CHAPTER 22
CHAPTER 22
NAKANGUSO KONG sinundan si Maxrill Won nang bigla niya akong talikuran at pangunahan sa paglalakad. Pero hindi pa man kami nakalalayo sa pinanggalingan ay hinarap na muli niya ako. Napaiwas ako upang hindi bumunggo sa kaniyang katawan.
"Fine," aniya saka bumuntong-hininga, hindi ko siya na-gets. "Let's just enjoy this day. Okay?"
Bahagyang nangunot ang noo ko sa pagtataka at saka tumango sa kaniya. "Okay, Maxrill Won."
"Where the hell were you?" bigla na naman ay asik niya, nakasimangot. Binagalan niya ang paglalakad.
"Ha?"
"Ha?" ginaya niya na naman ako ngunit sa naiinis na paraan. "You're such a baby," dinig kong bulong niya nang mag-iwas ng tingin.
Lalo akong napanguso. "Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo, Maxrill Won."
"I just can't understand why you have to say my name in...that freaking way."
"Ha?" naguguluhan ko nang tugon.
"Can't you just..." naiinis siyang huminto sa paglalakad upang harapin ako. Gano'n na lang kalalim ang buntong-hiningang pinakawalan niya. "Say my name."
Inulit ko sa isip ang utos niya. "Maxrill..."halos maibulong ko na sa kaba. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nagagalit siya. Ang mga kamay ko ay panay ang kamot sa magkabila kong braso habang bahagya iyong nakayakap sa akin.
"With Won."
"Maxrill Won..." nakanguso kong sagot.
Tumitig siya sa 'kin, nakatiim ang bagang. "Maxrill Won," may diin, kaswal niyang sinabi ngunit kaylakas ng dating sa akin. Sa paraan na para bang itinatama ako dahil mali ang pagkakasambit ko sa pangalan niya.
"Maxrill Won..." mahina kong tugon.
"It still sounds..." kunot-noo, naaasar niyang sabi ngunit hindi naipagpatuloy. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. "Sweet," patuloy niya, hindi matukoy kung naaasar o talagang gano'n. "I don't...I don't like it." Nag-iwas siya ng tingin.
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko maintindihan ang pinupunto niya kahit na simpleng mga salita lang naman iyon. Hindi ko maiwasang isipin na may mali sa pagkakasambit ko sa pangalan niya.
Ano ang ayaw niya? Ayaw ba niyang tinatawag ko siyang Maxrill Won? Napaisip talaga ako. "Ano'ng itatawag ko sa 'yo kung gano'n, Maxrill Won?" inosente kong tanong saka nagbaba ng tingin. Baka naman ako lang talaga ang ayaw niya kaya gano'n... Kaylalim ng pinakawalan kong buntong-hininga.
Tumaas ang kaniyang kilay at muling tumitig sa 'kin. "You're really asking me that question, huh?"
Tumango ako. "Para kasing ayaw mong tawagin kita sa pangalan mo..." nangunot ang noo ko. "Dahil ba sa pagkakasambit ko o dahil sa boses ko o...?"
"O, what?" hindi ako sigurado kung tama bang malambing ang dinig ko sa tanong na 'yon. Malayo sa normal niya nang naaasar na boses.
"O...ako lang talaga 'yong ayaw mo?"gano'n na lang katindi ang idinulot na kaba sa akin ng sarili kong tanong. Dumaragundong na kaba na halos marinig ko sa aking tenga.
Umawang ang labi niya. Napatitig ako doon dahilan para makita ko nang marahan niyang kagatin ang sariling labi...habang nakatingin sa akin. Napapalunok kong sinalubong ang kaniyang tingin.
"There's nothing wrong with my name, it's perfect. It's not you...well, yeah, fine, it is you," masungit na aniya. "It's..." hindi niya maituloy ang sasabihin. "Look," tumiim na naman ang bagang niya.
"In my country..." sa halip na ipagpatuloy ay bumuntong-hininga na lang siya dahilan para lalo pa akong maguluhan. "You're so innocent, Dainty Arabelle." Ang layo ng sagot niya.
Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko alam kung komplimento ba iyon o bagay na dapat na ikalungkot ko. Naiintindihan ko naman ang mga lenggwahe niya pero bukod sa putol-putol at hindi niya tinatapos ang mga sinasabi ay hindi ko makuha ang ikinaiinis niya. Nasa tono niya ang inis. Sa kaniyang mga mata ay mababasa ang paghanga. Hindi niya maalis ang tingin sa akin ngunit ang dahilan niya ay hindi ko makuha. Wala akong magawa kung ang paulit-ulit na bumuntong-hininga.
"And beautiful..." hindi ko inaasahang idadagdag niya, halos pabulong pa.
Napasinghap ako at napatitig sa kung saan saka marahang nag-angat ng tingin sa kaniya. Nang magsalubong ang aming mga mata ay hindi ko siya magawang labanan. Ako ang unang nagbawi ng tingin.
"Let's just swim," mahina niyang sabi saka ako muling pinangunahan.
Basta na lang niya ibinato ang shades niya sa kung saan. Nagugulat kong nilingon iyon. Dali-dali akong lumapit upang pulutin iyon at ilapag sa mesa. Napatitig ako sa puting buhangin na noon ay naroon na sa aking mga paa at wala sa sariling napangiti. Pero agad ding napawi ang ngiting iyon nang makita ang bakal na nakakabit sa binti ko.
Kalahati lang ng binti ko ang pinutol pero ang prosthesis niyon ay umaabot sa tuhod. Bagaman kakulay niyon ang balat at hinulma sa hugis ng normal na binti ko ay makikita ang metal na kumukonekta sa pinakapaa.
"What now, Wednesday?" Kung hindi nangibabaw ang tinig ni Maxrill ay baka nalunod na ako sa pag-iisip at katititig sa aking paa.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nasalubong ang nanliliit niyang mga mata. "Lotion?" aniyang ipinakita ang botelya niyon sa akin.
Ngumiti ako saka lumapit. "Salamat,"pinigilan ko nang banggitin ang pangalan niya.
Akma ko nang kukunin ang botelya sa kaniya nang ilayo niya iyon sa akin. Muling nagsalubong ang aming mga mata ngunit ngumisi siya. Napanguso ako at kinabahan nang maisip na baka siya ang maglagay niyon sa akin. Napalunok ako nang buksan niya ang lotion at maglagay nga sa kaniyang palad.
"Would you mind?" isinenyas niya ang lotion at humakbang papalapit.
Umawang ang labi ko at naestatwa. Pumunta si Maxrill Won sa likuran ko dahilan para lalong manlamig ang buong katawan ko. Mula sa aking likuran ay sinilip niya ang aking mukha, sobrang lapit na halos madikit sa aking pisngi ang kaniyang labi.
"Hair on the side please," mahinang aniya.
Napalunok ako sabay hakbang papalayo. "Maxrill Won..."
"Hmm?" inosente niyang tugon.
"W-Wala pang ano..."
"Ano?"
"Wala pang nakakahawak sa 'kin..."mahina kong sinabi, nakababa ang tingin.
Naramdaman ko ang kaniyang titig saka bahagyang natawa. "I'll be the first one, then." Ngumiti siya saka isinenyas na alisin ko sa likuran ang mahaba kong buhok.
Kabado, kumuyom ang mga palad ko saka inilagay ang buhok sa gilid ng balikat ko. Bahagya akong napalingon upang makita sa gilid ng aking mata ang gagawin niya.
Bahagya akong napalayo nang unang maramdaman sa likuran ko ang palad niya. Hindi ko matukoy kung saan nagmumula ang init, kung sa palad ba ni Maxrill Won o sa lotion.
Nang hindi ko iyon matagalan ay kusa na akong lumayo. "Ako na..." nahihiya kong sinabi.
"Sure," aniya na iniabot ang lotion sa akin saka ako tinalikuran.
Kunot-noo kong tiningnan ang kaniyang likuran saka nangapa. "Anong sure?"
Nilingon niya ako. "Put lotion on my back, lady."
Namilog ang labi ko. "Ha?"
"Ha?" ginaya niya ako.
"Sige..."
Pabuntong-hininga kong sinunod si Maxrill Won. Kabado, pero gano'n na lang ang pagngiti ko nang sandaling dumampi ang palad ko sa kaniyang likuran. Hindi ako makapaniwala na darating ang panahon na personal ko siyang mahahawakan.
Gusto kong bagalan ang aking ginagawa pero baka bigla siyang makahalata. Tuloy ay binilisan ko lang ang paglalagay ng lotion at iaabot na sana iyon pabalik sa kaniya nang humarap siya sa 'kin.
Nanlaki ang mga mata ko at sumulyap sa kaniyang dibdib. Pati ba diyan ay lalagyan ko siya? Umiling ako.
"What?" kunot-noong tanong niya.
"I-Ikaw na ang maglagay diyan," nag-iwas ako ng tingin.
"As if I'm asking you to...ya!" bigla ay sininghalan niya ako dahilan para mapanguso ako. "Whatever!" asik na naman niya at saka nag-iwas ng tingin.
Sandaling nangibabaw ang katahimikan sa amin, parehong nakaiwas ang mga tingin. Nang tingnan naman ang isa't isa ay nagkagulatan kami nang magsalubong ang aming mga mata.
"What?" 'ayun na naman 'yong tono niya na para bang magagalit dahil nakita niya akong nakatingin samantalang tumingin din naman siya.
"Parati ka na lang nagagalit sa 'kin,"napabuntong-hininga ako.
"I'm not mad," kunot-noo niyang sabi.
"Parang galit ka, e."
"This is normal."
"Hindi, ah." Ngumuso ako.
"In my country, this is normal, Dainty."
"Nasa Pilipinas tayo, Maxrill Won."
"Fine..." Bumuntong-hininga siya. "I'll try to be more...gentle." Tila napaisip din siya sa kaniyang sinabi. "Or whatever." 'Ayun na naman ang pagsusungit niya. "Let's go."
Kinuha ni Maxrill ang kamay ko. Kinabahan ako nang maisip na hahilahin niya ako at bigla na lang kaming tatakbo. Hindi nangyari iyon. Marahan kaming naglakad hanggang sa marating namin ang hangganan ng dalampasigan. Iyong parte kung saan halos yakapin ng dagat ang kabuuan ng isla.
"This island is moon-shaped," ani Maxrill.
Ang mga mata kong nakapako sa magkahawak naming mga kamay ay dumapo sa kaniya. Saka ko sinuyod ng tingin ang kabuuan ng lugar. Sa una ay hindi ko na-imagine ang sinabi niya. Pero nang makita nang tuluyan ang hugis ng aming kinaroroonan ay humanga na naman ako.
"When I was younger, Empery is the best place for me. We have different, colorful trees, animals and everything!" dagdag niya. "Until I've seen this place." Bumuntong-hininga siya at sandaling natahimik.
Sabay naming sinuyod muli ng tingin ang paligid. Iyong pakiramdam na tanging huni ng mga lumilipad na ibon, nililipad na mga dahon at alon ng dagat lamang ang gumagawa ng ingay, habang siya ang kasama, parang ayaw ko nang umalis pa sa lugar na 'yon.
"This is the heart of Palawan, Dainty,"sinalubong niya ang tingin ko. "Now I can say that this is the most beautiful place I've ever seen in my entire life."
Napalunok ako sa lalim ng pagkakatitig niya sa 'kin. "Ako rin," pumiyok ako!
Hinila niya ang kamay ko at saka kami sabay na humakbang papalapit sa tubig. Napangiti ako nang maaninaw nang malinaw ang aking mga paa.
Maxrill Won... Batid kong naramdaman niya nang humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya dahil sa pananabik at saya.
"You know I was sure I've met the most beautiful girl before..." mahina niyang sinabi, hindi ko halos nakuha agad bagaman narinig ko.
Inosente akong napalingon kay Maxrill Won at nakatingin na siya sa 'kin. Pero ang atensyon ko ay nahahati sa katotohanang nasa dagat ako at sa magaganda niyang salita.
"Just when I thought I've seen everything, you came and changed it all,"mahina pa rin niyang dagdag saka tuluyang hinila ang kamay ko upang magkakasunod kaming humakbang papasuong sa tubig.
Hindi ko na nagawa pang tutukan ang sinabi niya. Dahil ang pakiramdam nang malubog sa tubig-dagat ang aking katawan sa unang pagkakataon ay pinaghalo-halo ang aking pakiramdam. Hindi ko na malaman kung tatawa o mangingiti lang. Iyong pakiramdam na niyayakap ng tubig ang kabuuan ng aking bewang ay talagang bago at binuhay ang lahat ng pananabik sa katawan ko.
Nakangiti, tuwang-tuwa kong sinalubong ang matalim niyang titig. Kung kanina ay pinakakaba ako niyon, ngayon ay hindi maputol ang pagngiti ko.
Natutuwa akong nagbaba ng tingin sa mga paa ko saka muling namangha nang bagaman abot na sa tiyan ang tubig ay malinaw ko pa ring naaaninaw ang ilalim.
Wala sa sarili kong naibaling kay Maxrill ang saya, tumatawa ako sa bagay na hindi niya naman malaman kung ano ang aking ikinatutuwa.
"You like it, huh?" 'Ayun na naman 'yong tingin niya na para bang sinusuri ang bawat parte ng aking mukha.
Nakangiti, magkakasunod akong tumango. "Ito ang unang beses ko sa dagat. Kaya masaya ako."
"I can see that," sinagot niya iyon nang may matipid na ngiti sa labi habang ang humahangang paningin ay nasa akin.
"Salamat, Maxrill Won."
Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi saka nag-iwas ng tingin. "Tsh, that dude is boring, huh? Just like my brother Maxwell."Humalakhak siya.
Nangunot ang noo ko ngunit hindi na naman nakuha ang sinasabi niya. Siguro ay ganito kawirdo kausap si Maxrill. Napakarami niyang ideya, kahit wala naman sa usapan ay binabanggit niya.
Muli siyang matunog na bumuntong-hininga saka ako hinarap. Kinuha niya ang parehong kamay ko. At nang magtamang muli ang paningin namin ay awtomatikong tumugtog ang pamilyar na kanta.
You know everything
That I'm afraid of
You do everything
I wish I did
Everybody wants you
Everybody loves you
Napatitig kami ni Maxrill sa isa't isa. Nangiti siya habang ako ay naiilang na naman.
"I like that song," aniya saka ako hinila habang umaatras siya sa mas malalim pang parte.
Nilingon ko ang posibleng pinanggagalingan ng kanta. Doon iyon sa bungalow restaurant.
"Ako rin," ngiti ko pero ang alinlangan sa mas papalalim nang parte ng dagat ay bakas na sa tinig at mukha.
"Why do you like it?"
"Ha?" napasinghap ako sa tanong niya.
"Your sister sang that before, at the party, you remember that?"
Pinigilan kong kagatin ang aking labi at basta na lang tumango. Nag-aalala ako na baka mahalata niya na dahil sa kaniya kung bakit ko nagustuhan ang kantang iyon. Kahit kapatid ko pa ang kumanta.
"Lahat naaalala ko," matamang sagot ko.
"What else do you remember?"
Lahat... "Ano..." nag-isip ako. "Marami."
"Including me?"
Napatitig ako sa kaniya at nang masalubong ang malalim niyang titig ay nagbaba ako ng tingin.
"Oo," mahina kong sagot.
Nang hindi siya tumugon ay muli akong nag-angat ng tingin upang masalubong lamang ang matamis niyang ngiti.
Hawak ang aking kamay, bumaba siya sa tubig. Napangiti ako nang umahon siyang nakapikit. Lahat ng detalye ng kaniyang mukha ay nakita ko sa isang sulyap, hindi kapani-paniwala. Ang pagdaloy ng tubig hanggang sa butil-butil na pagtulo niyon mula sa kaniyang buhok pababa sa labi.
"Try it," aniyang nakangiti.
Lalong lumapad ang pagkakangiti ko at bago pa man umusbong ang mas matinding pananabik sa dibdib ko ay lumublob na ako sa tubig. Nakangiti akong nagmulat sa ilalim ng tubig, lumingon sa magkabilang gilid hanggang sa likuran. Bago kapusin ng hininga ay muli akong umahon at ngiting-ngiti siyang tiningnan. Pakiramdam ko ay hindi lang tubig ang kumikinang, kundi maging mga mapuputi niyang ipin dahil sa tuwa.
"We're going to swim now," aniya.
"Hindi ako marunong lumangoy."
"It's okay, no one's professional at first, Dainty."
Hinawakan niya ang kamay ko at walang ano-ano ay isinabay ako sa kaniyang paglusong. Napakapit ako nang mahigpit sa kaniyang kamay nang isabay niya ako sa paglangoy. Pakiramdam ko ay nakalutang ako kahit na ang katawan ko naman ay nasa ilalim ng tubig. Pakiramdam ko ay lumalangoy rin ako kahit na ang totoo ay nakatapak pa rin sa buhangin ang mga paa ko. Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa ilalim ng tubig. Pero dahil hindi magkasintagal ang mga hininga namin ay nauna akong umahon.
Binitiwan ko ang kamay niya upang hawiin ang buhok kong natakpan ang aking mukha. Nang magmulat ako ay 'ayun na naman ang paningin niyang may paghanga.
"You're going to sing me a song,"mahinang aniya nang humakbang papalapit sa akin.
Sa halip na sagutin siya ay napakapit ako nang hindi na maabot ng aking paa ang ilalim ng dagat.
"Pasensya na," nasabi ko.
"It's okay," hinawakan niya ang magkabila kong braso. "How can I say no to you?"
"Ha?"
Umangat ang gilid ng labi niya. "You're so soft, Dainty."
Hindi ako nakasagot, sa halip ay napatitig lang sa kaniya. Hindi na rin siya nagsalita pa. Sa halip ay muli niya akong hinila at sabay naming nilangoy ang dagat.
Walang kasingsaya ang sandaling iyon. Ang totoo, sa sobrang tuwa ay hindi ko mabilang kung ilang beses akong nakainom ng tubig sa katatawa. Natural, pinagtawanan ako ni Maxrill Won. Tinuruan niya akong lumangoy pero hindi ako natuto. Iyong maayos kong paa lang ang nagagawa kong iangat sa tubig habang iyong isa ay hindi ko pa kaya, nabibigatan ako. Ilang beses siyang sumubok na dalhin ako sa malalim pero halos umiyak ako sa pagtanggi. Sa huli ay nanatili kami sa parte kung saan ulo lang naming pareho ang makikita. Na kahit pa ramdam ko na ang hapdi sa ibang parte ng aking katawan ay hindi niya talaga ako binibitiwan.
"Hmm?" tanong niya nang maglakad kami pabalik sa dalampasigan. Dinampot niya ang panaklong ko at basta na lang iyong ibinalot sa akin.
Magsasalita na sana ako nang may mga tao nang sumalubong sa amin. Ayaw ko man ay nagtago ako sa likuran ni Maxrill Won. Pakiramdam ko ay kulang na kulang ang suot ko para humarap sa iba pang tao.
"Snack time, sir," anang serbedora. "Miss Dainty," ngumiti ito sa akin.
Pare-parehong magaganda ang kanilang ngiti na agad kong ginantihan. "Magandang hapon po," sagot ko rin.
Muling nagsipagngitian sa akin ang dalawang babae at isang lalaki. Saka nagtungo ang mga iyon sa mesa upang ilapag ang mga dala nila.
"What are you doing there?" ani Maxrill na sinilip ako sa kaniyang likuran.
"Ano..." napapahiya kong tugon. "Nahihiya ako, Maxrill Won."
Hindi ko inaasahang haharapin niya ako at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang hawakan niya ang magkabilang bewang ko! Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay niya saka kunot-noong nag-angat ng tingin sa kaniya. Pero walang nagbago sa kaniyang itsura. Ang paghanga ay naroon pa rin sa kaniyang mga mata. Ang ngiti ay wala namang malisya, sobrang ganda pa nga.
"I should be alone right now," mahinang aniya, ang paningin ay unti-unting bumababa papunta sa aking labi. "Thank you for being here, Dainty."
"Hala..." halos pabulong na sabi ko. "Ako nga ang dapat na magpasalamat dahil dinala mo 'ko rito. Salamat, Maxrill Won."
Ngumiti siya pero hindi na ako sinagot. Sa halip ay bahagya niyang nilingon ang mga serbedora.
"Guys," noon ko lang yata siya narinig na may magalang na tono. "Leave us alone."
"Yes, sir," sagot ng lalaki. Ngumiti pa ang mga ito at tumango sa amin bago tuluyang umalis.
Ako ang kusang lumayo kay Maxrill nang kami na lang ang maiwan. Pero ang kamay niya ay tila may sariling buhay. Muli iyong gumapang papunta sa aking bewang na nasundan ko ng tingin.
"Why can't you stay still, Wednesday?"'ayun na naman ang napipikon niyang tinig.
Mula sa aking tagiliran ay nilingon ko siya. "Paano kasi ang kamay mo," nakanguso kong sabi.
Inosente niyang tinunghayan ang kamay niyang naroon pa rin sa aking bewang. "What about my hand?"
Nakasimangot akong nagbaba muli ng tingin doon saka siya muling nilingon. "Ano kasi..."
"Okay, fine," inalis niya 'yon. "Sorry."
"Pasensya na," mahina kong sabi.
"Let's just eat," tila nabawasan na ang sigla niya, panay na rin ang buntong-hininga.
Gano'n na lang ang pagkamangha ko sa nakita. May dalawang bukas na buko at may samu't saring prutas na nakapaloob doon. May malaki at maliit na straw, bukod sa spoon.
Hindi lang iyon dahil may banana split pa! Hindi lang tatlo kundi lima ang ice cream. Hindi lang kaunti kundi marami ang chocolate syrup niyon. Meron pang cherries sa ibabaw!
"What a baby..." dinig kong ani Maxrill.
Dinilaan ko ang aking labi saka lumingon sa kaniya. Ang dila niya ay naroon din sa gilid ng kaniyang labi at deretsong nakatingin sa akin.
"What?" siya pa ang nagtanong. "You like desserts, huh?"
Magkakasunod akong tumango. "Lalo na ang ganito kasi..."
"Kasi?"
Bigla ay nahiya akong sabihin ang totoong dahilan. "Madalang lang kaming...ano..."
"Ano?"
"Madalang akong makakain ng ganito."Abot-abot ang hiya ko.
Pagdating kay Maxrill Won, parati na lang ay nahihiya ako sa katotohanan. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Nasanay akong nagpapakatotoo. Pero mula nang makasama ko siya ay parati na lang ganito ang pakiramdam ko.
Bumuntong-hininga siya. "He's not spoiling you, huh?"
Sino?
Nangunot ang noo ko at magsasalita na sana nang nakasimangot siyang lumapit upang alalayan akong maupo.
"You can eat as much as you like," ngiti niya saka isinenyas na mauna na akong kumain.
Pero hinintay ko siyang maupo. Nakangiti ko siyang pinanood na simulan ang buko. Gumaya ako. Hinawakan ko ang malaking straw at humigop doon. Nang damputin niya ang desserts spoon ay dinampot ko rin ang para sa akin. Nang humiwa siya sa banana at ice cream ay ganoon din ang ginawa ko.
Nakatingin lang ako sa kamay niya at ginagaya ang lahat ng ginagawa niyon. Tuloy ay hindi ko namalayan na nakatingin siya sa akin. Natawa siya at inipit sa labi ang kaniyang kutsarita.
Natigilan naman ako nang lumapit siya at punasan ang labi ko. Umawang ang bibig ko nang dilaan niya ang sariling daliri. Gano'n na lang ang kaba at paglunok ko nang magkatitigan kami ni Maxrill. Titig na inaasahan kong magiging dahilan upang muli kaming magkailangan. Pero iba nang sandaling iyon. Bumaba ang paningin niya sa aking ang labi at natagpuan ko ang sariling gano'n din. Nakagat ko ang aking labi at doon lang nag-iwas ng tingin.
Magkakasunod akong humigop sa buko hanggang sa maubo ako.
"Easy, lady," bulong niya.
Nahawakan ko ang leeg ko at saka marahang nagpatuloy sa pagkain. Hindi na rin nagsalita pa si Maxrill Won. Pero dahil sa kahihiyan ay hindi ko na siya uli malingon. Nilamon tuloy ako ng kuryosidad kung tumitingin o sumusulyap pa rin ba siya sa 'kin. Hindi ko maramdaman.
Nakahinga lang ako nang maluwang nang matapos kaming kumain at sabay na tumayo.
"Let's go." Inilahad niya ang kaliwang kamay sa akin habang ang kaniyang kanan ay nakapamulsa sa shorts niya.
Muli pa akong uminom ng tubig bago tinanggap ang kaniyang kamay. Doon lang namin napansin ang papalubog nang araw.
"Lalangoy uli tayo?" magiliw kong tanong.
Umiling siya habang ang paningin ay nasa magkahawak na kamay namin. "You're going to sing for me." Doon lang siya nag-angat ng tingin sa akin upang hilahin ako.
Palihim akong nangiti habang nakatingin sa magkahawak na kamay namin habang papalapit kami sa kaniyang sasakyan. Dahil tuloy sa kalutangan, napanguso pa ako nang bigla niya iyong bitawan.
Bumalik si Maxrill Won sa sasakyan, naiwan ako sa labas niyon. Pinanood ko siyang buksan ang lahat ng pinto ng kaniyang mamahaling sasakyan. Kinuha niya ang gitara saka muling lumapit sa akin.
Kunot-noo siyang tumingin sa 'kin saka nilingon ang sasakyan niya. Nagtaka ako nang isandal niya sa bumper ng sasakyan ang giatara at humarap sa 'kin.
Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya na naman ang aking magkabilang bewang.
"Ano?" tanong ko, nahawakan ang parehong kamay niya.
Umangat ang gilid ng labi niya. "I'll kiss you."
"Ano?" gano'n na lang kalakas ang tugon ko sa gulat.
"Just kidding," aniya at walang ano-ano ay binuhat ako!
Abot-abot ang kaba ko nang iupo ako ni Maxrill Won sa mismong harapan ng sasakyan. Walang kahirap-hirap!
"You're so light, I can carry you around,"ngisi pa niya.
Dahil sa pinaghalong gulat, hiya at kaba ay hindi ako nakasagot. Kinuha niyang muli ang gitara at umakyat papatabi sa akin. Nagugulat ko pa rin siyang tiningnan, panay ang habol ko sa hininga at hindi mabigyan ng dahilan ang ginawa niya.
Nawala lang 'yon nang tipahin ni Maxrill ang gitara. Napatitig ako sa kamay niya bago muling inangat ang paningin papunta sa kaniyang mukha.
Pakiramdam ko ay sumasabay ang puso ko sa tugtugin niya na sa una ay hindi ko makilala. Nang mapamilyaran ko naman ang kanta ay bumalik ang aking kaba dahil nagsalubong ang aming mga mata.
Close your eyes...
Give me your hand, Dainty...
Do you feel my heart beating?
Do you understand?
Do you feel the same?
Tumingin si Maxrill sa kalawakan at saka nakapikit na ipinagpatuloy ang pagkanta. Ang puso ko ay wala nang paglagyan ang paghanga sa kaniya. Ang malamig niyang boses at propesyunal na pagtugtog ng gitara ay mas pinalalalim ang nararamdaman ko sa kaniya.
Am I only dreaming?
Is this burning an eternal flame.
I believe it's meant to be, baby...
I watch you when you are sleeping
You belong with me...
Hindi ko inaasahang lilingunin niya ako at mahuhuling titig na titig. Kaya gano'n na lang ang pagkakakagat ko sa aking labi. Bumaba ang paningin niya sa kagat kong labi at saka muling sinalubong ang mga mata ko.
Do you feel the same?
Am I only dreaming?
Or is this burning an eternal flame?
Say my name...
Sun shines through the rain
A whole life, so lonely
And then come and ease the pain
I doin't want to lose this feeling...
Oh...
Napakalamig ng boses ni Maxrill. Bawat salita sa kantang iyon ay tila humahaplos sa aking puso. Hindi ko maintindihan. Hindi pa yata natatapos ang kanta niya ay higit pa roon ang mararamdaman ko.
Ilang beses na akong humanga sa mga manganganta pero sa kaniya ko lang naramdaman ang ganito. Pakiramdam ko ay gusto ko siyang yakapin. Sa isip ko ay higit pa roon ang gusto kong gawin. Posible kayang makaramdam ng ganito nang dahil sa kumakanta lang ang taong hinahangaan mo? Hindi ko alam.
"Say my name..." pabulong na aniya nang matapos ang kanta, titig na titig sa akin.
Nalabanan ko ang titig niya bagaman naghahabulan ang kabog sa aking dibdib. "Maxrill Won..." mahina kong sinabi.
Ngumiti siya. "Please sing for me."
Nagkagulo-gulo ang laman ng utak ko. "Ano..."
"Ano? Don't tell you don't sing? I heard you already."
"Kasi..."
"Please?" mahina niyang sabi. 'Ayun na naman ang paningin niya na bumababa sa aking labi na paulit-ulit ko na ring nagagaya!
May kung ano sa labi niya na nagiging dahilan para paulit-ulit ko iyong tingnan. At gusto kong sisihin ang isip ko sa gusto kong mangyari sa mga labi namin.
"May kanta akong sinulat noong..." hindi ko maipagpatuloy ang sinasabi ko. "Matagal na." Iyon lang ang naidugsong ko.
Iniabot niya sa akin ang gitara. "Okay."Ngumiti siya at hindi ako makapaniwalang ang pananabik ay naroon sa kaniyang mata at labi.
Natitigilan kong kinuha ang gitara at pinagmasdan iyon sa kandungan ko. Maging ang mahawakan ang bagay na pag-aari ng lalaking ito ay hindi ko mapaniwalaan.
Nang muli kong tingnan si Maxrill ay titig na titig pa rin siya sa akin. Napanguso ako at nalukot ang mukha ko nang hindi ko maikalma ang puso ko. Naiilang ako sa kaniya at sa katotohanang kakantanhan ko siya.
"Paano ba 'yon?" nakamot ko ang aking ulo dahil sa kalutangan.
Nakakahiya dahil makikita ang pangangatal ng kamay ko nang ipuwesto ko ang mga iyon sa gitara. Kung hindi marahil tutok sa mukha ko ang kaniyang paningin ay iyon ang una niyang napansin.
"Ano..." napalunok ako. "Ito lang ang alam ko sa gitara...t-tinuruan ako ni kuya."
"I'm listening, Dainty..." mahina niyang dagdag.
Sandali pa akong napatitig sa kaniya bago tuluyang tinipa ang gitara. Dahil hindi ko magawang ituon ang atensyon sa ginagawa ay nagbaba na lang ako ng tingin sa gitara. Sinabayan ng alon ng tubig ang pagtipa ko sa gitara tuloy ay hindi nahalatang sa una pa lang ay nagkamali na ako sa tono.
Gusto kitang samahan...
Sa ilalim ng ulan.
Gusto kitang tabihan...
Nang walang alinlangan.
Napatitig ako kay Maxrill, 'ayun na naman ang paghanga sa mga mata niya. Bagay na ipinagtaka ko kung dahil ba sa pagtugtog o sa boses ko.
Maaari bang ika'y maging akin?
Ang katulad ko ba'y iibigin?
Mundo man nati'y magkaiba
Sigurado na akong...
Gusto kita....
Hindi ko alam kung paano kong nagawang kantahin ang mga linyang iyon nang nakatitig sa kaniya. Pero ang kaninang paghanga sa kaniyang mukha ay unti-unting nawala. Nakita ko nang mangunot ang kaniyang noo.
"B-Bakit?" tanong ko. "H-Hindi mo ba gusto 'yong kanta ko?" napapahiya akong nagbaba ng tingin. "Pasensya na..."
"I like the song, I think it's sweet," mahina niyang sagot dahilan para muli ko siyang tingnan. "I like your voice, it sounds...perfect," nagsalubong ang aming tingin. "Even you."
Umawang ang labi ko. Maxrill Won... Ayaw kong magkamali sa naisip kong ibig sabihin ng huling mga salita.
Napatitig ako sa kaniya ngunit hindi na nakapagsalita nang kunin niya ang gitara at ilapag iyon sa likuran niya.
"You heard me, right?" tanong niya.
Pakiramdam ko ay puso ko ang sasagot kung magsasalita ako. Sandali akong natahimik, pinakakalma ang sarili. Magkakasunod na tango lang ang naitugon ko, hindi na masalubong ang paningin niya.
"Was that for Rhum?" hindi ko na naman inaasahang tanong niya.
"Ha?"
"I mean, the song. You wrote that for him?"
Nangunot ang noo ko. "Bakit mo naman naisip 'yon?"
"Because he's your boyfriend." Mapait siyang ngumiti. "So sweet of you." Nag-iwas siya ng tingin.
Nilingon ko ang kalawakan na noon ay nilalamon na ang araw. Muli kong nilingon si Maxrill Won. Dumidilim na pero malinaw ko pa ring nakikita ang kaguwapuhan niya.
"Let's go," pabuntong-hiningang anyaya niya. "It's getting dark. I'll take you home."
Basta na lang niya tinalon ang pagbaba. Kinuha niya ang gitara at basta na lang din iyong inihagis pabalik sa loob ng sasakyan. Saka siya bumalik upang ilahad ang parehong kamay sa akin, akma akong bubuhatin.
Gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko alam kung paanong makakababa. Wala akong nagawa kundi ang magpabuhat sa kaniya upang makababa.
"Salamat, Maxrill Won," mahina kong sabi.
Ngumisi siya. "Tell your guy to spoil you. He needs to hear your thank yous."
"Sinong guy?"
Tumaas ang isang kilay niya. "Do I really need to mention his name?" naiinis siyang nag-iwas ng tingin. "Fine. I'm talking about Rhum."
Ngumuso ako. Hindi ko naman nobyo si Rhumzell. Bumuntong-hininga ako, naiinis na.
"Wala akong nobyo, Maxrill Won,"mahinang sagot ko habang nakatingin sa kaniya. Tuloy ay nakita ko nang matigilan siya at marahang lumingon pabalik sa akin.
"What did you say?" mahinang tugon niya.
Napalunok ako. "Hindi ko boyfriend si Rhumzell..."
Matagal kaming tumitig sa isa't isa, hindi ko alam kung ano ang naiisip at dahilan niya. Hindi ko rin alam kung paano ko nang natatagalan ang kaniyang matatalim na mga mata.
Humakbang siya papalapit habang nakatingin sa akin. Napaatras ako at nakagat ang aking labi.
"All this time, I was thinking he was your boyfriend, Dainty," mahina niyang sabi.
"Hala..." napamaang ako.
Sumubok pa akong umatras pero nang lingunin ko ay halos mapaupo na ako sa mamahaling leather cover ng kaniyang sasakyan.
"Hindi mo naman tinanong..." nakanguso kong sabi.
"You should've told me," kunot-noo, naiinis niyang sabi.
Huminto siya nang wala na akong maatrasan. Pero ang katawan niya ay wala nang distansya sa akin. Iniharang niya ang parehong kamay sa magkabilang gilid ng pinto dahilan para wala akong malusutan.
Napalunok ako nang bumaba ang tingin niya sa aking labi. Hindi ko akalaing hindi lang ako ang kinakabahan sa sandaling iyon. Nakikita ko sa mabilis niyang paghinga ang kaniyang kaba.
Napasinghap ako nang marahan niyang ikulong ang mga pisngi ko sa pareho niyang kamay.
Nakagat ko ang aking labi. "G-Gusto ko ring hawakan ang mukha mo, Maxrill Won,"mahina kong nasabi! Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob gayong abot-abot ang kaba sa aking dibdib!
Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. Binitiwan niya ang pisngi ko upang kunin ang pareho kong kamay at ilagay iyon sa kaniyang mukha.
Naitikom ko ang aking labi upang mapigilan ang aking ngiti.
"I want to kiss you, Dainty..." mahina niyang sinabi dahilang upang umawang ang labi ko. "Please say you want to kiss me, too..."
Napalunok ako. Ngunit sa halip na sumagot ay magkakasunod na tango lang ang nagawa ko.
Ang kaba na halos sumakop sa pandinig ko ay mas lumakas pa nang ilapit niya nang tuluyan ang mukha sa akin. Gano'n na lang ang paggapang nang matinding pakiramdam sa buong katawan ko nang sandaling maglapat ang mga labi namin. Unti-unti kong nabitawan ang pisngi ni Maxrill at namalayan ko na lang ay yakap ko na siya.
Sobra-sobra ang aking kaba pero nahihigitan iyon ng emosyon at pakiramdam na idinudulot niya. Naramdaman ko nang maihiga niya ako at gano'n na lang ang reaksyon ng katawan ko nang maramdaman ang kamay niyang dumausdos sa tagiliran ko.
Kinuha niya ang isang kamay ko at iniyakap iyon sa kaniyang batok. Hindi ko akalaing hudyat pala iyon nang mas malalim niyang paghalik.
Hindi ko alam kung paano kong natutugunan ang kaniyang halik. Hindi ko alam kung paanong natatagalan ang kaba sa aking dibdib.
Dahil ang tanging alam ko, ayaw kong matapos ang gabing iyon.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top