako kay Rhumzell. Nakita ko nang rumehistro ang gulat sa mga mata niya. Napanood ko nang malungkot ang kaniyang mukha. Gusto kong makonsensya pero wala akong ibang paraan para maipahayag ang nararamdaman ko.

"Kanina lang ay nalaman kong pustahan lang lahat 'to," patuloy ko. "Ngayon ay sinasabi mong seryoso ka..." umiling ako nang umiling. "Na talagang gusto mo 'ko..." Minsan pa akong umiling.

Nalilito ako masyado. Talagang hindi ko siya mapakikinggan at masasagot nang ayos kapag ganitong inaagaw nang todo ni Maxrill ang atensyon ko.

Malungkot ako. Ngunit walang kinalaman si Rhumzell doon. Maging ang nalaman ko sa kanila ni Danice ay tila hindi man lang ako naapektuhan.

"Ang totoo..." napalunok ako. "Kaibigan lang ang tingin ko sa 'yo, Rhumzell," wala sa sariling pag-amin ko. "Hindi..." napalunok ako saka napasulyap kay Maxrill. "Hindi kita gusto, Rhumzell."

"Dainty..." hindi makapaniwala ang tinig niya.

"Totoong sinubukan ko," nagbaba ako ng tingin. "Masyado kang mabait sa akin at naisip ko na karapat-dapat na masuklian ang mga ipinakikita at nararamdaman mo sa 'kin." Bumuntong-hininga ako saka nag-angat ng tingin sa kaniya. "Pero hindi ko kaya. Hindi kita kayang tingnan nang higit pa sa isang kaibigan."

Babawiin ko na sana ang paningin kay Maxrill nang makita rin siyang sumulyap sa akin. Napako na naman sa kaniya ang paningin ko. May kung ano sa aking gustong tanggalin ang maskarang kanina ko pa suot. Pero nag-aalala akong baka mawala ang kuryosidad ni Maxrill kapag nakita ang mukha ko at hindi na ako muling sulyapan.

Kaliwa't kanan ang hiyawan ng paghanga sa magkakasunod na performance ng dance troupe na naroon sa gitna. Ilang saglit pa ay inanunsyo na ng emcee na maaari nang makipagsayaw at makipagkilala sa bawat isa ang mga estudyante.

Walang lumapit sa akin ni isa pero ni hindi ko makuhang malungkot. Alam ko sa sarili ko kung sino ang gusto kong makasayaw, nag-iisa lang 'yon. Pero kahit na ganoon ang itinanong ni Maxrill sa 'kin kanina, hindi ko maramdamang mangyayari 'yon. Masyado 'yong imposible sa tingin ko.

"Let's give a round of applause for Maxrill Won Del Valle and Bree Anabelle Gonza!" kapagkuwa'y anunsyo ng emcee.

Nakamaang akong nag-angat ng tingin sa stage. Gano'n na lang ang gulat ko nang nasa gitna na si Bree, hawak ang mataas na mikropono. Habang si Maxrill ay naroon sa piano, ang parehong kamay ay nasa mga pyesa at nakalingon sa aking kapatid.

Hindi ko maipaliwanag ang inggit na nabuhay sa dibdib ko. Nagbaba ako ng tingin nang magsimulang tugtugin ni Maxrill ang piano. Akala ko ay hindi na ako mag-aangat pang muli ng tingin ngunit 'ayun at dahan-dahan ko muling itinuon sa kaniya ang aking mga mata.

May hindi ba ako hahangaan sa lalaking ito? Nag-alala ako sa lalong pagtindi ng nararamdaman ko dahil sa pagtugtog ni Maxrill sa piano. Mabilis at napakasarap sa pandinig.

Makin' my way downtown

Walking fast, faces pass

And I'm home bound

Maging sa boses ni Bree ay gusto kong mainggit. Marunong din akong kumanta, madalas sabihin sa 'kin ni nanay na ang boses ko ay parang anghel. Pero gano'n na lang katindi ang paghanga ko sa boses ni Bree na halos hindi ko na gustuhing kumanta pa.

Nakonsensya ako, lalo na nang makitang ngumiti si Maxrill habang ang tingin ay hindi inaalis sa kapatid ko. Mababasa ang paghanga sa kaniyang mga mata.

If I could fall into the sky

Do you think time would pass me by?

'Cause you know I'd walk a thousand miles

If I could just see you...tonight

'Ayun na naman 'yong mabilis na mga kamay ni Maxrill na malinaw na tinutugtog ang piano. Sa sandaling iyon ay si Bree naman ang nakangiting lumingon at tumitig sa kaniya. Nakagat ko ang aking labi sapagkat kayganda nilang panoorin.

"Do you want to dance?" nakatayo na si Rhumzell nang lingunin ko. Ang kamay niya ay nakalahad na sa akin.

"Ako?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Ngumiti siya, sa paraang napakagwapo niya at minsan nang umagaw sa isip ko. "Let's dance, Dainty."

Napalingon ako kay Maxrill at gano'n na lang ang dagundong sa dibdib ko nang makitang nakatingin din siya sa amin! Sa ilang dipang layo namin, malinaw kong nakikita ang mga mata niyang nakatuon sa 'kin.

'Cause I'll need you...

And I'll miss you...

And now I wonder...

"Ayoko," pagtanggi ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nabasa ko ang pagkapahiya sa mukha ni Rhumzell. "Ano..." Lumunok ako saka palihim na sinulyapan si Maxrill, wala na sa akin ang kaniyang tingin. "N-Nahihiya ako," pagsisinungaling ko.

Hindi ko inaasahang yuyuko si Rhumzell sa mesa at ilalapit sa akin ang mukha. "Sila ang mahihiya sa ganda mo, Dainty," bulong ni Rhumzell, kinilabutan ako sa lapit ng bibig niya sa akin.

"Rhumzell," pag-iwas ko.

"Sorry," nagugulat, nagtataka siyang dumistansya. "Please."

If I could fall into the sky

Do you think time would pass me by?

'Cause you know I'd walk a thousand miles

If I could just see you...tonight

Napasulyap ako kay Maxrill at gano'n na lang ang paglilibang niya sa pagtugtog habang na kay Bree ang paningin. Napabuntong-hininga ako at wala sa sariling tinanggap ang kamay ni Rhumzell.

Nahihibang ka na para isiping hindi niya magugustuhang makita kang may kasayaw na iba. 'Wag kang ilusyunada, Dainty. Tigilan mo ang pagbibigay sa sarili ng maling pag-asa. 'Wag mong bigyan ng kahulugan ang wala namang kasiguraduhan.

Naramdaman ko ang paglingon ng karamihan sa amin nang dalhin ako ni Rhumzell sa gitna ng quadrangle. Narinig ko ang pagbulong ng mga iyon ng paghanga, hindi ako makapaniwala. Nakakagulat na hindi lang si Rhumzell ang nakilala nila, maging ako. Kahit na hindi ko na dapat ipagtaka iyon dahil doon din ako nag-aaral. Ni minsan yata ay hindi ko narinig na may humanga sa aking itsura sa mga iyon.

Maraming nagsabing bagay kami. Marami ang narinig kong humanga sa aking pananamit. Halos lahat ng lalaki ay sinabing maganda ako.

Wala sa sariling napalingon ako sa entablado nang magbago bigla ang kanta. Napalitan iyon nang mas mabagal at pamilyar na tugtugin. Si Maxrill pa rin ang naroon sa piano, ang kapatid ko ay hawak pa rin ang mikropono. Panibagong inggit ang nabuhay sa dibdib ko sa simpleng pagtanaw lang sa kanila.

Naagaw ni Rhumzell ang atensyon ko nang ilagay niya ang pareho kong kamay sa dibdib niya. Nakangiti na siya sa 'kin, ang paghanga ay nasa mga mata niya.

"I really like you, Dainty," pabulong pang dagdag niya nang simulan akong isayaw.

When you walked in my world,

I was someone else's girl

Everytime, you look in my eyes

All that I felt somehow dies

Hindi ko alam kung paanong sasagutin ang sinabing 'yon ni Rhumzell. Nasa kaniya ang aking paningin pero sa bawat pag-ikot namin ay iba ang gusto kong lingunin. Ang katotohanang naroon si Maxrill sa aking paligid, na makikita ko siya sa isang lingunan lang ay parang isang panaginip.

No, no, no, no

Can't you see

What you're doing to me?

No, no, no, no

Naestatwa ako nang idikit ni Rhumzell ang noo sa akin. "I'm really sorry, Dainty," 'ayun na naman 'yong desperado niyang tinig. "Please give me another chance. Patutunayan ko sa 'yong totoo talaga ang nararamdaman ko."

Don't look at me with that smile

Don't act like everything's fine

Stop putting dreams in my head

When I should have though of him instead

Napatitig ako sa kaniya at pilit na itinutuon sa kaniya ang atensyon. Gusto kong sabihin sa kaniyang naramdaman ko naman iyon at hindi niya na kailangang patunayan pa.

Ngunit natapos na't lahat ang kanta, nakabalik na kami sa aming silya, nakapag-perform na ulit ang dance troupe at banda, hindi ko pa rin siya nasagot. Hindi ko alam kung paano siyang sasagutin.

Matapos kong malaman na pinagpustahan lang nila ako, paano ko pa siya paniniwalaan? Paano kaming magpapatuloy? Kahit nararamdaman ko ang sinseridad niya, kahit nakikita ko ang pagpapakatotoo niya, nahihirapan akong mag-isip ng tama dahil kay Maxrill.

Pero kung desisyon ang pag-uusapan, wala akong kayang ibigay sa kaniya na hihigit sa pagkakaibigan.

Muling sumalang sa pagkanta sina Bree. Inanunsyo naman ng emcee ang tungkol sa pagpili ng Face of the Night. Napalingon ako nang halos magkakasabay na magsipagtayuan ang mga magkakapares. Napabuntong-hininga ako nang maisip na si Rhumzell na naman ang makakasayaw ko.

Saka ko palihim na sumulyap kay Maxrill. Pero ganoon na lang ang gulat ko nang makitang nakatingin siya sa 'kin.

You're the one

Who set me free

When you're close to me

And all that I do

Is think about a way

To make you stay, with me

Baby, I'm fallin' apart

'Cause you know the way to my heart

Hindi nagtagal at may natutukan na ng spotlight. Isa doon si Danice. Gusto kong mainggit nang makita ang excitement sa mukha niya nang makita si Maxrill na papalapit sa kaniya.

Napabuntong-hininga ako at nagbaba ng tingin sa mga kamay ko. Ano kayang pakiramdam na maisayaw siya? Napapikit ako at napasulyap kay Bree. Gano'n na lang din ang pagnguso niyang gaya ko. Inggit na inggit.

Lalo na nang tuluyan nang isayaw ni Maxrill si Danice. Talagang napakaganda niya. Sa normal na araw pa lang ay maganda na siya, higit na ngayong gabi dahil talagang pinaghandaan niya.

You're the one

Who set me free

When you're close to me

And all that I do

Is think about a way

To make you stay with me

Baby, I'm fallin' apart

'Cause you know the way to my heart

Walang segundong inalis ko ang paningin kina Maxrill at Danice. Buong pagsasayaw nila ay pinanood ko. Kaya naman ganoon na lang ang gulat ko nang matapos ihatid ni Maxrill si Danice sa silya nito ay naglakad siya patungo sa aming mesa.

Awtomatiko akong nag-iwas ng tingin nang mabuhay ang hindi ko maipaliwanag na kaba. Si Rhumzell ang pupuntahan niya...si Rhumzell ang pupuntahan niya... Paulit-ulit ko 'yong sinabi sa isip kong naghuhurumintado na.

"Let's dance," sabi ni Maxrill. Hindi ko man siya tingnan ay alam kong ako ang kausap niya.

"Maxrill..." nagugulat na ani Rhumzell, nasa tono ang pagtanggi.

"What?"

"She's my date."

"Not as if I'm asking her to date me instead."

"Yeah, but..."

"What?" hindi ko man lingunin si Maxrill ay batid kong nakangisi siya, ramdam ang paghahamon."You're not jealous of me, Rhum, aren't you?"

"I just don't understand it, 'Rill. She's my date,"may diin sa tinig niya.

"It's just a dance."

"Yeah, but you're not supposed to dance with my date. You wouldn't like it if I do that to you."

Bahagyang tumawa si Maxrill, napapikit ako dahil maging iyon ay may dating. Hindi ko magawang mag-angat ng tingin sa kaniya, ni ang sumingit sa usapan nila ni Rhumzell. Kahit pa kinakabahan ako na baka kung saan magtungo ang usapan nila. Iba na ang kanilang mga tono.

"What makes you think I'd let my date to just sit?" may diin ang huling salita ni Maxrill.

"We're talking." Mahihimigan na ang inis ni Rhumzell.

"Okay, then," bumuntong-hininga si Maxrill.

Bago ko pa siya maramdamang tumalikod ay lumingon na ako sa kaniya. Maxrill... Awtomatiko siyang ngumiti nang magtama ang aming paningin. Nakita ko siyang matigilan nang tumayo ako. Maging si Rhumzell ay gano'n na lang ang gulat sa akin.

Sobrang tindi ng kaba ko. Pero kung hindi ko gagawin 'yon ngayon ay hindi ko alam kung kailan pa ulit ako magkakaroon ng tyansang maisayaw siya. O kung magkakaroon pa nga ba. Mas nasisiguro kong hindi na masusundan iyon kaya kailangan ko nang kunin ang pagkakataong iyon.

Nanginginig man ay inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. Gano'n na lang ang magkasabay na pangungunot ng noo at pagtataka ni Maxrill. Nagbaba siya ng tingin kay Rhumzell saka bumuntong-hininga sa akin.

Kapagkuwa'y ngumiti siya dahilan upang umawang ang labi ko. Pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko nang kunin niya ang kamay ko.

Napapikit ako nang bahagya niya na akong hilahin at halos matalisod ako sa sobrang kaba.

"Watch your steps, lady," pabulong na aniya nang masalo na naman ang braso ko.

Magpapaumanhin na ako nang tumawa siya. Ngunguso na sana ako nang mangibabaw na naman ang boses ni Bree sa mikropono. Napalingon ako sa kaniya at hindi maipaliwanag ang kakaibang alon sa dibdib ko nang mapagtanto ang kanta.

You know everything that I'm afraid of

You do everything I wish I did

Everybody wants you, everybody loves you

Dinala niya ako sa gitna at nakagat ko ang aking mga labi nang hawakan niya ang pareho kong kamay at ilagay 'yon sa dibdib niya.

"Your hands are so cold, Wednesday," natatawa niyang sabi. Nagbaba ako ng tingin at napapikit.

I know I should tell you how I feel

I wish everyone would disappear

Everytime you call me,

I'm too scared to be mee

And I'm too shy to say...

"Relax..." nakangiting bulong niya nang maramdaman ang panginginig ko. Hindi ko magawang tumugon. "I hope you're alright." Nakita ko nang sulyapan niya si Rhumzell.

Pero sa ikalawang pagkakataon ay hindi ko kinayang sumagot. Hindi ko alam ang sasabihin. Gano'n na lang ang lakas ng loob kong makipagsayaw sa kaniya, nang hindi iniisip ang mararamdaman nina Rhumzell at Bree. Pero ngayong narito na siya sa harap ko ay lalong nagkandaloko-loko ang sistema ko. Kinakapos ako ng hininga.

"I'm talking to you, Wednesday," muling pagtawa niya.

"H-Hindi Wednesday ang pangalan ko,"napapangusong sabi ko, sa huli ay nakagat ko ang aking labi.

"I know," malambing niyang sinabi dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kaniya.

Akala ko ay tinig at pananalita na ni Rhumzell ang pinakamalambing, nagkamali ako. Higit ang lambing ng sa kaniya.

"Ako si..." napalunok ako. "Ako si Dainty,"mahina kong sinabi.

"I can't hear you."

Napalunok ako. "D-Dainty..." muling sagot ko. "Ano..." Natutuliro akong humugot ng hininga. "U-Uuwi na 'ko," kapagkuwa'y nasabi ko.

Sandali siyang natigilan. "What?"

Naghabulan ang kaba at paghinga ko. "H-Hindi ako pwedeng gabihin."

"Oh," bahagya siyang tumawa. "So, you're Cinderella now, huh?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya upang mapanood siyang tumawa. Umawang ang labi ko. Hindi ako makapaniwalang mapapanood ko ang pagtawa niya nang ganitong kalapit.

Kumunot ang noo niya mayamaya, ipinagtataka marahil ang pagtitig ko. Wala sa sarili akong nag-angat ng tingin sa langit at nakitang natatakpan ng mga ulap ang buwan.

"Gabi na k-kasi..." hindi ko maipaliwanag ang biglang pagtindi ng hiya ko.

Sa kabila ng pagpresinta kong isayaw siya, heto at binibigyan ko siya ng walang kwentang mga dahilan para makaiwas lang.

"Ayaw kong gabihin...takot ako sa dilim. Ano...sorry," nabawi ko ang kamay sa dibdib niya at nakayukong tinalikuran siya.

Awtomatiko akong humugot ng hininga. Ngunit awtomatiko ring napasinghap nang hilahin niya pabalik ang kamay ko. Hinapit niya ako sa likuran at tinitigan nang malapitan.

"Let me be your moon, then," nakangiting aniya, ang mga mata ay naroon sa mga mata ko at unti-unting bumaba sa aking labi.

Maxrill...

Narinig ko nang magtilian ang mga naroon dahil sa ginawa niya. Pero sandali ko lang na narinig ang mga 'yon. Dahil nangibabaw sa pandinig ko ang mas malakas ng tibok ng puso ko.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji