CHAPTER 44


CHAPTER 44

BAHAGYANG LUMAPAD ang pagkakangiti ni Maxrill Won matapos marinig ang sinagot ko. Lalo niyang inilapit ang mukha sa 'kin, nakangiting pinagmasdan ang mga mata at labi ko.

"Can you say that again?" walang kasinlambing ang boses niya.

"Ang alin?" nauutal kong tugon.

"Say you love me," naghalo ang lambing at pakiusap niya, parang natunaw ang puso ko. "I want to hear it."

Natameme ako at nalukot ang mukha. "Sinabi ko na, eh."

"I want to hear again..." lumamlam ang mga mata niya. "And again...and again, Dainty. I won't get tired hearing it."

"Maxrill Won..." pagtawag ko na nasabayan nang pagpikit niya. Nang magmulat siya ay hindi pa rin ako makasalita.

Ang nangingibabaw sa 'kin sa oras na 'to ay ang magagandang mga mata niya. Ang sarap sa pakiramdam na dulot nang malambing na boses niya. Ang naghuhumiyaw ngunit hindi ko mapangalanang emosyon sa kaniyang mga mata. Lahat 'yon, naaapektuhan ang kakayahan kong magsalita.

"Can I call you baby?" dagdag pa niya, dahilan para lalong mag-alboroto ang tiyan at dibdib ko.

Napalunok ako at hindi na matanto kung alin sa mukha ko ang namumula, parang buong katawan na.

"So...when was that?" pabulong na tanong niya nang hindi pa rin ako makasagot. "I mean...when was noon?"hirap siyang pigilan ang kaniyang ngiti.

Napabuntong-hininga ako nang maisip ang tanong niya. Hindi talaga siya maka-move on sa sagot ko. Sa itsura niya ay para bang paulit-ulit ko pa ring sinasabi 'yon.

"No'ng birthday mo, Maxrill Won."

"Hmm," nag-isip siya na para bang inaalala ang lahat ng sandaling 'yon nang birthday niya. "Why? How do I look then?"

Napaisip din naman ako. Nang maalala ko nga lang ang itsura niya ay hindi na nawala ang ngiti ko kaya hindi ko napigilang pamulahan nang rumehistro ang yabang sa kaniyang mukha.

"Gwapo," mahinang sagot ko.

"Hmm? Again?"

"Gwapo," mas mahina pa yatang tugon ko.

"I can't hear it," inilapit niya ang pandinig.

"Ayaw ko na." Nagtakip ako ng mukha.

"Isa na lang," sabi niya na inalis ang mga kamay ko.

Inilapit ko ang bibig sa kaniyang tenga at saka nagsalita. "Ang gwapo mo."

Nilingon niya ako at tumama agad ang paningin niya sa labi ko saka sinalubong ang mga mata ko. Saka kami sabay na nangiti sa isa't isa.

"And I'm yours, Dainty," pabulong niyang sinabi saka inilagay sa likod ng aking tenga ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa aking mga mata. "I'm your boyfriend now. And I promise, I'll take care of you," puno ng pangakong aniya. "I'm not babaero, believe it or not. But I'm not kind as well. I'm nice, yes, you can say that. But only...to those who deserve my kindness. But I promise I'd be gentle to you."

Umawang ang labi ko. "Hala!"

Nagulat din siya. "What?"

"G-Gano'n ba 'yon?"

Napatitig siya sa 'kin, kunot ang noo at hindi agad nakapagsalita. "What do you mean?"

Sumimangot ako at kinagat ang laman ng labi ko. "B-Boyfriend na kita?"

Matagal uli siyang natigilan. "So...ayaw mo?" gano'n na lang ang paglunok niya.

Napatitig ako sa kaniya, kabang-kaba. "Gusto..."nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko.

"Pero?" dinugsungan niya ang linyang hindi ko maituloy.

Dahilan para salubungin ko ang paningin niya at maghanap ng lakas ng loob do'n. Hinawakan ko ang braso niya at nahihiya man, hinayaan kong maramdaman niya ang panginginig at takot ko.

"Wala ka pa kasing ano..." mahina kong sabi.

Tumango siya. "Ano?"

Nakagat ko ang labi ko saka napanguso. "Buwan dapat ang panliligaw, Maxrill Won."

Napatitig siya sa 'kin saka kunot-noong tumingin kung saan-saan bago muling binalik ang paningin sa 'kin. "Dainty, I'm a Moon."

Umawang ang labi ko nang hindi agad makuha ang sinabi niya. "Hindi," umiling ako. "Ibig kong sabihin...maraming buwan, Maxrill Won."

Kumurap-kurap siya at saka muling itinutok ang paningin sa 'kin. "Yeah. We are all Moon. We have my mom, my sibs, my father, Mokz...Heurt, Spaun...Moon family, Dainty."

Lumaylay ang mga balikat ko. "Hindi mo naman ako naiintindihan, eh."

Napalunok siya. "I'm sorry," hinawakan niya ang pareho kong balikat. "What exactly do you mean, then?"

"Months," nakasimangot nang sagot ko.

Namilog ang bibig niya. "Oh, sorry."

"Dapat maraming buwan ka manliligaw."

Muling naglikot ang paningin niya. Sa gano'ng ginagawa niya, hindi ko tuloy makuha kung hindi niya lang maintindihan ang sinasabi ko o pinag-iisipang mabuti ang mga narinig at isasagot niya.

"Oh, okay. Sorry." Ngumiti siya. "In my country, kapag sinabi mo na mahal mo 'ko, girlfriend na kita."

Ngumiti siya at lalong inilapit ang mukha sa 'kin. Sa pagkakataong 'yon ay pinagpantay niya ang mga mukha namin, na halos maduling kami sa katititig sa isa't isa.

"Kapag sinabi kong mahal kita..." tumitig siya sa mga mata ko at kasabay ng pagngiti ng mga mata ay ang labi niya. "Hindi na 'ko magmamahal ng iba," gano'n na lang kalambing na sinabi ni Maxrill Won ang mga salitang 'yon. Namasa ang mga mata ko sa sobrang sarap sa pakiramdam na idinulot no'n.

Umawang ang labi ko at napatitig sa kaniya. "Maxrill Won..."

Ngumiti at tumango siya, damang-dama ang pagkatulala ko, iniisip yatang gano'n na lang ang epekto sa 'kin ng sinabi niya. Pero hindi 'yon ang laman ng isip ko.

"Ang galing mo nang mag-Tagalog!" namamanghang sinabi ko.

Siya naman ang natigilan at napatitig sa 'kin. Napapikit saka diniinan ng daliri ang parehong mata niya. Nang magmulat ay hindi maintindihan ang tawa at ngiti niya saka siya bumuntong-hininga.

"In a freaking balcony, seriously?" Gano'n na lang ang gulat namin ni Maxrill Won nang mangibabaw ang tinig ni Ate Maxpein. Gano'n na lang ang kaba ko pero sa itsura niya, parang wala akong dapat na ipag-alala.

"Noona?!" nagrereklamong tugon ni Maxrill.

Umangat ang labi ni Ate Maxpein. "I missed that."

"Tsh. What do you want?"

"The food is ready," isinenyas ni Ate Maxpein ang loob ng restaurant.

"So?" asik ni Maxrill Won.

Umangat ang gilid ng labi ni Ate Maxpein at maangas na tumitig sa kapatid. Nakagat ko ang aking labi nang sumulyap siya sa 'kin bago ibinalik ang paningin sa kapatid.

"Go inside and eat, Maxrill Won," kung hindi ako nagkakamali ay may himig ng pang-aasar si ate. Saka niya inilahad ang kamay sa 'kin. "Come with me, Dainty."

Nagkatinginan kami ni Maxrill Won, tumango siya at ngumiti nang bahagya saka ako iginiya sa kaniyang ate. Nanatili siyang nakatingin sa 'kin habang marahang binibitiwan ang kamay ko. Ngumiti ako kay Ate Maxpein nang tingnan niya ang kabuuan ko.

"Gusto mo talagang irampa, talagang pinag-long gown mo pa?" asik ni Ate Maxpein saka sumeryoso. "Magpalit ka, binilhan kita ng damit," ngumiti siya sa 'kin saka sinamaan ng tingin ang kapatid.

"Thank you, Noona," natatawang ani Maxrill Won. Nilingon ko siya at nagkangitian kami.

Sinama ako ni Ate Maxpein sa comfort room upang muli na namang humanga. Makaluma ang istilo, maraming basket na gawa sa kahoy at katsang tela ang nakabalot doon. Pulos kulay tsokolate at krema ang kulay ng maliit na kwarto. Kahoy ang frame ng dalawang malalaking bilog na salamin at maging ang pinapatungan ng sink.

"You look extra pretty today, Dainty," hindi ko inaasahan ang papuri ni ate.

Namula agad ako at nahihiyang lumingon sa kaniya. "Naku, hindi po, ate."

Ngumiti siya. "Believe me, napakaganda mo."

Lalong nag-init ang pisngi ko. "Salamat, Ate Maxpein."

"Kumusta ka?"

Ngumiti ako. "Ayos naman po, Ate."

Tumango siya at ngumiti rin. "Girlfriend ka na ba ng kapatid ko?"

Natakpan ko ang bibig sa gulat. Gano'n na lang kaderetso ang tanong niya at hindi ko napigilan ang reaksyon ko. Pero sa kaniya ay tila kaswal na tanong lang 'yon. Walang alinlangan at parang nagtatanong lang kung meron bang ulam.

"Nanliligaw po siya sa 'kin, ate," kabadong sagot ko. "Pero kanina po ay nagkaaminan na po kami," nagbaba ako ng tingin at hindi na kinayang salubungin ang tingin niya.

Tumango siya. "Just don't forget your studies, Dainty. Maxrill can wait."

Umawang ang labi ko at medyo napahiya. "Opo, Ate Maxpein. Pangako po, pagbubutihin ko ang pag-aaral."

"You can enjoy life while studying, para hindi masyadong boring." Ngumisi siya saka inilahad ang paperbag sa 'kin. "Alam kong hindi na maiisip ni Maxrill Won 'to kaya ako na ang nagdala para sa 'yo."

"Salamat po talaga, Ate Maxpein." Puno ako ng hiya pero hindi ko mapigilang matuwa dahil sa pag-aalalaga niya sa 'kin.

Tinulungan ako ni ate na hubarin ang long gown ko. Kahit kasi hanggang dibdib lang 'yon at walang strap, mabigat 'yon at pakiramdam ko ay sasama ang kaluluwa ko kung bigla 'yong tatanggalin.

Umawang ang labi ko nang ilabas ang damit na binili ni Ate Maxpein para sa 'kin. Una, dahil sa ganda niyon. Kulay puti na satin dress iyon na may ruffled jewel neck pababa sa tiyan, at may mahabang palobo na palda bagaman walang manggas. Ikalawa, dahil iyon ang tipo ng damit na magiging komportable ako. Dahil hindi masyadong mapapansin ang aking paanan.

"Salamat, ate," emosyonal kong nasabi saka maingat na sinuot ang damit.

Ngumiti siya at tinulungan muli ako. "Ikaw ang ate kaya mahirap umasa na may gagawa nito sa 'yo," aniyang inipon ang buhok ko at hinawi palabas ng dress, saka sinara ang maliit na buton niyon.

"Salamat, ate," ngiti ko saya lumingon sa kaniya.

"You're so beautiful," sinipat niya ang aking kabuuan. "Kahit ano yatang isuot mo ay babagay sa 'yo." Nahihiya man ay ngumiti uli ako. "Halika na, madaling magutom ang magiging nobyo mo."

Palihim akong napanguso. Hindi gaya sa iba, hindi ko kayang ipakita kay Ate Maxpein ang ganoong asal ko. Pinipigilan ko naman nang gawin 'yon kaso talagang nasanay ako. Ayaw ko pa namang isipin ng pamilya ni Maxrill Won na isip-bata ako. Hangga't maaari ay gusto kong maging karapat-dapat sa bunso ng kanilang pamilya. Pero sadyang kayhirap umakto sa edad ko lalo na at halos hindi ko napagdaanan sa labas ang ilang taon ng pagtanda ko.

"Wow," nasabi ni Kuya Maxwell nang walang tinig sabay lingon kay Maxrill Won.

Namula agad ang pisngi ko nang sabay-sabay magsipaglingunan sa gawi namin ang mga Moon. Kasunod ay sina nanay at iba pang naroon. Halos magtago ako sa likuran ni Ate Maxpein gayong sa tingin ko ay mas matangkad ako sa kaniya.

Iginiya ako ni Ate Maxpein sa tabi ni Maxrill Won at saka siya lumapit sa kaniyang asawa. "Stop staring at her, c'mon, you're making her feel uncomfortable."

"Hindi ko siya tinitingnan, babe," agap na sagot ni Kuya Deib Lohr.

"Hindi rin ikaw ang kausap ko," nakangiwing tugon ni Ate Maxpein.

Nahugot ko ang aking hininga nang maramdaman ang kamay ni Maxrill Won sa likuran ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at 'ayun na agad ang nanghihigop niyang tingin. Ngumiti ako nang labas ang ngipin dahil ramdam ko ang tingin ng lahat sa amin. Napatitig siya sa akin at saka natawa.

"I hope you don't mind if your daughter sits beside me, sir," baling ni Maxrill Won kay tatay.

Ngumiwi si tatay at saka bumuntong-hininga. Si Lolo Mokz naman na katabi niya ay iwinasiwas ang kamay na animong sinasabing gawin namin kung ano ang aming gusto saka muling bumaling kay tatay.

"Napakahusay ng anak mo, walang ibang estudyante roon ang hihigit sa pag-arte at pagkanta niya, Kaday!"pamumuri ni Lolo Mokz.

Napahalakhak nang todo si tatay. "Sinabi mo pa."Umiling-iling si tatay na animong naalala ang play namin kanina. "Bilib na bilib ako riyan kay Dainty. Lalo pa akong bumilib ngayon!"

"Maiyak-iyak ka nga kanina."

"Paano mong nakita e, malayo ka, Mokz?"

"'Yan ang problema kapag hindi ka nabibilang sa aming pamilya. Maniwala ka sa 'kin, nakita ko ang lahat ng reaksyon mo at masaya ako para sa 'yo. Oh, uminom ka pa."

"Kumain na muna kaya tayo? Malalasing tayo nang ganito."

"Hayaan mo na't ngayon lang ito. Oh, sabayan mo ng steak."

"Ganito ba ang pulutan sa inyo?"

"Oo, kung gusto mo ay dadalhan kita niyan buwan-buwan."

Napabuntong-hininga ako at sinulyapan si nanay. Inilingan niya ako at tinawanan saka nag-focus kay Maxspaun.

Nilingon ko si Maxrill Won nang bahagya niyang haplusin ang likuran ko. Saka niya ako inalalayan papaupo.

"What do you want to have?" tanong niya.

Iginala ko ang paningin sa nakahanda at halos lahat ay pinaglaway ako. Nilingon ko sina Bree at Kuya Kev, pareho na silang abala sa pagkain, maging ang iba pang myembro ng pamilyang Moon.

"Kahit ano," ngiti ko. "Parang lahat, masarap."

Dumampot ng steak si Maxrill Won at nilagay sa plate ko. Hindi ko inaasahang siya rin ang maghihiwa niyon at nang matapos ay inibot niya sa 'kin ang knife at fork. Pinagsalin niya rin ako ng champagne sa manipis at mataas na wine glass saka ako pinanood kumain.

"Akala ko ba ay gutom ka na?" tanong ko.

Matunog siyang ngumiti. "Yeah, but I want to see you eat. Try it," aniyang isinenyas ang steak.

Kinuha ko ang knife at hinati sa mas maliit ang kaniyang hiniwa dahil masyado 'yong malaki. Sumayad ang sauce niyon sa gilid ng labi ko matapos sumubo. Sa gulat sa lasa niyon ay napandilatan ko siya at hindi inaasahang pupunasan niya ang labi ko.

"Hmm?" ungot niya.

Nakangiti akong tumango-tango. "Masarap," sabi ko sabay baling sa steak at muling kumain.

Nangingiti niya akong pinanood sandali saka kumuha ng steak para sa kaniya at nagsalin ng wine. Panay ang lingon at ngiti ni Maxrill Won sa 'kin habang sabay kaming kumakain. Kakatwang kontento na kami sa ganoon. Na kahit walang palitan ng salita, tinginan at ngiti lang man ang mamagitan, wala na kaming ibang hihilingin pa. Kasi ang ganoong kalapit na distansya namin sa isa't isa ay sapat na.

"So," kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa kandungan niya. "What should I call you from now on?"halos pabulong man ay seryoso niyang tanong.

"Ha?" nagugulat na tugon ko.

"Ha?" ginaya niya ang tono ko.

Naisip ko ang mga sinabi niya kanina. Ano ba sa mga 'yon ang gusto niya? 'Yong Rapunzel, Cinderella...at ano ba 'yong isa? Saka...ayaw ba niya sa pangalan ko? Napanguso ako sa huling tanong sa sarili.

"Let's have a toast for Dainty," anunsyo bigla ni Kuya Maxwell dahilan para makuha niya ang atensyon namin.

Sabay-sabay silang nagtaas ng glass kaya naman kinuha ko ang akin at nakangiting nakitaas sa kanila. Pinamulahan ako ng pisngi nang lahat sila ay nakangiting magsulyapan sa akin.

"To Dainty," ani Kuya Maxwell.

Nagkatinginan kami ni Maxrill Won at nagkangitian. "To Dainty," nakisabay siya sa sinabi ng lahat saka kami nakipagkalansingan ng glass sa kanila.

Tiningnan ko silang lahat nang magkakasabay nilang laghukin ang wine. Nakangiti, excited akong nilaghok ang sa 'kin pero gano'n na lang ang pagkakalukot ng mukha ko nang hindi mapamilyaran ang lasa niyon.

Natawa si Maxrill Won at muling pinunasan ang labi ko. "You want milk?" kinagat niya ang gilid ng kaniyang labi habang tumatawa.

Napanguso ako. "Ayaw ko nito, Maxrill Won," binigay ko sa kaniya ang baso.

"I'll drink it," aniya at awtomatiko 'yong tinungga at nilapag.

Naitikom ko ang bibig ko at sinulyapan ang kaniyang pamilya ngunit wala ni isa ang nakakita sa kaniyang ginawa. Maging ang pamilya ko ay abala sa kani-kanilang usapan, lasing na nga yata si tatay.

"Oh, uminom ka pa," 'ayun na naman si Lolo Mokz na sinalinan ang baso ni tatay. "Oh, ano'ng nangyari ro'n sa kinukwento mo?"

"'Ayun nga," ani tatay saka pinagpatuloy ang kwento kay Lolo Mokz, lasing na ngang talaga. Naro'n na 'yon sa tinig, mukha at kilos niya.

Bumuntong-hininga ako at tinuon uli ang atensyon sa pagkain ko. Magkakasunod akong sumubo at muling sumimangot. Pakiramdam ko ay hindi ako nabubusog gayong karne iyon at masarap at napakarami ko nang nakain. Bukod do'n ay napakarami pang nakahain sa harap ko pero ramdam ko talagang may kulang.

Nilingon ko si Maxrill Won ay napangiti sa ganda ng pagtawa niya habang nakikipagbiruan sa dalawang nakatatandang kapatid. Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila, mabilis 'yon at mahahaba at parang hindi sila humihinga. Ang tanging naintindihan ko ay saya na naro'n sa kanilang mga mata at pagtawa.

"Maxrill Won," kinalabit ko ang kamay niya.

Natatawa siyang lumingon sa 'kin at awtomatikong kinuha ang kamay ko. "Hmm?"

"Gusto ko ng kanin," bulong ko, nahihiya man pero kailangang magpakatotoo.

Ginaya niya ang pagkakasimangot ko saka natatawang hinawakan ang ulo ko. "Okay," dinampian niya ng daliri ang pisngi ko saka tumayo.

Nakangiti ko siyang nasundan ng tingin at excited na naghintay para sa aking kanin. Tuloy ay hindi ko napansin na nasa akin ang paningin ng kaniyang ate at kuya. Saka lang ako nahiya nang mapansin ko 'yon.

"What a cutie," ani Kuya Maxwell, nakasandal at gwapong-gwapo sa pagkakangiti sa 'kin. "He's going to baby you."

"For sure," pagsang-ayon ni Ate Maxpein saka kumindat sa 'kin.

Nakagat ko ang laman ng labi ko at hindi nakapagsalita. Nahihiya ako at natutuwa at gusto kong tumalon sa dinudulot nilang pakiramdam. Pero wala akong lakas ng loob na gawin 'yon lalo na sa harap ng ganito karaming tao.

"The spoiled freaking brat is no longer a brat," ani Kuya Maxwell na natatawang nilingon ang kapatid saka muling sumulyap sa 'kin at nakangiting umiling.

Napabuntong-hininga ako sa ganda ng accent at pananalita niya, maging sa kaniyang boses. Halos pareho sila ni Maxrill Won, malaki ngunit mahinahon kung magsalita. Medyo mas malambot nga lang ang kay Kuya Maxwell at maliban na lang kapag ibang lenggwahe ang kanilang gamit.

"Pinaiyak ka pa muna bago nakita ang para sa kaniya," ani Ate Maxpein. Dahilan para mawala ang magandang ngiti ni Kuya Maxwell at mapalitan nang seryosong mukha. "Sabihin mong hinde?" hamon ni ate.

"Do you really have to open it up, Pein?"

"That's life, deal with it."

Napabuntong-hininga si Kuya Maxwell at muling ngumiti sa 'kin. Eksakto namang lumapit si Maxrill Won at muling naupo sa tabi ko. Napanguso ako nang nakangiti kaming panoorin nina Ate Maxpein at Kuya Maxwell. Paano'y si Maxrill Won pa ang naglagay ng rice sa plato ko saka tumunghay sa 'kin.

"You're hungry, huh?" aniyang hindi alintana ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Ikaw ba, hindi?"

Tiningnan niya ang sariling plato. "I already six steaks."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ang dami!" gulat ko, at hindi ko man lang namalayang gano'n na karami ang nakain niya.

"Go ahead and eat," aniyang dumampot ng steak at inilagay sa plato ko. Kinuha niya ang kaniyang knife at hiniwa ang steak ko. Pinanood ko siyang gawin 'yon at napangiti nang matapos.

"Salamat, Maxrill Won," sabi ko saka sumubo nang may kasamang kanin. Gano'n na lang ang tuwa ko.

"Si Maxrill Won ang pinakamatakaw sa 'min," ani Ate Maxpein, hindi ko inaasahan. Natakpan ko ang bibig ko at natawa. Nakangiwi niyang binalingan ang kapatid. "Enjoying Laguna, huh? I thought you came here for pizza? What happened?"

"Really? Then she's the most beautiful pizza that I've ever seen," ani Kuya Maxwell, hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin.

Napabuntong-hininga si Maxrill at kinuha ang bote ng wine. "Shall we?" sinalinan niya ang baso ng kaniyang ate at kuya saka nagsalin ng sa kaniya.

Napangiti ako at pinanood ang bawat kilos niya, maging ang reaksyon ng kaniyang mga kapatid. Hindi lang yata ako ang nakapansin ng ginagawa nila, maging ang aming mga pamilya.

"To my favorite brother," sabay na ani Ate Maxpein at Kuya Maxwell, na hindi rin yata inaasahan ang sinabi kaya nagkagulatan pa nang magkarinigan.

"To the most annoying Moon," pang-aasar pa ni Kuya Maxwell, napangiti ako.

Natawa si Ate Maxpein. "To the most childish Moon,"panggagatong pa niya, lumabas ang ngipin ko sa pagkakangiti.

"To the most spoiled freaking brat in the world," lasing na yata talaga si Kuya Maxwell, nakakaloko talaga ang kaniyang itsura nang idagdag 'yon.

"To the richest Moon," hindi namin inaasahang makikisali si Tiyo More, nakipag-cheers sa kaniyang mga anak.

Napipikong bumuntong-hininga si Maxrill Won. "And to my sky," aniyang sumulyap sa 'kin at ngumiti.

"Boom," ani Kuya Maxwell with accent, walang emosyong sumulyap sa 'kin saka muling nakipag-cheers.

Pinanood ko silang tumungga sa wine glass at saka ako napangiti nang magsenyasan sila ng kani-kanilang baso at magngitian. Napakaganda ng bond nila. Kontento ako sa pamilya ko, hindi ko ipagpapalit 'yon. Pero hindi ko mapigilang mainggit dahil sa nakikita ko sa kanila.

Natigil lang ako nang mag-serve ang waiter sa tabi ko ng halo-halo and buko juice. Nakalagay 'yon sa malaking bao ng buko at umaapaw ang sangkap. Ngumiti si Maxrill Won nang lingunin ko.

"Go ahead," isinenyas niya ang buko juice sa akin. Excited akong ngumiti at tumango, saka natatakam na tinikman 'yon.

Pero natigilan ako nang mangalumbaba ang tatlong magkakapatid at panoorin ako na para bang noon lang sila nakakita ng kumakain ng halo-halong nasa bao ng buko juice. Nakagat ko ang laman ng labi ko at nahihiyang lumingon kay Maxrill Won.

"You're making her uncomfortable," sinita niya ang kaniyang ate at kuya.

"Didn't know you're this cute, Dainty," ani Kuya Maxwell.

"Hala," nakagat ko ang maliit na kutsara at napalingon kay Maxrill. Pero pinagtawanan niya ako saka nilingon ang mga kapatid. "Salamat, Kuya Maxwell."

"They like you," nakangiting bulong ni Maxrill na sa sobrang lapit ng mukha ay bigla akong nahiya. "Everyone, may I have your attention?" kapagkuwa'y kinuha niya ang atensyon ng lahat. "I have an announcement to make."

Nakangiti uli akong nilingon ni Maxrill Won saka kinuha ang kamay ko. Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa kaniya nang tumayo siya at igala ang paningin sa lahat ng naroon. Kabado, nanghihina ang tuhod kong tiningnan isa-isa ang dalawang pamilyang kanina pa naman namin kasama. Nagawa ko nang kumain, tumawa at makipagbiruan kasama ang mga ito pero ngayon lang ako nailang sa kanila. Hindi lang sa pamilyang Moon, maging sa sarili kong pamilya. Lahat 'yon ay dahil sa takot sa kung ano ang sasabihin ni Maxrill Won.

Seryoso ang pamilyang Moon, ang totoo ay iisa ang reaksyon sa kanilang mga mukha. Blangko. Wala akong mabasa ro'n, ni hindi ko masabi kung may interes ba sila sa sasabihin ng kanilang kapamilya.

Ang aking pamilya, bakas ang saya kay Bree Anabelle habang naroon naman ang kaba sa itsura ng aming kuya. Hindi nalalayo sa itsura ng mga Moon ang reaksyon ni nanay habang naghihintay. Habang halatang wala na sa ulirat dahil sa kalasingan si tatay.

Ngumiti si Maxrill Won sa lahat habang pareho kaming nakatayo at tinitingala ng pareho naming pamilya. Saka siya tumitig at ngumiti sa akin. Ngiti na hindi ko akalaing mas may itatamis pa. Malayo iyon sa tamis ng ngiti niyang nagustuhan ko simula pa noong una. Naglapat ang mga labi ko upang mapigilan ang aking emosyon. Dahil hanggang sa sandaling ito, puro ako pangunguwestyon sa aking sarili. Habang ang lahat ng sagot na siyang kumokontra sa mga 'yon, mata niya mismo ang nagsasabi.

"Dainty and I...are dating," anunsyo niya, nakagat ko ang laman ng labi ko at yumuko.

Nang wala ni isang sumagot ay saka dahan-dahang gumapang ang paningin ko mula sa pamilyang Moon. Hindi ko malaman ang mararamdaman nang makitang hindi man lang nagbago ang blangko nilang itsura. Na para bang hindi na kailangang sabihin pa ni Maxrill Won iyon dahil alam na nila. Ang tanging masasabi kong nagulat at nasiyahan ay ang kapatid ko at aming kuya. Si tatay ay tila walang narinig habang si nanay ay bahagya ang pagkakangiti ngunit hindi pa rin nalalayo sa mga Moon ang reaksyon.

Muling nilingon ni Maxrill Won ang lahat nang may ngiti sa labi. "Well...?"

Ngunit walang nagbago sa reaksyon ng kaniyang pamilya. Bukod sa pare-parehong nangunot ang kanilang mga noo na para bang hindi naman balita ang narinig nila. Dahil alam na nila ang tungkol doon. Gano'n ang dating sa 'kin.

"You can speak now, guys," napapahiyang ani Maxrill Won. Pero walang nagbago sa reaksyon ng pareho naming pamilya, wala ring nagsalita.

"Well, obviously, tch," binasag ni Kuya Deib Lohr ang katahimikan saka bumaling sa asawa. "Babe, magulat daw tayo."

Sumama ang mukha ni Maxrill Won. "Hyung?"bumaling siya kay Kuya Maxwell.

Ngumiwi ito at nagkibit-balikat. "You're obviously dating."

"Noona?" baling niya Maxrill Won kay Ate Maxpein nang tila hindi magustuhan ang sagot ng kaniyang kuya.

Kumurap-kurap si ate at bumuntong-hininga. "Hindi ako marunong magulat." Ngumiwi siya. "Iba na lang." Itinuro niya ang asawa.

Lumaylay ang mga balikat ni Maxrill Won. "You guys are tripping me."

"Hindi mo naman inaasahang magugulat kami, hindi ba, Maxrill Won?" ani Ate Maxpein, nang-aasar na diniinan ang pangalan ng kapatid.

Nangunot ang noo ni Maxrill Won at bumuntong-hininga. "It was a freaking surprise, Maxpein."

Nakagat ko ang aking labi habang nakatingala kay Maxrill Won. Talagang disappointed siya, ang cute... Pinigilan kong mangiti.

"Tss," hindi makapaniwalang ngumisi si Ate Maxpein. "Hindi ka mag-aaral mag-Tagalog kung hindi ka seryoso kay Dainty Arabelle, dongsaeng. Ano'ng inaasahan mong iisipin namin? Nakahanap ka lang ng makakasamang kumain? Tss."

Hindi ko alam kung saan ako magre-react. Doon sa hindi maintindihan kung biro ba iyon dahil masyadong seryoso si Ate Maxpein? O sa katotohanang nag-aaral mag-Tagalog si Maxrill Won. Napalingon ako sa kaniya ngunit ang naiinis niyang mukha ay nakapako sa kaniyang pamilya.

"Hindi marunong mag-Tagalog ang kapatid mo,"pare-pareho naming hindi inaasahan ang sinabi ni tatay!

Nakita ko nang sabay-sabay na matigilan ang pamilyang Moon, at kahanga-hangang sabay-sabay ring lumingon sa gawi ni tatay. Magkakasabay ring tumabingi ang kanilang ulo habang nakatitig sa aking ama. Walang reaksyon, walang emosyong mababasa sa kanilang mga mukha. Pero ano't nakakatakot ang tingnan lang sila?

"Kaday," agad na umawat si nanay.

"Marunong ho mag-Tagalog ang kapatid ko. Wala kaming hindi alam," tugon ni Ate Maxpein, puno ng kompyansa ngunit walang intensyong magyabang. "Hindi ho siya kasinghusay ninyo pero...marunong siya. Ilang buwan pa, baka pati punto ng Laguna, makuha na niya."

"Noona," nang-aawat ang tinig ni Maxrill Won, napatingala uli ak osa kaniya. Hindi ko inaasahang ang kapatid pa niya ang pipigilang magsalita.

"Maxpein," naninita rin ang tinig ni Lolo Mokz. Saka binalingan si tatay. "Si Maxrill Won ang pinakamatalino sa lahat ng apo ko, Kaday. Hindi lenggwahe ang susubok sa hindi mabilang na kakayahan niya. Bukod do'n...siya ang pinakamayaman sa pamilyang ito."

Humalakhak si tatay. "Hindi ko gusto ang apo mo, marunong man o hindi siyang mag-Tagalog. Mayaman o mahirap."

"Hindi rin naman ho kayo ang gusto ng kapatid ko,"ani Ate Maxpein pero nakangiti na.

"Maxpein," may riin nang pagtawag ni Maxrill Won.

"Arasseo," nag-iiwas ng tingin si Ate Maxpein at eksaktong nasalubong ang sa 'kin. Kinindatan niya ako. "Magugustuhan din 'yan ng tatay mo."

Pinilit kong ngumiti kahit na ang totoo ay napapahiya na naman ako. Lalo na nang taliman ng tingin at ilingan ni tatay si Maxrill Won saka muling lumaghok sa kaniyang baso.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji