CHAPTER 26

CHAPTER 26

"SO...ARE you going to stay with me or...what?"tanong ni Maxrill matapos ang sandali ng aking pananahimik.

Sa kabila ng hesitasyon ko sa ginawa niyang pag-amin ng kaniyang damdamin, pinanghahawakan ko ngayon ang tinig niya. Naroon kasi ang pag-asa na pipiliin kong manatili rito kung nasaan siya. Ang pag-asa na mahihimigan sa tinig niya ang nagsasabi sa akin na sinsero siya sa damdaming inamin. Pero bakit kailangang mag-alinlangan pa rin ako? Nakakalungkot ang ganitong pakiramdam.

Nag-iwas ako ng tingin at magsasalita na sana nang unahan niya ako, "You're not going to say ano...again, right?" umaasa, inosente pa ring dagdag niya, lalo akong natuliro. "I mean, you can decide without saying ano...in a sweet way, when you're having a hard time deciding or feeling uneasy because of me, you know what I mean, right?" Napakarami niyang sinabi, dere-deretso at slang.

Ako ba ang naiilang o siya? Napanguso ako. Tama siya, sasabihin ko na sana ang salitang iyon pero inunahan niya naman ako. Kusa kasi iyong lumalabas sa bibig ko, hindi ko naiiwasan mula pa noon.

"Maaari mo ba akong bigyan ng oras na makapag-isip, Maxrill Won?" naghalo ang kaba at excitement sa dibdib ko, hindi ko maipaliwanag.

Pakiramdam ko ay gumaralgal ang tinig ko. Pero hindi ko matukoy kung ang dahilan ba no'n ay ang kaba o ang masarap na pakiramdam na dulot ng pag-amin niya?

Natatandaan ko pa iyong mga gabing sinusulyapan ko lang ang buwan mula sa aking kama. Kung paano ko iyong inaabot at hinahaplos ng aking daliri habang nakapikit ang isang mata, na para bang tunay ko iyong nahahawakan kahit hindi naman.

Hindi ko nalilimutan ang kaba na idinulot niyong unang beses na magkalapit kaming dalawa, nasa likuran ko man siya o harapan. Hanggang ngayon ay ramdam ko rin ang hiya nang unang beses na magkausap kami. Lahat ay malinaw pa sa aking isipan. At ni isa sa mga iyon ay hindi nagbigay sa akin ng pag-asang magugustuhan niya. Kaya kahit ilang sandali na ang lumipas, tila paulit-ulit ko pa ring naririnig ang kaniyang pag-amin.

Gusto ako ni Maxrill Won... Nakagat ko ang aking labi.

Isa-isa kong inisip ang sarili kong katangian at pilit na inalam kung alin sa mga iyon ang kaniyang nagustuhan.

"I am talking to you, Dainty Arabelle," 'ayun na ang nauubos na pasensya ni Maxrill Won.

Naglakad siya deretso papalapit sa 'kin, sobrang lapit na hindi na halos mag-iwan ng distansya sa pagitan namin. Inilapit niya ang mukha sa akin dahilan para bahagya akong mapaiwas. Pero lalo lang niyang inilapit ang mukha sa akin.

"Ha?" wala sa sarili kong sagot, nautal pa.

Tumabingi ang kaniyang ulo, mas sinisipat ang mukha ko. "Ha?" saka niya uli ginaya ang aking tono, nang-aasar.

Napanguso ako at nag-iwas ng tingin. Kinakabahan ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Hindi ko na alam kung saan ibabaling ang aking mukha sapagkat sinusundan niya iyon ng tingin. Halos maghalo sa hangin ang hininga namin.

"Be my girlfriend," pabulong niyang sinabi dahilan para bigla ko siyang lingunin. Lumamlam ang mga mata niya, inililibot sa kabuuan ng aking mukha. "I really like you and I want you mine, Dainty. Please be my girlfriend."

Umawang ang labi ko. "..." ngunit walang lumabas na salita.

"Swear I'm gonna spoil you," malambing niyang sinabi kasabay ng paghawak sa kamay ko.

Naiwang nakaawang ang labi ko nang iangat niya ang aking kamay at ihaplos sa kaniyang mukha. Mas tumindi ang naghahalo kong excitement at kaba. Hindi ko alam kung paanong sasalubungin ang mga titig niya.

"Hmm?" ungot niya nang hindi ako makatugon.

"A-Ano..." nalukot ang mukha ko at napapikit sa kahihiyan.

Mahina siyang tumawa. "Hmm?" inilapit niya ang mukha sa pisngi ko at dinampian ng halik.

Lalo akong napatitig sa kaniya at sinalubong niya 'yon nang walang alinlangan, sa huli ay ako pa rin ang naiilang.

Nang akma niyang dadampiang muli ng halik ang pisngi ko ay tuluyan ko na siyang nilayuan. Naiwan sa kaninang pwesto ko kamay niya at kunot-noo akong nilingon, kinukwestyon ang naging aksyon ko. Sa kabila nang ganoong asta niya ay ngumuso ako.

"You're such a brat," hindi ko inaasahang sa kaniya pa manggagaling iyon.

Pinandilatan ko siya. "Ikaw nga diyan," sumama ang mukha ko. "Panay ang halik mo e hindi pa nga...ano..."patay na, Dainty... Hindi ko masundan ang sasabihin!

Humakbang siya papalapit at ipinuwesto sa likuran ang pareho niyang kamay, saka siya yumuko upang salubungin ang tingin ko.

"Yeah?" tanong niya. "Hindi pa nga what?" Nakita ko nang magpigil siya ng ngiti.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa sariling pulsuhan at muling nag-iwas ng tingin ngunit muli niya lang sinalubong ang mukha ko. Napapikit ako at marahas na umiling.

"Nahihiya ako sa ginagawa mo, Maxrill Won," hindi ko napigilang magtaas ng boses.

Ngunit pinagtawanan niya lang ako. "You mad now?"

"Oo!" sinamaan ko siya ng tingin.

Umayos siya ng tayo at pinagkrus ang mga braso. Saka siya nagbaba ng tingin sa akin. "Really?"

"Nahihiya ako sa ginagawa mo, naiilang ako," pag-amin ko.

May distansya na sa pagitan namin pero sa lalim ng titig niya ay naiilang pa rin ako. Parang walang nagbago sa epekto niya, malapit man siya o may distansya.

"Fine, I'll keep my distance," paniniguro niya. "Now, answer me."

"Ha?"

"Ha?" gano'n kabilis niyang ginaya ang sagot ko. "Be my girlfriend," paglilinaw niya.

Paano ko ba sasagutin 'yon? Hindi naman 'yon tanong. Pero...pwede ngang sagutin. Nalukot ang mukha ko. Pero...paano nga? Sige? Oo? Alin sa dalawa ang isasagot ko? Lalong nalukot ang mukha ko. Handa na ba ako? Kapag sinagot ko 'yon, ibig sabihin ay kami na...ano ang mangyayari kapag naging kami? Tumindi ang kaba ko nang maalala ang mga sinabi ni nanay. Nabahiran ng kirot ang kaba ko nang maalala si Ate Yaz. Paano ba 'to? Nanlumo ako.

"So...?" dagdag niya nang manahimik pa rin ako.

Paano na? Napapikit ako, hindi malaman ang gagawin.

Sandali pang nangibabaw ang katahimikan sa pagitan namin. Ako ay ilang na ilang habang siya ay tila kabado na naghihintay sa sagot ko.

"Don't you like me, Dainty?" bigla ay tanong ni Maxrill Won.

Awtomatiko akong nag-angat ng tingin ngunit hindi pa rin nakapagsalita. Tumitig siya sa akin na para bang naghahanap ng sagot sa mga mata ko. Maski ang tanong na iyon ay hindi ko masagot. Hindi ko maidahilan ang napakaraming laman ng isip ko.

Kung puso ko ang sasagot para sa akin, walang alinlangan iyong papayag na maging nobya niya. Hindi na lang pangarap iyon kundi isang milagro na nasa akin ang sagot para magkatotoo. Pero ang isip ko ang gumigising sa akin at nagbibigay ng alinlangan. Napakarami niyong dahilan na naiintindihan ko rin naman.

Tumitig pa siya sa akin sandali saka muling humakbang papalapit, tila tinatanya kung hahayaan ko siya o muli akong iiwas. Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan kaya sa huli ay muli siyang nakalapit sa akin.

Napapikit ako nang hawakan niya ang parehong pisngi ko. Nagmulat lang ako nang pagharapin niya ang mga mukha namin. Muli niyang ginagala ang paningin sa kabuuan ng aking mukha.

"If you say yes..." pabulong niyang sinabi habang nakatingin kami sa isa't isa. "I vow to be yours forever, Dainty." Tinunaw ng mga salitang iyon ang puso ko. "You'll be the sole owner of my heart, I promise..." Pinagdikit niya ang mga noo namin. "I swear I'm gonna baby you..."

"Maxrill Won..." hindi talaga ako makapaniwala.

Pumikit siya nang mariin, halos maramdaman ko ang kaba niya sa mga pisngi ko. "Please say yes, Dainty...hmm?"

Halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, at hanggang sa sandaling iyon ay gano'n na lang katindi ang paghanga ko sa kaniya. Aaminin kong nahihigitan ang maraming bagay ng gwapo niyang mukha, na bago ko hangaan ang mga iyon ay ang itsura niya muna. Pero kasunod no'n ay hinahangaan ko ang iba pang magagandang katangian niya.

Batid ko kung gaano siyang nahihirapan na hingin ang sagot ko. Na sa iilang sandali naming magkasama at magkakilala, alam kong gano'n na lang kadali para sa kaniyang makuha ang anumang magustuhan niya. Hindi ang sagot ko. At nagpapasalamat ako na ganito katindi ang respeto at pasensya niya sa akin.

"I'm going to take good care of you," idinugsong pa niya. "I promise..."

Nagmulat siya at sinalubong ang aking mga mata. Saka siya nagbaba ng tingin sa nakaawang kong labi at bago pa man ako makapagsalita ay muli niya akong ginawaran ng halik. Halik na malayo sa unang beses na iginawad niya sa akin. Naging napakamalumanay niyon na halos maramdaman ko ang pagkawala ng kaluluwa ko aking katawan. Hindi ko na makilala ang pakiramdam nang halikan niya ako sa pinakamagaang paraan. Na para bang gano'n na lang katindi ang pag-iingat niya sa aking labi.

"I'm in love with you..." sinabi niya nang hindi ko man lang naramdamang bitiwan niya ang labi ko.

Nakagat ko ang aking labi at sa sandaling iyon ay gustong-gusto kong isawika ang sagot ko. Gusto kong sabihing gusto ko rin siya. Gusto kong aminin na bago niya pa maramdaman iyon ay gusto ko na siya. Gusto kong ipaalam na matagal na ang nararamdaman ko at hindi lang iyon paghanga, kundi higit pa. Gusto ko rin siyang maging nobyo. Gusto ko ring ipangako na iingatan ko siya bilang akin. Gusto ko ring ibigay ang lahat-lahat sa akin kung ang kapalit ay ang makasama siya hanggang sa dulo.

Pero hindi ko magawa. Kanina pang sumisigaw ang puso't isip ko pero walang lumalabas na salita. Na kahit anong pagtitig ko sa kaniya, kahit anong nakakatunaw na salitang marinig ko, hindi ko siya masagot. Nangingibabaw ang takot ko. Takot na hindi ko mabigyan ng dahilan.

"Dainty..." muling pagtawag niya. "Please answer me."

"Natatakot ako..." sa wakas ay nasabi ko.

Nakita ko siyang matigilan. Saka siya umiling-iling na tila ba tinatanong kung saan. Pero bago niya pa maitanong 'yon ay nagsalita muli ako.

"Natatakot akong..." Natigil ang sarili kong sinasabi nang sabay kaming mapalingon nang bumukas ang pinto. Awtomatiko akong kumalas kay Maxrill Won nang pumasok si nanay. Kabado akong napatitig kay nanay at saka nagbaba ng tingin. Nang muli kong sulyapan si Maxrill ay hindi man lang yata nawala ang paningin niya sa akin. Kunot na kunot ang kaniyang noo at tila hinihintay pa rin ang kasunod ng kaninang sinasabi ko.

"Anong ginagawa ninyo rito?" tanong ni nanay.

Kabado akong napalingon sa kaniya. "Ano po, 'nay...nag-uusap kami ni..." nilingon kong muli si Maxrill Won, talagang hindi niya inaalis ang paningin sa akin. "Nag-uusap lang po kami."

"Maaari kayong mag-usap sa sala, Dainty, Maxrill," istrikto iyong sinabi ni nanay.

Tumindi pa lalo ang aking kaba. Pero nagugulo ang pakiramdam ko kada susulyap ako kay Maxrill Won at hindi man lang niya pinapansin si nanay.

"Maxrill Won?" pagtawag ni nanay.

"Dude, we're talking," asik ni Maxrill Won kay nanay saka muling tumingin sa akin. "What are you afraid of?"

Nalukot ang mukha ko, hindi makapaniwalang talagang wala man lang siyang takot kay nanay. Hindi ko lalo malaman kung ano ang sasabihin. Kinakabahan ako sa maaaring sabihin ni nanay dahil nadatnan niya kami rito sa kwarto. Pero mas kinakabahan ako na hindi man lang niya bigyang pansin ang presensya ni nanay, baka magalit ito sa amin.

"Do you like me or what?" kapagkuwa'y dagdag ni Maxrill Won.

Nanlaki ang mga mata ko. "Maxrill Won," mariing sambit ko.

"I want you to say you like me too, Dainty Arabelle."

Lalong nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwalang iyon ang iniintindi niya sa kabila ng nangyayari ngayon. Hindi ba siya natatakot kay nanay?

Napalingon ako kay nanay nang marinig ko siyang bumuntong-hininga, wala iyong kasinlalim! "'Nay..."napabaling ako sa kanya.

"Seriously?" habol ni Maxrill, inunahan ako, hinaharangan ang akma kong paglapit kay nanay. "You kissed me back, Dainty..." mahina niyang idinagdag ngunit imposibleng kami lang ang nakarinig. "Why can't you tell me you like me now? I don't get it."

Napapikit ako. Patay na! Naghalo-halo na ang lahat sa akin, ang matinding kaba at pag-aalala sa iisipin at nararamdaman ni nanay. Sa isip ko ay sigurado akong galit na siya. Pero itong si Maxrill Won ay talagang ako lang ang iniintindi.

"Dude," bumaling si Maxrill Won kay nanay, talagang wala siyang galang! "Please give us a minute, we're talking."

Nanghina ang mga tuhod ko nang deretsong tingnan ni nanay si Maxrill Won. Hindi ko mapangalan ang nakapinta sa kaniyang mukha. Walang reaksyon ngunit nababasa ko doon ang pagtanggi. Wala siyang imik ngunit tila naririnig ko siyang galit.

Sumagot si nanay sa lenggwaheng sila lamang ang nagkakaintindihan. Tila iisang salita lang iyon pero ramdam ko ang inis sa tinig ni nanay. At mukhang tama ang hinala ko nang lingunin siya ni Maxrill Won upang sagutin. Hindi ko naintindinhan ang kanilang usapan.

"Yuhoo..." nabasag lang ang sandaling iyon sa pag-alulong ni Tiyo More.

Pagtingin ko sa pintuan ay pareho silang naroon ni Hee Yong at nakasilip. Gano'n na lang kaganda ang ngiti niya sa akin, hindi makita ang mga mata at nakalabas ang pantay-pantay na ngipin.

"What are you guys doing here? Meeting, huh? You talking about me?" ani tiyo, noon lang tuluyang pumasok.

Nawala lang ang nakakalokong ngisi sa mukha ni tiyo nang magpalipat-lipat ang tingin niya kina nanay at Maxrill Won. Namilog ang labi ni tiyo at mahinang sumipol. Nakangiwi siyang bumaling sa 'kin saka sumenyas ng pagguhit sa kaniyang leeg.

Patay...

Nakangiting bumuntong-hininga si tiyo saka muling bumaling sa anak. Hinawakan niya sa balikat si Maxrill Won dahilan upang inis siyang lingunin nito.

"What now, dude?" talagang pati ang ama ay gano'n pakitunguhan ni Maxrill Won! Hindi ako makapaniwala.

Sumeryoso si tiyo. "You're going to Japan, congratulations, anak."

Nangunot ang noo ni Maxrill Won. "What are you saying?" inis niyang inalis ang kamay ng ama saka muling sumulyap sa 'kin.

"Yeah, you're going to stay there for good."

"What?" asik ni Maxrill Won.

"Hahahahahahaha!" malakas siyang tinawanan ni tiyo sa mismong mukha. "I was just kidding."

"Who says I'm going to Japan?"

"Me."

"You're kidding me."

"No, I'm not," ngumiti si tiyo. "Let's talk outside. I brought you something."

"Am not hungry," binawi ni Maxrill Won ang kamay mula sa sariling ama. "I'm talking to Dainty."

"You can talk outside."

"You adults are always interrupting our talk." Galit na si Maxrill Won.

"You're going to be an adult, too. C'mon, let's eat outside."

Lumaylay ang mga balikat ni Maxrill Won saka nagpatianod sa sariling ama. Hindi ako makapaniwala sa paraan niya ng pagsagot sa mga magulang. Hindi ko maintindihan kung paano niyang naipararamdaman ang paggalang sa ganoong paraan. Kahit kasi gano'n siya tumugon ay ramdam ko ang kaniyang respeto kina nanay at tiyo. Hindi ko maipaliwanag, napakawirdo.

"Dainty," binalingan ako ni nanay bago pa ako makasunod papalabas. "Mag-usap tayo."

"'Nay..."

"Hindi mo nalilimutan ang sinabi ko, hindi ba?"

Nagbaba ako ng tingin. "Hindi po, 'nay."

Napabuntong-hininga siya. "Mabuti kung gano'n, halika na," kinuha niya ang kamay ko.

"Who's going to Japan?" asik ni Maxrill Won ang naulinagan namin bago pa kami makarating sa kusina kung saan sila naroon.

"You," sagot ni tiyo.

"Says who?"

"Me."

"Dad?"

"Just do what I said, anak, it's for your own good."

"You know you can't decide for me, right?"

"Who told you I can't?" sarkastikong tumawa si tiyo. "You are going to Japan, whether you like it or not, Maxrill Moon." Seryoso na si tiyo.

"You're kidding me, dad."

"I am serious, Maxrill Won. And stop talking like that to me, I'm warning you."

"Why are you doing this?"

"Because this is the right thing to do."

"Daddy," galit na si Maxrill Won.

"I understand how you feel but you gotta move on first, young man." Pinal nang sinabi ni tiyo, natigilan ako sa paglalakad pasunod kay nanay. Ang paningin ko ay napako sa sahig. "Kailangan mong tapusin ang naramdaman mo sa iba bago ka muling magmahal ng isa, do you understand me?"

"No. Speak in freaking English, dad."

"You understand me?"

"No," malumanay man ay ramdam ko ang hinanakit ni Maxrill Won nang isagot 'yon. "I can't understand you and I don't know why you're doing this to me."

"Trust me, it's for your own good."

"Give me a freaking reason, dad. I'm not a kid anymore."

"Yeah, you're no longer a kid that's why I don't need to explain everything to you anymore. You should know why I'm doing this," dinuldol ni tiyo ang balikat ni Maxrill Won habang sinasabi ang bawat salitang iyon. "Listen,"doon nawala ang pagiging istrikto ni tiyo. "You had feelings for Yaz and you gotta move on from that before you"

"Why are you saying this?" Umiling-iling si Maxrill Won. "You don't know how I feel, dad."

Lumaylay ang mga balikat ni tiyo at hinawakan ang magkabilang balikat ni Maxrill Won pero nagpumiglas ito upang iwasan ang ama.

"Please stop making me feel that I'm doing this just to fill a void."

"Maxrill Won," napapailing na pagtawag ni tiyo.

"There's no right or wrong way to get over someone," mariing ani Maxrill Won. "There's no freaking set time frame for moving on either. But only I can tell whether I've moved on or not. You can't just decide for me and tell me that I gotta freaking do this and thatthat I gotta go here or there in order to move freaking on, dad."

"I'm starting to dislike your way of talking, Maxrill Won. Let's talk outside." Pinangunahan ng ama ang paglabas, walang nagawa si Maxrill Won kung hindi ang sumunod.

Bago pa man ako makapag-angat ng tingin kay nanay ay hinarap niya na muli ako. "Gaya ng Tiyo More mo, ayaw lang din kitang masaktan, Dainty," seryoso iyong sinabi ni nanay. "Alam kong may nararamdaman ka kay Maxrill Won, naiintindihan ko iyon. Hindi rin kita pipigilang maramdaman iyon. Pero bigyan mo siya ng oras para maghilom."

Hindi ako sumagot, nanatiling nakababa ang aking tingin. Nakukuha ko ang punto niya, maging ang punto ni tiyo ay nauunawaan ko. Pero naiintindihan kaya nila ang punto ni Maxrill Won? Kahit hindi niya kasi deretsang sabihin, alam kong ang tinutukoy niya ay naka-move on na siya kay Ate Yaz, tulad ng sinabi niya sa akin. Bakit kaya hindi nila iyon pinaniniwalaan?

Ikaw ba ay naniniwalang naka-move on na nga siya, Dainty? Lumaylay ang mga balikat ko sa sariling tanong.

"It is important to to take time to process your own feelings, Maxrill Won," dinig pa rin ang pag-uusap ng mag-ama mula sa kusina. "In that way, you can move forward and start a new relationship off right."

"It's not as if I had a relationship with her." May diin sa huling salita ni Maxrill. "She never liked me, dad. I was the only one who had feelings for her."

"You loved her for years, Maxrill Won. I am sure of that." May diin sa bawat salita ni tiyo, natahimik si Maxrill Won.

Nakagat ko ang aking labi. Loved... Inosente akong napasulyap sa gawi kung nasaan sila. Nakasiwang ang pinto ngunit hindi nakikita ang mag-ama.

"I know, people processess heartbreak in their own way, we all move on differently," patuloy ni tiyo. "No one's stopping you from falling in love again but you gotta give yourself enough time to heal, son."

Hindi na sumagot pa si Maxrill Won. Nagbaba ako ng tingin at hindi na muling lumingon kung saan sila naroon. Sa sandaling iyon ay naisip ko na maaaring sina tiyo at nanay nga ang tama. Hindi pa nakaka-move on si Maxrill Won kay Ate Yaz. Kailangang makalimutan niya muna ito bago magmahal ng panibago.

Pero...totoo nga kayang gusto niya ako? O isa lamang akong panakip-butas para hindi niya maramdaman ang sakit ng katotohanan?

To be continued. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji