CHAPTER 54

CHAPTER 54

PINAGPAG NI Maxrill Won ang parte ng sofa sa tabi niya, pinauupo ako. Ngumiti ako at sumunod. Iniakbay niya ang braso sa likuran ko at saka nagpatuloy ang pag-inom ng coffee. Pinalobo ko ang bibig ko at nilingon siya. Nangunot ang noo ko nang makitang ngingiti-ngiti pa rin siya.

Ngumuso ako. "Pinagtatawanan mo ba ang kape ko?"

Nagugulat niya akong nilingon, pinagkunutan din ako ng noo."Of course not," nakangiti siyang nag-iwas ng tingin at ginala ang paningin sa buong bahay namin. "I was just thinking..."nilingon niya uli ako. "It feels nice to just sit, drink coffee and do nothing with your special someone on your birthday."

"Do nothing...huh?" bulong lang sana 'yon pero narinig niya dahil sa sobrang lapit niya sa 'kin.

Nagugulat niya akong nilingon at nang maisip ang ibig kong sabihin ay saka siya natawa. Inihilig niya ang batok sa sofa at saka pumikit. "I wanna do these little things every morning, with you, Dainty." Saka niya ako nilingon. "Wala akong pakialam kung mapagod ako sa trabaho kung sa 'yo ako uuwi gabi-gabi." Pantay na talaga ang Tagalog niya, umawang ang labi ko.

"Napakahusay mo nang mag-Tagalog, Maxrill Won!"mangha ko.

Mabilis na nawala ang maganda niyang ngiti na nasundan ng buntong-hininga. "I'm daydreaming alone, how sweet." Bumungisngis ako. "Let's wait for your parents then we'll go outside."

"Saan naman tayo pupunta?"

"It's my birthday, brat. We'll celebrate it together."

Na-excite ako. "Sige!" tuwang-tuwa na agad ako. "Kaso...wala akong regalo sa 'yo." Gumapang ang hiya sa kabuuan ko. "May...gusto ka bang matanggap ngayong birthday mo, Maxrill Won?"

Ang lakas ng loob kong itanong 'yon. Lalo pa nang sumagi sa isip ko ang sariling ipon at binigay na ideya ni nanay kung saan ko dapat gamitin 'yon. Napabuntong-hininga ako nang maisip na gusto ko siyang bilhan ng regalo. Todo tanggi pa ako kay nanay nang isuhestiyon nito 'yon, gano'n lang din pala ang mararamdaman ko.

Ganito pala kapag nagmamahal ka. Kahit na ang pinakatatabi mong bagay para sa pangarap at kinabukasan mo, handa mong ilabas para mapasaya o masorpresa siya.

Inilapag niya ang tasa sa mesa at saka humarap sa 'kin. Ipinako niya ang siko sa sandalan ng sofa at dinantay roon ang sentido niya upang matingnan ako nang deretso at malapitan.

"May...gusto ka bang bagay na...wala pa sa 'yo?" tanong ko.

Nag-isip siya kunyari. "Hmm..."

"May gusto ka bang kainin?" dagdag ko nang hindi makapaghintay sa tagal niyang sumagot.

Awtomatiko siyang tumingin sa 'kin. "Meron." Umangat ang gilid ng labi niya nang isagot 'yon.

"Ano 'yon?" awtomatiko kong sagot.

Lalong lumapad ang kaniyang pagkakangiti nang mahulog ang paningin niya sa aking labi. Nakagat ko ang sariling labi bago naitikom ang bibig ko.

"Ano'ng iniisip mo, ha?" nakangusong tanong ko.

Humalakhak siya. "Anything, basta luto mo."

"Marami akong alam lutuin, Maxrill Won, sabihin mo, ano'ng gusto mong kainin?"

Kinagat niya ang gilid ng kaniyang labi habang nakangisi. Humalakhak siya na para bang may naisip na hindi niya maaaring ibahagi. Saka umayos ng upo at muling kinuha ang kaniyang kape upang ubusin ang laman niyon.

"Gusto mo ba ng pitsi-pitsi?" suhestyon ko. "Palitaw? Hindi ba't 'yon 'yong madalas mong i-request kay nanay noon? Magkatulong naming ginagawa ang mga 'yon."

Nagugulat niya akong nilingon. "Seriously?"

Tumango ako at saka nangiti nang maalala ang mga panahong 'yon. "No'ng una...tinatanggihan ko si nanay kasi mas gusto kong magpahinga. No'ng bago pa lang kasi 'tong paa ko, mabilis akong mapagod sa matagalang pagtayo."Nakamot ko ang sentido at pinagsalikop ang mga kamay ko. "Pero no'ng makilala kita at...nalaman kong gusto mo ang mga 'yon kahit wala sa plano ni nanay na magluto ng kakanin, ako na mismo ang nagyayaya sa kaniya." Pinigilan kong lumapad ang ngiti sa huli dahil sa hiya.

Namamangha siyang tumitig sa 'kin saka natawa. "Why?"nakangiwi kunyari niyang tanong, nangingiti rin.

"Wala lang," nakanguso kong sagot saka nasalubong ang hindi naniniwala niyang tingin. Napabuntong-hininga ako, walang choice kung hindi magsabi nang totoo dahil nabisto na 'ko ng bibig ko. "Kasi...gusto kong magluto para sa 'yo," nangingiting dagdag ko. "No'ng una, nahihiya pa 'kong sumama na ihatid sa 'yo ang mga 'yon. Pero no'ng sumunod na pagkakataon, excited na akong sumama kay nanay."

"Because you want to see me?"

Nagugulat ko siyang nilingon. "Hindi, 'no," depensa ako.

Humalakhak siya. "Okay..." kunyaring naniniwala siya, hindi kumbinsido.

Bisto talaga ako. "Medyo gano'n na nga, Maxrill Won,"napapikit ako matapos sabihin 'yon, lalo na nang tuluyan siyang matawa.

"Nice to know that."

"Psh."

Magsasalita na sana siya nang marinig namin ang tunog ng sasakyang huminto sa harap ng bakuran. Tumayo ako sumilip sa bintana. Namangha ako nang makitang bumaba mula sa hindi ko makilala sasakyan sina nanay, tatay at kuya.

"Si Kuya Kev ang nagmaneho?" hindi ako makapaniwala. "Kaninong sasakyan 'yan?" sarili ko ang aking kausap.

Dere-deretso akong lumapit sa pintuan at pinanood silang tatlo na pumasok. Halos kasabay lang din nilang dumating si Bree Anabelle na may bitbit na mga supot.

"Mabuti at gising ka na," bungad ni nanay. "May bisita ka." Nakakaloko siyang ngumiti saka sumulyap sa gawi ni Maxrill Won na awtomatikong tumayo at tumango. Gumanti si nanay. "Happy birthday, maknae."

Maknae...? Napabuntong-hininga ako. Hindi na 'yon ang unang beses na marinig ko 'yon.

"Thank you, Heurt," muling tumango si Maxrill Won.

"Happy birthday, Maxrill!" nagtatakbo si Bree Anabelle palapit at akma nang yayakap nang matigilan dahil sa maamoy niyang bitbit. "Pasensya na, galing ako sa talipapa para mamili ng tanghalian."

Talipapa... Napalingon ako kay Maxrill Won, nakangiti siya kay Bree Anabelle. 'Yon pala 'yon.

"Thanks, Bree," ngiti ni Maxrill Won na awtomatikong uling tumango nang makapasok si tatay. "Good morning, sir."

Tumikhim si tatay, agad nag-iwas ng tingin. "Salamat sa..."mabigat na hininga ang pinakawalan niya muna. "Salamat sa pagpapagamit ng sasakyan. Nakarating kami ng oras sa ospital."

Natigilan ako at nagpalitan ng tingin kina nanay, tatay at kuya. "May nangyari po ba?" gumapang ang pag-aalala sa kabuuan ko.

"Nahihirapang dumumi ang tatay mo, at idinadaing ang sakit ng tiyan ilang araw na," buntong-hininga ni nanay. "Pero ayos na siya, kulang lang siya sa tubig. Naresetahan na rin siya ng gamot."

Lumapit ako kay tatay. "'Tay," hinawakan ko ang kamay niya. "'Wag pong matigas ang ulo ninyo, sundin at gawin ninyo ang sinasabi ng doktor. Inumin po ninyo ang mga gamot ninyo."

"Sa tubig ako kinulang at hindi sa gamot," ngiwi ni tatay. "Sige na, may lakad pa yata kayo." Nag-iwas uli siya ng tingin. "Pinayagan kita dahil kaarawan mo," dagdag niya na hindi tinitingnan si Maxrill Won. "Pero hindi ibig sabihin no'n, aabutin kayo ng dilim sa labas ng anak ko."

Hindi ko malaman kung matutuwa ako o magtatampo sa paraan ng pakikipag-usap ni tatay sa aking nobyo. Iyong una ang pinili ko. Namamangha kong nilingon si Maxrill Won na awtomatiko uling tumango kay tatay.

"Thank you, sir. Uuwi po kami bago dumilim." Talagang pantay na ang Tagalog ni Maxrill Won, napangiti ako.

Tikhim na lang ang sinagot ni tatay. Sumulyap siya sandali sa 'kin at gumanti ako ng ngiti. Saka niya sinenyasan si nanay na ihatid na siya sa kwarto.

Nakangiwing nginisihan ni nanay si Maxrill Won saka sumenyas sa 'kin na umalis na kami. Ngumiti ako.

"Thank you, Maxrill," ani Kuya Kev na inabot pabalik ang susi kay Maxrill Won. "Ganda ng sasakyan mo. Bagong-bago."

Nagugulat kong nilingon si Maxrill Won.

Grabe...ilang beses ba siyang magpalit ng sasakyan? Hindi ako makapaniwala. Kung ako ang tatanungin, sa tagal naming magkakilala, isa o dalawang beses ko pa lang yata siya nakitang nag-ulit ng sasakyan. Kung ako ay ayaw mag-ulit ng damit, mukhang gano'n din siya. Ngunit ang pinagkaiba naming dalawa, sasakyan ang sa kaniya.

"Anytime, bro." Tinapik ni Maxrill Won si kuya saka ngumiti sa 'kin. "Let's wait for Heurt before we leave."

"Bakit hindi muna kayo magtanghalian dito?" ani Bree Anabelle, pinupunas ang bagong hugas na kamay sa suot na t-shirt.

"Someone's going to cook brunch for us, so...sorry."Nakamot ni Maxrill Won ang batok.

"Mukhang pinaghandaan mo talaga ang birthday mo, ah?" pang-aalaska ni Bree Anabelle. "Ingatan mo ang ate ko, ah! Lagot ka talaga sa 'kin."

"You don't scare me, but sure," mayabang na ani Maxrill Won, nginiwan siya ng bunsong kapatid ko habang pinagtawanan naman ito ni kuya.

Lumabas muli si nanay upang lumapit sa 'kin. "You heard her father, 'wag kayong magpapaabot ng dilim sa labas, Maxrill Won."

"I promise, Heurt," tumango si Maxrill Won.

"Kung sakaling magbago ang isip mo, tawagan mo muna ako bago ka magdesisyon," kumindat pa si nanay.

Nagugulat ko siyang tiningnan. "Ano pong ibig mong sabihing, nanay?"

Nagkibit-balikat si nanay. "Baka hindi ka na pauwiin, e,"natawa siya. "Kompleto ang pamilyang Moon, naro'n silang lahat sa mansyon."

"Uuwi po ako," nakangusong sagot ko.

Ngumiti si nanay saka inayos ang buhok ko. "Sige na, mag-enjoy kayo."

"Salamat po, nanay." Yumakap ako at humalik sa kaniyang pisngi.

"Napaka-sweet naman talaga ni Dainty Arabelle, masaya ka kasi, ano? Narito kasi ang nobyo mo," pang-aasar pa ni nanay.

"Nanay naman, eh," kaunti na lang at magmamaktol na 'ko.

"'Ayan, bagay na bagay talaga kayo, mga isip-bata. Tsk tsk. Sige na," sinenyasan niya si Maxrill Won na tatawa-tawa lang sa isang tabi.

"We'll go ahead," nakipagtapikan sa balikat si Maxrill Won kina nanay at kuya saka ako inalalayan palabas. Inihatid nila kami sa labas. Pinagbuksan niya ako ng pinto, gano'n na rin sina Hee Yong at Nunna, saka muling hinarap ang pamilya ko. "See you later."

Kumaway ako kina nanay, kuya at Bree Anabelle bago tuluyang makalayo ang sasakyan ni Maxrill Won. Ngumiti ako sa kaniya saka itinuon sa daan ang paningin. Ngunit hindi ko inaasahan ang makikita sa gitna ng talahiban. Ang nakangising mukha ni Tiyo Hwang. Dahilan para gumapang ang kilabot sa kabuuan ng aking katawan.

"Are you hungry?" narinig ko ngunit tila hindi naunawaan ang tanong ni Maxrill Won.

Hindi ko nagawang lingunin si Tiyo Hwang sa takot na mapansin 'yon ni Maxrill Won. Ngunit natuon sa side mirror ang paningin ko kung saan nakikita ko pa rin siyang nakatanaw sa aming paglayo.

"Baby..." hinawakan ni Maxrill Won ang kamay ko na ikinagulat ko pa. Nagtataka niya akong nilingon saka muling tinuon ang paningin sa daan. Natawa siya. "Are you okay? You look nervous."

Hindi agad ako nakasagot. Sandali akong natuliro, kung saan-saan lumingon saka nameke ng ngiti. "Oo."

Nilingon ulit ako ni Maxrill Won, nangangapa, inaalam kung ano bigla ang nangyari sa 'kin, bago tinuon muli sa daan ang paningin.

"I'm asking if you're hungry?" pag-uulit niya.

"Hindi, ayos lang." Binawi ko ang kamay ko sa pag-aalalang maramdaman niya ang panginginig ko.

Ano'ng ginagawa ro'n ni Tiyo Hwang?

Nag-aalala kong tiningnan muli ang side mirror ngunit eksaktong lumiko ang sasakyan papunta sa highway dahilan para hindi ko na matanaw ang bahay namin. Pinuno ng pag-aalala para kina nanay at pamilya namin ang isip ko. Kaya sa huli, hindi ko naunawaan ang mga sinasabi ni Maxrill Won. Ang tanging alam ko ay nagkukwento siya habang nasa daan.

"Baby you're not listening to me," nagtatampo ang tinig ni Maxrill Won. Hindi ko namalayan nang ihinto niya ang sasakyan. Hinawak niya ang kamay sa sandalan ng upuan ko at tumunghay sa 'kin. "Since we left your house, hindi ka na nagsalita. Tell me, what's wrong?"

Napalunok ako. Kung sasabihin ko sa kaniya ngayon, baka masira ko lang ang araw niya. Paniguradong maiinis siya kay Tiyo Hwang, lalo na sa ginagawa nitong paglapit sa 'kin na nagdudulot ng kakaibang takot.

"Ano..." nag-isip ako ng maidadahilan. "Nagugutom na pala ako, Maxrill Won."

Umawang ang labi niya. "Yeah, of course. Sorry." Natatawa siyang bumaba at pinagbuksan muli ako ng pinto.

Gano'n na lang ang pagtataka ko nang makitang nasa bakanteng lote kami. Tanging 'yong dalawang palapag na gusali sa di kalayuan ang makikita at nakalapag na helicopter.

"We're going to ride a chopper," ani Maxrill Won na ngumiti sa 'kin at inalalayan ako pababa.

"Talaga?" nagugulat kong tugon. Nakangiti siyang tumango saka ako isinara ang pinto.

May lumapit sa 'ming dalawang naka-suit at naka-sunglasses na lalaki. Sabay na tumango sa 'min ni Maxrill Won ang mga ito. Kapagkuwa'y inabot ni Maxrill Won ang susi ng sasakyan niya sa isa at kinausap ang mga 'to gamit ang ibang lenggwahe.

Sabay naming nilingon si Tiyo Dirk na bumaba mula sa chopper upang lumapit sa 'min. Umawang ang labi ko dahil hindi ko halos siya makilala. Kaylakas ng dating ni tiyo sa suot na itim na shades, itim at hapit na slacks, at puti at hapit polo na may mahahabang manggas. Maging ang sapatos niyang makintab at may kahabaan ay kaylakas ng dating at bumagay sa kaniya. Para talaga siyang piloto!

Tumango siya kay Maxrill Won. "Happy birthday, Sir Maxrill."

"Thanks, dude." Lumapit si Maxrill Won at yumakap kay Tiyo Dirk, nagtapikan sila ng balikat. Napangiti ako dahil nakakatuwa silang tingnan.

Kapag ganito ay napakagagalang tingnan ng magkakapatid na Moon. Pare-pareho kasi silang tanguan nang tanguan, ang totoo hindi ko mabilang kung ilang beses nilang ginagawa 'yon. Maging ang mga kilos nila, masasabi parating naro'n ang paggalang. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit iba na sa sandaling may lumabas na salita sa mga bibig nila. Kung ako ang tatanungin, si Kuya Maxwell na ang pinakamagalang.

Minsan, naninibago ako sa t'wing makikita ko kay nanay ang mga gano'ng kilos. Sa t'wing kasama o kaharap namin ang pamilyang Moon, palitan sila nang palitan ng tango. Bagay na hindi ko nakikita kay nanay sa t'wing kami ang kasama o kausap, o iba pang tao na walang kinalaman sa mga Moon.

"Dainty," tumango rin sa 'kin si Tiyo Dirk sa akin.

"Hello po, tiyo. Kumusta po kayo?" ngiti ko.

"I'm cool, thanks." Ngumiti siya saka isinenyas na lumapit na kami sa helicopter. "How's Heurt Moon?"

Nangiti ako. "Ayos lang naman po si nanay, tiyo. Salamat po sa pangungumusta." Ngiti na lang ang ginanti niya sa 'kin. Napakagandang lalaki ni tiyo kahit pa mukhang may edad na. "Grabe..." hindi ko napigilang humanga nang maglakad kami papalapit sa chopper.

Lalo na nang makita ko ang nakaimprenta na gintong Moon Dynasty sa kulay makintab na itim na helicopter. May iba pang nakaimprenta do'n, salita na hindi ko maintindihan dahil iba ang letra. Bukod sa simbolo na hindi ko matukoy kung tatlong buwan ba o nakabalot na candy.

"Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na may sarili kayong helicopter at eroplano, Maxrill Won," hindi ko malaman kung matatawa ba ako o hahanga nang sabihin 'yon.

"Why?" nakitawa rin siya. "It's normal, Dainty." Inosente siya nang sabihin 'yon, nawala ang ngiti sa mukha ko at nakalabing bumuntong-hininga.

Normal lang sa kaniya ang may eroplano at helicopter. Normal kaya talaga kami ng pamilya ko? Muli pa 'kong napabuntong-hininga.

"Saan tayo pupunta?" excited na tanong ko.

"We're going to eat brunch, breakfast and lunch," ngiti niya.

Nawala maging ang excitement sa mukha ko. Brunch lang...kailangan pa naming sumakay sa helicopter...

Ganito pala talaga si Maxrill Won. Hindi na dapat ako magtaka kung paanong nasa Palawan siya nang gabing magkausap kami at nasa Laguna na nang magising ako kanina. Wala yatang imposible sa kaniya.

Ngunit kung hindi ako nagkakamali, siya lang ang ganito sa kanilang magkakapatid. 'Yong tipong lumilipad kung kailan niya gusto. Ni hindi ko matandaang narinig ko na sina Kuya Maxwell at Ate Maxpein na banggitin ang eroplano o chopper nila, maging si Tiya Maze. Tanging sina Tiyo More, Lolo Mokz at Maxrill Won ang nagbabanggit niyon.

"Are you afraid of heights?" nilakasan ni Maxrill Won ang boses nang itanong 'yon, nilalabanan ang lumalakas na ingay ng chopper.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Ang totoo, natatakot ako, kabado, dahil ito ang unang pagkakataon na sasakay ako sa chopper bagaman nakasakay na ako sa eroplano.

"Ayos lang naman, Maxrill Won," pakiramdam ko ay kinulang ang lakas ng boses ko. Kinailangan niyang ilapit ang pandinig sa 'kin para mas maintindihan ako. "Ayos lang. Hindi ako natatakot."

Totoo rin 'yon. Ewan ko ba kung bakit sa kabila ng kaba, excited ako. Hindi ko matukoy kung ang experience pa ba ang dahilan no'n o ang presensya na niya. Dahil alam kong nasa himpapawid man kami o nasa lupa, hindi niya 'ko pababayaan. Iba talaga ang tiwala ko sa lalaking 'to, hindi ko mapangalanan ang pinagmumulan.

Marahan niya akong inalalayan pasakay sa chopper at tinulungan akong isuot ang gears. Pinaliliwanag niya rin isa-isa kung para saan ang mga 'yon at kung ano ang dapat na pindutin at galawin kung may gusto akong gawin. Matapos no'n ay saka niya pinaupo sina Hee Yong at Nunna sa harapan namin. May kani-kaniya ring protective gears ang mga ito, nakakatuwa. Saka niya kinausap si Tiyo Dirk sa mga dapat gawin dahil iyon ang unang pagkakataong sasakay ako sa chopper.

Hindi nagtagal, inanunsyo ni Tiyo Dirk ang pag-angat ng chopper bago ginawa 'yon. Naririnig ko siya sa head gear na nasa ulo at tainga ko. Nilingon ko at nginitian si Maxrill Won na agad din niyang ginantihan. Mayamaya pa, tinunghayan ko na ang bintana at pinanood ang unti-unti naming paglipad.

Ngiting-ngiti ako nang lingunin si Maxrill Won, nakangiti niyang pinanood ang lahat ng reaksyon ko. Aaminin kong isa sa mga kinahihiya ko ang pagiging ignorante sa maraming bagay. Natatandaan ko no'ng unang beses na sumakay ako sa kotse at hindi malaman kung ano at alin ang mga dapat pindutin o galawin para gumana ang mga parte niyon.

Pero iba na lang lagi pagdating kay Maxrill Won. Parati siyang bukas sa pagtuturo sa 'kin at sa pagpapaliwanag ng mga bagay-bagay kaya sa huli ay nagiging natural ang hiya ko. Sa kaniya ko lang naramdamang gusto ko ang pagiging ignorante, kasi siya rin ang pumapawi niyon at nagbibigay ng maraming kaalaman sa 'kin.

"Grabe...ganito pala ang itsura ng Laguna kapag nasa ere," sabi ko, saka pa lang nilingon si Maxrill Won. Nakangiti na siya sa 'kin. "Hello, Maxrill Won," nakangiti ko siyang kinausap sa mikropono.

"Hi, Wednesday," napapailing niyang sagot.

"Hala! 'Ayun ang BIS!" Ignorante kong sabi habang nakaturo roon mula sa bintana. Sa taas namin, nakikita ko ang kalawakan ng ilang parte ng Laguna at nakilala ang aming paaralan. "'Ayun naman ang SIS," nakangiti ko ring itinuro. "'Ayun ang Pavilion mall...nakakamangha."

Tumunghay sa 'kin si Maxrill Won. "That's our house,"itinuro niya ang may kahabaang mansyon na may normal na taas ngunit napakalawak na bakuran.

"Napakaganda ng bahay ninyo," ngiti ko. "Napakalaki rin!"

"Your house is big too."

"Bigay ni Ate Maxpein ang bahay namin, regalo niya 'yon kay Nanay Heurt."

Nakangiwing tumango si Maxrill Won. "Sweet, huh?"

Tumango ako at nangiti dahil halatang proud siya sa kaniyang ate. "Napakaswerte mo sa mga kapatid mo, Maxrill Won. Kanino ka mas close, kay Ate Maxpein o Kuya Maxwell?"

Ngumiwi ko. "They're also lucky to have me. We're all close, I like them both. They're both protective, sweet and loving, albeit temperamental."

Napanguso ako. "Hindi ba't gano'n ka rin?"

"Not really, I'm not impatient." Kaswal niyang sinabi 'yon, hindi ko alam kung kumbinsido ba ako. Pero aaminin ko ring

"Bakit nga pala tinatawag ka nilang maknae?"

"I'm the youngest amongst my family."

"Salita niyo 'yon?"

"Yes." Itinuro niya ang bundok na minsan na naming napuntahan. Nanlaki ang mga mata ko. "Remember Mount Romelo?"

Magkakasunod na tango ang sinagot ko. "Oo naman! Do'n tayo pupunta?"

Nakangiti siyang tumango. "Yeah."

"Hala..." lumapad ang ngiti ko sa excitement.

Hindi ko nalilimutan lahat ng nangyari do'n, at hindi ko akalaing dadalhin ulit ako ni Maxrill Won doon sa araw naman ng kaniyang birthday.

Hinawakan ko ang kamay niya saka ako lumabi. "Nakakainis, wala akong regalo." Talagang nalungkot ako.

Kung alam ko lang na darating siya, napaghandaan ko sana 'yon. Nakakalungkot na masyado kong idinahilan ang layo namin sa isa't isa kung pwede namang paghandaan ko at ibigay kung kailan kami magkita, gaya ng suhestiyon ni Bree Anabelle. 'Eto at sising-sisi tuloy ako. Siya ang may birthday pero ako ang sinosorpresa niya. Nakokonsensya ako.

"It's okay, you're my everyday gift." Kinindatan niya 'ko. "We're descending."

Hindi niya binitiwan ang kamay ko. Sabay kaming sumilip sa 'baba at pinanood ang paglapag namin. Napadungaw lalo ako sa bintana nang makitang sa helipad kami lumalapag. Natatandaan ko ang unang punta namin doon, at wala ni isang detalye akong nalilimutan. Ang totoo, pamilyar pa sa 'kin ang lahat ng nakikita ko. Maliban sa malaking bahay na ito kung saan mismong lumapag ang chopper.

"Let's go," mayamaya ay ani Maxrill Won.

Marami pang sinabi si Maxrill Won habang inaalis ang gears ko, maging nina Hee Yong at Nunna. Pero ang paningin at atensyon ko ay napako na sa magandang tanawin at sa bahay na ito na siyang tinutungtungan namin.

"Wala 'tong bahay na 'to noon, 'di ba?" nasabi ko nang makababa kami ng helicopter.

Nakita kong nagkatinginan sina Tiyo Dirk at Maxrill Won at sabay na ngumiti nang palihim ngunit hindi rin nakaligtas sa 'kin.

Binaling ko na lang uli ang paningin sa paligid. "Paano kaya nila naitayo 'to rito?" Hindi ako makapaniwala sa laki ng bahay.

Nasa tuktok pa lang kami nito, sa helipad mismo, pero nakikita ko na kung gaano ito kalawak. Mas malaki at mas malawak iyon kaysa mansyon ng mga Moon na tinuro ni Maxrill Won kanina.

"Let's go," inilahad ni Maxrill Won ang kamay sa 'kin. Habang ang isa pa niyang kamay ay hawak ang parehong leash nina Hee Yong at Nunna.

"Grabe...napakaganda ng bahay na 'to, Maxrill Won. Mabuti pumayag na makilapag ka ng helicopter?" sabi ko, nakalingon sa kaniya.

Nilingon niya rin ako, hindi ko mapangalanan ang reaksyon sa kaniyang mukha. Para bang ngayon lang niya hindi nasakyan ang pagiging ignorante ko.

"Wow, may elevator pa," kamangha-mangha talaga.

Matunog na bumuntong-hininga si Maxrill Won saka kami inakay papasok, nahuli si Tiyo Dirk na siya ring nagpindot sa buton. Ginala ko sa elevator ang paningin, hindi 'yon gaya ng sa regular na elevators. Naghahalo ang kulay ng ginto at itim na kulay at pulos salamin ang kalahating dingding, habang ang kalahati pa ay tila cushion na kulay ginto rin.

Pumuwesto si Maxrill Won sa likuran ko at iniyakap ang isang braso sa 'kin. Saka ko naramdaman nang ilapit niya ang mukha sa pisngi ko.

"Close your eyes, baby," bulong niya na awtomatiko kong sinunod.

"Bakit?"

"Just keep it closed."

Nahugot ko ang hininga ngunit walang ginawa kung hindi ang sumunod. Tumunog ang elevator at narinig kong bumukas ang pinto. Inalalayan niya akong maglakad papalabas, nanatili ako sa mariing pagkakapikit.

"You may now open your eyes," muling bulong niya.

Bumungad sa 'kin ang nakakalula sa laki na bulwagan. Halos kulangin ang pagkakalingon ko para matanaw ang lahat sa sobrang laki ng lugar. Kulay puti at malamlam na asul ang karamihan sa mga gamit, disenyo at pintura ng bahay, bukod sa natural na kulay ng kahoy. Malawak ang espasyo at magkakalayo ang lahat ng gamit. Ang dingding ay pulos salamin at gawa sa tila mamahaling kahoy ang pundasyon.

Binitiwan ni Maxrill Won sina Hee Yong at Nunna saka namin sabay na pinanood magtatakbo ang dalawa. Inamoy nila ang bawat sulok at mukhang maubos man nila ang magdamag, hindi nila maaamoy ang buong lugar. Napakalaki ng bahay na 'to!

Kinuha ni Maxrill Won ang kamay ko at inakay ako papalapit sa balkonahe. Panay pa rin ang gala ng paningin ko. Mukhang bago ang lahat ng gamit.

Napasinghap ako nang buksan ni Maxrill Won ang dalawang pintuan ng balkonahe at sabay naming masalubong ang sariwang hangin at magandang tanawin. Kahit pa maglabo-labo sa kalilipad ang buhok ko at kurtina, hindi ko alintana, namamangha ako sa nakikita ko.

Inakay ako ni Maxrill Won palabas sa pahaba ngunit malawak na balkonahe kung saan may apat na outdoor Nordic round beds at rattan tables. Nilingon ko si Maxrill Won nang ilapit niya ako sa barandilyang gawa sa kahoy, at hawakan ako sa magkabilang balikat.

"Remember this place?" tanong niya habang nakatanaw ako kung saan lumitaw at bumaba ang araw nang unang beses kaming magpunta ro'n. Parang kapantay namin ang langit nang sandaling 'yon, hindi ko na kailangang tumingala. Ngayon ay literal na nakakasama namin ang ulap, hindi ko mapigilang manginig sa lamig.

Tumango ako. "Of course," tila naramdaman ko muli ang paghanga nang maalala ang napanood do'n noon. "Napakaganda ng lugar na 'to, hindi ko pagsasawaang pumunta rito." Ngumiti ako at humarap sa kaniya.

Isinandal ako ni Maxrill Won sa barandilya at inilapit pa lalo ang sarili sa 'kin. "This place is mine," halos pabulong niyang sinabi ngunit malinaw kong narinig. Awtomatikong nawala ang ngiti sa labi ko sa gulat. "I bought and built it for my wife,"dagdag niya nang hindi inaalis ang pagkakatitig sa 'kin.

Umawang ang labi ko, hindi malaman ang sasabihin. Wala siyang binanggit na pangalan, ni hindi niya sinabing ako ang kaniyang tinutukoy. Pero sa paraan ng pagkakatitig niya sa 'kin tila gano'n ang gusto niyang sabihin.

"Do you like it?" mahinang tanong niya.

Gusto kong tumango pero gumuhit ang luha sa magkabilang mata ko. Pinilit kong ngumiti para maitago ang hindi maipaliwanag na bugso ng emosyon. Saka ako marahang tumango.

"This place is yours, Dainty," aniyang nakatingin sa mga mata ko. Saka bumaba ang paninging 'yon sa mga labi ko. "This is our home. You're my home."

Nagugulat man at halo-halo ang emosyon, niyakap ko siya. Mabilis kong pinahiran ang mga mata ko nang magsimulang tumulo ang mga luha ko.

"Why are you crying?" natatawang tanong niya, pilit akong iniharap sa kaniya.

Umiling ako. "Hindi lang ako makapaniwala," nahirapan agad akong magsalita.

Nagbaba ako ng paningin sa paanan ko at saka ngumiti sa kaniya habang lumuluha. Hindi ko pa rin maisalin sa salita ang lahat ng nararamdaman ko kaya sa huli ay niyakap ko na lang uli siya. Hindi ko na kinahihiya ang kakulangan ko. Nababalewala ko na rin ang mga taong pumupuna o pinagtatawanan ang paa ko. Pero kahit kailan yata, hindi ko maipapaliwanag kung paano akong minahal nang ganito ng lalaking 'to sa kabila ng kakulangan ko.

"I'm hungry," bulong niya.

Natawa ako. "Sige, kumain na muna tayo."

"Sorry," natawa rin siya saka pinahiran ang mga luha ko. "Anyway, we also own a property down the trail."

"We?" nakaawang ang bibig na tugon ko nang maupo kami sa round bed. "Anong property?"

"It's a commercial lot. We'll ask Deib Lohr to design a space or a building for you."

"For me?" nalilito pa rin ako. Nahinto lang kami nang lumapit si Aling Nenita, hindi ko inaasahan. "Aling Nenita!"

"Hm," sinamaan agad niya 'ko ng tingin. "Sanay na sanay ka na sa Aling Nenita, natutuwa ako sa 'yo talaga."

"Masaya po akong makita kayo," sa tuwa ko ay nayakap ko siya.

Natatawang hinagod ni Aling Nenita ang likuran ko. "Na-miss din kita, hindi ka pumupunta sa mansyon ng mga brat,"bulong niya. "Maupo ka na muna't ihahanda ko ang agahan ninyo."

"Tutulungan ko na po kayo."

"Hindi na, ano ba, bisita ka rito. Maupo ka riyan, sige na." Nginitian niya ako at saka nginiwian si Maxrill Won bago kami tinalikuran.

"My family and friends are coming later. We're going to celebrate my birthday here. Intimate lang, so only a few people are invited. We have to respect Maxwell's need for space and peace."

Tumango-tango ako at itatanong na sana uli kung para saan 'yong commercial space nang bumalik si Aling Nenita at dala na ang agahan. Awtomatikong kumalam ang sikmura ko nang makita ang iba't ibang agahan at tinapay, may magagandang hiwa ng prutas at inumin.

Hindi ko na nahintay si Maxrill Won na ianunsyong maaari na kaming kumain. Kusa na 'kong kumuha at pinagsandok siya. Saka ako kumuha ng sa 'kin at tinikman ang sausage. Ni hindi ko masabi kung gaano 'yong kasarap dahil nagkasunod-sunod ang pagsubo ko. Pakiramdam ko, ito ang unang beses na kakain ako nang marami.

"Greetings! What is up, brats?" nangibabaw ang pamilyar na tinig ni Kuya Randall, nagitla ako't napalingon. "How captivating," nakangiting aniya nang masalubong ang tingin ko. "How are you, prettiest spoiled brat?"

Naging alangan ang ngiti ko. Spoiled brat? Parang ang hirap tanggapin na tinawag niya akong gano'n. "Hindi po ako spoiled brat," nakangusong sabi ko.

"Your boyfriend's spoiling you, that being so...you are...a spoiled brat." Itinuro niya pa ako.

Sasagot na sana ako nang mapanood ang magkakasunod na pagpasok ng mga Moon. Pinangunahan nina Tiyo More at Tiya Maze, kasunod si Lolo Mokz at halos mapatili ako nang makita si Nanay Heurt. Sa likuran nila ay pumasok naman sina Kuya Maxwell, Ate Maxpein at Kuya Deib na karga si Spaun. Magkakasabay ring pumasok sina Ate Dein, Rhumzell, Ate Naih at Kuya Lee na karga rin ang kaniyang anak. Sa huli ay naro'n ang hindi masyadong pamilyar sa akin na iba pang bisita kasama si Bree Anabelle.

"Excuse me," tinulak ni Kuya Maxwell si Kuya Randall para makaraan. "Hello." Ngumiti siya sa 'kin saka lumapit kay Maxrill Won. "Happy birthday, dongsaeng."

"Hmm, a piece of paper in a freaking brown envelope?"kunot-noong tugon ni Maxrill Won.

"It's a gift," halatang wala sa mood si Kuya Maxwell at pinipilit na lang ngumiti. Kinuha niya ang tinidor ni Maxrill Won at tumuhog ng hiwang sausage at kumain. "I'm hungry."

"Ano...kuya," dali-dali akong kumuha ng plato. "Ipaghahanda po kita."

Sabay-sabay na lumingon sa 'kin sina Kuya Maxwell, Kuya Randall at Maxrill Won, na para bang milagro ang sinabi ko. Sa pagkailang ay kumuha ako ng tinapay, sausage, itlog at bacon sa plato ni Kuya Maxwell.

"'Eto po," nakangiti kong inilahat ang plate kay Kuya Maxwell. Natawa si Maxrill Won nang tumingin muna ang kuya niya sa kaniya bago tinanggap 'yon. "Kayo po, Kuya Randall?"

Napatitig sa 'kin si Kuya Randall. "Sweet," umangat ang gilid ng labi niya sabay sulyap kay Maxrill Won. "Sure, I'll finish them with pleasure."

"You should try her coffee," may pagmamalaki sa tinig ni Maxrill Won. Sabay uling tumingin ang magkaibigan sa 'kin, napanguso ako. "You're making her nervous."

Dali-dali kong inihanda ang para kay Kuya Randall, katulad lang ng inihanda ko para kay Kuya Maxwell. Bawat kilos ko ay tutok ang paningin nila, naiilang ako.

"Gusto po ba ninyo ng coffee?" nahihiya man ay tanong ko. Batid kong bukod sa tatlong 'to sa tabi ko, nasa akin na rin ang paningin ng karamihan sa naro'n.

"You made him try your coffee?" ani Kuya Randall na kinuha ang plato. "Next time juice mo na ang iinumin niya,"inosenteng aniya saka tumango, hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin.

Binatukan ni Kuya Maxwell ang kabigan. "She's innocent, gago."

"Birthday grind, huh?" baling ni Kuya Randall kay Maxrill Won. "Thanks, Dainty." Isinenyas niya sa 'kin ang plate saka inagaw ang silya ni Maxrill Won. Ngunit inagaw rin 'yon pabalik ni Kuya Maxwell para isauli sa kapatid.

"Kapatid ko ang may birthday pero sa 'yo natutuwa ang lahat ng tao," nakangiting ani Ate Maxpein nang lumapit upang yumakap sa 'kin. "It's nice to see you."

"Kayo rin po, Ate Maxpein," ngiti ko.

Hinaplos ni ate ang pisngi ko bago tuluyang lumapit sa kapatid. "Happy birthday, dongsaeng."

Pagkatapos ni Ate Maxpein ay magkakasunod nang lumapit ang kanilang pamilya at mga kaibigan para bumati. Nagulat ako nang may dalang cake na may disenyong mukha nina Maxrill Won at Hee Yong sina nanay ate Bree Anabelle, regalo umano ng pamilya namin 'yon sa kaniya.

Nakakatuwa pa nang magsimulang kumilos ang lahat para sa birthday ni Maxrill Won. Sina nanay, Tiya Maze at Ate Zarnaih ang nasa kitchen para magluto. Sina Rhumzell at Bree Anabelle ang nagdidisenyo sa loob at naghahanda ng mga mesa. Sina Ate Dein at Ate Maxpein ang nakatoka sa pag-iihaw, naro'n din sila sa balcony kasama namin. Sina Lolo Mokz at Tiyo More ang nag-aalaga sa mga bata. Naiwan ako sa mga lalaking 'to, kabilang na sina Kuya Deib Lohr at Kuya Lee Roi. Na walang ibang pinag-usapan kung hindi bagong sasakyan, halatang si Maxrill Won ang pinakamaalam sa kanila.

"Tutulong ako sa kanila, Maxrill Won," bulong ko.

Kinuha ni Maxrill Won ang kamay ko at nagulat nang iupo niya ako sa kaniyang kandungan. Dahilan para lingunin kami ng mga kausap niya at tuksuhin. Bumulong si Kuya Randall kay Kuya Maxwell habang nakatingin sa 'min, ngumiti ang huli saka sinundot sa noo ang nauna.

Tumayo ako nang ayos at nginusuhan si Maxrill Won. "Doon na muna ako sa kanila, hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan ninyo, puro tungkol sa sasakyan."

Nakaangat ang gilid ng labi ni Maxrill Won habang nakatingin sa 'kin. "That's how she gets mad," aniya sa iba pang naro'n na sabay-sabay natawa.

Lalo akong ngumuso saka binitiwan ang kamay niya. "Tutulong lang po ako kina Ate Maxpein at Ate Dein," paalam ko. Awtomatikong tumayo sina Kuya Randall, Kuya Maxwell, Kuya Deib Lohr at Kuya Lee para makaraan ako. "Salamat po."Nilingon ko silang lahat saka ako nakangiting pumunta kina Ate Maxpein. "Tutulong po ako, ate."

"Sure," si Ate Dein ang sumagot sa 'kin, inautan ako ng pamaypay.

Nilingon ko ulit ang grupo ng mga lalaki at muling napanguso nang lahat sila ay nakatingin sa 'kin at nakangiti. Nang makita akong tumingin ay sabay-sabay nilang nilingon si Maxrill Won at tinukso.

Psh...

"Don't mind those assholes, gandang-ganda sa 'yo ang mga 'yan. Paniguradong lahat sila ay inggit na inggit kay Maxrill dahil girlfriend niya ang pinakamaganda sa lahat," ani Ate Dein.

Nakangising nilingon ni Ate Maxpein ang mga kapatid, asawa at kaibigan. "You want beer?"

"Sure!" sabay-sabay na sagot ng mga lalaki. "Thanks, babe!" dagdag ni Kuya Deib Lohr.

"Halika sandali, Dainty, dalhan natin ng beer ang mga ungas na 'yan," anyaya ni Ate Maxpein na mabilis kong tinanguan.

Magkahawak-kamay kaming nagtungo sa kusina kung saan nakita ko sina Ate Naih, nanay at tiya na nagtatawanan habang nagluluto. Magkatulong naming kinuha ni Ate Maxpein ang ice box cooler. Binuhusan namin 'yon ng malalaking yelo at saka namin nilagyan ng beer.

"'Aga naman niyan?" ani Ate Naih.

"Asawa mo nga nanguna," asik ni Ate Maxpein.

"Pag-umpugin mo sila ni Deib, mga ungas na 'yan. Hindi pa nga nagtatanghalian," nakangiwing asik ni Ate Naih saka ngumiti sa 'kin.

Magkatulong naming tinulak ni Ate Maxpein ang ice cooler pabalik sa balcony, sa harap ng mga lalaki na talagang panay ang tingin sa 'kin, naiilang na ako. Inilagay ni Ate Maxpein ang bottle opener sa kamay ko, sinasabing pagbuksan ko pa ng beer ang mga 'to. Nasundan ko siya ng tingin nang muling dumulog kay Ate Dein.

"Sino po ang magbi-beer?" nakanguso kong tanong saka natawa nang makitang natawa rin sila. "Pinagtatawanan niyo po ba 'ko?" nakalabi kong tanong.

"Of course not, child. A bottle, please," si Kuya Randall agad ang sumagot.

Nagtaas ng kamay si Kuya Maxwell. "Thanks, Dainty Arabelle."

"Me, too," ani Kuya Lee.

"Ako na ang kukuha ng sa 'kin," ani Kuya Deib Lohr.

"Ako na po, kuya," inunahan ko na siya.

Kumuha ako ng isang bote at binuksan 'yon. Lahat sila ay nakaabang maliban kay Maxrill Won na nakangiti lang sa 'kin. Lahat din sila ay napahiya nang akma nila 'yong kukunin ngunit kay Maxrill Won ko unang binigay. Natawa ako sa kanilang reaksyon. Saka ako muling kumuha at binigyan sila isa-isa. Minsan ko pa silang nginusuhan bago muling bumalik kina Ate Maxpein para tumulong. Sinadya ko nang tumalikod sa gawi nila upang hindi na mailang.

Pero hindi pa man nagtatagal ay napalingon na ako nang may tumugtog sa kahoy na nasundan ng gitara, ilang saglit pa ay isa-isa na silang kumakanta.

Oh, I got a crush on you

I hope you feel the way that I do

I got a rush when I'm with you

I've got a crush on you,

A crush on you

Si Kuya Randall ang naggigitara habang si Kuya Maxwell ang nagtatambol sa kahoy na nasa tabi niya. Sabay-sabay silang kumanta at sa t'wing babanggitin ang "crush" ay sumusulyap sila kay Maxrill Won bago muling titingin sa 'kin.

Tumayo si Maxrill Won at lumapit sa 'kin, nangibabaw ang tuksuhan. Isa-isang lumabas ang iba pang abala sa ginagawa upang panoorin ang nangyayari. Hindi ko napigilang mamula.

"Maxrill Won..." natakpan ko ang mukha ko at naibaon sa dibdib niya nang yakapin niya 'ko. Hiyang-hiya ako sa mga ngiti nila sa amin na para bang tuwang-tuwa sila.

Humalakhak si Maxrill Won at itinago rin ako sa dibdib niya. "This is how we celebrate birthdays, simple yet memorable."Naramdaman ko nang halikan niya ako sa buhok saka pinagkrus ang mga kamay namin. "Listen, everyone," inagaw niya ang atensyon ng lahat. "Uhm..."

Kabado akong nag-angat ng tingin kay Maxrill Won nang bitinin niya ang sasabihin. Nakangiti siyang nagbaba ng tingin sa 'kin saka sinulyapan si Nanay Heurt. Pare-pareho kaming naghintay sa sasabihin niya habang tumitindi ang kaba.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji