CHAPTER 53
CHAPTER 53
HINDI MO kilala ang mga Moon. Hindi mo kilala si Maze Moon. Kung ako sa 'yo, aalamin ko kung paanong nagkaganyan ang paa mo. Saka mo ikuwento sa 'kin kung gaano kabait ang Heurt at Maze Moon na sinasabi mo...
Napabuntong-hininga ako, hindi maipaliwanag ang kaba. "Ano ba'ng ibig niyang sabihin?"
May sagot sa isip ko pero ako mismo ang ayaw tumanggap no'n. Hindi niya sinabing masamang tao sina Tiya Maze at Nanay Heurt pero parang gano'n ang ibig niyang sabihin. Ayokong maniwala dahil hindi ko naman siya kilala. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Para akong naghihinala. Kinukwestyon ko ang tunay na personalidad nina nanay at tiya gayong mas kilala ko sila kompara kay Tiyo Hwang na kinatatakutan ko na nga, wala pa akong ideya sa totoong pagkakakilanlan. Nahihirapan akong ipaliwanag.
Napatitig ako sa cellphone ko nang tumunog 'yon at kasunod ay nabasa ko ang pangalan ni nanay sa screen. Sandali pa akong tulala bago tuluyang binuksan ang text.
NANAY:
Gabi na, hindi ka pa umuuwi, Dainty. Nasaan ka na? Nag-aalala na kami ng tatay at mga kapatid mo.
Wala pa man akong nagagawa, tumunog ulit 'yon. Tawag naman galing kay Tiya Maze. Nanginginig ang mga kamay ko, tuliro ang isip ko dahil sa mga sinabi ni Tiyo Hwang at dahil na rin sa takot na naramdaman ko sa kaniya. Hindi ko alam kung paanong kikilos sa sandaling 'to. Nanghihina pa rin ang mga tuhod ko.
"Hello po?" sa wakas ay nasagot ko.
"I was waiting for your call. Nakauwi ka na ba, hija?" tanong ni tiya. "Did you tell your parents na sumama ka sa 'kin sa pizza parlor?" dagdag pa niya, lalo akong natuliro.
Lumingon ako kung saan naglakad papalayo si Tiyo Hwang at lalong kinilabutan sa dilim ng gawing 'yon. Mabuti at may dalawang poste ng ilaw sa kinaroroonan ko. Pero hindi sapat ang liwanag no'n para mabawasan ang kaba ko.
"Ano...opo, tiya," kabado kong sagot.
Sandaling natahimik ang linya ni tiya. "Great. Enjoy your dinner with your family. I had fun earlier, good night."
Nakapikit akong humugot ng hininga. "Good night, tiya. Salamat po ulit." Wala sa sarili kong naibaba ang linya. "Hala..." saka ko lang naisip 'yon nang wala na ang tawag ni tiya. Napapikit muli ako saka binasa ang text ni nanay.
Me:
Pauwi na po, 'nay. Pasensya na po.
Muli kong nilingon ang daan at nang masigurong wala nang tao ro'n ay saka ko lakad-takbong tinahak ang daan pauwi.
Naabutan ko si nanay na papalabas na sa gate nang masulyapan ako. "Sa'n ka ba nanggaling? Gabing-gabi na. Kanina pa dapat ang uwi mo, Dainty." Tinanaw niya ang pinanggalingan ko. "Napakadilim na, hindi na magandang umuwi nang ganitong oras."
"Pasensya na po, 'nay. Lumabas po kasi kami ni Tiya Maze. Sorry, hindi po ako nakapag-text." Habol ko ang hininga habang pilit tinatago ang pag-aalala sa kaniya.
"Si Maze Moon?" nagtataka niyang tugon, ngumiwi saka ngumiti. "Saan naman kayo pumunta? At bakit hindi ka niya hinatid dito? Madilim sa kalsada."
"Kumain po kami ng pizza. Ako na po ang nagsabing hanggang sa labasan lang ako ihatid, 'nay. Gusto niya pong ihatid ako rito pero nahiya na po kasi ako, pasensya na po." Ngayon lang ako nagsisi na hindi nagpahatid dahil sa takot na mag-abot muli at magkasagutan sina Tiya Maze at tatay.
"Gano'n ba? 'Yong mumurahing pizza ba 'yan na paborito ng nobyo mo?"
"Ano...hindi po, 'nay."
Natawa si nanay pero natigilan nang walang makuhang reaksyon sa 'kin. "Ayos ka lang ba? Namumutla ka."
Natigilan ako at saka nameke ng tawa. "Nasobrahan po yata sa kaba, 'nay."
"Kaba? Saan ka naman kinabahan?" natatawa pa ring tugon niya.
Lalo akong natuliro nang magkamali ng sagot. "Ano...ibig ko pong sabihin, 'nay, n-nasobrahan sa kain. Hehehe, opo, 'nay, nasobrahan ako sa kain. Kasi um-order po si tiya ng dalawang klase ng pasta at isang napakalaking pizza, 'nay. Hindi ko po halos naubos 'yong isa. Gusto ko nga pong iuwi 'yong natira pero nahihiya po kasi akong magsabi kay tiya...ano...'ayon po, 'nay," dere-deretso kong sagot, mabilis akong hiningal.
Tumitig sa 'kin si nanay, pilit ang ngiti saka tumango-tango na para bang kumbinsido na siya sa sinabi ko. Hindi tagumpay ang palusot ko, sigurado na 'ko. Gaya no'ng magpalusot ako at magdahilan tungkol kay Tiyo Hwang, akala ko ay napaniwala ko na siya ngunit sa huli ay ako lang ang napahiya.
"Totoo po ang sinabi ko, 'nay," dagdag ko nang walang makuhang tugon.
Ngumiwi siya saka minsan pang tumango. "Naniniwala naman ako sa 'yo."
"P-Pero totoo pong kinabahan ako,"kapagkuwa'y dagdag ko. "Intimidating po si Tiya Maze. Iba ang mga kilos at paraan niya ng pakikipag-usap. Parang ang hirap pong magkamali. Saka...kapag hindi po siya ngumingiti ay mukhang masungit kahit napakaganda."
Muli siyang tumitig sa 'kin, matagal. Bago ngumiti at tinapik ang balikat ko. Inakay ako ni nanay papasok. "Gano'n lang 'yon si Maze," pang-aalo niya. "Pero masungit talaga 'yon." Saka niya sinulyapan ang hawak kong sobre at cellphone. "Ano 'yan?"
"Ah, 'nay!" aligaga kong inabot ang sobre sa kaniya. "Gano'n po ba talaga ang mga Moon?"kailangan kong ibahin ang usapan, umaasang madaraan ko sa gano'n si nanay. "Binigyan po ako ni Tiya Maze ng ten thousand na load dito sa cellphone ko at ng Mastercard," lumaylay ang mga balikat ko.
"Mastercard?"
"Alam ko pong credit card 'yan pero hindi po ako marunong gumamit ng credit card, 'nay. Ni hindi na nga po ako makapunta sa mall ngayon dahil nag-iipon ako para sa plano kong veterinary clinic."
Umawang ang bibig ni nanay. "Singkwenta pesos lang ang baon mo, Dainty Arabelle. Sa tingin mo, paano kang makakaipon para sa ng veterinary clinic?" tumawa siya, sumama ang loob ko.
"Maglilimang-libo na po ang ipon ko, 'nay."Ngumuso ako.
"Limang libo?" nagulat pa siya.
"Opo! Limang libo!" mayabang na sagot ko.
Pero pinagtawanan lang ako ni nanay. "Ipang-date mo na lang 'yang limanglibo mo, ako na ang bahala sa veterinary clinic mo. Tutal, malapit na ang birthday ng spoiled brat na 'yon. Magta-tantrums 'yon kapag wala kang regalo."Humalakhak siya sa huli.
"Nanay?" nalukot ang mukha ko.
"Intindihin mo na muna ang pag-aaral mo, Dainty. Baka mamaya nagpapagutom ka sa school kaiipon diyan sa veterinary clinic mo."
"Hindi naman po ako nagpapagutom. Saka gusto ko po kasi talagang manggaling sa sariling sikap ko ang clinic na 'yon. Wala namang masama ro'n, 'nay."
"Naiintindihan kita. Huwag mo sanang masamain ang sinasabi ko, hindi ko minamaliit ang pangarap mo. Ayaw ko lang na matuon sa pag-iipon 'yang isip mo."
"Hindi naman gano'n, 'nay, e..." lalo pa 'kong ngumuso.
"Sige, si Maxrill o ako?"
Natigilan ako saka lalong ngumuso. "Ano po?"
"Kung hindi ako, siguradong si Maxrill ang magpapatayo ng veterinary clinic mo."
"Ayaw ko po!"
Lalo siyang humalakhak. "Baka nga pagkasabi mo pa lang ay nakabili na ng lupa ang isang 'yon. Aagawan pa 'ko ng papel sa buhay mo."
"Nanay naman, e." Lumaylay ang mga balikat ko. "'Wag niyo pong pakialaman ang plano ko sa buhay," nakanguso kong sabi.
"Tingnan mo 'tong batang 'to, aba't ako pa nakialam?" humalakhak si nanay. "Siya, bahala ka. Dadagdagan ko na lang ang baon mo para lumaki 'yang ipon mo. Tss. Sembreak na, wala ka nang baon." Lalo pa siyang tumawa, ngumuso na lang ako.
Hindi lang nang sandaling 'yon pinagtawanan ni nanay ang tungkol sa ipon ko. Maging si tatay at mga kapatid ko ay pinagbiruan 'yon nang banggitin ni nanay ang tungkol do'n habang naghahapunan kami. Maging si Bree Anabelle ay panay pang-aasar sa 'kin kaya sa huli ay hindi ko na naman naalalang tawagan si Maxrill Won.
Nang sumunod namang araw ay maaga akong nagsimulang gumawa ng homeworks at projects, tambak 'yon at kinabukasan agad ang pasahan. Kaya sa huli, hindi ko pa rin natawagan si Maxrill Won. Ilang araw ang nakalipas bago uli ako nagkaro'n ng chance.
"Birthday na ni Maxrill bukas, Ate Dainty, ano'ng regalo mo?" nanunuksong ani Bree Anabelle.
Nilingon ko siya saka ako napanguso. "Wala nga, eh."
"Bakit?"
Napabuntong-hininga ako. "Bukod sa hindi ko alam kung ano'ng ireregalo ko, wala naman siya rito."
"Eh, di ibigay mo kapag pumunta siya rito. At least, alam niyang may regalo ka sa birthday niya."
Napabuntong-hininga ako saka sumulyap sa cellphone ko. Nagugulat ko 'yong dinampot nang maalalang tatawagan ko siya, at hindi ko na 'yon nagawa.
Curious ako kung paanong alam niya ang nangyayari sa paligid ko no'ng nakaraang linggo. Para siyang may CCTV sa school. Pero hindi ko rin malilimutang nakita ko rin si Tiyo Hwang.
Binabagabag talaga ako ng mga sinabi niya. Kahit anong divert ko sa isip ko, naaalala at inaalala ko. Ang totoo nga, mas naaalala ko pa ang mga 'yon kaysa tawagan si Maxrill Won.
Paano niya ba nakilala ang mga Moon? Gaano niya kakilala ang pamilya ng mga 'to para magsalita siya nang gano'n? At bakit kung magsalita siya para bang kilalang-kilala niya ang mga ito? Maging si nanay...Napabuntong-hininga ako sa dami ng tanong na hindi ako ang makasasagot.
Ano nga kayang ireregalo ko kay Maxrill Won? Kung malalaman lang niya na ngayon ko lang naiisip 'to, paniguradong magtatampo siya sa 'kin. Samantalang no'ng birthday ko, matindi ang pagpaplanong ginawa niya para masorpresa ako. Samantalang ako, walang ibang inisip kung hindi si Tiyo Hwang na para bang ito ang aking nobyo. Napangiwi ako sa huling naisip.
Pumunta ako sa sala at doon tinawagan si Maxrill Won. Awtomatikong lumapit sa 'kin si Nunna, nagkakakawag ang buntot at nahiga sa paanan ko.
Umaasa akong kahit papaano, mababawasan ang pag-iisip ko kapag nakausap ko si Maxrill Won. Nagulat ako nang isang ring pa lang ay narinig ko na ang boses niya.
"Are you really calling me, Dainty Arabelle?"nagugulat niyang tanong.
"Oo, ako 'to, Maxrill Won. Bakit? May iba ka bang inaasahang tatawag sa 'yo?" nakangusong sagot ko.
Humalakhak siya. "Men, let's continue the meeting tomorrow, my girlfriend is on the line. Thank you."
"Hala...nasa meeting ka?"
"You may leave." Hindi pa rin ako ang kausap niya. "Sorry. Yes, katatapos lang ng meeting," aniya na animong hindi ko narinig ang sinabi niya.
"Katatapos lang? E, tinapos mo nang pilit."
"What pilit?"
"Napilitan kang tapusin ang meeting dahil sa tawag ko."
"Because I am the boss."
"Kahit na, paano kung importante ang sasabihin ng employees mo?"
"I'm doing all the talking. Besides, they can come to me anytime, Dainty Arabelle. But you? You're like the rarest type of moon. You neither answer my calls or texts. And this is the first time you initiate a phone call, I cannot just ignore you."
Ngumuso ako. "Psh."
"So...this is the first time you called me."
"Pwede ko namang ibaba, nasa meeting ka pala."
"You called me for the first time—"
"Paulit-ulit ka naman, eh," nakanguso kong sabi.
"It's just so surprising," sa boses niya, halatang tuwang-tuwa siya. "How are you, baby?"
"Hindi mo ba itatanong kung bakit ako tumawag?"
"I know the answer. Because you miss me."
Sumama ang mukha ko ngunit nangiti rin sa huli. "Hindi, 'no."
Sandali siyang natigilan saka bumuntong-hininga. "You're so sweet. I want coffee." Minsan pa siyang bumuntong-hininga, halatang pagod na. "Wait, I'm gonna ask someone to make coffee for m—"
"Bakit hindi ikaw ang magtimpla?"
"Eh?" inosenteng-inosente ang reaksyon niya.
"Hindi ka ba marunong magtimpla ng kape?"
"There's nothing I can't do, Dainty Arabelle."
"Then make your own coffee, Maxrill Won."
"What? I have an assistant."
Napairap ako. Sa reaksyon at tono niya, para bang gano'n kahirap gawin 'yon. Inaasahan ko nang maririnig ulit ang paboritong linya niya.
In my country...psh.
"Gabi na, hindi ka na dapat nag-uutos. Dapat nga wala na diyan ang employees mo."
"They live in the next building and I'm paying them for working overtime, twice their normal rate."
"Pero 'yong coffee, hindi mo na dapat inuutos 'yon, Maxrill Won. Dahil kayang-kaya mo namang gawin."
"Fine," tamad niyang sagot, palihim akong natawa. "I'm gonna make my own coffee now."
Ngumiti ako. "Hayaan mo, sa susunod, ako na magtitimpla ng coffee mo."
"Hmm...I like that idea," parang lalo siyang naaliw dahil sa sinabi ko. Napasimangot ako dahil baka kung ano na ang iniisip niya. "So, what's up?" nalilibang niya nang tanong.
"Gabi na, bakit nasa trabaho ka pa?"
Humalakhak siya. "Yeah, I am working late hours in order to accomplish more and catch up."
Tumango-tango ako. "Hindi ba't mas maganda kung natatapos mo nang maaga ang trabaho mo para makauwi ka rin nang maaga?"
"Of course. But my brother is a brat, Dainty Arabelle. He constantly asks me to do things for him that's why part of my loads are delayed." Narinig ko sa kabilang linya ang paghahalo niya ng coffee.
"Hindi ka ba maaabala sa tawag ko?"
"Not really, it's totally fine. For sure my mom's gonna be happy as soon as she finds out my girlfriend called me."
Napangiwi ako. "Para namang tuwang-tuwa ka sa tawag ko."
"Sinong hindi? You don't even respond to any of my messages, Dainty Arabelle. Tapos malalaman ko sa mommy ko na nag-date sila ng girlfriend ko. Masaya." Sobrang sarkastiko niya pero nakakatuwa.
"Napakahusay mo nang mag-Tagalog, Maxrill Won."
"Hmm, dati na." Mayabang pa siya.
"Kaya pala hindi mo naintindihan ang mga sinabi ni tatay noon," nakangusong bulong ko, nang-aasar. Buntong-hininga lang ang sinagot niya. "Pero masaya ako para sa 'yo dahil mahusay ka na sa Tagalog, Maxrill Won."
"Soon I'm going to teach Spaun how to speak in different languages. You know him, right?"
"Oo naman, anak nina Ate Maxpein at Kuya Deib Lohr."
"Yeah, the son of Maxpein."
"Hindi ba pwedeng son of Maxpein and Deib Lohr?" biro ko.
Tumawa siya. "Well, in our country, Maxpein's name is legendary."
Napanguso ako. Proud na proud talaga siya sa bansa nila. Saan ba 'yon at gano'n ba talaga kalaki ang lamang no'n sa bansang 'to? Napabuntong-hininga ako. Siguro nga...
"Nabanggit ba sa 'yo ni Tiya na binigyan niya ako ng Mastercard?" nahihiyang tanong ko nang maalala ang tungkol do'n, kinukutkot ang sariling bestida dahil sa pamumula.
Natawa siya. "Yeah."
"Ano kasi...h-hindi ako marunong gumamit no'n, Maxrill Won. Maaari ko kayang ibalik 'yon kay tiya kung sakali?"
Lalo siyang natawa. "That's yours, Dainty Arabelle. Please accept it. Besides, hindi magagamit ni mommy 'yon, sa 'yo nakapangalan ang card."
Napabuntong-hininga ako. "Gano'n ba..."
"It's not a big deal, Dainty. Don't stress yourself."
Dahil may ideya na siyang nagkasama kami ng mommy niya, pwede ko nang buksan ang topic na gusto kong pag-usapan naming dalawa.
"Maxrill Won..."
"Hmm?"
Ngumuso ako at bumuntong-hininga. "Mabait ba 'ko?"
Sandaling natahimik ang linya niya saka siya humalakhak ng tawa. "Baby, are you seriously asking that question?"
"Oo," nakanguso pa ring tugon ko.
Ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ko ang lambing ng pagkakasabi niya sa unang salita. Tila kiniliti ako sa iba't ibang parte ng katawan ko, naibaon ko ang mukha ko sa sariling palad.
Natawa pa rin siya ngunit bumuntong-hininga bago nagsalita. "Yes, you're kind and sweet, Dainty. Two of the best reasons why I liked you then, and deeper now."
Nakagat ko ang labi ko at bumuntong-hininga. "Paano kung...isang araw, may estrangherong lumapit sa 'yo at sinabing...hindi pala talaga ako mabait? Ano'ng mararamdaman mo, Maxrill Won?"
Magkakasunod na tikhim ang ginawa niya at saka bumuntong-hininga. "Can you...repeat your first question?"
Napangiwi ako. "Dati na palang magaling sa Tagalog, ha?" pang-aasar ko. "What if a stranger—"
"Okay, I get it now," tumawa siya. Nakuha kong 'yong "estranghero" ang hindi niya naintindihan kanina. "Well..." matagal siyang nag-isip, naantig ang interes ko sa sasabihin niya. "I don't talk to strangers, Dainty Arabelle."
Lumalaylay ang mga balikat ko. Umasa ako na interesante ang sasabihin niya. "Paano nga kung meron?" pangungulit ko.
"No freaking stranger can come near me, Dainty."
Napairap ako. "Paano nga kung meron? Example lang naman, Maxrill Won."
"Fine," buntong-hininga niya. "I'm not gonna believe him."
"Bakit?"
"What do you mean bakit? Why would I believe a freaking stranger? I know you, and I love you, and I'm gonna believe you, no matter what."
Napangiti ako at pinaulit-ulit sa isip ang dahilan niya. "Salamat, Maxrill Won."
Gano'n kabilis akong nakampante. Dahil kaya sa sinabi niya o dahil sa kaniya mismo? Hindi ko alam. Basta ang alam ko, literal na nawala ang agam-agam ko at pag-aalala. Bawat salitang binitiwan niya, pinawi lahat ng sinabi ni Tiyo Hwang.
"Why? Is something bothering you? Is everything okay?"
"Ha? Ano...wala, hehe," nagsinungaling na naman ako. "Naisip ko lang."
"Hmm, weird." Bumuntong-hininga siya. "If there's anyone who's trying to dull your sparkle, don't let them. Shine on, Dainty. The ones who love you, knows you better than them. I bet, no one's gonna believe me if I tell them you're unkind."
Napangiti ako at hindi 'yon mawala sa labi ko. Iba sa pakiramdam ang mga salita ni Maxrill Won. 'Yong mga papuring hindi ko magawang paniwalaan sa iba, pinagtitiwalaan ko sa kaniya. Marami nang pumuri sa itsura ko pero nakikita ko ang kahulugan no'n sa t'wing nasa akin ang mga mata niya. Na kahit nahihiya akong marinig 'yon, lalo na sa t'wing nakatitig siya sa 'kin, nagagawa kong labanan. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam.
"Kumusta nga pala si Kuya Maxwell?" iniba ko uli ang usapan.
"He's still brokenhearted." Kaswal niyang sinabi 'yon na para bang inosente siya sa dahilan.
"Bakit hindi mo samahan? Baka kailangan niya ng kausap, Maxrill Won."
"He can talk to his friends and patients. I have things to do too," tumatawa niyang sagot.
Ngumuso ako. "Kasalanan mo kung bakit brokenhearted ang kuya mo."
"Easy, lady. Why are you accusing me?"
"Bakit, hindi ba?" napabuntong-hininga ako. "Alam kong may gusto ka kay Ate Yaz, Maxrill Won. Alam ko ring...naging dahilan 'yon kaya nagkaproblema sina Ate Yaz at Kuya Maxwell."
Natahimik siya sa kabilang linya. Hindi ko na rin marinig ang tunog ng hinahalong coffee. Mukhang hindi niya inaasahan ang sinabi ko at paniguradong nangangapa na siya ngayon kung paano ako sasagutin.
Napalobo ko ang bibig ko at awtomatikong nagsisi kung bakit kailangan ko pa 'yong sabihin. Kung tutuusin, labas na 'ko ro'n. Wala ako ni katiting na rason at karapatan para ungkatin ang issue na hindi ko nalakaran ang sitwasyon.
Magsasalita na sana ako nang marinig ko ang buntong-hininga niya. Lalo akong tumiklop at muling pinalobo ang bibig ko. Kinabahan ako na baka hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
"I'm..." kabado akong nagsalita. "I'm sorry. Hindi ko dapat sinabi 'yon, Maxrill Won."
"It's okay." Hindi ko matukoy ang emosyon sa boses niya.
Sandali ulit natahimik ang linya namin. Hindi ko alam kung paanong makababawi para bumalik ang kaninang sigla at pagkaaliw niya. Nagsisisi akong binanggit ko pa 'yon gayong maayos kaming nag-uusap.
"We already talked about it, Maxwell and I. I apologized and I said sorry...though I know it will never be enough. Lalo na ngayon. It's like...he's breaking down everyday. He doesn't eat, does not sleep, he doesn't even freakin' talk. But the whole hospital needs him, people needs him. So, he doesn't have any choice but to function."
Hindi ko inaasahang magkukwento siya. Puno ng emosyon ang boses niya na para bang nagsisisi siya nang mag-isa. Dahil hindi niya matagalan ang ang pagkadurog ng kapatid niya, ayaw niya na lang magpakita.
"Yaz left Palawan months ago. And you're right, I became a huge part of their...misunderstandings. I just can't accept the fact that I'm the reason behind their breakup. That would mean...I broke my brother's heart when all he did was protect mine."
Magkakasunod siyang bumuntong-hininga, hindi ko tuloy malaman kung paanong sasagot. Panay ang kutkot ko sa laylayan ng bestida ko sa pagkailang. Kung kaharap ko siya, paniguradong nakayuko na ako sa sobrang kahihiyan.
"Until now, I'm still wishing it never happened, Dainty. But I'm afraid...if something in the past have changed..."
"Makikilala pa rin kita, Maxrill Won," inunahan ko na siya nang mahulaan ko ang mga susunod niyang sasabihin ngunit pinag-aalinlangan niyang sabihin. "Kahit hindi mo 'ko makilala..." nahawa ako sa emosyon niya. "Makikilala kita, at magpapakilala ako sa 'yo."
Nangilid din ang luha ko sa isiping kung may magbabago sa nakaraan, baka hindi kami nagkakilala. Kaya kahit alam kong nasaktan siya sa naramdaman niya sa nakaraan, tatanggapin ko siya. Lahat kasi 'yon ang naging daan para mahalin ko kung ano siya ngayon.
"Kahit pa...mahiya, kabahan at matakot ako. Gagawin ko 'yon, Maxrill Won. Lalakasan ko 'yong loob ko." Gano'n nga kalakas ang loob kong sabihin 'yon, hindi ko alam kung saan nagmumula. "Hindi man sa unang gabi na magkakilala tayo, sigurado akong gagawin ko 'yon. Kasi mula nang mahalin kita, ayaw ko nang magmahal ng iba. Kaya kung magbabago ang nakaraan, gagawin ko ang lahat para magkakilala tayo."
Muling natahimik ang linya niya, matagal, bago ko narinig ang mahina niyang tawa, naaaliw. "Really, Wednesday? You'd do that for me, hmm?"
Natigilan ako nang maisip ang mga sinabi. Nasapo ko ang mukha ko at nakagat ang labi. "Ano...Maxrill Won..." nakapikit kong sabi.
"Ano?" ginaya niya ang tono ko.
"Inaantok na pala ako."
"It's still early."
"Ano...maaga akong inantok ngayong gabi, oo."
Natigilan siya sa kabilang linya saka natawa. "But I still want to talk to you. 'Til midnight, please?" Alam kong birthday niya ang dahilan kung bakit pinakiusap niya 'yon.
Humikab ako kunyari. "Nandito na 'yong antok ko, eh..."
Natawa siya. "Fine. Good night, Wednesday."
Napabuntong-hininga ako. Gusto ko ring makausap pa siya pero nahihiya na 'ko dahil sa mga pinagsasasabi ko.
"Good night, Maxrill Won."
"I love you, Dainty Arabelle."
Napangiti ako. "I love you, too, Maxrill Won." Nakangiti akong bumuntong-hininga saka pinatay ang linya.
Nakangiti akong tumitig sa cellphone. Pakiramdam ko ngayon lang kami nagkausap nang matagal, napakarami naming napag-usapan at iba't iba ang aming naramdaman.
Tulog na si Bree Anabelle nang makabalik ako sa kwarto. Mukhang gano'n na nga lang katagal ang pakikipag-usap ko kay Maxrill Won.
Nakangiti ako sa paghiga at pagpikit. Hanggang sa pagtulog yata ay nakangiti ako kaya naman nang magising ako kinabukasan ay gano'n na lang din kalawak ang ngiti ko.
Inayos ko ang kama ko at nag-stretching sa kaliwa't kanan, nagpapadyak at maingat na tumalon-talon bago tuluyang lumabas ng kwarto.
"Good morning, Dainty Arabelle," nakangiting boses ni Maxrill Won ang bumungad sa 'kin, natuliro ako sa gulat.
Nakaupo siya sa couch at nakapandekwatro. Nakasuot ng well-fitted black suit na bukas ang lahat ng butones at may nakapailam na white cotton shirt. Sa tabi niya ay naroon si Hee Yong na para bang yamot na yamot sa nangungulit sa kaniyang si Nunna. Masama ang tingin ng kaniyang alaga habang ang sa 'kin ay hindi mapirmi ang buntot.
Aligaga kong kinapa ang doorknob sa likuran ko at awtomatikong pumasok pabalik sa kwarto.
Si Maxrill Won ba 'yon o nananaginip lang ako?
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at sumilip. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita siyang nasa gano'n pa ring posisyon at nakasilip din sa 'kin. Muli kong sinara ang pinto.
Patay...wala akong regalo.
"Ya!" sabi niya. "You're not allowed to that in my country, Wednesday."
Dali-dali kong kinuha ang towel ko at tinabing 'yon sa ulo ko, sa paraang hindi makikita ang mukha ko.
"A-Ano'ng ginagawa mo rito?" sabi ko nang muling buksan ang pinto.
Nangunot ang noo niya sa towel na nakapatong sa 'kin saka natawa. "I came to visit you, obviously."
"Pero...kausap lang kita kagabi." Hindi ako makapaniwala, nabalewalang bigla ang hiya kong makita niya na bagong gising. Tuluyan akong lumabas pero hindi magawang lumapit sa kaniya.
"It's a special day today and I wanna share it with you." Tumayo siya at sasalubungin na 'ko ng yakap nang lumayo ako.
"Diyan ka lang," umurong ako nang umurong papunta sa gawi ng bathroom. "Ano...sandali lang."Nakapikit akong nagtatakbo papunta sa bathroom.
Grabe...palibhasa'y meron silang sariling eroplano. Kung umuwi siya ay parang isang tricycle lang ang pagitan ng Laguna at Palawan.
Nagmamadali akong naligo at panay pa rin ang pag-iisip kung paanong narito agad siya?
Natutulog pa kaya siya?
Kung susumahin ko kasi ang pagitan ng oras nang ibaba namin ang tawag kagabi, kulang 'yon sa sapat na oras ng tulog.
Hindi talaga ako makapaniwala sa lalaking 'to. Ginagawa ang lahat ng gusto.
Tapos na 'kong maligo nang maalala kong hindi ako nagbitbit ng damit papunta sa bathroom. Tanging towel ang dala ko bukod sa bestida na suot ko pantulog.
Hala... Naitakip ko ang towel sa bibig ko at saka sumulyap sa pinto. Nasa'n na ba sina nanay? Naalala kong nang lumabas ako, walang ibang tao bukod sa bisita.
Itinapis ko ang towel sa katawan ko ngunit hindi sapat ang haba niyon para matakpan maski kalahati ng hita ko. Kapag naman ibinaba ko ay luluwa ang dibdib ko.
Paano na? Napapikit ako sa inis at pinakinggan ang labas ng pinto. Nakagat ko ang daliri ko, umaasang sana ay lumabas si nanay o si Bree Anabelle.
Pero nilalamig na 'ko, wala pa rin ni isa sa kanila ang nagpaparamdam. Napilitan akong buksan ang pinto ngunit nanatili ako sa loob at nag-iwan ng maliit na siwang.
"Ano...Maxrill Won," pagtawag ko.
Narinig ko siyang tumikhim. "Yeah?"
"Nakita mo ba si nanay?"
"Yeah, we talked a while ago. They're about to leave when I came."
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?!"
"Heurt and Kev took your father to the hospital while Bree went to tapilala."
Tapilala? Ano 'yun? Patay na... Naku, paano ba 'to? Isinara ko ang pinto at nag-isip kung paano ang gagawin.
"Is everything okay?" halos mapatalon ako sa kinatatayuan nang umalingawngaw ang tinig niya sa labas ng pinto.
Napalunok ako. "Ano...diyan ka lang. 'Wag kang papasok."
"Tsh! Ya! I'm not like that, you brat."
"Ano...p-pwede bang kunan mo 'ko ng damit sa kwarto namin?"
"What?"
"W-Wala akong dalang damit dito, nakalimutan ko...hindi ako makalabas, Maxrill Won," naiiyak nang sabi ko.
Nadinig ko uli siyang bumuntong-hininga. "Fine. Give me a minute."
Narinig ko na ang mga yabang niya palayo nang maalalang hindi niya alam kung saan ang damitan ko. Magkatabi lang ang cabinet namin ni Bree Anabelle. Ilang saglit pa ay narinig ko siyang magsalita ng kung ano-ano ngunit wala akong naintindihan. Sa kaniyang tono, halatang litong-lito siya.
Pero halos mapatalon muli ako nang may kumatok. "Maxrill Won?"
"I don't wanna touch your things. I'm going outside. Take your time and get dressed." Muli kong narinig ang mga yabag niya palayo. Kasunod no'n ay ang pagsara ng pintuang screen namin.
Nakahinga ako nang maluwang at dahan-dahang binuksan ang pinto. Marahan akong naglakad palabas at napangiti nang masilip siyang nakatayo, may ilang dipa ang layo sa pinto. Nakatalikod at bahagyang nakatingala sa langit habang hawak sa isang kamay ang leash ni Hee Yong.
Dali-dali akong nagbihis, iyong asul na bestida ang pinili ko. Hindi 'yon kasinghaba gaya nang madalas kong isuot. Ang totoo, may kaiksian 'yon at tanging lakas ng loob ang meron ako nang isuot ko 'yon.
Hindi ko pa kasi naisusuot 'yon nang kasama si Maxrill Won kaya 'yon ang napili kong suotin ngayon. Ngayon ko lang naintindihan ang ugali ni Bree Anabelle noon. Ayaw niyang inuulit ang damit sa t'wing haharap kay Maxrill Won. Gano'n na rin ako ngayon.
Tinuyo ko nang mabuti ang buhok ko saka ako naglagay ng lip tint. Nag-spray ako nang kaunting pabango saka lumabas.
"Maxrill Won," pagtawag ko. "Tumuloy ka na, baka umulan."
Nakita ko siyang mapatitig sa 'kin at saka ngumiti nang maglakad papalapit. Lalo pa siyang tumitig nang tuluyang makalapit. Pareho kaming nag-alinlangang ilapit ang mukha sa isa't isa bilang pagbati. Sa huli ay siya ang yumuko para halikan ako sa pisngi.
"Good morning," tumikhim siya matapos sabihin 'yon. Nakita ko siyang lumunok nang mag-iwas ng tingin.
Ngumuso ako. "Akala ko ba, sa bansa ninyo ay hindi pwedeng ulitin ang pagbati sa isang araw?"
Nahuli ko siyang nakatitig pa rin sa 'kin saka nag-iwas ng tingin. "This is a different country."
Nginiwian ko siya. "Gusto mo ng coffee?"
Ngumiti siya. "Yeah, you promised."
"Sige, ipagtitimpla kita. Maupo ka muna."
Iniwan ko siya ngunit hindi siya naupo. Nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa 'kin. Panay tuloy ang iwas ko sa gawi niya para hindi mailang habang naglalagay ng titimplahing kape sa tasa.
"Ano..." nakamot ko ang leeg ko. "Hindi mamahalin 'yong kape namin, Maxrill Won. Simple lang 'to at...tinitimpla. Sana ayos lang."
Naglakad siya papalapit sa 'kin kaya awtomatiko akong tumalikod para kunin ang thermos. Gano'n na lang ang pagkadismaya ko nang sa kabila ng bigat niyon, hindi na mainit ang laman.
"Ah...hehe," gano'n ang naging reaksyon ko nang makita niyang hindi natunaw ang sugar at coffee powder matapos kong salinan ng tubig ang tasa. Nakamot ko ang ulo at saka tinakpang muli ang thermos. "Iinit ko na lang sa microwave...pasensya na."
"It's fine." Hindi niya inaalis ang paningin sa 'kin.
Para makaiwas muli ay bumaling ako sa microwave at nilagay ang tasa ng coffee doon. Hindi na 'ko humarap sa kaniya, hihintayin kong matapos ang pag-iinit bago siya muling tingnan. Nakakailang siyang tumitig, hindi ko malabanan.
Ngunit hindi ko inaasahang lalapit siya sa 'kin na halos mapasinghap ako nang maramdaman ang braso niyang yumakap sa bewang ko.
"Aren't you forgetting something?" bulong niya sa tainga ko, saka kami sabay na napasinghap.
"Happy birthday, Maxrill Won," bulong ko.
Gumapang ang kilabot sa buong katawan ko nang madaplisan ng daliri niya ang leeg, balikat at batok ko nang alisin niya ang buhok ko at ilagay sa isang tabi. Inilapit niya ang kaniyang pang-amoy sa pagitan ng leeg at batok ko, napapikit ako. Nakagat ko na ang sariling labi nang maramdaman ang magaang dampi ng kaniyang labi.
Saka niya ipinatong ang mukha sa balikat ko at tuluyang iniyakap ang parehong braso sa bewang ko. Doon lang ako nakahinga.
"I missed you," bulong niya.
Napangiti ako. "Ako rin." Bahagya ko siyang nilingon, nasa coffee sa loob ng microwave ang paningin niya. "'Buti umuwi ka?"
"I can't think of a better way to spend my birthday than alongside you."
"Wala akong regalo," nakangusong sabi ko.
"Pasensya na. Hindi ko inaasahang uuwi ka."
Natawa siya saka tinuro ang coffee sa microwave. "What do you call this, then?"
Napangiti ako pero muli ring ngumuso. "Nakakahiya naman na 'yan lang ibibigay ko?"
"Accept my ring, then," bulong niya.
"Ring...?" nilingon ko siya at nasalubong ang tingin niya. Tumitig siya sa mga mata ko bago bumaba sa mga labi ko ang kaniyang paningin at bahagyang ngumiti.
Magsasalita na sana siya nang maunahan ng tunog ng microwave. Nakasimangot siyang bumitiw sa 'kin at pinanood akong kunin ang coffee niya at haluin.
"Hindi ba sumasakit ang tiyan mo sa ganito, Maxrill Won?" tanong ko habang hinahalo ang kape.
"Why?"
"Nalipasan na kasi ng init 'yong kulong tubig kaya ininit ko na lang sa microwave."
Parang hindi niya na-gets ang sinabi ko, nangunot ang noo. "What's the difference?"
Nagkibit-balikat ako. "Si Kuya Kev kasi sumasakit ang tiyan sa ganito. Umiinom lang siya ng kape kapag bagong kulo ang tubig."
Nakangiwi siyang tumango. "I'm not but...my stomach's cool. Do you make good coffee?"
Umawang ang labi ko. "G-Good coffee?" Saka ako nagbaba ng tingin sa hinahalong kape at naiilang na ngumiti. "Teka...titikman ko muna," nakanguso kong sabi, na-conscious ako bigla.
Kung may nagtitimpla ng coffee para sa kaniya, hindi imposibleng mahusay 'yon.
"Uhm...masarap," tumango-tango ako nang may kompyansa, sigurado akong magugustuhan niya ang timpla ko.
"Let me try it," tugon niya, hindi inaalis ang tingin sa mukha ko.
Inabot ko ang tasa. Kinuha niya 'yon pero hindi ko inaasahang ilalapag niya sa mesa. Inosente kong sinalubong ang tingin niya ngunit hindi ko na nagawang kumilos nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at halikan ako sa labi.
Kung gaano katagal akong nagtimpla, kung gaano katagal nag-init ang kape sa microwave kanina, mas matagal ang halik niya. Hindi lang dampi; nagsimula lang sa magaan hanggang sa halos kulangin kaming pareho sa hininga.
"Masarap nga..." bulong niya matapos bitiwan ang labi ko at nakangiti akong panooring maghabol ng hininga. Kinuha niya ang tasa at sinenyas sa 'kin. "Thanks."
Nakaawang ang labi, pinanood ko siyang maglakad papunta sa sofa at ngingiti-ngiting lumaghok ng coffee.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top