CHAPTER 48


CHAPTER 48

"I HOPE you had fun," ani Maxrill Won habang nasa daan na kami pauwi. Nilingon niya ako at pinagtawanan nang makita ang aking ginagawa.

Hindi pa rin ako matigil sa pagtitig at pakikipaglaro sa teddy bear na halos takpan ang upuan sa likuran ng kaniyang sasakyan. Nakalingon ako ro'n at panay ang paghawak ko sa kamay nito na mas malaki pa sa dalawa kong braso. Napakalaki niyon, nahigitan pa ang taas at katawan ko. At hindi ako makapaniwalang pinanalo ni Maxrill Won 'yon para sa 'kin.

"Sobrang saya ko, Maxrill Won," nakangiti ngunit emosyonal ko iyong sinabi, ang paningin at mga kamay ay naroon pa rin sa higanteng teddy bear. "No'ng bata kasi ako...ganito ang mga gusto kong laruan. Hindi lang gusto...pangarap ko pa nga. Pero tulad nga ng sinabi ko sa 'yo noon, wala kaming kakayahan na mabili ang mga ganito. Ngayon lang ako nagkaroon ng teddy bear na ganito kalaki. Ang saya-saya ko! Salamat, Maxrill Won."

"Seriously?" sarkastiko niyang tugon, natutuwa pa rin sa kababawan ko.

"Totoo," sinsero ko namang sagot. "Parati mo na lang tinutupad mga pangarap ko," nakanguso kong dagdag, huli na bago ko pa mapigilan ang sariling sabihin 'yon. Masyadong emosyonal at pakiramdam ko, OA na ang dating.

Naramdaman ko siyang matigilan sandali saka matunog na ngumiti. Hindi ko inaasahang itatabi at ihihinto niya ang sasakyan upang harapin ako at titigan nang matagal sa mga mata.

"I told you, I'm going to do everything to make you happy. Every...thing, Dainty and I...don't...break a freaking promise."

Halos pabulong niya lang sinabi iyon pero naro'n ang diin na para bang ngayon niya na mismo pinatutunayan 'yon. Napigil ko ang paghinga para lang mapigilan din ang emosyong bumalot bigla sa kabuuan ko. Wala akong nagawa kung hindi labanan ang titig niya.

"I don't break a freaking promise to those who matter so much to me. I swear I can go more than a promise to you. You're my life now."

Naitikom ko ang bibig ko at pinigilan ang pangiliran ng luha. Akala ko ay OA na ako sa pagiging emosyonal pero sa nakikita at nararamdaman kong emosyon sa kaniya, mukhang natural lang 'yon. Pareho kaming emosyonal ni Maxrill Won sa mga salita na para sa isa't isa. Napakasarap sa pakiramdam no'n.

Ngayon lang ako nakatanggap ng pangako na sa paraan ng pagkakasabi ay parang tinutupad na nang harap-harapan, lalong pinasasarap ang pakiramdam dahil pareho ang nararamdaman namin sa isa't isa.

Hindi ako nakasagot. Nakakahiya pero hindi ko maitatangging dahil 'yon sa masasarap na salitang binitiwan niya. Hinawakan at hinaplos niya ang pisngi ko saka muling pinaandar ang kaniyang sasakyan.

"Let's go back to that thing," sinenyas niya ang teddy bear.

"It's not a thing, Maxrill Won" nakanguso kunyari kong tugon, pinigilang matawa.

"A human, then," awtomatiko, sarkastiko niyang tugon, lalo akong ngumuso. "A freaking bear." Nilingon niya ako at nginitian. "My girl's bear."

Nag-iwas ako ng tingin ng hindi mapigilan ang ngiti. "Ngayon lang ako nagkaroon nito, ang saya-saya." Ang paulit-ulit na sabihin 'yon lang ang paraan ko para maipakita at masabing masaya talaga akong nakatanggap ng gano'n.

"Well, it's not...I mean, that thing is unusually big. Is it even normal for kids to have such a huge thing to play with? I don't think so. Unless..." Nagkalingunan kami. "You saw your friends playing with this kind of...can you even call that a toy?" Napakarami niya nang sinabi. "What I was trying to is that...it's okay if you don't have this kind of bear when you were a kid."

Ngumuso ako. "Nakuha mo siguro ang lahat ng gusto mo no'ng bata ka kaya hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko." Sinimangutan ko siya saka ko muling nilingon at nilaro ang teddy bear. Hindi na yata ako makakatulog nang dahil dito.

"We don't have this kind of thing in my country, Dainty. I told you, my country is poor. We do have toys, but most of them are made of wood. It just happened that I came from a rich family," nagkibit-balikat siya. "I had a few robots back when I was five to seven then my toys became bow and arrow na as I age."

"Bow and arrow?" nakanguso kong tugon. "Pwede bang paglaruan ng bata 'yon?"

Nakita ko siyang matigilan hanggang sa lingunin ako. Sandali siyang tumitig sa 'kin, kung hindi marahil sa pagmamaneho ay baka itinuon niya pa nang mas matagal ang paningin sa 'kin. Na para bang nakakapagtaka ang tanong ko.

"In my country...well, yes."

"Delikado kasi 'yon para paglaruan ng bata, hindi ba?" dagdag ko nang sa tingin ko ay nagulat siya sa tanong ko.

"You really don't know anything about my family, huh?" seryoso siya bagaman nakangiti.

Natigilan naman ako at napabuntong-hininga. "Ang totoo, ang nalalaman ko lang sa 'yo, bukod sa mga nabanggit mo at sa mga napansin ko mula nang magkasama tayo, 'yong mga kwento ni Bree." Umiling ako. "Wala ako masyadong alam kung...pamilya mo na ang pag-uusapan. Ang alam ko lang ay mababait kayo sa 'min."

"I was born and raised in Empery," iyon agad ang sagot niya, hindi ko inaasahang magkukwento. "We live in...Korea." Nilingon niya ako, tiningnan kung nakikinig ako.

Alam ko naman na 'yon pero humanga pa rin ako. "Empery..." Napangiti ako. "Napakaganda naman ng pangalan ng lugar ninyo, Maxrill Won. Napakaganda siguro ro'n?"

Nakita ko nang mawala ang ngiti sa labi niya at muling tinuon ang paningin sa pagmamaneho. "Sounds cool, huh?" kasunod ng tanong niya ay buntong-hininga.

"Oo, parang napakagandang lugar talaga."

"Maganda, yes. Empery is undeniably beautiful." Tumango-tango siya saka pinatong ang kaniyang siko sa gawi ng bintana at nilaro ang kaniyang labi. "You..." nilingon niya ako at muling nag-iwas ng tingin, ang alinlangan ay naro'n sa tinig. "You...wanna go there?" tanong niya sabay lingon uli sa 'kin.

Natigilan ako hindi dahil sa tanong kung hindi dahil seryoso siya masyado. "Ano..." naghanap ako ng isasagot. "Syempre naman..." aminado akong may alinlangan pero hindi ko matukoy ang aking dahilan. "Pero..."

"What?"

Alinlangan akong napangiti. "Kapag pinayagan ako nina nanay at tatay...hehe."

Natawa siya. Tumango-tango siya uli saka ngumiti. "Empery is beautiful, but...our country is different from yours," sinundan niya uli ng buntong-hininga ang linyang 'yon.

"Paanong different?" usisa ko. Sa paraan kasi ng pagkukwento at pagsasalita niya, para bang may kung ano sa bansa nila kaya nahihirapan siyang magpaliwanag. Bagay na hindi ko rin naman mahulaan.

Hindi agad siya nakasagot. Ilang beses niya akong nilingon at nabasa ko ang alinlangan sa kaniyang mga mata. Lalo tuloy nabuhay ang kuryosidad ko, gusto kong sundan agad ang huling tanong ko. Pero hinintay ko na lang siyang sumagot.

"I hope you won't mind but...can we talk about it next time?" malayo 'yon sa sagot na inaasahan ko, napahiya ako. "Sorry, we're almost there, that's why." Sinenyas niya ang paliko sa kanto patungo sa bahay namin.

Napamaang ako sa daan saka napapahiyang tumango. "Oo, ano...sige. Ayos lang, Maxrill Won." Gano'n ang sagot ko pero ang totoo, lalo talagang nabuhay ang interes ko.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit pakiramdam ko ay nahihirapan siyang magkwento. Pakiramdam ko bigla ay may tinatago siya sa bansang 'yon. Nakakapagtaka rin na dahil sa paraan ng pagkakasabi at mga kwento niya, para bang napakahirap ng bansa nila. Pero bakit sila ay mayaman? Hindi ko mabilang sa dami ang mga tanong sa isip ko. Nadagdagan pa 'yon nang tuluyan na siyang sumeryoso at hindi na muli kumibo hanggang sa naro'n na kami sa harap ng aming bahay.

Binuhat niya ang malaking teddy bear para sa 'kin at inalalayan pa rin ako papasok sa malawak at malaki naming bakuran.

"Mind if I call you later?"

Nangiti agad ako at umiling. "Hihintayin ko ang tawag mo, Maxrill Won."

Nginitian niya rin ako. "I'm going back to Palawan tomorrow, I'm going to stay there for two weeks." Nakangiti akong tumango. "That okay with you?"

"Oo naman."

"Aren't you going to miss me?"

Ngumuso ako. "Parati na nga kitang nakasama."

"Dainty, we miss a person because we're far away from them."

"Mami-miss kita, syempre pero babalik ka naman, hindi ba?" nalungkot tuloy ako bigla, sa halip na ayos lang naman talaga sa 'kin kung dalawang linggo siyang mawala. Ang tagal ko ngang naghintay noon na makita siya pero ilang taon siyang hindi dumating.

"Of course, you're my favorite place now."

Nakagat ko ang labi ko upang pigilan ang tindi ng emosyong gumapang mula sa tiyan hanggang sa dibdib ko. Hindi ko nga lang nagawang sumagot. Sa halip pa ay lalo kong binagalan ang paglalakad para hindi agad kami umabot sa pintuan ng aming bahay. Dahilan para maging mabagal din ang paglalakad niya. Mabuti na lang at malakawak ang bakuran namin, malayo ang gate sa bahay.

"It really feels different when I'm with you," hindi ko inaasahang idadagdag niya, napatitig kami sa isa't isa. "You make me want to stay."

"Pero kailangan mong magtrabaho."

Napabuntong-hininga siya. "Yeah," nanlulumo pang sagot niya dahilan para matawa ako. "No, I have to disagree. I don't really have to work." Saka siya natawa.

"Ilang araw ka lang namang mawawala, Maxrill Won."

Tumitig siya sa 'kin saka nakangiwing bumuntong-hininga. "You don't get it."

"Ang alin?" nakangiti kong tugon.

Muli siyang tumitig sa 'kin, tila inaalam pa kung bakit ko tinanong 'yon. "Whatever. I love you, that's all."

Pinalobo ko ang bibig ko at nag-iwas ng tingin. Mas madalas pa niyang sabihin ang mga salitang 'yon kaysa sa 'kin. Kung isip ko ang susundin, kaya ko pang higitan ang dalas niya. Sa isip kasi ay kaya kong ulit-ulitin sa kaniya na mahal ko siya. Pero kulang na kulang ang lakas ng loob ko. Hindi ko mapantayan ang lakas ng loob niya. Nahihiya ako na kahit pakinggan lang siyang sabihin 'yon, agad akong namumula.

"I said I love you," inilapit niya ang mukha para ibulong 'yon.

Naipit ko ang tenga ko saka ako bahagyang lumayo. "Narinig ko, Maxrill Won."

Natawa siya. "And you're just gonna smile secretly, huh?" Nginiwian niya ako, kunyaring naaasar.

Nahinto ako nang matigilan siya at lumingon sa pinanggalingan namin. Gano'n kabilis nawala ang softness sa mukha niya, ang malamlam niyang mga mata ay tumalim sandali. Nilingon ko rin 'yon at saka siya muling tiningnan.

"Bakit, Maxrill Won?" usisa ko.

Sandali pa siyang tumitig doon saka bumaling at ngumiti sa 'kin. "Nothing." Pilit na ang ngiti niya. "Let's go."

Napansin ko siyang lumingon uli sa likuran namin. Ngunit hinawakan niya na ako sa likuran at inakay nang tuluyan sa bahay.

"Nandito na po kami." Nakangiti kong anunsyo nang pagbuksan kami ni nanay. Para bang inaasahan niya na ang oras ng pagdating namin, siya na kasi nagbuksan ng screen door para sa amin. Agad akong lumapit at yumakap sa kaniya.

"Dainty," ani nanay saka hinaplos ang aking buhok.

"'Nay..." yumakap ako nang mahigpit sa kaniya at saka sinalubong ng tingin si tatay. "'Tay," lumapit ako at nagmano sa kaniyang kamay. Naroon siya sa sala.

"Maxrill," dinig kong ani nanay. "Saan kayo nanggaling? Ano't napakalaki naman niyan?" batid kong 'yong teddy bear ang kaniyang tinutukoy.

"Galing po kami sa Enchanted Kingdom," masaya kong tugon. "Napremyuhan po iyan ni Maxrill Won sa isang palaro doon, 'nay. Binigay niya po sa akin. At napakarami po naming nasakyan na rides! Napakasaya ko po, 'nay!" Hindi ko napigilang ipakita ang totoong naramdaman ko. Sobrang saya na para bang hanggang ngayon ay naroon pa rin ako. Hindi ko malilimutan ang araw na 'to.

"Dainty..." gano'n na lang kaseryoso ang tinig ni nanay, bahagya akong natigilan, pilit na ang ngiti sa labi. Sinulyapan niya si tatay saka muling tumingin sa 'kin.

"Ano?!" bigla ay singhal ni tatay, nagulat ako. "Enchanted Kingdom ba 'ka mo?"

Tuluyan akong natigilan, nahihiyang nilingon si Maxrill Won saka muling binaling ang paningin kina nanay at tatay.

"Opo," hindi ko pinahalata ang aking kaba.

"Hindi mo nagsabi na doon ang punta ninyo," nalilito kaming tiningnan ni nanay bagaman mahinahon. "Dainty Arabelle?"

"Ano...'nay..." Tuluyan na akong kinabahan. "Ako po ang nagyaya kay Maxrill Won doon."

"Tsk tsk tsk," panay ang pag-ingit ni tatay. "Sinabi ko na nga ba't walang maidudulot na mabuti sa 'yo ang Moon na 'to!" Dinuro niya si Maxrill Won na noon ay tahimik na nagugulat. "Ang lakas ng loob mong magpakita pa rito! Hindi ka nag-iisip?"

"'Tay..." lumaylay ang mga balikat ko saka natutulirong naupo sa kaniyang harapan.

"Enchanted Kingdom?" muling singhal ni tatay, hindi ako pinansin. "Papatayin mo ba anak ko?!" nananatili ang paningin at galit niya kay Maxrill Won.

"Kaday, ano ba?" 'ayun na naman ang awtomatikong pananaway ni nanay.

Nilingon ko si Maxrill Won na noon ay nalilito, natitigilan at hindi na nagawang umalis sa pintuan. Karga niya pa rin ang napakalaking teddy bear at hindi malaman kung sino sa 'ming tatlo ang unang titingnan.

"Ate Dainty..." nalilitong tinig ni Bree ang nalingunan ko, mula siya sa kwarto namin at may nagtatanong na tingin sa 'kin.

Lumaylay ang mga balikat ko at tanging buntong-hininga ang naisagot sa kaniya. Tiningnan niya sina nanay at tatay saka nilingon si Maxrill Won. Kahit hindi siya magsalita ay nababasa ko ang pagkapahiya sa mukha niya.

"'Tay, 'nay, ako po ang nagyaya kay Maxrill Won doon," muling giit ko.

"Oo nga't ikaw, pero alam mong hindi ka dapat pumupunta sa gano'ng lugar, Dainty!" asik ni tatay.

Palibhasa'y mahina ang loob ko, gano'n kabilis akong pinangiliran ng mga luha. "Hindi naman po kasalanan ni Maxrill Won 'yon, 'tay. Ginusto ko po talagang pumunta ro'n."

"Paano kung naaksidente ka?"

"Nakauwi naman po kami nang ayos, 'tay."

"Hindi pa rin dahilan iyon para magpunta ka ro'n! At paano kung hindi? Paano kung may nangyari sa iyo?"

"'Tay naman...ayos lang naman po ako," natatakot akong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa kamay. "'Tay, 'wag na po kayong magalit"

"Hindi ka nag-iisip!" gilalas muli ni tatay kay Maxrill Won. "Nananadya ka ba o sadyang hindi mo ang dahilan kung bakit kami nagkaganito ni Dainty?" gigil na gigil siya dahilan para lalong tumindi ang aking kaba.

"Ako na ang kakausap kay Maxri"

"Hindi!" singhal ni tatay upang pigilan ang suhestyon ni nanay. "Sagutin mo 'ko, papatayin mo ba ang anak ko?"

Nag-aalinlangang sinalubong ni Maxrill Won ang tingin ng aking ama. "No, sir. I'm...I'm really sorry." Saka siya umiiling na tumingin kay nanay. "I'm sorry, Heurt,"pabulong man ay dinig ang kaniyang tinig.

Pabuntong-hiningang umiling si nanay. "Umuwi ka"

"Tantanan mo nga ako, Heurt?!" singhal muli ni tatay, lalong nangilid ang mga luha ko. "Kausapin mo 'ko,"naghahamong ani tatay kay Maxrill Won. Kung hindi marahil baldado ang mga paa niya ay baka sinugod niya na ang aking nobyo.

"Ano'ng nangyayari?" tinig iyon ni Kuya Kev. Hindi ko na siya nagawang lingunin pa dahil halos lumuhod ako sa harapan ni tatay upang makiusap. "'Nay? 'Tay? Dainty?"Walang nakasagot sa kaniya.

"Hindi mo alam ang pakiramdam ko bilang isang magulang, Moon," hindi man iyon pasigaw na sinabi ni tatay, nandoon ang gigil niya. "Hindi kita gusto para sa anak ko, hindi na siguro nakakagulat para sa 'yong malaman 'yon."

Nanatiling nakayuko si Maxrill Won, hindi nagsasalita. Sa kaniyang itsura, ako na naman ang nahihiya. Hindi ko inaasahang ganito ang magiging reaksyon nina nanay at tatay, at gusto kong magsisi na hindi man lang ako nag-isip. Lalo akong nagsisisi na hindi sinabi nang sadya sa kanila kung saan kami pupunta. Dahil alam kong hindi nila ako papayagan. Nang maisip 'yon ay tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni tatay ngunit binawi niya 'yon.

"Maaaring sa 'yo ay maliit na bagay lang ito. Baka iniisip mong pinalalaki ko lang ang gulo dahil ayoko sa 'yo. Baka nga tinatanong mo kung bakit ganito na lang ang galit ko, animal ka," patuloy ni tatay.

Paulit-ulit kong pinahiran ang mga luha ko sa halo-halong pakiramdam. Nahihiya ako para kay Maxrill Won dahil alam kong ako ang may kasalanan. Lalo akong nahihiya sa paraan ng pakikipag-usap ni tatay sa kaniya, harap-harapan siyang binabastos at hindi karapat-dapat si Maxrill Won sa ganoong trato.

"Siguro sa 'yo...paa lang 'to. Kasi hindi mo naranasan ang mabaldado, ano? Hindi mo naranasan ang takot sa kalagayan ng taong importante sa 'yo. Hindi mo alam ang pakiramdam ng walang pambayad sa punyetang ospital dahil isa kang Moon!"

"'Tay..." muling pakiusap ko. Sa sandaling iyon ay pakiramdam ko ay sang-ayon sa kaniya si nanay dahil hindi gaya ng dati, hindi niya na uli pinigilang magsalita si tatay.

"I'm really sorry, sir. Hindi ako nag-isip," gano'n na lang ang pagsisisi sa tinig ni Maxrill Won, napapikit ako sa pag-iyak.

"Maxrill Won..." nilingon ko siya at hindi na halos makita dahil pinanlabo ng mga luha ang aking mga mata. "Kasalanan ko, 'tay"

"Tumigil ka nga, Dainty?!" tinabig ni tatay ang kamay ko dahilan para lalo akong maiyak. "Kung sa 'yo ayos lang ang magpunta ro'n, sa akin bilang ama mo, hindi!"

"Tama na, Kaday," sa unang pagkakataon ay mahinahong nakiusap si nanay. "Ako na ang kakausap sa kanila, maghunus-dili ka."

Umiling-iling si tatay at hindi ako makapaniwalang makikita ko siya nang ganoon kaemosyonal. Sa ugali niyang istrikto, sa boses niyang kahindik-hindik, pakiramdam ko ay ito ang unang pagkakataon na makita ko siyang magalit na halos pangiliran siya ng luha.

"Kinakampihan mo na naman ang Moon na 'yan,"hindi sinigaw ni tatay 'yon pero ang gigil ang naroon pa rin sa kaniyang tono.

"Dahil isa na rin akong Moon," hindi ko inaasahan ang sagot ni tatay. "Hindi ko siya kinakampihan. Para sa 'kin ay mali rin na dalhin niya si Dainty doon," nilingon ni nanay si Maxrill Won bago muling bumaling sa aming ama. "Pero alam kong hindi niya intensyong ipahamak si Dainty, dahil hindi gano'n ang pagkakakilala ko sa Moon na ito."

Sarkastikong tumawa si tatay, pinahiran at diniinan ang kaniyang mga mata. Nang muli niyang salubungin ng tingin si nanay ay gano'n na lang katalim ang mga titig niya.

"Bakit nga ba umaasa pa 'kong kakampihan mo 'ko? Sino ba naman ako sa 'yo?" galit na naman ang tinig ni tatay.

"'Susmaryosep naman, Kaday." Nasapo ni nanay ang kaniyang noo.

"Hindi naman na ako umaasang maiintindihan mo ang galit ko, hindi ka naman magulang ng mga anak ko."Bumalik ang emosyonal na tinig ni tatay ngunit ang galit ay naro'n pa rin sa mga mata niya.

"'Tay..." halos sabay-sabay naming sinabi nina Kuya Kev at Bree Anabelle.

"Sige, kausapin mo na ang Moon na 'yan kung iyon ang gusto mo. Kung gusto mo ay sumama ka na rin sa kanila, tutal, sila naman ang tunay mong pamilya. At kung maaari..." binalingan ni tatay si Maxrill Won. "Ayaw na kitang makikita."

"'Tay...?" natitigilan kong pagtawag.

"Huwag na huwag ka na uling tatapak sa pamamahay na ito," nanatili ang paningin ni tatay kay Maxrill Won. "Huwag na huwag ka na uling tutuntong sa lugar na ito at kalimutan mo nang nakilala mo ang anak ko, animal ka."

Nagugulat na umiling si Maxrill Won. Kunot-noo niyang sinulyapan si nanay at saka muling tiningnan si tatay. "No."

"Anong no?" muling asik ni tatay.

"I can't do that. I'm...I'm really sorry, sir, but you can't just decide for us," iyon na yata ang pinakasinserong pananalita at pagtitig ni Maxrill Won kay tatay. "You can't do this to us."

Napipikong ngumisi si tatay. "Ako ang ama niya kaya ako ang masusunod."

"She is my girlfriend, sir." Sa tono ni Maxrill Won, tila pinipigilan niya lang na magtaas ng boses. Na para bang prayoridad niyang panatilihin ang respeto kay tatay, ano man ang mangyari at sabihin nito.

Awtomatiko akong tinaliman ng tingin ni tatay. Nagbaba ako ng tingin nang hindi magawang tagalan ang sama ng tingin niya. Nilingon ko si nanay, hinihiling kong magsalita siya. Ngunit nanatiling nakababa ang kaniyang tingin at hindi nagsasalita.

"Nobyo mo na pala ito, hindi ka man lang nagsasabi, Dainty?" asik ni tatay.

Nanginig agad ako sa takot. "S-Sorry po, 'tay..." gano'n na lang kahina ang boses ko.

Sarkastikong tumawa si tatay, naaasar at naghihinanakit. "Ganyan ba ang idinulot sa 'yo ng Moon na 'yan? Ang maglihim sa akin na ama mo?"

Awtomatiko akong nag-angat ng tingin at umiling. "Hindi po, 'tay! Sasabihin ko naman po..." mas humina pa ang tinig ko sa huling mga salita. "Sorry, 'tay..."

Hindi agad sumagot si tatay at nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay awtomatiko kong nabasa ang sama ng loob sa kaniyang mga mata. Lalong nangilid ang mga luha at aabutin na sana ang mga kamay niya nang iiwas niya iyon.

"Umalis ka na rito," naghalo ang inis at pakikiusap sa tinig ni tatay, si Maxrill Won ang kausap. "Ayoko nang makita iyang pagmumukha mo. Huwag ka nang magpapakita sa 'kin."

"I'm really sorry, sir," tumango si Maxrill Won at sinalubong ang tingin ko. "I'll...call you later, Dainty"

"Anong...hindi!" gilalas ni tatay saka hinablot ang bag ko.

"'Tay!" pilit kong inagaw ang aking bag ngunit hinalungkat niya iyon at nang matagpuan ang cellphone ay basta niya lang iyon binato kay Maxrill Won!

Pero walang emosyon iyong nasalo ni Maxrill Won, nang hindi inaalis ang paningin sa aking ama, nang kamay lang ang kumilos. Umawang ang labi ko sa gulat, hindi malaman kung ano'ng mararamdaman sa kilos niyang 'yon. Pero sa lahat ng naroon, mukhang ako ang pinakamatinding nagulat. Hindi gaya nina tatay, Kuya Kev at Bree na nakabawi agad. Hindi gaya ni nanay na walang pinagbago ang reaksyon, na para bang gano'n kadali ang pagsalo na ginawa ni Maxrill Won sa cellphone.

"Sino ka para bastusin nang ganyan ang anak ko?"hindi namin inaasahang mangingibabaw ang tinig ni Tiya Maze Moon!

Gano'n na lang ang gulat ko nang tuluyan siyang pumasok sa pinto. Gulat na agad napalitan ng takot nang magsalubong ang tingin namin ni Tiya Maze at gano'n na lang katalim ang sulyap niya sa 'kin. Agad niya ring itinuon ang paningin kay tatay. Hindi pa man siya nagsasalita uli, nakatingin lang, nararamdaman ko na ang kaniyang taray. Ako ang natatakot para sa 'min nina nanay.

Mukha siyang mamahalin sa kulay kremang high waist cotton pants, puting cotton turtle neck at kulay tsokolateng coat at pointed heels. Maging ang katamtaman na designer bag na nakasabit sa kanyang braso at pilantik ng mga kamay ay hinangaan ko.

"Kapag ibinato ko ang cellphone na 'to pabalik sa 'yo, bukod sa hindi mo masasalo, sigurado akong babagsak ka sa mismong kinauupuan mo,"nagbabantang dagdag ni Tiya Maze, gano'n na lang talaga katalim ang tingin kay tatay.

Nagsalita si Tiya Maze sa lenggawaheng hindi ko naunawaan, pasiring na pinadapo ang kaniyang paningin kina Maxrill Won at nanay saka ibinalik ang talim niyon kay tatay. Si nanay ang sumunod na nagsalita, hindi pa rin namin naunawaan. Si Maxrill Won naman ay kunot-noong napapikit saka bumuntong-hininga nang tuluyan siyang lingunin ng kaniyang ina.

Pinagkrus ni Tiya Maze ang kaniyang braso at inihakbang ang isang paa sa kaniyang harapan at muling nagbaba ng tingin kay tatay. Hindi lang ang kaniyang mukha ang humihiyaw sa awtoridad kung hindi maging ang pananamit at mga kilos niya.

Nauumay na bumuntong-hininga si Tiya Maze at saka nagsalita. "May kasalanan ang anak ko pero...hindi sapat 'yon para kausapin mo siya na para bang isang sindikato ang pinalalayas mo sa harap mo." Mahinahon iyong sinabi ni tiya ngunit humihiyaw sa pagiging maldita.

"Huwag mo 'kong diktahan kung sa anong paraan ko naising makipag-usap, Maze Moon. Iuwi mo na ang anak mo bago ko pa kayong palayasing pareho," ganting asik ni tatay.

"Sa kalagayan mo, mukha bang may masisindak ka rito?" talagang hindi pahihigit si Tiya Maze.

"Maze..." umaawat na ang tinig ni nanay. "Jebal..."'ayun na 'yong napamilyaran kong salita nila.

"Nakukuha kong ayaw mo sa anak ko...o sabihin na nating, ayaw mo sa pamilya namin," may diin sa mga huling salita ni Tiya Maze, hindi inintindi ang pakiusap ni nanay. "Pero huwag kang umasta na para bang gustong-gusto ka namin. Pangalan mo pa nga lang, hindi ko na gusto."

"Mom, please," nakiusap na si Maxrill Won.

Ngunit hindi nagpatinag si Tiya Maze. "Don't you dare embarrass my son in front of your familymost especially to the love of his life...again." Ako ang natakot nang mas tumindi ang diin at galit sa pagbabanta at tinig ni tiya. "Because I'm telling you," humakbang uli siya papalapit at yumuko kay tatay. "Kung masakit akong magsalita ay mas masakit akong manampal."

Gano'n na lang ang pagngisi ni tatay. "Mukha ba 'kong matatakot sa sampal mo?" naghahamong aniya. "Kahit lumpo ako, masasalo ko ang kamay mo."

Mas ngumiti si Tiya Maze. "Sinong may sabi sa 'yong palad lang ang panampal ko?"

"Kung ang pinagmamalaki mo ay itong bahay na niregalo ng anak mo, kunin mo na!" ganting singhal ni tatay, sa tonong nagmamalaki pa. "Hindi mo 'ko matatakot sa kapangyarihan, Maze Moon dahil sanay ako sa hirap!"

"Walang bumabawi sa bahay na niregalo ng anak ni Heurt Moon, Kaday, at lalong hindi ko ugaling manakot at magmalaki sa tulad mong sindikato. Ang pinupunto ko, kung may hinanakit ka sa pamilya namin, huwag mong idamay ang anak ko. Iyon lang ang pakiusap ko. Dahil hindi namin ugaling bawiin ang ibinigay na naming regalo, lalo na sa nangangailangang tulad mo," hindi nauubusan ng bala si Tiya Maze.

"Maze, pakiusap," natutuliro nang ani nanay.

"Mom, please," lumapit na si Maxrill Won kay tiya ay inakay ito palayo.

"I'm warning you," hindi talaga patinag si Tiya Maze. "Maikli ang pasensya ko sa bastos at sindikatong tulad mo. Subukan mong insultuhin uli ang pamilya, lalo na ang anak ko, hindi lang salita ko ang dudurog sa 'yo."

"Sinabi nang tama na," bigla ay asik ni nanay. "Naririnig ng mga bata."

Tumaas ang kilay ni Tiya Maze. "So, ang marinig na hiyain ng asawa mo ang anak ko, ayos lang? Pero ang marinig nilang hiyain ko ang asawa mo, hindi?" si nanay naman ang hinarap niya. "Answer me."

"Alam mong hindi gano'n ang ibig kong sabihin,"nagpipigil ng galit si nanay.

"Bakit hindi 'yong ibig mong sabihin ang sinabi mo?"

"Maze Moon," pabuntong-hininga, kunot-noong pagtawag ni nanay.

Umarko ang kilay ni Tiya Maze. "Kay Maximor, hanga ako sa taste mo," nakangisi, nakakainsultong ani tiya. "Pero pagdating sa lalaking ito," sinulyapan niya si tatay. "Expired siguro ang alak na nainom mo para patusin ito. Maliban sa...pagkakaintindihan ninyo bilang mga..."mataray na ngumisi si tiya. "Sindikato." Gano'n na lang kadiin niyang sinabi 'yon, inilapit pa ang mukha kay nanay.

Sindikato...

Gusto kong umiyak nang umiyak sa kahihiyan at takot dahil sa nangyayari. Pero ang isip ko ay napako na sa salitang iyon na bumuo ng iba't ibang tanong sa isip ko.

Bakit niya tinatawag ng sindikato si tatay?

"Let's go, Maxrill," anyaya ni Tiya Maze.

"I'm so sorry," muling tumingin si Maxrill Won kay tatay. "I'm really sorry, sir."

Sa halip na sumagot ay tinaliman ng tingin ni tatay si Maxrill Won. Na walang nagawa kung hindi ang tumango sa aking ama at salubungin ang tingin ko. Muling nangilid ang aking mga luha. Ngunit hindi ko inaasahang ngingitian niya ako bagaman may halo nang lungkot iyon.

Maxrill Won...

Muli pa siyang tumango sa amin, at kay nanay, saka niya kami tuluyang tinalikuran. Kumilos ako at gusto na sana siyang sundan nang hilahin pabalik ni tatay ang braso ko.

Gusto kong magreklamo, gusto kong magmatigas na hahabulin si Maxrill Won. Pero ang nabasa kong emosyon sa mukha ni tatay ang awtomatikong pumigil sa 'kin. Ang lungkot at pagkapahiya na nabasa ko sa mukha ni Maxrill Won ay nabasa ko rin sa mukha ng aking ama.

To be continued. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji