CHAPTER 58


CHAPTER 58

"ARAW-ARAW KA na bang sasamahan ng boyfriend mo?" tinabihan ako ni Gideon nang lumabas ang huling professor namin nang araw na 'yon. Inaayos ko na isa-isa ang mga gamit ko.

Nilingon ko si Maxrill Won na kanina pa naghihintay sa ilalim ng umbrella. Nakapandekwatro, nakadantay ang isang siko sa table at nagse-cellphone. Hindi ko makikita kung tumitingin siya sa 'kin dahil sa itim niyang shades.

"Ngayon lang. Hindi naman kasi madalas dito si Maxrill Won. Sa Palawan siya madalas."

"I see."

"Mauuna na ako, Gideon. May lakad pa kasi kami."Sinabit ko ang bag sa likuran ko at kinawayan siya.

Pero hindi ko inaasahang haharang pa si Gideon sa daan ko para magsalita. "Pwede akong humingi ng favor?"

Natigilan ako saka siya muling inunahan. "Sige, ano 'yon?"

Nakamot niya ang ulo. "'Yong kanta na binuo ko para sa finals...gusto ko sanang tugtugin sa 'yo para...malaman ko kung okay ba."

Awtomatiko akong nangiti nang lumingon. "Tapos mo na? Congratulations, Gideon!"

"Thank you, Dainty."

"Hindi ako gano'n kahusay pero sige, tutulungan kita. Magkita na lang tayo bukas."

"Kung pwede sana...sa 'tin lang muna? 'Yong tayong dalawa lang. Nahihiya kasi akong iparinig sa iba."

"Oo. Naiintindihan kita kasi ganyan din ako." Naisip kong sa quadrangle niya 'yon tutugtugin o kaya ay sa ilalim ng umbrella para kaming dalawa lang talaga ang makarinig.

"Thanks, Dainty."

Kinawayan ko siya habang naglalakad palabas ng room. "See you tomorrow, Gideo" Natigilan lang ako nang bigla akong bumangga.

Malalim na buntong-hininga ni Maxrill Won ang nasalubong ko. Nakapamulsa at nakababa ang tingin na para bang liit na liit siya sa 'kin. Ngumuso ako at minasahe ang sentido kong bumangga sa kaniya.

"Do you need another audience?" baling ni Maxrill Won sa kaklase ko. "I'm a good listener."

Nagtiim ang bagang ni Gideon, saka napilitang ngumiti. "That'd be very uncomfortable."

"And what makes you think I'm comfortable with you wanting to play a song for my girlfriend? Alone...?"

Natulala si Gideon, hindi malaman ang sasabihin. Ngunit pareho naming hindi inaasahang ngingiti si Maxrill Won nang sobrang tamis, hindi malaman kung seryoso o nang-aasar.

"I was just kidding, you freaking brat," dagdag ni Maxrill Won.

Nakahinga nang maluwang si Gideon. "Sorry, hindi ko naisip 'yon."

Lumapit si Maxrill Won, nakangiti pa rin, at tinapik siya sa balikat. "Next time..." pinagpantay niya ang kanilang mga mata. "Isipin mo 'yon." Saka naging mapakla ang ngiti niya at sumeryoso. "Let's go?" bumaling siya sa 'kin, inalok ang kamay.

Tinanggap ko ang kamay niya at saka guilty na nilingon si Gideon. Binigyan niya ako ng umiintinding ngiti at saka kinawayan.

Nakatingin lang ako kay Maxrill Won habang naglalakad kami palabas sa school. Tahimik siya hanggang makasakay sa sasakyan.

"Ano..." hindi ko na natagalan ang katahimikan. "Nagseselos ka ba kay Gideon?"

Binigyan uli ako ng ngiti ni Maxrill Won katulad kanina. Hindi makita ang mga mata, matamis ngunit may hindi maipaliwanag na bitin.

"Hindi," sagot niya.

"Bakit mo sinabi 'yon sa kaniya?"

"Because..." bumuntong-hininga siya. "He likes you."

"Don't you trust me?"

"Of course, I do."

Ngumuso ako. Pero walang maisip na pwedeng idahilan para kuwestiyunin ko ang inakto at sinabi niya kay Gideon. Hindi ko alam kung paanong itatama 'yon, baka mali naman ang isipin niya sa 'kin.

"Pwede kitang isama," ngiti ko. "Para hindi ka mag-isip ng iba, Maxrill Won. Samahan mo 'ko kapag pinakinggan ko ang kanta niya."

Ngumiwi siya. "Bakit naman ako mag-iisip nang iba? Hindi ako interesado sa kanta niya."

Naninibago ako sa madalas nang pagsasalita niya ng Tagalog pero sa kabilang banda, ayaw kong maiba ang usapan. "Kasi baka iba ang isipin mo dahil pumayag akong tulungan siya."

"I'm not jealous, okay? At ano namang iisipin kong iba kung pakikinggan mo lang naman siya?" natatawang aniya. "I trust you, Dainty. Every thing you say and do puts me at ease. So, don't worry about me."

"Bakit mo biniro nang gano'n si Gideon kung gano'n?" nakanguso kong tanong.

"To warn him," nilingon niya ako para ngitian. "I find it disrespectful to ask my girl right in front of me. He already saw me coming, Dainty."

Dahil hindi ko napansin ang paglapit ni Maxrill Won kanina, kung hindi pa ako bumunggo sa kaniya, hindi ko alam na naro'n siya sa likuran ko. Nakuha ko ang point niya.

"Gusto mo pa rin bang tulungan ko siya?"

Natawa siya. "Sure."

"Ayos lang sa 'yo?"

"Of course."

Ngumuso ako. "Hindi na lang siguro."

Nagugulat niya akong nilingon. "Bakit?"

"Baka magselos ka."

"Ano naman ang nakakaselos kay Gideon, eh, mas gwapo ako ro'n?"

Umawang ang labi ko. "Fine."

"Hindi ako nagseselos, lalo na sa...gano'ng itsura, Dainty Arabelle."

"Ang sama mo, magandang lalaki naman si Gideon, ah?"

Doon nawala ang ngiti niya. "Seriously?"

"Hindi nga lang kasing...gwapo mo," napabuntong-hininga ako.

"Exactly," seryoso siya, hindi nagyayabang.

Ngumiwi ako. "Tatawagan ko na nga lang si nanay,"iniba ko na ang usapan. "Sasabihin ko na magkasama na tayo."

"I already called her."

"Iba pa rin 'yong ako ang magsasabi, Maxrill Won."

"Fine. Use my phone."

"May load ako," mayabang na sagot ko. Nilingon niya ako at pinagtawanan dahilan para lalo ko siyang samaan ng tingin. "Hello, nanay!"

"Tsh, what a baby," natatawang umiling si Maxrill Won.

Inismiran ko siya. "Kasama ko na po si Maxrill Won, 'nay."

"Mabuti kung gano'n. 'Wag kayong magpapagutom."

"Kayo po, 'nay? Nagmeryenda na po ba kayo? Kumusta po ang klima diyan sa bahay? Hindi po ba kayo nilalamig ni tatay? Sina Kuya Kev at Bree po?"

"Ako nga ay huwag mong iniintindi, Dainty. Kung mangumusta ka naman, parang nariyan ka sa Norway, eh, hindi ka nga pinayagan," asik niya, sumimangot ako. "Pupunta ako sa The Barb ngayon, may meeting kami nina Barb at Jep."

"Gano'n po ba? Paano po kaya si tatay?"

"Hindi naman ako magtatagal, inihabilin ko na siya kay Bree Anabelle. Wala naman daw siyang gagawin."

"Sige po. Uuwi rin po ako agad, 'nay. Tutulungan ko po kayo."

Tumawa siya. "Mag-enjoy ka na lang diyan. Sige na."

"Madilim po sa labas, 'nay. Magdala po kayo ng payong."

"Napaka-sweet mo talaga. Sige, salamat. Mag-iingat kayo diyan sa Norway."

"'Nay naman, eh." Ngumuso ako.

Humalakhak siya. "Nagbibiro lang ako pero mag-ingat kayo sa lakad ninyo ni Maxrill Won."

"Kayo rin po, 'nay. Bye po, 'nay." Nakangiti kong ibinaba ang linya. "Nakalimutan ko pa lang i-charge 'tong cellphone ko."

"No one's going to call you anyway, so, that's okay,"ngisi ni Maxrill Won.

"Meron."

Nilingon niya ako. "Sino?"

"Si Gideon," pang-aasar ko.

Nangunot ang noo niya, pinigilan kong matawa. "It's not cute, Dainty."

Pinagtawanan ko siya. "Biro lang, Maxrill Won. Akala ko ba, hindi ka nagseselos sa kaniya?"

"Hindi nga."

"Bakit ang sama ng mukha mo?"

Humugot siya ng hininga at nameke ng tawa. "Dahil alam kong nang-aasar ka lang."

"Naasar ka naman?"

"Whatever," ngumisi siya. "What do you want for dinner?"

Ngumuso ako. "Wala akong maisip, Maxrill Won. Meron ka bang gustong kainin?" humarap ako sa gawi niya.

Ipinatong niya ang kaliwang siko sa sarado niyang bintana at nilaro ng kamay ang labi. "Except seafoods."

"Hindi ka mahilig sa karne, so, vegetables and fruits?"

"Hindi ka mabubusog do'n," natawa siya.

"Mahina akong kumain."

Sumulyap siya sa salamin at mas binilisan ang pagpapaandar. "I know a place." Nakangiti niya akong nilingon saka muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

Nakangiti akong tumingin sa labas. Pagod ako sa klase kanina pero ang sarap ng pakiramdam ko ngayon. Siguradong si Maxrill Won ang dahilan niyon. Ang totoo, kahit yata hindi kami kumain, hindi ako magrereklamo. Kasi ang gusto ko lang, makasama siya. Okay lang kahit nasa'n kami, kontento na 'kong nakikita siya. Ayos lang kahit hindi kami mag-usap, sapat nang katabi ko siya. Ito ang paborito kong pakiramdam sa lahat bukod sa nararamdaman namin para sa isa't isa, at bukod sa napakaraming dahilan kaya mahal ko siya.

"Medyo malayo 'yong parking," aniya nang huminto kami sa malawak na parking area.

Lalong lumamig kaya nasiguro kong nasa Tagaytay kami. Maraming tao, kaya nasa dulo na halos ang nakuha niyang parking space.

Inalalayan akong bumaba ni Maxrill Won. Saka niya hinubad ang suot na coat at isinuot sa 'kin. "Ayos lang ako," tatanggi pa sana ako.

"It's cold," hinawakan niya ako sa ulo saka kami naglakad sa gano'ng itsura. "We'll eat pizza, pasta, burger, chicken, soda, milkshakes..." ngumiti siya.

"Ang dami naman?" natatawang sagot ko, buntong-hininga na lang ang naging tugon niya.

"I love food, and you should too." Hinimas niya ang tiyan. "I'm thirsty."

"May tubig ako dito," akma ko nang babalingan ang bag ko nang maalalang iniwan namin sa sasakyan 'yon.

"I want cola."

"Hindi ka pa nga kumakain. Uminom ka ng softdrinks kapag may laman na ang tiyan mo, Maxrill Won."

Kunot-noo niya akong nilingon. "You're just like my brother." Bumuntong-hininga siya. "Fine, but I'll drink cola no matter what."

"Basta kumain ka muna."

"I know," ngumiti siya saka ako inalalayan papasok sa hindi ko pa nakikitang restaurant noon. "This is why I love this country, maraming pagkain," aniyang pinagkikiskis ang parehong palad habang nakatingala sa menu.

"Wala bang ganito sa bansa ninyo?" pang-aasar ko, hinahabol siya at sinisilip ang mukha. "Kung ipagmalaki mo ang bansa ninyo, akala ko naman naro'n na lahat, Maxrill Won. Minsan nga naisip ko, baka taga-doon sina Batman at Superwoman."

Ngumiwi siya at inis na nagbaba ng tingin sa 'kin. Bumuga siya ng napakalalim na buntong-hininga, pinipigilan ang sarili. Piningot niya ang ilong ko saka namulsa habang akbay sa 'kin ang isa at binalik ang tingin sa menu.

"First time ko lang dito, pero...wala bang restaurant sa inyo?" pangungulit ko.

"We do have restaurants, but it's all different."Nakangiti siyang nagbaba ng tingin sa 'kin. "Restaurants there are government owned. We don't even have McDonald's."

"Hala?" nakangiwi kong tugon. Seryoso siyang tumango dahilan para magulat ako. "Seryoso ka ba?"

Nangunot ang noo niya nang muling magbaba ng tingin sa 'kin. "Yes, why?" seryoso talaga siya.

"Walang McDonald's sa inyo?"

Bumuntong-hininga siya. "Wala nga."

"Maski isa?"

"Maski isa." Ngumiwi siya.

"Eh, Jollibee?"

"Wala rin."

"KFC?"

"Dainty Arabelle," lumaylay ang mga balikat niya. "Wala."

"Hala? Bakit gano'n?"

"We do have fried chickens, hamburgers and pizzas, though. Maybe in the future we'll have McDonald's and everything there. Sana."

Umawang ang labi ko. Parang hindi ako makapaniwalang walang McDonald's sa kanila habang dito sa Pilipinas ay napakarami.

"Parang imposible naman 'yon," wala sa sariling sabi ko, hindi talaga makapaniwala. "Sa Laguna nga, napakaraming McDonald's."

Tapos sa Korea, walang McDonald's? Maski isa raw, wala. Inosente kong tiningnan ang kabuuan ni Maxrill Won. Seryoso ba talaga siya? Sinamaan ko siya ng tingin nang maisip na inaalaska niya lang ako para asarin din sa huli dahil paniwalang-paniwala ako sa kaniya. Meron siguradong McDonald's doon, hindi lang sila doon kumakain. Psh.

Lumingon siya sa paligid at naghanap ng table para sa 'min. Saka niya ako inalalayan papunta roon. Gano'n agad karaming mata ang nakatutok sa kaniya, walang pinipiling kasarian at edad. Halos lahat ay nakatingin sa 'min, may ibang natutuwa, ngunit ang karamihan ay humahanga.

"What do you want to eat?" tanong niya.

Nakatayo siya sa tabi ko habang ang parehong kamay ay nakatuon sa sandalan ko at sa mesa, at bahagyang nakayuko sa 'kin. Sa tagal ng kulitan namin kanina, muntik na kaming maubusan ng mesa.

"Tulad na lang ng sa 'yo," sagot ko, wala kasi akong idea kung alin sa mga nasa menu ang magugustuhan ko. Lahat, mukhang masarap.

"Marami akong kumain."

"Dadamihan ko rin ang kain ko."

Lumapad ang ngiti niya. "Alright, then." Ginulo niya ang buhok ko saka iniwan ang cellphone sa table, sa tabi ng kamay ko mismo, bago pumunta sa counter.

Napabuntong-hininga ako nang makitang hindi na lang ako ang humahangang nakatanaw sa kaniya. Nagbaba ako ng tingin nang mapansin ang ilang paningin na bumabalik sa 'kin matapos sulyapan si Maxrill Won.

Masarap sa pakiramdam 'yon pero nakakagat ko ang labi sa t'wing magbababa na sila ng paningin sa paanan ko. Sa ilang ay pinagkukrus ko sa ilalim ng silya ang mga paa ko para maitago 'yon.

"Naku po!" Nagulat ang karamihan nang aksidenteng maihulog ng matandang customer ang laman ng kaniyang tray sa tabi ko.

"Hala!" nag-panic din ako. Agad akong tumayo bago pa madulas sa kumalat na softdrinks ang matandang babae. "Mag-ingat po kayo, lola," may pananaway sa tinig ko bagaman estranghero kami sa isa't isa.

"Napakadulas naman kasi nitong sahig, paano na ba ito?" hindi malaman ng matanda kung alin ang uunahin, ang magpaakay sa aking maupo sa silya o ang pulutin ang mga naitapon niya.

"Ako na po," presinta ko at saka siya inalalayan paupo.

"Naku, pasensya na sa abala, hija." Rumehistro ang panghihinayang sa mukha ng matanda nang makita ang tumapon niyang meal. "Naku, paano ba ito?" mangiyak-ngiyak siyang lumingon sa mesa sa likuran kung saan may nakaupong batang babae. "Para pa naman sana sa amin ito ng apo ko."

Napabuntong-hininga ako at pinilit ngumiti. "Maupo na po muna kayo, 'wag muna kayong tumayo, baka madulas kayo."

"Salamat, hija, ha?"

"Walang anuman po, lola." Ngumiti ako at tinalikuran siya. Akma ko nang dadamputin ang mga natapon nang maunahan ako ni Maxrill Won.

"I'll take care of it," nakangiting aniya.

Ngumiti rin ako. "Ako na," kinuha ko ang cups sa kaniya.

"They're clean, it's okay, Dainty Arabelle," seryoso siya.

"Ako nang bahala, Maxrill Won."

Ngumiti siya. "Baby you always disobey me."

"Ako na po diyan, ma'am, sir." Natigil lang kami sa makulit na pagtatalo ni Maxrill Won nang lumapit ang crew. "Salamat po," tila natuwa pa ito sa 'min.

Nagkangitian kami ni Maxrill Won at sabay na nilingon ang matanda. "Let me order something for you and the kid, halmeoni."

Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa. "Totoo?"

Nawala ang ngiti ni Maxrill Won. "Disobedience and distrust," istrikto niyang sinabi.

"It was just an expression," habol ko sa kaniya.

Tumawa siya. "Whatever, brat."

"Ikaw ang brat, nagmamaktol ka nga kapag hindi mo nakukuha ang gusto mo," pahabol ko uli bago lumapit sa matanda.

"Hindi ko siya masyadong naintindihan, hija." Tumingin sa 'kin ang matanda. "Ano raw?" bulong nito.

"Bibilhan daw po niya kayo ng bagong meal,"nakangiting sagot ko, nalulusaw ang puso dahil sa kabutihan ni Maxrill Won.

"Naku, hindi na, hija, nakakahiya," tanggi ng matanda. "Hindi niyo naman ito kasalanan."

Ngumiti ako at hinawakan siya sa kamay. "Ayos lang po iyon, lola. Basta sa susunod, mag-iingat po kayo. Pwede naman kayong magpatulong sa crew dahil kahit magaan ang bitbit ninyo, madulas ang sahig, lola."

Matamis na ngumiti ang matanda, hindi ko inaasahang hahaplusin niya ako sa buhok. "Napakalambing mong bata. Salamat, hija."

"Walang-anuman po." Tumayo ako at tinawag ang bata na inosenteng lumapit sa kaniyang lola. "Dito na lang kayo maupo ni nanay sa tabi ng table namin, ha? May gusto ka bang kainin?" Nahihiyang nagtago ang bata sa balikat ng kaniyang lola, napangiti lalo ako. "Ayos lang, 'wag kang mahiya sa 'kin."

"Salamat po, ate," mahinhin nitong sinabi.

Para akong sira na pinangiliran ng luha. Pinilit kong ngumiti nang todo para maitago 'yon. Nilingon ko si Maxrill Won at hindi inaasahang masasalubong ang kaniyang tingin. Ngumiti siya sa 'kin na para bang natuwa siya sa kapapanood sa 'min. Sinenyasan niya akong maupo kaya sinabihan ko ang maglola na maghintay lang sa katabi naming mesa.

"Salamat, hija," muling anang matanda.

"Walang anuman po." Nakangiti akong naupo sa isang tabi at napalingon nang makita kung gaano karaming mata ang nakatuon sa 'kin.

"She's beautiful, inside and out," dinig na dinig ko ang komento ng isa, nagbaba ako ng tingin para mailihim ang ngiti.

"I know none of us are perfect but despite her imperfections, she's beyond beautiful." Hindi ko na napigilang mapangiti nang marinig ang sumunod na komento. Sa sobrang hiya, naitakip ko ang palad sa mukha.

Sa unang pagkakataon itinaas ko ang metal kong paa at nagpandekwatro. Nginitian ako ng mga nakakita, tumugon ako. Nilingon ko si nanay na ngiting-ngiti rin sa akin at saka ako nakangiting nagbaba ng tingin.

Kung tutuusin, wala lang naman ang ginawa ko pero hindi ko inaasahang ganito ang magiging epekto. Ang sarap sa pakiramdam na may naka-appreciate sa ginawa ko kahit pa madali lang naman 'yon at normal para sa 'kin. Sa tingin ko, kahit sino ang nasa sitwasyon ko kanina, tutulungan si lola.

Lalo akong sumaya dahil pakiramdam ko, ngayon lang hindi nahusgahan at pinanghinayangan ang itsura ko dahil sa kapansanan at kakulangan ko. Sobrang saya, sobrang sarap sa pakiramdam. Lalo pa at nang lingunin ko si Maxrill Won, nabasa ko sa kaniyang mukha ang paghanga sa 'kin.

Hala...natutuwa ako. Naitakip ko uli ang parehong palad sa mukha at doon inilabas ang hindi matawarang ngiti.

Napatingin ako sa cellphone ni Maxrill Won at muling napangiti. Sinulyapan ko siya at nakagat ang labi nang maisip 'yong pindutin.

"Oh..." umawang ang labi ko nang mapamilyaran ang nasa wallpaper. "Ako ba 'to?" tumabingi ang ulo ko na para bang sa gano'ng paraan ko makukumpirma 'yon. "Ako nga..."

Hindi ako makapaniwalang sketch ng mukha ko ang nasa wallpaper niya. Simple lang, nakalugay ang buhok at nakaayos sa harapan. Nakangiti ako sa iginuhit na larawan at bahagyang nakatabingi ang ulo. Isang napakagandang sketch. Hindi dahil sa mukha ko ang naro'n kundi dahil sa paraan ng pagkakaguhit niyon. Itim na itim at malinaw ang bawat detalye; mula sa hugis ng mukha, mga mata, ilong, labi at buhok, kuhang-kuha.

Iginuhit ko ang daliri sa screen ng cellphone habang nakangiti. Nakagat ko ang labi ko at kinuha ang cellphone ko. Plano kong kuhanan ng picture ang cellphone niya. Pero pagkabukas ko pa lang ng camera, nawalan na 'yon ng baterya.

"Hala..." ngumuso ako at bumuntong-hininga. "Sayang naman."

"Hmm?"

Nag-angat ako ng tingin kay Maxrill Won, hinila niya ang silya papunta sa tabi ko at naupo. Sinulyapan niya ang maglola sa kabilang mesa na agad kong sinundan ng tingin. Napangiti ako nang makitang may order number na silang gaya sa 'min.

Nagpasalamat ang matanda sa 'min nang paulit-ulit gayong wala pa namang naise-serve. Napatitig ako kay Maxrill Won nang ngitian niya ang matanda at panoorin itong maging emosyonal sa pakikipag-usap sa kaniya. Naisip ko tuloy kung nasaan ang kaniyang lola.

"Nakita ko ang wallpaper mo," nanunuksong baling ko kay Maxrill Won.

"Hmm?" Ngumiti siya. "And?"

Lalong lumapad ang ngiti ko. "Kukuhanan ko sana ng picture kaso naubos ang battery ng cellphone ko."

"It's my face."

Ngumiwi ako. "Paanong sa 'yo, eh, ako 'yon?"

Umangat ang gilid ng labi niya. "My favorite face."

Nakagat ko ang labi at muling tiningnan ang wallpaper. "Ewan ko sa 'yo." Inirapan ko siya kahit tuwang-tuwa naman talaga ako. "Ang galing ng pagkakaguhit. Sino ang nag-drawing nito, Maxrill Won?"

Ipinatong niya ang siko sa mesa at tumunghay sa 'kin. "Sino sa tingin mo?"

Tiningnan ko ang wallpaper. "Madalas, nilalagay ng mga nagdo-drawing ang pangalan nila sa likha nila, 'di ba? Dito ay..." iginala ko ang paningin sa buong wallpaper, halos maduling na sa lapit ng cellphone. "Walang nakalagay?"

Kinuha niya ang cellphone papunta sa part niya ng table. "I drew it."

Namamangha ko siyang nilingon. "Totoo?"

Inis niya akong nilingon. "Wala ka ba talagang tiwala sa 'kin?"

"Meron," ngisi ko.

Pinindot niya ang cellphone at pumunta sa photos. Nilakihan niya ang picture at nasa mismong buhok ang initials ng pangalan niya, MWDVM.

"Ang haba ng pangalan mo, Maxrill Won."

Ngumiti siya at muling pinatong ang mukha sa kamay upang tumunghay sa 'kin. "Gusto mong pahabain ko rin ang sa 'yo?"

Nagpigil ako ng ngiti. "Ayoko."

Nangunot ang noo niya. "Is that a no?"

"No. It's not now."

"Whatever," humalakhak siya at napalingon sa kabilang mesa nang i-serve ang in-order ni Maxrill Won para sa maglola.

"Napakarami nito, hijo," hindi makapaniwala ang matanda.

"That's how we eat in my country, halmeoni. Go ahead and eat. I ordered something for you to take out too." Sinabi 'yon ni Maxrill Won na para bang tuwang-tuwa siya sa panonood sa maglola. "'Oy, brat. Eat," gano'n niya lang kinausap iyong bata.

"Ano ka ba?" bulong ko. "Baka matakot ang bata sa 'yo."

Sa halip na sagutin, hinawakan lang ni Maxrill Won ang kamay ko at muling nilingon ang matanda.

"Maraming salamat, hijo." Ngumiti ang matanda na hindi na halos makita ang mga mata.

Nakita ko nang emosyonal siyang titigan ni Maxrill Won bago ngumiti. "You're welcome, halmeoni." Nang sandaling 'yon, pakiramdam ko ay mas napuno ng emosyon ang salitang tinawag sa dito ni Maxrill Won.

Nakangiting pinagmasdan ng matanda si Maxrill Won saka inilipat ang paningin sa 'kin at tumango. Ngumiti rin ako at nasigurong pinagtataka nito ang tinawag sa kaniya ni Maxrill Won. Kaso, kahit tanungin ako ni lola, hindi ko rin alam kung ano ba 'yong tinatawag nito sa kaniya.

Nakangiti naming tinanguan ang matanda matapos ang paulit-ulit nitong pasasalamat, hanggang sa magsimulang kumain ang dalawa. Ang sarap nilang panoorin, nasa mga mata nila ang tuwa at pasasalamat.

"Ano 'yong tinawag mo kay lola, Maxrill Won?"

"Halmeoni?" Ngumiwi siya. "It means lola in my country."

"Oh..." namangha ako na may nalamang bago.

"It was so nice of you, Dainty," hinawakan ni Maxrill Won ang kamay ko. "You're making me fall more deeply in love with you, it's crazy."

Lalo akong napangiti, at wala sa sariling hinawakan ang pareho niyang pisngi. Na nagdulot ng bulungan sa mga nakakita sa 'min. Napalingon ako sa mga naro'n at nahihiyang nagtakip ng mukha. Pero kinuha ni Maxrill Won ang mga kamay ko at binalik sa pisngi niya.

"I love you," bulong niya, hindi nilingon ang mga naro'n bagaman siguradong narinig niya.

"I love you," ganting bulong ko.

Natigil lang kami nang may tumikhim sa tabi namin. Nang mag-angat kami ng tingin ay nakangiti na ang crew sa 'min.

"I'm here to serve your orders, love birds." Nakangiti nitong inilapag isa-isa ang hindi mabilang na in-order ni Maxrill Won.

Gusto kong mag-react sa dami niyon pero masyadong nag-init ang mukha ko, hindi ako nakapagsalita pa.

Wala pa man akong natitikman, parang busog na ako. Hinintay kong makaalis ang crew saka ko tinunghayan si Maxrill Won.

"Napakarami naman nito, mauubos ba natin 'to?"

"Of course," ngiti niya, sigurado.

"Napakaraming softdrinks," tatlong malalaking Coca-Cola ang naro'n.

"Because I love Coke."'

"Oo nga, pero napakarami nito."

"We don't have that in my country."

"What?" hindi ako makapaniwala.

"Yeah." Seryoso siya.

Nangunot ang noo ko. "Imposible namang walang Coke sa Korea, Maxrill Won. Wala na ngang McDonald's, wala pang Coke? Pero kung ipagmalaki mo, akala ko meron na rin kayong robots."

Kinuha niya ang pasta at naglagay sa plate ko nang hindi 'yon hinahalo. "We live in North, Dainty."

"North?"

Napabuntong-hininga siya. "North Korea."

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Gusto ko ulit magtanong kung seryoso ba siya pero nakarehistro na 'yon sa mukha niya. Hindi gano'n kalawak ang nalalaman ko tungkol sa bansang 'yon pero sapat na ang ilan para matigilan ako nang gano'n.

"Now you know." Tipid siyang ngumiti nang hindi pa rin ako makapagsalita at bumuntong-hininga. "I was born and raised in Empery, North Korea."

Napangiti ako, hindi niya inaasahan. Siya naman ang natigilan. "Kwentuhan mo pa ako tungkol sa bansa ninyo."

Natitigilan siyang tumitig sa 'kin. "Aren't you...afraid?"saka lang siya ngumiti ngunit tipid pa rin.

"Bakit naman ako matatakot?"

Nagkibit-balikat siya. "'Yon ang madalas na reaksyon ng tao oras na malaman kung saang bansa talaga nagmula ang pamilya ko."

Ngumiti ako. "Siguro...dahil hindi nila kayo nakilala gaya ng pagkakakilala ko sa inyo." Natitigilan uli siyang tumitig sa 'kin. "Wala akong dahilan para matakot sa 'yo, ang totoo, mas minamahal pa nga kita nang todo."

Umawang ang labi niya at napangiti. Gusto ko siyang asarin nang makita kong mamula ang kaniyang mga pisngi.

"It's not your typical dream vacation spot indeed but there is very little of what you all know about our country. What you do know is that it is far different from South and other countries."

Ngumiti ako at tumitig sa kaniya. Gusto ko pang magtanong, marami akong gustong malaman dahil nabuhay talaga ang interes ko. Pero dahil nakikita ko sa mukha niyang naiilang siyang magkwento, ayokong ipilit. Sigurado akong darating ang panahon na hindi na siya mahihirapang ibahagi sa 'kin lahat ng tungkol sa pinanggalingan nilang bansa.

"Kung gano'n, mahusay kang gumamit ng chopsticks, Maxrill Won," inilayo ko ang usapan.

Nag-angat siya ng tingin at natawa. "Of course."

"Gusto kong matuto no'n."

"Bakit hindi ka nagpaturo kay Heurt?"

"Bakit ba sa pangalan mo lang tinatawag si nanay?"ngumuso ako.

"I'm sorry, doon ako nasanay."

"Tawagin mo siyang tiya...o kaya..."

"Nanay?" inunahan niya na ako dahilan para lalo akong mapangiti. "Tsh."

"Isa pa nga?"

"Nanay," kumagat siya sa pizza at tamad na tumitig sa 'kin habang ngumunguya.

"Isa pa."

"Nanay," mariin nang aniya, nakukulitan na sa 'kin.

Pinuno namin ng tawanan at kuwentuhan ang sandaling 'yon. Nabalewala namin ang mga paninging natutuwa kaming pinanonood dahil ang buong atensyon namin ay nasa isa't isa lang.

Kahit tuloy ang pagbuhos nang mas malakas na ulan, hindi namin namalayan.

"Sobrang lakas ng ulan," nanlulumo akong tumingala sa langit at pulos itim na lang ang nakita, bukod sa kaliwa't kanang pagkidlat.

"Take my coat, Dainty." Isinuot niya iyon sa mga balikat ko at bahagyang hinila pataas para matakpan hanggang sa ulo ko. "You can't get sick."

"Paano ka?"

"I don't get sick."

"Ha? Eh, ang kwento ni Bree Anabelle, sakitin ka. Mag-iba nga lang daw ang panahon, kahit hindi ka lumalabas, nilalagnat ka, Maxrill Won."

Kunot-noo niya akong nilingon. "Baka siya ang sakitin," inis na aniya saka tiningnang muli ang kalsada. "Damn, it's so heavy."

Napakalakas nga ng ulan, hindi na halos makita ang malaking parking lot sa harap ng hilera ng restaurants.

"Tumakbo na lang kaya tayo?" Ako pa talaga ang nag-suggest no'n gayong ako itong lampa.

"No, wait for me here, I'll get the car."

"Mauulanan ka, Maxrill Won."

"It's fine, people in my country don't get sick. Stay here."

Hindi na ko nagpumilit nang basta na lang siya tumakbo palayo. Nag-aalala ko siyang sinundan ng tingin pero mabilis siyang nawala sa paningin ko dahil sa lakas ng ulan.

Ngumuso ako. Sana kinuha niya na lang itong coat at hinarang sa sarili niya.

Gano'n na lang lalo ang pag-aalala ko nang makita siyang basang-basa nang makasakay rin ako sa sasakyan.

"Baka magkasakit ka, Maxrill Won."

"I'm fine."

"Uminom ka agad ng gamot pagkauwi."

"My brother is a doctor, don't worry about me." Sinilip niya ang kalsada at hindi halos makita ang daraanan. Nilakasan niya ang ilaw at saka kinuha ang cellphone. "I'll call your mom."

"Sige."

Nakatingin siya sa 'kin habang hinihintay na sagutin ni nanay ang linya niya. "Nanay ni Dainty," 'yon ang sinabi niya dahilan para mapalingon at mangunot ang noo ko. "The rain is freaking heavy, Heurt."

Tumingin siya sa 'kin matapos ko siyang samaan ng tingin. Lalo pang sumama ang mukha ko nang matapos niyon ay wala na akong naintindihan sa mga sinabi niya.

Pero napangiti rin ako nang mapanood kung gaano siya ka-cute na magsalita gamit ang ibang lenggwahe. Sobrang bilis niyang magsalita, at napakaraming sinasabi. Pero naroon pa rin ang natural niyang propesyunal na paraan ng pananalita.

"Alright, I'll take her home tomorrow." Nanlaki ang mga mata ko matapos siyang marinig na sabihin 'yon.

"Anong tomorrow?" bulong ko.

"The day after tomorrow, then," sinagot niya ako.

"Hindi pwede, kailangan kong umuwi ngayon."

"Talk to your mom." Binigay niya ang cellphone sa 'kin.

"Nanay?" sagot ko habang na kay Maxrill Won ang paningin. "Uuwi po ako ngayon, patitilain lang po namin ang ulan."

"Dainty, malakas ang ulan. Doon na lang muna kayo umuwi ni Maxrill Won sa bahay ninyo. Malapit lang daw iyon kung nasa'n kayo ngayon," ani nanay.

Bahay namin... Napatitig lalo ako kay Maxrill Won. Ang sarap sa pakiramdam na talagang bahay na namin ang tawag at turing doon. Mas masarap sa pakiramdam na tanggap ni nanay iyon.

"Pero paano po si tatay?"

"Ako nang bahala sa tatay mo."

"Sigurado pong pagagalitan niya na naman ako. Kaya ko naman pong umuwi, nanay."

"Ako na ngang bahala sa kaniya. Sige na, baka lalo pang lumakas ang ulan dahil dalawa ang bagyo. Mag-iingat kayo pauwi. Sabihin mo kay Maxrill Won, bagalan ang pagmamaneho."

"Opo, nanay."

"Matulog kayo nang maaga."

"Nanay, pwede po bang sa loob ninyo patulugin si Nunna? Baka nababasa siya sa labas."

"Kanina pa siya narito sa loob, Dainty."

"Salamat, nanay!"

"Sige na, umuwi na kayo at 'wag na kayong lumabas. Malakas ang ulan, may bagyo."

"Opo, nanay," may namuong excitement sa dibdib ko. Makakasama ko si Maxrill Won... "Bye-bye po, nanay. Good night."

"Good night, anak." Ibinaba ni nanay ang linya matapos niyon. Emosyonal naman akong napatitig sa cellphone dahil sa huling salitang tinawag niya sa 'kin.

"I love you, nanay," nakangiti at wala sa sariling sabi ko habang nakatitig pa rin sa cellphone.

"What a baby," pang-aasar ni Maxrill Won.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit naman gano'n ang tawag mo kay nanay?"

"What?" kunot-noong sagot niya, inosenteng-inosente.

"Nanay ni Dainty talaga?"

Umawang ang labi niya. "That's..." Sumubok siyang magdahilan pero napipi. "Well, in my country..." Pero hindi niya alam kung paanong magpapaliwanag. "Fine, I'm sorry. That's how we speak in my country."

"In my country...in my country..." bulong ko.

Hindi ko napigilang matawa dahil litong-lito talaga siya. Siguro nga, gano'n ang paraan nila sa kanilang bansa. Naniniwala ako, natatawa lang talaga ako sa reaksyon niya.

Hindi ko na kinulit sa daan si Maxrill Won, pareho kaming tutok doon. Kahit anong pagpapaswabe niya ay halatang nahihirapan din siyang makakita. Napakalas na nga nang ulan kanina, mas tumindi pa 'yon nang nasa byahe na kami. Wala na halos makita sa daan kung hindi ang malakas na buhos at malalaking patak niyon.

May mga nadaanan na kaming tumumbang puno at nagkalat na rin ang mga bagay sa kalsada. Gabi na nga ay mas dumilim pa dahil sa mga posteng namatayan ng ilaw.

Sa huli ay nakarating kami nang ligtas. Inuna kong mag-text kay nanay para ipaalam na nasa bahay na kami.

Pagkapasok ay lakad-takbong umakyat si Maxrill Won, at may bitbit ng towel nang makababa. Imbes na magulat, napangiti ako nang punasan niya ang mukha at leeg ko, saka pinunasan ang buhok ko. Sobrang ingat, na hindi ko halos maramdaman ang bigat ng kamay niya sa towel.

Ngumuso ako dahil siya ang basang-basa kompara sa akin. "Ako na, salamat." Kinuha ko 'yon sa kaniya. Pero dahil mahaba at makapal ang buhok ko, mabilis nabasa ang maliit na towel.

"Why don't you take a shower first? We got drenched in the rain. I'll find you something to wear."

"Sige. Salamat."

Inalalayan niya ako paakyat. "Where do you wanna stay? Maraming guest room, but you can use our room. I'll stay..." nilingon niya ang mga pinto sa hallway. "Outside your door," dagdag niya, nagbibiro.

Napatitig ako sa kaniya. Gusto kong sabihin na pipiliin ko 'yong kwarto na makakasama ko siya. Pero nahihiya ako. Wala akong lakas ng loob isagot 'yon.

"Kahit saan." Ngumiti ako at tumuloy sa master bedroom.

Pinagbukas niya rin ako ng pinto sa bathroom. "Call me if you need anything."

"Sabay na tayong maligo, Maxrill Won, baka magkasakit ka. Ikaw ang higit na naulanan sa 'ting dalawa."

Kunot-noo niya 'kong tinitigan. "Are...you sure?"

"Oo, baka kasi magkasakit ka."

"Okay," inosente ngunit namumula siyang nag-iwas ng tingin at nakangusong inalis isa-isa ang butones ng shirt niya.

Nangunot din ang noo ko. "Ano'ng...ginagawa mo...Maxrill Won?" Napapalunok ko siyang pinanood na mag-alinlangang alisin ang shirt niya.

Iniharang niya ang kamao sa noo. "Fine, let's shower...together."

Umawang ang labi ko sa gulat at nakasimangot na nagtakip ng mukha. "Hindi gano'n ang sinabi ko," saka ko siya tiningnan. "Ibig kong sabihin, maligo tayong pareho pero...sa magkaibang banyo." Nasapo ko rin ang noo. Kasalanan ko 'yon, hindi ko nilinaw ang ibig sabihin.

Namilog ang labi niya. "Oh..." saka tatawa-tawang tinago ang mukha niya. "Okay, go ahead. Babalik ako."

Hindi na 'ko sumagot, nakanguso ko siyang sinundan ng tingin. Minsan pang nangunot ang noo ko nang isiping lalabas na siya. Sa halip, may binuksan siyang panibagong pinto at ilaw, tumuloy sa walk-in closet. Ilang saglit pa, isa-isa niyang tinitingnan ang pares ng undies na hawak niya. Tila ba namimili kung alin sa mga 'yon ang magugustuhan ko; iyong pink, blue o green, dahil mukhang iisa lang ang sukat. At sa isang tingin lang, sigurado akong kasya sa 'kin ang mga 'yon.

Pero hindi ko akalaing gano'n kakaswal niyang hahawakan ang mga 'yon. Habang ako ay nag-iinit ang buong mukha sa kahihiyan, hindi malaman kung titingnan siya o tatalikod na lang.

"Which one"

"Maxrill Won!" nakapikit kong singhal.

"What?" nabigla siya.

Sa inis ay hinila ko lahat ng hawak niya. "Lumabas ka na nga! Ako nang bahala sa sarili ko."

Lumabi siya. "Okay." Ngumisi siya at babaling na sana palabas nang muling bumalik sa closet. Kahit masama ang tingin ko, nakangiti siyang naglakad papalapit nang makabalik. "Wear this."

"Ako nang bahala sa sarili ko," pagmamatigas ko.

"Sure, brat." Ngumisi ulit siya at saka kumaway palabas.

Inis ko siyang sinundan ng tingin. Nang mawala siya ay saka ako pumasok at nag-lock sa banyo.

To be continued. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji