CHAPTER 28
CHAPTER 28
ISINUBSOB KO ang aking mukha sa pareho kong palad at saka doon umiyak nang umiyak. Hindi ko matukoy ang pinagmumulan ng lungkot at sakit sa kalooban ko pero ang isip ko ay kayang isigaw ang dahilan niyon. Si Maxrill Won.
Bakit kahit alam kong si Ate Yaz ang mahal niya ay pinili ko pa ring gustuhin siya? Bakit sa kabila ng mga nakikita, naririnig at nahahalata, may parte pa rin sa aking umaasa at naniniwala? Ano ba ang problema ko? Bakit sa kabila ng sakit at lungkot na idinudulot niya, tila mas lumalalim pa ang nararamdaman ko? Kung dati ay sigurado akong gusto ko si Maxrill Won, higit na ro'n ang damdamin ko ngayon.
"Dainty Arabelle..." Gano'n na lang ang pagtindig ng parehong balikat ko nang mangibabaw ang tinig ni Maxrill Won sa aking harapan.
Awtomatiko akong huminto sa pag-iyak ngunit ang paghikbi at tumutulong luha ay naroon pa rin. Habang pigil ang paghinga ay pinaghiwalay ko ang ilan sa aking mga daliri upang masilip siya. Nakagat ko ang aking labi nang makumpirmang naroon nga siya sa harapan ko.
"Dainty..."
Napaiwas ako at dali-daling pinunasan ang mga luha ko. "Maxrill Won..." Hindi ko malaman kung paano siyang titingnan nang deretso.
Ngunit natigilan ako nang sakupin ng palad niya ang kabuuan ng pisngi ko. Pakiramdam ko ay ganoon na lang kaliit ang mukha ko.
"Why are you crying?" mahina, halos pabulong nang tanong niya.
Sa ganoong hitsura ay napanood ko siyang maupo sa kaniyang paanan upang mapantayan ako. Saka niya hinakawan ang pareho kong braso upang alisin ang pagkakatakip ng aking mukha. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng aking mukha saka pinahiran ang aking luha.
"Why are you crying?" mahinang pag-uulit niya.
Nakagat ko ang aking labi nang ang magkahawak naming kamay ay ipinatong niya sa aking kandungan. Hindi ako makapaniwalang nasa akin ang timbang ng braso niya at ramdam ko kung paano niya iniingatang huwag maipatong ang buong bigat sa akin. Lalong hindi ko inaasahang matapos ng mga narinig kong usapan nila ay bababa siya rito at pupunta sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman.
"Dainty..."
Iling ang awtomatiko kong isinagot. "Hindi ako umiiyak." Iyon ang naisagot ko.
Inosente siyang tumitig sa akin, naguluhan. Napanguso ako at nagbaba ng tingin dahilan para bigla siyang matawa.
"Why are you sad, then?" May diing tanong niya, nang-aasar, na naman.
Lalo akong napanguso. "Hindi ako...ano..."yumuko na ako nang tuluyan nang hindi na masundan ang sasabihin. Nakakahiya!
Pilit kong inagaw ang mga kamay ko sa kaniya upang muli sanang takpan ang aking mukha. Ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa mga iyon. Pumikit na lang ako para hindi makita ang tila nagpipigil ng tawa niyang mukha.
"You heard it wrong," mahinahong aniya, nagpapaintindi. "No, I mean, I was wrong. Yeah, it was my mistake." Hindi ko alam kung bakit tila hindi niya alam kung paanong ipaiintindi ang sarili, iyong siya ang magmumukhang mali talaga.
Natigilan man ay napako ang paningin ko sa magkahawak naming kamay. Hindi ko magawang salubungin ang tingin niya. Alam niyang siya ang dahilan ng pag-iyak ko, alam niyang may kinalaman doon ang mga narinig kong sinabi niya. Nakakahiya ang katotohanang alam niya.
Gano'n na lang kalalim ang buntong-hiningang hinugot at pinakawalan niya, na siyang dahilan upang tingnan ko na siya. Wala naman na sa akin ang kaniyang paningin.
"Nobody believes me and it's..." ngumiti siya nang bitinin ang sariling sinasabi. Ngiti na hindi umaabot sa mga mata. Ngiti na sa halip na saya ay lungkot ang nababasa.
Napatitig ako kay Maxrill Won at pakiramdam ko ay naunahan ko pa siyang pangiliran ng luha. Iyon pa lang ang sinasabi niya, ganoon pa lang ang kaniyang hitsura, nasasaktan na ako para sa kaniya.
Maxrill Won...
"I was explaining to my brother why I don't want to stay long in Japan but..." muli niyang sinalubong ang tingin ko at natigilan nang makita ang pagpatak ng luha ko. "Oh, great. Now you look like a crying angel. You're unbelievable, Wednesday."
Ngumuso ako. Hindi ko naman inaasahang tatawa siya. Bagaman mahina ay gano'n na lang kalakas ang dating. Nasalubong ko ang tingin niya.
"I'm sorry I had to mention her, Dainty."
Wala siyang binanggit na pangalan ngunit alam ko kung sino ang kaniyang tinutukoy. Wala pa siyang paliwanag pero parang ang lahat ay bigla kong naintindihan.
"I was expecting Maxwell to believe me that's why I tried my best to explain my side. He wants me to stay in Japan for months but...I don't want to," emosyonal niya 'yong sinabi. "I understand that they want me to..." Sinalubong niya ang paningin ko upang muli lang magbaba ng tingin. "To move on."
Nang sandaling iyon ay ako naman ang tumitig sa kaniya. "Dahil iyon ang tamang gawin mo, Maxrill Won," mahinahon kong sinabi.
Marahan siyang nag-angat ng tingin sa akin. May kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko nang mabasa ang gulat at pagtatanong sa mga mata niya. Na para bang gaya ng kaniyang kuya, hindi niya inaasahang maging ako ay hindi siya naiintindihan. Pero wala akong ibang paraan para sabihin sa kaniya ang gusto kong sabihin.
"He was the first person I was expecting to..."muli niyang binitin ang sinasabi na para bang sa gano'ng paraan niya mapipigilan ang sariling damdamin. Saka siya nagbaba ng tingin na para bang ang kasunod na mga salita ay nasa magkahawak naming kamay.
Natigilan ako at napatitig sa kaniya nang magpakawala siya nang tila sobrang bigat na hininga.
"I was expecting him to believe me," pabulong niyang idinagdag. "The way he believed in me before."
Napatitig ako kay Maxrill Won. Gano'n kasimple niyang sinabi 'yon pero ramdam ko ang matinding hinanakit. Ako naman ang nagpakawala nang napakalalim na buntong-hininga. Nakokonsensya ako dahil alam ko sa sarili kong naroon din ang parte na nag-aalinlangang paniwalaan siya. Ngunit heto siya sa harap ko at tila hirap na hirap makamit ang paniniwala mula sa kaniyang pamilya.
"But it's okay," pinilit niyang ngumiti saka nagtama ang mga paningin namin. "As long as you believe in me," sinsero niyang sinabi, ang diin ay naroon sa kaniyang salita at mga tingin.
Tumayo siya at saka muling inilahad ang kamay sa akin kahit hawak niya pa naman ang isa kong kamay. Ngumiti siya ngunit ang lungkot ay naroon pa rin sa kaniyang mga mata.
"I'll take you to the airport," anyaya niya. Tango na lang ang naisagot ko.
Nasa amin ang paningin ng lahat nang makabalik kami sa penthouse ni Kuya Maxwell. Sina nanay, Tiyo Dirk at Kuya Maxwell ay pare-pareho ng pagkakaupo sa kani-kaniyang single sofa. Nakapandekwatro ang mga paa, ang kaliwang siko ay nakapatong sa armrest habang ang kanang kamay ay may hawak na tasa.
Tumango ako sa kahihiyang salubungin ang mga walang emosyong tingin nila. Pinalobo ko ang aking bibig at saka tumalikod sa gawi nila. Narinig ko ang sabay at matunog na ngiti nina Maxrill Won Kuya Maxwell kaya napanguso ako nang palihim.
"She heard something, huh?" tanong ni Kuya Maxwell, sa tonong tila natatawa. "Somethin' stupid, I mean," dagdag niya saka tuluyang tumawa.
"Tsh, your freaking fault," asik ni Maxrill Won, naramdaman ko nang lingunin niya ako.
Sumama ang mukha ko, parang gusto ko na namang tumakbo papalayo dahil sa kahihiyan. Kung hindi lang tumikhim si nanay ay baka ginawa ko na iyon. Tumayo siya nang lingunin ko. Sa isang senyas ay sumunod na kumilos si Tiyo Dirk. Ilang sandali pa ay magkakasunod na kaming bumaba at lumabas sa hospital building.
"So..." panimula ni Kuya Maxwell.
Ang isang kamay niya ay naroon sa batok nang magulong kwelyo ng puti niyang long-sleeves, habang ang isa pa ay nakapasok sa bulsa ng kaniyang khaki pants. Ang kaniyang paningin at magandang ngiti ay nasa akin.
"Sorry, hindi ko kayo maihahatid, I have patients. I guess I'll see you again soon," dagdag ni kuya.
Ngumiti ako. "Ayos lang po, kuya."
"I'm glad you came," makahulugan siyang ngumiti.
Napanguso ako. "Opo, kuya." Hindi akma ang naisagot ko, masyado akong nahihiya.
Bumaling si Kuya Maxwell kay nanay. "Thank you, Heurt."
"Take care, Maxwell."
Muling bumaling sa akin si Kuya Maxwell, hindi ko inaasahang hahagurin niya ang aking buhok. "Until then, sweetheart." Ngumisi siya saka sumulyap kay Maxrill. Na noong sulyapan ko ay mapait na ang mukha at nakatunghay lang sa kaniyang alaga.
Inakay ako ni nanay pabalik sa sasakyan, kasunod namin ay si Tiyo Dirk na inayos naman sa likuran ang gamit ni Maxrill Won. Tatabi na sana sa amin si Maxrill nang sa isang sensyas ni nanay ay muli siyang napaatras.
"We own this van, Heurt," masungit na ani Maxrill Won. "So, if you don't mind...move."
Muli siyang umaktong sasakay ngunit natigilan nang umusog si nanay, inookupa lahat ng espasyo at ipinatong pa ang kaniyang mga paa sa silyang nasa harapan. Dahilan para mawalan na ng mauupuan si Maxrill Won.
"You're such an old brat, Heurt Moon," asik ni Maxrill Won saka pasiring kaming tinalikuran. Wala siyang nagawa kung hindi ang pagkasyahin ang sarili at si Hee Yong sa harapan. Napabuntong-hininga na lang ako sa inasal ni nanay.
"Tingnan mo nga ang ugali niyang nagugustuhan mo, Dainty Arabelle," pabirong bulong ni nanay. "Suwail."
"I heard you!" asik ni Maxrill Won sabay lingon.
"Dahil ipinarinig kong sadya sa iyo, timang."
"What did you say?"
"'Ba..." Pinagkrus ni nanay ang mga braso. "Baka nalilimutan mong ako ang ina ng nakatatandang kapatid mo?"
"So?"
"Maxrill Won," nananaway ang tinig na pagtawag ni Tiyo Dirk. Sa isang iling niya ay nag-iwas ng tingin si Maxrill Won at ibinaling na lang iyon sa labas.
Napanguso ako nang ang tatawa-tawang si nanay ay inilingan na lang din ang tila nakasanayan niya nang ugali ni Maxrill. Nakitawa ako ngunit panay ang lihim kong pagsulyap kay Maxrill habang ito naman ay bubulong-bulong mag-isa na para bang galit pa rin dahil nasa unahan siya.
Kung gaano kahaba ang byahe papunta sa Palawan dahil sa pananabik ko, gano'n naman kabilis kaming nakarating sa airport dahil sa lungkot ko. Nang sandaling iyon ay hindi ko na lalo maalis kay Maxrill Won ang paningin ko. Ang bawat kilos niya ay pinanonood ko. Na para bang hindi ko na siya makikita pa. Bagaman, hindi ko rin naman alam kung kailan uli talaga kami magkikita.
Tinulungan niya si Tiyo Dirk na ibaba ang lahat ng gamit. Nang matapos ay pinangunahan nila kami sa daan. Hindi ko inaasahang ang kasunod no'n ay magkakasama kaming sasakay sa eroplano.
Nang una ay naisip kong baka tumulong lang si Maxrill Won na iayos ang gamit niya. Pero nang pangunahan niya si nanay na maupo sa silyang para sa tatlo at sapilitang pahigain si Hee Yong sa silyang kaharap niyon ay nagtaka na ako. Walang nagawa si nanay kung hindi maupo sa pang-isahang silya.
"Sit beside me, Wednesday," anyaya ni Maxrill Won.
"Ang sabi mo ay ihahatid mo lang kami sa airport?" nagugulat kong tugon, nakatayo lang sa harap niya.
Inosente siyang tumango. "Yeah, airport in Manila, why?"
Nagliwanag ang mukha ko at hindi napigilang mangiti. Wala sa sarili akong naupo sa tabi niya. "Akala ko kasi ay dito sa airport ng Palawan."
Ngumisi lang siya at umayos ng upo papaharap lalo sa akin, doon ko lang napansing nakaupo na ako sa tabi niya. Napalingon ako kay nanay, palihim siyang sumusulyap sa distansya namin ni Maxrill Won.
"So, let's talk about your past. What happened to your foot?" bigla ay tanong ni Maxrill Won.
"Ha?"
"Ha?" ginaya niya ako. "Yeah, tell me."
"Ano..." nagbaba ako ng tingin sa paa ko at napatitig sa kaniya.
Nilingon ko si nanay, nag-iwas siya ng tingin sa gawi namin at itinuon na lang 'yon sa labas. Nang bumaling ako kay Maxrill Won ay naghihintay na siya sa sagot ko.
"No'ng bata kasi ako..." sa gano'n ko sinimulan ang pagkukwento hanggang sa mailahad sa kaniya ang nangyari nga sa paa ko. Bagay na hindi ko inaasahang makakatulugan niya, kayakap pa ang alaga.
Napabuntong-hininga ako nang hinaan ang sariling tinig habang tinatapos ang kwento. Ngungusuhan ko sana siya dahil sa inis pero sa halip ay napangiti ako nang mapatitig sa mukha niya. Hindi ko alam kung ano pa ang salitang pwedeng gamitin para mai-describe ang kaniyang itsura. Nakukulangan ako sa mnga nasabi ko nang salita.
Dumapo ang paningin ko sa kaniyang labi at doon lang ako nag-iwas ng tingin. May kung anong pakiramdam na idinulot sa akin ang isiping nahalikan ako ng labi na 'yon. Kagat ko ang aking labi saka palihim muling lumingon kay Maxrill Won.
Sa sandaling iyon ay napakaraming naglaro sa isip ko. Na-imagine ko kaming magkasama, magkahawak ang kamay at naglalakad sa kung saan habang tumatawa. Saka ko na-realize na ilang beses nang nangyari iyon at hanggang ngayon ay naro'n sa 'kin ang pakiramdam. Na-realize ko kung gaano na karami ang nangyari sa amin. Naisayaw niya na ako, nakasama ko na siyang lumangoy, kumain sa iisang mesa, nakatabi sa dalampasigan at...nahalikan.
Ngayon ay iniisip ko kung ano kaya ang mararamdaman ko kung ako na talaga ang gusto ng lalaking ito. Kung ano kaya ang pakiramdam na maging nobya niya. Kung ano ang pakiramdam nang ako lang ang iniisip niya. Kung ano ang pakiramdam nang mahalin niya.
"We're here." Kung hindi pa lumabas sa gawi namin si Tiyo Dirk ay hindi ko mamamalayan ang sandali. Hindi ako sigurado kung naramdaman ko ba ang paglapag ng eroplano. Gano'n na yata talaga ako kabaliw sa lalaking ito sa tabi ko. Gayong iba naman ang kaniyang nagugustuhan.
"Maxrill Won," panggigising ko.
Marahan siyang nagmulat at deretso nang nakatingin sa 'kin. "Am I that handsome?" pabulong niyang tanong saka marahang umayos ng upo.
"Ha?"
Nilingon niya si Hee Yong. "I can feel you staring at me, Dainty," mahina niya pa ring sagot.
Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan ba siya dahil habang tinititigan ko siya ay sigurado akong tulog siya.
Basta na lang akong tumayo. "Uuwi na kami, Maxrill Won."
"Yeah, I'll go with you."
"Ha? Akala ko ba ay pupunta ka sa Japan?"
Sumama ang mukha niya. "Yeah, I can go there anytime, Wednesday." Kinuha niya ang kamay ko at saka ako inalalayang tumayo.
Napalingon ako kay nanay pero wala sa amin ang paningin niya, tinulungan niya si Tiyo Dirk sa mga gamit.
"Ihahatid mo ba kami sa bahay, Maxrill Won?"hindi ko inaasahang tanong ni nanay, sa mga gamit nakatingin at papalabas na ng eroplano.
"Of course, Heurt," kaswal na tugon ni Maxrill Won saka ngumiti sa akin.
"Mauuna na kami sa sasakyan," ni nanay na hindi lumingon pa sa gawi namin at tuluyan nang lumabas.
Pareho kaming nakalingon kay Tiyo Dirk nang balikan kami ng tingin nito. Pero sinuyod niya lang ng tingin ang eroplano, kinuha ang leash ni Hee Yong at tuluyan na ring lumabas.
Napabuntong-hininga ako at nang sulyapan si Maxrill Won ay nasa akin na ang kaniyang paningin. Ngumiti siya at hindi ko inaasahang ilalapit ang mukha sa akin. Napaiwas ako bagaman dumampi na ang labi niya sa akin.
"Baka makita tayo ni nanay," pabulong kong sabi.
Pero sa halip na sumagot ay hinawakan ni Maxrill Won ang pisngi ko upang hindi na ako muling makaiwas pa nang tuluyan niya akong halikan.
Nanghina ang mga tuhod ko at nanginig ang mga kamay dahil sa sobrang kaba. Kaba na sobrang sakit sa dibdib, hindi ko alam kung nakagaganti ako nang tama sa halik niya.
Nakagat ko ang sariling labi at saka nagbaba ng tingin nang tapusin niya ang halik. Gano'n na lang kahigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya dahilan para nahihiya ko 'yong pinakawalan.
"I promise I'll come back to you, Dainty,"pabulong niyang sinabi.
Napalunok ako saka nag-angat ng tingin sa kaniya. "Promise?" wala sa sariling naitugon ko.
Ngumiti siya saka tumango. "I promise."
Napangiti rin ako. "Maghihintay ako."
"You'll meet a lot of stars while I'm away but...focus on the moon."
Ngumuso ako. "Sa gabi lang naro'n ang moon, Maxrill Won."
Nawala ang magandang ngiti niya, napalitan ng nanunuyang tingin. "The moon is always there, Dainty Arabelle," naaasar niyang sinabi. "Haven't you heard of the daytime moon?" Kinuha niya ang kamay ko at iminuwestra papalabas. "After full moon, the daytime moon is often up there." Itinuro niya ang langit kasabay ng huling salitang sinabi, eksaktong naroon na kami sa pinto ng eroplano.
Napatingala naman ako sa langit at ngunguso na sana nang matigilan. Napatitig ako sa imahe na iyon sa asul na langit. Gano'n sa buwan ang hugis niyon, kulay puti na tila nakabaon ang kalahati sa malulusog na ulap.
"The moon can be seen at different times during day and night," patuloy ni Maxrill Won, ang paningin ko naman ay namamangha pa rin sa buwang naroon sa umaga. "Depends on its phase."
Umawang ang labi ko. Gano'n katagal nga siguro akong nanatili sa loob ng bahay na maski ito ay ngayon ko lang nalaman. Napabuntong-hininga ako. Pero sa kabilang banda ay napangiti rin nang maisip na si Maxrill Won lang yata ang natatanging hindi pinagtatawanan ang pagiging ignorante ko.
"I'm sure you know sunrise and sunset,"dagdag pa niya.
Ngumuso ako. "Oo, alam ko naman ang tungkol doon."
"Did you know there's moonrise and moonset, too?"
Nilingon ko siya at saka napanguso nang maisip kung alam ko nga ba o hindi ang tungkol doon. Pero hindi na siya naghintay ng sagot ko. Muli niyang kinuha ang aking kamay at saka ako inalalayan pababa.
"In my country people climb mountains trying to catch the first moonrise. They believed that the first person to see it will have a year of good luck."
Ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya, hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Naghahalo ang paghanga ko sa kaniyang itsura, nakaka-distract ang bango niya at nalulungkot ako dahil hindi ko na naman siya makikita.
"Sa Japan ang punta pero mukhang daraan pa ng Laguna," dinig kong ani nanay, si Tiyo Dirk ang kausap, nang makalapit kami. Mukhang hindi siya narinig ni Maxrill Won. Ang paningin ni nanay ay napako sa kamay naming magkahawak. Nag-angat siya nang nangangaral na titig sa akin. Ngunit bago pa ako nakalusot ay hinila na ako ni Maxrill Won papasok sa panibagong sasakyan. Siniguro niyang kami ang magkatabi, nasa likuran namin si nanay.
"Paano kang makasasakay sa dyip kung ganitong hatid-sundo ka pala," sabi ko habang nasa byahe, hindi naitago ang paghanga. Naisip kong ang sarap ng buhay ni Maxrill.
Nginiwian niya lang ang sinabi ko. "Maybe next time," ngiti niya.
Napangiti ako. May next time pa, Dainty! Ngunit nawala ang ngiti at excitement ko nang matunog na bumuntong-hininga si nanay.
"So, you're going back to school, huh?" tanong ni Maxrill Won.
Sasagot na sana ako nang maramdaman ang kamay niyang kunin ang kamay ko at bahagya akong hilahin papalapit, naidantay ko ang aking braso sa hita niya. Saka niya palihim na pinagapang ang kaniyang braso sa likuran ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya pero nasa unahan ang kaniyang tingin, bahagyang nakaangat ang gilid ng labi na para bang sinasagot na ang tanong sa isip ko.
Matapos no'n ay iniayos niya rin ako papasandal sa upuan. Pero hindi siya ro'n nakontento sapagkat kinuha niya rin ang kamay ko at parehong hinawakan.
"I can see your moves, Moon," istrikto ang tinig ni nanay.
Humalakhak si Maxrill Won at walang nagawa kung hindi ang kumalas sa akin. Nagkatinginan kami, ako ay nahiya habang siya ay tatawa-tawa lang.
"Porma nang porma, sinabi nang mag-move on ka muna," mahinang ani nanay, dinig ni Tiyo Dirk na tumawa naman.
Hindi kumibo si Maxrill ngunit nanatili ang pait sa kaniyang ngiti. Tumingin siya sa kabilang gawi kung saan kalahati lang ng mukha niya ang aking nakikita.
"I'll make myself better to deserve her, I promise, Heurt," mahinang ani Maxrill Won, hindi ko inaasahan.
Napatitig ako sa kaniya saka napalingon kay nanay na noon ay tila natigilan din muna bago sinulubong ang tingin ko. Bumuntong-hininga siya at iiling-iling na nag-iwas ng tingin.
Tahimik na kami sa buong byahe, ang isip ko ay inulit-ulit ang huling narinig mula kay Maxrill Won. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang kasarap sa pakiramdam 'yon pero meron pa ring kulang. Heto siya at iiwan ako nang may kasiguraduhan pero ang damdamin ko ay puno pa rin ng alinlangan. Bakit kailangang ganito ang aking maramdaman?
Mabilis ang byahe, pinatindi ang lungkot ko. Nang makarating, kahit sinabi ni nanay na pumasok na ako, nanatili ako sa labas at pinanood sina Tiyo Dirk at Maxrill Won na ibaba ang mga gamit. Para akong sira na paroo't parito, wala namang ginagawa, nanonood lang talaga.
"Dumating na pala kayo," tinig ni tatay ang nabungaran ko nang makapasok sa bahay.
"'Tay!" excited akong tumakbo papalapit at yumakap sa kanila.
Nakangiting hinagot ni tatay ang buhok ko. "Nag-enjoy ka ba sa Palawan, Dainty?"
"Opo!" magiliw kong sagot. "Napakaganda ng Palawan, 'tay. Sana isang araw ay magkakasama tayong makapunta ro'n."
Tumabang ang ngiti sa labi ni tatay. "Mukhang imposible ang gusto mong mangyari."
"Hmm," umalingawngaw ang tumatangging ungot ni Maxrill Won.
Sabay kaming natigilan ni tatay at napalingon sa kaniya. Nang sandaling iyon ko lang naisip na ngayon lang sila nagkaharap.
"Ah, 'tay, si Maxrill Won nga po pala,"pagpapakilala ko. "Maxrill Won, si tatay."
Maganda ang ngiti ko, ang excitement ay naro'n sa dibdib ko. Pero napalitan iyon ng kaba nang makita ang talim sa mga titig ni tatay at panunuya sa itsura ni Maxrill Won.
"Nice to meet you, sir," lumapit si Maxrill Won at inilahad ang kamay.
Matunog na bumuntong-hininga si tatay saka tinanggap ang pakikipag-kamay. Ngunit sa halip na sagutin si Maxrill Won ay muling bumaling sa 'kin si tatay, hindi ko tuloy naiwasang mailang.
"Pabalik-balik dito si Rhumzell," hindi ko inaasahang iyon ang kaniyang sasabihin.
"B-Bakit daw po?"
"'Ba, e, ano pa? Hinihintay kang marahil na makabalik. Tiyak na sabik na sabik ka nang makita niyong nobyo mo."
Natigilan ako at napatitig kay tatay. Nobyo? Mas pinakatitigan ko si tatay, inaalam kung nagbibiro ba siya. Pero sa nakikita ko ay sinadya niyang sabihin 'yon dahil sa presensya ni Maxrill Won.
"Hindi ko po siya nobyo, 'tay," deretsong sagot ko, awtomatikong binalot ng kaba.
"Dumadalaw siya rito, may dalang pasalubong bukod sa mga rosas na para sa iyo. Binigay niya na lang kay Bree Anabelle, kaysa matuyot," patuloy ni tatay sa kabila ng isinagot ko. "Ngayong nakabalik ka, pihadong yayayain ka no'ng lumabas."
"Magkaibigan lang po kami ni Rhumzell, 'tay."Hindi ko napigilang diinan ang unang salita.
"Sa ngayon," ngunit mas mariin ang tugon ni tatay.
Napalingon ako kay Maxrill Won, blangko na ang kaniyang itsura. Saka ko muling tiningnan si tatay pero sa bisita na rin nakapako ang paningin niya.
"Doon din naman ang tungo niyon," ngiti ni tatay nang muling bumaling sa akin. "Hindi ba't sinabi ko naman sa iyo na si Rhumzell Echavez ang nais kong maging nobyo mo? Bagay na bagay kayo."
"'Tay..."
"Maayos siyang pinalaki ng kaniyang mga magulang, magalang at may respeto," pinakadiinan ni tatay ang mga huling salita. "Kasundo ko ang batang iyon."
Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng balanse sa kinatatayuan ko.
Nang lingunin ko si Maxrill Won ay deretso lang siyang nakatingin kay tatay. Walang mabasang ekspresyon sa kaniyang mukha, tila natural lang na nakikinig sa usapan.
"Gusto mo bang mananghalian na muna, Maxrill?" laking pasalamat ko nang pumasok si nanay, kasunod niya si Tiyo Dirk na hawak pa rin ang leash ni Hee Yong. Nagulat nga lang siya nang madatnan kami sa ganoong sitwasyon. "Oh, may seremonyas ba kayo?" biro niya, walang natawa. Tinapik niya ang balikat ni Maxrill Won. "I'm asking you if you want to eat lunch?"
"Sure," walang emosyong sagot ni Maxrill Won, ang paningin ay hindi inaalis kay tatay.
Umangat ang nagmamalaking labi ni tatay. "Tamang-tama," sagot niya, ang paningin ay hindi pa rin inaalis sa bisita. "Nagluto si Bree Anabelle ng sinabawang mais na may gatas bago pumunta sa praktis niya."
Napalunok at muling nilingon si Maxrill Won, gano'n na lang ang pangungunot ng kaniyang noo at bumuntong-hininga.
"Si Rhumzell ay nakasama naming manghalian, gustong-gusto niya ang luto ni Bree," pagmamalaki ni tatay, nananadya ang tinig.
"Ano ba'ng pinagsasasabi mo riyan, Kaday?"buntong-hininga ni nanay. "Halika, tumuloy na muna kayo at ipaghahanda ko kayo."
Dumeretso siya sa kusina dahilan upang muli kaming maiwan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin gayong nakatingin lang sina tatay at Maxrill Won sa isa't isa. Habang si Tiyo Dirk ay hindi malaman kung mananatili sa pintuan o papasok na nang tuluyan.
"Bakit hindi mo muna tulungan ang nanay mong maghanda, Dainty?" suhestiyon ni tatay. Gano'n na lang ang pagprotesta ng isip ko. "Para dumali ang pagkilos niya at nang makaalis na ang mga bisita," kunyari ay hininaan niya ang boses ngunit imposibleng ako lang ang makarinig.
"'Tay..." bulong ko. Hinawakan ko si tatay sa braso at bahagyang inilayo. "'Wag naman po kayong ganyan kay Maxrill Won."
Ngunit nginisihan niya ako. "Ano ba ang sinasabi mo?"
"Baka po masamain niya ang sinasabi ninyo. Baka po hindi niya makuha ang biro ninyo."
"Kung gano'n ay hindi siya magiging mabuting kaibigan sa 'yo." Doon lang sumeryoso si tatay.
"'Tay..."
"Alam mong hindi ko gusto ang mga Moon, Dainty," doon lang din humina ang kaniyang tinig.
"Halika, kumain na muna tayo," laking pasasalamat ko na naman sa tinig ni nanay. "Maxrill Won, Dainty Arabelle." Nanunukso niya pang pagtawag.
"Bakit kasama 'yong aso?" dinig kong ani tatay. "Huwag mo sabihing makakasama nating kumain iyan?"
"Tss. Natural," pabalang na sagot ni nanay. "Kapag hindi ay baka ikaw ang ipakain diyan. Dainty, kain na!"
"Opo," malungkot kong tugon saka ako bumaling kay Maxrill Won. Sabay namin pinanood si tatay na akayin ni nanay patungo sa kusina. "Maxrill Won..."napalunok ako.
"Hmm?"
Nag-aalala akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Pasensya ka na kay tatay."
Nangunot ang kaniyang noo. "What do you mean?"
"Sorry sa mga sinabi ni tatay, 'yon ang ibig kong sabihin."
"Why? Did he say something wrong about me?"
Natigilan ako at napatitig kay Maxrill Won. Umawang ang labi ko at saka napaisip. "Hindi ba't narinig mo naman ang mga sinabi niya?"
"Well..." Ngumuso siya. "Some of his words are freaking deep and..." Binitin niya ang sinasabi at inis na bumuntong-hininga. "Fine. Not everything. Tsh."
Napatitig ako kay Maxrill Won at wala sa sariling natawa. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Kanina ay gano'n na lang katindi ang aking kaba, inaalala ko pa ang mararamdaman niya. Pero 'eto at nagmamaktol siya sapagkat hindi lubos na naintindihan ang mga sinabi ni tatay.
Pero sa kabilang banda ay napaisip ako kung tama bang ganito ang maisip at maramdaman ko? Gayong harap-harapang ipinahayag at ipinakita ni tatay ang pagkadisgusto sa lalaking mahal ko?
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top