CHAPTER 11
CHAPTER 11
NAPATITIG AKO sa mga mata ni Maxrill na nakapako sa akin. Ang mga kamay niya ay ramdam ko sa balat ko sa aking likuran.
Ano ba ang meron sa mga titig niya at nararamdaman ko hanggang kaluluwa? Ayaw ko mang isipin pero pakiramdam ko ay may nababasa ako roong paghanga. Pero sa kabilang banda, kinukwestyon ko ang sarili kung paano siyang hahanga gayong suot ko pa rin ang maskara?
Anong meron sa mga kamay niya at pakiramdam ko, nagawa niya nang hawakan ang puso ko? Wala na akong magamit na salita para maipaliwanag ang nararamdaman ko sa oras na 'to.
Let me be your moon, then.
Pakiramdam ko ay inubos ng mga salitang 'yon ang kakaunti na lang na lakas ko. Nanlambot ang mga tuhod ko, naramdaman ko nang saluhin niya na naman ang bigat ko bago pa 'ko manghina.
"You tired, Wednesday?" pabulong pang dagdag niya, mariin akong napapikit.
Bakit pati 'yong boses niya yata ay gusto ko na? Nag-aalala na ako sa sariling nararamdaman at naiisip. Hindi ko alam kung normal pa ba 'yon, pakiramdam ko ay hindi na.
"Hindi kasi...Wednesday ang pangalan ko,"ngumuso ako.
"You never called my name, too," bulong niya.
Natigilan ako at nag-angat ng tingin. "Ano..."
"Ano?" ginaya niya ang aking tono, natatawa.
Nakagat ko ang aking labi saka napanguso. "Ma..." Hindi ko masabi! "Ano...n-nahihiya ako,"nalukot nang todo ang mukha ko.
"Saan?"
"Sabihin ang pangalan mo."
"Really, why?"
"Kasi..." hindi ako makapagbigay ng dahilan.
"According to Time's Magazine, my name's the most beautiful name on earth."
"'Yong Max—"
"'Yong Moon," ngisi niya.
Ngumuso ako, muntik ko na sanang masabi ang pangalan niya kung hindi niya ako pinangunahan.
"Say my name, Wednesday," malambing na aniya, may kung anong kiliting idinulot sa buo kong sistema.
Nakagat ko ang aking labi. "Nahihiya ako."
Bumuntong-hininga siya. "Call me baby, then."
Nagugulat akong tumitig sa kaniya, nakaawang ang labi, hindi makapaniwala.
Baby...? Nasipsip ko ang laman ng magkabila kong pisngi at paulit-ulit na kinagat 'yon nang walang masabi. Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko, ang init ay lumalabas sa ilong ko. Hindi ko maipaliwanag ang kiliti, hindi na lang sa tiyan mararamdaman iyon kundi sa buo nang katawan.
"Maupo na tayo," pabulong kong tugon, gamit na gamit ang kakaunting lakas ng loob, ngunit hindi na magawang salubungin pa ang mga tingin niya.
Dinig ko siyang bumuntong-hininga. "All right, then."
Hindi ko inaasahang nang alisin niya ang kamay ko sa kaniyang dibdib ay hindi niya na iyon bibitawan. Dahil hindi makapaniwala ay talagang nakatuon ang paningin ko sa magkahawak naming kamay hanggang sa maihatid niya ako sa mesa.
"Hmm?" aniya dahilan para muli akong mag-angat ng tingin.
Napapamaang, napapahiya kong inalis ang tingin sa mga kamay namin. Naagaw ko ang sariling kamay sa kaniya saka naitago ang mga iyon sa likuran ko.
Napalunok ako at saka nag-iwas ng tingin. "Ano..." talagang mas nakakapagsalita ako kapag hindi ako nakatingin sa kaniya. "Salamat sa sayaw...ano..."
"Say my name," pabulong na utos niya.
Napalingon ako sa kaniya at 'ayun na naman 'yong malalim na titig niya. Iyong titig na parang hindi lang mata ko ang nakikita, kundi maging ang aking kaluluwa. At natatakot ako dahil baka kung ano-ano ang kaniyang mabasa. Hindi lang ang hiya ko kundi maging ang tunay kong pagtingin sa kaniya.
"I want to hear you say my name," dagdag niya.
Umawang ang labi ko, hindi makapaniwala. Ang mga titig niyang kanina ay nasa mga mata ko lang, dumapong bigla sa aking labi. Awtomatiko kong naitikom ang aking bibig at napalunok. Umangat ang gilid ng kaniyang labi saka tahimik na natawa. Nalukot ang mukha ko saka napanguso.
Bakit gano'n ang reaksyon niya? Lalo pa akong napanguso dahil sa naisip.
Pero hindi siya natinag, tumayo talaga siya sa harap ko at deretsong tumitig sa 'kin, naghihintay. Sinikap kong salubungin ang mga titig niya at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay gusto ko na lang siyang makasama.
Hindi ko maintindihan. May kung ano sa 'kin na ayaw maghiwalay kami sa gabing iyon. May kung ano sa 'kin na gustong makasama lang siya. May kung ano sa 'kin na gusto pa muling maisayaw siya. May kung ano sa aking nanghihinayang dahil hindi ko pa tinapos ang kanta. May kung ano sa aking nagsisisi dahil natutuliro ako sa harap niya.
Bakit hindi ko masabi ang pangalan niya? Napapikit ako. Iniisip ko pa lang sambitin ang pangalan niya ay kinakabahan na ako. Ano ba ang kakaba-kaba sa pagsambit ng pangalan? Hindi ko maintindihan ang sistema ko basta siya ang may kinalaman.
"You want to go home, Dainty?" pareho naming hindi inaasahan na magsasalita si Rhumzell.
Gayunman ay nanatiling magkalapat ang mga mata namin ni Maxrill. Naghiwalay lang 'yon nang tumabi sa 'kin si Rhumzell. Inihawak niya ang kamay sa balikat ko dahilan para magulat ako at mapalingon doon. Nagtataka kong nilingon si Rhumzell ngunit na kay Maxrill na ang kaniyang paningin. Ngunit nang sulyapan ko si Maxrill ay naroon sa kamay ni Rhumzell sa balikat ko ang mga mata niya.
"I'll take her home," kapagkuwa'y ani Rhumzell.
"Ha?" at nakuha ko pang magulat. Gayong ganoon nga ang idinahilan ko kay Maxrill kanina.
Nagbaba ng tingin sa 'kin si Rhumzell. "Hindi ka pwedeng gabihin."
"Pero..." wala sa sarili na naman akong napasulyap kay Maxrill. Gusto kong bawiin ang tingin ko, gusto kong pigilan ang mga mata kong tingnan siya, pero sobrang hirap.
Tumaas ang kilay ni Maxrill. "What now, Cinderella?" ngumisi siya sa huli.
Nalukot ang mukha ko saka napanguso. "Paano si...Bree?" napapalunok ko pa ring baling kay Rhumzell. "Hindi pa yata sila tapos...ano..."
Nakagat ko ang aking labi. Baka mahulaan nila na gusto ko nang manatili nang dahil si Maxrill. Nadiinan ko ang sariling kuko dahil sa naisip at hiya.
"I'll take her home," bigla ay sabi ni Maxrill.
Umawang ang labi ko at napasulyap sa kaniya. Ihahatid niya si Bree? Nabuhay na naman ang inggit sa dibdib ko. Pero ano ba'ng karapatan kong makaramdam no'n?
"Let's go, Dainty," anyaya ni Rhumzell.
Inakay niya ako ngunit naiwan kay Maxrill ang paningin ko, na ilang segundo pa bago ko iyon naituon sa daan. Hindi ko maintindihan ang panghihinayang sa dibdib ko, ang tindi no'n.
Nagpaalam kami kay Bree. Sa halip na sumama ang loob dahil maiiwan, dumoble pa ang saya niya nang malamang nagpresinta si Maxrill na ihatid siya. Bigla ay gusto niya na ring umuwi. Pero may meeting pa sila pagkatapos ng party at naipagpaalam na namin kay nanay na mauuna talaga akong umuwi.
Hindi ko pa kasi kayang tumagal nang ganoon kagabi. Mabilis mapagod ang katawan ko at madalas ay hinihika ako sa lamig ng gabi.
"Do you like Maxrill?" pabulong na tanong ni Rhumzell nang nasa daan na kami palabas sa parking lot.
Nagugulat ko siyang nilingon, nakakunot ang noo na para bang pambibintang ang tanong nito gayong totoo naman 'yon. Sadyang hindi lang ako makapaniwalang nahalata niya 'yon sa loob ng sandaling magkasama kami.
Bigla ay nag-alala ako kung nakahalata rin ba si Bree. Pero sa naging reaksyon niya nang malamang ihahatid siya ni Maxrill ay mukhang hindi.
"Iba ka kung tumingin sa kaniya," dagdag ni Rhumzell, ang paningin ay nasa malayo.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. Naalalayan niya na ako papasok sa sasakyan ngunit tahimik pa rin ako. Nasa daan na kami pauwi pero tahimik pa rin ako.
"Kaya ba hindi mo ko gusto," mayamaya ay dagdag niya. "Dahil sa kaniya?"
"Ano ba'ng sinasabi mo, Rhumzell?" nautal ako dahilan upang mag-iwas ako ng tingin.
"I'm asking you," mahinahong aniya nang ihinto ang sasakyan sa harap ng aming bahay. Hinarap ako ni Rhumzell. "Do you like...Maxrill Won?"
"Hala..." Wala sa sarili kong natakpan ang aking mukha ng pareho kong kamay.
Mas tumindi ang kaba ko, hindi lang dahil nahulaan niya ang totoo. Maging ang mararamdaman niya ay pinakaba ako. Sa ginawa niyang pag-amin kanina, baka masaktan ko siya kahit wala 'yon sa intensyon ko. Bukod sa natatakot akong baka makarating kay Maxrill ang tungkol dito.
"Do you like him?" dagdag niya nang hindi ako makasagot.
"Ano..." naidiin ko pa ang pagkakatakip sa mukha ko.
Dinig kong bumuntong-hininga si Rhumzell saka hinawakan ang pulsuhan ko. Marahan niyang inalis ang pagkakatakip no'n sa aking mukha. Nasalubong ko ang malungkot niyang mukha at mapait niyang ngiti. Nalukot ang aking mukha, nagbaba ako ng tingin at ngumuso.
"Kaya ba hindi mo 'ko nagustuhan, siya ang gusto mo?"
"Ano..." para akong maiiyak.
"Tell me, Dainty."
Gano'n na lang ang pagkakakuyom ng palad ko sa magkahalong kaba at hiya. "'Wag mo na akong tanungin, Rhumzell," talagang nangilid ang mga luha ko. "Hindi ko kayang sagutin ang tanong mo..." Ngumuso ako upang mapigilang maiyak.
Nagbaba siya ng tingin sa kamay niyang hawak ang pulsuhan ko saka malungkot na ngumiti. "Siguro ay siya na talaga ang gusto mo, noon pa man. Kaya hindi mo ko magustuhan, Dainty."
"Rhumzell..."
"Ito na siguro ang karma ko," marahan siyang natawa. "Hindi ko talaga sinasadya 'yon, Dainty. Sana maniwala kang nagsisisi talaga ako."
"Naniniwala naman ako sa 'yo, Rhumzell,"sinsero kong tugon. "Alam ko naman na mabait ka. 'Yong mga kaibigan mo ang masama kasi dinamay ka nila sa ganyan."
Nag-angat siya ng tingin sa 'kin. "Thank you, Dainty."
"Ano..." Napanguso ako. "Papasok na ako. Salamat sa gabing 'to, Rhumzell."
Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako. Gamit ang dalawang kamay ay maingat kong binuksan ang pinto. Napangiti pa ako nang mabuksan ko nga 'yon.
"Dainty..." pagtawag ni Rhumzell, hinawakan ako sa siko. Dahilan para maisara ko muli ang pinto, napanguso ako.
"Ha?" inosente ko siyang nilingon.
"Manliligaw pa rin ako sa 'yo, ha?"
"Ha?" nagugulat ko nang tugon.
Napangiti siya. "Seryoso ako," talaga ngang seryoso siya.
Napalunok ako. "Ano..."
"Please..."
Nalukot ang mukha ko saka bumuntong-hininga. "Eh, Rhumzell..."
"May gusto ka kay Maxrill?"
Mabilis na nag-init ang mukha ko. "Ano...kasi... Mas gusto kong maging magkaibigan lang tayo...ano..."
"Kasi si Maxrill ang gusto mo?"
Napapikit ako. "Oo..." kabadong pag-amin ko para hindi na niya ipilit ang panliligaw. "Pero sana...ano..." Mas tumindi ang kaba ko. "'Wag mong sasabihin kahit kanino, lalo na kina Maxrill at...Bree," mahina kong nasabi ang pangalan ng kapatid ko. "Ayaw kong magalit ang kapatid ko sa 'kin."
"This may sound ironic but...yeah, you can trust me," pabuntong-hininga niyang sagot.
"Sorry...Rhumzell," sinsero kong sinabi. "Talagang...sinubukan ko," malungkot kong sinabi. Naisip na iyon na ang pagkakataong makausap siya nang ayos. "Pero kasi...h-hindi ko alam na magugustuhan ko nang ganito si Maxrill..." napasimangot ako.
Matagal siyang napatitig sa akin saka bumuntong-hininga. "I understand." Nasapo niya ang sariling noo saka sumandal sa upuan.
"Sorry, Rhumzell..." nag-alala tuloy ako na baka pareho kami ng nararamdaman, naiinggit dahil may ibang gusto ang aming nagugustuhan.
Nakita ko siyang ngumiti ngunit hindi niya ako nilingon. "It's okay, Dainty. It's okay."
"Sana ayos lang sa 'yo na maging magkaibigan tayo, Rhumzell."
"Yeah," bumuntong-hininga siya, ang ngiti ay halatang pilit. Tumango-tango siyang tumingin sa 'kin. "I'll try my best."
Napatitig ako sa kaniya saka bumuntong-hininga. "Papasok na ako, Rhumzell." Tipid akong ngumiti. "Ingat ka pauwi."
"Thank you, Dainty." Madamdamin niyang sabi saka hinaplos ng kamay ang aking pisngi.
Nagbaba ako ng tingin upang bahagyang umiwas. Minsan pa akong ngumiti saka siya tinalikuran at dali-daling lumabas. Hindi ko na siya nilingon. Hindi ko na pinanood ang pag-alis niya. Pumasok na agad ako sa bahay.
"Kumusta ang party?" ngiti ni nanay ang sumalubong sa akin.
Patakbo akong lumapit at yumakap sa kaniya. "Nanay..."
"Oh, ano'ng nangyari?"
"Wala po, 'nay..." hindi ko maipaliwanag ang pagngiti ko. "Isinayaw po ako ni Maxrill, nanay,"mahina kong sabi.
Kumalas si nanay sa pagkakayakap sa akin nakangiti akong inakay palayo, pabalik sa may pintuan.
"Talaga?" sabik na tugon niya.
Magkakasunod akong tumango. "Napakahusay rin po niyang tumugtog ng piano, nanay. Napanood ko po siya. Napakaganda po ng suot niya kanina, mukha siyang mamahaling tao, nanay. Bagay na bagay sa kaniya. Saulo ko pa po lahat ng detalya ng kaniyang suot. Maging kung ilang beses po siyang ngumiti at tumawa."
Nakangiti, natatawang sinapo ni nanay ang mukha ko gamit ang parehong palad. "Masaya ako para sa 'yo, Dainty."
Nakagat ko ang aking labi. "Kaso..." bigla akong napanguso. "Ang tawag po niya sa 'kin ay Wednesday." Lalo pa akong napanguso. "Nang sabihin ko pong kailangan ko nang umuwi ay tinawag niya naman po akong Cinderella." Napabuntong-hininga ako. "Sinabi ko naman po sa kaniyang Dainty ang pangalan ko, nanay."
Napahalakhak si nanay. "Mapagbiro talaga ang batang iyon."
Nalukot ang mukha ko. "Kung gano'n po...biro lang ang lahat ng sinabi niya?"
Nangunot ang noo ni nanay. "Ano ba ang sinabi niya sa 'yo?"
"Ang sabi po niya..." nagawa ko agad balikan sa isip ang sandaling isinayaw niya ako. Maging ang titig niya sa 'kin at pakiramdam niyon ay naalala ko. "Kung takot ako sa dilim ay siya raw po ang magiging buwan ko..." sinabi ko 'yon habang nakatingin sa kung saan, na tila lumalampas dahil para bang nakita ko muli ang mukha ni Maxrill nang sabihin 'yon.
Wala sa sarili akong napalingon sa labas at mula roon ay tinanaw ko ang buwan. Kahit mahirap abutin, malaya kong natititigan. Gabi-gabi ko mang makita, hindi ako nagsasawa.
Isa siyang Moon... Wala sa sarili akong napangiti. Kaysarap titigan, magdamag, habang nandiyan. Na matakpan man ng ulap, muli ring magpapakita. Napalilibutan man ng kumikinang na mga tala, nangingibabaw ang liwanag na siya lang ang nakagagawa.
Dati ay mga bituin ang aking paborito. Na gabi-gabi ay tinitingala ko ito mula sa bintana ng aking kwarto. May minsan pa ngang hiniling kong mapabilang sa mga ito.
Bigla ay naging paborito ko ang buwan. Na para bang natumbasan ng ganda niyon ang aking nararamdaman. Na dati nang nandiyan pero ngayon ko lang nagustuhan.
Narinig ko nang may humintong sasakyan sa labas ng bahay. Nang magbaba ako ng tingin ay mukha na ni Maxrill ang aking nakita.
Natitigilan akong napatitig sa kaniya at napanood siyang lumigid upang buksan ang pinto sa kabilang gawi. Ngunit hindi iyon ang dahilan ng pagkatulala ko. Kundi ang kanta na nagmumula sa sasakyan niya.
I know...I should tell you how I feel
I wish everyone would disappear
Everytime you call me
I'm too scared to be me
And I'm too shy to say
Ooh...I got a crush on you
I hope you feel the way that I do
I get a rush, when I'm with you
Ooh, I've got a crush on you,
A crush on you...
Hindi ko maipaliwanag kung bakit sumasabay sa tono niyon ang pag-alon sa dibdib ko. Ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng ganoon sa kahit anong kanta. Hindi ko malaman kung bakit ba pinupunto ng kantang iyon ang lahat ng nararamdaman ko.
"Salamat, Maxrill!" dinig kong ani Bree. "Gusto mo bang pumasok?"
"No, thank you, mosquito."
"Nakakainis ka naman, e!" nakangusong asik ni Bree. "Sinabi nang Bree ang pangalan ko. Bree Anabelle Gonza!"
Humalakhak si Maxrill, napatitig ako sa mukha niya. "I know."
Napabuntong-hininga ako. Ganoon din ang sinabi niya sa 'kin. Hindi ko maipaliwanag ang kirot na 'yon sa dibdib ko. Nang makitang ngumiti siya kay Bree sa katulad na paraan ng pagngiti niya sa 'kin nang sabihin ang kaparehong linya.
"Babalik ka na ba sa America?"kapagkuwa'y tanong ni Bree.
"Yeah."
Ngumuso ang kapatid ko. "Kelan na naman kita makikita?"
Humalakhak si Maxrill. "Next year? I don't know."
"Hindi ka ba pwedeng umuwi every month?"
"I'm studying, why would I do that?"
"Para makita kita every month!"
"For what?"
"Inspiration? Duh? Alam mo namang love kita!"
Humalakhak si Maxrill. "Of all people, why me? Dude, you're a child."
"Anong child!" gigil na asik ni Bree.
"Mosquito, then."
"Bree nga sabi!" giit ng kapatid ko. "Si Ate Dainty ay magaganda ang tawag mo, tapos ako...ano? Mosquito?"
"Hey, hey, hey. Tsk tsk. Don't do that to me."
Lalong ngumuso si Bree. "Talaga naman! Tinatawag mo siyang Wednesday, Cinderella... Tapos sinabi mo pa na maganda siya kahit mata at labi lang ang nakikita! Akala mo, hindi ako nakakahalata na panay ang banggit mo sa ate ko kanina pa? Hmp!"
Nakagat ko nang todo ang aking labi at napatitig kay Maxrill. 'Ayun na naman 'yong masarap na tila alon na isinasayaw ang puso ko.
"May gusto ka ba sa ate ko?" kapagkuwa'y malungkot na ani Bree.
Ang alon na 'yon sa dibdib ko ay napalitan nang dumagundong ang kaba ko.
Bree...
"Siya ay isinayaw mo samantalang alam mo naman na ako ang may gusto sa 'yo,"napakalakas ng loob ni Bree!
Napailing ako. Paano niya nasasabi ang pagtingin kay Maxrill nang ganoon kaderetsa? Umawang ang labi ko at napatitig sa kapatid ko. Ngunit hindi ko rin kayang hilingin na magkaroon ng ganoong lakas ng loob. Hindi ko kayang ipahayaw kay Maxrill ang nararamdaman ko. Pero ano itong nasa puso ko na naghihintay rin sa sagot niya? Ano itong pakiramdam ko na para bang hinihiling kong sana ay magustuhan ko ang isasagot niya?
"May gusto ka ba kay Ate Dainty, ha, Maxrill?" parang maiiyak na ang tinig ni Bree.
Napapalunok kong tinitigan ang mukha ni Maxrill dahilan para mapanood ko kung paanong mabura ang ngiti sa labi niya. Ang kaninang maningning niyang mga mata ay tumamlay na. Nabuhay ang kaba ko, wala pa man ay parang maiiyak na ako sa isasagot niya.
"I like someone else," mahinang tugon ni Maxrill pero malinaw kong narinig. Natulala siya sa kung saan na para bang inisip ang babaeng nagugustuhan. "I respect your feelings, Bree and thank you for appreciating me." Mapait siyang ngumiti. "I gotta..." natigilan siya nang masalubong ang tingin ko.
Awtomatiko akong nagtago sa likod ni nanay saka doon pinahiran ang mga luhang hindi ko alam na tumulo. Gano'n kabilis na nawala ang mga alon sa aking puso, ang pananabik sa aking maririnig, ang tuwa sa aking mata at pagmamahal sa aking labi.
"I gotta go," hindi ko alam kung sinadya ni Maxrill na mas lakasan ang pagkakasabi niyon. "Good night," dinig ko pang dagdag niya, tila ako talaga ang kausap.
Tumakbo na ako papunta sa kwarto bago pa makapasok si Bree sa bahay. Sinundan ako ni nanay ngunit agad din siyang lumabas nang marinig si Bree na humahagulgol.
Sumandal ako sa likod ng nakaawang na pinto at pinakinggan ang sasabihin ng kapatid ko.
"Si Ate Yaz talaga ang gusto niya, nanay,"umiiyak na ani Bree. "Hindi niya ako gusto, nanay."
"Bree, anak..."
"Bakit ang bait-bait niya sa 'kin? Kahit na tinatawag niya akong lamok ay iniingatan niya ang bawat kilos ko! T'wing titingin siya sa 'kin ay parati siyang nakangiti, parang tuwang-tuwa siya! Pero iba pa rin ang gusto niya, nanay! Si Ate Yaz pa rin!"
Kung kanino ay masarap sa pakiramdam ang alon sa dibdib ko, kabaliktaran na 'yon ngayon. Naroon pa rin ang alon pero sakit na ang dulot niyon. Nalulungkot ako na pareho kami ng nakita ni Bree at pareho naming binigyan ng ibang kahulugan 'yon.
Aaminin kong nagustuhan ko ang lahat ng mga narinig ko mula kay Maxrill kanina. Lahat ng ikinilos niya ay napansin ko, pilit ko mang binalewala o hindi ipinahalata. Aaminin kong lahat nang 'yon ay nagdulot ng kung anong pag-asa sa 'kin. Na hindi man lubos o ganap na magustuhan niya ako, meron akong pag-asa. Pero sa mga narinig ko kay Bree ngayon ay mukhang imposible ang mga naisip at naramdaman ko.
Normal lang lahat sa kaniya 'yon...ako lang ang nagbigay ng sarili kong kahulugan.
Magkaiba kami sa maraming bagay ni Bree. Ni minsan ay hindi ko nakita ang sarili kong ihahayag nang ganoon kaderetso ang nararamdaman ko sa isang tao. Hindi ko kayang deretsahin ito sa mga tanong na may kinalaman sa nararamdaman ko. Ni hindi ko nga matawag si Maxrill sa kaniyang pangalan. Maging ang sambitin nang harapan ang pangalan niya ay kinakabahan ako at nahihiya.
Pero nagkapareho kami ni Bree ng nagugustuhang lalaki. Bukod sa pareho naming inisip na sinsero si Maxrill sa mga ipinakita at sinabi. Iyon pala ay normal lamang iyon dito. Kami ang mali ng pakahulugan sa mga 'yon.
"Ginawa ko naman po lahat, 'nay, e..."mahinahon nang dagdag ni Bree bagaman umiiyak pa rin. "Nagpaganda ako. Nag-aaral po ako nang mabuti at pinaghuhusayan ang pagkanta. Nanamit po ako gaya ng ayon sa nagugustuhan niya. Lahat po ng bandang paborito niya ay pinakikinggan ko, nasaulo ko na ang lahat ng kanta. Lahat po ng pagkaing gusto niya ay pinag-ipunan ko para matikman. Para kapag tinanong niya po uli ako, may maisasagot na 'ko. Pero...hindi pa rin po niya ako gusto, 'nay. Si Ate Yaz pa rin po ang gusto niya."
"Tsk...Bree, anak..." tila walang masabi si nanay. Dinig ko siyang bumuntong-hininga.
"Napakahirap niya pong abutin, 'nay,"umiiyak na ani Bree.
Gumuhit din ang luha sa aking mga mata. Pakiramdam ko ay naisatinig din niya ang nararamdaman ko.
Nailapit ko sa dibdib ang pareho kong kamao na para bang mapipigilan niyon ang kirot sa aking puso. Lumuluha kong tinanaw ang buwan mula sa bintana saka lalong naluha.
"Nasasaktan po ako dahil hindi niya ako kayang mahalin pabalik," umiiyak pa ring sabi ni Bree, napahiran ko ang mga luha ko.
"Ang pagmamahal sa isang tao ay hindi nangangahulugang mamahalin ka rin pabalik, Bree," malalim na tugon ni nanay. "Hindi mo maaaring ipilit ang sarili mo sa lalaking iba ang gusto."
"Pero...'nay..." Umaasa ang tinig ni Bree, panay ang hikbi. "Bakit masaya siya kapag kasama ako? Bakit nakangiti siya sa t'wing tumitingin sa 'kin? Bakit ang bait-bait niya sa 'kin, sa 'tin?"
"Anak," bumuntong-hininga uli si nanay. "Normal na ugali ng mga Moon 'yon. Pero dahil may gusto ka sa kaniya, lahat ng normal niyang ginagawa ay binibigyan mo ng ibang kahulugan. Hindi dahil gusto mo siya at nginitian ka niya ay may gusto na rin siya sa 'yo. Hindi dahil mabait siya ay nasusuklian niya na ang nararamdaman mo."
Nakagat ko ang aking labi. Let me be your moon, then... Natakpan ko ang aking bibig at pinigilan na maiyak. Call me baby, then...Napapikit ako saka pilit na binura sa isip ang mga sinabi ni Maxrill. Hindi niya ako gusto. Normal lang sa kaniya lahat 'yon...
"Minsan, nagmamahal tayo hindi para masuklian pabalik," dagdag ni nanay, muli akong napaluha. "Sadyang iyon ang paraan ng tadhana para maihanda tayo sa taong inilaan niya para sa atin."
Lumuluha akong pumasok sa banyo at naligo. Ayaw ko nang pakinggan pa ang usapan nina nanay, masakit iyon sa ulo at dibdib. Kailangan ko nang kalimutan si Maxrill.
"Ano't nangangalumata ka?" tanong ni nanay nang maaga na naman akong magising kinabukasan. "Natulog ka ba, Dainty?"
"Ano...'nay," suminghot ako. "Opo."
Hinarap niya ako. "May sipon ka pa."
"Malamig po kasi kagabi, 'nay."
"Hindi ka natulog, 'no?"
Nakanguso akong nag-angat ng tingin. "Natulog po," saka ako yumuko. Totoo naman 'yon, umidlip ako at pareho na rin 'yon.
"Magdamag mo sigurong inisip 'yong narinig mong sinabi ni Maxrill?"
"Hindi po, 'nay," iyon na ang kasinungalingan. Nahulaan niya na naman kasi ang nararamdaman ko.
Bumuntong-hininga si nanay. "Maghahatid ako ng pichi-pichi sa kaniya," nakangiti niyang sinabi.
Nag-angat ako ng tingin kay nanay at gano'n na lang kabilis na nangilid ang aking mga luha. Sinubukan kong pigilan pero hindi ako nagtagumpa.
Napayakap ako kay nanay. "Gusto ko po siyang makita, 'nay..." mahina kong sabi. "Gusto ko pong makita si Maxrill. Gusto ko po si Maxrill..."
Sa halip na sumagot ay buntong-hininga lang ang lumabas sa bibig ni nanay. Niyakap niya ako nang mahigpit at ilang saglit lang ay naramdaman ko siyang bahagyang tumawa. Napanguso ako.
"Gusto rin kita para sa kaniya," pabulong na ani nanay.
Nagugulat akong kumalas at napatitig sa kaniya. "'Nay..."
Ngumiti si nanay. "Kahit gaano kaimposible, 'wag ka sanang mawalan ng pag-asa sa kaniya."
"'Nay...gusto rin po siya ni Bree."
Ngumiti si nanay. "Dahil sa itsura. Iba ang nararamdaman mo sa nararamdaman niya. Nagmamahal ka habang siya ay humahanga."
Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. Pero ang sarap no'n sa pakiramdam.
Tinulungan ko si nanay na ihanda ang mga pichi-pichi na dadalhin kay Maxrill. Hindi ko alam kung pagiging makasarili ba na matuwa akong mayroong ensayo sa pagsasayaw si Bree kaya hindi siya makakasama.
Malayo pa lang ay tinanaw ko na ang balkonahe ng kwarto ni Maxrill. Nakaupo siya sa pasemano at deretsong nakasandal sa sementong pader habang naggigitara. Nakatingala siya makulimlim na langit at kumakanta. Nakagat ko ang labi ko nang marinig ang boses niya matapos makalayo ng sinakyan naming traysikel.
Hindi ako makapaniwalang kinakanta niya ang kantang 'yon. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naghahalo ang gulat at masarap na pakiramdam.
Kumakanta, naggigitara siyang nagbaba ng tingin sa amin. Awtomatiko kong natakpan ng mga kamay ang mukha ko. Nang magpatuloy siya sa paggigitara at pagkanta ay bahagya kong pinaghiwalay ang ilang mga daliri ko upang makita siya.
Nakangisi, patuloy siyang kumanta at naggitara, marahan siyang tumayo sa gitna ng balkonahe at tumunghay sa akin.
"You say everything that no one says..."Kinanta niya 'yon nang nakatunghay, nakangiti at deretsong nakatingin sa akin. "I feel everything that you're afraid to feel. I will always want you, I will always love you. I've got a crush..."
Nakagat ko ang aking labi, ang mga palad ay nakatakip pa rin sa mukha. Sa isip ay sinabayan ko ang kantang kinakanta niya.
Nang hindi ko na matagalan ay nagtatakbo ako papunta sa gate, sa gawing hindi niya matatanaw. Saka ko sinenyasan nang sinenyasan si nanay na pumasok na.
"I can still see you, Wednesday," bigla ay ani Maxrill, hindi na kumakanta ngunit tuloy sa pagtugtog ng gitara. "Are you really trying to hide from me...in our house, seriously?"
Napalunok ako. Hala... Nakanguso akong nag-angat ng tingin kay nanay. Natatawa siyang umiling saka tumingala kay Maxrill.
"Nandito na ang pichi-pichi mo," ani nanay saka sumulyap sa 'kin. "Pababa na siya."
Nanlaki ang mga mata ko, nangilabot ang katawan ko sa kaba. "Nanay, doon na lang ako sa labas."
"Ano? Bakit?"
"Nahihiya po ako, 'nay!" naghihisterya kong tugon, panay ang lingon na para bang makikita ko mula sa kinaroroonan ang loob ng mansyon. "Doon na lang ako, 'nay, hihintayin po kita doon."
"Kalokohan mo talaga, Dainty—"
Hindi ko na pinatapos si nanay, nagmadali na akong maglakad papunta sa puno kung saan ako nagtago noon. Mula roon ay nasilip kong lumabas ng mansyon si Maxrill upang salubungin si nanay.
Nanlaki ang mga mata ko nang pumunta siya sa gitna at tinanaw ang dulo ng kalsada. "Wednesday!" sigaw niya.
Nangunot ang noo ko at dali-daling nagtago sa likod ng puno.
Hala...
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong magtago nang ganoon. Pero sadyang wala akong lakas ng loob na harapin siya ngayon.
"Dainty Arabelle!" dagdag sigaw niya dahilan upang matigilan ako at mapasulyap pabalik sa kaniya.
"Maxrill Won..." mahinang sambit ko.
Gano'n na lang ang ngiti ko matapos marinig na isigaw niya ang pangalan ko. Nakagat ko ang aking daliri saka nakangiti siyang pinagmasdan nang palihim.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top