CHAPTER 60


CHAPTER 60

"SORRY FOR that," umiiling na ani Maxrill Won at mabilis na inubos ang lamang ramyeon sa kaniyang mangkok.

Umawang ang labi ko at sinubukang gumaya pero hindi ko kinaya. Kaunti pa lang ang naisusubo kong noodles, hindi na ako makapagsalita. Lalong hindi ko magawang nyumuya na kasimbilis ng sa kaniya.

"Nakakatuwa sila," ngumunguyang sabi ko. "Gusto ko ang friendship nila."

"Yeah," ngumiti rin si Maxrill Won at nakapangalumbabang tumingin sa 'kin.

"Hindi sila nagkakapikunan, nakakatuwa. Para silang magkakapatid," natatawa pa rin ako.

"Their friendship is genuine and pure." Pinanonood niya ang bawat kilos ko, mula sa pagsubo hanggang sa pagnguya. "They're not always together but very willing to be there for each other."

"May anak na si Kuya Randall, tama?"

"His nickname's RD. He's different from his parents. He's kind of aloof and timid. But he's intelligent, I heard."

"Si Ate Keziah..." nahihiya kong usisa. "Nabanggit ni Bree Anabelle na...may gusto siya kay Kuya Randall. Hindi ba't asawa si kuya ng bestfriend niya na si Ate Dein?"

Kinatok ng daliri ni Maxrill Won ang noo ko. "Kay kuya siya may gusto, mali ang tsismis mo."

Umawang ang labi ko. "Hala, mali ba 'yong naalala ko?" Nag-isip ako nang nasa gilid ng labi ang isang daliri.

"Not unlike Yaz, everybody knows that Keziah liked Maxwell too," ngiwi niya. "They're almost alike, Kez and kuya. They get along really well as friends."

"Paano 'yon? May ibang gusto si kuya."

Nakangiwing nagkibit-balikat si Maxrill Won. "I'm not really sure. We work together in Palawan but we never really had the chance to discuss each other's feelings for someone. I hope she's fine, though. Well...sa nakikita ko, okay lang naman si Keziah."

"Sana nga," hindi ko alam kung saan nagmumula ang lungkot ko.

Nakangiting tumitig sa 'kin si Maxrill Won. "You know all our friends and family, and now you're friends with them too, it just feels nice."

"Madalas magkwento sa 'kin si Bree Anabelle noon. T'wing aasikasuhin niya ako, nagkukwento siya ng kung ano-ano, gano'n din kay tatay. Kaya kahit noon pa man, kilala ko na kayo sa kwento," nakangiting sabi ko.

"Hmm," tumango-tango si Maxrill Won.

"Noong una, tungkol lang sa pagbebenta niya sa kalsada. Hanggang sa makilala niya sina Ate Taguro, ang dami-dami niya lalong kwento. Ang totoo, sa t'wing makikinig ako kay Bree noon, nalilito ako sa dami ng pangalang binabanggit niya."

Natawa siya. "Why?"

Napabuntong-hininga ako. "Karamihan kasi sa mga binabanggit niya, isang beses ko lang nakilala o kaya naman, hindi pa. Sina Ate Maxpein at Kuya Deib ang una niyang kinuwento sa 'kin, wala pa 'kong idea kung sino sila at hindi ko pa rin sila nakikita. Ang sabi ng kapatid ko, mababait sila. Pero natatakot siya kay Ate Maxpein noong una kasi matapang daw tingnan."

Natawa lalo si Maxrill Won. "She's really scary sometimes."

"Oo nga," ngumuso ako. "Noong una ko siyang makilala, parang hindi siya ngumingiti. Gano'n ang tingin ko kay ate."

Lalong natawa si Maxrill Won. "But she's nice."

"Tapos no'ng nakilala ni Bree ang pamilyang Moon, mas marami na siyang kinuwento. Habang pinakikinggan ko siya, para bang nai-imagine ko kung gaano kamisteryoso 'yong pamilya ninyo."

Namamangha akong nagkwento na para bang ngayon ko lang mismo naririnig si Bree kaya nasasabi ko kung ano talaga ang naramdaman ko.

"Nasabi ko no'n sa sarili ko, nakaka-curious, interesting talaga na makilala ang mga Moon."

Ngumiti siya, titig na titig sa 'kin at nakapangalumbaba pa rin. "Really?"

"Oo, Maxrill Won." Tumango ako habang ngumunguya. "No'ng mga panahong 'yon, parang gustong-gusto ko ring makilala ang mga Moon."

Nag-angat ako ng tingin na para bang binabalikan ang nararamdaman ko noong wala pa akong idea sa mga itsura nila.

"Ano kaya ang itsura nila?" tinanong ko 'yon sa paraan kung paano ako mag-imagine noon. "Gaano kaya sila kaguguwapo? Gaano sila kagaganda? Gaano kababango ang perfumes na gamit nila at ano ang mga 'yon? Gaano sila katatangkad?"

Matunog siyang ngumiti. "We're all tall."

"Sabi tuloy ni Bree, maliit na nga siya, mas lalo pa siyang nanliliit sa t'wing kaharap sina Kuya Maxwell, Kuya Deib at Ate Maxpein kasi matatangkad sila."

Lalo siyang natawa. "She's just small."

"Naisip ko rin, gaano kaya kamisteryoso ang pananamit ng mga Moon? Sa kwento kasi ni Bree, parati kayong nakaitim at talagang misteryoso ang dating."Nilingon ko siya at nginitian. "Napakarami ring magagandang kinuwento ni Bree tungkol sa 'yo, Maxrill Won."

"Like what?"

"Na mabait ka, gwapo, matalino, misteryoso at sobrang bait talaga."

"Hmm, am I?"

Lumapad ang ngiti ko. "Oo. Kahit no'ng kinukwento ka pa lang ni Bree, naramdaman ko nang mabait ka, Maxrill Won. Ang totoo, sa 'yo siya may pinakamaraming kuwento. Kaya kahit hindi pa kita nakikita, parang kilalang-kilala na kita."

Umayos siya ng upo pero muling nangalumbaba mas malapit sa 'kin, naghihintay na magkwento pa ako.

"Alam mo namang...nagkagusto sa 'yo si Bree, hindi ba?" naiilang kong tanong.

Lumamlam ang mga mata niya. "Yes."

Nakagat ko ang labi at naramdaman na naman ang guilt. "Ang totoo, nagi-guilty ako sa t'wing maaalala ko 'yong mga naging reaksyon at nasabi ko noon kay Bree."

"Why?"

Nagbaba ako ng tingin. "Iniilingan ko siya sa t'wing paulit-ulit na ang kwento tungkol sa 'yo. Sinasabi ko na hindi dapat niya ipakita sa kahit sinong lalaki na may gusto siya rito."

Bumuntong-hininga ako. "Pinagtatawanan ko siya sa t'wing excited na makita ka. Pinagsasabihan ko naman siya sa t'wing...magpapabili ng damit para magmukhang presentable sa harap mo...kahit wala naman kaming pera."

Pinaghawak ko ang mga kamay sa ilalim ng mesa at kinutkot ang mga daliri. "Akala ko noon, OA 'yong mga kilos at sinasabi niya. Nasabi ko pa sa sarili kong hindi ako magkakagano'n nang dahil lang sa lalaki. Oo nga't gwapo ka sa mga kwento niya, pero hindi dapat kumilos nang gano'n ang isang babae dahil lang gusto niya ang isang lalaki."

Gano'n na lang kalalim ang pinakawalan kong buntong-hininga nang mag-angat ng tingin sa kaniya. "Kinain ko lahat ng sinabi ko nang makilala kita, Maxrill Won."

Namula siya kasabay ng pagtawa. Itinakip niya isang kamay sa bibig at do'n ngumiti nang todo.

"No'ng una kitang makita, nasabi ko sa sarili ko...grabe...totoo pala 'yong parang titigil ang mundo habang nakatingin ka sa kaniya?" sinabi ko 'yon na para bang napapanood ko ang mga reaksyon ko nang sandaling 'yon. "Bibilis 'yong tibok ng puso mo at...hindi mo na maaalis ang paningin mo sa kaniya. Hindi ka makakatulog pagkauwi kasi iisipin mo siya. Lagi ka nang ngingiti dahil mula sa oras na 'yon, hindi na siya mawawala sa isip mo."

Hindi ko inaasahang masasalubong ang tingin ni Maxrill Won. Mukhang hindi niya inaasahan ang mga huling sinabi ko kaya natigilan at napatitig sa 'kin. Sa huli ay ngumiti siya at namumulang nagbaba ng tingin.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Bree 'yong feelings ko noon. 'Yong naramdaman niya no'ng una kang makita, 'yong naging reaksyon niya noong una kang makausap, 'yong epekto sa kaniya noong una mo siyang inalala, doble no'n ang naramdaman ko, Maxrill Won. O baka triple o higit pa."

Para na naman akong maiiyak sa alaala. "Hiyang-hiya ako noon. Takot na takot akong malaman niya na gusto rin kita. Hanggang ngayon, nagi-guilty ako."

Napabuntong-hininga siya, hinawakan ang kamay ko at tumitig doon. "I did appreciate her feelings and all her efforts. I was and still am sorry because I didn't...feel the same way."

"Kasi iba ang gusto mo, tama?"

"Yes."

Napabuntong-hininga ako. Sigurado ako na si Ate Yaz 'yon. Pinilit kong ngumiti at naisip na ibalik sa nauna ang usapan.

"Kaso matapos no'n, ang dami-dami nang binabanggit ni Bree kaya nalito na 'ko. Nakilala niya kasi ang mga Enrile, Echavez, Gozon, Yanai at iba pang mga kaibigan ng mga ito." Nakamot ko ang ulo. "Sina Ate Naih, Ate Kim, Kuya Lee, Kuya Tob, Ate Keziah...ang dami!"

"And Yaz."

Natigilan ako at napalingon sa kaniya. Lumamlam ang mga mata ko at napatitig sa kaniya. "Hindi mo talaga siya nakakalimutan, Maxrill Won," wala sa sariling sabi ko dahilan para matigilan din siya.

Umawang ang labi niya at nangunot ang noo. Natigilan din ako nang maisip ang sinabi at saka sinuko ang mga kamay ko.

"Ano...ibig kong sabihin...h-hindi ko siya nakalimutan." Sinubukan ko pang magdahilan pero nabigo.

"Walang ibig sabihin 'yon." Tinuktok niya ng daliri ang noo ko. "You mentioned everyone except Yaz, 'yon lang ang dahilan ko. She's a good friend. 'Wag kang mag-isip ng iba."

Nakamot ko ang noo ko at ngumuso. "Okay."

"Still jealous of her?"

Nag-angat ako ng tingin at pinakiramdaman ang sarili. Nagseselos pa ba ako kay Ate Yaz? Hindi ko alam ang isasagot. Nawala ba 'yon? Mawawala ba 'yon? Ni hindi nga mapigilan 'yon.

"You're still jealous." Siya na ang sumagot nang hindi ako makapagsalita, hindi ako tumanggi. Ipinatong niya ang mukha sa magkahawak naming kamay.

Tumungo ako nang hindi malabanan ang mga tingin niya. "Naniniwala ako na mahal mo 'ko pero...hindi naging malinaw sa 'kin ang naramdaman mo kay Ate Yaz, Maxrill Won," pagpapakatotoo ko.

"Nakita kitang nasasaktan pero...nawala 'yon nang makilala mo 'ko. Parang...may kulang. Ano...hindi pala kulang. Parang may mali..."

Napaisip ako. Tama bang sabihing may mali? "Hindi, parang may nakakalito, gano'n... May...hindi ako naiintindihan." Natakot ako sa pag-amin kaya mabilis ko 'yong sinundan. "'Wag mo sanang masamain ang sinabi ko."

Tumitig siya sa 'kin at hindi ko inaasahang mangingiti siya na para bang pinipigilang pagtawanan ako, at saka pa lang tumawa.

"Bakit?" tanong ko.

"I love how honest you are." Hinalikan niya ang kamay ko nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Sorry if I was not able to explain myself clearly. Honestly, natatakot pa rin akong mag-explain at magkwento kasi kahit nakaraan na 'yon, masasaktan kita kasi naramdaman ko 'yon noon."

Sandali akong natahimik. Iyon pa lang ang sinasabi niya, gumuhit na ang kirot sa puso ko. Kung gano'n, talagang may naramdaman siya kay Ate Yaz.

Minahal niya si Ate Yaz?

Kahit sandali lang ay nasaksihan ko kung paano niyang tingnan at sundan si Ate Yaz noon. Sa isang tingin, nabasa ko kung ano ang nararamdaman niya nang panahong 'yon. Kaya dapat lang na ready akong marinig ang totoo. Pero masakit pa rin pala. Kahit pa nakaraan na 'yon, hindi ko maitatanggi ang inggit. At kahit pa hindi naging sila, nagseselos ako.

Pinilit ko pa ring ngumiti. "Mas gusto kong marinig ang totoo, ano man ang maramdaman ko at naramdaman mo, Maxrill Won."

Sinalubong niya ang tingin ko nang may lungkot. "I liked her. I had feelings for her."

Umawang ang labi ko ngayong nakumpirma ko na ang bagay na alam ko naman na. Ewan ko ba kung bakit obvious naman na ang sagot, tinatanong ko pa. May ideya na ako sa naramdaman niya sa nakaraan pero kinailangan ko pang marinig 'yon mula sa kaniya.

Ganito pala ang pakiramdam na malaman mong may ibang minahal ang lalaking mahal mo. Masakit kahit wala ka pa nang panahong 'yon.

Bumuntong-hininga siya at hinintay ang magiging reaksyon ko. Nag-iwas ako ng tingin at hinabol ng mga mata niya. Bumaling siya kung saan ako nakatingin.

"Dainty," pinilit niyang silipin ang mukha ko. "That was then. I have moved on."

"Oo nga," pinilit ko uling ngumiti.

"I don't wanna talk about it anymore." Kinuha niya ang kamay ko at yumuko doon. Saka niya sinilip ang mukha ko.

Gusto kong pumayag na lang na huwag nang pag-usapan 'yon. Naisip kong pipilitin ko na lang kalimutan ang naramdaman niya kay Ate Yaz sa nakaraan kahit hindi naging malinaw sa 'kin ang sagot. Kasi wala akong lakas ng loob para sabihin kung ano talaga ang nararamdaman ko. Nag-aalala rin ako na baka masyado ko nang pinahihirapan si Maxrill Won. Bukod sa wala naman akong puwang sa puso niya nang panahong 'yon.

Ang isip ko ay sinasabing wala akong karapatang kuwestyunin ang nakaraan niya. Nakaraan na 'yon, hindi na dapat inuungkat, at walang kinalaman sa relasyon namin ngayon. Naiintindihan ko ring hindi dahil mahal niya ako ngayon, karapatan ko nang malaman at makilala ang lahat ng naramdaman at minahal niya noon.

Pero... Kumuyom ang mga palad ko sa halo-halong naiisip. Gusto kong malaman kung ano na ang nararamdaman niya ngayon. Mahal niya pa ba si Ate Yaz? Ano ako sa kaniya? Ang hirap. Sinabi niya nang naka-move on na siya, ano pa ang kailangan kong marinig? Naiiyak ako sa mga tanong sa isip ko.

"Hindi..." humugot ako ng lakas ng loob, at naging mahirap 'yon dahil tinutukan niya ang sasabihin ko. "Hindi mo masasagot ang tanong sa isip ko kung...hindi natin pag-uusapan 'to." Gano'n na lang pagluwag sa dibdib ko nang masabi 'yon. Pero muling sumikip 'yon nang mas tumindi ang kaba ko.

Ngumiti siya at bumuntong-hininga. "I was in love with her."

Muling umawang ang labi ko. Parang ang hirap tanggapin na na-in love siya sa iba.

"I was really attracted to Yaz. She's beautiful, reliable, tough, thoughtful, and...she was always there for me," patuloy niya.

Parang gusto ko agad siyang pigilang magpatuloy pa. Lahat 'yon ay sinasabi niya sa paraang nakalipas na. Pero ngayon ko lang nararamdaman ang sakit.

"As a kid, I was attached to her because of how she makes me feel whenever she was around. I was a little less lonely, appreciated and well taken care of," patuloy niya. "My parents and sibs were all busy, Yaz was there for me when no one else was."

"Nagustuhan mo siya dahil do'n?" sinsero kong tanong.

Tumango siya. "Yes." Tiningnan niya ako sa mga mata para makita ang reaksyon ko. "But it was something...more about me than her." Umiling siya. "It was always about me, my selfishness and immaturity."

"It was something easy but unsure, limited and fearful, it has boundaries. Something selfish, impulsive and desperate. 'Yon 'yong pakiramdam na hindi ko iniisip kung sino ang masasaktan basta makuha ko 'yong gusto ko...at siya 'yon."

Lumungkot ang mukha niya nang sabihin ang huling linya. Nagbaba ako ng tingin. Sigurado akong si Kuya Maxwell ang tinutukoy niya.

"She already rejected me, twice...thrice...but still, I pushed her to cheat on my brother," pabuntong-hiningang aniya. "Alam ko ring masasaktan ko si Maxwell pero hindi ako natakot, binalewala ko 'yon. Gano'n ako ka-selfish."

"I knew it was unrequited but I was certain it was love, and yet people around me made me realize it wasn't even love. That it's exactly the opposite and I don't know what to call it. I wanted to undo everything but it was too late then, everyone was already hurt."

Pabuntong-hininga siyang yumuko saka isinubsob ang mukha sa parehong palad. Ngumiti siya ngunit bitin 'yon.

"I can't even answer my brother when he asked me if I really loved her." Mapait siyang ngumiti pero ang lungkot at pagsisi ang pumuno sa kaniyang mga mata. "Bago malaman ng lahat ang maling ginawa ko, sigurado ako sa nararamdaman ko pero hindi ko siya masagot nang tanungin niya 'yon. Stupid, right?"

Tumitig siya sa kawalan saka iiling-iling na ngumiti.

"Everyone hated me for what I did. And I can't forgive myself for hurting them. Fool."

Nadurog ang puso ko sa nakakahawang lungkot at pagsisisi niya. Nagsisi akong napunta pa dito ang usapan. Hindi ko intensyon na iparamdam sa kaniya na may kulang pa sa pinakikita at pinararamdam niya sa akin. Lalo na ngayong nakikita ko ang takot niya sa magiging resulta at epekto sa 'kin ng mga sinabi.

"I have no excuses for my actions, it was unforgivable. I was selfish and a freaking baby. I destroyed everything beautiful that my brother and Yaz both built. I risked my brother's trust and almost lost it." Ngumiti siya at bumuntong-hininga. "Now I can only wish there was a way to turn everything back."

Humugot siya nang malalim na hininga saka tumitig sa 'kin. "Then one night, the right person for me walked my way, and it was you. You came in the least expected place, in the least expected time and ways. You made me feel that I have no boundaries with my emotions."

Hinawakan ko ang kamay niya dahilan para mas mapatitig siya sa 'kin. "Hindi ko sinasabing tama ang ginawa mo dahil mali talaga 'yon, Maxrill Won. Marami kang nasaktan, sigurado akong lalo na ang kuya mo. Pero nang sandaling 'yon, nagmamahal ka lang din. May mga oras na mahirap piliin ang tama kung 'yong mali ang sinisigaw ng puso mo." Lumamlam ang mga mata niya at emosyonal na ngumiti. "Si Ate Yaz ang first love mo at naiintindihan kong mahirap para sa 'yong pigilan ang nararamdaman mo."

Umawang ang labi niya kasabay ng pangungunot ng noo. "She's...my what?"

"Your first love."

"Ha?"

"Hindi ba't siya ang first love mo?"

"Of course not, you brat."

"'Yon ang sinabi mo no'ng birthday mo."

"Na si Yaz ang first love ko?" hindi makapaniwalang paglilinaw niya. "I never said that."

"Hala..." pinagkunutan ko siya ng noo. "Pero malinaw mong sinabi 'yon no'ng birthday mo, Maxrill Won."

Umawang ang labi niya saka nakapikit na bumuntong-hininga. "Hindi si Yaz ang tinutukoy ko, Dainty." Nasapo niya ang noo. "Iba 'yon."

"Iba...pa si Ate Yaz sa first love mo?"

"Yes."

Napabuntong-hininga ako. Iba pa ang first love niya..."Gano'n ba?"

Natawa siya. "My first love is unforgettable, her memories are immortal," nakingiting aniya habang nakatitig sa 'kin.

"Kung gano'n, naaalala mo pa siya hanggang ngayon?"

"Of course." Ngumiti siya na para bang may naaalala. "It was the first time I had extreme crush for someone I just met. It's like she opened up a world of excitement with a memorable start."

Nilingon niya ako at muling ngumiti. "It was New Year's Eve then, everyone was gathering to watch fireworks display. I asked my mom if I can join others in lighting fireworks and she said no like a brat, so..."

Hindi ko napigilang matawa. "Nag-tantrum ka?"

Ngumiwi siya. "You can say that." Pareho kaming natawa. "I went to the other side of the yard instead to have a fit. Sabi ko doon na lang ako manonood, ayaw ko nang manood kasama sila. Doon ko nakita 'yong first love ko." Nakangiti niya akong tinitigan.

Bumuntong-hininga ako bago gumanti ng ngiti. "Ano ang nangyari, Maxrill Won?"

"Nag-start 'yong fireworks, nakatingala lang siya ro'n."

"Tapos?"

Pinatong niya ang parehong braso sa mesa at tumungo roon, tinatago ang mukha niya. "Siya ang pinanood ko, hindi 'yong fireworks. Mas maganda siya kaysa sa fireworks, Dainty. Sobrang...ganda niya." Matapos sabihin 'yon ay sinilip niya ako, at nabigla ako nang makitang namumula siya. "Kung nakita ko lang sana uli siya...baka hindi ako na-develop sa iba."

Tumitig ako sa kaniya, ngumiti lang siya sa 'kin. Pinilit kong ngumiti at hindi na ginalaw ulit ang pagkain.

"Naaalala ko, nag-celebrate din kami ng New Year's Eve sa inyo, at nanood din ako ng fireworks, Maxrill Won."

"Yeah?" nabuhay ang excitement niya.

Tumango ako. "Oo. Natatandaan kong napakarami ninyong handa, Maxrill Won, limang malalaking lechon!"ngumiti ako sa alaala. "Iba't iba ang putahe, hindi mabilang sa dami."

"Yeah? That's normal. And?"

"Magaganda ang suot ninyo no'n, napakarami ninyong sasakyan, Maxrill Won."

"Dainty, that's all normal," bumuntong-hininga siya. "And?"

"Nagpalitan kayo ng mga regalo, ang daming regalo, at lahatmamahalin!"

"Again, that's normal," nagkibit-balikat siya. "And?"

"Marami kayong bisita no'n, nakakatuwa."

"Including you, and?" ang bilis niyang sumagot, tila may hinihintay na sabihin ko.

Muli kong inalala ang gabing 'yon. "Masayang-masaya si nanay no'n."

"And what about you?"

"Masaya akong makapanood ng fireworks," ngumiti lalo ako. "Napakagaganda ng fireworks ninyo, sobra! Ang lapit-lapit at nakatutuwa kahit maingay!"

"And?"

"Wala na."

Nadismaya siya, nangunot ang noo ko. "Ang dami mong naalala, nakakatuwa, Dainty." Mapakla niya 'yong sinabi, hindi ko maintindihan. "It's getting late," sumulyap siya sa cellphone niya. "Anong movie ang gusto mong panoorin?"

Ngumiti ako. "Kahit ano."

Tinulungan kong maghiwa ng iba't ibang prutas si Maxrill Won, sa amoy pa lang, natatakam na 'ko. Inilagay namin 'yon sa malaking bowl saka pinatong sa wooden tray. Kumuha rin siya ng ice cubes sa bucket at dalawang glass stein mugs.

"Saan tayo manonood?" tanong ko nang magkatulong naming iakyat ang mga 'yon.

"Sa kwarto natin," makahulugan siyang sumulyap at ngumiti.

Nakagat ko ang labi at nahihiyang tumungo. Pero seryoso siya. Talagang dumeretso kami sa master bedroom at magkatulong na inilagay sa malaking bed ang trays. Kumuha siya ng dalawang beer sa ref at mabilis na binuksan 'yon.

"Light lang 'to, bagay sa fruits," aniya nang makita ang gulat ko.

"Sige," sinusundan ko ang bawat kilos niya.

Kinuha niya ang remote at nahiga sa kama. Nasundan ko siya ng tingin na mabilis din niyang napansin. Pinagpag niya ang katabing parte ng kama, sinasabing mahiga rin ako doon. Hindi agad ako nakakilos.

Napatitig siya sa 'kin saka iginala ang paningin sa buong kama. "If you feel uncomfortable, we can sit on the couch," sabi niya na agad ding tumayo at akma nang kukunin ang tray nang pigilan ko siya.

"Ano, hindi. Ayos lang."

Tumawa siya. "Tell me if I make you uncomfortable, okay?"

Ngumiti ako at tumabi na sa kaniya. "Oo."

Matapos no'ng nangyari kanina...ano ba, Dainty? Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Gusto kong maramdaman ulit ang labi niya, totoo 'yon. Pero natatakot ako kung saan pwedeng umabot 'yon kapag nagkataon. Malayo ang lugar na 'to sa kitchen kung saan nangyari ang hindi mapangalangang pangyayari at pakiramdam kanina. Hindi ako sigurado kung magagawa naming pigilan ang sarili sa sandaling dito naganap ang lahat ng nangyari.

Kasisimula lang ng movie sa isang channel. Nagdesisyon kaming iyon na lang ang panoorin. Habang nagsisimula pa lang ang istorya ay nagsalin siya ng ice sa mugs at sinundan ng beer. Binigyan niya ako ng fork at mayamaya lang ay pareho na kaming kumakain ng fruits.

Sa umpisa, mukhang romance ang movie. Nagsimula noong pareho pang bata ang dalawang bida at nagkakilala. Naging mag-bestfriends sila at dahil magkaklase, sabay silang pumapasok at umuuwi mula primary hanggang sa mag-college.

"Do you wanna move closer?" tanong niya habang pareho kaming tutok sa panonood.

Napalingon ako at sandaling napatitig. Halos dalawang unan nga ang layo namin sa isa't isa kaya umusog ako nang kaunti. Mukhang hindi siya nakontento kaya umusog din siya hanggang sa magkatabi talaga kami.

"I honestly wish you'd sit in front of me so I could wrap my arms around you." Nakatingin siya sa TV nang sabihin 'yon.

Sandali ko pa siyang tinitigan, saka ako ngumuso. "Ayoko."

Nagugulat niya akong nilingon. "Why?"

"Ayaw ko lang. Baka makatulog ako." Nagtawanan kami.

Hindi pa man tumatagal ang movie, may matured scenes nang nagsimula sa light pero agad ding nasundan ng mabibigat na eksena. Pareho kaming napatitig ni Maxrill Won sa screen at sabay rin halos nag-iwas ng tingin.

Tumikhim siya nang magsalubong ang mga tingin namin. "This is not interesting." Inilipat niya bigla ang channel.Palihim akong napangiti pero hindi sumagot. "Hmm?" ungot niya na nasa TV ang paningin. "Let's try this one."

Kasisimula lang din ng sumunod na movie. Hindi namin naumpisahan pero nasabayan naman. Pero gaya nang nauna, may eksena 'yon na pareho kaming hindi komportableng panoorin. Kaya bago pa lumalim ang scenes, inilipat niya na.

"About...what happened in the kitchen," hindi ko inaasahang magsasalita siya.

Kabado ko siyang nilingon. "What...about it?" halos pabulong na sagot ko.

Napangiti siya. "Your voice is so sweet, Dainty." Ang layo ng sagot niya.

Ngumuso ako at palihim na ngumiti. "Salamat, Maxrill Won."

"About earlier..." nilingon niya ako. "Thank you for trusting me."

Nag-init ang mukha ko, nagbaba ako ng tingin nang hindi malabanan ang titig niya. Kailangan ba talaga naming pag-usapan 'yon? Hindi ba pwedeng hayaan na lang niya at hindi ipaalala.

"Sige," nauutal kong sagot.

Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para lingunin ko uli siya. "Just tell me whenever I make you feel uncomfortable, okay? It's okay to say no to me. It's okay to talk about your boundaries, I'd appreciate that."

Napangiti ako saka tumango. "Sige."

"But I'll break those boundaries after marriage."Seryoso siya nang sabihin 'yon. Umawang ang labi ko dahilan para matawa siya. "Seriously, though. I will not force you but..."

"But?"

"I'll make you want to do it." Ngumiti siya. Kumuyom ang palad ko at tumitig sa kaniya. "What?"

"Wala." Nag-init ang pisngi ko.

"We can talk about it. What is it?"

Nilingon ko siya at pinagkunutan ng noo. "Wala nga."

Lumapit siya at niyakap ako gaya ng gusto niyang mangyari kanina. Iyong naroon siya sa likuran ko at balot ako ng mga braso at parehong hita niya.

"What is it?" tanong niya, naroon ang mukha sa pisngi ko at deretsong nakatingin sa 'kin.

Lalong namula ang pisngi ko. "Kanina kasi..." Hindi ko nasundan ang sasabihin. Hindi ko kayang aminin.

"You wanted to do it?" bulong niya.

Nabuhay ang kaba ako at nabibiglang lumingon sa kaniya. "Hindi. Hindi sa gano'n..."

"So, ayaw mo?"

"Hindi rin...dahil gusto ko. Pero...natatakot ako,"hiyang-hiya ako pero gustong-gusto ko ring magsabi nang totoo. Ang hirap. "Akala ko lang...mangyayari...'yon kanina." Hindi ko rin 'yon kayang pangalanan.

Matunog siyang ngumiti at hinalikan ako sa pisngi. "I can wait."

Nilingon ko siya at tinitigan. Nakangiti niya rin akong tinitigan nang may nagtatanong na tingin. "Masakit ba 'yon?"

"For a second, I guess."

Napabuntong-hininga ako. "Masakit sa 'kin o sa 'yo?"

"Both, I guess. Pero lalo na siguro sa 'yo?"

Nabuhay ang kaba ko. "Naranasan mo na?"

Nangunot ang noo niya. "No, of course not. What do you take me for? Tsh."

"Bakit alam mo?"

"I can imagine it, okay? I'm sure, it's going to be painful but I don't know how painful it can be. Let's figure it out together."

"After marriage," paniniguro ko.

"Yes, after marriage."

Napabuntong-hininga ako. "Pero..." Nilingon ko uli siya. "Kung masakit...parang ayaw ko na 'yon, Maxrill Won."

Napatitig siya sa 'kin saka umawang ang labi. "Are you serious?"

Ngumuso ako at kumalas sa kaniya. "Ayoko no'n."

Dinampot ko ang remote at ako na ang naghanap ng panonoorin. Nahinto ako sa Tom & Jerry show. Nagkatinginan kami, natawa ako, nagkibit-balikat siya. Kakatwang doon pa kami nag-enjoy, literal kaming tumatawa kahit panay lang naman ang habulan ng dalawang bida. Naubos namin ang mga prutas, siya ang kumain sa karamihan. Totoong bumagay ang beer. Pero hindi ko pa man nakakalahati ang nasa mug, umayaw na 'ko at nagtubig na lang.

Pasado alas dose na nang magkasunod-sunod ang hikab naming dalawa. "I think it's time to go to bed,"humihikab niya pang sabi.

Bumangon siya at nag-toothbrush nang nakabukas ang pinto ng bathroom. Nakangiti ko siyang pinanonood, sumusulyap naman siya sa 'kin mula sa salamin.

Nang makabalik siya ay bumangon na 'ko. "Babalik na ako sa kwarto ko, Maxrill Won."

"I'll take you there." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at marahang tinulak palabas hanggang sa kwartong tutulugan ko.

Huminto siya sa labas ng pinto at pinatuloy ako. Hinawakan niya ako sa buhok at ngumiti. Dinampian niya ng halik ang noo at pisngi ko.

"Sleep well, Dainty Arabelle."

"Ikaw rin, Maxrill Won."

"Sige na." Sumenyas siya na tumuloy na ako sa kama. Sumunod naman ako. Minsan pa kaming ngumiti sa isa't isa bago niya tuluyang sinara ang pinto.

Nakangiti akong dumeretso sa bathroom para mag-toothbrush. Pero ang isip ko ay puno ng katotohanang naroon lang siya sa kabilang kwarto.

Nakangiti rin ako nang mahiga. Sobrang lambot ng kama, nakatutuwa. Natatandaan ko 'yong pakiramdam ng kama sa hotel nila sa Palawan pero maikokompara kong mas maganda ang kutson dito. Siguradong mamahalin dahil lumubog man ako, kaunti lang at tila niyayakap ako ng kama. Maging ang mga unan, sapin at kumot, napakababango. Komportable sa pagkakahiga, sa paghiga pa lang masasabi mo nang masarap ang magiging tulog.

Nilingon ko ang gawi ng falls at pinanood ang tubig na umaagos mula roon. Kahit nakabukas ang aircon, naririnig ko ang agos ng tubig. Masarap sa pakiramdam, ang sarap pakinggan.

Pero nawala ang ngiti ko nang maalala ang sinabi ni Maxrill Won noong nagdaang gabi. Titikman niya ang juice ko sa harap ng falls. Napapikit ako nang iba ang ma-imagine. Lalo kong niyakap ang unan nang magmulat at naroon pa rin 'yon sa imahinasyon ko. Nawala lang ang lahat nang maalala ang napag-usapan namin kanina.

Ginala ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto at muling napangiti sa isiping doon ako titira kapag nagkatuluyan kami ni Maxrill Won. Papayagan niya kaya akong magtrabaho kapag nagkataon? Wala pa man, nasisiguro ko nang oo ang sagot. Hindi kasi siya 'yong tipong dinidiktahan ako. Sinasabi niya ang saloobin, nagbibigay ng suhestiyon. Pero sa huli, pinararating niyang sundin ko kung ano ang aking gusto at handa siyang sumuporta ano man ang mangyari.

May susuwerte pa kaya sa akin? Wala na 'kong ibang mahiling, lalo pa nang dumating siya sa buhay ko. Iyong pagtulong lang ng pamilya niya ay higit na sa sapat. Nang mahalin niya ako, hindi lang iyon sumobra kundi umapaw pa.

Kung saan-saan nakarating ang isip ko, mga bagay na gusto ko pang mangyari sa hinaharap nang siya ang kasama. Sa ngayon ay pinagpapasalamat ko na muna sa Diyos ang lahat ng meron ako.

Hindi ko namalayang nakatulugan ko ang masayang pag-iisip. Mabilis iyong lumalim dahil sa komportableng higaan. Nahinto lang 'yon nang may magsalita sa aking pandinig.

"Myembro ng pamilyang Moon ang dahilan kung bakit nagkaganyan ang paa mo," iyon ang sabi ng tinig ng lalaki. Dumiin ang pagkakapikit ko at nagpalinga-linga sa kaliwa't kanan. "Sila ang dahilan kung bakit kayo nabaldado ng tatay mo." Nagsalita uli iyon na halos naramdaman ko ang labi niyon sa pandinig ko.

Nagpaulit-ulit ang tinig na 'yon sa isip ko hanggang sa mapabangon ako sa takot. Isa 'yong panaginip. Isa lamang panaginip. Pero bakit parang totoo? Sigurado akong naramdaman ko ang labi niyon sa pandinig ko. At tila nagsalita talaga iyon sa tabi ko.

Kinikilabutan kong ginala ang paningin sa madilim na kwarto. Mabilis na napuno ng luha ang mga mata ko.

"Maxrill Won..." natatakot na usal ko. Napalingon ako sa bathroom nang maisip na may aninong kumilos doon.

Niyakap ko ng kumot ang sarili, pilit naghahanap sa dilim ngunit walang makita. Nang hindi mahinto ang kabog sa dibdib ko ay nilakasan ko ang loob patakbo sa labas.

"Maxrill Won," umiiyak akong kumatok sa labas ng kaniyang kwarto. "Maxrill Won..." nanginginig kong nilingon pabalik ang kwartong pinanggalingan ko nang bumukas ang pinto.

"Dainty..." nag-aalala ang tinig niya. "What happened?"

Hindi ko na kinayang magsalita at sa halip ay yumakap ako sa kaniya.

"What happened? Tell me." Binuksan niya ang ilaw at niyakap din ako. Naramdaman ko siyang tingnan ang pinanggalingan ko. "Why are you crying?"

Akma na siyang babalik sa master bedroom nang pigilan ko siya at natatakot na lumingon doon. "Dito ka lang."

"I'm going to check it."

"'Wag."

Tinitigan niya ako at saka sinapo ang magkabilang pisngi ko. Itinalikod niya ako sa master bedroom at humarang doon. "What happened?"

"Nanaginip ako." Naibaon ko ang mukha sa dibdib niya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng kaniyang puso.

Humigpit ang yakap niya sa 'kin, paulit-ulit na hinagod ang buhok at likuran ko. Bumuntong-hininga siya at saka inangat ang mukha ko. Nag-aalala niyang pinahiran ang luha sa mga pisngi ko.

"Come sleep beside me," inakay niya ako papasok at sinara ang pinto.

Humihikbi kong pinunasan ang mukha ko. "Ayos lang ba sa 'yo?"

Nag-aalala siyang tumitig sa 'kin at nangiti. "Of course, come here." Inilahad niya ang kamay sa 'kin at pinagpag ang kama. "Let's go to sleep."

Naluluha pa rin akong nahiga. "Ano..." Nahihiya ako ngunit higit ang takot sa nararamdaman ko. "Pasensya ka na, Maxrill Won. Namamahay lang siguro ako."

"What's that?"

"Hindi pa kasi ako sanay matulog sa bahay na ito, iyon siguro ang dahilan kaya nanaginip ako."

Nag-aalala uli siyang tumitig sa 'kin saka ako pabuntong-hiningang niyakap. Kinulong niya ako sa mga braso at kinumutan. Mas malakas ang aircon dito pero hindi ako giniginaw dahil sa kaniya. Ilang beses din niyang hinalikan ang sentido ko.

"I'm sorry you got scared. Tell me what happened."

Naluha na naman ako sa pakiramdam. "May nagsalita kasi sa pandinig ko," naiyak na 'ko ng tuluyan.

"And then?"

"Nakakatakot siya. Sinabi niyang..." umiling ako nang umiling, nalito kung dapat ko bang sabihin ang laman ng panaginip ko. Sa huli ay nagdesisyon akong huwag nang sabihin. "Basta, nakakatakot ang sinabi niya."

"Ano 'yon?" tanong niya. Sa halip na sumagot, umiiling akong lumuha sa dibdib niya. "Sshh, sorry, I shouldn't have asked," paulit-ulit niyang hinagod ang pisngi ko. "It's okay, let's talk about it next time if it's making you more uncomfortable." Mahihimigan ang pag-aalala sa tinig niya. Halata ring hindi niya alam kung paano akong tutulungan.

Pakiramdam ko, ngayon na lang uli ako natakot nang ganito. Hindi ko malilimutang ganito ang pakiramdam ko nang sandaling maaksidente kami ni tatay. Wala na halos malinaw sa alaala ko sa nakaraan bukod sa takot na dinulot niyon sa 'kin. At ang katotohanang may kinalaman do'n ang panaginip ko, may halong sakit 'yong takot.

Ano'ng ibig sabihin no'n? Malinaw na sinabi ng boses sa panaginip ko na may kinalaman ang pamilyang Moon sa nangyari sa 'kin, sa 'min ni tatay. Saan nagmula ang gano'ng panaginip? Kailanman, hindi ko naisip na posibleng may kinalaman sila. Imposible 'yon. Nang mangyari ang aksidente, hindi pa namin kilala ang pamilyang Moon, sigurado ako ro'n.

Nakilala namin sila dahil kay Nanay Heurt, pero mahigit isang taon na bago kami naipakilala sa kanilang pamilya. Kaya imposible na may kinalaman sila. Masyado silang mababait, sigurado akong inosente sila. Napakaimposible ng panaginip na 'yon at hindi na dapat isipin. Hindi lang talaga mawala sa isip ko kung bakit kailangan kong managinip nang gano'n.

Alam kong napuyat si Maxrill Won sa pang-aalo sa 'kin. Mabilis akong nakatulog at hindi na namalayan ang paligid. Maliwanag na nang magising ako kinabukasan. Napangiti ako nang maramdaman ang higpit ng yakap ni Maxrill Won. Iyon nga lang, gising na siya at nagbabasa ng libro sa tabi ko. Hindi siya nangangalay na yakap niya ako sa kabilang braso habang hawak naman sa kabilang kamay ang binabasa.

Lalo siyang gumuwapo sa puting shirt, itim na shorts at reading glasses. Nakakahiya na ang fresh niya habang ako, bagong gising. Naaamoy ko ang cologne niya at hindi ko napigilan ang sariling isiksik lalo sa tagiliran niya.

"Good morning," bati niya.

"Good morning," nahihiya kong tugon, siksik na siksik sa tagiliran niya at hindi na halos makahinga.

"Get up, let's eat breakfast."

Sa halip na sundin siya ay dahan-dahan, maingat kong pinagapang ang kamay ko payakap sa tiyan niya. Saka ako lalong sumiksik.

"Ang bango-bango mo, Maxrill Won." Ako rin ang nahiya sa ginawa ko. Namula ang pisngi ko pero ang hirap pigilan na sabihin 'yon. Gustong-gusto ko ang amoy niya.

"Thank you. Now get up, I'm hungry," tumatawa niyang sagot.

Nakasimangot kong nilubog ang mukha sa unan. "Okay." Malamya akong bumangon at dumeretso sa bathroom para maligo.

Hanggang sa pagligo ay nakangiti ako, kaiisip sa masarap na tulog at magising sa bango ni Maxrill Won. Dahil doon napako ang isip ko, hindi ko na naalala pa ang nangyari kagabi. Maski nga ang isusuot kong damit, nawala sa isip. Dahilan para mag-panic ako nang matapos.

"Maxrill Won," tumatawag pa lang ay namumula na 'ko. Sumilip ako sa pinto at tinago ang sarili ko. "Ano..." Hindi ko magawang salubungin ang tingin niya nang lumapit. "Nakalimutan kong..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang mag-abot siya ng gamit, nakaiwas ang tingin.

Mabigat ang buntong-hininga niya. "Hmm, Dainty Arabelle," gigil niyang binanggit ang pangalan ko, parang gusto akong pagalitan dahil nawala sa isip kong naroon ako sa kaniyang kwarto.

"Thank you, Maxrill Won."

Nilingon niya ako, nakangiwi. Saka ngumiti. "I'm hungry."

Nangunot ang noo ko at pinagsarhan siya ng pinto. "Wait lang."

Mabilis akong nagbihis at lumabas. Hindi ko na naabutan sa kwarto si Maxrill Won. Nang bumaba ako ay sa kitchen na kami nagkita. Namangha ako sa nakahanda, hindi dahil sa dami at magkakaiba. Kundi dahil pulos dahon ang mga 'yon.

"Wow...ang dami! Ang dami-daming..." Nahalatang peke ang ngiti ko. "Salad...hehe."

Inosente niya akong nilingon at pinigilang matawa dahil nabasa niya marahil ang panghihinayang sa aking mukha.

"I prepared a plate of full English breakfast for you, just in case." Inalis niya ang steel food dome.

Nanlaki ang mga mata ko sa malaking plate na puno ng pagkain. May dalawang sunny-side up egg, toasted mushrooms and potatoes, apat na malalaking sausage, bacon strips, beans at limang toated bread.

"Ang dami naman," nahihiya kong tinago ang pagkatakam. Hindi ko na rin hinintay na alalayan niya ako, nauna na akong maupo sa mataas na chair.

"Finish it," ngisi niya saka tumabi sa 'kin. "Juice, coffee or milk?"

"Milk na lang."

Humalakhak siya. "Yeah, I want milk too." Nag-ready siya ng dalawang baso saka kami sabay na kumain. "I need to go back to Palawan tomorrow."

"Pero...hindi ba't malakas ang ulan?"

"It's okay, Dirk's a pro."

"Oh, sige..." Natawa na lang ako nang maalala ang biro ni Kuya Maxwell, nanny raw ni Maxrill Won si Tiyo Dirk.

"Don't worry," ginulo niya ang buhok. "Wanna spend another night together? I'll let you sleep beside me."Ngumisi siya sa huli.

Nagugulat ko siyang nilingon. "Pero..." Nagkatitigan kami. "Hindi ako nakapagpaalam," sabay naming sinabi ang linyang 'yon.

Nagkatitigan uli kami at saka sabay na natawa. "Fine."Halatang nanghinayang siya. "Heurt already gave me enough of her trust, I'd rather not ask for too much."

"Pasensya na, Maxrill Won," nakanguso kong sagot. "Gusto ko rin naman pero kasi...siguradong hahanapin ako ni tatay. Kaya akong pagtakpan ni nanay at walang nagagawa si tatay kapag gano'n." Nakapangalumbaba siyang nakinig sa 'kin, titig na titig. "Kaso siguradong pagtatalunan nila 'yon o...baka pag-awayan pa. 'Yon 'yong ayaw ko. Ayaw ko kasing nakikita ni Bree na nag-aaway ang parents namin. Siya ang pinakanaaapektuhan."

Matunog siyang ngumiti. "It's alright. I'll wait 'til you graduate."

"Bakit?"

"I'll marry you after that."

Natigilan ako at pinamulahan ng pisngi habang nakatitig sa kaniya. Umawang ang labi ko ngunit hindi nakapagsalita. Inilapit niya ang dalawang daliri sa noo ko at bahagyang pinitik.

"Finish your studies," nangingiti siyang umiling.

Kinamot ko ang noo ko. "Oo."

"No boys allowed."

Ngumuso ako. "Hindi ka ba boy?"

Inipit niya ang ilong ko. "I'll take you home after this."

Nalungkot agad ako pero pinilit na ngumiti bilang tugon.

Kung ako lang ang masusunod, gugustuhin kong manatili roon, hangga't pwede, hangga't gusto rin ni Maxrill Won. Kahit pa nasa tamang edad na kami, o sabihing matatanda na para magpaalam, hangga't umaasa ako sa mga magulang ko, susundin ko sila. Pero oras na kaya ko nang tumayo sa sariling paa ko, siguradong susundin ko pa rin sina nanay at tatay.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji