CHAPTER 37

CHAPTER 37

"GOOD MORNING."

Boses ni Maxrill Won ang namulatan ko kinabukasan. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang naroon sa tabi ko, nakahiga patagilid at deretsong nakatingin sa akin. Na para bang kanina pa niya ako pinagmamasdan.

Napalayo ako at marahas na naitabing ang kumot hanggang sa kalahati ng aking mukha. Pakiramdam ko ay namula agad ako gayong binati niya lang naman ako. Naaalala kong nakatulugan ko ang simpleng titigan kagabi, hindi ko alam na posible pala ang ganoon.

"Dito ka natulog?" kabado kong tanong. Hindi ko na talaga natandaan maging ang huli naming pinag-usapan. Sanay akong matulog nang maaga at masyado nang late sa 'kin iyong kagabi.

"You are so demanding, of course not," nakasimangot niyang tugon. "We can't sleep together without your parent's consent, you little brat."

Sumama ang mukha ko. Sa tono at sinabi niya, para bang sinuhestyon o gusto kong matulog kaming magkasama. Gayong tinanong ko lang naman siya kung dito siya natulog dahil nagulat akong namulatan ko siya.

"Can't you just greet me back?" kunot-noo niyang bulong.

"Galit ka ba?"

"No, but you just ruined the most beautiful day of my life." Pabuntong-hininga niya 'yong sinabi. Hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin. Sumimangot ako. "You know, in my coun"

"Gusto ko ng tubig," inunahan ko na siya. Pakiramdam ko ay magmamalaki na naman siya.

"Nenita!" bigla ay tawag niya.

Nanlaki ang mata ko. "Bakit gano'n lang ang tawag mo sa kay Aling Nenita?"

Nagbaba siya ng tingin sa 'kin. "You're not expecting me to call her mom, right?"

"Hindi gano'n ang ibig kong sabihin," inis na akong bumangon. "Ako na lang ang kukuha."

Gano'n na lang ang gulat namin ni Aling Nenita nang pumasok siya at pareho kaming nasa kama ni Maxrill Won. Tuloy, hindi ko alam kung tatalon paalis sa kama. Kapag ginawa ko 'yon ay makikita niya kung gaano kanipis ang suot ko.

"She wants water." Itinuro ako ni Maxrill Won kay Aling Nenita.

Itinanggi ko ang mga kamay ko. "Ako na po, Aling Nenita," nahihiya kong sabi saka sinamaan ng tingin si Maxrill. "Hindi ko inuutos ang kaya namang gawin."Nakokonsensya kong sabi. Bakit pa kasi ako nagtanong, alam ko namang meron silang tubig?

Bumangon ako at lumapit sa ref. "Salamat po, Aling Nenita."

"Sabi ko naman sa 'yo, huwag mo 'kong tawaging Aling Nenita," pinandilatan ako ni Aling Nenita. Humalakhak si Maxrill.

Namangha na naman ako sa laman ng ref ni Maxrill. Mas madami kasi ang beer kaysa tubig doon. Hindi ko tuloy alam kung alin sa dalawa ang iniinom niya sa umaga.

Kumuha ako ng tubig at ipagpapaalam na sana 'yon sa kaniya nang tumango siya, sinasabing gawin ko ang gusto ko. Napahiya na naman ako nang kulang pa ang lakas ko para mabuksan ang water bottle, masyadong mahigpit.

"Give it to me," alok ni Maxrill Won ngunit umiling ako ng pagtanggi at binuksan 'yon mag-isa.

Habang umiinom ay nilingon ko si Aling Nenita na may nanunukso at nagpapalitang tingin sa amin ni Maxrill Won.

"She's so sweet, 'no?" ani Maxrill, si Aling Nenita ang kausap. Ginawa niyang unan ang pareho niyang kamay at deretsong tumingin sa 'kin. "And she's going to be my girlfriend."

Nahinto ako sa pag-inom at kinatok ang dibdib ko nang maubo. "Ano ba'ng sinasabi mo?" nahihiya kong tanong. Hininaan ko pa ang boses ko pero pareho naman nilang narinig 'yon.

"I love your voice, Dainty." Gano'n kakaswal na sinabi ni Maxrill Won 'yon, hindi siya nahihiya sa presensya ni Aling Nenita.

"Maxrill?" kunot-noo kong tugon.

Napabangon si Maxrill Won at itinuro ako. "Did you see that?" baling niya kay Aling Nenita. "She's mad!" tumatawa niyang sabi. "That's how she gets mad, Nenita! Cute, huh?" excited na excited pang aniya. Nakakainis.

"Ang cute mo nga namang bata ka," ani Aling Nenita.

"Hindi na po ako bata," nakanguso kong tugon.

"Indeed," ngisi ni Maxrill Won.

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Gano'n lang ang kaniyang sinabi pero pakiramdam ko ay nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Nakangiting umawang ang labi niya nang mapanood ang mukha kong malukot. Nakangiti niya namang kinagat ang labi nang makita akong sumimangot.

"Ako'y nilalanggam sa inyo!" ani Aling Nenita. "Bumaba na kayo, mag-aagahan na."

"Maghihilamos lang po ako, Aling Nenita, salamat po," tugon ko.

"Nenita na nga lang ang itawag mo sa 'kin," asik niya.

Hala... "Sige po," nakanguso kong tugon.

"I'll wait for her," ani Maxrill Won na sinenyasan si Aling Nenitang mauna na.

Sinulyapan ko si Maxrill Won. "Ginamit ko 'yong mga gamit mo, Maxrill Won. Sorry ngayon lang ako nagpaalam."

Bumangon siya at lumapit sa 'kin. "No problemo, Dainty Arabelle." Hinawakan niya ang parehong bewang ko.

Awtomatiko akong lumayo. "Ano...maghihilamos na 'ko."

"Sasamahan kita." Naiilang ako sa Tagalog niya. Tama at normal naman 'yon pero iba ang punto. Nakapaninibago.

"Hindi ko kailangan ng kasama."

"I said..." nagbabanta ang tinig niya.

"Oo na," nakanguso kong tugon. "Ang ganda ng banyo mo."

Nanliit ang mga mata niya, ginala ang paningin sa buong banyo saka tumitig sa 'kin. "Hmm," nakangiwi siyang tumango, parang hindi kumbinsido.

Sa halip ay naupo siya sa couch, nagpandekwatro at itinuon ang mukha niya sa kamao. Nagsimula akong magsepilyo. Hindi niya inaalis ang paningin sa 'kin at parang pinanonood ang bawat kilos ko.

"So, you drink water when you get up in the morning then you brush your teeth, huh?" tanong niya.

Nagsesepilyo akong tumango. Nakangiwi rin siyang tumango-tango saka muling itinuon ang paningin sa 'kin. Gusto kong alisin ang paningin sa kaniya mula sa salamin, pero ang hirap. Gusto kong makita kung kailan niya aalisin ang mata sa 'kin pero parang wala siyang planong gawin 'yon.

"What's that?" tanong niya dahilan para habulin ko ang kaniyang tinitingnan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang panty kong nakasampay sa sampayan ng towels.

"Sorry!" sabi ko nang may bula ang bibig. Dali-dali akong lumapit at hinablot 'yon.

"So, you're still not wearing anything...underneath..."aniyang bumaba ang paningin hanggang sa tiyan ko, napigil ko ang hininga, bago siya nag-iwas ng tingin. Pinaglaro niya ang daliri sa kaniyang labi bago kinagat ang sariling daliri.

Nagmamadali kong tinapos ang pagsesepilyo saka ako naghilamos, at hinarap siya. "Kung ano-ano ang naiisip mo, Maxrill Won," asik ko.

Umangat ang gilid ng labi niya. "Are you mad?"

Lalong sumama ang mukha ko. "Dahil ano..."

"Ano?" 'ayun na naman ang panggagaya niya sa aking tono.

"Naiilang ako sa mga iniisip mo. Parang..."

"Ano?" inulit niya na naman ang aking tono! Nakangisi, nang-aasar!

"Dahil parang...ano..."

"Ano?" minsan niya pa 'yong inulit!

Sumama nang sumama ang mukha ko. "Dahil parang napakarami mong karanasan sa ano..."

Tumayo siya at humablot nang bagong face towel at naglakad papalapit sa akin. "Saan?" may tipid na ngisi sa gilid ng kaniyang labi nang ibulong 'yon.

Napalunok ako nang mag-angat ng tingin sa kaniya. "Sa...ano...'yong...gano'n?" hirap na hirap kong sabi.

Tumitig siya sa 'kin, lumapad ang ngisi sa labi. Bumuntong-hininga siya saka pinunasan ng towel ang aking mukha. Hinayaan ko siya sapagkat maingat niya 'yong ginawa. Pinigilan kong mangiti dahil ayaw kong malaman niya na gusto ko 'yon.

"Honestly..." Nagulat ako nang huminto siya sa pagtutuyo sa mukha ko, ngunit naiwang nakatakip ang towel sa mga mata ko. "I haven't experience it yet," mahinang aniya. Napalunok ako. "I'm planning to experience it with you."

Napalunok ako at nang gumapang ang makamundong pakiramdam ko gayong mga salita lang naman ang narinig ko.

"I wonder...how would it feel," dagdag niya na mas nakaapekto sa naiisip ko.

Umangat man ang mga balikat ay hindi na ako nagulat nang dampian niya ng halik ang labi ko. Inaasahan ko na 'yon. Pero hindi gano'n katagal ang inaasahan ko. Pinanggigilan niya muna nang matagal ang mga labi ko bago huminto. Pakiramdam ko ay namaga ang bibig ko.

Inagaw ko ang twalya at tinakpan ang bibig ko. "Napapadalas ka na, Maxrill Won."

Natigilan siya at saka natawa. "Don't you like it?"

Hindi ko alam kung paano siyang sasagutin. "Hindi naman, pero..."

"So, you like it?"

"Hindi, ano..."

Lumapad ang ngisi niya. "I love it."

"Hindi ka pa nga nakaka-move on," inis kong sabi saka tinalikuran siya. "Lumabas ka na, may gagawin ako."

"Ano 'yon?"

"Basta."

"I'll stay here."

"'Wag na!" pinigilan ko siya nang akmang mauupo ulit.

"I'm not going to touch it, I promise...well, yet."Ngumisi siya.

"Maxrill Won!"

"Fine."

"Kailangan ko pa ring isuot dahil bababa tayo,"gano'n na lang katindi ang pamumula ko. Hindi ko akalaing kailangan ko pang sabihin 'yon para lang matigil ang pangungulit niya.

"Yeah, I'm going out already," pabuntong-hiningang aniya. Hindi ko na siya hinayaang makalingon pa sa 'kin, tinulak ko siya palabas at pinagsarhan ng pinto.

Nakakainis! Napakaloko!

Nagkamali siya nang isiping isusuot ko lang 'yon. Dahil dinampot ko ang towel at nagdesisyong maligo. Kung ganitong gagawin ni Maxrill Won ang lahat ng gusto niya sa lahat ng oras, naiilang ako sa itsura at magiging amoy ko.

Panay ang katok at pagtawag niya sa labas ng pinto. Pero hindi ko siya pinansin. Ang tanging sinagot ko ay nang tanungin niya kung naliligo na ba ako. Matagal akong kumilos kaya naman natawa ako nang hindi na marinig ang pagtawag niya mayamaya lang. Paniguradong nainip siya sa paghihintay sa akin.

Itinapis ko ang twalya sa katawan ko saka maingat na binuksan ang pinto. Sumilip ako ngunit awtomatiko na namang nagulat nang mukha niya ang matingalaan ko.

Inilingan niya ako saka bumuntong-hininga. "Here,"aniyang may inabot na panibagong damit! Kulay asul naman iyon at sa unang hawak pa lang ay naramdaman ko nang cotton.

Lumapad ang ngiti ko. "Salamat, Maxrill Won."

Napatitig siya sa 'kin, hindi inaasahan ang sinabi ko. Napangiti siya at kinagat ang sariling daliri. "You're welcome, Dainty Arabelle."

"Magbibihis lang ako."

"I'll wait for you here."

Pinagsarhan ko siya ng pinto at saka ako nagbihis. Pero natigilan ako nang masulyapan ang sarili sa salamin at maalala ang kaniyang mga sinabi.

Ano nga kaya ang pakiramdam no'n?

Aaminin kong sa tagal kong naging inosente, kahit kailan ay hindi ako na-curious sa pakiramdam no'n. Ngayon lang. Sa oras lang na ito. Dahil sa mga nangyari sa nagdaang oras kasama si Maxrill Won. At ang maisip lang ang pakiramdam no'n, pakiramdam ko ay kailangan ko na namang maligo.

Magkakasunod akong umiling para mapalis ang laman ng isip ko. Dali-dali akong naglotion at nagpulbos saka isinuot ang mga panloob ko. Gano'n na lang uli ang gulat ko nang makitang mahaba nga ang panibagong dress na binigay ni Maxrill Won. Pero wala pa ring manggas ang mga iyon.

Pinagmasdan ko ang aking sarili nang maisuot 'yon. Sa edad kong 'to, sa tagal kong nagsusuot nang balot na balot, ngayon lang ako nakaramdam ng kompyansa. Dahil ba siya ang aking kasama? Paano? Gayong kahit sa kaniya, nahihiya ako sa itsura ko. Binabantayan ko ang mga mata niya sa t'wing darapo na 'yon sa paanan ko. Pero bakit nagagawa kong tagalan? Lahat ay para bang kaya ko, gaano man katinding hiya ang aking maramdaman.

"Babe, I'm hungry," aniyang binuksan ang pinto.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat! Ano'ng babe? "Paano kang nakapasok?" naiinis na namang tugon ko.

"You don't know how these things work, huh?"aniyang pinihit-pihit ang door knob. "You're locking it in a wrong way. Or are you keeping it unlocked on purpose?"

"Hindi, ah!"

"Then you don't know how to lock it."

Sumama ang tingin ko sa siradura saka tinaliman siya ng tingin. Mabuti na lang at bihis na 'ko. Lumapit siya at pinagmasdan ako.

"Beautiful morning, my Dainty Arabelle." Hindi ko alam kung bati ba 'yon o ano.

Pero sa halip na mahiya, sa halip na mainis ay nahawa ako sa ngiti niya. Iyon kasi 'yong para bang masaya siya na naroon ako. Hindi ko mapangalanan ang pakiramdam niyon. Lalo na at masaya rin ako dahil magkasama kami ngayon. Kailanman ay hindi ko naisip na posible pala na mangyari ito.

"Good morning, Maxrill Won," tugon ko dahilan para lalo siyang ngumiti.

Kinuha niya ang kamay ko saka ako inakay palabas. "I like it when you say my name. It sounds extra...handsome."

Sumimangot ako pero nangingiti pa rin dahil totoo namang gwapo siya. Paano ko namang tatanggihan 'yon? Bukod do'n ay kanina ko pa nalalanghap ang bango niya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano ang naaamoy niya sa 'kin.

Gano'n na lang ang hiya ko nang may makita nang ibang kasambahay sa 'baba. Lalo na nang dalhin niya ako sa patio sa likurang bakuran, kung saan paroo't parito ang nasisiguro kong mga tauhan.

"Dito tayo kakain?" hindi makapaniwalang tanong ko gayong nasa harapan ko na ang kwadradong mesa na puno ng iba't ibang pagkain.

Iginala ko ang paningin sa iba't ibang bulaklak na nakapalibot sa 'min at fountain na halos nasa harapan ng hapag-kainan.

"Yeah, I asked them to prepare our breakfast here."Lumigid siya at inalalayan akong maupo.

Hindi ko naitago ang pagkatakam sa mga nakahaing agahan. Nakakain ko naman ang mga 'yon pero parang kakaiba at espesyal ang inihain nilang hotdog, brown 'yon at hindi pula gaya nang madalas naming kainin. Lalo na ang pancake, patong-patong iyon at may strawberries sa ibabaw at naliligo sa syrup. Bukod do'n ay may clubhouse sandwiches, sausages at iba't ibang hiniwang prutas.

"Ano'ng gusto mo, Dainty? Juice, coffee or tea?"tanong ni Aling Nenita.

Napatingin ako kay Maxrill Won, magtatanong sana kung ano ang sa kaniya at makikigaya ako. Hindi ko kasi alam kung ano ng babagay na inumin sa mga nakahain. Kaya hindi ko inaasahang gano'n kayabang siyang tatawa, na kinailangan niyang takpan ang bibig para mapigilan pang mas matawa.

"I told you, I'm yours." Sumandal siya at tumingin sa 'kin. "Fine, you can have me."

Umawang ang labi ko. Ang yabang naman! Hindi naman 'yon ang ibig sabihin ng tingin ko. "Kape ang gusto ko,"nakasimangot kong baling kay Aling Nenita. "Hindi po ba kayo sasabay sa amin?"

"Naku, hindi," tumatawang ani Aling Nenita. "Sa tagal mong magbihis ay nauna na akong kumain."

Hala... "Pasensya na po, Aling Nenita. Mabagal talaga akong kumilos."

"Nagbibiro lang ako, Dainty. Sige na, kain na," isa-isang inabot ni Aling Nenita ang plato ng pagkain sa amin.

"Go ahead, Nenita, I'll take care of her," ani Maxrill Won.

Nagugulat siyang nilingon ni Aling Nenita. "Weh? Ikaw?"

Inosenteng nag-angat ng tingin si Maxrill Won sa kasambahay. "Yeah, why?"

"Eh, hindi ba't spoiled brat ka?" deretsong ani Aling Nenita.

Natigilan ako at saka natawa. "Totoo po."

Natigilan din si Maxrill ngunit naaasar na nakitawa kunyari kay Aling Nenita. "You're fired, Nenita!"

Pinandilatan ko siya. "Bakit ba ganyan ka sumagot sa mas matanda sa 'yo, Maxrill Won?" naiinis na sagot ko.

"So, what?"

"Bastos ka kung sumagot. Mali 'yon."

Umangat ang isang kilay niya at napapahiyang bumuntong-hininga. "Whatever."

"Salbahe ka."

Pinagkunutan niya ako. "What's that?"

"Salbahe!"

"What the hell is salbahe?"

"Masama ang ugali!" sagot ko.

"So, I'm masama?" naglapat ang mga labi niya. "Am I masama?" aniya kay Aling Nenita.

"Oo!" sabay naming sagot ni Aling Nenita na ikinagulat ni Maxrill Won. Dahilan para sabay uli kaming matawa ni Aling Nenita.

"And excuse me, you have no rights to fire me!"mataray na dagdag ni Aling Nenita!

Nakangiti akong tumango-tango sa kaniya saka nakangising binigyan ng naghahamong tingin si Maxrill Won.

"Alam mong sa lahat ng myembro ng pamilyang Del Valle, ikaw lamang ang walang karapatang magsesante ng empleyado!" asik pa ni Aling Nenita. "Dahil alam ng mga magulang at kapatid mo ang pagiging suwail mo, laki sa layaw at hindi masunurin. Lahat inuutos mo. Kapag hindi mo nakuha ang gusto mo ay nagmamaktol ka, hindi ka naman na bata!"

Tumawa ako. "Ang galing-galing mo, Aling Nenita!"

"Tingnan mo, hindi niya naintindihan lahat 'yon panigurado," bulong ni Aling Nenita.

Humagikhik ako, nakatakip sa bibig. "Mabilis niyo po kasing sinabi, hindi siya gano'n kahusay sa lenggwahe natin."

"Gano'n na nga," nakihagikhik si Aling Nenita, sinulyapan nang masamang tingin si Maxrill Won.

Pero nang lingunin ko si Maxrill Won ay tila hindi nawala ang paningin niya sa 'kin. Bahagyang nakaangat ang gilid ng kaniyang labi at sa itsura ay para bang aliw na aliw siya sa nakikita.

"Huh, Nenita?" ani Maxrill Won. "She's so pretty, huh?"

"Pretty-pretty, beautiful 'ka mo!" ani Aling Nenita. "Ewan ko nga ba sa 'yo at may pa-Japan-Japan ka pa, e, panay nga tanong mo kay Dainty no'ng una mo siyang nakita."

"Why can't you talk in a freaking nutshell, Nenita? Can you just leave us alone? I can't eat my breakfast,"asik ni Maxrill Won. "I want my coffee now."

"'Kita mo?" baling ni Aling Nenita sa 'kin. "Spoiled brat 'yang amo kong 'yan."

"Totoo po," bulong ko. "Hindi ka dapat ganyan kay Aling Nenita, Maxrill Won," masama ang tingin na sabi ko.

Pinagkrus ni Maxrill Won ang braso at sumandal sa silya. "Why?"

"Dahil bastos ang ganyan. Dapat...mabait ka sa kaniya."

"Why?"

"Dahil gano'n ang tama. Hindi ka na bata para turuan pa, 'no."

"Fine," kunot-noong bumuntong-hininga si Maxrill Won saka bumaling sa pagkain. "Coffee, please," mahinahon niyang pakiusap bagaman nakasimangot pa rin.

"Ha?" nautal kunyari si Aling Nenita. "Hindi ko narinig."

"Coffee," gigil na ani Maxrill Won. "Please."

Nagliwanag ang mukha ni Aling Nenita at nang-aasar na tinawanan si Maxrill Won. "Sure, Serr Maxrill!"

"Tsh," inis na sinundan ni Maxrill ng tingin ang kasambahay saka sinalubong ang tingin ko. "Happy?"

Ngumiti ako. "Gano'n dapat."

"Can we eat now?"

"Sige, kumain ka na."

Nakangiwi siyang bumuntong-hininga saka sinimulang kumain. Nakangiti kong tiningnan ang lahat ng pagkain saka pumili ng uunahin. Pinigilan kong ipakita ang pagkamangha ko sa lasa niyon. Ayaw kong pagtawanan na naman ni Maxrill Won ang kaignorantehan ko.

"Wanna go out on a date, Dainty?" tanong niya, hindi ko inaasahan.

"Date?" hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi ko napigilang mangiti. "Talaga?" nauutal ko pang tanong.

Hindi naman na 'yon ang unang beses na may magyaya sa 'kin. Hindi na rin 'yon ang unang beses na lalabas kami ni Maxrill Won. Ewan ko ba pero gano'n ang pakiramdam. Para bang ngayon niya lang ako niyaya.

"Hmm?" aniya nang hindi ako makasagot.

"Sige, Maxrill Won," nagpipigil ng ngiting sagot ko.

Nagpigil din siya ng ngiti. "Great."

"Kailan pala?"

"Today," ngiwi niya. "It's weekend, no classes. Or you're going to do your homework?"

"Hindi," awtomatiko kong tanggi. "Tinapos ko na ang homework ko kahapon, bago magpunta sa birthday party ni Rhumzell."

"Great, then, we can go somewhere later."

"Later?" nagugulat kong tugon. "E, susunduin na 'ko ni nanay mamaya. Saka hindi pa 'ko nagpapaalam."

Natigilan siya at natawa. "You're not a kid, Dainty Arabelle. Besides, I can call and tell her that we're going out."

Napatingin ako sa suot ko. "Wala akong damit."

"We have new clothes for visitors upstairs. That dress is new too," patungkol niya sa suot ko.

"Paano mo nga pala nalaman ang size ko?"

"It's obvious," aniyang tumuhog sa pancake at kumain. "So, where do want to go?" ngiti niya.

Excited akong ngumiti. "Sa mall?"

Nakangiti siyang natigilan. Bahagyang nangunot ang noo niya at saka muling ngumiti. "Mall?" tumikhim siya at pinunasan ang labi. "I don't go to malls, Dainty Arabelle."

"Hala? Totoo?" kunot-noong tugon ko. "Hindi ba't doon naman pumupunta ang mga..." nagpigil ako ng ngiti sa susunod na sasabihin, "nagde-date?"

Natigilan siya saka natawa. "Well, not me."

Ako naman ang natigilan at nalungkot, mukhang napansin niya 'yon. Kaya napilitan akong ngumiti. "Sige, sa iba na lang."

Nanatili siyang nakatitig sa 'kin at bumuntong-hininga. "Fine."

Nagliwanag ang mukha ko. "Pupunta tayo sa mall?"

"What are we going to do there?"

Nag-isip ako. "Manood ng sine?" nahihiya man ay gano'n ang sinagot ko. "Hindi ko pa kasi nasusubukan 'yon...pero..." nahiya agad ako. "Ayos lang kahit saan, Maxrill Won."

Siguradong masaya ako saan man niya ako dalhin. Ngayon nga lang na magkasama kaming nag-aagahan, hindi ko na maipaliwanag ang saya ko. Parang ayaw ko nang matapos ang araw. Iisipin ko pa lang na susunduin na 'ko mamaya ni nanay, nalulungkot na 'ko. May kung ano sa 'kin na parang ayaw nang umalis do'n. Pero hindi pwede ang gano'n. Kailangan kong umuwi, paniguradong pagagalitan ako nina nanay. Bukod sa hindi tamang manatili ako ro'n. Nakakahiya.

Bumuntong-hininga siya. "Fine, we'll go there." Ngumiti siya.

Talagang nagliwanag ang mukha ko. "Thank you!" hindi ko naitago ang tuwa, awtomatiko siyang nahawa.

Si Maxrill Won ang tumawag kay nanay para ipaalam ang lakad namin. Sinamahan niya akong pumili ng susuotin at halos maiyak ako sa tuwa nang hayaan niya akong pumili kung saan ako komportable. Hindi ako makapaniwalang seryoso siya dahil hindi lang damit ang meron doon para sa mga bisita. Meron pang slippers na bumagay sa dress na napili ko.

Hindi iyon kasinghaba nang regular na sinusuot ko. Pero masaya na akong abot iyon sa tuhod. Wala rin iyong manggas, halos kulay itim na may disenyong maliliit na puting bulaklak. Pero bukod doon ay pinahiram niya ako ng maong na jacket na maaaring ipatong. At bagong itim na sapatos na aniya, maaari ko nang iuwi. No'ng una ay ayaw kong tanggapin. Paano kasi ay nakita kong Converse ang tatak niyon. Hindi man niya sabihin ay sigurado ko nang hindi para sa akin ang presyo no'n kahit pa para sa kaniya ay pangbisita lang 'yon.

Laking pasalamat kong ipinabaon sa 'kin ni Bree ang lip tint. Hindi ako magmumukhang maputla dahil halos mawalan ng kulay ang labi ko dahil sa lamig ng tubig na pinanligo ko. Binawasan ko rin ang pulbos at sa halip ay nilagay na lang 'yon sa dibdib ko para kahit papaano ay magkaroon ako nang magandang amoy.

"You're so cute," ngiti ni Maxrill Won nang makita akong nakaayos.

Hindi ko nagawang sumagot dahil natulala rin ako sa kaniyang porma. Itim na shirt at khaki na shorts. Nanlaki ang mata ko nang makitang pareho kami ng sapatos.

"Hala," natutuwa ko pang sabi nang pagtabihin ang aming mga paa. Syempre pa, iyong maayos kong paa ang itinabi ko sa kaniya.

Sa halip na sumagot ay iniangat niya ang baba ko at hinalikan ako sa labi. Pakiramdam ko ay namula agad ako kaya nang pakawalan niya ako ay natakpan ko ang aking bibig.

"Ikaw, ah?" nakanguso kong sabi. "Nakakarami ka na."

"So, what?" mayabang niyang tugon saka ako inakay palabas.

Natahimik ako. Hindi ko kasi alam kung paanong sasabihing wala naman kaming relasyon. Na iyong meron lang ang dapat na gumagawa no'n. Nahihiya ako. Baka sabihin niya ay naghahangad ako nang sobra. Pero iyon kasi ang alam kong tama. Sadyang kulang lang ang lakas ng loob kong prangkahin siya.

"Nenita, we're going out," paalam ni Maxrill Won na hindi na naghintay pa ng sagot. Inalalayan niya ako pasakay sa kotse na noon ay hindi ko nakilala. Iba na naman ang gagamitin niya.

Kulay puti iyon na may nakasulat na Range Rover sa harapan. Nang maisakay ay iginala ko ang paningin sa leather seats niyon. Hindi ko na naman napigilang humanga, mayaman talaga ang kanilang pamilya.

"Nasaan nga pala si Hee Yong?" tanong ko nang makasakay siya.

"School."

Umawang ang labi ko. "Si Hee Yong ang tinatanong ko."

"Yeah," nilingon niya ako. "Training school. He'll be here tomorrow. Why?"

Sandali pa akong napamaang sa kaniya bago natanggap ang kaniyang sinabi. Grabe, pati aso may school? Hindi talaga ako makapaniwala. "Gusto ko sana siyang ipakilala kay Nunna. Alaga ko rin 'yong aso."

Nanlalaki ang mga mata niya akong nilingon. "You like dogs?"

"Sobra! Alam mo ba, noon, takot talaga ako sa aso. Pero mula no'ng dumating si Nunna, parang lahat ng aso, gusto ko na."

Nakangiti siyang tumitig sa 'kin saka binuhay ang kaniyang sasakyan. Hindi na nawala ang ngiting 'yon hanggang sa magmaneho siya. Panay ang tingin ko sa mga bahay na madaanan namin. Magkakalayo masyado ang mga 'yon at lahat ay malalaki. Wala pa naman ako masyadong napapasok na exclusive village. Pero pakiramdam ko ay naiiba pa rin 'to sa lahat. Walang tao sa kalsada at tahimik ang buong lugar.

Hindi na ako mapakali nang sandaling makarating kami sa parking lot ng mall. Halos pangunahan ko siya sa paglalakad dahil sa excitement ko. Napahiya tuloy ako nang makita siyang nakangiwi na para bang hindi nasisiyahan sa lugar na 'yon.

"I've been here, before," hindi ko inaasahang magkukwento siya. "What with this mall? You look so excited."

"Wala naman," nahihiya akong ngumiti. "Dito lang kasi kami madalas na pumunta ni Bree. Saka ni Rhumzell."

"Rhumzell? Really?" humalakhak siya.

"Dito kami nagde-date."

Nawala ang ngiti sa mukha niya. "Do you really have to say that?"

Napamaang ako. "Ibig kong sabihin, ano..."

"Tsh."

"Sorry."

Maraming tao sa mall, palibhasa'y weekend. May pamilya, magkakaibigan, magnobyo at iba pa. Pero sa halip na siya ang tumingin sa mga 'yon dahil hindi siya madalas sa mall, hindi kapani-paniwalang si Maxrill Won ang tinitingnan ng mga ito. Ang bawat makasalubong namin ay sinusundan siya ng tingin at kung hindi naman ay binabalikan o nililingon. Na para bang artista ang kanilang nakita. Maging ang kilig ng mga magbabarkadang napasulyap sa pagpasok namin ay hindi nakaligtas sa aking paningin.

Bigla akong nanlamig. Nasisiguro ko kasing matapos siyang tingnan ng mga 'yon ay sa 'kin na mababaling ang kanilang paningin. Makikita nila ang paa ko at siguradong maiisip na hindi ako nababagay kay Maxrill Won.

"You gotta stop dating him, Dainty. He's my friend and we're like brothers. I don't want to hurt him."Nabasag ang pag-iisip ko nang sabihin ni Maxrill Won 'yon. "I want coffee. Can we try that shop?" itinuro niya ang Starbucks.

"Sige," natahimik na ako, panay ang pagpansin sa mga tumitingin sa 'min. Gusto kong makita ang reaksyon nila sa sandaling makita nila ang aking paa.

"Why do you keep on staring at people?" hindi ko inaasahang mapapansin ni Maxrill Won 'yon. "You're going to make them feel uncomfortable."

"Ano kasi..." nagbaba ako ng tingin. "Tumitingin sila sa 'yo. Lahat sila tumitingin sa 'yo."

"What do you mean?"

Ginala ko ang paningin at nahuli ang ilang mga babaeng napapalingon talaga sa kaniya. "Siguro, dahil naguguwapuhan sila sa 'yo. Kaya ka nila tinitingnan."

Pinagbukas niya ako ng pinto ng Starbucks at sinulyapan ang mga babaeng tinutukoy ko. Nadinig kong magtilian ang mga 'yon.

Hindi ko inaasahang kukunin ni Maxrill Won ang kamay ko. "Don't mind them. Did you hear what I just said?"

"Ha?"

"Ha?" inis niya akong ginaya.

Huminto kami sa harap ng counter, hinarap niya ako at tinangala ang mukha sa kaniya. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang dampian niya ng halik ang labi ko!

"I said, stop dating Rhumzell because he's my friend. I'm going to ask you out for real."

Lalo pa akong nagulat. "Pero hindi ba...ano?"

Nagbaba ako ng tingin nang hindi masundan ang sasabihin, naguguluhan. Hanggang ngayon, sa kabila ng mga nangyari, hindi ko pa rin mabanggit sa kaniya si Ate Yaz. Bukod sa nalilito ako kung paanong mangyayari ang kaniyang sinabi.

"Bakit?" pinalitan ko ang tanong.

"What do you mean bakit?" maging siya ay naguluhan.

Mahina ang pag-uusap namin, kami lang ang siguradong nakaririnig. Pero ang paningin ng mga naro'n ay nararamdaman ko sa amin.

"I want to date you, Dainty. I want to ask you out formally to be my girlfriend."

Nanlaki ang mga mata ko. "Maxrill Won?"

"I like you," mariing aniya.

Kabado kong nilingon ang mga malalapit sa 'min at nag-aalalang baka may nakarinig. Mukhang meron nga dahil gano'n na lang ang inggit sa mga mata ng ilang customers doon.

"I said I like you," patuloy ni Maxrill Won. "I know you do, too, but I'm waiting for you to say...you like me too."

Napapamaang akong tumitig sa kaniya. Ngunit hindi ko nakuhang magsalita. Seryoso si Maxrill Won. Hindi lang sa mga salita kung hindi maging sa emosyon na nababasa ko sa kaniyang mukha. Pati na ang mga mata niya ay nagsasalita at sinasabing kailangan kong maniwala.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji