CHAPTER 59


CHAPTER 59

HINDI PA rin ako makapaniwala na hinawakan at pinagpilian ni Maxrill Won ang undergarments nang parang wala lang. Samantalang sa bahay, tinatago namin ni Bree Anabelle lahat ng personal naming gamit na para lamang sa mga babae. Magkaiba rin ang sampayan ng mga damit namin nina nanay, at Bree, kina kuya at tatay.

Tiningnan ko lahat ng undies, 'yong light blue ang pinili ko, ang paborito kong kulay. Saka ko tiningnan ang white, cotton, oversized sleepshirt na binigay niya. Iyong letrang "D" na maliit at kulay blue sa dibdib niyon ang una kong napansin. May pointed collar pero walang butones at malalim ang pagkakabukas ng placket hanggang sa dibdib. Mahaba ang manggas pero hindi aabot sa tuhod ang haba. Napalunok ako sa nipis niyon pero dahil ramdam ko na ang lamig, sinimulan ko nang maligo.

Hindi mawala ang ngiti ko habang ginagala ang paningin sa buong banyo. Iisipin ko pa lang na doon kami titira ni Maxrill Won, parang mamumula ang buong katawan ko.

Naglalaro lang sa gold, gray at black ang kulay. May bathtub, shower room na may malapad na shower head, apat na sink at higit sa lahat, magandang view ng falls. Lalo pa akong napangiti dahil may mga gamit na pambabae at panlalaki. Para bang handang-handa na siyang tumira dito kasama ako, lahat ng kailangan ko ay narito na, kasama siya.

Panay pa rin ang ngiti ko nang matapos. Gusto kong amuyin nang amuyin ang balat ko matapos magpahid ng La Mer body cream. Gano'n na lang din ang lambot sa mukha ng La Prairie facial cream. Sobrang babango at ramdam kong nanunuot sa balat ko. Hindi ko kilala ang brands na 'yon pero sa unang gamit pa lang, nagustuhan ko agad.

Nang makalabas, naghanap ako ng hanger sa closet para sana sa towel ko. Pero natigilan ako nang makita ang kabuuan ng closet. Nakakalula! Napangiti ako nang makita ang mga istilo ng damit na sinusuot ko; 'yong may mahahabang manggas, saradong kwelyo at lampas tuhod na palda.

Halos lahat pa ay naglalaro sa iba't ibang klase ng kulay asul. Magkakasama lahat ng magkakakulay pero karamihan sa mga 'yon ay ang kulay ng asul na paborito at madalas na suot ko.

Natigilan ako nang makita ang hanger at napabuntong-hininga nang maging 'yon ay may brand na madalas kong makita sa mga gamit at suot ni Maxrill Won; LV.

Ang bango-bango... Nakangiti kong inamoy ang buhok ko, sobrang bango ng shampoo. Maging ang balat ko, hindi ko man idikit sa ilong ko ay sumasamyo.

Lumabas ako at inisa-isa ang bawat kwarto, hinahanap siya. "Maxrill Won?"

Sinasara ko agad ang pinto kapag nakapatay ang ilaw sa kwartong nabubuksan ko.

"Maxrill Won?" wala siya sa ikalawang guest room. "Maxrill Won?" Napangiti ako ang bukas ang ikaw. "Siguradong...nandito siya."

Nakangiti akong nagdere-deretso sa bathroom dahil siguradong naliligo siya.

Saka ko binuksan ang pinto niyon. "Tapos na 'ko."

Nagugulat niya akong nilingon. "Ya!"

"Hala!" Tuliro kong isinara ang pinto. "Sorry! H-Hindi ko alam na naliligo ka," napakatanga ng sagot ko.

Nakagat ko ang daliri at lumapit sa kama. Kabado kong nilingon ang pinto ng banyo nang mamatay ang shower. Napalunok ako nang matahimik sa loob. Tumalikod na ako nang bumukas ang pinto niyon. Naglakad ako palayo, plano nang lumabas, nang marinig ang papalapit na yabag ni Maxrill Won.

Nakita ko ang...buong likuran ni Maxrill Won. Napapikit ako sa kahihiyan, saka natakpan ang sariling mukha.

Malalalim at magkakasunod na buntong-hininga ni Maxrill Won ang narinig ko. Sinulyapan ko siya at natulala nang makitang bukod sa small towel na nakapatong sa kaniyang ulo, nakaitim siyang loose pants at bukod do'n, wala na. Tumambad sa 'kin ang maputing dibdib at kurbadong tiyan niya.

Sinilip niya ang mukha ko, inaalam kung ano'ng tinitingnan ko, awtomatiko uli akong tumalikod at natakpan ang bibig. Bago pa uli ako makalingon, naramdaman ko na siya sa likuran ko. Nagbabanggan ang likod ko at dibdib niya. Naipit ko ang tenga ko nang maramdaman doon ang paghinga niya.

"Sorry...ano..." nakapikit na bulong ko.

"Hindi mo...alam na naliligo ako, Dainty Arabelle?"bulong niya sa hindi malamang tono; naaasar o nang-aasar. Sinisilip niya ang mukha ko, hindi ko masalubong ang tingin niya sa kahihiyan. "What did you expect me to do in the bathroom, then? Mag-shopping?"

Lalo ko pang naipit ang tenga ko nang makiliti sa labi niya. "Nakikiliti ako."

"Sinasadya ko. Now answer my question."

"Lalabas na 'ko," madali kong sagot.

Pero bago pa 'ko makatalikod ay hinuli niya ako sa batok gamit ng small towel at inilapit sa kaniya. Binasa niya ang gilid ng kaniyang labi at kunot-noong nagbaba ng tingin sa 'kin.

"Answer my question," mahinang utos niya.

Sumama ang mukha ko pero agad din 'yong nawala nang makita ang nakaumbok sa lalamunan niya. Lalo pa akong namangha nang gumalaw 'yon matapos siyang lumunok. Nakaawang ang labi kong hinawakan 'yon at saka ko nakagat ang sariling labi, wala sa sarili.

Hinuli niya ang pulsuhan ko at saka inilapit ang mukha sa 'kin. "Answer my question."

Ngumuso ako. "Sorry, hindi ko naisip 'yong kilos ko. Basta na lang ako...pumasok."

Nakangiwi siyang tumango. "Matapos mo 'kong paalisin sa kwarto natin."

"Ang galing mo nang mag-Tagalog, Maxrill Won."

Lalo siyang ngumiwi. "Tapos ikaw, basta na lang pumapasok, hindi lang sa kwarto..." Nasapo niya ang noo, napapikit na para bang ganoon na kabigat ang ginawa ko.

"Hindi ko naman sinasadya," nakuba na ako sa kayuyuko. "Isa pa...likod mo lang naman ang nakita ko."

Umangat ang kilay niya. "Likod...lang?" may diin ang huling salita niya.

Tumingin ako sa 'taas. "At saka ano...batok mo rin."

"Hindi lang 'yon."

"Oo nga," nag-iwas lalo ako ng tingin. "Pero puro likod lang," nakanguso kong sinalubong ang tingin niya.

"I think it is perfectly reasonable to knock first and wait to be invited in before entering your boyfriend's room."

"I agree," nakanguso kong sagot.

"Dalawang pinto 'yong pinasok mo, Dainty."

Lalo akong nagbaba ng tingin. "Oo nga."

Malalim na buntong-hininga ang sinagot niya. "Next time, knock first. Unless..."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "What?"

"We're married." Tinakpan niya ang mukha ko gamit ang towel na iniharang niya sa batok ko. "Now tell me, what do you want?"

Lumapad ang ngiti ko at inalis ang towel sa mukha ko. "Gusto kong manood ng movie, Maxrill Won."

Tumitig siya sa 'kin. "Don't do that again."

Nakanguso akong tumango. "Sorry."

"Always knock."

"Oo na." Ngumiti ako. "Gusto kong manood ng pelikula."

"Ng what?" nainis agad siya.

"Movie."

"Whatever, sure. First, let's get something to eat."

Umawang ang labi ko. "Pero kakakain lang natin, hindi ba?"

"Ang hirap mag-drive sa gano'n kalakas na ulan, Dainty." Kinuha niya ang kamay ko saka kami sabay na bumaba.

"Hindi ka ba mag...dadamit?" tanong ko habang nagpapahila.

"Hindi," kaswal niyang sagot habang pababa kami, hindi niya binibitiwan ang kamay ko.

"Hindi ka nilalamig?"

"Hindi."

"Maginaw, Maxrill Won."

"Not when I'm with you."

"Okay," napalunok ako at pinanood siyang lumapit sa cabinets. "Napakaganda talaga rito, Maxrill Won," sabi ko nang tumuloy kami sa kitchen.

"Mas maganda 'yong kasama kong titira." Nakangiti niya akong nilingon, nginusuhan ko siya. "Ramyeon?"ipinakita niya ang instant noodles.

Nakangiti akong tumango kahit na busog pa ako. "Ako na ang magluluto."

Ngumiti siya at pinangunahan akong ihanda ang mga gagamitin. Pinakita niya sa 'kin kung paano paandarin ang range, kung paano lulutuin ang instant ramyeon at kung ano-anong gulay at sangkap ang gusto niyang kasama ro'n. Gayong kung sa bahay ko lulutuin 'yon, tubig at apoy lang ang kailangan ko.

Tuwang-tuwa kong ginawa 'yon, lalo na't alam kong siya ang kakain. Naaalala kong gano'n na gano'n ang pakiramdam ko nang minsan kong tulungan si nanay na gumawa ng pitsi-pitsi para sa kaniya.

"Kumusta na nga pala si Hee Yong?" tanong ko habang hinahalo ang noodles.

"He's fine." Tutok sa niluluto ang paningin niya. "Mokz is there to take care of him. How about your puppy?"

Ngumiti ako. "Ayos lang din naman siya, dalaga na."Tinunghayan ko ang noodles. "Luto na ba 'to?" Napalunok ako nang masulyapan ang tiyan niya. Nanlaki ang mga mata ko nang masalubong ang tingin niya. "H-Hindi ka ba talaga nilalamig, Maxrill Won?" nag-iwas ako ng tingin.

Tumayo si Maxrill Won at pumuwesto sa likuran ko. Nakagat ko ang labi ko nang maamoy ang bango niya.

"Kaunti pa," mahinang aniya dahilan para lalong dumiin ang pagkakakagat ko sa labi. "Your smell..." nilanghap niya ang buhok ko, sa bandang tainga pa, naestatwa ako. "It's so attractive, Dainty Arabelle," bulong niya.

"Pero...sa 'yo ang shampoo na ginamit ko."Inaasahan kong pamilyar na dapat sa kaniya ang amoy niyon.

"I know," lalo niyang idinikit ang pang-amoy sa buhok ko. "Mas naging mabango dahil gamit mo," bulong niya.

Umangat ang mga balikat ko nang yakapin niya ako mula sa likuran at dampian ng halik sa pisngi. Sinalubong niya ang tingin ko saka ako muling dinampian ng halik sa panga, paibaba sa ilalim ng tainga.

"Can I kiss you?" tanong pa rin niya kahit ilang beses na 'yong ginawa. Pero sigurado akong iba na ang gustong dampian ng labi niya.

Nagugulat ko siyang nilingon at nasalubong ang tingin niya. Sandaling naglaban ang mga titig namin. "Ngayon na?" gumaralgal ang tinig ko.

"Yes," bulong niya. "May I?" Hindi niya na nahintay ang sagot ko, dinampian uli ng labi ang pisngi ko.

Napalunok ako at pinakiramdaman siyang kumilos. Napanood ko ang kamay niyang patayin ang range. Saka niya marahang itinabi sa likuran ang aking buhok.

"I'll kiss you here," mahinang aniya pa.

"Sige..." 'yon lang ang naisagot ko, kabadong-kabado.

Siguradong ramdam niya nang bumilis ang paghinga ko, wala pa man siyang ginagawa. Inilayo ko ang mga braso ko sa takot na maramdaman niya ang nginig ko, ngunit lalo siyang dumikit. Hinayaan niya akong iharang ang parehong braso ko sa pagitan ng mga dibdib namin.

Nagkamali ako nang isiping sa kitchen ang tinutukoy niyang lugar kung saan mangyayari ang halik. Dahil napapikit ako sa gulat nang maramdaman ang labi niya sa pagitan ng balikat at aking mukha. Nagmulat-pikit ako nang hindi maipaliwanag ang pakiramdam lalo pa nang umangat ang halik na 'yon sa ilalim ng pandinig ko. Paulit-ulit dumampi ang labi niya na nagdulot nang matinding pakiramdam. Hindi ko na masukat at mapangalanan ang pakiramdam nang humigit sa labi ang kaniyang ginamit.

Mahigpit akong kumapit sa braso niya nang tiisin ang kiliting idinudulot hindi lang ng labi niya. Ang pagtugon at mahinahong reaksyon ko sa ginagawa niya ang naging hudyat ng pagpayag ko.

Gumapang ang kilabot mula sa paanan ko pataas hanggang sa aking leeg at siguradong naramdaman niya 'yon. Sa isang iglap, para akong mawawalan ng balanse dahilan para saluhin niya nang tuluyan ang timbang ko mula sa bewang.

"Is it okay if I do this?" bulong niya bago sumulyap sa 'kin dahilan para makita niya akong nakaawang ang labi. Awtomatikong naitikom ang mga labi at wala sa sariling tumango.

Natakpan ko ang mga bibig ko nang muling maramdaman ang labi niya. Halos kurutin ko ang labi nang hindi na maipaliwanag ang pakiramdam.

"Is this okay?" bulong niya uli nang mapansin ang reaksyon ng katawan ko.

Nagbaba ako ng tingin, hindi masalubong ang mga mata niya. "Na...kikiliti ako, Maxrill Won," halos bulong na sagot ko, kabadong-kabado.

Matunog siyang ngumiti. "I think it's cute," bulong niya rin. Binasa niya ang sariling labi at saka nakangiting kinagat 'yon habang nakatingin sa 'kin.

Napatitig ako sa labi niya. Gano'n kahusay 'yon. Makapangyarihan sapagkat nagagawa niyong iparamdam ang mga bagay na hindi ko pa naramdaman noon.

Hindi ko alam kung anong isasagot. Tumitig siya sa 'kin saka muling dinampian ang labi ko. His lips feel incredibly warm and soft. His kisses were gentle and unhurried, just long enough we could inhale each other's breath.

Naging matunog ang paghinga ko nang muling mangilabot dahil sa pakiramdam. Sinalubong niya uli ang paningin ko, hindi ako makaganti. Sobrang higpit ng hawak ko sa braso niya at nabitiwan ko 'yon nang makitang namumula na.

"Sorry," doon ko lang nasalubong ang paningin niya.

"Do you want me to stop?"

Lalo akong naestatwa, hindi ko alam ang isasagot. "No..." nagbaba ako ng tingin matapos isagot 'yon.

Dainty... Sa isip at kalooban ko, pinagagalitan ko ang sarili. Hindi lang ako kabado, siguradong pulang-pula na ako sa hiya.

"I'll be gentle, I promise." Sinabi niya 'yon nang nakatitig kami sa isa't isa, napatitig ako nang mapanatag. Tango lang ang naisagot ko.

Tinupad niya ang sinabi, sobrang gaan ng halik niya. Pero sa halip na kumalma ang nagwawalang dibdib at paghinga ko, lalo yata iyong tumindi. Dumoble ang epekto at mas lumalim ang pakiramdam.

Kapanapanabik, apektado ako sa bawat marahang dampi ng kaniyang labi. Hindi nananatili ang labi namin sa isa't isa, dumarampi 'yon sa pisngi, noo, ilong, mata, at aking tainga. Maging sa paborito ko sa lahat, sa pagitan ng mukha at balikat ko.

Nakagat ko ang sariling labi upang maiwasang gumawa ng anumang ingay. Hindi rin ako kumikilos.

Pero napakahirap pigilan niyon lalo na nang kumilos ang labi niya papunta sa balikat ko. Nahugot ko ang hininga nang maramdaman siyang huminga sa batok ko at tuluyan nang nawala sa sarili nang dampian niya ng halik ang pandinig ko.

Gano'n kabilis akong pinanghinaan ng tuhod, mabilis niyang sinalo ang bigat ko. Hindi ko na mapangalanan ang pakiramdam at reaksyon ng katawan ko nang halikan niya ang pandinig ko sa paraan kung paano niyang halikan ang labi ko.

Ilang saglit pa ay pinipihit niya na ako paharap, at bago pa ako makapagmulat, nagdampi na ang labi namin.

Nagmulat ako nang hindi masundan ang dampi na 'yon. Nakita ko si Maxrill Won na nakatitig sa labi ko, nakaawang ang kaniyang labi at marahang hinawakan ang aking pisngi. Dahan-dahan niyang inilalapit ang mukha ngunit ang paningin ay nakapako lang sa aking labi. Sabay kaming pumikit bago tuluyang magdamping muli ang mga labi namin.

Marahan niya akong binuhat at inupo sa mataas na silya. Nanginginig ang mga kamay ko, hindi malaman kung saan ihahawak, sa likuran, balikat o mananatili sa mga braso niya.

Masyado siyang maingat, na para bang isa akong babasagin at mamahaling baso na dinarampian ng labi niya.

Kumilos ang ilan sa mga daliri niya at paulit-ulit na hinaplos ang parte ng bewang kong hawak niya, maingat, malumanay, ngunit nakakadala.

Maaaring sa kaniya ay wala lang lahat 'yon. Pero halos mawala ako sa sarili sa tindi ng epekto sa akin.

Maingat niyang binitiwan ang labi ko at marahang bumaba papunta sa panga at leeg ko. Nang sandaling 'yon, pakiramdam ko, iyon na ang paborito kong halik niya. Marahan, maingat at nakakakiliti, hindi lang sa parteng 'yon na dinarampian ng labi niya kundi sa buong katawan. Na sa sobrang tindi ng epekto, lalo akong nahirapang itago ang idinudulot sa sistema ko.

Pareho kaming nahinto nang bumilis at maging matunog ang paghinga ko. Naramdaman ko siyang ngumiti habang patuloy na dinarampian ng labi ang balikat ko. Kailangan kong pigilang gumawa ng tunog o ingay kahit pa halatang natuwa siya roon. Nahihiya ako at gusto kong itago ang epekto niya.

Maingat na bumaba ang palad niya sa hita ko na nagdulot ng panibagong pakiramdam, tumugon ang katawan ko nang hindi inaasahan. Binitiwan niya ang labi ko ngunit paulit-ulit 'yong dinarampian ng halik habang nakatingin sa 'kin, deretsong sinasaksihan ang epekto ng ginagawa niya sa 'kin.

"Is it okay if I do this?" bulong na naman niya.

Napalunok ako, wala ni katiting na pagtanggi sa 'kin ngunit kabadong-kabado ako. Nakagat ko ang labi at bumaba ang paningin sa kamay niyang naroon sa hita ko.

Naging mapaghanap hindi lang ang labi niya nang muling angkinin ang labi ko. Magaan ngunit may diin, mas lumalim bagaman nag-iingat pa rin. Hindi ko alam kung paano 'yong mapapangalanan pero maipaliliwanag ko ang bawat detalye ng pakiramdam. Napakahusay ni Maxrill Won.

Bumaba ang kamay niya papunta sa binti ko at nagulat ako nang daanan ng daliri niya ang likuran ng tuhod ko. Mas humigpit ang kapit ko sa kaniya at nasiil ang ibaba niyang labi. Marahan niyang kinagat ang labi ko na nagdulot ng panibago pang epekto, hindi ko napigilan ang sariling dumaing.

Bumaba muli ang labi niya at sa sobrang kalunuran ay natawag ko ang pangalan niya. Mukhang hindi lang ako ang apektado dahil naramdaman ko ring dumiin ang labi niya matapos ko siyang tawagin.

Napamulat ako nang maramdaman ko sa likuran ang kamay niya. Maingat niyang nilihis ang oversized shirt ko. Natakpan ko ang sarili nang makitang lumihis na paitaas sa hita ang laylayan niyon.

Pero muli akong napapikit nang magkasabay-sabay na ang kiliti nang kumilos na rin ang isa niyang kamay, ang isa ay nasa likuran ko habang ang isa ay tinatalunton ang hita ko.

Bumaba nang bumaba ang halik niya, mula sa leeg hanggang sa pagitan ng aking dibdib. Pinanood ko siyang dampian ng halik ang bawat parte ng balat ko na madaanan niya. Pero lalo lang akong naliyo sa epekto. Kaunti pa, siguradong idadaing ko na ang pangalan niya. Natakpan ko ang mukha sa katotohanang katawan ko ang nagpapatunay na nagugustuhan ko ang ginagawa niya.

Huminto siya sa paghalik at tumitig sa 'kin, nasisiguro ko na kung ano ang sunod na mangyayari. Nakagat ko ang mga daliri ko habang nilalabanan ang titig niya. 'Yon 'yong titig na humihingi ng pahintulot. Wala na akong lakas para tumanggi. 'Yon 'yong pakiramdam na hindi ko kayang tanggihan at sa halip, sabik akong maramdaman.

Maingat siya sa bawat paghawak sa 'kin ngunit ramdam ko ang kagustuhan niyang maramdaman sa palad ang balat ko. May damit mang nakapagitan sa mga kamay niya at katawan ko, pakiramdam ko, kaluluwa ko na ang nahawakan niya.

Tumitig siya sa mga mata ko, gano'n din ako habang naghahabol ng hininga. Naunang kumilos ang daliri niya at marahang nahagip ang parte ng dibdib ko na kanina pang naghihintay.

"Can I...go further?" bulong niya.

Pareho kaming nagbaba ng tingin sa dibdib ko at kamay niya, saka muling nagsalubong ng tingin. Hindi namin nakikita ang nadaanan ng daliri niya, pero pakiramdam ang nagbibigay sa 'min ng ideya.

Nakagat niya ang labi nang makita ang reaksyon ko. Dumiin ang pagkakagat na 'yon nang tuluyan niyang hawakan ang dibdib ko at umarko ang likuran ko. Natakpan ko ang bibig at kagat ko na ang labi nang bitiwan 'yon.

Sobrang ingat niya na ako na halos ang maghintay sa mangyayari pa. Kasabay ng pagpisil niya ay napisil ko rin ang balikat niya. Nagtama ang paningin namin. Siya ay naghihintay pa rin sa pahintulot ko habang ako ay sabik na sa ipararamdam niya. Matagal, pareho kaming hindi makapaghintay, pero pareho ring pinakikiramdaman ang magiging reaksyon ng isa't isa.

Nanuyo ang lalamunan ko nang muli niyang halikan ang labi ko. Kumuyom ang palad ko sa balat niya nang bumaba ang halik na 'yon sa dibdib ko, nanlaki ang mga mata ko. Hinalikan niya ang damit mismo ngunit siniil ang tungko ng dibdib ko dahilan para maidaing ko na nang tuluyan ang pangalan niya.

Hinawakan ko ang likuran ng buhok niya at nakatingalang pinakiramdaman ang epekto niyon sa 'kin. Walang parte ng katawan ko ang hindi nakiliti at sa oras na 'yon, hindi ko na alam kung paanong mapipirmi sa mataas na silyang kinauupuan ko.

Halos mahulog ako sa tindi ng pakiramdam, sinalo niya ang likuran ko dahilan para mas mapaliyad ako. Mas dumiin ang pagsiil niya, at kahit batid ko kung gaano kahirap 'yon dahil sa manipis na damit na nakapagitan sa balat ko at mga labi niya, hindi niyon nabawasan ang tindi ng epekto.

Binuhat niya ako at muling inangkin ang labi ko. Nang sandaling 'yon, sigurado akong ramdam niya ang tindi ng pagganti ko. Alam kong hindi ko kayang maging marahas, na kahit bilisan o diinan ko ay gano'n pa rin kalambot ang dating niyon sa kaniya. Pero sigurado rin akong sapat na ang nagagawa ko para maiparamdam ang epekto niya sa 'kin.

Naupo siya sa sofa at iniupo ako sa mga hita niya. Nahulog ang batok niya sa sandalan ng sofa at nakagat na naman ang sariling labi.

Tumitig siya sa 'kin, liyong-liyo. "Stay still, Dainty Arabelle," aniya at saka sinalubong ng halik ang labi ko.

Na agad din niyang binitiwan upang halikan ang pisngi ko. Mayamaya lang ay naro'n na ang labi niya sa pandinig ko.

"You're so wet," bulong niya, gumapang ang mas matindi pang kilabot sa kabuuan ko at mas pinag-init ang pakiramdam ko.

Nagtago ako sa pagitan ng leeg niya sa hiya. Sa sandaling iyon, hindi siya natawa. Ang bilis ng paghinga niya at nakakikiliting haplos ng palad niya ang nagpapatunay sa 'kin ng epekto ko sa kaniya.

Ramdam niya ako at damang-dama ko siya. Sobrang tindi ng epekto namin sa isa't isa at nakadaragdag doon ang tunog nang malakas na ulan.

Dumausdos ang mga palad niya sa parehong hita ko. Napadaing ako nang maramdaman ang mga kamay niya sa bewang ko. Nararamdaman kong pinipigilan niya akong mas ituon ang bigat sa kaniya.

Napigil ko na ang hininga nang maramdaman ang init niya sa magkabilang dibdib ko. Isinubsob niya ang mukha sa pagitan ng mukha at dibdib ko.

Nagsalubong ang paningin namin. Wala mang lumalabas na salita sa mga labi, parang nag-uusap ang mga mata namin. Nakarehistro na sa reaksyon niya ang kagustuhang alisin ang nakapagitan sa labi niya at katawan ko.

Niyakap ko rin siya nang mahigpit dahilan para matamaan ko ang kanina pa niyang iniiwas sa 'kin. Naging matunog ang pareho naming hininga at napatitig sa isa't isa sa pagkabigla. Kasabay rin ay nabitiwan niya ang dibdib ko upang pinigilan ang parehong hita ko matapos maupuan iyon.

Matinding kilabot ang idinulot sa 'kin ang maramdaman ang kabuuan niya. Base sa naging reaksyon niya, siguradong pareho kami. Naramdaman namin ang isa't isa, na bagaman may nakaharang pa rin, damang-dama.

Natawa siya mayamaya saka isinubsob ang mukha sa balikat ko. "Don't move, please."

Hindi ako nakapagsalita agad. "Sorry."

"No, it's my fault. I can't stop kissing you," pabulong niyang sagot.

Tumitig ako sa labi niya at pinadaan doon ang daliri ko. "Ako rin," pabulong kong sagot saka sinalubong ang tingin niya.

Umangat ang gilid ng labi niya, matunog na ngumiti. "Next time, I won't stop."

Muli niyang siniil ang labi ko, mas mahinahon na kompara kanina. Bago pa lumalim ang lahat nang 'yon, nakangiti niyang pinakawalan ang labi ko at tumitig sa 'kin.

"You're making me lose control over myself, Dainty,"bulong niya habang ginagala ang paningin sa buong mukha ko bago natuon sa labi ko. Gusto kong sabihin na gano'n din siya sa akin pero wala akong lakas ng loob. "I want this..."pinadaan niya ang daliri sa ibabang labi ko. "...forever."

"Ra..." sininok ako.

"Ra?"

"Ramyeon," tanga kong sagot. "Luto na 'yong ramyeon." Sa dami ng nangyari, sa huli ko naramdaman ang matinding hiya.

Umawang ang labi niya at natawa. "Yeah. I was thinking of eating something else, though."

"Ano?"

Tumitig siya sa 'kin, inaantok ang mga mata. Saka nahulog ang batok niya sa sandalan ng sofa at doon ngumiti.

"C'mon, let's eat." Hindi niya sinagot ang tanong ko.

Pareho kaming sumubok na tumayo pero pareho rin kaming napaupo uli nang maramdaman ang panghihina. Yumakap siya sa 'kin, panay ang buntong-hininga. Parang gusto ko namang matulog sa balikat niya dahil inubos niya ang lakas ko.

Pero pareho kaming lumingon nang tumunog ang cellphone niya. Sinulyapan niya 'yon sa ibabaw ng center table at napabuntong-hininga nang makita kung sino ang tumatawag.

"Hyung is calling." Binuhat niya ako at tinulungang makatayo pero parang nabali ang tuhod ko dahilan para saluhin niya ang bewang ko. "Are you alright?" halatang nagpigil siya ng tawa.

"Ano..." nagbaba ako ng tingin at tila maiiyak nang tumalikod sa gawi niya. Nakakahiya! Naisubsob ko ang mukha sa pareho kong palad.

"Can you walk?" habol pa niya. "Dainty Arabelle, wala pa 'kong ginagawa."

Inis ko siyang nilingon. "Anong wala?"

Nakagat niya ang labi at saka natawa. "I love you."

Sinimangutan ko siya. "Ihahanda ko na ang ramyeon, kausapin mo ang kuya mo."

"Are you mad?"

"Hindi, 'no!" nilingon ko ulit siya.

Umangat ang gilid ng labi niya. "I said I love you."

"I love you too," nguso ko.

"I'll just get my laptop."

"Okay." Tinalikuran ko na siya.

Nakanguso akong bumalik sa kitchen at nagulat nang mahuli niya ang bewang ko. Nagugulat ko siyang nilingon at natawa nang makita siyang ngiting-ngiti sa 'kin.

"I love you," dinampian niya ng halik ang pisngi ko, matagal. Saka ako tinitigan at hinalikan sa labi. "I'll get my laptop, kuya's calling me."

"Sige. Ihahanda ko na ang noodles mo."

"Thank you." Pinalo niya nang marahan ang likuran ko dahilan para umawang ang labi ko at parang aso na hinabol ng tingin ang puwitan ko habang iikot-ikot sa kinatatayuan.

Naghanda ako ng dalawang bowl sa counter at mahahabang spoon at fork. Kumuha ako ng juice at ice sa ref at nagsalin. Gano'n kasimple ang nakahanda pero nakangiti ko 'yong pinagmasdan nang maisip na araw-araw ko na 'yong gagawin oras na tumira kami rito.

"I'm with Dainty," 'ayun na ang tinig ni Maxrill Won.

Lumingon ako sa kaniya at napangiti nang makita siyang hawak sa isang kamay ang laptop at nakapamulsang naglalakad palapit sa gawi ko. Naka-black shirt na siya, isa sigurado sa dahilan para umakyat siya. Naupo ako sa high chair at nakagat ang sariling labi nang maramdaman ang epekto ni Maxrill doon.

Hindi ko napigilang magpaalam na sasaglit din sa 'taas na pinagtaka niya ang dahilan. Sinabi kong kailangan kong mag-restroom.

Nakakahiya na ako mismo ay ramdam ang sarili ko. Lalo pa akong namula nang harapang makita ang undies ko. Maging ang dibdib ko ay hindi lang bakat, naaaninag na ang pink niyong tungko dahil sa nipis ng aking suot. Natakpan ko ang sariling mukha at parang ayaw nang bumalik sa 'baba. Gano'n pala talaga katindi ang epekto niya sa 'kin, katawan ko mismo ang nagpapatunay.

Nakagat ko ang sariling labi at sinalamin ang sarili. Napapikit ako sa pakiramdam ni Maxrill Won. Kumuyom ang palad ko nang maisip na nagtatampo ako dahil itinigil niya 'yon nang walang pahintulot ko.

Dainty! Ako mismo ang nagulat sa sariling naisip. Hindi ko 'yon ugali, hindi ako sigurado kung bakit naiisip ko na ngayon ang mga 'to. Pero isa ang sigurado ako; ang hirap niyang tanggihan at sa isang simpleng kilos niya, kaya kong ibigay ang lahat.

Naisubsob ko ang mukha sa parehong palad at dali-daling nag-half bath. Pumili ako ng bagong isusuot, asul namang oversized shirt at hindi manipis tulad ng kanina.

"Kumusta kayo ni Yaz?" 'yon na ang usapan nila nang makabalik ako sa kitchen. "Nagkita na kayo?"

"Yeah," maganda ang ngiti ni Kuya Maxwell. "As usual, I'm stunned speechless by her beauty."

"Did you talk to her yet?"

Bumuntong-hininga si Kuya Maxwell. "I visited her parents earlier to say hello. I wanted us to talk. I was really hoping we could talk about us. But I got kicked out the moment she arrived."

"Dude," humalakhak nang todo si Maxrill Won. "Nice one, Yaz." Nilingon niya ako at nakangiting pinagkunutan ng noo. "Where have you been?" Sinuyod niya ng tingin ang suot ko.

"Hello po, Kuya Maxwell." Sa halip na sagutin siya ay naupo ako sa kaniyang tabi at nagpakita sa laptop. "Hello po, Ate Keziah."

Sobrang gwapo ni Kuya Maxwell nang ngumiti. Nakasuot siya ng puting longsleeves at khaki shorts, at umayos ng upo matapos akong makita.

Sa likuran niya ay naroon si Ate Keziah, nakadapa sa ilalim ng kumot, at nagbabasa sa kama. Nakaladlad ang itim na itim at pantay na pantay niyang buhok, naka-violet siyang sweater at loose orange pants. Nahihiya akong kumustahin siya, lalo at mukhang lunod ito sa binabasang libro.

"Hi, dear," kumaway at ngumiti si Ate Keziah ngunit naroon ang natural niyang istriktong dating.

"Hello, Dainty Arabelle," ganting bati naman ni Kuya Maxwell. "It's raining there, huh?"

"Opo, sobrang lakas ng ulan, kuya. Diyan po ba?"tanong ko.

"No. Maybe because I'm here," biro niya.

"Are you guys alone?" sumilip si kuya na para bang makikita niya naman ang kabuuan ng bahay.

"Yeah," si Maxrill Won ang sumagot, nakangiwing tumango si Kuya Maxwell. Kinuwento niya ang nangyari kanina kaya napilitan kaming umuwi rito.

"Where's your nanny?" nakangising tanong ni kuya.

Sumama ang mukha ni Maxrill Won. "Don't freakin' start with me, Maxwell." Gigil, pilit ngumingiting aniya. Nakakatuwa ang asaran nila. "He's talking about Dirk,"baling sa 'kin ni Maxrill Won.

"Oohh..." Napangiti ako nang makita si Kuya Randall na sumingit sa camera. "Move, brother, give me space."

Pilit niyang tinabig si Kuya Maxwell para magkatabi sila sa inuupuang bean bag. Nakasalamin siyang pambasa at inilapag ang hawak na libro. Gwapo rin siya sa suot na white shirt at black pants.

"How's Norway?"

"Dude," bati ni Maxrill Won, nag-fist bump sila ni Kuya Randall sa monitor ng laptop.

"Hello po, Kuya Randall," pagbati ko.

"Hey, hey, hey! How are you, softest babe on earth?"nakangiting tugon ni Kuya Randall, nangalumbaba siya at mas ngumiti sa akin.

Hindi ko malaman ang magiging reaksyon sa itinawag niya sa 'kin. "I'm fine, kuya. How are you po?"

"I'm fine now that you're here."

"Hala." Puro siya biro, nahihiya ako.

"We're here in Laguna," sumingit si Maxrill Won.

"Eh? How boring! What happened to Norway?"

"Ano, kuya," sumingit uli ako. "Hindi po ako pinayagan ni tatay."

"Haa??" Umawang ang bibig nina Kuya Randall at Kuya Maxwell habang nakatingin sa 'kin, ang ganda ng blending ng boses nika. Nagkatinginan silang dalawa at saka sabay na tumawa. Naitikom ko ang bibig at nagbaba ng tingin.

"Ya," saway ni Maxrill Won sa kanila.

"We're sorry," tumatawa pa ring ani Kuya Maxwell, hindi makita ang mga mata, hawak ang tiyan.

"May tatay ka ba?" tumatawang sabi naman ni Kuya Randall.

Dahilan para batukan siya ni Kuya Maxwell. "Meron, gago. Magkasabay mo silang tiningnan ng tatay niya dati."

"Oh...I did, huh? I did, right? Right." Halata namang walang maalala si Kuya Randall.

"Freaking dorks," asik ni Maxrill Won. "We can't leave without his permission."

"Why are you alone together, then?" tanong ni Kuya Randall, hindi marahil narinig ang paliwanag ni Maxrill kanina. "Did you get her tatay's permission to stay there together?"

"Kumain po kami sa labas at naabutan ng bagyo, kuya. Kaya...dito na po kami tumuloy ni Maxrill Won. Pinayagan po kami ni nanay."

Napatitig sa 'kin si Kuya Randall, tumatabingi ang ulo na para bang inaaral ang mga sagot ko. "Elementary ka ba?" asik niya. Binatukan na naman siya ni Kuya Maxwell. "Aray, ano ba? Bro, kanina ka pa, ah!"

"Stop asking insensitive questions, E." Seryoso na si Kuya Maxwell.

Sinamaan siya ng tingin ni Kuya Randall, pinararating na hindi niya susundin ang kaibigan. "What are you guys having?"

"Ramyeon." Sinimulang sumandok ni Maxrill Won at nadismaya. "The noodles have gone really soggy, Dainty. Eat."

"Hala..." kumilos ako at tinulungan siya.

"Oh, you call each other by names, huh? No terms of endearment? Like muffin, apple pie, super mine, cute doll, ice creamlet me lick and eat your cone, and such?"

Inambaan uli ni Kuya Maxwell si Kuya Randall ngunit nasalo nito ang kamay niya at hindi nakabatok.

"We do call each other...hmm," hindi tinukoy ni Maxrill Won ang tawagan na siya lang naman ang tumatawag no'n sa 'kin. "Hmm, but it feels nice saying her name."

"And I love to hear him say my name, kuya."

"Look at these cute kids. Man, I want to adopt them,"reaksyon ni Kuya Randall, pinatong ang mukha sa kamao at pinanood kaming kumain ng ramyeon. "What are you going to do after that?" nakangisi niyang tanong. "Weather's nice, perfect to cuddle and warm up, don't you think?" malandi ang boses ni kuya, nang-aasar.

"Randall," nananaway na tawag ni Kuya Maxwell.

"What? Isn't it perfect for you know what, with you know who?" ngumisi lalo si Kuya Randall.

"Manonood po ng movie, kuya." Ngumiti ako.

"Oh, naabala pala dahil tumawag si Maxwell. Tsh. Del Valle siblings video call each other when apart. Sweet, huh? They fight when together, though."

"Okay lang po."

"Alone time means freaky time, yeah? Del Valle's favorite weather, monsoon. Wet season with the thrills of thunder and lightning, it's the best time to have it all. Whatever happens, use protection and be gentle with each other."

Biglang tinakpan ni Maxrill Won ang magkabilang tenga ko. Natulala ako sa sinabi ni Kuya Randall.

"Gago!" sabay nilang singhal ni Kuya Maxwell.

"Aray!" reklamo ni Kuya Randall matapos sipain ni Kuya Maxwell. "What? It's mating season."

"Siraulo ka talaga, Randall!" Binato ni Ate Keziah ng unan si Kuya Randall dahilan para halos sumubsob ito sa monitor ng laptop na gamit nila. "Bakit ba nandito kayo sa kwarto ko? Umalis na nga kayo!" Binato niya uli ng unan ang dalawa. "May seminar pa tayo, puro kalokohan ang inaatupag ninyo!"

"Bakit pati ako?" nagugulat na ani Kuya Maxwell. "I'm talking to my baby brother, Keziah."

"Isa ka pa! Hindi mo man lang mapagsabihan si Randall!" Binato na naman ni ate si Kuya Maxwell ng maliit na unan ngunit nasalo nito. Mas malakas nga lang ang pagbato niya kay Kuya Randall. "Pareho kayong siraulo!"

"Kanina ko pa siya sinasabihan," asik ni Kuya Maxwell.

"Bakit hindi tumitigil?" gigil na ani Ate Keziah. "Nakikitawa ka pa, siraulo ka rin!"

"Go, noona!" suporta ni Maxrill Won.

Hindi na namin napigilan ni Maxrill Won na matawa sa kanila. Ang cute ng friendship nila. Nakukuha nilang magseryoso, mag-asaran at magalit sa isa't isa nang hindi nagkakapikunan.

Naisip ko tuloy kung ano'ng pakiramdam magkaroon ng ganitong kaibigan. Wala akong maituring na totoong kaibigan noon maliban kina Bree Anabelle at Kuya Kev Aristotle. Pero ngayon, meron na akong Maxrill Won na tumatayo hindi lang bilang nobyo kung hindi matalik na ring kaibigan para sa 'kin.

"Doc V can't relate." Humahalakhak na pang-aasar pa rin ni Kuya Randall. "Keziah the virgin!"

"Hindi ka talaga titigil?" banta ni Ate Kez. "Alis sabi!"akma uli niyang babatuhin ang mga lalaki, tsinelas na ang hawak. Natawa lalo kami ni Maxrill Won. "Labas!"

"Including me?" inosente pang ani Kuya Maxwell. Pero awtomatiko siyang napailag nang akma siyang batuhin ni ate. "Fine."

"Chill!" sinuko ni Kuya Randall ang mga kamay. "Ano ba'ng mali sa sinabi ko?"

"It's all your fault, gago." Nakasimangot si Kuya Maxwell.

"I think she's experiencing sexual frustrations. It's mating season and doesn't have anyone to do it with,"ani Kuya Randall sabay baling sa kaibigang babae. "That's normal, Keziah."

Kumuyom ang palad ni Ate Keziah. At bagaman naroon sa libro ang paningin niya, puno ng galit ang kaniyang mukha. Nakita ko siyang dumampot ng kung ano at lumingon kay Kuya Randall. Na noon naman ay inosenteng kinakausap si Kuya Maxwell.

"Drop of serotonins, replaced by melatonins impedes sex freaking drive, D"

"Randall!" tumayo na si Ate Keziah at hinampas nang malakas si kuya ng unan.

Nagsalita si Maxrill Won ng Korean, ang kuya na lang ang kausap kaya wala na akong naintindihan. Nagmamadaling magpaalam si Kuya Maxwell sa 'min, na para bang may gerang nangyayari sa likuran niya. Hindi na tinigilan sa paghampas ni ate si Kuya Randall gamit ang unan at tsinelas. Matapos no'n ay sinara na ni Maxrill Won ang laptop nang maging si Kuya Maxwell ay paghahampasin na rin ni Ate Keziah.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji