chapter twenty-two
Wynna's POV
Bago pa man tumunog ang alarm clock ko na isinet ko ng ala-siyete ay pinatay ko na iyon. Hindi naman ako masyadong nakatulog. Ang diwa ko ay gising na gising magdamag dahil sa ginawa ni Nathan. Akala ko pa naman ay may nararamdaman pa siya sa akin. Pero nagkamali ako. Gaga lang ako at umasa akong magbabago pa ang pagtingin sa akin ng lalaking iyon. Galit siya sa akin. Iyon lang ang dahilan kung bakit ako nandito at ginagawa niya ang mga pasakit na ipinaparanas niya sa akin.
Hindi na muna ako bumangon at nakiramdam muna. Nandito pa kaya ang mga bisita ni Nathan? Or worse, nandito pa kaya si Paula? Naligo ako at nagbihis bago lumabas ng kuwarto ko. Naabutan ko ang mga basyo ng alak na nakakalat sa sala. Mga pinag-kainan, mga supot ng chips. Napailing na lang ako. Marami-rami pa rin pala akong lilinisin dito bukod pa sa mga naiwan na nakatambak sa kusina.
Inisa-isa kong damputin ang mga basyo ng alak at tumuloy-tuloy ako sa kusina. Muntik ko ng mabitiwan ang mga hawak ko nang maabutan ko kung sino ang naroon. Naabutan ko doon si Nathan na nakaupo sa silya at nakakandong naman sa kanya si Paula. Tanging boxers lang ang suot ni Nathan at si Paula naman ay ang oversized t-shirt ng syota niya. Wala silang pakialam sa nangyayari sa paligid nila. Engrossed na engrossed ang dalawa sa paghahalikan.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Bakit parang kinurot ang puso ko nang makita kong talagang nag-e-enjoy si Nathan sa paghalik kay Paula? Nakapikit siya at dinadama niyang maige iyon. Bakit ako? Parang nandidiri siyang gawin iyon. Shit. Ano ba ang naisip ko? Ang mga advances na ginagawa ni Nathan sa akin ay sinasadya niya para gantihan ako. Pero ang totoo, nandidiri naman talaga siya sa akin dahil pinagsawaan na ako ni Victor.
Pinilit kong huwag makalikha ng ingay habang ibinababa ko sa lababo ang mga hawak kong bote. Ayoko silang maabala sa ginagawa nila. Pero para naman talagang nananadya talaga ang pagkakataon ng biglang tumumba ang isa sa mga boteng ipinatong ko at lumikha ng malakas na ingay. Napahinto silang dalawa sa ginagawa nila at tumingin sa akin. Pero imbes na mahiya dahil sa may nakakita sa kanila, parang proud pa si Paula at ngumiti ng nakakaasar sa akin. Si Nathan naman ay parang nagulat nang makita ako.
"Good morning my dear cousin," bati ni Paula sa akin. Damang-dama ko ang kaplastikan ng boses niya.
"Good morning," tanging sabi ko at inayos ko lang ang mga bote para makaalis na ako dito.
"Did you get laid last night?" tanong niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin. Gusto ko na lang matapos ang ginagawa ko dito at aalis ako.
"You didn't have sex with Sean? He seems to like you a lot. Sinabi na nga namin na drug addict ka and pinagsawaan ka na ni Victor pero he doesn't mind." Umayos pa ng upo si Paula at humarap sa akin pero nanatili siyang nakakandong kay Nathan.
Napahinga na lang ako ng malalim at pinigil ko ang nag-uumalsang galit sa dibdib ko. Hindi na ba matatapos sa pang-iinsulto ang pinsan kong ito?
"Paula," boses ni Nathan ang narinig ko. Tonong nananaway.
"Why? I am just telling her the truth. Ayaw pa ba niya kay Sean? Good catch na 'yun 'no para sa katulad niyang tira-tira na lang. Tingin mo ba may papatol pa sa kanya?" parang nagpapaliwanag pa si Paula kay Nathan at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.
"Pero sabagay, kawawa naman si Sean kung magtitiyaga sa pinagsawaang tulad niya. Well, Victor is very eager to have you again. And I think, mas bagay pa rin silang dalawa. Sean is too good for you. Sayang naman kung masisira lang ang buhay niya sa iyo," hindi na yata matatapos sa pang-iinsulto sa akin si Paula.
"Tapos ka na?" Nakataas ang kilay na sagot ko.
Ngumiti siya ng nakakaloko at lalong yumakap kay Nathan.
"Puwedeng ikuha mo ako ng grapes sa ref? Kanina pa kasi ako nagki–crave doon, eh. I can't move kasi, look o? Si Nathan ayaw akong paalisin sa lap niya," at tumawa pa ito ng malandi.
Doon na ako hindi nakatiis.
"As far as I can remember, kay Nathan lang ako may atraso at hindi sa iyo. Kung meron man akong dapat na pagsilbihan bilang kabayaran sa mga atraso ko, si Nathan iyon at hindi ikaw. Kung gusto mo ng grapes, may paa ka kaya lumakad ka at may kamay ka para makuha mo. Hindi mo ako maid," mataray kong sagot sa kanya. Hindi ko na talaga kayang pagpasensiyahan ang ugali niya. Nakita kong napataas ang kilay ni Nathan at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pilyong ngiti sa labi niya. So he likes this? Kapal ng mukha. He likes women fighting in-front of him? I can't stay here anymore kaya tinalikuran ko na sila pero bumalik din ako dahil may gusto pa akong sabihin kay Paula.
"Don't push yourself too hard, Paula. We both know kung kanino nagpakagago noon ang boyfriend mo," sabi ko sa pinsan ko at binalingan ko si Nathan. "I thought maganda ang taste mo sa babae kasi nagustuhan mo ako," naiiling at natatawa ako sa kanya. "Pero ang magustuhan ang tulad niya?" at inginuso ko si Paula "That's a wrong move. No wonder your mom hates her so much," sabi ko pa.
"Aba't - Drug addict! Magnanakaw! Malandi!" galit na galit na sigaw ni Paula at nagpipilit na makaalpas sa pagkakahawak ni Nathan. "Hindi mo man lang ba ako ipagtatanggol?" parang batang nagsusumbong ang itsura ni Paula.
I rolled my eyes and turned my back at them. Please. Sobrang arte.
"Don't mind her, babe. Alam mo naman ang mga dating addict, minsan, bumabalik ang pagka–praning nila." Boses ni Nathan ang narinig kong nagsalita noon.
Kaya kong tanggapin ang lahat ng pang-iinsulto ni Paula pero ang marinig mismo iyon sa bibig ni Nathan ay parang dinurog ang puso ko. Pinigil ko ang mga luhang sumungaw sa mata ko.
Wala na akong pakialam kahit magalit pa si Nathan dahil umalis ako sa bahay. Nasa usapan namin na hindi ako basta-basta puwedeng umalis hangga't hindi niya alam kung saan ako pupunta. Pero wala siyang magagawa ngayon. Aalis ako sa bahay niya dahil hindi ko kayang magtagal doon kasama ang walanghiya kong pinsan. Baka makalbo ko lang 'yun at idamay ko pa ang lalaking iyon.
"Alam ba ni Nathan na dito ka pupunta?" iyon agad ang bungad sa akin ni Meg nang makita niya akong nakatayo sa harap ng gate nila.
Umiling ako. "Bayaan mo siya kung ano ang isipin niya. Mamaya na lang ako babalik kapag wala na si Paula doon. Baka kung ano ang magawa ko sa babaeng iyon sa sobrang kaartehan niya. Maipulupot ko pa siya kay Nathan tutal iyon naman ang gusto niya. Laging nakabuntot sa lalaking iyon," hindi ko talaga mapigil ang nag-uumalsang galit sa dibdib ko.
Tumaas ang kilay ni Meg at napapangiti na nakatingin sa akin.
"Parang nangangamoy selos," natatawang sabi niya.
"Selos? Excuse me. Nabubuwisit lang ako sa kanila. They are kissing in front of me. Hindi na sila nahiya."
Lalo ng natawa si Meg sa narinig na sinabi ko.
"Huwag mo ng i-deny. Obvious na obvious ka na nagseselos ka. Why? You like Nathan now?"
Umiling ako. "Hindi ako nagseselos. Naiinis lang ako." Pagtatama ko. "Gusto ko lang na matapos na ang paghihiganti niya ng makauwi na ako sa amin. Kung gusto niya ng sex aba ibibigay ko sa kanya ng matigil na siya. Kapag nakaipon na sila kuya ng pambayad sa kanya matatapos na rin ang kabaliwan ng lalaking iyon," mahabang litanya ko. Gusto ko talagang tirisin si Paula kapag naaalala ko ang mukha niya.
Tawang-tawa talaga si Meg sa reaksyon ko.
"Okay, okay. Sige. Iyon ang paniniwalaan ko. Hindi ka nagseselos at wala kang gusto sa kanya tapos," halatang hindi kumbinsido si Meg sa sinabi ko.
Saglit akong napatahimik at naisip ko ang sinasabi ni Meg.
"Do I really sound that I am jealous?" nakangiwing tanong ko.
"Yung totoo?" nakangiting sabi niya tapos ay tumango. "Oo."
"What? But I don't even like that guy!"
"Are you sure you don't like him? Wyn, you are just telling that to yourself pero iba ang sinasabi ng katawan mo. Iba ang reaksyon mo. I am telling you, even if you tell yourself that you don't like Nate, ibubuko ka ng sarili mo."
Napahinga ako ng malalim
"Look, you both have history. May gusto siya sa iyo noon and maybe hanggang ngayon."
Umiling ako. "Malabo 'yang sinasabi mo. He is just doing this para makaganti sa akin. Pinagsisisihan ko naman ang mga nagawa ko sa kanya. I was young, I was stupid and did some stupid things hindi lang sa kanya." Napahinga ako ng malalim.
Pareho kaming napatingin sa telepono ni Meg na nagri-ring. Natawa si Meg at ipinakita sa akin ang pangalan ng naka-register na caller.
Nathan Arevalo calling...
"Pustahan tayo, hahanapin ka nito sa akin. I'll put it on speaker," bago ko pa maawat si Meg na sagutin niya ang telepono ay napindot na niya ang talk button at speaker.
"Meg?" buong-buo ang boses ni Nathan.
"Hi, Nate. Anything I can do for you?" kumindat pa sa akin si Meg at pinipigil na mapatawa.
Narinig namin na napa-ehem si Nathan bago nagsalita.
"I am just going to ask if magkasama kayo ni Wynna?"
Tumawa ng walang tunog si Meg kaya natatawa din ako. Kahit paano ay kinikilig ako kasi hinahanap din naman pala ako ng kulugo na 'to. Nagtatanong ang tingin sa akin ni Meg at umiling ako sa kanya.
"Sabihin mo wala ako dito," bulong ko kay Meg. Kumunot ang noo niya sa akin. Parang hindi kumporme sa sinabi ko. Sunod-sunod lang ang iling ko.
"Hindi, eh. Bakit? Umalis ba siya?"
"Umalis kasi siya a few hours ago. I thought she is just going to buy something outside. But it's been two hours pero hindi pa siya bumabalik. She is not even answering her phone." Sabi pa ni Nathan.
Umirap lang ako. As if naman na concern siya kung umalis man ako sa bahay niya.
"Talaga? Sige subukan kong tawagan tapos sabihin ko na tawagan ka." Napakagat-labi pa si Meg sa pagpipigil na matawa.
"Yes, please. Please tell her to call me. Thanks, Meg."
Kanina pa nag-end ang tawag ni Nathan pero hindi mawala ang ngiti sa labi ni Meg.
"What? Walang nakakatawa," pinipigil ko ang sarili kong matawa din.
"Now tell me kung wala na siyang gusto sa iyo. Nag-aalala si gago. Sagutin mo na ang tawag," inginuso ni Meg ang telepono ko na tumutunog ngayon. Tiningnan ko at si Nathan ang tumatawag. Kinancel ko ang tawag niya at ini-off ko ang phone ko.
"Pabayaan mo siya. Impakto siya. Magpakasasa siya sa syota niyang sawa. Penge ngang beer," tumayo na ako at dire-diretsong tinungo ang ref ni Meg.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top