CHAPTER 36
CHAPTER 36
SUMANDAL AKO sa likod ng pinto at saka itinago ang aking mukha sa parehong palad ko. Hanggang ngayon ay hindi ko maipaliwanag ang kahihiyan na nararamdaman ko. Na kahit hindi ko na kaharap si Maxrill Won, pakiramdam ko ay namumula ako. Ang init-init ng mukha ko at nanginginig ang mga kamay ko. Ganito na nga ang pakiramdam ko, nagpaulit-ulit pa sa isip ko ang lahat ng nangyari at kaniyang sinabi.
Paano na? Napapikit ako at magkakasunod na umiling habang nakakulong sa palad.
Hindi ko alam kung paano pa siyang haharapin. Hindi ko sigurado kung kaya ko pa siyang kausapin. Pakiramdam ko, sa sandaling makita niya ako ay maaalala niya rin ang sandaling 'yon. Kahit pa iniba niya ang usapan nang huli, sigurado akong hindi na mawawala 'yon sa isip at alaala naming pareho.
Desisyon ni Maxrill Won na ako ang patulugin sa kaniyang kwarto, siya ay doon sa kwarto ni Ate Maxpein matutulog. Habang sina Bree Anabelle at Kuya Kev ay sa magkaibang guest room tutuloy. Wala pa mang limang minuto siyang nawawala ay nanlalamig na ang mga kamay ko.
"Dainty?" napatalon ako sa gulat nang muling umalingawngaw sa likod ng pinto ang boses niya.
Natakpan ko ang bibig ko at nanlaki ang mga mata. Hindi ko alam kung paanong sasagot. Parang maging tumugon ay hindi ko na kayang gawin ngayon.
"Dainty Arabelle!" walang pasensya niyang kinatok ang pinto. "I know you're in there. Open the door!"
"A-Ano..." hinarap ko ang pinto ngunit nangatal agad ang kamay ko. "Ano ba 'yon?"
"Take this," aniya sa tonong mauubos na talaga ang pasensya. "Lady, in my country, it's rude to—" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang marahas kong buksan ang pinto ngunit kamay at braso lang ang inilabas ko. "What's this?"naguguluhan niyang sabi.
"Akin na," nakasimangot kong sabi, nakapikit at hindi na talaga makatingin, gayong may pinto naman sa pagitan namin.
"Open the door," nagpapasensya niyang sabi, lalo akong napapikit.
"Nahihiya ako."
"Why?"
Inis akong nagmulat. Ano'ng why? Inaasahan niya bang sabihin ko ang dahilan?
Abot-abot ang kaba ko ngunit nilakasan ko ang loob ko. Halos umabot sa balikat ko ang parte ng katawang inilabas ko sa pinto. Halos sumubsob sa pinto ang mukha ko. Nahihirapan man ay pilit kong inabot sa gano'ng sitwasyon ang kung anomang ibibigay niya. Parang sira na humawi nang humawi sa hangin pero walang mahawakan.
Pero napagod ako at nawawalan ng pag-asang bumuntong-hininga. Paano ba 'to? Tiningnan ko ang siwang ng pinto. Humugot ako ng hininga saka marahang sumilip doon.
"What are you doing?" Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang mukha ni Maxrill Won ang sumalubong sa 'kin!
Ang pilit kong inaabot ay nasa harap mismo ng pinto, naroon siya sa kabilang gawi, sa pader at nakasandal. Ang kanang kamay niya ay nasa bulsa habang ang kaliwa ay may hawak na nakatuping damit. Nakakunot ang noo niya at bahagyang nakayuko sa akin.
Umawang ang labi ko, magsasalita na sana. Nanliit ang mga mata niya, hinihintay ang sasabihin ko. Pero sa halip na magpaliwanag ay marahas akong bumuntong-hininga at hinablot ang kaniyang hawak. Dali-dali kong isinarang muli ang pinto matapos no'n.
Nayakap ko sa dibdib ang damit habang habol ang hininga. Nang makabawi ay saka ko niyuko ang door knob. Sumama ang mukha ko nang hindi maintindihan kung paanong ila-lock iyon. Kakaiba 'yon sa door knobs ng pinto sa bahay namin. Mahaba ang tangkay niyon at may bilog na pinipihit sa ilalim. Pinihit ko iyon pakaliwa, nakangang pinakiramdaman kung nag-lock iyon. Mukhang nagtagumpay ako.
Gano'n na lang kalalim ang buntong-hininga ko nang tingnan ang pintong nakasara na. Sigurado na akong hindi siya makapapasok.
Saka ko tiningnan ang white cotton dress na binigay niya. Napangiti ako dahil mahaba iyon, siguradong lalampas sa mga tuhod ko. Pero nawala ang ngiti ko nang makitang bukod sa manipis ay wala iyong manggas.
Pero hindi ako maaaring magreklamo, nakikituloy lang ako. Bukod do'n ay pasalamat na lang ako na may naipahiram siya. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit pumayag si nanay na makituloy kami. Gaya noong minsan na umuwing lasing si Bree, hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako.
Bata pa lang si Bree ay paulit-ulit niya na itong sinasabihang huwag makikitulog sa ibang bahay. Kung may kailangang gawin sa bahay ng kaeskuwela, magsabi lang siya at susunduin siya ni nanay anumang oras.
Pumasok ako sa bathroom at muling namangha. Ngayon ko lang lubusang nalibot ang kabuuan niyon. Simple at iilan lang ang mga kagamitan ngunit humihiyaw sa karangyaan. Ang pinto ay gawa sa mamahaling kahoy, kulay itim at may mga gintong siradura. Kung hindi naka-lock ang pinto ng kwarto, paniguradong mamomroblema ako kung paanong ila-lock iyon dahil de-numero. Sa harap ng pinto ang pandalawahang sink na kulay gray at may mahabang salamin sa harap. Kulay itim ang faucet, sa likod ay itim din na machines ng soap, tissue at hand drier. May bidet, kakaibang toilet bowl, kakaibang hugis ng bath tub at shower room. May single sofa pero malapad iyon, paniguradong kakasya kaming mahiga ni Bree doon. Sa tabi niyon ay magazine stand na agad kong nilapitan. Matapos makita ang isa sa mga edition na si Maxrill Won ang nasa cover photo.
"Wow..." nausal ko sa pagkamangha.
Pero dahil sa ibang lenggwahe nakasulat iyon, iba't ibang letra, wala akong naintindihan bukod sa petsa. May kalumaan na kaya mas bata siyang tingnan doon kaysa ngayon. Malinis ang ayos ng kaniyang buhok, nakaayos pataas. Nakasuot siya ng puting damit sa loob na natatakpan ang kaniyang leeg at itim na coat. May kumikinang na earrings at mayabang ang pagkakangiti bagaman matalim ang titig. Gano'n ang kuha niya sa magazine na 'yon.
Napatitig ako sa mga mata niya, habang ang isip ko ay naaalala ang totoong paraan ng pagtitig niya. Napatitig ako sa mga kilay niya at muling inalala sa isip ang magulong kilay niya. Napatitig ako sa matangos niyang ilong at napangiti sa alaalang nasasagi ko 'yon. Napatitig ako sa mapupula niyang labi at napigil ang hininga nang maalala ang pakiramdam niyon.
Nakagat ko ang aking labi at parang sira na niyakap ang magazine. Ngayon lang ako naapektuhan ng isang larawan. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko na halos kantyawan ko ang sarili kong kahihiyan.
Ibinalik ko nang maayos 'yon sa lalagyan saka sinimulang hubarin ang aking suot. Pero halos magkandahilo ako sa kalilingon sa sariling likuran mula sa salamin, kahahanap sa butones niyon sa batok ko. Gano'n na lang ang paghahabol ko sa hininga bago tuluyang mahubad ang ipinahiram na damit ni Bree.
Muli kong naalala ang nangyari kanina nang tuluyang maalis ang lahat sa 'kin. Nahihiya akong tumitig sa sarili mula sa salamin saka maiiyak na nagtakip ng mukha. Buong buhay ko, alam kong kanina ko lang naramdaman 'yon. Oo nga't hindi na ako bata pero...bakit pakiramdam ko ay hindi pa sapat ang edad ko para makaramdam nang gano'n? At...bakit ko naramdaman 'yon?
Sa iksi ng damit ko, hindi ko naisip na ang damit panloob ko at pantalon ni Maxrill Won na lang ang humaharang sa mga balat namin.
Napigil ko ang hininga habang nakatitig sa sarili at saka nagbaba ng tingin doon. Titigan ko ang sarili sa salamin, nangangatal man ang mga kamay ay marahan kong hinawakan ang parteng tinutukoy ni Maxrill. Nakagat ko ang sariling labi nang maramdaman ang basang sinasabi niya. Nag-init ang mukha ko at nahihiyang pumasok sa shower room!
Dainty! Gusto kong pagalitan ang sarili ko. Aaminin kong wala akong ekperyensya at literal na wala akong kaalam-alam doon. Pero nang sandaling 'yon, pakiramdam ko ang nagbibigay ng kaalaman sa 'kin. Parang may sariling isip ang katawan ko para sabihin nito ang gusto nitong gawin.
Dali-dali kong in-on ang shower at hinayaan ang tubig na umagos mula sa ulunan ko. Kulang na kulang ang lamig ng tubig para mabawasan ang pag-iinit ng mukha ko sa kahihiyan. Tuloy ay gano'n na lang lalo kabagal ang pagkilos ko. Bukod sa sandaling inaalam ko kung paanong pagaganahin ang mga bagay-bagay sa banyong 'yon.
Nang matapos naman, kahit sa paghahanap sa towel ay mabagal ako, lalo na sa pagtutuyo ng sarili. Napangiti ako nang makitang kompleto sa gamit si Maxrill Won. Mula sa mga bagong sepilyo, meron siyang pulbos at lotion. Gustuhin ko mang magpaalam muna ay ginamit ko na ang mga 'yon at naisip na bukas na lang ipapaalam.
Pero tuluyan akong natigilan nang muling balikan ang damit na pinahiram niya. Kahit anong bulatlat ko ro'n ay may kulang.
Natutop ko ng palad ang bibig nang maisip na walang damit panloob iyon. Talagang iyong cotton night dress lang ang binigay niya at walang panty! Nakagat ko ang daliri ko sa matinding pag-iisip. Paano ko ngayon sasabihin sa kaniya 'yon? Kabado kong nilingon ang pinaghubarang gamit, hindi ko na maaaring gamitin uli ang mga 'yon. At ang tanging solusyon na naisip ko ay labhan ang panloob na gamit ko kanina at hintayin na lang matuyo 'yon.
Matutulog naman na ako kaya...ayos lang na wala nito. Bukas ko na lang ito gagamitin. Hindi na yata ako lulubayan pa ng kahihiyan sa katawan. Mabuti na lang at masyadong mabango ang soap ni Maxrill Won, halos mag-amoy ginamitan ng fabric conditioner ang nilabhan ko. Sandali akong namroblema kung saan isasampay iyon kaya gano'n katagal bago ako nakalabas mula sa banyo.
Ngunit napatalon muli ako sa gulat nang mapanood si Maxrill Won na tumuloy, nagtutuyo ng buhok gamit ang itim na towel na halos humarang sa mukha niya. Nakasuot siya nang may kaluwangang itim na shirt at halos mahuhubo nang puti na pants.
"Your mom wants to talk to you," aniyang hinawi ang towel at nagugulat na tumitig sa 'kin.
Nakita ko siyang matigilan nang tumama ang paningin niya sa mismong dibdib ko! Nagmamadali niyang sinalubong ang tingin ko nang maramdaman ang sariling gulat! Sa oras na ito ay nasisiguro kong pulang pula na ako sa kahihiyan. Pero wala akong nagawa nang iabot niya ang cellphone sa akin.
Ano ba, Dainty? Gusto ko nang maiyak pero hindi pwede 'yon sapagkat nasa kabilang linya si nanay. Gusto ko ring tanungin kung bakit kay Maxrill Won siya tumawag gayong may cellphone naman ako. Lalong gusto kong malaman kung paanong nakapasok si Maxrill Won gayong ini-lock ko ang pinto.
"'Nay?" Sinikap kong maging kaswal sa pananalita. Ayaw kong maramdaman ni nanay ang halo-halong pakiramdam ko ng sandaling iyon. Kahihiyan, kaba, alinlangan, inis at iba pa.
"Dainty, tumatawag ang kuya mo sa 'yo, hindi ka sumasagot? Ang sabi ni Maxrill Won ay nariyan ka sa kaniyang kwarto kaya hindi niya rin sigurado kung ano'ng ginagawa mo."
"Pasensya na po, 'nay, nakiligo po kasi ako."
"Ayos ka lang ba diyan?"
"Opo," nagsalubong ang tingin namin ni Maxrill Won, mukhang maging siya ay naiilang kaya tumagilid siya at nag-iwas ng tingin sa 'kin. "Ayos lang po ako."
"Pasensya ka na. Hindi ka naman pababayaan ni Maxrill diyan, sigurado ako."
"Inasikaso niya naman po ako, 'nay." Muli kong tiningnan si Maxrill Won.
Lumingon siya sa 'kin dahilan para magtama ang paningin namin. Bumaba ang paningin ko sa mapupulang labi niya at napigil ang sarili kong hininga. Magkakasunod akong lumunok nang basain niya ang gilid ng kaniyang labi at marahang kagatin. Nasalubong ko ang tingin niya at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang pagkunutan niya ako ng noo.
"What?" walang tinig niyang tanong.
"Ayos lang ba 'yon, Dainty?" Hindi ko nadinig ang naunang sinabi ni nanay kung meron man. Iyon lang ang tanging naintindihan ko.
"Po?" lutang kong sagot, ang paningin ay muling tumama kay Maxrill Won. Pinagkunutan niya na naman ako ng noo at saka humakbang papalapit sa 'kin. Siya naman ang pinandilatan ko. "Pwede po bang p-pakiulit ang sinabi ninyo, 'nay?"
Pero hindi nasindak sa masamang tingin ko si Maxrill Won. Tuluyan siyang humakbang papalapit at maingat na hinapit papalapit ang bewang ko. Yumuko siya at inilapit ang mukha at labi sa akin na akmang hahalikan ako. Ngunit huminto siya sa paraang malalanghap namin ang hininga ng isa't isa. At nasisiguro kong magbabanggaan ang labi naming dalawa oras na may magsalita.
Bumuntong-hininga sa kabilang linya si nanay. "Ang sabi ko, doon na makikituloy sina Bree at Kev sa bahay ng mga Echavez dahil nalasing daw ang mga kapatid mo."
"'Nay naman?" Nangyari nga ang naisip ko, nagdampian ang labi namin ni Maxrill Won nang magsalita ako.
Ngunit hindi ko alam kung kanino magagalit, kay Maxrill Won o sa sarili ko? Dahil una sa lahat, alam kong kaya kong lumayo, pero bakit hindi ko maikilos ang katawan ko? Hinayaan kong manatili kami sa ganoong pwesto.
"Hayaan mo, pakikiusapan ko na lang si Maxrill Won," dagdag ni nanay.
"Pwede naman po akong umuwi, 'nay. Maaari naman po akong ihatid diyan ni Maxrill Won, hindi ba, Maxrill Won?"
Tuluyang dinampian ng halik ni Maxrill Won ang labi ko matapos sabihin 'yon. Gustuhin ko mang bawasan ang sinasabi, ayaw kong magpahalata kay nanay. At gano'n na lang kahirap ang pakikipag-usap ko ngayon dahil kay Maxrill Won! Hindi ko siya pwedeng pagalitan, maririnig ni nanay. Pero alam ko sa sarili kong lahat 'yon ay magagawa ko, kung hindi ko gusto ang kaniyang ginagawa.
"Dainty, hindi naman kita ipakikiusap na makituloy kung walang problema." Hindi ko inaasahan ang sagot ni nanay. Natigilan ako at tuluyang lumayo kay Maxrill Won.
"Ano po'ng nangyari?"
"Nakita no'ng driver nina Rhumzell na may nakasunod sa inyo kanina. Bukod do'n ay napansin ng guard nila na may nagmamasid sa labas ng kanilang bahay. Inamin din sa 'kin ni Rhumzell ang nangyari no'ng date ninyo. Dainty..."
Nakikiusap na agad ang tinig ni nanay, wala pa mang nasasabi.
"Maaari ba'ng makinig ka na lang muna kay nanay? Diyan ka na muna kina Maxrill Won. Kahit sa gabing ito lang."
Nag-aalala akong humugot ng hininga. "Ayos lang po ba kayo diyan ni tatay?"
"Ayos lang kami ng tatay mo, huwag kang mag-alala."
"Ayos lang po ba kami ni Maxrill Won dito? Hindi po ba kami mapupuntahan dito?"
"Hindi."
"Paano po sina Bree at kuya?" nagsisimula nang tumindi ang kaba ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang sundan kami ng ginoong 'yon. Sa mga sinasabi ni nanay ngayon, nasisiguro kong may plano na siya rito. Sa tono ng pananalita niya, imbes na mag-alala ay naniniguro pa. Na bilang ina ay mas alam talaga niya ang tama at dapat na gawin.
"'Nay...natatakot na po ako."
"Hindi ka pababayaan ni Maxrill Won diyan, huwag kang mag-alala. Isa pa, napakarami nilang tauhan."
"Si Aling Nenita lang po ang kasama namin dito, 'nay," pag-amin ko, nakangusong sinalubong ng tingin si Maxrill.
Ngumisi siya sa 'kin at kinuha ang libreng kamay ko. Inilagay niya ang towel doon at kamay ko ang ginamit niyang pampunas sa kaniyang buhok.
"Maraming tauhan ang mga Moon, Dainty," buntong-hininga ni nanay. "Pero hindi gwardiya ang mga 'yon na makikita mo sa basta. Nagtatago sa dilim ang mga 'yon, maniwala ka."
Umawang ang labi ko, hindi maintindihan ang sinasabi niya. "Marami ba kayong tauhan, Maxrill Won?" wala sa sarili kong naitanong.
Pinagpatuloy niya ang ginagawa. "Yeah, they're outside. Want me to call them here?"
Umiling ako at bumuntong-hininga. "Sige po, 'nay."
"Susunduin ko na lamang kayo bukas."
"Maaari naman po kaming magpahatid kay Maxrill Won." Sinalubong kong muli ang tingin niya, nakangiwi siyang tumango.
"Or she can stay here forever," halakhak ni Maxrill Won.
Na hindi ko inaasahang sasabayan din ni nanay. "Pumoporma na naman 'yang manok ko."
"'Nay?!"
"Siya, sige, magpahinga ka na. Kakausapin ko muna iyang si Maxrill Won mo."
"Nanay naman, eh..."
"Tsk, tumigil ka sa kagaganyan mo, hindi ka na bata. Ganyang edad mo ay nag-asawa na sana ako kung hindi lang...hindi bale na nga! Ibigay mo na kay Maxrill Won ang telepono."
"Mag-iingat po ako, nanay."
"Huwag kang magpagutom."
Pumihit ako sa aking tagiliran saka bumulong. "Marami pong pagkain sa ref nina Maxrill Won, hihihi."
"I heard that," ani Maxrill Won.
Gano'n na lang ang gulat ko nang masalubong ko na naman ang mukha niyang halos ngumudngod sa 'kin. Tinitigan niya ako nang gano'n kalapit!
"Ibigay mo na kay Maxrill Won," muling utos ni nanay.
"Opo, 'nay," masama ang tingin ko kay Maxrill nang sabihin 'yon. "Good night po, 'nay." Saka ko inis na inabot ang cellphone sa kaniya.
"Yeah, Heurt?" Hindi kumilos papalayo si Maxrill Won! Wala yata siyang pakialam kung mangalay ang kaniyang likuran sa pagkakayuko sa akin. Nanatili siyang nakatitig, pinanliliitan ako ng mga mata habang kausap si nanay sa kabilang linya. "Whatever. Do whatever you want."
Pinandilatan ko siya. "'Wag mo ngang sagutin ng ganyan ang nanay ko?"
Ngumisi si Maxrill Won. "She's mad," kwento niya kay nanay, ako ang tinutukoy. "I'll let her sleep in my room, I'll stay in Maxpein's room. Don't worry. Yeah, no worries,"aniyang umayos ng tayo at sumulyap na lang uli sa 'kin. "All right, bye."
Nagkatitigan kaming dalawa. Pinagkrus niya ang mga braso nang hindi kinakalas ang magkapako naming mga mata.
"Ano?" inis kong tanong, bumibilis ang paghinga.
"Ano?" ginaya niya ang aking tono.
Lalo akong nainis. "Bakit ka nakapasok dito?"
"Baby, this is my room."
Baby? "Anong baby?"
"Hmm?" nag-isip siya. "Honey?"
"Anong honey?" talagang naiinis na ako.
"Babe?"
"Ano ba'ng sinasabi mo?"
"All right, angel?"
Nanliit ang paningin ko. "Angel mo, mukha mo."Patungkol ko sa pangalan ng ibang babae.
"In my country, it's the most common endearment, baby."
"'Yong angel?"
"'Yong baby." Nauubos na ang pasensya niya.
"Ayaw ko 'yon."
"What do you want, then?"
"'Yong..." nag-isip naman ako. "Sige na nga, 'yong una na lang."
Nagugulat siyang tumitig sa 'kin saka natawa. Lumapit siya at walang iniwang distansya sa pagitan namin. Nanlaki ang mga mata ko nang magdikit ang katawan namin, napalunok ako nang maramdaman ko ang dibdib niya. Napalayo ako ngunit hindi na nakailag pa nang saluhin niya ang likuran ko at salubungin muli ang aking mukha.
"You forgot something," ngayon lang ako nakalanghap ng toothpaste mula sa bibig ng iba.
Nang sandaling 'yon ay alam ko agad ang tinutukoy niya. "Oo nga," alinlangan kong tugon.
"You dropped it outside," halos pabulong niyang sagot.
Napalunok ako. "Akin na," pabulong ko ring sagot.
Natigilan siya at napatitig sa 'kin. Pareho naming habol ang hininga gayong wala naman kaming ginawa. Para bang naubos ang aming lakas gayong bumubulong lang naman kami sa isa't isa.
Binitiwan niya ako at dumukot sa kaniyang bulsa. Nag-iwas siya ng tingin saka inabot 'yon sa 'kin. "Here."
Nag-alinlangan man ay tinanggap ko 'yon. "Isusuot ko 'to?" wala sa sariling tanong ko, ang tinutukoy ay kung kakasya ba sa 'kin 'yon.
Nagugulat niya akong nilingon, kinakapa ang pagkakaintindi sa tanong ko. Umawang ang labi niya ngunit hindi agad nakapagsalita. Naguguluhan siyang umiling at muling nag-iwas ng tingin.
"Pwede rin namang hindi," mahinang sagot niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano? Pwede ba naman 'yon?"
Naguguluhan niya na naman akong nilingon at matagal na tinitigan, pareho kaming naguguluhan sa sagot at tanong ng isa't isa.
"Of course," napapalunok na sagot niya saka muling nag-iwas ng tingin.
Nang hindi ako makapagsalita ay muli niya akong nilingon. Nagkatitigan na naman kami at parehong mabilis ang paghinga gayong wala namang ginagawa. Titig na pareho naming kinaiilangan pero pareho ring hindi mabitiwan. Pareho kaming titingin sa mata ng isa't isa, sabay ring bababa sa labi ng isa't isa saka muling magsasalubong ang mga mata.
Gano'n na lang kabilis ang kaba ko pero kakatwang natatagalan ko. Ang isang parte ng isip ko ay sinasabing hawak ko ang dapat na suot ko. Pero ang katawan ko ay hindi makakilos sa alam kong dapat kong gawin.
Umawang ang labi ko at magsasalita na sana, tuluyan niya akong hinarap at handang makinig. Ngunit walang lumabas na salita sa aking bibig. Sa halip ay naitikom ko uli 'yon saka ako magkakasunod na lumunok.
"Dainty," pabulong na tawag niya.
Minsan pa 'kong napalunok. "Ha?"
"I..." nakita ko rin siyang lumunok.
Umawang ang labi ko, naghihintay. Ngunit hindi agad niya 'yon nasundan kaya napilitan akong magsalita. "Ano 'yon, Maxrill Won?" kabado kong tanong.
Muli siyang tumitig sa 'kin. Umawang uli ang kaniyang labi pero walang lumabas na salita. Napalunok siya at umiiling na nag-iwas ng tingin.
"Nothing," mahinang aniya saka ako tinalikuran.
Pakiramdam ko ay noon lang ako nakahinga. Hinabol ko siya ng tingin at kahit ayaw kong aminin, ang hirap itanggi ang panghihinayang na bumalot sa puso ko. Na maging nang sandaling hawakan niya ang siradura ay susubukan ko pa sanang magsalita. Mabuti at napigilan ko.
Tinalikuran ko na siya at babalik na sana ako sa banyo pero nanghihinayang ko uli siyang nilingon.
Ano ba'ng gusto mo, Dainty? Ano'ng inaasahan mong gagawin niya?
Gusto ko na namang magalit sa sarili ko dahil alam ko na gusto kong bumalik siya. Gusto kong ituloy niya 'yong sasabihin niya. Gusto kong manatili pa siya ro'n. Gusto ko pa siyang makausap. Gusto ko pa siyang makasama.
Gusto kong... Napabuntong-hininga at napapikit ako sa inis sa sarili. Nagmulat ako at awtomatikong natigilan nang makita siyang naglalakad pabalik sa akin.
"Maxrill Won..." usal ko ngunit sa sobrang hina ay hindi niya narinig panigurado.
"Dainty Arabelle," 'ayun na naman 'yong alinlangan niya. "Damn it," bulong niya sabay ginulo ang kaniyang buhok.
Umatras siya at tumalikod. Pero muling bumalik, kagat na ang kaniyang labi. Guguluhin niya ang kaniyang buhok saka muling aatras. Muling tatalikod pero haharap din pabalik.
"I want to kiss you," nakababa ang tinging aniya.
Tumayo uli siya sa harap ko. Sandali siyang natahimik at saka muling nag-angat ng tingin sa 'kin. Humugot siya nang malalim na hininga saka nagpatuloy. "But I'm afraid na..."sumulyap siya doon saka muling sinalubong ang tingin ko. Mahihimigan ang tindi ng kaba sa tinig niya. "Baka maulit,"gano'n na lang kahina ang boses niya.
"Okay lang," bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay naisagot ko na 'yon.
Umawang ang labi niya at nalilitong tumitig sa 'kin. Hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko. Kaninang kausap ko si nanay ay ang lakas ng loob niyang halikan ako. Ngayong dadalawa lang kami ay nakikita at nararamdaman ko ang kaba niya.
"Okay lang?" seryoso nang tanong niya.
Napamaang ako at kunot-noong umiling. "Ano...ibig kong sabihin..."
Natigil ako sa sinasabi nang lumapit siya nang walang iniiwang distansya. Napalunok ako nang maramdaman namin ang katawan ng isa't isa.
Napakurap ako at lakas-loob na sinalubong ang tingin niya. "Oo."
Nagpapalit-palit sa magkabilang mata ko ang paningin niya, nalilito, nagtatanong, naninigurado. Para bang hindi niya talaga inaasahan ang sagot ko kaya gano'n na lang ang gulat niya.
Saka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko at inangat ang mukha ko sa kaniya. Kinuha niya ang kamay ko nang hindi inaalis ang paningin sa akin. Saka kinuha ang panty na binigay niya sa 'kin kanina at tinapon!
"Maxrill Won," pinandilatan ko siya.
Pero sa halip ay humigpit ang hawak niya sa mga pisngi ko at nakapikit na inilapit ang mukha sa akin. Ramdam ko ang pananabik niya gayong kanina lang ay magkadaop ang mga labi namin. Sinakop niya ang ibabang labi ko at maingat na binuksan ang bibig ko.
Humigpit ang hawak ko sa kaniyang mga braso nang ang maingat at banayad na halik niya ay lumalim nang lumalim.
Bumaba ang mga kamay niya papunta sa leeg ko at gano'n kabilis na napunta sa mga balikat ko. Dumausdos pababa sa aking mga braso na nagdulot ng kiliti mula sa aking batok hanggang sa likod. Humakbang siya papalapit dahilan para mapaatras ako. Nagpatuloy 'yon hanggang sa makalapit kami sa kama. Maingat niya akong inihiga nang hindi binibitiwan ang labi ko.
Napapalunok kong iniharang ang mga braso ko sa pagitan namin, sa dibdib ko mismo. Pero masyado siyang abala sa pagsakop sa labi ko na hindi niya 'yon nagawang pansinin. Kung kanina ay mas malalim na ang halik niya, ngayon ay mas lumalim pa. Na halos wala na akong naiganting halik, dahil siya na lahat ang kumilos.
Binitiwan niya ang labi ko bago pa kami kapusing pareho ng hininga. Ngunit ang halik niya ay hindi huminto ro'n dahil bumaba 'yon sa pisngi ko hanggang sa panga at dumausdos pa sa leeg ko.
Napamulat ako ngunit agad na naliyo sa pakiramdam niyon. Paulit-ulit niya 'yong ginawa, at gano'n na lang kariin ang pagkakakagat ko sa aking labi para mapigilan ang sariling gumawa ng ingay.
"Maxrill Won..." daing ko.
Hindi ko gustong pigilan siya, basta na lang 'yon lumabas sa bibig ko. Inaasahan ko ay hihinto siya, inaakalang tinatawag ko siya. Pero hindi gano'n ang nangyari dahil sa halip ay mas dumiin ang paghalik niya. Dahilan para mapalitan nang kakaibang ungol ang kanina ay isa lamang daing.
Pareho naming habol ang hininga nang titigan muli ang isa't isa. Kagat ko ang labi ko habang tinitigan ang labi niya.
"You're so wet," natatawang bulong niya saka ibinaon ang mukha sa tenga ko. Ramdam ko ang pagpipigil niyang idagan ang sarili sa katawan ko.
Nag-init ang mukha ko sa kahihiyan halos magsugat ang labi ko sa diin ng aking pagkakakagat. Hindi ako nakasagot agad. "Sorry," maiiyak nang sabi ko.
"It's okay," bulong niya saka hinalikan ang tenga ko. "I like it."
"H-Ha?" kabado kong tugon.
"Do you want me to touch it?" halos bulong niya.
Umawang ang labi ko, naghabulan ang kaba sa dibdib ko. Kung iyong halik pa lang ay gano'n na ang reaksyon ng katawan ko. Ano na lang kapag nangyari ang kaniyang alok? Ang isipin pa lang ang tanong niya ay parang hihiwalay na ang kaluluwa ko sa aking katawan. Paano ko iyong makakayanan?
Humugot ko siya ng hininga sa aking tainga, na nagsilbing kiliti hindi lang sa pandinig kung hindi sa buong katawan ko.
"I'm waiting, Dainty..."
Hindi ko kinayang magsalita at ang tanging naitugon ko ay tango. Marahan siyang bumangon at tumitig sa 'kin, 'ayun na naman ang nagtatanong, nalilito, kabado niyang titig na parang hinihingi ang kasiguraduhan ko.
Halos umangat ang dibdib ko sa kaba. "N-Natatakot ako," sabi ko saka ibinaon sa balikat niya ang mukha ko.
"Okay," aniyang hinaplos ang buhok ko. "I will not do anything. I promise," bulong niya saka nahiga sa tabi ko.
Natulala ako sa dibdib niya. Alam ko kung paanong pinalatan ng panghihinayang ang lahat ng makamundong pakiramdam na nasa katawan ko. Pero dahil hindi humuhupa ang kaba sa dibdib ko, nasisiguro kong iyon ang tamang mangyari.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top