CHAPTER 46

CHAPTER 46

"I'M SO in love with you, Dainty Arabelle," emosyonal na bulong ni Maxrill Won matapos pakawalan ang labi ko. Magkadikit ang aming noo at marahang naghahabol ng hininga. Hawak niya pa rin ang mga pisngi ko at tila ayaw nang pakawalan pa. "I'm in love with your name too,"bahagya siyang tumawa.

Napangiti ako. "Ako rin," halos kilabutan ako sa hiya matapos 'yong aminin.

Sinalubong niya ang mga mata ko at ngumiti, tuwang-tuwa. "You're in love with me, too? Really? Since when?"

Natigilan ako at naiilang na nag-iwas ng tingin pero marahan niyang ibinabalik sa kaniya ang aking paningin.

"Since when?" tanong uli niya na para bang hindi niya ako titigilan hangga't hindi naririnig ang sagot ko.

"Simula nang makita kita," kakaiba sa pakiramdam ang aminin 'yon. Parang lahat ng parte ng katawan ko ay kinikiliti at wala akong magawa para mapahinto 'yon.

"Ano'ng naramdaman mo nang makita mo 'ko?"gano'n na lang kahina ang boses niya, at kakatwang maging 'yon ay dumaragdag sa nararamdaman ko.

Gusto ko siyang biruin at asarin, gaya ng madalas kong ginagawa sa kaniya. Pero masyadong masarap sa pakiramdam ang sandaling ito. Kararating lang namin pero parang ayaw ko na itong matapos.

Nag-angat ako ng tingin at kusang napangiti nang muling umalon ang nararamdaman ko sa aking dibdib. Gano'n ang epekto sa akin ni Maxrill Won. Ang makita lang ang mukha niya, parang umuulit ako sa umpisa. Kung paanong nabuo ang feelings ko sa kaniya. Hanggang sa kung paano iyong lumalim, at tumindi nang suklian niya ang nararamdaman ko.

"Ang totoo...ikaw ang pinakagwapong lalaking nakita ko." Ngumuso ako nang nakangiti matapos maghalo ang hiya at tuwa sa pakiramdam ko.

Hiya dahil natural ang makaramdam niyon lalo na kung ganitong tutok na tutok siya sa pakikinig habang inaamin ko ang nararamdaman ko. Tuwa dahil nakaukit sa buong mukha niya, hindi lang interes, kundi ang kagustuhang malaman ang lahat sa 'kin.

"Natatandaan ko pa no'ng sandaling naglakad kayo papasok ng pamilya mo," Nakangiti kong inalala ang sandaling 'yon ng birthday niya. "Kung paano kang ngumiti sa mga bisita..." lalo pa 'kong nangiti. "Kung anong itsura mo, kung anong suot mo...kung paano kang maglakad, ang tunog ng boses mo, ang pagtawa mo...kung paano kang magsalita...kung paano mo 'kong nilingon...kung paano mo 'kong tinawag at kinausap..."tuloy-tuloy kong sinabi 'yon, ako rin ang hiningal. "Lahat ng sinabi mo nang gabing 'yon...hindi ko nalilimutan, Maxrill Won," dagdag ko.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa mga pisngi ko, ramdam ko ang pagpipigil niyang panggigilan ako. "So, you fell in love with me first, hmm?" Panay ang haplos ng hinlalaki niya sa ilalim ng mga mata ko. "But I fell harder."

Sinalubong ko ang mga mata niya at saka kami nangiti sa isa't isa. "Salamat, Maxrill Won," pakiramdam ko ay emosyon ko ang nagsabi no'n para sa 'kin. Mabilis no'ng pinag-init ang mga mata ko. "Salamat dahil kahit ganito ako, nagustuhan mo 'ko."

Nanatili siyang nakangiti, hindi nagsalita, tila hinihintay lang ang iba ko pang sasabihin. Kahanga-hangang alinman sa ginagawa niya ay hindi mapigilan ang paglalabas ko ng damdamin. Siya lang talaga 'yong dahilan pero nagagawan ko ng paraan. Siya lang 'yong kahit kinakabahan, kinakaya kong harapin. Dahil sa kaniya, nahihiya man ako, kaya kong magpakatotoo. Siya 'yong dahilan para sumugal ako at sumubok. Siya 'yong takot na nagbibigay ng tapang at lakas ng loob.

"Salamat din dahil parati mong iniisip ang kasiyahan ko. Tinanggap mo kung ano ako at mundong meron ako," namasa ang mga mata ko. "Sobra-sobra 'yong effort na binibigay mo para lang mapasaya ako...para mapatunayang gusto mo ako."

Pinahiran niya ang mga luhang namuo at humarang sa paningin ko. Saka kami sabay na nangiti muli sa isa't isa.

"Salamat kasi minahal mo 'ko...kahit napakarami mong isinakripisyo."

"Sshh," bulong niya saka muling pinagdikit ang aming mga noo. "Pagdating sa 'yo, hindi ko kailangang magsakripisyo." Umiling siya nang umiling. "Hindi 'to sakripisyo. Dahil handa akong gawin ang lahat para sa babaeng mahal ko, Dainty Arabelle."

Naluluha man ay napangiti ako. Iniyakap ko ang aking mga braso sa kaniya at saka isinubsob ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Niyakap niya ako nang mahigpit nang hindi namin namamalayan pareho kung gaano katagal kaming nanatiling ganoon.

"I prepared something, mind if we eat?" ngiti niya nang kumalas sa 'kin.

Lumapad ang ngiti ko at tumango. Kinuha niya ang kamay ko at dinala ako sa silya at pinaupo. Pinanood ko siyang lumapit sa van. Mula ro'n ay naglabas siya ng tray na may nakatakip na siguradong pagkain para sa dalawa. Kasunod no'n ay tansong pitsel na puno ng yelo at may wine. Dalawang wine glass at isang kandilang agad niya ring binuksan. Pero natawa ako nang kasunod no'n ay buko juice na nasa bao ng buko na ang bitbit niya.

Naupo si Maxrill Won sa harap ko saka inilagay ang isang plate sa harap ko. Tinanggal niya ang takip no'n at umalingasaw ang tila bagong lutong steak. Hindi 'yon gano'n kalaki pero hindi rin kasinliit gaya nang isinerve noong kumain kami sa Tagaytay. May dahon iyon sa gilid at mas marami ang sarsa kaysa kinain ko kahapon. Naglapag din siya ng tinidor at kutsilyo sa magkabilang gilid ng plato ko. Niladlad niya ang isang puting panyo at nilagay sa kandungan ko. Muli siyang bumalik sa van at nang makabalik ay naglapag ng isa platito sa tabi ko. Nang alisin niya ang takip niyon ay natawa ako nang mapagtantong kanin 'yon.

"Let's eat," aniya nang makaupo sa sariling silya.

"Sanay ka talaga sa steak," sabi ko.

Ngumiwi siya saka tumango. "I eat steak from time to time," humalakhak siya, ang paborito kong tawa. "So..."ginala niya ang paningin sa lugar. "Do you like my surprise?"

Lumapad ang ngiti ko saka magkakasunod na tumango. "Sobra. Salamat, Maxrill Won."

Awtomatiko siyang nahawa sa ngiti ko at ginala rin ang paningin sa lugar. "I like to keep it simple, just like you."

Simple... Ginala ko pa ng minsan ang paningin sa lugar. Ganito ang simple sa kaniya pero para sa 'kin ay sobra-sobra 'yon. Hindi ko kailanman naisip na posibleng may sumorpresa sa 'kin nang ganito. Ang totoo nga ay sandali ko pang kinuwestyon kung karapat-dapat ako sa ganito. Pero 'eto siya sa harap ko bilang patunay na para sa akin ang lahat nang ito.

"I'm going to show you how much I love you, I promise," naro'n ang kompyansa at determinasyon sa boses niya.

"Masaya na 'ko nang alam ko ang nararamdaman mo."

Umawang ang labi niya sa tuwa saka kinuha ang tinidor at kutsilyo ko para ipaghiwa ako ng steak. "You deserve more."

Nakagat ko ang labi ko at kahit itanggi ko, excited din ako sa makikita ko pa sa kaniya at mararamdaman. Gusto ko ring malaman kung hanggang saan kami kayang dalhin ng ganitong pakiramdam. Gusto kong malaman kung ano ang kayang harapin ng tinatawag nilang pagmamahalan. Naramdaman man niya 'yon sa iba o hindi, wala na akong pakialam. Ang tanging mahalaga sa 'kin sa oras na 'to ay ang kasalukuyan niyang nararamdaman.

Huminto siya sa pagkain, inilapag ang kaniyang kutsilyo at tinidor. Saka binuhat ang silya niya papalapit sa 'kin.

"One day, I'm gonna ask Deib Lohr to design a table for us two, where you and I can sit in just one corner and no one's allowed to join us."

Seryoso siya nang sabihin 'yon na para bang gano'n na agad kahirap ang ginawa niyang pagbuhat sa sariling silya at paglipat ng sarili rin naman niyang plato. Na para bang inutusan naman siyang lumipat sa tabi ko gayong siya ang may desisyon niyon. Natawa na lang ako. Siguro ay dahil nasanay talaga siya nang may inuutusan o kung hindi naman ay may kusa nang gumagawa ng mga 'yon para sa kaniya. Hindi naman na rin ako umaasa na mawawala pa ang pagiging spoiled brat niya. Isa pa, para sa 'kin ay cute ang anumang ugali ni Maxrill Won. Nagustuhan ko siya dahil sa lahat ng 'yon.

"Sige," 'yon lang ang sinagot ko pero sobra-sobra na ang tuwa sa mukha niya.

"You like that too, huh?" aniya pang animong iisa lang ang takbo ng aming utak.

Ngumisi siya at saka nagpatuloy sa pagkain. Pinanood ko ang bawat kilos niya sa ganoon kalapit na distansya. Mula sa pagkaseryoso ng kaniyang mukha nang kunin ang bote ng wine maging sa pagdamot ng opener niyon. Sumulyap siya sa 'kin nang tanggalin ang cover ng bote at ilagay ang opener, maging sa kamay niyang mahusay na pumipihit doon. Seryoso siya sa pagkilos, seryoso siya sa ginagawa. Sa t'wing titingnan ko siya nang may ganitong itsura, napapaisip ako kung bakit siya tinatawag na isip-bata.

Nagsalin siya sa isang wine glass nang wala pa sa kalahati. Inikot-ikot niya ang glass saka inilapit 'yon sa kaniyang labi. Tila naramdaman niya ang panonood ko nang hindi niya ituloy ang pag-inom at sa halip ay sumulyap sa 'kin.

"What?" tanong niya, hindi malaman kung interesado dahil bahagyang nakangisi o naiinis dahil nakakunot ang kaniyang noo.

Ngumiti ako at umiling. "Gusto ko lang na pinanonood ka." Hindi na ako nahiyang aminin 'yon.

"You like watching me, huh?" ngumisi uli siya, ang paningin ay nasa wine glass.

Sumulyap siya uli sa 'kin at saka lumaghok doon, napanood ko maging ang kaniyang paglunok, mabagal na pagsimsim hanggang sa maubos niya ang sinalin. Binasa niya ang kaniyang labi at kinagat iyon papaloob hanggang bitiwan, napabuntong-hininga ako.

Nasalubong ko ang matalim niyang tingin bagaman naaaliw, at pilit na lang tinuon ang paningin ko sa sariling pagkain. Sumubo ako at ngumuya nang ngumuya nang maramdaman ko ang kaniyang titig. 'Ayun na naman 'yong pakiramdam na hindi niya inaalis sa 'kin ang kaniyang paningin. Para makaiwas ay bumaling ako sa buko juice at uminom nang uminom doon.

Pero parang kahit anong bilis ko, mabagal pa rin talaga ang pag-inom ko. Nakikita ko ang laman niyon at kahit anong laghok ko, tila hindi nababawasan. Wala na akong pwedeng balingan para lang maiwasan ang nakalulusaw niyang titig.

"Dainty," pagtawag niya.

"Ha?" nautal pa ako sa gano'ng tugon pa lang.

"Mind if I come closer?"

Umawang ang labi ko at tinantya ang kakarampot na naming distansya. Gaanong kalapit pa ang tinutukoy niya? Napalunok ako nang kusa siyang kumilos papalapit at bago pa ako maduling sa lapit ng mga mukha namin ay napapikit na ako.

"Baby, I'm not asking for a kiss," pabulong niyang sabi sa naaaliw na tinig. Napamulat ako! At sa sobrang hiya ay ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha hanggang sa mapalayo ako sa kaniya. "Are you done?" tanong niya, gano'n kalapit, sumulyap sa pagkain ko. "I'm gonna show you something."

Hindi niya na ako hinayaang sumagot. Nakita ko ang pagpipigil niyang matawa, tinago ko ang pagkapahiya. Tumayo siya at kinuha ang kamay ko. Saka siya lumapit sa tent at may kinuhang tote bag doon. Kinalas niya sa pagkakatali sa kahoy sina Hee Yong at Nunna saka niya pinaglakad ang mga ito. Nagbukas siya ng flashlight at saka inilawan ang hindi naman kadilimang daraanan namin.

"Wow..." namangha na naman ako nang makitang hindi lang ang tuktok ang may nakasabit na mga bumbilya. Kung hindi maging ang trail pababa sa kung saan.

Inalalayan niya akong maglakad habang hawak ang parehong leash ng mga alaga namin. Hindi ko alam kung paano niya kaming nagagawang alalayan nang sabay-sabay, gusto ko na namang humanga.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko na nilingon pa siya.

"We're going to swim." Ngumiti siya.

Namilog ang bibig ko. "Ganitong oras?"

"Yeah."

Sumeryoso siya nang maging matarik ang daan. Nang makita niya sa 'kin ang alinlangan ay pinangunahan niya ako. Itinali niya sa kaniyang bewang ang parehong leash nina Nunna at Hee Yong, ngayon ko lang napagtanto kung bakit gano'n na lang ang haba ng mga 'yon. Patalikod at mabagal siyang humakbang pababa habang nakaharap sa 'kin, isa-isang iniilawan ang pareho kong paa na humahakbang.

"Let me know if you're tired, Dainty. I really want you to walk but I won't mind carrying you," seryoso niyang sinabi 'yon.

Hindi ko na tuloy matukoy kung alin sa kaniyang tono ang paborito ko. Iyong nagpapa-cute o 'yong ganitong seryoso. Kapag seryoso kasi si Maxrill Won ay lalaking-lalaki siya, bagay na bagay sa kaniyang edad at lalong dumaragdag sa kaniyang itsura. Sa t'wing magpapa-cute naman, doon lumalabas ang pagiging isip-bata niya at ang kahit sino ay sasabihing cute talaga siya.

"Mabibigatan ka lang sa 'kin," 'yon ang naisagot ko sa halip na magpakatotoo. "Pwede bang...bagalan lang natin?" hindi ko naitago ang hingal.

Napatitig siya sa 'kin. "Sorry," aniyang inilagay ang kamay ko sa kaniyang balikat.

Sa oras na 'yon ay mas matangkad ako sa kaniya dahil mas mataas ang aking tinatapakan. Pero sa t'wing pantay ang aming mga paa, kailangan ko pang mag-angat ng tingin para makita ang mukha niya.

"I'm going to carry you," sabi niya matapos ayusin ang tote bag sa kaniyang balikat at kagatin ang flashlight.

"Hala, hindi, ayos lang, Maxrill Won," nag-panic agad ako nang hawakan niya ako sa magkabilang bewang at tumalikod sa 'kin.

Inalis niya ang flashlight sa bibig. "Humawak ka lang sa 'kin," aniya saka marahang yumuko. "Slowly, okay?" utos pa niya.

"Maxrill Won?" nag-aalinlangang pagtawag ko.

"It's okay," nakangiting aniya saka inilapit ang sarili sa 'kin.

Ilang beses pa akong nag-alinlangan saka pumasan sa kaniyang likuran. "Mabigat ako," napuno ako ng hiya.

"But you're as light as a feather, I could carry you forever." Humalakhak siya dahilan para mapawi ang hiya ko.

Tuluyan ko nang iniyakap sa kaniya ang pareho kong braso. Sa gano'ng sitwasyon, hindi ko na mapangalanan ang saya ko. Naaamoy ko nang gano'n kalapit si Maxrill Won. Nararamdaman ko ang karamihan sa mga kilos niya. Damang-dama ko ang hawak niya sa isang hita ko at higit na ang pag-iingat niya.

Gano'n na nga lang talaga siguro ako kagaan? Hindi ko man lang maramdaman ang hingal niya. Kaswal lang siyang naglalakad na para bang walang bitbit maski na tote bag. Kahit sina Hee Yong at Nunna na nag-uunahan sa pagtakbo papunta sa kung saan, balewala sa kaniya.

"Hala..." napamaang ako nang marinig ang tunog ng tubig. May agad na ideyang pumasok sa aking isip. "Falls ba 'yon?" hindi ko naitago ang excitement.

Nilingon niya ako dahilan para halos humalik ang labi ko sa gilid ng labi niya. "Yes."

Napuno ng excitement ang dibdib ko. Kung saan-saan agad ako lumingon na para bang nakikita ko naman nang maliwanag ang kabuuan niyon. Oo nga't may bumbilya hanggang doon. Pero sapat lang 'yon para bigyan kami ng liwanag sa daan at katabi niyong dako.

Hanggang sa tuluyan naming matanaw ang falls na nasa dulo ng kakahuyan. Hindi ko na naitago pa ang excitement. Kung hindi lang marahil ako pasan ni Maxrill Won ay baka nagmadali akong makarating doon.

"Napakaganda rito, Maxrill Won," hindi ko napigilan ang sariling sabihin 'yon.

'Ayun na naman ang emosyon ko na dulot ng pagiging ignorante at panibagong karanasang binigay niya sa 'kin. Kahit yata hindi ako naaksidente, kahit normal akong namumuhay, dahil sa hirap ng aming buhay, imposibleng makarating ako sa ganito. Hindi ko na mapangalanan pa ang saya, hindi ko alam kung ilang beses kong ipagpapasalamat na siya ang dahilan para makakita ako nang ganitong ganda.

"Maxrill Won..." nasambit ko nang tuluyan naming harapin ang falls.

Oo nga at kulang ang liwanag para makita ko nang buo 'yon. Pero sapat na ang kakaunti para masabi kong napakaganda niyon. Na kahit pa hindi ko 'yon makita sa umaga, makokontento na ako.

Nag-init ang mga mata ko nang maisip na isa rin 'yon sa kaniyang mga regalo. Nakangiti kong nilingon si Maxrill Won na agad naramdaman ang titig ko.

"Salamat," 'yon na lang yata talaga ang masasabi ko. Naubusan ako ng salita sa dami at paghahalo-halo ng nararamdaman ko. Hindi na ako makapaghintay sa araw na mapupuno ng lakas ng loob ang dibdib ko. Sa araw na 'yon, isisigaw ko kung gaano ko kamahal ang lalaking ito.

Ngumiti siya at marahang naglakad papunta sa likuran ko at niyakap ako mula roon. "You like it?" pabulong niyang tanong na agad kong sinagot ng magkakasunod na tango. "It looks beautiful to me now that you're here. I'm enjoying the view because you're part of it."

Bahagya ko siyang nilingon, binabalewala ang lapit ng aming mga mukha. "Sobrang saya ko ngayon, Maxrill Won," nakakahiya man, emosyonal ko ring nasabi 'yon.

Natigilan siya nang makita ang pamamasa ng mga mata ko bagaman anong ngiti ko. Nilingon ko ulit ang falls at maluluha nang pinanood 'yon. Kinusot ko nang kinusot ang mga mata ko na para bang mapipigilan no'n ang pagpatak ng luha ko. Gano'n na lang din ang pagpipigil ko sa sariling hininga para lang 'wag maipakitang naiiyak na talaga ako. Ayaw kong makita niya na gano'n ako kababaw kahit na 'yon naman ang totoo.

"Why are you crying?" bulong niya, mas pinahigpit ang yakap niya sa 'kin.

Umiling ako nang hindi na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. "Masaya lang ako dahil ngayon ko lang naranasan ang ganito. Salamat," muli ko siyang nilingon. Nagtama ang paningin namin. Humugot ako ng lakas ng loob saka dinampian siya ng halik sa pisngi.

Napatitig siya sa mga mata ko saka kami nangiti sa isa't isa. "You're so simple," aniyang idiniin ang ilong sa aking pisngi at pumikit. "From now on, everything I've never done, I want to do them with you." Nagmulat siya. "Gusto ko, sabay tayong magulat. Sabay tayong matuwa. Sabay tayong matakot...everything, Dainty."

Napatitig ako sa kaniya at ngumiti. "Sige, Maxrill Won."

"Call me baby," mahina, nakangiti niyang sabi, ang paningin ay naro'n sa 'king labi.

Ngumuso ako at umiling. "Nahihiya ako."

Sumulyap siya sa mata ko at saka binalik ang paningin sa aking labi. "Say it, just this once."

Lalo akong napanguso. "Nahihiya talaga ako," nagtakip na ako ng mukha.

Natawa siya at lumuwag ang pagkakayakap sa 'kin. "You're so soft," dinampian niya ng halik ang pisngi ko dahilan para alisin ko ang pagkakatakip sa 'king mukha. "Let's go."

"Lalangoy tayo?"

"Yep."

"Hindi ba delikado?"

"You're with me. Besides, Hee Yong is also here. He can swim."

"Talaga?" hindi na talaga ako matatapos sa pagkakamangha. "May hindi ba kayang gawin si Hee Yong?"

Ngumiwi si Maxrill Won, nag-abang naman ako sa kaniyang isasagot. "He can sing, he can dance, he talks too much and complains a lot, too, so there's he can't do." Saka siya tumawa.

Sabay kaming napalingon kay Hee Yong at bigla itong umalulong. Sa itsura ay para bang sinasabi nitong pakawalan siya at mauuna nang tumalon sa tubig.

"Wait for us," banta ni Maxrill Won na animong gano'n nga sa naisip ko ang sinabi ng kanyang alaga. "Here," aniya na may kinuha sa tote bag. "I hope you're comfortable with this."

Inilahad ni Maxrill Won ang isang tie-front top, ruffled boyleg swimwear at mesh cover-up. Lahat 'yon ay kulay puti at parang komportableng suotin.

"But you can wear anything you want if you're not comfortable with this," paniniguro niya.

Kinuha ko ang mga gamit at saka ngumiti. "Saan ako magpapalit?"

Sabay kaming lumingon at gano'n na lang ang pagkamangha ko nang may makitang isa pang tent doon ngunit mataas 'yon kaysa normal.

"I brought us a pop-up pod, it's a portable changing tent," ngiti niya saka sinenyas 'yon. "Go on and change, I'll be right here. Tell me if you need anything." Inalalayan niya ako maging sa pagpasok doon.

Pumasok ako at isinara ang zipper ng pop-up pod. Saka ko tiningnan nang mabuti ang binigay niyang swimwear sa akin. Nasa harapan ang tali niyon at may clip pa bukod doon. Hindi bulgar ang sa dibdib, sa halip ay mababalutan nang maayos. Simple ang istilo pero malakas ang dating. Hindi 'yon ang regular kong sinusuot pero ayos lang sa 'kin na suotin.

Sa unang pagkakataon ay balewala sa 'kin kung makita ang paa ko. Gusto ko talagang isuot 'yon. Sa unang pagkakataon ay ayos lang sa 'kin ang maiksi, bagaman mahaba na 'yon kompara sa mga bikini. Sa unang pagkakataon ay may kompyansa akong magsuot nang gano'n, hindi na kailangang pilitin o pakiusapan. Iyon ay dahil si Maxrill Won ang kasama ko. Sa kaniya lang ako komportableng ipakita ang paa ko, bagaman may kaunti pa ring hiya at alinlangan.

"Ano..." nagsalita ako matapos maisuot ang mga 'yon. "N-Nandiyan ka pa ba, Maxrill Won?" tanong ko nang ingay lang na lang ng tubig ang naririnig ko.

"Yeah, I'm here. You need anything?"

"Hindi, ano...wala," namula agad ang pisngi ko. Kanina lang ay iniisip kong mataas na ang kompyansa ko. Hindi pa man ako nakakalabas ay nahihiya na agad ako. "N-Naisuot ko na, Maxrill Won."

"Hmm, okay, you like it?"

"Oo." Napangiti ako bagaman hindi ko naman lubusang nakita ang aking itsura. Naramdaman ko lang na komportable ako ro'n.

"Can I see it?"

Napanguso ako at saka tumango. "Sige."

Lumabas ako, eksakto namang humarap siya. Nakita ko siyang matigilan pero agad siyang bumawi at ngumiti.

"It looks good on you," napapalunok uli siyang nag-iwas ng tingin saka sumulyap sa 'kin.

"Salamat." Gumanti ako ng ngiti.

"Use this," inabot niya ang mesh at bago ko pa nakuha 'yon ay ibinalabal niya na sa 'kin. Tumikhim siya at sinalubong ang aking tingin. "I'll get changed," mahina niyang sinabi saka pabuntong-hininga akong tinalikuran.

Nakanguso ko siyang pinandilatan saka nakangiting tiningnan ang suot ko. Napakaganda niyon, gustong-gusto ko ang pagiging simple at talagang komportable. Pakiramdam ko ay bagay na bagay 'yon sa 'kin.

Nawala lang ang ngiting 'yon nang muling lumabas si Maxrill Won nang lawlaw na board shorts lang ang suot. Basta niya na lang tinapon ang naunang suot sa tabi at saka lumapit sa 'kin.

"Let's go," anyaya niya saka ako pinangunahan.

Napabuntong-hininga ako at saka sumunod sa kaniya. Kung paano akong natigilan sa kaniyang tiyan, gano'n din sa kaniyang likuran. Kung tutuusin ay nasulyapan ko lang ang kaniyang katawan pero parang tumatak na agad 'yon sa isip ko. Napakaraming ukit ng kaniyang tiyan at makaagaw-pansin ang hugis pababa pa ro'n.

Hinintay niya ako sa tulay na kahoy. Kahit pa sira-sira na ang magkabilang gilid niyon, mukha pa ring matibay dahil makapal ang pundasyon. Gabi na ngunit nagbibigay ng sapat na liwanag ang buwan at ilang mga bumbilya. Kahit gano'n malinaw kong nakikita ang nagbeberdeng tubig na hinahantungan ng falls. Kumikinang iyon mula sa liwanag ng bilog na buwan.

Inilahad ni Maxrill Won ang kamay sa 'kin. Ngumiti ako saka tinanggap 'yon. Saka niya ako inalalayang maupo sa tulay, matapos ay siya ang unang lumusong sa tubig. Napabuga siya nang maramdaman ang lamig, napangiti naman ako nang labas ang ngipin sa pananabik.

"Come here," muli niyang inilahad ang parehong kamay sa 'kin habang tumatalon-talon siya sa tubig.

Kabado man ay tinanggap ko ang kamay niya, nakangiti at nakapikit akong lumusong palundag sa kaniya. Alam kong yayakapin ako ni Maxrill Won, ngunit nasabayan ko siya nang gumapang ang lamig sa buo kong katawan. Saka kami natawa sa isa't isa dahil sa sobrang tuwa.

"Ang lamig," sabi ko.

"Of course, it's gabi, Dainty."

Inalis ko ang tubig sa aking mukha saka ginala ang paningin sa tubig. "Napakaganda rito sa talon."

Natigilan siya at naging alinlangan ang tingin. Nilingon niya ang falls saka binalik ang paningin sa 'kin. "What did you call it?"

Natigilan din ako at natawa. "Talon," pag-uulit ko.

"Talon is jump, right?"

Natatawa akong umiling. "Talon din ang Tagalog ng waterfalls, Maxrill Won."

"Really?" parang hindi siya makapaniwala. "Oh, well, in my country there are tons of homonymns, of course, same words with different meanings. Just like the moon and month, dal in Korean. Oh, here in the Philippines too, buwan and buwan."

Napatitig ako sa kadaldalan niya at saka natawa. Pero sa halip na sumagot ay ginala ko na lang uli ang paningin ko habang nakahawak sa kaniya. Kalmado ang tubig pero hindi mapangalanan ang lamig. Tumutusok ang ginaw na tila dumiriin nang malalim sa aking mga kalamnan.

"Let's go there," itinuro niya ang falls.

Natigilan ako. "Natatakot ako."

"I'm with you."

Tumindi ang kaba ko. "Gabi na, delikado. Natatakot ako."

"It's okay," humigpit ang yakap niya sa 'kin, halos magpantay ang taas namin sa tubig. "I won't let go of your hand, promise."

Marahan niya na akong hinila matapos sabihin 'yon. Puno ako ng alinlangan nang magpaanod sa kaniya. Ilang beses pa akong tumanggi nang hindi ko na maramdaman ang lupa sa ilalim. Habang lumalayo kami sa tulay ay lalong lumalalim ang tubig.

"Hindi ako marunong lumangoy, Maxrill Won,"pagpapaalala ko sa kaniya.

"I know how to swim, don't worry. Besides, we're not alone here. I told you, our men are..." ginala niya ang paningin sa kakahuyan saka tumikhim. "They're just there, they're everywhere, looking after us."

Nangunot ang noo ko saka ginala ang paningin sa lugar. Bukod sa malalim na batis at falls, at mga puno at iba't ibang halaman, 'yong pod lang ang nakikita ko. Walang ibang tao ro'n kundi kami. Sino ba ang mga sinasabi niya?

"You know, my family's kind of weird, Dainty," may riing kwento niya sa naaaliw na tono, inaaliw rin ako, umaasang mawawala ang kaba ko. "We can all catch a freaking bullet without a freaking doubt but our parents will not allow us to dive in a freaking water at night, unguard."

Sinabi niya 'yon sa pinakamagandang paraan ng pananalitang narinig ko, nang humahangos, dahil kasabay ng paglangoy ay ang mabilis na pagsasalita. Kakaiba ang dating sa 'kin, nakagat ko ang labi ko sa paghanga.

"Kasi delikado naman talaga." Iyon lang ang naisagot ko, matagal at pinag-isipan na.

Huminto siya at tumitig sa 'kin. Umangat ang gilid ng kaniyang labi na para bang nakakaaliw ang sinabi ko gayong hindi.

"We don't know that word," aniyang lalong ngumisi saka nagtuloy sa paglapit sa falls. "We're here," aniya na nilakasan ang boses nang mahigitan siya ng lakas ng pagbagsak ng tubig mula sa talon. "Hold on tightly," utos pa niya.

Ang kaninang kaba ko ay nahaluan ng excitement nang maramdaman ang magkakasunod na talsik ng tubig sa mukha at iba pang parte ng katawan ko. Nagkatinginan na naman kami at nagkangitian saka niya ako tuluyang hinila papalapit. Marahan kaming lumapit sa falls hanggang sa pareho na kaming nababagsakan ng tubig niyon. Mahigpit ang pagkakahawak ng kamay, parehong natatawa sa gano'ng bagay na nakatutuwa namang talaga. Napakalamig ng tubig, mabilis na nanginig ang katawan ko.

"Ang ginaw," nangangatal na ang labi ngunit tuwang-tuwa pa ring sabi ko.

"What?" pasigaw na tanong niya, hindi ako narinig. Gano'n na lang talaga kalakas ang tubig.

"Maginaw!" mas nilakasan ko ang aking boses pero hinila niya ang kamay ko paharap sa kaniya.

"What?" malambing nang tanong niya.

"Maginaw..." mas mahina na ang sagot ko.

Ngumiti siya sa 'kin saka inalis ang mga buhok na dinadala ng tubig sa aking mukha. Pero hindi siya nananalo. Kahit anong alis niya ro'n ay pilit 'yong binabalik ng tubig dahilan para matawa kami sa isa't isa.

Hinawakan niya ang pisngi ko dahilan para unti-unting mawala ang malapad na ngiti sa labi ko. Tumitig siya sa labi ko, bumaba rin sa labi niya ang paningin ko. Kasabay ng haplos ng kaniyang daliri sa aking pisngi ay ang pag-awang ng pareho naming labi. Kung kanina ay nanginginig ako sa ginaw, ngayon ay dahil na sa kaba. Lalo na nang marahan niyang ilapit ang mukha sa 'kin at ihinto sa sa parteng halos maduling na kami sa katititig sa isa't isa.

"Maxrill Won..."

"Hmm?"

Napangiti ako at hinawakan din ang pisngi niya at saka umiling. Namamangha kong pinanood ang kamay ko na malayang nahahawakan ang pisngi niya. Nag-init ang mata ko sa tuwa sa katotohanang nararamdaman ko sa palad ko ang dantay ng kaniyang mukha. Saka ko sinalubong ang seryoso niyang titig at ngumiti.

"You're so beautiful," seryoso niya 'yong sinabi, gumala ang paningin sa kabuuan ng aking mukha saka sinalubong ang tingin ko. "I'm in love with your eyes, nose...lips..." ngumiti siya at mas hinapit ako papalapit. "I'm in love with the way you talk, I love the way you smile...your softness...I'm so in love with you, Dainty Arabelle," iyon na ang pinakamalambing niyang tono sa gano'n kaingay na paligid.

Hinalikan niya ang sentido ko nang paulit-ulit at saka suminghap sa pandinig ko na halos ipitin ko ang labi niya sa pagitan ng balikat ko at tenga.

"I'm in love with the smell of your hair..." inulit niya 'yon na nagdulot nang panibagong pakiramdam sa katawan ko. Napahawak ako sa parehong braso niya at namangha sa nakapa. "I love the smell of your skin...and the taste of your lips." Sinalubong niya ulo ang paningin ko. "I'm in love with you."

Lalong lumapit ang mukha niya at halos mapigil ko ang paghinga nang bumilis ang kaniyang paghinga sa simpleng pagtitig lang sa labi ko.

Hinapit niya ako nang todo na halos magdikit na ang mga ilong namin. Naghabulan ang aming mga tingin, parehong nananabik ngunit pareho ring naghihintay.

"Close your eyes," mahinang utos niya. Minsan pang bumaba ang kaniyang paningin sa labi saka tuluyang inilapit ang labi sa 'kin, napapikit ako.

Sa ilang beses akong hinalikan ni Maxrill Won, ngayon siya pinakamaingat. Na para bang babasagin ang mga labi ko. Halos maramdaman ko ang sabay naming pagsinghap sa tuwing bibitiw siya upang humugot ng hininga. Gano'n na lang katinding epekto ang naramdaman ko nang gumawa siya ng sariling daan para mahanap ang laman ng mga labi ko. Gano'n kaingat niyang hinawakan ang leeg ko, ang pareho niyang daliri ang umaalalay sa aking panga para mapirmi ang labi namin sa isa't isa. Walang kasintagal, sabay na umangat ang mga dibdib namin sa paghahabol ng hininga.

Kinuha niya ang parehong kamay ko at isinabit sa batok niya, saka hinawakan ang bewang ko at inangat ako upang mahigitan ang taas niya. Sa sandaling iyon ay nahigitan niya ang naunang ginawa, dama ko ang paglalim ng halik niya, bagaman naro'n pa rin ang pag-iingat. Palalim nang palalim na para bang pareho naming hindi kayang bitiwan ang labi ng isa't isa. Hanggang sa ako ang sumuko at magkakasunod na humugot ng hininga.

Pinagdikit niya ang mga noo namin. "I love you,"nakapikit, hinihingal niyang sambit, nahigitan ng malambing niyang tinig ang lakas ng tubig.

Napangiti ako at nakagat ang labi sa tuwa. Tumitig siya roon at saka ngumiti.

"Close your eyes," muling utos niya.

Natigilan ako sandali ngunit sumunod din. Kasunod no'n ay naramdaman ko ang pagbagsak ng malakas na tubig sa parehong ulunan namin. Nang magmulat ako ay nasa harapan na namin ang talon at paglingon ko sa likuran ay madilim at basang pader na ang naro'n. Namamangha akong nag-angat sa mataas na pader kung saan nagmumula ang bumabagsak na tubig. Nasa likod na kami ng talon at kamangha-manghang liwanag na mula lamang sa buwan ang nagsilbing ilaw roon pero malinaw naming nakikita ang isa't isa. Saka ako nagbaba ng tingin sa kaniya para muli lamang humanga.

Lalong namula ang labi niya at lalong pumuti ang kaniyang mukha. Ang bagsak niyang buhok ay lalong pinalakas ang dating niya at wala na akong mahanap pang hindi ko hahangaan at mamahalin sa kaniya.

Marahan niya akong binitiwan at saka ako sinandal sa pader. Kinuha niya ang pareho kong braso at saka itinaas ang mga 'yon sa pader kasama ng sa kaniya.

"I'm gonna do anything," kahanga-hangang nalalabanan ng lambing niya ang malakas pa ring tubig. "But I'm gonna go deeper."

Deeper...? Umawang ang labi ko, hindi makuha ang ibig niyang sabihin.

Pero bago pa man ako nakapag-isip, bago pa man ako nakapagsalita ay muli niyang inilapit ang kaniyang mukha upang maingat na angkinin ang labi ko. Dahilan para tuluyan kong makuha ang ibig niyang sabihin. Kung kanina ay tila naghahanap lang siya sa pagitan ng mga labi ko, kung kanina ay gumawa lang siya ng daan, ngayon ay meron na siyang natagpuan.

Batid kong parehong nakataas ang mga kamay namin, sa gano'ng paraan niya mapipigilang mahawakan ako, bagay na ramdam kong pinipigilan niya kanina pa. Pero ako ang naunang sumuko nang hawakan ko ang parehong balikat niya at tuluyang iyakap ang mga iyon sa kaniya. Ngunit hindi gaya ko, nanatili siya. Na kahit ramdam na naming pareho ang tindi ng pagpipigil niya ay hindi siya natibag, pinanatili niya ang parehong kamay sa pagkakataas sa mataas na pader para hindi mabasag ang pinangako niya.

Mas matindi na ang paghahabol namin ng hininga sa hindi maorasang sandali nang maghiwalay ang aming mga labi. Nakapikit kong sinandal ang aking ulo na para bang sa gano'ng paraan ako mas makahihinga nang ayos. Pero napamulat ako nang muli kong maramdaman ang kaniyang labi ngunit wala na 'yon sa labi ko at sa halip ay nasa pandinig ko. Ang kiliting dinulot niya ay nagbigay ng hindi maipaliwanag na pakiramdam dahilan para pareho kaming matigilan at mapatitig sa isa't isa.

Pareho pa ring nakataas ang mga kamay niya. Pero dahil gano'n na lang ang paninigas ng kalamnan sa braso niya ay alam ko na kung gaano katindi ang pagpipigil niyang ibaba 'yon.

"Bakit?" wala sa sariling tanong ko.

Natigilan siya at nangunot ang noo. Umiling siya na para bang kasunod no'n ay itatanong na naman niya kung ano ang ibig kong sabihin sa bakit. Pero kalauna'y gwapo siyang tumawa at saka dinampian ng halik ang aking labi. Ngunit hindi niya na uli ako hinarap, sa halip ay dumeretso siya sa pandinig ko at doon bumulong.

"It's because..," dinampian niya ng halik ang sentido ko. "I can't touch you." Saka niya muling sinalubong ang paningin ko. "Well..." ngumisi siya. "Yet," dagdag niya at saka paos na tumawa. "Huh? Still cold?" nakakalokong tanong niya.

Nang makuha ko ang ibig sabihin ay sinamaan ko siya ng tingin. "Medyo," pagbabalik ko ng pang-aasar, natigilan siya.

Umangat ang gilid ng kaniyang labi at naaaliw na tumawa. "But I'm sure you're..." binitin niya ang sinasabi at kinagat ang sariling labi, hindi inaalis ang paningin sa 'kin.

Pinandilatan ko siya. "H-Hindi, ah!"

Pinigilan niyang matawa. "Okay," kunwaring kumbinsido na aniya saka binaba ang parehong kamay niya upang iyakap sa 'kin.

"Hindi naman talaga," ngumuso ako at nag-iwas ng tingin sa pagkapahiya.

"I was just kidding." Dinampian niya ng halik ang pisngi ko. "Let's go back?" tanong niya na nanatiling ganoon, malapit sa pisngi ko.

"Sige."

"Are you sure?" gano'n kalapit niyang tinanong.

Nalukot ang mukha ko. "Oo nga."

"Are you really, really sure?" aniyang tila nagpapapigil pa.

"Ewan ko sa 'yo, Maxrill Won."

"I want more," bulong niya saka muling hinalikan ang tenga ko, natawa ako nang makiliti. Tawa na malayo yata sa inaasahan niya dahil para lang akong kiniliti nang literal, animong nakikipagbiruan. "Tsh, fine. You hungry?"Inilahad niya ang kamay sa 'kin.

Natatawa akong tumango. "Oo."

"Me, too."

Tuluyan niyang kinuha ang kamay ko at muli akong niyakap. Inilagay niya ang kamay sa aking ulo nang muli kamang lumabas sa falls. Saka kami magkahawak-kamay na lumangoy pabalik sa tulad.

Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam, kulang na kulang ang salitang saya habang naglalakad kami pabalik sa taas ng bundok. Gaya kanina, nakahanda na roon ang pagkain at may kandila pa. Sa sandaling iyon lang ako naniwalang meron nga kaming kasama.

Hindi na ako nagulat nang may panibagong pod at may kasamang shower. Kung paano nilang nagawang posible 'yon ay hindi ko alam, ang tanging sigurado ko sa sandaling ito ay walang imposible sa lalaking ito. Higit pa sa patunay ang pinakikita niya sa 'kin para manguwestyon pa ako.

Magkasunod kaming naligo. Kulay asul na dress naman ang pinasuot niya sa 'kin at isang pares ng gintong sandals na lalong pinagmumukhang maputi ang isang paa ko. Iniladlad ko lang ang buhok ko dahil siguradong aabutin ng oras bago matuyo iyon kung itatali ko.

"Do you have class tomorrow?" tanong niya nang kumakain kami ng pinakamasarap na carbonara at garlic bread na natikman ko.

"Sa Lunes na uli ang pasok ko dahil holiday, Maxrill Won," sabi ko sabay inom ng juice. "Salamat dito,"natutuwang sabi ko.

"Wanna go out with me?"

Nanlaki ang mga mata ko sa excitement. "Saan?"

"What place would you like to visit?"

Nakanguso akong nag-isip, hindi alintana ang sauce na naro'n sa gilid ng labi ko. "Amusement park, Maxrill Won,"excited kong sagot.

Natigilan siya bagaman pinanatili ang ngiti sa labi. "Are you sure?"

Ngumuso ako at saka tumango. "Oo," inalala ko ang kabataan ko. "No'ng bata kasi kami nina kuya at Bree, gustong-gusto naming pumunta sa mga gano'n."

"What happened?"

Pilit ang ngiti akong nagkibit-balikat. "Wala kaming pera," hindi ko naitago ang hiya. "Sa peryahan lang kami kayang dalhin ni tatay."

Tumikhim siya. "I'm sorry." Sumulyap siya sa 'kin habang naglalagay ng carbonara sa kaniyang kutsara. "Okay lang sa 'yo? I mean, to go there." Binaba niya ang kutsara't tinidor at kinuha ang panyo sa tabi niya saka inabot ang labi ko. "I mean...I don't know how to say. I'm just wondering if..."

"Ayos lang," nakangiti ko na siyang inunahan. Alam ko ang ibig niyang sabihin. "Aaminin ko na...na-trauma ako, Maxrill Won. At hanggang ngayon ay natatakot ako...maalala lang ang mga 'yon."

Sinabi ko 'yon nang tulala na sa dibdib niya, hindi alintana sapagkat ang isip ko ay puno na ng madidilim na alaala.

"Pero kasi...sa t'wing ikaw ang kasama ko parang..."kumurap-kurap ang mga mata ko nang mapalitan na ng alaala naming dalawa ang isip ko. "Parang kaya ko lahat,"wala sa sariling pag-amin ko. "Na parang...kahit anong takot ko, nalalampasan ko lahat. At ang sarap sa pakiramdam no'n, Maxrill Won," tulala pa ring patuloy ko. "Na ikaw ang kasama ko sa pagharap sa mga kinatatakutan ko. Hindi ko ipagpapalit 'yon."

Sabay kaming natigilan at nagsalubong ang aming paningin. Kung paanong hindi niya inaasahan ang aking pag-amin ay higit na ako ako. Gano'n na lang kabilis nag-init ang pisngi ko at nagbaba ng tingin sa aking pagkain. Nakagat ko ang labi ko at ang isip ay paulit-ulit na sinisi ang sarili sa mga nasabi.

"Ano..." dali-dali akong nag-isip ng idadahilan. "I-Ibig kong sabihin, n-natutunan ko na kasi na...na..."

"Na...?" ginaya niya ang aking tono.

"Na..." nag-isip pa rin ako ng idadahilan. "Na ano..."Ngunit natigil ako nang bigla siyang tumawa.

"You're in love with me, huh?"

Natigilan na naman ako at napanguso sa kaniya. Hindi ko kayang itanggi ang totoo. Kung nahulaan niya 'yon dahil sa pag-amin ko, paniguradong kahit hindi ko 'yon sinabi ay makikita ang katotohanan sa mukha ko.

Nakanguso akong tumango pero hindi sumagot. Inaasahan kong tatawa siya uli pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at halikan 'yon.

"That's sweet and...that's the best thing I've ever heard," nakangiti niyang sinabi. "I'll always stay beside you, I promise."

Napatitig ako sa kaniya at emosyonal na nangiti. Saka ako magkakasunod na tumango. Binitiwan niya ang kamay ko at sumenyas na ituloy na namin ang pagkain, talagang napakatakaw niya.

Pero hindi ko 'yon nagawang sundin. Naiwan akong nakatitig sa kaniya at nakangiti. Paulit-ulit na sinasabi sa isip na mahal ko ang lalaking ito sa harap ko at mahal din ako nito. Na kahit ilang beses ko pa siyang makitang kumain sa harap ko, parang hindi pa rin ako makapaniwala. Parang panaginip lang ang lahat ng ito. Panaginip na kailanman, hindi ko na hihilinging magising pa.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji