CHAPTER 33


CHAPTER 33

PUMASOK SI Rhumzell at sinalubong ako. Hinawakan niya ang parehong pisngi ko saka tiningnan nang deretso.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Masyado akong binalot ng takot na hindi ko nagawang magsalita agad.

"Nagulat ako pero ayos lang ako, Rhumzelle,"nagbaba ako ng tingin.

Hindi niya binitiwan ang mukha ko. "I'm so sorry, Dainty." Muli siyang lumingon sa labas. Sa bilis ng paghinga ni Rhumzell, mukhang gano'n na lang katindi ang pag-aalala niya.

"Dapat hindi ka lumalabas nang gano'n, Rhumzell."Kunot-noo kong sabi matapos maalala ang ginawa niya. Sa isang iglap kasi ay kaharap niya na ang lalaking 'yon.

Muli kong inalala ang lalaki at napalingon din sa labas. Hindi ako pwedeng magkamali, nakita ko na siya sa Palawan. Iba man sa suot niya, sigurado akong siya 'yong kasama ni Kuya Montrell na lumapit sa akin noon. Na hindi ko maintindihan kung bakit parang naiinis si Maxrill sa kanila.

"Umuwi na tayo," bigla ay yaya ni Rhumzell.

Nanghihinayang kong nilingon ang in-order namin na mukhang nakuha niya. Natawa siya at kinuha ang pareho naming drinks.

"Iuwi na lang natin," aniyang iniabot ang drinks ko.

Pina-take out ni Rhumzell ang banana split. Pero dahil matutunaw ang ice cream niyon, napilitan akong kainin habang naglalakad kami papunta sa sasakyan. Hawak ni Rhumzell ang bag ko at drinks namin pero nagawa niya pa rin akong alalayan papasakay sa kotse. Inilagay niya sa lalagyan ang drinks namin na siyang nasa aming gitna.

Ngumiti siya sandali sa 'kin bago lumigid at sumakay sa sasakyan. "Let's go?" minsan pa siyang ngumiti habang nagsusuot ng seatbelt.

"Tara na," gumanti ako ng ngiti.

Binuhay niya ang makina ngunit sabay niyon ay malakas na pagdamba sa katabi kong bintana na sa sobrang lakas ay napatili ako! Natapon ko ang pagkain nang dahil do'n.

Sabay kaming lumingon ni Rhumzell sa bintana! Awtomatiko akong naluha nang makita ang tumatawang mukha ng ginoo na siya ring gumulat sa akin kanina! Napaatras ako sa takot, gumawa nang ingay sa sobrang kaba at takot sa kaniya.

"Siraulo 'to, ah!" nagmamadaling hinubad ni Rhumzell ang seatbelt niya ngunit gano'n kabilis ko rin siyang pinigilan.

"Please, 'wag kang bababa!" naiiyak nang pakiusap ko.

Nagugulat akong tiningnan ni Rhumzell, naghalo ang pag-aalala at galit sa mukha niya. Nag-aalinlangan siyang pakinggan ako, nakahawak na ang kamay niya sa pinto at handa nang bumaba talaga.

Kabado at naluluha man ay nilingon ko ang bintana sa tabi ko pero gano'n na kaseryoso ang lalaking 'yon. Tutok na tutok sa 'kin ang paningin niya dahilan para lalo akong matakot. Para bang hindi niya lang sinusuri ang kabuuan ko, tila may nakikita pa siyang iba sa 'kin bukod do'n. Wala siyang ibang idinulot sa 'kin kung hindi kilabat.

"Moon!" malakas na sinabi ng ginoo saka muling hinampas ang salamin dahilan para mapatalon uli ako sa gulat!

"Fuck!" asik ni Rhumzell saka dali-daling binuksan ang pinto ngunit hinabol ko siya at muling pinigilan.

"Pakiusap, Rhumzell," napahagulgol na ako sa iyak. "N-Natatakot ako, huwag kang bumaba, baka kung ano ang mangyari sa 'yo. Umalis na tayo rito." Magkakasunod na pumatak ang luha ko.

"Fuck you!" dinuro ni Rhumzell ang ginoo at saka pinaandar papalayo ang kaniyang sasakyan. Galit na galit siya, panay ang sulyap sa mga salamin.

Humihikbi kong pinunasan ang mga luha ko at lumingon sa aming pinanggalingan pero hindi ko na nakita ang ginoo ro'n. Dumidilim na, wala akong ibang gusto kung hindi ang makauwi kami.

Nagulat ako nang mag-vibrate ang cellphone ko. Pero sa halip na sagutin iyon ay kinuha ko ang panyo at pinunasan ang natapong pagkain sa palda ko.

"Damn that freak!" asik ni Rhumzell saka dumampot ng tissue at nilahad sa 'kin. "Are you okay?"

Hindi ako nakasagot dahil sa sobrang paghikbi. "Dainty, I'm really sorry."

Umiling ako. "Hindi mo naman kasalanan." Basta ko na lang itinabi sa bag ko ang maruruming tissue at panyo saka umiyak sa nanlalagkit kong mga palad.

"I shouldn't have brought you here, I'm really sorry."Gano'n na lang talaga ang pagsisisi sa boses niya.

"Wala kang kasalanan, Rhumzell, 'wag mong sabihin 'yan," paniniguro ko. Hindi ko talaga siya sinisisi. "Bakit niya ginagawa 'yon?" wala sa sariling tanong ko.

Moon! Tila narinig ko muli sa isip ang sinabi ng ginoo at saka natigilan. Moon...? Ano'ng ibig niyang... Naalala ko si Maxrill Won at napatingin sa bag ko nang huminto ang pag-vibrate ng cellphone doon. Maxrill...

Hinampas ni Rhumzell ang manibela at muling nagmura. Hindi ko naman alam kung ano ang mararamdaman. Masyado akong natatakot para makapag-isip.

"Sinabi niyang Moon..." nasabi ko, tulala at lumuluha.

"Moon? What do you mean?" naguguluhan, galit pa ring ani Rhumzell.

Nilingon ko siya saka napailing. "Si Maxrill Won ang naisip ko."

"Maxrill Won?" lalong nalito si Rhumzell. Umiling siya nang umiling saka bumuntong-hininga nang hindi talaga ako makuha.

"Nakita ko na ang ginoong 'yon sa Palawan, Rhumzell. Hindi ko alam kung bakit siya narito. Kung nagkataon lang ito...bakit..." umiling ako nang umiling. "Bakit niya ginawa 'yon?" Hindi ko talaga maintindihan at para akong mababaliw sa kaiisip nang posibleng dahilan.

"You mean, you knew him?"

Umiling ako. "Nakilala ko siya sa Palawan pero hindi sa pangalan," nalilito ko pa ring sinabi. Hindi ko alam kung paanong ipaliliwanag sa kaniya ang lahat, kung paano kong nakilala ang ginoong 'yon at si Kuya Montrell. Hindi ko alam kung paano kong ipaiintindi na hindi ko rin gano'n kakilala ang mga 'yon, lalo na ang ginoo. Hindi ko maisalin sa tamang salita ang iilang nalalaman ko, masyadong okupado ang isip ko.

"I'm going to tell this to your parents, Dainty. I'm worried and I'm really sorry," sinserong ani Rhumzell. Napalingon ako sa kaniya at nakita ko ang pagsisisi sa kabuuan ng kaniyang mukha.

"Rhumzell, wala ka namang kasalanan. Hindi natin kilala ang lalaking 'yon. Hindi ko alam kung bakit niya ako sinusundan...kung sinusundan man niya ako."

Hindi ko talaga mapigilang maalala 'yong lalaking nakatayo sa tabi ng puno. May nagsasabi sa 'kin na kapareho ng taas at tindig ng ginoo ang aninong nakita ko ro'n. Pero hindi sapat na dahilan 'yon para mapatunayan kong siya rin 'yon. Nakakabaliw talaga ang mag-isip, nananakit ang ulo ko.

Nasapo ko ang mukha at muling naiyak, hindi ko na alam ang dapat maramdaman, naghahalo-halo ang lahat sa dibdib at isip ko.

Kung hindi ko namalayan ang pagdating sa pinuntahan namin kanina, lalong hindi ko naramdamang nakauwi na kami. Namalayan ko na lang ay inaalalayan na akong makababa ng sasakyan ni Rhumzell.

"Dainty," hinawi niya ang buhok ko at inilagay sa likod ng aking tenga. Napailing ako pero huli na para mapigilan siya. "I know you're still in shock but...I really hope you're okay."

Napabuntong-hininga si Rhumzell, ang takot ay nakaguhit sa buong mukha niya. Alam kong hindi lang siya nag-aalala para sa akin, natatakot din siya sa sasabihin ng mga magulang ko kapag nalaman ang tungkol dito.

"'Wag na lang muna nating sabihin kina nanay ang nangyari," maging ako ay nag-aalala.

"What? Kailangan nating sabihin, Dainty. What if magpakita ulit 'yong lalaking 'yon sa 'yo? I'm really worried about you, Dainty."

Napailing ako. "Kapag nalaman ni nanay ang tungkol dito ay baka...samahan na ako no'n pumasok araw-araw," nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko. "Maaabala ko siya at hindi niya maaasikaso si tatay. Kapag nalaman naman ni tatay, nasisiguro kong magse-self-pity siya dahil wala siyang magagawa para sa 'kin. Lahat ay iaasa na naman namin kay nanay."

Hindi ko ugaling magsabi agad ng damdamin ko. Kung gagawin ko man 'yon ay siguradong sa mga kapatid at magulang ko muna. Nagawa kong magsabi nang gano'n kay Rhumzell ngayon dahil sa matinding takot. Pero 'yon din talaga ang iniisip ko at hindi malabong mangyari ang sinasabi ko.

Iba mag-alala si Nanay Heurt. Nasisiguro kong hindi siya matatahimik at babantayan ang bawat kilos ko. Kapag nangyari 'yon, mapupunta sa akin ang buo niyang atensyon na hindi lang ako ang nangangailangan sa ngayon. Higit na siyang kailangan ni tatay. Alam ko ang pakiramdam nang walang kakayahan, gaya ni tatay. Nanggaling din ako ro'n. Mahirap 'yong naratay ka nang magdamag sa kama at maghintay sa maghapon na mapakain, mapainom, magbawas at mapaliguan. Kung ako ang tatanungin ay ayaw ko nang maramdaman uli 'yon. Kaya ayaw kong maramdaman ni tatay 'yon kung sakaling mangyari ang naiisip ko.

"Please, Rhumzell," pakiusap ko.

Hinawakan ko ang kamay niya saka ko sinalubong ang kaniyang tingin. Nagugulat siyang nagbaba sa magkahawak na kamay namin saka ako tiningnan sa mga mata.

"Ngayon lang ako makikiusap sa 'yo," dagdag ko.

"Nakauwi na pala kayo, Ate Dainty." Pareho kaming nagulat nang mangibabaw ang tinig ni Bree mula sa aming likuran.

Awtomatiko kong nabitiwan ang kamay ni Rhumzell pero huli na dahil naro'n na ang paningin ni Bree nang malingunan ko. Napabuntong-hininga ang kapatid ko saka ngumiti.

"Nag-enjoy ba kayo ni Rhumzell, ate? Nabusog ka?"Maganda ang ngiti ni Bree nang itanong 'yon pero ang pait ay umabot sa panlasa ko.

"Oo," nauutal kong sagot, palihim na sinulyapan si Rhumzell. "Kumain ka na ba?"

Pinigilan ko ang panginginig ng tinig ko pero mukhang hindi nakaligtas 'yon sa kapatid ko. Sandali niyang ipinagtaka ang takot na naipapakita ko.

"Ayos ka lang, ate?"

"Oo, Bree, napagod lang ako," sinikap kong ngumiti.

Tumango siya. "Salamat sa paghatid kay Ate Dainty, Rhumzell," ngiti ni Bree.

"Walang anuman, Bree," maging ang boses ni Rhumzell ay hindi maipaliwanag.

Kung kay Bree pa lang ay ganito na kami, paano pa kung ang kaharap na namin ay si nanay? Nasisiguro kong mahuhulaan agad niya ang sitwasyon.

"Halika na, ate?" anyaya ni Bree.

Tumango ako saka muling hinarap si Rhumzell. Ang alinlangan ay naro'n sa mukha niya, tila nalilito pa rin kung tama ba ang desisyon kong huwag magsabi gayong ang tama ay ipaalam sa aking mga magulang. Pero desidido ako at gusto kong panindigan ang desisyon ko.

"Salamat ulit, Rhumzell," talagang nanginginig ang tinig ko. Tumikhim ako nang paulit-ulit para maitago ang aking kaba.

"Salamat din, Dainty," parang natutulala si Rhumzell. "Mauuna na 'ko, Dainty, Bree," bitin ang kaniyang ngiti, hindi gaya no'ng mga nakaraang inihahatid niya kami.

"Inaasikaso ni nanay si tatay," ani Bree. "Ako na lang ang magsasabing inihatid mo si Ate Dainty. Salamat, Rhumzell."

"Salamat," gaya ko, lutang na talaga si Rhumzell.

Maging ang pagkaway at pagtalikod niya sa 'min, tila naiwan sa ere ang kaniyang isip. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala para sa kaniya. Malapit lang naman ang The Venice, kung saan sila nakatira. Pero kung nakarating sa Laguna ang ginoo na 'yon, hindi malabong masundan siya nito.

"Rhumzell!" muling pagtawag ko, bago pa man siya sumakay sa sasakyan.

Lutang niya akong nilingon. "Dainty?"

"T-Tawagan mo 'ko kapag nakauwi ka na."

Matagal siyang tumitig sa akin saka ngumiti. "I will."

"Ingat ka!" pahabol ko pa.

Tuluyan nang gumanda ang ngiti niya. "Thank you."

Hindi ako umalis sa kinatatayuan hangga't hindi nawawala sa aking paningin ang kaniyang sasakyan. Panay ang paghiling ko sa isip na sana ay makauwi siya nang ligtas. Naisip kong hindi muna ako maliligo hangga't hindi nakatatanggap ng tawag mula sa kaniya.

Walang emosyong mukha ni Bree ang sumalubong sa 'kin nang harapin ko siya. Wala na ang sasakyan ni Rhumzell at sasabayan ko na sana siya papasok. Bumuntong-hininga ang kapatid ko saka pilit na ngumiti.

"Tara na, ate," anyaya ni Bree saka ako inalalayan sa likuran.

Kaya ko naman nang maglakad nang mag-isa. Maganda na rin ang balanse ko dahil nasasanay na. Pero ito 'yong mga kilos nila na hindi ko pagsasawaang maramdaman, ang pag-alalay at pag-aalaga sa akin. Ngunit dahil sa ekspresyon sa mukha ni Bree, parang may kakaiba sa pakiramdam niyon ngayon. Hindi ko alam kung dala pa ba ng pag-aalala at pag-aalaga ang pag-alalay niya o dahil isa na 'yong responsibilidad para sa kaniya. Na kahit ayaw niyang gawin, kailangan. Dahil kung hindi niya gagawin, sa huli ay siya ang mapagagalitan.

"Salamat, Bree," sabi ko nang makapasok kami sa loob.

Nakita ko nang suyurin ni Bree ng tingin ang mukha ko saka ngumiti. "Masaya ako na masaya ka, ate."

Hindi ko inaasahang makatatanggap nang gano'n kalalim na sagot sa simpleng pasasalamat ko. Ramdam ko ang sinseridad niya, ginantihan ko siya ng ngiti nang dahil do'n. Pero mas nangibabaw ang lungkot sa kaniyang tinig at binabagabag ako no'n.

"Ayos ka lang ba, Bree?" hindi ko napigilang itanong.

'Ayun na naman ang pilit na ngiti niya saka tumango. "Mag-shower ka na, ate, para makapagpahinga ka nang maaga."

"Ano..." ibinaba ko ang mga gamit ko sa saka naupo sa sala. "Hihintayin ko muna ang tawag ni Rhumzell. Gusto kong malaman kung nakauwi na siya." Sinabi ko 'yon habang kinukuha ang cellphone sa bag ko.

"Bakit mo"

"Hala, tumatawag na naman si Maxrill Won," nasabi ko, dahilan para hindi maituloy ni Bree Anabelle ang sasabihin. "Pasensya na, Bree, sasagutin ko lang ang tawag niya."

Awtomatiko akong tumayo at lumabas ngunit natigilan nang tumama sa gate ang paningin ko. Nag-aalinlangan akong bumalik sa loob at nakita si Bree na papasok na sa aming kwarto. Naupo na lang ako sa sala at saka sinagot ang tawag ni Maxrill Won.

"Hello?"

Walang kasinlalim ang buntong-hininga ni Maxrill Won sa kabilang linya. "Where have you been? I've been calling you, Dainty Arabelle." Akala ko ay maninigaw na naman siya pero walang kasinlambing ngayon ang boses niya. Nag-alala ba siya?

"Pasensya ka na, Maxrill Won."

May kung ano sa 'kin na gustong sabihin sa kaniya ang totoong nangyari. Hindi gaya ng pag-aalinlangan kong ipaalam ang totoo kina nanay at tatay, kay Maxrill, gusto kong magkwento.

Bumuntong-hininga siya. "Was it fun?"

"Ha?"

"Did you enjoy your dinner together?"

Nagbaba ako ng tingin, kinabahan ako sa tanong niya. "Masarap 'yong pagkain."

"Did you enjoy your dinner with him?"

Sandali akong natahimik. "Oo naman," alinlangan kong tugon, hindi alam kung tama ba 'yon. "Bakit naman hindi?"

Bumuntong-hininga uli siya pero hindi na nagsalita. Natahimik ang linya namin, nakiramdam ako pero hindi ko rin nagawang tanungin siya.

"Do you like him?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Ha?"

"Do you like my friend?"

Napapikit ako. Paano ko ba 'yong sasagutin? Ikaw ang gusto ko, Maxrill Won pero...hindi ko kayang sabihin sa 'yo. Kahit telepono lang 'to, pakiramdam ko ay sasabog sa kaba ang puso ko. Hindi ako kailanman magkakaroon ng lakas ng loob na sabihin 'yon. Sigurado ako.

"Are you still there? Dainty?"

"Ano...oo, nandito pa 'ko," napapikit ako sa sobrang kaba. Bakit niya ba kasi tinanong 'yon?

"So...?"

"So...?" ako naman ang nanggaya sa kaniyang tono.

"You didn't answer my question. Do you like Rhumzell? Why did you date him?"

"Dinner lang naman 'yon."

"It's a dinner date, soft brat! Even if it's a snack, if a guy asked you out...it's a freaking date." Pinagkadiinan niya ang huling salita. "I can't imagine you dating someone else." Ibinulong niya ang kasunod na linya, hindi ko na halos narinig. "Don't date him," iyon ang malinaw sa pandinig ko.

Natigilan ako at nanlaki ang mga mata. "Ha?"

"You heard it right, Dainty."

"Hindi naman kami nagde"

"He told me he's courting you."

Napapikit uli ako. Bakit naman din kasi kailangang sabihin ni Rhumzell 'yon? Akala ko ay malinaw na sa kaniya ang usapan namin noon. Alam niyang si Maxrill Won ang gusto ko at hanggang kaibigan lang siya sa 'kin. Bakit ganito na naman siya ngayon?

"You already gave your chance to me, don't dare give it to someone else, Dainty." Tinunaw ng mga salitang 'yon ang lahat ng nararamdaman ko at pinalitan nang mas magandang pakiramdam.

Hindi ko napigilang ngumiti pero sa huli ay napanguso ako. "Napaka-demanding mo, Maxrill Won," sumbat ko. "Hindi ba't nandiyan ka para mag-move on? At hindi ako ang dahilan no'n."

"What?" nainis na naman yata siya.

"Totoo naman," bumuntong-hininga ako. "May gusto kang...iba...kaya ka nandiyan, hindi ba?" nabuhay muli ang aking kaba, panay ang lunok ko para lang makapagsalita nang tama. "Kaya nariyan ka sa Japan ay para makalimutan siya...na para bang sapat ang dalawang linggo para mangyari 'yon." Nagbaba ako ng tingin sa isang kamay ko. "Hindi gano'n kadaling mawala ang nararamdaman sa isang tao, Maxrill Won. Alam ko dahil...gano'n din ako."

"You still don't trust me."

Natigilan ako at nanlalaki ang mga matang napatitig sa kung saan. "Maxrill Won..."

"Is that why you allowed that brat to court you?"

Nangunot ang noo ko. "'Wag mo ngang tawagin ng brat si Rhumzell, ikaw kaya ang gano'n, Maxrill Won."Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob kong sabihin 'yon.

"What?!"

"Totoo naman," ngumuso ako, pinanindigan ang pagpapakatotoo. "Ginagawa at sinasabi mo anuman ang gusto mo. Hindi mo na hinihingi ang opinyon ng iba, ikaw parati ang nasusunod. Tinatawag mo kaming brat kahit na ang totoo, ikaw naman talaga ang spoiled brat."

"Don't change the topic, stop dating him."

Nalukot ang mukha ko. "'Wag mo ngang sabihin sa akin ang dapat kong gawin, Maxrill Won?"

Natawa siya sa kabilang linya. "You mad, Dainty?"

Lalong nalukot ang mukha ko. "Oo, dahil dinidiktahan mo 'ko."

"Hmm. So, you'll allow him?"

"Hindi nga kami nagde-date. Kung para sa kaniya ay date 'yon, sa akin ay dinner lang. Magkaiba 'yon."

"Yeah, but he told me he's courting you."

"Eh, ano naman sa iyo? Hindi naman kita nobyo, dikta ka nang dikta."

"It's like you're already telling me, you're gonna give him a chance."

"Kung bibigyan ko siya ng tyansa ay ano naman sa 'yo?" nakanguso, naghahamon kong tugon. "Ayaw ko nang pag-usapan 'to, Maxrill Won," nakanguso kong dagdag, paulit-ulit na lang kami.

Alam kong ang childish ng dating ko. Pero iyon talaga ang nararamdaman ko. Ayaw niyang bigyan ko ng tyansa o i-date ko si Rhumzell, samantalang siya ay nagmu-move on naman sa iba. Ni hindi ako sigurado kung ano ako sa kaniya. Oo nga at alam kong may kahulugan iyong pagbibigay niya ng regalo, atensyon at oras sa 'kin. Pero hindi pa rin no'n mabibigyan ng kasiguraduhan ang katayuan ko sa kaniya. Ayokong manghula, lalong ayaw ko siyang pangunahan. Kalabisan man, gusto kong manggaling ang kasiguraduhan sa kaniya. Gusto kong sabihin niya sa 'kin kung ano ako sa kaniya. Gusto kong marinig mula sa kaniya kung ano ang totoong nararamdaman niya sa 'kin. Ayaw ko ng kulang. Hindi ako naghahangad ng sobra pero karapat-dapat ako sa sapat.

Matagal siyang natahimik sa kabilang linya. Panay lang ang kaniyang buntong-hininga. "I'm sorry."

Nang magsalita naman siya ay hindi ko inaasahan ang kaniyang sasabihin. At gusto kong mainis sa sarili ko dahil sa kabila ng mga naisip at sinabi ko, nasasaktan ako sa pagso-sorry niya. Pakiramdam ko ay nasaktan siya sa mga sinabi ko kaya ganoon ang kaniyang sinagot. Pero ayaw kong bawiin ang sinabi ko. Kailangan ko 'yong panindigan.

Siguro nga ay tama si nanay, isip-bata kaming pareho ni Maxrill Won. Nandito pa lang kami sa ganitong sitwasyon, hindi na kami magkaintindihan. Masyado kasing komplikado ang lahat.

"Good night, Dainty," mahinang sinabi ni Maxrill Won. May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko dahil sa lungkot na mahihimigan sa boses niya.

"G-Good night, Maxrill Won," mahina kong tugon. Inaasahan kong ibababa niya ang linya pero hindi 'yon nangyari. "Ibababa ko na."

"Okay," malungkot na ang boses niya.

Napabuntong-hininga ako at nakinig pa rin sa kaniyang linya. Nang makaramdam ng hiya ay inilayo ko ang cellphone at tiningnan sa screen ang pangalan niya. Hindi pa rin niya 'yon binababa. Nakagat ko ang aking labi at napapikit, pinipigilan ang sariling kausapin muli siya. Humugot ako ng lakas ng loob saka tuluyang binaba ang linya. Napatitig ako sa cellphone, awtomatikong binalot ng lungkot ang puso ko. Ngayon ko lang naramdaman ang excitement ko kanina habang kausap siya. Tawag lang naman 'yon pero pakiramdam ko ngayon ay may kulang na.

Tumunog muli ang cellphone, nagulat man ay na-excite ako nang maisip na galing kay Maxrill Won 'yon. Pero gano'n na lang ang panlulumo ko nang makitang si Rhumzell ang nag-text.

Rhumzell:

Hi, Dainty, your line is busy. Just got home.

Pinindot ko ang reply at isa-isang tiningnan ang mga numero para mai-type ang sagot ko. Dahilan para manatili pa ako sa sala ng ilang minuto bago pumasok sa kwarto namin ni Bree.

Naroon siya sa harap ng salamin at nagsusuklay. Kumuha ako ng damit pantulog at twalya saka tumayo sa kaniyang likuran.

"Bree?" tanong ko.

"Ate?"

"Wala ka bang...napapansing sumusunod sa 'yo?"

Natigilan siya sa pagsusuklay at nagtatakang tumingin sa 'kin. "Sumusunod? Paanong sumusunod?"

"Sumusunod na...lalaki?"

Kunot-noo siyang napaisip saka natawa. "Ikaw ang habulin ng lalaki sa ating dalawa, Ate Dainty."

"Seryoso ako, Bree."

"Wala nga, ate. Bakit mo naitanong?"

Pinalitan ko nang ngiti ang interes sa aking mukha. "Wala naman...n-naitanong ko lang."

Ngumisi siya at tuluyang bumaling sa 'kin. "Nahihirapan ka na bang pumili sa mga lalaking naghahabol sa 'yo, Ate Dainty?"

Nakangiti man ay natigilan ako sa biro niya. Ano kaya ang nararamdaman ni Bree habang itinutukso sa akin ang lalaking kaniyang gusto? Hanggang kailan ko siya masasaktan? Hanggang kailan niya ako pagbibigyan sa sitwasyon?

"Hindi naman ako hinahabol ng lalaki, Bree," sinikap kong magbiro. "Dahil hindi ako makakatakbo."

Nawala ang ngiti sa labi niya at nagugulat na tumayo. "Ate...hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin nang magbiro ako."

Tumawa ako. "Alam ko."

Napatitig siya sa 'kin saka rin natawa, nag-alala siya pero gusto ko rin siyang biruin. Ayaw ko kasing ipag-alala niya ang tanong ko. Nagpaalam akong maliligo, doon ay muli kong naramdaman ang takot. Hanggang ngayon ay paulit-ulit sa isip ko kung bakit nasa Laguna ang ginoong 'yon? At bakit gano'n siya magbiro sa akin, kung biro mang matatawag 'yon?

Natatakot ako sa kaniyang itsura, lalo na sa mga mata at bibig niya. Kung tumingin siya ay napakatalim habang nakangisi ang labi. Para bang may naglalaro sa kaniyang isip na siya lang ang nakaiintindi.

"Nariyan na ba si Dainty?" dinig kong tanong ni nanay. Naroon ako sa banyo at katatapos lang maligo. Tinuyo ko ang buhok ko nang mabuti dahil doon din ako sa loob nagbibihis.

"Opo, 'nay. Hinatid siya ni Rhumzell."

"Mabuti naman. Inasikaso ko si Kaday kaya hindi ko na siya nahintay sa labas."

"Ayos lang, 'nay, ako na ang naghintay sa kanila sa labas."

"Salamat, Bree," masayang tugon ni nanay, nangiti rin ako. "Pero iwasan mo ang tumambay sa labas. Sasabihan ko rin ang ate mo at si Rhumzell na iwasang magpagabi kung lalabas. Nagkalat ang masasamang tao ngayon."

Natigilan ako at napatitig sa pinto. Normal lang naman 'yong sinabi ni nanay pero pakiramdam ko ay may laman. Kahit hindi niya direktang sinabi, parang ang tinutukoy niya ay 'yong nakita ko.

"Opo, 'nay," malamyang tugon ni Bree. "Pero...'nay?"

"Mm, ano 'yon?"

"Hindi ba...pangit tingnan na...lumalabas si Ate Dainty kasama si Rhumzell habang nililigawan siya ni Maxrill?" Humina ang boses ni Bree pero hindi dahilan 'yon para hindi ko siya marinig nang malinaw.

Awtomatiko kong binuksan ang shower para magmukhang naliligo pa rin ako. Sinalo ko na lang 'yon ng timba para hindi masayang. Saka ako maingat na lumapit sa pinto para mas marinig ko ang kanilang usapan.

"Bree, baka marinig ka ng ate mo," humina rin maging ang tinig ni nanay.

"Naisip ko lang naman po na...hindi maganang tingnan ang gano'n..."

Maging ang buntong-hininga ni nanay ay dinig ko nang idikit ko ang pandinig sa pinto. "Alam ng ate mo ang ginagawa niya, Bree. Isa pa, kaibigan lang niya si Rhumzell."

"May magkaibigan bang nagde-date, 'nay?"mapaklang tugon ng kapatid ko.

Matagal na natahimik si nanay, hindi rin marahil alam ang isasagot. Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko at napaisip. Ngayon ko lang talaga naisip na hindi magandang tingnan ang ganitong sitwasyon. Bakit hindi ko naisip 'yon bago pa man ako pumayag na sumama kay Rhumzell? Hindi ko naiwasang maalala ang lungkot sa boses ni Maxrill kanina. Nag-aalala tuloy ako sa iniisip niya sa 'kin.

"Hindi naman sa nakikialam ako, 'nay," si Bree na uli ang nagsalita nang hindi makatugon si nanay. "Pero...kahit saang anggulo ko tingnan, hindi magandang lumalabas siya kasama ng iba habang naroon sa Japan ang manliligaw niya."

"Ang totoo, hindi pa naman pormal na nanliligaw si Maxrill Won sa ate mo," mayamaya pa ay sumagot si nanay. "Kailangan niya munang malimutan si Ate Yaz mo, bago siya manligaw sa iba. Ako mismo ay tututol kung sakaling umakyat siya ng ligaw nang basta."

"Nagpapadala siya ng regalo kay ate at nagbigay pa ng cellphone, hindi pa po ba panliligaw iyon?"

"Panimula pa lang sa kaniya 'yon, Bree. Si Maxrill Moon 'yon. Ibibigay niya ang lahat sa babaeng nagugustuhan niya."

"Boto po kayo kay Maxrill Won para kay Ate Dainty?"

Matagal uli bago nakasagot si nanay. "Ayaw kong masaktan ka pero para sa 'kin ay bagay sila, Bree,"malungkot ang tinig ni nanay. "Masaya ako para sa kanila."

Si Bree naman ang hindi agad nakasagot. Gano'n na lang ang kaba ko habang hinihiling na sana ay magsalita uli siya.

"Napakaswerte ni Ate Dainty," mahihimigan ang inggit sa tinig ni Bree. "No'ng ako ang may gusto kay Maxrill, walang sumusuporta sa 'kin. Ngayon...siya na ang nagustuhan ni Maxrill, boto pa kayo sa kanila."

"Bree..."

"Ayos lang po, 'nay. Naiintindihan ko namang hindi ako kasingganda at kasimbait ni ate."

"Huwag kang magsalita nang ganiyan, Bree. Maganda ka rin at mabait, alam mo 'yon. Kung ako ang tatanungin ay mas mabait ka pa sa ate mo. Alam din ni Dainty at Kev 'yon, maging ng tatay ninyo. Napakarami mong isinakripisyo para sa kanila, mula pa no'ng bata ka."

Pero inagaw ko pa rin ang lalaking nagugustuhan niya... Awtomatiko 'yong idinagdag ng isip ko. Napahawak ako sa dibdib at pinigilang maluha. Kinalma ko ang aking sarili. Kailangan ko nang lumabas dahil kung magtatagal pa ako ay paniguradong magtataka na sina nanay.

To be continued. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji