CHAPTER SEVEN
Follow us on Twitter: lovetrilogyOFC
CHAPTER SEVEN
"THANK YOU, Rhumzell," sinsero kong sinabi nang maihatid niya kami. Nauna na si Bree kaya kami na naman ang naiwan sa kotse niya.
Ngumiti siya. "Sana next time, iba na marinig ko," sinabi niya 'yon nang hindi malaman kung nangingiti lang ba o natatawa, naglalaro sa dalawang iyon ang nakikita ko sa labi niya.
"Ano..." Kumunot ang noo ko at napaisip. "Ingat ka, Rhumzell," sinabi ko 'yon para maiba naman ang sinasabi.
Sandali siyang natameme sa 'kin saka natawa. "You're so cute, Dainty."
Nakagat ko ang labi ko saka napanguso. Ano ba ang sinasabi niya? Anong cute doon? Napabuntong-hininga ako. "Pero salamat talaga," sinsero kong dagdag. "Sana rin ay 'wag akong maging dahilan para magkaroon kayo ng alitan ni Miguel. Mabait naman 'yon."
"He's not, Dainty," buntong-hininga niya. "Kung may mabait man akong kilala, ikaw lang 'yon."
Nagkatitigan kami sa kawalan ko ng maisasagot. Napabuntong-hininga ako.
"Ipangako mong hindi ka makikipag-away kay Miguel, Rhumzell," nakikiusap ang tinig ko.
Umangat ang gilid ng kaniyang labi. "I promise, babe."
Natigilan ako at napanguso. "Kapag ba nagliligawan ay may tawagan na dapat?"ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi.
Inilapit niya ang mukha upang silipin ako. "Nagliligawan pa ba tayo?" pabulong niyang tanong.
Nagugulat ko siyang nilingon. "Ano..."magkakasunod akong lumunok. "Anong ibig mong sabihin?"
'Ayun na naman 'yong matamis niyang ngiti. Sandali siyang tumitig sa mga mata ko ngunit agad din iyong bumaba sa labi ko. Naitikom ko ang bibig ko upang hindi niya 'yon makita. Natawa siya dahilan para mahawa ako at magbaba ng tingin.
"Hindi mo pa 'ko sinasagot pero...pakiramdam ko, ikaw na ang girlfriend ko, Dainty." Nag-angat muli siya ng tingin sa 'kin.
Girlfriend...
Magkakasunod na naman akong lumunok. Ngunit nang subukan kong magsalita ay dighay ang lumabas.
Hala!
Awtomatiko akong napaiwas ng tingin sa kaniya dahil sa kahihiyan. Nang marinig ko siyang bumuntong-hininga ay dali-dali kong hinanap ang siradura ng sasakyan. Pero hindi ako magrunong magbukas ng pinto.
Nakakahiya!
Nabitiwan ko ang yakap kong binder at natakpan ang mukha ko. Dahilan para marinig ko siyang matawa.
"Dainty..."
"I'm sorry, Rhumzell," hiyang-hiyang sabi ko. "Sorry!" parang wala na akong maiharap na mukha sa kaniya.
Lalo siyang natawa. "You're so cute, you're making me soft."
Wala sa sarili akong napalingon sa kaniya ngunit muli akong napatalikod upang magtakip ng mukha.
"Dainty," naramdaman ko nang hawakan niya ako sa siko, pilit na inihaharap sa kaniya. "I can wait," kapagkuwa'y dagdag niya. "If you're not yet ready to be in a relationship, I promise, I'll wait."
Dahan-dahan kong naalis ang pagkakatakip sa mukha at marahan siyang nilingon. Napatitig ako sa kaniya at muling naalala ang ginawa niya sa 'kin kanina. Nanumbalik sa 'kin ang masarap na pakiramdam. Iyong nawala bigla ang kaba ko dahil sa kaniyang ginawa.
Hindi ko namalayan ang aking sarili na tinitingnan na ang bawat detalye ng kaniyang mukha. Ang maayos na gupit ng kaniyang buhok, wala maski isang hiblang bumababa sa kaniyang mukha. Ang makakapal niyang kilay at pilik-mata. Ang tila tumatawa niyang mga mata. Matangos na ilong at maninipis at namumula parati na labi. Maging ang pangahan niyang mukha ay napansin ko. Wala talagang dahilan para hindi siya gustuhin, napakagwapo ni Rhumzell.
"Touch it," mahina niyang sinabi. Umawang ang labi ko ngunit hindi ko nagawang magsalita. "Touch my face, Dainty," mahina pang dagdag niya.
Napalunok ako at sumubok ngunit gano'n na lang katindi ang kaba ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang kunin niya ang kamay ko at ihaplos iyon sa kaniyang pisngi.
Mas tumindi ang pagkakalunok ko. Mas umawang ang mga labi ko nang maramdaman nang tuluyan kung gaanong kalambot ang pisngi niya. Nang sandaling iyon ay gusto kong ikompara ang lambot ng aking pisngi. Pakiramdam ko kasi ay wala pa ako sa kalingkingan nang maganda niyang kutis. Gusto kong mahiya.
Napangiti ako habang nakatitig sa kamay kong naroon sa kaniyang pisngi. Parang ang hirap paniwalaang may gwapong mukha akong nahahawakan.
Nagsalubong ang mga tingin namin. May kung anong kiliting idinulot sa 'kin ang mataman niyang pagtitig sa 'kin.
"I will not force you to answer me," sambit niya, habang ang pisngi ay pilit na idinidiin sa palad ko. "I can wait forever, Dainty."
"Rhumzell..." hindi ko maipaliwanag ang naghahalong kaba at masarap na pakiramdam. Ang sarap marinig mula sa gwapong tulad niya na handa siyang maghintay sa isang tulad ko.
"I can wait forever, babe..." mahinang sambit niya saka muling hinalikan ang kamay ko.
"Ano..." lumunok ako at naagaw ang kamay ko. Sandali siyang natawa saka binitiwan ang kamay ko. "Papasok na ako, Rhumzell," paalam ko saka pinigilang mangiti. "Ingat ka pauwi."
Kabang-kaba ako, sa isip ay hinihiling kong sana ay bumaba na siya upang pagbuksan ako ng pinto. Tila nakuha niya iyon at ngingiti-ngiting umibis para pagbuksan ako. Hindi naalis sa kaniya ang paningin ko habang papalapit sa pintong nasa tabi ko.
"See you tomorrow," aniya saka ako sinundan ng tingin.
Hindi ko napigilang lingunin siya muli saka pigil ang ngiting tumuloy sa aming bahay. Sinarhan ko ang pintong may screen ngunit nagtago lang ako sa gilid niyon para matanaw ang pagsakay niya pabalik. Muli akong napangiti nang tuluyan niyang paandarin ang sasakyan.
Kung magtutuloy-tuloy ang ganitong pakiramdam... Muli kong tinanaw ang lugar kung saan ko huling nakita si Rhumzell. Baka hindi ko mapigilan ang damdamin ko, Rhumzell...
Nagdulot ng halo-halong masasayang pakiramdam ang ginawa sa 'kin ni Rhumzell kahapon. Kung gaano katagal kong inisip ang halik niya, mas matagal kong inisip ang ginawa niyang pagliligtas sa 'kin kahapon. Kung maliit na bagay man sa kaniya 'yon, sa 'kin ay malaki na.
Bukod sa pamilya ko ay siya lang ang gumawa sa 'kin niyon. Sa dami ng nambubuyo sa akin sa school ay siya lang ang natatanging naglakas-loob na sagipin ako. Kung tutuusin ay natural lang naman 'yon, gagawin ko rin 'yon sa iba kung ako ang tatanungin. Pero hindi ko alam kung anong meron kay Rhumzell para magbago nang gano'n ang nararamdaman ko.
Tuloy ay hindi ko napigilang ipakita ang excitement nang sunduin muli niya kami kinabukasan.
"Good morning," ngiti niya.
Pinigilan kong ngumiti nang todo, ayaw kong makita niya na ganoon ako kasaya na makita siya.
"Good morning, Rhumzell," mahina kong sagot.
Ngumiti siya sa 'kin saka sumulyap kay nanay. "Magandang umaga, tita, po."
Natawa si nanay, batid kong sa paraan ng paggalang ni Rhumzell 'yon. "Magandang umaga, Rhumzell."
"Ipagpapaalam ko po sana si Dainty mamaya," bigla ay ani Rhumzell. Nagugulat akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "May practice game po kami sa school. Kung gusto pong sumama ni Bree ay pwede rin po."
"Naku, may pratice nga rin kami mamaya kaya sasabihin ko sanang hindi ako makakasabay sa inyo," agap ni Bree.
"I see. Eh, di isasama ko na lang sa school si Dainty, then we'll pick you up after my practice game. That okay with you?" ngiti ni Rhumzell.
Gano'n na lang ang tuwa ni Bree. "Sige! Salamat, Rhumzell."
"No problem, Bree." Nakangiti uling nilingon ni Rhumzell si nanay. "Pasensya na kung ako na nagdesisyon po, tita."
"Walang problema, basta mag-iingat kayo,"ani nanay. "Ikumusta mo 'ko sa mommy at lolo mo."
"Makakarating po," ngiti ni Rhumzell saka tumango sa nanay. "Ako na ang magdadala ng gamit mo," sabi pa niya.
"Salamat," nahihiya man ay hinayaan ko siya.
"Sorry nga pala kung na-late ako kahapon. Nagpatawag din kasi ng meeting si coach. Mamaya, susunduin na talaga kita sa classroom," aniya nang maihatid kami sa school. Sinasadya na talagang mauna ni Bree para maiwan kami at makapag-usap.
Magkakasunod akong tumango. "Sige."
Nakita ko nang magningning ang mga mata niya. Marahil ay dahil hindi na ako tumanggi. Dahil gano'n kabilis akong pumayag.
"Thank you, Dainty," lumawak ang pagkakangiti niya.
"Ako nga dapat ang magsabi niyan,"nagbaba ako ng tingin. "Ang bait-bait mo sa 'kin, Rhumzell."
Tiningnan niya ang mga labi ko saka ngumiti. "I don't know why you're so precious to me, Dainty."
Umawang ang labi ko at mas napatitig pa sa kaniya. Nang hindi ko na mapigilan ay ngumiti ako at tumalikod na lang nang mag-init ang mga pisngi ko.
Naramdaman ko nang bumaba siya sa sasakyan upang pagbuksan ako. Nakatitig siya sa 'kin habang bumababa naman ako.
"Aagahan ko mamaya," ngiti niya.
"Sige," tipid kong sagot, hindi na mapigilan ang pagngiti. "Ingat ka."
"Thanks, babe," mahinang tugon niya.
Hindi ko na kinayang lumingon dahil ang ngiti ko ay mas mahirap nang pigilan. Ganoon ang itsura ko habang naglalakad papasok, yakap nang mahigpit ang aking binder.
"Naisip ko lang, Dainty, same ba ng size 'yong mga paa mo?" 'yon ang bungad ni Danice pagkapasok ko sa classroom. Ang kaniyang paningin ay naroon sa paanan ko.
"Oo," tipid kong sagot.
"Amazing, huh?" namamangha ngunit nakakainsulto siyang tumawa.
Sa halip na pansinin siya ay dumeretso na lang ako sa silya ko at naupo. Nagsimula ang klase sa araw na iyon nang nakangiti at masaya ako. Sa unang pagkakataon ay nagawa kong pigilan na isipin ang nararamdaman ko sa kaniya. Naniwala ako na nalamangan ni Rhumzell ang paghanga ko kay Maxrill. Siguro nga ay siya ang para sa akin. Tulad ng sinabi ni nanay, ang tadhana na ang gumagawa ng paraan para si Rhumzell ang aking piliin.
Naniniwala akong kung hindi ko iisipin si Maxrill, mas magiging madali para sa akin na kalimutan siya. Naniniwala ako na kung si Rhumzell lang ang iisipin ko, mababaling ang paghanga ko sa kaniya.
"Gonza," pagtawag sa 'kin ni Sir Ciufan matapos niyang ipapasa ang seatwork.
"Yes po, sir," sabi ko matapos tumayo.
Bumuntong-hininga siya. "Bakit ito ang iginuhit mo?" tanong niya na iniharap sa klase ang Makasaysayang Lugar na iginuhit ko. "Namumukod-tangi ang iginuhit mo," dagdag niya saka ipinakita sa kabilang kamay ang gawa ng mga kaklase ko.
"Ano..." nagbaba ako ng tingin. "Kasi po...sir," nangibabaw ang kaba ko nang magtawanan ang buong klase.
"Sshh, class, silence!" gilalas ni sir saka ako muling pinukol ng tingin. "Sige, sagutin mo ang tanong ko, Gonza."
"Kasi po..." nagbaba ako ng tingin. "Ang sabi po ninyo ay makasaysayang lugar,"magkakasunod na lunok ang nagawa ko, sa pag-aalalang mali ang intindi ko. "Wala naman po kayong binanggit kung sa...Pilipinas o kung saan. Iyan po ang makasaysayang lugar para sa akin."
Saka ko sinulyapan ang puting papel na hawak niya. Iginuhit ko doon kung paano kong natatandaan ang ferris wheel na sinakyan namin ni tatay. Na siya ring naging dahilan kung bakit naputol ang aking binti at paa.
"Noong bata po kasi ako..." Sinimulan kong magkwento. "Pinilit ko po ang tatay ko na dalhin ako sa peryahan noong kaarawan ko. Wala po kaming panghanda at libre sa perya ang may kaarawan. Iyon ang hiniling ko na pinagbigyan naman po ni tatay."
"Okay," ani sir na tinutukoy na magpatuloy ako.
"Kaso ay naaksidente po kami, sir," hindi ko na nagawang salubungin ang tingin niya. "Bumagsak po iyong sinasakyan namin ni tatay at naipit ang binti at paa ko. Kinailangan pong putulin. Matagal na panahon po akong nabaldado, wala pa pong isang taon nang maikabit itong bagong binti at paa ko."
Tumango-tango si sir. Nakita ko nang sulyapan niya ang paa ko saka muling nag-angat ng tingin sa 'kin.
Napalunok ako. "Makasaysayan po sa akin ang lugar na 'yan dahil iyan po ang pinakatumatak sa aking nakaraan," dagdag ko.
"Okay, sit down," ani sir saka ipinatong sa mesa ang papel ko.
Nakita ko siyang nagsulat sa papel ko habang nararamdaman ang natatawang tingin sa akin ng mga kaklase ko. May ilan na tatawa-tawa pang nagbubulungan, pinakamalakas sa mga iyon ay tinig ni Miguel.
"Si Gonza lang ang pumasa," kapagkuwa'y anunsyo ni Sir Ciufan.
Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko. "Sir?" hindi ako makapaniwala.
Tumango si sir sa 'kin saka sinuyod ng tingin ang buong klase. "Lahat ng bumagsak sa seatwork ngayon ay 430 ang passing score sa long quiz bukas. Si Gonza ay 350 ang passing score," dagdag ni sir, lalong nanlaki ang mga mata ko. "Sa recitation, si Funtales ang mauuna kong tatawagin, limang tanong agad 'yon. Ang huling matatawag ay si Gonza, sampung tanong nga lang iyon."
"Hala, sir naman?" reklamo ng mga kaklase ko.
Ngumisi si Sir Ciufan. "Sa ilang taong pagtuturo ko, siya pa lang ang ikatlong tumama sa ganitong klase ng seatwork ko."Sinulyapan ako ni sir. "Kilala mo ba ang mga Del Valle?"
Nanlaki ang mga mata ko. Maxrill... Napalunok ako, siya agad ang pumasok sa isip ko. Nagkamali ako nang sabihin ko sa sariling hindi ko na siya iisipin. Isang malaking kahibangan ang maniwalang hindi ko na siya maaalala. Wala pa mang isang araw, heto at sinasakop na naman niya ang isip ko.
"Yes, sir," awtomatiko akong tumayo.
"Kilala mo si Maxpein?"
"Yes, sir."
"Iyon ang pinakahambog. Kung gano'n ay kilala mo rin si Maxrill Won Del Valle?" parang ayaw pa niyang maniwala.
Umawang ang labi ko. Maxrill... "Yes po, sir,"hindi ko maipaliwanag kung bakit kinilabutan ako nang marinig lang ang pangalan ni Maxrill. Anong meron sa pangalan niya at gano'n ang dulot sa 'kin? Hindi ko maintindihan.
Ngumisi si sir. "Naikwento siguro ako sa iyo ng mga hambog na 'yon?"
Magkakasunod akong umiling kasabay ng pagtanggi ng parehong kamay ko. "Ano..."kinabahan agad ako. "Hindi po, sir. Hindi ko po sila nakakausap tungkol sa mga lecturer. Pero...si Ate Maxpein po ang nagpapaaral sa 'kin," pag-amin ko. "Sila po ni Kuya Maxwell."
Umangat ang gilid ng labi ni sir. "Napakaswerte mo, kung gano'n." Ngumisi siya. "Ang dalawang iyon, maliban sa iyo, lamang ang nakapasa sa ganitong seatwork ko," sabi niya sa buong klase saka muling tumingin sa 'kin. "Kung gusto mong malaman kung paanong makapapasa nang may mataas na marka sa subject ko, tanungin mo sila."
Iyon lang at dinampot na ni sir ang index cards at white board marker niya saka dere-deretsong lumabas ng classroom. Ang mga kaklase ko ay nagbulung-bulungan na dahil sa hindi na naman inaasahang long quiz ni sir. Tatlong topic pa lang ang naituro niya, madalas ay tw'ing makatatapos siya ng lima saka nagpapa-long quiz. Ibig sabihin ay kailangan naming mag-advance reading.
Malakas na hiyawan ng mga kaklase kong babae at iba pang mga babae mula sa ibang section ang pumuno sa hallway nang dumating si Rhumzell para sunduin ako. Gusto ko na namang mahiya nang sa 'kin mapukol ang paningin niya sa kabila ng maraming babaeng nagpapapansin.
"Hi, Dainty," pagbati pa niya.
"Hello, Rhumzell," ngumiti ako.
"Give me your things," inilahad niya ang kamay sa 'kin.
Nag-aalangan man ay iniabot ko sa kaniya ang binder ko. "Salamat, Rhumzell."
"Paa ang may deperensya sa kaniya, Rhumzell, hindi kamay," malditang ani Danice saka tumawa.
Nagbaba ako ng tingin, pinigilan kong sumama ang loob ko. Paulit-ulit kong pinangako sa sarili kong kailangan kong piliin at mahalin ang lahat ng meron ko.
"Hindi rin naman paa ang hinahawakan kapag nanliligaw, Danice." Hindi ko inaasahang ganoon ang isasagot ni Rhumzell. Kinuha niya ang kamay ko habang nakatingin kay Danice. "Let's go, Dainty," dagdag niya saka ako inilayo sa mga iyon.
Gusto kong makonsensya dahil ikalawa na si Danice sa mukhang makakaalitan niya nang dahil sa 'kin.
"Sana hindi kayo mag-away ni Danice,"mahinang sabi ko.
Natawa siya. "Hindi ako nakikipag-away sa babae. Lalong hindi ako nakikipag-away, Dainty." Nilingon niya ako. "Saan natin dadaanan ang sister mo?"
Umawang ang labi ko. Ni hindi ko man lang naalala si Bree. "May practice siya, sabi niya."
"Oo nga, magpapaalam lang tayo. Para alam niyang magkasama na tayo."
Napangiti ako. Isa 'yon sa hinahangaan ko kay Rhumzell. "Sige." Tuluyan nang nawala sa isip ko ang sinabi ni Danice.
Nagpaalam kami kay Bree at sinabihang babalikan kapag natapos na ang practice game ni Rhumzell. Matapos no'n ay dumeretso na agad kami sa SIS.
"Have you seen me play basketball?"mayamaya ay tanong niya.
Tipid akong ngumiti saka umiling. "Hindi pa."
Kumunot ang kaniyang noo. "But I was always there," ngumuso siya at bumuntong-hininga. "Hindi mo ko napapansin."
Nakagat ko ang labi at saka ngumuso nang makitang nalungkot siya. "Ano...kasi..." Hindi ko na naman malaman ang isasagot.
Humalakhak siya. "Just kidding."
Nakahinga ako nang maluwang saka napangiti sa kaniya. "Hindi bale, panonoorin naman kita ngayon," paniniguro ko.
"Yeah," kumindat siya. "Sa 'kin ka lang tumingin."
Humanga ako sa SIS, malayo iyon sa BIS. Bagaman mas maliit ay prestihiyoso rin iyon. Mas marami ang buildings ng BIS pero humahabol naman iyon.
Hindi halos nagkakalayo ang ganda ng gymnasium ng parehong paaralan. Covered at centralized ang aircon. Hindi mabilang ang bleachers at halatang ginastusan. Madalas kasing kasali sa sportsfest ang parehong paaralan kaya gano'n na lang ang kahalagahan ng sports sa amin.
"Guys, meet Dainty," ipinakilala ako ni Rhumzell sa teammates niya.
'Ayun na naman 'yong hiya ko na halos magtago ako sa likuran niya. Nawala lang 'yon nang maayos na makipagkilala sa akin ang mga kaibigan niya. Pare-pareho nang nasa kolehiyo ang mga 'yon bagaman magkakaiba ng kurso.
Si Rhumzell ang team captain, panibagong hinangaan ko. Kaya naman gano'n na lang kaganda ang pagkakangiti at lakas ng pagpalakpak ko habang pinanonood siya mula sa bleachers.
Mula sa warm-up ay pinanood ko sila hanggang sa magsimula sa paglalaro. Habang dumaraan ang oras na pinanonood ko siya ay lalo akong humahanga. Napakagaling niyang maglaro ng basketball. Ni minsan ay hindi ko siya nakitang sumablay. Bawat tira niya ay pasok, siya ang higit na pumupuntos.
Gusto kong isipin na nagpapakitang-gilas siya sa akin. Pero dahil mukhang natural ang galing niya, mahirap siyang pagbintangang nagpapakitang-gilas lang.
Nag-request ang coach ng break. Nagsalubong ang tingin namin ni Rhumzell nang maglakad siya papalapit sa 'kin. Naglapat ang mga labi ko nang makitang pawis na pawis siya. Nilingon ko ang gamit niya at nakita ang towel niyang nakapatong lang doon. Naiilang man ay kinuha ko iyon at nanginginig na inilahad sa kanya.
"Thanks, babe," mahinang sambit niya dahilan upang palihim kong makagat ang labi ko.
Naupo siya sa tabi ko at gusto ko na namang humanga dahil sa kabila ng pagpapawis ay pabango pa rin niya ang nangangalingasaw. Katamtaman man ang aircon, sa bilis nilang kumilos at tumakbo, hindi na kataka-takang pinagpapawisan silang pare-pareho.
Tinitigan niya ako habang nagpupunas ng pawis. Nang mailang ay muli akong bumaling sa gamit niya ay dinampot ang paborito niyang sports drink.
"Uminom ka muna," sabi ko.
"Thanks, babe," mahina ulit sabi niya, hindi ko na naman naiwasang mailang. "So, kumusta 'yong laro ko?" kapagkuwa'y tanong niya.
Umawang ang labi ko at inalala kung paano akong mukhang sira na nangingiti at pumapalakpak nang mag-isa.
"Napakahusay mo, Rhumzell," nasabi ko.
Ngumiti siya. "Thank you, babe."
Naiilang ako sa kababanggit niya niyong babe. "Saan ka natuto?"
"Kay kuya," ngiti niya saka tumungga sa paborito niyang drink. "Wala na si dad kaya si Kuya Randall ang tumayong daddy sa 'kin,"ngiti niya saka muling tumungga sa inumin. "Siya ang nagturo sa 'kin sa maraming bagay."
Umawang ang labi ko. "Sorry."
Nakangiti niyang sinarhan ang drink at hindi ko inaasahang ibabalik niya iyon sa bleacher na nasa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong madikit ang katawan niya sa likuran ko. Pinigilan kong lumingon sapagkat alam kong mukha niya ang malilingunan ko.
"Magaling siyang mag-basketball, magaling siya sa billiards, sa studies, sa lahat," ngiti ni Rhumzell. "Magaling din siyang kuya."
Napangiti ako nang maramdaman ang paghanga niya sa sariling kapatid. "Mabuti naman kung gano'n."
"'Yong kuya mo ay makakalaban ko sa basketball. Isa siya sa mga inaabangang star player ngayong taon."
Tumango-tango ako saka nangiti. "Magaling din sa basketball si Kuya Kev. Paniguradong maganda panoorin ang magiging laban ninyo."
"Yeah," ngumisi siya. "'Yong tipong kahit nasa kaniya ang paningin mo, maaagaw ko."
Nakagat ko ang labi ko saka ako ngumuso. Paano nga kaya kapag sila na ang magkalaro? Sino sa kanila ang panonoorin ko? Wala pa man ay nalilito na ako.
"Watch me, okay?" ngiti niya nang hindi ako makasagot. Tumango ako saka pinanood siyang tumakbo pabalik sa mga kasamahan niya.
Nakita ko nang mag-usap sila ng mga kasama niya saka sila nakangiting tumingin sa 'kin. Sa magkakasabay nilang sulyap ay awtomatikong nag-init ang mga pisngi ko at wala akong nagawa kundi ang magbaba ng tingin.
Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Naantig ang kuryosidad ko at gusto kong malaman agad. Kasi kung ano-ano ang naiisip ko at natatakot akong baka negatibo ang mga 'yon.
Tuloy ang panonood ko ay hindi na gaya ng kanina. Sa t'wing may mapapalingon ang sinuman sa gawi ko, dahil naroon ang may hawak sa bola, ay nagbaba ako ng tingin. Kahit pa hindi naman ako sigurado kung tinitingnan nga ako ng mga ito.
"Wooh," bumuga ng malakas na paghinga si Rhumzell saka muling naupo sa tabi ko. "We're done," ngiti niya.
Noon ko pa lang iniabot muli ang towel at drink niya. "Uminom ka muna."
"Thanks, babe."
Nakagat ko ang labi ko at bahagyang nangunot ang noo. "Naiilang ako sa pagtawag mo sa 'kin niyan, Rhumzell," pagpapakatotoo ko. "Baka may makarinig sa 'yo at isiping girlfriend mo na 'ko."
Ngumiti siya. "Eh, di mas maganda."
Umawang ang labi ko. "Gusto mong isipin nila na tayo na? Bakit?"
"Para ikaw ang maging dahilan para wala kang pagselosan," ngiti niya.
Nangunot ang noo ko saka napanguso. Hindi ko naintindihan. Nakamot ko ang ulo at saka pinanood na lang siyang uminom.
"Anyway, I have to go to Maxrill's house,"bigla ay sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko na siyang ikinagulat niya. "I'm sorry, Dainty, kanina ko lang kasi nalaman. Is it okay?"
Wala naman doon si Maxrill kaya ayos lang. Napabuntong-hininga ako. "Sige," ngiti ko.
"Shower lang ako, five minutes," sabi niya saka patakbong sumabay sa mga kasamahan niya. Awtomatiko akong nagbaba ng tingin nang makita ang mga itong muling sumulyap sa 'kin.
Nakagat ko ang labi ko nang muling maalala si Maxrill. Pero masaya ako na hindi na 'yon tulad ng dati. Ngayon kasi ay mas napapahalagahan ko na ang mga ginagawa ni Rhumzell. Napapangiti na ako sa mga sinasabi at ginagawa niya. Bukod do'n ay napupuyat na rin ako kaiisip sa kaniya. Kaya ganoon na lang kataas ang kompyansa kong unti-unti ko nang nalilimutan siya.
"Ano..." baling ko kay Rhumzell nang nasa sasakyan na kami at papunta sa bahay ng mga Moon.
"Hmm?"
"Kanina...tiningnan ninyo ako ng teammates mo at ngumiti kayong pare-pareho sa 'kin," talagang hindi mawala sa isip ko 'yon. "Pinag-uusapan niyo ba 'ko?" kahit matindi ang hiya ay naglakas-loob akong itanong 'yon.
"Yeah."
Awtomatiko ko siyang nilingon. Wala pa man ay parang nalulungkot na ako. "Tungkol saan? Sa paa ko?" bago ko pa napigilan ang sarili ay naitanong ko na 'yon.
Awtomatikong nawala ang ngiti sa mukha niya. "No, of course not," nilingon niya ako saka muling itinutok sa daan ang paningin. "Lahat sila ay nagagandahan sa 'yo."
Umawang ang labi ko at napapahiyang nag-iwas ng tingin. "Sorry."
Bumuntong-hininga siya. "Wala ni isa sa kanila ang nakapansin sa paa mo, Dainty."
Nakagat ko ang labi ko at saka napanguso. "Akala ko kasi..."
"They're not like that, babe," malambing niyang sinabi saka nag-iwas ng tingin. "'Wag mo nang isipin 'yon."
Tumingin ako sa labas at napangiti. Sa isip ay nasabi kong kailangan ko ring baguhin ang ganoon kong pag-iisip. Na huwag ko nang hulaan kung ano ang tingin at iniisip sa 'kin ng iba. Sumasama lang ang loob ko kapag gano'n, wala naman akong kasiguraduhan kung ano nga ang iniisip nila.
Gaya ng sinabi ni nanay, kung nagagawa kong isiping pinag-iisipan nila ako nang masama. Pipilitin kong isipin na magaganda ang iniisip nila sa akin.
"Kapag pumupunta rito si nanay ay isinasama ako," nakangiting sabi ko kay Rhumzell, masigla na ulit.
"Yeah? Me, too. Maxrill and I are good friends. He's the reason why I'm always here."
Pero hindi rin nagtagal ang sigla ko dahil binanggit niya na naman si Maxrill. Gano'n man ay pinilit kong ituon sa kaniya ang isip ko at paningin.
"I'm here to get something," ani Rhumzell sa maid. Palibhasa'y pareho kaming kilala ng mga tauhan ay nagtuloy-tuloy si Rhumzell papasok.
"Aakyat lang ako sa kwarto niya, okay?"paalam niya sa 'kin, magkakasunod lang akong tumango.
Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni Rhumzell sa maid nang matuon ang paningin ko sa portrait ni Maxrill sa harapan ko. Ni hindi ko nga namalayan ang sarili kong basta na lang naglalakad papalapit doon.
Naroon iyon sa pagitan ng mga nagtataasang cabinet ng mga libro sa dulo at madilim nang bahagi ng hindi mabilang na sala. Nakasara ang mga kurtina at nakapatay ang ilaw sa bahaging iyon pero hindi dahilan 'yon para hindi ko makita ang kaniyang mukha. Gusto kong humanga sa kung sino mang gumuhit at nagpinta niyon, pakiramdam ko ay siya mismo ang nakikita ko ngayon.
Kung tutuusin ay hindi lang naman siya ang may portrait. Ang totoo ay nangunguna roon ang kay Kuya Maxwell, sumunod ang kay Ate Maxpein at huli ang sa kaniya. Sa ilalim ng kanilang portraits ay may family portrait kung saan naroon din silang tatlong magkakapatid. Sa ilalim naman niyon ay ang portrait ng bagong myembro ng pamilyang Moon, si Maxspaun.
Pero ang paningin ko ay naroon lang kay Maxrill. Kung kailan napagdesisyunan ko na siyang kalimutan ay saka siya ipinaalala ni Sir Ciufan. Kuung kailan napigilan ko na siyang isipin ay saka siya binanggit ni Rhumzell. Kung kailan alam ko na kung sino ang pipiliin ay saka ko naman ito nakita.
Bakit kailangang magkaganoon? Ano ba ang gusto ng tadhana para iparamdam sa 'kin ang lahat ng ito? Pakiramdam ko ay niloko ko lang ang aking sarili nang magdesisyon akong kalimutan si Maxrill at piliin si Rhumzell. Ngayon ay kinakain ako ng konsensya ko dahil sa litrato pa nga lang niya, hindi ko na maalis ang aking mga mata. Na kahit hindi talaga siya ang nasa harap ko, na bagaman wala siyang sinasabi o ginagawa, naghahalo-halo ang nararamdaman ko.
"Maxrill..." wala sa sariling nasambit ko sa paraang pakiramdam ko ay puso ko ang nagsalita para sa 'kin.
"Hmm?" Nanlaki ang mga mata ko nang may tumugon mula sa likuran ko.
Hindi ko nagawang kumilos at sa halip ay napako ako sa kinatatayuan habang nakatingin sa portrait na kanina ko pa tinititigan.
"S-Sino 'yan?" napapalunok kong sabi.
Narinig ko iyong bumungisngis. "I am the owner of the face you're staring at,"dumagundong ang boses niya sa pandinig ko.
Nahugot ko ang aking hininga nang maramdaman ang paglapit niya sa likuran ko. Sobrang lapit na halos maramdaman ko siya.
"I am Maxrill Won del Valle," pabulong niya iyong sinabi ngunit muling dumagundong sa aking pandinig. "Siguradong hindi mo 'yan malilimutan, kahit ilang beses mong subukan."
Naramdaman ko ang mga hakbang niya papalayo sa akin. Ngunit ni hindi ko nagawang kumilos, hindi lalo kinaya ang lumingon. Nang marinig ko na silang mag-usap ni Rhumzell, hirap na hirap man ay patakbo akong nagtungo sa sasakyan niya. Dali-dali kong kinuha ang gamot ko bago pa ako tuluyang maubusan ng hininga.
Nagpakilala lang siya...ano't inatake ako ng hika? Hindi ako makapaniwala.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top