CHAPTER 24
CHAPTER 24
"KUMUSTA ANG lakad ninyo ni Maxrill Won?" Hindi ko inaasahang susundan ako ni nanay upang tanungin nang ganoon.
"Ayos naman po, 'nay." Nag-iwas ako ng tingin bago sinagot 'yon.
Tumango-tango siya, seryoso, saka siya ngumiti. "Sige, maligo ka na muna."
"Opo, 'nay."
"'Wag ka nang magtagal para makapaghapunan na tayo."
"Opo."
Nasundan ko ng tingin si nanay nang lumabas mula sa aming kwarto. Gano'n na lang ang kaba ko nang tuluyan niyang isara ang pinto. Napasulyap ako sa sarili mula sa salamin at saka lumaylay ang mga balikat.
Nahulaan kaya ni nanay ang ginawa namin? Napalunok ako sa isiping 'yon. Hindi imposible 'yon. Ano kaya ang iniisip niya sa amin?
Pakiramdam ko ay iyon na ang pinakamatinding kasalanang nagawa ko. Natatandaan ko pa ang kwento ni Bree kung paanong nahulaan ni nanay noon na nagloloko sa pag-aaral si Kuya Kev at nababarkada sa masamang grupo.
Kami ay walang nahahalata. Parati pa nga kaming hanga kay Kuya Kev noon sapagkat hindi siya lumiliban sa klase. Maaga siya kung umalis upang pumasok at umuuwi sa oras. Ang sabi ni Bree ay narinig niya nang kausapin ni nanay si kuya, bagaman hindi lahat ay naintindihan niya dahil sa murang edad. Pero nang panahon umanong iyon ang unang pagkakataon na makita niya si nanay na kagalitan si kuya. Umiyak daw si kuya dahil kahit hindi siya nagsabi ay nahulaan ni nanay ang kaniyang mga kalokohan.
Napabuntong-hininga ako. Kalokohan na nga siguro ang ginawa namin ni Maxrill Won. Sapagkat wala naman kaming relasyon para gawin iyon. Hindi sapat na dahilan ang tamang mga edad namin para doon. Mas tama ang magkaroon ng parehong pagkakaintindihan kaysa ganitong hinuhulaan ko kung ano ang maitatawag doon. Kaysa ganito na hindi ko mabigyan ng dahilan kung bakit niya ginawa iyon. Kaysa ganito na kahit alam kong may iba siyang gusto...pumayag ako.
Bago pa lumalim ang aking iniisip ay dali-dali na akong kumuha ng gamit at naligo. Hindi ako nagtagal sapagkat alam kong mas mabilis kumilos si Maxrill Won kaysa sa akin. Tuloy ay tinuyo ko lang ng twalya ang buhok ko nang matapos at lumabas na ako.
Naunang dumapo ang paningin ko kina nanay, Kuya Maxwell at Maxrill Won na noon ay naroon sa kitchen island. Parang bata na minamadali ni Maxrill Won si Aling Wilma na ipagtimpla siya ng tsaa.
Nakaupo ang magkapatid sa magkatabi ring high chair at nakatalikod sa gawi ko. Habang si nanay ay nakatayo sa kabilang gawi niyon at natatanaw ang pinagmulan ko.
Kahit anong lakas ng mga boses nila, wala akong naiintindihan sa halos magkakasabay nilang sinasabi. Nangunot ang noo ko nang marinig si nanay na magsalita gamit ang ibang lenggwahe nang ganoon man kahinahon ay ramdam ang awtoridad. Si Kuya Maxwell na bagaman tumatawa kasabay nang pagsasalita ay halatang may pinagsasabihan. Panay naman ang buntong-hininga ni Maxrill Won, halata ring nagdadahilan. Tama nga ba ang pagkakaintindi ko gayong ang kanilang tono lang ang aking pinagbasihan? Wala akong naintindihan ni isa sa kanilang mga sinabi. Paanong natuto si nanay sa ganoong salita nina Maxrill Won at Kuya Maxwell? Ano nga bang lenggwahe iyon?
Doon siguro iyon sa bansang Empery na tinutukoy ni Maxrill Won. Saan naman kaya 'yon? Ngayon ko lang narinig ang bansang 'yon.
Natinag lang ako nang sabay akong lingunin nina Kuya Maxwell at Maxrill Won. Sabay na sabay at nasa parehong posisyon, nakatuon ang isang siko sa kitchen island, at bahagyang nakalingon sa akin.
Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng pisngi. Paano nangyaring nagpapaligsahan sa itsura ang dalawang ito? Bagaman halatang mas matanda si Kuya Maxwell ay hindi siya pahuhuli. Iyon nga lang, talagang iba ang dating ni Maxrill. Siya iyong tipong hindi na kailangang titigan para makita ang kagwapuhan. Kahit yata hindi ko siya deretsong tingnan ay masisiguro kong gwapo siya.
Hindi lang sa edad sila nagkaiba kundi maging sa kilos at tindig. Madalas kasi ay bagsak ang mga balikat ni Kuya Maxwell, animong tinatamad sa maraming bagay kahit na ang totoo ay napakasipag nga niya. Si Maxrill Won ay maganda ang tindig, parang ganoon sa mga modelo. Madalas ay itim lamang ang suot ni Kuya Maxwell. Habang ang kaniyang kapatid ay parating nakaputi at animong nag-eendorsyo ng mga damit dahil parating pormado. Maganda ang pagkakahubog ng katawan ni Maxrill Won, deretso at humihiyaw sa kagandahan habang ang kaniyang kuya ay may kapayatan. Preskong tingnan si Maxrill Won, parati na ay parang bagong ligo. Habang si Kuya Maxwell naman ay parang hindi napagpapawisan. Mas lamang ang kaputian ni Kuya Maxwell pero mas makinis si Maxrill Won. Malambot at pino kung kumilos si Kuya Maxwell, kagalang-galang. Habang si Maxrill Won naman ay lalaking-lalaki ang mga galaw, animong siya ang may ari ng lahat ng kaniyang tinatapakan.
Si Kuya Maxwell ang unang ngumisi. "You're so pretty, Dainty," ang tamis ng kaniyang ngiti ay may halong pang-iinis. Lalo na nang sulyapan niya ang kapatid na noon ay kaharap niya na at nakasulyap din sa akin.
Nawala sa akin ang paningin ni Maxrill Won at pasiring iyong ibinaling sa kapatid. Sabay na umangat ang mga kilay ni Kuya Maxwell, lalong nang-iinis. Tuloy ay sumama ang mukha ni Maxrill Won.
"Dude, what's wrong with you? You're supposed to be grieving! Go home and cry alone, old guy!" asik ni Maxrill Won.
Nakangising umiling si Kuya Maxwell. "Hmm. Sooner or later you will also cry, but louder. Because you're the spoiled freaking brat Del Valle," lalo niyang inasar ang kapatid.
"I don't want to be your brother anymore, Maxwell."
"That's how I felt, hmm, maybe, three or five days ago. I feel you, Maxrill Won, believe me."
"Tsh. Not anymore, I feel different now." Inis na nag-iwas ng tingin si Maxrill Won at lumingon mula sa 'kin. "What? You going to stare at me forever? Come sit beside me." Ganoon din ang sinabi niya kahapon.
Ngumuso ako at saka naglakad papalapit sa kanila. Silang tatlo ay nakatingin sa akin. Habang si Aling Wilma ay abala sa paghahanda ng mesa.
"Wilma, where's my tea?" asik ni Maxrill Won.
"You, rude brat," asik din ni Kuya Maxwell. "Wilma, please serve his milk tea." Nang-aasar niyang sinulyapan si Maxrill Won. "You want it in a cup or bottle?"
"Hmm," nakangising hinarap ni Maxrill Won ang kapatid. "I'm smiling but I'm annoyed, hyung." Doon lang siya sumeryoso.
"Oh, 'eto na!" asik ni Aling Wilma, pinandilatan si Maxrill Won at hindi inaasahang malilingunan ako. "Napakaganda namang talaga ng batang ito, oh..." ngiti ni Aling Wilma. "Ikaw ba ay may manliligaw na, hija?"
"Po?" kinabahan ako bigla.
"Manliligaw, iyong nais bang maging nobya ka, ganoon," paliwanag ni Aling Wilma na para bang hindi ko alam ang tinutukoy niya.
"Wala po," nahihiyang sagot ko, pinalobo ko ang aking bibig.
"Wala? Aba'y kaybabagal naman ng mga lalaki ngayon, ano, Heurt?" inosente kunyari nitong baling kay nanay.
"Alisin mo ang paningin mo sa 'kin at hindi ako natutuwa sa 'yo, Wilma," asik ni nanay saka bumaling sa akin. "Maupo ka na, Wednesday."Napanguso ako sa hindi inaasahang pang-aasar niya.
Nahihiya man ay dumeretso ako sa mesa at naupo sa silya. Nakababa ang aking tingin pero ramdam ko ang mga mata nila sa akin. Pinagkakaisahan ako ng mga ito.
"Naku, kung ako ang lalaki, liligawan agad kita, Dainty." Nanlalaki ang mga matang paniniguro ni Aling Wilma, napanguso ako. "Sayang at wala akong anak na lalaki. Pero meron akong pamangkin na gwapo, Dainty. Hindi iyon nalalayo sa edad mo at nasisiguro kong magugustuhan ninyo ang isa't isa. Gusto mo bang makilala?"
"Po?" nagugulat kong tugon. Napapalunok kong sinulyapan si nanay ngunit ang nababagot niyang mga mata ay nakapako kay Aling Wilma.
"Gwapo iyon! Masipag! Habulin ng mga babae at hindi torpe!" dagdag ni Aling Wilma. Saka niya sinulyapan si Maxrill na noon ay nakangising sumimsim sa kaniyang tasa ng tsaa."Higit sa lahat, hindi brokenhearted sa ibang babae!"
Bigla ay ibinagsak ni Maxrill ang tasa sa mesa dahilan para lingunin naming lahat iyon. Sinalubong niya ang tingin ko.
"You wanna meet my parents, Wednesday?" bigla ay tanong ni Maxrill Won.
Hala...
Tinitigan niya ako nang deretso dahilan para mailang ako. Titig na nakaiilang ngunit hindi ko magawang iwasan. Titig na tila hindi lang ang aking mata ang nakikita kundi tumatagos sa aking kaluluwa.
Kung hindi lang natawa si Kuya Maxwell ay napuno na ng katahimikan ang buong silid.
"That's my brother," tinapik ni Kuya Maxwell ang balikat ng kapatid.
Na agad namang inilagan ni Maxrill Won. "Don't touch me, I said you're not my brother anymore. You're not a Del Valle, old guy."
"Nice move, eh," muli sanang tatapikin ni kuya ang balikat ni Maxrill Won nang tumayo ito at lumapit sa gawi ko.
"Be my moon," bulong ni Maxrill Won.
"Ha?" gano'n na lang ang kaba ko.
"Ha?" inis niya na naman akong ginaya. "I'm asking you," tinunghayan niya ako, ang isang kamay ay nakapako sa mesa habang ang isa ay nasa sandalan ng aking silya, hinaharangan ang pagitan namin ng kaniyang kuya.
"Del Valle moves!" pumalakpak si Kuya Maxwell. "Yeah, our parents are nice, Dainty,"naninigurong aniya. "My mom looks strict but she's...well, mabait at times. My dad looks soft but he's kind of strict specially when he's galit. But they're both nice. You can ask your mom about 'em," mahaba at mahinahong paliwanag ni kuya.
Iyon pa ang isang kaibahan nila ni Maxrill Won, mahinahon si kuya habang ang kapatid niya ay walang pasensya.
"Stop looking at my brother, I'm going to give you the permission to stare at me forever," bulong ni Maxrill Won, ako lang ang nakarinig.
Napipi ako saka nag-angat ng tingin kay Maxrill Won. Bahagya pa siyang tumango na para bang sa ganoon inuulit ang kaniyang tanong kanina, naghihintay ng aking sagot.
"Ano..." 'yon lang ang nasabi ko.
"Puro kayo kalokohan," singhal ni nanay. "Maupo ka na nga, Maxrill Moon," parang maging siya ay nang-aasar.
Nakanguso akong umayos ng upo. Awtomatikong kinuha ni Maxrill ang silya sa tabi ko at hindi ko inaasahang aakbayan niya ang sandalan ko.
"Don't listen to them," bulong ni Maxrill Won sa akin.
Nakangising sumunod si Kuya Maxwell. Akma na siyang mauupo sa kabilang gawi ko nang senyasan siya ni Maxrill Won.
"Naga," hindi ko naintindihan ang sinabi ni Maxrill Won.
"Hmm," ngumisi si Kuya Maxwell.
"Then sit on the other side, Maxwell Laurent."
Lalong ngumisi si Kuya Maxwell. "He's so spoiled, 'no?" baling niya sa akin, inaasar ang bunsong kapatid.
"Maxwell," asik ni Maxrill Won.
"Fine," ngisi ni kuya.
Sa isang istriktong sulyap ni nanay ay nanahimik ang magkapatid saka kami nagsimulang kumain. 'Ayun na naman ang pag-aasikaso ni Maxrill Won sa aking pagkain, tuloy ay panay ang nakakalokong ngisi ni Kuya Maxwell. Nakakailang, ang bawat kilos namin ni Maxrill ay pinanonood ni nanay habang kinatutuwaan naman iyon ni Aling Wilma. Hindi ko alam kung paano akong nakakain nang normal, gayong ganoon ang ginawa nila sa buong oras ng hapunan.
"We'll go ahead, thanks for the dinner," ani Kuya Maxwell bago pa lumalim ang gabi. Bumaling siya sa akin at bahagyang ginulo ang aking buhok. "Have a good night's sleep, princess."
"Maxpein's gonna be jealous, hyung," ungot ni Maxrill Won.
"Maxpein or you?" ngisi na naman ni Kuya Maxwell.
"You are so annoying!"
"You are so rude."
"Because you're doing it intentionally, hyung!"
"Good night, Maxrill Won," sinabi ko upang mahinto na ang dalawa sa pagtatalo. Nilingon nila akong pareho dahilan para ngumiti ako.
Isinandal ni Maxrill Won ang sarili sa hamba ng pintuan saka deretsong tumitig sa akin. "Goodnight, Dainty Arabelle."
"Sweet," nakakalokong bulong ni Kuya Maxwell.
Sumama ang mukha ni Maxrill Won. "Let's go!" inakbayan niya ang kuya na bagaman mas matangkad ay yumuko upang maabot niya.
"Good night, Dainty Arabelle!" nanunuksong paalam ni Kuya Maxwell, kumaway kina nanay at Aling Wilma saka sila tatawa-tawang dumeretso papalayo.
Nakangisi na sa akin si Aling Wilma nang maharapan ko. "Kagandang bata ni Dainty Arabelle," pakiramdam ko ay panunukso na nila ang pagtawag nang ganoon kaemosyonal sa pangalan ko.
Napanguso ako. "Hindi po, Aling Wilma."
"Sshh!" pinigilan niya ang labi ko. "Tita Wilma!"
"'Wag ka nang mapili, umuwi ka na, Aling Wilma," baling ni nanay sa kaniya.
"Isa ka pa!" asik ni Aling Wilma rito saka tatawa-tawang nagpaalam sa akin.
Pumasok na uli ako sa loob at dederetso na sana sa kwarto nang marinig uli si nanay na magsalita.
"Darating si Maximor bukas, paghandaan mo ng agahan ang mag-aama, gano'n na rin si Dirk," abiso ni nanay.
Sa halip ay dumeretso uli ako sa kusina at napilitang uminom ng tubig para marinig ang kanilang usapan.
"Ano't paparito siya?" walang ideya si Aling Wilma. "Akala ko ba ay abala siya sa ipinatatayong paaralan sa Laguna?"
Bumuntong-hininga si nanay. "Gaganoon-ganoon ang magkapatid na iyon pero parehong may pinagdaraanan." Nakita ko nang tanawin muli ni nanay ang hallway, ang gawi kung saan nagtungo ang magkapatid. "Ipahahatid niya si Zaimin Yaz sa Cebu."
"Uuwi na ang maarteng iyon?"
"Nalaman mo naman ang pinagdaraanan nila ni Maxwell Laurent."
"'Sus, parte lamang iyan ng relasyon."
"'Wag mong pangunahan, hayaan mong pagdaanan nila iyon."
"Kunsabagay, lahat naman ay dumaraan sa ganyan. Siya, sige, ipaghahanda ko kayong lahat ng agahan."
"Walang ideya ang magkapatid tungkol sa pag-alis ni Yaz, itikom mo ang matabil mong dila."
"Ah, talaga ba? Sige, susubukan ko." Iyon lang at narinig ko nang nagpaalam si Aling Wilma.
Dinali-dali ko namang hugasan ang baso na ininuman ko. Akma na akong dederetso sa kwarto nang sabayan naman ni nanay ang paglalakad ko. Buntong-hininga niya ang nakapagpalingon sa 'kin, masyado 'yong malalim.
"Mag-usap muna tayo, Dainty." Kinabahan agad ako sa sinabi ni nanay.
Dumeretso siya sa high chair at sinenyasan akong maupo ro'n. Kabado man ay sumunod ako.
"Tungkol saan po, nanay?"
Muli pang bumuntong-hininga si nanay saka sinuyod ng tingin ang kabuuan ng aking mukha. Inalis niya ang hibla ng buhok at isinilid sa likod ng aking tainga.
"Alam kong...may nararamdaman ka kay Maxrill Won," iyon pa lang ang sinasabi ni nanay pero para na akong maiiyak. Nagbaba ako ng tingin at kinagat ang aking labi para mapigilan ang emosyon. "Pero kasi..." naging mas malalim pa ang buntong-hininga ni nanay, lumalim din maging ang aking kaba.
"Naiintindihan ko naman po, 'nay,"gumaralgal ang aking tinig. Pakiramdam ko ay alam ko na ang kaniyang sasabihin.
Tumitig sa akin si nanay, ang mga mata ay para bang naaawa sa akin sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, nang wala akong kasiguraduhan.
Hinawakan ni nanay ang magkabila kong balikat saka ako iniharap nang ayos sa kaniya. Naglaban ang aming mga mata ngunit nauna akong nag-iwas ng tingin.
"May pinagdaraanan si Maxrill sa sandaling ito at...gusto kong malampasan niya muna 'yon bago kayo pumasok sa relasyon. Maaari mo bang pagbigyan ang kahilingan ko, Dainty?"
Nag-angat ako ng tingin kay nanay. Hindi ko alam kung bakit may ideya naman ako sa ibig niyang sabihin pero nalilito pa rin ako. Para bang hindi ko siya naintindihan. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan niyang ipakiusap 'yon. Para bang sigurado na siyang ganoon ang mangyayari.
"Ayaw kitang pangunahan pero hindi ko rin gugustuhin na masaktan ka, Dainty." Hinaplos niya ang aking buhok.
Napakarami kong gustong sabihin. Pero napipi ako at hindi maisawika ang lahat nang nasa isip ko. Ayaw kong sa huli ay magmukha akong nagdadahilan. Nag-aalala akong mahalata niya ang gusto kong mangyari. Natatakot akong isiping ni nanay na ako lang ang may gusto nang kung anomang ipaliwanag ko. Nangangamba akong sa huli ay mapatunayan kong ako lang ang may nararamdaman sa namamagitan sa 'min ni Maxrill Won.
"Alam kong espesyal sa 'yo si Maxrill, nasisiguro kong ganoon ka rin sa kaniya,"patuloy ni nanay. "Pero may relasyon na hindi dapat minamadali kahit pa gaano mo iyong gustong mangyari."
Muli pa akong nagbaba ng tingin. Lahat tuloy ng wala akong kasiguraduhan ay ngayon ko lang naiisip. Sa una ay nagawang sisihin ng isip ko si Maxrill Won. Pero nang huli ay sarili ko na ang sinisisi ko. Bakit ako pumayag magpahalik? Lalo na't alam ko ang namagitan sa kanila ni Ate Yaz. Narinig ko ang usapan nila ni nanay, may ideya ako. Pero hinayaan ko pa ring mangyari ang lahat nang ito. Nang hindi ako sigurado kung ano ang katayuan ko sa buhay ni Maxrill Won. Nang hindi ako sigurado kung ako ba talaga bilang si Dainty Arabelle Gonza na kaniyang nakilala ang nakikita niya.
"Pagkaalis ni Ate Yaz ay babalik na tayo sa Laguna," patuloy ni nanay. Agad na gumuhit ang lungkot sa kalooban ko. "Sige, matulog ka na."
Hindi ko na nagawang sumagot. Sa lalim ng pag-iisip ay basta na lang akong sumunod. Paulit-ulit na umugong sa pandinig at isipan ko ang mga sinabi ni nanay sa pagligo. Hindi lang ang sinabi niya sa 'kin kundi maging ang napag-usapan nila ni Aling Wilma. Dala ko 'yon hanggang sa paghiga. Hindi tuloy ako nakatulog agad.
Nasasaktan si Maxrill Won at dahil 'yon kay Ate Yaz. Naisip ko maging ang aking sitwasyon.Bakit kailangan mo 'kong halikan, Maxrill Won? Nalulungkot ako. May ideya ako sa ibig sabihin ni nanay at kinakabahan akong tama ang naiisip naming pareho. Ginagamit mo lamang ba ako para malimutan si Ate Yaz? O iniisip mong ako si Ate Yaz habang magkasama tayo?
Agad akong inantig ng aking konsensya. Malaking parte ng isip ko ang hindi sang-ayon sa naisip kong 'yon. Ang damdamin ko ang nagpapatunay na mali ang pagkakaintindi ko. Dahil nang alalahanin ko kung paano akong tingnan ni Maxrill Won, nasasagot na ang aking tanong. Ang mga pinaramdam niya sa 'kin kanina ay sapat nang patunay para isipin kong hindi ganoon 'yon.
Tinanghali ako ng gising kinabukasan. Ramdam ko na ang init nang bumangon ako upang maligo. Hindi na ako nagtagal pa dahil sa pananabik na makita ulit si Maxrill Won. Kahit pa sinabi ni nanay na sasabayan niya ang kaniyang ama sa agahan, umaasa akong daraanan niya ako upang makita.
"Magandang umaga po, 'nay," nahihiya kong bati. "Pasensya na po, tinanghali ako ng gising."
"Mm, malamig na ang agahan. Nauna na akong kumain. Hindi na kita ginising at mukhang napuyat ka sa kaiisip sa mga sinabi ko."
Napanguso ako. Ano kaya ang maililihim ko kay nanay? Mukhang wala. Marahil ay dahil napagdaanan niya na ang ganito? Kagaya ng kasabihan nang matatanda na papunta pa lang ang kabataan ay pabalik na sila. Siguro nga ay ganoon din ang napagdaanan ni nanay.
Sabay kaming napalingon sa pinto nang may kumatok doon. Kinabahan ako nang si Maxrill Won agad ang aking maisip. Sinenyasan ako ni nanay na kumain na saka siya ang lumapit upang buksan iyon.
Napatayo ako nang makitang si Tiyo More iyon. "Magandang umaga po, Tiyo More,"pagbati ko.
"Dainty!" gano'n na lang kasigla ang pagbati ni tiyo nang makita ako. "How's Palawan, beautiful lady?"
Nag-init ang pisngi ko. "Nag-e-enjoy po ako, Tiyo More."
Lumapit siya at ginulo ang buhok ko. "Sa Palawan o kay Maxrill Won?" hindi ko inaasahan ang kaniyang tanong.
"Sa 'yo talaga nagmana ang mga anak mo, Maximor," asik ni nanay dahilan para lumabi si tiyo. "Mga bolero."
"Pero sa 'yo nagmana si Maxpein dahil pareho kayong bugnutin," ngiwi ni tiyo saka muling ngumiti nang pagkalawak-lawak sa akin. "So, Dainty, how's Palawan?" inulit na naman ni tiyo ang tanong na para bang kailangan niya talagang marinig ang sagot ko.
"Maayos naman po, tiyo."
"I heard you went out on a date with my thirdborn, how was the date?" Nag-init nang todo ang pisngi ko, napalobo ko ang aking bibig sa hiya. "What a cutie." Ngumisi nang todo si tiyo, hindi na makita ang mga mata.
"Ayos lang naman po, tiyo."
Nangunot ang noo ni Tiyo More. "What do you mean ayos lang? Aren't you happy? Did you enjoy...or not? Why is it ayos lang? It should be more than that," hindi makapaniwala, dere-deretso niyang sinabi.
"Tss," singhal ni nanay saka inilapag ang bagong timplang kape sa harap ni tiyo.
"Maxrill is kind of spoiled but he is a good guy just like his brother, Dainty. He is going to take good care of you, trust me."
"Oo nga po, tiyo," hindi ko napigilang mapangiti.
"Then why did you say ayos lang? I mean, you're supposed to be happy."
"Opo!" magiliw kong sagot, napilitan upang makumbinsi si tiyo. "Masaya naman po ako at nabusog sa lahat, maging sa tanawin, tiyo. Nakalangoy po ako sa dagat."
Lumapad ang ngiti ni tiyo. "Makes you wanna stay here for good, huh?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Po?"
"Puro ka kalokohan, Maximor!" asik ni nanay.
Dumeretso ng upo si tiyo at napalaghok sa kaniyang kape. Palihim siyang ngumiti sa akin at sumeryoso lang nang pumunta si nanay sa kaniyang harapan.
"Bakit ba narito ka?" ani nanay.
"Just checking out on you, why are you so pissed? Didn't you miss me, Heurt?" hindi ko inaasahan ang sagot ni tiyo.
"Baka hindi makuha ng anak ko 'yang biro mo, malilintikan ka sa 'kin."
Tatawa-tawang bumaling sa akin si tiyo. "I was just joking, Dainty. Don't mind me."
"Ayos lang po, tiyo," natatawa ko ring sagot.
"You're not gonna tell your jealous dad about my jokes, right?"
Jealous? Napalabi ako saka muling natawa. "Hindi po."
"Good, that's why I like you," ginulo ni tiyo ang buhok ko. "For my son, though."
"Po?"
"Go ahead and eat," isinenyas niya ang pagkain ko saka muling bumaling kay nanay. "Well, I'm here for my boys, of course. I'm going to pick Maxrill up, ihahatid namin si Yaz sa airport."
"Tanghali na."
"Blame Yaz," asik ni tiyo. "Siya itong napakaraming arte sa katawan, iiwanan din lang naman si Maxwell Laurent ko."
"Tss. Kailangan ng space no'ng tao."
"Yeah," bumuntong-hininga si tiyo. "Mukhang naliliitan siya sa lupain namin dito."
"Sira!" asik ni nanay. "Space for herself, a breather, 'yon ang kailangan ni Yaz."
"Makakahinga naman siya rito. Makakahinga rin siya sa El Nido. Maarte lang talaga ang isang 'yon, parang iyong panganay ko."
"Ewan ko sa 'yo, Maximor. Napakawiwirdo ninyo talagang mag-isip."
"Who's ninyo?"
"Kayong mga Moon."
"You are one of us." Hindi makapaniwala si tiyo.
"Ewan ko sa 'yo, tapusin mo na ang kape mo at huwag mong paghintayin ang bunso mo."
"You think he's waiting for me?" ngumiwi si tiyo saka lumingon sa 'kin. "He'll only for Dainty. That spoiled brat will never wait for me. Anyway, you're coming with me."
Minadali ko ang pagkain nang sabihin ni tiyo na sasama kami. Nasisiguro raw niya na hihilingin ni Ate Yaz na sumaglit sa ospital bago tuluyang magpahatid sa airport. Kaya gusto ni tiyo na naroon kaming lahat upang makapagpaalam na rin.
Magkakasunod na katok sa pinto ang nakapagpalingon sa amin. Katatapos ko lang maghugas ng plato, ako na sana ang lalapit doon nang maunahan ako ni tiyo.
"Let's go," tinig iyon ni Maxrill Won, natigilan ako. "Where's Dainty?" hindi ko inaasahang hahanapin niya ako.
Nakagat ko ang aking labi. Lumabas ako mula sa kitchen, iyong gawing hindi nakikita kung naroon ka lamang sa pinto o kapapasok lang.
"Nandito ako, Maxrill Won," mahina kong sabi.
"Have you had your breakfast?"
"Oo, katatapos lang. Ikaw?"
"Yeah, Heurt brought me food."
Kung ganoon ay hinatiran pala siya ng pagkain ni nanay. Hindi ko alam kung bakit naghinala ako sa katotohanang iyon. Wala namang masama kung hatiran siya ng pagkain ni nanay sa sarili niyang silid. Naninibago lang ako. Hindi ko maiwasang isipin na ayaw ni nanay na magkasabay kami.
"Let's go, Dainty, someone's waiting," untag ni Maxrill Won.
Someone... Napabuntong-hininga ako. Bakit kaya ayaw niyang banggitin ang pangalan ni Ate Yaz?
Sinalubong niya ang aking tingin. Hindi ko inaasahang ilalahad niya ang kamay sa akin. Sandali akong napatitig doon at hindi nakakilos. Napasulyap ako kay nanay, humihingi ng sagot kung tatanggapin ko ba iyon o hindi. Pero napalingon ako kay tiyo nang marinig ang hagikhik nito. Tila siya ang kinikilig sa ginawa ng kaniyang bunso.
"I'm waiting, Dainty," ani Maxrill Won.
"Ano..." napanguso ako. "Kaya ko namang maglakad nang mag-isa..." mahinang tanggi ko.
"Take my hand, Dainty Arabelle."
"Ayaw ko, Maxrill Won." Lumabi ako matapos sabihin iyon.
Nang hindi makatanggap ng tugon ay saka pa lang ako nag-angat ng tingin kay Maxrill Won. Titig na titig siya sa 'kin habang nakakunot ang kaniyang noo. Maging si tiyo ay nakakunot ang noo sa akin, na para bang mali ang pagtangging ginawa ko. Si nanay naman ay pabuntong-hiningang nauna.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top