CHAPTER 21


CHAPTER 21

"WE'RE LEAVING," paalam ni Maxrill kina nanay at Aling Wilma habang ang paningin ay nasa akin pa rin.

Napabuntong-hininga ako. Naiilang na ako sa kaniya. Kung siya ay hindi alam kung paanong tatapusin ang araw na ito, ako naman ay hindi alam kung paano siyang matatagalan.

Samantalang ito ang matagal ko nang gusto, ang makasama siya. Hindi ko nga alam kung dapat pa bang tawagin iyong kagustuhan dahil para 'yong natupad na pangarap.

Pareho kaming tahimik habang sakay ng elevator. Itinuon ko na lang ang paningin sa kung saan sa harapan. Pero dahil nasasalamin ko kaming pareho doon ay parang lalo lang akong naiilang. Sumusulyap siya sa 'kin at saka mag-iiwas ng tingin. Madalas ay nagsasalubong ang mga tingin namin. Maaaring wala lang 'yon sa kaniya pero ako ay pinanlalamigan na ng mga kamay at kinakabahan.

Kaswal lang ang lahat kay Maxrill Won. Ang totoo ay para pa nga siyang nababagot sa paghihintay na makababa nang tuluyan ang elevator. Nakapamulsa iyong pinanonood na bumaba ang bilang hanggang sa mag-ground floor.

"GF..." dinig kong aniya.

"Ha?"

Nakangisi siyang nagbaba ng tingin sa akin, nakapamulsa pa rin. Sa ganoong agwat ay nakikita ko ang layo ng tangkad naming dalawa.

"It means ground floor," ngisi niya.

Ngumuso ako. "Alam ko."

"What else do you know?"

"Saan?"

"About GF..." may diing aniya.

Ngumuso ako at saka nag-iwas ng tingin. "Wala na..." sumimangot ako nang humalakhak siya. "Bakit?"

"Really, huh?" ngumisi siya.

Alaskador...

Alam kong pinagkakatuwaan na naman ni Maxrill ang pagiging inosente ko. Gusto kong mainis pero nangingibabaw parati amg parte sa akin na natutuwa rin.

Hindi namin inaasahang makakasalubong si Kuya Maxwell nang makababa kami sa lobby. Babatiin ko na sana siya nang matigilan ako sa kaniyang itsura. Ang gwapo niyang mukha ay tila nabawasan ng nangingitim at paga niyang mga mata. Ngumiti siya kay Maxrill ngunit bitin iyon at hindi umaabot sa mga mata.

"Hyung..." Napatitig ako kay Maxrill nang lapitan niya ang nakatatandang kapatid upang yakapin ito. Pakiramdam ko ay hinaplos ang puso ko sa tanawing iyon.

Kaswal lang namang yakap iyon. Pero sa ilang pulgada kong layo ay tila naramdaman ko ang higpit at sinseridad no'n.

"Where are you going?" pilit ang ngiti ni Kuya Maxwell, lumapad lang iyon nang bahagya nang malingunan ako. "Oh... Hello there, princess."

Hala... Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko. "Magandang umaga po, Kuya Maxwell."

"Sweet." Matunog siyang ngumiti. "No one ever calls me kuya the way you do, Dainty."

"Maxpein does," angil ni Maxrill.

Kunot-noong nilingon ni Kuya Maxwell ang kapatid. "Yeah, because you never did, you rude, spoiled freaking brat."

"I call you hyung, every freaking day in every freaking moment of my life, you short-tempered, grumpy old guy."

Hala... Napamaang ako sa kanila, nagpapalitan ng tingin. Galit ba sila? Nag-aaway ba sila?

Pareho nang nakakunot ang noo ng dalawa nang lingunin ako, sabay pang bumuntong-hininga.

"What?" sabay rin nilang tanong sa 'kin.

Naitikom ko ang aking bibig saka umiling. "Wala po."

"You look like a princess, Dainty Arabelle," bigla ay sabi na naman ni Kuya Maxwell. "And your name suits you very well. Sweet, kind...and soft."

"Hala..." Pakiramdam ko ay pinamulahan lalo ako ng mukha.

Lalong umangat ang gilid ng labi ni Kuya Maxwell habang nakatingin sa akin. Lalo rin tuloy lumabas at lumalim ang biloy sa kaniyang pisngi.

"Tsh," nakita kong nag-iwas ng tingin si Maxrill. "Her name is Wednesday," dagdag niya ngunit hindi siya pinansin ni kuya.

"Hmm," ani Kuya Maxwell, doon lang nilingon ang kapatid.

"Hmm," pabuntong-hininga ring tugon ni Maxrill.

Kunot-noo muli akong nagpalitan ng tingin sa kanila. Paanong tila may pagkakaintindihan sila sa simpleng ungol na 'yon?

Nagbaba ako ng tingin. "Salamat po, Kuya Maxwell."

"Sweet," muling ngisi ni Kuya Maxwell saka bumaling sa kapatid. "Where's your son?"aniyang tumingin sa likuran ni Maxrill.

"He's with Pitong."

"Mang Pitong," mariing pagtatama ni Kuya Maxwell.

"It's the same." Bumuntong-hininga si Maxrill. "We're going out on a date," bigla ay sinabi niya dahilan para nahihiya ko siyang lingunin. "Will you be...okay, hyung? I mean, alone."

"Of course." Nakangiting tinapik ni Kuya Maxwell ang balikat ng kapatid.

"You know I'm here for you, right? If you need someone to talk to, I'm just here, hyung," ani Maxrill, emosyonal, seryoso.

Napangiti ako. Hindi naman ako ang sinabihan, ngunit dahil naramdaman ko ang care at sincerity niya, ako mismo ay na-touch.

"Talk to you? Are you freaking serious, Maxrill Moon?" hindi ko inaasahang ganoon kasarkastiko ang sagot ni Kuya Maxwell.

Nakita ko nang lumaylay ang mga balikat ni Maxrill saka bumuntong-hininga.

Sandaling tumitig si Kuya Maxwell sa kapatid saka magkakasunod na tumango. "Arasseo," hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Lumitaw ang ngiti sa labi ni Maxrill. "I'll talk to Heurt. Don't worry about me, dongsaeng."

Nawala ang reaksyon sa mukha ni Maxrill, nablangko. "I am not."

"Really?" Doon muling ngumiti nang maganda si Kuya Maxwell, tila nang-aasar. 'Yong lumalabas na naman ang malalim na biloy niya. Napakagandang lalaki talaga niya.

"Do you want me to call mom?"

"Tsh. Seriously?" ngisi ni Kuya Maxwell saka muling sumulyap sa 'kin.

"I'll call Maxpein, then."

"I'm cool, I said don't worry about me."

"I said I am freaking not!"

Napabuntong-hininga ako, walang kasinlalim 'yon. Ganito kaya talaga silang mag-usap? Nag-aalala ako dahil para bang ilang saglit pa ay mag-aaway na sila.

"You look good together, though." Hindi ko na naman inaasahang sasabihin 'yon ni Kuya Maxwell.

"Because I am Maxrill Won del Valle."

"Hmm." Pabuntong-hiningang tumayo si Kuya Maxwell. "Enjoy, then."

"Thanks." Nakipagtapikan si Maxrill ng balikat sa kapatid.

Bumaling sa akin si Kuya Maxwell. "Enjoy Pamalican, Dainty."

"Thank you, Kuya Maxwell."

Napamaang ako nang bahagyang haplusin ni kuya ang ulo ko. Napayuko ako at pakiramdam ko ay pinamulahan nang matindi ang aking pisngi.

"Mauuna na po kami, Kuya Maxwell."

"Take care." Pinanood ni Kuya Maxwell ang paglayo namin.

Nakanguso kong sinundan si Maxrill nang pangunahan niya akong maglakad. Sobrang bilis, bukod sa malalaking hakbang, na kinailangan ko siyang habulin. Kaya gano'n na lang ang gulat ko nang lingunin niya akong bigla nang may masamang tingin.

"What?" siya pa ang nagtanong.

"Ha?"

"Ha?" ginaya niya na naman ako.

"Galit ka ba?"

"Of course not," nag-iwas siya ng tingin. "Let's go."

"Ano..." naiilang ko uling habol.

"Ano?" ginaya niya ako sa tila naiinis na tono.

"Pasensya na, Maxrill Won,"napabuntong-hininga ako. "Hindi ko pa kasi kayang maglakad nang mabilis...ano..."Napapalunok akong nagbaba ng tingin sa paa ko.

Natigilan siya at napapamaang na sinulyapan din ang mga paa ko na nahihiya ko namang iniiwas agad.

"I'm...so sorry, Dainty," mahina niyang sinabi.

Ngumiti ako. "Ayos lang."

Pero nawala ang ngiting iyon nang titigan ako ni Maxrill. Titig na malayo doon sa paulit-ulit niyang ginagawa. Hindi ko ngayon mabasa doon ang paghanga. Gustuhin ko mang isiping nagkakamali ako ay nakikita ko talaga sa mga mata niya ang awa.

Napabuntong-hininga ako at nagbaba ng tingin. Iyon ang hindi ko gustong mabasa sa mga mata niya o ng kahit na sino. Ayaw kong kahabagan ako dahil sa sitwasyon ng paa ko.

"Bibilisan ko na lang maglakad," wala sa sariling suhestyon ko, malayo sa kaninang sinabi ko. "Ano..." nasabi ko matapos rumehistro ang gulat at pagtataka sa mukha niya.

"No," mahinahon niyang sinabi. "It's okay. There's no need to rush, Wednesday. I'll wait for you."

Ngumiti ako. "Salamat, Maxrill Won."

"You're welcome...my Dainty Arabelle,"ngisi niya saka lumapit at inialok ang braso sa akin.

Napapamaang ko iyong tiningnan bago muling nag-angat sa kaniya. Naguluhan agad ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ni hindi ko nagawang makapag-panic sa "my Dainty Arabelle". Nakagat ko ang aking labi at nanginginig na isinabit ang braso ko sa kaniya. Hindi na naalis pa doon ang aking paningin.

Ang kaninang awa na nababasa ko sa mga mata niya ay biglang nawala. Napalitan na naman iyon ng paghanga na alam kong ako lang ang nakakakita. Na kung sakali mang totoo, hindi ko na hihilingin pang mawala.

Masarap sa pakiramdam iyong paraan niya ng pagtingin na para bang hinahangaan niya ang lahat sa akin.

"Do you want me to hold your hand?"bigla ay tanong niya, ang kamay ay nakahanda na.

"N-Nakahawak naman na ako..." utal-utal, pahina nang pahina, nangangatal kong sagot. "Okay lang ako, Maxrill Won," nakanguso ko nang sagot matapos niya akong pagtawanan.

"You know, in my country, you're not allowed to touch me."

Napanguso ako. "Dito rin naman sa amin, bawal mo 'kong hawakan ng walang pahintulot ko."

"But you allowed me."

"Dahil..."

"Gusto mo?"

Nanlaki ang mga mata ko at awtomatikong inalis ang pagkakasabit ng kamay ko sa kaniyang braso. Ngunit gano'n niya kabilis na nahuli ang kamay ko upang muli iyong inangkla sa braso niya.

"Just...don't." Iyon lang ang sinabi niya pero ang banta ay naramdaman ko na. Napanguso ako. "This is my car."

Sabay naming nilingon ang sasakyan na nasa aming harapan. Hindi iyon 'yong sasakyan niya na kilala ko. Bagaman malaki rin ang isang ito na may nakasulat na Hummer sa gilid at harapan. Makintab na itim ito at mukhang bago.

"Yes, you are right, it is new," dagdag niya na para bang nabasa ang laman ng isip ko."Well, and very expensive," kinailangan niyang idagdag iyon.

Inosente akong nag-angat ng tingin sa kaniya saka napabuntong-hininga. Pakiramdam ko ay wala akong maisasagot sa kaniyang sinabi.

"Fine, I'm the first one to have the latest unit here in the Philippines."

Umawang ang labi ko. Wala naman akong sinasabi... Pinakatitigan ko siya. Normal na siguro sa kanila ang maging ganito ka-honest.

"Let's go?" nakangiting aniya saka binuksan ang pinto.

Nahihiya man ay hinayaan ko si Maxrill na saluhin ang halos buong bigat ko upang maalalayan akong maupo sa harapan. Paano kasi ay masyadong mataas iyon, bagaman abot ko ay hindi ako sanay sa ganoong hakbang. Nakagat ko ang aking labi nang malanghap ko ang pamilyar na amoy niya.

"It's comfy, huh?" ngiti niya pa, ngiti rin ang itinugon ko.

Pero hindi ko inaasahang itutuon niya ang siko sa gilid ng hita ko at nakapangalumbabang titingin sa akin. Dahil sa taas ng sasakyan ay napantayan ko ang paningin ni Maxrill. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Gusto kong makonsensya sapagkat makikita sa kaniyang kaswal lang ang kaniyang ginagawa habang ako ay naaapektuhan na ang paghinga.

"Its leather is quite cheap but in good quality," dagdag pa niya.

"Oo nga," iyon lang ang kaya kong sang-ayunan sa mga sinabi niya. "Hindi halatang cheap, mukha pa ring mamahalin," magiliw ko pang dagdag, maiiwas lang ang tingin sa kaniya.

"Cheap enough to buy a new house, though," aniyang tinapik ang kinauupuan ko saka ako kinindatan.

Umawang ang labi ko ngunit isinara niya na ang pinto at naglakad patungo sa driver's seat. Natitigilan naman akong nagbaba ng tingin sa silyang kinauupuan ko at napabuntong-hininga na lang.

Ganito talaga kamamahal ang mga gamit nila...

Pinaandar agad ni Maxrill ang makina nang makasakay. "How about you, Wednesday?"tanong niya.

"Ha?"

"What's your car?"

"Car?" wala sa sarili akong napangiti, naiilang. "W-Wala akong car, Maxrill Won."

Natitigilan niya akong nilingon, ang noo ay kunot na kunot na para bang hindi normal ang sinabi ko. Tinitigan niya ako na para bang ngayon lang siya nakakita ng taong walang sasakyan.

"You don't have a car?" hindi makapaniwala niyang tanong. "But you have a family car, right?" ngumiti siya, umaasang tama siya.

Pakiramdam ko ay namutla ako. Kailangan ba 'yon? "Wala rin."

"What do you mean wala rin?" gusto kong matuwa sa pagkakasambit niya sa dalawang huling salita pero hindi ko magawa dahil simple lang naman ang tanong na 'yon pero kinakabahan ako.

"Hindi kasi kami...kasing yaman ninyo, Maxrill Won. Wala kaming sasakyan."

Umawang ang labi niya. "Well..." nakita ko siyang mapalunok. "I mean..." para siyang walang masabi. "It is very important to have your own car. How do you go to school, then?"

"Commute," nakanguso kong sagot. "Maraming dyip sa amin. Meron pa ngang trike."

"What's trike?"

"Tricycle, hehe," ngiti ko. Napakarami kong alam na hindi niya alam. "'Yong sinasakyan namin ni nanay sa t'wing pupunta kami sa mansyon ninyo."

"That noisy thing, huh?" Nakangiwi siyang tumango. "You don't know how to drive, then?"

"No," tipid kong sagot.

"I can teach you if you want."

Ngumuso ako. "Wala naman akong sasakyan," nag-iwas ako ng paningin. "Saka...hindi naman namin kailangan ng sasakyan. Ayos lang sa amin na mag-commute."

Hindi ko naiwasang maalala iyong minsang pagtatalo nina nanay at tatay tungkol sa sasakyan. Hanggang ngayon ay alam ko kung paano akong na-excite nang sabihin ni nanay na gusto niyang tanggapin ang ibibigay ni Ate Maxpein. Pero lahat ng excitement ko ay nawala nang tanggihan iyon ni tatay.

"Sanay kami sa hirap, Maxrill Won,"nakangiti man ay ramdam ko ang lungkot sa sariling mga salita ko. "Okay lang sa 'kin kahit wala kaming sasakyan." Basta ko na lang naramdamang kailangan ko 'yong sabihin. "Ang mahalaga sa akin ay masaya kami, kahit wala kaming sasakyan o iba pang materyal na bagay."

Kumunot ang noo niya. "We have everything and we're still happy, Dainty."

Umawang ang labi ko. "Hindi ko naman sinabing hindi kayo masaya," nakanguso kong sinabi. Honesty pa ba ito o kayabangan na? Napabuntong-hininga ako.

"You know, most people in my country are poor, Dainty," seryoso iyong sinabi ni Maxrill Won dahilan para mapalingon ako. "Instead of cars, rich people have gama. It's a palanquin, a manmade litter for one respectable passenger with two poles carried by men. We also have horses. But for poor people, I mean...those who cannot afford to own a horse or a palanquin, their means of transport is...to walk. We don't have really have public vehicles there. You can rent a palanquin but it's very expensive. We don't have trike and your other...whatever there."

Natawa ako. "Dyip ang tawag do'n, Maxrill Won."

Pinagkunutan niya ako ng noo. "Yeah, well...it's the same."

"Nakasakay ka na ba sa dyip o kaya sa trike?"

"Not yet."

"Bakit?"

"Well..." tumikhim siya. "Because I have a car."

Ngumuso ako. "Pwede ka namang sumakay doon, susubukan mo lang."

"My mom...will not allow me." Nakamot niya ang sentido dahilan para matawa ako.

Hindi ko tuloy naiwasang maalala ang mga sinabi ni nanay. "Protective ang mommy mo sa 'yo?"

Nilingon niya. "Before, yes. Well, I'm...a big guy now so...I can protect myself. Yeah." Bumuntong-hininga siya. "You know, in my country"

"Psh." Hindi ko napigilang matawa. "Saang bansa ka ba nakatira? Parati na lang ay binabanggit mo ang bansa ninyo."

Sandali siyang napatitig sa 'kin. "You see, our country is kind of private, Wednesday,"seryoso niyang isinagot.

Natawa na naman ako. "Napakaganda siguro ng bansa ninyo?"

Sandali uli siyang natigilan sa akin saka kunot-noong ibinalik sa daan ang paningin. "Nobody mentioned it to you, huh? Tell me, why do you think so?"

Nakangiti akong bumuntong-hininga. "Kasi parati mong ipinagmamalaki," sinsero kong sinabi. "Sa totoo lang ay humahanga ako sa t'wing ipagmamalaki mo ang inyong bansa. At natutuwa akong malaman ang katotohanan tungkol doon na sinabi mo ngayon lang. Kung hindi mo sinabi na mahirap ang bansa ninyo ay iisipin kong napakayaman niyon base sa nakikita ko sa 'yo."

Sa dami ng sinabi ko ay matipid na ngiti lang ang isinagot ni Maxrill at muli nang itinuon ang tingin sa daan. Sandali ko pa siyang tinitigan bago ko itinuon sa daan ang paningin. Gusto kong itanong kung saan mismo ang punta namin ngunit alam ko na ang sagot doon. Gusto ko sanang magpatuloy ang pag-uusap namin pero dahil nanahimik siya ay nahihiya na uli akong buksan iyon. Ang totoo ay hindi naman talaga ako madaldal, si Bree ang ganoon. Pero pagdating kay Maxrill ay gusto ko parating may sinasabi. Masarap sa pakiramdam na nakikinig siya sa akin.

Inabala ko na lang ang sarili pagmamasid sa daan, sa ganoong paraan din kasi ay nawawala ang pagkailang ko sa kaniya. Habang humahanga ako sa dumaraming puno sa kalsada at nawawalang mga gusali at kabahayan ay lalo ko ring hinahangaan ang isla at karagatan. Kung gaano iyong kaganda sa harap ng hotel ay mas gumanda pa habang papalapit kami sa dulo.

"You're going to sing for me, right?"mayamaya ay tanong ni Maxrill Won.

Nagugulat akong lumingon sa kaniya. "Ha? M-May sinabi ba akong gano'n?"

Nangunot ang noo niya saka muling itinuon sa daan ang paningin. "I'm expecting, Dainty."

"Hala..." kabado akong nag-iwas ng tingin at itinuon na lang ang paningin sa daan.

"You want me to open the window?"

"Ha?" Nilingon ko siya.

Pero sa halip na sumagot ay itinuro niya ang binatana sa tabi ko at may pinindot sa kaniyang tabi. Magsasalita na sana ako nang masalubong ang preskong hangin. Bagay na muli ko na namang hinangaan dahil malayo iyon sa hangin na nalanghap ko na.

Napapikit ako at napangiti. Ni minsan ay hindi ko naisip na gano'n ang pinagkaiba-iba ng mga hangin. Parang naghahalo doon ang amoy ng mga puno, halaman at dagat. Hindi ko maipaliwanag nang ayos.

Nawala lang ang pakiramdam na iyon nang iliko at ihinto niya ang sasakyan. Nang sandaling iyon ay nasa harap na kami ng dagat. Kung saan wala nang tao, wala nang gusali, maliban sa isang bungalow na hindi ko matukoy kung bahay o restawran.

"Let's go," aniya na binuksan ang pinto sa tabi niya at deretsong bumaba.

Nakagat ko ang aking labi nang isuot ni Maxrill ang itim niyang shades. Ang nililipad niyang mga buhok ay dumagdag sa malakas niyang dating. Pinakawalan ko lang ang labi ko nang buksan niya ang pinto sa tabi ko.

Gaya kanina ay inalalayan niya akong makababa. Gusto kong makonsensya dahil parang ayaw ko nang bumitiw pa sa mga braso niya. Nanatili akong nakatayo, pinanood ko siyang bumaling sa likurang sasakyan. Mula roon ay inilabas niya ang itim at malaking kahita na hugis gitara. Nakasalamin man at hindi makita ang mga mata, naramdaman ko ang titig niya nang muling bumaling sa akin.

"You are going to sing for me," aniya dahilan para muling mabuhay ang kaba sa dibdib ko.

Nakagat ko ang aking labi at bigla na lang napigilan sa paglipad ang palda ng damit ko. Lumalakas ang hangin sa gawi namin at naiilang ako lalo sa suot ko.

"It's okay, it's just us here," ani Maxrill na isinabit ang gitara sa likuran niya. "Let's go,"hindi ko inaasahang ilalahad niya muli ang braso sa akin, sinasabing iangkla kong muli ang kamay ko roon.

Napapalunok akong sumunod at sumabay sa kaniya. "Napakaganda sa lugar na ito, Maxrill Won."

Nilingon niya ako. "Yeah," nakangiti niyang tugon.

Nanliliit man ang mga mata dahil sa malakas na hangin ay napagmasdan ko ang magandang lugar. Mahaba ang isla at may hangganan ang dalampasigan. Nakapalibot sa amin ang naghahalong malakristal, asul at berdeng tubig. Puting-puti ang buhangin at bagaman iilan ang puno ay napakapresko ng hangin.

Dahil iyon lang ang naroon sa tanawin ay nakita ko agad ang isang mesa sa ilalim nang malaking umbrella. May dalawang puti ring silya na halatang gawa sa kahoy. Puno iyon ng hindi ko pa mapangalanang pagkain at naroon sa hangganan ng dalampasigan.

Wala sa sarili kong nilingon si Maxrill nang tuluyan kaming makalapit doon. Kumuyom ang palad ko sa pagkailang nang makita ang samu't saring karne, gulay, prutas at iba't ibang kulay ng inumin.

Nagbaba siya ng tingin at itinaas ang salamin sa buhok niya. "I hope you liked it."

Kabado kong nilabanan ang mga titig niya saka ko napalobo ang bibig ko. Sa ganoong paraan ako tumango-tango. "Oo. Salamat, Maxrill Won."

Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Aminado akong lamang doon ang kilig. Pero meron sa akin ang nagsasabing hindi ako deserving sa ganoong date na kung tutuusin ay maikokonsidera ko nang sorpresa. Mukhang pinaghandaan ni Maxrill Won ang sandaling ito samantalang ako lang naman ang date niya.

O baka naman ganito talagang makipag-date ang mayayaman? Hindi ko lang alam.

"I'm not sure what's your favorite ulam so I asked the cook to prepare dishes this island can offer. Well, I love gulat ang fruit-as so..." nakangiti niyang nilingon ang mesa bago muling tumingin sa akin.

Wala akong masabi, hindi ko rin alam kung ano ang dapat na isagot sa kaniya. Naiilang ako at nahihiya bagaman kanina ko pa siya kasama. Ganito yata talaga ang pakiramdam kapag unang beses na lumalabas.

"Let's eat," aniya na inalalayan akong maupo sa silya.

"Salamat," mahina kong sagot, parang pipiyok na sa sobrang hiya na nararamdaman.

Pinanood ko siyang maupo sa harap ko. Nang sandaling tumingin siya sa 'kin ay hindi ko na magawang labanan pa ang mga titig niya.

"So, what do you want talk about?" ngiti niya.

Hala... Gusto kong pumikit, gusto ko ring kagatin ang labi ko. Pero ang tanging nagawa ko ay lukutin ang palda ng bestida ko na naroon sa ilalim ng mesa. Kanina naman ay nakakausap ko siya nang normal, hindi ko alam bakit ganito na naman ang pakiramdam ko ngayon.

"What do you want to eat first?" aniyang ipinatong ang parehong kamay sa mesa at iginala ang paningin sa handa. "Alcohol?"

"Ha?" nagugulat akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Muli akong napahiya nang makitang nakalahad ang bote ng alcohol rub sa akin. "Salamat," sabi ko matapos abutin iyon. Pabuntong-hininga akong naglagay sa kamay.

"Alright, I know you want kanin," kinuha ni Maxrill Won ang bowl niyon at muli akong ipinaglagay sa plato.

"Kaya ko naman, Maxrill Won," sabi ko, hindi malaman kung aagawin ang bowl sa kaniya sapagkat mahahawakan ko ang kamay niya.

"It's okay," tinapos niya ang ginagawa saka dinampot ang bowl ng seafoods at inilahad iyon sa 'kin.

Wala sa sarili akong naglagay nang naglagay ng kung ano-ano, palibhasa ay malaki talaga iyong plato. Pinanood ko si Maxrill na maglagay ng samu't saring prutas at gulay sa kaniyang plato. Nagkatinginan muna kami saka sabay na sinimulang kumain.

"You're shy, huh?" mahina, parang natatawa pang sabi niya.

Hindi ko alam kung paanong sasalubungin ang tingin niya. "Medyo," pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko.

"Because of me?"

Iniwasan kong palobohin ang bibig ko. Basta na lang ako tumango. Kasunod no'n ay sumubo muli ako ng pagkain at tumingin sa malayo. Pero nakapupuwing na hangin ang sumalubong sa 'kin dahilan para mabitiwan ko ang kutsara upang kusutin ang mata ko.

"What happened?" natatawang tanong ni Maxrill.

"Napuwing ako," para na namang batang sagot ko, ako mismo ay gusto nang mainis sa sarili ko. Kahit ilang beses akong sabihan ni nanay na iwasan ko ang ganoong asal ay hindi ko mapigilan.

"Come here," ani Maxrill.

Bago pa ako makatanggi ay kinuha niya na ang kamay ko upang iharap ako sa kaniyang gawi. Kahit anong pagtatakip ko sa mata ko ay inaalis niya iyon.

"Stay still, Wednesday," nagbabanta niya pang sabi.

Hinawakan ni Maxrill Won ang magkabilang pisngi ko. Nakapikit man ay naramdaman ko nang ilapit niya ang mukha sa akin. Bahagya niyang iminulat ang kaliwang mata ko at saka hinipan iyon.

"Is it okay now?" tanong niya. Umiling ako saka muling napapikit. "I'll do it again." Muli niyang hinipan ang mata ko at sa pagkakataong iyon ay nawala ang bungain na pumasok doon.

"Ayos na ako," sabi ko saka nahawakan ang parehong kamay niya sa pisngi ko. Aalisin ko sana iyon pero nagsalubong ang mga tingin namin.

Nagkailangan kami at sabay na binitawan ang isa't isa, sabay rin kaming nag-iwas ng mga tingin.

"Here, wear my shades," aniyang iniabot 'yon sa 'kin.

"Ayos lang ako."

"Just wear it," sabi niya at saka sapilitan iyong inilagay sa mata ko.

Nakagat ko ang aking labi at pinigilang mapangiti. "Salamat, Maxrill Won."

Tahimik naming ipinagpatuloy ang pagkain. Dahil sa masarap na nakahain at iba't ibang inumin, napunta doona ng usapan dahilan para mawala ang pagkailang namin sa isa't isa. Ilang saglit pa ay pareho na kaming tumatawa.

"You want to swim, Dainty Arabelle?"tanong niya nang makapagpahinga kami matapos kumain.

Nagugulat ko siyang nilingon. Tinaas ko pa ang salamin upang mas makita siya nang harapan.

"Ayaw ko, Maxrill Won."

"Hmm. Why?"

"Kasi..."

"We're alone here, Dainty," pabuntong-hininga niyang sabi. "What's bothering you? I mean, what's stopping you from doing what you want? I know you'd love to swim."

"Ano...wala akong..."

"Hmm." Naghihinala niyang ungol. "I saw your bag and I know what's in there."

"Ano kasi..." hindi ko kayang magsinungaling. "Wala akong kompyansang magsuot ng...maiiksing damit."

"Then swim with this thing," aniyang iwinasiwas pa ang bandang kwelyo ng bestida ko.

"Hindi naman panlangoy ito."

"Wednesday, this isn't a pool. I own this land. You can wear and do whatever you want. No one's going to stop you, not even me. As long as you're happy, I'll let you experience everything."

Matagal akong napatitig sa kaniya, hugot-hugot ang hininga. "Sige..." pinigilan kong kagatin ang labi ko.

"So...you're going to swim with me?"

"Oo. Ano..."

"Ano?" ginaya niya na naman ako.

"M-May...dala akong panlangoy..."nagbaba ako ng tingin at pinalobo ang bibig ko.

"I'll get your bag."

"Ako na."

Ngumiti siya at ibinaba ang shades sa mata ko. "Stay here." Iyon lang at iniwan niya ako.

Pinanood ko si Maxrill Won na bumalik sa kaniyang sasakyan upang kunin ang bag ko. Napapangiti ko namang nilingon ang dagat at saka ako nanginig sa tuwa.

Makalalangoy na ako sa dagat!

"Here," iniabot niya ang bag sa akin nang makabalik.

Sandali pa akong napatitig sa bag bago tinanggap iyon. Humugot ako ng hininga at nang ibuga iyon ay may kasama nang kompyansa. Itinuro ni Maxrill ang kasilya kung saan ako maaaring magpalit. Nanatili naman siya sa labas niyon upang maghintay sa akin.

Maganda ang kasilya, maraming banyo at napakalinis. May iba't ibang halaman na disenyo at napakabango. Napangiti ako sa mga iyon at saka dali-daling nagpalit.

Mula sa mahaba at malaking salamin ay tinitigan ko ang aking sarili nang tuluyang maisuot ang panlangoy. Gano'n na lang kabilis ang kaba sa dibdib ko sa isiping makikita ni Maxrill ang ganitong itsura ko.

Pakiramdam ko ay hinulma ang panlangoy na iyon para sa katawan ko. Hindi iyon hapit na hapit ngunit hindi rin maluwang. Katamtaman ang hapin niyon sa aking katawan. Ang dibdib ko ay lalong binigyan ng korte ang parteng iyon ng damit. Ang kurba ng aking katawan ay mas lumabas dahil sa makintab niyong disenyo. Ang mga hita ko at binti ay lalong nagmukhang mahaba dahil nakalantad ang mga iyon ngayon.

Ni hindi ko matandaan kung may pagkakataon na bang nakapagsuot ako nang nakikita ang hita ko. Pero heto ako ngayon at talagang ang mga karapat-dapat lang ang natatakpan.

Sumubok akong bumalik sa banyo pero muli akong natigilan nang may marinig na magsalita sa labas. Tinig iyon ng lalaki na tinatawag ang pangalan ni Maxrill.

"What's up, Bentley?" tinig iyon ni Maxrill dahilan para humakbang ako papalabas. "What are you doing here?"

"Just having fun. Why are you here?"tugon naman ng tinig ng lalaki.

Kabado kong kinuha ang bag at isinilid doon ang bestida ko. Saka ko kinuha ang panaklong sa sarili na siyang pinakamanipis na telang nahawakan ko, saka iyon ibinalot sa aking katawan.

"I'm with Dai..." natigilan si Maxrill sa pagsasalita nang malingunan ako.

Nang akma nang susulyap sa gawi ko ang Bentley na kausap niya ay tumalikod ako. "Ano...p-pasensya na..." napapikit ako sa kahihiyan.

Kung kay Maxrill pa nga lang ay hindi ko na kayang magpakita sa ganitong suot, lalo pa't may kasama siyang tila magnobya. Hindi lamang ang Bentley na kausap niya ang naroon, may kasama itong magandang babae!

"Dainty, come here," ani Maxrill.

"Hmm, who is she?" naroon ang interes, ang panunukso sa tinig ng tinawag na Bentley.

Lumapit sa akin si Maxrill Won nang walang kasinlalim ang pagkakatitig sa akin. Nakita ko siyang mapalunok dahilan upang hindi ko na mapigilang makagat ang aking labi.

Hindi ko inaasahang kukunin niya ang kamay ko. "This is Dainty Arabelle Gonza, she's my date," pakilala ni Maxrill.

Nakita ko ang pangingilatis sa isang mabilis na sulyap ni Kuya Bentley sa akin. "I'm Dr. Bentley Scott Pendragon," sa tono ng kaniyang pananalita ay mukhang lumaki siya sa ibang bansa.

"Nice to meet you po, kuya," sabi ko nang tanggapin ang kamay niya.

"Kuya, really?" nakangiwing ani Kuya Bentley.

Hala... "Ano po..."

"Anyway, meet my date, Vanilla."Isinenyas ni Kuya Bentley ang babaeng kasama na hindi ko malaman kung bakit natatawa siyang pinalo sa balikat. "Nice to see you," naroon ang nanunukso niyang tingin kay Maxrill Won.

"He's my brother's friend," ani Maxrill sa akin. "Dainty is my...well, she's my..." aniya habang nakatingin sa 'kin, tila nagpipigil ng ngiti habang nangangapa ng sasabihin.

"Girlfriend, huh?"

"No," maagap na sagot ni Maxrill.

"Let's say, I'm single because she's in a relationship."

Nakagat ko ang aking labi. Hindi ko malaman kung ako ba ang tinutukoy niya. Kasi wala naman akong nobyo. Hindi ko naiwasang isipin na si Ate Yaz ang kaniyang tinutukoy.

"Hmm," ani Kuya Bentley. "We'll go ahead. I have to go back to Manila."

"Nice to see you."

"Nice car," nakangising ani Kuya Bentley. "Lucky man," tinapik niya ang balikat ni Maxrill.

"Take care, Bentley and Vanilla," nakangiti ring ani Maxrill saka namin sabay na tinanaw ang paglayo ng dalawa.

"Her name's Cesille and not Vanilla,"natawa si Maxrill. "Bentley's a bigtime playboy. He's naming his girls after ice cream flavours."

Napalunok ako. "Ganoon ba?"

Nakatingin na sa akin si Maxrill nang malingunan ko. "So..." tumikhim siya. "How're you and Rhumzell again?" aniyang lumapit sa 'kin.

Nangunot ang noo ko. "Bakit?"

Hindi ko inaasahang lalapit siya nang sobrang lapit sa akin, halos magkabungguan ang mga katawan namin.

"I wanna know," mahinang aniya, ang mga mata ay hindi inaalis sa aking mukha.

"Ayos naman kami...Maxrill Won."

Napapikit siya saka kinagat ang sariling labi at tumango-tango. "Fucking taken," bulong niya saka ako tinalikuran. "Let's go."

Napabuntong-hininga ako at saka nalilito siyang sinundan ng tingin.

Galit ba siya?

To be continued. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji