CHAPTER 45

CHAPTER 45

"I'LL TAKE them home," presinta ni Maxrill Won nang matapos kaming kumain. "Give me the keys, Dirk," sandali pa siyang nakipag-usap kay Tiyo Dirk.

Wala sa sarili akong napatitig sa kaniya at napagmasdan siyang magsalita, lumingon, tumango at pagkunutan ng noo sa kaniyang mga kapatid. Tila naging mabagal ang lahat sa paningin ko habang nasa kaniya ang mga mata ko. Tuloy ay hindi ko namalayang nangingiti na pala ako sa simpleng pagtingala lang sa kaniya, gaya noong mga gabing nakatingin ako sa buwan.

Pero hindi nagtagal at naramdaman niya ang pagtitig ko. Nagbaba siya ng tingin sa akin, saka ako biglang inakbayan. Hinapit niya ako papalapit, hindi inaalala kung sino ang makakita.

"What are you looking at?" pabulong niyang tanong, sinadyang ilapit ang bibig sa pandinig ko, naramdaman ko nang langhapin niya ang aking buhok.

"Ano..." mahinang sabi ko saka siya nilingon. "Pasensya ka na kay tatay, Maxrill Won."

Talaga yatang hindi na mawawala ang hiya na nararamdaman ko. Sa sandaling ito, ni hindi ko matagalang tingnan ang mga Moon dahil sa inasal ng tatay ko. 'Ayun na naman 'yong pakiramdam na sa kabila ng mga pinakita at sinabi ng mga Moon sa akin, ganito ang sukli ni tatay kay Maxrill Won. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko at sa sobrang kahinaan ko, gusto ko na lang maiyak kanina. Kahit pa, tila ako lang ang apektado dahil parang walang nangyari kung umasta ang mga Moon.

"It's okay," pabulong pa ring tugon ni Maxrill Won, hinaplos ang pisngi ko at hindi na inalis ang kamay sa mukha ko. "I'm telling you, Dainty, I'll do everything for you. Kahit everyday pa 'kong pagalitan ni father mo."

"Tss, sa 'kin lang kasi takot 'yan," pang-aasar muli ni Ate Maxpein dahilan para maibsan ang hiya ko kahit papaano.

Natawa ako sa biro niya at nilingon si Maxrill Won. Pero pakiramdam ko ay hindi niya inalis ang panigin sa 'kin kahit pa nagsalita ang ate niya. Kung tumitig siya ay para bang isa akong milagro na harap-harapan niyang nakikita. Ang paghanga ay mababasa sa kaniyang mga mata, ang nararamdaman ay nakaguhit sa kabuuan ng kaniyang mukha.

Hindi ko alam kung sapat pa bang sabihin ko na masaya ako dahil nakikita ko ang tunay na nararamdaman sa 'kin ng lalaking ito. Ang totoo, hindi niya na nga kailangang sabihin 'yon. Kung itanggi man niya ay hindi ko rin siya paniniwalaan. Bakas na bakas 'yon sa kaniyang itsura, lalo na sa kaniyang mga mata. Na wala mang kakayahang magsalita, parang napakaraming sinasabi.

"Salamat po uli," nakangiting sabi ko nang ihatid kami ng pamilya ni Maxrill Won sa sasakyang gagamitin niya panghatid sa aking pamilya.

"I'm going back to Palawan later so, I'll see you again next time, Dainty," ani Kuya Maxwell na hinaplos ng daliri ang pisngi ko.

"Tsk, tsk, tsk," ingit ni Maxrill Won saka ako hinapit papalapit sa kaniya.

"What?" nakangising ani Kuya Maxwell. "Possessive freak, I'm already taken."

"So am I," ngisi ni Maxrill Won.

Ngumisi rin si Kuya Maxwell. "Hmm."

"Hmm." Nakangising umiling si Maxrill Won sabay sulyap sa akin.

Matunog na buntong-hininga ni Ate Maxpein ang pumigil sa dalawang lalaki saka tinapik sa balikat si Nanay Heurt. "Una na kami."

"Mag-iingat kayo," tugon ni nanay.

"Aba, sila ang mag-ingat sa 'min," mayabang na sagot ni Kuya Deib Lohr. Nagkatawanan pa ang mga naroon at sandali uling nagdaldalan bago natapos ang paalaman.

Nakasakay na ang lahat sa itim at mataas na van. Inalalayan ako papasok ni Maxrill Won saka tuluyang umandar ang sasakyan palayo.

"Thanks for the treat," tinapik ni Kuya Kev ang balikat ni Maxrill Won.

"No worries, dude, you look good," lumingon si Maxrill sa likuran at nasulyapan si tatay. "He's wasted," napailing siya at nakamot ang sentido. "I'm sorry, sinadya ni Mokz."

Natawa si nanay. "Para makadiskarte ang apo niya,"ngiwi ni nanay sabay iling.

Natawa si Maxrill Won. "That's how we do it," aniya saka sumulyap sa 'kin. Napanguso ako nang hindi masakyan ang pinag-uusapan nila. "Mind if I ask her out the day after tomorrow?" baling niya muli kay nanay.

Pakiramdam ko ay pare-pareho kaming natigilan. Napanguso ako saka sumulyap kay nanay. Sigurado akong pareho ang laman ng isip namin, walang ideya si Maxrill Won na birthday ko bukas. Palihim kong inilingan si nanay nang sa tingin ko ay akma niyang sasabihin ang tungkol doon.

"I have to go somewhere tomorrow but I'll be back before midnight," dagdag pa ni Maxrill Won sa binalik ang paningin sa 'kin.

Maghapon siyang wala...

Nilingon ko siya at ginantihan nang pilit na ngiti saka bumuntong-hininga na lang.

"Sige," pagpayag ni nanay.

Nagliwanag ang mukha ko ngunit bahagya na lang iyon. Hindi gaya ng lubos na saya na dapat ay siyang maramdaman ko dahil sobra-sobra na nga 'yon. Kung tutuusin, hindi ko inaasahang yayayain akong lumabas ni Maxrill Won. Mabuti na lang at wala akong pasok sa araw na 'yon. Dapat ay masaya na ako dahil pumayag si nanay nang walang alinlangan. Pero hindi gano'n ang pakiramdam ko. May kulang talaga.

"Thanks, tita," gano'n na lang ang tuwa ni Maxrill Won.

Bagaman gano'n, pakiramdam ko ay nalusaw ang lahat ng saya na naramdaman ko kanina. Napakarami nang nangyari sa araw pa lang na ito, pinagpapasalamat ko maging ang mga nakaraang araw. Pero 'eto at nag-init agad ang ilalim ng mga mata ko na para akong maiiyak sa lungkot gayong babalik naman daw siya bago magmadaling-araw.

Marahil ay inaasahan ko kasi na makikita ko siya bukas? Nasabi ko pa ngang siya ang pinakamagandang regalo na natanggap ko. Kasi natatandaan ko kung gaano na lang kataas ang pag-asa ko noon na pupunta siya sa birthday ni Bree Anabelle. Natatandaan ko pa kung paano akong nagising nang maaga at naghintay na para bang ako naman ang may kaarawan.

Ang totoo nga, iniisip ko ngayon pa lang kung paano ko siyang iimbitahan na mananghalian sa amin bukas kahit pa kanina, tinapay, pansit at pritong manok lang ang ihahanda namin. Kung sa aking pamilya ay sapat na 'yon. Pero sa nakita kong uri ng pananghalian para sa pamilyang Moon, baka hindi pagkain ang tingin nila ro'n.

"Hmm? You okay?" ani Maxrill Won na hinawi ang nahulog na buhok at humarang sa pisngi ko.

Napilitan akong ngumiti. "Oo." Napabuntong-hininga ako at tinuon na lang sa labas ng bintana ang paningin.

Ang totoo ay umaasa pa rin ako hanggang sa sandaling ito na magbabago ang isip niya. Umaasa pa rin akong alam niya na kaarawan ko bukas. Pero matapos niyang hawakan ang kamay ko at isandal ang batok sa inuupuan, napapikit siya at nakatulog na. Nakarating kami sa bahay nang may naglalayag na isip at hindi ko namamalayan.

"We're here," tinig iyon ni Tiyo Dirk, inuga si Maxrill Won para magising.

Awtomatikong lumingon sa 'kin si Maxrill Won saka diniinan ang kaniyang mga mata. "Sorry, I fell asleep."Ginulo niya ang kaniyang buhok at saka muli iyon inayos. Saka siya tumayo at lumabas upang alalayan akong makababa.

Kasunod namin ay bumaba si Bree Anabelle. Habang magkatulong namang binuhat nina Kuya Kev at Tiyo Dirk si tatay papasok ng bahay. Inakbayan ako ni Maxrill Won at inakay papasok ng bakuran. Hapon na pero umaalingasaw pa rin ang pabango niya. Ano kayang pabango 'yon? Iyon na yata ang paborito kong amoy ngayon.

Gano'n na lang ang gulat ko nang makitang naroon sa bakuran namin ang lahat ng bulaklak ng pangalan ko. Napalingon ako kay Maxrill Won at ngumiti. Nginitian niya rin ako ngunit hindi ko akalaing lalapit siya at yayakapin ako nang mahigpit.

"That felt good," bulong niya saka kumawala sa pagkakayakap sa 'kin.

"Alin 'yon?"

"Matulog sa tabi mo," natawa siya at sinapo ang kaniyang batok.

"Napagod ka siguro, Maxrill Won." Nakamot ko ang pisngi ko nang maisip kung gaano niyang pinaghandaan ang mga bulaklak na sorpresa sa akin.

Tumuloy kami sa bakuran. Pinagbukas ko siya ng pinto at yayayain na nang kusa siyang huminto. "We'll go ahead," gano'n na lang kabilis ang paalam niya.

Umawang sandali ang labi ko nang matigilan. Pero agad akong bumawi at napilitang ngumiti. "Ano...sige, s-salamat ulit, Maxrill Won," sinikap kong maging sinsero. Pero nagkandabara-bara ang lalamunan ko.

Natural lang naman na malungkot ako, hindi ba? Pero bakit pakiramdam ko ay sobra naman ang nararamdaman ko. Napakarami niya nang nagawa at binigay na oras sa 'kin, tama bang maghangad ako nang ganito? Nakakakonsensya ang tindi ng lungkot na nararamdaman ko. Pero paano ko nga ba'ng mapipigilan 'yon? Kung alam ko lang, baka 'yon na lang sana ang pinili kong maramdaman. Mas madaling sabihin na kailangan ko siyang intindihin, kaysa gawin 'yon.

"Mag-iingat kayo ni Tiyo Dirk sa pag-uwi, Maxrill Won," dagdag ko.

"Sure." Hindi ko inaasahang lalapit siya at hahalikan ako sa noo. "I'm going to take a nap later, I'm really sleepy." Bumuntong-hininga siya. "But I'll call you before dinner, I promise." Inangat niya ang baba ko upang magtama ang paningin namin.

Nag-alinlangan ako nang ilapit niya ang mukha sa akin. Napahawak ako sa kaniyang dibdib, handa nang itulak siya, kung sakaling tama ang naisip ko sa susunod niyang gagawin.

Pero gano'n na lang ang pag-iinit ng pisngi ko nang umangat ang gilid ng kaniyang labi, na maging sa mga mata niya ay umabot ang nakakaloko niyang ngiti.

"I'll see you again soon, baby," mahina niyang sinabi saka tinabingi ang kaniyang mukha para halikan ako sa pisngi.

'Ayun na naman 'yong makalusaw sa pakiramdam niyang boses, malambing pero may malakas na dating. Paano niya kayang nagagawa 'yon? Alam ko ang normal niyang boses, pero sa t'wing hihinaan niya 'yon, parang nagbabago at kakaiba ang dulot no'n sa sistema ko.

"Wait for my call," dagdag niya.

Ngumiti ako at tumango. "Sige."

Hinaplos niya ang buhok ko hanggang bumaba ang kamay niya sa aking batok. Inilapit niya ako sa kaniyang labi at hinalikan naman sa noo. Napanguso ako dahil nasisiguro kong nakatingin sa 'min sina nanay at Kuya Dirk, maging ang mga kapatid ko.

"Uwi na kami, tita," paalam niya kina nanay, kumaway siya sa lahat. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil saka ako tinalikuran.

Pabuntong-hininga ko siyang sinundan ng tingin, umaasang muli siyang lilingon sa 'kin. Hindi niya ako binigo, nagkangitian kami nang muling magtama ang aming paningin. Kumaway ako at saka pinanood siyang sumakay sa sasakyan at umalis.

"Grabe, ate," hindi makapaniwalang ani Bree. "Napaka-sweet sa 'yo ni Maxrill!"

"Dapat lang," mayabang na ani Kuya Kev. "Prinsesa kaya ang kapatid ko." Ngumiti siya sa 'kin. "Magpahinga na kayo."

"Ikaw, kuya, may prinsesa ka na?" pang-aalaska ni Bree Anabelle, lahat kami ay natawa.

"Manahimik ka nga, ikaw nga ay wala," alaskador ding tugon ni kuya para lalo kaming matawa lahat.

"Magpahinga na muna kayo," ani nanay. "Lalo ka na Dainty. Paniguradong napagod ka sa performance mo kanina."

"Opo, 'nay," tugon ko.

"Congratulations ulit, Dainty."

Nangiti ako. "Salamat po, 'nay."

"Congrats, ate!" niyakap ako ni Bree.

"Congrats, Dainty, proud kami sa 'yo," ani Kuya Kev.

Minsan ko pang sinulyapan ang mga bulaklak sa bakuran saka ako pumasok sa kwarto upang kumuha ng gamit. Naligo ako at nagmuni-muni sandali. Pero hindi nagtagal ay nakatulog din ako.

Nagising ako sa malakas na tunog ng aking cellphone. Nagkandaduling-duling pa 'ko bago mabasa ang pangalan ni Maxrill Won doon.

"Hello?" sagot ko.

"Hmm. I just woke up."

Napangiti ako. "Ako rin."

"Yeah? Did you dream of me?"

Napanguso ako nang nakangiti. "Hindi." Bumangon ako at nag-stretch. "Kumain ka na?"

"Not yet, how 'bout you?"

"Kababangon ko lang."

"I see," natawa siya. "I'm going to eat my dinner while talking to you on the phone, is that okay?"

"Baka pagalitan ako nina nanay. Maghahapunan na rin kami."

"Tell her I'm asking you about your ulam."

"Nyeh."

"Nyeh." Ginaya niya ako.

Natawa ako. "Tumawag ka na lang mamaya."

Bumuntong-hininga siya dahilan para mangiti ako. "I can't, I have a lot of things to do later."

Napanguso ako at napaisip kung ano kaya ang gagawin niya mamaya. May kinalaman kaya 'yon sa gagawin niya bukas? Ano kaya 'yon? Bakit kailangang maghapon? Inalala ko tuloy kung may oras ba siyang kumain kapag gano'n siya ka-busy? Nitong mga nakaraan kasi, parang hindi na siya tulad ng dati na pulos pagkain ang bukambibig.

"Are you still there?" aniya nang matahimik ako.

"Ayos lang, Maxrill Won. Ibababa ko na."

"Wait, what? Dainty..."

"Ay, hala, ano ba?" nakagat ko ang daliri ko nang magkamali ng intindi sa kaniya.

"I still want to talk to you."

"We're still talking, Maxrill Won." Sumulyap ako sa bintana at natanaw ang buwan. "Nakatingin ako sa buwan, Maxrill Won."

"Hmm, and?"

"Wala lang."

"Tsh. You should be thinking of me. That thing symbolizes me," puno ng kompyansang aniya. Napanguso ako at nalukot ang mukha. "Now look at the sky."

Napamaang ako at sinilip ang madilim na langit. "Wala akong makita."

"That's my world before I met you."

Natigilan ako at saka natawa. "Ang baduy mo, Maxrill Won."

"Yeah?"

Tumawa siya nang malakas dahilan para mahawa ako. Nauwi 'yon sa pagngiti habang pinakikinggan lang siya. Gustong-gusto ko talaga ang namamaos na pagtawa niya.

"What's baduy by the way?" tumatawa pa ring tanong niya.

"'Yong jologs, gano'n."

"Yeah? What's that?"

Ako naman ang natawa nang malakas, hindi ko napigilan. Nakakatuwa lang na nakitawa rin siya. Para kaming mga sira na nagkakahawahan.

"Dainty, kakain na," pagtawan ni nanay.

"Tinatawag na 'ko ni nanay," sabi ko, natatawa pa rin ngunit pinipigilan na.

"Don't drop my call."

"Ha? Eh, baka pagalitan ako."

"Hindi. She'll understand."

Ngumuso ako at nag-aalinlangan man ay sinunod ko siya. Sabay-sabay akong nilingon nina Kuya Kev, Bree Anabelle at nanay, wala roon si tatay. Lahat din sila ay sumulyap sa cellphone ko saka ibinalik ang tingin sa mukha ko.

"Kausap ko po si Maxrill Won," pag-amin ko kay nanay. "Ayaw po niyang ibaba ko ang linya, nanay."

Natawa si nanay sa sumbong ko, napanguso ako. "Hayaan mo na," ngiti niya. "Kung doon kayo masaya,"nanunuksong dagdag niya, lalo akong napanguso ngunit hindi na umangal pa.

"Pumayag si nanay," mahinang sabi ko pero narinig pa rin ng mga kapatid ko kaya nakakaloko nila akong sinulyapan.

"Pagbibigyan kita ngayon dahil bi..." binitin ni kuya ang sinasabi at dinugtungan nang walang boses.

Nalungkot ako. Wala si Maxrill Won sa birthday ko...Napabuntong-hininga ako at binalewala na lang ang isipin. Nakontento na akong kausap siya ngayon.

"Told you," mayabang na ani Maxrill dahilan para makuha niya muli ang atensyon ko. "So, what's for dinner?"

"Misua na may patola at manok." Hindi ko alam kung mahihiya ako nang sabihin ang ulam namin. "Hindi mo siguro alam 'to. Puro steak kasi ang kinakain mo."

Umiling si nanay. "Magugustuhan niya ito panigurado kung matitikman niya lang," mahinang aniya, namangha ako.

"Talaga po?" hindi makapaniwalang tugon ko, tango lang ang itinugon ni nanay.

"Mine's sinigang," may bahid ng pagyayabang niyang sabi. "I'm already holding my spoon, it has rice and pork on top."

Natigilan ako at napaisip. Dinampot ko ang kutsara at nagsandok din ng kanin sa plato ko. "May kanin na rin sa plato ko, Maxrill Won."

"Put a little ulam."

Sinunod ko siya, inipit ang cellphone sa balikat at tenga. Hirap na hirap man ay sumandok ako ng manok na pulos laman. Hiniwa ko iyon sa maliit at gaya ng sa kaniya, ipinatong ko ang manok sa ibabaw ng umuusok pang kanin.

"Ready?" aniya.

Tumango ako. "Mm."

"Na...dul...I mean, one...two...we're going to eat it together"

"Anak ng..." ani nanay sa naiinis na tinig, natigilan ako. "Para kayong mga bata, Dainty. Maxrill, ano ba 'yan?"nagsalita pa siya ngunit hindi ko na naintindihan ang mga sumunod na sinabi.

"Tsh, don't mind her. Three..." ani Maxrill Won at nakisabay naman ako ng pagsubo.

Napanguso ako nang masalubong ang kunot-noong tingin ni nanay. Sumimangot ako nang makitang natawa ang mga kapatid ko.

"Nagagalit si nanay," sumbong ko kay Maxrill Won.

"Hindi ako nagagalit, Dainty. Ang sa 'kin lang..."nasapo niya ang noo at gano'n na lang kalalim ang buntong-hininga. "'Susmaryosep, beinte-kwatro ka na, Dainty. 'Yang ginagawa ninyo ni Maxrill Won, pang-apat na taon."

Lalo akong ngumuso. "Ikaw kasi, e," paninisi ko kay Maxrill Won.

"Why me? I think it's sweet," natatawang tugon ni Maxrill. "'Kay, fine, it's my fault. Sorry. Tell her, I'm going to kiss you na lang, if she thinks we're playing."

Nanlaki ang mga mata ko. "Maxrill Won?"

"I was just trying to cheer you up." Humalakhak siya.

"Kakain na nga muna ako, ibababa ko na talaga 'to."

"Hmm," kunyari ay nagtatampo siya. "All right, I'll call you again later."

"Sige," ngumiti ako at saka inalis ang cellphone sa tenga ko at pinatay ang linya.

Inilapag ko 'yon sa mesa at napapahiyang sumulyap kay nanay. Inilingan niya ako. "Pagsasabihan pa naman sana kitang umasta nang akma sa edad mo, tss, e, pareho lang pala kayong isip-bata niyang manliligaw mo."

Dahil sa sinabi ni nanay ay nagtawanan sina kuya at Bree Anabelle. Gusto kong mapikon, ang totoo nga ay naiinis na ako pero gano'n lang talaga ang reaksyon ko. Pero nahigitan 'yon ng tuwa dahil hindi gaya ni tatay, ganito man ang sabihin ni nanay, alam kong gusto niya kami ni Maxrill Won para sa isa't isa.

Hindi ako nagpahalata na nagmamadali akong kumain pero mabilis kong inubos ang laman ng plato ko. Nagpresinta akong maghuhugas ng pinagkainan pero inako ni nanay 'yon at dahil excited akong makausap si Maxrill Won ay hindi na ako tumanggi.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-text kay Maxrill Won. Pero gano'n na lang ang pagsimangot ko nang makitang wala nang load 'yon. Napalingon ako kay nanay at lumapit. Magsasalita na ako nang muling tumunog ang cellphone kaya dali-dali uli akong lumabas ng bahay upang sagutin 'yon.

"Hello?"

"Hmm, you done?"

Tumango ako. "Oo, ikaw?"

"I'm still eating desserts."

Ngumuso ako. "Enjoy ka."

"You want some?"

Para namang pwede. "Ayos lang ako." Ngumiti ako at tumingala sa buwan. "Maxrill Won?"

"Hmm?"

"Pwede ko bang...ano..."

"Ano?" ginaya niya ang tono ko.

Nakagat ko ang labi ko at saka natakpan ng palad ang mga mata ko. "Pwede ko bang malaman kung sa'n ang punta mo...b-bukas?" nahihiya kong tanong.

Sandali siyang natigilan sa kabilang linya saka natawa. "Of course," malambing niyang tugon napangiti ako. "Why didn't you ask me earlier?" natawa siya.

"Nahihiya kasi ako dahil...syempre, hindi mo naman kailangang sabihin lahat sa 'kin. Pero kasi..." napanguso ako. "Na-curious ako."

"I'm going somewhere in Shinirowan, it's here in Laguna. I'm just...going to check something and prepare some things there."

Tumango-tango ako. "Na-curious lang ako kasi maghapon kang wala."

"Yeah, it's going to be a busy day."

"Ingat ka bukas, ha?"

"For you, baby."

Sumimangot ako ngunit hindi rin napigilang ngumiti. "Dahan-dahan ka lang mag-drive."

"Yeah, thanks, it's kind of dangerous but it's okay. You know that place?"

Umiling ako. "Hindi ko pa naririnig ang lugar na 'yon. Isa pa, hindi naman kasi ako lumalabas."

"You wanna go there with me?"

Natigilan ako. "Bukas?"

"No, not tomorrow, of course."

Nalungkot ako. Hindi niya talaga alam na birthday ko. Sasabihin ko ba? Lumaylay ang mga balikat ko. Bakit ba hindi ko masabi? Sumimangot ako dahil sa mga naisip. Humugot ako ng hininga nang magdesisyong sabihin na lang talaga sa kaniya. Tutal naman ay sigurado akong hindi siya makapupunta.

"It's getting late," pero naunahan niya akong magsalita."I'll call you again tomorrow."

"S-Sige," nakagat ko ang labi.

"Dainty..."

"Ha?"

"I love you."

Natigilan ako at napangiti. Nakagat ko ang labi ko at nagtakip ng mukha. "Nahihiya ako."

Natawa siya. "Have a good night's sleep."

"Good night, Maxrill Won."

"Good night, Dainty Arabelle."

Sandali ko pang pinakinggan ang linya niya bago ko tuluyang pinutol 'yon. Napatitig ako sa cellphone nang punuin ng panghihinayang ang puso't isip ko. Nagsisisi ako kung bakit sa dami ng pagkakataong sabihin 'yon, ngayon ko pa naisipan. Mabigat ang loob kong tumuloy pabalik sa bahay. Nanlulumo akong naligo at saka nahiga sa kama nang matapos. Malungkot akong tumitig sa buwan hanggang sa nakatulog.

"Happy birthday, Dainty Arabelle!" pagbati ni nanay ang nabungaran ko kinabukasan nang makalabas ako ng kwarto.

"Happy birthday, Dainty," ani kuya.

"Happy birthday, Ate Dainty!" pagbati ni Bree Anabelle.

"Happy birthday, anak," pagbati ni tatay.

Natakpan ko ang bibig ko dahil kababangon ko lang at magulo pa ang aking itsura. Kaya naman ngumiti ako sa kanila ngunit hindi nagsalita. Nang matapos ay nagtatakbo ako papunta sa kasilyas upang maligo.

Nang matapos ay dali-dali akong naghanap ng maisusuot. Napangiti ako nang makita iyong maagang regalo sa akin ni Kuya Kev. Isang dilaw na dress 'yon. Medyo may kanipisan pero hindi nakakailang, presko lang. Hanggang tuhod lang 'yon at maiksi ang manggas pero gustong-gusto ko.

Lumingon ako sa pinto at sinigurong nakasara iyon nang makapagbihis ako. Nakangiti kong tiningnan ang aking sarili sa salamin at lalong napangiti. Sinuklay ko nang marahan ang aking buhok at hinati iyon sa gitna. Itinali ko ang kalahati gamit naman ang regalong dilaw na bowknot hair clip ni tatay. Naglagay ako ng pulbos sa mukha at saka inilabas ang liptint na binigay ni Bree Anabelle. Nakangiti ko iyong binuksan at saka ako naglagay sa labi. Muli ko pang pinagmasdan ang aking sarili saka ako tumayo sa harap ng salamin.

"Happy birthday, Dainty Arabelle..." nakangiti kong sinabi sa sarili. Taon-taon ay ako ang nauunang bumabati sa sarili ko. Taon-taon din, pinagpapasalamat ko na nakakalakad na uli ako.

Nakangiti kong inihanda ang aking sarili at saka tuluyang lumabas ng kwarto.

"Happy birthday...to you..." Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang masalubong agad si Bree Anabelle, naghihintay sa labas ng pinto. May hawak siyang cake at kasabay na kumakanta ang buo naming pamilya.

"Hala..." emosyonal kong tugon, hindi mapigilan ang malapad na pagkakangiti. Pinagsalikop ko ang aking kamay. Nakipalakpak ako sa kanila at nakikanta, parang mapupunit ang mga labi sa pagkakangiti.

"Happy...birthday, Dainty..." sabay-sabay nilang tinapos ang kanta. Lalo pang lumapit sa 'kin si Bree Anabelle upang ilahad ang cake.

Hinawakan ko ang mahabang buhok kong nakaladlad sa magkabilang gawi ng aking balikat. Saka ako yumuko at pumikit.

Sana...si Maxrill na... Wala pa man akong naiisip ay 'yon na ang sinabi ng aking isip, ako mismo ay nagulat. Tuloy ay naiilang akong nagmulat at saka kinilig sa sariling hiniling.

Nakangiti kong hinipan ang candle at muling nakipalakpak sa kanila. "Salamat, Bree Anabelle, kuya, nanay...tatay, salamat po," malambing kong sinabi.

"Happy birthday, Ate Dainty!" maingay na ani Bree saka nagpatangkad upang halikan ako sa pisngi. "Napakaganda mo sa suot at tali mo, ate!"

"Salamat, Bree." Nahawakan ko ang pareho kong pisngi nang mag-init at mamula 'yon lalo na nang batiin din ako nina kuya, nanay at tatay.

Magkakasama kaming nagsalo-salo sa simple naming handa. Masayang kwentuhan sa nakaraan habang tumatawa at nagbibiruan. Kontento na ako sa ganoon. 'Yong hindi lang basta dumaraan ang oras. 'Yong wala kaming ibang iniisip kung hindi ang sandaling ito. 'Yong balikan man namin ang nakaraan, hindi 'yong sakit ang naaalala namin doon kung hindi 'yong nakakatawa lang. 'Yon na ang pinakamagandang regalo para sa 'kin.

"Binati ka na ba ng manliligaw mo?" pabirong bulong ni nanay nang magkatulong naming iligpit ang pinagkainan.

Napanguso ako at saka nilingon ang gawi ni tatay sa takot na baka may marinig ito. "Hindi po yata alam ni Maxrill Won na birthday ko, 'nay," pagnguso ko.

Lumingon ako sa labas at sa tagal naming nagsalo-salo at nagkuwentuhan, inabutan kami ng hapon sa mesa. Ilang oras pa at didilim na. Wala pa rin akong natatanggap na kahit anong texts o tawag mula kay Maxrill Won. Bagaman sinabi naman niya nang gagabihin siya.

"Gagabihin po raw siya sa Shinirowan," sabi ko. "Alam niyo po ang lugar na 'yon, 'nay?"

"Shinirowan?" nagtaka si nanay. "Ngayon ko lang narinig 'yon."

Tumango ako. "Dito lang daw po sa Laguna 'yon."

Napaisip si nanay, kunot-noo. Pero nagulat ako nang bigla siyang tumawa. "Ah...tss! Siniloan 'yon." Muli siyang tumawa. Napamaang ako nang makilala ang lugar. "Bulol lang siya."

Natakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang malakas na tawa. "Bulol nga po sila."

Natatawa akong sinenyasan ni nanay na manahimik. "Hulog na hulog sa 'yo ang bunso ng pamilyang Moon."

Nanlaki ang mga mata ko at nahihiyang lumingon kay nanay. "Nanay, 'wag niyo po akong tuksuhin."

"At kailan pa 'ko nanukso? Totoo lang ang sinasabi ko."

"Eh..." napanguso ako. "Ang pinag-uusapan po natin ay ang kaarawan ko tapos...ganyan poa ng sagot ninyo."

"Totoo naman. Hulog na hulog sa 'yo ang Maxrill Moon na 'yon. Sa lahat ng Moon, 'yon ang walang topak."

Ngunguso na sana ako nang matawa sa sinabi niya. "Spoiled brat po siya, nanay."

"Dati, oo, sobra pa nga. Ngayon ay mukhang nagbago na," nakangisi na naman siyang sumulyap sa 'kin. "Ang dinig ko ay nauutusan na bagaman...panay pa rin ang utos sa kaniyang yaya. At least, nabawasan. May improvements," ngumiwi si nanay.

"Talaga pong spoiled siya, 'no?"

"Sobra, walang makahindi sa isang 'yon. Makikita mo, lahat ng gusto no'n, ginagawa at nakukuha niya. Hindi galit ng ama ng nagugustuhan niya ang pipigil sa panliligaw niya."

"Po?"

Humalakhak si nanay. "Sige na, magpahinga ka na, ako nang bahala rito."

"Tutulungan ko na po kayo, 'nay."

"Nako, pagpapawisan ka lang. Manood ka na lang ng TV."

Napanguso ako. "Ayos lang naman po kung pagpawisan ako, 'nay."

"Kailangang maganda ka hanggang sa pagsilip ng buwan, Dainty. Sige na, manood ka na lang ng TV."Kinindatan niya ako at saka inginusong pumunta na ako sa sala.

Nakabukas ang TV pero walang nanood. Sumilip ako sa bakuran nang marinig si Bree na kumakanta habang si Kuya Kev ang naggigitara. Binuksan ko ang pinto at pinatuloy si Nunna, kinarga ko siya at saka kami naupo sa sofa.

"Birthday ko ngayon, Nunna," sabi ko habang pinanggigigilan ito. Natawa ako nang dilaan niya nang dilaan ang ilong ko dahilan para magtatawa ako mag-isa.

"Happy, huh?"

Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mangibabaw ang tinig ni Maxrill Won! Napalingon ako sa pinto at hindi ako nagkakamali, naroon siya at nakatayo.

"Maxrill Won..." umawang ang labi ko, hindi nakakilos agad. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko saka kinarga si Nunna at lumapit sa kaniya. "Tuloy ka."

"I'm going to pick you up," ngiti niya, nanatili pa rin sa labas ng pinto at nakatunghay, saka sumulyap sa kusina kung nasa'n si nanay.

"Maaga ka yata?" ani nanay, nagpupunas ng kamay na lumapit sa 'min.

"Dirk helped me, thank God," ani Maxrill Won saka tumingin sa 'kin. "You ready?"

"Ha?" umawang ang labi ko.

"Ha?" natatawa niyang ginaya ang aking tono. "I said I'm here to pick you up. We're going somewhere."

Natutulala pa rin akong tumingin sa kaniya saka natutulirong lumingon kay nanay. Nakangiti siyang tumango at saka sumenyas na sumama na ako.

"Saan tayo pupunta, Maxrill Won?" tanong ko. "Hapon na."

Kinuha niya ang kay ko. "Celebrate the rest of the day with me, Dainty," seryoso pero malambing niya 'yong sinabi.

Natulala ako sa kaniya, nakaawang ang labi at saka lumingon kay nanay. Kaya ba ganoon ang mga sinabi niya kanina, alam niya ang tungkol dito? Dahil kung ako ang tatanungin walang bahid ng pagtanggi sa mukha niya.

"Sige na," itinulak ako ni nanay.

"Anong oras tayo uuwi?" natataranta kong tugon bagaman hinahayaan din si nanay na itulak akong palapit kay Maxrill Won.

"We'll spend the night together," ani Maxrill Won dahilan para mapamaang ako.

"Ano? Pagagalitan ako, Maxrill Won," sabi ko. "Nanay, oh, si Maxrill Won po," pagsusumbong ko.

Nasapo ni nanay ang noo at nakapikit na bumuntong-hininga. "Nagpaalam sa 'kin si Maxrill Won, huwag kang mag-alala. Ako na rin ang bahala sa tatay mo."

"'Nay..." napanguso ako, maiiyak na sa tinatagong tuwa.

"Ito na ang regalo namin sa 'yo." Lumapit si nanay at hinalikan ako sa noo. "Mag-enjoy kayo," ngumiti siya saka binalingan si Maxrill Won at nagsalita sa ibang lenggwahe.

"Thank you, Heurt Moon, I owe you," tumango si Maxrill Won, ramdam ko ang paggalang doon kahit pa tinawag niya na naman sa pangalan ang nanay ko.

Naro'n na sina kuya at Bree sa likuran ni Maxrill Won nang lumabas ako. Sa pagkakangiti nila ay mukhang alam na rin nila ang tungkol dito. Lalo na nang kunin ni Maxrill Won ang kamay ko. Sabay kaming napatingin kay Nunna.

"You can take her with us, Hee Yong's with me,"aniya na parang nabasa ang laman ng isip ko.

Lalong nanlaki ang mga mata ko. "Talaga?"

Nakangiti siyang tumango. "Sure."

"Maghahanda lang ako ng gamit ko, ha?" paalam ko.

Hinigit niya ang kamay ko pabalik. "No need, I brought you new clothes."

Nanlaki ang mga mata ko. "Hala, bakit?"

"Because it's your birthday." Tuluyan niyang hinigit ang kamay ko pasiksik sa katawan niya at umakbay sa 'kin. "We're leaving," kumaway siya sa lahat saka ako inakay papunta sa kaniyang sasakyan, kung saan nakalabas sa bintana ang ulo ni Hee Yong.

"Bago na naman ang sasakyan mo," nagugulat kong sabi nang makitang kulay pula naman iyon na Range Rover.

Nakamot niya ang sentido at saka natawa. "They're my collection."

Umawang ang labi ko ngunit sumenyas siyang sasakay na at tinalikuran ako. Ginala ko ang paningin sa loob ng sasakyan saka siya nilingon nang makasakay sa tabi ko. Pakiramdam ko ay ngayon lang ako nakakita ng taong may koleksyon nang totoong sasakyan. Iyong iba kasi ay hanggang laruan lang.

"Hello, Hee Yong!" pagbati ko nang paandarin niya ang sasakyan. Nilingon at kinawayan kong muli sina nanay saka tuluyang sinara ang bintana. "'Eto nga pala si Nunna."

Inilapit ko si Nunna, nag-amuyan silang dalawa. Bakas sa mukha ng aking alaga na curious siya kay Hee Yong habang ito naman ay para bang naiirita sa bagong kakilala. Pareho kaming natawa ni Maxrill Won sa itsura ni Hee Yong. Inilapag ko si Nunna sa tabi ni Hee Yong, may mahabang sapin doon at maluwang ang espasyo para sa kanilang dalawa.

"Saan tayo pupunta, Maxrill Won?" nagpipigil ng tawang sabi ko, gusto kong banggitin uli niya ang lugar na sinasabi niya.

"In Mount Romelo," nakangiti niya akong nilingon. Hinawakan niya ang pisngi ko at dinaplisan ng daliri ang aking labi. "You look good."

"Salamat," nakangiti kong sinabi. "Saan 'yong Mount Romelo?" nakagat ko ang aking labi para mapigilang matawa.

"Tsk," natatawa niya rin akong nilingon. "Your mom told me, you can't tease me." Kinagat niya rin ang sariling labi at saka sumulyap sa 'kin. "I'll bite those lips later."Natawa siya saka muling tinutok ang paningin sa daan.

Napamaang ako at hindi nakapagsalita. Nakagat ko ang labi ko saka lumingon sa labas at doon ngumuso.

Gusto ko pang magtanong kung saan kami pupunta. Gusto ko pang mangulit kung ano ang gagawin namin. Gusto ko pang mag-usisa kung paano niyang napapayag sina nanay at kuya. Gusto ko pang mang-asar na sabihin niya kung saan kami pupunta. Pero ang isipin na kakagatin niya ang labi ko mamaya ay pinag-ulap na ang isip ko at hinayaang iyon lang ang isipin ko.

Halos dalawang oras ang byahe. Tahimik pero kakatwang pareho kaming nakangiti at kontento. May mga taong nag-aabang sa 'min nang huminto ang sasakyan sa paanan ng bundok. Mababa lang 'yon pareho napalilibutan ng malalagong puno at mga halaman.

"Aakyat tayo diyan?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Nakangiting tumango si Maxrill Won. "I'll carry you if you get tired. Our babies can walk," nilingon niya ang dalawang aso.

Nakagat ko ang labi ko nang pumuwesto siya sa harap ko matapos akong pagbuksan ng pinto. Iniharang niya ang isang kamay sa pintuan habang ang isa pa niyang kamay ay nasa kinauupuan ko, nakapatong ang braso sa parehong hita ko. Inilapit niya ang mukha sa 'kin at awtomatiko kong nalanghap ang hininga niya. Gano'n na lang ang paglunok ko nang kalasin niya ang seatbelt. Napalingon ako doon at nang muli siyang tingnan ay nakangisi na siya sa 'kin.

"I'm not gonna kiss you yet," namamaos na bulong niya, nanuyo ang lalamunan ko sa pagkapahiya.

Kinuha niya ang kamay ko saka ako inalalayang makababa. Saka niya pinagbuksan at pinababa sina Hee Yong at Nunna at inalalayan ding bumaba.

Awtomatikong nag-abot ng leash ang isa sa mga tauhang naroon at sinuot 'yon ni Maxrill kay Hee Yong. Ang sumunod na leash ay kakatwang kumasya kay Nunna. Parehong may proteksyon ang mga 'yon sa buong katawan at mahaba ang tali. Iniabot niya sa 'kin ang kay Nunna saka niya hinila si Hee Yong.

"We have to hike before it gets dark, let's go," anyaya niya saka kinuha ang kamay ko. "Please take care of my lady," aniya sa tauhan saka inabot ang susi rito, iyong bago niyang kotse ang tinutukoy.

Hinila ni Maxrill Won ang kamay ko saka ako pinangunahan sa pag-akyat sa bundok. Laking pasalamat ko na iyon ang sapatos na sinuot ko, 'yong galing sa kaniya. Bukod sa bumagay 'yon sa kaswal na suot ko ay komportable akong ipanlakad 'yon.

Pero sa una lang pala 'yon. Dahil wala pa man akong kinse minutos na nagpapaakay kay Maxrill Won ay ramdam ko na ang pagod sa mga hita ko.

"Sandali..." pigil ko. "Sandali lang," sabi ko habang naghahabol ng hininga.

Awtomatikong kinuha ni Maxrill Won ang leash ni Nunna sa 'kin at bumunot ng bote ng tubig mula sa malaking bag na bitbit niya. Binuksan niya 'yon at inabot sa 'kin.

"Yeah, you have hika," ngumiti siya saka hinagod ang likuran ko habang umiinom ako ng tubig. "Our men are on standby, so you don't have to worry."

Our men? Ginala ko ang paningin sa lugar. Hindi pa naman kami nakalalayo pero sa nakikita ko ngayon ay kami lang ang naro'n bukod sa dalawang alaga namin.

Muli niyang kinuha ang kamay ko at inalalayan muli akong maglakad na nagtagal lang ng wala pang tatlumpung minuto. Napagod uli ako na halos yumuko sa parehong tuhod ko upang humugot ng hininga.

"Can you still walk? I can carry you."

Itinanggi ko ang kamay ko. "Kaya ko."

Inabot niya muli ang tubig sa 'kin. Hindi halos ako makainom nang ayos sa sobrang paghahabol ng hininga.

"Malayo pa?" tanong ko.

Nakanguso siyang tumango. "Isang oras pa."

Umawang ang labi ko. "Ha?"

"But it'll be worth it, I promise."

Nagpaakay uli ako sa kaniya. "Ngayon ka lang dito nagpunta?"

"I came here earlier with Dirk. I went down to fetch you and now, aakyat na tayo together," ngiti niya.

Nangunot ang noo ko. "Anong ginawa mo rito?"

Ngumisi siya. "You'll see." Puno siya ng kompyansa nang sabihin 'yon, napangiti ako.

Pero hindi ko inaasahang ang kompyansang naroon sa tinig niya ay kayang punuin ang puso ko. Mabilis na nangilid ang mga luha sa mata, gano'n na lang kainit ang mukha ko nang tuluyan naming marating ang tuktok ng bundok.

Gabi na nang makarating kami, tanging buwan at flashlights ang gumabay sa 'min sa daan. Pero nang makarating sa tuktok ay panibagong liwanag ang nakita ko.

Sa gitna ng summit ay may bonfire. Sa harap niyon ay may kalakihang tent. Sa tabi naman niyon ay old van na nakabukas ang pinto, makikita ang nakahigang upuan niyon na nababalutan ng makapal na kumot. Sa harap pa niyon ay isang mesa at dalawang magkatabing upuang kahoy na kaharap naman ng tumataas na apoy. May apat na matataas na kahoy na nakabaon sa lupa. Doon nakasabit ang magkakrus na kawad kung saan naman nakalambitin ang maliliit na dilaw na bumbilya na nagbigay ng kakaibang mood sa lugar. Sa van nakasabit ang mga papel na ang bawat isa ay may letrang bumubuo sa "Happy Birthday, Dainty".

Pinunasan ko ang mga luha ko saka nakangiting lumingon kay Maxrill Won. Magsasalita na sana siya nang lumapit ako upang yakapin siya. Naramdaman ko ang gulat niya pero nabawi niya 'yon sa mahinang pagtawa.

"Happy birthday, Dainty Arabelle," mahina niyang sinabi dahilan para lalong tumulo ang mga luha ko.

Inilayo niya ako at sinalubong ang tingin ko. Hinawakan niya ang aking pisngi saka iniharap nang tuluyan sa kaniya.

"I love you," bulong niya saka dinampian ng halik ang labi ko. "I'm gonna make you the happiest girl in the world, Dainty Arabelle. Be my girl now and someday, you'll be my wife."

"Maxrill Won," umiiyak kong sambit.

"Say you love me..." nakikiusap niyang sabi saka idinikit ang noo sa noo ko.

Napangiti ako. "I love you."

Nakagat niya ang labi at saka ngumiti. "I love you,"emosyonal na bulong niya saka muling inangkin ang labi ko.

To be continued. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji