CHAPTER 47
CHAPTER 47
TUMAYO SI Maxrill Won matapos ubusin ang kaniyang pagkain. Hindi naman ako napahiya dahil naubos ko rin ang sa 'kin. Ngumiti siya at gumilid papalapit sa 'kin at naglahad ng kamay. Tinanggap ko 'yon at saka niya ako iniharap sa magandang tanawin. Tanawin kung saan nakikita ko ang nakakalat na ilaw mula sa malalayo at hindi mabilang na kabahayan sa Laguna. Tanawin kung saan pareho naming nalalanghap ang sariwang hangin ng gabi. Tanawin kung saan nakatunghay sa 'min ang maliwanag at bilog na buwan. Ito na ang pinakamagandang gabi na dumaan sa buhay ko. Ikalawa na lang 'yong gabi ng kaniyang kaarawan kung saan ko siya unang nakita.
Niyakap niya ako mula sa likuran, 'ayun na naman 'yong padampi-dampi niyang halik sa buhok ko, mula sa likod hanggang sa may sentido. Humihigpit ang yakap pero bahagya ring pinipigilan. Kinuha niya ang kamay ko at magkahawak-kamay na iniyakap sa sarili ko ang aking mga braso.
"I want to stay here forever with you," bulong niya sabay dampi ng halik sa pisngi ko. "Can we do that?"
Nakangiti akong pumikit sa sarap ng pakiramdam niyon. Sana nga, Maxrill Won... Dahil kung siya ang makakasama ko, kahit anong lugar niya piliing manatili ay sasama ako. Kahit anong maging desisyon niya ay sasang-ayunan ko. Gano'n kasarap ang pakiramdam na tila wala akong ibang kayang gawin kung hindi magpaanod sa kaniya at magtiwala.
"Maganda sa lugar na 'to," ngiti ko at saka nagmulat. Eksaktong buwan ang nadapuan ng paningin ko. "Kung gabi-gabi ay makikita ko nang ganito kalapit ang buwan..." tumango-tango ako at saka lumingon sa kaniya. "Gusto kong manatili rito kasama mo."
Ngumiti rin siya at saka tinanaw ang buwan. "Why do you like that thing so much?" saka siya lumingon sa 'kin dahilan para magkadikit na ang ilong niya at pisngi ko.
Ngumuso ako at muling tinanaw ang buwan. "Dahil ikaw ang naaalala ko sa t'wing titingnan ko ang buwan, Maxrill Won." Napabuntong-hininga ako. "Lahat ng alaala mo, napapanood ko nang paulit-ulit sa buwan. Kahit hindi kita makita, kontento ako dahil gabi-gabi, nakikita ko siya."
"Hmm."
"Dati..." napangiti ako. "Makita ko lang 'yong buwan at maalala ka ay tuwang-tuwa na ako, Maxrill Won."
"That's how simple you are," aniyang ikiniskis ang ilong sa pisngi ko. "I'm yours now. You can see me, hug me, kiss me...any...time of the day."
Napatitig ako sa kaniya at nang hindi mapigilan ang ngiti ay tinanaw ko na lang ang buwan. Doon ako ngumiti nang todo at ninamnam ang mga salitang binitiwan niya.
Ganito pala ang pakiramdam no'n. Para akong kinikiliti nang paulit-ulit na gusto ko siyang yakapin at labanan ang yakap niya nang mas mahigpit. Kung may lakas lang ako ng loob ay gagantihan ko ang bawat dampi niya ng halik. Pero kulang na kulang ang lakas ko para gawin lahat 'yon. Iniisip ko pa lang ay nahihiya na ako. Nasisiguro kong pagtatawanan niya lang ako kung susubukan ko.
Ngunit kahit gano'n, pipiliin kong maramdaman ang lahat nang ito nang paulit-ulit, at kung pwede nga lang, talagang ayaw ko nang matapos. Kung pwede lang, ayaw ko nang mawala siya sa tabi ko.
Naramdaman ko nang magbaba siya ng tingin kina Hee Yong at Nunna. Magkatabi ang dalawa sa harap ng lumalaking bonfire at parehong natutulog. Nilingon ako ni Maxrill Won at saka binitiwan, iniharap niya ako at saka tinitigan. Naitikom ko ang aking bibig nang mailang ako.
"Sleepy?" tanong niya.
Umiling ako. "Hindi yata ako makakatulog." Naitakip ko ang isang palad sa mata ko nang mag-init ang buo kong mukha.
Narinig ko siyang tumawa at gano'n na lang ang gulat ko nang nakawan niya ng halik ang labi ko. Sumimangot ako ngunit sa huli ay nangiti rin.
"Sit here and wait for me," aniya saka ako pinaupo sa malaking kahoy na naroon mismo sa harap ng apoy.
Tinanaw ko kung saan ang kaniyang punta. Dumeretso siya sa van at may kinuha. Napamaang ako nang maglabas siya ng gitara. Nakangiti siyang lumapit sa 'kin at naupo sa mismong harap ko, sumandal siya sa akin, sa gilid ng hita ko.
Kinalabit niya ang gitara sa tonong hindi ko mapamilyaran. 'Yon pa lang ang ginawa niya pero humanga na ako. Napangiti ako at yumuko sa kandungan ko, hindi naiilang kahit mapalapit ako sa kaniya. Malakas ang loob, palibhasa'y naroon ako sa kaniyang likuran.
"Anong kakantahin mo, Maxrill Won?" nakangiting tanong ko.
Hindi ko inaasahang lilingunin niya ako, nakaawang ang labi at patuloy sa pagtipa sa kaniyang gitara. "What do you want me to sing?" mahinang tanong niya. "I like Filipino songs."
Napabuntong-hininga ako dahil maging ang gano'ng kilos niya, na normal naman at kahit sino ay nagagawa, hinahangaan ko. Hindi ko alam kung ganito ba talaga ang magkagusto o sadyang kakaiba lang ang kaniyang epekto.
"Kahit ano, Maxrill Won," sagot ko.
Nakangiwi siyang nag-isip, patuloy pa rin sa pagkalabit sa kaniyang gitara, hindi inaalis ang pagkakatingala sa 'kin.
"Kahit ano...basta ikaw, walang problema..."kapagkuwa'y kumanta siya, napangiti lalo ako. Napakaganda ng boses niya at aaminin kong parang lalong kiniliti ang bawat parte ng katawan ko. "Kahit buhay ibibigay, ito'y pangako ko, sinta."
"Hala..." hindi mawala ang ngiti sa mukha ko. Lalo pang lumapad nang ihiga niya ang kaniyang ulo sa kandungan ko at magpatuloy sa pagkanta sa gano'ng posisyon. "May ganyan palang kanta, Maxrill Won?" ngumuso ako.
Bumuntong-hininga siya at hindi pinansin ang tanong ko. Sa halip ay nagpatuloy siya sa pagkanta. Nang nakatingala sa 'kin, ngumingiti, pumipikit at magmumulat para titigan ako. Ako naman ay nakatunghay, hindi makagalaw, sa takot na magambala siya sa pagkanta. Panibagong sarap ng pakiramdam, tuloy ay lalong ayaw kong matapos ang araw na 'to. Kung pwede lang ay araw-araw birthday ko, 'yon na ang hiniling ko.
"Napakaganda ng boses mo," hindi ko napigilang sabihin 'yon. Pero totoo, parang lalo siyang gumwapo dahil sa ganda ng kaniyang boses. "Napaka-talented mo, Maxrill Won."
"What's that song you wrote? Can you sing it again for me?" aniya nang matapos ang nauna niyang kanta.
"Hala..." Lumaylay ang mga balikat ko. "Ngayon na?"
"Yeah," ngumiti siya at nagpatuloy sa pagtipa. "I'll play it for you, sing it for me."
Napatitig ako sa kaniya, nakanguso at hindi na maitago ang hiya. "Nahihiya ako, Maxrill Won."
"You already sang it before." Ngumiti siya. "Please?"ngumiti siya nang labas ang lahat ng ngipin. Nahawa ako at nakagat ang labi ko para hindi mahigitan ang lapad ng ngiti niya. "Please?"
Napabuntong-hininga ako. Gano'n na lang katagal kong humugot ng lakas ng loob nang simulan ang kanta. Hiyang-hiya, halata sa boses ang kaba, gumagaralgal pa. Paulit-ulit na tinipa ni Maxrill Won ang kaniyang gitara hanggang sa masabayan ang tono ng aking kanta.
"Maaari ba'ng ika'y maging akin? Ang tulad ko ba'y iibigin?"
"Yes," tugon niya sa gitna ng aking pagkanta.
"Mundo man nati'y magkaiba...sigurado na akong...gusto kita."
"Me, too," ngumisi siya.
Nagpatuloy kami, ako sa pagkanta habang siya ay sa pagtugtog. Hindi ko inaasahang nang ikalawang beses kong kantahin ang chorus niyon ay sasabayan niya ako. Nakakailang at nakakahiya pa rin pero nagagawa kong tagalan.
"Gusto kitang samahan sa ilalim ng buwan..." kinanta namin 'yon nang sabay, nakangiti ang isa't isa. "Gusto kitang tabihan nang walang alinlangan..."
Hindi ko alam kung paanong nasaulo niya ang liriko niyon. Hindi ko rin sigurado kung paano niyang natugtog nang perpekto ang tono. Pero napakasarap sa pakiramdam ng sandaling iyon. Kung saan hindi na lang sa kanta ko naidaraan ang nararamdaman kong gusto kong iparating sa kaniya. Dahil nagawa niya na 'yong sabayan at suklian.
"It's getting late," aniya nang matapos ang kanta. "You must be sleepy."
Gano'n na lang ang panghihinayang ko nang umalis siya sa pagkakahilig sa hita ko. Pero agad akong ngumiti nang tumayo siya at ilahad ang kamay sa 'kin.
"You're going to sleep here," itinuro niya ang tent.
"Ikaw?"
Ngumiti siya. "I'll sleep there," itinuro niya ang van. "You can keep it close, it's cold in here. You have everything there."
"Paano ka?"
"I'll be fine, I have my things there too," muli niyang tinuro ang van.
"Sige," ngumiti ako. "Salamat."
Inihatid niya ako sa tent, inalalayan papasok at mahiga. "Call me if you need anything."
Yumuko siya at gano'n na lang ang kaba ko, naiyakap ko ang mga braso ko sa aking sarili. Napigil ko ang paghinga nang halikan niya ang noo at pisngi ko nang gano'n kalapit.
"Good night, baby."
"Good night, Maxrill Won."
"Good night, Dainty Arabelle," nakangiting aniya, nakatunghay sa 'kin at panay ang haplos ng daliri sa pisngi ko.
Hindi ko alam kung gagantihan ko pa ba ng ngiti ang huli niyang sinabi. Sa paraan kasi ng pagkakatitig niya sa 'kin ay para bang hindi totoong naro'n ako sa harap niya. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko nang ganitong kalapit kung paano siyang humanga.
"I love you," bulong uli niya.
Nahila ko ang kumot at naitakip sa kalahati ng aking mukha. "Ako rin."
Natawa siya. "Say it, then," aniyang ipinatong ang mukha niya sa mga kamay ko. Gano'n na lang lalo kalapit ang mukha namin sa isa't isa. "I want to hear it."
Nalukot ang mukha ko sa hiya. Gusto kong magtakip pero naro'n ang mukha niya sa kumot at hindi ko na 'yon mahila. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ako sa pag-aabang niya.
"I love you," gano'n na lang kapangit ang boses ko, naipit.
"What?" natawa siya.
Hala naman... Napapikit ako sa kahihiyan. "I love you,"inulit ko sa mas malakas pero malabo pa ring paraan.
"I can't understand you," tumatawa niyang sinabi. Sumama na ang mukha ko. "Fine," pinigilan niyang matawa. "Where's my good night kiss?"
Nanlumo ako. "Naka-kiss ka na, eh."
Ngumuso siya kunyari. "Can't I ask for more?"
"Bukas na uli."
Natawa lalo siya. "Alright," hinawakan niya ako sa noo at hinawi ang mga buhok doon. Saka niya hinaplos ang ulunan ko at muli akong dinampian ng halik sa noo. "Sleep tight. Call me if you need anything."
"Salamat, Maxrill Won." Inalis ko ang kumot sa mukha ko para masabi nang maayos 'yon.
"Happy birthday," aniyang inilapit ang mukha sa akin ngunit huminto bago mapalapit sa labi ko.
Hinintay niya ang magiging reaksyon ko. Nang makita niya ang pagkakasimangot ko ay natawa na lang siya at bumuntong-hininga. Saka siya tumayo at minsan pang tiningnan ang pagkakahiga ko. Nang makitang ayos lang ako ay saka niya isinara ang tent.
Napangiti ako sa pakiramdam. Nagpaulit-ulit ang lahat ng nangyari sa isip ko at walang sandali sa pagkakahiga kong iyon ang hindi ako nakangiti. Hindi ko na alam kung ano pang itatawag ko sa gano'ng pakiramdam. Kulang na kulang ang salitang masaya para mapangalanan 'yon. Ang tanging alam ko lang ay ang pakiramdam.
Ako ang naunang gumising kinabukasan. Dumeretso ako sa pop-up pod at naghilamos. Inayos ko ang sarili ko nang makabalik sa tent. At nang matapos ay saka ako lumapit sa van kung saan naro'n si Maxrill Won.
Gano'n na lang ang gulat ko nang makita siyang itim na pants lang ang suot nang matulog. Walang shirt at walang kumot. Hindi ba siya nilamig? Hinid ba siya nilamok?
Napalunok ako nang muling makita ang ilang ukit sa tiyan niya. Lalo na nang umangat ang paningin ko sa labi niyang bahagyang nakaawang pa. Hindi ko akalaing makukuha kong humanga sa taong pagtulog lang naman ang ginagawa.
"Good morning, Dainty Arabelle." Gano'n na lang ang gulat ko nang mangibabaw ang tinig ni Tiyo Dirk mula sa tabi ng van. Preskong-preskong tingnan si tiyo, parang bagong ligo sa asul na suit. Naroon ang pareho niyang kamay sa likuran.
Dali-dali akong lumapit sa kaniya. "Ano...good morning po, tiyo. Nandito po pala kayo. Kumusta po kayo?"
Umawang ang labi niya, tila ipinagtaka ang pangungumusta ko. "Well, I'm...fine. Thank you." Bahagya siyang napailing na para bang hindi normal ang tanong ko. "I'm going to prepare your breakfast." Ngumiti siya saka tumango at tinalikuran ako.
Minsan ko pang sinulyapan si Maxrill Won. Hindi man lang nagbago ang posisyon niya. Palihim akong nangiti saka sumunod kay Tiyo Dirk.
"Tutulungan ko na po kayo," nakangiting sabi ko saka tumabi kay Tiyo Dirk sa harap ng bonfire na ngayon ay wala nang apoy. "Wow..."
Gano'n na lang ang pagkamangha ko nang makita ang langit na halos kapantay namin. Naghahalo ang kulay ng kahel, at asul at bahagya pang dilim. Napakaganda bagaman kakaunti pa ang liwanag. Hindi ko na kailangang tumingala pa para tingnan 'yon. Harap-harapan ko 'yong nakikita kaya gano'n na lang ang aking pagkamangha.
"Napakaganda!" ignoranteng nasabi ko. "Napakaganda po rito, tiyo!" baling ko kay Tiyo Dirk na gano'n na lang uli ang gulat at pagtataka sa 'kin.
"Your first time, huh?" ngiti niya.
"Opo!" magiliw na sagot ko saka muling tinanaw ang kalangitan. "Hala..."
Pero gano'n na lang ang gulat ko nang may biglang yumakap sa likuran ko. "Good morning, baby," bagong gising na tinig iyon ni Maxrill Won. Isiniksik niya ang mukha sa leeg ko at animong doon pinagpatuloy ang kaniyang pagtulog.
Nilingon ko siya nang bahagya at natawa nang makitang kumot ang ibinalabal niya sa sarili. Hindi ko na naman napigilang mamangha. Normal ba'ng maging mabango ang isang tao kahit bagong gising lang ito? Hindi ko naman pangit ang amoy ko pero...hindi ako kasimbango ng lalaking ito. Mula noon, hanggang ngayon, naiilang akong makipag-usap kahit kanino sa t'wing bagong bangon ako. Pero 'eto siya, puno ng kompyansa, dahil wala akong naaamoy kung hindi kabanguhan niya.
"Magandang umaga, Maxrill Won," tugon ko.
Naramdaman at narinig ko ang matunog niyang ngiti. "I love you," bulong niya nang hindi inaalis ang mukha sa leeg ko. Naramdaman ko siyang humalik doon, pinigilan kong ipakitang nakiliti ako.
"Tingnan mo ang langit, Maxrill Won, napakaganda!"sagot ko.
Bumuntong-hininga siya saka ipinatong ang mukha niya sa balikat ko upang tingnan 'yon. Natawa ako nang makita ang pipikit-pikit at nasisilaw niyang mga mata. Saka siya bumuntong-hininga at lumingon sa 'kin. Kumalas siya sa yakap at hinarap ako.
Nagkakamuta rin kaya siya?
"Mas maganda ka pa," ngiwi niya sa kalangitan saka ngumiti sa 'kin.
"Still sleepy?" ani Tiyo Dirk.
"Oh, I didn't know you're here," pang-aasar ni Maxrill Won. "I'm hungry."
"Ihahanda ko na ang agahan."
"Thanks. Let me just wash my face." Tatamad-tamad na tinapon ni Maxrill Won ang kumot sa silya. Saka minasahe ang kaniyang batok papunta sa pod. Ang guhit sa kaniyang braso at likuran, nahigitan ang ganda ng kalangitan.
Muli ko na lang tiningnan ang kalangitan at nasilaw nang tuluyan nang sumilip ang araw. "Napakaganda..." nasabi ko na naman.
Narinig kong tumawa si Tiyo Dirk. "Hindi na ako magugulat kung bilhin ni Maxrill Won ang lupang 'to."
Napamaang ako. "Ano po ang ibig ninyong sabihin?"
Lalong natawa si Tiyo Dirk. "Nothing," kibit-balikat niya saka muling sinindihan ang apoy sa pamamagitan lang ng bato at mga dahon.
"Hala...napakahusay mo, tiyo!" Gano'n na lang talaga ako kaignorante, nagulat na naman siya. "Napakagaling po ninyo."
Pinanood ko si Tiyo Dirk na magtayo ng kahoy na may pundasyong bato sa ibabaw ng apoy. Ipinasok niya sa kahoy ang takure na may lamang tubig.
"He drinks coffee in the morning," ani tiyo nang matapos, pinagpag ang mga palad niya. "Eats bread and fruits."
Natawa ako. "Akala ko, steak din ang breakfast niya."
Nagtaka si tiyo saka natawa. "No. Ang tooto, hindi siya madalas sa karne. Pulos gulay at prutas ang hilig niya, minsan, isda."
Natigilan ako. "Gano'n po ba?"
Tumango si tiyo. "Ni-request niya lang ang steak dahil alam niyang nagustuhan mo."
Pinalobo ko ang bibig ko, hindi malaman ang mararamdaman. "Ako naman po, kape at pandesal sa umaga," iniba ko ang usapan. "Minsan po ay sinasamahan ko si nanay sa panaderya. Pero madalas po ay nakabili na siya paggising naming magkakapatid."
Napatitig sa 'kin si tiyo at saka natawa. "Nice to know that."
"Nice to know what?" nangibabaw ang tinig ni Maxrill Won, sumulyap siya sa 'kin saka binalingan si tiyo. "Have you had coffee? Where's everyone?"
Ngumiwi si tiyo saka sumulyap sa kagubatan. "We all just woke up. So, anong plano ngayong araw, sir?"
"We're going to Enchanted Kingdom," ngisi ni Maxrill Won.
Nangingiti kaming tiningnan ni Tiyo Dirk. "At your age, huh? That's cool."
"Why not? I think that's cute." Ngumiti sa 'kin si Maxrill Won.
Nagkibit-balikat si Tiyo Dirk. "Sure." Nginitian niya ako saka binalingan ang pinakukulo niyang tubig. "I'll prepare your coffee. Have a seat." Itinuro niya ang pandalawahang mesa na agad naming dinulugan ni Maxrill Won.
Si Tiyo Dirk ang naglabas sa agahan namin. Gaya ng sinabi niya ay may mga tinapay at prutas bukod sa kape. Pero hindi ko inaasahan ang ganoon kagarbong agahan. Parang hindi ko matawag na tinapay ang isang basket ng iba't ibang uri ng tinapay na malayo sa mga nabibili sa panaderya. Matatawag mang prutas, nasisiguro kong karamihan sa mga hiniwang prutas sa harap ko ngayon ay hindi ko pa natitikman noon.
Pawang pabilog ang mga loaf ng tinapay. Matitigas tingnan pero nang hiwain ni Tiyo Dirk ng bread knife ay para bang napakalambot. Merong kulay tsokolate, hindi ko alam kung sunog o gano'n lang talaga ang itsura. Meron namang mukhang tama ang pagkakaluto at maganda ang kulay na gaya sa mga normal na kulay ng tinapay. May mga hiwa-hiwang disenyo at powder iyon sa ibabaw dahilan para magmukhang katakam-takam.
Ang mga prutas naman, bukod sa grapes, mango at banana, hindi ko na yata kilala ang iba. Bukod sa mabango, napakarami niyon at hindi ko alam kung paano naming mauubos na tatlo.
Ngunit pumito si Tiyo Dirk at nang lingunin ko ang gawi ng pinituhan niya ay namangha ako. Mula sa kakahuyan ay isa-isang nagsipaglabasan ang hindi ko mabilang na kalalakihang pawang mga naka-suit at gayong hindi pa man tirik ang araw ay mga nakasalamin na.
Napatayo akong bigla. "Magandang umaga po," pagbati ko. "Kain po." Inilahad ko ang mga tinapay at prutas sa kanila.
Gano'n na lang ang gulat ni Maxrill Won sa 'kin. Natitigilan niyang nilingon si Tiyo Dirk na nagulat din, maging ang kanilang mga tauhan, bago binalik ang paningin sa 'kin. Sabay-sabay silang natawa at napailing dahil sa inasal ko gayong normal lang naman 'yon.
"Ano...maupo na lang po kayo. Ipagtitimpla ko po kayo ng kape," nahihiyang dagdag ko at saka kumilos.
Nakita ko nang muling magkatinginan ang mga tauhan. Lahat din 'yon ay sabay-sabay na nilingon si Maxrill Won, hinihintay ang magiging reaksyon nito. Pero sa halip na pansinin sila ay pumunta ako sa van at doon naghalungkat ng mga gamit.
"Nandito ang mga tasa," ani Tiyo Dirk saka ako pinangunahang magkuha ng mga 'yon.
"Ako na po," nakangiting presinta ko.
"Tutulungan na kita." Tumayo si Maxrill Won at pumuwesto sa harapan ko. Pinangunahan akong buksan ang malaking bag kung saan nandoon ang mga gamit.
"Sinabi nang ako na, eh," galit nang sabi ko.
Umawang ang labi ni Maxrill Won saka nilingon si tiyo. "That's how she gets mad," nakangising aniya sabay sulyap sa 'kin. "Sweet, huh?" muli niyang baling kay tiyo, napanguso ako. "All right, yeorobun, my wife's going to prepare coffee for us."
"Anong wife?" habol ko sa kaniya. At anong yeorubun? Hindi ko na dinagdag ang huling naisip.
"Baby, then," ngisi niya sa 'kin saka tinapik si tiyo at bumalik sa kanilang pwesto.
Nakanguso kong sinulyapan ang lahat, sabay-sabay na nag-iwas ang mga tauhan sa 'kin at nagpanggap na nag-uusap.
"Kumain na po kayo," sabi ko nang makakuha ng mga tasa, isa-isa ko 'yong inilapag sa mesa. "Uhm..." inisip ko kung anong kulang sa mga kinuha ko. "Kutsarita..."Bumalik ako sa van at kumuha. Saka ko sinimulan ang pagtitimpla ng kape.
Lahat sila ay pinanonood ako. Mula sa pagsasalin ng tubig hanggang sa paghahalo. Inilagay ko sa platito ang mga tasa ng kape, inilapag ko sa harap nina Maxrill Won at tiyo ang para sa kanila, saka isa-isang binigyan ang mga tauhan. Matapos no'n ay bumalik ako sa mesa at naghiwa naman ng tinapay. Palibhasa'y limang klase iyon, hiniwa ko sa maliliit ang bawat isa upang lahat ay makatikim ng bawat klase. Muli, inilapag ko sa harap nina tiyo at Maxrill Won ang para sa kanila saka ko isa-isang binitbit ang para sa mga tauhan.
Hindi ko inaasahang hihilahin ni Maxrill Won ang kamay ko at pauupuin ako sa kaniyang kandungan. Nagugulat kong nilingon ang mga tauhan pero ni isa sa kanila ay walang nakatingin sa amin.
"Maxrill Won," pinagkunutan ko siya ng noo.
"Thank you," mahinang tugon niya saka hinalikan ang pisngi ko. Kumuha siya ng tinapay at nilapit 'yon sa bibig ko. "Eat."
Nginusuhan ko siya. "Sa 'yo 'yan, e."
"Sa 'tin," ngisi niya. "Eat."
Kumagat ako sa tinapay at nakangusong ngumuya. Kumagat din siya doon at nakangiting pinanood ang pagnguya ko.
"Kain na po," nakangiti kong sabi saka dumampot ng tinapay. "Napakasarap pala ng tinapay na 'to. Sayang at walang ganito sa panaderya sa 'min, hehe," hindi ko alam kung ayos lang na ipakita ang pagiging ignorante ko.
"Sa London lamang nabibili ang mga iyan," ani Tiyo Dirk.
"Sa London..." awtomatiko kong naibalik ang tinapay sa plato.
"What?" natatawang ani Maxrill Won. "Eat."
Ganoon namin tinapos ang agahan, naro'n ako sa kaniyang kandungan at unti-unting natunaw ang hiya dahil tila kami lang ang nakakakita. Muli kaming naligo ni Maxrill Won sa talon at bago magtanghali ay nasa daan na kami papauwi.
"Are you the jealous type, Dainty?" tanong niya sa kawalan habang nagmamaneho.
Napanguso ako at napaisip. "Hindi," sabi ko. "Sa tingin ko naman ay hindi. Bakit mo naitanong?"
Nagkibit-balikat siya. "Same," ngiti niya. Ang isang kamay niya ay nasa manibela habang ang isa ay nakapatong sa bintana at nilalaro ang kaniyang labi.
"Maxrill Won? Hindi ka ba naaabala na parati tayong lumalabas?" ngayon ko lang naisip 'yon. "Huwag mo sanang masamain ang tanong ko."
"I am my own boss, Dainty."
Umawang ang labi ko saka napatango-tango. "Oo nga pala."
"At hindi ka abala. Instead..." nakangiti siyang sumulyap sa 'kin. "You're my breather and my rest. Before, I only care about work and my family, now I care about myself."
Napangiti ako. "Alam kong busy ka pero 'wag mo kalimutan parating magpahinga."
"Sure." Inabot niya ang pisngi ko at hinaplos saka binalik ang kamay sa manibela. "I have to go back to Palawan, soon, maybe. I have to settle some things there. But I'll be back." Nakangiti uli siyang sumulyap sa 'kin. "Hindi na 'ko sigurado kung kaya kong matagal na hindi kita nakikita."
Ngumuso ako. "Bakit naman? Meron namang telepono."
"Tsh. Really, huh? Ten to twenty missed calls, how sweet of you."
"Ano...pasensya na." Lumabi ako. "Naro'n sa Palawan ang business mo kaya kailangang nandoon ka."
"Nasa buong Pilipinas ang business ko." Humalakhak siya.
Napamaang ako. "Gano'n ba karami ang negosyo mo?" Hindi ako makapaniwala. "Talagang hilig mo ang negosyo?"
"Born and raised." Ngumiwi siya. "But I enjoy it mainly because I am the boss. I work on my own hours, I set the rules—no rushing. I decide who to hire, and give job opportunities to people. I can spend time with my family and friends whenever I want and I'm financially independent."
Ngumiti siya at lumingon sa 'kin. Saka ibinalik ang paningin sa pagmamaneho. "Also, I always get what I want. And it feels so rewarding when my position allows me to turn my ideas into something that can make a difference. But of course, it's risky, it feels scary and lofty and...whatever at first, but I think that's natural. Those things actually helped me grow in so many ways...took me to places around the world, met a lot of people, discovered things...maraming reasons."
"Wow..." Namangha ako. "Napakahusay mong magsalita, Maxrill Won. Nakikita at nararamdaman ko sa 'yo kung gaano mo kamahal ang iyong trabaho." Gano'n ang nasabi ko pero ang laman ng isip ko ay kung gaano siyang ka-inspirational. Hindi lang kasi sa kaniyang salita makikita kung gaano niya kamahal ang ginagawa. Nakikita 'yon sa kaniyang mukha, lalo na sa mga mata.
"How about you? Why do you want to become a doctor?" kapagkuwa'y tanong niya.
Natigilan ako at gustong mahiya sa rason ko. "Kasi...ano..." nag-isip ako nang magandang rason pero talagang pagpapakatotoo lang ang pumapasok sa isip ko. "Naaawa kasi ako sa mga pusa at aso sa kalye. Ano..."nakamot ko ang ulo ko. "Bata pa lang ako no'ng una akong makapulot ng pusa kaso...namatay dahil hindi ko nagamot nang tama. Pinakain ko lang nang pinakain, hindi naiisip kung pwede ba 'yon sa kaniya o hindi."
"Hmm."
"Tapos...ano," kung saan-saan napunta ang paningin ko sa paghahanap ng sagot. "No'ng minsan naman may nakita akong aso na pipilay-pilay, malaki 'yong sugat. Hindi ko alam kung paanong gagamutin kasi bukod sa matapang siya, hindi ako maalam gumamot."Napabuntong-hininga ako. "Bata pa ako no'n, hindi pa nangyayari ang aksidente."
Tumango siya at nilingon sina Hee Yong at Nunna na natutulog sa likuran. "What about her?"
Nangiti ako. "Nito ko lang napulot si Nunna, masaya ako kasi napalaki ko siya at hindi niya ako iniwan."
Nakangiwi siyang tumango. "Cute." Binasa niya ang gilid ng kaniyang labi saka nangingiting sumulyap sa 'kin. "So, you're also planning to build your own clinic?"
Napabuntong-hininga ako. "Syempre naman. Kahit matagal...pag-iipunan ko talaga 'yon, Maxrill Won. Gusto kong magkaroon ng sarili kong clinic tapos tatanggapin ko lahat ng animals na mangangailangan ng tulong ko. Kahit walang bayad."
Nakangiti siyang sumulyap. "I won't mind investing."
Umawang ang labi ko saka magkakasunod na tinanggi ang mga kamay ko. "Hindi. Ano...ayaw ko."
"Why not?"
"Basta..." nakanguso akong tumingin sa labas at hindi namalayang sa gano'ng kaiksing napag-usapan namin ay nakarating na kami sa bahay. "Narito na pala tayo."
Ngumiti siya at bumaba saka ako inalalayan. "Mind if I go home and change? What color do want me to wear?"
"Mm," napaisip ako habang naglalakad kami papasok sa bakuran. "Black?"
"Why black?"
"Bagay na bagay sa 'yo ang black."
"Bagay sa 'kin lahat."
"Oo nga." Ngumuso ako.
"Okay, I'll wear black." Ngiti niya saka kumatok sa pintuan. "Good morning!" pagbati niya sa labas.
Agad na bumungad ang ngiti ni nanay sa 'min. "Oh, nandito na kayo?" tiningnan niya ang kabuuan ko.
Excited akong yumakap kay nanay. "Nanay, salamat po sa pagpayag." Hininaan ko ang boses ko sa takot na madinig ni tatay.
"Nag-enjoy ka ba?"
"Opo."
"Mabuti naman." Ngumiti siya sa 'kin saka muling sinulyapan si Maxrill Won. "Salamat."
"I'm...going to ask her out again." Nakamot ni Maxrill Won ang sentido, nahihiya. Nangunot ang noo ni nanay. "We'll go home before it gets dark, I promise."
Napabuntong-hininga si nanay. "Baka ika'y mapagalitan sa kapaparine mo, malilintikan ako sa nanay mo, Maxrill Moon, sinasabi ko sa 'yo."
"She doesn't mind. As long as I'm with Dainty. Besides, she's been begging me to freaking rest as if I'm working twenty-four-seven."
"Siguraduhin mo lang. Siya, mananghalian ka na muna rito."
"Your husband will kill me."
"Hindi nga makatayong mag-isa 'yon," ani nanay na hinila sa braso si Maxrill Won.
"Okay, I'll ask for his permission, too."
"Hindi ka papayagan no'n."
"But still..."
"Pinayagan na kita. Tama na 'yon."
Pinauna na kaming maupo ni nanay, magkatabi. May practice si Bree at may lakad naman daw si Kuya Kev kasama ang mga kaklase niya. Kaya sina nanay at tatay lang ang naro'n sa bahay. Pinaghanda kami ng pananghalian ni nanay, may pritong tilapya at gulay, repolyo na may giniling at sabaw.
"Nakauwi ka na pala, Dainty," ani tatay nang makita ako. "At nagsama ka pa."
Tumayo si Maxrill Won. "Magandang tanghali, sir."
"Anak ko lang ang maganda, hindi 'yong tanghali,"nakangiwing ani tatay.
Ngumisi si Maxrill Won. "I agree, sir."
"Anong ginagawa mo rito?"
"Hinatid ko si Dainty, sir."
"Naihatid mo na, bakit narito ka pa?"
"'Tay..." nakalabing pagtawag ko.
Lalong ngumiwi si tatay. "Makikikain ka pa?"
"'Tay naman..." 'ayun na naman 'yong pangit na pakiramdam, napakaraming sinusumbat ng isip ko pero alinman sa mga 'yon hindi maisatinig ng bibig ko.
"Kung hindi ka mananahimik ay doon ka na lang sa kwarto kumain, Kaday." Mahinahon 'yong sinabi ni nanay ngunit nagbabanta, awtomatikong natahimik si tatay.
"I'm..." tumikhim si Maxrill Won saka sumulyap kay nanay. "I would like to ask her out again later, if you don't mind. But I promise na uuwi kami before it gets dark."
Tanging buntong-hininga ang naisagot ni tatay bagaman ang pagkakakuyom ng kaniyang kamay at kibot sa mga labi ang bakas ng kaniyang pagtanggi. Pero walang nagawa nang hayagan kaming payagan ni nanay.
Hindi gaya kahapon at kanina, tahimik kaming nananghalian ni Maxrill Won. Pinaghimay ko siya ng isda at ganado siyang kumain nang maraming gulay. Matapos no'n ay inihatid ko siya sa labas at sinabing maghihintay na lang.
Namili ako ng damit na isusuot saka ako naligo. Itinutok ko sa akin ang electric fan nang matapos, panay ang hiling na sana matuyo ang buhok ko bago makabalik si Maxrill Won.
"Kumusta ang lakad ninyo?" hindi ko inaasahang papasok si nanay sa kwarto. "Pasensya na, tumuloy na 'ko."
"Napakaganda sa pinuntahan namin, 'nay," hindi ko maitago ang ganda ng ngiti ko. "Napaka-sweet po sa 'kin ni Maxrill Won," halos maiyak ako sa pagkukwento.
"Masaya ako para sa 'yo, Dainty. You deserve it."
"Salamat sa suporta mo sa'min, 'nay. Malaking bagay po sa 'kin 'yon."
"'Wag mo sanang masamain ang sasabihin ko pero may tiwala ako sa lahat ng Moon. Sila kasi 'yong kapag nangako, tinutupad talaga. Aalagaan ka nang higit pa sa naiisip mong pag-aalaga at poprotektahan ka hangga't nabubuhay sila. Malaking bagay ang pamilyang pinagmulan ni Maxrill Won para ipagkatiwala kita sa kaniya. Bukod sa...nakikita kong mahal talaga ninyo ang isa't isa. Hindi ko sinasabi ito dahil sa 'yon ang pagkakakilala ko sa kanila. Kung hindi dahil gano'n kalalim ang tiwala na itinanim nila sa 'kin."
Lumambot ang puso ko nang may maramdamang haplos doon. "Opo, 'nay." Yumakap ako sa kaniya. "Mahal ko po si Maxrill Won at saka...'nay?"
"Oh?"
"Nobyo ko na po si Maxrill Won."
Nangiti si nanay. "Sinabi nga niya sa 'kin."
"Kailan po?"
"Tinawagan niya ako kagabi, natutulog ka na raw. Napakaraming kinuwento, ako ang napuyat." Nakangiwi 'yong binahagi ni nanay, hindi ko napigilang matawa. "Basta, tapusin mo ang pag-aaral mo, ha? Mahalaga sa kanila 'yon at syempre, sa atin, lalo na sa 'yo."
"Pangako, 'nay," nakangiting paniniguro ko. "Nasabi ko nga po kay Maxrill Won ang pangarap kong clinic."Saka ako napanguso. "Gusto niyang suportahan ang klinika na plano ko ngunit tumanggi ako."
Tumawa si nanay. "Bakit naman? Business tycoon si Maxrill Won, malaki ang maitutulong niya sa negosyo kung 'yon ang plano mo sa klinika mo."
Napanguso ako. "Gusto ko 'yong sarili kong sikap, 'nay. Gusto kong patunayan sa sarili kong kaya ko."
Ngumiti si nanay at tumango-tango. "Susuportahan kita, kahit na anong gusto mo."
"Salamat, 'nay." Niyakap ko uli siya.
"Siya, bilisan mo na riyan at paparating na 'yon panigurado."
Hindi nga nagkamali si nanay. Hindi pa man natutuyo nang tuluyan ang buhok ko ay dumating na uli si Maxrill Won. Kaya naman matapos magpulbo ay nag-lip tint ako. Nag-spray ako ng pabango na magkahati naming binili ni Bree Anabelle. Saka ko sinulyapan ang sarili sa salamin.
Naninibago ako dahil itim at may katamtamang haba ng dress lang ang suot. Nakikita ang aking hita at nakaawang ang kaunting metal ng paa ko. May mga disenyo ang dress nang maliliit at puting bulaklak, bilugan ang kwelyo at may bulsa sa dibdib. Ipinares ko doon ang sapatos na mula kay Maxrill Won at itim din na backpack. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang maalon kong buhok at nagsuot ng puting headband.
"What a cutie," ngiti ni Maxrill Won nang makita ako. Lumapit siya at humalik sa pisngi ko, saka hindi na pinakawalan ang siko ko. "You ready?"
Tumango ako saka bumaling kay nanay. "Aalis na po kami, 'nay, uuwi rin po kami agad."
"Mag-enjoy kayo," kindat niya sa 'kin saka tinapik sa balikat si Maxrill Won at kinausap sa iba na namang salita. Tanging tawa ang sinagot ng aking nobyo.
"Are you excited?" tanong ni Maxrill Won nang nasa daan na kami.
Magkakasunod na tango ang naisagot ko. "Hindi pa kasi ako nakakapunta ro'n." Panay ang pagtanaw ko sa daan na para bang pati iyon ay hindi ko pa napuntahan gayong nadaranan ko naman na.
Kaya nang makarating kami sa Enchanted Kingdom ay gano'n na lang ang tuwa ko. Sa gate pa lang ay hindi na ako magkandatuto. Hindi gaya ng iba ay dere-deretso kami papasok habang sila ay nakapila pa. May mga nagwe-welcome sa 'min at umaasiste na para bang kailangan 'yon kahit sa daan.
Para akong five years old na first time makarating sa gano'ng park. Nagtatakbo bagaman mabagal, nagtuturo sa kaliwa't kanan at hindi matukoy kung ano ang unang pupuntahan. Natutuliro ako at hindi talaga malaman kung alin ang unang pupuntahan.
"Where do you want to go first?" tanong ni Maxrill Won, banat na banat ang mukha sa tuwa habang nakatingin sa 'kin.
"Ang totoo ay hindi ko alam, Maxrill Won, excited ako sa lahat!" bigla akong nawalan ng hiya.
Kung saan-saan ko hinila si Maxrill Won, hindi niya inaasahan. Nagsimula kami sa Jungle Log Jam at nasundan ng Space Shuttle na halos lumabas ang puso ko sa pagsigaw. Balewala sa 'min ang Roller Skater, pareho pa kaming nagtataas ng kamay at tawa nang tawa. Maiyak-iyak ako sa hilo sa Flying Fiesta at Ekstreme Tower Ride at naluluhang tumanggi na sumakay sa Anchor's Away.
"Can't believe we rode those things," ani Maxrill Won, sapo-sapo ang kaniyang noo habang tinatanaw ang mga natapos na namin rides.
"Marami pang pwedeng sakyan, Maxrill Won."
"I'm hungry," siya ang unang sumuko.
Natawa ako. "Sige, kumain na muna tayo."
"But I don't think I can eat anything heavy. I hope they have salad." Kinuha niya ang kamay ko at dinala ako sa eatery.
Gano'n na lang karami ang paningin na naagaw ni Maxrill Won. Karamihan sa mga 'yon ay babae at hindi nalalayo ang edad sa 'min. Kanina pa man ay matakaw na siya sa atensyon pero ngayon ay hara-harapan siyang hinahangaan ng mga iyon.
Hindi ko malilimutang lahat ng nag-aayos ng safety gears niya kanina pa ay pulos babae. Lahat din 'yon ay panay ang pagtingin at pagpapapansin sa kaniya. May isa pa na halos idikit ang kaniyang sarili gayong hindi naman 'yon kailangan.
"Let's try that thing later," ani Maxrill Won nang ilapag ang tray sa harap namin. Nang lingunin ko ang tinitingnan niya ay baril-barilan iyon na ang premyo ay naglalakihang stuffed toys.
"Sige," napangiti ako at nawala ang atensyon sa mga tumitingin sa kaniya. Sa halip ay in-enjoy ko ang burger na in-order niya sa 'kin at hindi inaasahang susubuan niya ako ng salad.
Gaya ng sinabi niya ay dinala nga niya ako sa baril-barilan. Nakipag-usap siya sa bantay ro'n at ilang saglit pa ay nakahanda na siya.
"Which one do you like?" mayabang niya pang tanong nang tumabi sa 'kin.
"Paano kung lahat ay gusto ko?" nakanguso kunyaring sabi ko.
"I'll just buy the whole cart, then."
"Biro lang," bawi ko dahil nasisiguro kong may kakayahan siyang totoohanin ang sinabi.
"Game?" Hamon niya.
"Game," nakangiwi kong tugon saka pinanood siya.
"Watch me, okay?" Gano'n na lang kataas ang kaniyang kompyansa.
Napalingon ako sa mga naro'n. Napakaraming huminto para lang panoorin siya bukod sa mga naroon na at sinadyang manatili para manood. Maging iyong bantay ay na kay Maxrill Won ang paningin sa halip na bantayan ang mga tatamaan nito. Hindi ko sila masisisi dahil si Maxrill Won 'yong tipong may nangingibabaw na dating. Nangyari na sa 'kin 'yon, naranasan ko ang matulalang gaya nila noon.
Naghiyawan ang mga babae nang magkakasunod na mapatumba ni Maxrill Won ang mga sundalo. Walang mintis at sa halip, lahat ay sigurado.
"Huh?" mayabang pang aniya nang ianunsyo ang una niyang premyo. "No, I'm not gonna get this, I want that one." Ibinalik niya sa bantay ang binigay nitong stuffed toy at itinuro 'yong pinakamalaki sa mga 'yon. "I'm going to get that for my girlfriend."
Gano'n na lang ang ingay ng mga babae sa inggit matapos sabihin 'yon ni Maxrill Won. Ngumuso ako pero 'yon ay para lang mapigilan ang ngiti ko.
"Have you tried this?" tanong pa niya.
Umiling ako. "Hindi pa."
"Come here."
Kinuha niya ang kamay ko at inilapit sa kaniya. Ipinuwesto niya ako sa pagitan ng kaniyang mga braso. Damang-dama ko ang kabuuan niya sa likuran ko. Lalo na nang ilapit niya nang todo ang sarili at pinahawak ang mahabang baril sa 'kin.
"Hold it like this..." Itinuro niya ang bawat hakbang sa akin hanggang sa tila makuha ko. "Now, shoot."
Kinalabit ko ang gatilyo at napahiyaw sa tuwa nang makatama ako. Syempre, nang may alalay niya. "Hala!"halos magtatalon ako. "Napakahusay mo sa ganito, Maxrill Won."
"Magaling ako sa lahat," bulong niya.
"Sa lahat?" inosenteng tugon ko.
"Sa lahat," naramdaman ko ang labi niya sa pandinig ko.
Tumaas nang tumaas ang marka namin at isinugal niya ang bawat panalo. Sa huli ay iyong pinakamalaking teddy bear ang aming nakuha.
"Hala!" nagpapapalakpak ako sa tuwa habang hinihintay ang bantay na kunin ang premyo namin. Nakipalakpak sa 'min ang mga nanonood at tuwang-tuwa kaming tiningnan.
"She's my girlfriend," hindi ko inaasahang sasabihin ni Maxrill Won 'yon sa lahat ng naro'n na para bang meron namang nagtatanong. "She's beautiful, huh?"
"Maxrill Won," hinila ko ang laylayan ng itim na shirt niya at nakangusong umiling, pinatitigil siya.
Pero sa halip ay niyakap niya ako at ibinaon ang mukha ko sa kaniyang dibdib. "I'm going to marry this girl."Gano'n na lang ang gulat ko nang sabihin niya 'yon. Nag-angat ako ng tingin sa kanya, ngumiti siya sa 'kin. "I'm going to marry you, Dainty Arabelle. Not now," seryoso niyang sinabi saka inayos ang buhok na napunta sa aking mukha. "But I will. I promise, I will."
Namasa ang mga mata ko. "Maxrill Won..." emosyonal akong nangiti.
Hinalikan niya ang aking noo. "That's how I want my future to be, Dainty Arabelle," saka niya muling sinalubong ang paningin ko. "With you."
Pareho kaming nangiti sa isa't isa at nagyakap. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Maxrill Won sa 'kin para mahalin niya ako ng ganito. Pero ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa sariling gagawin ko ang lahat para masuklian iyon at manatili ang nararamdaman namin sa isa't isa.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top