CHAPTER 61


CHAPTER 61

"THANKS, HEURT." Nakangiting nagpasalamat si Maxrill Won kay nanay nang maihatid ako sa bahay kinaumagahan. "Hey, cutie," baling niya kay Nunna nang masulyapan ito, napangiti ako.

Kahit pareho kaming may alagang aso, kahit pareho kaming mahilig sa mga hayop, ramdam kong lamang ang pagmamahal ni Maxrill sa kanila. Iba ang paraan niya ng pakikisalamuha kay Nunna. Ang totoo, maging kung paano niya hagurin sa noo at tainga ito, parang may emosyon. Kung tumingin sila isa't isa ay para bang nagkakaintindihan talaga.

May kung anong damdamin na makikita kay Maxrill Won sa t'wing kausap ang mga aso. At gusto kong maging gaya niya.

Gusto kong lumalim din ang damdamin ko sa mga hayop, hindi lang sa aso. Gusto kong magkaroon ng koneksyon sa mga ito. At kung maaari, gusto ko ring maintindihan ang mga hayop sa lahat ng paraan kahit pa hindi kami mag-usap gamit ang salita.

Nag-uusap na sina Maxrill Won at nanay pero panay pa rin ang titig at pagkamangha ko sa kaniya. Panay lang ang ngiti ko habang nagpapalitan ng tingin sa kanila, wala namang maintindihan.

Paano niya kaya nagagawa ang gano'ng connection sa mga hayop? Magagawa ko rin kaya ang gano'n?

Nakatutuwang malamang alam ni tatay ang pagtulog namin nang magkasama at solo. Hindi niya kami pinagalitan. Iyon nga lang, hindi niya pa rin hinarap si Maxrill Won. Sinabihan din akong sa susunod, umuwi na agad kung alam kong uulan nang malakas o may parating na bagyo. Ni ayaw niya nang gagabihin ako. Para hindi na ako nakikitulog sa labas gayong may sarili naman daw kaming bahay. Syempre, sinabi niya ring hindi tama na matulog kami nang walang ibang kasama. Bagaman hindi namin sinabing magkatabi kaming natulog ni Maxrill Won. Napakaraming nangyari at hindi ko kayang ipaliwanag sa kanilang lahat 'yon. Hindi ko nakuhang malungkot kasi patunay lang 'yon na payag siyang masundan ang paglabas namin ni Maxrill Won. Gano'n na lang kadaling nawala sa isip ko ang kahindik-hindik na panaginip ko nang dumaang gabi.

"Nag-enjoy ba kayo?" tanong naman ni nanay na inayos ang buhok ko. Sigurado akong gusto niya akong marinig magkwento.

Nagkatinginan kami ni Maxrill Won. Pareho kaming nagulat ni nanay nang kunin ng aking nobyo ang suklay at pinagpatuloy ang pag-aayos sa buhok ko.

"Of course." Siya rin ang sumagot. "Your hair is so beautiful, Dainty Arabelle," dagdag bulong niya sa 'kin.

"Plano ko ngang pagupitan, Maxrill Won."

"Hmm?" ungot niya. "It's rainy season so it's not that hot, you can keep it this long."

Napangiti ako. "Bakit?" Nilingon ko siya.

Sinulyapan ni Maxrill Won si Nanay Heurt, nakanguso, dahilan para tingnan ko rin si nanay. Ngingiti-ngiti niya kaming pinanonood at basta na lang inilingan.

"Long hair suits you," inilapit niya ang mukha sa pandinig ko. "It's attractive."

Umiwas ako at nahihiyang sinulyapan si nanay bago muling bumaling kay Maxrill Won. "Sige."

Hindi ko inaasahang ikukwento ni Maxrill Won ang nangyari sa restaurant, nahiya naman ako lalo na nang natuwa si nanay. Panay naman ang ngiti ko nang makitang palihim ding ngumiti si tatay. Naroon lang siya sa sala, medyo malayo at hindi nakaharap sa amin. Tutok lang siya sa pinanonood sa TV.

Kung hindi pa mag-ring ang cellphone ko, baka hindi ko na naalis pa ang pagtatakip sa mukha ko sa hiya. Sa tono ng pagkukwento ni Maxrill Won, talagang pinagmalalaki niya ang maliit na bagay lang namang ginawa ko. Kung ako ang tatanungin, mas maraming kahanga-hangang taglay ang pamilyang Moon. Napakababait nila at matulungin. Utang ko sa kanila ang mahigit sa kalahati ng buhay ko.

"Kumusta kayo ng kuya mo?" nakangiting tanong ni nanay, kay Maxrill Won nakatingin.

Ngumiwi ang nobyo. "We're cool, if you're...talking about the past."

Tumango-tango si nanay. "That's good. I heard...he's planning to propose to Yaz."

"He is," ngumiti si Maxrill Won. "He's been dreaming of proposing since day one. His career always gets in the way, though." Saka siya lumingon at ngumiti sa 'kin. Tumitig ako at gumanti ng ngiti.

"His job makes him happy," tugon ni nanay. "He's conscious of the benefits he's creating for himself and his future with Yaz. The latter, though, made him the happiest."

"Indeed." Ngumiwi si Maxrill. "I wish I realized that sooner. I messed up big time," pabuntong-hininga ngunit nakangiting ani Maxrill Won saka muling sumulyap sa 'kin.

"It's still a good thing that you came to realize what you did, Maxrill. That means, you've taken the first step already." Ngumiti si nanay at ginulo ang buhok ni Maxrill Won dahilan para umiwas ito. "Believe it or now, sometimes, mistakes are the best thing that could ever happened to us." Lalong ngumiti si nanay na para bang may malalim pang naiisip at nararamdaman nang sabihin ang mga huling linya.

Nakangiting tumitig sa 'kin si Maxrill Won matapos sang-ayunan si nanay. "What?" tanong niya.

"Tumatawag si Gideon," nasabi ko matapos tingnan ang screen ng cellphone.

Nangunot ang noo niya at bumuntong-hininga. Inaasahan kong magrereklamo siya pero wala siyang sinabi. Sa halip ay pinatong niya ang siko sa hita at nakapangalumbaba akong pinanood na sagutin ang tawag.

"Hello, Gideon," sagot ko, na kay Maxrill Won pa rin ang paningin.

"Hi, Dainty. Nakakaabala ba 'ko?"

"Of course, silly," si Maxrill Won ang sumagot sa mahinang boses, pinagkunutan ko siya ng noo na sinagot niya ng buntong-hininga. Hanga ako sa lakas ng pandinig niya.

"Hindi naman, Gideon, napatawag ka?"nagsalita na agad ako.

"Remember my...favor? You're going to listen to my music."

Umawang ang labi ko saka natutop ang labi ko. "Oo nga pala," utal kong sagot. Totoong nawala na 'yon sa isip ko, kulang na lang, pati si Gideon, malimutan ko. "Sige, anong oras ba?"

"Do you wanna eat lunch together?"

Napatitig ako kay Maxrill Won. "Okay lang ba na after lunch na lang? Kasama ko kasi si Maxrill Won, at sabay kaming manananghalian."

"Sure, of course," bakas ang pagkapahiya sa boses ni Gideon. "See you later, then."

"Sige, see you." Ngumiti ako at binaba ang linya.

Nawala lang ang ngiti ko nang makitang hindi inaalis ni Maxrill Won ang tingin sa 'kin. Nakangiwi na siya at tila may iniisip na umuubos sa kaniyang pasensya.

"Bakit?" tanong ko.

"That's how fast you answer that punk's call, huh?"

Ngumuso ako, lalo pang humaba 'yon nang pagtawanan kami ni nanay. "Ngayon lang siya tumawag sa 'kin."

Namilog ang bibig ni Maxrill Won saka tumango-tango, kunyaring kumbinsido. "How sweet."

Tinanong siya ni nanay gamit ang ibang lenggwahe, natatawa. Nakangiwi lang na umiling si Maxrill Won, hindi talaga inalis ang paningin sa 'kin.

"Ano pong pinag-usapan ninyo?" interesadong tanong ko.

"Tinanong ko lang kung nagseselos ba siya, umiling lang siya," natatawang ani nanay.

"Napakaganda ng salita ninyo, nanay," ngiti ko saka muling natigilan nang ganoon pa rin ang itsura ni Maxrill Won. "Ano?"

"You're so sweet."

Natatawa akong umusod patabi lalo sa kaniya, saka hinagod ang braso niya, nakalimutan nang naroon si tatay at tanaw kami.

"Hindi ba't sinabi kong samahan mo 'ko? Magkasama nating pakinggan si Gideon."

Hindi ko inaasahang hahawakan niya ang kamay ko, walang takot kay tatay! Pinandilatan ko siya at inginuso si tatay. Kabado ako habang siya ay wala lang. Si nanay naman ay tatawa-tawa lamang na umiiling sa kaniyang silya.

"Sir," hindi ko lalo inaasahang tatawagin ni Maxrill Won si tatay. "Is it okay if I hold your daughter's hand?"

Kunot na kunot ang noo ni tatay nang lumingon. "Huwag ka na ngang magpaalam?" Saka muling binaling ni tatay ang paningin sa telebisyon. "Ang tagal na sa Pilipinas, Ingles pa rin nang Ingles,"paasik na bulong niya, akala siguro ay hindi namin maririnig.

"In my country, we speak Korean, sir," sagot ng baliw kong nobyo. Tinapik ko siya sa kamay. "What?"

Marahan kaming nilingon ni tatay, bahagya na lang ang pagkakakunot ng noo ngunit walang kasintalim ang tingin kay Maxrill Won.

"'Wag mo 'kong pilosopohin, baka gusto mong ibalik kita sa bansa mo?" banta ni tatay.

"Think you can...do that?" hindi makapaniwala si Maxrill Won.

"Ano?" asik ni tatay.

"Do you really think...you can do that? To me? Sir, I am Maxrill Mo"

"Aba't, tingnan mo 'tong lokong 'to!"

"'Tay..." awat ko.

"Sorry, sir," tumango si Maxrill Won pero walang bakas ng takot, natawa pa nga.

Bumuntong-hininga si tatay at muling binaling ang paningin sa TV. Walang-boses kong sinaway si Maxrill Won na panay lang ang palihim na pakikipagngitian kay nanay.

"Kung titingnan, si Ate Maxpein mo ang nakakatakot sa kanilang pamilya. O di kaya nama'y si Maze. Pero sa lahat ng Moon, si Maxrill Won ang walang takot," bulong ni nanay. "Walang takot," inulit niya pa nang may riin.

Sinulyapan ko si Maxrill Won, gano'n na lang kayabang ang ngiti niya habang nakatingin sa akin. "Learn from your mother," aniya, mas nadagdagan ang yabang.

"Makikita mong matakot ang Kuya Maxwell mo kapag nilagnat ang batang ito," kapagkuwa'y dagdag ni nanay dahilan para inis siyang lingunin ni Maxrill Won. "Kinakabahan naman si Maze Moon kapag hindi mahagilap ang iyong nobyo."

"Talaga po?" Naniniwala ako dahil si nanay ang nagsabi niyon. Sigurado kasing iisipin kong nagyayabang lang si Maxrill Won kung sakaling sa kaniya manggaling iyon.

Tumango si nanay. "Gano'n siya kamahal sa kanilang pamilya kaya tingnan mo, isip-bata."

"Heurt!" asik ni Maxrill Won, natawa ako.

"Hoy, korinoy! Matuto kang gumalang kapag naririto ka sa pamamahay ko," asik ni tatay.

Nangunot ang noo ni Maxrill Won. "What's korinoy?" baling niya sa 'min ni nanay na parehong natawa.

"Koryanong Pinoy," sagot ni nanay, hindi na ako nakapagsalita sa kahahagikhik.

Sumama ang mukha ni Maxrill Won at bumuntong-hininga. "In my country"

"'Sus! Tama ka na!" pinangunahan ni tatay ang dapat na sasabihin niya, lalo kaming natawa ni nanay.

Nagtimpi si Maxrill Won, binasa ang gilid ng kaniyang labi at sumulyap sa akin. "Fine. You're the boss, sir." Isang matalim na tingin na lang ang sinagot ni tatay.

Matagal bago kami nahinto sa pagtawa ni nanay. Muli kong sinulyapan si tatay at sandaling napatitig. May ideya kaya si tatay kung saan sa dalawang bansa ng Korea nagmula si Maxrill Won?

"Maghahanda na muna ako ng tanghalian."Eksakto namang tumayo si nanay at dumeretso sa kusina.

Hinabol ko ng tingin si nanay at napaisip. Saang bansa kaya si nanay? Sa north o south?

Ang totoo, mula nang dumating sa 'min si nanay, hindi ko naisip na may ibang lahi siya. Oo nga't iba kaysa lahi namin ang kaniyang mga mata, pero hindi halata dahil sa husay niyang magsalita at sa kulay ng kaniyang balat. Bukod do'n, napakarami niyang sinusunod na kultura sa bansang ito na para bang natural na sa kaniya 'yon. Maging ang mga pagkain, wala siyang niluto ni minsan na magsasabing may ibang lahi siya.

Ngayon lang ako nagsisisi na panay lang ang pakikinig ko noon sa t'wing magkukwentuhan sila nina Bree at Kuya Kev. Dahilan ko, hindi ako maka-relate sa pinag-uusapan nila. Bukod sa hindi talaga ako komportable sa sitwasyon ko noon. Pakiramdam ko kasi, sa t'wing makikisali ako sa usapan nila, nauuwi sa 'kin ang topic. At tuwing ako na ang topic, pulos sila panghihinayang sa kung ano ang magagawa at mararating ko kung hindi nagkaganito ang paa ko. Paulit-ulit 'yon noon kaya ako na ang sumuko. Alam ko naman na wala silang intensyong saktan ang damdamin ko, nanghihinayang lang talaga sila. Pero ang epekto ng mga salita nila ay bumabaon parati sa pagkatao ko.

Hindi rin ako nagtatanong nang tungkol sa personal na buhay ni nanay sa kabila nang maraming pagkakataon. Natatandaan kong noong bago pa lang siya sa 'min, madalas ko rin siyang sungitan. Sumasama kasi ang loob ko sa t'wing mararamdaman kong kinaaawaan ako. Mas kailangan ko noon nang magpapalakas ng aking loob para magpatuloy.

Oo nga't naikuwento ng mga kapatid ko ang tungkol sa pamilyang Moon pero hindi malinaw sa 'kin kung paano nagkakilala sina tatay at nanay. Wala ring nabanggit sina Kuya Kev at Bree, at hindi na 'ko magugulat kung wala rin silang ideya. Marahil, wala rin akong interes alamin ang lahat noon. At posibleng si Maxrill Won ang dahilan nang matinding interes ko ngayon.

Hindi ko alam kung gaano kalalim ang ugnayan nina nanay at tatay, para tulungan kami at tumayong ina sa 'min si Nanay Heurt. Ni hindi ako sigurado kung ano talaga ang relasyon nila ni tatay. Bigla na lang kasing sumulpot sa buhay namin si nanay at sinabing matagal na silang magkakilala ni tatay. Iyon lang ang natatandaan kong paliwanag niya para akuin ang paghihirap namin.

Nakikita ko lang silang magsama sa iisang kwarto sa t'wing may lagnat si tatay noon. Bagaman wala naman talagang sariling kwarto si nanay sa barong-barong namin noon. Magkasama sina nanay at Bree na natutulog sa sala noong doon pa kami nakatira. Habang si kuya ay kung saan na lang abutan ng antok; sa sala, kusina, o sa kawayang patio sa labas ng bahay. Ngayon lang kami nagkaroon ng maraming silid. Ako pa ang nauna nilang binigyan ng kwarto, saka sila nagdesisyon kung alin sa iba pang kwarto ang kanilang ookupahin. Ganoon din sa bahay namin noon, may solo akong kwarto bagaman makipot, habang sila, nagtitiis sa maliliit na espasyo. Talagang ngiti lang ang ambag ko noon.

"Maxrill Won, nasa'n ang lola mo?" biglang tanong ko. Naalala ko na naman kasi 'yong paraan niya ng pagtitig sa matanda sa restaurant no'ng isang gabi.

Nilingon niya ako saka muling tinuon ang paningin kay Nunna. "Hmm, she died when I was young."

May ideya naman na 'ko tungkol doon pero nalungkot pa rin ako. "Sorry."

Nakangiti niya uli akong sinulyapan, hindi ko nabasa ang ngiting 'yon sa kaniyang mga mata. "It's fine."

"Sobrang close mo siguro sa lola mo?" hindi ko napigilang magkomento. "Nakikita ko 'yong lungkot sa mata mo dahil pinaalala ko siya sa 'yo."

"She was loved by many." Gano'n na lang din kalalim ang buntong-hiningang pinakawalan niya. "But she was...sentenced to death, Dainty," tuluyan na siyang binalot ng lungkot. "Death is the capital punishment in my country. It wasn't her fault, though. She was innocent, and falsely charged with a crime she did not commit."

Parang nadurog ang puso ko sa narinig. Nagsisi ako bigla na nagtanong pa. "I'm really sorry. Hindi na sana ako nagtanong."

Malungkot siyang ngumiti. "My grandfather also died in the most painful way." Sinabi niya 'yon nang nilalaro si Nunna pero nasa mga mata ang sakit na pinagdaanan.

Natutop ko ang bibig. "Maxrill Won..."

"Their death jarred my whole family and made a huge and deep hole in our hearts. I can't say goodbye then. I wake up each day looking for them." Nilingon niya ako at mapait na nginitian. "It was all in the past now but it's still painful. I may feel better now but whenever I think of them, it hurts. I guess the pain will never go away but...we learned to live with it."

Matagal akong natahimik. Hindi na malaman ang sasabihin. Nakatitig lang ako sa kaniya at pinanonood ang bawat reaksyon niya. Nakangiti pero puno ng lungkot ang mga mata. Paulit-ulit akong nagsisi kung bakit pa nagtanong.

"How about your mom?" iniba niya ang usapan, gusto kong magpasalamat.

Matagal bago ako nakasagot, sandaling nalito kung si Nanay Heurt ba ang tinutukoy niya. "Wala na rin siya, Maxrill Won," sagot ko nang ma-realize na iyong biological mother ko ang tinatanong niya.

"Sorry to hear that."

Nakangiti akong umiling. "Ayos lang."

"Tell me more about your mom." Ngumiti rin siya. "What features did you get from her?"

"Halos lahat?" nahiya ako. "'Yon ang sabi ni tatay."

"Hmm." Ngumiti siya. "Beautiful, then?"

Pinalobo ko ang bibig sa hiya. Hindi ako makatanggi dahil totoong maganda ang nanay ko, iyon na nga lang yata ang naaalala ko. Pero ayaw ko namang sumang-ayon dahil parang sinabi ko na ring maganda ako. Gayong sigurado akong mas maganda ang nanay ko.

"Wala akong masyadong maalala tungkol sa kaniya. Pero...namatay siya may isang taon bago kami naaksidente ni tatay." Binalot din ako ng lungkot.

"I'm sorry to hear that."

Ngumiti lang ako sabay iling. "Maganda si nanay, Maxrill Won. Mahaba ang buhok at balingkinitan. Maputi at makinis ang balat. Matangos ang ilong, magaganda ang mga mata at manipis ang labi. Sigurado din akong...mabait siya at mabuting ina. Iyon na lang ang natatandaan ko." Pinilit kong alalahanin ang lahat. "Pero hindi ko nalilimutang mahal na mahal ko siya. Kung may natitira man akong alaala niya, 'yon 'yong tindi ng pagmamahal ko sa kaniya bilang tunay kong ina."

Tumango-tango siya. "That's so sweet."

Tumingin ako sa langit. "Sigurado ako na masaya siya para sa akin. Naging mahina man ako, natuturo rin akong maging matatag at malakas."

Ngumiti siya at hinagod ang buhok ko. "I'm proud of you."

Nakagugulat na pumayag si tatay na sumabay si Maxrill Won sa mesa nang mananghalian. Iyon nga lang, si nanay at ako lang ang kinakausap niya. Bukod do'n, siya ang unang natapos at pinagpatuloy ang panonood niya.

Nagpalit lang ako ng damit, iyong ruffled peach dress na umaabot sa pulsuhan ang manggas at lampas sa tuhod ang palda. Pinares ko roon iyong kulay puti na doll shoes at saka itinali sa kalahati ang buhok ko.

Napatitig at ngumiti si Maxrill Won sa 'kin nang makalabas. Nagbaba ako ng tingin matapos mag-init ng pisngi ko.

"Tatay, pupunta po kami sa school ni Maxrill Won para makipagkita sa kaklase kong si Gideon,"paalam ko.

"Ihahatid ko rin siya pauwi, sir," segunda ni Maxrill Won.

Ako lang ang nilingon ni tatay. "H'wag kang magpapagabi, Dainty."

"Opo, 'tay."

"Ingat kayo."

Natulala ako nang marinig ang huling salita ni tatay, kayo... "Opo, tatay!" tumakbo ako at yumakap sa kaniya. "Salamat po, tatay."

"Sige na, huwag kang magpapagod masyado, Dainty. Hayaan mong iyang...Moon na 'yan ang mapagod," nakangiwing bumuntong-hininga si tatay saka sumulyap sa gawi ni Maxrill Won mula sa gilid ng kaniyang mga mata.

Nasanay na akong hindi niya kinikilala ang presensya ni Maxrill Won kaya kapani-panibago. Maliit na bagay lang 'yon pero talagang natuwa ako. Hindi nawala ang ngiti ko nang magpaalam kay nanay.

"May check-up si Dainty bukas, Maxrill Moon,"habilin ni nanay. "Ihatid mo siya nang maaga para makapagpahinga. Parehong nasa bakasyon iyong doktor ni Kaday at prosthetist ni Dainty, kaya ibang espesyalista ang titingin sa kanila."

"Sure. Kilala ko ba ang specialist na tinutukoy mo?" pantay nang magsalita si Maxrill Won.

"Isa sa dalawa iyong kaibigan daw nina Randall at Maxwell, si Dr. Pendragon."

Ngumiwi si Maxrill Won. "Si Bentley?"

Nagkibit-balikat si nanay. "Iyon nga marahil."

"I believe you've met him before."

"Siguro nga. Kung hindi lang kasama ni Maxwell si Randall sa Cebu, siguradong siya ang titingin sa mag-ama."

"But Bentley's a cardiothoracic surgeon, tsh."

"May makakasama siyang espesyalista na titingin sa paa nina Kaday at Dainty, huwag kang mag-alala." Ngumiti si nanay.

Lumingon si Maxrill Won sa labas. "Sinong maghahatid sa inyo sa hospital?"

Nakamot ni nanay ang sentido, nasisiguro na kung saan patungo ang usapan. "Kami nang bahala, may nirerentahan kaming sasakyan."

Awtomatikong nangunot ang noo ni Maxrill Won. "I have eleven cars, Heurt. Ipahahatid ko rito ang isa. Own it."

Sabay kaming nagulat ni nanay! Siya ay dahil sa huling linya ni Maxrill Won, habang ako ay dahil sa una.

Eleven...? "Ganoon karami ang sasakyan mo?"hindi makapaniwala, wala sa sariling tanong ko. "Eleven..."

"No. I have thirty-three." Itinuro niya ang nakaparadang sasakyan sa labas. "That's my latest."Saka siya ngumiti sa akin. "Iyong eleven lang ang hindi ko ginagamit," nilingon niya si nanay. "Kaya ibibigay ko sa iyo iyong isa."

"Hindi na kailangan, Maxrill Won." Sinulyapan ni nanay si tatay.

"Oo nga, kaya naman namin," segunda ko.

"Hindi ko naman sinabing hindi ninyo kaya,"ngumiti si Maxrill Won. "Ang sabi ko, ibibigay ko ang isa." Sinabi niya iyon sa paraang iyon dapat ang mangyari.

Umawang ang labi ko, nasapo naman ni nanay ang noo. "Maxrill Won," bulong niya, sabay sulyap kay tatay.

"What? Ayaw mo ng luma? Fine. Ano'ng brand at model ang gusto mo? Bibilhin ko."

"Hindi. Hindi iyon," sabay na naming nasapo ni nanay ang noo. Pero hindi na nawala ang pagkakaawang ng labi at titig ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwala. "Inalok na kami ni Maxpein ng sasakyan at...hindi iyon nagustuhan ni Kaday."

Nangunot ang noo ni Maxrill Won. "Why not?"sinulyapan niya si tatay. "Used car?"

"Hindi." Bumagsak ang mga balikat ni nanay. "Bago, syempre."

"Oh," namilog ang bibig ni Maxrill Won. "If it isn't the model then it must be the brand, huh?"Mayabang siyang ngumisi. "She doesn't know much about cars, Heurt. Billiard sticks ang collection ni Maxpein, relos at mga libro naman ang kay kuya."

"Si Maxpein ba...ayaw mong tawaging ate?"kunot-noong tanong ni nanay.

Awtomatikong umiling si Maxrill Won, nakangiwi pa rin. "Ayoko. Dapat sa kaniya, tinatawag ding kuya."

Sumama ang mukha namin ni nanay. "Hindi dapat ganoon, Maxrill Won," sabi ko.

"Dude." Umirap lang si Maxrill Won.

"Ayaw ni Kaday na tanggapin ko ang sasakyan na binibigay ni Maxpein, iyon ang dahilan," ani nanay.

"Why not?" nilingon ni Maxrill Won ang tatay. "Sir?"

Masama na ang mukha ni tatay ng lumingon sa amin. Awtomatikong ngumiti si Maxrill Won. Sinubukan kong alisin ang pagkakaakbay niya sa akin pero mas binigatan niya ang braso sa balikat ko.

"Ano?" tila naghahamon ang tinig ni tatay.

"I'm going to give your daughter a gift. Don't be surprised, though. It's just a car." Magalang iyong sinabi ni Maxrill Won, kaswal na para bang pitsel lang ang ireregalo niya.

Napatitig si tatay, sumulyap sa 'min ni nanay, saka binalik ang kunot-noong tingin kay Maxrill Won. Pero hindi siya sumagot. Nabuhay ang pag-asa namin ni nanay.

"And I will not accept a refusal from anyone, sir."

"Bahala ka sa buhay mo." Inis na inalis ni tatay ang paningin sa amin.

Sabay na namilog ang bibig namin ni nanay sa gulat at nagkatinginan. "Pumayag ba siya, nanay?"bulong ko.

Nagugulat na tumitig si nanay sa akin bago hindi makapaniwalang tiningnan si Maxrill Won. "Mukhang...pumayag nga."

"Of course," mayabang na sagot ng aking nobyo. "I am Maxrill Moon. Walang pwedeng tumanggi sa gusto kong gawin."

"Hoy, naririnig kita, Korinoy!"

"You heard me right, sir." Umangat ang gilid ng labi ni Maxrill Won, at saka lang ngumiti ng peke kay tatay. "Ipahahatid ko kay Dirk ang sasakyan sa lalong madaling panahon."

"Papayag ba naman iyon?" ani nanay.

Ngumisi si Maxrill Won. "Beyond any doubt, Heurt."

"Hindi ba't dapat niyang bantayan ang chairman? Pwede namang...ako na lang ang magmaneho, huwag mo nang ipahatid. Sobra na iyon."

"Hmm. Nasa bahay lang ang chairman, at inaabala ang sajang at eesa, iyon lang ang trabaho niya kaya hindi na dapat siya bantayan ni Dirk. Besides, si Dirk ang nagda-drive sa akin,"mahabang paliwanag ni Maxrill Won saka muling ngumiti sa akin. "Baby blue?"

"Ha?" nahihiya kong sagot, kahit na ang totoo, excited ako.

"Ha?" ginaya niya na naman ako saka sumulyap kay nanay. "We'll go ahead."

"Sige, mag-ingat kayo." Bakas din ang tuwa kay nanay. "Salamat, Maxrill Won."

Matapos kumaway ay inalalayan na ako pasakay ni Maxrill Won. Sinubukan ko pa siyang tanggihan habang nasa daan kami. Kahit totoong gusto kong magkaroon kami ng sasakyan, lamang ang hiya na nararamdaman ko. Pero iginiit niyang gagawin niya iyon, dinahilan pa ang pangalan niya at wala raw makatatanggi roon. Nagpatugtog siya para matahimik ako. Pareho naming sinabayan ang kanta, manghang-mangha sa isa't isa; ako, dahil kahit mabilis na Tagalog ay nasabayan niya, siya ay dahil umano sa boses at ganda ko. Hindi ko alam kung tama ba ang kaniyang dahilan.

"Dainty," masaya si Gideon na makita ako. Pero nabawasan ang tuwa niya nang masulyapan si Maxrill Won sa likuran ko. "Wala talagang tiwala sa 'kin ang boyfriend mo."

Itinanggi ko ang parehong kamay. "Hindi. Ako ang nagsabi na samahan niya ako."

Tumango si Gideon saka inilahad ang kamay kay Maxrill Won na agad namang pinagtaka nito. "Thank you for accepting my request, Mr. Del Valle."

Sandaling tumitig bago nakipagkamay si Maxrill Won. "We can speak casually, Gideon. Call me Maxrill."

Naunang maglakad papasok si Gideon. Binalingan ko naman si Maxrill Won. "Hindi ko inaasahang gano'n ang magiging pakitungo mo sa kaniya."

"What do you mean?" nangingiting na-confuse si Maxrill.

"Parati kang sarcastic kay Gideon."

"We always talk formally or politely in my country, even with friends and relatives. It's a cultural thing. We can only speak casually with permission. Nagustuhan ko 'yong pagbati niya kaya...gano'n ang sinagot ko." Seryoso siya nang ipaliwanag 'yon.

Mukhang wala akong poproblemahin. In-assume ko na magkakasundo ang dalawa. Na sa halip sa akin, kay Maxrill Won matututo si Gideon. Na mabibigyan ng aking nobyo nang magandang advise ang kaibigan ko lalo na at pinagmalaki ko rin ang husay niya sa intruments at pagkanta. Pero nagkamali ako.

"Hindi ko gusto ang tono, baduy," iyon ang unang komento ni Maxrill Won. "Baguhin mo."

"Ha? Pero...ito na ang inaral ko."

Ngumiwi si Maxrill Won. "Kung gusto mong...bumagsak, then...bahala ka."

"Hindi. Hindi." Kabadong umiling si Gideon, kagat ang sariling daliri at nag-isip.

Gano'n kadaling nakumbinsi si Gideon at awtomatikong naghanap ng panibagong tono nang oras na 'yon. Humanga ako dahil nagawa niya 'yon sa pagitan ng ilang minuto.

"Kumusta?" agad na tanong ni Gideon nang matapos iparinig sa 'min ang bagong tono.

"Napakaganda, Gideon!" papuri ko. "Napakahusay mo!"

"Salamat, Dainty," nagkaroon ng pag-asa si Gideon. "What do you think, Maxrill?"

Magkakrus ang braso, tumagi-tagilid ang ulo ni Maxrill Won na para bang hindi mahanap ang tamang salita sa kaniyang isip. "Hindi ko alam kung 'yong tono ang pangit o 'yong lyrics."

"Ha?" nawala ang tuwa ng kaibigan ko.

"Change it."

Napapahiyang tumawa si Gideon. "Sige, susubukan ko ring baguhin."

Lalo akong humanga kay Gideon, hindi niya pinapatulan si Maxrill Won. Marahil ay natututo talaga siya rito, at iniisip ang resulta ng kaniyang kanta. Napakatalentado niya, nagawa rin niyang baguhin ang lyrics sa iilang minuto.

"So?" umaasang naghintay si Gideon sa reaksyon namin matapos iparinig sa ikatlong pagkakataon ang kanta.

"Napakagaling mo, Gideon!" pumapalakpak na sagot ko, tuwang-tuwa sa ganda ng kanta.

"Thanks, Dainty, I appreciate it." Tumango siya nang magkalapat ang pareho niyang palad. "Maxrill?"hinintay niya ang reaksyon ng aking nobyo.

"Sorry, nagkamali ako," ani Maxrill Won, nanliliit ang mga mata habang nakatingin kay Gideon. "Okay na 'yong lyrics at tono, 'yong boses mo naman ang medyo...hindi akma sa kanta. I mean, medyo pangit 'yong boses mo."

Nasapo ko ang noo nang idugsong niya pa ang huling linya. "Maxrill Won?" sinaway ko na siya.

Ngunit nginitian lang niya ako saka lumapit kay Gideon. Inilahad niya ang kamay, hinihingi ang gitara mula rito. Saka niya iniharap sa kaniya ang music sheet sa kaniya.

"Right tone of voice matters, dude," ani Maxrill Won, nasa gitara na ang atensyon.

Umawang ang labi naming pareho ni Gideon nang kalabitin ni Maxrill Won ang gitara, ang paningin ay nasa music sheet. Lalo pa kaming humanga nang magsimula siyang kumanta.

"Maxrill Won..." wala sa sariling pagtawag ko.

Nilingon ako ni Maxrill Won, patuloy pa rin sa ginagawa saka muling binigay ang gitara kay Gideon.

"Wow..." hindi naitago ni Gideon ang paghanga.

"Make it...less breathy, dude," advise ni Maxrill Won. "Your voice is deep and powerful but all we get is breathiness."

Pareho naming hindi nakuha ni Gideon ang tinutukoy ni Maxrill Won, hindi 'yon naituro ng professor sa music class. Hindi naging madali, paulit-ulit sinita ni Maxrill Won ang tono ng kaibigan ko. Maging ako ay sumusubok at lito. Nakatutuwa ang pasensya ni Maxrill Won, hindi napagod at nagpatuloy lang sa pagtuturo hanggang sa makuha namin nang tama. Kaya sa huli, pareho kaming nagpasalamat ni Gideon.

"Thanks for the help, guys." Bakas ang tuwa kay Gideon. "Ngayon pa lang, ramdam ko nang pasado ako."

"May bumabagsak ba sa music? Unless si Mr. Ciufan ang prof mo. Iyon ang pinakamatalinong tao sa mundo. Tsh." Umiling si Maxrill Won, nagtawanan kami.

"Masaya kaming nakatulong, Gideon," sagot ko habang sabay-sabay kami papuntang parking lot.

"Galingan natin sa finals, Dainty," sagot niyang iniharap ang kamao sa 'kin.

Gumaya ako sabay tango. "Oo, Gideon!"

Buntong-hininga ni Maxrill Won ang nakapagpalingon sa 'min. "Cool."

"Thank you, Maxrill," nakangiting nakipagkamay si Gideon.

"Good luck." Gumanti si Maxrill Won at inalalayan ako. Umalis kami matapos kong magpaalam kay Gideon.

Sa daan ay paulit-ulit kong pinuri ang boses ni Maxrill Won. Nakangiti lang siya at tinatanggi ang papuri ko pero dahil namula ang pisngi niya, sigurado akong natuwa rin siya.

Hindi na nagtagal sa bahay si Maxrill Won nang maihatid ako. Nagpaalam siya at nagpasalamat kina nanay at tatay bago humalik sa pisngi ko at umalis.

"Tao po?" kasabay ng pagkatok ay nangibabaw ang tinig ni Tiyo Dirk.

"Dirk," si nanay.

"Magandang umaga, Heurt." Pumantay ng tayo si tiyo at ngumiti kay nanay.

"Magandang umaga rin, Dirk," tugon ni nanay. Kumaway at ngumiti naman ako kay tiyo.

"I came to deliver your new car. It's from Maxrill."

"Ano?"

Inaasahan na namin iyon pero hindi pa rin napigilan ni nanay na magulat. Talagang sineryoso ng aking nobyo ang sinabi. Hanggang kagabi, nang magkausap kami sa cellphone ay pinipilit ko siyang pakiusapang huwag na kaming bilhan ng sasakyan. Maging kaninang umaga nang magpaalam siya na aalis na pabalik sa Palawan, napag-usapan namin iyon. Pero mas imposible pa yatang magbiro si Maxrill Won kaysa magregalo ng sasakyan.

Lalo kaming nagulat ni nanay nang makalapit sa baby blue Mercedes-Benz na SUV. May pulang ribbon sa harapan at bubong niyon. Makakapal at malalaki ang mga gulong. Mataas at malapad ang katawan. Kumikinang ang kulay at maganda sa mata. Nang mabuksan ang dalawang pinto sa unahan ay humanga kami sa enggrandeng disenyo niyon sa loob. Naamoy ko ang leather sa bawat upuan niyon at hindi mapigilang ma-excite. Ngayon lang kami nagkaroon ng sasakyan, at talagang kailangan namin iyon.

"Ang batang iyon," asik ni nanay, nangilid ang luha at hindi makapaniwalang nilingon si Dirk. "Hindi ko matatanggap 'to."

Natigilan si tiyo. "Eh...tanggapin mo, Heurt."

"Ano? Pero...masyadong mamahalin ang sasakyan na 'to."

"Wala kang sinabing brand at model, inutusan lang ako ni Maxrill na bilhin ang pinakasimple. Alam niyang tatanggihan mo ang magarbo."

"Pinakasimple ba ito?"

"Kompara sa mga sasakyan niya, oo. He likes luxury cars, for its comfort, high-quality interior materials, features and other amenities that aren't available on moderately priced cars."

Nasapo ni nanay ang noo. Halatang gusto niyang tanggapin, ganoon din ako, pero pareho kaming may alinlangan. Nakahihiyang tumanggap ng ganitong regalo, masyadong mabilis at enggrande. Hindi ako makapaniwala kay Maxrill Won. Wala akong masabi.

"Ano'ng...sinabi ng mga Moon?" naroon na ang hiya sa tinig ni nanay. "Paano ko tatanggapin ito, Dirk?"

"Hindi mo pwedeng tanggihan si Maxrill, Heurt. Kilala mo ang batang 'yon."

Si Tiyo Dirk ay tila pinoproblemang hindi namin tanggapin ang sasakyan. Habang kami ni nanay ay nilalamon ng hiya. Ni hindi ko magawang magsalita.

"Isa pa, tinanggihan mo ang sasakyang binili ni Maxpein. Magtatampo iyon."

"Hindi marunong magtampo ang anak ko."

"Masaya ang pamilyang Moon na ginawa ito ni Maxrill. Isa pa, kailangan talaga ninyo ng sasakyan. Mahirap para sa 'yo na..." natigilan si tiyo, pinigilang sumulyap sa 'kin. "Maghanap parati ng rerentahang sasakyan, gayong napakaraming sasakyan ng mga Moon."

"Kaya ko namang bumili," napailing si nanay. "Hindi lang namin mapagkasunduan ni Kaday."

"Hindi mo na kailangang bumili kung gano'n."Tumabi si tiyo para ilahad muli ang sasakyan sa amin. Saka ipinakita ang isang credit card na nakaipit sa dalawang daliri niya. "Ito naman ang gagamitin mo sa iba pang gastusin sa sasakyan tulad ng gas, insurance at rehistro. Kay Dainty Arabelle Gonza nakapangalan ang sasakyan."

Umawang ang labi ko at natutop iyon nang lingunin ako ni tiyo para ngumiti. Sa gano'ng sitwasyon, may kailangan pa ba akong hilingin? Wala na.

Inaasahan ko nang pagtatalunan nina nanay at tatay ang sasakyan. Pero nagkamali ako. Hindi nila iyon pinagtalunan, ni hindi nagtanong si tatay kung kanino nanggaling iyon. Bukod sa naunahan iyon ng excitement at tuwa nina Kuya Kev at Bree, sinulyapan lang ni tatay ang sasakyan at nagpaasikaso na kay nanay.

"'Tay? Paano po kayo nagkakilala ni Nanay Heurt?" tanong ko nang tabihan si tatay sa sala.

Papunta na kami sa ospital, gagamitin namin ang bagong sasakyan, at hinihintay na lang naming matapos maligo si nanay bago umalis. Sina Bree at Kuya Kev ay hindi na maalis ang puwit sa sasakyan, nagkakantahan sila roon at nagpapa-aircon.

Nakangiti kong nilingon si tatay nang hindi agad siya sumagot. "Hindi po ako sigurado kung naikuwento ninyo na po noon, eh," dagdag ko.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni tatay. Naroon ang normal nang istrikto niyang mukha, seryoso masyado.

"Bakit mo naman naitanong iyan, Dainty?"

"Curious lang po ako, 'tay," ngumiti uli ako. "Hanggang ngayon po kasi...masaya ako na kasama natin si nanay."

Hindi nagbago ang seryosong mukha at titig ni tatay. Kaya agad kong itinanggi ang parehong kamay dahil baka iba ang pakahulugan niya sa sinabi ko.

"'Wag po sana ninyong isipin na balewala na sa akin ang tunay kong ina...ano...masaya lang po talaga ako na dumating si Nanay Heurt sa atin."

Matagal bago siya sumagot. "Kung masaya ka na, hayaan mo nang ganoon, kung gayon." Sandali akong naguluhan sa sagot ni tatay. "Huwag ka nang magtanong pa." Bahagya akong napahiya nang idagdag niya ang huli.

"Opo, 'tay."

Inisip ko na lang na wala sa mood si tatay. Hindi namin naramdaman ang excitement niya nang makasakay sa bago naming sasakyan. Pero hindi rin siya nagreklamo, wala siyang komento at nanahimik lang. Hindi ko maiwasang isipin na ayaw niya lang sagutin ang tanong ko.

"Good morning, we're here for Dr. Pendragon,"bati ni nanay sa receptionist nang makarating kami sa front desk ng BIS hospital. Nagpaiwan sina Bree at Kuya Kev sa sasakyan, babantayan daw nila iyon.

"Good morning, ma'am, sir." Kilala na kami nito dahil sa regular naming pagbisita. "Kumusta po ang lagay natin, 'tay, Dainty?"

"Maayos po," agad na sagot ko, ngumiti at tumango rin si tatay.

Magkakasama kaming dinala sa consultation room ng nurse mayamaya. Iba iyon sa dating kuwarto na inookupa namin sa t'wing may checkup. Sa labas ay nakaimprinta ang pangalan ni Dr. Bentley Scott Pendragon, sa ilalim niyon ang kaniyang specialization na sinabi ni Maxrill Won.

"Pakihintay na lang po si Doc Bentley rito,"ngumiti ang nurse na kakilala na rin namin.

Ngunit bago pa siya makalabas ay pumasok na si Dr. Bentley. "Good morning. Thank you, nurse."

Umawang ang labi ko. Hindi na iyon ang unang beses na nakita ko siya, at noon pa man ay pansin ko na ang gandang lalaki niya. Lahat yata ng maganda, kahiling-hiling at kahanga-hangang katagian ng isang lalaki, nasa kaniya. Pero lalo siyang gumuwapo ngayong nakauniporme. Hindi na nakagugulat ang reaksyon ng nurse nang batiin at ngitian niya ito.

"I am Dr. Bentley Scott Pendragon," inilahad niya ang kamay. Ngunit maging si nanay ay hindi agad nakatugon, napatitig sa itsura ng doktor.

"Have a seat," ngumiti si Dr. Bentley sa akin. Napakalayo niya sa unang beses ko siyang makita."Kumusta?" tiningnan niya kami isa-isa.

"Maayos naman, walang nagbago, doc," sagot ni tatay.

"Obviously, that's great," nakangiting ani Dr. Bentley saka bumaling sa akin. "And you?"

"Maayos naman po, doc. Pero nakakalakad po ako." Hindi ko alam kung tama ang isinagot ko.

Sandaling napatitig si Dr. Bentley saka natawa. "Hmm. You're Maxrill's girlfriend. Nagkakilala na tayo sa Palawan."

Umawang ang labi ko, nag-init ang pisngi at tumango. "Opo." Nahihiya akong salubungin at tingin niya at nag-aalala akong matawag siyang kuya imbes na doktor.

Pinaliwanag niyang naroon lang siya bilang pakiusap ni Kuya Maxwell. Nakarating umano rito na wala ang espesyalista namin ni tatay. Sinabi niya rin kung saang area siya naka-assign, maging ang specialization niya, at ang checkup na gagawin sa amin kaya siya naroon. Ang makakasama niyang espesyalista raw ang magsasabi kung kailangan nang palitan ang prosthetic foot ko.

"Mataas ang presyon ng dugo ninyo, 'tay. Gano'n na rin ang blood sugar ninyo. Nabanggit na ba ito ni Dr. Martinez?" ani Dr. Bentley, inaalis ang stethoscope sa kaniyang tainga.

"Oo, niresetahan na ako ng gamot at mga dapat kainin. Kung maaari rin daw ay mag-ehersisyo ako."

"Kumusta po? Nagagawa ba natin ang nireseta ng doktor? Naiinom ba natin ang gamot?"

"Oo, dok. Tama sa oras at hindi ako nakakalimot uminom ng gamot."

"That's good." Ngumiti si Dr. Bentley. "Nasusunod ba ang diet na inireseta, maging ang ehersisyo?"

Awtomatikong nakamot ni tatay ang noo, sinulyapan si nanay at bumuntong-hininga. Halata tuloy na hindi niya nakakain at nagagawa ang dapat. Saksi ako roon.

Ilang saglit lang ay dumating na ang doktor na naka-assign sa akin. Gaya ni tatay, napakaraming tinanong sa akin nito habang tinitingnan ang paa ko.

"Here's my number," ani Dr. Bentley habang nagsusulat, saka inabot sa akin. "Call me if you need anything, Dainty."

"Sige po, Dr. Bentley."

"I'll go ahead, nice to see you." Ngumiti at tumango si Dr. Bentley kina nanay at tatay nang maihatid kami malapit sa entrance ng hospital.

"Have we met before, Dr. Bentley?" tanong ni nanay dahilan para muling mapalingon ang doktor.

Sandali itong natigilan saka ngumiti. "In Palawan...maybe?"

"No." Seryoso si nanay. "Hindi ko lang matandaan kung saan pero sigurado akong hindi roon."

"Oh, in Bahamas? Kagagaling ko lang doon. Isang babae lang ang gusto kong makasama pero lima ang sumama." Humalakhak ang doktor sa huli.

Napangiwi ako. Tama nga siguro si Maxrill Won, babaero si Kuya Bentley.

"Hindi pa 'ko nakararating doon," sagot ni nanay.

Hindi ko alam kung alin ang umuubos sa pasensya ni nanay; ang pag-iisip kung saan niya unang nakilala si Dr. Bentley o ang pagiging palabiro nito. Masyado siyang seryoso, kakaiba.

"Sinabi mong...kaibigan ka ni Maxwell?"

"Yes." Nakaka-curious ang ngiti ni Dr. Bentley. Para bang alam niya ang sagot sa tanong ni nanay ngunit ayaw sabihin. "I'm also friends with...your daughter."

Lalo pang naging seryoso si nanay nang tingnan ko. "Gaano katagal mo nang kaibigan ang Del Valles?"

Nag-isip si kuya. "Well, si Keziah ang una kong naging kaibigan. Sumunod si Randall."

"At si Maxwell?"

"Naging interesado siya sa akin no'ng nalaman niyang may mas matalino pa pala sa kaniya. Ilang taon na nga ba'ng kilala si Maxwell, siguro...apat? Lima? Hindi ako sigurado pero..." ngumiti sa kung saan si kuya bago sinalubong ang tingin ni nanay. "Parang napakatagal na."

"Where are you from?" noon lang ngumiti si nanay pero gaya ni Kuya Bentley, may iba, hindi ko maipaliwanag. "What's your nationality?"

Sa pakikinig at pagmamasid sa mga reaksyon nila, para bang may inaalam si nanay. Bagay na sigurado siyang tama pero kailangan ng patunay. Habang si Kuya Bentley naman ay nakaloloko iyong tinatago sa biro. Na para bang alam niya ang inaalam ni nanay at sinasadya pang gisingin ang interes nito. Ngunit wala sa plano niyang sabihin ang totoo.

"Filipino," ngumisi si Dr. Bentley. "Batang Biñan yata 'to. Bakit po?"

Tila napapahiyang ngumiti si nanay saka umiling. "Wala. Nagkamali lang siguro ako, pasensya ka na."

"Ah," pumitik si Kuya Bentley. "Sa TV siguro?"

"Artista ka ba?"

Humalakhak si kuya. "Hindi. Hindi gano'n."Inayos niya ang coat at pinagkrus ang mga braso. "Na-feature kasi ako once sa TV, sa balita. Pero matagal na po iyon, no'ng intern pa ako."

"Baka hindi ko napanood ang episode na iyon, sigurado akong hindi kita sa TV nakita."Nakangiwing tumango si nanay.

Lumapit si Kuya Bentley, kunyaring may ibubulong. "Hindi ninyo naitatanong...bukod sa mas guwapo, mukha akong mas bata kina Maxwell at Randall pero...ako ang pinaka-senior dito. Senior nila ako."

Umawang ang labi ko. "Totoo po?"

Napabuntong-hininga si nanay. "Tara na nga."Bigla siyang nagyayang umuwi. Ngumuso si Kuya Bentley saka humalakhak. Nangingiting lumingon si nanay at tumango. "Maraming salamat...Doctor Pendragon," paalam niya, diniinan ang apelyido ni kuya, lalo na ang letrang "R" niyon.

Napawi ang ngiti ni Kuya Bentley, segundong sumeryoso, saka muling ngumiti at tumango. "Walang anuman..." sagot niya, kasabay ng pagtalikod namin ni nanay. "...Ms. Park."

Natigil ako sa paghakbang nang huminto si nanay. Nilingon ko siya at nakita kung paano silang sabay na luminon ni tatay kay Kuya Bentley. Na noon nama'y nakatalikod na sa gawi namin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa tatlo, nagtataka.

"Who are you?" tanong ni nanay, seryoso. Umawang ang labi ko habang nakatitig sa kaniya.

"'Nay..." hinawakan ko siya sa braso. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso.

Huminto sa paglalakad si Kuya Bentley, seryoso rin pero unti-unting umangat ang gilid ng labi. Saka siya tuluyang ngumiti na halos hindi na makita ang mga mata.

Itinaas niya ang isang papel. "I am Dr. Bentley Scott Pendragon, Miss Heurt Park." Itinuro niya ang pangalan ni nanay na nakasulat sa papel.

Nilingon ko si nanay, sinulyapan ko rin si tatay. Ano'ng nangyayari? Tiningnan ko si Kuya Bentley. Heurt Park...?

Muli kong nilingon si nanay. Buong buhay ko, Heurt del Valle ang alam kong pangalan niya. Ngayong tinawag siya sa ibang pangalan ni Kuya Bentley, bakit pakiramdam ko...hindi ko talaga siya nakilala. Nakasama ko siya nang matagal—mas matagal kaysa sa tunay kong ina, pero nakilala ko ba talaga siya?

To be continued. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji