CHAPTER 38
CHAPTER 38
HINAPLOS NI Maxrill Won ang pisngi ko nang hindi pa rin ako makasagot. "You don't have to answer now, if you're not ready yet." Ngumiti siya at kinuha ang kamay ko. "And please tell me if I make you feel uncomfortable in any way." Isinenyas niya ang kamay kong hawak niya.
Namasa ang mga mata ko ngunit pinilit kong ngumiti para hindi niya 'yon mapansin. Masyado kasing masarap sa pakiramdam 'yong mga sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang gusto na talaga ako ni Maxrill Won. Ang lalaking parang kailan lang ay inihahalintulad ko sa buwan ang layo.
Hanggang ngayon, pakiramdam ko ay hindi ako karapat-dapat na magustuhan. Hindi ko man sabihin, nakikita ko ang adjustments niya sa ugali para mapagbigyan ako.
"I want coffee," bulong niya.
"Sige," ngumiti ako.
Magandang ngiti ng crew ang sumalubong sa 'min. Nagtago ako nang bahagya sa tagiliran ni Maxrill Won dahil sa ngiti nito para bang nasaksihan nito ang pag-uusap at aksyon namin. Nahihiya ako dahil hinalikan ako ni Maxrill Won, bagaman dampi lang 'yon. Hindi ko akalaing posibleng magawa ko 'yon sa paligid nang maraming tao.
Um-order siya ng hot coffee para sa kaniya at iced coffee naman para sa 'kin, bukod sa dalawang uri ng bread. Nangiti ako nang ilagay niya sa kaniyang braso ang kamay ko saka niya binuhat ang tray papunta sa pandalawahang table.
Nakangiti kong iginala ang paningin sa paligid. Dahilan para makita ko ang mga taong nakatingin at nakangiti sa akin. Naiilang man ay ginantihan ko rin sila ng ngiti saka ako humarap kay Maxrill.
"So, what are we going to watch?" tanong niya.
"Hindi ko alam kung anong mga palabas ngayon, Maxrill Won."
"But you know hot to get there?"
"Sa sinehan? Oo, nakapunta na kami ro'n ni Rhu...Bree...hehehe." Pinalitan ko ang pangalan nang sumama ang mukha niya. "Friendly date lang naman 'yon."
"Hmm, and what about this date?"
Umawang ang labi ko at nag-isip. Nanliit ang mga mata niya na para bang ayaw niyang pag-isipan ko pa ang isasagot sa kaniya.
"E, di friendly date din," natakpan ko ang aking bibig saka natawa.
Gano'n na lang kalalim ang paghugot niya ng hininga at nakapikit pa 'yong pinakawalan. "So, you only want to be friends with me?"
Natigilan ako at napanguso. Nanliit ang mga mata niya at tumitig sa 'kin nang masama ang loob.
"It's okay, I know I don't have the rights to ask. I don't want to demand anything anyway," seryoso niyang sinabi at saka hiniwa ang isang bread at inilapag 'yon sa harap ko. "I don't...really want to force myself to anyone anymore."
Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Alam kong na-offend ko siya at nahihiya ako dahil para sa 'kin ay biro lang talaga ang sinabi ko. Hindi ko lang talaga akalain na seseryosohin niya at ganoon pa ang isasagot. Hindi ko mapigilang isipin na tinutukoy niya ang naramdaman kay Ate Yaz. Na ayaw niyang maulit iyon.
"Sorry," sinsero kong sinabi. Sa kabila ng ganito kahinhin kong katangian at ugali, minsan ang bibig ko, hindi ko rin mapigilan.
Ngumiti siya. "It's okay."
Napatitig ako sa kaniya. Hindi na ito ang unang beses na nagkasama kami. May mga pagkakataon na rin na nakita ko kung paano niyang itrato ang ibang tao. Kaya siya nasasabihan ng spoiled brat dahil parati nang taliwas sa gusto niya ang opinyon ng iba. Pero sa akin, parati nang ayos lang sa kaniya.
Tumayo ako at binuhat ang silya paupo sa tabi niya. Na ikinagulat niya, halos agawin pa ang silya sa akin para matulungan.
Naupo ako at deretso siyang tinitigan. "Hindi ko sinasadyang magbiro nang ganoon, Maxrill Won, pasensya na."
Napatitig siya sa 'kin, kapagkuwa'y natawa. "It's nothing, seriously."
Ibinaling niya uli ang paningin sa mesa. Kinuha niya ang bread na para sa 'kin at nilagay muli sa harap ko. Gano'n na rin ang iced coffee ko. Pero ang itsura niya ay hindi na tulad kanina. Para bang iniisip niya na ang biro ko. Hindi ako sigurado pero 'yon ang tingin ko.
"Maxrill Won," hinuli ko ang kamay niya. "Sorry,"muling pakiusap ko.
Tumitig siya sa 'kin saka nangiti. "You're like an angel, asking for forgiveness."
Ngumuso ako. "Seryoso ako."
"Me, too," seryoso ngang aniya saka pinatong ang kamay niya sa 'kin. "And I'm willing to do everything for you, I promise."
Ngumiti ako at umiling. Pero pinigilan kong magsalita gustuhin ko mang tanggihan ang pangako niyang gagawin ang lahat para sa 'kin. Dahil oras na magsalita ako ay lalabas sa bibig ko ang lahat ng nararamdaman ko sa kaniya mula pa noong una. Baka masabi kong hindi niya na kailangang mangako dahil siya ang pipiliin ko. Baka maamin kong hindi niya na kailangang hilinging itigil ko ang pagsama sa iba dahil 'yon din ang aking gagawin. Na handa akong maghintay kahit pa gaano katagal dahil wala akong gustong makasamang iba kung hindi siya.
"Do you want to try my bread?" alok niya.
Nagulat ako at napalingon sa mga naroon. Namula ako nang makitang may ilan na nahuli kong nakatingin sa 'min. "Nakakahiya."
Nangunot ang noo niya. "Not as if I'm gonna feed you, lady. You are going to get a piece and eat on your own. Tsh."
Napamaang ako at napapahiyang kumuha sa kaniyang plato. Pinagtawanan niya ako at kinuha ang aking tinidor. Saka isinubo sa 'kin ang hiniwang bread.
Napalingon ako kung may nakatingin matapos nguyain iyon. Napangiti ako sa kaniya nang makitang wala nang tumingin pa sa 'min.
"Will you stop minding them, Dainty? Just look at me."
"Ano...kasi..."
"Sshh, just focus on you, then, focus on me, okay?"
Napatitig ako sa kaniya. "Okay."
Matagal din siyang tumitig sa 'kin. "Stop concerning yourself with what everybody else is thinking. Let them stare, because you're freaking stareable, trust me. Even I can't get my eyes off you, you're my eye candy."
Naitikom ko ang bibig ko, hindi ko alam kung paanong sasagutin ang magagandang sinabi niya. Nagbaba ako ng tingin at gusto ko nang takpan ang mukha ko dahil nasisiguro kong gano'n na lang 'yon kapula ngayon. Ang lalaking gusto ko, hindi man deretsahang sinabi ay pinaliliwanag sa akin ang itsura ko.
"Ano..." kailangan kong ibahin ang usapan dahil baka hindi na ako makapagsalita pa kung magpapatuloy kami sa ganitong usapan. "Babalik ka pa sa Japan?"
"I enjoyed my stay because I love Japan. But I have a lot of things to do in Palawan. Besides, I've already stayed in Tokyo for fifteen days."
Tumango-tango ako. "Naka-move on ka naman ba?" tanong ko na sinilip pa siya.
Nagulat siya at binalikan ako ng tingin para pagkunutan ng noo. "Ikaw nga lang iniisip ko. Tsh."Inis niyang kinuha ang kaniyang kape at lumaghok doon.
"Talaga?"
Muli niya akong nilingon at tinitigan. "Yes."
Pinigilan kong mangiti. "Bakit?"
Bumuntong-hininga siya. "I don't know." Hindi ko inaasahang mangingiti siya nang muling balingan ang kaniyang pagkain at saka susulyap sa 'kin. Gaya ko ay hindi malaman kung mangingiti ba siya o seseryoso. "How about you, Dainty Arabelle?"
Ngumiti ako at tumango. "Ikaw lang din lagi ang iniisip ko, Maxrill Won."
Napapamaang siyang tumingin sa 'kin saka nag-iwas ng tingin at doon inilabas ang kaniyang ngiti. Nagkakatinginan kami at sabay na mangingiti saka sabay ring mag-iiwas ng tingin.
"When do you think is the best time and day I could ask your parents out?" tanong niya bigla.
"Ha?"
"Ha?" ginaya niya na naman ako.
"Para saan?"
Bumuntong-hininga siya. "I told you I'm serious. I'm going to ask their permission to date you."
"Bakit lalabas pa?"
"Well," napaisip siya. "That's how we do it in my country."
"Pwede namang sa bahay lang," nakagat ko ang labi ko matapos sabihin 'yon.
"All right, I'll ask my family to come with me."
"Hala!" natakpan ko ang mukha ko at saka siya sinilip. "Bakit? Si Rhumzell naman ay hindi gano'n ang ginawa..."
Pinanliitan niya ako ng mga mata. "Tell me, Dainty. Do you like him?"
"Ha? Sino?"
"Si Rhumzell."
"Hindi, 'no!"
Tumaas ang kilay niya. "You're with me, why do you have to mention him?"
"Pinaliliwanag ko lang."
"Okay."
"Ano...'wag kang magalit pero kasi...ikaw pa lang ang pangalawa na...manliligaw sa 'kin. Hindi ko alam kung paano dapat."
"If that's what he did then I don't want it his way. He's an Echavez, I am a freaking Del Valle, Dainty Arabelle." Ngumisi siya, matalim ang tingin at halos mapigil ko ang hininga sa kaniyang itsura. "I'll ask your parents out. We'll eat dinner outside with my family and that's final."
Natameme ako at magkakasunod na lang na kumain at uminom. Sandali siyang natigilan sa bilis kong kumain pero sa huli ay natawa rin. Sa sandaling iyon pa lang ay iniisip ko na kung paanong sasabihin sa pamilya ko ang pagpunta niya. Na hindi lamang siya ang darating kung hindi maging ang pamilya niya. Ano ang mukhang ihaharap ko kina Kuya Maxwell at Ate Maxpein sa katotohanang manliligaw sa akin ang kapatid nila? Paano kong pakikisamahan ang pamilya niyang tumutulong sa amin? Ano na lang ang iisipin nila sa akin?
"Hey..." Nahinto ako sa malalim na pag-iisip nang haplusin ni Maxrill Won ang mukha ko. "You okay? You seem a little pale." Ngumisi siya ngunit pinigilang matawa. "You scared of Maxpein, huh?"
Umawang ang labi ko, tatanggi sana. Pero kinulang ako ng lakas ng loob at napatango. "Syempre, sila ang nagpapaaral sa 'kin. Ano na lang ang iisipin nila kapag nanligaw ka sa 'kin?"
"Hmm, they're what? I didn't know that?"
Natitigilan ko siyang nilingon. "Oo, sila ni Kuya Maxwell. Marami silang naitulong sa 'kin, sa 'min ng pamilya ko. Ang totoo, maraming naitulong ang pamilya ninyo sa 'min."
"Really?" aniyang nilaro ng daliri ang sariling labi. "Now I understand why they told me before that they're taking care of my future. So, it was you."Mas lumapad ang ngiti niya. "Anyway, do not be concerned, my sibs are not like that. They like you."
Napabuntong-hininga ako. Mabait naman talaga ang pamilya niya. Kung hindi lang siguro ako nawiwirduhan sa kanila madalas, iisipin ko nang perpekto sila. Naroon kasi ang itsura, ang talino, ang kabaitan, pagiging matulungin, yaman at hindi maipaliwanag na misteryo. Minsan nga lang ay hindi ko talaga sila maintindihan o masakyan. May ugali silang magkakaiba ngunit higit na ang magkakapareho.
'Ayun na naman 'yong tingin ng mga tao nang makalabas kami sa Starbucks at magtingin-tingin sa mall. Hindi ko mapigilang humanga kay Maxrill Won dahil nagagawa niyang balewalain ang mga 'yon. Deretso lang ang kaniyang tingin at kung lumingon man, kung hindi sa akin ay meron siyang store na tinitingnan. Para bang naglalakad kami sa mall na kami lang ang tao. Na kahit 'yong staff at crew sa mga store at restaurants na madaanan namin ay hindi man lang niya mapansin.
"Can I hold your hand?" tanong niya habang naglalakad kami.
Nagugulat akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Sasagot na sana ako nang kunin niya na ang kamay ko. Hindi ko man lang ginustong magprotesta. Kinakabahan man ay napangiti ako sa kawalan, kahit pa nakakahiya sa mga nakatingin sa amin.
Totoong nakakailang. Lahat yata ng makasalubong namin ay napapalingon sa amin. Ako ang unang titingnan ng mga 'yon, tapos malilipat sa kaniya ang tingin at saka mapapangiti ang mga iyon sa amin.
"Where's the freaking cinema?" tanong niya. Hindi ko napigilang manibago kasi hindi ko ramdam ang inis niya. Sa halip nga ay ngumiti pa siya sa 'kin.
"Sa 'taas."
"I thought you've never been here? Paano mo alam?"
"Nakapunta na ako," nakanguso kong sagot. "Kasama...si..." humina nang humina ang boses ko at hindi na dinugsungan pa ang sasabihin nang magbaba siya ng tingin sa 'kin.
Nauna siyang humakbang sa escalator, saka siya humarap at inalalayan akong humakbang doon. Na para bang iyon naman ang unang beses kong sumakay ro'n, gayong maraming beses naman na.
Hindi gaya sa naunang floor, sa second floor ay lumilingon na sa stores si Maxrill Won. Magkakasunod kasi ro'n ang pormal na damit na panlalaki gaya ng madalas na suot ng kailang pamilya. Sa una ay sa suit siya titingin, pero sa sandaling makita niya na ang pangalan ng store ay nag-iiwas na siya ng tingin.
Natawa ako. "Wala siguro rito ang brands ng damit na sinusuot mo?"
Napabuntong-hininga siya. "Yeah. I don't know these brands." Patungkol niya sa mga brand na dito lamang yata sa Pilipinas makikita.
"Sa abroad pa kasi kayo namimili," sabi ko na animong marami akong alam. Kahit na ang totoo ay kay Bree ko lang narinig 'yon.
Nakangiwi siyang tumango at gano'n na lang ang gulat ko nang iakbay niyang bigla sa akin ang braso na siya ring may hawak sa kamay ko. Magrereklamo na 'ko nang magbaba siya ng tingin sa 'kin at ngumiti.
"Relax, I'm going to be your boyfriend." Siya pa ang may ganang sabihin 'yon.
Napabuntong-hininga ako. "Parang siguradong-sigurado ka na, ah?"
Ngumisi siya. "Don't you dare say no, Dainty Arabelle."
Pinigilan kong mangiti. "Hindi ka pa nanliligaw."
"So, you really think that this is a friendly date?" gulat niya.
Nagulat din ako. "Ano...nga ba? Hihi."
"Seriously, Dainty?"
Ngumuso ako. "Hindi mo naman sinabi."
Napapikit siya. "Fine. I asked you out on a date because I'm planning to..." Huminto siya sa paglalakad at pabuntong-hininga akong hinarap. Namulsa siya at saka yumuko upang mapantayan ang mukha ko nang sobrang lapit. "Manliligaw ako sa 'yo, ha?" nakakaloko niyang sinabi.
Sa itsura niya, sigurado akong maging siya ay nahihiya dahil gano'n na lang ang kaniyang pamumula. Hindi ako makapaniwala na ang isang Maxrill Won del Valle ay mamumula dahil sa pagpapaalam sa 'kin.
"It means, I'm going to visit you often. I'm going to give you unnecessary presents. I'm going to ask you out everyday. I'm going to pick you up and send you home, everything."
Nakangisi niya iyong sinabi pero nang sandaling mapako ang ngiti sa kaniyang labi ay saka ko naramdaman kung gaano siya kasinsero. Sa gitna talaga ng mall kung saan napakaraming tao ang nakatingin at dumaraan sa harap, tabi at likuran namin.
Napangiti ako. Ang katotohanan lang na gagawin niya lahat 'yon ay napakasaya ko na. Paano pa kaya kapag araw-araw ko na talaga siyang nakita? Hindi ko kailangan ng regalo. Hindi ko rin hinihiling na makita siya araw-araw. Dahil ang totoo, kontento na ako na gusto niya rin ako. Kahit pa sabihin ng mundo na hindi sapat 'yon, para sa nagmamahal na tulad ko, wala na akong hihilingin pang iba.
"Pwede ko bang itanong kung bakit?" ngumiti ako.
"Because I want to see you everyday," pabulong niyang sagot.
Humugot siya ng hininga at nilingon ang ilang tao na animong mas kinikilig pa kaysa sa 'ming dalawa. Hindi ko inaasahang ngingitian at tatanguan niya ang may edad nang dumaan. Sinundan niya ng tingin ay matanda saka nilingon ang iba pang nakatingin sa amin.
"Bakit mo naman ako gustong makita araw-araw?" gano'n na lang ang pangungulit ko.
"Ikaw ba, hindi?" kunot-noong tanong niya, sumama yata ang loob. "Let's go," aniyang inakbayan muli ako.
"Maxrill Won?"
"Hmm?"
"Bakit sa dami ng babae...ako ang...nagustuhan mo?" gano'n na lang ang kaba ko sa dalawang huling salita nang masabi ko.
Nangunot ang noo niya, tila nawirduhan sa tanong ko. "You really have no idea how beautiful you are, huh?" Nakangiti siyang bumuntong-hininga saka kami nagtuloy-tuloy. "Totoo 'yong sinabi ni Nenita. I asked her about you, a lot."
Nakagat ko ang labi ko sa katotohanang 'yon. "Ano'ng tinatanong mo?"
"Your name, your age...out of curiousity at first. I've known your family for quite some time but I really didn't know you exist, Dainty Arabelle."Tiningnan niya ang kabuuan ng mukha ko bago nagtama ang aming mga mata. Ngumiti siya saka napapailing na nag-iwas ng tingin.
"Nilait mo nga 'ko no'ng una mo 'kong nakita,"nakanguso kong sabi.
"What?" hindi siya makapaniwala, saka natawa. "Well, yeah, because of your outfit. But right after seeing your face, you just look so...beautiful, like that of an angel..." aniyang para bang naaalala pa iyong unang sandaling nakita niya ako. Seryoso at namamangha sa hindi maipaliwanag na paraan.
Pakiramdam ko ay natunaw ang puso ko nang paulit-ulit habang pinakikinggan ang bawat salitang binitiwan niya, lalo na sa kaniyang reaksyon. Aaminin kong hindi na ito ang unang may pumuri sa aking itsura. Hindi na rin ito ang unang beses na sinabihan niya akong maganda. Parati na ay nahihiya ako sa t'wing maririnig ko ang papuring 'yon mula sa iba. Pero ngayon ko lang ginustong marinig at pinaniwalaan 'yon. At hindi ko alam kung bakit gano'n.
"Mukha ko lang siguro ang tinitingnan mo, Maxrill Won?" bago ko pa napigilan ang sarili ko ay naitanong ko na 'yon.
"What do you mean?" nanliliit ang paninging aniya.
Napabuntong-hininga ako at saka nagbaba ng tingin sa paanan ko na nasundan din niya ng tingin. Saka namin muling sinalubong ang paningin ng isa't isa.
Seryoso na siya at bumuntong-hininga. "Dainty?"
Pinilit kong ngumiti. "May problema ang paa ko, Maxrill Won."
Napatitig siya sa 'kin. "Paano naging problema 'yan? You can still walk, Dainty." Hindi ko inaasahang mangingiti siya bago mag-iwas ng tingin. "To be honest, for some reason, isa pa 'yan sa nagustuhan ko sa 'yo." Sinalubong niya uli ang paningin ko matapos sabihin 'yon. "Your imperfections doesn't make you less worthy of love, Dainty Arabelle."
Nag-init ang paningin ko. "Hindi ka nahihiya? Hindi mo 'ko...kinakahiya?"
Nabasa niya ang emosyon ko at mabilis na nahawa. Umiling siya nang may ngiti sa labi. "Hindi."
Matagal akong napatitig sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang hindi niya kinahihiya ang paa ko.
Nilingon ko ang mga tao ro'n. "May mga bata na tinatawag ng robot ang paa ko, Maxrill Won. Habang 'yong matatanda naman ay paulit-ulit akong tinatanong kung ano ang nangyari. Nasanay ako na lahat ng tao ay magagandahan sa mukha ko pero oras na makita ang paa ko, lahat ng paghanga nila ay napapalitan ng awa."
"Gano'n ba ang nakita mo sa 'kin?" sinsero niyang tanong.
Emosyonal akong napatitig sa kaniya, pinipigilang pangiliran ng luha. Nakangiti rin akong umiling. "Hindi," iyon lang ang kinaya kong isagot sa takot na baka maiyak na lang ako bigla. Kaya siguro kita minahal, Maxrill Won. Hindi ko rin kayang idagdag 'yon.
"Because I focus on you, Dainty," mahina niyang sinabi. "And not on your disability."
Nagpalitan ang tingin ko sa parehong mata niya, wala akong mabasa kung hindi sinseridad. Sa unang pagkakataon ay gusto ko siyang yakapin. Ngunit kinulang ako ng lakas ng loob para gawin 'yon.
"How can one never want to like you?" parang natatawang tanong niya sa kawalan. "Even I can't resist looking at you. Imagine? A Del Valle? A freaking Del Valle, Dainty Arabelle."
"Psh," ngumuso ako. "Iba kaya ang tinitingnan mo noon."
Nangunot ang noo niya. "What? When?" maang-maangan niya.
"No'ng birthday mo. Hindi ba't...sa iba nakatuon noon ang pansin at paningin mo? Parati na ay nakasunod ka ng tingin sa kaniya kung hindi ay talagang sinusundan mo siya, saan man siya magpunta."
"I did...what?" hindi makapaniwalang tugon niya na para bang pinagbibintangan ko talaga siya.
Talaga naman... Napanguso ako. Hindi ko malilimutan ang gabing iyon. Hindi lang dahil nasaksihan ko kung paano siyang tumingin at sumunod kay Ate Yaz. Kung hindi dahil nang gabi ring 'yon nabuhay ang nararamdaman ko sa kaniya.
"Kanino?" naghahamon niyang tanong.
"Kay ano..." nag-iwas ako ng tingin.
"Ano?" ginaya niya ako.
"Doon sa babaeng gusto mo." Nanginig ang boses ko.
Nanliit ang mga mata niya saka bumuntong-hininga. "You mean Dainty Arabelle?"
"Hindi," lumabi ako. "Iba."
"Ohh..." ngumiwi siya saka namulsa. "My Dainty is jealous." Nakangising bulong niya.
Lumayo ako at pinandilatan siya. "Ano? Hindi, ah?"
Tumitig siya sa 'kin, pinipigilang matawa. "Let's talk about it later."
"Hindi ako nagseselos, Maxrill Won."
"If you say so."
"Hindi nga talaga."
"All right, all right." Nakangisi pa rin siya nang sabihin 'yon.
"Hindi naman talaga, e," ngumuso ako. Inakbayan niya ako saka tumawa. "Bitiwan mo ako."Inilayo ko siya pero kulang ang lakas ko.
"See? You are jealous."
"Hindi nga sabi."
"You mad now?"
"Bakit naman ako magagalit?" nag-iwas ako ng tingin.
Hindi naman talaga ako nagseselos. Hindi niya 'yon pwedeng ipilit dahil sigurado akong hindi ako nagseselos. Pero ang sama-sama ng loob ko ngayon at hindi ko sigurado kung bakit.
"What are we going to watch?" tanong niyang nakatingin sa mga poster na nasa labas ng sinehan. Hindi ko man lang yata namalayang nakarating namin doon.
"Kahit ano," pabuntong-hininga kong sagot.
"Let's watch everything, then."
"Hala!" Nagulat ako nang akayin niya ako papunta sa counter. "Bakit lahat?"
"Because I said so."
"You're dating behind my back!" gano'n na lang ang gulat namin nang umalingawngaw ang tinig ni Rhumzell.
"You freaking frog!" asik ni Maxrill Won sa gulat."What are you doing here?"
Sa halip na sumagot ay napatitig sa amin si Rhumzell nang may nakaiilang na ngiti sa labi saka nagbaba ng tingin at bumuntong-hininga. Marahang inalis ni Maxrill Won ang brasong nakaakbay sa 'kin at saka lumapit upang yumakap kay Rhumzell.
"Ate Dainty!" tinig ni Bree ang sumunod at gano'n na lang ang gulat ko nang makita siyang may bitbit nang popcorn.
"Bree..." Nagpalitan ang tingin ko sa kanila ni Rhumzell. "Manonood din kayo ng sine?"
"Niyaya ko si Rhumzell kasi ano, ate..." halatang hindi alam ni Bree ang idadahilan. Namumula siya at bakas sa mukha ang pag-aalinlangan.
Palihim akong nangiti. "Masaya akong makita ka rito, Bree." Lumapit ako at niyakap siya.
"Ate..."
Kumalas ako at tiningnan siya sa mga mata. "Masaya ako para sa 'yo, Bree."
"Ano ba'ng sinasabi mo, Ate Dainty..." ngumuso siya para mapigilang maging emosyonal. "Niyaya ko lang si Rhumzell kasi nahihiya ako sa bahay nila. Tinutukso kasi kami ni Kuya Randall."
"Sa bahay na natin pag-usapan, Bree. Makikinig ako sa 'yo at iintindihin ko lahat ng ikukwento mo."
"Ano ba'ng sinasabi mo, ate?" maang-maangan niya, nakanguso siyang nag-iwas ng tingin.
Sinulyapan ko sina Rhumzell at Maxrill at saka yumuko sa kapatid ko upang bumulong. "Ano ang meron sa inyo ni Rhumzell, ha?" nanunukso kong tanong.
Awtomatiko siyang namula at lumayo. "Ate, magkaibigan lang kami, ano ka ba? Saka ano...hindi ba't ikaw ang gusto ni Rhumzell?" nag-iwas siya ng tingin. "Nililigawan ka niya."
"Noon pa man ay pinahinto ko na siya, Bree."
"Pero..." nalito ang kapatid ko. "Hindi mo ba gusto si...Rhumzell?" tanong niya, ang mga mata ay tila gustong-gusto nang marinig ang sagot ko. Nakagat niya ang daliri nang hindi makapaghintay dahil sa tagal ng pagkakatitig at pagngiti ko sa kaniya.
"Sinubukan ko pero..." Bumuntong-hininga ako. "Kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Rhumzell at kahit anong pilit ko ay hindi ko 'yon mabago, Bree."
"Ate Dainty..." natulala si Bree sa akin.
"Mas matanda ako sa kaniya at...kahit hindi ko siya makita bilang kapatid, hanggang kaibigan lang talaga siya sa akin." Nagbaba ako ng tingin. "Pasensya na kung hindi ko man lang napansin ang nararamdaman mo, Bree."
"A-Ano ba'ng sinasabi mo, ate? Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano."
"Huwag kang mag-alala dahil kakausapin ko si Rhumzell nang maayos," paniniguro ko. "Alam niya rin naman noon pa na...si Maxrill Won talaga ang gusto ko."
Bumuntong-hininga ako at matagal na tumitig sa kaniya. Alam naman na ni Bree na gusto ko si Maxrill Won. Hindi ko rin maintindihan kung bakit niya sinasabi ngayon na gusto ko rin si Rhumzell. Siguro ay masyado siyang nagulat sa pangyayari ngayon, hindi siya nakapaghanda ng isasagot.
"Pasensya na kung...nagustuhan ko si Maxrill Won kahit alam kong gusto mo rin siya noon,"sinserong dagdag ko. "Pasensya na rin kung ngayon ko lang nasabi," nahihiyang dagdag ko. "Dito pa sa lugar na 'to." Nagbaba ako ng tingin sa magkahawak na kamay namin.
"Ate Dainty...okay lang 'yon, ano ka ba?"
"Sinisiguro ko sa 'yo na kaibigan lang ang tingin ko kay Rhumzell," sabi ko nang nakatingin sa mga mata niya. "Mula umpisa ay si Maxrill Won na talaga ang nagustuhan ko at iyon ang totoo. Masyado lang siyang mataas at malayo sa paningin ko kaya hindi ko naisip na posible pala na magkalapit kami."
Napipi si Bree Anabelle, hindi malaman ang isasagot sa dami ng aking sinabi. Nangingiti siya sa paraang para bang hindi isang matinding pasabog ang narinig mula sa akin.
"Pero hindi ko pa masabi kay Maxrill Won na gusto ko siya," pabuntong-hiningang dagdag ko.
"Bakit hindi mo pa sabihin?" tinig iyon ni Maxrill Won.
"Kasi..." natigilan ako at nanlalaki ang mga matang tumitig kay Bree nang mapagtantong hindi na siya ang sumagot sa akin.
Nanlalaki ang mga matang nakagat ni Bree ang sariling labi upang pigilan ang matawa. Naestatwa ako at hindi magawang lingunin si Maxrill Won na ngayon ay nasisiguro kong nasa aking likuran.
Natakpan ni Bree ang sariling bibig at kumaway upang iwanan ako. Nasundan ko siya ng tingin nang lumapit kay Rhumzell sa ticket booth.
"Hmm?" naramdaman ko ang bulong ni Maxrill Won sa pandinig ko. Kasunod no'n ay ang paggapos ng braso niya sa bewang ko. "Say it, Dainty,"kinilabutan ako nang muli siyang bumulong. "I want to hear you say like me."
Napapikit ako sa hiya at matinding kaba. Nang kumalas ang braso niya ay natakpan ko na ang aking mukha.
"Ayaw ko," sabi ko. Naghahabulan sa kaba ang dibdib ko at gusto ko na namang maiyak sa hiya. Gano'n kahina ang loob ko pagdating sa kaniya.
Narinig ko siyang matawa saka marahang inalis ang kamay ko sa aking mukha. Yumuko ako nang hindi magawang salubungin ang kaniyang tingin.
"It's okay," natawa pa rin siya ngunit agad ding pinigilan. "I can wait."
Nanatili akong nakayuko habang inaakay niya papalapit kina Rhumzell at Bree. Maging si Rhumzell ay hindi ko magawang salubungin ang tingin bagaman nararamdaman ko iyon sa akin. Kahit sa kaniya ay nahihiya ako. Dahil kahit anong idahilan ko, komplikado ang naging resulta ng pagsama ko sa kanilang dalawa ni Maxrill Won. Na para bang pareho ko silang pinayagang manligaw, pareho ko rin silang tinanggap ang alok na date. Ano na lang ang kanilang iisipin sa akin? Kahit pa wala akong intensyong masama, gano'n ang lumalabas.
Napatitig ako kay Rhumzell nang makabili siya ng tickets. Inabot niya 'yon kay Maxrill Won at akma nang lalapit sa kapatid ko nang magsalita ako.
"Ano...Rhumzell?" pagtawag ko. Nilingon niya ako. Naiilang man ay sinulyapan ko si Maxrill Won at inalis ang pagkakaakbay niya sa 'kin.
"Dainty?" halatang pilit ang ngiti niya.
Kabado akong tumitig sa kaniya at nahihiyang nagbaba ng tingin. "P-Pwede ba tayong mag-usap?"
"Tungkol saan?" mahina niyang tugon.
Magkakasunod ang paglunok ko. Saka ko naisip na hindi magandang sandali ito para kausapin siya tungkol sa aming estado.
"Tungkol sa..." hindi ko madugsungan ang dapat sabihin. "Kakausapin sana kita bukas kung ayos lang?"
Matagal siyang tumitig sa 'kin saka muling pinilit na ngumiti. "Sure." Tumikhim siya. "Let's just enjoy the movie." Nagbaba siya ng tingin at bakas ang alinlangan sa kaniya bago ako tinalikuran.
Narinig ko ang buntong-hininga ni Maxrill Won sa likuran ko. "He'll understand." Hinagod niya ang likuran ko, naniniguro.
Napatingala ako kay Maxrill Won. "Nahihiya ako kay Rhumzell."
"Nahihiya ka sa lahat, Dainty," nakangisi siyang nagbaba ng tingin sa 'kin.
Napatitig ako sa kaniya at napabuntong-hininga. Tuloy ay nakita ko ang pagpapalit ng reaksyon sa kaniyang mukha. Nasa akin ang paningin niya ngunit para bang lumalampas na halos hindi niya na ako makita. Sumeryoso siya at tumiim ang bagang. Nangunot ang aking noo sa pagtataka.
Lalo na nang marahan siyang lumingon sa kung saan dahilan para masundan ko iyon ng tingin. Nahugot ko ang aking hininga nang mamataan ang pamilyar na mukha ng ginoo na nanggulo sa amin ni Rhumzell kailan lang. Nakatayo siya may ilang dipa ang layo, magkakrus ang mga braso at nakangising nakatingin sa amin.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top